20
Ipinagdiwang ng Paman- tasang De La Salle, sa pamamagitan ng Departamento ng Filipino, ang taunang selebrasyon ng Buwan ng Wika na may sariling temang “Lasalyano: Nagsusulong ng Wikang Filipino sa Pagdiriwang ng Sentenaryo ng DLSU at sa Darating pang mga Sig- lo.” Naghain ng mga importanteng gawain ang koordineytor nito na si Prop. Ramil Correa para sa nabanggit na okasyon sa tulong ng kanyang mga itinalagang tagapag-ugnay sa mga tiyak na gawain. Sinimulan ang pag- diriwang sa pamamagitan ng Banal na Misa noong Agosto 3, 2011 sa Pearl of Great Price Chapel sa ganap na 12:00 n.t. sa pangangasiwa nina Dr. Fely Herrera, Dr. Ert Astorga at Dr. Maria Lucille Roxas. Dinaluhan ito ng mga piling mag-aaral at fakulti. Sinundan naman ito ng kauna -unahang patimpalak na “Lasalitaan” para sa mga estudyante ng FILDLAR noong Agosto 13, 2011, sa Y409 sa ganap na 2:40 n.h. sa pamumuno nina Prop. Rowie Madula at Prop. Lilibeth Oblena. Ang “Lasalitaan” ay ipinadron sa Kumperensya sa “Salita ng Taon” na isinasagawa ng Unibersidad ng Pilipi- nas. Nakatuon ang “Lasalitaan” sa mga salitang may katangi-tanging kahulugan sa kontekstong Lasalyano. Narito ang mga nagwagi sa Lasalitaan 2011: LaSALITAan ng Ta- on: Unang Gantimpala, “Lasaligan” (C39); Ikalawang Gantim- pala, “Unli” (C39); Ikatlong Gantimpa- la, “Hell Week” (C38). Ang mga sumusunod ang itinanghal na pinakamahuhusay na papel sa Lasalitaan 2011: Unang Gantimpa- la, “Andrew” (C38); Ikalawang Gantimpala, “Google” (C33); Ikat- long Gantimpala, “An1mo” (A55). Samantala, pinarangalan bilang pinakamahuhusay na presentasyon ang mga sumusu- nod: Unang Gantimpa- la, “Unli” (C39); Ikalawang Gantim- Buwan ng Wikang Pambansa, ipinagdiwang Buwan ng Wikang Pambansa, ipinagdiwang Buwan ng Wikang Pambansa, ipinagdiwang Buwan ng Wikang Pambansa, ipinagdiwang AMBAG SALITA: bodong pangngalan [sa Kalinga]: kasunduang pangkapayapaan. Halimbawa: Wala pang bodong ang nilalagdaan sa taong ito. Mga guro ng Departamento ng Filipino kasama ang mga pinarangalan sa Gawad Lasallian 2011 Sundan sa pahina 20

Buwan ng Wikang Pambansa, ipinagdiwangBuwan ng Wikang ... · Ipinagdiwang ng Paman-tasang De La Salle, sa pamamagitan ng Departamento ng Filipino, ang taunang selebrasyon ng Buwan

Embed Size (px)

Citation preview

Oktubre 2011 Ipinagdiwang ng Paman-

tasang De La Salle, sa pamamagitan

ng Departamento ng Filipino, ang

taunang selebrasyon ng Buwan ng

Wika na may sariling temang

“Lasalyano: Nagsusulong ng Wikang

Filipino sa Pagdiriwang ng Sentenaryo

ng DLSU at sa Darating pang mga Sig-

lo.”

Naghain ng mga importanteng

gawain ang koordineytor nito na si

Prop. Ramil Correa para sa nabanggit

na okasyon sa tulong ng kanyang mga

itinalagang tagapag-ugnay sa mga

tiyak na gawain. Sinimulan ang pag-

diriwang sa pamamagitan ng Banal

na Misa noong Agosto 3, 2011 sa

Pearl of Great Price Chapel sa ganap

na 12:00 n.t. sa pangangasiwa nina

Dr. Fely Herrera, Dr. Ert Astorga at Dr.

Maria Lucille Roxas. Dinaluhan ito ng

mga piling mag-aaral at fakulti.

Sinundan naman ito ng kauna

-unahang patimpalak na “Lasalitaan”

para sa mga estudyante ng FILDLAR

noong Agosto 13, 2011, sa Y409 sa

ganap na 2:40 n.h. sa pamumuno

nina Prop. Rowie Madula at

Prop. Lil ibeth Oblena. Ang

“Lasalitaan” ay ipinadron sa

Kumperensya sa “Salita ng Taon” na

isinasagawa ng Unibersidad ng Pilipi-

nas. Nakatuon ang “Lasalitaan” sa

mga salitang may katangi-tanging

kahu l u gan s a kon teks t ong

Lasalyano.

Narito ang mga nagwagi sa

Lasalitaan 2011: LaSALITAan ng Ta-

o n : U n a n g G a n t i m p a l a ,

“Lasaligan” (C39); Ikalawang Gantim-

pala, “Unli” (C39); Ikatlong Gantimpa-

la, “Hell Week” (C38).

Ang mga sumusunod ang

itinanghal na pinakamahuhusay

na pape l sa Lasa l i t aan

2011 : Unang Gan t impa -

la, “Andrew” (C38); Ikalawang

Gantimpala, “Google” (C33); Ikat-

long Gantimpala, “An1mo” (A55).

Samantala, pinarangalan

bilang pinakamahuhusay na

presentasyon ang mga sumusu-

n o d : U n a n g G a n t i m p a -

la, “Unli” (C39); Ikalawang Gantim-

Buwan ng Wikang Pambansa, ipinagdiwangBuwan ng Wikang Pambansa, ipinagdiwangBuwan ng Wikang Pambansa, ipinagdiwangBuwan ng Wikang Pambansa, ipinagdiwang

Tomo 4, Bilang 2 ISSN 2094-9332 AMBAG SALITA:

bodong pangngalan [sa Kalinga]: kasunduang pangkapayapaan. Halimbawa: Wala pang

bodong ang nilalagdaan

sa taong ito.

Mga guro ng Departamento ng Filipino kasama ang mga pinarangalan sa Gawad Lasallian 2011

Sundan sa pahina 20

Usap-usapan sa kasalukuyan

na ang matinding pagkawasak ng

kalikasan ang isa sa dahilan ng di

mapigilang lakas ng mga bagyo. Ang

mga kabundukan at kagubatang dati-

rati’y humahadlang sa malalakas na

hangin at bagyo ay unti-unti nang tiniti-

bag at nakakalbo bunsod ng malawak-

ang pagmimina at pagtotroso. Wala na

ring sapat na bilang ng mga puno upang

higupin ang tubig-ulang dala ng mga

bagyo. Kung gayon, malinaw na ang

panukalang Cha-Cha ay maaaring mag-

dala ng higit na panganib kaysa kapakin-

abangan. Bago ang Cha-Cha,

kailangang isipin ng ating mga opisyal

na ang pagliligtas sa balance ng

kalikasan ang dapat maging prayoridad

ng bansa kung nais nating magkaroon

pa ng magandang bukas ang mga

susunod na henerasyon.

EDITORYAL

2 Alinaya

Dalawang malalakas na bagyo

ang nanalanta sa Gitna at Hilagang Lu-

zon sa unang linggo ng Oktubre. Tila

muling naulit ang mga kasawiang di-

nanas ng mga mamamayan sa panahon

ni Ondoy nang daananan ni Pedring at

Quiel ang mga nabanggit na rehiyon.

Nagpakawala ng tubig ang anim (6) na

dam sa Luzon dahil sa malakas na ulan.

Agad nalubog sa baha ang bayan ng

Calumpit, Paombong at Hagonoy sa

Bulacan, gayundin ang Apalit at San

Simon sa Pampanga. May mga lugar din

sa Nueva Ecija gaya ng Caranglan na na

-isolate bunsod ng pagkawasak ng isang

tulay. Nakalulungkot na mahigit 50 na

ang iniulat na namatay sa nasabing

kalamidad.

Samantala, sa kasagsagan ng

pananalanta ng bagyo ay abalang-abala

ang Senado at Kongreso sa paghahanda

para sa mabilisang pagrerebisa sa Konstitusy-

on (charter change o Cha-Cha). Upang

mapigilan ang malawakang pagtutol ditto ng

mga mamamayan, agad na ipinahayag ng

mga nangunguna sa kilusang Cha-Cha na

ang kanilang hangarin ay baguhin lamang ang

mga probisyong ekonomiko ng Konstitusyon.

Wala diumano silang adyenda na palawigin

ang kanilang mga termino o alisin ang limita-

syon sa mga termino ng mga opisyal na iniha-

halal. Sa kasamaang-palad, dapat bigyang-

diin na mapanganib din ang anumang

pagbabago sa mga probisyong ekonomiko ng

Saligang Batas.

Hangad ng mga maka-Cha-Cha na

bigyan ng mas malaking papel sa ekonomya

ng bansa ang mga dayuhang korporasyon sa

mga industriyang gaya ng pagmimina.

Nangangahulugan ito ng lalong pagbubukas

ng mga likas na yaman ng bansa sa pagsasa-

mantala ng mga dayuhan.

Punong-Patnugot: David Michael M. San Juan

Lupon ng Tagapayo: Dr. Ernesto Carandang II, Prop. Ramilito Correa,

Dr. Feorillo Demeterio III, Dr. Teresita Fortunato, Dr. Fanny Garcia, Dr. Lakangiting

Garcia, Dr. Josefina Mangahis, Dr. Rhoderick Nuncio, Dr. Raquel Sison-Buban,

Dr. Dolores Taylan

Kontribyutor (Balita): Prop. Ramilito Correa, Dr. Dolores Taylan

Kontribyutor (Lathalain, Sanaysay Atbp.): Prop. Kristian Cordero, Dr. Fanny Garcia, Dr. Dolores Taylan at Prop. Voltaire Villanueva

Kontribyutor (Larawan): Dr. Ruby Alunen, Dr. Josefina Mangahis, Pamela Manzana

Lay-out: David Michael M. San Juan

Puno ng Departamento ng Filipino: Dr. Josefina Mangahis

Pamuhatan: Departamento ng Filipino, Rm. 401 William Hall, 2401 Taft Avenue,

De La Salle University / Telepono: (02) 524-4611 lokal 509 / Email: [email protected]

Bagyo, ChaBagyo, ChaBagyo, ChaBagyo, Cha----Cha At Iba PaCha At Iba PaCha At Iba PaCha At Iba Pa

3 Tomo 4, Bilang 2 ISSN 2094-9332

Dr. Fanny Garcia, Dr. Rhod Nuncio pinarangalan ang teksto ng dula at estruktura ng

dulaan ng mga pananagisag, talinhaga at

simbolong nagpapakilala kung sino ang

mga Mabinian at Daeteño.

Mahalaga ang dula at dulaan

sapagkat maaaring gamitin ang sining ng

dulaan sa pagpapahayag ng mga pang-

yayaring kaugnay sa sosyo-kultural na

buhay at pamumuhay ng tao at sa histori-

kal na pangyayari sa bayan. Magagamit

din ito sa masusing pagsisiyat sa bayan

at lipunan sa pamamagitan ng mga sím-

bolo, pananda at talinhagang napapaloob

dito. Pinagbatayan ng mananaliksik ng

Ang Tanghalang Mabini ay

lunduyan at salindiwa ng kultura at ka-

saysayan ng Mabinian at Daeteño sa

pamamagitan ng dulaan. Nagsisilbi itong

mabisang instrumento sa paglalahad ng

mga pangyayaring kaugnay ng kanilang

sosyo-kultural na pamumuhay kaya’t

midyum ito sa pagpapakita ng kanilang

imahe, pangkalahatang pagpapahalaga

at umiiral na kalagayang sosyal. Naglal-

aman ang mga dula ng mga realidad na

makapagla la rawan sa kani lang

kalikasan at kaakuhan. Nagtataglay rin

nasabing pananaw ay ang kaisipan ng mga

dalubhasa sa ganitong larangan.

Ayon kay Dr. Isagani R. Cruz sa

kanyang aklat na Mga Dulang Pilipino

Sundan sa pahina 4

TALUMPATI SA PAGTANGGAP NG GAWAD

Magandang araw po sa lahat ng nar-

irito—mga kapwa manunulat at guro, sa

mga papunta pa lamang sa pagiging ma-

nunulat at/o guro, mga estudyante, at

mangyari pa, sa lahat-lahat kayong isina-

kripisyo ang inyong Sabado na kasama

ng Linggo ay karaniwan nang dakilang

araw ng pamilya at pahinga (dagdag, lalo

pa nga’t madilim at paulan-ulan ngayon).

Labas diyan ay hayaan ninyong mag-

umpisa ako sa isang narinig na ninyo sa

isang sikat na pelikulang Amerikano na

marahil ay napanood din ng marami sa

inyo. Sa wikang Filipino ay ganito: “Ang

buhay ay tulad ng isang kahon ng tsoko-

late.” Tunay nga. Iba’t iba ang tsoko-

lateng nasa kahon, iyong tipong gustong-

gusto nating matanggap na pasalubong

Pagsusulat bilang

Paglalakabay ni Dr. Fanny A. Garcia

lalo pa nga ba kung galing sa USA o sa

Europe. May black/white chocolate,

may tsokolateng may nakakagat kang

buo-buong almond nut (ito ang tsoko-

lateng gustong-gusto ko!), may tsoko-

lateng may kumakatas pang alak sa

loob (na sa tingin ko ay siyang paborito

ng mga iba sa inyo rito)—iba’t ibang

lasang tsokolate! Iba’t iba rin ang

hugis: parisukat, parihaba, bilog, may-

roon ding hugis-puso. Ganyan din na-

man ang mga manunulat. Iba’t iba ang

lasa’t hugis ng mga nasa loob ng

kahon. Gayunman, may mga ibang

4 Tomo 4, Bilang 2 ISSN 2094-9332

manunulat na nasa labas ng kahon—silang

na-etsapuwera, o kaya naman ay talagang

ayaw nilang makulong, pakulong sa isang

kahon.

Kung gabi at maliwanag ang langit, sa

pagtingala natin ay ang walang katapusang

kamangha-manghang tanawin ng buwan at

mga bituin. Ang mga manunulat ay tulad din

ng mga bituin. May agad na kumukuha ng

pansin dahil mas malapit tingnan, at talagang

pakindat-kindat. Mayroon namang kahit ma-

layo ay malakas pa rin ang dating. May mga

bituing nagkukumpulan kaya tunay ngang

sumasambulat at nandidilat ang ningning ng

kanilang espasyo sa pisngi ng langit!

May ibang mumunting kumpol na

nasa malayo, na maaaring kahit kakaunti sila

ay kayningning pa rin, o may sapat na ring

ningning, o talagang dahop sa ningning. May

kahit nag-iisa sa malayo ay kapansin-pansin

pa rin, o nagpapapansin. Ang iba naman ay

mahiyaing nagkukubli sa dilim, kumikisap-

kisap sa sulok ang likas na ningning.

At ngayon, pag-usapan naman natin ang

sarap at ningning.

Tunay na mapagbigay at mapagsilbi ang

ating panulat. Bukod sa nagagawa mong

ipahayag ang iyong sarili ay nabibigyan ka rin

ng hanapbuhay, at kasikatan din sa mga iba.

Gayunman sa mga iba, ginamit nila ang kanil-

ang panitik bilang sandata ng kanilang

ideolohiya, na pinagbuwisan nila mismo

ng kanilang buhay.

Sa sarili kong panahon, nariyan

si Emmanuel ‘Eman’ Lacaba, si Ma. Lore-

na Barros—at ang mga iba pang katulad

nila. Tunay ngang naging sikat sila—

saksi ang maraming Eman at Lorena na

naging pangalan ng mga supling ng mga

magulang na nabigyang-inspirasyon nila,

gayundin ang mga nobela’t maikling

kuwento na may mga pangunahing tau-

han na ang pangalan ay Eman o Lorena.

Sa pana-panahon ay dapat magsuri

sa kanyang sarili ang bawat manunulat.

Bakit ba ako nagsusulat? Para tugunan

ang ‘unfinished business’ ng ating kanya-

kanyang personal na buhay? Itaas pa

natin: Para tugunan ang ‘unfinished busi-

ness’ ng ating bansa at/o kaayusang glob-

al? O literal na bisnes na lamang ba?

Ano nga ba? Ang dekada 70, na panahon

ko na, ay nagpamana ng isang panun-

tunan sa pagsulat na hindi naman

pang-dekada 70 lamang: Para kani-

no ka nagsusulat? Napakapartikular

ng sagot. Hindi basta panlipunan—

kundi para sa lalo’t higit na api’t

pinagsasamantalahang mga uri, ang

mga manggagawa’t magsasaka.

Gayunman, sa lilim ng femi-

nistang pananaw ay malaya pa rin

tayong makakasulat kahit sa unang

tingin ay personal lamang ang ating

preokupasyon. Ang personal ay

politikal. Walang pagkakahati,

m a n a p a ’ y

magkaugnay ang

teritoryong pantahan-

an at pampubliko.

May gahum at dikta-

dura sa parehong

mundo na dapat

kalabanin at pag-

tagumpayan.

Kung gayon, sabi nga ng isang

kasabihang nakilala ko rin noong

dekada 70: “Hayaang bumukadkad

ang sandaang bulaklak!”

Biyaya ng Dakilang Lumikha sa

ating lahat! Maraming salamat po.

(Talumpating binasa sa pagtanggap

ng Gawad Balagtas sa UP-Diliman

noong Agosto 27, 2011)

Pagsulat bilang Paglalakbay mula p. 3

Kapag daw nagkakaedad

ang tao, natural na nagiging ak�bo

ang kanyang biological clock. Hindi

ko alam kung totoo ito subalit na-

pansin ko na mula nang ipinasya

kong huwag nang kumuha ng

kasambahay ilang buwan na ang

nakalipas ay naging natural na sa

akin ang paggising ng alas kuwatro

nang madaling araw. Nagigising ako

sa oras na ito kahit wala akong

alarm clock.

Kakaiba sa maraming umagang

nagdaan ang naging umaga ko kani-

na. Biglang nasira ang aking biologi-

cal clock. Sa halip na alas kuwatro

ay alas singko ako nagising. Mabigat

ang aking katawan at tamad na

tamad ang aking pakiramdam. Hini-

hila ako ng antok na bumalik sa pag-

tulog.

Alam kong kailangan kong buman-

gon para magluto ng almusal at ma-

ghanda ng baon sa eskwela ng aking

bunsong si EJ, kaya lang, nananaig

sa akin ang bigat ng katawan at

katamarang nararamdaman.

Nanatili muna ako sa kama nang

ilang sandali. Habang nagtatalo

ang isip kung babangon na ba ako

o matutulog muna ulit, bigla kong

naisip ang Jollibee. Pwede nga

palang magpa-deliver na lang ako

sa Jollibee ng almusal namin at

baon ni EJ sa eskwela. Hindi ko na

rin kailangang mag-brew ng kape

dahil may brewed coffee naman

ang Jollibee.

Tatamad-tamad akong buman-

gon at nagtungo sa kinaroonan ng

telepono. Ilang sandali pa, kausap

ko na ang customer assistant ng

Jollibee Delivery. Nagawa ko agad

ang pag-order.

“Ma’am, paki-synchronize po

ang relo ninyo sa relo namin,” sabi

sa akin ng kausap ko, “5:45 po sa

relo namin. Thirty to forty five

minutes po ang delivery time.”

“Alright,” sabi ko naman. “Pero

Nang Hindi Maging Jolly

Ang Aming Umaga

(O Kung Paano Sinira ng

Jollibee Ang Aming Pag-asa)

ni Dr. Dolores Taylan

5 Alinaya

BUHAY-PINAS

baka pwedeng i-note na paki-deliver

nang mas maaga kung walang

maraming delivery ngayong umaga.”

“Noted po,” sagot ng kausap ko.

Salamat na lang at may Jollibee,

sabi ko sa sarili habang ibinababa

ang telepono. Walang problema kahit

tinatamad ako at tinanghali ako nang

gising. Laging nariyan ang Jollibee na

maaasahan sa oras ng kagipitan.

Sa isip ko ay naglalaro ang tagline

na Jollibee Delivery: 30 MINUTES Jollibee Delivery: 30 MINUTES Jollibee Delivery: 30 MINUTES Jollibee Delivery: 30 MINUTES

GUARANTEED!GUARANTEED!GUARANTEED!GUARANTEED!

Lumipas ang kalaha�ng oras, pero

wala pa ang aking order. Tumawag ako

sa Jollibee Delivery para magpa-follow

-up. “Naka-out na po ang rider,” sabi

sa akin ng sumagot sa telepono.

Nakahinga ako nang maluwag. Inasa-

han kong maya-maya lamang ay

maririnig ko na ang katok ng rider sa

aming pinto.

Sampung minuto pa ang nagdaan.

Walang katok sa pinto. Muli akong

tumawag. “On the way na po ang rid-

er,” paniniyak ng kausap ko. Sa mga

Sundan sa pahina 8

6 Tomo 4, Bilang 2 ISSN 2094-9332

Iba’t Ibang Hamon sa Iba’t Ibang Mukha

ng Mga Guro

ni Prop. Voltaire Villanueva

Ang walang katapusang pag-aaral

at trabaho.

Hindi nagtatapos sa apat na hali-

gi ng silid-aralan ang pagtuturo ng guro.

Hindi sa simpleng pagwawasto ng mga

ginawang gawain at pagsusulit ng mga

mag-aaral, hindi sapat ang nakatapos sa

antas tersarya kundi mas magandang

marapatin ang makatapos sa antas

gwadrado para sa personal at

propesyunal na paglago. Maraming mga

guro ang tipikal na maraming dalang kung

anu-ano mula sa tahanan niya hanggang

sa paaralan at matapos ng klase ay muli

na namang ibabalik sa tahanan. Isang

mahiwagang dala-dala ang napakalaking

palaisipan para sa mga nakakikita nito.

Maaaring ang mga ito ay mga iba't ibang

forms ng mga mag-aaral na hindi matapus

-tapos punan sa paaralan sapagkat ang

oras ay nakalaan sa pagtuturo at

pagbabantay sa mga mag-aaral.

Maaaring ito ay mga kwaderno at sulatan

para sa banghay, pagsusulit at ilang mga

paalala, maaring ito ay ang takda ng guro

sa kanyang pag-aaral ng mga aralin na

itututuro, ang leksyon n'ya sa kanyang

pag-aaral o maaaring kaugnay na litera-

PEDAGOHIYA NG/SA BUHAY

Sundan sa pahina 7

tura sa kanyang tinatapos na mga akda,

tesis o kaya nama'y disertasyon o

maaaring ang nagpaparami at

nagpapabigat ng kanyang mga dala'y

ang iba't ibang ng paninda at mga brosy-

ur ng Avon, Sara Lee, ilang kilo ng tocino

at longganisa, mga ginawang mani at

yema at

kung kaya

pa ay ang

box na

naglalaman

ng ice can-

dy at ice

water. Ang

katotohan-

an ang loob

ng silid aralan ay mistulang isa na ring

groserya.

Ang iba't ibang usaping pang-

ekonomiya at praktikalidad.

Paano ka nga naman magtuturo

kung gutom ang tiyan. Tila hindi ito

umaakma sa mga konseptong itinataguy-

od ni Abraham Maslow sa kanyang

“Hierarchy of Needs“ na kung saan ay

dapat matugunan ang mga pangunahing

pangangailangan ng isang indibid-

wal. Katulad ng isang guro hindi niya

magagawang magturo kung kumakalam

ang kanyang sikmura. Hindi niya maga-

gawang maging epektibong tagasalin ng

kaalaman kung siya mismo bilang tao ay

hindi nakalalasap ng mga bagay na dapat

niyang matamo.

Umusbong ang

usapin ukol sa

“brain drain” na

dating talamak

lamang sa mga

doktor at nars

ngunit ngayon

ay tahasan na

ring nagaganap

sa sektor ng

mga guro. Ang mga beteranong guro na

nagpamalas ng ilang taong serbisyo sa

iba't ibang paaralan, nakagawa ng iba't

ibang pang-akademyang akda, naging

tagapagsanay ng iba't ibang paligsahan

sa loob at labas ng distrito ng bansa, sa

isang iglap lamang ay mangingibang-

bansa na upang doon magturo sa mga

banyaga na ang mas nakakapanlumo ay

7 Alinaya

ipagpapalit ang apat o higit pang mga taon

ng pagpapakadalubhasa sa edukasyon ay

magpapakatulong lamang sa ibang bansa na

may katumbas na mataas na kita o ang kon-

septo ng "underemployment.” Totoong naka-

tutuwang pakinggan na ang mga guro raw ay

laging nasa “LOANDON” hindi ang literal na

nasa London sa Amerika kundi ang kabi-

kabilang mga utang na pagkatanggap ng

suweldo ay pambayad lamang sa mga hiram

niyang pera. Hirap na ba talaga ang ating

bansa o may pagkakataong nalimutan ng

bigyan ng pamahalaan ang sinasabing pin-

akamahalagang tao na kaagapay sa preser-

basyon ng kultura at kaagapay sa pagtutuwid

sa tamang landas ng maraming mag-aaral?

Ang mga sandali ng saya sa

kabila ng hirap at pagtitiis .

Mayroong isang anekdota na kung

saan kapag daw ang isang guro ay pu-

masok o tumakbo sa halalan mapalokal man

o nasyunal, hindi maaaring hindi makakuha

ng boto ang isang guro. Sa dami ba naman

ng kanyang naging mag-aaral na botante

maaaring isa man sa kanila ay maalalang

guro ko ‘yan, natuto ako r'yan, magaling ‘yan!

Ang mga pagkakataong nagkuku-

mahog ka at nakikipagsiksikan sa pagsakay

sa LRT, MRT at kung anu-anong pampub-

likong sasakyan na ikaw ay pinagpawisan na

sa pagtayo, may kakalabit na lamang sa iyo

at ikaw ay pauupuin dahil naging mag-

aaral mo siya minsan. Minsan sa

pagbabayad naman ay libre ka na ng dati

mong mag-aaral, o maaaring ng konduktor

o driver. Lalo na kung sa isang komuni-

dad sa probinsya na kahit saan ka mag-

punta ay maririnig mo ang tawag sa iyo na

ma'am at sir bilang tanda ng pagrespeto.

Ang mga personal na ginawa ng mga mag

-aaral kapag iyong kaarawan, pasko, Val-

entine’s Day at kung anu-ano pang okasy-

on na kung susumahin mo ay maaari nang

mailagay sa isang bodega o maaari mong

kolektahin at gawing memorabilya. Kung

makakaswerte ka lalo na sa pribadong

paaralan, mga de kalidad na gamit tulad

ng damit, pagkain at mayroon pa nga raw

nagbibigay ng mga alahas at appliances

showcase hindi mo na

kailangang sumali pa sa

mga palabas sa telebisy-

on para maka-jackpot at

kung Chinese New Year

ay ilang kahon ng tikoy,

hopia, at mga pagkaing

Tsinoy. Tunay na hindi mapapalitan ang

mga kasiyahang iniwanan ng mga bawat

mag-aaral sa lahat ng mga guro. Pagkata-

pos ng kulit at gulo ay ramdam na

ramdam mo ang pagmamahal nila sa iyo.

Ang pagpapakatotoo bilang guro

at ehemplo.

Madaling sabihin na isa kang

guro na nagtuturo ngunit napakahirap

pangatawanan ang mga kaakibat na

gawain at responsibilidad na nakaa-

tang sa bawat balikat ng lahat ng mga

guro. Maaari ko itong halawin sa teor-

yang pang-sosyolohiya na tinatawag

na Dramaturgical o Theatrical na teor-

ya na kung saan ang bawat tao ay

maituturing na artista ng kanilang

buhay. Iba't ibang personalidad ang

nais na mapalitaw sa bawat labas ng

kanilang buhay depende kung saang

entablado ka magtatanghal. Tulad ng

mga guro, iba-ibang tungkulin at per-

sonalidad ang nais nilang palabasin.

Mas mahirap pa kung ang en-

tabladong kanyang gagalawan ay sa

labas ng paaralan. Kung sa paaralan

ay aasahan mong maging guro na

nagtuturo, nagsusuway, nagbabantay

n a g -

s u s u l a t ,

nagbaba-

sa. Anong

uri naman

kaya ng

p a l a b a s

ang iyong aasahan kapag nasa labas

na ng paaralan ang iyong mga guro?

Tunay na isang ehemplo para sa mag-

aaral at para sa buong komunidad ang

kanilang guro. Lahat ng sinasabi ng

guro ay makatotohanan sa mag-aaral.

Ang guro ay hindi lamang nagtuturo

ng mga asignatura kung hindi ay nag-

Iba’t Ibang Hamon.. mula p. 6

Sundan sa pahina 10

8 Alinaya

ALINGAWNGAW NG KAHAPON

Sundan sa p. 9

sandaling ito, ang bigat ng pa-

kiramdam at katamarang na-

raramdaman ko ay nagsisimula nang

mahalinhan ng pag-aalala. Baka

mauna pa ang school service ni EJ sa

rider ng Jollibee. Baka pumasok ang

bunso ko na hindi nakapag-almusal

at pera na lang ang baon sa halip na

rice and chicken ng Jollibee.

Lumipas muli ang sampung minu-

to. Eksaktong fi)y minutes na ang

nagdaan pero wala pa rin ang aking

order. Tinawagan ko ulit ang Jollibee

Delivery.

“Ma’am, may note po kasi dito sa

order ninyo na 45 minutes to 1 hour

po ang delivery time ng store na

panggagalingan ng order ninyo.

Pakihintay lang po.”

Para kong narinig ang malakas na

pagsabog ng bomba atomika sa Hiro-

shima sa sinabi ng aking kausap.

Umagang-umaga ay parang gusto

kong magsimula ng gyera. Gayun-

man, sinikap kong pakalmahin ang

aking sarili.

“Pero ang sabi sa akin nang mag-

place ako ng order, 30 to forty five

minutes lang. Sa unang follow-up ko

kanina, ang sabi sa akin ay out na

ang rider at sa pangalawang tawag

ko naman, ang sabi ay on the way

na. Ngayon sasabihin mo sa akin na

45 minutes to 1 hour ako dapat

maghintay? Niloloko lang ba ‘ko ng

dalawang nakausap ko kanina? Ano

ba talaga ang totoo?” Pigil na pigil

ang galit sa aking pagsasalita.

“Ma’am binasa ko lang po ang

note na nandito galing sa store,” ang

tanging nasabi ng nasa kabilang

linya.

Dahil alam kong

walang patutunguhan

ang aming pag-uusap,

hiningi ko na lamang

ang number ng si-

nasabi niyang store

na nalaman kong

Jollibee PGH pala.

Malapit lang Ang Jollibee PGH sa

amin at kung tutuusin, sa ganito

kaagang oras, sakay ng motorsiklo,

wala pang sampung minuto ay

makararating na sa amin ang rid-

er.

Nagmamadali kong �nawagan

ang Jollibee PGH at kinausap ang

naka-duty na Store Manager.

“Pasensya na po,” sabi ng Store

Manager sa akin. “Iba po kasi ang

delivery time ng store namin sa de-

livery time ng call center. Sa kanila

po ay 30 to 45 minutes, sa amin po

ay 45 minutes to one hour talaga.

Pero don’t worry, ma’am, kanina pa

po nakaalis ang rider.”

“Bakit magkaiba ang delivery

�me ninyo?” tanong ko. “Hindi ba

kaya kayo may delivery center ay

para ma-centralize ang mga order

ninyo at ma-synchronize rin ang

oras ng delivery? Kung iba-iba na-

man pala ang

delivery time

ninyo, dapat

siguro wala na

lang Jollibee

Delivery lalo na

kung hindi na-

man pala kayo

makatutupad

sa pangako ninyong sa loob ng

thirty minutes ay guaranteed na

makapagde-deliver kayo!”

“Sorry for the inconvenience,

ma’am. Hindi po ba sinabi sa inyo ng

customer service ang delivery time

namin?”

“Thirty to forty five minutes! Ito

ang delivery �me na sinabi sa akin.

At kahit hindi sabihin sa akin, alam

ko ito dahil di ba, ang nakalagay sa

advertisement ninyo ay Jollibee

Delivery 30 minutes guaranteed!

Bakit ngayon biglang naging 45

minutes to 1 hour pala?”

Habang kausap ko ang Store

Nang Hindi Maging... mula p. 5

9 Tomo 4, Bilang 2 ISSN 2094-9332

Manager, may mga katok akong

narinig. Binuksan ni EJ ang pinto. Hin-

di ko ibinaba ang telepono para

kusang iparinig sa kausap ko ang

aking pagtatanong sa rider kung

bakit masyadong late ang delivery

niya.

“Ma’am, sorry po, naubusan po

kasi ako ng gasolina,” sabi ng rider.

Napanganga ako sa aking narinig.

Ngayon ay gusto ko na talagang ituloy

ang pinipigil kong gyera. Sa mga oras

na ito ay hindi uso sa akin ang sali-

tang ceasefire!

“Ibalik mo na ‘yan sa store

ninyo! Hindi ko na tatanggapin ang

order ko!” Ngayon ay nakasigaw na

halos ang pagsasalita ko.

Binalikan ko ang aking kausap sa

telepono. “Narinig mo ba? Naubusan

daw ng gasolina ang rider ninyo kaya

ngayon lang dumating ang order

ko!”

“Ma’am sorry po. Ano po ang

pwede kong gawin para po...?”

Hindi ko na hinintay na matapos sa

pagsasalita ang kausap ko. “Bakit

i�nakbo ng rider ang motorsiklo nang

walang gasolina?” Bakit hindi muna

tsinek kung may gasolina o wala?

Hindi ba sakop ng trabaho mo bilang

Store Manager ang pagpapaalaala sa

Nang Hindi Maging... mula p. 8

mga rider na bago mag-deliver ay

tiyaking may gasolina sila para

mai-deliver sa oras ang order ng

cusomer? Alam mo ba kung

ano’ng perwisyo ang ginawa ninyo

sa akin? Isa pa, bakit ako ang

tatanungin mo kung ano ang ga-

gawin mo?

Hind i ba

dapat ikaw

ang mag-isip

kung ano ang

gagawin mo

dahil prob-

lema ninyo

‘yan?”

“Ma’am... ang ibig ko pong

sabihin, ano po ang pwede kong

gawin para po mawala ang galit

ninyo?” ”Kung ang gusto mong

marinig ay hingian kita ng libreng

meal kapalit ng malaking stress

ko sa umagang ito dahil sa inyo,

hindi ko gagawin! Hindi kayang

palitan ng kahit pinakamahal nin-

yong pagkain ang pagsira ninyo

sa umaga ko. Ayusin na lang

ninyo ang trabaho at ang

pagseserbisyo ninyo sa tao.

Gawin ninyong totoo ang iniyaya-

bang ninyong Jollibee Delivery: 30 Jollibee Delivery: 30 Jollibee Delivery: 30 Jollibee Delivery: 30

MINUTES GUARANTEED!MINUTES GUARANTEED!MINUTES GUARANTEED!MINUTES GUARANTEED! O kaya,

tanggalin na ninyo ang salitang

guaranteed kung hindi naman pala

ninyo magagarantiyahan na maka-

pagde-deliver kayo sa takdang

oras!” Ibinaba ko ang telepono at

hindi na hinintay ang mga sasabihin

pa ng kausap ko.

Pumasok si EJ nang hindi nakapag-

almusal, walang

laman ang

kanyang tiyan

ngunit may maya-

mang karanasan

mula sa paborito

niyang bahay-

kainan. Na hindi

pala kami laging magiging jolly kay

Jollibee. Na hindi pala namin laging

maaasahan ang Joll ibee sa

panahong kailangan namin ang ser-

bisyo nito. Higit sa lahat, napatuna-

yan naming muli na hindi palaging

totoo ang mga pangako sa mga ad-

vertisement at hindi dapat umasa na

sa tuwina ay makapagde-deliver ang

mga ito nang maayos na serbisyo.

Habang pasakay ng school service,

nakita kong kinakapa-kapa ni EJ sa

bulsa ang perang iniaabot ko pambili

ng baon niya. Habang ako naman ay

nangangako sa sarili na hindi na

muling mangyayari ang naranasan

namin sa umagang ito! Hindi na ako

aasa pa kay Jollibee! ~~~

10 Tomo 4, Bilang 2 ISSN 2094-9332

tuturo rin ng kagandahang asal na napaka-

halagang salik upang maging isang

mabuting mamamayan ang lahat ng mag-

aaral. Kung kaya naman dahil sa nagtuturo

ang guro ng kabutihang asal marapat

lamang na siya ang maging modelo ng mag-

aaral. Paano kaya kung nagtuturo

ka ng kalusugan tapos isang

pagkakataon na makikita ka ng isa

sa mga mag-aaral mo na ikaw ay

naninigarilyo. Isang malaking usa-

pin ang moralidad at dignidad sa

mga guro. Ngunit paano mo ito

masusukat? Ang bawal umibig sa mga mag-

aaral, at bawal magpaligaw sa isang es-

tudyante mo. Kung kaya't makikita ang lahat

ng mga gabay sa Code of Ethics ng mga

guro. Subalit sinasabing ang guro ang pin-

akamatalino sa lahat. Dahil walang ibang

propesyon kung wala ang guro. Sinong

magtuturo sa mga doktor, inhinyero, abo-

gado at sa lahat kung hindi ang guro lang.

Kung kaya't hindi sapat na ikahon ang guro

sa isang estruktura na nais ng mga mama-

mayan dahil hindi naman ang mga guro ay

maituturing na perpekto. Tao rin sila na

maaaring magkamali at maaaring gumawa

ng kalokohan. At hindi dapat agad na

husgahan.

Ang pagsunod sa agos ng panahon

bilang isang makabagong guro.

Panahon na nga ng modernisasy-

on at globalisasyon. Sapat ba ang guro na

maging modernisado at maging globalisado

upang matuto ang mga mag-aaral?

Marami nang binago sa sistema ng

edukasyon kung dati- rati'y sapat na

ang gumamit ng Manila paper at Pentel

pen para sa visual aids at kung walang

pambili at matipid ang guro ay ang

m g a p i -

nag lumaang

ka l enda r yo .

Ngunit ngayon

d a p a t a y

marunong ng

gumamit ng

kompyuter upang makagawa ng Pow-

erpoint presentation at kung anu-ano

pang kakaibang paraan ng pagtuturo.

Kung dati rati'y hirap na hirap ang mga

guro sa paggawa ng mga malamasus-

ing banghay aralin ngayon ay mas

pinadali at mas pinagaan. Maaaring

ang ilang paaralan ay modyular na ang

paraan.

Maganda nga ang nangyayar-

ing pagbabago sa sistema ng paaralan

at edukasyon, subalit akma ba ito sa

lahat ng paaralan sa buong bansa.

Kung nasanay ka nung nag-aaral ka

pa na gumamit ng mga makabagong

paraan ng pagtuturo at kagamitang

pangteknolohiya, paano naman kung

walang gamit na ganito sa paaralang

iyong pagtuturuan. Katulad pa rin ng

dati, sikip ang mga mag-aaral sa loob

ng silid-aralan. Walang sariling silid

Iba’t Ibang Hamon...mula p. 7

dahil tatlong klase ang nag-aagawan sa

kwarto ninyo sa buong maghapon. Halos

tumagaktak na ang iyong pawis dahil sa

maliliit na bintana at malas pa kung

umuulan na maaring magbaha ang in-

yong silid dahil sa mga butas nito sa bu-

bong. Ang laging pagkagalit ng iyong

nanay dahil sa kalawangin mong damit

dahil sa pag-upo mo sa upuan na ilang

anay o kalawang na lamang ay tila madu-

durog na ang iyong kinauupuan, ang

katakut-takot pa ay baka masugatan ka

pa nito at maging sanhi ng pagka-tetanus

at pagkabagok mo na maaring magdulot

pa ng inpeksyion. Sumasabay nga ang

guro sa mga pagbabago partikular sa

pagiging magaling ng mga guro gamit

ang iba't ibang paraan at estratehiya ng

pagtuturo sa pamamagitan ng pagdalo sa

mamahaling seminar at pagtangkilik sa

mamahaling mga aklat ng mga ma-

huhusay na guro subalit ang ilang

aspekto naman kaya ng sistema ng

edukasyon ay nagbago na? ~~~

11 Alinaya

Sundan sa pahina 13

Ang Kapal ng Mga Kuwento: Mga Pakiwari at Pagsusuri sa Tatlong Kuwento ni Nonon Villaruz Carandang

ni Prop. Kristian Sendon Cordero

“Makakapal” ang mga kuwentong Trilohiyang

May Bahid Ng Paniniwala At Mantsa Ng Mga Aral

Sa Kaluluwa (Mga Kuwentong Pinagpala Sa Bilin

Nina Gautama, Kristo at Mohammed), Dalit Sa

Kababaihan Ni Europa/Sa Europa at ang Bente

Kuwatro Oras ni Nonon V. Caran-

dang. Maitatanong natin: Saan nagmumula ang

“kapal” ng mga kuwento? Ito ang nais kong

bigyang pansin bilang panimulang pagpapahayag

sa naging pagdulog sa mga kuwento ni Caran-

dang.

Negatibo ang agarang pag-unawa natin sa

kakapalan ng isang tao, ang pagkakaroon ng

makapal na mukha ay maaaring maunawaan

bilang kawalang-hiyaan, pagiging insensitibo, o

ingrato. Ngunit bakit Panginoong Maykapal ang

tawag sa Diyos? May palagay ako na kaya tina-

tawag na Poong Maykapal ang Diyos dahil mara-

hil alam niya ang lahat ng kuwento natin o dahil

kumakapal na ang Diyos dahil sa dami ng

kuwento natin tungkol sa kanya. Sa dahilang ito

naniniwala ako na maaaring magbago rin ang

kahulugan ng “kapal” kung gagamitin ito bilang

pamamaaraan ng estetikong pagtingin sa isang

akda, dahil ang “makapal” na akda ay nangan-

gahulugang mayaman at komplikadong naratibo

na higit na magpapasalimuot at magpapakapal sa

nasabing teksto. Layered, may texture, ika nga.

Ganun pa man, maaari ring unawain

na ang kapal na tinutukoy ko ay ang

“kapal” ng relihiyon, mito at oras, sa

kung paano may kapangyarihan ang

tatlo na magdikta sa daloy ng ating

mga buhay.

Sa tatlong kuwento ni Caran-

dang, tatalakayin ko ang tatlong

“makakapal” na teksto ng relihiyon,

mitolohiya, at oras, na higit niya pang

pinakapal sa pamamagitan ng

kanyang iba’t ibang pagdulog sa pag-

sasanaratibo.

Ang Kapal ng Relihiyon

Sa kuwentong Trilohiya mapapansin

kung paano nagsasalikop ang mga

abstraktong katuruan at batayang

paniniwala ng tatlong pinaka-

matandang relihiyon, ang Budhismo,

Kristiyanismo at Islam at ang mga

kuwentong kumakaharap sa mga

masasalimuot na hamon ng lungsod

at kung paano ito nakakaapekto sa

mga partikular na buhay na nanahan

dito—ang pagdagsaan ng mga

makabagong malls at department

store at ang pagbubuntis ng apo sa

unang kuwento; ang kamatayan ng

anak ng mag-asawang Marita at Ben

at ang pagkakalulong sa sugal at alak

ng huli samantalang umaasa naman

ang babae sa tulong at ginhawa ng

kanyang debosyon sa Nazareno, ang

poon sa Quaipo, at ang exodus ng

mag-ina sa Mindanao upang magsim-

ula ng panibagong buhay sa Maynila

kimkim ang lakas ng loob at pangarap

ng makapuntang Mecca.

Paano kung ang domestikong

pangyayari o ang galaw ng ating mga

buhay ay ibinabatay o nakabatay na

pala sa wika ng relihiyon? Paano kung

may arketipal na awtor, isang dilat na

mata sa anyo ng mga batas at doktri-

na na gumagabay sa ating pagtahak,

sa ating mga kuwento, sa ating mga

buhay? Paano kung nabubuhay tayo

sa anyo ng dating mga buhay?

Tunay na malaking hamon ang

ganitong pag-aangkop lalo pa’t may

taglay ng kanya-kanyang bagahe ang

mga relihiyong ito. Kinakailangan ang

masinop na pagbabaybay sa kasaysa-

yan ng relihiyon upang panatilihin ang

integridad ng naratibo. Kailangan ng

mabusising pagbabasa sa Trilohiya na

parang ang kuwento mismo ang

nagpapaliwanag sa doktrina, na ang

mismong kuwento ay nagiging bahagi

ng doktrina. Dahil dito, kumakapal ang

kuwento dahil sa layunin nitong bigyan

ng mga kuwento at interpretasyon ang

12 Alinaya

Kagila-gilalas na

Pakikipagsapalaran ni Dr. Maria Fe E. Gannaban

KUWENTONG MAYNILA

Sundan sa pahina 13

Pagputok ng araw. Dali-dali kang buman-

gon at ginawa ang mga gawain na dati mo

nang ginagawa, bahagi ng pang-araw araw

na pamumuhay, minsan di na kailangang pag-

isipan. Pagkatapos, handa ka nang makipag-

sapalaran. Pumila sa pulutong ng mga tao

patungong EDSA. Sa dyip pa lang, ang haba

na ng pila. May mga dumidiskarte. Kunwari

makikipag-usap sa kaklase noong hayskul.

Biglang magiging close kahit dati ay hindi

naman, FC agad (feeling close) para makas-

ingit sa pila. May magtatanong kunwari sabay

pila. Ika nga, para-paraan. Hay, salamat, ikaw

na ang susunod magbayad sa pila kaya lang

wala pang kasunod na dyip. Pagkatapos pu-

mila nang matagal, di pa rin makakasakay.

Hintay uli. Ayan, dumating din ang dyip. Bumi-

yahe. Isang oras na nakipagbuno sa

kahabaan ng express way. Parang slow lane

ang dinaanan, dahil ang traffic jam bahagi na

ng pang-araw-araw na buhay sa Mega Ma-

nila. Holiday at laban lang ni Pacquiao ang

maaaring mag-alis ng sumpang ito sa Metro

Manila.

EDSA na. Simula na ng kagila-gilalas na

pakikipagsapalaran. Pagkatapos tsekin ang

bag, umakyat ka na ng hagdan dahil mas

mabilis pang maghagdan kaysa mag-elevator

kasi kailangan pang buhusan ng agua bendita

ang elevator para lang gumana.

Tumambad sa iyong harapan ang

sandamakmak na tao. Normal na

panginorin. Kailangang sumiksik

dahil kung hindi maiiwan ka. Di ka

sigurado kung sasakto ang pwesto

mo sa pinto ng LRT depende kasi

kung ba-

go o luma

a n g

masasky-

an mo.

K u n g

b a g o ,

m e d y o

umurong-urong pakanan kasi mas

malaki ang pinto nito at mas ma-

haba, bukod sa burado na ang yel-

low lane para sa lumang LRT, di rin

naman ito epektibo. Weeeeennngg!

Weenggg! Weenng! Parating na

siya. Humanda ka na! Kung kinaka-

bahan ka pag may nagawa

kang kasalanan at natataranta ka

dahil sa adrenalin rush, pwes, ibang

experience itong sa LRT. Di mo na

kailangang pag-isipan kung bakit

bigla kang pinagpapawisan nang

malamig. Kahit may airconditioner

sa loob, balewala, parang props lang kasi

di mo maramdaman. Mas lamang ang

dami ng pawis na lumalabas sa iyo. At

least, tanda iyon na healthy ka. Kung

bakit human instinct talaga ang survival.

Ayaw mong ma-late kaya humanda ka

na. Alisin mo na ang mga alahas mo

kahit di yan tunay, lalo na kung relo,

kwintas at bracelet. Mahigpit ang pa-

ghawak sa bag dahil kung hindi baka

mapunta sa kamay ng iba. Kung ang pal-

da mo sa likod ang slit maaaring mapunta

iyan sa ibat’ibang ibang direksyon. Pwe-

deng sa harap ma-

punta, 360˚ ibig

sabihin wagas na

wagas ang siksikan,

tinalo pa ang mga

binebentang sar-

dinas ngayon, kasi

kahit papaano sa

lata ng sardinas may space pa, pero sa

LRT, paghinga mo lang ang pagitan.

Pwede ring mapunta sa left wing at right

wing ang palda mo lalo na’t maluwag-

luwag ang pagkakadikit sa baywang mo.

At kung isang dangkal lang ang haba ng

slit ng palda mo may posibilidad na mag-

ing isang dipa ang haba niyan, daig mo

pa ang nagahasa dahil sa tindi ng siksi-

kan sa loob ng LRT. Kung lima ang

butones ng damit mo, mapalad ka kung

kumpleto pa rin yan sa pagbaba mo.

Nangyayari lang naman iyan kapag hindi

13 Tomo 4, Bilang 2 ISSN 2094-9332

rush o peak hours. Hindi mo na rin

kailangang maglingkod sa Rajah para

maging uripon, kasi sa loob pa lang ng

LRT para ka na ring uripon, alipin ka ng

mga katawang pilit pinagkakasya ang ka-

tawan sa de-kahon sasakyan. Literally,

pilik mata lang ang pagitan ng bawat isa sa

loob ng LRT. Ang hininga ng katabi mo ay

baka maging hininga mo na rin, isipin mo

na lang exchange gifts, tutal malapit na rin

ang ’ber. Hindi

mo na rin

k a i l a n g a n g

ihakbang ang

paa mo para

makapasok sa

loob dahil may

napakalakas

na kapangyari-

hang mag-

tutulak sa iyo para makapasok. Ipikit mo

na lang ang mata mo, mag-daydream san-

dali o isipin mo kung paano makakarating

nang buhay sa opisina ninyo at magmumu-

kha ka pa ring sariwa at hindi magmumu-

khang pasas na kahit El Niño mapapahiya

sa hitsura mo. Sa pagbaba, kailangan

lumapit-lapit ka na sa pinto kahit isang

istasyon pa ang pagitan para bumaba ka.

Dahil kung hindi, malamang maiiwan ka

dahil segundo lang ang binibilang para

magsara agad ang pinto, ang masaklap

baka maipit ka pa sa pinto dahil sa pag-

mamadali sa pagbaba. Isang kahiya-

hiyang eksena, pero ang totoo, mas kaawa

-awa, kasi ang sakit na sinapit sa pagka-

kaipit ay para kang ginunting pero hindi

nagupit. Mahirap isipin kung paano ka

makakalabas sa sobrang siksikan kasi

kahit maghulog ka ng karayom may matu-

tusok pa ring tao kasi nga, walang pagitan.

Buti na lang nagiging flexible ang katawan

ng tao pag siksikan, parang lobo lang,

pwedeng mag-

inflate at mag-

deflate.

Hah! Vito

Cruz na! Buti

na lang medyo

maiks i - iks ing

istasyon lang

ang pinagtiis

mo. Bigla mong

naiisip, paano pa kaya ang paghihirap

noong mga naiwan pa sa loob ng LRT.

Kung sabagay, lahat naman may kawa-

kasan.

Pero kung iisipin, sa kabila ng

kagila-gilalas mong pakikipagsapalaran sa

LRT, marami ka pa ring dapat ipagpasala-

mat. Una, pamalit ito sa ehersisyo,

masarap danasin ang sensation ng adren-

alin rush, at exciting ang buhay dahil sa

LRT. Huwag na lang sanang madagdagan

pa ang madudugong insidenteng nagaga-

nap sa LRT. ~~~

mga katuruan ng mga estabilisadong

relihiyon at kung magkagayon, nabu-

buhay tayo sa mundong may mga nama-

mayani at naisasakatuparang kaayusan at

kaisipang nagpapagalaw sa ating mga

buhay, naniniwala man tayo, o hindi. At

“makapal” na kuwentistang si Carandang

sa pagtatangkang igiit ang kanyang na-

ratibo sa pagitan at puwang ng mga

katuruan ng tatlong nasabing relihiyon.

Sa kuwentong Trilohiya kapansin-

pansin ang dominanteng pagkilos ng mga

tauhan tungo sa kanilang kamatayan. Sa

panimula pa nga lamang, binubuksan ang

kuwento sa “Liham ni Lolo”, at kung

paano umiikot at pinaiikot ang kanilang

mga buhay sa matinding pangungulila sa

patay. Samantalang ang kasunod na da-

lawang kuwento, mapapansin na sa

pamagat pa lamang, “Ang Panata Ni Ta-

tay”, makikita na nagmumula ito sa per-

spektiba ng patay, ni Maryben, ang nama-

tay na anak nina Marita at Ben, habang

sa kuwentong nakabatay sa mga haligi ng

Islam, “Ang Pangako ni Kuya” nag-

bubukas ang naratibo sa isang engkwen-

tro ng mga rebeldeng Moro at militar at

kung paano ang dahas at ang mga patay

ang nasisilbing “agahan”, ang nag-

bubukas ng araw, ang simula ng adbentu-

ra ni Kaleb, mula sa kanyang pagbaba

mula sa kagubatan hanggang sa pagtun-

Kagila-gilalas na… Mula sa p. 12

Sundan sa pahina 14

Ang Kapal… Mula sa p. 12

Alinaya 14 Alinaya

Sundan sa p. 15.

go nila ng kanyang ina sa Maynila at kung

sa paanong paraan ay namatay rin naman

siya sa kamay ng parehong mga ele-

mento—ang nilalaban na gobyerno. Ito

kaya ang kabalintunaan ng tadhana ng

pagiging Muslim na sa kabila ng turo

tungkol sa kapayapaan ay namatay si

Kaleb sa dahas?

Sa pagtangkilik sa mga patay sa narati-

bo ng kuwento at kung paano naiiwan at

nalulugmok sa pangungulila, kawalang-pag

-asa at pagbabagong-buhay ang mga ini-

wanang buhay, umiinog ang diskurso ng

pangangailangan upang itaguyod ang mga

relihiyon na sentral ang paniniwala sa mga

patay. Ito ang unang relihiyon, ang maniwa-

la, maliban sa mga naiiwang mga labi. Bin-

abagtas ng mga patay o maaaring nanatili

lamang sila sa pagitan ng ating mga pag-

idlip at panaginip, sa ating mga pagdilat at

pagmulagat dahil hindi natatapos ang

kuwento sa kamatayan. Tiyak at malinaw

a n g

k a t u r u an

sa kung

p a a n o n g

ang mga

patay na

ito, tulad

nina Bud-

dha, Kristo

(sa kabila

ng panini-

wala sa

muling pagkabuhay) at si Mohammad, ay

patuloy at sila nga naman talaga ang

nagpapaikot sa buhay ng mga buhay. Ito

ang bisa ng relihiyon.

Sa pagbasa sa mga kuwentong naka-

paloob sa Trilohiya, tinangka ni Carandang

na bigyang buhay ang mga katuruan at

katuturan ng relihiyon, nang walang sapili-

tang pagpapaliwanag o interpretasyon sa

alinmang utos o doktrina ng tatlong siste-

ma. Mapapansin din na may mga malakas

na suhestyon ng mga pagiging relihiyoso

lalo na sa kuwento patungkol sa Kristi-

yanismo, (ang simbahan ng Quaipo, ang

panata ni Marita, ang mga relihiyong

imahen at ang inaasahang pagbabagong-

loob ni Ben) at ang patungkol sa Islam

(ang paglikas sa panahon ng Ramadan,

ang kamatayan sa mosque, at ang pan-

garap na makapunta sa Mecca) at

matagumpay itong nagamit ni Carandang

upang bigyan ng kuwento at pag-

sama-samahin ang mga ito tungo

sa isang dramatikong aksyon at

katapusan ng mga pag-iisa, (ang

nagsasalita sa liham, si Lolo; si

Ben; at ang nanay ni Kaleb) na

sentral din naman sa katuruan ng

tatlong relihiyon na bagaman nar-

iriyan ang ating mundo, ang mga

estrukturang nakapaloob dito ka-

bilang na ang relihiyon na nanatil-

ing napakarupok ng tulay na

umuugnay sa ating mga buhay

at kanilang mga patay.

At kung susugan ang huling mga

pangungusap na sinabi ng matandang

mongha sa nobelang The Bridge of San

Luis Rey ni Thornton Wilder, “But soon

we shall die and all memory of those five

will have left the earth and we ourselves

shall be loved for a while and forgotten,

but the love will have been enough; all

those impulses of love return to the love

that made them. Even memory is not

necessary for love. There is a land of the

living and a land of the dead and the

bridge is love, the only survival, the only

meaning.”

Maaaring ganito rin ang takda na

nasa kapalaran ng ating mga buhay, at

kung kaya ito rin ang dahilan ng ating

mga paniniwala sa gitna ng pangungulila

sa unang kuwento, ng pag-asa at panata

sa kabila ng insensetibong lungsod sa

ikalawang kuwento, at bilang paniniwala

sa kapayaan na inuusal bilang dasal sa

huling bahagi ng kuwentong Trilohiya.

Sa huli, masasabi na ang relihiyong

nag-uugnay sa mga buhay at patay sa

kuwentong ito ay siklo ng mga kuwen-

tong magtutuloy-tuloy pa rin at ang

silakbo na nakapaloob sa mga tauhan ni

Carandang na tila inabandona ng kanil-

ang mga diyos.

Ang Kapal… Mula sa p. 13

15 Tomo 4, Bilang 2 ISSN 2094-9332

Sundan sa pahina 16

Ang Kapal ng Mito

Hindi na ako masyadong nahirapan

na tingnan ang ikalawang kuwento gam-

it ang preliminaryong nosyon ko ng

pagpapakapal sa kuwento gamit ang

mga istrukturang naririyan ngunit

nanatiling abstrakto o malayo, o mga

matulaing pahayag lamang katulad ng

mga kataga ni Kristo sa bundok, ang

mga aral ni Buddha at ang mga rebela-

syon at doktrina sa Islam. Sa ikalawang

kuwento, ang Dalit Sa Mga Kababaihan

Sa/Ng Europa, higit kong napatanuna-

yan ang sinususugan estilo ng prosa ni

Carandang at ito ang pagpapakapal ng

sa mga dati nang naririyan at pagbib-

igay ng panibagong pagbasa sa pama-

magitan ng paglapat ng isa pang narati-

bo mula sa isang makapangyarihang

naratibo—ang mito. Kung relihiyon o

a n g D i y o s a n g a w t o r

sa Trilohiya, sa Dalit, ang mga mito ng

mga bansa sa Europa ang ginamit na

saligan upang isalaysay ang mga

kuwento ng mga kababayang nakikipag-

sapalaran sa matandang kontinente.

Makapal nga si Carandang bilang

kuwentista dahil pinursige niyang ilagay

ang sarili sa posisyong hindi kayang

pangatawan ng mga segunda-manong

kuwentista. Makapal si Carandang dahil

nagawa niyang pakialaman ang mga

mitong banyaga at isalikop ito sa mga

karanasan ng kababaihan natin na tulad

ni Europa ay patuloy ring bihag sa nama-

mayaning mga estruktura.

Masasabi pang katangi-tangi ang gani-

tong hakbang ng pagsasanaratibo ni Ca-

randang, dahil iginigiit din nito na ang

kabalintunaan na kasabay ng desisyong

manirahan sa lugar ay ang pagiging ba-

hagi na rin

ng mga mito

ng nasabing

lugar at ang

mga mitong

ito na rin

ang mag-

tatakda ng

anong uri

ng buhay

ang gugug-

ulin mo sa

n a s a b i n g

banyagang lugar. Marahas kung gayon

ang mga mitong ito dahil ikinakahon nito

ang ating mga buhay. Magkatumbok ang

kuwento ng mga mitikal at historikal na

karakter at ang mga kasakuluyang mga

OFW sa Europa. Sa madaling sabi, may

mga makakapangyarihang kuwento na ang

nagtatakda ng ating mga kuwento at

makikita nga ang ganitong suhestsyon

sa Dalit.

Sa kabilang banda, maaari ring sabihin

na ang estilong pinili ni Carandang ay ang

pagwasak mismo sa gahum ng mga ban-

yagang mitong ito at dahil sa pagpasok sa

naratibo tungkol sa karanasan ng mga kab-

abaihan mula sa Filipinas, pagkatapos na

saliksikin at isalin ito ni Carandang sa

wikang Filipino, higit na kakapal ang mga

nasabing banyagang mito.

Inaangkin, kung gayon, ang ganitong

mga mito bilang bahagi rin ng mga kuwento

ng ating mga

kababayan. At

mula sa mga

mitong ito at sa

mga kuwento ng

p a k i k i p a g -

sapalaran, mula

sa mga buhay-

pag-ibig at mga

hamon sa Euro-

pa, muling humi-

h i n g a a n g

parehong narati-

bo, binubuo ng isang kuwento ang isa pang

kuwento, ipinapaliwanag kung bakit may

pagkakatulad, may disenyong sinususugan

ang daloy ng naratibo, muling ibinabalik ang

sumpa ng guho sa mga kuwentong ito, sa

mga hindi nasabi, sa mga hindi maaaring

ikuwento lalo pa’t sa huling bahagi may

pagkumpisal na ginawa ang kuwentistang si

Carandang sa naging udyok at dahilan ng

pagkakasulat ng Dalit. Sinabi niyang ibin-

unga ang gayong mga kuwento mula sa

kanyang personal na paglalakbay at pakiki-

tungo sa ilang mga nakilala sa Europa.

Ang Kapal… Mula sa p. 14

16 Alinaya

Mangyaring ganyan talaga marahil ang

disposisyon palagi ng manunulat, ang

makapagtala, ang maitala ang karanasan

at ang pakikidaupang-palad sa kadahi-

lanang sa ganitong pagpapakapal lamang

ng mga kuwento, sa mga pagsisiwalat ng

mga detalye at ng mga

interbensyon o paglalaro

ng ating imahinasyon, sa

mga pagbabakasaling ito,

nararamdaman muli natin

ang ating mga pagkabuo,

a n g k a w a l a n g -

kapangyarihan ng mga

itinakdang katotohanan sa

atin ng mga namama-

yaning sistema o ng tinatawag na reyali-

dad. Ito marahil ang kapangyarihang ta-

glay ng mga mito at kung paanong nanatil-

ing mga masaganang balon ito na

maaaring mapaghalawan o maging sandi-

gan ng ating mga kuwento.

Sa mga kuwento ni Carandang, muling

tumatalab sa akin ang sinabi ni Mario Var-

gas Llosa na “The Truth of Lies” sinabi

niya na “The fantasy that we are endowed

with is a demonic gift. It is continually

opening a gulf between what we are and

what we would like to be, between what

we have and what we desire. But the im-

agination has conceived of a clever and

subtle palliative for this inevitable divorce

between our limited reality and our bound-

less desire: fiction. Thanks to fiction we are

more and we are others without ceasing to

be the same. In it we can lose ourselves and

multiply, living many more lives than the

ones that we have and could live if we con-

fined to the truth, without escaping from the

prison of history.”

Sa pamamagitan ng mga gina-

wang pagpapakapal sa mga mito

ng Europa, higit na pinalusog ni

Carandang ang mga naratibong ito

at inilapit ang mga kuwentong ito

sa modernong pakikipagsapalaran

ng ating mga kababayan na patu-

loy na tinatahak ang kanilang saril-

ing mga naratibo, ang kanilang

mga pagkabigo’t tagumpay, ang mga pan-

gako ng kasaganahan samantalang nag-

didildil sa gitna ng lamig, ang pangungulila at

ang kamatayan, mga kababayan at kapwa

natin, na ikinakahon rin naman natin sa mito

ng pagiging mga bagong bayani.

Ang Kapal ng Oras

Sa ikatlong kuwentong may pamagat na

Beinte-Kuwatro Oras, ginamit ni Carandang

ang oras upang ilahad punto por punto ang

naratibo sa loob ng isang araw. Hindi nauna

si Carandang sa estilo ng ang paggamit sa

estruktura ng oras upang ihayag ang isang

kuwento. Kinakasangkapan na noon pa ang

kosmikong galaw ng araw at buwan sa loob

at labas ng kaledaryo, ang pagpapalit ng

oras, o maging ang kaayusan ng matemat-

ika ay nagamit na parang ipahayag ang

naratibo. May kuwento sa pagitan ng

mga pagpapalit ng panahon, at totoo, na

itinatakda nga mismo ng panahon ang

mga kaganapang bumubuhay sa narati-

bo o sumusuplong sa mga tauhan para

maisakatuparan ang isang pangyayari

sa kuwento. May mga temang nakapa-

loob sa kanya-kanyang oras at

panahon, at kinakasangkapan ang

panahon upang higit na pakintalin ang

pisikal na espasyo na tagpuan ng

kuwento hanggang sa panloob ng kala-

gayan ng mga tauhan. May lungkot sa

panahon ng taglagas, may sigla sa tag-

araw, may kamatayan sa taglamig, at

may pangako sa tagsibol. May araw ng

pagdating ng piyesta at karnibal, may

anihan, may bagyo at lindol nang nag-

simula ang kuwento o may nakatakdang

pagsabog ng bulkan kasabay ng mga

namumuong galit at siphayo sa mga

karakter. May ganoong interbensyon

lagi ang panahon sa galaw ng naratibo.

Kakaiba naman ang naging estilo ng

kuwentistang si Eli Guieb III sa kanyang

kuwentong Horoscope, kung saan na-

pagtagni-tagni niya ang buhay at nai-

kuwento ito sa pamamagitan ng pag-

tunghay at dukhay sa mga karakter na

nasa loob ng pinaniniwalaang kapalaran

at nakatakdang mangyayari. May iba

Ang Kapal… Mula sa p. 15

Sundan sa pahina 17

17 Tomo 4, Bilang 2 ISSN 2094-9332

ring paglansag sa anyo ng naratibo ang mga

unang kuwento ni Roland Tolentino kung

saan ginamit ang mga tabloid items, mga

showbiz entries upang sulsihin ang mga ito at

gawing karayom na magtatastas sa mga ki-

nasanayang pagtingin sa pagkukuwento. Sa

mga ganitong pagkilos, nakikita ko ang tat-

long kuwento ni Carandang kung paano nito

hinuhulma ang kanyang mga naratibo sa

estruktura ng aral at doktrina ng relihiyon,

naratibo ng mga popular na salaysay at mito,

at ang pagkakasunud-sunod o ang lohika ng

oras.

Aaminin kong itinuturing ko na ng Beinte

Kuwatro Oras ang tinitingnan kong pin-

akamagaan sa tatlo, dahil marahil sa uri ng

wika na ginamit at sa temang pinili, na pu-

mapadron sa usapin ng madaliang

pangyayari sa pagitan ng dalawang taong

parehong may nakasubasta ng atraksyon. Sa

paglipas ng mga oras, gagalaw ang kanilang

mga katawan patungo sa isa’t isa para sa

pinakahihintay na dulo ng kuwento na mag-

tatatapos sa isang reyalisasyon at ang pag-

tanggap sa nalaman, dahil ihahayag sa dulo

ng kuwento na isang transgender ang pumu-

kaw sa atensyon ni Mr. Pabling na nagde-

sisyong maghintay sa muling pagbabalik ng

kanyang Marites.

Ilang tanong: Paano pinakapal ng

kuwento ang elemento ng oras? Anong mga

pagbabalikwas sa naratibo ang ginawa ni

Carandang? Nasa anyo ba ito ng kuwento

mismo o sa uri ng kuwentong kanyang

isinalaysay?

May pakiwari ako na bagaman may

ganitong uri ng gaan ang naratibo ni

Carandang sa Beinte Kuwatro

Oras, naroroon din sa gaang iyon ang

birtud ng nasabing naratibo. Sapagkat

hindi lamang binibigyang komentaryo ni

Carandang dito ang relasyong namagi-

tan kina Marites at Joey, kundi maging

kung paano pinakikilos ang ganoong

mga katawan sa loob ng mga edipisyo at

gusali sa gitna ng lungsod sa loob ng

beinte kuwatro

oras. Mabilis

a n g m g a

pangyayari da-

hil ito ang oras

sa lungsod,

ngunit sa isang

banda, ito rin

ang oras ng pag

-ibig at ipina-

pakita nga dito kung paano tayo umiibig

sa loob ng beinte kwatro oras ng lungsod

kung saan ang lahat ay parang tuma-

tahak sa naratibo ng susunod na balita

sa susunod na araw. Kaya ang tanong

ko sa pagbabasa ng kuwentong ito—

“Nasaan ba ang mga buhay natin, ang

mga pakikipagsapalaran natin kung lahat

tayo ay nasa rehimen ng oras ng lung-

sod?“ Ang oras na pinapatakbo ng mga

alarm clocks at appointments, ang happy

hour at primetime, ang oras ng mga holi-

days at paydays.

Mapapansin ang ganitong takbo ng

oras sa lungsod mula sa sistematikong

galaw sa loob ng opisina hanggang sa

kung paano sina Joey at Marites

lumabas mula sa kuwebang iyon upang

samahan at kumpirmahin ang kanilang

pakiramdam sa isa’t isa, pakiramdam na

binuo at pinag-ipunan ng atensyon at sa

loob ng beinte kuwatro oras ay na-

katakda nang bigyang pag-iral bago pa

ang mu l i ng

pagh ih iwa lay .

Kung kaya sa

huli, nakuha nina

Joey at Marites,

o nanakaw nila

ang panahon na

sa kan i lang

lamang, kung

kaya sa pagtata-

pos ng kuwento, nagawang tumalilis ni

Marites upang tumungo sa isang bagong

lugar, sa isang bagong oras saman-

talang si Joey na nanatili sa lungsod ay

may pagbalikwas din na gagawin dahil

ang kanyang mga susunod na araw ay

hindi na iikot sa beinte kuwatro oras ng

lungsod, nasa panahon na siya ng

paghihintay at ito ang oras ng pag-ibig.

Ang Kapal… Mula sa p. 16

Sundan sa pahina 18

18 Alinaya

Sa naratibo ni Carandang, nilansag niya

ang oras ng lungsod at pinakapal ito ng oras ng

pag-ibig. Pansinin na makikita ang galaw ng

oras bilang galaw rin ng mga tauhan, mula sa

isang araw na magbubukas ng alas-otso hang-

gang sa mga madaling araw na pakikipagtalik

at paghihiwalay, at ang pag-asa nang muling

pagkikita, balang araw. Nilalampasan na nito

ang oras ng kaledaryo at relo dahil iba na ang

nagiging sukatan ng layo, ng tagal, ng bigat.

Ika nga ng makatang si Jerry Gracio, “Ang

paghihintay sa minamahal ay sintagal lamang/

ng kakayahan ng pusong magpatuloy sa pag-

tibok.”

Sa kabuuan ng tatlong kuwento, masasa-

bing humihiram o ginagamit ni Carandang ang

mga estruktura ng relihiyon, mito at oras at higit

niya pa itong napakapal sa pamamagitan ng

bisa at gaan ng kanyang mga naratibo. Baga-

man masasabing mala-melodrama ang ilan sa

mga eksenang, mahinahon namang naitawid ni

Carandang ang mga ganitong tagpo upang

higit na palitawin ang ubod ng kanyang narati-

bo, na pinapatunayang walang nasasayang na

detalye kung mahusay ang paglalahad nito sa

pinakapinong paraan ng pagsasalaysay na

higit na nagpapakapal sa mga kuwento.

Pansinin kung paano nga

naman ipapadala ang liham ni Lolo

sa kabilang buhay, at saan maka-

karating ang bandanang pinalipad sa

Eiffel Tower? Hindi ba’t pamilyar na ang ka-

matayan sa istasyon ng tren ng dalawang la-

laking nagpatihulog sa tren habang ipina-

pahayag ang pag-ibig kay Susan? Anong

suntok sa dibdib ang kamatayan ni Mari-

ta kasabay sa paggunita ng kamatayan

ng Nazareno? O ang duguang katawan

ni Kaleb sa mosque at ang pagkatigagal

ng kanyang ina sa sulok? Sa ganitong

mga pangyayari tinapos at binuo ni Ca-

randang ang kanyang mga kuwentong

bumabasag sa kumbensyonal na pag-

tingin sa naratibo at muli’t muli ipina-

pakita niya sa atin ang pananalig sa bisa

ng salaysay sa kung paanong paraan,

bagaman naroroon parati ang dahas ng

aksyon ng pangangalap at pakikinig at

pagsusulat ng mga kuwentong ito, ang

kuwento pa rin ang pinakamabisang in-

terogasyon sa mga uri ng buhay natin na

pinapagalaw ng relihiyon, mitolohiya at

oras.

Magkakasalikop o napapasaila-

lim ang ating mga buhay sa kapangyari-

han ng mga “maykapal” na ito, ang mga

kuwento ng relihiyon, ng mito, at ang

mga pangyayari sa araw-araw na itinutur-

ing nating reyalidad ang nagsisilbing mga

kodigo ng ating buhay, at tunay na

“nakakabato” ang katotohanang ipina-

pakita sa atin ng oras ng lungsod, ng

Ang Kapal… Mula sa p. 17

mga relihiyon at mitolohiyang hindi na

humihinga ng mga sagana’t sariwang

hangin ng interpretasyon, kung kaya

malaking bagay sa akin bilang mam-

babasa na sa pagkukuwento ni Ca-

randang muli kong nakita na maaaring

titigan ang mata ng reyalidad nang

hindi tayo nagiging bato, at ito’y sa

pamamagitan ng pag-awit sa ating

mga kuwento. Dahil ito ang bisa ng

mga kuwento, ng panitikan.

Muli, si Vargas Llosa: “Fiction en-

riches their existence, completes

them, and fleetingly, compensates for

this tragic condition which is our lot:

always to desire and dream more than

we can actually achieve. When it

freely produces its alternative life,

without any restraint other than the

limitations of its own creator, literature

extends human life adding the dimen-

sion that fuels the life deep within

us—that impalpable and fleeting but

precious life that we only live through

lies.”

Tala

Mario Vargas LIosa, Making Waves:

Essays, Farrar, Straus and Giroux:

1996.

Thornton Wilder, The Bridge of San

Luis Rey, Perennial Library: 1986.

Jerry Gracio, Apokripos, University of

the Philippines Press: 2006.

Seryeng Panayam Dr. Clemencia Espiritu, Pinasinayaan

Pinasinayaan noong ika-18 ng

Agosto 2011 sa Yuchengco 407, 9:40 n.u.

hanggang 11:10 n.u., ang Seryeng Pa-

nayam Dr. Clemencia C. Espiritu sa pa-

mamagitan ng lekturang “Alternatibong

Pagbasa sa mga Nobela ni

Jose Rizal: Ambag sa Peda-

gohiyang Pampanitikan” ni

Prop. David Michael San

Juan. Tampok sa nasabing

lektura ang diwa ng palu-

wag-tawa (sense of humor),

perspektibang relihiyoso,

Marxistang pagsipat at kon-

t e m p o r a r y o n g

kontekstwalisasyon ng “Noli Me Tangere”

at “El Filibusterismo” ni Jose Rizal.

Ang Seryeng Panayam ay taun-

taong isinasagawa ng Departamento ng

Filipino ng Pamantasang De La Salle-

Maynila. Dalawa ang pangunahing layunin

ng pagdaraos ng Seryeng Panayam. Una,

upang bigyang-pugay at parangal ang

mga dakilang edukador, makata, iskolar,

mananaliksik, manunulat, o sinumang

nagtataglay ng natatanging ambag sa

wikang Filipino, Araling Pilipinas, at Filipi-

nolohiya/Araling Filipino. Ang bawat pa-

nayam ay katumbas ng pagkilala at

pagpapahalaga sa napiling parangalan na

madalas ay iniuugnay sa likhang-sining,

pagdalumat, at iba pa ng pinararangalan.

19 Tomo 4, Bilang 2 ISSN 2094-9332

Pangalawa, upang mabigyang-daan ang

mga myembro ng departamento ng Filipi-

no na mabasa at maibahagi sa maraming

tao o sa mga tagapakinig ang kanilang

bago, natatangi, napapanahon, at maka-

buluhang papel o riserts. May mga pagka-

kataon naman na maging ang mga iskolar

mula sa iba’t ibang unibersidad ay naaan-

yayahan ding magbasa ng kanilang papel

sa serye.

Para sa taong ito, pinararangalan sa

Seryeng Panayam si Dr. Clemencia C.

Espiritu (†) dahil sa kanyang natatanging

kahusayan bilang isang iskolar, edukador,

manunulat, mananaliksik, at tagapag-

taguyod ng wikang Filipino. Hindi mata-

tawaran ang naiambag ni Dr. Espiritu hindi

lamang sa wikang Filipino kundi sa

larangan ng akademya sa pangkalahatan,

partikular sa mga proyektong edukasyong

pangwika ng DepED at CHED gaya ng

paglinang ng kurikulum at materyal pantu-

ro, pagpaplano ng mga patakarang

pangwika, at pagsasalin. Malaki rin

ang kanyang naiambag bilang isang

awtor, ko-awtor, editor, koordineytor, at

konsultant ng mga textbook sa lahat

ng antas.

Ang susunod na magbibigay

ng panayam ay si Dr. Ma. Fe Ganna-

ban sa paksang “Dalawang Kaso:

Kunwari o Halimbawa? Alin sa Dala-

wa? Sinong Siya? Tao o Bagay?” Ok-

tubre 5, 2011, Miyerkules, 9:40 n.u-

11:10 n.u, Tereso Lara Seminar Room.

KUNTIL�BUTIL

Si Dr. Clemencia Espiritu…

Tapos ng Ph.D. sa Linggwisti-

ka sa Philippine Normal University;

Dating koordineytor ng Research Unit

ng College of Languages, Linguistics

and Literature ng Philippine Normal

University; Naging tagapangulo ng

Technical Committee sa Filipino ng

Technical Panel for the Humanities,

Social Sciences and Communication ng

Commission on Higher Education

(CHED) at Pangalawang Tagapangulo

ng Committee on Language and Trans-

lation ng National Commission for Cul-

ture and the Arts; Naging pangulo rin

ng Pambansang Samahan sa Linggwis-

tikang Filipino, Ink.

pala, “Hell Week” (C38); Ikatlong

Gantimpala, Lasaligan (C39). Gina-

waran naman ng parangal sa pagka-

karoon ng pinakamahuhusay na

poster ang mga sumusunod: Unang

Gantimpala, “Agno” (A51); Ikalawang

Gantimpala, “Lasaligan” (C39); Ikat-

long Gantimpala, “Ate Xerox” (C38),

“Epal” (A53), at “Like” (A56).

Para sa mga estudyante na-

man ng FILKOMU, ginanap ang Pag-

sulat ng Sanaysay na sumunod sa

opisyal na tema ng Buwan ng Wika

sa pamantasan. Idinaos ito sa J110

noong ika-17 ng Agosto, 2011 sa

ganap na 1:00 n.h. sa pama-

matnubay ni Bb. Precious Tabernero,

Dr. Rita Aranda at Prop. Randy Din.

Sa Pasinayang Panayam

Clemencia C. Espiritu ay naglektyur

naman si Prop. David Machael San

Juan na may pamagat na

“Alternatibong Pagbasa sa mga No-

bela ni Jose Rizal: Ambag sa Peda-

gohiyang Pampanitikan” na ginanap

noong Agosto 18, 2011 sa Y407 sa

ganap na 9:40 n.u. Si Dr. Dolores R.

Taylan ang koordineytor ng nasabing

panayam.

Kinabukasan nito, Agosto 19,

2011 ay nagpasa naman ng kopya

ng 'Tulang Dagli o 'Text Tula' ang mga

piling estudyante ng FILKOMU,

FILDLAR, WIKAKUL at FILDUBS sa

William 401. Ang mga nagwagi ay

20 Alinaya

Buwan ng Wikang Pambansa, mula sa pahina 1

sina: Jomar de Leon (Fildlar C32),

Unang Gantimpala ("Panyo"); Mat-

thew Salegumba (Fildubs A51), Ikala-

wang Gantimpala ("Pawis"); at Shar-

maine Fernandez Siy (Fildlar C32),

Ikatlong Gantimpala ("Kasal"). Tu-

manggap naman ng Karangalang

Banggit sina Mark Chester Tigas

(C44), "Ang

B i n i b i n i " ;

Nilleth Mae

Ann Pontino

( C 3 7 ) ,

"Salamin" at

Alexandra Tan-

sengco (C34),

“ M o n o p o l y

Deal" ayon sa

pagkakasunud

-sunod.

Noong

Agosto 23,

2011 ay muling idinaos ang

“Kumustahan” sa Bro. Connon Hall

sa ganap na 3:00-5:00 n.h.

Nagbahagi ang ilang naging tagapan-

gulo ng Departamento ng Filipino ng

kani-kanilang karanasan sa pa-

mumuno at pagtataguyod ng Filipino

tulad nina Dr. Rhoderick V. Nuncio at

Dr. Josefina C. Mangahis.

Nagbahagi rin ng kanyang

karanasan si Dr. Simplicio P. Bisa

bilang dating propesor at koordiney-

tor ng pradwadong programa. Binasa

ang kanyang liham sa pamamagi-

tan ng maybahay nitong si Dr. Paul-

ina Bisa.

Ang pangwakas na pro-

gramang “Gawad Lasallian sa Fili-

pino” ay idinaos noong Agosto 31,

2011 sa Y407-409 sa ganap na

3:00-5:00 n.h. Tumanggap ng

gawad ngayong taon sina: Prop.

Bernardita O. Gonzalo, Fakulti; Ms.

Glorife S. Samodio, Administrador;

Ms. Joanne T. Castañares, Kawani

at Harlequin Theater Guild, Organ-

isasyon Pang-mag-aaral. Pagkata-

pos nito ay nagkaroon ng munting

salu-salo sa Yuchengco ang mga

piling propesor, administrador, es-

tudyante at kawani ng paman-

tasan.

- Prop. Ramil Correa

Ang maybahay ni Dr. Bisa kasama ang puno at mjga guro ng Departamento.