17
SAN MIGUEL ARKANGHEL Isang-yugtong dula mula sa panulat ni Rafael A. Pulmano A project of the Cultural Affairs Unit chaired by Mr. Rizaldy Teñido Written by Mr. Rafael A. Pulmano, TELON Adviser Directed by Jonathan Marquez - curtain - MULTO: Ang susunod na palabas ay may temang hindi angkop sa mga taong sobrang seryoso. Bagama't may mga bahaging hango sa katotohanan, ang iba sa mga pangalan at pangyayari ay sadyang binago, at anuman ang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang likhang-isip lamang ng mga gawa, na wala namang isip, at wala ring magawa. Pinapayuhan ang mga magulang na humingi ng patnubay sa kanilang mga anak. ANNOUNCER 1: (Station I.D. jingle) Kayo ay nakikinig sa himpilang DZ-Extra Large. Ang himpilang hindi mapagkakatiwalaan. Sais-kwarenta sa pihitan ng inyong mga radyo. (Music) ANNOUNCER 2: Antabayanan ang susunod na palatuntunan. Ang oras sa hudyat, ganap nang ika-12 ng umaga. (Sound) ANNOUNCER 3: Oras hatid sa inyo ng Wigg Shampoo. Wigg Shampoo , the shampoo for people with more face to wash and less hair to comb . Mabibili sa inyong mga suking tindahan, hardware at supermarket . ANNOUNCER 2: At ngayon... narito ang inyong tagapagbalita – si Ernie Pulburon. ERNIE PULBURON: Magandang umaga, Bayan. Narito na naman po ang inyong lingkod, maghahatid sa inyo ng mga umuusok na balitang naganap sa loob at labas ng ating bansa, sa inyong paboritong programang pangradyo, ang "Hoy! Ka-hoy!" (Hoy! Ka-hoy!

Dula

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Dula

SAN MIGUEL ARKANGHEL

Isang-yugtong dula mula sa panulat niRafael A. Pulmano

A project of the Cultural Affairs Unit chaired by Mr. Rizaldy TeñidoWritten by Mr. Rafael A. Pulmano, TELON Adviser

Directed by Jonathan Marquez

- curtain -

MULTO:

Ang susunod na palabas ay may temang hindi angkop sa mga taong sobrang seryoso. Bagama't may mga bahaging hango sa katotohanan, ang iba sa mga pangalan at pangyayari ay sadyang binago, at anuman ang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang likhang-isip lamang ng mga gawa, na wala namang isip, at wala ring magawa. Pinapayuhan ang mga magulang na humingi ng patnubay sa kanilang mga anak.

ANNOUNCER 1:

(Station I.D. jingle)  Kayo ay nakikinig sa himpilang DZ-Extra Large. Ang himpilang hindi mapagkakatiwalaan. Sais-kwarenta sa pihitan ng inyong mga radyo. (Music)

ANNOUNCER 2:Antabayanan ang susunod na palatuntunan. Ang oras sa hudyat, ganap nang ika-12 ng umaga. (Sound)

ANNOUNCER 3:Oras hatid sa inyo ng Wigg Shampoo. Wigg Shampoo, the shampoo for people with more face to wash and less hair to comb. Mabibili sa inyong mga suking tindahan, hardware atsupermarket.

ANNOUNCER 2:At ngayon... narito ang inyong tagapagbalita – si Ernie Pulburon.

ERNIE PULBURON:Magandang umaga, Bayan. Narito na naman po ang inyong lingkod, maghahatid sa inyo ng mga umuusok na balitang naganap sa loob at labas ng ating bansa, sa inyong paboritong programang pangradyo, ang "Hoy! Ka-hoy!"  (Hoy! Ka-hoy! jingle)

At ngayon, sa ating mga headlines. (Music)

President Ramos, hindi na tatakbo sa 1998 elections. Maglalakad na lamang. (Music)

Sa ibayong dagat – President Clinton ng Amerika, walang hilig sa sayaw, kaya hindi makikialam sa isyu ng Cha-Cha. (Music)

Page 2: Dula

Sa sports – Gordon's Gin, magiging kampeon muli, kung matatalo lahat ang mga kalaban sa susunod na PBA Conference. (Music)

Sa balitang artista...

ANNOUNCER 4:

Balitang pinupukpok... (Sound FX)Balitang nilalagari... (Sound FX)At higit sa lahat, balitang inaanay!  (Sound FX)Hoy! Ka-hoy! (Hoy! Ka-hoy! jingle)

ERNIE PULBURON:

Carmina at Rustom, nagkabalikan na... ng singsing, tsokolate, bulaklak at iba pang regalo.(Music)

Samantala, narito si Miss Amada Pineda ng Weather You Like It or Not para sa pinaka-latest na report hinggil sa kalagayan ng panahon. (Music)

AMADA PINEDA:(Visayan accent)  Salamat, Ka-Ernie. Ang buong ka-Maynilaan, kasama na ang Luzon, Visayas, at Mindanao ay makararanas ng maganda at kaaya-ayang panahon sa susunod na veinte-cuatro oras. Magkakaroon ng banayad na ihip ng hangin... kasunod ng malakas na bagyo, ipu-ipo, pagkulog at pagkidlat... na sasabayan ng paglindol, tsunami, tidal wave at pagdaloy ng lahar sa lahat ng panig ng bansa. Ang araw ay sumikat kaninang umaga, at lulubog mamayang hapon. At yan po ang pinakahuling ulat mula sa tanggapan ngWeather You Like It or Not. Have a nice day.

(Commercial Break)

MALE SINGER:The first time ever I saw your face...

MALE VOICE:Aaaaaahhhhhhhhrrrrrrgggggg!!!!

FEMALE:Mga kaibigan, kayo ba ay may problema sa inyong mukha?  Kung gayon, gumamit ngMiracle Cream and Facial Lotion. Ang Miracle Cream and Facial Lotion ay nagtataglay ng pinakamataas na uri ng mga sangkap na pampaganda at pampakinis ng kutis gaya ngmuriatic acid, toilet disinfectant at high grade formalin. For people whose face nature forgot to finish, Miracle Cream and Facial Lotion is the solution. Available at all leading department stores, pet shops and funeral parlors nationwide.

(Music)

ERNIE PULBURON:Sa ating pagpapatuloy... (Music). Pakinggan natin ang ulat ni kasamang Julius ng Radyo Patrol Number 5-1/2 na ngayon ay nasa Saint Michael's College of Laguna, Biñan, Laguna.Come in, Julius.

Page 3: Dula

JULIUS:

Maraming salamat, Ka Ernie, at magandang umaga sa ating mga tagasubaybay sa programang Hoy! Ka-hoy!  Narito po tayo ngayon sa Saint Theodore's Gym ng Saint Michael's College of Laguna, kung saan ipinagdiriwang sa araw na ito ang kapistahan ngpatron saint at archangel ng nasabing paaralan, si Saint Michael. Isang masaya at makulay na palatuntunan ang inihanda ng mga guro at mag-aaral sa kolehiyong ito sa panunguna ng kanilang dashing and debonair at indefatigable Cultural Affairs Chair Rizaldy Teñido, na mamaya ng kaunti ay sisikapin nating makapanayam nang live, dito lamang sa programang paborito ng lahat, ang Hoy! Ka-hoy!  Ito po ang inyong tagapagbalita, Julius Mamaw ng Radyo Patrol Number 5-1/2. Magbabalik tayo in a short while. Meanwhile, back to you Ka Ernie.

ERNIE PULBURON:

Maraming salamat, kasamang Julius ng Radyo Patrol No. 5-1/2. Kaugnay pa rin ng ulat hinggil sa pagdiriwang ng Feast of Saint Michael, pakinggan po natin ang isang flashback report na inihanda ng ating segment reporter na si Macarena – Isang pagbabalik-tanaw tungkol sa mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng sangtinakpan na naganap libu-libong taon na ang nakalilipas. Take it away, Macarena.

MACARENA:

Maraming salamat sa iyo, Ka Ernie. Para sa ating lahat na ipinanganak at nabubuhay sa makabagong panahon, sino ang makapagsasabi na sa likod ng napakaganda at kulay-bughaw na tanawin sa itaas na kung tawagin ay kalawakan o kalangitan ay naganap, napakaraming taon na ngayon ang nakalilipas, ang pinakamabangis kundi man pinakamadugong digmaan sa kasaysayan ng mga nilikha. Ang tinutukoy natin ay ang pagsasagupaan ng dalawang malalaking puwersa sa langit – si Lucifer sa isang panig at si Michael naman sa kabila – kapwa anghel na nilikha ng Diyos upang maglingkod sa Kanya ngunit sa pagdaraan ng panahon ay nagkahiwalay ng landas dahil sa magkaibang paniniwala tungkol sa kanilang tunay na misyon sa buhay.

Si Michael, itinuturing na pinakamakapangyarihan sa mga anghel na nilikha ng Diyos, ay nanatiling loyal o tapat sa kanyang Panginoon, samantalang si Lucifer, na ipinalalagay naman ng marami na siyang pinakamaganda sa lahat ng anghel, ay tumangging magpatuloy na magsilbi sa Panginoon at, kasama ng iba pang anghel, ay naglunsad ng isang rebelyo o kudeta laban sa Dakilang Lumikha. Ang resulta ay isang maigting na pagsasagupaan sa pagitan nga ng nasabing dalawang puwersa, na naisahimpapawid naman, live, sa himpilang ito nang kasalukuyang nagaganap ang naturang pangyayari.

Narito ngayon ang replay ng nasabing live broadcast, muli nating iparirinig sa kapakanan ng ating mga tagasubaybay na wala pa o hindi pa ipinanganganak noong mga sandaling iyon.

TINA:

Mga kaibigan, narito po tayo ngayon sa kalangitan kung saan nagaganap ang isang maigting na sagupaan ng dalawang pangkat ng mga anghel, ang isa nga ay pinamumunuan ng matapang na si Michael, at ang kabila naman ay pinangungunahan

Page 4: Dula

ng kanilang lider na si Lucifer. Hindi tayo gaanong makalapit dahil baka tayo tamaan ng kanilang mga pinakakawalang liwanag na sa tingin natin ay laser beams at tila mga kidlat na pamuksa sa kanilang kaaway.

Gayunman, mula sa ating kinalalagyan ay nakikita natin na talagang mahigpitan ang labanan ng magkabilang panig. Kapag may tinatamaan ay sumasambulat na parang maitim na usok ang ating nasasaksihan ay iyon ay bumubulusok paibaba patungo sa kailaliman ng kawalang-hanggan.

Sandali lamang at susubukan nating makalapit nang kaunti...Oooppppsssss!!! Muntik na tayong tamaan ng ligaw na sinag... may tinaman, mga kaibigan!  Kitang-kita natin dahil malapit sa ating kinatatayuan ang biktima, tinamaan ng nakasisilaw na liwanag... Sumabog, mga kababayan!  Sumambulat na gaya ng nasabi natin kanina, nababalot ng maitim na usok...Unti-unting napapawi ang itim na usok...At...mga kababayan, gumagalaw pa rin ang biktima...Sa ating pagkaalam sapagkat sila ay espiritu ay wala talaga silang kamatayan...Pero kabayan nagbabago ang kanilang anyo...Nagbabago! Namimilipit ang anghel na parang nagkukumbulsyon...at...kabayan ang kanyang busilak na pakpak ay nagsimulang umitim at natutuyong parang pakpak ng paniki...Tinutubuan ng maitim na balahibo ang dating malasutla niyang anyo...at...kabayan kitang-kita nating sinisibulan siya ng matutulis na sungay at matatalas na pangil!  Nagkakaroon din siya ng mahahabang kuko...nagiging kakila-kilabot ang kanyang anyo...nagkakaroon siya ng matang mapupula at nanlilisik, parang punung-puno ng galit at pagkasuklam sa kanyang itsura...At mga kababayan...mga kabayan, ang naturang anghel ay dinampot ng dalawang kalaban ay buong lakas na inihagis paibaba sa kailaliman...Bumubulusok nang mabilis pailalim sa kawalan ang naturang anghel, mga kababayan...At marami pa tayong nakikitang tinatamaan ng nakasisilaw na liwanag, at gayon din ang nangyayari sa kanila, unti-unting pumapangit at inihahagis sila sa kailaliman ng kawalang-hanggan. Doon marahil ang tinatawag nilang impyerno, at ang mga nalupig na anghel na ating nakita ang mga diyablo.

Lalong umiigting ang pagsasagupaan dito, mga kababayan....ooooppppsss!!!  Muntik na naman po tayong matamaan ng ligaw na liwanag!  Medyo aatras muna tayo at kukubli.

Hanggang dito na muna ang ating pag-uulat. Ito po si Tina Maan ng Radyo Patrol No. 007, nag-uulat para sa Hoy! Ka-hoy!

MACARENA:

Ang inyo pong napakinggan ay bahagi ng ginawang coverage ng ating kasamahan sa pamamahayag maraming-maraming taon na ang nakalipas, tungkol sa tunggaliang naganap at kinasangkutan ng mga anghel sa langit. Ito po naman ang inyong tagapag-ulat, Macarena El Tongo. Ka Ernie...

(Music)

ERNIE PULBURON:

Salamat, Macarena. Nasa langit po naman ngayon ang ating Radyo Patrol No. 12-3/4 upang kapanayamin ang isa sa mga anghel na sumapi sa pangkat ni Michael noong panahong naganap ang tunggalian sa pagitan ng dalawang grupo ng mga anghel ng Diyos. Lyka ng Radyo Patrol No. 12-3/4, come in.

Page 5: Dula

LYKA:

Maraming salamat, Ka Ernie.

Bueno, isa po namang anghel rito ang ating kakapanayamin upang mabigyang-linaw sa ating mga tagapakinig ang tungkol sa kaganapang ifinityur ng ating kasama kanina bilang pagbabalik-tanaw sa ating nakalipas.

Ah, Ma'm...Excuse me, live ho tayo ngayon sa radio program na Hoy! Ka-hoy! at naririnig tayo live via satellite ng milyun-milyong tagasubaybay. Puwede ho bang malaman kung ano talaga ang pinagmulan ng away sa pagitan ng dalawang pangkat ng mga anghel? Paano ho ba ito nagsimula?

ANGEL NO. 1:

Yung isa kasi naming kasamang anghel, si Lucifer, nasobrahan yata ng bilib sa kanyang sarili. Dahil alam niya na siya'y maganda, at alam din naman namin iyon, gusyo niya sa kanya lagi ang atensyon at paghanga ng lahat. Actually, kung tutuusin ay may "K" naman talaga siya. Sa katunayan noong hindi pa siya nagdedeklaara ng giyera, si Lucifer ang itinuturing na pinakadakila at kapuri-puri sa lahat ng anghel dito sa langit, hindi lamang sa kanyang kahanga-hangang kagandahan kundi maging pati na rin sa kanyang pambihirang katalinuhan na wala sino man sa amin ang makapapantay. Kaso, yun nga, nasobrahan yata ng bilib sa sarili, pati si Boss na Lumikha mismo sa kanya, ninamaliit niya ngayon dahil palagay mga nga niya ay siya ang mas magaling at siyang dapat tanghaling pinuno sa langit.

ERNIE PULBURON:

Ah, sandali lang, kasamang Lyka, pakitanong mo nga kung gaano kadami ang mga anghel na kasama ni Lucifer sa naglunsad ng rebelyon laban sa Diyos.

LYKA:

Yes, Ka Ernie. Teka...Eh, Ma'm, kayo po...masasabi nyo po ba sa ating mga tagapakinig kung gaano kadami ang mga nahikayat ni Lucifer na sumanib sa kanyang grupo para lumaban sa Panginoon?

ANGEL 2:

Marami ho. Napakarami ho kasi naming mga anghel na nilikha ng Diyos bago pa man nilikha ang daigdig at ang lahat ng naroon.

Bagama't kami'y mga espiritu dahil wala kaming pisikal na katawan na gaya ninyo, hindi mabilang ang aming dami. Ang iba sa amin kung tawagin ay anghel, pero nariyan din ang mga arkanghel na gaya nina Michael, Gabriel, at Raphael. Ang iba kung tawagin ay mgaseraphim, cherubim, thrones, dominions, virtues, powers, at princes. Nang magrebelde si Lucifer, maraming anghel ang nahikayat ng kanyang mahusay na talumpati at matamis na karisma. Pero sa kabuuan, higit na marami pa rin kaming nanatiling tapat sa Diyos at kami ay nagkabuklud-buklod sa ilalim ng aming matapang na pinuno, walang iba kundi si Michael. At siyempre pa, kami – ang tropa ni Michael –

Page 6: Dula

ang nagwagi.

LYKA:

At yan, mga kababayan, ang ating interview sa dalawang anghel na kasapi sa pangkat ni Michael. Ka Ernie...?

ERNIE PULBURON:

Bueno, maraming salamat, kasamang Lyka Virgin ng Radyo Patrol No. 12-3/4.

LYKA:

Walang anuman, Ka Ernie.

ERNIE PULBURON:

Ang oras po natin, ganap nang ika-tatlumpu't isa at kalahati ng umaga (Sound). Isa munang patalastas.

(Commercial Break)

ERNIE PULBURON:

Patuloy kayong nakikinig sa palatuntunang Hoy! Ka-hoy!  (Hoy! Ka-hoy! jingle).Samantala, nasa linya po natin ang isang caller at regular listener sa ating programa.Hello...?

CORY:

Hello!  Good morning po, Ka Ernie Pulburon, at sa milyun-milyong tagapakinig ng inyong napakagandang programa.

ERNIE PULBURON:

Good morning din, iha. Ano nga pala'ng pangalan mo?

CORY:

Cory po.

ERNIE PULBURON:

Cory. Ang gandang pangalan. Kapareho pa ng kay former President Aquino. Ano'ng apelyido mo, iha?

CORY:

Cong po.

ERNIE PULBURON:

Page 7: Dula

Cong!  Ang ganda rin ng apelyido mo. Nag-aaral ka pa ba, Cory Cong?

CORY:

Opo, sa SMCL po.

ERNIE PULBURON:

SMCL. Aba, magaling na school yan. Ano'ng year ka na, Cory?

CORY:

Foruth Year – St. Michael po.

ERNIE PULBURON:

Fourth Year – St. Michael... Ang galing mo pala!  O ano, iha. May gusto ka bang batiin saradio bukod sa ating mga tagapakinig?

CORY:

Gusto ko po sanang i-share sa mga nakikinig ng inyong programa ang aming paboritong dasal sa iskul. Ang Prayer to Saint Michael the Archangel. Kasi po, isini-celebrate namin ngayon ang kanyang feast day.

ERNIE PULBURON:

Prayer to Saint Michael the Archangel. Go ahead, iha. You're on the air.

CORY:

Saint Michael the Archangel, defend us in the day of battle. Be our safeguard against the wickedness and snares of the devil. May God rebuke him, we humbly pray. And thou, O prince of the heavenly host, by the power of God, cast into hell, Satan and all the other evil spirits, who prowl through the world, seeking the ruin of souls. Amen. Lord, that we may see!

ERNIE PULBURON:

Alright!  What a wonderful prayer!  Salamat, Cory.

CORY:

Salamat din po. (Sound of phone being hung up.)

ERNIE PULBURON:

Bueno, mga kababayan, 71 minuto na po makalipas ang ika-13 ng umaga. Nasa impyerno po naman ang ating Radyo Patrol No. 13. Come in, Gavina.

Page 8: Dula

GAVINA:

Salamat, Ka Ernie, at isang magandang umaga po naman ang ating pagbati sa mga tagapakinig. Yes, Ka Ernie, narito nga tayo ngayon at nagrereport nang live mula sa impyerno. Nakapapaso ang init ng temperatura rito, mga kababayan, at very low angvisibility. Napakadilim ng paligid at halos wala tayong gaanong makita maliban sa pabugsu-busgsong pagsambulat ng apos sa iba't ibang bahagi ng ating kapaligiran.

Kanina ay may nadaanan tayong matatalim na bangin at matatarik na burol, at sa tulong ating bitbit na high-powered flashlight ay nasaksihan natin ang mga nakagigimbal na tanawin.

Sa mga bangin ay maraming kaluluwang lulubog-lilitaw sa kumukulong mantika. May mga malulusog na bulati at uod pa tayong nakitang gumagapang sa mga gilid ng bangin. Ang mga kaluluwang lulubog-lilitaw sa naturang kumukulong likido ay hapis na hapis ang mga itsura at tila nagmamakaawa sa isang saglit, na dagling nagbabago at napapalitan ng labis na pagkapoot at pagkasuklam sa kanilang kalagayan. Naririnig din natin ang kanilang nakalulunos na pagtangis.

Sa mga matatarik na bundok naman, Kabayan, ay nasaksihan natin ang mga demonyong kampon ni Satanas na waring nagpipista, nagsasayaw at naghahagalpakan ng tawa habang tinutusok ng kanilang matatalim na salapang ang mga kapuspalad na kaluluwang nililitson sa apos na napakatindi ang init. Ang ilan sa mga kaluluwang nililitson ay nakatuhog sa bakal na puro kalawang, samantalang ang iba naman ay nakabitin nang patiwarik, at ang iba ay nakagapos sa alambre na parang murkon. Ah...Sandali lamang, Ka Ernie, at dumating na sa ating kinalalagyan ang lider ng mga demonyo, si Satanas.

Magugunita na si Satanas ay dating kilala sa tawag na Lucifer, isang anghel na ipinatapon dito sa impyerno matapos mapatunayang nagkasala sa krimeng insureksyon at rebelyon laban sa Diyos. Kasama ni Satanas ang napakaraming demonyo, demonyito at diyablo – mga kampon ng kadiliman na dati ring anghel pero dahil sa pagsapi nila kay Lucifer at paglaban sa puwersa ni Michael ay dito rin nasadlak sa impyerno.

Eto na siya, Ka Ernie, at atin ngayon siyang kakapanayamin. Magandang umaga sa inyo,Sir.

SATANAS:

Bah!  Dito sa impyerno ay palaging gabi at hindi uso ang umaga. Mwa-ha-ha-ha-ha...!

GAVINA:

Yes, Sir. I mean, Sir, live ho tayo ngayon na napapakinggan sa programang Hoy! Ka-hoy! at partikular po tayong sinusubaybayan ng mga taga-SMCL kung saan kasalukuyang ipinagdiriwang ang kapistahan ni Saint Michael the Archangel. Maaari po bang...

SATANAS:

Baaahhhhh!!!  Huwag mong mabanggit-banggit sa akin ang Michael na yan sapagkat malaki ang atraso sa akin ng sipsip na yan!  Huwag na huwag siyang magpapakita sa

Page 9: Dula

akin dahil babalian ko siya ng pakpak para gawing barbikyu. Masarap yon!  Mwa-ha-ha-ha-ha-ha...!

GAVINA:

Ano po bang atraso ang inyong tinutukoy, Sir?

SATANAS:

Sinira niya ang aking magandang plano!  Kung hindi sana siya nakialam, dapat sana'y ako na ang nakaluklok sa trono ng kalangitan. Kayang-kaya ng aking mga sundalo na gapiin ang hukbo ng langitm pero si Michael, ang sipsip na si Michael, ay mahilig magpalapad ng papel sa Pnginoon at nilabanan ako. Baaahhhhhhh!  Hinding-hindi ko mapatatawad ang Michael na yan habang ako'y nabubuhay!  Hiniya niya ako sa harap ng maraming nilalang na espiritu!  Gwwrrrrrr!!!

ERNIE PULBURON:

Ah, kasamang Gavina...

GAVINA:

Yes, Ka Ernie?

ERNIE PULBURON:

Pakitanong mo nga kung ano talaga ang dahilan ng kanyang pagrerebelde sa Diyos?

GAVINA:

Ah, Sir. Ano ho ba talaga ang nagtulak sa inyo para magrebelde laban sa mismong Lumikha sa inyo?

SATANAS:

I was the most beautiful angel during my time. That's why they call me Lucifer, which means "morning star," "light-bearer."  I used ot be the greatest, the most intelligent of them all. Sikat na sikat ako noon. Then, one day, isang araw, ay nagpatawag ng isangcabinet meeting ang Panginoon. Ipinakita Niya sa amin ang blueprint ng Kanyang plano tungkol sa paglikha Niya ng mundo. Lilikhain Niya ang kalawakan at himapapawid, ang araw, buwan at bituin, ang lupa at dagat, ang mga hayop at halaman, at alam kong kapag ang Panginoon ang gumawa, siguradong ang lahat ng iyo ay maganda. Pero okey lang, dahil pagsama-samahin man ang ganda ng lahat ng Kanyang nilikha, ako pa rin ang pinakamaganda!  Mwa-ha-ha-ha-ha...!

Pagkatapos, sa ikaanim na araw ay balak Niyang likhain ang tao, at diretsahan Niyang sinabi sa amin na lilikhain Niya ang tao na kawangis Niya. Hmphh!  Medyo nasaktan ang aking pride, dahil kahit isa sa aming mga anghel ay hindi binigyan ng Diyos nga ganito kalaking pribilehiyo – ang maging kawangis Niya.

Pero okey lang. Mas mataas pa rin ang estado namin kaysa tao.

Page 10: Dula

Pagkatapos ay sinabi ng Panginoon sa amin na kami – take note – kaming mga anghel, na mas mataas at mas makapangyarihan kaysa tao, ang siya raw inaatasan Niya upang maging tagapagbantay at tagapangalaga at tagapagtanod sa mga mortal tao!  In short, mga guardian angels ang papel namin!  Can you imagine that?!!  Alam kong ako'y lingkod ng Diyos, tagapagsilbi na dapat maging sunud-sunuran sa Kanyang kalooban. Pero ang maging tagapangalaga ng taong mas mababa ang uri kaysa amin? Baaahhhhh!!!!  Hindi yata tama yan!

At hindi lang yan!  Plano rin ng Diyos na pagkatapos ng pansamantalang paninirahan ng tao sa paraiso, dadalhin pa Niya ang mga ito sa langit para makasama namin. Sobra na, ang sabi ko sa aking sarili. Pero nakapagpigil pa rin ako. Besides, sapagkat ako'y napakatalino, nakaisip agad ako ng gagawin para masira ang plano ng Diyos. Mwa-ha-ha-ha-ha...!  Sa paraiso, ako ay mag-aanyo bilang isang ahas, at tutuksuhin ko ang mga unang tao para kumain ng bunga ng prutas sa halamanan, na mahipit na ipinagbabawal ng Panginoon. Sa gayon ang tao ay magkakasala, at mawawalan na sila ng pag-asang makarating pa sa langit. Mwa-ha-ha-ha-ha...!

Pero wais ang Panginoon, alam Niya ang aking iniisip. Sa cabinet meeting ay sinabi Niya sa amin ang na kapag ang tao ay nagkasala, bibigyan pa rin Niya ito ng one more chance.Ipadadala umano Niya ang Kanyang Bugtong na Anak, si Jesus na tatawaging Kristo, ang Mesiyas na magkakatawang-tao at ipapako sa kurus upang hanguin at iligtas ang tao sa pagkakasala.

Nang marinig ko ang pangalang Jesus, nagpanting ang aking tainga!  Nandito naman kaming mga anghel, kayang-kaya naming iligtas ang tao kung gugustuhin namin, bakit kailangan pang ipadala Niya ang Jesus na iyan?  Sino ba siya?

Ang sabi ng Diyos, si Jesus daw ang Daan, Katotohanan, at Buhay. Wala raw sino mang makararating sa Ama kundi sa pamamagitan niya. Eh, paano naman kami?  Ano ang papel namin sa buhay?  Ibig sabihin, mas mataas pa sa amin ang Jesus na iyan? Baaaahhhh!

At eto pa:  Sobra naman yatang napakaispesyal ng tao, sobra naman yata ang favoritismng Diyos, sobra naman yata ang pagmamahal Niya sa mga mga mortal na nilalang na iyan!  Dahil bukod sa ginawa na ng Diyos ang mundo at ang lahat ng naroon para ibigay sa kanila, at pati kaming mga anghel ay ginawa pang atsoy at alila nila na bubuntut-buntot saan man sila magpunta para tiyakin na hindi sila sasapitin ng anumang kapahamakan, ipadadala pa ng Diyos ang sariling Bugtong na Anak para iligtas sila sa sandaling sila ay magkasala!  Baaaaaahhhhhh!  Gggggggrrrrrrrrrr!!!  Sobra na talaga!  Tama na!

GAVINA:

Eh, sandali lang, Sir... Sir...

SATANAS:

Tumahimik ka riyan!  Hindi pa ako tapos!  Nang araw ding iyon pagkatapos ng cabinet meeting ay nagpatawag ako ng sariling pulong para sabihin sa mga anghel na kailangan nang baguhin ang konstitusyon dahil nanganganib na maagaw sa amin ang tao ang

Page 11: Dula

puwesto sa langit. Pero marami ang tutol sa charter change o cha-cha. Kaya hinikayat ko na lamang sila na sumama sa akin sa paglulunsad ng isang kudeta.

Marami akong nahikayat na anghel, at giniyera namin ang Diyos. Ang kaso, ang lintik na si Michael, ang sipsip na Michael na iyan!  Winasak niya ang aking plano!  Talagang pahamak sa akin ang Michael na yan!  Humanda siya!  Huwag na huwag siyang magpapakita sa akin... (Uubuhin nang malakas, sasapuhin ang dibdib at mahihirapang huminga. Lalapit ang isang diyablo, hihimasin ang likod ni Satanas.)

ERNIE PULBURON:

Radyo Patrol No. 13, paki-check ang iyong monitor. Nawawala ang iyong signal...

GAVINA:

Malinaw ang ating signal mula rito sa impyerno, Ka Ernie. I can hear you loud and clear. Pero biglang tumigil sa pagsasalita si Satanas. Sandali lang... (sa bagong dating na diyablo) Ah, Sir, ano ho ang nangyari? Bakit ho parang....?

DIYABLO:

(Pagalit)  Nagtatanong ka pa!  Hindi pa ba halatang very obvious?  Sinusumpong ng hika si Boss!  Mwa-ha-ha-ha-ha-ha...!

GAVINA:

Narinig n'yo, Ka Ernie, mga kababayan... Dahil sa sobrang galit kay Michael the Archangel, sinumpong ng ashtma si Satanas, at nahihirapan siya ngayong huminga. Hanggang dito na lang muna tayo, Ka Ernie. Mula dito sa kailaliman ng impyerno, ito po si Gavina Lagim ng Radyo Patrol No. 13, nag-uulat.

(Music)

ERNIE PULBURON:

Maraming salamat, Gavina ng Radyo Patrol No. 13. Samantala, balikan po naman natin ang langit kung saan naroon din agn ating kasamang si Luwalhati Maninahon ng Radyo Patrol No. 3.75. Come in, Luwalhati.

LUWALHATI:

Salamat sa iyo, Ka Ernie. mga kababayan, kasama po natin ang idolo ng mga taga-SMCLm si Saint Michael the Archangel. Gaya ng ating nalalaman na, si Michael ang namuno sa hukbo ng mga anghel na buong giting na nakipaglaban sa pangkat ni Lucifer. Kung baga sa militar, si Michael ay hindi lang sundalo kundi isang Heneral. Siya ang itinuturing na tagapagtanggol ng kabutihan, at siya ang wika nga'y most powerful angel na nilikha ng Diyos.

Si Michael ang nagligtas kina Propetang Daniel at mga kaibigan mula sa mga mababangis na leon. May mga nagsasabi rin na si Michael ang anghel na nagpakita kay Maria upang ibalita ang nalalapit nitong pagpanaw sa lupa upang siguruhin na wala

Page 12: Dula

siyang dapat katakutan dahil pagsapit ng kanyang wakas ay si Michael mismo ang magdadala sa kanya sa langit. Si Michael rin ang pinaniniwalaang anghel na haharap sa huling araw ng Huling Paghuhukom o Last Judgment, kung kailan titimbangin niya ang kaluluwa ng mga mabubuti at masasamang tao upang alamin ang kanilang final destination. Narito nga po siya ngayon, mga kababayan, at ating makakapaniig sa isang exclusive interview. (Kay Michael)  Good morning po, Sir. Bumati muna po kayo sa ating mga listeners. 

MICHAEL:

Good morning, Luwalhati; good morning, Ka Ernie, at good morning din sa mga nakikinig sa programang Hoy! Ka-hoy! lalung-lalo na sa mga estudyante, guro at pamunuan ng Saint Michael's College of Laguna, na nais ko rin ngayong pasalamatan dahil sa pagbibigay nila ng puwang, despite their hectic schedule, para gunitain at ipagdiwang ang aking kapistahan taun-taon. Partikular kong pinasasalamatan si Mr. Rizaldy Teñido dahil alam ko na malaki ang kanyang hirap upang makapagbuo ng isang programa para sa paaralan at para sa aking karangalan.

LUWALHATI:

Ah, Sir... Sa isang naunang interview ay nagbitaw ho ng banta ang inyong datingcolleague na si Lucifer, na ngayon ay kilala bilang Satanas. Ang sabi niya, hindi raw niya makalilimutan ang ginawa ninyong pagkontra at pagkapahiya sa kanya, at kayo ang kanyang sinisisi sa pagkakasadlak niya sa impyerno. Nagbanta siya na oras na magkita raw kayo ay may masamang mangyayari sa inyoAno po ang inyong masasabi?

MICHAEL:

Unang-una, ako ay hindi natatakot kay Lucifer, kay Satanas, o kanino pa mang ahas na gaya niya. Ang aking lakas ay galing sa Panginoon, kaya sino ang dapat kong katakutan? Hindi ko masisisi si Satanas kung may sama siya ng loob sa akin. Pero dapat malaman ni Taning na ginawa ko lamang ang aking tungkulin. Trabaho lang ito, walang personalan.

Alam mo, ang pangalan kong Michael ay galing sa salitang Hebreo na ang ibig sabihin ay"Who is like God?" Eh, sino pa nga ba ang makatutulad at makapapantay sa Diyos? Wala, di ba? Dakila ang Kanyang pag-ibig, kapangyarihan, talino, habag, pang-unawa, at wala nang makakatulad ang Diyos sa Kanyang maluwalhating kadakilaan. Kaya kaming mga anghel na Kanyang nilikha, kahit gaano kalakas ang aming kapangyarihan, gaano man kami katalino at kaganda, malayo pa rin kami kahit sa kalingkingan kung ikukumpara sa Diyos. At hindi ko kailanman nakalilimutan na kung sino man ako at ano man ako ngayon, ang lahat ay utang ko pa rin sa Kanya.

Ang Diyos ang maylikha sa akin, at kung hindi dahil sa Kanya ay wala ako rito ngayon. Kaya nga, bilang pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat ay nakahanda akong ipagtanggol ang Kanyang karapatan ano mang oras kung kinakailangan.

Ako ang pinili Niyang lider upang mamuno sa Kanyang hukbo ng mga anghel, at handa kong gampanan ang tungkuling iyan nang walang pangamba, sapagkat alam ko na kailanman ang puwersa ng kaliwanagan ay hindi magagapi ng kadiliman.

Page 13: Dula

Purihin ang Diyos!  Purihin ang Kanyang maluwalhating pangalan! Purihin Siya ngayon, bukas, at magpakailanman!

LUWALHATI:Amen. Eh, Sir... Ano po naman ang inyong mensaheng maibibigay para sa mga kabataang nag-aaral sa Saint Michael's College of Laguna?

MICHAEL:Love the Lord your God with all your mind, with all your soul, with all your heart and with all your strength. Love your parents, respect your teachers, always do your assignments and study your lessons. Life is beautifulYou only have one life to live. Take care of it. Stay away from drugs.

LUWALHATI:Marami pong salamat sa inyong napakagandang mensahe, Sir.

MICHAeL:The pleasure is mine.

LUWALHATI:

At yan po, mga kababayan, si Saint Michael the Archangel sa ating exclusive interview.Ito po ang inyong naging tagapag-ulat nang live mula dito sa langit, si Luwalhati Mahinahon ng Radyo Patrol No. 3.75. Back to you, Ka Ernie.

ERNIE PULBURON:

Maraming salamat, kasamang Luwalhati ng Radyo Patrol No. 3.75.

(Kikiriring ang telepono.  Dadamputin ni Ernie Pulburon.)

Mga kaibigan, isa na naman pong tawag mula sa ating listener ang ating bibigyang-daan sa ating palatuntunan. Hello?

MULTO:

Heeeelllloooooohhhhh......

ERNIE PULBURON:

Yes, magandang umaga po. Pwede po bang malaman ang inyong pangalan at kung taga-saan kayo? Hello?

MULTO:Ang pangalan ko ay Multo, at ako ay nakatira dito sa istudyo.

ERNIE PULBURON:Multo? Dito sa istudyo?

MULTO:Ooooo....ooooohhhhhh......

Page 14: Dula

ERNIE PULBURON:(Sa mga kasamahan sa istudyo) Meron daw multo, at narito raw sa istudyo.

AMADA PINEDA:(Visayan accent) Multo! Takot ako sa multo!

LAHAT:Multo?

MULTO:Ooooo....ooooohhhhhh......

LAHAT:

Multo! Takbo na kayo!!!

(Tatakbo ang lahat palabas ng stage.)

– Curtain –