92
Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at Sining Padre Faura, Ermita, Maynila BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng mga Magsasaka ng Hacienda Dolores at ang Kanilang Pakikibaka sa Gitna ng Laganap na Espekulasyon sa Lupa Isang Andergradweyt Tesis na itinampok sa Kagawaran ng Agham Panlipunan Kolehiyo ng Agham at Sining Unibersidad ng Pilipinas Maynila Bilang Pagtugon sa mga Rekisito sa Pagkamit ng Antas na Batsilyer sa Sining, Dalubhasa sa Araling Pangkaunlaran Jomer G. Allerite 2013-45522 Prop. Reginald S. Vallejos, MPA Tagapayo Mayo 2017

BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

  • Upload
    others

  • View
    34

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

Unibersidad ng Pilipinas Maynila

Kolehiyo ng Agham at Sining

Padre Faura, Ermita, Maynila

BUHAY BUKID AT BAKOD:

Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng mga Magsasaka ng Hacienda Dolores

at ang Kanilang Pakikibaka sa Gitna ng Laganap na Espekulasyon sa Lupa

Isang Andergradweyt Tesis na itinampok sa

Kagawaran ng Agham Panlipunan

Kolehiyo ng Agham at Sining

Unibersidad ng Pilipinas Maynila

Bilang Pagtugon sa mga Rekisito sa Pagkamit ng Antas na

Batsilyer sa Sining, Dalubhasa sa Araling Pangkaunlaran

Jomer G. Allerite

2013-45522

Prop. Reginald S. Vallejos, MPA

Tagapayo

Mayo 2017

Page 2: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

Unibersidad ng Pilipinas Maynila

Padre Faura, Ermita, Maynila

BUHAY BUKID AT BAKOD:

Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng mga Magsasaka ng Hacienda Dolores

at ang Kanilang Pakikibaka sa Gitna ng Laganap na Espekulasyon sa Lupa

Isang Andergradweyt Tesis na itinampok sa

Kagawaran ng Agham Panlipunan

Kolehiyo ng Agham at Sining

Unibersidad ng Pilipinas Maynila

Bilang Bahagi ng Pagsasakatuparan

sa mga Rekisito ng Kurso na

Development Studies 199.2 para sa antas na

Batsilyer sa Sining, Dalubhasa sa Araling Pangkaunlaran

Prop. Reginald S. Vallejos, MPA

Tagapayo

Itinampok ni:

Jomer Genesa Allerite

2013-45522

Mayo 2017

Page 3: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng
Page 4: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

MANGAHAS MAKIBAKA

Page 5: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // i

MANGAHAS MAKIBAKA

Page 6: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // ii

PROGRAMA NG ARALING PANGKAUNLARAN

Kagawaran ng Agham Panlipunan

Kolehiyo ng Agham at Sining

Unibersidad ng Pilipinas Maynila

Ermita, Maynila

PAHINA NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtugon sa mga rekisito para makamit ang antas na Batsilyer sa

Sining, Dalubhasa sa Araling Pangkaunlaran, ang tesis na ito na pinamagatang

“BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng mga Magsasaka ng

Hacienda Dolores at ang Kanilang Pakikibaka sa Gitna ng Laganap na Espekulasyon

sa Lupa” na inihanda at isinumite ni Jomer G. Allerite, 2013-45522 ay

inirerekomenda ngayon para sa pagpapasiya.

Propesor Reginald Vallejos, MPA

Tagapayo sa Tesis

Araling Pangkaunlaran

Tinanggap at pinagtibay bilang bahagi ng pagtupad sa rekisitos ng

kursong Batsilyer sa Sining, Dalubhasa sa Araling Pangkaunlaran.

Propesor Jerome Ong

Tagapangulo

Kagawaran ng Agham Panlipunan

Kolehiyo ng Agham at Sining

Unibersidad ng Pilipinas Maynila

Page 7: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // iii

PASASALAMAT

Buong pusong pasasalamat sa mga taong nagsilbi bilang mga instrumento upang matapos ko ang biyahe na ito. Kayo ang dahilan kung nasaan ako at sa kung saan pa man ako dalhin ng buhay.

Maraming salamat sa aking Panginoon na siyang naging sandalan ko sa mga pagkakataong wala na akong malapitan. Maraming salamat sa pagiging liwanag upang makita na tama pa ang landas na aking tinatahak.

Sa aking pamilya, kay Mama, Papa, Kuya, Ate, maraming salamat sa walang-sawang suporta at pagkalinga. Pinagpupugayan ko kayo sa hindi pagsukong mangarap na bigyan ako ng isang magandang kinabukasan. Maraming-maraming salamat sa mga salita ng pagmamahal na aking naging gasolina upang magpatuloy sa mga desisyon ko sa buhay.

Sa mga kaibigang naging bahagi ng aking biyahe sa pag-aaral ng lipunan, #BiyahengPraxis, maraming salamat Development Studies majors!

Sa DevStud freshies, maraming salamat sa mga panahon na pagtanggap sa akin at sa amin upang ilahad sa inyo ang kwento ng buhay ng mga magsasaka sa kanayunan. Mag-stay or not, patuloy na dalhin ang mga natutunan kapiling ng masa. Mahal ko kayo! Sa DevStud sophies, sa mga apo kong naging bahagi ng biruan sa tambayan, hanggang sa paglubog sa kanayunan, maraming salamat!

Sa mga anak ko, kay Jian Santos at sa lahat ng DevStud 2018, maraming salamat sa pagmamahal sa kabila ng mga birong “batchmate” ay patuloy pa rin kayo sa pagtiwala na matatapos ko ang tesis na ito. Maraming-maraming salamat sa mga “Tatay, kaya mo’yan.” “Konti na lang, ‘tay.” “Kapit lang po.” Kayo ang isa sa mga pinaghuhugutan ko ng lakas ng loob, mahal ko kayo!

Sa DevStud 2017, taas-kamaong pagpupugay sa ating lahat! Lahat ng puyat at pagod ay mapapawi rin. Patuloy lamang na pag-aralan ang lipunan at maging bahagi ng tunay na pagbabago nito.

Sa practicum teammates ko, maraming salamat Reena, at Mira, sa pagtiwala na mas mapapatambol natin ang isyu ng Hacienda sa pamamagitan ng tesis na ito.

Maraming salamat kay Lala, Mika, Yna, Roma, Gem, Conch, Mikey, Marco, Renz, Iza, Nash, at Betina. Salamat sa mga words of encouragement na kaya natin ‘to. Salamat sa pagiging kasama sa pag-rant tungkol sa mga bagay na nakaka-stress sa buhay, at salamat sa pagiging kasama sa pagtanggal ng mga stress na ‘to.

Page 8: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // iv

Kay Diane, na lagi kong kausap tungkol sa pakikibaka at buhay, maraming salamat dahil mas tumibay ang loob ko na tapusin ang tesis na ito at maglingkod sa bayan kapiling ng mga magsasaka.

Para sa mga taong naglapit sa akin sa masa, NNARA-Youth, Development Studies Society, ASAP-Katipunan, Minggan, at maging sa FBCP, maraming salamat sa pagbibigay ng oportunidad na makasama ko ang mga magsasaka, mangingisda, mga kapwa ko estudyante’t Iskolar at maging bahagi ng pakikibaka nila. Hanggang sa tagumpay!

Kay Lester, Steven, Jhayber, at sa iba pang bahagi ng kolektib, maraming salamat sa pagtatasa at paggabay sa aking pagsusuri sa lipunan. Makakaasa kayong patuloy ang paglaban para sa tunay na reporma sa lupa.

Maraming salamat sa Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson, kay Ka Joseph Canlas, Ma’am Au Santiago, at sa lahat ng bumubuo ng BAYAN-Gitnang Luson, maraming salamat po sa paggabay at sa pagtulong sa akin upang makakuha ng mga datos sa Hacienda Dolores.

Maraming salamat sa mga residente’t magsasaka ng Hacienda Dolores, lalong-lao na sa inyong mainit na pagtanggap sa akin. Salamat po sa pagpapatuloy niyo sa akin sa inyong mga tahanan. Makakaasa kayo na kasama pa rin ako sa pagbawi ng mga lupang nakamkam.

Sa mga propesor ng Development Studies, maraming salamat po sa paghubog sa akin bilang isang mag-aaral na may pagkiling sa interes ng marhinalisadong sektor ng lipunan. Maraming salamat sa pagpapakita sa akin kung ano ang kahalagahan ng praxis sa pakikibaka. Maraming salamat kay Sir John Ponsaran sa mga kritikal na puna at puri sa akin, at kay Sir Allan Mesina sa pagiging isang propesor na malalapitan sa anomang oras.

Mataas na pagpupugay kay Sir Reggie Vallejos sa pagiging isa sa pinakamahusay na propesor na nakilala ko hindi lamang sa loob ng pamatasan kundi pati na rin sa lansangan at kanayunan. Maraming salamat po sa pagiging tagapayo at paggabay sa pagbuo ng tesis na ito. Mananatili po kayong inspirasyon sa aking paglaban para sa masa.

Page 9: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // v

PAGHAHANDOG

Ito ay para sa pakikibaka…

Kasama ng mga magsasaka

Para sa tunay na reporma.

Ito ay inihahandog…

Para sa pagbuwag ng mga bakod.

Ito ay para sa mga bayani…

Para sa kanilang pagbawi

Sa lupa at sa kanilang ani.

Ito ay para sa iyo…

Lipunang Pilipino.

Page 10: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // vi

Page 11: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // vii

ABSTRAKTO

Ang kalsada ay isang daan tungo sa kaunlaran. Kalakip ng mga kalsada ang

mabilis na urbanisasyon sa kanayunan at ito ay nagbibigay ambag sa pagkakaroon

ng mga espekulasyon sa lupang nakapaligid dito. Ang espekulasyon sa lupa ay ang

pamumuhunan sa mga lupa kagaya ng mga tiwangwang, agrikultural, at katutubong

lupa na maaaring gamitin sa komersiyal na layunin. Ang espekulasyon sa lupa ay

nagbibigay kontribusyon naman sa pagkakaroon ng mga pagpapalit-gamit ng

lupang agrikultural tungo sa industriyal, residensiyal, at komersiyal kung kaya’t ang

mga magsasaka ang pinakamaapektuhan.

Sa hilagang bahagi ng Pilipinas ay matatagpuan ang pinakamahabang tollway

sa bansa, ang Subic-Clar-Tarlac Expressway. Naging mainit ang mata ng mga taga-

usig o speculators sa mga lupang sa paligid nito upang gawing isang residensiyal, at

komersiyal na distrito. Ngunit hindi pabor ang mga magsasaka ng Porac, Pampanga

sa proyektong ito.

Upang direktang makita ang epekto ng espekulasyon sa lupa sa buhay ng mga

magsasaka, nagtungo ang mananaliksik sa Hacienda Dolores sa Porac, Pampanga na

isa sa mga naapektuhan ng espekulasyon. Sa pamamagitan ng kuwentong buhay ng

magsasaka ay inalam ng mananaliksik ang mga epekto ng pagbabakod sa bukid na

nakaugat sa espekulasyon sa lupa. Higit pa rito, inalam din ang mga paraan ng

pagtugon ng mga magsasaka sa mga epekto ng espekulasyon sa lupa at ang

maiaambag nito upang makamit ng mga magsasaka ang kanilang

pagsasakapangyarihan, at ang kanilang tunay na pangkomunidad na kaunlaran.

Page 12: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // viii

TALAAN NG NILALAMAN

MANGAHAS MAKIBAKA .................................................................................................................... i

PAHINA NG PAGPAPATIBAY .......................................................................................................... ii

PASASALAMAT ................................................................................................................................. iii

PAGHAHANDOG ................................................................................................................................. v

ABSTRAKTO ..................................................................................................................................... vii

TALAAN NG NILALAMAN ............................................................................................................. viii

PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA DAGLAT .................................................................................... x

PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA TERMINO ............................................................................... xi

PROLOGO .......................................................................................................................................... xii

UNANG BAHAGI: BINHI NG BUHAY .............................................................................................. 1

INTRODUKSIYON .............................................................................................................................. 2

SANDIGAN NG PANANALIKSIK ......................................................................................................................................... 2

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL ..................................................................................................................................... 5

LAYUNIN NG PANANALIKSIK ............................................................................................................................................ 7

SAKLAW AT LIMITASYON NG PANANALIKSIK ......................................................................................................... 9

KAUGNAY NA LITERATURA ......................................................................................................... 11

MGA BALANGKAS NG PANANALIKSIK ........................................................................................................................ 11

Teoretikal na Balangkas .................................................................................................................................................... 11

Konseptuwal na Balangkas ............................................................................................................................................... 14

PAGSUSURI SA MGA KAUGNAY NA LITERATURA ................................................................................................. 16

METODOLOHIYA ............................................................................................................................. 23

DISENYO NG PANANALIKSIK .......................................................................................................................................... 23

INSTRUMENTO ....................................................................................................................................................................... 24

Page 13: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // ix

IKALAWANG BAHAGI: PUNLA NG PAG-ASA ............................................................................ 25

PRESENTASYON NG MGA DATOS ............................................................................................... 26

BUHAY SA LOOB NG BUKID AT BUHAY SA LABAS NG BAKOD ....................................................................... 26

BATA, BATA, NAKIKIBAKA? ............................................................................................................................................. 27

Si Marvin at ang Ibayong Nayon .................................................................................................................................... 27

Ang Matamis na Pangarap ni Neslly ............................................................................................................................ 31

Si Merry Ann sa kanyang Last Resort .......................................................................................................................... 32

Si Clarence: Ayaw nang Magsaka .................................................................................................................................. 38

BINAKURANG BUHAY .......................................................................................................................................................... 39

Si Ka Bonjing: Ahente ng Pagkakaisa ............................................................................................................................ 40

Si Nanay Ana: Hindi Tubong Hacienda ngunit may Pusong Hacienda .......................................................... 48

ANG HACIENDA NG PAGLULUKSA ................................................................................................................................ 51

IKATLONG BAHAGI: UHAY NG PAKIKIBAKA .......................................................................... 58

PAGSUSURI AT PAGLALAGOM .................................................................................................... 59

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON ....................................................................................... 66

MGA BATIS AT SANGGUNIAN ...................................................................................................... 70

Page 14: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // x

PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA DAGLAT

AMGL - Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luzon

AMRHD - Alyansa ng mga Magbubukid at Resident ng Hacienda Dolores

CARP/ER - Comprehensive Agrarian Reform Program / Extension & Reforms

CLUP - Comprehensive Land Use Plan

DAR - Department of Agriculture

FMR - Farm-to-Market Road

GARB - Genuine Agrarian Reform Bill

GDP - Gross Domestic Product

HD - Hacienda Dolores

KMP - Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

LUC - Land Use Conversion

SCTEX - Subic-Clark-Tarlac Expressway

WB - World Bank

Page 15: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // xi

PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA TERMINO

LAND SPECULATION - espekulasyon sa lupa ay ang pamumuhunan sa

lupa (agrikultural, katutubo, industriyal o ano pa man) sa pag-asang tataas ang

presyo nito pagkalipas ng panahon nang sa gayon ay maibenta sa mas mataas ding

presyo at makakuha ng mas malaking kita o tubo.

LAND GRABBING - ito ang pangangamkam ng lupa sa pamamagitan

ng pwersadong aksiyon sa pamamagitan ng mga represibong aparato gaya ng

militar o kapulisan. Maaari ring teknikal sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga

pruwebang dokumento ng pagmamay-ari sa lupa gaya ng mga titulo

LAND USE CONVERSION - ito ang proseso ng pagpapalit-gamit ng lupa.

Kadalasan mula agriultural tungong komersiyal upang mas malaki ang kitang

makukuha ngunit bumababa ang kakayanan ng lupang maging produktibo.

Page 16: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // xii

PROLOGO

SANG UMAGA, pagkatapos mag-araro ng kanyang sakahan, nagkakape sa

kanyang kubol sa gitna ng bukid si Mang Rojo1. Nakatingin sa malayo, may

malalim na iniisip, sabay buntong-hininga, “Sana naman kapag natapos na ‘yang

kalsadang ‘yan eh mas mapadali na ang pagluwas ng palay at ng mga kamote ko

papuntang sentrong bayan o, mas mainam, hanggang Maynila”, banggit niya sabay

tingin sa alagang kalabaw, “Hindi ba, Berto?”. Umiling ang kalabaw na si Berto.

“Hindi naman tayo ang makikinabang diyan, pare!” sagot ng kalabaw at naglakad na

palayo habang winawasiwas ang mga langaw na tila nagsu-Zumba sa kanyang

likuran.

Si Mang Rojo Guerrero ay isang magsasaka ng isang bayan sa isang

probinsiya ng Pilipinas. Katulad ng ibang mga magsasaka, siya ay nananatiling

mahirap sa kabila ng deka-dekadang pagbubungkal ng lupa.

1 Rojo Guerrero – Pulang Mandirigma. Ang kwento ng buhay ni Rojo Guerrero ay kathang-isip lamang ng mananaliksik. Lahat ng pagkakapareho sa anomang totoong tao ay pawang nagkataon lamang.

I

Page 17: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 1

MUNGKAHING PAG-AARAL

UNANG BAHAGI: BINHI NG BUHAY

Binhi ng Buhay

Page 18: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 2

Kabanata 1

INTRODUKSIYON

SANDIGAN NG PANANALIKSIK

Simula noong tayo’y mga bata pa lamang, palagi na nating naririnig na ang

“Magtanim ay ‘di biro.” Ngunit gaano nga ba ka-hindi biro ang magtanim kung isa

kang magsasaka? Gaano kahirap maging magsasaka lalo na sa ating bansa?

Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa. Batay sa World Bank2, ang

Pilipinas ay may halos 12.4 milyong ektarya ng lupaing agrikultural o humigit

kumulang 41.7% ng kabuuang lupa ng bansa. Ayon din sa datos na ito, ang 5.6

milyong ektarya rito ay maaaring masaka, 7.3 milyong ektarya naman ang para sa

produksiyon ng mais at palay. Sa madaling salita, maaari pa rin nating sabihin na

malalaking bahagi pa rin ng bansa ay nakasandig sa agrikultural na produksiyon.

Kabalintunaan na sa kabila ng mga datos na naisaad, ang agrikultura, pangingisda,

at iba pang produksiyon sa gubat ay 10% lamang ng aggregate domestic output ng

ekonomiya o Gross Domestic Product (GDP) ng bansa noong 2014.3

Ayon sa estadistika ng gobyerno, noong 2015, ang populasyon ng mga

Pilipinong nakatira maliban sa Metro Manila at iba pang highly urbanized cities ay

87.25% ng kabuuang 100,981,437 na populasyon4. Karamihan sa mga Pilipinong

2 Mula sa datos na isinumite ng gobyerno ng Pilipinas sa World Bank noong 2013 http://data.worldbank.org/indicator/AG.LND.AGRI.ZS 3 Ito ay ayon sa Philippine Statistics Authority http://countrystat.psa.gov.ph/?cont=3 4 Mula sa Population Census 2015 https://www.psa.gov.ph/content/highlights-philippine-population-2015-census-population

Page 19: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 3

nakatira sa rural na erya ay nakadepende sa gawaing agrikultural tulad ng

pagsasaka, pangingisda, at maging pagmimina. Ibig sabihin, mahihinuha natin na

kalakhan pa rin sa populasyon ng ating bansa ay nasa sektor ng agrikultura.

Kritikal ang ginagampanang papel ng sektor ng agrikultura sa bansa.5 Una,

ang sektor na ito ang gumagawa ng mga mahalagang hilaw na materyales para sa

iba pang bumubuo ng ekonomiya ng bansa. Pangalawa, ito ay nagsisilbi rin bilang

isang napakaimportanteng merkado para sa farm inputs at iba pang kalakal o

serbisyo gawa sa mga di-agrikultural na industriya. Ang ikatlo naman ay, bilang ang

sektor ng agrikultura ay lumalawak at nagmomodernisa na sa gitna ng pagkakaroon

ng limitadong suplay ng lupang agrikultural, ito ay naglalabas ng surplus labor para

sa iba pang mga sektor a bahagi ng ekonomiya ng bansa.

5 Philippine Agriculture over the Years: Performance, Policies and Pitfalls by Cielito F. Habito and Roehlano M. Briones. Paper presented at the conference entitled “Policies to Strengthen Productivity in the Philippines,” sponsored by the Asia-Europe Meeting (ASEM) Trust Fund, Asian Institute of Management Policy Center, Foreign Investment Advisory Service, Philippine Institute of Development Studies and the World Bank, held in Makati City, June 27, 2005.

Page 20: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 4

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa Pilipinas, sa kabila ng pagiging isang bansang mayaman at sagana sa

agrikultura, nananatiling mahirap ang uring magsasaka6. Deka-dekadang nilinang

ng mga magsasaka ang mga lupang kanilang tinatamnan, subali’t deka-dekada na

rin silang namomromblema dahil sa mga problemang hatid ng kawalan ng

kaukulang aksiyon ng gobyerno ukol sa kanilang karapatan sa lupa.

Sa ilang taong pamumuhay ng mga magsasaka ng Hacienda Dolores sa

kanilang bukid at sakahan, paano nila isasalarawan ang kwento ng kanilang buhay?

Ano ang iba pang mga salik na nagpabago sa buhay nila? Ano-ano ang mga salik na

nagtutulak sa kanila upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan sa lupang

kanilang sinasaka? At sa paanong paraan makakatulong ang kanilang pakikibaka

para sa kanilang karapatan sa laganap na espekulasyon sa lupa sa mga kalapit na

barangay?

Totoo nga bang ang magtanim ay hindi biro? Lalo na kung ang lupang

tinatamnan mo ay inaagaw sa’yo?

6 Hinango mula sa isang artikulo ni Pher Pasion sa Pinoy Weekly http://pinoyweekly.org/new/2015/10/hamon-ng-mga-magsasaka-sa-darating-na-eleksiyon/

Page 21: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 5

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Mahalaga na pag-aralan ang buhay ng mga magsasakang nakaranas ng

espekulasyon sa lupa sapagkat ang kanilang mga karanasan ay maaari ring

mangyari at maramdaman ng mga iba pang katulad nilang magsasaka. Ang

pamumuhunan sa lupa ay patuloy na lalaganap sa kasalukuyang panahon at sa higit

pa kung saan ang pagmamay-ari ng lupa ay katumbas na rin ng pagkakaroon ng

kapangyarihan. Sa pananaliksik na ito, nais kong alamin bilang mananaliksik kung

ano ang epekto ng pagkakaroon ng laganap na espekulasyon sa lupa sa buhay ng

mga magsasaka at kung sa paanong paraan makakatulong ang kanilang pakikibaka

sa kapwa nila magsasakang may banta ng pagdanas ng mga epektong hatid ng

espekulasyon sa lupa.

Bagamat ang mga kwentong buhay ay hindi madalas gamitin sa pag-aaral ng

mga pananaliksik kagaya nito, may kakayahan naman itong magbigay ng malinaw

na larawan ng tunay na kalagayan ng tao dahil sakop ng mga kwento ang mga

damdamin, saloobin, at pananaw sa bawat tagpo sa kanilang mga istorya. Sinabi ni

Stewart (1994) sa kanyang The Women’s Movement and Women’s Lives: Linking

Individual Development and Social Events, ang mga kwentong buhay sa kaso ng

pananaliksik ay may kabuluhan sa sosyolohiya sapagkat maari nitong matulungan

ang mananaliksik na mas maging mulat o mas magkaroon pa ng mas malalim na

kamalayan sa hanay ng mga maaaring tungkulin at pamantayan na umiiral sa loob

ng isang komunidad. Maaaring tukuyin ng mga kwentong buhay ang lugar ng isang

indibidwal sa antas panlipunan (social order) (Stewart, 1994). Ayon din sa isang

Page 22: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 6

pananaliksik na ginawa ni Rosenrhal, maaari rin nitong ipaliwanag o kompirmahin

ang mga nagaganap sa lipunang ginagalawan sa pamamagitan ng moral, etikal, o

sosyal na konteksto ng isang sitwasyon. Makakapagbigay ang mga ito sa

mananaliksik ng impormasyon tungkol sa katotohanang panlipunan (social reality)

na umiiral sa labas ng kwento na isinasalarawan ng nasabing kwento. (Rosenrhal,

1993)

Bilang isang mag-aaral ng Araling Pangkaunlaran, na balang araw ay

magiging isa sa mga development worker, tungkulin kong ilantad ang kapabayaan ng

estado, pang-aabuso ng mga pribadong kompanya, at patuloy na handulong sa pag-

unlad. Kalakip din ng paglantad ang pagsalungat sa mga hindi makatarungang

programa’t aksiyon ng gobyerno. Sa huli, tungkulin ko bilang mananaliksik na

magmungkahi ng mga solusyon sa problemang kinakaharap. Kung kaya’t nilalayon

ng pananaliksik na ito na makatulong sa pagbuo ng mga angkop na polisiya at

programa upang matugunan ang mga epektong hatid ng espekulasyon sa mga

agrikultural na lupain. Ito ay maaaring makamit lamang sa pamamagitan ng

pagsasalimbayan ng mga teoryang napag-aralan sa loob ng pamantasan at ng mga

praktikang nagampanan kasama ng mga magsasakang nasa komunidad na pokus ng

pananaliksik.

Huli, bilang isang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Maynila, tungkulin

ng mananaliksik na pagsilbihan at tulungan ang mamamayan. Hinihimok ko na

maging isang artikulasyon ng kaisipan ang pananaliksik na ito, maging bahagi ng

mga diskurso sa panahon ng pagpapalaya sa mga magsasaka, at maging isang

Page 23: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 7

daluyan ng talakayan ng mga buhay ng mga magsasaka at kung paano sila

makakatulong sa pangkomunidad na kaunlaran.

LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Sisikapin ng pananaliksik na ito sa pangkalahatang layunin na kritikal na

suriin ang buhay at karanasan ng mga magsasaka ng Hacienda Dolores sa gitna ng

laganap na espekulasyon sa kanilang mga lupa. Higit pa rito, ninanais ng

pananaliksik na salaminin sa punto de vista ng mga magsasaka ng Hacienda Dolores

ang mga konsepto ng espekulasyon sa lupa, pakikibaka para sa karapatan, at

kaunlaran.

Upang higit pang maging epektibo ang tesis na ito, layon din nitong sagutin

ang mga katanungang may kaugnayan sa mga nailahad na layunin.

1. Talakayin ang buhay ng mga magsasaka ng Hacienda Dolores nang sa gayon

ay maisalarawan at maintindihan ang buhay ng mga magsasakang nakaranas

ng espekulasyon sa lupa.

• Ano ang pampolitikang ekonomiya ng espekulasyon sa lupa?

• Sa pananaw ng mga magsasaka, ano nga ba ang espekulasyon sa lupa

at paano ito nakakaapekto sa kanilang mga buhay?

2. Siyasatin ang pagbabagong hatid sa buhay ng mga magsasaka ng paglaganap

ng espekulasyon sa kanilang mga lupa.

Page 24: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 8

• Ano ang estado ng kanilang buhay bago pa man nagkaroon ng mga

espekulasyon sa kanilang lupa?

• Bilang mga magsasaka, paano nila tutugunan ang mga pagbabagong

hatid ng pagpasok ng mga espekulasyon sa lupa?

3. Salaminin kung naging epektibo ba ang mga programa sa repormang agraryo

upang bigyang proteksiyon ang mga magsasaka sa mga negatibong epekto na

hatid ng paglaganap ng espekulasyon sa lupa.

• Sa papaanong paraan nakatulong ang mga nagdaang repormang

agraryo sa karapatan ng mga magsasaka sa lupa? Kung hindi

nakatulong, bakit?

• Ano ang ambag ng mga polisiya at batas ukol sa lupa sa karapatan ng

mga magsasakang bungkalin ang kanilang mga bukid?

4. Ipakita ang buhay ng mga magsasaka upang maiugnay ang mga ito sa usapin

ng pag-oorganisa, pagpapakilos, at pagpapaunlad ng komunidad.

• Ano ang naging tugon ng mga magsasaka upang ipaglaban ang

kanilang karapatan sa lupa?

• Naisakatapuran ba ng mga magsasaka ang pagsasakapangyarihan

(empowerment) ng kanilang sektor sa paraan ng pakikipaglaban para

sa kanilang lupa?

5. Iugnay ang buhay ng mga magsasaka ng Hacienda Dolores sa buhay ng iba

pang mga magsasaka sa mga kalapit na barangay na maaari ring makaranas

ng mga epektong hatid ng espekulasyon sa lupa.

Page 25: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 9

• Paano makakatulong ang pananaliksik sa buhay ng mga magsasaka ng

Hacienda Dolores sa iba pang mga komunidad ng mga magsasaka?

• Ano-ano ang mga epekto ng pakikibaka ng mga magsasaka ng

Hacienda Dolores sa kalapit na mga barangay nito?

SAKLAW AT LIMITASYON NG PANANALIKSIK

Bagamat ang espekulasyon sa lupa ay nararanasan na sa iba’t ibang bahagi

ng bansa, ang pananaliksik na ito ay magpopokus lamang sa iisang barangay. Ang

barangay na ito ay ang Hacienda Dolores sa bayan ng Porac, Pampanga na apektado

ng isinagawang Subic-Clark-Tarlac Expressway sa rehiyon. Ang pananaliksik rin na

ito ay gagamit lamang ng iilang kakapanayamin, katugon o respondents para sa

isasagawang case study mula sa dalawang grupo ng edad ng tao – kabataan at

matatanda.

Ang mga datos ay hahanguin mula sa mga karanasan ng mga magsasaka ng

Hacienda Dolores. Tutukuyin lamang nito ang mga epekto sa buhay ng mga

magsasaka bago at sa pagpasok ng laganap na espekulasyon sa lupa. Dahil din sa

limitadong oras upang matapos ang pananaliksik, hindi na binigyang-diin pa ang

mga ilang estadistikang nakaugnay sa pag-aaral. Nagsisilbi na lamang ang mga ito

bilang mga kaakibat na datos upang ipakita ang mga epekto ng nasabing

espekulasyon sa lupa.

Page 26: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 10

Susubukang iugnay ang mga makakalap na datos o impormasyon ng

pananaliksik na ito sa iba pang mga sektor ng lipunang Pilipino – kababaihan,

katutubo, manggagawa, maralitang tagalungsod, atbp.

Page 27: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 11

KAUGNAY NA LITERATURA

MGA BALANGKAS NG PANANALIKSIK

Teoretikal na Balangkas

Sa pagsusuri ng mga buhay ng mga magsasaka ng Hacienda Dolores, gagamit

ang mananaliksik ng mga kritikal na teorya. Ito ay upang masuri nang maayos ang

mga buhay ng mga magsasaka at nang sa gayon ay makabuo ng komprehensibong

pagsusuri na tutugon sa mga layunin ng pananaliksik.

Ang pangunahing teorya na gagamitn sa pananaliksik na ito ay ang

phenomenological method. Ayon kay Willis, “ang phenomenology ay nakatuon sa

sariling pag-iisip ng katotohanan, habang patuloy sa pangangailangan na

maunawaan kung paano tinitingnan ng isang tao ang kanyang sarili at ang mundo

sa kanyang paligid” (gaya ng nabanggit ni Bound, 2011). Ito ay halos katulad din sa

sinabi ni Welman at Kruger, “ ang mga phenomenologist ay nakatutok sa pag-unawa

sa panlipunan at sikolohikal na phenomena mula sa pananaw ng mga taong

kasangkot” (gaya ng nabanggit ni Groenewald, 2004).

Sa madaling salita, binibigyang-kahulugan ng phenomenological method ang

isang karanasan o sitwasyon sa pamamagitan ng pakikinig sa iba’t ibang kwento ng

mga kakapanayamin o kalahok sa pananaliksik. Sinusuri nito ang isang phenomena

mula sa mata ng mga tao kalahok. Sa kaso ng pananaliksik na ito, mahalagang masuri

ang konsepto ng espekulasyon sa lupa sa pamamagitan ng mismo ng lente o mata

ng mga magsasaka. Ito ay nang sa gayon ay mas malalim na maunawaan ng

Page 28: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 12

mananaliksik ang epekto ng espekulasyon sa lupa sa buhay ng mga magsasakang

kakapanayamin.

Upang masuri naman kung paano nakakaapekto sa pagsasakapangyarihan

ng mga magsasaka ang isyung kinakaharap na espekulasyon sa lupa, ang

pnanaliksik na tio ay gagamitan ng community development theory. Ito ay para

maisalarawan ang mga salik na nagiging dahilan ng aksiyon ng mga magsasaka.

Ang Community Development Theory ay nakatuon mismo sa masang api at sa

proseso ng kanilang pag-alpas sa mga problemang panlipunang ipinapataw ng mga

panlabas na salik. Naipaliwanag nang mahusay ni Phillip Mendes (2008) ang

teoryang ito sa kanyang pagpapakahulugan:

“Ang Community Development ay kadalasang isinasaalinsabay sa

Social Work. Ang Social Work ay tinukoy bilang propesyonal na

interbensyon sa pagtukoy ng mga sitwasyon ng personal na

pagkabalisa (personal distress) at krisis sa pamamagitan ng pag-

angkop at pagpapalit ng mga panlipunang kapaligiran na kung saan

ang mga tao ay nakatira. Sa kabilang banda, ang Community

Development ay ang pagtatalaga ng mga istraktura ng komunidad

upang tugunan ang mga panlipunang pangangailangan at bigyang

kapangyarihan (empower) ang mga grupo ng mga tao.” (Community

Development is often being connected to Social Work. Social work is

defined here as professional intervention to address situations of

personal distress and crisis by shaping and changing the social

environment in which people live. Community development is defined

here as the employment of community structures to address social needs

and empower groups of people.) (akin ang salin sa Filipino)

Page 29: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 13

Sa pananaliksik na ito, malaki ang maiiaambag ng teorya ng Community

Development sa pamamagitan ng pagbibigay ng kritikal na pagsusuri kung paano

nga ba napupukaw ang kalooban ng mga magsasaka upang tugunan ang

espekulasyon sa lupa. Ang pangkomunidad na kaunlaran ay isang batayan upang

malaman ang antas ng pagkamulat ng uring magsasaka. Tutukuyin ng teorya na ito

ang kapasidad ng pagpapaunlad sa sarili ng mga magsasaka sa panahon ng

opresyon, kawalan ng karapatan, at pagtugon sa epektong dulot ng agresyon sa

kaunlaran.

Higit pa rito, gagamit din ng conflict theory ang mananaliksik. Ayon sa

pagpapakahulugan ng New World Encyclopedia, sa sosyolohiya, ang conflict theory7

ay nagsasaad na ang lipunan o isang organisasyon ay kumikilos sa kaparaanan na

ang bawat indibidwal na kalahok at ang mga grupo nito ay nakikibaka upang

maimaksima ang kanilang mga benepisyo, na kung saan hindi maaaring hindi nag-

aambag sa pagbabagong panlipunan tulad ng mga pampolitikang pagbabago at

rebolusyon. Ang teorya ay halos inilapat upang ipaliwanag ang tunggalian sa pagitan

ng mga uri sa lipunan, proletaryado laban sa burgesya, at sa usapin ng ideolohiya,

tulad ng sosyalismo laban sa kapitalismo. Ang paglago at pag-unlad ay nagaganap

sa pamamagitan ng tunggalian o diyalektika sa pagitan ng mga magkakasalungat na

partido o grupo.

Sa kaso naman ng pananaliksik, sa pamamagitan ng Conflict Theory ay

matutukoy ang kasaysayan ng pagkakaroon ng mga tunggalian sa pagitan ng mga

7 Inakses mula sa http://www.newworldencyclopedia.org/entry/Conflict_theory

Page 30: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 14

magsasaka at ng iba pang aktor ng lipunan (panginoong may lupa, mga politiko,

atbp.). Sa pamamagitan din nito ay malalaman kung bakit nga ba may tunggalian sa

pagitan ng mga magsasaka at sa ibang aktor ng lipunan. Isang tunggalian na

nagdudulot ng iba’t ibang epektong maaaring makapagbigay ng pagbabago sa buhay

sa mga magsasaka, positibo man o negatibo.

Konseptuwal na Balangkas

Grapiko 1 Balangkas Pangkonsepto na gamit ng pananaliksik na ito

Ipinapaliwanag ng balangkas pangteorya (Grapiko 1) na ito kung paano

nakakaapekto ang espekulasyon sa lupa sa buhay ng mga magsasaka. Makikita sa

nakalarawang balangkas pangkonsepto na ang espekulasyon sa lupa ay may

ESPEKULASYON SA LUPA

PANGANGAMKAM NG LUPA PAGPAPALIT-GAMIT NG LUPA

SOSYO-EKONOMIKONG EPEKTO SA

BUHAY NG MGA MAGSASAKA

PAGTUGON NG MGA MAGSASAKA

PANGKOMUNIDAD NA KAUNLARAN

NG SEKTOR NG MGA MAGSASAKA

INDIBIDWAL PAMILYA SEKTOR

KOMUNIDAD

POSITIBONG EPEKTO NEGATIBONG EPEKTO

Page 31: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 15

kaakibat na dalawang bagong salik – ang pangangamkam ng lupa (land grabbing) at

ang pagpapalit ng gamit (land use conversion) nito. Tutukuyin ng pananaliksik kung

paano nakakapekto ang dalawang nabuong salik sa buhay ng mga magsasaka at sa

sosyo-ekonomikong aspekto ng buhay nila.

Natural sa tao na tugunan o bigyang-aksiyon ang mga epekto, positibo man

o negatibo, sa kanyang buhay na dulot ng mga panlabas na salik. Mahalagang

bigyang-diin din na nakakapag-ambag sa kanyang pagkilos ang pamilya, mga

miyembro ng sektor na kanyang kinapabibilangan (sa kaso ng pananaliksik, kapwa-

magsasaka), at maging ang komunidad na kanyang kinapapalooban.

Sa huli, ang mga paraan ng pagtugon ng mga magsasaka sa mga epekto ng

espekulasyon sa lupa ay malaki ang maiaambag upang makamit ng mga magsasaka

ang kanilang pagsasakapangyarihan at higit pa, ang kanilang tunay na

pangkomunidad na kaunlaran.

Page 32: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 16

PAGSUSURI SA MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Bilang ang terminolohiyang espekulasyon ay isang legal at ekonomikong

kataga, natural lamang na sumangguni sa mga law dictionary upang makapagbigay

ng pakahulugan sa mga ito. Sa pagpapakahulugan ng Black’s Law Dictionary,

In commerce. The act or practice of buying goods in expectation of a rise

of price and of selling them at an advance, as distinguished from a

regular trade, in which the profit expected is the difference between the

retail and wholesale prices, or the difference of price in the place where

the goods are purchased, and the place where they are to be carried for

market. Webster.

Sa kaso ng land speculation, ito ang espekulasyon o pamumuhunan sa mga

lupa kagaya ng mga tiwangwang, agrikultural, at katutubong lupa. Ayon sa

pagbibigay sandigan ng kahulugan (background of the definition) ng Dictionary of

American History8(2003), ang paboritong layon ng pamumuhunan sa America bago

pa ang panahon ng naglalakihang negosyo ay ang pampublikong lupa. Ang mga

namumuhunan ay maaaring bumili nito sa murang presyo nang may malaking

bilang at magbawas nito sa merkado, kung may sapat man silang kapital upang

makamit ito, hanggang ang pagtaas ng presyo ay magdulot ng tubo o kita.

Halos naging epidemya sa mga metropolitan ng America ang land speculation

kalakip ng mga iskema sa land investment noong mga huling bahagi ng 1960s at

unang bahagi ng 1970s (Lindeman, 1976). Sa artikulong “Don’t Speculate and Don’t

8 "Land Speculation." Dictionary of American History. . Retrieved December 05, 2016 from Encyclopedia.com: http://www.encyclopedia.com/history/dictionaries-thesauruses-pictures-and-press-releases/land-speculation

Page 33: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 17

Listen to Tips” ni Hepburn, A.B. (1919) ng Chase National Bank of New York sa

kanyang sinulat para sa American Magazine noong Nobyembre 1919, klinaro niya

ang kaibahan ng investment sa speculation, ayon sa kanya, “Investment is buying

stocks after the value is proved. Speculation consists in trying to guess what the value

will be.” Dinagdag pa niya sa kanyang pahayag ang: “buying stocks on the prospect of

a company striking oil or discovering gold is like betting that you will find money on

the sidewalk.” (mula sa Ely R., 1920). Kung papalitan natin ang salitang stocks ng

land, mas maiintindihan natin ang pinagkaiba ng land speculation at land investment.

Tinutukoy din bilang pagpapanatili ng pagmamay-ari sa ng mga lupa upang

pakinabangan ang mga ito dahil sa pagbabagong pampolitikang pang-ekonomiya na

nakakaapekto sa lokal na halaga ng lupa, ang land speculation ay kaakibat ng

politika ng mga "growth machine" na gumagabay sa pag-unlad ng mga pangunahing

bayan, mga suburban na munisipyo, at kamakailan, mga lupang papa-urban na

hinog na para sa "smart growth" (Stanley, 2016).

Sa Anatomy of Land Speculation ni Lindeman (1976), sinabi niya na may

tatlong salik na nakaambag sa kadahilanang ito: (1.) ang pangmatagalang kalakaran

ng suburbanization ay humantong sa di-mabalewalang paggalaw ng populasyon ng

mga urban at mabilis na pag-unlad (market value9 increases) ng mga katabing

lupain, (2.) ang inflation noon at pagkatapos ng 1967 ay maglikha sa maraming

mamamayan ng pagnanais na mamuhunan sa isang bagay bilang isang

9 Ang presyo ng isang asset na sinusunod sa isang merkado. Ito rin ay karaniwang ginagamit upang pagbatayan ng presyo ng mga publicly-traded company sa merkado. Inakses mula sa Investopedia http://www.investopedia.com/terms/m/marketvalue.asp#ixzz4SAepb58T

Page 34: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 18

kasiguraduhan at nagkaroon ng mga sabi-sabi na magandang behikulo para sa

kasiguraduhan na ito ay ang mamuhunan sa lupa, (3.) huli, ang pagkakaroon ng

stock market debacles noong 1969-1970 at 1973-1974 na naging dahilan upang

maalis ang pangunahing kakumpitensiya ng lupa sa kasiguraduhan, kung kaya’t

lalong lumala ang pangangailangan sa espekulasyon sa lupa (Lindeman, 1976).

Ang mga speculator ay bumibili ng mga lupa sa pag-asang tataas ang presyo

nito pagkaraan ng mga panahon, at sa pagtaas ng presyo ay kanila na nilang

ibebenta upang mas mataas ang kanilang makuhang kita o tubo. Kadalasan na

binebenta ang mga lupa sa mga kompanya upang gawing industriyal, komersiyal, o

kaya naman ay residensiyal ang mga ito.

Sa pagsasalarawan ni Ortega (2016) sa kanyang artikulong Volatile Spaces in

the Peri Urban Fringe, from the Fields to the Mountains, pagkaraan ng ilang siglo ng

pamumuhay sa kabundukan, ang espekulasyon ng lupa at pagbuo ng mga

subdibisyon ay nanghihimasok sa kanilang (ng mga katutubo, mga Dumagat, sa

partikular) mga lupaing ninuno. Ang mga gawaing ito ay humahantong sa pagliit ng

kanilang mga katutubong espasyo at pagkasira ng kabundukan na siyang kanilang

pinagkukunan ng kabuhayan (Ortega, 2016).

Ayon kay Sheehan M. (1982), ang speculative forces ay nagagawang kontrolin

ang disenyo ng parehong infrastructural at general development sa Southern

California sa loob ng 100 taon, at ang kalakarang ito ay hindi ang pinakamahusay

para sa interes ng kalakhang populasyon. At ayon din sa kanya, ang aktibong

espekulasyon sa lupa ay masama sa iba't ibang kaparaanan, na nakakaapekto sa

Page 35: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 19

produksiyon, distribusyon, at sa hinaharap na opsiyon mula sa pampublikong

perskpektiba. Sa pampolitikang usapin naman, ang espekulasyon o ang pagnanais

na angkinin ang mga bunga ng paggawa ng mga produktibong kasapi ng komunidad,

ay lumilikha ng isang kapaligirang korap, mala-korap, at bulag na pampolitikang

pag-uugali na kung saan ay hindi kailanman maaaring maging sa pampublikong

interes. (Sheehan, 1982)

Dagdag pa ni Ortega (2016), ang pangangamkam at pang-aagaw ng kanilang

karapatan sa kanilang mga lupa ay nangyayari sa dalawang pangunahing paraan.

(1.) sangkot ang mga may lupang burgesya, taga-usig o speculators, at mga

negosyante. Ang mga ito ay may kalakip na burukratikong kaalaman at konektado

sa mga grupo ng mga indibidwal na maimpluwensiya o may impluwensiya mula sa

gobyerno. Ang mga politiko-ekonomikong speculators na ito ay nakikisangkot sa

mga “technical land grabbing10” (2.) mga kapwa naabusong mga magsasaka o

katutubo na nagmula sa ibang mga lalawigan (migrants) na siyang nanghihimasok

sa kanilang mga lupain upang paglagakan sa matagal na panahon.

Ang mga pamumuhunan sa lupa ay may kalakip na pagpapalit-gamit nito.

Ayon kay Mothorpe et.al (2013), sa kanilang papel na The Impact of Interstate

Highways On Land Use Conversion, ang konstruksiyon ng mga interstate highway ang

nagtutulak sa pagkakaroon ng kombersiyon o pagpapalit-gamit ng mga lupang

10 Pagsasabing pagmamay-ari nila ang malalawak na parsela ng lupa sa pamamagitan ng mga titulo at iba pang ligal na batayan ng pagmamay-ari

Page 36: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 20

agrikultural tungo sa mga panlungsod na gamit, sa kaso ng Georgia sa America.

(Mothorpe et.al, 2013)

Ang pagkawala o pagkaunti ng agrikultural na lupa ay hindi lamang

nakakahon sa estado ng Georgia, ngunit isang problemang laganap at nangyayari rin

sa iba pang bahagi ng America. Ito ay sa kadahilanang ang mga aktor na may sanhi

ng pagkaubos ng mga lupang agrikultural ay mainpluwensiya rin sa iba pang mga

lugar.

Ang pagkakaroon ng mga bagong interstate high way ay nagibibigay

kontribusyon o nag-aambag sa pagkakaroon ng pagpapalit-gamit ng lupa, dagdag pa

ni Mothorpe et.al. (2013) Sa mga pagkakataong ito, mas lalong sumisiklab ang

damdamin ng mga magsasaka na proteksiyunan ang kanilang mga lupang sakahan.

Sa lipunang Pilipino, nananatiling yumayaman ang mga mayayaman

at naghihirap ang mga mahihirap. Iilang pamilya lamang ang kumokontrol sa

yaman, rekurso, at kapangyarihan sa bansa, habang ang mayorya ay nanatiling

opresibo dahil sa kahirapan at kawalang kapangyarihan pati na rin ng kawalang

karapatan upang matamasa ang isang disenteng buhay.

Kung sa gayon, masasabing hindi makatarungan ang lipunang Pilipino. Sa

ganitong uri ng lipunan, nananaig ang isang walang katapusang problema, isang

siklo ng opresyon at tunggalian ng iba’t ibang panlipunang uri.

Ang kasaysayan ng pakikibaka ng mga magsasaka para sa kanilang karapatan

sa lupa at kalayaan ay kasing tanda ng kasaysayan ng bansa. Ayon kay Manuel

Page 37: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 21

Mondejar (1982), bago pa man ang kolonisasyon sa bansa, ang pakikibaka ng mga

magsasaka ay nakatuon laban sa pwersa ng kalikasan (forces of nature). Ito ang

dahilan kung bakit mas pinili nila ang kolektibong pagsisikap upang mabuhay

(Mondejar, 1982).

Sa pagdating ng mga mananakop na Kastila, ang mga komunal na lupa ng mga

magsasaka ay naging pribadong pagmamay-ari ng iilan. Ayon sa nabanggit ni

Guerrero A. (1970), ang uri ng lipunan na binuo sa higit sa tatlong siglo ng mga

Kastilo ay kolonyal at pyudal. Kolonyal at pyudal sapagkat kinamkam ang mga lupa

at ipinamigay sa iilang makakapangyarihan na mga Kastila sa pamamagitan ng

sistemang encomienda11. Dagdag pa ni Mondejar sa kanyang papel na The Filipino

Peasant Struggle towards Self-Reliance,

“Sa paglala ng paghihirap ng mga magsasaka, sa kamay ng isang

mananakop at sa isang pang mananakop pagkatapos, napagtanto ng

mga magsasaka ang pagkawalang-saysay ng indibidwal na pagkilos at

ang pangangailangan para sa mga pangmasang pagkilos. Karamihan

sa mga malawakang pagkilos ng mga magsasaka sa panahon ng

kolonisasyon ng mga Espanyol at Amerikano ay naging marahas.

Binubuo ang mga ito ng mga lokalisang pag-aalsa at mabagsik na

pagkilos na naglalayong makakuha ng mas mahusay na pang-

ekonomiyang pakikitungo at pagpapabuti sa kanilang buhay. Kapag

ang kanilang mga pag-aalsa ay pinigilan ng mga makapangyarihang

dayuhang mapang-abuso, ang mga magsasaka ay ay nagiging mulat sa

11 Ang sistemang encomienda ang umiiral na sistema sa relasyong magsasaka-panginoong maylupa. Sa sistemang ito ay pinamamahagian ang mga encomiendero ng lupain bilang gantimpala sa kanilang pagtatanggol, pagtuturo ng wikang Espanyol at Katolisismo sa mga nasasakupan nito. Kadalasa’y mga conquistador at pari ang inaatasan ng Hari ng Espanya na maging encomiendero hindi lamang sa Pilipinas kundi sa mga nasasakupan nito sa Latin Amerika.

Page 38: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 22

dalawang bagay: una, ang pangangailangan sa isang nagkakaisang

pambansang pagkilos, at ikalawa, ang relasyon sa pagitan ng kanilang

pang-ekonomiya at pampolitikal na pangangailangan. (As the

sufferings of the peasantry intensified, at the hands of one colonizer

after another, the peasants realized the futility of individual action and

the need for mass action. Most peasant mass actions during the era of

Spanish and American colonization were violent in nature. They

consisted of localized uprisings and bloody revolts aimed at getting a

better economic deal and improving the eay of life. When their revolts

were suppressed by powerful foreign oppressors, the peasants became

aware of two things: first, of the need for unified national action, and

second, of the relationship between their economic and political

demands.) (Mondejar, 1982) (akin ang salin sa Filipino)

Sa ganitong realisasyon nila mapagtatanto na dapat na nilang

patalsikin ang kanilang mga mapang-abusong kolonyal na panginoon. Sa

pagkakataong ito nila mas nanaising ipaglaban ang kanilang karapatan sa

lupang kanilang tinubuan.

Page 39: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 23

Kabanata 2

METODOLOHIYA

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay alinsunod sa historical research design. Ang

disenyong ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbibigay-kahulugan sa mga nakaraang

kaganapan upang mahinuha ang mga maaaring mangyari sa hinaharap. Layunin ng

disenyong pananaliksik na ito ang mangolekta, mapatunayan, at pagkonsolidahin

ang mga katibayan o evidence mula sa nakalipas upang makapagtatag ng mga

katotohanan o facts upang maging depensa o pabulaanan ang isang teorya.

Kwalitatibo ang dulog ng pananaliksik na ito, and dulog na gumagamit ng

mga sekundaryang batis at iba’t ibang mga primaryang dokumentaryong batis, gaya

ng, diaries, opisyal na mga tala, mga ulat, mga arkibo, at iba pang di-tekstuwal na

impormasyon (mapa, mga larawan, audio-visual records, atbp.). Sa pamamagitan ng

dulog o lapit na ito, mas mapapalalim ang pagkaunawa sa buhay ng mga magsasaka

at mas makakapagbigay ito ng konkretong mukha ng implikasyon ng espekulasyon

sa lupa mula mismo sa mga tagahimaton o informant ng pananaliksik.

Sa kabila nito, mapanghamon ang disenyong ito dahil kakailanganin nito ng

mahabang panahon sa pangangalap ng datos o impormasyon upang matapos ang

pananaliksik.

Page 40: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 24

INSTRUMENTO

Sa pangangalap ng datos, nagsilbing pangunahing batis ang pagsasagawa ng

pakikinig at pagtatala mula sa mga kwentong buhay o case study ng mga napiling

magsasaka mula sa dalawang grupo ng edad (age groups). Iikot ang malayang

talakayan sa mga temang nakapaloob din sa mga layunin ng pananaliksik: (1.) buhay

ng mga magsasaka bago pa man magkaroon ng espekulasyon sa kanilang mga lupa

(2.) mga pagbabagong hatid o implikasyon sa kanilang buhay ng espekulasyon sa

lupa (3.) papel ng mga nagdaang repormang agraryo sa isyung kinakaharap, at (4.)

paraan ng pagtugon sa mga pagbabagong hatid ng espekulasyon sa lupa sa kanilang

mga buhay.

Malayang talakayan man ang naging dulog ko bilang mananaliksik, mabuti pa

rin na bigyang-diin ang pagkakaroon ng semi-structured questionnaire. Ito ay upang

matiyak ang walang putol na daloy ng pagbabahagi ng mga kwentong buhay ng mga

magsasaka.

Nagsagawa rin ako ng isang photo elicitation o ang pagpapakita ng mga

larawan na maaaring magsalamin sa buhay ng mga magsasakang aking naging

katugon. Ito ay upang malaman ang kanilang sariling pananaw sa mga bagay na

ipinapakita sa mga larawan.

Page 41: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 25

PRESENTASYON NG MGA DATOS

IKALAWANG BAHAGI: PUNLA NG PAG-ASA

Punla ng Pag-asa

Page 42: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 26

Kabanata 3

PRESENTASYON NG MGA DATOS

BUHAY SA LOOB NG BUKID AT BUHAY SA LABAS NG BAKOD

Ang bahaging ito ay tumatalakay sa mga kwentong buhay ng mga magsasaka

ng Hacienda Dolores sa Porac, Pampanga. Nilalaman din nito ang iba’t ibang istorya

ng apat na kabataan. Kalakip na rin sa kabanatang ito ang proseso at resulta ng

naging kwentuhan at talakayan ko bilang mananaliksik at ng apat na mga magsasaka

ng Hacienda Dolores. Ipinapakita rin sa kabanatang ito ang naisagawang photo

elicitation na may mga larawang maaaring magpaalala sa mga magsasaka ng ilan sa

mga naging buhay nila bago at pagtapos magkaroon ng bakod sa kanilang mga

bukid.

Masasalamin dito ang personal na pananaw ng mga magsasaka sa

espekulasyon sa lupa, karapatan sa lupa, at pakikibaka para rito. Bibigyang

kahulugan nito ang sariling pagtingin ng mga magsasaka sa kanilang buhay,

kahirapan, at kaunlaran.

Ang presentasyon ng datos na ito ay nahahati sa tatlong bahagi. Ang una ay

ang kuwento ng buhay ng apat na kabataan ng Hacienda Dolores na ang mga

magulang ay nakaranas ng mga epekto ng espekulasyon sa lupa. Ang ikalawang

bahagi ay ang mga naratibong batay sa personal na salaysay ng limang residente’t

magsasaka ng Hacienda Dolores na tumatalakay sa kanilang mga kuwentong buhay.

Page 43: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 27

Ang ikatlong bahagi naman ay ang pagbibigay kahulugan ng limang residente’t

magsasaka sa mga ipinakitang larawan bilang parte ng proseso ng photo elicitation.

Unang Bahagi:

BATA, BATA, NAKIKIBAKA?

Ang bahaging ito ay naglalaman ng ilang impormasyon patungkol sa buhay

ng apat na mga anak ng mga magsasaka ng Hacienda Dolores na nakaranas ng mga

epekto ng pagkakaroon ng espekulasyon sa kanilang mga lupa. Ang apat na

kabataan ay sina Marvin at Merry Ann na parehong 27 taong gulang, at sina Neslly

at Clarence, na pareho rin ng edad na 13 taon. Ang mga batang wala pang 18 taon

ay pinayagan ng mga magulang o guardian na aming kapanayamin ngunit sa oral na

kasunduan lamang.

Si Marvin at ang Ibayong Nayon

Si Marvin ay isang residente ng Hacienda Dolores. Siya ay 27 anyos at ang

pangunahing ikinabubuhay ay ang pagsasaka kasama ng kanyang amang si Elmer

Santos na siya namang pangulo ng AMGL Pampanga o Alyansa ng mga Magbubukid

sa Gitnang Luzon - Pampanga. Ang kanyang ina naman niyang si Amelia Franco ay

dating nagtitinda sa palengke ng mga inaaning gulay at prutas sa kanilang bukirin

pero ngayon nasa bahay lang siya. Siya nag pangalawang bunso sa kanilang apat na

magkakapatid. Siya rin ang nag-iisang lalaki sa kanilang mga magkakapatid. Ang

panganay sa kanilang magkakapatid si Marisol Franco Pineda, 31 anyos at

Page 44: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 28

nagtitinda ng inaning gulay ng kanyang asawa. Sumunod naman ay si Mary Grace

Franco, 29 anyos na nasa Dubai at nagtatrabaho sa isang mall bilang kahera. Ang

bunso naman ay si Michelle Franco, 26 na siyang tagapamahal ng kanilang tindahan

sa may bundok dahil simula nang pumasok ang Triple L o Leonardo-Lachenal-

Leonio Holdings sa kanilang lugar ay tanging si Michelle na lang ang nakakapasok

sa bundok. Lahat sila ay hanggang hayskul lamang ang tinapos. Kasama niya sa

bahay ang kanyang ina at ama pati na rin ang kanyang pamangkin na anak ni

Michelle na si Bianca Mae Franco.

Sa kanyang pag-aaral, naranasan ni Marvin na tumigil pansamantala sa pag-

aaral ang 2-3 taon noong siya ay nasa ikalawang taon na sa hayskul upang

makatulong sa kanyang ama sa pagsasaka. Ngunit naisipan rin niyang bumalik dahil

napagtanto niya na iba pa rin ang nakatapos kaysa hindi. At ayon rin sa kanya, hilig

niya talaga ang pag-aaral. Malapit lang ang eskwelahan sa kanilang bahay sa

kanyang pinapasukang eskwelahan na Pulong Santol Annex 1 at gumagastos lamang

ng 32 pesos para sa buong araw na pamasahe. Maliban dito, siya rin ay pumasok sa

isang Japanese training center sa lungsod ng Maynila upang matuto ng Nihonggo

dahil ninais din niyang mangibang bansa para mas makatulong sa pamilya. Ngunit

hindi siya natuloy noong Pebrero dahil tumutol ang kanyang pamilya nang mapag-

alaman na hindi farming ang gagawin niya sa Japan kundi konstruksyon. Nagpunta

rin siya sa Quezon Province upang magsanay ng agrikultura sa ilalim ng programang

KAES dahil ayon din sa kanya ay talagang hilig niya ang pagsasaka. Siya ay nag-

aararo at nagtatanim ng sari-saring gulay tulad ng gabi, luya, at saging. Pag-aari ng

kanilang pamilya ang lupang kanilang sinasaka. Tuwing wala siyang ginagawa lalo

Page 45: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 29

na pag bakasyon ay halos sa bukid na siya lagi natutulog. Walong taong gulang pa

lamang siya ay tumutulong na siya sa kanyang ama sa sakahan. Siya ang tumutulong

sa pag-aasikaso ng mga kalabaw nila. Hindi siya sinasahuran ng kanyang pamilya

pero naranasan na daw niyang makipagtanim sa lupa ng ibang magsasaka. Siya ay

nakikipag-arawan, nakikipagtanim ng tubo, at nag-aabono ng tubo. Kumikita siya

ng 150 pesos sa isang araw tuwing nakikipagtanim siya. Ang kinikita niya mula rito

ay hinahati niya kung minsan para makatulong sa gastusin pero minsan ay sa kanya

lang ang sweldo niya. Dati ay nakakaipon siya noong wala pa nag Triple L dahil

marami silang tanim at naaaning prutas. Naranasan na rin niyang magtrabaho ng

liban sa pagsasaka at sabi niya ay kahit ano yatang trabaho ay nasubukan niya na

pero hindi pa niya nasusubukang magtrabaho sa ibang bayan ng matagal. Naging

mahirap para sa kanya ang mag-aral at magtrabaho ng sabay.

Ayon kay Marvin, wala pang organisasyon sa kanilang lugar na nakasentro

sa mga kabataan ngunit siya ay miyembro ng AMRHD sa Hacienda Dolores simula

nang ito ay maitatag noong 2011. Kapag may pagpupulong ang AMRHD ay

sumasama siya sa kanyang ama. Nasubukan niya nang bomoto sa SK pero hindi siya

tumakbo sa ilalim nito. Hindi pa siya nakakasali sa mobilisasyon at rally sapagkat

siya ang nakatokang mag-alaga ng mga kalabaw nila pero kung magkakaroon siya

ng pagkakataong makasama rito ay pipiliin niyang makilahok upang maiparating

ang maling patakarang ginagawa ng malalking kompanya at ng gobyerno. Para sa

kanya maganda ang layunin at gawain ng AMGL dahil ipaparating ang karaingan ng

mga magsasaka sa pamamagitan ng pagrarally. Ang iba raw kasi ay hindi

Page 46: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 30

naiintindihan at sinasabing pag nagbunga ng organisasyon ay sinsabi kaagad nilang

mga NPA.

Simple lang ang pamumuhay nila pero mas maganda sana ang buhay nila

kung nakakapasok sila sa lupain nila at nabubungkal ito. Pinangarap niyang

makapag-abroad pero pagsasaka pa rin ang magiging linya ng trabaho. Sa pagsasaka

basta may lupa kang sinsasaka at malaya ka nasa sayo ang ikauunlad mo dahil wala

kang boss at ikaw ang boss. Pag maraming tanim ay marami ring ani. Mas malaki

ang tsansang bumuti ang buhay nila kung ang mga uupong opisyal ng gobyerno ay

talagang bibigyang pansin ang mga magsasaka.

Nais niyang sabihin kay Duterte na dapat talagang tutukan ang mga

magsasaka dahil sila ang nagpo-produce ng pagkain at dapat rin sila ang binigyan ng

pensyon dahil kapag matanda na sila ay hindi na sila makakapagtrabaho. Hindi

tuwid ang daan na hinain ni Noynoy kundi baluktot. “Baluktot na nga lalo pang

binabaluktot”.

Para sa kanya, nararapat at kailangang magkiisa ng mga kabataan sa mga

ipinaglalaban ng mga magsasaka at huwag gawing masama ang mga taong iginigiit

ang kanilang mga karapatan at huwag sabihing mga NPA ang mga ito. Sa ngayon,

hindi pa kayang makabuo ng isang organisasyong pangkabataan na makakatulong

ng mga magsasaka dahil ang iba sa kanila ay sa mga kalaban mismo

nakikipagtrabaho.

Page 47: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 31

Ang Matamis na Pangarap ni Neslly

Si Neslly Angeles, 13, ay isang estudyante ng Pulung Santol High School

Annex I. Siya ay nakatira sa Haciienda Dolores sa Porac, Pampanga. Siya ay ang

bunsong anak ng magsasaka na si Anthony Angeles ngunit kasalukuyang

nagtatrabaho sa pagawaan ng hollow blocks. Ang kanyang ina ay nasa bahay

lamang. Siya ay may tatlong kapatid na sina Arvie, Patricia, at Uterry Ann. Si Arvie,

19, ay nakatapos ng ikaapat na taon sa hayskul, hindi na siya nag-aral dahil ayon sa

kanya ay wala siyang alam na kursong maaaring kunin. Si Patricia naman, 17, ay

kasalukuyang nasa ikalawang taon ng Development Communication sa PSAU. Si

Uterry Ann, 16, kasalukuyang nasa ikalabing isang baitang sa Pulung Santol High

School Annex I.

Si Neslly ay na nasa ikawalong baitang. Siya ay naglalakad mula sa bahay

hanggang sa Purok 5 at doon sasakay ng traysikel, trese pesos ang pamasahe. Kapag

mabilis lumakad, inaabot ng 20 minuto ang kanyang byahe mula bahay hanggang sa

paaralan. Si Neslly ay hindi madalas lumiban sa klase kung kaya’t siya ay nasa A

Section. Siya rin ay kasali sa mga pang-akademikong organisasyon tulad ng Science

Club, APan Club, Supreme Student Government, at English Club. Siya ay aktibong

kasapi ng mga ito.

Ang kanyang pamilya ay may sariling lupa na tinitirikan ng kanilang bahay.

Sila rin ay may fishpond at sariling bukid. Ang kanilang bukid ay kasama sa mga

binakuran ng Triple L. Sa kasalukuyan, ang kanyang ama ay kasama sa isang

organisayon ng mga magsasaka sa Hacienda Dolores, ang Aniban.

Page 48: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 32

Si Neslly ay nakalahok na rin sa mga pagkilos tulad ng mga rally at

demonstrasyon. Nasa ikalimang baitang pa lamang siya noon noong sumama siya sa

kanyang ina at sa iba pang magsasaka upang magkilos-protesta. Ito ay kaakibat ng

pagkamatay ng isang magsasaka na si Arman Padino na nabaril ng isang sekyu ng

Triple L noong 2014. Positibo naman ang kanyang naging pagtanggap sa mga

mobilisasyon sapagkat para sa kanya tama naman ang kanilang ginagawa at

ipinaglalaban lang nila ang kanilang karapatan. At handa naman siyang sumapi sa

mga organisasyon na ang adbokasiya ay para sa mga magsasaka.

Sa kanyang pagtingin, sila ay hindi naman mahirap dahil nakakaraos pa rin

naman sila kahit papaano. Sa kanyang paglaki, gusto niyang maging isang pastry

chef at hindi na niya nanaising maging isang magsasaka. Ayon sa kanya, mahirap

ang maging isang magsasaka kung kaya’t gusto na niyang makaahon mula rito.

Naniniwala siya na aangat pa ang kalagayan ng kanilang kabuhayan. Hindi man niya

naisin na magtrabaho sa ibang bayan o sa Maynila, gusto naman niyang

makapangibambansa upang makatulong sa pamilya.

Si Merry Ann sa kanyang Last Resort

Si Merry Ann Santiago, 27 anyos ay isang residente ng Hacienda Dolores. Siya

ay anak ng isang dating magsasaka sa lugar na kinalauna’y nagdesisyon na ring

mangibang bansa dahil sa pagkawala ng kanilang lupang sinasaka. Siya ang

panganay na anak sa kanilang tatlong magkakapatid. Ang sumunod sa kanya ay si

Ryan Santiago, 25 anyos na nakapagtapos ng kursong Computer Engineering. Si

Page 49: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 33

Ryan ay nagtatrabaho ngayon sa sales and logistics ng Enigma Technologies Inc. Ang

pangatlo at bunso naman ay si Marry Grace Santiago, 16 anyos, kasalukuyang nag-

aaral at nasa ika-11 na baiting na. Si Marry Grace naman ay nais kumuha ng kursong

Tourism pag siya ay tumuntong na ng kolehiyo. Bukod sa kanilang mag-anak ay

kasama rin nila sa kanilang bahay ang kanyang hipag na si Darlene Santiago, asawa

ni Ryan.

Si Merry Ann ay nakapagtapos ng elementarya at hayskul. Ngunit siya ay

tumigil sa pag-aaral matapos siyang maghayskul. Walong taon siyang huminto sa

pag-aaral at ipinagpaliban muna ang pagkokolehiyo at mas pinili niyang

magtrabaho muna dahil iba iba pa ang trabaho ng kanyang ama dati. Minsan sa

bukid nagtatrabaho at minsan naman sa siyudad. Natigil siya sa pagtatrabaho noong

magtrabaho na sa Guam ang kanyang ama at nakakapagpadala na ng perang

panggastos nila. Noong siya ay nag-aaral pa sa Angeles, sila ay tumira rin ng isang

taon sa Angeles dahil naging caretaker ng bahay ang kanyang magulang pero dahil

pinaupa na rin ng may-ari yung bahay sa ibang tao ay kinailangan na rin nilang

umalis at bumalik ng Hacienda Dolores. Si Merry ay namamasahe ng P100 (balikan)

kung walang deretsong mula at papuntang Hacienda at P60 (balikan) naman pag

meron. Nakapagtapos siya ng kursong Business Administration sa AMA Computer

University.

Marunong sa bukid ang magkakapatid dahil ang kanilang lupang

binubungkal ay malapit lang sa kanilang tirahan at pwedeng lakarin. Tumutulong

sila sa kanilang tatay sa pagsasaka. Nasa anim na baitang pa lamang sila ay

Page 50: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 34

namimitas na sila ng bunga. Kapag hindi ang tatay nila ang kasamang magbukid, ang

nanay nila ang kanilang kasama ng kanyang lalaking kapatid. Hindi na naranasan ni

Marry Grace ang magbukid. Madalas nilang pitasin ang bunga ng bayabas kasama

ang kanilang nanay para may pantawid sila pang araw-araw. Dahil bata pa sila

maliliit na kaing lang ang kanilang hinahawakan. Pero nung lumaki na sila, may mga

sasakyan na at doon sinasakay ang mga ani nila. Tray-tray na ang mga ani nilang

manga at iba pang prutas mula sa lupa ng kanilang ama kaya kailangan na ng

sasakyan. Ang kanilang lupa ay pinaghahatian ng kanilang ama at ng mga kapatid

nito. Siyam silang nakikinabang at nagbubungkal ng lupa kaya masasabing Malaki

ito. Tuwing bakasyon sila kadalasang tumutulong sa bukid dahil hangga’t maaari

ayaw ng kanilang ama na magtrabaho ang mga babae sa bukid pero kapag talagang

walang-wala, sinasama na rin sila ng nany niya sa bukid. Pero sa pangkabuuan,

madalang lang kung pumunta sila sa bukid at ayon nga kay Merry Ann, kung hindi

lang magrereunion ang kanyang ama at mga kapatid nito ay hindi rin siya tatapak

sa bukid. Bukod pa sa mga prutas, mayroon din silang lupang mas malapit kung saan

palay naman ang nakatanim. Doon niya pinapasyal at inilalakad ang kanyang

pamangkin pero hindi na sila lumalagpas ng Balukbuk kasi daw baka mabaril na sila.

Ngayong hindi na sila makapasok sa bukid nila, sa bakuran ng bahay na lamang sila

nagtatanim ng mga gulay at prutas.

Bata pa lang siya ay natuto na siyang sumakay sa gareta ng kalabaw.

Pagkapangank pa lang niya ay nagpupunta na sila sa bukid. Dati hindi pa niya

napagtatanto ang kahalagahan ng kanilang lupa pero noong tumanda na siya, saka

niya naisip na sana ay nakapagpatayo na siya ng resort doon sa lupa at pamilya o

Page 51: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 35

angkan nila ang may ari. Para sa kanya, hindi dapat sila naghihirap ngayon dahil ang

lupa ay mahalaga para sa tao lalo na dahil ito ay nagmamahal. Pero huli na nang

maisip niya to sapagkat ito ay nabakuran nan g Triple L.

Si Merry Ann ay nagworking student noong siya ay nasa unang taon sa

kolehiyo dahil ayaw niyang humingi ng pera sa kanyang ama na nasa Guam. Pero

dahil nagkasakit siya, pinatigil na rin siya sa pagtatrabaho at nag-aral na lang muna.

Sa loob ng dalawang taon siya ay dumepende sa kanyang mga magulang kaya

ngayong nakapagtapos na siya at may trabaho na, sinisigurado niya na karamihan

sa kanyang sahod ay mapupunta sa kanyang pamilya lalo na ngayong hindi pa

bumabalik ng Guam ang kanyang ama. At doon sa natitira sa kanyang pera ay

makakaipon pa siya dahil hindi naman na niya kailangang bumili pa ng ibang gamit

para sa sarili sapagkat meron na siya ng mga ito kaya nakakapagtipid din siya.

Nagtatrabaho si Merry sa AMA kung saan rin siya nagtapos ng kolehiyo

bilang isang Admission Specialist. Bukod pa rito nakapagtrabaho rin siya dati sa

Universal Robina Coroporation sa San Fernando, Pampanga kung saan tuwing

katapusan ng buwan lang siya nakakauwi sa kanila dahil nagdodorm pa siya noon.

Pangarap niya para sa kanilang lahat na magkakapatid na maging degree holder

dahil ang kanyang kapatid na lalaki ay associate graduate lamang. Noong umalis ang

kanilang ama papuntang Guam ay sabay silang nag-aral ni Ryan pero dahil nagging

alanganin at nagkaanak na si Ryan, mas piniling pagtuunan na lang ng pansin ang

bata at si Merry Ann muna ang nakapag-aral ng apat na taon. Nais din niyang mag-

aral ng methods of teaching pero hindi pa nakakaalis ang kanyang ama kaya hindi

Page 52: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 36

siya nakahabol. Mag-iipon na lamang siya para sa susunod na taon may pambayad

na siya ng tuition para rito. Bago siya natigil sa pagtatrabaho, naging mahirap para

sa kanyang pagsabayin ito at ang kanyang pag-aaral. Sapagkat mali ang napili niyang

store o branch, mall hours ang sinusunod niyang oras ng pagtatrabaho at hindi ito

tumugma sa kanyang oras sa unibersidad kaya naman madalas siyang mapagalitan

ng kanyang propesor dahil madalas siyang mahuli sa klase.

Dahil apektado ang lupa nila sa isyung kinakaharap ng Hacienda Dolores, ang

pamilya nila ay naging aktibo rin sa mga organisasyon na naglalayong ipaglaban ito.

Naiimbitahan siya na magsalita sa harap ng publiko pero ng magdesisyong

mangibang bansa ang kanyang ama, naging mainit sa mata ng mga taong may

masamang balak ang ama niya kaya naman nasabihan siya na mag-lielow muna sa

mga gawaing tulad nito. Kahit na gusto niyang gawin ay hindi rin niya maituloy dahil

na rin sa takot ng kanyang mga magulang na may mangyaring masama sa kanya.

Marahil ito ay bunga ng nangyaring pagpatay sa kamag-anak nilang konsehal na

nagtatanggol sa lupa at pati na rin sa kapitan ng barangay nila na nakakulong

hanggang ngayon. Ito ay sa ilalim pa ng samahan ng ANIBAN at sa loob ng tatlong

taon ay nagging aktibo siya dito habnag nasa Guam pa ang kanyang ama. Pero dahil

sa nangyaring pagpatay, natakot din ang mag-anak kaya napagdesisyunang huwag

munang masyadong sumama sa mga ganitong pagkilos. Ang ANIBAN na

kinabibilangan din ng kanyang ama ay isa sa mga grupong nagtatanggol sa lupa sa

Hacienda Dolores. Bukod pa sa takot ay nagkaroon din ng karamdan ang kanyang

ina sa matres. Ang kanyang ina ay ang siyang lagi niyang nakakasama sa mga

ganitong aktibidad pero dahil nga sa karamdaman nito ay naging madalang din ang

Page 53: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 37

pagsama nila. Hindi maaaring magpapagod at maglakad ng maglalakad dahil baka

duguin ito. Sa kanyang pagliban sa mga ganitong uri ng aktibidad, nagawa niyang

pagtuunan na lamang muna ng pansin ang kanyang edukasyon. At tamang-tama

naman sa pagdating ng kanyang ama ay natanggap kaagad siya sa trabaho. Isang

linggo pa lang mula ng siya ay maka-graduate, nakahanap na kaagad siya ng trabaho

at ito nga ay bilang Admission Specialist sa AMA.

Si Merry Ann ay makailang beses na ring nakaboto sa Sangguniang Kabataan

at may pagkakataon rin na naanyayahan siyang humabol o tumakbo. Dahil sa

kanyang persinalidad, madalas siyang masabihan na pag humabol siya, maraming

boboto sa kanya ngunit dahil umiiwas siya sa mga politician, hindi siya tumatakbo.

Naniniwala rin siya na may kabulukan sa Sistema at nakikita niya ito sa ibang

kaibigan niyang ito ang tinahak na landas. Kahit na hindi sila ganung klaseng tao

dati, sa pag pasok nila sa sistema ay napipilitan silang sumunod na lang, wala ng

magawa at tuluyang kinain ng sistema. Aktibo rin dati sa mga demonstrasyon at

mobilisasyon si Merry Ann. Ang unang nag-aya sa kanya ay ang kanyang ina.

Naniniwala rin siyang nasa tama ito kaya handa siyang sumama rito. Sa ngayon, may

pag-aalinlangan pa siya sa pamumuno ni Duterte sapagkat malapit ito di lang sa mga

Marcos kundi pati na rin sa mga Villar at sa dating pangulong Gloria Macapagal

Arroyo. Nag-aalala siya sa pagiging real estate owner ni Villar. Ang kanyang

pangamba ay ang pagkakaroon ng bagong mga expressway na magiging dahilan ng

pagkawala at pagkaaagaw ng lupa ng mga magsasaka.

Page 54: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 38

Para sa kanya ay hindi naman sila mahirap lalo na kung nakakapagsaka pa

ang tatay niya dahil malaki ang ani sa kanilang bukid. Nasa middle class sila kung

saka-sakali. Nanaisin din niyang ituloy ang pagsasaka pero lalagyan ito ng konting

twist kung saan magtatayo siya ng ibang negosyo na may kaugnayan din sa lupa.

Kung maisasaayos ang kakulangan ng trabaho dito sa Pilipinas, nakikita niyang

maaaring maiahon sa hirap ang kanilang buhay. At dahil nga sa kakulangan ng

trabaho dito sa Pilipinas gusto rin ni Merry Ann na mangibang bansa sa lalong

madaling panahon at magpunta sa US sapagkat doon ay mas mabilis kumita ng pera.

Si Clarence: Ayaw nang Magsaka

Si Clarence T. Camba, 13-anyos ay isang residente ng Hacienda Dolores. SIya

ay apo ni Nanay Agring na aktibo rin sa mga pagkilos kasama ang AMGL at AMRHD.

Ang kanyang ama ay isang tricycle driver at ang kanyang ina naman ay isang

housewife. Si Clarence ang pangalawa sa kanilang apat na magkakapatid. Ang

panganay sa kanilang magkakapatid ay si Camille, 15 anyos at nasa ika-10 baitang

na. Sumunod naman kay Clarence si Yonathan, 2-anyos at ang bunso na si Yassy

Rotem ay kapapanganak pa lang at wala pang isang buwan. Pito silang nakatira sa

kanilang bahay at sa kasalukuyan ay ang tatay lang niya ang naghahanapbuhay.

Nasa ika-8 baitang na si Clarence at ni minsan ay hindi niya pa nararanasang

tumigil sa pag-aaral. Siya ay nag-aaral ng hayskul sa Porac. Jeep ang kanyang

sinasakyan pagpasok sa eskwelahan at pag-uwi sa bahay. Ang kanyang ginagastos

Page 55: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 39

sa pamasahe para sa buong araw ay P14. Hindi rin madalas lumiban sa klase si

Clarence at lumiliban lang ito kapag may sakit siya.

Sa kabila ng pagiging magsasaka nila Nay Agring at ng asawa nito, ang

kanilang mga anak at apo ay hindi na nagsasaka kaya naman hindi pa rin

nararanasan ni Clarence na makapagtrabaho sa bukid. Wala pang sinsalihang

organisasyon si Clarence kahit na yung mga organisasyon sa paaralan. Hindi pa rin

nakakasama sa mga demonstrasyon at rally si Clarence pero ayos lang sa kanyang

sumama sa mga ito kung sakaling siya ay isama ng kanyang lola Agring. Ngunit kahit

na handa siyang sumama rito, hindi pa rin maliwanag sa kanya kung ano ang

ipinaglalaban ng AMRHD at kung ano talaga ang isyu nila sa lupa. Para sa kanya ay

mahirap sila kasi isa lang ang nagtatrabaho sa kanila. Pangarap niyang maging

engineer upang matulungan niya ang kanyang pamilya. Ayos lang din sa kanyang

magtrabaho sa Angeles o sa Maynila. Nais niya ring makapagtrabaho sa ibang bansa

upang mapag-aral niya ang kanyang mga kapatid. Hindi niya ninanais na magsaka

dahil para sa kanya ito ay isang napakahirap na trabaho at alam niyang mabigat ang

trabaho sa bukid.

Ikalawang Bahagi:

BINAKURANG BUHAY

Ang bahaging ito ay tumatalakay naman sa personal na pananaw ng limang

magsasaka ng Hacienda Dolores sa kanilang mga sariling buhay. Ang mga

magsasakang katugon ay mga kasapi ng isang lokal na organisasyon na Alyansa ng

mga Magbubukid at Residente ng Hacienda Dolores o AMRHD. Ang nasabing

Page 56: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 40

organisasyon ay nakikibaka laban sa mga pangangamkam ng lupa na dulot na rin ng

mga naging espekulasyon sa barangay ng Hacienda Dolores.

Si Ka Bonjing: Ahente ng Pagkakaisa

Lagpas tanghali na noong ako’y dumating sa bahay ni Ka Bonjing ngunit wala

siya rito. Ang sabi ng kanyang kapitbahay na aking nakausap ay baka raw nasa

likodbahay lamang ito kung kaya’t umikot ako papunta sa sinasabing lugar kung

saan maaari ko siyang makita. Doon ko napansin ang kanyang asawa at ang sabi nito

ay nasa bahay ng kanyang anak si Ka Bonjing dahil nagbabantay ng ginagawang

bahay.

Inabutan ko si Ka Bonjing na kausap ang mga karpintero. Sabi niya ay kumain

daw muna ako ng meryenda sapagkat hindi niya pa ako kaagad maaasikaso. Noong

una ay nahiya pa akong tanggapin ang baso ng softdrinks na iniabot sa akin ng

kanyang anak. “Sige huwag ka nang mahiya, kumuha ka na rin ng biskwit,” ang sabi

sa akin ni Ka Bonjing kung kaya’t pinaunlakan ko na siya. Napagtanto ko na si Ka

Bonjing ay isang ama na malapit sa kanyang pamilya. Mukhang mahal na mahal niya

ang kanyang mga anak dahil sa pakikitungo niya sa mga ito.

Pagkatapos kong kumain ng meryenda ay dinala ako ni Ka Bonjing sa

kanilang sariling bahay. At sa likodbahay kami dumaan. Napansin ko na ang pinto

sa likodbahay ay katapat lang pala ng bahay na pinapagawa ng kanyang anak.

Page 57: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 41

Pumuwesto kami sa may terasa ng kanyang bahay at doon na ako nagsimulang

kapanayamin siya.

“Ako po si Mario Santiago, ipinanganak dito sa Hacienda Dolores noong

Disyembre 7, 1956. Isang magsasaka”, ang kanyang naging sagot sa aking unang

tanong. Ayon din sa kanya, ang kanyang mga magulang ay ipinanganak at lumaki rin

sa Hacienda Dolores.

Ipinakwento ko naman sa kanya ang mga karanasan niya noong siya ay bata

pa. “Yung mga magsasaka rito, maganda yung kabuhayan ng mga magsasaka dahil

sa lupa naming sinasaka noong bata pa kami.” Tahimik ang kanilang naging buhay

sa kabundukan noon. “Kahit doon sa bukid mismo, kahit matulog ka roon mismo sa

kabundukan, walang mag-aano [gagawa ng masama] sa’yo roon,” dagdag pa niya.

Ngunit ayon din sa kanya, nag-iba ang kanilang kabuhayan noong matapos

na ang isang proyekto ng gobyerno. “Eh noong nagawa ‘yang SCTEX na ‘yan akala

namin maganda ‘yan para sa mga magsasaka dahil tinamaan yung ibang lupang

binubungkal ng mga magsasaka. Binayaran noong nagka-project si Arroyo.” Ang

SCTEX o ang Subic-Clark-Tarlac-Expressway ay napasinayaan noong

administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“Kaya pala yung SCTEX na ‘yan noon, akala namin, maganda iyan para sa

aming mga magsasaka. Sabi nila papakinabangan din namin yung daan na gagawin

nila,” ani ni Ka Bonjing. Sa pagkakaroon ng SCTEX na sumasagasa sa kanilang mga

palayan, nag-umpisa na ang kanilang mga bangungot.

Page 58: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 42

Akala ng mga magsasaka ng Hacienda Dolores ay para sa kanila ang

proyektong kalsada ng gobyerno. “Eh noong natapos na yung SCTEX, doon na nag-

umpisang mamroblema yung mga magsasaka…” dagdag ni Ka Bonjing.

“Ngayon pala kami mamorblema sa bukid naming sinasaka at binubungkal.

Kinakamkam na pala yung lupa namin komo alam na nila yung iba naming lupang

binubungkal ay walang titulo.” Ang ilan sa mga lupang nadaanan ng SCTEX ay

walang sariling titulo pati na rin ang mga karatig lupa nito.

Ayon kay Ka Bonjing, nang pumutok ang bulkang Pinatubo ay nawalan ng

mga titulo ang mga magsasaka dahil sa halos walang naisalbang kagamitan at

nasirang kabahayan. “Noong naging presidente si Erap, doon kami nagsimulang

nagkaroon ng titulo. Pinasukat ang mga bukirin at nagpatitulo, in-award sa mga

magsasaka. Binayaran sa Landbank. TCT yung titulo namin.” Ang TCT o Transfer

Certificate of Title ayon sa DAR12 ay ang titulong iginagawad sa may-ari kapag ang

pagmamay-ari ng lupa ay nailipat mula sa naunang mnagmamay-ari papunta sa

ibang indibidwal. Tinatawag din itong Deed of Sale o Deed of Absolute Sale.

Ang ilang magsasaka naman ay may hawak na CLOA o Certificate of Land

Ownership Award bilang patunay na sila ay agrarian reform beneficiaries ng

CARPER o Comprehensive Agrarian Reform Program with Extensions and Reforms.

Nabanggit din ni Ka Bonjing sa aming pag-uusap na ang ilang mga lupang

malapit sa naipagawang SCTEX ay inaangkin diumano ng Ayala Corporation sa

12 DAR ‘s FAQs on LAND OWNERSHIP, Department of Agrarian Reform, Dilima, Quezon City

Page 59: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 43

pamamagitan ng isang lokal na kompanya. “Eh ngayon ayaw kaming tantanan ng

mga Ayala, hayan inaangkin na naman yung lupa namin. Kahit may papel o walang

papel sinasakop pa rin nila.”

Dahil sa pangangamkam na ginagawa ng mga naglalaking kompanya, “yung

ibang mga magsasaka sa amin niyayaya namin para magkaisa,” ang naging isa sa

mga tugon ni Ka Bonjing at mga kapwa magsasaka nito.

“Eh ngayon kaming mga opisyal, kami na lang ngayon yung naghihirap para

kumbinsihin yung iba naming mga kasama na lumaban” dagdag pa niya. Dito ko

nalaman na si Ka Bonjing pala ang tumatayong ikalawang pinuno ng AMRHD o

Alyansa ng mga Magbubukid at Residente ng Hacienda Dolores.

Gusto kong malaman kung bakit patuloy pa rin niyang kinukumbinsi ang mga

kapwa magsasaka na ipaglaban ang sariling lupa kahit matagal nang walang usad

ang kanilang kaso at kahit na nahihirapan na siya. Ngunit bago ko itanong ito ay

nakapagbigay na siya ng sagot. “Narinig namin kay direkor Paeng Mariano

(kasalukuyang kalihim ng Kagawaran sa Repormang Agraryo) na ang tanging

solusyon lamang upang mabawi ang mga lupang naagaw ay ang pagkakaisa.”

Aking tinanong kung bakit siya nahihirapan na pagkaisahin ang mga

magsasaka sa kanilang lugar at ang kanyang naging tugon ay “Nahihirapan kami

rito komo yung iba ayaw nilang makiisa sa amin dahil takot na raw…” Naisip ko agad

ang naikwento sa aking karahasan ng isa pa sa mga residente ng Hacienda Dolores

at baka ito ang sanhi ng takot ng mga magsasaka. “Takot na raw sa pakikiisa, sa

Page 60: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 44

pakikibaka, kasi noong nagkakaisa kami, yung iba binabaril, hina-harass, kinukulong

kung ano-ano yung nangyari sa aming mga kasamahang magsasaka,” kompirma ni

Ka Bonjing sa aking hinuha.

“Talagang hirap na hirap na kami. Yung iba na hindi pa nila alam na yung iba

ay nawawalan ng trabaho, nawawalan ng lupang binubungkal, ayaw pa rin nilang

makiisa. Kaya kami, patuloy pa rin yung kahit papaano, di kami aatras hanggang sa

kamatayan. Kung anoman mangyari, kung anoman maging desisyon ng nasa DAR o

kung anomang ahensiya para lang maabsuwelto yung lupa sa amin.”

Marami pa akong gustong itanong kay Ka Bonjing ngunit bigla siyang nagsabi

ng, “Hanggang diyan na lang yung ano ko kasi kung minsan, baka mapai-ano

(maipadala sa ibang ahensiya) niyo pa yan, kami pa yung siguradong pag-iinitan.”

Bago ko naman siya kapanayamin ay nagsabi ako na ang lahat ng mga babanggitin

niya sa aming isasagawang interview ay para lamang sa pang-akademikong

tungkulin, at nais ipaabot sa mga taong handang tumulong sa mga magsasaka nang

tunay. “Hanggang diyan na lang. Para matapos na yung ano ko,” dagdag pa niya.

“Para hindi ko na mai-ano dun sa mga pamilya ko.”

Nabigla ako sa mga sinabi ni Ka Bonjing ngunit doon ko rin napagtanto na sadyang

mahal niya lamang ang kanyang pamilya. Natatakot siya sa mga maaaring mangyari

sa pamilya niya kung malaman ng mga kaaway nila na isa siya sa mga nakikibaka.

“Ayan tulad niyan sa ano, yung misis ko na-mild stroke na. Minsan pinag-iisip na ako

ng misis ko. Nag-iba na ugali ng misis ko ngayon.”

Page 61: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 45

“Kaya kung minsan, sinasabi ng misis ko “tigilan mo na yan.” Eh komo may

sarili akong paninindigan at may prinsipyo ako, sinusunod ko talaga yung binigay sa

aking tungkulin.” Masakit isipin pero totoo na maaaring maging isa sa mga balakid

sa pakikibaka ang sariling pamilya. Mahirap ito para kay Ka Bonjing na isang

prinsipyadong magsasakang nakikibaka para sa sariling lupa.

Dahil nabanggit niya ang kanyang asawa, naisip ko na pagkakataon ko na ito

upang ilihis ang aming usapan at pagaangin ang kanyang pakiramdam. Bahagi ng

aking pananaliksik ang alamin ang personal na buhay ng mga magsasaka ng

Hacienda Dolores kung kaya’t aking inusig kung paano nakilala ni Ka Bonjing ang

kanyang asawa. “Taga Mabalacat si misis,” agad naman niyang tugon.

Sa mga sumunod na pangungusap na kanyang sinasambit ay nakikita ko na

medyo natatawa na siya at gumagaan na ang kanyang kalooban sa aking panayam.

“May pinsan siya rito sa Hacienda Dolores, sa Purok Siyete, eh noong nakita ko,

niligawan ko.” Buong pagmamalaki ni Ka Bonjing. “Love at first sight po ba?” biro ko

naman. “Noong nagtatrabaho siya, dalaga siya noon. Nagtatrabaho siya sa Manila.

Doon sa pinsan niya doon. Kunwari papasyal-pasyal lang siya rito.” dagdag pa niya.

“Sa sulat lang kami nag-usap noong pumunta siyang Manila. Sixteen years old

pa lang kami noon. Eh noon dumating siya rito, tinanan ko na., s eventeen lang ako

noon.”

Tinanong ko naman kung ano-ano yung mga pagsubok na pinagdaanan

nilang mag-asawa. “Yung pagsubok na nangyari sa amin noon. Noong primero , halos

Page 62: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 46

wala kaming hanapbuhay,” ani niya. “Halos nangungutang lang kami noon. Walang

suporta mula sa magulang kasi marami kaming magkakapatid eh.” Ito ang isa sa mga

kadahilanan kung bakit hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral. “Namatay yung

nagpapaaral sa akin, yung lolo ko. Nahinto ako sa highschool.” Ang sabi niya sa akin

ay nahinto siya sa ikalawang taon ng hayskul dahil na rin sa kakulangan ng

suportang pinansiyal. “Magmula noon, nag-araro na ako sa bukid, nagmula noong

nagkaroon ako ng pamilya, natuto ako na magsaka,” pagpapatuloy ni Ka Bonjing.

Wala na rin siyang natanggap na suporta mula sa kanyang mga magulang

dahil marami silang magkakapatid. Ayon sa kanya, siya ang panganay sa walong

magkakapatid ngunit noong siya ay nasa ikaanim na baitang ay namatay na ang

kanyang ama. Siya na mismo ang naging katukatulong ng kanyang ina sa

pagpapalaki sa mga kapatid.

Nang dahil sa kasalatan sa buhay ay nagdalawang-isip na rin si Ka Bonjing na

mangibang-bansa noon. Marami sa kanyang mga kababaryo ang nagsipagtrabaho

na sa ibang bansa para lamang matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya.

“Halos niyayaya ako mag-abroad noon eh sabi ko kung ibebenta ko lang yung kalabaw

ko saka magbenta ng lupa para magabroad lang, ‘di na kako” sabi niya nang may

paninindigan.

Ayon kay Ka Bonjing, nagsimulang guminhawa ang kanilang buhay noong

naka-develop siya ng palayan. “Kasi yung lupa noon, na-develop ko lang yun. Yung

tinataniman ko ng palay, dating ilog lang yun. Eh noong pumutok ang bulkang

Pinatubo, dinaanan ng lahar at natabunan ng lupa kaya nagpantay.” Ang dating ilog

Page 63: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 47

sa may Hacienda Dolores sa Sitio Balukbok kung nasaan ang palayan ni Ka Bonjing

ay pumantay sa palayan ng lolo niya dahil na rin sa pagdaan ng lahar.

“Wala kaming ikinabubuhay noon kundi lang yung mga prutasan naming iba

doon, yung may bayabas, mangga, saging, at gabi.” Bukod sa pagsasaka ng palay, ang

tanging naging hanapbuhay lamang ng pamilya ni Ka Bonjing ay ang pag-aalaga ng

mga punongkahoy. “[Iyang] Prutasan ko halos namumunga na. Kapag kamachile,

malaking kita; kapag santol, malaki kita; kapag bayabas, marami ring kita. Hindi pa

naman yung sabay-sabay [mamunga]. Kaya hindi kami nahihirapan noong ‘di pa

kinakamkam yung lupa naming binubungkal” paliwanag ni Ka Bonjing.

Sinubukan ko namang alamin kung ano ang kanyang pananaw sa

kasalukuyang buhay. “Ang nararamdaman ko, nahihirapan kami dahil nawawalan

kami ng sariling kabuhayan,” tugon niya sa aking katanungan, “Kapag nagpabaya ka

siguradong aalisan ka ng pangkabuhayan,” agad niyang dagdag sa kung bakit niya

tinitignan na ang kahirapan ay mawawala rin kapag hindi ka nagpabaya sa paglaban.

“Hanggang kaya mo mag-ano [lumaban] para kahit paano malagpasan mo

yung kahirapan… para lalakas pa ang ano [tiwala] mo sa sarili mo” wika ni Ka

Bonjing. Kaya naman naniniwala rin siya na makakaahon sila sa kahirapan ngunit

sa ngayon, “hangga’t hindi nalulutas ang problemang ito, patuloy ang kahirapan.”

Bilang lider-magsasaka, naninindigan si Ka Bonjing na “kailangan may

manguna doon sa pagkakaisa. Basta may pagkakaisa, kahit gaano kabigat ang

problema, gagaan yun.”

Page 64: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 48

Si Nanay Ana: Hindi Tubong Hacienda ngunit may Pusong Hacienda

Nagpasama ako sa isa sa mga kakilala kong residente papunta sa bahay nina

Ka Ana. Nakausap ko na rati si Nanay Ana dahil sa isang research paper namin kung

saan kinapanayam namin ang kanyang asawa. Agad kong nakita sa kanilang

bakuran ang kanyang mister. Agad naman akong pinaupo ng asawa ni Nanay Ana sa

kanilang terrace. Naaninag ko sa loob ng kanilang bahay ang mga anak nila. Kasama

na rin dito si Ate Merry Ann na isa rin sa aking mga katugon. Ang sabi sa akin ni Ate

Merry Ann ay nagluluto si Nanay Ana kung kaya’t maaari raw bang maghintay muna

ako kahit saglit lamang. Sabi ko ay okey lang naman na maghintay ako.

Nang lumabas na si Nanay Ana ay humingi siya sa akin ng pasensiya dahil

pinaghintay niya ako, agad ko naman sinabi na mas importante naman ang kanyang

unang ginagawa kung kaya’t okey lang para sa akin. Noong oras lang daw na iyon

kasi siya nakapagluto para sa tanghalian sapagkat kakasimba lamang nila. .

Nagpakuwento ako kay Nanay Ana kung ano na ba ang nangyari sa Hacienda

Dolores magmula noong unang punta ko rito. Ang sabi niya ay binabalak nila ulit na

magkaroon ng bungkalan sa mga lupang nabakuran na ng Triple L o LLL o Leonardo-

Lachenal-Leonio Holdings, Inc. “Magkakaroon daw ulit ng pagpasok. EH natatakot

na yung mga tao kasi may mga binabaril… hinaharass.”

Page 65: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 49

Pagkatapos noon ay nagsimula na akong magtanong patungkol sa aking

pananaliksik. Sinimulan niya sa pagpapakilala. “Ako si Ana Santiago. Hindi ako taga-

rito talaga eh. Taga-Misamis Occidental talaga ako.” Doon ko mas ninais na usisain

ang kanyang naging buhay noong siya ay bata pa at kung paano ang kanyang naging

lagay sa bagong komunidad na kanyang napuntahan.

Ayon kay Nanay Ana, ang kanyang ama ay isa ring magsasaka sa Mindanao

habang ang kanyang ina naman ay sa bahay lamang.

Sa pagsasalarawan ni Nanay Ana sa komunidad ng Hacienda Dolores noong

una niya itong nakita ay wala halos kabahayan dito. “Noong bagong dating ko noong

1987, ayaw ko nga rito eh. Nakakatakot. IIlan lang yung mga bahay. Masukal. Layo

layo. Mas nakakatakot pa sa Mindanao,” dagdag ni Nanay Ana.

Sandaling nahinto ang aming usapan sapagkat pinatingin ni Nanay ang

kanyang niluluto kay Ate Merry Ann. Tinanong niya rin ako kung kumain na raw ba

ako ng tanghalian. Ang sabi ko ay maghahanda si Tata Sesyo, isa ko pang katugon ng

tanghalian para sa amin kung kaya’t tinanggihan ko ang alok ni Nanay Ana na sa

kanila na ako magtanghalian.

Sa tanong naman na kung paano sila nagkakilala ng kanyang asawa at kung

paano siya napunta sa Hacienda Dolores, ito ang kanyang naging kwento.

“Ganito yan. Meron siyang tiyahin sa Makati. Sa Taft Avenue. Ngayon may

business yung tita niya, kapatid ng nanay niya. Yung mga bidyo karera. Edi kaka-

graduate pa lang niyan. Pumunta siyang Manila… sinama siya ng tyahin niya roon

Page 66: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 50

para magtrabaho. Eh ako naman kakarating ko lang ng Maynila, naghahanap sila ng

cashier. Ayun, nagkakilala kami hanggang sa sinama niya ako rito.”

Ipinasok na rin ni Nanay Ana ang naging sitwasyon noon ng Hacienda

Dolores bago pa man dumating ang mga espekulasyon sa lupa. Ayon sa kanyang

naranasan maganda ang buhay ng mga tao sa Hacienda Dolores bago pumutok ang

bulkang Pinatubo.

Noong tatlong taon ang kanyang panganay ay ang panahon kung kailan

pumutok ang Pinatubo. “Puro burak, putk, at lahar. Akala namin wakas na ng mundo

kasi sobrang dilim!”

Noong makabangon na muli ang lalawigan ng Pampanga sa pagputok ng

Pinatubo ay naging mayabong ang mga halaman, at naging masagana ang mga ani.

“OK noon, kasi marami kaming harvest sa bukid. Yung mga iba diyan

nagsusugal, eh ako, masipag ako. Gusto ko nagtitinda ako. Mabenta ‘yang mga gulay

dito. Dito lang sa amin, iba-ibang gulay. Dito kasi mura lang eh. Kasi kapag ikaw

nagtitinda, wala kang lugi malaki pa kita mo. Kesa dun sa namimili nang bulto,

nambabarat.”

Noong nagawa naman na ang SCTEX, ayon kay nanay Ana ay nagsimula na

ang dagsa ng mga taong nagsasabing sa kanila ang mga lupang nakapaligid sa

kalsada. Dumating pa raw sa punto na binakuran na ang kanilang mga lupang

sakahan at ang kanilang bukid na may mga tanim na namumungang mga

punongkahoy.

Page 67: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 51

“Noong primero ang tapang tapang ng mga tao pero ayun pala, baril lang ang

katapat. Tapos nun, wala na. Wala nang pumasok. Natatakot.”

Noong una ay matapang na pinapasok pa rin ng mga magsasaka ang mga

lupang nabakuran kahit na ipinagbabawal na ng mga nangangamkam ng lupa.

Ngunit magmula noong nagkaroon na ng blue guards o security guards ang

kompanyang Triple L ay natakot na silang pasukin ang mga nabakurang lupa.

Nagkaroon na rin ng mga insidente ng pamamaril at panggigipit sa mga pumasok sa

lupang sakahan.

Balak daw nila muling magsagawa ng mga bungkalan sa lupang sakahan

ngayong taon ng 2017 ngunit nahihirapan pa silang magpakilos ng mga kasapi ng

organisasyon. “Ngayon may balak na naman daw palang pumasok. Ayaw na ng iba

naming kasamahan kasi kapag nagpupumilit pumasok, ‘patayin niyo’. Ayaw na nung

iba kasi kapalit kasi ay buhay mo eh,“ paliwanag ni nanay.

Ika-apat na Bahagi:

ANG HACIENDA NG PAGLULUKSA

Ang Hacienda Dolores sa Porac, Pampanga ay ipinangalan sa patrong dinala ng

mga Kastila sa nasabing lugar noong panahon ng mga nasabing kolonisador sa ating

bansa. Ang patrong ito ay ang Inang Maria ng Pagluluksa o Dolores sa Kastila. Sa

Page 68: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 52

kasalukuyang panahon ay nakakabagabag isiping akmang-akmang tawagin ang

barangay na Hacienda ng Pagluluksa.

Ang Hacienda Dolores sa bayan ng Porac ay may laki na 1,308 ha at 465 ha nito

ay lupang agrikultural.13 Matatagpuan din dito ang 200 ha lupang ninuno ng mga

katutubong Ayta. Ang mga puno ng mangga, santol, kamachile, at langka ay ilan

lamang sa mga bungangkahoy na pinagkukunan ng kabuhayan o economic security ng

mga magsasaka ng Hacienda Dolores. Bukod pa rito ay malalawak rin ang mga

palayan na siya ring pinagkakakitaan ng kalakhan ng mga residente ng barangay.

Masasabi nilang hindi sila pinagkaitan ng mga masaganang ani ng Bundok

Telabangca.

Ayon sa kasalukuyang mga magsasaka sa barangay Hacienda Dolores, marami

na ang nagsabing pagmamay-ari nila ang kulang-kulang 2, 000 ektarya ng lupa ng

barangay. Napasakamay ng isang hacienderong Kastila na si Don Greforio

Macapinlac. Sa panahong iyon, harina mula sa mga kamotengkahoy ang pangunahing

produkto ng Hacienda. Ngunit matapos mamatay ni Don Macapinlac noong 1916, ang

pamilyang Champourcin naman ng Floridablanca ang umangkin sa mga lupa ng

Hacienda. Ayon din sa mga magsasaka, pagdating ng dekada 70 ay nagkaroon ng di

pagkakasunduan ang mga miyembro ng Champourcin. Nahati ang pagmamay-ari ng

lupa at naisanla ang lang bahagi sa iba’t ibang pamilya – mga Puyat, Suarez, Ayson,

Dayrit. Sa ilalim ng pamamahala ng iba’t ibang panginoong may lupa, ang mga

13 Comprehensive Land Use Plan 2014-2017 ng Porac Pampanga

Page 69: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 53

magsasaka pa rin ang nagbuwis ng dugo’t pawis upang linangin at bungkalin ang mga

lupa ng hacienda.

Noong 2004 ay sinimulan ng Bases Conversion and Development Authority

ang pagsasagawa ng isang kalsada mula Zambales hanggang Tarlac – ang SCTEX o

Subic-Clark-Tarlac Expressway. Nang malaman ito ng mga magsasaka ay nagkaroon

sila ng pag-asa sa pag-aakalang ito ay magsisilbing farm-to-market roads o FMR. Ang

mga farm-to-market road kasi ay ang siyang magkokonekta sa mga bukid ng mga

magsasaka patungo sa mga pamilihan na magpapabilis ng transportasyon ng kanilang

mga produkto at ani. Ngunit hindi naman pala nakatuon sa kanilang kapakanan ang

proyektong ito.

Dahil ang Hacienda Dolores ay karatig ng Subic-Clark-Tarlac Expressway ,

naging laganap ang pagp asok ng mga kapitalista at dayuhang interes sa lugar. Noong

taong 2005 nagkaroon ng joint venture ang Ayala Land sa Leonardo-Lachenal-Leonio

Holdings Inc. (LLL o Triple L) at sa FL Properties and Management Corporation para

sa pagsimula ng pagtatayo ng isang komersyal, industriyal, akademiko, at

residensiyal na distrikto o ang “Alviera”. Ito ay sasaklaw ng 1,125 ha kung saan doble

ang laki nito sa Makati Business District at anim na beses mas malaki sa Bonifacio

Global City sa Taguig City.14

Karamihan sa mga magsasaka sa Hacienda Dolores ay walang katibayang

pinanghahawakan sa lupang kanilang binubungkal ngunit malalaman na sila ang

14 Bases Conversion and Development Authority Official Website

Page 70: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 54

tunay na may karapatan sa lupa dahil sa tagal nang panahon na pinagyayaman ito.

Karamihan sa kanila ay minana pa ang lupa sa kanilang mga ninuno, ang iba magmula

pa sa taong 1835. IIlan lamang sa mga magsasaka ang mayroong mga katibayan o

kasulatan kung saan maaring nabigyan sila ng gobyerno ng Certificate of Land

Ownership Award o CLOA sa ilalim ng batas pang-agraryo na CARP at CARPER, o ng

Emancipation Patent o EP sa ilalim ng Presidential Decree 27, o ng Certificate of Land

Transfer.

Iba’t ibang paraan ng paglabag sa karapatang pantao ang ginagawa ng mga

guwardiya at tauhan ng mga security agency at ng Triple L. Mula taong 2005

hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang pangangamkakam ng mga nasabing

kompanya sa mga produktibong lupang sinasaka. Binabakuran ang mga lupa ng mga

magsasaka; nagkakaroon ng pag-bulldoze, pagsunog, at iba pang porma ng pagsira sa

mga punong bungang-kahoy na matagal na nakatanim at pinagkukunan ng

kabuhayan ng mga magsasaka. Sa mga lupang binakuran, ang mga bunga ng mga puno

ay ninanakaw ng mga security guard, pati ang mga alagang hayop ng mga magsasaka

ay kinokonpiska din. Ang lupang matagal nang binungkal, pinaglaanan ng pera, pawis,

at dugo ng mga magsasaka ay sa huli, iba ang nakinabang.

Gumagamit ng dahas at paglilinlang ang mga kompanya upang sapilitang

maibenta ng mga magsasaka at mga residente ang kanilang mga lupain. Halimbawa

nito ay ang pagkakamkam nila sa mga pumapalibot na mga lote sa isang lupain. Sa

huli ay napipilitang magbenta ang may-ari ng lupang iyon dahil hindi na siya

nakakapunta at makapasok sa lupang sinasaka dahil nawawalan siya ng “right-of-

Page 71: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 55

way”. Patuloy ang persekusyon, karahasan, at pagpatay sa mga magsasaka sa lugar.

15Naging mainit na usapin ang pagpaslang sa isang magsasaka na si Arman Padiño

noong taong 2013; dalawa sa kaniyang mga kasama - ang mag-amang na sina Noel at

Raymond Tumali ang sugatan; sila ay pawang mga biktima ng pamamaril ng mga

security guards ng LLL Holdings Inc. Pinatay din ang isang kagawad na si Menelao

Barcia, na isa sa mga lider ng ANIBAN; habang sugatan naman ang kaniyang asawa sa

engkwentro. Pinakulong din ang dating kapitan ng barangay na si Antonio Tolentino

dahil lamang sa mga gawa-gawang kaso na hinatol sa kaniya at hanggang sa

kasalukuyan siya’y di pa rin nakakalaya. At kamakailan lamang, buwan ng

Nobyembre noong nakaraang taon ay nangyari ang pagbubugbog ng mga armadong

tauhan sa isang magsasaka na si Melchor Manaloto.

Naging aktibo ang mga magsasaka at mga mamamayan ng Hacienda Dolores

sa pagkukundena sa mga nangyayaring agaw lupa at sa mga paglabag sa karapatang

pantao ng LLL Holdings Inc. at mga Ayala. Noong taong 2005 nabuo ang grupong

ANIBAN o ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan ng Hacienda Dolores. Ito ay

grupong binuo sa pangunguna ng organisasyong AKBAYAN. Ngunit ayon sa mga

nakapanayam na mga magsasaka, ang tulong mula sa organisasyong ito ay hindi

tunay na nagsisilbi sa interes ng mga magsasaka. Simula pa lamang ay sinasabi nila

sa mga magsasakang itigil ang paglalaban sa mga kompanya at hayaan na lamang na

bakuran ang kanilang mga lupa, dahil makikinabang daw sila dito dahil

magkakaroon na sila ng bakod. Ngunit itong bakod palang ito ang ngayong

15 http://www.philstar.com:8080/nation/2014/01/14/1278449/3-farmers-shot-pampanga-hacienda

Page 72: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 56

humahadlang sa mga magsasaka upang sila’y makapasok sa mga lupang kanilang

sinasaka. Ang iba naman ay sumang-ayon sa pagbebenta ng kanilang lupa sa mga

kompanya.

At dahil marami pa rin sa mga magsasaka ang patuloy na lumalaban para sa

kanilang mga karapatan, nagkaroon ng hidwaan at hiwalayan ng mga kasapi mula

sa ANIBAN. Ang mga magsasakang ito ay bumuo ng bagong organisasyon at ito ang

AMRHD o ang Alyansa ng mga Magbubukid at mga Residente ng Hacienda Dolores.

Ang mga kasapi ng AMRHD ay nakikipag-ugnayan sa AMGL upang isulong ang tunay

na laban sa lupa.

Ang Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson (AMGL) ay ang isa sa mga

progresibong organisasyon na tumutulong sa mga magsasaka sa mga lalawigan ng

Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, at Bataan. Ito

ang pangrehiyonal na sangay ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa

Gitnang Luzon. Pangunahin itong nag-oorganisa at nagbibigay ng tulong sa mga

magsasaka’t magbubukid sa rehiyon lalong lalo na sa usaping legal at mga kaso sa

lupa. May mga programa rin itong training at seminar para sa mga mamamayan. Ang

AMGL din ang nagbibigay motibasyon sa mga magsasaka na makilahok sa mga

pagkilos upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Sa kasalukuyan, kasama ng

mga magsasaka ang AMGL sa kanilang pakikibaka upang makamit ang tunay na

reporma sa lupa.

At kamakailan lamang ay naging matagumpay ang paglakad ng kanilang mga

kaso sa lupa dahil naihapag ito sa kakaupong DAR secretary na si Ka Rafael “Paeng”

Page 73: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 57

Mariano noong Hunyo 29, 2016. Kung saan, kaalinsabay ng ibang laban ng mga

magsasaka sa Gitnang Luzon, tulad ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita sa Tarlac,

mabibigyan na ng mga konkretong solusyon ang matagal na pinaglalabang mga kaso

sa lupa.

Page 74: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 58

KONKLUSYON

IKATLONG BAHAGI: UHAY NG PAKIKIBAKA

Uhay ng Pakikibaka

Page 75: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 59

Kabanata 4

PAGSUSURI AT PAGLALAGOM

EDUKASYON

Malaki ang naging epekto ng kawalan ng sariling lupa ng mga magsasaka sa

pag-aaral ng mga anak nila. Karamihan sa mga kabataan sa kanayunan ay nahihinto

sa kanilang pag-aaral dahil na rin sa pinansiyal na problema ng kanilang mga pamilya.

Hindi lingid sa ating kaalaman na ang pagsasaka ang pangunahing pinagkukunan ng

ikinabubuhay sa kanayunan. Ito rin ang pinakamatibay na pinanggagalingan ng

suportang pinansiyal ng mga kabataan upang sila ay makapag-aral.

Sa bayan ng Porac sa Pampanga ay may humigit kumulang 6,000 estudyante

na nag-aaral sa pitong mataas na paaralan dito, ito ay ayon sa SY 2015-2016 Public

Schools Enrollment Data mula sa Kagawaran ng Edukasyon.16

Dahil sa pagkawala ng kapangyarihan ng mga magsasaka na bungkalin ang

kanilang mga lupang sakahan, nawawalan din ng kapangyarihan ang mga itong pag-

aralin ang kanilang mga anak sa eskuwelahan. Dahil dito, napipilitan na huminto sa

pag-aaral ang kabataan. At sa halip na pumasok sa paaralan ay tumutulong na lamang

sa sila sa mga gawain sa bahay o sa bukid. Isang halimbawa nito ay si Marvin, ang isa

mga aking naging katugon. Si Marvin ay tumigil pansamantala sa pag-aaral sa loob

ng 2-3 taon noong siya ay nasa ikalawang taon na sa hayskul upang makatulong sa

kanyang ama sa pagsasaka. Si Merry Ann naman ay nakapagtapos ng pag-aaral sa

16 Mula sa http://www.deped.gov.ph/datasets (kinuha noong May 6, 2017)

Page 76: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 60

elementarya at hayskul. Ngunit ayon nga sa kanyang kwento, siya ay tumigil sa pag-

aaral matapos siyang maghayskul. Walong taon siyang huminto sa pag-aaral at

ipinagpaliban muna ang pagkokolehiyo. Mas pinili niyang magtrabaho muna upang

makatulong sa kanyang ama na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Iba naman ang naging kaso ni Neslly sa kanyang edukasyon, dahil siya ay

nasa hayskul pa lamang, kaya pa ng kanyang pamilya na siya ay pag-aralin. Ayon sa

kanya, maayos ang kanyang karanasan sa paaralan. Mataas ang kanyang mga grado,

at aktibo sa iba’t ibang organisasyong pampaaralan. Ngunit ang pagkakaroon ng

problema sa kanilang lupang sakahan ay nagdulot din ng pagbabago sa kanyang

pinansiyal na suportang natatanggap sa pamilya. May pagkakataon na nahihirapan

siya sa mga proyekto sa klase sapagkat wala siyang pambili ng mga gamit para ito.

Dagdag pa niya na baka hindi siya makatuloy sa kolehiyo dahil nga sa kawalan ng

pantustos sa matrikula.

TRABAHO

Nang dahil sa kawalan ng mataas na napag-aralan, ang mga kabataang anak ng

mga magsasaka ay nahihirapang maghanap ng disenteng trabaho sa Porac, o sa mga

lungsod ng Pampanga gaya ng Angeles. Ang ilan naman ay sumusubok na

makipagsapalaran sa Maynila nang sa gayon ay makahanap ng kanilang ikabubuhay.

Kadalasan ay napipilitan na lamang ang mga anak ng mga magsasaka na

magtanim ng mga halaman sa kanilang mga bukid o kaya ay tumulong sa kanilang

mga magulang sa pagbungkal ng kanilang mga lupang sakahan. Sa murang edad ay

Page 77: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 61

natututo na ang mga ito na magtrabaho sa bukid. Ang mga kalalakihan ang nagiging

katukatulong ng kanilang ama sa pag-aararo at paglilinis ng lupang sakahan, pag-

aasikaso ng mga alagang hayop, at sa mismong pagtatanim at pag-aani ng mga palay

at iba pang produktong agrikultural.

Ang ilan naman kagaya ni Marvin ay nakikipagtanim sa ibang mga magsasaka.

Maaari siyang tawagin bilang isang manggagawang bukid kung saan siya ay

sinasahuran ng ibang mga magsasaka sa pagtulong sa mga ito sa gawaing bukid.

Kumikita siya ng 150 pesos sa isang araw tuwing nakikipagtanim siya. Ang kinikita

niya mula rito ay hinahati niya kung minsan para makatulong sa gastusin.

Ang kababaihan naman ang silang tumutulong sa pamimitas ng mga bunga

sa mga punongkahoy at halaman sa bukid kasama ng kababaihang magsasaka. Isang

halimbawa nito ay si Merry Ann na nasa anim na baitang pa lamang noong

nagsimulang sumama sa bukid at mamitas ng mga bungangkahoy. Kasakasama rin

niya ang kanyang ina sa pagbebenta ng mga prutas na kanilang naaani mula sa

kanilang mga pananim sa bukid. Inilalako nila ang mga produktong agrikultural sa

pamamagitan ng paglilibot sa buong Hacienda.

Ngunit nang magsimula ang pagkakaroon ng mga espekulasyon sa lupa ng mga

magsasaka ay nawalan na ng gana ang mga kabataan na sumama sa kanilang mga

magulang sa pagsaka. Para sa mga kabataan at sa mga magulang nila, ang pagsasaka

sa pinag-aagawang lupa ay mapanganib. Buhay nila ang nakataya rito lalong-lalo na

noong nagkaroon ng mga pamamaslang sa Hacienda dahil sa girian sa lupa.

Page 78: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 62

Sa kasalukuyang panahon, nakikita ng mga kabataan na walang asenso sa pagsasaka.

Nawawalan sila ng pag-asang makaahon sa hirap kung mananatili silang mga

magsasaka. Ayon kay Clarence hindi niya ninanais na maging magsasaka dahil para

sa kanya ito ay isang napakahirap na trabaho at alam niyang mabigat ang trabaho

sa bukid. Dagdag pa ni Clarence ang pagnanais niya ring makapagtrabaho sa ibang

bansa upang mapag-aral niya ang kanyang mga kapatid. Ang magtrabaho sa ibayong

dagat ang isa sa mga nakikitang solusyon ng kabataan upang makaalis sa kahirapan.

Ayon sa kanila, ito ay isang paraan nila upang makatulong sa kanilang mga pamilya.

Si Marvin naman ay ginusto ring mangibang-bansa sapagkat gusto niyang

tumulong sa mga gastusin ng pamilya lalong-lalo na nang mawalan sila ng ikabubuhay

dahil sa pagkakaroon ng problema sa pagmamay-ari ng lupang sinasasaka. Binalak

niyang magtrabaho sa Japan ngunit siya ay hindi natuloy. Sa ngayon ay nagsisikap pa

rin siyang makapangibang-bansa para sa kanyang pamilya.

Bilang isang anak ng dating magsasaka at kasalukuyang OFW, alam ni Merry

Ann kung gaano rin kahirap ang magtrabaho sa ibang bansa. Kung may trabaho

lamang daw sa kanilang lugar ay hindi niya nanaisin na sumunod sa mga yapak ng

kanyang ama na sa ibayong dagat na lamang makipagsapalaran upang makahanap

lamang ng trabahong may malaking suweldo. Sabi ni Merry Ann sa aking panayam sa

kanya, “kung maisasaayos ang kakulangan ng trabaho dito sa Pilipinas, maaaring

maiahon sa hirap ang buhay.” At dahil nga sa kakulangan ng trabaho dito sa Pilipinas

gusto rin ni Merry Ann na mangibang bansa sa lalong madaling panahon at

magpunta sa US sapagkat doon ay mas mabilis kumita ng pera.

Page 79: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 63

PAGLABAN

Sa paglaki ng mga kabataang anak ng mga magsasaka ay nakita na nila ang

hirap na inabot ng kanilang mga magulang dahil sa pagkakaroon ng girian sa lupa.

Mulat na sila sa pampolitikang ekonomiya ng lupa at sa mga problemang dulot ng

pagkakaroon ng espekulasyon sa mga ito.

Si Marvin, bilang isang anak ng lider-magsasaka, ay naging aktibo rin sa mga

pang-organisasyong aktibidad. Mulat siya sa mga problema ng mga magsasaka at sa

mga problemang kinakaharap ng iba pang magsasaka sa bansa. Siya rin ay naging

miyembro ng Alyansa ng mga Magsasaka’t Residente ng Hacienda Dolores. Hindi pa

siya nakakasali sa mobilisasyon at rally sapagkat siya ang nakatokang mag-alaga ng

mga kalabaw nila pero kung magkakaroon siya ng pagkakataong makasama rito ay

pipiliin niyang makilahok upang maiparating ang maling patakarang ginagawa ng

malalaking kompanya at ng gobyerno.

PAGSUSURI SA HACIENDA NG PAGLULUKSA

Bilang isang agrikultural na bansa ang Pilipinas, malaking porsyento ng

populasyon nito ay mga magsasaka kung kaya’t nakasandig ang malaking bahagi ng

ekonomiya nito sa agrikultura ngunit ang sektor ng mga magsasaka ay nananatili pa

ring pinakanaaabuso ng sistemang umiiral sa bansa - malapyudal at malakolonyal.

Page 80: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 64

Sa pagkakaroon ng SCTEX, tumaas ang bilang ng mga kompanyang

nagsasagawa ng land speculation sa mga lupang nabuksan ng nasabing daan at

nagiging mainit sa mata ng mga kompanya na magsagawa ng development projects sa

kahabaan nito na maaaring magdulot ng hindi maganda sa buhay ng mga magsasaka.

Dinudugsungan ang land speculation ng land use conversion sa kung saan ang mga

agrikultural na lupain ay sumasailalim sa pagpapalit-gamit tungo sa residensiyal at

komersiyal na nagdudulot ng pagkawalang pakinabang ng mga lupang ito sa sektor

ng mga magsasaka.

Bigo ang Comprehensive Agrarian Reform Program maging ang ekstensiyon

at mga reporma nito na bigyan ng maayos na buhay ang mga magsasaka sa

kanayunan. Nawalan ng kapangyarihan ang mga magsasakang bungkalin ang

kanilang mga sariling lupang sakahan kahit na ang karamihan sa kanila ay agrarian

reform beneficiaries. Bigo ang mga polisiya ng gobyerno na pagtibayin ang hawak na

mga dokumento ng mga magsasaka kagaya ng Certificate of Land Ownership Award

o CLOA at mga emancipation patents mula sa gobyerno. Bukod sa hindi nito nabigyan

ng sariling lupang mabubungkal ang mga magsasaka ng Hacienda Dolores, hindi rin

nito sila naproteksyunan laban sa mga mapang-abusong espekulasyon sa lupa. Bukod

sa pagkabigo ng CARP na bigyan ng suportang serbisyo ang mga magsasaka para sa

agrikultura, bigo rin nitong proteksyunan ang mga lupa mula sa pangangamkam ng

mga panginoong may lupa at muling pagkonsentra sa kapangyarihan sa mga ito.

Ang kakulangan ng suportang serbisyo sa mga magsasaka ay hindi na dapat

pang lumala, bagkus ay dapat na itong agarang tugunan ng pamahalaan. Ang

Page 81: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 65

pagkakaroon ng irigasyon, libreng abono’t pestisidyo, kasama na ang mekanisasyon

ng paggawa sa bukid ay dapat pabor sa mga magbubukid. Ang pangangamkam ng

lupa ay hindi lamang sa agrikultural na lupain. Kasama rin dito ang usapin ng mga

residensyal at iba pang uri ng lupa. Ang kawalan ng maayos na sahod at trabaho ang

nagtutulak sa mga mamamayan na umukopa ng mga lupang tiwangwang at ito ay

tirahan. Kung kaya’t kabilang ang isyung ito sa dapat tugunan ng gobyerno.

Ang pagkakaroon ng isang organisasyon ng mga magsasaka ay malaking

tulong sa kanila upang sama-samang maipaabot ang kanilang mga hinaing at sama-

samang kumilos para ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupang kanilang matagal

nang binubungkal.

Ang pagsusulong ng rebolusyong agraryo ay mag-uugat mismo sa mga

magsasakang gusto ng pagbabagong hindi para sa mga naghaharing-uri ngunit para

sa kanilang masang matagal nang napagsasamantalahan ng pyudal na sistema.

Matagal nang kailangan ng Pilipinas ng isang tunay na reporma sa lupa’t

pangisdaan na maghahatid sana rito ng isang pag-unlad na hindi iiwanan ang mga

batayang sektor ng lipunan.

Page 82: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 66

Kabanata 5

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang mga kuwento ng buhay ng mga magsasaka na aking natunghayan at

narinig ay sumasalamin sa buhay ng iba pang mga magsasaka hindi lamang sa

Hacienda Dolores ngunit pati na rin sa buhay ng mga magsasaka sa buong bansa. Ang

buhay ng mga aking katugon ay buhay na sumasalamin sa pakikibaka ng mga

marhinalisadong sektor ng ating lipunan. Ang bawat salita mula sa kanilang mga

bibig ay naglalarawan ng tunay na kuwento ng buhay ng mga magsaskaa at ng totoong

nangyayari sa loob ng lipunang Pilipino.

Isang malaking hamon para sa ating bagong presidente na tuparin ang

pangako nitong tutulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagsunod sa

People’s Agenda for Change na nabuo ng National People’s Summit17. Kabilang sa mga

agenda na ito ay ang ipatupad ang reporma sa lupa. Ayon sa nabanggit na Summit,

ang pagpapatupad ng isang tunay na repormang agraryo ay isang usapin ng

demokratikong karapatan at hustisyang panlipunan, na kailangang ipatupad bilang

pundasyon ng kaunlarang pang-ekonomiya, at bilang paraan ng pagpapalaya sa mga

nagbubungkal na walang lupa, paglikha/pagpapakawala ng kapital, pagpapaunlad sa

kanayunan at paglikha ng lokal na pamilihan.

Marapat lamang na sulong ang House Bill 555 o ang Genuine Agrarian Reform

Bill nang sa gayon ay matugunan ang interes ng mga magsasaka na magkaroon ng

17 Mula sa People’s Agenda http://www.bayan.ph/2016/06/17/the-peoples-agenda-for-change/

Page 83: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 67

sariling lupang sakahan. Ang GARB ang siyang magsisilbing unang hakbang upang

makamit natin ang isang pambansang industriyalisasyon. Sa pagkakaroon ng isang

tunay na reporma sa lupa ay mailulunsad ang isang pambansang industriya na

magbibigay ng hanapbuhay sa mamamayang Pilipino na hindi na kakailanganin pang

maging alipin sa ibang bansa.

Dapat din na ating suportahan ang panawagan sa pagbubuwag ng mga bakod

sa mga hacienda at malawak na lupaing kinakamkam ng mga naglalaking kompanya’t

pamilya sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kamakailan lamang, bilang paggunita sa ika-

5 anibersaryo ng desisyon ng DAR noong Abril 24, ay inokupa ng mga magsasaka ang

mga lupang bahagi ng Hacienda Luisita18. Naging tagumpay ang nasabing pagbuwag

sa mga bakod ng panginoong may lupang nangangasiwa sa lupa. Noong nakaraang

Mayo 6, 2017, napagtagumpayan din ng Alyansa ng Magbubukid sa Bulakan o AMB

ang kanilang naging bungkalan sa mga lupang bahagi ng malawak na sakahang

maaapektuhan ng pangangamkam ng lupa ng mga Araneta kaugnay ng proeyektong

MRT7. Ang mga bungkalan na naganap ay magsisilbing katibayan ng agrikultural na

kapasidad at gamit ng mga naturalng lupain. Kung sa gayon ay hindi dapat ito

sumailalim sa mga pagpapalit-gamit at ibigay sa mga kompanya upang gawing

komersiyal o residensiyal.

Matagumpay rin ang kolektibong aksiyon ng mga magsasaka ng Lapanday sa

Tagum City sa Mindanao. Ipinag-utos na ni Pangulong Duterter na ibalik sa kanila ang

mga lupang kinamkam ng Lapanday Food Corps. Ang matagumpay na pagbuwag sa

18 Mula sa http://newsinfo.inquirer.net/891644/farmers-group-occupies-land-in-hacienda-luisita

Page 84: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 68

mga bakod at pagsasagawa nila ng bungkalan ay isang manipestasyon na ang mga

lupang ito ay nararapat lamang na maibalik sa mga magsasaka.

Ang mga naging tagumpay ng mga magsasaka sa iba pang dako ng bansa ay

dapat magsilbing inspirasyon sa mga magsasaka ng Hacienda Dolores na magsagawa

ng kolektibong aksiyon upang buwagin ang mga bakod hindi lamang sa kanilang mga

bukid kundi pati na rin sa mga mga bakod sa kanilang buhay na nagiging balakid sa

kanilang pagkamit sa tunay na kalayaan at kaunlaran.

Bilang isang mag-aaral ng lipunan at kaunlaran, hamon sa akin at sa aking mga

kapwa development workers na patuloy na magmulat upang patuloy rin na malaman

ng mas malaking hanay ng masang Pilipino ang pakikibaka ng mga magsasaka sa

karapatan nila sa lupa. Tuloy-tuloy ang pag-oorganisa nang sa gayon ay lumaki ang

bulto ng mga nagkakaisang mamamayan ng bansa na kikilos at magsusulong ng isang

pagbabagong naaayon sa interes ng mga batayang sektor ng lipunan.

Dapat pagtibayin ang mga organisasyon ng mga magsasaka nang sa gayon ay

patuloy ang pagsusulong ng mga interes ng mga pesante; patuloy ang pagtawag sa

pagbabasura ng mga polisiyang anti-magsasaka; at patuloy na pagbawi sa lupang

kinamkam ng mga naglalakihang indibidwal.

Ang pagmumulat, pag-aahita, pag-oorganisa, at pagpapakilos ng masa ay ilan

pa lamang sa mga hakbang upang tugunan ang lumalalang kabulukan ng sistema ng

lipunan. Dahil dito, dapat lamang na ipagpatuloy ang pakikibaka’t paglaban ng masa

upang maiwaksi ang mga salik ng opresibong lipunan nang sa gayon ay tuluyan nang

Page 85: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 69

mabuwag ang malapyudal at malakolonyal na sistemang nagpapahirap sa

mamamayan lalong lalo na sa mga magsasaka

Page 86: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 70

MGA BATIS AT SANGGUNIAN

"Land Speculation." Dictionary of American History. 2003. Retrieved December 05,

2016 from

Encyclopedia.com: http://www.encyclopedia.com/history/dictionaries-

thesauruses-pictures-and-press-releases/land-speculation

Bound, M. G., PhD. (2011). Qualitative Method of Research: Phenomenological

[.docx]. South Africa: Nova Southeastern University.

Bruce Lindeman (1976) Anatomy of Land Speculation, Journal of the American

Institute of Planners, 42:2, 142-152, DOI: 10.1080/01944367608977715

Groenewald, T. (2004). A phenomenological research design illustrated.

International Journal of Qualitative Methods, 3(1). Article 4. Retrieved [October

2016] from http://www.ualberta.ca/~iiqm/backissues/3_1/pdf/groenewald.pdf

Hacienda Dolores: Testament to CARP failure. (2014, July 14). Bird Talk. Retrieved

November 16, 2016, from http://ibon.org/2014/06/hacienda-dolores-testament-

to-carp-failure/

Hicap, F. (2015, April 21). Kalagayan ng Repormang Agraryo sa Pilipinas. Speech

presented at Agrarian Reform Forum in College of Arts and Sciences, University of

the Philippines, Manila. Retrieved November 16, 2016, from

Page 87: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 71

http://www.anakpawis.net/2015/04/kalagayan-ng-repormang-agraryo-sa-

pilipinas/

Howell, Martha C. and Walter Prevenier. From Reliable Sources: An Introduction to

Historical Methods. Ithaca, NY: Cornell University Press, 2001; Lundy, Karen

Saucier. "Historical Research." In The Sage Encyclopedia of Qualitative Research

Methods. Lisa M. Given, editor. (Thousand Oaks, CA: Sage, 2008), pp. 396-400;

Marius, Richard. and Melvin E. Page. A Short Guide to Writing about History. 9th

edition. Boston, MA: Pearson, 2015; Savitt, Ronald. “Historical Research in

Marketing.” Journal of Marketing 44 (Autumn, 1980): 52-58; Gall,

Meredith. Educational Research: An Introduction. Chapter 16, Historical Research.

8th ed. Boston, MA: Pearson/Allyn and Bacon, 2007.

Kilpinen, J. T. (2005, July). Land Speculation and the Case of Greer County, Texas.

Southwestern Historical Quarterly, CIX(1), 71-97. Retrieved November 14, 2016,

from http://www.jstor.org/stable/40495622

Lindeman, B. (1976). Anatomy of Land Speculation, Journal of the American

Institute of Planners, 42:2, 142-152, DOI: 10.1080/01944367608977715

Mendes, P. P. (2008). Teaching community development to social work students: A

critical reflection. Community Development Journal, 2008.

Mothorpe, C.; · Hanson, A.;· Schnier, K. (23 April 2013) The impact of interstate

highways on land use conversion. SpringerVerlag Publisher. Berlin/Heidelberg.

201

Page 88: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // 72

Ortega, A.A. 2011. Volatile Spaces in the Peri Urban Fringe, from the Fields to the

Mountains. Neoliberalizing Spaces in the Philippines: Suburbanization,

Transnational Migration, and Dispossession. Lexington Books. Maryland, USA.

Rosenrhal, G. 1993. “Reconstruction of Life Stories: Principles of Selection in

Generating Stories for Narrative Biographical Interviews. “ Pp. 59-91 “The Narrative

Study of Lives, Vol. 1, The Narrative Study of Lives, edited by R. Josselson and A.

Lieblich. Newbury Park, CA: Sge.

Sheehan M. F. (April, 1982). Land Speculation in Southern California: The Roles of

Railroads, Trolley Lines and Autos. The American Journal of Economics and

Sociology , Vol. 41, No. 2 pp. 197-209. Retrieved from:

http://www.jstor.org/stable/3486197 16 Nov 2016

Speculation [Def. 1]. (n.d.). In Black’s Law Dictionary 2nd Ed. Retrieved November 21,

2016, from http://thelawdictionary.org/

Stanley, B. W. (2016). Leveraging Public Land Development Initiatives for Private

Gain: The Political Economy of Vacant Land Speculation in Phoenix, Arizona. Urban

Affairs Review, 52(4), 559-590. doi:10.1177/1078087415579733

Stewart, A. J. 1994. “The Women’s Movement and Women’s Lives: Linking Individual

Development and Social Events.” Pp. 230-50 in The Narrative Study of Lives, Vol. 2,

Exploring Identity and Gender: The Narrative Study of Lives, edited by A. Lieblich

and R. Josselson. Thousand Oaks, C: Sage.

Page 89: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // a

RESEARCH WORK PLAN FOR 2ND SEMESTER

Last week of January – Early February

Field Work – do interviews and case studies (Expected Budget: P1000 per

field day. (P500 for transportion, P500 for food and other expenses) for 3

field days.)

2nd Week of February – March

Key Informant Interviews – go to different institutions to do key informant

interviews (P500 pesos for transportation)

April

Final Revisions

May

Final final Revisions BINDING

June

SABLAY

Expected Budget: P3500

Page 90: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // b

PANAYAM

Nakabatay ang mga katanungan sa panayam sa layunin ng pananaliksik.

Ano ang estado ng buhay ninyo bago pa man magkaroon ng mga espekualsyon sa lupa?

Bilang mga magsasaka, paano niyo natugunan ang mga pagbabagong hatid ng pagpasok ng mga espekulasyon sa lupa?

Sa pananaw ng mga magsasaka, ano nga ba ang espekulasyon sa lupa at paano ito nakakaapekto sa kanilang mga buhay?

Sa papaanong paraan nakatulong ang mga nagdaang repormang agraryo sa karapatan ng mga magsasaka sa lupa? Kung hindi nakatulong, bakit?

Ano ang naging tugon ng mga magsasaka upang ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupa?

Naisakatapuran ba ng mga magsasaka ang pagsasakapangyarihan (empowerment) ng kanilang sektor sa paraan ng pakikipaglaban para sa kanilang lupa?

Ano ang ambag ng mga polisiya at batas ukol sa lupa sa karapatan ng mga magsasakang bungkalin ang kanilang mga bukid?

Paano makakatulong ang inyong pakikibaka sa buhay ng mga magsasaka ng Hacienda Dolores sa iba pang mga komunidad ng mga magsasaka?

Ano-ano ang mga epekto ng pakikibaka ng mga magsasaka ng Hacienda Dolores sa kalapit na mga barangay nito?

https://www.dropbox.com/sh/44vje4i3id8w673/AADprhLgptqx0vT9zJfUnNvpa?dl=0

Page 91: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // c

DEVELOPMENT STUDIES PROGRAM

Department of Social Science

College of Arts and Sciences

University of the Philippines Manila

29 November, 2016

To Whom It May Concern:

The bearer of this letter, JOMER G. ALLERITE, with Student No. 2013-45522 is a

student from the University of the Philippines Manila who is undergoing his thesis

for the course Bachelor of Arts in Development Studies. He will be doing some

research work in your community in order to gather data for his study.

We would highly appreciate it, if you would extend to him any form of assistance

while he is in your community as well as help him obtain facts for his study.

Hope this matter will merit your favorable consideration.

Thank you and more power!

Truly yours,

PROF. REGINALD VALLEJOS

Thesis adviser

Development Studies Professor

Page 92: BUHAY BUKID AT BAKOD: Kritikal na Pagsusuri sa Buhay ng

B U H A Y B U K I D A T B A K O D // d