23
7 Filipino Unang Markahan – Modyul 3 Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan

Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

  • Upload
    others

  • View
    45

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

7

Filipino Unang Markahan – Modyul 3

Nahihinuha ang kalalabasan ng mga

pangyayari batay sa akdang

napakinggan

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

Filipino- Baitang 7 Alternative Delivery Mode Unang Markahan-Module 3: EPIKO: Indarapatra at Sulayman Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas 2020

Department of Education- Region VII

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: 520-3216 – 520-3217; SDS Office: (032) 255-6405; ASDS Apao: (032) 236-4628

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Grace A. Matsumoto

Tagasuri : Myrna J. Mendaros

Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales

Tagapamahala : Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province

Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province

Dr. Carteza M. Perico, ASDS, Cebu Province

Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province

Dr. Mary Ann P. Flores, Chief CID

Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS

Mrs. Araceli A. Cabahug,, EPSVR, Filipino

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

Filipino 7

Unang Markahan – Modyul 3

Nahihinuha ang kalalabasan ng mga

pangyayari batay sa akdang napakinggan

https://fil21armada.wordpress.com/2016/05/20/indapatra-at-sulayman-epikong-mindanao/

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

Paunang Mensahe

Para sa mga Guro o Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul para sa Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa

pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12

habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa

pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon

din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo

habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa

pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-

unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang

isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol

sa Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong

matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.ii

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

ii

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, maihahanda ang mga mag-aaral para sa isang

matagumpay na pagtatalakay sa paksa na dapat mong matutuhan sa

modyul.

Ang mga pagtataya sa bahaging ito ay higit na mapanghamon kaysa sa

Madali lang Iyan. Ang mga ito ay inaasahang higit na susubok sa

kakayahan ng mga mag-aaral na mag-isip at pagtuunan nang higit na

pansin ang paksa.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay

ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming

paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,

gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin

nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga

kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang

pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan

sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit

ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng

pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula

sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang

bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng

buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto

sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

SANGGUNIAN

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng

modyul na ito.

iii

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat

ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob

sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa

pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin

lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag

mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng

tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga

kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka

nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang

pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito!

iv

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

Panimula

Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang pangkat-

etniko,rehiyon o lalawigan ng bansa. Ito ay isang uri ng panitikang pasalindila.

Nangangahulugang ito ay nailipat o naibahagi sa pamamagitan ng pasaling pagkukuwento o

pasasalaysay lamang. Isa sa pinakalitaw na katangian ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng

mga pangyayaring di kapani-paniwala o puno ng kababalaghan. Karaniwan itong may

tauhang lubos na malakas at makapangyarihang kinikilalang bayani ng rehiyong pinagmulan

nito.

Ang epiko ay ginamit ng ating mg ninuno upang maipakita ang kanilang mga

pagpapahalaga, tradisyon, paniniwala, mithiin at layunin sa buhay. Mahirap masabi kung alin

sa mga epiko ang pinakamatanda, sapagkat ang pagkakasalin sa Espanyol o Ingles ng mga

ito ay hindi pa nalalaman. Ang panahon kung kailan nalikha ang isang epiko ay

masasalamin lamang sa mga pangyayaring isinasalaysay ng epiko.

Maraming epiko ang nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno sa bawat pangkat o

rehiyong kanilang kinabibilangan bagama’t ilan lamang sa mga epikong ito ang nakilala at

lumaganap sa bansa dahil sa kakulangan ng sapat ng tala. Narito ang ilan sa mga epikong

nakilala sa bawat rehiyon o pangkat.

• Epiko ng mga Ilokano: Lam-ang

• Epiko ng mga Bikol: Handiong (Ibalon at Aslon)

• Epiko ng mga Ifugao: Hudhud

• Epiko ng mga Maranao: Bantugan

• Epiko ng mga Magindanao: Indarapatra at Sulayman

1

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Kasanayang Pampagkatuto:

• Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan.

(F7PN-Ic-d-2)

Matapos ang araling ito, inaasahang nagagawa mo na ang mga sumusunod:

1. Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang nabasa.

2. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay.

3. Napapahalagahan ang pamilya at kulturang Pilipino.

PAYABUNGIN NATIN

I. Panuto: Ibigay ang tinutukoy na salita sa bawat bilang sa tulong ng mga pahiwatig na titik sa bawat kahon.

K __ w __ __ a 1. Iba pang tawag sa yungib.

B __ y __ n 2. Lantad na lugar; binubuo ng mga barangay. U __ __ l a 3. Namatayan o nawalan ng mahal sa buhay. K __ b __ __ __ g 4. Pahabang kahon na pinaglalagyan ng patay. B __ __ g __ __ y 5. Tawag sa patay na tao o hayop.

Ikinagagalak kong ikaw ay talagang

nasasabik na matutong pagyamanin ang sarili.

Kaya naman narito ang mga tanong upang

subukan ang iyong kakayahan sa talasalitaan.

2

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

II. Panuto: Piliin ang salitang hindi dapat mapabilang sa pangkat dahil sa naiibang

kahulugan nito.

1. agad dagli mabilis mabagal

2. nag-aalab nag-iinit nagpupuyos namatayan

3. matalas matalim mapurol nahasa

4. kinain inumin nilapa sinibasib

5. kahindik-hindik malagim masalimuot nakatatakot

KILALANIN MO! Mayroon ka bang kilalang superhero? Sino siya? Subukin mo nga siyang iguhit o ipakilala sa loob ng kahon. Isulat mo rin ang mga katangiang taglay niya kung bakit mo siya hinahangaan.

Ang aking paboritong superhero:

Mga dahilan kung bakit ko siya iniidolo o

hinahangaan:

Katangian niyang kakaiba o katangi-tangi:

BALIKAN

Hindi na maipagkakaila pa na may

natutunan ka sa nakaraang modyul. Kaya

naman naritong muli ang isang hamon para

subukin ang iyong kaalaman.

3

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

Tuklasin at basahin natin ang pakikipagsapalaran ng buhay ng mga tauhan sa Epiko

ng Mindanao.

Indarapatra at Sulayman Salin ni Bartolome del Valle

(Synopsis )

Mga Tala para sa Guro

Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at

gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat

ng kanilang mga sagot sa mga gawain. Lahat ng sagutang papel at mga

proyektong nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng nararapat na

marka.

TUKLASIN

4

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

5

I

Nang unang panahon ayon sa alamat, ang pulong Mindanaw ay wala ni kahit munting

kapatagan. Pawang kabundukan ang tinatahanan ng maraming taong doo’y namumuhay.

Maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.

II Subalit ang lagim ay biglang dumating sa kanila na dati’y payapa. Apat na halimaw ang doo’y

nanalot. Una’y si Kurita na maraming paa at ganid na hayop pagka’t sa pagkain kahit limang

tao’y kayang nauubos.

III Ang bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw na may mukhang tao na

nakakatakot kung ito’y mamasdan, ang sino mang tao na kanyang mahuli’y agad nilalapang

at ang laman nito’y kanyang kinakain na walang anuman.

IV

Ang ikatlo’y si Pah na ibong malaki. Pag ito’y lumipad ang bundok ng Bita ay napadilim

niyong kanyang pakpak. Ang lahat ng tao’y sa kuweba tumatahan upang makaligtas. Sa

salot na itong may matang malinaw at kukong matalas.

V Ang bundok Kurayang pinanahanan ng maraming tao ay pinapaglagim ng isa pang ibong

may pito ang ulo; walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko pagkat maaaring

kanyang natatanaw ang lahat ng tao.

VI Ang kalagim-lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaw ay nagdulot-lungkot sa maraming

baya’t mga kaharian; si Indarapatra na haring mabait, dakila’t marangal ay agad na nag-utos

sa kanyang kapatid na prinsipeng mahal.

VII “Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo ng inyong iligtas ang maraming taong

nangangailangan ng tulong mo’t habag”

“O mahal na hari na aking kapatid, ngayon din lilipad at maghihiganti sa mga halimaw ang

talim ng tabak.”

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

VIII Binigyan ng isang singsing at isang ispada ang kanyang kapatid upang sandatahin sa

pakikibaka. Kanyang isinasabit sa munting bintana ang isang halaman at saka nagsulit: “Ang

halamang ito’s siyang magsasabi ng iyong nasapit.”

IX Nang siya’y dumating sa tuktok ng bundok na pinaghaharian nitong si Kurita, siya ay

nagmasid at kanyang natunghan ang maraming nayong walang kahit isang taong tumatahan.

“Ikaw magbabayad, mabangis na hayop!” yaong kanyang wika.

X Di pa nagtatagal ang kanyang sinabi, nagimbal ang bundok at biglang lumabas itong si

Kuritang sa puso’y may poot. Sila ay nagbaka at hindi tumigil hanggang sa malagot ang

tangang hiningi niyong si Kuritang sa lupa ay salot.

XI

Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang Tagumpay kaya’t sa Matutum, ang

hinanap naman ay si Tarabusaw; sa tuktok ng bundok ang kanyang namalas ang

nakahahambal na mga tanawin:

“Ngayon di’y lumabas nag ika”y mamatay.”

XII Noon di’y nahawi ang maraming puno sa gilid ng bundok at ilang saglit pa’y nagkaharap

silang puso’y nagpupuyos. Yaong si Sulayma’y may hawak na tabak na pinag-uulos. Ang

kay Tarabusaw na sadata nama-sangang panghambalos.

XIII At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa tapang, ang ganid na hayop sa malaking

pagod ay napahandusay. “Ang takdang oras mo ngayo’y dumating na,” sigaw ni Sulayman at

saka sinaksak ng kanyang sandata ang pusong halimaw.

XIV

Noon di’y nilipad niyong si Sulayman ang bundok ng Bita. Siya’y nanlumo pagkat ang

tahanan sa tao ay ulila; ilang sandali pa ay biglang nagdilim gayon maaga pa at kanyang

natantong ang kalabang ibon ay dumarating na.

6

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

XV Siya ay lumundag at kanyang tainga ang pakpak ng ibon datapwa’t siya ring ang sinamang-

palad na bagsakan niyon; sa bigat ng pakpak, ang katawan niya’y sa lupa bumaon kaya’t si

Sulayman noon ay nalibing na walang kabaong.

XVI Ang kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na hari pagkat ang halaman noon di’y nalanta’t

sanga ay nangabali:

“Siya ay patay na!” ang sigaw ng kanyang namumutlang labi,

“Ang kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay ma’y masawi.”

XVII Nang siya’y dumating sa bundok ng Bita ay kanyang binuhat ang pakpak ng ibon. Ang

katawang pipi ay kanyang namalas. Nahabag sa kanya ang kanyang bathala; biglang

nagliwanag at ilang saglit pa ay nakita niya ang tubig na lunas.

XVIII Kanyang ibinuhos ang tubig na yaon sa lugaming bangkay at laking himala. Ang kanyang

kapatid ay dagling nabuhay. Sila ay nagyakap sa gitna ng galak at ng katuwaan, saka

pinauwi itong si Sulayman sa sariling bayan.

XIX Sa bundok ng Kurayan ang kanyang sinapit ay agad hinanap ang ibong sa tao’y nagbibigay

lagim a nagpapahirap. Dumating ang ibong kay laki ng ulo at ang kuko-matalas. Subalit ang

kalis ni Indarapatra’y nagwagi sa wakas.

XX Sa kanyang tagumpay may isang diwatang bumating magalang:

“Salamat sa iyo butihing bayani na ubod ng tapang, kaming mga labi ng ibong gahaman

ngayo’y mabubuhay. “At kanyang namalas ng maraming taong noo’y nagdiriwang.

7

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

XXI

Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutya kaya’t sa naroon ay kanyang hiniling

na lakip ng sumpa na ila’y ikasal. Noon di’y binuklod ng adhika ang kanilang puso,

“Mabuhay ang hari!” ang sigaw ng madla.

XXII Ang tubig ng dagat ay tila hinigop sa kailaliman at muling lumitaw ang lawak ng lupang

pawang kapatagan; si Indarapatra’y hindi na bumalik sa sariling bayan at dito naghari sa

mayamang lupa ng pulong Mindanaw.

*https://rizhau.wordpress.com/2009/10/22/indarapatra-at-sulayman/

Mga Hamon sa Pag- unawa:

Panuto: Isulat ang inyong mga naging tugon sa iyong kwaderno o sa sagutang papel.

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa akdang binasa? Ilarawan ang katangian

ng bawat isa. 2. Ano-anong problema o suliranin ang makikita sa unang bahagi ng akda? Isa-isahin ang mga ito. 3. Paano nabigyang-solusyon ang mga nasabing problema? Ipaliwanag ang sagot. 4. Sa iyong palagay, madali bang gawin ang naging pasya ng magkapatid na Indarapatra at Sulayman? Bakit?

8

SURIIN

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

5. Kung ikaw ang nasa kalagayan nila,gagawin mo rin ba ang ganoong pasya? 6. Ano ang ibinunga sa buhay ng magkapatid ng ginawa nilang pagtulong sa Mindanao? 7. Ano naman ang naging bunga nito sa mga taong kanilang tinulungan? 8. Paano ipinakita sa akda ang mabuting dulot ng pagtutulungan?

Simbolo! Suriin Natin!

Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa akdang nakatala sa

bawat bilang. Ang unang bilang ay sinagutan na upang maging gabay mo

sa pagsagot.

1. simbolo (Saknong II): apat na halimaw

2. simbolo ( Saknong VIII): halaman

2. simbolo (Saknong VIII): halaman

9

Ang apat na halimaw na maaring pumatay o lumapa sa mamamayan ay sumisimbolo sa

malaking problema dumating sa buhay ng mga mamamayan sa Mindanao. Dahil marami at

malaki ang problema , nangangahulugan din ito na kailangan ng Mindanao ng mahusay ,

matapang, at makapangyarihang pinuno o taong makatutulong sa kanila.

PAGYAMANIN

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

3. simbolo (Mga Saknong XVII at XVIII): tubig

4.simbolo (Mga Saknong XII at XXI): puso

BIGKAS KO, ISIPIN MO!

Panuto: Alamin kung anong katangian mayroon ang tauhang nakatala ayon sa

kanilang sinabi. Piliin ang tamang sagot at ipaliwanag sa patlang kung

bakit ito ang iyong sagot.

1. Indarapatra: “Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo, na iyong iligtas ang maraming

taong nangangailangan ng tulong mo’t habag.”

Likas na maawain Mahina ang loob May malasakit sa kapwa

Paliwanag:

_______________________________________________________________

10

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

2. Sulayman: “Ika’y magbabayad mabangis na hayop.”

Mabangis sa hayop Mapaghiganti sa kapwa Matapang na mandirigma

Paliwanag: _______________________________________________________________

3. Diwata: “Salamat sa iyo, butihing bayani, na ubod ng tapang, kaming mga labi ng ibong gahaman ngayo’y mabubuhay.”

Mapagpasalamat Marunong tumanaw ng utang na loob. Magalang sa maykapangyarihan Paliwanag:

_____________________________________________________________

PAGKURO- KURO Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Paano mo ipinakikita ang iyong pagdamay sa mga taong nangangailangan?

2. Sa iyong palagay, tungkulin ba nga bawat isa ang tumulong sa sinumang nangangailangan? Pangatwiranan.

11

ISAGAWA

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

HANAYIN NATIN!! Panuto: Ihanay sa angkop na kahon ang mga sagot na nasa loob ng hugis puso batay sa

tanong.

A. Katangian ng halimaw na

si Kurita. 1. 2.

B. Katangian ng halimaw na si Tarabusaw. 1. 2.

C. Katangian ng halimaw na si Pah. 1. 2.

D. Katangian ng halimaw na nakatira sa Bundok Gurayu 1. 2.

E. Bakit namatay si Sulayman?

1.

F. Paano nalaman ng kapatid na si Indarapatra na may nangyaring masama kay Sulayman?

1.

• Malaking ibon

• May matang malinaw at kukong matalas

• Maraming paa

• Ganid o matakaw

• Ibong may pitong ulo

• May matalas na kuko

• Mukhang tao na nakakatakot pagmasdan

• Kumakain ng tao

• Nadaganan ng pakpak ng ibong si Pah

• Nalanta at nabali ang sanga ng halaman

TAYAHIN

12

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

Gamitin ang puso upang hindi magkamali. Kung ano ang tinitibok ng puso ay siyang piliin upang hindi ka manghihinayang sa huli.

13

SUSI SA PAGWAWASTO

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

14

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

Indarapatra at Sulayman l i- storya. [ Retrieved Online]

https://rizhau.wordpress.com/2009/10/22/indarapatra-at-sulayman/

Alma M. Dayag et.al. Pinagyamang Pluma 7. Alamin Natin:

Epiko. Pahina 63-64

Philippines’ SARIMANOK [ Retrieved Online]

https://www.pinterest.ph/pin/336151559667444319/

Indarapatra at Sulayman (Epikong Mindanao). [ Retrieved Online]

https://fil21armada.wordpress.com/2016/05/20/indapatra-at-sulayman-epikong- mindanao/

15

SANGGUNIAN

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 22: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education- Region VII- Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405

E-mail Address: [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 23: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil7-Modyul... · 2020. 10. 1. · Ang EPIKO ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang
User
Version 2.0
User
DMWMark