4
1 Student Worksheet Baptismal Class TUBIG BAUTISMO: KAHULUGAN, KAPAMARAANAN AT KAHALAGAHAN ng isa sa unang hakbang na dapat gawin ng isang bagong mananampalataya bilang tagasunod ni Jesus ay ang sundin ang utos ni Jesus na magpabautismo. Bago siya bautismuhan, kailangang maunawaan muna niya ang kahulugan at kapamaraanan at kahalagahan ng bautismo. Suriin natin ang Salita ng Diyos at pag-aralan natin ang tunay na kahulugan ng bautismong Cristiano. A KAHULUGAN Ang BAUTISMO ay simbolo ng pakikiisa ng isang mananampalataya sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo. Ito rin ay panlabas na pagpapakita ng pagsunod natin sa Kanya at bilang katunayan ng . Ang paglubog sa tubig ay larawan o simbolo ng kamatayan ni Cristo at ang pag-ahon mula sa tubig ay larawan o simbolo naman ng muling pagkabuhay ni Cristo. 1. Basahin ang 1 Juan 1:7. Kailangan muna nating itama ang ilang maling kaisipan tungkol sa bautismo. Ang bautismo ba ang nakahugas ng kasalanan? HINDI. Sa sandali tayong tumanggap at sumampalataya kay Jesus para maligtas, nilinis ng dugo ni Jesus ang lahat ng ating __________________ . Paliwanag: Ang bautismo ay walang kapangyarihan na makahugas ng mga kasalanan. Tayo’y hinuhugasan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng ating pananampalataya kay Jesus, hindi sa pamamagitan ng bautismo. 2. Basahin ang Efeso 2:8-9. Naligtas ba tayo sa pamamagitan ng bautismo? HINDI. Ayon sa talatang 8, naligtas tayo mula sa kaparusahan at kapangyarihan ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating _____________________ kay Cristo. Paliwanag: Hindi tayo naligtas sa pamamagitan ng bautismo. Makakamit lamang ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus. Kung hindi tayo dapat bautismuhan upang magkaroon ng kaligtasan, bakit pa tayo dapat mabautismuhan ?

Baptismal Class 2015_student Worksheet

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Student Studies

Citation preview

Page 1: Baptismal Class 2015_student Worksheet

1

Student WorksheetBaptismal Class TUBIG BAUTISMO: KAHULUGAN, KAPAMARAANAN AT KAHALAGAHAN

ng isa sa unang hakbang na dapat gawin ng isang bagong mananampalataya bilang tagasunod ni Jesus ay ang sundin ang utos ni Jesus na magpabautismo. Bago siya bautismuhan, kailangang

maunawaan muna niya ang kahulugan at kapamaraanan at kahalagahan ng bautismo. Suriin natin ang Salita ng Diyos at pag-aralan natin ang tunay na kahulugan ng bautismong Cristiano.

AKAHULUGAN

Ang BAUTISMO ay simbolo ng pakikiisa ng isang mananampalataya sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo. Ito rin ay panlabas na pagpapakita ng pagsunod natin sa Kanya at bilang katunayan ng . Ang paglubog sa tubig ay larawan o simbolo ng kamatayan ni Cristo at ang pag-ahon mula sa tubig ay larawan o simbolo naman ng muling pagkabuhay ni Cristo.

1. Basahin ang 1 Juan 1:7. Kailangan muna nating itama ang ilang maling kaisipan tungkol sa bautismo. Ang bautismo ba ang nakahugas ng kasalanan? HINDI. Sa sandali tayong tumanggap at sumampalataya kay Jesus para maligtas, nilinis ng dugo ni Jesus ang lahat ng ating __________________ .

Paliwanag: Ang bautismo ay walang kapangyarihan na makahugas ng mga kasalanan. Tayo’y hinuhugasan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng ating pananampalataya kay Jesus, hindi sa pamamagitan ng bautismo.

2. Basahin ang Efeso 2:8-9. Naligtas ba tayo sa pamamagitan ng bautismo? HINDI. Ayon sa talatang 8, naligtas tayo mula sa kaparusahan at kapangyarihan ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating _____________________ kay Cristo.

Paliwanag: Hindi tayo naligtas sa pamamagitan ng bautismo. Makakamit lamang ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus. Kung hindi tayo dapat bautismuhan upang magkaroon ng kaligtasan, bakit pa tayo dapat mabautismuhan ?

KAHALAGAHAN

3. Dapat tayong mabautismuhan dahil sa ito ay inutos ni Jesus. Basahin ang Mateo 28 :19-20. Ano ang iniutos ni Jesus na gawin ng bawat mananampalataya ?

a) Humayo kayo at gawin ninyong _______________ ko ang lahat ng bansa.

b) __________________ ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

k) Turuang __________________ sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo.

Paliwanag: Ang pagpapabautismo ay hindi iniutos ng iglesya o lider ng relihiyon, kundi ito ay iniutos ni Jesus mismo. Ang bautismo ay hindi kailangan para sa kaligtasan sapagkat naligtas tayo sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, ngunit ang bautismo ay kailangan sa pagsunod kay Jesus. Sa mahalagang

Page 2: Baptismal Class 2015_student Worksheet

2

utos na ito ay sinabihan ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod na gawing alagad ang mga tao bago sila bautismuhan.

4. Dapat tayong mabautismuhan dahil sa halimbawa ni Jesus. Basahin ang Mateo 3 :13-17. a) Ayon sa talatang 13, sino ang nagbautismo kay Jesus? ________ b) Ayon sa talatang 15, binautismuhan si Jesus upang matupad ang ________________. k) Ayon sa talatang 17, noong umahon sa tubig si Jesus, nagsalita ang Diyos mula sa langit at sinabi : ’’Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong __________________ .’’

Paliwanag : Sa mga talatang ito ay natutuhan natin na : a) Si Jesus ay nagbigay sa atin ng halimbawa nang Siya ay binautismuhan. b) Makasalanan ba si Jesus ? HINDI. Si Jesus ay nagpabautismo upang sundin ang kalooban ng Diyos – hindi upang mahugasan ang Kanyang kasalanan. k) Si Jesus ay mga tatlumpong taong gulang nang mabautismuhan. d) Si Jesus ay nilubog sa tubig sa ilog Jordan. e) Ang Diyos Ama ay nagagalak sa masunuring Anak.

5. Dapat tayong mabautismuhan dahil sa halimbawa ng mga unang alagad ni Jesus. Basahin ang Mga Gawa 2 :41. ‘’Kaya’t ang mga naniwala sa kanyang sinabi ay ________________ at nadagdag sa kanila ang may 3, 000 tao nang araw na iyon.’’

Paliwanag : Nangaral si Pedro at marami ang nagtiwala kay Cristo Jesus upang maligtas. Ang lahat ng mga naniwala ay binautismuhan at napadagdag sa pangkat ng mga mananampalataya – naging kaanib ng Iglesyang lokal. Mahalagang makitang ang pagkakasunod-sunod ay laging ganoon – pananampalataya kay Jesus upang maligtas at pagkatapos ay bautismo. Ang Biblia ay nagsasabi sa atin na ang bautismo ay para sa mga mananampalatayang sapat ang gulang – doon sa mga nakakaunawa ng kahulugan ng sariling karanasang personal kay Jesus. Walang tinuturo ang Biblia tungkol sa isang sanggol na binautismuhan.

6. Basahin ang Mga Gawa 8 :12. Nang ipangaral ni Felipe ang Mabuting Balita tungkol kay Jesus, sila’y ________________ at ____________________ - lalaki at babae.

Paliwanag : Pansinin natin ang pagkakasunod-sunod : Una, napakinggan ng mga tao ang mabuting balita tungkol kay Jesus. Pangalawa , sumampalataya sila kay Jesus para maligtas. Pangatlo, nagpabautismo sila. Sa Biblia ang pagkakasunod-sunod ay laging ganoon. Nauna ang pananampalataya kay Jesus sa bautismo.

7. Basahin ang Mga Gawa 8 :26-39. a) Ayon sa talatang 38, pagkatapos sumampalataya ang pinunong taga-Ethiopia kay Jesus, ________________ siya ni Felipe. b) Ayon sa talatang 39, ano ang nadama ng pinuno pagkatapos niyang mabautismuhan? _____________________.

Paliwanag: Ang pinunong taga-Ethiopia ay matanda na nang mabautismuhan. Napakinggan niya ang mabuting balita tungkol kay Jesus. Sumampalataya siya kay Jesus at nabautismuhan. Sa Bibliya ang pagkakasunod-sunod ay laging ganoon.

Page 3: Baptismal Class 2015_student Worksheet

3

8. Basahin ang Mateo 10:32-33. Sinabi ni Jesus, ‘’Ang sinumang _______________ sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang ______________ sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.“

Paliwanag: Ang isang maayos na pamilya ay hindi nahihiyang magpakilala bilang bahagi ng pamilyang iyon. Ipinapahayag ng bautismo sa buong mundo na, ‘’Ako’y hindi nahihiyang sumunod kay Jesus sa bautismo at maging kapamilya ng Diyos.“ Tulad ng isang singsing pangkasal, ang bautismo ay isang biswal na paalaala ng isang pangakong ginawa mo sa iyong puso. Kung ikaw ay hindi nahihiya kay Jesus, hindi mo hahayaang takutin ng iba na huwag sumunod sa mga tinuturo ni Jesus tungkol sa bautismo o anupamang bagay. Pinagpapala ng Panginoon ang mga sumusunod sa Kanya.

KAPAMARAANAN

Ang bautismo sa Bagong Tipan ay isinasagawa sa iisang kapamaraanan lamang: PAGLUBOG SA TUBIG. Ito ay sa kadahilanang ang ginamit sa orihinal na wikang Griyego ay “bαptidzō” na ang ibig sabihin ay “lubog.” Tingnan ang Marcos 1:9-10.

Ito ay salungat sa katuruan ng simbahang Katoliko na “buhos” (pouring) at ibang grupo na “wisik” (sprinkling). Ang mga ito ay hindi kaylan man itinuro sa Bibliya.

PAGBABALIK-TANAW:

1. Ano ang kahulugan ng bautismo?

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ .

2. Ano ang kapamaraanan ng bautismong kristiyano?

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ .

3. Nakapagliligtas ba ang bautismo? Bakit?

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ .