Bi V I N SAMPUNG PINAKAMAHIHIRAP NA PROBINSYA …mmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1-Issue-3_PART … · ng Department of Agriculture (DA) ang ... at katatagan ng rehiyon,

Embed Size (px)

Citation preview

  • SETYEMBRE 1-15, 2016

    14 Balita Volume 1 Issue Number 3

    KASAMA sa mga programa ng Department of Agriculture (DA) ang Special Area for Agriculture Development o SAAD kung saan ay mas bibigyan ng pansin ang 10 sa pinakamahihirap na probinsya sa ating bansa na tinukoy ng Philippine Statistics Authority bilang ang mga sumusunod: Lanao del Sur (67.3 percent), Eastern Samar (55.4), Apayao (54.7), Maguindanao (54.5), Zamboanga del Norte (48), Sarangani (46), North Cotabato (44.8), Negros Oriental (43.9), and Northern and Western Samar (both with 43.5 percent).

    Ang SAAD ay kasama sa mga prayoridad na programa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan hinahangad niya ang pagtaas ng produksyon at kita ng mga magsasaka, puksain ang kahirapan at mabigyan din ng solusyon ang problema sa malnutrisyon.

    Para masimulan ang SAAD, gumawa ng plano si Agriculture Secretary Emmanuel Manny Piol para matutukan ang mga nabanggit na probinsya. Bago pa man opisyal na maupo bilang kalihim, ipinahayag na niya ang kagustuhang maipatupad ang mga programa ni Pangulong Duterte na tututok sa mga problema ng mga magsasaka.

    A SAAD project management team, composed of technical people from the DA and the province, will be established to identify the problems confronting the area and find solutions, pahayag ni Sec. Piol.

    SAMPUNG PINAKAMAHIHIRAP NA PROBINSYA TUTUTUKAN NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE

    Noong nakaraang Agosto, bumisita ang kalihim sa Apayao upang mailatag sa mga tagaroon ang mga plano ng kanyang departamento.

    Ang Apayao ay may mahigit na 35,000 hectares na lupa para sa produksyon ng bigas, mais, cassava, saging, kape, lansones, rambutan, lychee at durian. Naglaan si Sec. Piol ng P100 million para sa nasabing probinsya.

    Ayon sa kanya, gagamitin ang naunang P50 milyon sa buwan ng Agosto hanggang Disyembre, at ang kalahati pang P50 milyon ay para sa unang semestre ng susunod na taon.

    Sa kasalukuyan, nagpakalat na ang Department of Agriculture ng mga tauhan para tingnan ang kalagayan at mapag-aralan kung alin ang mga uunahing bayan sa mga nabanggit na probinsya.

    Naglabas na rin ng P100 milyon ang departamento para sa Samar, Northern Samar at Eastern Samar kung saan sinasabing may pinakamagandang kalidad ng lupa para magtanim.

    "The Department of Agricultures target is to reduce Northern Samars poverty incidence by 25% by the end of 2019, pahayag ni Piol sa kanyang isang Faceboook status.

    Isinaad din niya na mahigit pa sa P1 bilyon ang kanilang kailangan para sa tatlong probinsya sa Samar para mabigyan ang mga magsasaka roon ng tulong at benepisyo.

    We all agreed that the focus of the SAAD would be on livelihood projects in agriculture and fisheries and in a family-based

    agroforestry program where the poor would immediately be able to earn money, pahayag pa ng kalihim.

    Ang inilaan na pondo sa SAAD ay gagamitin din upang maturuan ang mga magsasaka ng makabagong teknolohiya sa pagpapataas ng kanilang produksyon at ani.

    Ayon kay Sec. Piol, lahat ito ay maisasakatuparan kung makikipag-ugnayan ang bawat pinuno ng mga probinsya at isasantabi muna ang hindi pagkakaintindihan sa pulitika. I hope they set aside political differences and cooperate because if not, President Duterte will always find a way to reach out to the poorest Filipinos to lift them out of the sad state they are in right now.

    Batay sa statistics nitong July 2016, sa halos 805 milyong katao na nakararanas ng kahirapan sa buong mundo, 526 milyon ay mula sa Asya, o 65% ng bilang na nabanggit. Malaking bahagi naman nito ang mula sa Pilipinas.

    Nakalulungkot isipin ayon kay Sec. Piol na kung sino pa ang lumilikha ng makakain natin sa araw-araw ay sila pa ang naghihirap. "The poorest people in our society today are the farmers and the fishermen. Did it come into our mind if the fishermen have their own banca? Do our farmers have food to feed themselves? So, the bottom line is actually food production. But at the same time, we have to make sure that as food producers, they are also lifted out of poverty."

    Ni PATRISHA BAGALSO

    Agriculture Secretary MANNY PIOL

    PILIPINAS ang may pinakamasamang pampublikong imprastraktura sa parteng ito ng mundo. Pinakapangit ang sea port. Pinakapangit ang roads at bridges. Maging ang internet, pinakamabagal din among the ASEAN 5. Ito ang mariing pahayag ni Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno nang makapanayam ng Mula sa Masa Para sa Masa. Ayon sa kalihim, kung gusto talaga ng Pilipinas na makaangat at hindi mahuli sa iba pang bansang bumubuo sa ASEAN 5Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailandkailangang bigyang-pansin ng ating bansa ang mga pampublikong imprastraktura.

    Ang mga pampublikong imprastraktura, maging economic infrastructures man (tulad ng railways, highways, roads, dams, irrigation facilities, telecommunications at iba pa) o social infrastructures (tulad ng paaralan, ospital, terminal, park, at iba pa), ay napatunayan na ng ilang pag-aaral na kritikal para sa matibay na pundasyon ng kahit anong modernong ekonomiya.

    Kung ang simpleng pagpapatayo pa lamang ng mga kalsadang magdurugtong sa mga liblib na lugar patungo sa siyudad ay makatutulong na upang mapadali ang access sa mas maraming employment opportunities, markets at healthcare services, paano pa kaya kung sa mas malalaki at mas epektibong infrastructure projects pa mag-i-invest ang gobyerno? Idagdag pa rito ang mga direktang trabaho na nabubuksan dahil sa mismong pagtatayo ng mga proyekto, tunay na malaki ang ginagampanang papel ng infrastructure projects para matupad ang social and economic goals ng isang bansa.

    Dahil dito, P860.7 bilyon ang inilaan ng DBM para sa mga pampublikong imprastraktura sa 2017 Proposed National Budget. Mas mataas ito ng 13.8 percent kaysa sa nakaraang taon. Tiwala ang departamento na papasok na ang Pilipinas sa Golden Age of Infrastructure. Ilan sa mga naturang infrastructure projects

    Pilipinas papasok na sa Golden Age of Infrastructure

    na ipinagpapatuloy o planong itayo ng administrasyon para sa golden age na ito ay ang mga sumusunod:

    1. MINDANAO LOGISTICS INFRASTRUCTURE NETWORK

    Palalawigin ng proyekto ang mga kalsadang nag-uugnay sa key ports at iba pang production areas sa Mindanao upang mapababa ang logistic costs at maging mas accessible ang Mindanao sa air travel, turista at iba pang commodities.

    2. NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT (NAIA) EXPRESSWAY

    Binuksan na sa publiko ang isang bahagi ng expressway na nagdurugtong sa Macapagal Boulevard at NAIA Terminals 1 and 2 hatinggabi noong Sept. 22, 2016.

    Ang average travel time na 24.3 minutes mula sa South Luzon Expressway hanggang sa NAIA Terminal 1 ay inaasahang magiging 8.2 minutes na lang.

    Ang Phase II ng proyekto na magdurugtong sa NAIA Terminal 1 at Terminal 3 ay maaring magbukas bago matapos ang taon.

    3. BUS RAPID TRANSIT (BRT) PROJECTS

    Ang Bus Rapid Transit System ay specialized form of mass transportation kung saan ang mga bus ay magkakaroon ng exclusive lanes at stations.

    Sa tatlong proposed BRT, ang isa ay tatakbo mula Manila City Hall hanggang Quezon City Memorial Circle; ang pangalawa ay tatakbo sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA), Ayala Avenue, Ortigas Avenue, Bonifacio Global City sa Taguig at Ninoy Aquino International Airport (NAIA); at ang pangatlo ay sa C-5 corridor line na magdurugtong sa Commonwealth area at South Luzon Expressway (SLEX).

    Balak ding ituloy o palakasin ang Pasig Ferry Project, Bicol International Airport Development Project, MRT 3 Common Station, Clark Improvement Program, North Rail and South Rail projects, at iba pang mga proyekto na sasagot sa problema sa trapiko at kakulangan sa imprastraktura ng bansa.

    Ni MICH NABRE

    Phot

    o b

    y Ri

    co Ib

    arra

  • 15BalitaVolume 1 Issue Number 3

    ANG Association of Southeast Asian Nations o ASEAN ay samahan ng 10 bansa sa Timog-Silangang Asya na kinabibilangan ng Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao Peoples Democratic Republic, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam. Nagkakaisa ang mga bansang ito para mapanatili ang seguridad at katatagan ng rehiyon, mapanatili ang kapayapaan at kasaganaan at mapabuti ang pamumuhay ng kani-kanilang mga mamamayan.

    ANG PAGKAKATATAG NG ASEAN

    Naitatag ang ASEAN sa bisa ng dokumentong pinirmahan ng limang foreign ministers sa Bangkok, Thailand noong Agosto 8, 1967. Ang limang lider ay kinabibilangan nina Adam Malik (Presidium Minister of Foreign Affairs ng Indonesia), Narciso Ramos (Secretary of Foreign Affairs ng Pilipinas), Tun Abdul Razak (Deputy Prime Minister of National Development ng Malaysia), S. Rajaratnam (Minister of Foreign Affairs ng Singapore) at Thanat Khoman (Minister of Foreign Affairs ng Thailand). Sila ang tinaguriang "founding fathers" ng pinakamatagumpay na inter-governmental organization sa developing world sa kasalukuyan.

    Ang Vietnam ay naging kasapi noong Hulyo 28, 1995, Laos at Myanmar noong Hulyo 23, 1997, at Brunei Darussalam noong Enero 7, 1984. Ang Cambodia ang naging ikasampung miyembro noong Abril 30, 1999.

    ASEAN DECLARATIONAng ASEAN Declaration

    ay maikli at simpleng dokumento lamang na naglalaman ng limang artikulo. Nakapaloob dito ang deklarasyon sa pagkakatatag ng ASEAN at ang mga layunin ng asosasyon tungkol sa kooperasyon sa ekonomiya, panlipunan, kultura,

    teknikal, edukasyon at iba pang larangan. Nakasaad din sa dokumento ang pagpapalaganap sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon sa pamamagitan ng pagrespeto sa hustisya at pagsunod sa batas batay sa mga prinsipyo ng United Nations Charter.

    POLITICAL ACHIEVEMENTS

    Nag-isyu ang ASEAN ng Zone of Peace, Freedom and Neutrality (ZOPFAN), isang deklarasyong pinirmahan ng foreign ministers ng mga miyembro ng ASEAN noong Nobyembre 27, 1971 sa Kuala Lumpur. Nakapaloob dito na dapat ipabatid ng mga partido sa publiko ang kanilang intensyon para mapanatili ang kapayapaan at mapalawak ang kooperasyon sa mga kasapi.

    Noong Pebrero 24, 1976 ay ginanap sa Bali, Indonesia ang First ASEAN Summit kung saan pinirmahan ng mga lider ng ASEAN ang Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia. Nakapaloob sa kasunduan ang pagpapanatili sa kaayusan, magandang relasyon at pagkakaisa ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Nag-isyu rin ng Declaration of ASEAN Concord na naglalaman ng code of conduct bilang gabay sa internasyunal na relasyon ng mga bansa base sa napagkasunduan. Ang deklarasyon ay nagdulot ng mas malawak at masiglang kooperasyon sa mga aspetong pampulitika, pang-

    ekonomiya, at panlipunan ng mga bansang kabilang sa ASEAN.

    ASEAN SECRETARIATSa parehong petsa,

    napagdesisyunan din na itatag ang ASEAN Secretariat. Ito ay pinamumunuan ng isang Secretary-General na pinipili sa pamamagitan ng rotasyon ng mga miyembro nito at may tatlong taong termino. Tungkulin ng ASEAN Secretariat na maging sentro ng koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng mga komite, pamahalaan at iba pang organisasyon ng ASEAN; at para mas maging epektibo ang pagpapatupad ng mga proyekto at aktibidad ng asosasyon. Ang Secretariat ay nakabase sa Department of Foreign Affairs sa Jakarta, Indonesia.

    SUSI SA KAPAYAPAAN SA REHIYON

    Noong Disyembre 15, 1995 ginanap ang Fifth ASEAN Summit sa Bangkok kung saan pinirmahan ng mga lider ng Southeast Asian countries ang Southeast Asian Nuclear-Weapon-Free Zone Treaty (SEANWFZ) o Bangkok Treaty. Nakasaad dito na hindi sila maaaring gumawa, magmay-ari, o gumamit ng mga nuclear weapon. Ito ang maituturing na pinakamahalagang kontribusyon ng asosasyon para mapanatili ang kapayapaan, kalayaan, at pagiging neutral ng mga bansa. Naging

    matagumpay ang ASEAN sa pagpapahupa ng tensyon sa rehiyon at sa pagpapanatili ng kaayusan. Naaagapan din ang mga umuusbong na kaguluhan sa pagitan ng mga bansang kasapi nito.

    EAST TIMOR POSIBLENG MAGING MIYEMBRO

    Inaasahan na ang East Timor ay magiging handa na sa pagpasok sa ASEAN bilang ika-11 na miyembro nito sa susunod na taon. Inianunsyo ni Indonesian Ambassador to ASEAN Rahmat Pramono na dumaan na ang East Timor sa pagsusuri sa kwalipikasyon at nabigyang-diin nito ang tatlong mahahalagang haligipulitikal at seguridad, ekonomiya at socio-culturalat ang pagpapasa ng mga requirement ay halos kumpleto na.

    ANG 29TH ASEAN SUMMIT

    Nito lamang Setyembre 7, 2016 ay idinaos ang 29th ASEAN Summit sa Lao PDR sa National Convention Center sa Vientiane. Dinaluhan ito ng nakaupong chairman ng ASEAN na si H.E. Thongloun Sisoulith, Prime Minister ng Lao PDR kasama ang ASEAN Heads of State/Government, Secretary-General ng ASEAN at mga delegasyon.

    Binalikan at sinuri ng mga lider kung napaigting ang kooperasyon sa pagitan ng ASEAN at ang Dialogue Partner at External Parties nito sa loob ng nakalipas na taon. Binalangkas din nila ang direksyon ng ASEAN

    sa mga susunod pa nitong taon. Sinang-ayunan ng mga lider na bigyang-diin ang kooperasyon ng ASEAN sa Dialogue Partners nito at External Parties sa pamamagitan ng ASEAN-led mechanisms na tinatawag na ASEAN Plus One, ASEAN Plus Three, ASEAN Regional Forum, ASEAN Defense Ministers Meeting Plus, at East Asia Summit.

    Nagpalitan din ng kanya-kanyang pananaw ang mga lider ng ASEAN patungkol sa rehiyunal at internasyunal na mga isyu kasama ang tradisyunal at hindi tradisyunal na pagsubok sa seguridad gaya ng terorismo at pananamantala ng mga malalaking bansa, natural disasters, climate change, irregular migration, human trafficking, territorial disputes, maritime security and safety, armed conflicts, transnational crime, at pag-unlad sa iba't ibang rehiyon na kinabibilangan ng Middle East, Korean Peninsula, South China Sea, at iba pa.

    Sa susunod na dekada, bibigyang-pansin ng ASEAN ang development at promosyon sa micro small at medium-sized enterprises (MSMEs). Yayakapin din ng ASEAN ang pag-unlad ng digital technology bilang leverage para mapaunlad ang kalakalan at investments, makapagbigay ng e-based business platform, maitaguyod ang mabuting pamamahala, at mapangasiwaan ang paggamit ng green technology.

    Ipinakita ng ASEAN sa mga partner nito at sa buong mundo na ito ay determinado sa pagpapanatili ng kanilang tungkulin kaalinsabay ng mga suliraning nakaaapekto sa kapayapaan, seguridad, at katatagan ng Timog-Silangang Asya. Ibig sabihin, ang ASEAN bilang rehiyon ay may dedikasyon at handa sa pakikipatulungan sa mga miyembro at kaalyado nito para maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga tao, maisaayos ang mga papausbong na isyu sa mga bansa at maging solido ang kapayapaan sa buong mundo para sa mga susunod pang henerasyon.

    ANG ASEAN BILANG SUSI SA PAG-UNLAD AT KAPAYAPAAN SA REHIYONNi KATHERINA A. DELGADO

    Lathalain

    Ang kauna-unahang ASEAN meeting.

  • SETYEMBRE 1-15, 2016

    16 Balita Volume 1 Issue Number 3Lathalain

    NATIKMAN na ba ninyo ang Kopiko Instant Coffee o ang Kopiko 78? Nakakain na ba kayo ng Oreo biscuit, Fres Candy, Kopiko Candy at Energen Nutritious Milk and Cereal, o di kaya ay nasubukan nyo na ring uminom ng Extra Joss Energy Drink? Sa aking palagay, lahat tayo ay natikman na ang mga produktong ito. O, kung hindi man ay atin ng nakita sa naglalakihang supermarket sa ating bansa.

    Ang mga produktong katulad ng cooking oil, instant coffee, instant noodles at biscuits na ating kinukonsumo araw-araw ay nagmula sa Indonesia.

    Pero hindi lamang Indonesia ang pinanggagalingan ng mga produktong ating pinapakinabangan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang

    Ni ROSALIE CATACUTAN-PERIABRAS

    ASEANMGA Oportunidad sa pag-unlad

    ng mga bansang kasapi at paglutas sa mga suliranin sa rehiyon

    iba ay nagmumula sa Brunei Darussalam na kasapi rin sa samahan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya o Association of Southeast Asian Nations, (ASEAN). Ang Brunei Darussalam ay pangatlo sa largest oil producer sa rehiyon.

    Bukod sa Indonesia at Brunei Darussalam, kasapi rin sa ASEAN ang Pilipinas, Cambodia, Laos, Malaysia, Singapore, Thailand, Myanmar at Vietnam.

    PAGLAKI NG KONSUMO SA IBAT IBANG PRODUKTO

    Habang lumalaki ang populasyon ng isang bansa, lumalaki rin ang pangangailangan ng bawat tao. At hindi lahat ng pangangailangan na ito ay agarang natutugunan.

    Walang bansa na makapagsasabi na taglay nila

    lahat ang kanilang kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay, kung kayat kailangang mapabilis ang paggawa upang matugunan ang mga pangangailangang ito.

    Lahat ng bansa ay may kakulangan sa mga bagay na kinukonsumo ng mga mamamayan kung kayat kailangan ng tulong mula sa ibang bansa, makipag-ugnayan sa kanila at makipagpalitan ng kalakal. Ito ang naging daan sa pagkakaroon o sa pagkakatatag ng ibat ibang samahan sa Asya katulad ng ASEAN.

    ANO ANG ASEAN?

    Ang ASEAN ay isang organisasyong pang-ekonomiya, pangheograpiya, pulitikal at pangkultura ng mga bansa sa Timong Silangang Asya.

    Ang samahan ay itinatag

    upang itaguyod ang paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsusulong ng mga kultura sa mga kasaping bansa at pagpapalaganap ng kapayapang pangrehiyon.

    Sa pagkakatatag ng ASEAN, ito ay nagbalangkas ng mga mithiin at layunin ng samahan batay sa tinatawag na ASEAN Declaration gaya ng mga sumusunod:

    1. Isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya, panlipunan at kultural sa rehiyon sa pamamagitan ng pagtutulungan upang makalikha ng isang maunlad at mapayapang pamayanan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya.

    2. Itaguyod ang kapayapaan at mabuting pagsasamahan sa pagitan ng mga bansang kasapi sa pamamagitan ng patuloy na pagtataguyod sa katarungan at pagsunod sa batas at pagtangkilik

    Itinatag ang ASEAN para sa higit na

    magandang ugnayan ng mga bansa sa Timog-Silangang

    Asya. Sa panahon ng mabilis at patuloy na pag-unlad ng

    teknolohiya, patuloy na nakakamit ng samahan

    ang mga layunin ng pagkakatatag nito.

  • 17BalitaVolume 1 Issue Number 3 Lathalainsa mga panuntunan ng nagkakaisang mga bansa.

    EPEKTIBONG UGNAYAN SA PAGITAN NG MGA BANSANG KASAPI

    Konting trivia: Ayon sa isang bahagi sa Araling Panlipunan II (Effective Alternative Secondary Education), noong 1995 ay muling pinagtibay ng mga pinuno ng mga Estado at Pamahalaan ng mga bansang kasapi sa ASEAN ang pagtutulungan tungo sa kapayapaan at kaunlaran ang magiging pangunahing layunin ng samahan.

    Ayon pa rito, ang kasunduan sa mabuting pagsasamahan at pagtutulungan o Treaty of Amity and Cooperation (TAC) na pinirmahan sa unang ASEAN Summit noong February 24, 1976 ay naghahayag na sa ugnayan nila sa isat isa, ang mga bansang kasapi ay nararapat na sumunod/magpasailalim sa mga sumusunod na panuntunan:

    1. Paggalang ng bawat isa sa kalayaan, pagsasarili, pagkakapantay-pantay, teritoryong pag-aari at pambansang pagkakakilanlan ng lahat ng bansa.

    2. Karapatan ng bawat Estado na pangunahan/pamahalaan ang kanyang sarili at malaya sa anumang panghihimasok, pananakop at paninira ng ibang bansa.

    3. Pagresolba sa mga hindi pagkakaunawaan ng mga kasapi sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan.

    4. Pagwawaksi sa bantang paggamit at tuwirang paggamit ng puwersa.

    5. Epektibong pagtutulungan ng bawat bansang kasapi.

    Nakasaad sa TAC na ang nararapat na layunin ng mga usapan at pagtutulungang pulitikal at pangkaligtasan sa ASEAN ay ang itaguyod ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpapabuti ng pagsasamahan ng mga bansang kasapi nito.

    Ang mabuting pagsasamahan sa rehiyon ay makakamit sa pamamagitan ng pagtutulungan sa lahat ng larangan batay sa prinsipyo ng pagtitiwala at pag-asa sa sarili, paggalang sa pagitan ng bawat isa, kooperasyon at katapatan na siyang bubuo ng pundasyon para na isang matatag at malayang pamayanan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.

    ASEAN MASTER PLAN 2025

    Upang higit na paigtingin ang samahan ng mga nagkakaisang bansa sa Timog-Silangang Asya, ang organisasyon ay muling bumalangkas ng ASEAN Master Plan 2025 sa na nilagdaan ng mga kasapi noong September 2016.

    Ayon dito, ang ASEAN Member States ang higit na makikinabang sa lahat ng uri ng pandaigdigang kalakalan dahil sa kinalalagyan nito na malapit sa mga bansang Tsina, India at Japan kung saan halos kalahati ng worlds

    consuming class ay maninirahan dito sa darating na 2025.

    Ang teknolohiya ang higit na nakatulong sa pagpapabilis ng ugnayang pandaigdigan at kalakalan. Sa nakaraang 15 taon, ang digital technology na ito ay hindi pa nag-e-exist. Ngayon, sa tulong ng makabagong teknolohiya at makinarya ay aangat pataas ang Gross Domestic Product ng mga bansang kasapi nito kumpara noong mga panahon na ang pakikipagkalakalan ng bawat bansa ay gumagamit pa ng makalumang pamamaraan.

    Ang dami ng cross-border bandwidth na ginagamit ay lumago ng 45 na beses kumpara noong taong 2005. Ayon sa projection, ito ay tataas pa ng 9 na beses sa susunod na limang taon na kung saan ang flows of information, searches, communication, video, transactions at intra-company traffic ay tuluy-tuloy sa taas.

    Ang pagtataguyod sa free flow ng mga produkto, serbisyo, kalakal, at skilled labor sa ASEAN Members States sa ilalim ng ASEAN Economic Community (AEC) ay magpapalawak ng suporta ng intra-regional trade sa ASEAN kung saan ito lamang ay less than a third ng kabuuang ASEAN trade.

    Bukod pa sa AEC, mayroon ding development sa border trade agreements sa buong rehiyon katulad ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at Trans-Pacific Partnership (TPP), na ang pangunahing layunin ay palakasin at pagtibayin ang kanilang economic ties.

    Maliban pa sa mga trade agreements na ito, mayroon ding ilang cooperation frameworks na magpapalawak ng ugnayan at global flows. Isa sa mga ito ay ang Agreement on ASEAN Energy Cooperation at ASEAN transport facilitation agreements. Ang sub-regional arrangements katulad ng Greater Mekong Subregion (GMS), Mekong River Commission (MRC), Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA), at Indonesia-Malaysia-Thailand Growth Triangle (IM-GT) ay mayroon ding mahalagang ginagampanan upang higit na mapalawak ang regional connectivity.

    Ang synergies sa pagitan ng ASEAN at ng mga sub-regional arrangements ay dapat hikayatin upang lalong mapalawak at mapahusay ang regional connectivity at global flows.

    MGA NAKAAMBANG SULIRANIN

    Ang pagpapabuti ng produksyon sa ASEAN ay magiging crucial sa dalawang interrelated na kadahilanan.

    Una, ang pagpapabuti ng produksyon ay magiging mahalagang bahagi sa pagpapanatili ng kasalukuyang papataas na momentum

    sa rehiyon. Habang ang demographics nito ay pabor sa ASEAN kung ikukumpara sa karamihan ng bansa, ang paglago ng ekonomiya dahil sa lumalaking workforce ay magsisimulang bumaba.

    Sa katunayan, maraming ASEAN Member States ay kailangang doblehin ang kanilang productivity upang mapanatili ang mabilis na pag-unlad ng ekonomiya.

    Saan manggagaling ang productivity improvement na ito?

    Habang ang kasagutan ay ibat iba sa bawat ASEAN Member States, sa nakaraang academic research ay na-identify nila ito sa tatlong bahagi kung saan may pinakamataas na potential sa productivity at pag-unlad sa buong ASEAN sa susunod na 15 taon: Pagkuha ng pinakamalaking bahagi ng global flows sa trade, services, data and investment sa pamamagitan ng major trade deals at higit na mapabuti ang pakikipagkumpetensya sa mga trade-related areas; sakyan ang urbanization wave sa rehiyon sa pamamagitan ng maunlad, epektibo at sustainable na infrastructure solutions; at tanggalin na ang hindi na napapakinabangang teknolohiya sa ibat ibang sektor.

    Ang pangalawang dapat ikonsidera ay may kinalaman sa international competitiveness at ang pangangailangan na samantalahin ang ASEANs window of opportunity na makuha ang pinakamalaking bahagi ng global manufacturing footprint. Ang transitions na nagaganap sa China, kabilang ang tumataas na gastos sa paggawa at ang shift patungo sa economic model na mas nakadepende sa exports, ay nagdudulot ng malawakang epekto sa buong Southeast Asia.

    OPORTUNIDAD PARA SA ASEAN MEMBERS

    Ang ASEAN Member States ay may tsansa na makuha ang mas malaking global manufacturing opportunity, ngunit ito ay maisasakatuparan kung higit na mapabubuti ang productivity at logistics competitiveness.

    Noong taong 2000, sinabi ni ASEAN Director-General Kofi Annan na ang ASEAN ay hindi lamang isang epektibo at napakahalagang kaganapan sa rehiyon. Ito ay isang tunay na lakas na dapat kilalanin sa iba pang bahagi ng mundo. Ito rin ay isang pinagkakatiwalaang katuwang ng nagkakaisang mga bansa sa larangan ng pagpapaunlad.

    Sa kasalukuyan, nananatiling matatag ang ugnayan ng mga miyembrong bansa at bukod sa pagpapaunlad ng kalakalan sa isat isa ay magkakatuwang din sa pagbaka sa mga kriminalidad sa rehiyon gaya ng paglaganap ng ilegal droga.

    KABILANG sa pangungunahan ng ating bansa ang 30th ASEAN Summit sa buwan ng Marso at Abril 2017 na gaganapin sa Mactan Island, Cebu at ang 31st ASEAN Summit na gaganapin sa buwan ng Agosto sa Clark Freeport Zone, Pampanga.

    Sa ginanap na turnover ceremonies sa Vientiane, Laos noong ika-8 ng Setyembre, opisyal na tinanggap ni Presidente Rodrigo Roa Duterte bilang kinatawan ng mga Pilipino ang ASEAN chairmanship para sa taong 2017. Ang opisyal na pagpapakilala sa Pilipinas bilang Tagapangulo ay gaganapin sa Enero 5, 2017 sa Davao City.

    Ang 2017 ASEAN ay may tema na Partnering for Change, Engaging the World. Ito ay naaayon sa mga patakaran ng Duterte administration at sa kooperasyon ng mga kalapit na bansa sa Asya at mga kaanib na bansa ng ASEAN.

    Bilang paghahanda sa pagiging Chair, isang video presentation ang ipinalabas sa pagsasara ng 28th at 29th ASEAN Summits sa Laos nitong Setyembre. Binigyang-diin sa video ang mga achievements ng Pilipinas bilang isa sa mga pangunahing miyembro ng ASEAN mula pa noong 1967, pati na ang mga naiambag ng ating bansa sa samahan.

    Nagtapos ang programa sa simpleng mensahe mula kay Pangulong Duterte na, In 2017, we, the Filipinos, are proud to welcome you to 7,107 islands of beauty, wonder and fun that will make a year of memories last a lifetime. Mabuhay at daghang salamat.

    Naging host na ang Pilipinas ng ASEAN noong 1987 at 2007.

    PILIPINAS MAGPAPAKITANG-GILAS SA 2017 ASEAN

    Ni JOHARA MALIGANG

    Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte habang malugod na inaanyayahan ang ASEAN members sa susunod na meeting.

    Sa ibaba ay tinanggap niya ang pagiging host ng Pilipinas sa 2017.

  • SETYEMBRE 1-15, 2016

    18 Balita Volume 1 Issue Number 3Lathalain

    PAGBUBUKLOD tungo sa pag-unladito ang layunin ng pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN. Mula nang maitatag, kinilala na ng organisasyon ang kahalagahan ng edukasyon sa pagkakabuklud-buklod ng mga bansang miyembro nito. Sa katunayan, kabilang ang pagpapalakas ng edukasyon sa rehiyon sa mga layuning nakasaad sa The Asean Declaration o ang tinatawag na Bangkok Declaration na pinirmahan ng mga miyembrong bansa nang maitatag ito noong 1967.

    Pinahahalagahan ng mga bansang miyembro ng ASEAN ang edukasyon dahil kritikal ito sa pagkakaroon ng competitiveness at pag-unlad sa rehiyon. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO na pinamagatang Education Systems in ASEAN+6 Countries: A Comparative Analysis of Selected Educational Issues, ngayong mas maigting na ang global competition, mas nakikita ang papel ng edukasyon hindi lang sa pagkakabuklud-buklod kundi maging sa pagresolba ng mga tunggalian. Ayon sa nasabing

    Napag-iwanan na ang Pilipinas hindi lamang sa aspetong ekonomikal kundi maging sa edukasyon. Mahalaga ang papel ng K to 12 program upang ang mga produkto nito ay maging competitive mula sa pagiging estudyante hanggang maging kapaki-pakinabang na bahagi ng

    workforce sa loob at labas ng bansa.

    pag-aaral, Education can not only provide the required knowledge and skills in a more interconnected world, but also reconcile and resolve conflicts. In this regard, education is increasingly seen as having a critical role in strengthening development and leading social and economic transformation.

    ANG ESTADO NG EDUKASYON SA PILIPINAS BAGO IPATUPAD ANG K TO 12 PROGRAM

    Ngayong 49 na taon na ang ASEAN, patuloy pa rin nitong pinapaigting ang pagpapahalaga sa edukasyon. Madalas itong paksa sa mga diskurso at pag-aaral ng organisasyon. Pagpapaliwanag ng UNESCO, One notable regional initiative is the move towards a shared regional qualifications framework, which aims to promote the recognition of qualifications and quality assurance in the provision of education.

    Ang hangaring ito na magkaroon ng isang shared framework ay makikita sa pagbuo ng Master Plan on ASEAN Connectivity (MPAC) noong 2010. Layunin nito na magkaroon ng isang well-connected ASEAN

    that will contribute towards a more competitive and resilient ASEAN, as it will bring peoples, goods, services and capital closer together. Kaakibat ng paghahangad ng pagkakabuklud-buklod, kapayapaan at pag-unlad sa rehiyon, kinakailangan ding magkaroon ng enhanced physical infrastructure development (physical connectivity), effective institutional arrangements (institutional connectivity) and empowered people (people-to-people connectivity). Ang isa sa paraan para maisakatuparan ang people-to-people connectivity ay ang pagbibigay ng prayoridad sa edukasyon.

    Nang mapagkasunduan ng ASEAN ang MPAC noong 2010, hindi pa naisasakatuparan ang K to 12 Program sa Pilipinas o ang pagkakaroon ng 13 taon sa basic education system ng bansa. Sa ilalim ng K to 12 Program, pagkatapos ng kinder, kailangang dumaan ang mga mag-aaral sa anim na taon sa elementary, apat na taon sa Junior High School at sa dagdag na dalawang taon sa Senior High School. Noong panahong iyon, tanging ang Pilipinas lamang ang bansa sa Asya na nagpapatupad ng sampung taon

    sa basic education system habang labing-isa o labindalawang taon ang ipinapapatupad ng ibang bansa sa ASEAN. Isa rin ang Pilipinas sa natatanging tatlong bansa sa buong mundo na nagpapatupad ng ganitong sistema ng edukasyon noon.

    Ayon sa Commission on Higher Education o CHED, hindi nakakasabay noon ang Pilipinas sa ibang bansa dahil, Filipinos who intend to work or study abroad are at a disadvantage because of the deficit compared with international standards. Ibinigay na halimbawa ng CHED ang tinatawag na Bologna Accord kung saan kailangang makapagtapos muna ng 12 taon na basic education bago makapasok sa kolehiyo o di kayay bago makapagtrabaho sa Europe. Nakasaad din sa Washington Accord na kailangang may 12 taon na edukasyon bago magkolehiyo para sa mga gustong magtrabaho bilang engineer. Sa Middle East naman, mas mababa ang posisyon ng mga engineer na Pilipino kung ikukumpara sa ibang engineer na nakapagtapos sa ibang bansa kahit pa kaya nilang makipagsabayan pagdating sa skills. Sa Thailand, mas mababa ang kinikita ng mga Pilipinong guro kung ikukumpara sa ibang guro dahil din sa mas kaunting taon ng basic education sa Pilipinas. Ayon sa CHED, Such cases highlight the importance of aligning our educational structure lest we become less competitive.

    Dahil kabilang sa iminungkahi ng MPAC ang pataasin ang quality of education to train workers for the knowledge economy, maaaring maging balakid ang lumang sistema ng edukasyon sa pagkakaroon ng connectivity sa pagitan ng mga kasaping bansa ng ASEAN. Ayon kay Department of Education Secretary Leonor Briones, malayo na ang agwat ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas kung

    ikukumpara sa ibang bansa sa ASEAN.

    Ayon sa World Economic Forum Global Competitiveness Report 2012-2013, mababa ang naging ranggo ng Pilipinas kung ikukumpara sa 144 na bansa:

    1. Sa kategorya ng Math and Science Education, pang-98 lamang ang Pilipinas.

    2. Sa Primary Education, pang-86 lamang ang bansa.

    3. Pang-73 naman ang Pilipinas sa 144 na bansa pagdating sa Internet Access in Schools.

    Isang paraan ang pagpapatupad ng K to 12 Program para makasabay ang Pilipinas sa ibang bansa. Paliwanag ni Sec. Briones, The Senior High School program is one way by which we are catching up and preparing our people.

    ANG K TO 12 PROGRAM BILANG PAGHAHANDA SA MGA MAG-AARAL

    Kabilang sa mga iminungkahi ng MPAC ang quality and compatibility of education, including technical and vocational, and skills training in the region should also be improved by developing technical assistance programmes at all educational levels, where appropriate. Masasagot ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng K to 12 Program dahil isinama na sa curriculum ang Technical Livelihood Vocational track. Ayon sa DepEd, isa ito sa apat na educational tracks na pwedeng pagpilian ng mga mag-aaral pagtungtong ng Senior High School. Masisiguro nitong may sapat na kaalamang teknikal at bokasyunal ang mga mag-aaral na magtatapos ng K to 12 Program. Sa pamamagitan nito, ayon kay Sec. Briones, Dinadagdagan natin yung range of choices ng mga bata at kanilang parent... at saka binibigyan natin sila ng greater opportunity to be competitive sa

    Bakit dapat makaagapay ang Pilipinas sa education system ng ibang ASEAN members?Ni DANI MANUEL

    DepEd Sec. LEONOR BRIONES: Sa K-12 ay dapat ding magsanay ang mga guro.

    Phot

    o b

    y K

    ing

    Rodr

    igue

    z/ P

    PD

  • 19BalitaVolume 1 Issue Number 3 Lathalainbuong mundo, sa ASEAN, sa bansa natin. Hindi na natin mapipigil yung move towards a much more intense and focused education.

    Sa ilalim ng Technical Livelihood Vocational track, may apat na specialization na pwedeng pagpilian ang isang estudyante:

    1. Agri-Fishery Arts2. Home Economics3. Information and Technology4. Industrial Arts Maaaring magkaroon ng

    National Certificate mula sa Technical Education and Skills Development Authority ang mag-aaral sa ilan sa mga specialization na ito, na maaari niyang magamit sa paghahanap ng trabaho.

    Dagdag ng DepEd, layunin ng K to 12 Program na magkaroon ang mga mag-aaral ng 21st century skills:

    1. Information and technology skills

    2. Learning and innovation skills3. Effective communication

    skills4. Life and career skillsAng mga nabanggit ang dahilan

    kaya mayroon ding tinatawag na Work Immersion ang K to 12 Program. Bahagi ito ng Senior High School curriculum kung saan kailangang magkaroon ng 80 oras ng hands-on experience or work simulation which the Grades 11 and 12 students will undergo to expose them to the actual workplace setting. Sa pamamagitan nito, mas magiging handa ang mag-aaral dahil the students are able to:

    1. Gain relevant and practical industrial skills under the guidance of industry experts and workers

    2.Appreciate the importance and application of the principles and theories taught in the school

    3. Enhance their technical knowledge and skills

    4. Prepare them to meet the needs and challenges of employment or higher education after their graduation

    GLOBALLY COMPETITIVE NA MGA GURO

    Para maisakatuparan ang hangaring maging globally competitive, bukod sa mga estudyante, kailangan ding palawigin ang kakayanan ng mga guro. Isa ito sa mga pinagtutuunan ngayon ng pansin ng CHED. Ayon sa ahensya, With K to 12, the Philippines can be at par not only with our ASEAN neighbors but with the rest of the world. This applies not only to graduates we will produce but also to faculty and staff after the K to 12 Transition period.

    Pagpapaliwanag pa ng CHED, sa pamamagitan ng K to 12 Transition Program, We can envision a higher education sector able to compete with our ASEAN neighbor where 48 percent of faculty hold masters degrees, 20 percent have doctorates, and

    hundreds of degree programs all over the country meet international standards.

    Sinang-ayunan naman ito ni Sec. Briones at sinabing, Hindi lamang bata ang [dapat] mag-catch up, pati teacher, [kailangang] mag-catch up... Kasi the curriculum is integrated, konektado yan lahat. Ang demand din diyan is quite extensive kasi the teachers also have to expand and to think of more creative ways of transmitting knowledge.

    Kaakibat nito ang pangangailangan na tutukan ang bagong curriculum na ipinatupad sa ilalim ng K to 12. Ayon pa kay Sec. Briones, We have to be open to close monitoring, we have to be open to finding out whether something works or does not work, if something is effective or not effective in terms of the content, in terms of the teaching.

    ANG K TO 12 PROGRAM AT ANG ASEAN INTEGRATION

    Isang malaking hamon para sa Pilipinas ang hangarin ng ASEAN na magkaroon ng ASEAN connectivity o ng ASEAN Integration. Sa paghahangad na magkaroon ng mas maunlad na ekonomiya sa rehiyon, mas magiging bukas na ang mga kasaping bansa sa pagpasok ng mga mamamayan mula sa ibang bansa. Mas magkakaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na makapag-aral o di kayay makapagtrabaho sa ibang bansa sa ASEAN. Magkakaroon din ng oportunidad ang mga mamamayan ng ibang bansang kasapi sa ASEAN na makapagtrabaho sa Pilipinas. Dito na papasok ang kahalagahan ng pagpapayabong ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Dahil magiging mas bukas na ang Pilipinas sa ibang bansa sa rehiyon, dadami ang magiging kakumpetisyon sa paghahanap ng trabaho. Kailangang maging angkop ang ating kaalaman at kasanayan para makasabay tayo sa mga mamamayan sa mga karatig-bansa.

    Magiging talo tayo sa sarili nating bansa ayon kay Sec. Briones kung hindi natin iaangat ang kalidad ng edukasyon at kung hindi natin papalawigin ang kakayanan ng mga Pilipino. Aniya, Hindi pa ako DepEd secretary, sa mga kumperensya, palaging sinasabi na ang produkto ng ating educational system ay hindi angkop sa needs ng business and industry. So, ibig sabihin, may kulang din ang training natin.

    Ang pagsisimula umano ng K to 12 Program sa bansa ang unang hakbang para matiyak nating handa ang mga Pilipino sa mahigpit na kumpetisyon na magiging resulta ng ASEAN Integration. Kailangang sumabay tayo sa hamon ng panahon para hindi tayo malamon ng malalaking alon ng pagbabago.

    MATAAS NA RATINGS NI PANGULONG DUTERTE MAGIGING INSPIRASYON NG KANYANG TEAM

    MATAPOS ang pagkakapanalo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa puso ng mga Pilipino nitong nakaraang halalan, muling pinatunayan ni PRRD kasama ang kanyang buong team na tagumpay ang gobyerno sa mga ipinangako nito sa mga mamamayan noong eleksyon at ito ay ipinapakita ng resulta ng survey na inilabas kamakailan lamang.

    Ayon sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Station nitong Setyembre 24-27 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa may mahigit isanlibong katao (1,200 adults) sa buong bansa na tinanong, 76% ang nagsasabing sila ay satisfied sa administrasyong Duterte samantalang may 11% ang dissatisfied, at ang mga undecided ay nasa 13%.

    Sa kabuuan, lumalabas na si PRRD ay may net satisfaction rating na +64 (% satisfied minus % dissatisfied, rounded off). Ito ay nagpapakita ng rating na very good.

    Ayon sa classification ng net satisfaction rating ng SWS, mabibilang sa excellent ang may rating na +70, ang rating naman na +50 hanggang +69 ay very good, +30 hanggang +49 ay may rating na good, moderate naman ang rating para sa +10 hanggang +29, ang +9 hanggang -9 ay neutral, -10 hanggang -29 ay poor, -30 hanggang -49 ay bad, -50 hanggang -69 ay very bad at ang panghuli, -70 pababa ay execrable o napakasama ng performance.

    PANALO SA MINDANAONakakuha si PRRD

    ng pinakamataas na net satisfaction rating na excellent (88% satisfied,

    4% dissatisfied, rounded off) sa kanyang balwarte, ang Mindanao, at very good na rating naman sa Visayas (75% satisfied, 14% dissatisfied, rounded off), +58 sa Metro Manila (74% satisfied, 16% dissatisfied), at +57 sa Balance Luzon (70% satisfied, 13% dissatisfied).

    Sa urban (+63, binubuo ng 74% satisfied at 12% dissatisfied, rounded off) at rural (+67, binubuo ng 78% satisfied, 11% dissatisfied) area, nakakuha ng net satisfaction rating ang administrasyong Duterte ng very good.

    Very good na rating din ang ibinigay ng mga nasa socioeconomic class. Ang mga nasa Class D at E, o ang masa, ay may rating na +65 (76% satisfied, 11% dissatisfied) at mas mababa naman ang ibinigay ng mga nasa Class ABC na may rating na +56 (69% satisfied, 16% dissatisfied).

    Sa sektor ng kababaihan at kalalakihan, nakakuha ng excellent rating ang Pangulo mula sa mga kalalakihan na +71 (79% satisfied, 8% dissatisfied) samantalang very good o +58 mula sa mga kababaihan (72% satisfied,

    15% dissatisfied, rounded off)Hindi nagpahuli ang

    sektor ng mga kabataan sa kanilang ibinigay na rating sa Pangulo. Nakakuha si PRRD ng pinakatamaas na score na excellent o +71 sa mga nakapagtapos ng high school na binubuo ng 80% satisfied at 9% dissatisfied.

    Very good naman ang nakuha niya mula sa mga college graduates na may rating na +65 (76% satisfied, 11% dissatisfied), +57 sa elementary graduates (72% satisfied. 15% dissatisfied) at +54% naman ang resulta ng survey rating sa non-elementary school graduates (68% satisfied, 14% dissatisfied).

    Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, ang nasabing mga survey ay repleksyon ng patuloy na suporta ng mga mamamayan sa ginagawang kampanya ng pamahalaan laban sa droga, kriminalidad, terorismo at katiwalian. Dagdag pa ng kalihim, This will inspire further the Chief Executive and his team to work double time and commit anew in delivering his promise of genuine, meaningful change.

    Ni FAY ZAIRENE MANIAUL

  • SETYEMBRE 1-15, 2016

    20 Balita Volume 1 Issue Number 3BAWAT bansa na kabilang sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) ay binibigyan ng tungkulin na maging host o Chair ng samahan. Nagpapalit-palit taun-taon ang mga nauupong chairman ng ASEAN batay sa alphabetical order ng pangalan ng mga bansang kasapi nito.

    Ngunit may mga pagkakataon na hindi nasusunod ang ikot ng mga bansa bilang host ng ASEAN. Tulad ng bansang Myanmar, hindi sila naupo bilang Chair ng ASEAN noong 2006 hanggang 2014. Napabalita na ang bansang ito ay nangamba na baka hindi siputin ng Western countries ang mga pagpupulong at ito ay magpinta ng masamang imahe para sa kanila. Noong 2011, nakipagpalit naman ang Indonesia sa bansang Brunei dahil sila rin ang naatasang maging host ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) nang taon na iyon.

    Ang Indonesia ang pinakaunang Chair ng ASEAN na ginanap noong 1976, ang Laos ngayong 2016, at pinaghahandaan na ng Pilipinas ang pagiging host sa susunod na taon.

    Ang tagapangulo ng ASEAN ay inaasahan na mangangasiwa sa mga kasaping bansa upang mapanatili ang pagkakaisa sa buong rehiyon.

    Ang mga sumusunod ay ang mga tungkulin ng isang ASEAN Chair alinsunod sa sinang-ayunang kasunduan:

    1. Pangunguna sa mga mahahalagang pagtitipon ng ASEAN.

    Ang nakaupong ASEAN Chair ang siyang mamumuno sa mga pinakamahahalagang pagtitipon at aktibidad ng samahan. Ang tungkuling ito ay itinuturing na magandang oportunidad upang makilala ng buong mundo na susubaybay sa event ang host country at ang mga pinuno nito. Personal din na makikilala ng mga lider ng host country ang ibang lider na dadalo sa okasyon at mapag-uusapan ang mga aspeto na makabubuti sa ugnayan sa rehiyon.

    2. Magpahayag ng mithiin. Kasunod ng pag-upo bilang

    tagapangulo ng ASEAN, ang host country ay magpapahayag ng mithiin na kailangang maipatupad sa kanyang termino.

    Halimbawa nito ay ang dalawang deklarasyon na naipatupad ng Malaysia bilang Chairman ng ASEAN noong taong 2015 na kinabibilangan ng Kuala Lumpur Declaration on the Establishment of the ASEAN Community at ang Kuala Lumpur Declaration on ASEAN 2025: Forging Ahead Together.

    Nang ang Myanmar ang

    ANG MAHAHALAGANG PAPEL NG ISANG HOST COUNTRY SA

    maging tagapangulo, ang kanilang pangunahing deklarasyon na naipatupad noong 2014 ay ang Nay Pyi Taw Declaration on Realisation of the ASEAN Community by 2015 na nagsasaad ng pakikiisa ng lahat ng kasaping bansa ng ASEAN sa pagtataguyod ng mas matatag na samahan at pagpapaliit sa pagitan ng nagiging pag-unlad ng bawat kasaping bansa.

    Itinakda ang Pilipinas na maging Chair sa ika-50 anibersaryo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

    3. Tiyakin ang centrality ng ASEAN.

    Tinitiyak ng ASEAN Charter ang centrality ng ASEAN bilang pangunahing puwersa sa pagtatayo ng pundasyon ng relasyon at pagkakaisa sa bawat miyembro ng asosasyon. Nangangahulugan

    Ni PATRISHA BAGALSO

    ito na ang political, economic and security architecture ng rehiyon ay para sa interes ng mga kasapi ng ASEAN. Ang pagkakaisa ng mga bansa sa rehiyon sa isang mapayapang paraan ay kinikilala ng ASEAN Member States na isang paraan upang ang centrality ay makamit. Naisasagawa rin ito sa pamamagitan ng malayang diplomasya at sa paghahandog ng kamay ng ASEAN sa

    pakikipagkaibigan sa mga mas makapangyarihang bansa. Ang pagpapanatili ng centrality ng ASEAN ay maisasagawa rin sa pamamagitan ng pagpapakita ng aktibong interes sa mga rehiyunal at global na relasyon at sa pagganap ng papel na makatutulong sa ibang bansahindi sa pamamagitan ng puwersa kundi sa pakikiisa sa layunin ng asosasyon at ang pagiging kapaki-pakinabang nito para sa ibang bansa.

    4. Pagtiyak sa epektibo at napapanahon na pagtugon sa mga isyu o krisis na makaaapekto sa ASEAN.

    Isang halimbawa na ang isang ASEAN Chair ay naging aktibo ay noong 2008 nang si Singapore Foreign Minister George Yeo ay magpatawag ng miting sa Singapore para lutasin ang Prear Vihear crisis. Gayunpaman, ang pagsisikap na ito ay hindi nagtagumpay. Noong 2009 ay nagkaroon ang Indonesia ng papel para maayos ang gulo sa pagitan ng Thailand at Cambodia.

    5. Katawanin ang ASEAN sa pagpapalakas at sa pagpapalawig ng mas maigting na relasyon sa mga panlabas na kaalyado.

    Ang mga panlabas na kaalyado ay ang mga bansa na hindi miyembro ng ASEAN. Ang ASEAN Chair ay inoobliga na magkaroon ng magandang ugnayan sa mga bansang ito at magkaroon ng iisang layunin at pagkilos. Ang isang panlabas na kaalyado ay puwedeng bigyan ng formal status, o maimbita sa mga ASEAN meetings o cooperative activities kahit walang formal status. Ang non-ASEAN Member States and relevant inter-governmental organizations ay maaari ring mag-appoint at mag-accredit ng Ambassadors sa ASEAN, batay sa mapagkakasunduan sa ASEAN Foreign Ministers Meeting.

    Sa 2015 Kuala Lumpur Declaration on a People-oriented, People-centred ASEAN, ipinaliwanag ng ASEAN Member States na ang mga ugnayang panlabas ay isang pagpapalawak ng kooperasyon ng ASEAN members sa kanilang dialogue partners at mahahalagang external parties batay sa balangkas ng mekanismo ng ASEAN at ng tatlong pundasyon ng ASEAN Community na babalanse sa mga pagsisikap ng rehiyon na mapalakas ang people-oriented, people-centred and rules-based ASEAN.

    6. Ipatupad ang mga responsibilidad at tungkulin na ipagkakaloob sa ASEAN Chair.

    Isa sa mga tungkuling ito ay ang tumulong na mapagaan ang annual regional civil society forum ang ASEAN Peoples Forum o ang ASEAN Civil Society Conference (APF/ACSC).

    ASEAN SUMMITSa susunod na taon ay pagkakataon ng Pilipinas para maging host ng pagpupulong ng mga pinuno ng bansa sa ASEAN. Makiisa sana tayo sa ating pamahalaan na ipakita sa buong mundo ang mukha ng ating

    bansa at mga mamamayan na patuloy tayo na nagiging isa sa matitibay na pundasyon ng asosasyon.

    Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasama sina PCO Secretary Martin Andanar at Special Assistant to the President Bong Go at iba pang miyembro ng Gabinete

    at delegasyon ng Pilipinas sa ginanap na 2016 ASEAN.

    Lathalain

  • 21BalitaVolume 1 Issue Number 3

    ARIES (Marso 21- Abril 19) Unawain ang kahinaan ng minamahal. Samantala, pasasayahin ka ng iyong pet sa bahay. Mabibigo ka sa isang transaksyon ngunit may darating na mas magandang offer. Kung ang kasama ay isang Pisces, magiging aktibo sa pagkilos, masayahin at maraming matututunan. Lucky numbers at color ay 19, 44, 5, 6, 18, 22 at sky blue.

    TAURUS (Abril 20- Mayo 20) Masisira ang isang kagamitan sa bahay na kailangan mo pa naman sa hanapbuhay. Palitan na ng bago dahil magiging sakit lang ng ulo. Isang bagong kaalaman ang pagkakaabalahan na makatutulong sa iyong hanapbuhay. Lucky numbers at color ay 33, 16, 9, 15, 19, 22 at yellow.

    GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) May mga okasyon na nakalimutan mo na ang gugustuhin mong ipagdiwang ngayon. Magiging conscious ka rin sa iyong kalusugan. Limitahan ang gastos sa mga bagay na importante lang muna. Lucky numbers at color ay 22, 49, 15, 16, 36, 37 at light gray.

    CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) May panghihina ngayon ang katawan sanhi ng stress. Kailangan mong mag-unwind para mag-recharge. Sensitibo ngayon ang mga tao sa iyong paligid. Mag-ingat sa pagkilos, pananalita at paggawa para maiwasan na makasakit ng kapwa o magkamali. Lucky numbers at color ay 11, 26, 28, 39, 55, 40 at cream o white.

    LEO (Hulyo 23- Agosto 22) Isang kaibigan ang hihiling na pansamantalang manatili sa iyong place. Pag-aralan ang mga consequences nito. Maging handa kung ano man ang darating at kung ikakaunlad, sunggaban ito agad. Lucky numbers at color ay 22, 50, 10, 12, 14, 41 at blue.

    VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) May challenge sa career at negosyo at ikabibigla mo ito. Problema rin sa relasyon ang darating sanhi ng selos at pagdududa. Mababago ang sitwasyon patungo sa positibo bago

    matapos ang kasalukuyang buwan. Lucky numbers at color ay 5, 15, 25, 35, 18, 44 at aqua blue.

    LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) Kung estudyante pa lang, mahihirapan kang mag-adjust sa bagong environment. Kung may trabaho na, may pagbabago sa mga patakaran at ikaiirita mo ito. May hahamon sa iyong kakayahan sa isang patimpalak sa inyong lugar. Lucky numbers at color ay 56, 17, 1, 3, 34, 40 at yellow.

    SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) Mahahalagang papeles at gadget ang mawawala sa iyo kaya kailangang may listahan ka ng mga importanteng contacts. May mga obligasyon kang nakakaligtaan kaya ayusin ang schedule. Malamang na magkaroon ng bagong pag-ibig o manliligaw. Lucky numbers at color ay 9, 10, 23, 32, 45, 33 at neon green.

    SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) Magiging witness ka sa isang kalupitan at nasa values mo na kung ipararating iyon sa mga awtoridad o hindi. Maiirita ka sa isang kapamilyang hindi inaasikaso ang kanyang mga obligasyon. Lucky numbers at color ay 13, 31, 39, 42, 12, 26 at pink.

    CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) Ipagpasalamat ang pagkalutas ng isang problema. Kung may tipanan, huwag maging mainipin dahil ang kausap ay may pagkakaabalang darating. Ang anumang transaksyon na gagawin ay dapat pag-aralang mabuti bago pumalaot. Lucky numbers at color ay 11, 19, 1, 14, 24, 34 at dollar green.

    AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) Mabibigo ka sa hinahangad na posisyon ngunit hindi dapat maging sanhi iyon ng depression. Magdadalamhati rin ang puso pero sandali lang naman. Tawanan ang problema at tiyak suwerte na ang susunod. Lucky numbers at color ay 51, 26, 2, 17, 24, 32 at aquamarine.

    PISCES (Pebrero 19- Marso 20) May isang gadget na importante sa iyo ang ibibigay na lang sa kapamilya dahil mas kailangan niya. Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte o ligaya subalit isang Gemini ang magbibigay ng problema o sakit ng damdamin. May suwerte ka sa mga game of chances. Lucky numbers at color ay 54, 32, 2, 9, 13, 31 at red.

    LALAKI: Wala akong pakialam kung sobra kang fat.BABAE: Talaga, babe? Why naman?LALAKE: Because I love you just the WEIGHT you are.

    ***Ano ang pagkakaiba ng ka-MU mo kaysa ADDICT?Ang MU mo may tama sa iyo... ang ADDICT may tama sa utak!

    ***HOLDAPER: Mamili ka, wallet mo ang pasasabugin ko o ang utak mo?ADDICT NA NAHOLDAP: Pre, pareho nang walang laman!

    ***Ano ang tawag sa babaeng Tiger?Eh di Ti-girl!

    KORNI KORNER

    Spot the DIFFERENCE

    ***

    HANAPIN ANG DAAN

    Sa pagsisikap ni Langgagawa na makatipon ng maraming pagkain ay nakita niya ang garapon ng asukal. Tulungan si Langgagawa na makita ang tamang daan patungo sa kasaganaan.

    SAGOT:1. Nabawasan ang dahon

    2. Nawala ang kilay3. Takip ng pandilig4. Tubig na pandilig

    5. Nalagas na dahon6. Tenga ng babae

    7. Naputol ang kamay8. Nawala ang dinidiligang

    halaman

    Libangan

  • SETYEMBRE 1-15, 2016

    22 Balita Volume 1 Issue Number 3

    KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng buntis na nagpositibo sa Zika virus sa bansa.

    Dahil dito, sinabi ni Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial na umabot na sa labing-dalawa ang kaso ng Zika virus sa bansa sa loob lamang ng buwan ng Setyembre, ito ay base sa ulat na inilabas ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) .

    Sa kabuuan ay mayroon ng labing-pitong kaso ng Zika virus na naitala sa Pilipinas mula pa noong taong 2012. Ang limang naunang kaso ay kinabibilangan ng pawang mga dayuhan na umanoy nakuha na ang sakit bago pa man makapasok sa ating bansa.

    Ayon sa ulat na inilabas ng DOH, ang biktima ay 22 anyos, at nasa ika-19 linggo na ng pagbubuntis. Bagamat batay sa isinagawang ultrasound,

    ANG MGA PANGANIB NA HATID NG ZIKA VIRUS

    Ni JOHARA MARIE MALIGANG

    wala pang nakikitang abnormalidad sa fetus sa kanyang sinapupunan, siya ay imo-monitor hanggang sa makapanganak.

    Samantala, sinabi ni Dr. Eric Tayag, tagapagsalita ng DOH na nakarekober na ang unang siyam na pasyente na nagpositibo sa naturang virus. Ayon pa sa kanya very mild lamang ang naging epekto ng Zika virus sa mga ito at hindi na lumala pa sa kung anumang komplikasyon.

    Lahat ng pasyente ay nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit ng kasu-kasuan, nagkaroon ng skin rashes at lagnat. At nang sila ay nagpatingin, lumabas sa resulta ng pagsusuri na sila ay positibo sa naturang virus.

    Sinabi ni Sec. Ubial na lokal na nakuha ng mga pasyente ang virus, dahil wala sa kanila ang may record na bumiyahe sa ibang bansa sa loob ng isang

    buwan.

    PAGDAMI NG DADAPUAN NG ZIKA VIRUS POSIBLE

    Inaasahan na ng DOH ang posibleng pagtaas pa ng bilang ng mga Pilipinong magpopositibo sa Zika virus dahil sa nabanggit na insidente sa itaas na nakukuha na ang naturang sakit locally. Kaya naman ayon kay Health Sec. Ubial, lalo nilang paiigtingin ang pagbabantay sa mga bagong kasong maitatala.

    Nakipag-ugnayan na rin ang DOH sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na doblehin ng mga ito ang pagsisikap na makontrol ang pagdami ng lamok sa kani-kanilang nasasakupan, kabilang na rito ang pag-i-spray sa mga lugar na pinamamahayan ng mga naturang insekto.

    Patuloy rin ang isinasagawang monitoring ng mga health officials sa mga

    nagpositibo sa Zika lalo na sa siyudad ng Iloilo kung saan naitala ang sampung kaso.

    PINOY TRAVELLERS DAPAT MAGING MAINGAT

    Upang mapigilan ang local transmission, nagpalabas ang DOH ng travel advisory na nagbibigay payo sa mga biyahero, buntis man o hindi na magdoble ingat lalo na kung sila ay nasa mga lugar na apektado ng Zika virus.

    Patuloy naman ang mahigpit na pagsusuring isinasagawa ng Bureau of Quarantine sa mga pasaherong pumapasok sa bansa na may sintomas ng lagnat. Ang mga pasaherong ito ay kailangan na mag-fill out ng health declaration checklist at mag-report sa anumang government health facility kung sakaling makaranas ng hindi maipaliwanag na lagnat sa loob ng pitong araw mula nang makarating sa ating bansa.

    PINAGMULAN, MGA SINTOMAS AT EPEKTO NG ZIKA VIRUS

    Batay sa pananaliksik, ang Zika ay hango sa pangalan ng isang kagubatan sa Uganda kung saan sinasabing unang natuklasan ang virus noong 1947. Ang Zika virus ay mula sa pamilyang Flavivirus, isang uri ng virus na nakukuha at naipapasa sa pamamagitan ng kagat ng isang uri ng babaing lamok na Aedes Aegypti, ang kaparehong lamok na naghahatid ng dengue at chikungunya.

    Ang pagkakaroon ng lagnat, rashes sa balat, pananakit ng mga kasu-kasuan at pamumula ng mga mata ang mga sintomas ng Zika virus. Itoy maaaring maranasan sa loob ng tatlo hanggang pitong araw matapos makagat ng infected na lamok at karaniwang nagtatagal ng dalawa hanggang pitong araw.

    Not everyone who gets infected present with symptoms that is why it is important to avoid mosquito bites. Hence, it is very important to clean the surroundings in order to prevent the multiplication of Aedes Aegypti mosquitoes that serve as vector of the said virus, paliwanang ni Secretary Ubial.

    Bagamat hindi gaanong malala ang mga sintomas ng nasabing sakit, kung hindi maaagapan, ito ay nagdudulot ng neurological at autoimmune problem na maaaring mauwi sa pagkaparalisa. Bukod pa rito, lubhang nakababahala ang panganib na hatid nito sa mga kababaihan na nagdadalang-tao. Kahit pa agad humupa ang mga sintomas ng sakit, naaapektuhan nito ang sanggol sa sinapupunan. Nagkakaroon ng abnormalities sa pagde-develop ng utak ng sanggol na sanhi ng pagliit ng ulo nito (microcephaly) at posibleng pagkamatay.

    Bukod sa kagat ng lamok, ang virus ay naipapasa rin sa pamamagitan ng walang proteksyon na pakikipagtalik at blood transfusion.

    MGA PARAAN UPANG MAIWASAN ANG ZIKA VIRUS

    Sa ngayon ay wala pang gamot para sa Zika virus disease. Makatutulong ang pag-inom ng maraming tubig, pagpapahinga at pag-inom ng gamot gaya ng Paracetamol upang mapawi ang lagnat sakaling tamaan nito.

    Inabisuhan ng DOH ang mga mamamayan na ugaliin ang pagsusuot ng mahabang

    Hindi kasingbagsik ng dengue ang Zika virus na dulot rin ng kagat ng lamok pero

    marami rin itong hatid na panganib sa sinumang dadapuan nito lalo na ang mga buntis. Ang

    nakababahala, may kaso na ng nasabing virus sa ating bansaat wala pa ring gamot para sa

    naturang sakit.

  • 23BalitaVolume 1 Issue Number 3

    HINDI lamang ehersisyo at pagkain ang may epekto sa ating kalusugan. Malaki rin ang kinalaman dito ng pagtulog at maging ng paraan ng paggising.

    Sinasabing ang tao ay dapat matulog ng pito hanggang walong oras sa gabi. Ayon sa Collective Evolution sa kanilang artikulong lumabas noong April 24, 2015 ay may mga negatibong epekto sa ating kalusugan ang pagpupuyat pero wala namang benepisyo ang pagtulog ng higit sa walang oras.

    May koneksyon anila ang haba ng tulog sa sakit sa puso at stroke. Nasa 23% na mas mataas ang tsansa ng mga taong natutulog nang mas maikli sa anim na oras na magkaroon ng coronary artery disease kumpara sa mga natutulog ng pito hanggang walong oras. Nabanggit din sa artikulo na 79% na mas ang tsansa na magkaroon ng sakit sa puso ang mga tao na maikli lamang ang oras kung matulog.

    Nakatataas din ng blood pressure ang pagpupuyat. Nabanggit sa artikulo ang isang pag-aaral noong 2006 na nadodoble ng pagpupuyat ang risk sa pagkakaroon ng hypertension. Isa pang pag-aaral ang isinagawa naman noong 2014 ang nagpakita na tumataas ang tsansa ng pagkakaroon ng stroke sa mga kababaihan dahil sa pagpupuyat.

    Isa pang epekto ng kakulangan sa pagtulog ang obesity o pagiging overweight. Tila nahihilig sa mga high-calorie food ang mga kalalakihang mahilig magpuyat. Maaari anilang naaapektuhan ng haba ng tulog ang mga hormone (ghrelin at leptin) na may kinalaman sa pandama natin sa gutom.

    Bukod sa mga ito ay may kinalaman din sa pagpupuyat ang pagkakaroon ng memory loss at Alzheimers disease, paghina ng immune system at anxiety. Nagiging sanhi rin anila ito ng maagang pagkamatay.

    Bukod sa pagtulog ay may epekto rin ang

    paggising sa ating kalusugan. Sabihin pa, hindi maganda sa ating kalusugan kapag hindi na tayo nagising. Pero bukod dito, makabubuti rin sa ating kalusugan kung gigising tayo sa umaga na energized.

    Ayon sa isa pang artikulo na lumabas naman sa besthealthus.com, para mangyari ito ay mainam na masinagan ang ating higaan nang sumisikat na araw sa umaga. Ang natural na sikat ng araw ay nagbibigay ng signal sa ating utak para pabagalin na ang produksyon ng melatonin na siyang nagsisilbing sleep hormone. Dahil dito ay babangon tayo na masigla at hindi aantuk-antok.

    Makakatulong din kung magse-set tayo ng alarm na 15 minuto na mas maaga sa gusto nating oras nang sa ganoon ay hindi tayo maalimpungatan at mag-rush sa umaga. Mas maganda anila ang paggising nang dahan-dahan. Kasunod ay mag-inat. Unahin ang mga daliri, kasunod ang kamay, likod. Pinabibilis nito ang daloy ng dugo na naghahatid ng oxygen sa ating mga tissue.

    Maganda ring maging motivated pagkagising. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagbasa ng mga motivational quote o pag-recite ng isang motivational mantra o isang inspirational na tula. Ang mga ito ang makapagbibigay sa atin ng inspirasyon sa buong araw.

    Isa pang mungkahi mula sa besthealthus.com upang magkaroon ng relaxing morning ang pag-iwas sa pagdedesisyon sa umaga pagkagising. Gabi pa lamang ay isipin na kung anong isusuot, kakainin sa almusal o kung saan dadaan patungo sa lugar na pupuntahan.

    Ayusin natin ang ating pagtulog gayundin ang paggising para magkaroon tayo ng magandang kalusugan at lakas sa buong maghapon, para maging mas mahusay tayong asawa, magulang, anak, boss o empleyado.

    BENEPISYO NG TAMANG PARAAN NG PAGTULOG

    Ni MANNY V. CAMARA

    pantalon at damit, maglagay ng insect repellent o lotion laban sa lamok, gumamit ng kulambo kapag natutulog o maglagay ng screen sa mga bintana at pintuan.

    Mahalaga rin na maging malinis sa kapaligiran. Kailangang sirain ang mga lugar kung saan maaaring mamugad ang mga lamok partikular kung saan may naiipong tubig na hindi natatakpan. Mag-spray rin ng insecticide. At para naman sa mga buntis o balak magbuntis, huwag munang maglakbay sa mga bansa na may mataas na kaso ng Zika virus.

    The first step to prevent mosquito-borne diseases is within our homes. Let us instil cleanliness in our surroundings and make it a practice in our communities. Together let us attain all for health towards health for all and eliminate breeding sites of mosquitoes and protect our family and community from any illnesses that they may bring. Be a good citizen. When you avoid bites, you avoid spreading the Zika virus to your family and the community, payo pa ni Sec. Ubial.

    Hinikayat din ng DOH ang mga komunidad na makiisa sa pinaigting na 4S campaign na nangangahulugan ng Search and destroy sa mga pinamamahayan ng mga lamok, gumamit ng Self-

    protection measures, Seek tearly consultation kung sakaling tumagal ng dalawang araw ang lagnat, at Say no to indiscriminate fogging.

    Naglunsad naman ng 24/7 hotlines ang DOH para sa mga Pinoy at foreign nationals na naninirahan sa Pilipinas na maaaring mangailangan ng kanilang tulong sakaling tamaan ng Zika virus. Maaari silang matawagan sa mga numerong 711-1001 at 711-1002.

    PUBLIC HEALTH EMERGENCYIdineklara ng World Health

    Organization (WHO) ang Zika virus bilang isang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC).

    Ayon kay Dr. Gundo Weiler, WHO Representative sa Pilipinas, sa kasalukuyan ay umabot na sa 72 na bansa ang apektado ng Zika virus, habang 19 sa 37 bansa sa Western Pacific region ang napaulat na may local transmission ng nasabing virus.

    Kamakailan lamang, ang Singapore na kalapit-bansa ng Pilipinas, ay naglabas ng ulat na mayroon na silang mahigit 240 kaso ng Zika.

    Sinabi rin ni Weiler na ang WHO ay magsasagawa ng national action plan para sa Zika at patuloy na susuportahan ang DOH sa paglaban nito sa posibleng paglaganap ng naturang virus.

    DOH Secretary PAULYN JEAN ROSELL-UBIAL

    Lathalain

  • SETYEMBRE 1-15, 2016

    24 Balita Volume 1 Issue Number 3PeaceIt does not mean to be in a place where there is no noise, trouble or hard work. It means to be in the midst of those things and still be calm in your heart...