Upload
others
View
24
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
PAKSA 1: MGA KATANGI – TANGING UGALING PILIPINO
Layunin: Nakikilala ang mga Pilipinong bumubuo sa mga pamayanan.
PANGKAT - ETNIKO
Tinatawag na pangkat - etniko ang mga pangkat ng taong magkakasama at magkakatulad sa paniniwala, gawi, wika, pananamit at pamumuhay. May mga pangkat - etniko sa Luzon, Visayas at Mindanao.
PANGKAT - ETNIKO SA LUZON
1. Tagalog o Ang mga Tagalog ay isa sa mga pinakamalaking pangkat etniko sa Pilipinas at
siyang may pinakamalawak na paglawig sa bansa. Sila ang nangingibabaw na pangkat sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Bulacan, Laguna, Bataan, Quezon, Camarines Norte, Marinduque, at Rizal. Nagtataglay rin ang Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, Zambales, Mindoro Oriental, Palawan, at ang Kalakhang Maynila ng maraming bilang ng mga Tagalog.
2. Ilokano o Ang Ilokano ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Ilokano,
ang pangatlong pinakamalaking pangkat-etniko sa Pilipinas. Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon ang katutubong lugar ng mga Ilokano at ito ang
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
nagbibigay ng pagkakakilanlan para sa Rehiyon ng Ilocos. Ang "Ilokano" ay karaniwang katawagan din sa Iloko (o Iluko), ang wika ng mga Ilokano.
3. Igorot o Ang mga Igorot ay isang pangkat etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila
sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa Hilaga ng bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR): ang Benguet at Mountain Province lamang ang mga lalawigan na nagmamalaking sila ay Igorot. Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May tatlong na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, at Kankanaey.
4. Kapampangan o Ang mga Kapampangan ang ikapitong pinakamalaking pangkat
etnikong Pilipino. Pangunahin silang naninirahan sa mga lalawigan ng Pampanga at Tarlac, gayundin sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, at Zambales.. Ang wikang Kapampangan ang katutubong wika ng mga Kapampangan.
5. Bikolano o Ang mga Bikolano ay isang pangkat-etniko na naninirahan sa Tangway
ng Rehiyong Bikol sa Pilipinas. 6. Pangasinense
Maaaring tumukoy ang Pangasinan (Kastila: pangasinense):
sa mga taga-Pangasinan; sa mga Panggasinense; o, sa wikang Panggasinan.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
PANGKAT - ETNIKO SA VISAYAS
1. Ilonggo | Hilagaynon o Ang mga Hiligaynon ay nakatira sa isla ng Panay, Guimaras, kanlurang bahagi
ng Islang Negros, Hilaga at Timugang Cotabato at Sultan Kudarat. 2. Waray | Lineyte-Samarnon
o Kilala rin bilang Leyte-Samarnon, ang mga Waray ay nakatira sa mga isla na Samar, Leyte at ang islang lalawigan ng Biliran
3. Cebuano | Bisaya o Kilala rin bilang Bisaya sa madla, ang pangkat na ito ay nakatira sa isla ng Cebu,
silangang bahagi ng Islang Negros, Bohol, Siquijor at bahagi ng Leyte 4. Karay-a | Kinaray-a
o Ang Karay-a ay isang pangkat na nasa isla ng Panay at Palawan. May isang pangkat ng Karay-a na tinatawag na Hamtikanon na nakatira sa lalawigan ng Antique
5. Aklanon o Ang mga Aklanon ay nakatira sa lalawigan ng Aklan sa isla ng Panay.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
PANGKAT - ETNIKO SA MINDANAO
1. Muslim o Sila ay maaaring matagpuan sa isang distrikto sa Quiapo, Maynila at sa ilang
mga bahagi ng Mindanao tulad ng Sulu, Tawi-Tawi, Maguindanao, at Lanao del Sur. Sila ang pinakamalaking pangkat ng mga di-Kristiyanong Pilipino at itinuturing na pinakamatapang na pangkat ng mga Pilipino dahil hindi sila natalo o nasakop ng mga dayuhan.
2. Maranaw o Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao – Lanao del Sur,
Lanao del Norte, Lungsod ng Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan hinango ang kanilang pangalan.
3. Manobo o Sila ay isa sa mga pangkat etniko ng Pilipinas na nasa mga lugar na katulad ng
Agusan, Bukidnon, Cotabato, Davao, Misamis Oriental, at Surigao Del Sur. 4. T'boli
o Sa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
KABUHAYAN NG MGA PANGKAT - ETNIKO
LUZON
Pagtatanim Pangingisda
VISAYAS
Pagtatanim Paghahayupan Pangingisda Paggawa ng sari -
saring produkto, kasangkapan o pangdekorasyon sa bahay
MINDANAO
Pagtatanim Pagtotroso Pagmimina Paninisid ng perlas Paggawa ng vinta Pangingisda Paggawa ng
industriyang pantahan
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
PAKSA 2: MGA KATANGI – TANGING UGALING PILIPINO
Layunin: Natutukoy ang mga katangi - tanging ugaling nagpapakilala sa mga Pilipino
UGALI
Maraming magagandang asal, ugali, at mga katangian ang mga pamayanang Pilipino na nakatutulong upang sila ay magkaisa. Naipapakita natin ang ating katangi - tanging ugali sa pamamagitan ng ating pagsasalita, pagkilos at pag gawa.
Mga Katangi - tanging Pag-uugali ng mga Pilipino
1. Madasalin
Ang mga Pilipino ay likas na madasalin at may malaking pananalig sa Diyos. Maraming Pilipino ang nabibilang sa relihiyong Katoliko. Ang iba naman ay nabibilang sa relihiyong Iglesia ni Cristo, Born Again, Protestante, Islam at iba pa. Pumupunta sila sa mga pook - sambahan tulad ng simbahan, kapilya, templo at moske. Iba - iba man ang paraan ng kanilang pagsamba, iginagalang ng bawat isa ang relihiyon ng bawat isa.
2. Magalang
Tanda ng paggalang ng mga Pilipino ang paggamit ng "po" at "opo", "ho" at "oho", pagmamano sa mga nakakatandang pamilya, paggamit ng katawang Ama, Itay, Tatay, Daddy, Papa, Tatang, Inay, Nanay, Mama o Mommy sa ating mga magulang, lolo at lola. Tinatawag na Ate ang nakakatandang babae at Kuya naman sa nakakatandang lalaki. Maging Tiyo at Tiya ang iba pang katawagan sa mga iba natin kamag anak.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
3. Masayahin
Ang likas na masayahin ng mga Pilipino ay katangiang nagpapatatag, gumagaan ang anumang problema ang dumating. Mahilig din tayo sa mga salu - salo, pagdalo sa kaarawan, binyagan, kasalan, at iba pang pangkaraniwang okasyon.
4. Matulungin
Tumutulong ang buong pamilya sa lahat ng gawain sa bahay upang mapadali ang mga ito. Maipagmamalaki rin ang pagtulong sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit.
5. Maalalahanin
Ilan sa mga halimbawa ng pagiging maalalahanin ng mga Pilipino ay ang pagdalaw sa mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay na may sakit at nagbibigayan ng regalo kapag may okasyon tulad ng Pasko, pista, at kaarawan.
6. Mapagmahal
Ipinapakita ng ating mga magulang ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pag aalaga sa atin mula sanggol hanggang lumaki, pagbabahagi ng mga bagay na mayroon tayo sa ating mga kapatid, kaibigan at kapitbahay at tumutulong sa mga
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
nangangailangan tulad ng binaha, binagyo at iba pa.
7. Mapamaraan
Nakagagawa ang mga Pilipino na mga simpleng kasangkapan sa bahay, at iba pang mga gamit mula sa patapong mga bagay.
8. Masipag at matiyaga
Ginagawa ng mga Pilipino ang mga gawain sa abot ng kanilang makakaya gaano man ito kahirap. Isang katibayan na ang kasipagan at katiyagaan sa paggawa ng Hagdan-hagdang Palayan o Rice Terraces.
9. Matapang
Likas na matapang ang mga Pilipino na napatunayan sa kanilang pakikipaglaban sa mga dayuhang dumating sa ating bansa. Ang pagligtas sa mga taing nasa panganib o sakuna ay isa sa mga halimbawa ng kanilang katapangan.
10. Mahilig sa awit, sayaw, at musika
Ang musika ay bahagi ng kulturang Pilipino. Ito ay nagbibigay ng kasiyahan sa bawat isa.