10
Jan Daryll C. Cabrera BSED 2-4 Sa isang maliit na nayon, nagmula si Riri C. Cruz. Isa siyang guro sa elementary sa bayan.. Maraming nabibighani sa ganda niya, lalo na sa buhok niyang ubod ng ganda. Usap-usapan sa nayon na may kung anung mahika ang buhok niya at lagi siyang sinuswerte. Ngunit sa ganda niyang taglay, nakukubli ang ugaling di mo nanaisin. Siya’y mapagmataas at matapobre. Kahit sino ay wala siyang pakialam kung makasakit man siya ng damdamin ng tao. Mga bata sa eskwelahan ay takot na sa kanya. Ngunit may isang bagay ang nagpapalambot ng puso niya, ito ay ang kanyang pamilya, si Rene na kanyang asawa at si Lula na tanging anak nila. Si Rene ay isang manager sa bangko sa bayan. Kung ano ang kinasama ng ugali ni Riri sa iba ay siyang kabaitan nito sa pamilya. Sa tuwing pauwi si Riri mula sa paaralan na kanyang tinuturuan, lagi niyang nakikita ang isang matandang tindera sa tapat ng eskwelahan na nagtitinda ng kung anu-ano mula sa pagkain hanggang sa laruang pambata. “Sino ba itong matandang ito? Nakakapangit sa eskwelahan, walang breeding walang class! Hmm, ano nga bang pakialam ko,

Buhok

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Buhok

Jan Daryll C. Cabrera

BSED 2-4

Sa isang maliit na nayon, nagmula si Riri C. Cruz. Isa siyang guro sa elementary

sa bayan.. Maraming nabibighani sa ganda niya, lalo na sa buhok niyang ubod ng

ganda. Usap-usapan sa nayon na may kung anung mahika ang buhok niya at lagi

siyang sinuswerte. Ngunit sa ganda niyang taglay, nakukubli ang ugaling di mo

nanaisin. Siya’y mapagmataas at matapobre. Kahit sino ay wala siyang pakialam kung

makasakit man siya ng damdamin ng tao. Mga bata sa eskwelahan ay takot na sa

kanya. Ngunit may isang bagay ang nagpapalambot ng puso niya, ito ay ang kanyang

pamilya, si Rene na kanyang asawa at si Lula na tanging anak nila. Si Rene ay isang

manager sa bangko sa bayan. Kung ano ang kinasama ng ugali ni Riri sa iba ay siyang

kabaitan nito sa pamilya.

Sa tuwing pauwi si Riri mula sa paaralan na kanyang tinuturuan, lagi niyang

nakikita ang isang matandang tindera sa tapat ng eskwelahan na nagtitinda ng kung

anu-ano mula sa pagkain hanggang sa laruang pambata.

“Sino ba itong matandang ito? Nakakapangit sa eskwelahan, walang breeding

walang class! Hmm, ano nga bang pakialam ko, marami pa kong dapat ayusin kesa sa

walang kwenta na ito.”, mataray na wika ni Riri sa sarili.

Nakatira si Riri sa pinakamalaki at magarang bahay sa bayan. Madalas

kaiinggitan siya ng mga tao sa swerteng nakukuha niya. Pagdating sa bahay nila agad

siyang binungad ng akap ni Lula.

“Oh anak, kamusta klase mo? Mukhang marami ka na naming nasagot ah.”

Page 2: Buhok

“Opo Ma, ako nga din po ang highest sa exam eh. Tingnan niyo po.”, ang

masayang tugon ni Lula at iniabot ang test paper sa ina.

“Mabuti iyan anak. Maghilamos ka na at magpahinga. Magluluto lang si Nanay

ng hapunan natin ha.”

Habang nagluluto, naalala niya ang bilin ng kanyang yamaong ina,

“Alagaan mo ang buhok mo, iyan ang magdadala ng swerte sa iyo.”

Sa hapagkainan, masayang kumain ang pamilya ng pocherong luto ni Riri, ito

kasi ang paborito ni Lula. Di maiwansang di pansinin ni Riri si Rene, mukhang pagod

ito.

“Rene, may problema ba? Bakit parang ang tamlay mo?”

“Ay, wala ito Riri. Pagod lang ako siguro sa trabaho.”, wika ni Rene

“Ganoon ba? Kumain ka ng madami pati ikaw Lula para lumaki ka pa at

tumalino.”

Pagkatapos kumain ay nagpaalam si Rene upang makipag-inuman sa mga

katrabaho nito. Nag-alangan pa si Riri ngunit pumayag din naman ito sa huli dahil

mukhang kailangan ni Rene mag-relax. Pagkaalis ni Rene, humarap siya sa salamin at

hinaplos-haplos ang kanyang buhok, naging gawi niya ito bago matulog. Naniniwala

siyang ang buhok niya ay talagang may dalang swerte. Ngunit dapat siyang mag-ingat

sa maaring mangyari. Pagkatapos niya magsalamin ay agad na siyang natulog.

Page 3: Buhok

Kinabukasan, habang naliligo si Riri ay may naramdaman siyang nakamasid sa

kanya. Lumingon-lingon siya sa shower room ngunit wala naman siyang nakita. Dahil

sa takot agad niyang binilisan ang pagligo. Hinanda niya ang gamit at baong pagkain ni

Lula. Habang nasa daan, nakita nila ang matandang babaeng tinder na papunta din sa

eskwelahan.

“Ma, ang bait niya po.”, biglaang wika ni Lula.

“Sino anak? Yung matanda bang iyon? Mukhang marungis at di gagawa ng

mabuti iyon. Malay mo kung anong dalang sakit pa ang mayroon iyon. Kaya kung ako

sayo layuan mo na iyon baka kung mapano ka pa.”, mahabang paalala ni Riri sa anak.

Nang mapadako ang tingin niya sa matanda ay nagulat si Riri nang biglang

kumislap ang mata ng matanda at nginisihan siya nito. Di niya alam kung namalikmata

lamang siya. Isinawalang kibo niya na lamang ito. Sa eskwelahan ginawa ni Riri ang

mga nakagawian niyang gawin, ang magpahirap ng mga estudyante, makipaghuntahan

at tsismisan sa mga kapwa guro at ang umidlip sa oras ng klase.

Susunduin niya na sana si Lula sa silid nito nang makita niya ang isang kaklase

nito.

“Hoy bata, nakita mo ba ang anak ko?.”, mataray na tanong ni Riri

“Ahm, h-hindi po. Maaga po siyang lumabas.”, takot na tugon ng bata at

kumaripas ng takbo papalabas.

Page 4: Buhok

Nang marinig iyon ay parang tumakas ang kaluluwa niya. Unang beses pa

lamang siyang suwayin ni Lula. Lagi pa man din niyan itong binibilinan na huwag aalis

sa sili nila. Hinanap niya sa buong eskwelahan ang anak, laking pasasalamat niya nang

makita niya ito sa gate.

“ Anak, ba’t ka umalis nang silid niyo? Saan ka ba nagsususuot? Pinag-alala mo

ako ng sobra.”, alalang wika ni Riri.

“Sorry po Ma. Sinamahan ko po kasi yung bago kong kaibigan pauwi.”, wika ni

Lula.

Sa daan pauwi, napaisip si Riri, sino kaya ang bagong kaibigan nito? Lagi naman

niyang kinikilatis ang mga kaibigan nito. Lagi rin naman pinapakilala ni Lula ang mga

ito. Wala din naman ito nabalitaang transferee. Pagdating sa kanilang bahay ay agad

nakatulog siya dahil sa stress na naranasan niya ngayong araw.

Kinabukasan, naramdaman niyang parang may nakapulopot sa leeg niya at

nahihirapan na siyang huminga. Laking gulat niyang nakapalupot nang mabuti sa leeg

niya ang kanyang buhok. Balisa siya buong araw dahil sa nangyari, hinaplos-haplos

niya ang kanyang buhok upang kumalma. Biglaang pumasok naman ang head ng

eskwelahan, kinabahan naman siya dahil sa pangyayari.

“Ma’am Riri, may maganda akong balita. Nanalo po kayo sa raffle natin 10,000

din poi yon.!”, masayang sabi ng head.

“Talaga po? Hahahahaha napaka swerte ko talaga! Wala nang hihigit pa!.”,

malakas na tawa ni Riri.

Page 5: Buhok

Dahil sa tuwa, napagdesisyonan ni Riri na ipagdiwang ito kasama si Lula. Laking

gulat niya nang makita nito na pumupuslit ang kanyang anak papalabas ng eskwelahan

at puntahan ang matandang nagtitinda. Biglang kumulo ang dugo ni Riri dahil dito. Agad

na sumugod si Riri sa matanda at itinulak ito.

“Ikaw ha! Dahil pala sa iyo sinusuway ako ng anak ko! Palibhasa nanghuhuthot

ka ng pera sa anak ko. At ikaw naman Lula, bakit mo ko sinusuway?”, galit na sigaw ni

Riri

“Ma, siya po yung kaibigan ko Ma si Aling Celing, huwag niyo po siyang awayin.”,

umiiyak na tugon ni Lula

“Magkakaibigan ka na nga lang sa ganyan pa? Eh wala namang maidudulot na

mabuti sa iyo yan.”, pang-aalipusta ni Riri sa matanda

Papaalis na sana sila ng biglang may kumapit sa kanya, ito pala ay si Aling

Celing.

“Tandaan mo itong mga katagang ito, iyang kabanalan mo, ay di tatagal sa iyo.

Ang buhok mong may swerte, kadugtong ng buhay mo. Swerte mong natanggap

magiging kamalasang magaganap.”

At naestatwa si Riri.

Nang gabing iyon ay hindi mapakali sa pagtulog si Riri. Di niya makalimutan ang

sinabi ni Aling Celing. Natatakot siya sa kung ano ang mangyayari. Kinaumagahan ay di

siya pumasok sa eskwelahan at hinanap niya ang matanda. Wala naman daw silang

nakikita na matandang tindera doon. Nakita siya ng principal ng school.

Page 6: Buhok

“Mrs. Riri, malungkot kong sasabihin sa iyo na matatanggal ka na sa school

natin.”

“Sir bakit naman po?”, nanghihinang tugon ni Riri.

“Marami kaming naririnig na di magandang komento sayo nang mga estudyante

pati na rin ang mga kapwa mo guro. Pasensya na effective na ito sa isang buwan.”

Nawalan ng lakas si Riri noong araw na iyon. Lalo siyang nawalan ng lakas ng

dumating siya sa bahay. Ibinalita sa kanya na naholdap daw si Rene papauwe at

napuruhan. Pumanaw na ang asawa niya. Umiiyak lang si Riri noon kasama si Lula.

Nagulat siya nang buhok niyang kay ganda ay unti-unting kumulot, pumanget at

bumuhaghag.

“Ito na ba ng sinasabi ng tindera na yun? Pwes hindi ako magpapatalo.”, sa isip

isip niya.

Hinalughog niya pa rin ang buong nayon at tanging sa bukid nalang ang di niya

napupuntahan pagka’t may diwata daw na umaaligid doon. Wala nang pera, at gutom

na ang mag-ina. Ang buhok niyang may dalang swerte ay wala nang ganda at swerteng

nadala kundi puro kamalasan at pasakit na lamang. Hindi na rin naipagpatuloy ni

Page 7: Buhok

Habang nag-iikot para makapaghanap nang trabaho o kahit mauutangan ay may

nakita silang tindahan. Maraming bumibili at di nahahalata ng tindera ang nangyayari

dahil sa sobrang dami ng mamimili. Naisip ni Riri ang magpuslit nang kahit isang

tinapay para kay Lula. Ngunit naroon parin ang prinsipyo niyang di siya lelebel sa mga

ganong tao.

Sa paghahanap nila ay inabutan sila ng gabi sa daan, nagtaka siya dahil parang

nauulit ang kanilang dinadaanan. Lagi silang napupunta sa daan papuntang bukid.

“Ma, natatakot na po ako. Mukhang gumaganti talaga si Aling Celing sa atin.”

“Huwag kang matakot wala tayong ginawang masama.”

“Ma, marami akong naririnig sa iba, wala ka nga po ba ginagawang masama?”

Sa sinabi ng anak ay natahimik si Riri. Di siya nakapagsalita agad-agad. Kahit

anak niya ay nagduda sa ina niya. Nagugulahan si Riri ngayon. Tinahak nila ang

madilim na daan at nakakita ng bahay, may bagong lutong pagkain. Ngayon hindi na

inalintana ni Riri ang kanyang pride at pinasok ang bahay. Walang tao kaya agad agad

niyang kinuha ang pagkain. Ngunit sa pagkuha niya ay naabutan siya nang may-ari

Page 8: Buhok