36
HADITH

BTEC Hadith Level 0111

Embed Size (px)

DESCRIPTION

BTEC Hadith Level 0111

Citation preview

Page 1: BTEC Hadith Level 0111

HADITH

Page 2: BTEC Hadith Level 0111
Page 3: BTEC Hadith Level 0111

3

NILALAMAN

Pahina

Aralin 1 Usul al-Hadith 5

Ang Sanad 5

Ang Matn 6

Mga uri ng Hadith 6

Aralin 2

Hadith-1: Ang kahalagahan ng paghahanap ng kaalaman sa Islam 10

Hadith-2: Ang pagbabawal sa pagsasalita ng masama sa mga magulang 11

Aralin 3

Hadith-3: Mula sa mga pag-uugali sa Islam 12

Hadith-4: Ang pagbabawal sa pamamalimos 13

Aralin 4

Hadith-5: Ang kabutihan nang pagdalaw sa may karamdaman 15

Hadith-6: Mga pamamaraan sa paggawa nang kabutihan sa Islam 16

Aralin 5

Hadith-7: Ang ilan sa magagandang ugali sa pagbahin 18

Hadith-8: Babala sa pagka-magagalitin 19

Aralin 6

Hadith-9: Babala sa pagmamalaki 20

Hadith-10: Ang ilan sa magagandang ugali sa pagkain 21

Aralin 7

Hadith-11: Ang kabutihan nang pag-aalaala sa Allah 23

Aralin 8

Hadith-12: Ang pagmamahal sa Sugo ng Allah 25

Aralin 9

Page 4: BTEC Hadith Level 0111

4

Hadith-13: Ang kagandahang asal 27

Hadith-14: Ang kabutihan ng pagkamahiyain 28

Aralin 10

Hadith-15: Ang palatandaan ng Nifaq (pagkukunwari) 29

Hadith-16: Ang pagpapaumanhin at pagpapasensiya 30

Aralin 11

Hadith-17: Ang pagbabawal sa Ghibah 31

Hadith-18: Ang pagbabawal sa pagtakwil ng isang Muslim sa kanyang kapatid na Muslim 32

Aralin 12

Hadith-19: Ang idinudulot ng pakikipagkaibigan 34

Hadith-20: Ang ilan sa magagandang pag-uugali sa paghingi ng pahintulot 35

Page 5: BTEC Hadith Level 0111

5

ARALIN - 1

UsUl al-HaditH

Ang Hadith sa literal na kahulugan ay ang pagsasabi o pag-uusap, subali’t sa punto ng Islam ito ay kumakatawan sa mga sinabi at ginawa ng Propeta Muhammad na inulat ng kanyang mga Kasamahan at tinipon sa aklat ng mga maaalam na sumunod pagkatapos nila. Ang sumusunod ay ang halimbawa ng Hadith:

Si Musaddad ay nagsabi sa atin na ipinabatid sa kanya ni Yahya mula kay Shu’bah, mula kay Qatadah, mula kay Anas mula sa Propeta na kanyang sinabi: “Walang sinuman mula sa inyo ang tunay na mananampalataya

hangga’t hindi niya hinahangad sa kanyang kapatid kung ano ang hinahangad niya para sa kanyang sarili.” Bukhari at Muslim

Ito ay nangangahulugan na ang iskolar ng Hadith na si Muhammad ibn Isma’il al-Bukhari ay nagtipon sa kanyang aklat ng mga Ahadith na tinatawag na Sahih al-Bukhari ang salaysay na: “Wala sa inyo ang tunay na mananampalataya hangga’t hindi niya hinahangad sa kanyang kapatid kung ano ang hinahangad niya para sa kanyang sarili.” – na narinig niya mula sa kanyang guro sa Hadith na si Musaddad, na narinig niya sa kanyang guro na si Yahya, na sinabihan ng kanyang guro na si Shu’bah na narinig niya ito mula sa kanyang guro na si Qatadah, ang mag-aaral ng Kasamahan ng Propeta, na narinig itong sinabi mula sa Kasamahang si Anas ibn Malik mula sa Propeta.

ang pag-aayos ng Hadith

Ang Hadith ay binubuo ng dalawang pangunahing mga bahagi: ang Sanad .(المتن) at ang Matn (السند)

ang sanad

Ang pinagmulan ng mga tagapag-ulat nang sinabi o ginawa ng Propeta ay

Page 6: BTEC Hadith Level 0111

6

tinatawag na Sanad. Halimbawa, sa nabanggit na Hadith ang Sanad ay: “Si Musaddad ay nagsabi sa atin na ipinabatid sa kanya ni Yahya mula kay

Shu’bah, mula kay Qatadah, mula kay Anas mula sa Propeta na kanyang sinabi:”

ang Matn

Ang paksa ng Hadith o kung ano ang aktuwal na sinabi o ginawa ng Propeta ay tinatawag na Matn. Halimbawa, sa nabanggit na Hadith ang Matn ay: “Wala sa inyo ang tunay na mananampalataya hangga’t hindi niya hinahangad sa kanyang kapatid kung ano ang hinahangad niya para sa kanyang sarili.”

Mga Uri ng HaditH

Ang Hadith ay nahahati sa dalawang pangunahing uri: Hadith Sahih at Hadith Da’if

ang Hadith sahih

Kung ang lahat ng tagapag-ulat sa sanad ay nagampanan ang tatlong sumusunod na mga kondisyon, ang Hadith ay mauuri bilang isang eksaktong sinabi o ginawa ng Propeta at tinatawag na Sahih. Nangangahulugan ito na makatitiyak tayo na ang Propeta ang tunay na nagsabi o gumawa kung ano ang naiulat sa Hadith.

1. Ang mga tagapag-ulat ay kinakailangang kilala sa pagiging makatotohanan.

2. Sila ay kinakailangan na mayroong mahusay na memorya, o kaya ay naisulat kung ano ang kanilang narinig.

3. Kinakailangan na nagkatagpo ang bawa’t isa.

Ang ganitong Hadith ay magagamit upang patunayan ang isang punto ng Batas Islamiko na kinakailangang sundin. Ang mga Hadith ay ang pangalawang pinakamahalagang pinagkukunan ng Batas Islamiko (matapos ang Qur’an) at ang lahat ng mga totoong Muslim ay kinakailangang sundin ang mga ito. Ang Allah sa Qur’an ay nagwika:

وما آتاكم الرسول فخذوه وما نهاكم عنه فانتهوا “…At kung anuman ang ipinag-utos sa inyo ng Mensahero – sundin ito; at

Page 7: BTEC Hadith Level 0111

7

anuman ang ipinagbawal sa inyo – iwasan ito…” Surah al-Hashr 59:7

Ang tanging paraan na masusunod natin ang utos ng Diyos ay ang pag-aralan natin ang mga Hadith ng Propeta at isabuhay natin ito.

Ang Hadith na nabanggit sa panimula ng aralin ay isang Hadith Sahih na nagtuturo sa mga Muslim tungkol sa Pananampalataya (Iman). Ang tunay na paniniwala sa Diyos ang magiging dahilan na pakitunguhan ang iba nang maayos lalo na ang kanilang kapatid sa pananampalataya. Likas sa mga tao ang nagnanais na pakitunguhan nang mahusay, sa ganito, ang mabuting pakikitungo ay isang mahalagang bahagi ng isang maginhawa at matiwasay na buhay. Ito ay nagpapaunlad sa pagmamahal, tiwala, paggalang at marami pang ibang mga mabubuting katangian mula sa mga tao. Upang magkaroon nang mabuting ugnayan sa bawa’t isa, ang Islam ay naghihikayat sa mga Muslim na pakitunguhan ang iba sa parehong mabuting pamamaraan na kung saan ay ninanais nilang pakikitungo ng iba sa kanila.

Tinipon ni Bukhari mula kay Muhammad ibn al-Muthanna, mula kay AbdulWahhab, mula kay Ayub mula kay Abu Qilabah, mula kay Malik na ang Propeta ay nagsabi:

“Magdasal kung papaano ninyo ako nakitang nagdarasal.”

Ang Hadith na ito ay tinutupad ang mga kondisyon na nabanggit kaya’t ito ay Sahih. Ang punto ng batas Islamiko dito ay – na sa pormal na pagdarasal (Salah) kinakailangan nating tularan ang pamamaraan ng Propeta. Ang mga Muslim ay hindi pinahihintulutang gumawa ng kanilang sariling pamamaraan ng pagdarasal, dahil hindi lamang ito pagsuway sa Propeta subali’t ito rin ay magpapalito sa hanay ng pagdarasal. Ang tamang paglalarawan ng Salah ng Propeta ay matatagpuan sa mga aklat ng Hadith. Kaya’t kinakailangan nating magbasa at hanapin kung papaano nag-Salah ang Propeta upang masunod natin siya nang tama.

ang Hadith da’if

Kung sinuman sa mga tagapag-ulat sa Sanad ay nakilala nang anuman sa mga sumusunod na mga pagkakamali, ang Hadith ay maiuuring hindi wasto at maituturing bilang isang Da’if.

Page 8: BTEC Hadith Level 0111

8

1. Kung sinuman sa kanila ang nakilalang sinungaling.2. Kung sinuman sa kanila ang nakilalang may mahinang memorya.3. Kung sinuman sa kanila ang nakilala na hindi nakatagpo ang

sinasabing pinagmulan ng kanyang ulat.

Ang Hadith na Da’if ay hindi tunay na sinabi o ginawa ng Propeta at hindi maaaring gamitin na patunay sa anumang punto sa Batas Islamiko. Anumang batas na nakabatay sa ganitong Hadith ay maituturing na hindi tama. Halimbawa, ang iskolar ng Hadith na si Abu Dawud at Ahmad ay nakatipon ng isang salaysay mula kay Hafs ibn Ghayyah na nag-ulat mula kay AbdurRahman ibn Ishaq mula kay Ziyad ibn Zayd mula kay Abu Juhayfah na si ‘Ali ibn Abi Talib ay dapat na sinabi, “Ang Sunnah na paglalagay ng mga kamay sa Salah ay ang ipatong ang isang kamay sa kabilang kamay, sa baba ng pusod.” Gayunpaman, ang Hadith na ito ay inuring da’if sapagka’t si Abdur-Rahman ay kilalang sinungaling. Samakatuwid, hindi ito magagamit na patunay upang ang pagpapatong ng isang kamay sa kabilang kamay sa baba ng pusod sa Salah. Ang tamang pagsasagawa ay ang inulat ni Tawus sa ibang Hadith na Sahih. Sinabi niya na ang Mensahero ng Allah ay palaging ipinapatong ang kanang kamay sa ibabaw ng kanyang kaliwang kamay at inilalagay ang mga ito sa kanyang dibdib kapag siya ay nagsasalah. Ang Hadith na ito ay natipon din ni Abu Dawud at Ahmad gayundin si Ibn Khuzaymah. Gayunpaman, ang paglalagay ng kamay sa baba ng pusod o sa pusod ay hindi nakasisira ng Salah ng isang tao.

Si Al-Hasan ibn ‘Atiyyah ay nag-ulat mula kay Abu ‘Atikah mula kay Anas na ang Propeta ay nagsabi, “Maghanap ng kaalaman kahit (ito pa ay naroon) sa Tsina.” Ang Hadith na ito ay natipon ng iskolar ng Hadith na sina Ibn ‘Adiy at Abu Nu’aym. Kahit na ito ay pangkaraniwang nababanggit na Hadith na kilala sa lahat ng mga Muslim, ito ay hindi eksakto. Si Abu ‘Atikah ay naakusahan sa pagsisinungaling ng mga Hadith, kaya’t ang salaysay na ito ay inuri bilang isang Da’if. Sa katotohanan, ang mga iskolar ng Hadith ay naglagay ng isang espesyal na uri ng mga Hadith na Dai’f na tinatawag na Mawdu’ (gawa-gawa). Samakatuwid, hindi tama na pagbatayan ang salaysay na ito bilang Hadith ng Propeta, sapagka’t marami sa kanyang mga Kasamahan ang narinig siya sa pagsasabi ng:

“Hayaan ang sinumang sinasadyang magsinunangaling tungkol sa akin na makuha niya ang kanyang lugar sa Impiyernong-Apoy.”

Ang pinakakilalang mga aklat ng Hadith ay ang tinatawag na “Ang Anim na Mapagkakatiwalaan” (as-Sihah as-Sittah). Ito ay ang Sahih al-Bukhari,

Page 9: BTEC Hadith Level 0111

9

Sahih Muslim, Sunan Abi Dawud, Sunan at-Tirmidhi, Sunan an-Nasa’i at Sunan Ibn Majah. Ang pinakamatandang natipon na mga Hadith na umabot sa atin ay ang Muwatta ni Malik at ang pinakamaraming natipon na mga Hadith ay ang Musnad ni Ahmad. Ang pinaka-wastong tinipon na mga Hadith ay ang kay Bukhari at pinapangalawahan ng kay Muslim. Ito ay, maaaring kumuha ng mga Hadith ang isa mula sa parehong mga Sahih nina Bukhari at Muslim bilang patunay, sapagka’t ang mga ito ay magkakalapit na mga wastong ulat na maaaring gamitin bilang patunay. Magkagayon, tanging ang mga Hadith lamang na inuring wasto ng mga iskolar ang maaaring gamitin mula sa ibang mga aklat. Nararapat din nating malaman na ang mga makabagong aklat ay nagbabanggit lamang ng mga huling tagapag-ulat bago ang Propeta sa paglalahad ng Hadith upang makatipid ng oras at espasyo.

Page 10: BTEC Hadith Level 0111

10

ARALIN - 2

Hadith - 1

ang KaHalagaHan ng PagHaHanaP ng KaalaMan sa islaM

هه ي اهلل عنهما قال : �سمعت ر�سول اهلل يقول: » من يرد اهلل به خيا يفق عن معاوية بن اأبي �سفيان ر�سين » اأخرجه البخاري وم�سلم. ف الد

Si Mu`awiyah ibn Sufyan – kalugdan nawa sila (siya at ang kanyang ama) ng Allah – ay nag-ulat: Narinig ko ang Sugo ng Allah na nagsabi: “Sinuman na hinangad ng Allah sa kanya ang kabutihan ay ipauunawa sa kanya ang Pananampalataya (Islam).” Isinalaysay nina Bukhari at Muslim.

Kilalanin ang nag-ulat: Siya ang isang dakilang Sahabi (tagasunod ng Propeta (saw)) na si Mu`awiyah ibn Abu Sufyan Sakhr ibn Harb Al-Qurashy Al-Umawy na tinaguriang Ameerul Mu’mineen. Ipinanganak limang taon bago mahirang na Sugo si Muhammad . Yumakap sa Islam sa taon ng pagtagumpay. Siya ay isa sa mga tagasulat ng Sugo at tinangkilik ni Umar sa Sham. Binawian ng buhay sa buwan ng Rajab, ika-60 ng Hijrie. Kalugdan nawa siya ng Allah at ang kanyang ama.

Patnubay ng Hadith:1. Ang kahusayan ng pag-unawa sa Kaalaman sa Islam ng higit sa

anumang mga kaalaman.

2. Katotohanan, ang sinumang hindi umunawa sa Kaalaman sa Islam ay tunay na napagkaitan ng maraming kabutihan.

3. Ang kaalaman ay nagbibigay ng buhay sa puso at liwanag sa paningin. Sa pamamagitan ng kaalaman ay masasamba ng isang Muslim ang kanyang Panginoon ng may tiyak na kaalaman na siyang mag-aangat ng kanyang antas dito sa mundo at kabilang buhay.

4. Ang katapatan ng Niyyah (layunin) sa paghahanap ng kaalaman ay isang Ibadah (pagsamba) na ginagantimpalaan.

Page 11: BTEC Hadith Level 0111

11

Hadith – 2

ang PagBaBaWal sa Pagsasalita ng MasaMa sa MagUlang

جل ي اهلل عنه – قال : قال ر�سول اهلل : )من الكبائر �ستم الر عن عبد اهلل بن عمرو بن العا�ص – ر�سه جل في�سب اأباه وي�سب اأم جل والديه، قال: نعم ي�سب اأبا الر والديه، قالوا: يار�سول اهلل ، وهل ي�ستم الر

ه ( اأخرجه البخاري وم�سلم. في�سب اأم

Iniulat ni Abdullah ibn `Amr ibn Al-`As – kalugdan nawa sila ng Allah – kanyang sinabi na ang Sugo ng Allah ay nagsabi: “Nabibilang sa

mga malalaking kasalanan ang pagsasalita ng masama ng isang anak sa kanyang magulang.” Sila ay nagsabi: “O Sugo ng Allah! Maaari

bang magsalita ng masama ang isang anak sa kanyang magulang?” Kanyang sinabi: “Oo! Ang pagsasalita niya ng masama sa ama ng iba ay pagsasalita niya ng masama sa kanyang sariling ama, at ang pagsasalita niya ng masama sa ina ng iba ay pagsasalita niya ng masama sa kanyang

sariling ina.” Isinalaysay nina Bukhari at Muslim.

Kilalanin ang nag-ulat:Siya ang isang dakilang Sahabi na si Abdullah ibn `Amr ibn Al-`As ibn Wail Al-Qurashiy As-Sahamiy – kalugdan nawa siya ng Allah – naunang yumakap sa Islam bago ang kanyang amang si `Amr ibn Al-`as – kalugdan nawa siya ng Allah. Lumahok sa karamihan ng mga digmaan ng Propeta (saw). Siya ay kilala sa pagiging masigasig sa pagsamba at nakapag-ulat ng maraming mga hadith. Binawian ng buhay noong ika-animnapu’t limang taon ng Hijrie – kalugdan nawa siya ng Allah.

Patnubay ng Hadith:

1. Ang pagsasalita ng masama sa magulang ay nabibilang sa mga malalaking kasalanan.

2. Ang pagsasalita ng masama sa ama ng iba ay pagsasalita ng masama sa kanyang sariling ama.

3. Ang pagsasalita ng masama sa ina ng iba ay pagsasalita ng masama sa kanyang sariling ina.

4. Mahalin at igalang ang ating mga magulang dahil ito ay isa sa mga pangunahing kautusan ng Allah sa atin.

Page 12: BTEC Hadith Level 0111

12

ARALIN - 3

Hadith – 3

MUla sa Mga Pag-UUgali sa islaM

ي اهلل عنه – اأن ر�سول اهلل قال: )من كان يوؤمن باهلل واليوم الآخر فال يوؤذ جاره، اأبي هريرة ر�س عن مت( ومن كان يوؤمن باهلل واليوم الآخر فليكرم �سيفه، ومن كان يوؤمن باهلل واليوم الآخر فليقل خيا اأو لي�س

اأخرجه البخاري وم�سلم.

Si Abu Huraira – kalugdan nawa siya ng Allah – ay nag-ulat: Ang Propeta ng Allah (saw) ay nagsabi “Sinuman ang naniniwala sa Allah at sa Huling

Araw ay hindi dapat makasakit ng kanyang kapit-bahay. Sinuman ang naniniwala sa Allah at sa Huling Araw ay dapat na maging magiliw sa

kanyang panauhin. Sinuman ang naniniwala sa Allah at sa Huling Araw ay dapat na magsalita lamang ng mga makabubuti o di kaya ay manahimik

na lamang.” Isinalaysay nina Bukhari at Muslim.

Kilalanin ang Nag-ulat:

Siya ang marangal na Sahabi (kasama ng Propeta) Abdulrahman bin Sakhar Addawsy. Yumakap sa Islam pitong (7) taon matapos ang Hijrah. Matagal siyang namalagi sa piling ng Propeta (saw). Si Abu Huraira ang una sa pinakamaraming naiulat na mga Ahadith ng Propeta (saw). Binawian siya ng buhay limampu’t pitong (57) taon matapos ang Hijrah.

Kahulugan ng mga salita:

salita KahuluganHuling Araw Araw ng PaghuhukomManahimik Huwag magsalita

Patnubay ng Hadith:1. Mula sa kapakinabangan ng ating pananampalataya ang magnais ng

anumang bagay na magpapalapit sa bawa’t isa at magtataguyod ng pagkakapatiran.

Page 13: BTEC Hadith Level 0111

13

2. Ang mga karapatan ng inyong kapit-bahay:

a. Ang pagbibigay sa kanila kabutihan kagaya ng anumang bagay na kanilang pakikinabangan o pagbibigay sa kanila ng mga mabubuting salita.

b. Iwasang makasakit sa kanila sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na makapipinsala sa kanila. Halimbawa ay; ang pagpasok sa kanilang tahanan na walang pahintulot, pananakit sa kanilang mga anak, pagsusulat sa kanilang mga pader o dingding, paglalaro sa kanilang sasakyan hanggang sa ito ay masira, o ang pagharang ng anuman sa kanilang daanan.

3. Ang ganap na pananampalataya ay ang paggawa ng mga mabubuting bagay sa inyong kapit-bahay at huwag kailanman silang sasaktan.

4. Ang pagbibigay karapatan sa kapit-bahay ay nagpapatatag ng pagkakapatiran.

5. Karapatan ng panauhin na maging magalang tayo sa ating pananalita sa kanila, tanggapin sila ng taos-puso, gumawa ng kabutihan sa kanila, ayusin ang lugar na pagtatanggapan sa kanila, at hainan sila ng mga pagkain na hindi labis-labis.

6. Tungkulin nating pangalagaan ang ating dila. Gamitin ito sa pagsasalita ng mga kabutihan at iwasan ang masasamang mga salita.

Hadith – 4

ang PagBaBaWal sa PaMaMaliMOs

ا ي�ساأل ا فاإن ي اهلل عنه – قال: قال ر�سول اهلل : ) من �ساأل النا�ص اأموالهم تكث عن اأبي هريرة – ر�سجمرا، فلي�ستقل اأو لي�ستكث ( اأخرجه م�سلم.

Iniulat ni Abu Hurairah – kalugdan nawa siya ng Allah – kanyang sinabi na ang Sugo ng Allah ay nagsabi: “Ang sinumang mamalimos sa

mga tao upang magparami ng kanyang ipon ay naghahangad ng Jamra (kapirasong apoy). Nasa tao kung siya ay maghangad ng kapirasong apoy

o magparami ng apoy.” Isinalaysay ni Muslim

Page 14: BTEC Hadith Level 0111

14

Kilalanin ang nag-ulat:(Tunghayan sa Hadith – 3)

Patnubay ng Hadith:1. Ipinagbabawal ang pamamalimos kung hindi naman kailangan.2. Ipinahihintulot ang pamamalimos dahil sa pangangailangan kagaya

ng pambayad sa utang at iba pang kahalintulad nito.3. Mas mainam sa isang Muslim na huwag mamalimos kaninuman kahit

pa siya ay nangangailangan, sapagka’t ang sinumang hindi umaasa sa kaninuman ay pasasaganahin ng Allah.

4. Kabilang sa magagandang katangian ng isang Muslim ay ang pagiging malaya sa kadustahan, umiiwas sa pamamalimos.

5. Nararapat na magtrabaho at magsumikap ang isang Muslim upang makamit niya ang kabuhayan at makaiwas hangga’t maaari sa pamamalimos.

Page 15: BTEC Hadith Level 0111

15

ARALIN - 4

Hadith – 5

ang KaBUtiHan ng PagdalaW sa MaY KaraMdaMan

ة قيل : يا رسول عن ثوبان - رضي اهلل عنه – عن رسول اهلل قال: (من عاد مريضا لم يزل في خرفة اجلن اهلل و ما خرفة اجلنة؟ قال " جناها " أخرجه مسلم.

Iniulat ni Thawban – kalugdan nawa siya ng Allah – na ang Sugo ng Allah ay nagsabi: “Ang sinumang dumalaw sa isang may karamdaman ay mananatili sa loob ng Khurfat ng Paraiso. May nagtanong: O Sugo ng

Allah! Ano ang Khurfat ng Paraiso? Kanyang sinabi: Ang mga halamanan nito.” Isinalaysay ni Muslim.

Kilalanin ang nag-ulat:Siya ang isang dakilang Sahabi na si Thawban ibn Bujdud na nagpalayaw ng Abu Abdullah. Isang tagapaglingkod ng Propeta (saw). Nanirahan siya sa Madinah at nang pumanaw ang Propeta (saw) ay lumipat sa Sham matapos makilahok sa pagsakop sa Egypt. Pumanaw sa Hims noong ikalimampu’t apat na taon ng Hijrie – kalugdan nawa siya ng Allah.

Patnubay ng Hadith:1. Ang kalusugan ay isa sa mga pinakadakilang biyaya ng Allah sa

Kanyang mga alipin. Maari tayong bigyan ng pagsubok ng Allah sa pamamagitan ng karamdaman.

2. Kabilang sa mga karapatan ng may karamdaman sa kanyang mga kapatid na Muslim ay ang pagdalaw sa kanya at paulit-ulit ito.

3. Ang pagdalaw sa may karamdaman ay may gantimpalang makakamit mula sa Allah.

4. Ang pagdalaw sa may karamdaman ay nagpapagaan sa sakit na kanyang nararamdaman at nagdudulot ito ng kasiglahan para sa kanya.

5. Ang pagdalaw sa may karamdaman ay nagpapagunita sa taong malusog na tumatamasa sa biyayang ipinagkaloob sa kanya ng Allah.

6. Kabilang sa mga dahilan ng pagkakabuklud-buklod ng mga Muslim at ang paglaganap ng pagmamahal sa pagitan nila ay ang pagpapalitan ng kanilang pagdalaw sa isa’t isa lalung-lalo na sa pagdalaw sa may karamdaman.

Page 16: BTEC Hadith Level 0111

16

7. Itinatagubilin sa sinumang dumalaw sa may karamdaman na ipanalangin niya at sabihin sa kanya: “laa Ba’sa thahoorun insha allah” (Walang anuman! Kadalisayan. Nawa’y ipahintulot ng Allah), at huwag manatili nang matagal sa pagdalaw sa kanya.

Hadith – 6

Mga PaMaMaraan sa PaggaWa ng KaBUtiHan sa islaM

دقة، كل يوم ي اهلل عنه – قال: قال ر�سول اهلل : )كل �سالمى من النا�ص عليه �س عن اأبي هريرة – ر�سجل على دابته فيحمل عليها اأو يرفع عليها متاعه دقة، ويعي الر م�ص يعدل بي اثني �س تطلع فيه ال�س

ريق يط الأذى عن الط دقة وي الة �س دقة، وكل خطوة يخطوها اإل ال�س يبة �س دقة، والكلمة الط �سدقة(. رواه البخاري وم�سلم. �س

Si Abu Hurairah – kalugdan nawa siya ng Allah – ay nagsabi: Sinabi ng Sugo ng Allah : “Tungkulin ng isang tao na bigyan ng Sadaqah (kawanggawa) ang bawa’t bahagi ng kanyang katawan. Sa bawa’t

pagsikat ng araw na may napagkasundo ka na dalawang hindi nagkakaunawaan, ikaw ay nakapagbigay ng Sadaqah. Ang pagtulong sa isang tao na sumakay sa kanyang hayop o pag-abot ng mga bagay na kailangan niya ay pagbibigay ng Sadaqah. Ang pagsasalita ng mga

kabutihan sa isang tao ay Sadaqah. Sa bawa’t hakbang patungong masjid upang mag-salah ay Sadaqah. Ang pagtanggal sa mga balakid na makapipinsala sa daanan ay Sadaqah.” Isinalaysay nina Bukhari at

Muslim.

Kilalanin ang nag-ulat:(Tunghayan sa Hadith – 3)

Kahulugan ng mga salita:

Kawanggawa Anumang uri ng gawa na magdudulot ng kabutihan sa sarili man o sa kapwa tao.

Page 17: BTEC Hadith Level 0111

17

mga balakid

Anumang bagay katulad ng pako o matutulis na bagay, bato, dumi o anuman na maaaring makapinsala sa tao.

Patnubay ng Hadith:1. Habag ng Allah sa atin na pinagaan Niya para sa atin ang paggawa

ng mga Kabutihan.2. Nararapat na pasalamatan ang Allah sa mga biyayang ipinagkaloob

Niya sa atin. Kasama rito ay ang biyaya sa bahagi ng ating katawan pati na rin ang ating mga pakiramdam.

3. Ang pagtulong sa iba sa paggawa ng kabutihan ay nagpapahiwatig nang pasasalamat sa Allah na may kaakibat na gantimpala.

4. Tungkulin nating ipagkasundo ang mga di-nagkakaunawaang magkakapatid, magkakaibigan, magulong nagtatalunan at mga nagpuputol ng kanilang mga ugnayan.

5. Kabilang sa mga ginagantimpalaan sa isang Muslim at nagiging kaaya-aya sa kanya sa iba ay ang pakikipag-usap niya sa kanila nang magagandang pangungusap at mabubuting salita.

6. Bawa’t hakbang ng isang Muslim patungong Masjid ay nakadaragdag sa kanyang mga kabutihan at nakapapawi sa kanyang mga kasalanan.

7. Ang pag-alis sa mga balakid na makapipinsala sa tao sa mga daanan, paaralan at iba pa ay dahilan upang madagdagan ang ating kabutihan.

Page 18: BTEC Hadith Level 0111

18

ARALIN - 5

Hadith – 7

ang ilan sa Magagandang Pag-UUgali sa PagBaHin

، وليقل له اأخوه ي اهلل عنه – عن النبي قال: )اإذا عط�ص اأحدكم فليقل: احلمد هلل عن اأبي هريرة – ر�سلح بالكم(. رواه البخاري. احبه: يرحمك اهلل. فاإذا قال له: يرحمك اهلل – فليقل: يهديكم اهلل وي�س اأو �س

Iniulat ni Abu Hurairah – kalugdan nawa siya ng Allah – kanyang sinabi: Ang Propeta (saw) ay nagsabi: “Kapag ang isa sa inyo ay bumahin, kanyang sabihin: AL-HAMDU LILLAH (ang pagpupuri at

pasasalamat ay sa Allah). At sabihin sa kanya ng kanyang kapatid o kasamahan: YARHAMUKALLAAH (kahabagan ka nawa ng Allah). At kapag sinabi sa kanya ang: YARHAMUKALLAAH. Kanyang sabihin:

YAHDEEKUMULLAAH WA YUSLIHU BAALUKUM (patnubayan nawa kayo ng Allah at ituwid ang inyong kalagayan)”. Isinalaysay ni Bukhari.

Kilalanin ang nag-ulat:(tunghayan sa Hadith – 3)

Patnubay ng Hadith:1. Kabilang sa mga katangian ng Pananampalataya nating Haneef (hindi

kumikiling sa huwad na pananampalataya) ay ang pagsasabatas nito nang pakikipag-ugnay sa pag-aalaala sa Allah sa lahat ng pagkakataon, kabilang na rito ang pagbahin.

2. Nakabubuti sa bumahin na kanyang purihin at pasalamatan ang Allah pagkatapos niyang bumahin at kanyang sabihin: (AL-HAMDULILLAAH).

3. Kapag narinig ang isang tao na bumahin at nagpuri sa Allah, ipanalangin niya na siya ay kahabagan, sabihin ang: (YARHAMUKALLAAH).

4. Nakabubuti sa bumahin na kapag narinig niya ang isang nagsabi sa kanya ng: “YARHAMUKALLAH” ang sasabihin niya ay: YAHDEEKUMULLAAHU WA YUSLIHU BAALAKUM.

5. Ang mga panalangin na ito ay nagdudulot ng pagmamahalan at pagkakabuklud-buklod sa pagitan ng mga Muslim.

Page 19: BTEC Hadith Level 0111

19

Hadith – 8

BaBala sa PagKaMagagalitin

د مرارا، قال: )ل ب( فرد ني، قال: )ل تغ�س ي اهلل عنه – اأن رجال قال للنبي - اأو�س عن اأبي هريرة – ر�سب(. اأخرجه البخاري. تغ�س

Iniulat ni Abu Hurairah – kalugdan nawa siya ng Allah – na may isang lalaking nagsabi sa Propeta – Payuhan mo ako! Siya ay nagsabi: (Huwag

kang magalit). At inulit-ulit niya ito (ang paghingi ng payo). Siya ay nagsabi: (Huwag kang magalit). - Isinalaysay ni Bukhari

Kilalanin ang nag-ulat:(tunghayan sa Hadith – 3)

Patnubay ng Hadith:1. Ipinahiwatig ng Hadith ang pagiging masigasig ng mga Sahabah –

kalugdan nawa sila ng Allah – sa mga payo ng Sugo ng Allah .2. Ipinagbawal ng Sugo (saw) ang pagiging magagalitin sapagka't ito ay

mula kay Satanas at nagdudulot ng pinsala.3. Ang Sugo (saw) ay nagbigay ng babala tungkol sa pagiging

magagalitin. Dapat na umiwas ang Muslim na magalit pati na rin ang mga kadahilanan nito upang di siya masadlak dito.

4. Salungat ng pagiging magagalitin ay ang pagiging mahinahon at mapagpaumanhin, ang dalawang ito ay naibibilang sa mga kapuri-puring katangian ng isang Muslim kaya’t nararapat na taglayin niya ang mga katangiang ito.

5. Ipinapayo sa sinumang nagagalit na gawin ang mga sumusunod: 1- Magpapakupkop sa Allah laban sa isinumpang satanas. 2- Banggitin ang pangalan ng Allah. 3- Magsagawa ng Wudu'. 4- Magpalit ng puwesto.

Page 20: BTEC Hadith Level 0111

20

ARALIN - 6

Hadith - 9BaBala sa PagMaMalaKi

ي اهلل عنه – قال: قال النبي – : ) ل يدخل اجلنة من كان ف قلبه عن عبد اهلل بن م�سعود – ر�سجل يحب اأن يكون ثوبه ح�سنا، ونعله ح�سنة، قال e : )اإن اهلل جميل ة من كب(. قال رجل: اإن الر مثقال ذر

يحب اجلمال، الكب بطر احلق وغمط النا�ص(. رواه م�سلم.

Iniulat ni Abdullah ibn Mas`ud – kalugdan nawa siya ng Allah – kanyang sinabi: Ang Propeta (saw) ay nagsabi: “Hindi makapapasok ng Paraiso

ang sinuman na may gabutil na timbang nang pagmamalaki sa kanyang puso”. Sinabi ng isang lalaki: “Subali’t nais ng isang tao na maging

maganda ang kanyang kasuutan maging ang kanyang sapin sa paa.” Sinabi niya (saw): “Ang Allah ay nagtataglay ng kagandahan at nais Niya

ang mga magagandang bagay, ang pagmamalaki ay ang pagkubli sa katotohanan at paghamak sa tao”. Isinalaysay ni Muslim.

Kilalanin ang nag-ulat:Siya ang dakilang Sahabi na si Abdullah ibn Mas`ud ibn Ghafil Al-Huzaly, isa sa mga yumakap sa Islam noong mga unang panahon ng pagkasugo ng Propeta (saw). Kabilang sa mga dakilang iskolar ng mga Sahabah. Naging tanyag sa pagiging mahusay sa Fiqh. Nasaksihan niya ang pagsakop sa Sham at ipinadala siya ni Umar sa Kufah upang turuan ang mga mamamayan nito sa mga bagay na nauukol sa kanilang pananampalataya. Pagkatapos nito ay itinalaga siya ni Uthman bilang Gubernador dito. Binawian ng buhay sa Madinah noong ika tatlumpu’t dalawa ng Hijrie – kalugdan nawa siya ng Allah.

Kahulugan ng mga salita:

gabutil na timbang ng pagmamalaki Katiting na pagmamalaki

Pagkubli sa katotohananPagtakwil ng katotohanan dahil sa pagmamataas at pagmamalaki

Page 21: BTEC Hadith Level 0111

21

Patnubay ng Hadith:1. Ang babala sa pagmamalaki, pagmamataas, at ang paghamak sa

mga tao.2. Ang Islam ay pananampalataya ng kalinisan, nararapat sa isang

Muslim na laging malinis sa kanyang kasuutan, sa kanyang katawan, sa lahat ng kanyang mga kasangkapan tulad ng lamesa, mga bag, atbp.

3. Nararapat sa isang Muslim na dalisayin ang kanyang puso mula sa lahat ng pagtitikis, kasakiman, pagmamalaki at panlalait sa ibang tao upang siya ay maging dalisay sa kanyang panlabas at panloob.

4. Nararapat sa isang Muslim na magbigay-galang at magbigay ng pagpapahalaga sa mga tao. Igalang ang mga mas-nakatatanda at maging mabait sa mga mas-nakababata at mahalin sila nang tulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili.

5. Nararapat sa isang Muslim na tanggapin ang katotohanan, sapagka’t ang pagtakwil nito ay isang uri ng pagmamalaki.

Hadith – 10

ang ilan sa Magagandang Pag-UUgali sa PagKain

ي اهلل عنهما – قال: كنت غالما ف حجر ر�سول اهلل e وكانت يدي تطي�ص ف عن عمر بن اأبي �سلمة – ر�سا يليك(. رواه البخاري وم�سلم. حفة، فقال ل ر�سول اهلل : )يا غالم �سم اهلل، و كل بيمينك، و كل م ال�س

Iniulat ni Umar ibn Abi Salamah – kalugdan nawa silang dalawa ng Allah – kanyang sinabi: “Noong ako’y bata pa at nasa pangangalaga ng Sugo

ng Allah, madalas na palipat-lipat ang aking kamay sa hapag-kainan. Sinabi sa akin ng Sugo ng Allah: O bata! Banggitin ang Pangalan ng Allah, kumain sa pamamagitan nang iyong kanang kamay, at kainin lamang ang

alinmang malapit sa iyo.” Isinalaysay ni bukhari at Muslim.

Kilalanin ang nag-ulat:Siya ang dakilang Sahabi na si Umar ibn Abi Salamah ibn Abdul Asad Al-makhzumy – kalugdan nawa siya ng Allah – siya ay ipinanganak noong ika dalawang taon ng Hijrie. Inaruga sa pamamahay ng Sugo ng Allah . Ang nanay niya ay si Ummu Salamah na asawa ng Propeta (saw). Itinalaga ni Ali ibn Abi Talib – kalugdan nawa siya ng Allah – bilang Gobernador sa Bahrain. Binawian ng buhay sa Madinah noong ikawalumpu't tatlo ng Hijrie – kalugdan nawa siya ng Allah.

Page 22: BTEC Hadith Level 0111

22

Patnubay ng Hadith:1. Ang pagkain at inumin ay isang dakilang biyaya mula sa mga biyaya

ng Allah sa Kanyang mga lingkod. Kaya’t nararapat na pasalamatan ang Allah para rito.

2. Karapat-dapat sa isang Muslim bago mag-umpisang kumain ay magsabi ng: BISMILLAAH (Sa panimula ay ang Pangalan ng Allah).

3. Nararapat sa isang Muslim na kumain sa pamamagitan nang kanyang kanang kamay. Hawakan ang baso sa pamamagitan nang kanang kamay kapag siya ay iinom.

4. Kapag ang isang Muslim ay kumakain; kainin lamang ang anumang nasa malapit sa kanya.

5. Ang paglalaro sa pagkain ay sumasalungat sa pagtanaw ng utang-na-loob sa mga biyaya.

6. Tungkulin ng isang Muslim na ituro sa iba ang mga kagandahang asal sa pagkain at pag-inom.

Page 23: BTEC Hadith Level 0111

23

ARALIN - 7

Hadith – 11

ang KaBUtiHan ng Pag-aalaala sa allaH

ي اهلل عنه – قال : قال النبي : )مثل الذي يذكر ربه، والذي ل يذكر عن اأبي مو�سى الأ�سعري – ر�سربه مثل احلي وامليت(. اأخرجه البخاري.

Si Abu Musa Al-Ashary – kalugdan nawa siya ng Allah – ay nag-sabi: Sinabi ng Propeta (saw): Ang kahalintulad ng isang nag-aalaala sa

kanyang Panginoon at ng isang hindi nag-aalaala sa kanyang Panginoon ay katulad ng isang buhay at ng isang patay.” Isinalaysay ni Bukhari

Kilalanin ang nag-ulat:Siya ang marangal na sahabi (kasama ng Propeta) Abu Musa Abdullah Bin Qais Al-Ashary. Tumanggap ng Islam sa Makkah at isa sa mga lumikas patungong Habasha. Naging pinuno ng Basrah nuong kapanahunan ni Umar (ra) at ng Kufah nuong kapanahunan naman ni Uthman. Nagturo ng Qur’an at Fiqh. Isa sa may pinakamagandang tinig sa pagbabasa ng Qur’an. Binawian ng buhay noong ika-42 taon makalipas ang Hijrah.

Patnubay ng Hadith:1. Ang pag-aalaala sa Allah ay sa pamamagitan ng Al-Tahlil (La

Ilaaha Ilallah), Al-Tahmid (Alhamdulillah), Al-Tasbeh (Subhanallah), pagbigkas ng Qur’an at iba pang mga kahalintulad.

2. Ang pagkilala sa kabutihan ng pag-aalaala sa Allah.3. Ang pag-aalaala sa Allah ay nagiging dahilan nang pagkabuhay ng

puso sa:

a. Labis na pagmamahal para sa Allah

b. Kapanatagan, ginhawa at pagkapit sa Allah.

c. Proteksiyon laban sa mga shayatin (mula sa mga tao at mga jin).

4. Kinakailangang alalahanin ang Allah upang makuha ang mga biyaya nito.

5. Ang paglimot sa Allah ay dahilan ng pagkamatay ng puso.

Page 24: BTEC Hadith Level 0111

24

talakayin:1. Ano ang pinagkaiba ng isang nag-aalaala sa Allah at ng isang hindi

nag-aalalala sa Allah?2. Magbigay ng dalawang pakinabang na makukuha natin sa pag-

aalaala sa Allah.3. Magbigay ng mga halimbawa nang pag-aalaala sa Allah.

takdang-aralin:1. Hanapin ang hindi tama sa sumusunod na salaysay:

Si Jamil ay pumasok ng kanilang bahay at nagulat sa kanyang nakita. Nabasag ng kanyang kapatid ang isa kanilang mga gamit. Sa laki ng galit ay pinagsalitaan niya nang masama ang kanyang nakababatang kapatid. Lumabas siya na may galit at humarurot na umalis na hindi alam kung saan patungo. Nakita siya ng isang kaibigan sa may tindahan at tinanong kung bakit siya galit. Ikinuwento ni Jamil ang pangyayari.

2. Lagyan ng Tsek (√) kung ang pangungusap ay Tama at Ekis (X) kung ito ay Mali.

( ) a. Ang pagbanggit sa pangalan ng Allah ay mabigat sa dila subali’t magaan sa timbangan.

( ) b. Ang pag-aalaala sa Allah ay nagbibigay proteksiyon laban sa shayatin (mula sa mga jin at mga tao).

( ) c. Ang hindi nag-aalaala sa Allah ay katulad ng isang patay.

Page 25: BTEC Hadith Level 0111

25

ARALIN - 8

Hadith – 12

ang PagMaMaHal sa sUgO ng allaH

ي اهلل عنه – اأن ر�سول اهلل قال: ) ل يوؤمن اأحدكم حتى اأكون اأحب اإليه من والده وولده عن اأن�ص – ر�سوالنا�ص اأجمعي ( اأخرجه البخاري وم�سلم.

Iniulat ni Anas – kalugdan nawa siya ng Allah – katotohanang ang Sugo ng Allah ay nagsabi: “Hindi magiging mananampalataya ang sinuman sa inyo hangga’t hindi niya ako minamahal nang higit sa kanyang ama,

anak at sa lahat ng tao.” Isinalaysay ni Bukhari at Muslim.

Kilalanin ang nag-ulat:Siya ay ang dakilang Sahabi na si Anas ibn Malik Al-Ansary Al-Khazrajie, dinala siya ng kanyang ina na si Ummu Sulaim sa Propeta (saw) noong siya ay sampung taon gulang. At sinabi niya: O Sugo ng Allah! Ito si Anas, isang batang maglilingkod sa iyo. Kanyang tinanggap si Anas at ipinanalangin nang ganito: “ALLAAHUMMA AKTHIR MAALAHU WA WALADAHU WA ADKHILHU AL-JANNATA (O Allah! Paramihin Mo ang kanyang kayamanan at anak; papasukin Mo siya sa Paraiso”.) Si Anas ay nakapag-ulat ng maraming mga Ahadith. Siya ang pinakahuling Sahabi na namatay sa Al-Basrah sa taon na ikasiyamnapu’t tatlo ng Hijrie – kalugdan nawa siya ng Allah.

Patnubay ng Hadith:1. Tungkulin nating mahalin ang Propeta (saw) nang higit pa sa

pagmamahal natin sa ating ama, anak, kahi’t sinong tao at sa ating sarili.

2. Ang pagmamahal sa Sugo ay kabilang sa pananampalataya.3. Ilan sa mga palatandaan ng pagmamahal sa Sugo ng Allah .

a. Ang sundin natin siya sa kanyang mga kautusan, iwasan ang kanyang mga ipinagbabawal, at paniwalaan ang kanyang mga naihatid na pahayag.

b. Ang ipanalangin natin siya sa tuwing mababanggit ang kanyang pangalan na ang mga pagpapala at kapayapaan ng Allah ay

Page 26: BTEC Hadith Level 0111

26

maitampok sa kanya.

c. Ang pamarisan natin siya sa kanyang mga pananalita at mga gawa, at huwag tayong lumabag sa kanyang mga isinabatas.

d. Ang iuna natin ang pagmamahal sa Sugo (saw) kaysa pagmamahal natin sa iba pang mga nilalang.

Page 27: BTEC Hadith Level 0111

27

ARALIN - 9

Hadith – 13

ang KagandaHang asal

�سا وكان يقول : ) اإن ي اهلل عنهما – قال : مل يكن النبي فاح�سا ول متفح عن عبد اهلل بن عمرو – ر�سخالقا (. اأخرجه البخاري وم�سلم. من خياركم اأح�سنكم اأ

Iniulat ni Abdullah ibn `Amr – kalugdan nawa silang dalawa ng Allah kanyang sinabi: Ang Propeta (saw) ay hindi naging Fahish, o kaya ay

naging Mutafahhish. Sa halip siya ay nagsabi: “Ang pinakamabuti sa inyo ay yaong may pinakamahusay na pag-uugali.” Isinalaysay ni Bukhari at

Muslim.

Kilalanin ang nag-ulat:(tunghayan sa Hadith – 2)

Kahulugan ng mga salita:

Fahish Ang taong nakakagawa ng mga masasamang salita at gawain.

Mutafahhish Ang taong sinasadyang gumagawa ng masasamang mga salita at gawain

Kabutihan ng asal Ang paggawa ng mga mararangal at pag-iwas sa mga masasamang pananalita

Patnubay ng Hadith:1. Ang Sugo ng Allah ang may pinakadakilang pag-uugali sa

sangkatauhan at may pinakamabuting asal.2. Tungkulin ng isang Muslim ang pamarisan ang Sugo ng Allah kaya't

pairalin niya ang magagandang mga pag-uugali.3. Ang pinakamabuti sa mga tao ay yaong nagpapairal ng magagandang

mga pag-uugali, tulad ng: mabuting pakikitungo, malumanay na pananalita, maaliwalas na mukha, pagsusumikap sa paggawa ng kabutihan, pagpigil sa mga pamiminsala, at pagpapalaganap ng Salam.

Page 28: BTEC Hadith Level 0111

28

4. Ang kabutihang asal ay nagsisilbing daan sa pagkamit ng pagmamahal ng Allah at pagmamahal ng mga tao.

5. Ang kabutihang asal ay bahagi ng Pananampalataya.6. Ang pikamalapit na tao sa Sugo ng Allah sa Araw ng pagkabuhay

na muli ay yaong may pinakamabuting pag-uugali.

Hadith – 14

ang KaBUtiHan ng PagKaMaHiYain

ي اهلل عنهما – قال : قال ر�سول اهلل : ) احلياء ل ياأتي اإل بخي (. اأخرجه عن عمران بن ح�سي – ر�سالبخاري وم�سلم.

Iniulat ni Imran ibn Husain – kalugdan nawa sila ng Allah – kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Ang pagkamahiyain ay walang

ibang naidudulot kundi pawang kabutihan. Isinalaysay ni Bukhari at Muslim.

Kilalanin ang nag-ulat:Siya ang dakilang Sahabi na si Imran ibn Husain Al-Khuza`iy, siya at ang kanyang ama ay yumakap sa Islam sa taon ng labanan sa Khaibar. Isa siya sa mga itinuturing na iskolar mula sa mga Sahabah. Ipinadala siya ni Umar ibn Al-Khattab – kalugdan nawa siya ng Allah – sa Basrah upang turuan ang mga mamamayan nito. Binawian ng buhay noong ika-52 taon ng Hijrie – kalugdan nawa siya ng Allah.

ang mga kahulugan ng salita:

Ang pagkamahiyain Ang pag-iwas sa mga makasasama sa tao maging sa salita at gawa.

Patnubay ng Hadith:1. Ang paghikayat ng Islam sa pagkamahiyain.2. Ang pagkamahiyain ay nagsisilbing susi sa lahat ng kabutihan

sapagka’t ito ay nag-aanyaya sa paggawa ng mga mararangal at nagbabawal sa paggawa ng salitang masama.

3. Isa sa mga katangian ng Sugo ng Allah ay ang pagkamahiyain.4. Kabilang sa pagkamahiyain ay ang pag-iwas sa mga nakayayamot

na salita, masasamang salita, panlalait at pagmumura.

Page 29: BTEC Hadith Level 0111

29

ARALIN - 9

Hadith – 15

Mga Palatandaan ng niFaQ (PagKUKUnWari)

ث كذب، واإذا وعد ي اهلل عنه – اأن ر�سول اهلل قال : ) اآية املنافق ثالث اإذا حد عن اأبي هريرة – ر�سن خان (. اأخرجه البخاري وم�سلم. ذا اوؤت اأخلف، واإ

Iniulat ni Abu Hurairah – kalugdan nawa siya ng Allah – Katotohanan ang Sugo ng Allah ay nagsabi: “Ang palatandaan ng isang Munafiq

(mapagkunwari) ay tatlo: Kapag siya ay nakikipag-usap - siya ay nagsisinungaling; kapag siya ay nangako – siya ay sumisira sa pangako;

at kapag siya ay pinagkatiwalaan - siya ay nagtataksil”. Isinalaysay ni Bukhari at Muslim.

Kilalanin ang nag-ulat:(tunghayan sa Hadith – 3)

Kahulugan ng mga salita:

Tatlo Ibig sabihin: Tatlong katangian.

Munafiq Ang taong nagpapahayag ng mga mabubuting bagay na kasalungatan ng kanyang tunay na layunin.

Patnubay ng Hadith:1. Ang pagbibigay babala ng Islam sa mga masasamang pag-uugali.2. Ang Nifaq ay kabilang sa masasamang mga katangian na dapat

iwasan ng isang Muslim.3. Ang Nifaq ay may mga palatandaan na dapat iwasan. At ang ilan sa

mga ito ay:

a. Ang kasinungalingan sa pananalita.

b. Ang pagsira sa pangako.

c. Ang pagtataksil.4. Sinuman ang nag-angkin ng isa sa mga katangian ng Munafiq ay

kapopootan ng Allah at ng mga tao.

Page 30: BTEC Hadith Level 0111

30

Hadith – 16

ang PagPaPaUManHin at PagPaPasEnsiYa

ر�سول اهلل بي اأمرين قط اإل اأخذ اأي�سرهما، مامل يكن ي اهلل عنها – قالت : ) ما خي عن عائ�سة – ر�سثما كان اأبعد النا�ص منه، وما انتقم ر�سول اهلل لنف�سه ف �سيء قط اإل اأن تنتهك حرمة اهلل ن كان اإ اإثما، فاإ

(. اأخرجه البخاري وم�سلم. فينتقم بها هلل

Si `Aishah – kalugdan nawa siya ng Allah – ay nag-ulat: “Kailanman ay hindi nangyaring pinapili ang Sugo ng Allah sa dalawang bagay kundi ang kanyang pinili ay ang pinakamadali’t magaan dito, kung ito’y hindi naging

makasalanan. Sapagka’t kung ito’y makasalanan, siya na ang taong may kalabisang pangingilag dito. Hindi kailanman naghiganti ang Sugo ng Allah para sa kanyang sarili dahil sa isang bagay maliban na lamang

kung lapastanganin (sa pamamagitan ng paggawa) ang ipinagbabawal ng Allah. Sa ganito siya ay maghihiganti alang-alang sa Allah”. Isinalaysay ni

Bukhari at Muslim.

Kilalanin ang nag-ulat:Siya ang isa sa mga tinaguriang Ina ng mga mananampalataya. Ang makatotohanan na anak na babae ng As-Siddeeq (ang ganap na makatotohanan) na si Aisha bint Abu Bakar – kalugdan nawa silang mag-ama dalawa ng Allah – na asawa ng Sugo ng Allah . Siya ay Faqihah (isang iskolar na may malalim na pag-unawa) at Pantas, siya ay nakapag-ulat ng maraming mga Ahadith mula sa Sugo ng Allah . Binawian ng buhay noong ika limampu't pitong taon ng Hijrie – kalugdan nawa siya ng Allah.

Patnubay ng Hadith:1. Ang Islam ay pananampalatayang mapagbigay, mapagpasensiya,

mapagpaumanhin at mapagparaya.2. Kabilang sa mga katangian ng Sugo ng Allah ay ang

mapagpaumanhin, mapagpasensiya, at matiisin sa mga pasakit at pagpapahirap. Kaya’t dapat siyang pamarisan tungkol dito.

3. Ang pagpapasensiya ay hindi pinapapangyari sa mga karapatan ng Allah, tulad nang pagsang-ayon sa mga ipinagbabawal.

4. Ang mga ipinagbabawal ng Allah, mga hangganang itinakda Niya, at ang Kanyang mga kautusan ay karapat-dapat dakilain at igalang. Ipinagbabawal na lapastanganin ang mga ito.

5. Ang isang Muslim na nagpapaumanhin at nagpapasensiya ay nagkakamit ng dakilang gantimpala mula sa Allah. Makakamit din niya ang pagmamahal at pagpapahalaga ng mga tao.

Page 31: BTEC Hadith Level 0111

31

ARALIN - 11

Hadith – 17

ang PagBaBaWal sa al-gHiBaH (Paninirang-PUri)

ي اهلل عته – اأن ر�سول اهلل قال : ) اأتدرون ما الغيبة ؟ (. قالوا: اهلل ور�سوله عن اأبي هريرة – ر�سا يكره(. قيل : اأفراأيت اإن كان ف اأخي ما اأقول؟ قال: )اإن كان فيه ما تقول فقد اأعلم. قال: )ذكرك اأخاك ب

اغتبته، واإن مل يكن فيه فقد بهته (. رواه م�سلم.

Iniulat ni Abu Hurairah – kalugdan nawa siya ng Allah – katotohanang ang Sugo ng Allah ay nagsabi: “Alam ba ninyo kung ano ang Al-Ghibah?” Ang

sabi nila: “Ang Allah po at ang Kanyang Sugo ang higit na nakaaalam.” Sinabi niya: “Ito ay ang pagbanggit mo sa iyong kapatid sa kanyang mga ikinamumuhi”. May nagtanong: Sabihin O Sugo! Paano kung nasa aking

kapatid ang mga pinagsasabi ko? Kanyang sinabi: “Kung nasa kanya ang mga pinagsasabi mo, tunay na siya’y iyong siniraan ng puri, at kung wala

sa kanya, tunay na siya’y iyong pinaratangan”. Isinalaysay ni Muslim.

Kilalanin ang nag-ulat:(tunghayan sa Hadith-3 pahina 78)

Patnubay ng Hadith:1. Ang pagiging tungkulin nang paggalang sa dangal ng Muslim.2. Karapat-dapat sa isang Muslim ang umiwas sa pagbanggit ng mga

kapintasan ng iba kahit pa man ito’y nasa kanila.3. Ang pagbabawal sa Al-Ghibah (paninirang-puri) at sa Al-Buhtan

(pagsisinungaling laban sa puri ng kapwa).4. Ang Ghibah at ang Buhtan ay isang dahilan na nagsisilbing daan sa

pagkakaroon ng hinanakit, poot at pagkayamot sa pagitan ng mga Muslim.

5. Tungkulin ng isang Muslim na banggitin ang mga tao ayon sa kanyang nais na banggitin nila sa kanya.

Page 32: BTEC Hadith Level 0111

32

Hadith – 18

ang PagBaBaWal sa PagtaKWil ng isang MUsliM sa KanYang KaPatid na MUsliM

ي اهلل عنه – اأن ر�سول اهلل قال : ) ل يحل مل�سلم اأن يهجر اأخاه فوق ثالث وب الأن�ساري – ر�س عن اأبي اأيالم ( اأخرجه البخاري وم�سلم. هما الذي يبداأ بال�س ليال، يلتقيان فيعر�ص هذا ويعر�ص هذا، وخي

Iniulat ni Abu Ayyub Al-Ansari – kalugdan nawa siya ng Allah – Katotohanang ang Sugo ng Allah ay nagsabi: “Hindi nararapat sa isang

Muslim na magtakwil ng kanyang kapatid (na Muslim) nang humigit sa tatlong gabi (na walang katanggap-tanggap na Islamikong kadahilanan),

nagkikita silang dalawa nguni’t nag-iiwasan sa bawa’t isa. Ang mas mabuti sa kanila ay yaong nagsisimula nang pagbati ng Salam.” Isinalaysay nina

Bukhari at Muslim.

Kilalanin ang nag-ulat:Siya ang dakilang Sahabi na si Khalid ibn Zaid Al-Ansari, nakilahok sa pagtitipon na tinaguriang Bai`atul Aqabah. Nakibaka sa labanan ng Badr at ang mga sumunod pa rito. Sa kanya tumuloy ang Propeta (saw) sa Madinah habang ipinapatayo ang kanyang mga bahay at Masjid. Isa sa mga tagasulat ng kapahayagan. Nanatiling nakibaka sa pakikipaglaban sa Landas ng Allah pagkamatay ng Propeta (saw) hanggang sa siya ay binawian ng buhay sa mga labanan sa Al-Qustantiniyyah noong ikalimampung taon ng Hijrie – kalugdan nawa siya ng Allah.

Kahulugan ng mga salita:Hindi nararapat Ipinagbabawal.

magtakwil Iniiwasan ang kanyang kapatid na Muslim, ni hindi kinakausap ito.

Nagsisimula Inunahan ang kanyang kasama sa pagbati ng Salam.

Page 33: BTEC Hadith Level 0111

33

Patnubay ng Hadith:1. Ang Islam ay nag-aanyaya sa pagkakabuklud-buklod at

pagkakabigkis sa pagitan ng mga Muslim.2. Hindi ipinahihintulot sa isang Muslim na umiwas sa kanyang kapatid

na Muslim at huwag siyang batiin ng Salam nang humigit sa tatlong araw.

3. Tungkulin ng isang Muslim na lumayo sa anumang mga kadahilanan na magsisilbing dahilan upang magkaroon ng di-pagkakaunawaan at pagkakawatak-watak sa pagitan ng mga Muslim.

4. Kapag iniiwasan ka ng iyong kapatid na Muslim, sikapin mong unahan siya na batiin ng Salam sapagka’t ito ang mas higit na mainam para sa iyo - sa Allah.

5. Karapat-dapat na pag-ayusin ang pagitan ng mga magkakapatid at magkakaibigan na may nagaganap na pagtatalo o pagkakawatak-watak sa kanila.

Page 34: BTEC Hadith Level 0111

34

ARALIN - 12

Hadith – 19

ang idinUdUlOt ng PaKiKiPagKaiBigan

الح لي�ص ال�س ا مثل اجل ي اهلل عنه – قال: قال ر�سول اهلل : " اإن عن اأبي مو�سى الأ�سعري – ر�سد ا اأن ت م ا اأن تبتاع منه واإ ا اأن يحذيك واإم ؛ فحامل امل�سك اإم وء كحامل امل�سك ونافخ الكي لي�ص ال�س واجل

د منه ريحا خبيثة ". اأخرجه البخاري وم�سلم. ا اأن ت ا اأن يحرق ثيابك واإم بة، ونافخ الكي اإم منه ريحا طي

Iniulat ni Abu Musa Al-Ashari – kalugdan nawa siya ng Allah – kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: "Ang tanging halimbawa ng

mabuting kasama at ng masamang kaibigan ay katulad ng tagadala ng Misk (pabango) at ng tagaihip ng Keer (bulusan); sa tagadala ng pabango ay maaari ka niyang bigyan nito o di kaya ay pagbentahan nito o di kaya ay makalanghap ka sa kanya ng isang halimuyak. Samantala, sa tagaihip

ng bulusan ay maaaring masunog niya ang iyong damit o di kaya ay makapagdulot siya ng mabahong amoy.” Isinalaysay ni Bukhari at Muslim.

Kilalanin ang nag-ulat:(tunghayan sa Hadith – 11)

Kahulugan ng mga salita:Misk Isang uri ng pabango na may kakaibang halimuyak

Keer Bulusan ng panday.

Patnubay ng Hadith:1. Ang pagpapahalaga ng Islam sa pangangaral sa mga tao nito kung

ano ang makabubuti para sa kanila rito sa mundo at sa kabilang buhay.

2. Ang matuwid na kasamahan at mabuting kaibigan ay nakatutulong sa tao sa mga mabubuting bagay at inilalayo nito sa kasamaan.

3. Ang masamang kaibigan ay nakapagdudulot ng masamang kalalabasan laban sa kanyang kaibigan sa mga gawain nitong masasama: Tulad ng pagliban sa Salah, paglapastangan sa magulang, pamiminsala sa mga tao, paninigarilyo, atbp.

4. Karapat-dapat sa isang Muslim na maging masigasig sa pagpili ng mabubuting mga kaibigan na may magagandang pag-uugali; at maging maingat sa mga may masasamang gawain.

Page 35: BTEC Hadith Level 0111

35

Hadith – 20

ang ilan sa Mga Magagandang Pag-UUgali sa PagHingi ng PaHintUlOt

ل ي اهلل عنه – قال : قال ر�سول اهلل : " ال�ستئذان ثالث فاإن اأذن لك واإ عن اأبي مو�سى الأ�سعري – ر�سفارجع ". اأخرجه البخاري وم�سلم.

Iniulat ni Abu Musa Al-Ashari – kalugdan nawa siya ng Allah – kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: "Ang paghingi ng pahintulot ay

tatlo kung ito’y ipinahintulot sa iyo, at kung hindi naman ay bumalik ka na lang." Isinalaysay ni Bukhari at Muslim.

Kilalanin ang nag-ulat:(tunghayan sa Hadith – 11)

Kahulugan ng mga salita:Ang paghingi ng pahintulot Ang paghingi ng pahintulot sa pagpasok

Tatlo Tatlong beses (pagkatok)

Patnubay ng Hadith:1. Ang paghingi ng pahintulot ay mayroong magagandang pag-uugali

na dapat alamin upang maipatupad ng isang Muslim sa kanyang buhay.

2. Ang ilan sa magagandang pag-uugali sa paghingi ng pahintulot ay ang pagkatok sa pinto nang tatlong beses, at sa bawa’t pagkatok ay dapat na may agwat kahit man lang ilang sandali upang mabigyan ng pagkakataon ang makaririnig nito sa pagtugon, at walang masama kung humigit man sa tatlo kapag nakatitiyak siyang hindi naririnig ng may-ari ng bahay ang kanyang pagkatok.

3. Ito ay kapag ipinahintulot sa tao, at kung hindi nararapat siyang lumisan nang walang hinanakit dito.

4. Ang paghingi ng pahintulot ay pinangyayari sa pamamagitan nang pagkatok na maririnig ng nasa loob at hindi sa pamamagitan nang mga nakabubulabog na ingay; hindi sa pamamagitan ng busina ng sasakyan, o ng bisikleta, o sa pamamagitan ng malakas na mga bulyaw, o sa pamamagitan ng walang tigil na pagdiin sa buzzer.

Page 36: BTEC Hadith Level 0111

36

5. Ang paghingi ng pahintulot ay pinangyayari sa pagpasok ng bahay, silid-aralan at sa mga pansariling lugar.

6. Ang isang Muslim ay hindi pumapasok sa kaninumang mga pansariling silid maliban na lamang kapag siya ay binigyan ng pahintulot.