22
Ang kahalagahan ng kaalaman Ang Allah ay nagsabi sa Qur’an: ِ عَ فْ رَ يُ اَ ن يِ ذ الْ واُ نَ م اْ مُ ك نِ مَ ن يِ ذ الَ وْ واُ ت وُ " اَ مْ لِ عْ ل ا& ٍ اتَ * جَ رَ د] ] (Itinataas ng Allah yaong mga sumampalataya sa inyo at yaong mga pinagkalooban ng kaalaman nang matataas na antas). Al Mujaadalah (58):11 At sinabi pa Niya: [ لُ قَ و * ت ر يِ نْ دِ رً ماْ لِ ع] (At sabihin mo (O Muhammad): Panginoon ko dagdagan Mo po ako ng kaalaman). Taha (20):114 ن ع ي* ن" ا رة ي ر ه ي ض ر له;pma& ال ه ن ع ال;pma& ق ال;pma& : ق ول;pma& س ر له ال ن م و: " F لك س ا;pma& ق ي ر ط س;pma&م لت ي ه ن ف ما;pma& عل ل ه س، له;pma& ال له ه* ب ا;pma& ق ي ر ط ي لY اZ ة\ ج ل ارواة;pma&( " ) م سل مNaiulat mula kay Abu Hurayrah (Raa), siya ay nagsabi: “Sinabi ng Sugo ng Allah : (At ang sinumang tumahak sa isang landas na naghahanap dito ng Kaalaman, pagagaanin ng Allah para sa kanya sa pamamagitan nito ang isang daan patungo sa Paraiso). Isinalaysay ni Muslim Ang mga pinagkunan ng batas ng Islam: 1) Ang Banal na Quran. 2) Ang Sunnah ng Sugo(). 3) Ang Ijma (napagkaisahan)ng mga Mabubuting Salaf. 4) Ang Qeyas. Ang mga haligi ng Islam Ang kahulugan ng Islam: Ito ay ang pagsuko sa Allah (Ang tunay na Diyos, Ang karapatdapat sambahin lamang) At ang pagtalima sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod. Ang limang haligi ng Islam: 1) Ang pagsaksi at pagpapatunay na walang Diyos (na karapatdapat sambahin) maliban sa Allah, at tunay na si Muhammad ay Sugo ng Allah. 2) Ang pagsasagawa ng Salah. 3) Ang pagbibigay ng Zakah (obligadong kawanggawa sa mga partikular na tao at panahon). 4) Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan. 5) Ang pagsasagawa ng Hajj (Pilgrimage) sa sagradong Bahay ng Allah. 1

FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

Ang kahalagahan ng kaalaman

Ang Allah ay nagsabi sa Qur’an: �ين الله يرفع�الذ و�الذين منكم� آمنوا أو�توادر�جات العلم� ] ]

(Itinataas ng Allah yaong mga sumampalataya sa inyo at yaong mga pinagkalooban ng kaalaman nang matataas na antas). Al Mujaadalah (58):11

At sinabi pa Niya: [ زدني رب وقل علما ](At sabihin mo (O Muhammad): Panginoon ko dagdagan Mo po ako ng kaalaman). Taha (20):114

به له الله ،سهل علما ف�يه يلتمس ط�ريقا سلك : " ومن الله رسول : ق�ال ق�ال عنه الله رض�ي هريرة أبي عن�مسلم( " )رواه الجنة إلى ط�ريقا

Naiulat mula kay Abu Hurayrah (Raa), siya ay nagsabi: “Sinabi ng Sugo ng Allah : (At ang sinumang tumahak sa isang landas na naghahanap dito ng Kaalaman, pagagaanin ng Allah para sa kanya sa pamamagitan nito ang isang daan patungo sa Paraiso). Isinalaysay ni Muslim

Ang mga pinagkunan ng batas ng Islam:1) Ang Banal na Quran.2) Ang Sunnah ng Sugo().3) Ang Ijma (napagkaisahan)ng mga Mabubuting Salaf.4) Ang Qeyas.

Ang mga haligi ng IslamAng kahulugan ng Islam:Ito ay ang pagsuko sa Allah (Ang tunay na Diyos, Ang karapatdapat sambahin lamang) At ang pagtalima sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod.

Ang limang haligi ng Islam:1) Ang pagsaksi at pagpapatunay na walang Diyos (na karapatdapat sambahin) maliban sa Allah, at tunay na si Muhammad ay Sugo ng Allah.2) Ang pagsasagawa ng Salah.3) Ang pagbibigay ng Zakah (obligadong kawanggawa sa mga partikular na tao at panahon).4) Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan.5) Ang pagsasagawa ng Hajj (Pilgrimage) sa sagradong Bahay ng Allah.

Ang unang haligi: “As-Shahadah”

Ang Allah ay nagsabi sa banal na Qur’an: { واإلنس الجن خلقت وما ليع�بدون� إال } (At hindi ko nilikha ang jinn at ang tao kundi upang sambahin nila ako) Adh-Dhariyat (51):56

At sinabi pa Niya: { العالمين رب لله ومماتي ومحياي ونسكي صالتي إن� ق�ل } (Sabihin mo (o Mohammad) katotohanan ang aking Salah (dasal) at ang aking paghandog at ang aking buhay at ang aking kamatayan ay para lamang sa Allah ang Panginoon ng Alamin (sangkatauhan at jinn at lahat ng nilalang.) Al-Anam (6):162

1

Page 2: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

Ang kahulugan ng ibaadah:Ito ay ang lahat ng anumang naiibigan ng Allah at kinagigiliwan sa mga gawain at salita, na panglabas at pangloob.

As-Shahaadah: ( ang pagsaksi)

Ako ay sumasaksi na walang Diyos (na karapatdapat sambahin) maliban sa Allah. At ako ay sumasaksi na si Muhammad ay tunay na Sugo ng Allah.

Ang ikalawang haligi: (As-Salah)

(“marahil ay sa bandang huli na lang maipapaliwanag ang saligang ito”).

Ang ikatlong haligi: Ang pagbigay ng Zakah.

Ang Allah ay nagsabi: الص�الة وأق�يموا الزك�اة وآتوا ترحمون� لع�لكم الرسول وأط�يعوا ] ]

(At itatag ninyo ang Salah (dasal) at ibigay ninyo ang Zakah (kawanggawa) at sumunod kayo sa Sugo () baka sakaling kahabagan kayo (ng Allah).). An-Nur (24):56

Ang kahulugan ng Zakah:

Ito ay isang obligadong kawanggawa sa kayaman ayon sa mga kondisyon, para sa mga partikular na grupo, at sa nakatakdang panahon.

Ang mga pakinabang ng Zakah:

1) Una sa lahat, ito ay isang pagsunod sa Allah.

2) Natutulungan ang mga mahihirap at mga dukha

3) Pinadadalisay ang tao mula sa katakawan sa pera at tinuturuan nito sa pagkamatulungin.

Ang mga kayamanan na kanais-nais kunan ng Zakah :

1) Ang ginto at ang pilak [ang pera].

2) Ang mga ari-arian na kusang inihanda para sa pangangalakal: (tulad ng sasakyan, lupa, hayop, atbp.)

3) Ang kawan ng mga hayop (tulad ng kamelyo, baka at tupa).

4) Ang mga butil at mga bunga (tulad ng bigas, mais, bungang kahoy atbp.)

2

Page 3: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

Ang mga may karapatang tumanggap ng Zakah :

Sinabi ng Allah :

الله سبيل وف�ي والغ�ارمين الرق�اب وف�ي ق�لوبهم والمؤلفة عليها والع�املين والمس�اكين� للفقرآء الصدق�ات }إنما حكيم{ عليم والله الله من ف�ريضة السبيل وابن

(Ang mga Sadaqah (Zakah) ay para lamang sa mga mahihirap, at mga dukha, at sa mga lumilikom nito at sa mga taong sinasanay ang kanilang mga puso (sa Islam), at sa mga bihag (upang ipantubos) at sa mga nababaon sa utang (na walang ipambayad), at sa landas ng Allah, at sa manlalakbay (na kinapos ng panustus sa daan, kahit mayaman siya sa lugar niya), (ang mga ito ay) isang itinakdang kautusan mula sa Allah, At ang Allah ay Maalam, Matalino (ganagp sa paggawa)). At-Tawbah: 60

Ang ika-apat na haligi: As-Siyam )ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan(.

Sinabi ng Allah: } الذين يأيها تتقون� لع�لكم ق�بلكم من الذين على كتب كما الصيام� عليكم كتب آمنوا { (O kayong mga sumampalataya, mahigpit na ipinag-utos sa inyo ang pag-aayuno, katulad ng pagka-utos

sa mga nauna sa inyo, nang sa gayo’y magkaroon kayo ng takot sa Allah). Al-Baqarah (2):183

Ang kahulugan ng Siyam:

Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula ng bukang liwayway hanggang sa paglubog ng araw.

Ang kahalagahan ng pag-aayuno:

الصيام� إال له آد�م� أبن عمل : كل وجل عز الله ) ق�ال وسلم� عليه الله صلى النبي أن� عنه الله رض�ي هريرة أبي عن� ق�اتله أو أحد سابه ف�أن� يصخب وال يومئذ يرف�ث ف�ال أحدكم صوم يوم كان ف�أذ�ا جنة والصيام ، به أجزي وأن لي ف�أنه

المسك ريح من القيامة يوم الله عند أط�يب الصائم ف�م لخلوف� بيده محمد نفس والذي صائم أمرؤ : أني ف�ليقولومسلم البخاري ( رواه بصومه ف�رح ربه لقي إذ�ا و لفط�ره ف�رح أف�طر : إذ�ا يفرحهما ف�رحتان الصائم ولي

Naiulat mula kay Abu Hurayrah (Raa), siya ay nagsabi, ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: Sinabi ng Allah: Ang lahat na gawa ng anak ni Adam ay para sa kanya, maliban sa pag-aayuno sapagkat ito ay para sa Akin, at Ako (Allah) mismo ang gagantimpala nito, at ang pag-aayuno ay pananggalang. at kapag ang isang araw na pinag-ayunuhan ng isa sa inyo, at hindi siya magsasalita ng mga masasamang salita (o makipagtalik sa asawa), at hindi makapagtataas ng boses (dahil sa galit), at kung sinumbatan siya ng isang tao o nakikipag-away ito sa kanya, dapat niyang sabihin,: “ako ay isang taong nag-aayuno”. (Ang Propeta () ay nanumpa) : “Sumpa sa Kanya na ang buhay ni Muhammad ay nakasalalay sa Kanyang kamay, tunay na ang hininga na nanggagaling sa bibig ng nag-aayuno ay higit na mainam sa pananaw ng Allah sa kabilang buhay kaysa halimuyak ng musk. Ang nag-aayuno ay may dalawang kasiyahan na kanyang ikinasisiya, kapag siya ay nag-iftar (nag-almusal) siya ay nasiyahan sa kanyang pag-almusal.at kapag nakaharap na niya ang kanyang Panginoon (sa kabilang buhay), siya ay natuwa dahil sa (gantimpala na ipagkakaloob sa) kanyang pag-aayuno). Isinalaysay ni Al Bukhari at Muslim

3

Page 4: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

Ang mga pakinabang ng pag-aayuno:

1) Una sa lahat, Ito ay isang pagsunod sa Allah.

2) Pagsasanay ng Mananampalataya sa At-Taqwah (Ang pagsisiyasat sa Allah at pagkatakot sa Kanya, sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga kautusan at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal).

3) Pag-aaral ng pagtitiis at katapatan.

Ang mga nakasisira sa pag-aayuno :

1) Ang pagkain o pag-inom o paninigarilyo

2) Ang mga katulad ng pagkain 0 ng pag-inom.

3) Ang pagsuka na sinasadya.

4) Ang pagpapakuha ng maraming dugo.

5) Ang regla o ang Nifas (dugong lumalabas dulot ng panganganak).

6) Ang paglabas ng pumlay.

7) Ang pakikipagtalik.

Zakatul Fit’r1) Isang Sa'a (apat na dakot ng dalawang kamay) mula sa pangunahing pagkain ng bansa (trigo, bigas, atbp).

2) Ibinibigay ito ng bawat Muslim, maging ang mga maliliit sa kanila at malalaki para sa mga mahihirap at mga dukha.

3) Inilalabas ito, isang araw o dalawang araw bago isagawa ang Salah ng Eid.

Ang ikalimang haligi: [Ang pagsasagawa ng Hajj sa sagradong bahay ng Allah]

Sinabi ng Allah: { إليه استطاع� من البيت حج الناس على ولله العالمين عن� غني الله ف�إن� كفر ومن سبيال }

(At tungkulin ng Sangkatauhan ang pagsasagawa ng Hajj sa Bahay (Ka’bah) para sa Allah, sa sinumang nakayanan ang daan patungo rito, at sinuman ang nagtatwa nito, tunay na ang Allah ay malaya sa pagpapala ng Alamin (sangkatauhan, jinn at ng lahat ng nilalang)).Al-Imran:97.

Ang layon sa likuran ng Hajj:

Naiulat mula kay Aisha – Nawa ay kalugdan siya ng Allah – siya ay nagsabi: Sinabi ng Sugo ng Allah (): “Ang pag-Tawaf (pag-ikot ) sa palibot ng Bahay (Ka’bah), sa pagitan ng As-Shafa at Al-Marwah at ang paghagis ng mga mumunting bato (sa may Jamarat), itinakda tanging upang itatag ang paggunita sa Allah”. Isinalaysay ni Abu Daud at Tirmethiy.

4

Page 5: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

Ang kahalagahan ng Hajj:

كيوم رجع� ، يفسق� ولم ، يرف�ث ف�لم حج ق�ال: من وسلم� عليه الله صلى النبي أن� عنه الله رض�ي هريرة أبي "عن( ومسلم البخاري " ) رواه أمه ولدته

Naiulat mula kay Abu Hurayrah (Raa), siya ay nagsabi: [Sinabi ng Sugo ng Allah (): “Sinumang nagsagawa ng Hajj, at hindi siya nakapagsalita ng masasamang salita (o nakipagtalik sa kanyang asawa), ni hindi nakagawa ng kasuwailan sa Allah, siya ay bumalik (sa kanyang pinanggalingan), katulad ng araw ng pagkasilang sa kanya ng kanyang ina). Isinalaysay ni Al Bukhari at Muslim.

والحج بينهما لما كفارة العمرة إلى : العمرة :ق�ال وسلم� عليه الله صلى النبي أن� عنه الله رض�ي هريرة أبي عن� جزاء له ليس المبرور الجنة. إال

Naiulat mula kay Abu Hurayrah (Raa), siya ay nagsabi: [Sinabi ng Sugo ng Allah (): “Ang Umrah sa isang Umrah ay paglilinis ng kasalanan sa pagitan nito, At ang katanggap-tanggap na Hajj ay walang gantimpala para rito kundi ang Paraiso”. Isinalaysay ni Al-Bukhariy at Muslim.

Ang mga kabutihan ng Hajj:

1) Una sa lahat, ito ay isang pagsunod sa Allah.

2) Ang paghahayag sa pangkalahatan ng Islam.

3)Ang paggunita sa araw ng pagbangon-muli.

Ang ikalawang haligi: [Ang pagsasagawa ng Salah].

-Sinabi ng Allah sa pamamagitan ng dila ni Ibrahim (AS) :ذ�ريتي{ ومن الصالة مقيم اجع�لني }رب

(O aking Panginoon, gawin Mo po akong isang nagtatatag ng Salah at pati na rin ang aking inapo) Ibrahem:40

-At kinausap ng Allah si Musa (AS) at Kanyang sinabi: { لذكري الصالة وأق�م }

(At itatag mo ang Salah upang bilang paggunita sa Akin) Taha:14

At sinabi ng Allah sa pamamagitan ng dila ni Eisa (AS): ( اني�مت ما والزكاة بالصالة وأوص�حيا د )

(At pinagbilinan Niya ako tungkol sa Salah at sa Zakah, habang ako’y buhay) Maryam:31

-At inutusan ng Allah si Muhamamd () at Kanyang sinasabi: { وأق�م الكتاب من إليك أوحي ما اتل }

(Basahin mo (O Muhammad) ang anumang ipinahayag sa iyo mula sa Aklat (Quran) at itatag mo ang Salah) Al-An-kabut:45

Pagkatapos, inutusan Niya ang lahat ng mga Mananampalataya at Kanyang sinabi:{ } موق�وتا كتابا المؤمنين ع�لى كانت الصالة إن�

(Katotohanan, ang Salah para sa mga Mananampalataya ay nakatakdang oras) An-Nisaa:103

5

Page 6: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

Ang kahalagahan ng Salah:

Ang Allah ay nagsabi sa Quran: { أكبر الله ولذكر والمنكر الفحشآء عن� تنهى الصالة إن� }

(Katotohanan, ang Salah ay pumipigil sa mga masasamang gawain at sa mga pagsuway) Al-Ankaboot:45

At sinabi pa Niya: {{ مكرمون جنات ف�ي * أولـئك يحاف�ظون صالته�م على هم� والذين

(At yaong sila sa kanilang pagsasalah ay nagpapahalaga, ….ang mga yaon sa mga Hardin (Parasio) ay pinararangalan): Al-Ma-aarij:34-35

، خمسين الصالة به أسري ليلة وسلم� عليه الله صلى الله رسول على : ف�رض�ت ق�ال عنه الله رض�ي أنس - عن ..( خمسين لخمس بهذه لك وإن ، لدي القول يبدل ال ، محمد يا نودي ثم ، خمسا جعلت حتى نقصت ثم

( والترمذي أحمد )رواه

Naiulat mula kay Anas bin Malik (Raa), kanyang sinabi: [Ipinag-utos sa Sugo ng Allah () - sa gabing siya ay dinalang maglakbay patungong Jerusalem - ang salah nang 50 beses (isagawa sa loob ng isang araw). Pagkatapos, binawasan ito hanggang ginawang lima. At pagkatapos, may tumawag, O Muhammad: “Hindi napapalitan ang salitang mula sa Akin, Katotohanan, mapapasa iyo sa limang ito ang katumbas ng 50”]. Isinalaysay ni Ahmad at Tirmethiy.

أحدكم بباب نهرا أن� لو : " أريتم يقول وسلم� عليه الله صلى الله رسول سمع�ت ق�ال عنه الله رض�ي هريرة أبي عن� مثل " ق�ال:" ف�ذلك شيء د�رنه من يبقى :" ال " ق�الوا ؟ شيء د�رنه من يبقى هل مرات خمس يوم كل منه يغ�تسل

ومسلم( البخاري " )رواه الخطايا به الله يمحو ، الخمس الصلوات

Naiulat mula kay Abu Hurayrah (Raa), kanyang sinabi: “Sinabi ng Sugo ng Allah : “Sabihin ninyo sa akin, kung ang ilog ay nasa harap ng pintuan ng isa sa inyo, siya ay maligo rito nang limang beses sa bawat araw. May matitira pa ba sa kanyang libag na bahagya?” Sila ay nagsalita: Walang matitira sa kanyang libag ni bahagya. Sinabi niya: “Samakatuwid, sa gayon ang kahalintulad ng limang Salah, pinapawi ng Allah sa pamamagitan ng mga ito ang mga kasalanan). Isinalaysay ni Al Bukhari at Muslim.

،صالته عمله من القيامة يوم العبد به يحاسب ما أول إن�:" الله رسول ق�ال- ق�ال عنه الله رض�ي هريرة أبي عن�( والترمذي أحمد رواه." ) وخسر خاب ف�قد ف�سدت وإن وأنجح أف�لح ف�قد صلحت ف�إن�

Naiulat mula kay Abu Hurayrah (Raa), kanyang sinabi: [Sinabi ng Sugo ng Allah (e): “Tunay na ang pinaka-unang sinisiyasat sa gawain ng alipin tungkol dito sa kabilang buhay ay ang kanyang Salah. At kung ito napabuti, samakatuwid, tunay na siya ay nagtagumpay at pumasa, subalit kung ito ay napasama, samakatuwid tunay na siya ay nabigo at talunan.]. Isinalaysay ni Ahmad at Tirmethiy.

." كفر ف�قد تركها ف�من ، الصالة وبينهم� بيننا الذي :" الع�هدe الله رسول ق�ال ق�ال: عنه الله رض�ي بريرة عن�( السنن وأصحاب أحمد ) رواه

Naiulat mula kay Buraidah (Raa), kanyang sinabi: [Sinabi ng Sugo ng Allah e: “Ang kasunduan na namamagitan sa amin at sa kanila (tumatangging sumampalataya) ay ang Salah, kaya sinuman ang umiwan nito, samakatuwid, tunay na siya ay tumangging sumampalataya). Isinalaysay ni Ahmad at ng Ashaab As-Sunan.

6

Page 7: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

At-Taharah (Ang paglilinis):

A)Ang pang-ispirituwal na paglilinis:

Ang paglilinis sa puso mula sa Kawalan ng Pananampalataya, Pagkukuwanre, at sa pagkapoot sa iyong kapatid na Muslim.

B)Ang nadaramang paglilinis: (Al-Wudu, AL-Ghusl)

- Ang paglilinis mula sa mga bagay na nagpapawalang bisa sa nadaramang paglilinis (tulad halimbawa ng ihi, pakikipagtalik, atbp).

- Ang pag-alis sa mga marurumi (tulad ng ihi, dumi, atbp)

Al-wudu’: (Ang kanais-nais na paghuhugas sa ibang parte ng katawan)

الذين أيها }يا الصالة إلى ق�متم إذ�ا آمنوا المراف�ق إلى وأيديكم وجوهكم ف�اغ�سلوا برؤوسكم� وامسحوا:Sinabi ng Allah {الكع�بين إلى وأرجلكم

(O kayong mga sumampalataya, kapag magsagawa kayo ng Salah, hugasan ninyo ang inyong mukha , at ang inyong mga kamay hanggang siko, at punasan ninyo ang inyong ulo at ang inyong mga paa hanggang bukong-bukong) Al-Ma-idah:6

Ang kahalagahan ng Wudu’:

وجهه فغسل المؤمن أو� المسلم العبد توضأ :" إذ�اe الله رسول - قال قال عنه الله رضي� هرير�ة أبي� عن يديه من خر�ج يديه غسل فإذا الماء� قطر آخر� مع أو� الماء� مع بعينيه إليها نظر خطيئة كل وجهه من خر�ج ،

مشتها خطيئة كل خر�جت رجليه غسل فإذا ، الماء� قطر آخر� مع أو� الماء� مع يداه بطشتها كان خطيئة كل( مسلم . " ) رواه الذنوب من نقيا يخرج حتى ، الماء� قطر آخر� مع أو� الماء� مع رجاله

Naiulat mula kay Abu Hurayrah (Raa), kanyang sinabi: [Sinabi ng Sugo ng Allah (e): “kapag nagsagawa ng Wudu ang isang lingkod na Muslim o Mananampalataya at hinugasan niya ang kanyang mukha, lumabas mula sa kanyang mukha ang lahat ng kasalanan na nakita ng dalawang mata niya kasabay ng tubig, o kasabay ng pinakahuling patak ng tubig. At kapag hinugasan niya ang kanyang dalawang kamay, lumabas mula sa kanyang mga kamay ang lahat ng kasalanan na naabot ng dalawang kamay niya kasabay ng tubig o kasabay ng pinakahuling patak ng tubig, at kapag hinugasan niya ang kanyang dalawang paa, lumabas mula sa dalawang paa niya ang lahat ng kasalanang nalakaran ng dalawang paa niya, kasabay ng tubig o kasabay ng pinakahuling patak ng tubig, hanggang sa siya ay lalabas nang dalisay sa kalinisan mula sa mga kasalanan). Isinalaysay ni Muslim.

.والترمذي د�اود أبو رواهالطهور( الصالة )مفتاح الله رسول : ق�ال ق�ال عنه الله رض�ي ط�الب ابي بن علي عن�

Naiulat mula kay Ali bin Abi Thalib (Raa), kanyang sinabi: [Sinabi ng Sugo ng Allah (e): “Ang susi ng Salah ay ang paglilinis]. Isinalaysay ni Abu daud at Tirmethiy.

7

Page 8: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

Ang mga kondisyon ng Wudu’:

1)An-niyyah : (Ang pagsaloob sa paglilinis).

2)Ang paggamit ng malinis na tubig.

Ang malinis na tubig: tulad halimbawa ng: (tubig ng ulan, tubig ng dagat, ng balon)

Ang tubig na hindi malinis = tubig na nahaluan ng mga marurumi (mga bagay na hindi malilinis) na nagpapalit ng lasa ng tubig, kulay ng tubig o amoy nito), tulad halimbawa ng tubig na dumadaloy.

3)Ang pag-aalis ng anumang tumatakip sa balat, at pumipigil sa tubig sa pagsayad nito sa mga parte ng katawan na kabilang sa mga obligadong hugasan sa Wudu’.

(tulad halimbawa ng makapal na pintura, o mahigpit na relo….).

Ang pamamaraan ng Wudu’:

Ang mga obligado sa Wudu’:

1-Ang paghugas sa lahat ng bahagi ng Mukha (dagdag pa ang pagmumog at pagsingot ng tubig).

2-Ang paghugas ng dalawang kamay hanggang sa siko (magsimula muna sa kanan at saka isunod ang kaliwa).

3-Ang paghaplos sa ulo at sa dalawang tainga.

4-Ang paghugas ng dalawang paa hanggang sa Bukong-bukong (magsimula muna sa kanan at saka isunod ang kaliwa).

5-Ang pagkasunud-sunod at tuloy-tuloy.

Ang mga sunnah sa Wudu’:

1-Ang pagsabi ng “bismillah” (bago magsimula).

2-Ang paghugas ng dalawang kamay nang tatlong beses (3x), (obligado pagkatapos matulog.) at maiging paghuhugas sa mga daliri.

3-Ang pagmumog at pagsinga ng tubig na ipinasok sa ilong nang (3x).

4-Ang paghugas ng mukha nang (3x).

5-Ang pagkuskus ng balbas.

6-Ang paghugas ng kanang kamay hanggang sa siko. pagkatapos, ang kaliwang kamay naman nang (3x).

7-Ang paghaplos sa ulo, mula sa noo hanggang sa batok, at pabalik mula sa batok hanggang sa noo.

8-Ang paghugas ng kanang paa hanggang sa Bukong –bukong. Pagkatapos, ang kaliwang paa naman nang (3x).

8

Page 9: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

9-Ang pag-Dua’a (panalangin) pagkatapos ng Wudu, upang pagsamahin ang paglilinis na pang-ispirituwal at ang nadaramang paglilinis.

“Ash’hadu allaa ilaaha illa Allah, wahdahu la shareeka lah, wa ashhadu anna muhammadan rasoolu Allah’’

“Allahumma ij-alnee mina At-Tawwabeen wa ij-alnee mina Al-Mutatahhireen”.

(Ako ay sumasaksi na walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah ang tanging nag-iisa, wala Siyang katambal. At ako ay sumasaksi na si Muhammad ay lingkod Niya at Kanyang sugo).

(O Allah! Gawin Mo po akong kabilang ng mga nagsisisi, at gawin Mo po akong kabilang ng mga malilinis).

Ang mga nakapagpapawalang-bisa sa Wudu’ :

Hadath Asgar: (minor defilement).

1-Ang pag-ihi, pagdumi, at pag-utot.

2-Ang pagkatulog nang mahimbing, o pagkawala ng malay.

3-Ang paghawak sa ari nang walang anumang sapin (na may pagnanasa).

4-Ang pagkain ng karne ng kamel.

Ang pagpupunas sa medyas فإني : " دعهما فقال� خفيه ألنزع فأهويت يتوضأ وهو وسلم علي�ه الله� صلى النبي مع :)كنت قال عنه الله� رضي شعبة بن المغي�رة عن

( ومسلم البخاري علي�هما( )رواه طاهرتين" فمسح أدخلتهما

Naiulat mula kay Al Mogheerah bin Shu’abah (Raa), kanyang sinabi: [Ako’y kasama ng Propeta () noon, habang siya ay nagsasagawa ng Wudu, tinangka ko upang alisin ang kanyang dalawang balat na medyas, at siya ay nagsabi: “Hayaan mo ang mga ito, dahil isinuot ko ang mga ito na malilinis, at pinunasan niya ang Ibabaw ng mga ito). Isinalaysay ni Al Bukhari at Muslim.

Ang mga kondisyon ng pagpupunas:

1-Ang maging malinis habang isinusuot ang mga ito.

2-Ang maging kapwa itong malaya sa mga marurumi.

3-Nararapat na hindi lalampas ang pagpapahid sa oras na itinakda para rito.

# Ang Nakadistino: isang araw (24 oras).

# Ang Naglalakbay: tatlong araw (72 oras).

PUNA : nagsisimula ang oras nito sa unang pagpahid pa lamang.

4-Na natatakpan ang bahaging obligadong hugasan.

5-Na ang mga ito ay maging kapwang Halal.( hindi ninakaw)

Ang pamamaraan ng pagpupunas:9

Page 10: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

1-Binabasa ang dalawang kamay.

2-Papahiran ng basang kamay ang ibabaw ng paa. (mula sa dulo ng mga daliri hanggang sa unang bahagi ng binti).

3-Pupunasan ang kanang paa sa pamamagitan ng kanang kamay, at ang kaliwang paa sa pamamagitan ng kaliwang kamay.

Ang mga nakapagpapawalang-bisa sa pagpupunas :

1-Ang paghubad ng dalawang medyas.

2-Ang mga kahilingan ng pagpaligo upang ito ay nagiging sapilitan.

3-Pagkatapos ng oras (ang takdang oras ng pagpahid).

Al-Ghusl (Ang pagpaligo)

Ang Allah ay nagsabi sa Qur’an: { ف�اط�ه�روا جنبا كنتم { وإن

{At kung kayo ay nasa Junub (nasa kalagayang matapos makipagtalik), Samakatuwid, maglinis kayo}. Al-Ma-idah: 6

Ang mga dahilan upang nagiging sapilitan ang pagpaligo:

1-Ang paglabas ng punlay (sa pamamagitan ng panaginip, sa pagyakap, o sa paghalik ng asawa, atbp.)

2-Ang pakikipagtalik (na kahit pa hindi lumabas ang punlay).

3-Pagtigil ng regla (sa mga kababaihan).

4-Pagtigil ng Nifas (pagdurugo matapos manganak) (sa mga kababaihan).

5-Kapag yumakap sa Islam ang Kafir (tumatangging sumampalataya).

6-Kapag namatay ang isang Muslim.

Ang pamamaraan ng Ghusl:

Ang mga sapilitan sa Ghusl:

1-An-Niyyah (ang layunin sa paglilinis).

2-Ang paghugas sa lahat ng bahagi ng katawan (idinadagdag pa rito ang pagmumog at pagsinga ng tubig na ipinasok sa ilong).

3-Ang pagkuskus ng buhok.

10

Page 11: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

Ang mga Sunnah (mga itinagubilin na di naman kanais-nais) sa Ghusl:

1-Ang pagsabi ng “Bismillah”.

2-Ang paghugas ng dalawang palad, nang (3x).

3-Ang paghugas ng ari sa pamamagitan ng kaliwang kamay, at pag-alis ng dumi nito.

4-Ang pag-Wudu’.

5-Ang paghugas ng buhok, nang (3x).

6-Ang paghugas sa lahat ng bahagi ng katawan, magsimula sa kanang bahagi ng katawan at saka isunod ang kaliwa.

Mga gawain na kanais-nais dito ang paglilinis :

Ang paglilinis mula sa maliit na Hadath: (tulad halimbawa ng pagkautot, pagdumi, atbp.):

1-Ang pag-Salah.

2-Ang pag-Tawaf (pag-ikot) sa palibot ng Ka’bah.

3-Ang paghawak ng Qur’an

Ang paglilinis mula sa malaking Hadath: (tulad halimbawa ng pagtigil ng regla, o ng pagdurugo matapos manganak atbp.).

1-Ang lahat ng anumang kanais-nais sa maliit na Hadath.

2-Ang pagbasa ng Quran nang hindi binibigkas.

3-Ang pag-upo sa loob ng Masjid.

11

Page 12: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

Ang mga kondisyon ng Salah:

1-Ang Islam (pagka-Muslim).

2-Ang pagka-wastong pag-iisip.

3-Ang pagka-wastong gulang.

4-Ang pagpasok ng takdang oras nito.

Ang obligadong Salah

Ang bilang ng mga Rak-ah

Ang takdang oras ng Salah

Al-Faj’r 2 Rak-ah Magmula ng bukang-liwayway hanggang sa bago sumikat ang araw.

Ad-Dhuh’r 4 Rak-ah Pagkalipas ng tanghaling tapat hanggang sa oras ng As’r (kung kailan na ang anino ng isang bagay ay kasing sukat nito)

Al-As’r 4 Rak-ah Magmula sa oras ng As’r hanggang sa paglubog ng araw.

Al-Maghrib 3 Rak-ah Magmula pagkatapos ng paglubog hanggang sa maglaho ang karimlan.

Al-Isha’ 4 Rak-ah Pagkatapos ng Maghrib hanggang sa hating-gabi

(5) Ang pagtakip sa Awrah (ibang bahagi ng katawan na obligadong takpan).

-Ang mga kalalakihan: mula sa pusod hanggang sa tuhod.

-Ang mga kababaihan: lahat ng katawan maliban sa mukha at dalawang palad habang nasa Salah.

(6)Ang paglilinis:

-mula sa Hadath Ashgar: (kanais-nais pagsagawaan ng Wudu’).

-mula sa Hadath Akbar: (kanais-nais pagsagawaan ng pagpaligo).

(7) Ang pag-alis sa mga Naj’s (maruruming bagay).

- mula sa katawan.

- mula sa mga damit

- mula sa lugar na pinagsasagawaan ng Salah.

(8) Ang pagharap sa Qiblah (Ka’bah) :

(9) Ang Niyyah: (Ang layunin sa pagsasagawa ng partikular na Salah).

12

Page 13: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

Ang pamamaraan sa pagsasagawa ng Salah

أص�لي( رأيتموني كما صلوا): وسلم� عليه الله صلى الله رسول ق�ال- ق�ال عنه الله رض�ي الحويرث بن مالك عن�البخاري. رواه

Naiulat mula kay Malik bin Al-Huwayrith (Raa), kanyang sinabi: [Sinabi ng Sugo ng Allah (): “Magsagawa kayo ng Salah nang tulad ng inyong nakita sa aking pagsasalah]. Isinalaysay ni Al-Bukhari

1-Ang pagkatayo.

2-Ang pagsagawa ng Takbiratul Ihram (pagbigkas ng Allaahu Akbar).

-Itaas ang dalawang kamay sa tapat ng dalawang tainga o dalawang balikat, at sabihin:”Allaahu Akbar” (Ang Allah ay pinakadakila).

-Ilagay ang kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay sa tapat ng dibdib.

-Pagkatapos, bigkasin ang pambungad na Dua’:

subhaanakal lahumma wa bihamdika wa tabaarakasmuka wa ta’aalaa jadduka wa laa ilaaha ghayruk.

O Allah, sumaiyo ang kaluwalhatian at ang pagpupuri, maluwalhati ang Iyong pangalan, kataastaasan ang Iyong karangalan, sapagkat walang ibang diyos bukod pa sa Iyo.

-Ang pagkatutok ng paningin ay nasa bahagi ng lapag na pagpapatirapaan ng noo.

3-Ang pagbigkas ng sooratul-Fatihah :

-Una, sabihin : “ a’oodhu billaahi minash shaytaanir rajeem”

(Ako ay nagpapakupkup sa Allah laban kay Satanas na isinumpa).

-Pagkatapos, sabihin: “bismillaahir rahmaanir raheem”

(Sa ngalan ng Allah ang Mapagpala, ang Mahabagin).

-Pagkatapos, basahin ang sooratul Faatihah, at sumunod pagkatapos, sabihin : Aameen (O Allah, dinggin Mo).

-Pagkatapos, Puwede ka nang bumasa ng ibang Soorah o Ayat (mga talata ) pagkatapos ng Faatihah.

4-Ar-Rukoo’:(ang pagyuko ng ulo kasama ng katawan at paglagay ng mga kamay sa tuhod).

-Itaas ang dalawang kamay nang pantay sa dalawang tainga o dalawang balikat, at sabihin: “Allaahu Akbar”.

-Pagkatapos, sabihin habang nakayukod: “subhaana rabbiyal adheem”(3X).(Kaluwalhatian sa aking Panginoon na Pinakadakila).

13

Page 14: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

5-Ang pag-angat ng ulo at katawan buhat sa pagkakayukod :

-Habang ibinabangon ang ulo at katawan buhat sa pagkakayukod, itinataas ang dalawang kamay nang pantay sa dalawang tainga o dalawang balikat, at sabihin: “sami Allaahu liman hamidah”. (Dinidinig ng Allah ang sinumang nagpupuri sa Kanya). [ito ay para sa Imam (nangunguna sa Salah) at sa nag-iisa na nagsasagawa ng Salah].

-Pagkatapos, sabihin: “rabbanaa lakal hamd”.

(Panginoon namin, sa Iyo po lamang nauukol ang mga pagpupuri).[ito ay para sa lahat (sa Imam at sa nag-iisa)].

6-As-Sujood: (ang pagpapatirapa).

1-Kapag hangad mo nang lumuhod sa pagpapatirapa, sabihin: “Allaahu Akbar”.

2-Pagkatapos, Sabihin habang nakapatirapa: “subhaana rabbiyal a’laa”.(3X).

(Kaluwalhatian sa aking Panginoong Kataastaasan).

Ang pagpapatirapa ay nararapat sa pitong bahagi ng katawan, ang noo at ang ilong, ang dalawang kamay, ang dalawang tuhod at ang mga dulo ng dalawang paa.

7-Ang pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa :

- Habang inaangat ang ulo at katawan mula sa pagpapatirapa, Sabihin: “Allahu Akbar”.

- Pagkatapos, Sabihin habang ikaw ay nakaupo: “rabbighfir lee”.(3x)

(Panginoon ko, ako po ay Iyong patawarin).

8-As-Sujood:( sa ikalawang pagpapatirapa ).

- Sa sandaling magpapatirapa, Sabihin: “Allaahu Akbar”.

- Pagkatapos, Sabihin habang nakapatirapa : “subhaana rabbiyal a’laa”.(3X).

9-Ang pagkatayo: (sa ikalawang pagtayo).

- Sa pagtayo sabihin: “Allaahu Akbar”.

Puna   :

Ang lahat ng naunang mga gawa ay tinatawag na; isang Rak-ah.

10-Ang unang Tashahhud (pag-shahadah):

- Sa aktong pagka-upo sa ikalawang Rak-ah, Sabihin:

attahiyaatu lillaahi was salawaatu wat tayyibaat, assalaamu alayka ayyuhan nabeeyu wa rahmatullaahi wa barakaatuh, assalaamu alaynaa wa alaa ibaadil lahis saaliheen, ash’hadu allaa ilaaha illallaah, wa ash’hadu anna muhammadan abduhu wa rasooluh.

14

Page 15: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

(Ang mga pagbati, mga dasal, at mga mabubuting bagay sa buhay ay sa Allah, sumaiyo ang kapayapaan, o Propeta at gayon din ang habag at mga pagpapala ng Allah. ang kapayapaan ay mapasa amin at mapasa kanila na mga matutuwid na lingkod ng Allah. Ako ay sumasaksi na walang diyos na karapatdapat sambahin maliban sa Allah. at Ako ay sumasaksi rin na si Muhammad ay Kanyang lingkod at sugo).

11-Ang huling Tashahhud (pag-shahadah)

- Sa aktong pagkaupo sa huling Rak-ah, at pagkatapos ng iyong pagbigkas sa unang Tashahhud, Sabihin:

allaahumma salli alaa muhammadin wa alaa aali muhammad, kamaa sallayta alaa ibraaheema wa alaa aali ibraaheem, innaka hameedum majeed, kamaa baarakta alaa ibraaheema wa alaa aali ibraaheem, innaka hameedum majeed.

(O Allah, pagpalain Mo po si Muhammad at ang kanyang mag-anak tulad ng pagpala Mo kay Ibrahem at sa kanyang mag-anak, tunay po na Ikaw ay kapuri-puri at maluwalhati. Biyayaan Mo po si Muhammad at ang kanyang mag-anak tulad ng pagbiyaya Mo kay Ibrahem at sa kanyang mag-anak, tunay po na Ikaw ay kapuripuri at maluwalhati).

- Sumunod pagkatapos ng huling Tashahhud, Sabihin ang Dua’ na sumusunod:

allaahumma innee a’oodhu bika min adhaabi jahannama wa adhaabil qabri wa min fitnatil mahyaa wal mamaat, wa min fitnatil maseehid dajjaal.

(Ako ay nagpapakupkup sa Allah laban sa pasakit na matatamo sa Impiyerno at libingan at laban sa tukso ng buhay at kamatayan at laban sa tukso ng bulaang Kristo).

12-At-Tasleem : (ang pagtatapos)

- Sa pagkatapos ng Salah, lumingon sa kanan at sabihin:

assalaamu alaykum wa rahmatullaah ( Sumainyo ang kapayapaan at awa ng Allah ).

- Pagkatapos, sa kaliwa naman at sabihin : assalaamu alaykum wa rahmatullaah.

13-Ang kapanatagan habang isinasagawa ang mga gawaing ito:

Ang mga ruk’n (saligan) ng Salah

1-Ang pagtayo hanggang makakaya.

2-Ang takbeeratul ihram (o panimulang takbeer).

3-Ang pagbabasa ng al-fatihah (sa bawat rak’ah).

4-Ang ruku’ (pagyukod).

5-Ang pag-angat mula sa pagyukod.

6-Ang dalawang pagpapatirapa.

7-Ang pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa.

8-Ang pag-upo para sa huling tashahhud.

15

Page 16: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

9-Ang pagbasa sa huling tashahhud.

10-Ang tasleem (pagsabi ng assalaamu alaykum wa rahmatullaah).

11-Ang kapanatagan.

12-Ang pagkakasunud-sunod.

PUNA: kapag nakaligtaan ang isang saligan nang pasadya, ang Salah ay nawalan ng saysay, ngunit kapag nakaligtaan nang hindi sinadya, isagawa ang naturang saligan. At pagkatapos ay magsagawa ng sujood as-Sahhu.

Ang mga Wajib (sapilitan) sa Salah :

1-Ang lahat ng mga takbeer maliban sa takbeeratul ihram [pinakaunang takbeer (Allaahu Akbar)].

2-Ang pagsabi ng: “subhaana rabbiyal adheem” (habang nakayukod).

3-Ang pagsabi ng: “sami’ Allaahu liman hamidah” (para sa mag-isang nagsasagawa ng salah at para sa Imam).

4-Ang pagsabi ng: “rabbanaa lakal hamd” (pagkatapos yumukod).

5-Ang pagsabi ng: “subhaana rabbiyal a’laa” (habang nakapatirapa).

6-Ang pagsabi ng: “rabbighfir lee” (sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa).

7-Ang pag-upo para sa unang tashahhud.

8-Ang pagbigkas ng unang tashahhud.

Ang mga Sunnah (mga itinagubilin na di naman kanais-nais) sa Salah:

1-Ang pagpatong ng kanang kamay sa kaliwang kamay sa tapat ng dibdib.

2-Ang pagbasa sa pambungad na panalangin.

3-Ang pagtaas ng dalawang kamay para sa Takbeer.

4-Ang pagbasa ng higit sa Fatihah.

5-Ang pag-dua’ pagkatapos ng huling Tashahhud.

6-Ang pagturo sa pamamagitan ng hintuturo habang naka-tashahhud.

7-Ang paghayag sa pagbasa para sa Imam sa panghayagang Salah.

16

Page 17: FIQHDB%D9%83%FD%F1%20… · Web viewAng kahulugan ng Siyam: Ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-kain at inumin at lahat ng nakakasira sa pag-aayuno, magmula

Ang mga nakasisira sa Salah :

1-Ang sadyang pag-iwan ng isang Rukun o Wajib o Kondisyon mula sa mga kondisyon ng Salah.

2-Ang pagkawalang saysay ng Wudu.

3-Ang sadyang pagsasalita o pagtawa.

4-Ang pagkain o pag-inom nang sadya.

5-Ang sobrang paggalaw na hindi naman kabilang sa Salah.

Ang mga kinamumuhian sa Salah :

1-Ang pagtaas ng dalawang mata sa langit o pagpikit nito, o ang pagtingin sa iyong paligid.

2-Ang paggalaw na hindi naman talagang kailangan.

3-Ang pagpipigil sa pag-ihi o pagdumi.

4-Ang pag-salah sa paglapag ng pagkain na iyong inaasam-asam.

5-Ang pagsa-salah sa mga lugar na mayroong mga larawan o mga rebulto.

Salin sa tagalog ni: Muhammad Taha Ali

ه�25/4/1422 منقحة و مزيدة – الثانية الطبعة

17