22
Biag ni lam-ang -epiko ng ilokano buod? P anitikanWikaPanulaan o Patula E dit categories BIAG NI LAM - ANG Sina Don Juan t Namongan ay taga Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilan si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorota na kalaban nila. Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na nga mga Ilokano noong una na tumulong sa mga hilot kung manganganak ang maybahy nila ngunit dahil nga wala si Don Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni Namongan. Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling na "Lam-ang" ang ipangalan sa kaniya. Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag. Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan naroron ito, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang pagkasilang. Sinabi na ina ang kinaroroonan ng ama. Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng ama kaya't sinundan niya ito sa kabundukan. May dala siyang iba't- ibang sandata at mga antng- anting na makapag-bibigay-lakas sa kamiya at maaaring gawin siyang hindi makikita. Talagang pinaghandaan niya ang lakad na ito. Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya't namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na galit si Lam-ang s nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at anting-anting. Ang isa sy kaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyang tapang, lakas at talino. Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa nipaghiganti niya an pagkamatay ng ama niya. Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, taglt ang tagumpay, pinaliguan siya ng ilang babaing kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil ito'y naging ugali na noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo siya. Matapos na paliguan si Lam-ang, nanagmatay ang mga isda at iba pang bagay na may buhay na nakatira sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan nito. Sa kabutihan naman may isang dalagang balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito'y pinuntahan ng binatang si Lam-ang upang ligawan, kasama ang kaniyang putting tandang at abuhing aso. Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang. Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya't gumawa sila ng paraan upang sila ay makatawag ng pansin. Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines ay dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa isang igalp, tumindig uli ang bahay na natumba. Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at siya'y ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-an kay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga magulang ng dalaga na sila'y payag na maging manugang si Lam-ang kun ito'y makapagbibigay ng boteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng magulang ng dalaga. Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila Ines ay ikinasal. Dala nila ang lahat ng kailangan para sa maringal na kasalan pati ang dote. Ang masayang pagdiriwang ay sinimulan s Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal nila. Isa parin s kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakalilangang sumisid s ilog upang humuli ng rarang (isda). Sinunod ni Lam-ang

Biag ni lam

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Biag ni lam

Biag ni lam-ang -epiko ng ilokano buod?P anitikanWikaPanulaan o Patula E dit categories

BIAG NI LAM - ANG

Sina Don Juan t Namongan ay taga Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilan si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorota na kalaban nila. Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na nga mga Ilokano noong una na tumulong sa mga hilot kung manganganak ang maybahy nila ngunit dahil nga wala si Don Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni Namongan. Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling na "Lam-ang" ang ipangalan sa kaniya. Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag. Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan naroron ito, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang pagkasilang. Sinabi na ina ang kinaroroonan ng ama. Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng ama kaya't sinundan niya ito sa kabundukan. May dala siyang iba't- ibang sandata at mga antng-anting na makapag-bibigay-lakas sa kamiya at maaaring gawin siyang hindi makikita. Talagang pinaghandaan niya ang lakad na ito. Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya't namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na galit si Lam-ang s nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at anting-anting. Ang isa sy kaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyang tapang, lakas at talino. Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa nipaghiganti niya an pagkamatay ng ama niya. Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, taglt ang tagumpay, pinaliguan siya ng ilang babaing kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil ito'y naging ugali na noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo siya. Matapos na paliguan si Lam-ang, nanagmatay ang mga isda at iba pang bagay na may buhay na nakatira sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan nito. Sa kabutihan naman may isang dalagang balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito'y pinuntahan ng binatang si Lam-ang upang ligawan, kasama ang kaniyang putting tandang at abuhing aso. Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang. Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya't gumawa sila ng paraan upang sila ay makatawag ng pansin. Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines ay dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa isang igalp, tumindig uli ang bahay na natumba. Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at siya'y ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-an kay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga magulang ng dalaga na sila'y payag na maging manugang si Lam-ang kun ito'y makapagbibigay ng boteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng magulang ng dalaga. Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila Ines ay ikinasal. Dala nila ang lahat ng kailangan para sa maringal na kasalan pati ang dote. Ang masayang pagdiriwang ay sinimulan s Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal nila. Isa parin s kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakalilangang sumisid s ilog upang humuli ng rarang (isda). Sinunod ni Lam-ang subalit siya ay sinamang palad na makagat t mapatay ng berkakan (isang urinng pating). Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok, ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang mga buto. Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati at matiwasay sa piling ng alagang putting tandang at abuhing aso. 

Ang Awiting-Bayan o Kantahing Bayan.

Page 2: Biag ni lam

Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga paksa nito’y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng ibaít ibang uri nito, isa ang talindaw. Ang talindaw ay awit sa pamamangka. Ikalawa, ang Kundiman ito ay awit sa pag-ibig. Ikatlo, ang Kumintang ito ay awit sa pakikidigma. Ikaapat, ang Uyayi o Hele ito ay awit na pampatulog ng sanggol. Nabibilang rin dito ang Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit sa pangkasal; ang Indulain, awit ng paglalakad sa lansangan at marami pang iba.

1. TALINDAW-URI NG AWITING O KANTAHING BAYANTalindaw-Awaiting bayan tungkol sa pagsagwan.Sagwan, tayoy sumagwanAng buong kaya’y ibigay.Malakas ang hanginBaka tayo’y tanghaliin,Pagsagwa’y pagbutihin.

2.Oyayi o Hele URI NG AWITIN O KANTAHIN BAYAN.Matulog ka na, bunso,Ang ina mo ay malayoAt hindi ka masundo,May putik, may balaho.

Awiting Bayan

BAKYA MO NENENG

S. S. Suarez - ComposerLevi Celerio - Lyricist

Page 3: Biag ni lam

Bakya mo, Neneng, luma at kupas naNgunit may bakas pa ng luha mo, Sinta;Sa alaala'y muling nagbalik paAng dating kahapong tigib ng ligaya.

Ngunit, irog ko, bakit isang arawHindi mo ginamit ang bakya kong inalay?Sa wari ko ba'y di mo kailanganPagkat kinupasan ng ganda at kulay.

Ang aking pag-asa'y saglit na pumanawSa bakya mo, Neneng, na di pa nasilayan.Kung inaakalang 'yan ang munting bagay,Huwag itapon, aking hirang,Ang aliw ko kailan man.Iyan ang dalagang Pilipina, karapat-dapatsa isang tunay na pagsinta.

pic from nati0nal costumeANG DALAGANG PILIPINA

J. Santos -- composerJose Corazon de Jesus -- Lyricist

Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umagaKung tanawin ay nakaliligayaMay ningning na tangi at dakilang gandaMaging sa ugali, maging kumilos

Page 4: Biag ni lam

mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ngayosMalinis ang puso maging sa pag-irogmay tibay at tining ng loob

Bulaklak na tanging marilag, ang bangoay humahalimuyakSa mundo'y dakilang panghiyas,pang-aliw sa pusong may hirap.Batis ng ligaya at galak, hantungan ngmadlang pangarap.Iyan ang dalagang Pilipina, karapat-dapatsa isang tunay na pagsinta.

SAMPAGUITATagalog Folksong

This is song about the national flower of the Philippines, the sampaguita.

Sampaguita mutyang halamanBulaklak na ubod ng yamanIkaw lang ang siyang hinirangNa sagisag nitong bayan.At ang kulay mong binusilakAy diwa ng aming pangarapAng iyong bango't halimuyakSa tuwina ay aming nilalanghap.O bulaklak na nagbibigay ligayaAking paraluman mutyang SampaguitaLarawang mistula ng mga dalagaTanging ikaw lamngAng hiraman ng kanilang ganda.Ang 'yong talulot na kay gandaMga bubuyog nililigiran ka

Page 5: Biag ni lam

Kung sa dalagang sinisintaAraw gabi'y laging sinasamba.

AKO'Y KAMPUPOTAKO'Y KAMPUPOTLyrics by Maning P. Velez

Ako'y kampupotNa bagong sikatAng halimuyakSadyang laganapKaligayahan sa bawa't orasMan din ang naisTanging paglingap

Kaya't noong minsanAy napakingganIsang binatangNananambitanPuso kong taglayLubhang pihikanAy narahuyo sa panawagan.

Refrain:

Nasaan yung pangarapNg paglalambinganTangan na ng aking hirangAlay ay kaligayahanKay tamis nga namanMabuhay 'ta sa pagmamahalKung ang ligaya ay makakamtamSa habang buhay.

Page 6: Biag ni lam

Old Tagalog Songs-Hahabol-habolHAHABUL-HABOLni C. Delfino/R. Vega

O ang babae pag minamahalMay kursunada'y aayaw-ayawPag panay ang dalaw ay nayayamotWag mong dalawin, dadabog-dabogPag iyong iniwan, hahabul-habol

O ang lalaki pag minamahalKahit may pag-ibig aayaw-ayawKapag iyong biniro ay nayayamotWag mong batiin, dadabog-dabogWag mong suyuin, ay nagmamaktolPag iyong iniwan, hahabol-habol

Mayroong babae akong nililigawanKapag aking pinapanhik sa bahayNagatatago at ayaw malapitanKung may pag-ibigAy di mo malamanO, ang babae pag minamahalMaloloka ka ng husto sa buhay

O ang lalaki pag minamahalKahit may pag-ibig aayaw-ayawKapag iyon biniro ay nayayamotWag mong batiin, dadabog-dabogWag mong suyuin ay nagmamaktolPag iyong iniwan, hahabol-habol

Noong minsan ako ay niligawanIsang lalakeng pogi at mayamanBinasted ko sa isang kadahilananLahat ng sinasabi ay kayabangan

Page 7: Biag ni lam

O, ang lalaki pag minamahalMaloloko ka ng husto sa buhay

SA UGOY NG DUYAN

Music by Lucio San PedroLyrics by Levi Celerio

Sana'y di magmaliw ang dati kong arawNang munti pang bata sa piling ni NanayNais kong maulit ang awit ni Inang mahalAwit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Sana'y di magmaliw ang dati kong arawNang munti pang bata sa piling ni NanayNais kong maulit ang awit ni Inang mahalAwit ng pag-ibig ako'y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbingAng bantay ko'y talaAng tanod ko'y bituinSa piling ni NanayLangit ang buhayPuso kong may dusaSabik sa ugoy ng duyan mo InaySana narito ka Inay

Sana'y di magmaliw ang dati kong arawNang munti pang bata sa piling ni Nanay

Page 8: Biag ni lam

Nais kong maulit ang awit ni Inang mahalAwit ng pag-ibig hang ako'y nasa duyan.

DUNGAWIN MO, HIRANGSantiago S. Suarez

Irog ko'y pakingganAwit na mapanglawNa nagbuhat saIsang pusong nagmamahal.Huwag mong ipagkait,Awa mo'y ilawitSa abang puso kongNaghihirap sa pag-ibigChorus:Dungawin mo, hirangAng nananambitanKahit sulyap mo man lamangIyong idampulaySapagkat ikaw lamangAng tanging dalanginanNg puso kong Dahil sa 'yo'y nabubuhay.

IKAW ANG MAHAL KOby Arevalo

(1)Ikaw ang mahal koIkaw ang mahal kong tunay na tunayAng laging panaginip ko'y tanging ikawNguni't ang totoo madalas mong mapag-alinlanganAng puso kong tapat sa pagsintang 'di mo alam.(2)Ang pagibig kong lubusan kay hirap maunawaanSa puso o, ang pagsintang dalisayLaging wagas kahit mapagbintangan.(3)Ikaw ang mahal koIkaw ang mahal kong tunay na tunaySa puso kong tapat sa pagsintang 'di mo alam.Instrumental

Page 9: Biag ni lam

Repeat AllRepeat(2)Coda:La la la la la la -a hala la la la la la -a hala la la la la la -a ha'di mo alam

LAMBINGAN

Ay kay tamis hirang nang pagsintang tunayAng lahat ay buhay lalo kita'y kapilingKung tayo'y mawalay palad ko'y hinirangAt kung walang lambingan mabuti paMabuti pa tayo'y pumanaw.Sa piling mo sinta ko napapawi ang lungkotNapaparam, nagbabago ang lahat ng himutokAt sa tuwi kong hahagkan ang pisngi mong mabangoAy tuluyang napaparam ang hirap ko.Kung tayo'y magkasayaw, magkayakap sa galakAng langit ng bagong buhay ay maliwanagSa suyuang matimyas, nalilimot ang lumbayAt patuloy ang sarap nang matamis na lambingan.

CarinosaCariñosa ( [ˌkariˈɲosa]) is a flirtatious Philippine group dance in the Maria Clara suite of Philippine folk dances where the fan or handkerchief plays an instrumental roll as it places the couple in a hard-to-get romance scenario.

CARIÑOSA Traditional 

Ang pangarap ko sa pag-ibig Ay maging akin hanggang langit Ang isang tapat kung gumiliw Ang pagsuyo'y di mawawaglit Matupad ko lamang ang nais Hahamakin ko ang panganib Sa pagkat ako'y cariñosa kung umibig 

Page 10: Biag ni lam

II. Ang puso laging malulumbay Kung lilimutin mo Ang pagsintang wagas aking mahal Irog ko nahan ang pag-asa Ng tanging pagsintang Wari'y magdurusa 

III. Panaligan mo aking giliw Kailan ma'y hindi lilimutin Ang iyong pagsuyo sa akin Iingatan ko hanggang libing Kung ako'y naging cariosa Sa piling mo lang aking giliw Ang pag-ibig ko ay asahang Walang maliw.

MAALAALA MO KAYA?Constancio De Guzman

Huwag mong sabihing ikaw'y hamakkahit na isang mahirap,Pagka't ang tangi kong pagibigganyan ang hinahanap.

Aanhin ko ang kayamanankung ang puso'y salawahan,Nais ko'y pagibig na tunayat walang kamatayan.

Koro:

Maalaala mo kayaang sumpa mo sa akin,Na ang pagibig mo aysadyang di magmamaliw.Kung nais mong matanto,buksan ang aking pusoAt tanging larawan moang doo'y nakatago.

Page 11: Biag ni lam

Di ka kaya magbagosa iyong pagmamahal?Hinding-hindi giliw kohanggang sa libinganO. kay sarap mabuhaylalo na't may lambinganLigaya sa puso koay di na mapaparam. 

Bayan KoOriginal Tagalog lyrics by Jose Corazon de JesusMelody by Constancio de Guzman.

Ang bayan kong PilipinasLupain ng ginto't bulaklakPag-ibig ang sa kanyang paladNag-alay ng ganda't dilag.At sa kanyang yumi at gandaDayuhan ay nahalinaBayan ko, binihag kaNasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipadKulungin mo at umiiyakBayan pa kayang sakdal dilagAng di magnasang makaalpas!Pilipinas kong minumutyaPugad ng luha ko't dalitaAking adhika,Makita kang sakdal laya!

Halimbawa ng BugtongKung ikaw ay naghahanap ng mga bugtong para sa iyong homework at dito ka dinala ng iyong Google search, narito ang mga halimbawa ng bugtong.

1. Tubig na naging bato, batong nagiging tubig.

2. Ang paa ay apat , hindi makalakad.

Page 12: Biag ni lam

3. Umupo si itim, sinulot ni pula, lumabas si puti, bubuga-buga.

4. Alin dito sa mundo ang halamang walang buto.

5. Urong-sulong lumalamon.

6. Baboy ko sa Pasolo, nasa loob ang balahibo.

7. Isang hayop na maliit, dumudumi ng sinulid.

8. Isiniksik bago kinalabit, malayo ang sinapit.

9. Isang matandang hukot, nakatitibag ng bundok.

10. Heto na si bayaw, dala-dala'y ilaw.

Mga sagot:1. Asin

2. Mesa

3. Sinaing

4. Singkamas

5. Lagari

6. Mangga

7. Gagamba

8. Baril

9. Araro

10. Alitaptap

Mga Halimbawa ng Salawikain

Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.

Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit. 

Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.

Ang hindi napagod?magtipon,walang hinayang magtapon.

Ubus-ubos biyaya, pagkataposnakatunganga.

Page 13: Biag ni lam

Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.

Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.

Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.

Ang gawa sa pagkabata, dalahanggang pagtanda.

Pag di ukol, ? ay di bubukol.

Kung sino ang masalitaay siyang kulang sa gawa.

Daig ng maagap angtaong masipag.

Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing saka ng maluto'yiba ang kumain.

Iba't ibang Sawikain

ahas----taksil; traidorHalimbawa:Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.

anak-dalita---mahirapHalimbawa:Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

alilang-kanin---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.Halimbawa:"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."

balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.Halimbawa:Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.

balik-harap---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.

Page 14: Biag ni lam

Halimbawa:Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.

Bantay-salakay---taong nagbabait-baitanHalimbawa:Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.

basa ang papel---bistado naHalimbawa:Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina.

buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na malaki ang tuboHalimbawa:Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?

bukal sa loob---taos puso tapatHalimbawa:Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.

busilak ang puso---malinis ang kaloobanHalimbawa:Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu.

di madapuang langaw---maganda ang bihisHalimbawa:Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.

di makabasag-pinggan---mahinhinHalimbawa:Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.

hampaslupa---lagalag, busabosHalimbawa:Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.

haligi ng tahanan---ama

ilaw na tahanan---inaHalimbawa:Ang ama, bilang haligi ng tahanan ay dapat natin igalang. Ang ina naman, ay itinuturing na ilaw ng tahanan, ay dapat nating mahalin.

Page 15: Biag ni lam

isang kahig, isangtuka---kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang pangangailanganHalimbawa:Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay.

itaga sa bato---tandaanHalimbawa:Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.

itim na tupa---masamang anakHalimbawa:Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa.

kalapating mababa ang lipad---babaing nagbibili ng aliw, babaing putaHalimbawa:Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila.

kakaning-itik---walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalanHalimbawa:Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita.

kapit-tuko---mahigpit ang hawakHalimbawa:Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at malapit ng magsara.

kidlat sa bilis---napakabilisHalimbawa:Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies.

kilos-pagong---makupad,mabagalHalimbawa:Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.

luha ng buwaya---hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong pananangisHalimbawa:Huwag kang maniwala sa kanyang pananangis sa kamatayan ng mayaman ngunit masakitin niyang bana. Iyan ay luha ng buwaya.

(Ang "bana" ay salitang Cebuano na ginagamit na ngayon sa Wikang Filipino na ibig sabihin ay "mister o asawang lalaki")

Page 16: Biag ni lam

Mahangin ang ulo----mayabangHalimbawa:Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki.

matalas ang ulo---matalinoHalimbawa:Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at Magnacum Laude.

mahina ang loob---duwagHalimbawa:Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi manganib ang buhay.

malakas ang loob---matapangHalimbawa:Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng pampasaherong dyip.

makapal ang bulsa---maperaHalimbawa:Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa.

makapal ang palad---masipagHalimbawa:Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang milyonaryo.

magdilang-anghel---magkatotoo sanaHalimbawa:Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka sana.

pagputi ng uwak---walang maaasahan, walang kahihinatnanHalimbawa:Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak.

pagiisang dibdib---kasalHalimbawa:Ang pag-iisang dibdib nina Adila t Conrado ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na taon.

pusong-bakal---hindi marunong magpatawadHalimbawa:

Page 17: Biag ni lam

Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong-bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa?

tinik sa lalamunan---hadlang sa layuninHalimbawa:Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa kalabang pulitiko.

tulak ng bibig---salita lamang, di tunay sa loobHalimbawa:Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko.

bungang-tulog---panaginip

maamong kordero---mabait na taoHalimbawa:Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang guro.

butas ang bulsa---walang pera

mababaw ang luha---iyakinHalimbawa":Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa radyo o pelikula ay iniiyakan.

kabiyak ng dibdib---asawa

mabigat ang dugo---di-makagiliwanHalimbawa:Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa baguhang si Norma na isang probinsiyana.

maaliwalas ang mukha---masayahin,taong palangiti

maitim ang budhi---tuso, masama ang ugaliHalimbawa:Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid sa loob ng sampung taon.

mahabang dulang---kasalan

malikot ang kamay---kumukuha ng hindi kanya kawatanHalimbawa:Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay. Mahirap na ang magsisi sa bandang huli.

Page 18: Biag ni lam

namamangka sa dalawang ilog---salawahan

makitid ang isip---mahinang umunawa, walang gaanong nalalamanHalimbawa:Mahirap makipagtalo sa taong makitid ang isip. Walang mararating ang anumang katwiran mo.

nagbibilang ng poate---walang trabaho

malawak ang isip---madaling umunawa, maraming nalalamanHalimbawa:Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip. Marami kang matututunan, marami kang malalaman.

nakahiga sa salapi---mayaman

mapurol ang utak---boboHalimbawa:Talaga yatang mapurol ang itak ng aking pamangkin. Natapos niya ang elementarya sa loob ng siyam na taon.

nagmumurang kamatis---matandang lalaking nag-aayos binata,matandang babae nag-aayos dalaga

masama ang loob---nagdaramdamHalimbawa:Halatang masama ang loon ni Miss Gan dahil hindi siya nasali sa mga nabigyan ng parangal.

naniningalang-pugad---nanliligaw

matalas ang tainga---madaling makarinig o makaulinigHalimbawa:Matalas ng tainga ng aking ama kahit na siya ay 93 taong gulang na.

sira ang tuktok---gago, luko-lukoHalimbawa:Sira ng tuk-tok ng taong iyon, kanina pa sayaw nang sayaw sa tabi ng daan.

takaw-tulog---mahilig matulogHalimbawa:Paano kang aasenso sa trabaho mo gwardiya kung ganyang lagi kang takaw-tulog?

PASYON

Page 19: Biag ni lam

Hiram sa Diyos

Hiram sa Diyos ang aking buhayIkaw at akoy tanging handog lamangDi ko ninais na akoy isilangNgunit salamat dahil may buhay

***Ligaya ko nang akoy isilangPagkat tao ay mayroong dangalSinong may pag ibig, sinong nagmamahalKundi ang taong DIYOS angpinagmulanKung di ako umibig, kung di ko manbigyang halagaAng buhay koy handogANg buhay kong hiram sa DIYOSKung di ako magmamahal sino ako.