17
1 ADAMSON UNIVERSITY COLLEGE OF ENGINEERING DEPARTMENT OF ELECTRONICS ENGINEERING (ECE) Isyu sa usaping Pang-kasarian Bilang Bahagi ng Kinakailangan Sa Kursong Karunungang Panlipunan I Ipinasa ni: Pabustan, Kim Alfred De Vera, Rennze Dominic Ipinasa kay: Prof. Nolasco, Eman

De Vera Pabustan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: De Vera Pabustan

1

ADAMSON UNIVERSITY

COLLEGE OF ENGINEERING

DEPARTMENT OF ELECTRONICS

ENGINEERING (ECE)

Isyu sa usaping Pang-kasarian

Bilang Bahagi ng Kinakailangan

Sa Kursong

Karunungang Panlipunan I

Ipinasa ni:

Pabustan, Kim Alfred

De Vera, Rennze Dominic

Ipinasa kay:

Prof. Nolasco, Eman

October 07, 2012

Page 2: De Vera Pabustan

2

INTRODUKSIYON

Ang isyu tungkol sa kasarian ay matagal ng pinag tatalunan ng halos lahat ng

bansa sa Asya at maging sa Europa at Amerika. Noon pa man ang kasarian na ang

naging batayan ng pagbibigay antas sa lipunan sa isang tao. Pinakikita ito sa mga

karapatang minsang pinag bawal sa mga kababaihan tulad ng karapatang bumoto,

karapatang makilahok sa pulitika, karapatang sumali sa Olympics at marami pang iba.

Mahalaga ang aming napili na paksa dahil makikita natin dito kung saan at ano

ang pagkakaiba ng lalaki at babae na matagal ng natatak sa isipan natin kung ano dapat

ang isang babae o lalaki makikita rin natin dito kung ano ang posisyon ng lipunang ating

ginagalawan tulad ng mga pangunahing institusyong napalaki ang epekto hinggil sa isyu

ng kasarian. Isa sa pangunahing isyu na kinakaharap ng mga pananaliksik hinggil sa

ugnayang pangkasarian ay ang pagiging dominante ng lalaki sa halos lahat ng bagay

kaysa sa mga babae dahil hanggang ngayon ay napakalaki parin ng agwat ng babae at

lalaki sa pagtingin ng lipunan. Makikita din natin dito kung ano din ang mga kayang

gawin ng mga kababaihan sa ating panahon at malalaman din natin kung makakaya ba

nila ang mga ginagawa ng mga kalalakihan. Dito din natin makikita ang kahalagahan ng

mga diskusyon at mga debate hinggil sa paksa na ating pag-uusapan sa usaping pang-

kasarian. At para malaman natin ang ating mga karapatan bilang isang lalaki o babae.

Napili namin ang paksa na ito para malaman namin ang mga problema hinggil sa

usaping pang-kasarian. Mahigpit naming iniiwasan ang pag kukumpara ng dalawang

kasarian tungkol sa mga nagagawa at hindi nagagawa nito. Napili din naming ito upang

malaman ang mga bagay na makakaapekto sa amin bilang isang lalaki o babae dahil sa

suliranin sa usaping ito. Ang pagkakakilala ng tao sa isat-isa ay karaniwang nakatali sa

kani-kanilang kasarian. Halimbaw na lamang nito ang ipinasusulat sa mga papeles na

hinihingi para sa ibat-ibang pakay kung tayo ay lalaki o babae. Kailangan ding ilahad ito

para sa mga transaksyon sa gobyerno o sa mga pribadong oipisina. Ang mga

pangalang ibinibigay sa atin ay sinasabing panlalaki o pambabae. Ang lalaki ay hindi

dapat magkaroon ng pangalang pambabae at ang babae ay hindi dapat magkaroon ng

pangalang panlalaki. Ganito ang kaugaliang nakasanayan ng halos lahat sa atin kaya’t

Page 3: De Vera Pabustan

3

pinili namin ito upang itama ang mga kaisipan minsang naging dominante sa isipan ng

ating lipunan hinggil sa isyu ng kasarian.

Ang aming layunin sa paksa na ito ay para magising ang bawat isa na tayo ay

may pantay-pantay na karapatan bilang isang tao at para ipahayag ang ating mga

nararamdaman at saloobin at upang mag paliwanag ng mga katanungan hinggil sa isyu.

Layunin naming gisingin ang bawat isa tungkol sa kanilang mga kaisipan at

paniniwalang naging napalaki ang ambag sa kanilang posisyon at pag tingin pag dating

sa isyu. Ang pag sagot sa mga katanungan ng halos ng taong napapaloob sa ating

lipunan tungkol sa isyu ang pinakamahalagang layunin namin. Hindi na mahalaga kung

ano ang ating kasarian dahil marami namang paraan para malaman natin kung ano ang

ating kakayahan. Makikita din natin kung ano talaga ang pagkakaiba ng babae sa lalaki

at mga dahilan kung bakit sila nagkakaiba sa ibat-ibang aspeto sa ating lipunan.

Mababasa natin dito kung ano ba talaga ang ating kasarian. Ang pagkalalaki

naman ay isang sosyolohikal sapagkat ang mga papel na ginagampanan ng isang tao

sa pamilya at lipunan pati na ang mga ekspektasyon sa kanya ay hinuhubog ang

mundong sosyal na kanyang ginagalawan. Ito ay sikolohikal din sapagkat ang personal

na pananaw ng kinauukulan ay hindi maaaring balewalain. Malungkot man sabihin

ngunit totoo na hindi nababanggit ang kababaihan at ang ambag niya sa pagbubuo ng

pambansang kamalayan. Para bang ang kalalakihan lamang ang may kakayahan sa

mga matatayog na mga ideya gaya ng pagmamahal sa Inang Bayan o ng

nasyonalismo.Mabuti na lamang na ang kababaihan ay unti-unting namumulat sa

pangangailangan na isama sila sa mga pahina ng ating kasaysayan, lalo na sa

pagbubuo ng pambansang kamalayan. Hinihikayat namin ang mga mambabasa na mag

bigay ng kanilang sariling posisyon hinggil sa isyu upang mag karoon siya ng kasagutan

sa mga ito at kalinawan pag dating sa dulo ng isyu.

Ang pag aanalisa sa isyung aming napili ay kinapapalooban ng pag hahanap ng

mga nakaraang pag aaral na katulad ng aming isyu, pag kakaroon ng interbyu sa ilang

tao hinggil sa kanilang posisyon hinggil sa isyu at pag kokondak ng mga poll upang

mabilis na malaman ang posisyon ng ating lipunan hinggil sa isyu. Sa pamamagitan ng

Page 4: De Vera Pabustan

4

mga ito ay makagagawa kami ng isang pag aaral hinggil sa isyu ng kasarian na kung

saan ay walang pinapanigang kasarian.

Kasarian at Pagkakakilanlan

Sadyang mahirap iwasan ang sistema ng pagkilala na tumitingin sa ating

kasarian. Kapag ang isang tao ay nagkukuwento tungkol sa isang kaibigan, kailangan

niyang banggitin kung ito ay isang lalaki o babae. Kung hindi, mahihirapan ang

kinukuwentuhan na maglarawan sa kanyang isip ng kaibigang iyon. Bagamat ang

pagiging lalaki o babae ay maaaring walang kinalaman sa kanyang kuwento o sa ibang

katangian ng kaibigang tinutukoy, ang karaniwang takbo ng pag-iisip ay kumikilala sa

kasarian bilang aspeto ng pagkakakilanlan na hindi maihihiwalay dito.

Hindi naman talaga maiiwasan na ang bawat tao ay mayroong kasarian. Hindi ito

dapat iwasan. Mahalaga ito para sa reproduksiyon at para sa kaligayan ng indibiduwal.

Dahil na rin siguro dito, ang kasarian ay nakikita bilang isang katangian kung saan

nakasalig ang pagkilala sa isang tao, ang pagtingin at pagpapahalaga sa kanya, ang

pag-asa sa kanyang magagawa at hndi magagawa, at ang pagsuri sa dapat at hindi niya

dapat gawin. Kahit na walang likas na masama sa ganito, nakapagbubunga ito ng pang-

aapi dahil sa pagtawag ng pansin sa kasarian sa halip na sa mismong pagkatao.

Kung gayon, makatutulong na masuri ang kahulugang ibinibigay natin sa

kasarian sa ibat-ibang sitwasyon. Ang tuon dito ay nasa kalalakihan lamang, subalit ang

mga implikasyon ay totoo para sa anumang kasarian.

Sa tingin namin ang magiging ambag ng pag aaral na ito sa larangan ng

Karunungang Panlipunan ay ang pag sagot sa mga katanungan ng mga tao hinggil sa

isyu at ang pag tama sa mga maling kaisipan hinggil sa isyu. Magiging ambag din nito

ang pagiging patas natin sa pag tingin sa isa’t- isa maging siya ay isang babae o lalaki.

Page 5: De Vera Pabustan

5

Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura/ Diskusyon

Batay sa naisagawang Census ng pamahalaan sa unang bahagi ng kasalukuyang

dantaon, may ilang kapuna-punang kalagayan ang ugnayan ng kasarian sa kabuhayan.

Ang una rito ay ang makabuluhang bahagdan ng mga kababaihan sa mga naitalang

mga hanapbuhay.

Talaan Blg. 1 Mga Manggagawang May Sahod sa Pilipinas ayon sa Industriya at

Kasarian 1903, 1918, 1939 at 1948

Kabuuan Lalaki Babae Bahagdan

Babae

Lahat ng Gawain 1903 6,987,686 3,496,652 3,491,034 49.96

Agrikultura 1,254,063 1,163,777 90,286 7.20

Serbisyong Propesyunal 25,637 23,358 2,279 8.89

Serbisyong pantahanan at personal 571,955 431,388 140,567 24.58

Kalakalan at transportasyon 226,555 150,989 75,566 33.35

Pagawaan 959,670 243,081 716,589 74.67

Walang pasahod, hindi naitala 3,949,806 1,484,059 2,465,747 62.43

Kabuuan Lalaki Babae Bahagdan

Babae

Lahat ng Gawain 1918 6,441,150 3,224,596 3,216,554 49.94

Agrikultura 2,601,299 1,871,197 730,102 28.07

Page 6: De Vera Pabustan

6

Serbisyong Propesyunal 685,507 409,737 275,770 40.23

Serbisyong pantahanan at personal 1,853,804 518,103 1,335,701 72.05

Kalakalan at transportasyon 426,547 252,894 173,653 40.71

Pagawaan 865,698 168,999 696,699 80.48

Hindi alam 8,295 3,666 4,629 55.80

Kabuuan Lalaki Babae Bahagdan

Babae

Lahat ng Gawain 1939 8,466,150 4,219,278 4,247,215 50.16

Agrikultura 3,456,370 2,981,551 474,819 13.74

Serbisyong pantahanan at personal 3,478,084 123,508 3,354,576 96.45

Serbisyong Propesyunal 103,415 65,438 37,977 36.72

Iba pang serbisyo 180,569 175,841 4,728 2.62

Pangingisda at pangangaso 26,820 24,903 1,917 7.15

Pagmimina at pag titibag 47,109 46,625 394 0.84

Pagawaan 601,335 333,976 267,359 44.46

Transportasyon at komunikasyon 203,596 202,449 1,147 0.56

Page 7: De Vera Pabustan

7

Klerikal 48,899 44,904 3,995 8.17

Kalakalan 270,766 171,099 99,667 36.81

Kabuuan Lalaki Babae Bahagdan

Babae

Lahat ng Gawain 1948 5,202,518 4,120,700 1,081,818 20.79

Agrikultura, kagubatan at

pangisdaan

3,236,092 2,825,504 410,588 12.69

Pagmimina at pagtitibag 17,860 17,680 180 1.01

Pagawaan 452,603 245,919 206,684 45.67

Konstruksyon 133,411 133,361 50 0.04

Transportasyon at komunikasyon 134,863 132,940 1,923 1.43

Kalakalan 340,386 202,097 138,289 40.63

Pamahalaan 246,841 233,658 13,183 5.34

Serbisyong personal 376,770 146,296 230,474 61.17

Serbisyong propesyunal 158,775 92,022 66,753 42.04

Serbisyong panlibangan 12,567 10,857 1,710 13.61

Gawaing hindi naiuri 52,375 47,872 4,503 8.60

Gawaing hindi naitala 39,975 32,494 7,481 18.71

Page 8: De Vera Pabustan

8

Sa pangkabuuan, ang lahat ng mga tala ay nag sasaad na halos kalahati ng mga

manggagawang naitala ay mga kababaihan. Palagiang ganito ang kalagayan sa

kabuuan ng mga tala para sa lahat ng gawain, maliban na lamang sa taong matapos

ang digmaan na biglang bumaba sa ikalimang bahagi lamang ng kabuuan ang bilang ng

mga kababaihan. Mapupuna rin ang pag baba at pag taas ng partisipasyon ng mga

manggagawang kababaihan sa iba- ibang larangan sa pagdaraan ng panahon.

Batay sa mga nabanggit na pagtalakay, ilang paglalahat ang maaaring isakatuparan.

Ang una ay ang kapuna- punang makabuluhang bilang ng mga kababaihan na

kasangkot sa larangan ng pagawaan. Sa unang limang dekada ng nakaraang dantaon,

ang naitalang bilang ng mga kababaihan ay makabuluhan sa maraming larangan. Hindi

na maikakaila ang kanilang partisipasyon sa iba- ibang laranga ng kabuhayan.

Gayunpaman, may kapuna- punang pag hihiwalay ng mga gawain na nakabatay sa

kasarian ang nanatili, kung hindi man pinalakas ng pag daraan ng panahon. Ang ilang

mga gawain ay naging eksklusibo sa mga kababaihan at kalalakihan. Ito marahil ay

bunga na rin ng mga nangingibabaw ng mga pananaw hinggil sa kakayahan at

kasanayan na ikinakawing sa kasarian ng kalinangan ng lipunan. Hindi masusukat ng

anumang kantitatibong pamamaraan ang pamamayani ng ganitong uri ng ideyolohiya ng

pag gawa at ugnayang pangkasarian, subalit ang mga datos at nag papakita ng pag

kakaroon ng ganitong hayag ng katangian.

Isa pang mahalagang bagay ng maaring ihain bilang pag lalagon ay ang epekto ng

kaayusang koloyal sa larangan ng paggawa at kasarian. Mapapansing ang

kolonyalismong Amerikano ay ipinakilala bilang tagapagbukas ng mga oportunidad sa

mga mamamayan hinggil sa maramihang kalakalan at pag gawa. Ang kapuna- punang

naging epekto ng “pagbubukas” na naganap ay ang pagpapatatag ng paghihiwalay ng

kasarian sa mg particular at ispesipikong gawaing pang- industriyal. Bunga nito, ang

pagkakaroon ng mga gawaing panlalaki at pambabae lamang ay naging malawakan.

Page 9: De Vera Pabustan

9

(Mula sa Philippine Social Sciences Review Vol. 52 January- December 1995)

Ayon sa mga datos na naitala sa itaas madaling makikita ang partisipasyon ng mga

kababaihan sa mga nabanggit na gawain. Mapapansin na lahat ng mga gawain ay

hilalahukan ng mga kababaihan at ang iba pa sa mga ito ay dikit ang bahagdan sa mga

kalalakihan. Gamit ang mga datos na ito mapapatunayan na sa isang aspeto ng ating

lipunan at iyon ay ang mga nabanggit na mga gawain na pantay ang babae at lalaki.

Masasagot na din ng mga datos na ito ang mga katanungan sa pag aaral na ito. Tulad

ng mga bagay na kung saan ay dominante ang lalaki ngunit ngayo’y may mga kababa

ihan na rin at ang mga maling kaisipan natin hinggil sa pagiging babae at lalaki. Ang pag

pili ng trabaho na kung saan ay naaapektuhan ng kasarian dahil na rin sa maling

pananaw na natanim na sa ating mga isipan na kung saan ang mga trabahong panlalaki

ay hindi dapat hilalahukan ng mga kababaihan

Kung susuriing mabuti ang mga datos sa itaas ay makikita parin na may mga gawain

parin na kung saan ay dominante ang mga kalalakihan ngunit hindi parin nawawala ang

partisipasyon ng mga kababaihan tulad ng Pagmimina at pagtitibag, Konstruksyon,

Pangingisda at pangangaso at Transportasyon at komunikasyon. Bunga na rin ito

marahil ng pagkakaroon ng tradisyunal na pananaw hinggil sa kung alin ang mga

“panlalaki” at “pambabae” sa mg gawain. Mapupunang ang lahat ng mga gawaing

nagpapahiwatig ng pagiging “panlalaki” ay nangangailangan ng pisikal na lakas o

kakayahan sa pamamahala. Sa ganitong pamamaraan, maaaring ipakita ang tradisyunal

na pag tingin hinggil sa paghahati ng mga gawain sa aspeto ng kasarian. Ang mabubuo

nating pinapakahulugan nito ay ang pag kakaroon ng diskriminasyon sa larangan ng

kasarian ayon sa kakayahan ng mga indibidwal na isagawa ang mga gawain ayon sa

kakayahan at sa hindi ayon sa kasarian. Ang nasabing diskriminasyon ay walang

nilalabag na karapatan ng babae o lalaki dahil nakabatay ang pag pili ayon sa sariling

kakayahan.

Page 10: De Vera Pabustan

10

Maitatama rin ng mga datos sa itaas ang mga tradisyunal na kaisipan kung saan ang

isang trabaho sinasabing pang babae o pang lalaki lamang. Isang magandang

halimbawa nito ay ang pag kuha ng mga babae ng kursong inhinyero. Noon pa man

karamihan ng mga nagiging inhinyero ay mga kalalakihan lamang ngunit ngayon ay

pinasok na din ito ng mga kababaihan. Natanim na sa ating mga isipan na ang kursong

ito ay pang lalaki lamang ngunit ngayo’y pinapatunayan na mga kababaihan ang

kanilang pagiging pantay sa mga kalalakihan sa pag pili pa lamang ng kursong kanilang

kukuhanin. Isa itong maling tradisyunal na kaisipan na dapat na mabago o mawala sa

isipan ng bawat isa.

Resulta/ Konklusyon

Pinapanganak ang bawat tao na may katawan ng babae o ng lalaki. Ang

pagkakaiba sa katawan ang nagtatakda sa kasarian (sex) ng tao.Iba naman ang papel

batay sa gender (gender role) ng isang tao. Pagtatakda ito ng komunidad kung paano

ang pagiging babae at lalaki. Umaasa ang komunidad sa bawat tao na mag-isip,

makadama at kumilos sa takdang paraan, dahil lang sa sila’y babae o lalaki. Sa

maraming komunidad, halimbawa, babae ang inaasahang maghanda ng pagkain, mag-

ipon ng tubig at panggatong, at mag-alaga sa mga anak at kapartner. Madalas naman,

lalaki ang inaasahang magtrabaho sa labas ng bahay para suportahan ang pamilya at

mga magulang sa pagtanda, at magtanggol sa pamilya mula sa kapahamakan.

Di tulad ng pisikal na pagkakaiba sa pagitan ng lalaki at babae, gawa ng

komunidad ang gender role. Sa maraming komunidad, ang gawain tulad ng paglalaba at

pagpaplantsa ay tinuturing na ‘pambabae’. Pero ang ibang gawain ay paiba-iba ang

pagtrato— depende sa mga tradisyon, batas at relihiyon. Puwede pa ngang maiba ang

mga papel na ito sa loob ng iisang komunidad, batay sa edukasyong naabot, katayuan o

edad. Halimbawa, sa ilang komunidad, inaasahan sa gawaing bahay ang mga babaeng

mula sa isang uri o katayuan, samantalang mas maraming trabaho ang puwedeng

pagpilian ng iba.

Kasarian pagkakapantay-pantay, una at nangunguna sa lahat, ang isang tao na

karapatan . Mga kababaihan ay may karapatan upang mabuhay sa karangalan at sa

ginhawa at mula sa takot. Empowering kababaihan ay din ang isang kailangang-

kailangan kasangkapan para sa pagsulong ng pag-unlad at pagbabawas ng kahirapan.

Page 11: De Vera Pabustan

11

Empowered babae ay mag-ambag sa kalusugan at pagiging produktibo ng

buong pamilya at komunidad at sa pinabuting mga prospect para sa susunod na

henerasyon. Ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng kasarian ay underscored

sa pamamagitan ng pagsasama bilang isa ng ang walong Millennium Development

Layunin . Pagkakapantay-pantay ng kasarian ay kinilala bilang isang susi sa pagkamit

ng iba pang mga pitong mga layunin.

Pa diskriminasyon laban sa mga kababaihan at mga batang babae -

kabilang kasarian-based na karahasan ,pang-ekonomiya diskriminasyon , reproductive

na kalusugan inequities , at mapanganib na mga tradisyonal na kasanayan - ay

nananatiling ang pinaka-malaganap at paulit-ulit na paraan ng hindi

pagkakapareho. Mga kababaihan at mga batang babae pasanin ng napakalaking hirap

sa panahon at pagkatapos ng mgamakatao emerhensiya , lalo na ang mga armadong

salungatan. Para sa higit sa 30 taon, ang Pondo ay sa forefront ng nagtataguyod para

sa mga kababaihan, nagpo-promote ng mga legal at patakaran na reporma at kasarian

sensitibong data ng koleksyon, at pagsuporta sa mga proyekto na mapabuti ang

kababaihan kalusugan at palawakin ang kanilang mga pagpipilian sa buhay.

Rekomendasyon

Sa panahon nila Rizal kung ating mapapansin, pagdating sa mga kababaihan

sila ay konserbatibo, mahinhin, mapanatili ang pagiging malinis sa pangangatawan at

pananampalataya sa relihiyon at kailangang sa bahay lamang ang mga babae.

Pagdating naman sa mga lalaki’y kailangang mapanatili ang pagiging matipuno at ang

pagbibigay ng respeto/ paggalang sa mga kababaihan. Ngunit batikos ni Rizal na hindi

dapat ganito ang maging imahe ng mga kababaihan dito sa Pilipinas kundi malakas,

may paninindigan sa sarili at karapatan. Halimbawa nito ang mga “Women of Malolos”

na ipinaglaban nila na dapat ang mga kababaihan din ay makatanggap ng wastong

edukasyon at makapagsalita ng wikang Espanyol, sila’y nagwagi sa kanilang argumento

laban dito. Dapat tularan din ang mga kababaihan ng mga dayuhan katulad ng America,

Europa, at ang mga kababaihan sa Sparta.

Kung ating maalala ang sinulat ni Rizal na si Salome ang kasintahan ni Elias ang

nagaaya na lumisan at sumama sa kanya, ngunit ng malaman ni Salome na ayaw

Page 12: De Vera Pabustan

12

sumama ni Elias ay siya nitong iniwan at lumisan. Makikita dito ang pagdedesisyon ng

babae para sa kanyang sarili at hindi nagpapaapekto sa kanyang kapaligiran.

Ayon sa etikal na pilosopiya ni Rizal, tinuligsa niya ang tungkol sa pagpapakasal

ng mga babae at lalaki ay hindi dapat sila nag-uugnay sa kadahilanan ng pera at

kapangyarihan kundi pagmamahalan ang namamagitan sa dalawa. Isa isyu na tinuligsa

ni Rizal ang pantay na pantay na pagtingin sa bawat kasarian, walang diskriminasyon

dahil sa kasarian o pagiging “sexist”, at pantay na karapatan sa pagitan ng babae at

lalaki.

References

http://www.likhaan.org/fil/content/papel-batay-sa-kasarian-gender

http://www.unfpa.org/gender/

https://wakeuphils.wordpress.com/category/gender-issues/

Gender Issues in Philippine Society by Ma. Cecilia Gastardo-Conaco

http://www.thepoc.net/online-writing-contest-entries-2010/4295-the-dichotomy-of-

gender-equality-in-the-philippines.html

Contribution of Members

Pabustan, Kim Alfred- Discussion

De vera, Rennze Dominic- Introduction

Pabustan, Kim Alfred- Recommendation

De vera, Rennze Dominic- Conclusion