33
HEIGHTS Kuwentong Pambata 2009-2010 Kuwento ni Fr. Jason Dy, S.J. Guhit ni Jessica Amanda Bauza

Butong Munti

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Kuwentong Pambata 2009–2010. Heights is the official literary and artistic publication and organization of the Ateneo de Manila University.

Citation preview

Page 1: Butong Munti

HEIGHTS

Kuwentong Pambata

2009-2010

Kuwento ni

Fr. Jason Dy, S.J.

Guhit ni

Jessica Amanda Bauza

Page 2: Butong Munti
Page 3: Butong Munti

Biglang tinangay ng malakas

na hangin si Butong Munti!

Napadpad siya sa mundong

hindi pa niya napupuntahan.

Ano kaya ang mangyayari

sa kanya? Halina’t samahan

ang ating bida sa kanyang

pakikipagsapalaran!

Rekomendado sa mga batang

edad 8-10.

TUNGKOL SA MANUNULAT

Si Fr. Jason Dy ay Paring Heswita na naglilingkod bilang katuwang ng

kura paroko sa Sacred Heart Parish, Cebu City at gumagabay sa mga

kabataang Chinoy at Pinoy ng parokya. Naging bahagi sa unang Barlaya

Writing for Children Workshop sa Unibersidad ng Pilipinas at Adarna.

Ilustrador ng mga librong “Once Upon a Time in Asia,” Eastern Wisdom

for Western Minds,” at “Gospel According to Mary” na inilimbag ng

Orbis Books, New York. Kasapi ng Tutok: Karapatan at Asian Christian

Art Association.

Page 4: Butong Munti

Ito ay aklat ni

Butong MuntiAkda ni Fr. Jason Dy, SJIginuhit ni Jessica Amanda BauzaLapat ni Denise Yap

Karapatang-ari © 2009 ng Heights at ni Fr. Jason Dy, S.J.

Reserbado ang lahat ng karapatan, kasama ang karapatan sa reproduksiyonat paggamit sa anumang anyo at paraan, maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari.

Hindi maaaring ibenta sa kahit anong paraan at pagkakataon ang kopyang ito.

Maaaring makipag-ugnayan sa:Heights, Publication Room, MVP 202Ateneo de Manila University, P.O. Box 154, ManilaTelepono: 426-6001 lokal 5448www.heights-ateneo.org

Heights, ang Opisyal na Pampanitikan at Pansining na Publikasyon ng Pamantasang Ateneo de Manila

Inilimbag ng Sprintec Printing Press, Inc. sa Pilipinas

STAFF:

Character Design and Story Illustration: Jessica Amanda Bauza

Initial Layouts: Patrick Padla

Master Layouts: Denise Yap

Digital Editing: John Alexis Balaguer, Monica Esquivel, at Miguel Mercado

Cover Design: Alyza Taguilaso, Miguel Mercado, at Jin Joson

Operations: EJ Bagacina at Alyza Taguilaso

PASASALAMAT

Kay Bb. Christine Bellen

Ateneo Catechetical Instruction League

MUSMOS

Page 5: Butong Munti

HEIGHTS

Kuwento ni Fr. Jason Dy, S.J.

Guhit ni Jessica Amanda Bauza

Page 6: Butong Munti

Tulog pa si Butong Munti nang bumugso

ang malamig na hangin mula sa Silangan.

Pilit siyang kumapit nang mahigpit sa

dahon ng kogon, ngunit natangay pa rin ng

hangin ang maliit, manipis, at magaan na

katawan ni Butong Munti.

2

Page 7: Butong Munti

3

Page 8: Butong Munti

Lumutang si Butong Munti sa hangin.

Nilipad siya palayo sa kanyang mu

nting tahanan sa dahon ng kogon.

4

Page 9: Butong Munti

Pakiramdam niya’y ipinaghehele siya sa duyan.

Nak

atulo

g siya nang mahimbing.

Nilipad siya palayo sa kanyang mu

nting tahanan sa dahon ng kogon.

5

Page 10: Butong Munti

Napanaginipan niya ang isang bulaklak na may

munting butong parang bulak, at isang buto ang

biglang nahulog sa lupa at nabalatan.

6

Page 11: Butong Munti

7

Page 12: Butong Munti

8

Page 13: Butong Munti

Nagising si Butong Munti na nanginginig.

Matindi na ang sikat ng araw noon. “Ano kaya

ang ibig sabihin ng aking panaginip? Mababalatan

din kaya ako?” takot na sabi ni Butong Munti

sa sarili habang patuloy na lumulutang sa hangin.

9

Page 14: Butong Munti

Ngunit naisip din niya na

baka panaginip lang iyon at

walang kahulugan sa kanya.

Kaya patuloy na lumutang si Butong Munti

kapiling ang mga ibong lumilipad.

10

Page 15: Butong Munti

Napapaligiran siya ng maninipis at malalambot na ulap.

Natanaw niya ang M A L A W A K na karagatan,

at ang mataas na kabundukan.

11

Page 16: Butong Munti

Sa kanyang paglalakbay sa kalangitan, nakita niyang

naghahabulan ang mga ulap na kulay abo. Papalapit

ito sa kanya at may dala itong ulan! Natakot si

Butong Munti. Naramdaman niya na malakas ang

hanging tumutulak sa mga ulap. Nabundol si Butong

Munti ng nagpapaligsahang mga ulap.

12

Page 17: Butong Munti

Nabasa siya at ang kanyang buhok.

Basang-basa ito at nagkabuhul-buhol.

Nagpabigat ito sa kanya

hanggang sa unti-unti na siyang nahila pababa.

Hindi nagtagal,

tuluyan na siyang

bumagsak sa lupa.

13

Page 18: Butong Munti

Nabalot ng putik ang buong katawan ni

Butong Munti. Bumigat ang kanyang

katawan at natangay siya ng agos-baha.

14

Page 19: Butong Munti

Pinilit ni Butong Munti na itaas ang

kanyang sarili upang makakita ng

anumang mahahawakan.

“Hayun, may ugat!” nasambit niya.

15

Page 20: Butong Munti

Ilang oras ang nagdaan bago tumigil ang ulan.

Si Butong Munti ay pagod na pagod na

nakakapit sa munting ugat hanggang sa

mawalan na siya ng lakas.

16

Page 21: Butong Munti

Tuloooong!

17

Page 22: Butong Munti

18

Page 23: Butong Munti

Nagising si Butong Munti mula sa kanyang malalim

na pagkakahimbing.

“Nasa ilalim ako ng lupa!” Pinilit niyang itaas ang

kanyang katawan ngunit hindi na niya ito maigalaw.

Nakabaon na ito sa putik. “Ano ang nangyari sa akin?

Hindi ko na makikita ang karagatan at mga ulap.

Hindi na ako makalilipad.” malungkot na sabi ni

Butong Munti.

19

Page 24: Butong Munti

Hindi na namalayan ni Butong Munti kung ilang

buwan na siyang nakatira sa ilalim ng lupa.

20

Page 25: Butong Munti

Alaala na lang ang mga panahong

nagpapahinga siya sa dahon ng kogon,

lumulutang at sumasayaw sa hangin,

may manipis at makinis na balat, at

may mala-bulak na buhok.

21

Page 26: Butong Munti

Isang araw, nakadama ng takot si Butong Munti

dahil napansin niyang magaspang na ang

kanyang balat. Tinubuan siya ng mga ugat at

nagkasugat siya sa kanyang dibdib. “Matanda

na yata ako.” Kaya’t sa paglipas ng mga araw,

lalong kumukupas ang kanyang pag-asang

muling makita ang mundo sa itaas ng lupa.

22

Page 27: Butong Munti

23

Page 28: Butong Munti

24

Page 29: Butong Munti

Habang ang buong paligid ay nalulunod sa

dilim, tinatanaw na lamang ni Butong

Munti mula sa bitak ng lupa ang kinang ng

mga munting bituing nagniningning.

25

Page 30: Butong Munti

26

Page 31: Butong Munti

Isang araw, nagulat na lamang si Butong Munti.

Tumagos ang unang sikat ng araw mula sa Silangan

at hinalikan ang kanyang sugatang dibdib. Nadama

niya ang init ng sinag ng araw. Tumulo ang isang

butil ng luha mula sa mata ni Butong Munti at

dumaloy ito sa kanyang dibdib. Tumingala siya sa

langit at hinayaan ang sariling mabalot ng liwanag. 27

Page 32: Butong Munti

28

Page 33: Butong Munti

May lumitaw na dahong munti sa kanyang

sugatang dibdib. Buong galak niyang niyakap

ang liwanag at nilanghap ang sariwang hangin.

“Malapit ko na muling makita ang daigdig.”

Abot-langit ang ngiti ni Butong Munti.

29