4
Mga Punto Hinggil sa Academic Calendar Shift Inihanda ng ANAKBAYAN Abril 2014 1. Ano-ano ang mga dahilan ng mga pabor sa Academic Calendar Shift? Totoo ba ang mga ito? a. Dadami ang oportunidad ng mga estudyante at guro makalahok sa exchange programs? Mga pagkakataon ng mga guro makapagturo abroad? Mga pagkakataon para magkaroon ng partnership ang mga lokal na schools natin at mga dayuhan? Ayon sa pag-aaral ni Dr. Emmanuel de Dios ng UP School of Economics, hindi kasama ang academic calendar sa salik o konsiderasyon ng mga dayuhang estudyante at guro kapag namimili sila ng ibang bansa kung saan sila mag-aaral. Mas mahalaga pa rin sa kanila ang reputasyon ng mga guro (lalo na pagdating sa nailalabas na pananaliksik at mga pag- aaral). Mas makakatulong pa nga daw kung tataasan ang pondo at iba pang porma ng suporta sa mga guro para makapaglunsad sila ng mas maraming pag-aaral at pagpapalalim sa kanilang larangan ng kaalaman. Katunayan ay marami ng mga partnership sa mga dayuhang pamantasan ang iilan sa Pilipinas, tulad ng UP: mga pamantasan mula sa Japan (Abril nagsisimula ang klase), South Korea (March nagsisimula ang klase), at Australia (February nagsisimula ang klase). May malaking bilang na rin ng mga estudyante na pumapasok sa mga exchange programs sa ibang bansa. Sa kasalukuyan ay hindi kasabay ng academic calendar natin ang academic calendar ng mga bansa na ito. Pero hindi ito nagiging hadlang para magkaroon ng partnership o exchange program sa pagitan natin at ng ibang bansa. b. Tataas ang ranking ng mga pamantasan natin sa buong mundo? Kaugnay sa unang punto, hindi mabigat na salik sa international rankings ang academic calendar ng isang paaralan. Ang sinusukat ay ang kalidad ng edukasyon, lalo na ang mga guro, pasilidad, at nailalabas na mga research at pag-aaral ng nasabing pamantasan. c. Mababawasan ang mga suspension ng klase?

DG on Acad Calendar Shift - Abril 2014

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Discussion Guide on the Academic Calendar Shift (April 2014)

Citation preview

  • Mga Punto Hinggil sa Academic Calendar Shift

    Inihanda ng ANAKBAYAN Abril 2014

    1. Ano-ano ang mga dahilan ng mga pabor sa Academic Calendar Shift? Totoo ba ang mga ito?

    a. Dadami ang oportunidad ng mga estudyante at guro makalahok sa exchange programs? Mga pagkakataon ng mga guro makapagturo abroad? Mga pagkakataon para magkaroon ng partnership ang mga lokal na schools natin at mga dayuhan?

    Ayon sa pag-aaral ni Dr. Emmanuel de Dios ng UP School of Economics, hindi kasama ang academic calendar sa salik o konsiderasyon ng mga dayuhang estudyante at guro kapag namimili sila ng ibang bansa kung saan sila mag-aaral. Mas mahalaga pa rin sa kanila ang reputasyon ng mga guro (lalo na pagdating sa nailalabas na pananaliksik at mga pag-aaral). Mas makakatulong pa nga daw kung tataasan ang pondo at iba pang porma ng suporta sa mga guro para makapaglunsad sila ng mas maraming pag-aaral at pagpapalalim sa kanilang larangan ng kaalaman.

    Katunayan ay marami ng mga partnership sa mga dayuhang pamantasan ang iilan sa Pilipinas, tulad ng UP: mga pamantasan mula sa Japan (Abril nagsisimula ang klase), South Korea (March nagsisimula ang klase), at Australia (February nagsisimula ang klase). May malaking bilang na rin ng mga estudyante na pumapasok sa mga exchange programs sa ibang bansa. Sa kasalukuyan ay hindi kasabay ng academic calendar natin ang academic calendar ng mga bansa na ito. Pero hindi ito nagiging hadlang para magkaroon ng partnership o exchange program sa pagitan natin at ng ibang bansa.

    b. Tataas ang ranking ng mga pamantasan natin sa buong mundo?

    Kaugnay sa unang punto, hindi mabigat na salik sa international rankings ang academic calendar ng isang paaralan. Ang sinusukat ay ang kalidad ng edukasyon, lalo na ang mga guro, pasilidad, at nailalabas na mga research at pag-aaral ng nasabing pamantasan.

    c. Mababawasan ang mga suspension ng klase?

  • Ayon sa mismong datos ng gobyerno, ang mga pinaka-mapinsalang mga bagyo ay nagaganap sa mga buwan na sasakupin ng academic calendar shift (Habagat nung August, Pepeng at Ondoy nung September, Yolanda nung October, at Sendong at Pablo nung December).

    Dapat rin isaalang-alang na dahil sa climate change, nagbabago na ang klima sa Pilipinas. Hindi na kasing depenido tulad ng dati ang pagkakaiba ng rainy at dry seasons.

    Sa kabilang banda, inaasahang mas titindi ang panahon pag dating ng tag-init, o sa mga buwan ng Abril at Mayo kung saan mapipilitan ang mga estudyante na mag-aral sa bagong academic calendar.

    2. Ano ang epekto ng Academic Calendar Shift sa kabataang Pilipino?

    a. Pagtaas ng mga bayarin, pagpapahirap para tustusan ang edukasyon, dadami ang hindi makakapag-aral

    Ipapasa sa mga estudyante ang dagdag-gastusin ng mga paaralan para sa operasyon tuwing taga-init, tulad ng pag-install ng aircon, at mas mataas na konsumo ng kuryente. Siguradong ipapasa ito sa mga estudyante ng mga private school dahil susunggaban ito ng mga private school owners bilang pagkakataon na lalong kumita. Sa mga SUCs naman na kulang ang budget, kukunin ito sa mga estudyante.

    Lalong papahirapan ang mga magulang at working students na tustusan ang kanilang pag-aaral. Sa Hunyo kasi ibinibigay ang mid-year bonus ng maraming mga manggagawa at empleyado, bagay na nagpapadali sa kanila para magbayad ng tuition. Kapag sa August, nagastos na ito sa mga mas kagyat na pangangailangan.

    Taghirap rin ang August para sa mga pamilya ng magsasaka dahil naubos na nila ang kaunting kita nila sa pagtatanim. Samantala sa kasalukuyang academic calendar, natataon ang enrollment bago ang panahon ng pagtatanim (Mayo at Hunyo) kaya may kaunti pa silang pera.

    b. Titindi ang paglako sa edukasyon sa dayuhan at ang pagiging kolonyal nito

  • Lalong ilalako sa mga dayuhan ang edukasyon sa Pilipinas.Tulad ng ginagawa sa ilalim ng programang medical tourism, pinapataas ang bayarin sa mga kurso na kukunin ng mga dayuhan dahil mas malaki ang kaya nilang bayaran.

    Sa kabilang banda, inaalis na ang mga kurso na hindi mabenta sa mga dayuhan. Ngayon palang, ipinapatupad na ito kahit sa mga SUCs kung saan inaalis ang mga indibidwal na subject na kaunti lang ang estudyante.

    Sinasabi na kapag natuloy ang internationalization ang mga na-accredit sa mga board exam dito ay para na rin na-accredit sa iba pang mga bansa sa ASEAN. Magsisilbi itong katwiran para isara ang mga kurso dito sa Pilipinas na maaaring makuha naman sa ibang bansa.

    Kaugnay nito, lalong ipipilit sa atin ang mga kurso na nakabatay sa pananaw ng kaunlaran na pabor sa mga dayuhan. Imbes na mga kurso sa agrikultura, agham at teknolohiya, iba pang siyensya (na mahalaga sa pambansang industriyalisasyon), agham panlipunan, at sining, ang itutulak ay: BPOs, caregivers, atbp.

    Sa madaling salita, papalalain ang Labor Export Policy (LEP) na bumabansot sa ating ekonomiya at pabor lang sa mga dayuhan.

    3. Ano ang tunay na dahilan sa likod ng Academic Calendar Shift?

    Pagpapalala sa kolonyal at komersyalisadong katangian ng sistema ng edukasyon ang tunay na dahilan sa likod ng Academic Calendar Shift. Itutulak ang internationalization na nangangahulugan lamang na magsisilbi ito na parang kadugtong lang ng sistema ng edukasyon sa iba pang bansa, at ng mga ekonomiya nito.

    Imbes na maglikha ng mga propesyunal na magtataas sa antas ng ating agham at sining, ang mga kabataan ay itutulak na maging alipin sa ibang bayan sa ilalim ng Labor Export Policy.

    Para palabasin na makikinabang naman tayo, isusulong ang polisiya na katulad ng medical tourism. Pero ang epekto nito, mas bibigyang halaga na ang pag-attract sa mga dayuhang estudyante imbes na mga lokal.

  • Habang mas madali tayong makakapag-paalipin sa ibang bayan, dadali rin na pasukin ang Pilipinas ng mga dayuhan. Mas marami ang magiging kakumpitensya ng mga Pilipino sa limitadong trabaho dito. Mas madaling makakapambarat ng sahod at magtanggal ng mga benepisyo ang mga kapitalista.

    4. Ano ang alternatibo natin?

    Isang sistema ng edukasyon na makabayan, siyentipiko, at maka-masa ang alternatibo natin sa kasalukuyang sistema ng kolonyal, komersyalisado, at pasista.

    Kapag edukasyong maka-masa, nangangahulugan ito na paniniguraduhin na makakapag-aral ang lahat ng kabataan, kahit ang pinaka-mahirap. Dapat dagdagan ang pondo ng mga pampublikong paaralan para matanggap nito ang kahit sinong gustong mag-aral, at para mabigyan sila ng dekalidad na edukasyon.

    Kapag edukasyong makabayan, nangangahulugan na ito ay para sa interes ng mamamayang Pilipino at hindi ng iilan. Bukod sa pagbibigay-access sa lahat, kasama dito ang pagsisilbi ng edukasyon para paunlarin ang ekonomiya sa paraang pabor sa mga manggagawa at magsasaka, at hindi sa mga dayuhan at iilan.

    Kapag edukasyon siyentipiko, hindi lamang bibigyan kahalagahan ang agham at teknolohiya, kundi pati ang kritikal na pag-iisip ng mga kabataan. Kailangang wakasan ang mga ibat-ibang mga ideya na ipinapalaganap sa mga kabataan para panatilhin silang alipin sa kasalukuyang sistema.