Upload
others
View
3
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Del Rosario Christian Institute
Del Rosario Christian Institute
Aralin 1 ANG BANTAY NA ANGHEL NI BIANCA
Naniniwala ba kayo na tayo ay may Guardian Angel? Basahin natin ang liham ni
Bianca sa kanyang anghel.
Dear Guardian Angel,
Maraming salamat sa mga naitulong mo sa akin. Pinasasalamatan din kita sa
pagsusubaybay mo sa akin sa buong maghapon at maging sa aking pagtulog.
Tuwang-tuwa ako nang balaan mo ako na huwag sumama sa aking mga kaklase
sa Antipolo pagkatapos ng klase. Hindi naman kasi kami nakapagpaalam sa aming mga
magulang. Masama iyon, di ba? Alam mo ba ang nangyari sa kanila? Naaksidente ang
kanilang sasakyan at sila ay nasaktan. Ilang araw din silang hindi nakapasok sa paaralan.
Agad akong nagpunta sa aming altar at nagpasalamat sa pagkaligtas ko.
Noong minsan naman, inakay mo ako sa lugar kung saan nahulog ang aking
pitaka.Iyak ako nang iyak dahil naroon ang pambayad ko sa proyekto naming sa
Scouting.Mabuti na lamang at narinig mo ako noong tinatawagan kita.
Siyanga pala, salamat sa pagbabantay mo sa akin habang ako ay nagbabalik-aral sa
aming pagsusulit.Hindi ako inantok agad. Marami akong napag-aralan kaya mataas ang
mga marka ko.Samahan mo uli ako sa susunod na pagsusulit ha?
Hindi ko malilimutan nang tulungan mo akong maging matatag habang nasa
pagamutan ang aking ama. Siya ay inatake sa puso at namalagi roon nang ilang araw.
Alam mo, habang nasa ospital si tatay, si nanay ang nagbabantay sa kanya roon. Ako ang
nag alaga at nag-asikaso sa aking dalawang nakababatang kapatid. Mabuti na lamang at
dumating ang isa kong tiyahin kaya may nakasama na kami sa bahay. Nagagalak siya
dahil maaasahan daw pala ako.
Lagi kaming nagdarasal sa Diyos. Hinihiling namin sa kanya na pagalingin Niya
ang aming ama. Ano ang nangyari? Nalagpasan ni Tatay ang krisis. Magaling na siya at
masayang-masaya na kami ngayon.
Salamat sa pamamalagi mo sa tabi ko sa iba't ibang pagkakataon at sa pagtuturo
mong na manalig akong lagi sa Poong Maykapal. Hindi ko iyon kalilimutan.
Matapat na sumasainyo,
Bianca
Del Rosario Christian Institute
Linangin ko
A. Basahin ang mga salita.
B. Sagutan ang mga tanong.
1. Sino ang sinulatan ni Bianca?
_________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Bakit niya ito sinulatan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Paano siya nailigtas sa aksidente?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Bakit siya nakakuha ng mataas na marka sa pagsusulit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5. Bakit siya umiyak nang nawala ang pitaka niya?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
6. Bakit na ospital ang kanyang ama?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
7. Anu-ano ang ginawa niya noong nasa ospital ang kanyang ama at ina?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
8. Bakit sila masaya ngayon?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
9. Ano ang nakatulong upang gumaling ang kanilang ama?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
10. Naniniwala ka ban a mayroon kang bantay na anghel? Bakit? _____________
Balaan nagagalak pagamutan
krisis nananalig pagsubaybay
matatag namalagi
Del Rosario Christian Institute
Pag-aralan
Ang Panghalip at mga Uri nito
Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa binasa mong liham ?
Anu-ano ang mga iyon?
Alam mo ba ang tawag sa mga salitang binanggit mo?
Panghalip na Panao
Ang panghalip na panao ay mga panghalip na ginagamit panghalili sa ngalan ng tao. (MO,
KITA, AKIN, IKAW, AKO, at NAMIN). Sa Ingles, ito ay ang personal pronoun
Del Rosario Christian Institute
TANDAAN Ang panghalip na panao ay ipinapalit sa ngalan ng tao. Ito ay may tatlong
panauhan. Ang unang panauhan ay ipinapalit sa taong nagsasalita. Ang Ikalawang
panauhan ay ipinapalit sa ngalan ng taong kinakausap. Ang Ikatlong panauhan ay
ipinapalit sa ngalan ng mga taong pinag-uusapan.
Bukod sa tatlong panauhan, may tatlong kailanan din ang panghalip ito ay ang
isahan, dalawahan, at maramihan.
Pagsasanay 1
A. Bilugan ang panghalip panao sa mga pangungusap.
1. Ang kanyang liham ang ipinadala sa Canada.
2. Tayo raw ang magiging patrol lider sa kamping,
3. Ako ay laging kumakain ng mga gulay at prutas.
4. Sila ba ang mga kasapi ng Kabataang Barangay?
5. Ibabalita ng guro sa inyo ang resulta ng pagsusulit.
6. Ikaw pala ang napiling Outstanding Student of the Year.
7. Inihatid ni Dra. Romualdez ang pasyente sa kanilang bahay.
8. Ang mga kasama namin sa pangkat ay mga taga Pasig City.
9. Si Presidente Joseph Estrada ang iimbitahin natin sa ating Palatuntunan.
10. Dumalaw sa aking lola ang mga kamag-anak sa lalawigan.
Pagsasanay 2
B. Palitan ng nararapat na panghalip panao ang mga salitang nasa loob ng
panaklong.
Isulat ang sagot sa patlang sa unahan ng bilang.
1. Nakita mo ba (si Alyanna) sa Robinson's Galleria?
2. Kukumbidahin mo ba (si Rachelle) sa iyong kaarawan?
3. (lkaw at ang iyong kapatid) ay laging nagrorosaryo bago matulog.
4. Sina Robert, Raymond at Ronald) ay naglalaro ng computer games.
5. Ang proyekto ang kausap) ang nakakuha ng pinakamataas na marka.
Del Rosario Christian Institute
Panghalip na Pananong
Ang Panghalip na pananong ay mga salitang ipinapalit sa pangngalan na ginagamit sa
pagtatanong. Ito ay maaaring isahan o maramihan. panghalip na siyang ginagamit panghalili sa ngalan
ng tao, bagay, pangyayari, pook, at iba pang pangngalan.
1. Sino at Kanino – Ito ay ginagamit para sa tao.
Sino ang kukuha ng ulam na binili sa palengke?
Kanino mo ibibigay ang bulaklak na iyan?
2. Ano – Ito ay ginagamit para sa hayop, bagay, katangian, pangyayari, at ideya.
Ano ang ibinigay ni Roman sa’yo bilang regalo?
Ano ang pagdiriwang bukas?
3. Kailan – Ito ay ginagamit pangtanong tungkol sa petsa at panahon.
Kailan uuwi si Oscar?
Kailan magbibigay ng pera pambayad ng ilaw si Danilo?
4. Saan – Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa lugar.
Saan pupunta ang mag-amang Mang Terio at Felimon.
Saan mo ipapadala ang pasalubong?
5. Bakit – Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa dahilan.
Bakit mo pinayagang umalis si Cardo?
Bakit hindi agad nakarating ang bayad ni Pilar?
6. Paano -Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa pamamaraan.
Paano niya tinanggap ang pagkawala ng asawa niya?
Paano lulutuin ang adobo?
7. Ilan – Ito ay ginagamit sa pagtatanong sa dami o bilang.
Ilang bote ng suka ang ipinapabili ng nanay?
Ilang bata ang sasama sa lakbay aral?
8. Alin – Ito ay ginagamit sa pagpapapili.
Alin ang gusto mo, ang relo o ang sapatos?
Alin sa kambing at baboy ang nais mo ihain sa mga bisita?
Kayang- kaya ko
A. Punan ng wastong panghalip pananong ang mga patlang.
1._________ang binuburdahan mong panyo?
2._________kilo ang bibilhin mong bigas?
3.__________ka nakatira?
4. _________ ang pangalan mo?
5._________ ang kasama mong maligo sa dagat?
Del Rosario Christian Institute
6. ____________ibibigay ang tropeo sa Timpalak sa Pagbaybay
7.____________ipinagdiriwang ang Araw ng kalayaan?
8.____________mga bansa naglakbay ang mga pangulo at unang ginang ng bansa?
9. ___________ang kalihim ng Edukasyon at Sports?
10.__________ang mga dadalhin sa fieldtrip?
Panghalip na Pamatlig
Basahin ang mga pangungusap
1.” Heto, may napitas akong mga bulaklak” ang sabi ng batang lalaki.
2. Dito sila pinuntahan ng dalawang matandang babae.
Ang panghalip na pumapalit sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na itinuturo ay tinatawag na panghalip na pamatlig. 1. Unang Panauhan - Kung ang bagay na itinuturo ay malapit sa nagsasalita ginagamit natin ang mga salitang ito, ire, nito, nire, ganito, ganire, dito, dine, at heto. 2. Ikalawang Panauhan- Kung ang itinituro ay malapit sa nagsasalita at taong kinakausap, ginagamit natin ang iyan, niyan, ganyan, diyan, o hayan. 3. Ikatlong Panauhan- Kung ang itinuturo ay malayo sa mga nag-uusap o sa nagsasalita at kinakausap ginagamit natin ang iyon, hayun, doon, ganoon, o niyon. Pagsasanay
Tukuyin kung ang panghalip pamatlig ay una, ikalawa, o ikatlong panauhan.
1. Dito natin ilalagay ang mesa. ____________________ 2. Nakita bo ba iyong ulap na mukhang barko? _________________ 3. Ganire tinutupi ang mga medyas._______________________ 4. Diyan ko nakita ang hikaw ni Amelia._________________ 5. Ganyan katamis ang pinya sa Bukidnon.___________________ 6. Gumawa na nito si Josefina para sa kanyang proyekto.______________ 7. Heto yung bangka na ginawa nina Nilo at Edward. ________________ 8. Hayun ang saranggola ni Minerva. ___________________ 9. Doon sa palasyo nakatira hari at reyna. ___________________ 10. Iyan ang susuotin ko sa Linggo.______________________