33
Dulangan Manobo Customary Law Page 1 KITAB DULANGAN MANOBO (Dulangan Manobo Customary Law) Preamble/ Panimula Kami, ang tribong Dulangan Manobo, kabilang sa mga katutubo na kumikilala sa Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas, nagkaisa na ipatupad ang Batas na may kaugnayan sa mga katutubo, sa pamamagitan ng pagpanumbalik at pagpalakas sa komprehensibong estraktura ng Kèna Inged, Menuwa Dulangan Manobo (Dulangan Manobo Territorial Governance) bilang mekanismo sa pagsulong sa sistemang hustisya at pamamahala sa Pusakà Mènuwâ Tanâ Tupû (Lupaing Ninuno Dulangan Manobo). Ito ang paraan ng pagsulong sa karapatan ng mga katutubo para sa sariling pamamahala na kinilala sa mga Batas ng Republika ng Pilipinas at maging sa mga International na Kasunduan and Conventions, tulad ng United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples at ang International Labor Organization Convention 169. Sa pamamagitan ng Ulû-Ulû /Pig-Ulukan Datu itatayo namin ang isang makataong lipunan na magdadala sa kabutihan para maseguro na kami at ang aming mga susunod na henerasyon ay makamit ang kalayaan, kaunlaran at kapayapaan sa ilalim ng pamumuno ng mga Ngipen Ulû owoy Datu ayon sa mga Kèpèukit Kitab owoy Tègdèg na nagpapahayag sa katutuhanan, hustisya, pagmamahal at pagkapantaypantay. Kami ay sumusumpa na susundin ang Ukit na ito. Article I. Guiding Principles Section 1. Legal Bases in Establishing the Comprehensive Structure and Program of the Tanà Tupù are as follows: (1) The inherent rights of Indigenous Peoples to pursue their traditional leadership structure, programs and customary laws; (2) Ang 1987 na Saligang Batas ng Pilipinas: (a) Section 22, Article II kung saan isinasaad na “Kinikilala at pinapaunlad ng Estado ang karapatan ng katutubong pamayanan sa ilalim ng balangkas pambansang pagkakaisa at kaunlaran”. (b) Section 17, Article XIV which states that “The State shall recognize, respect, and protect the rights of indigenous cultural communities to preserve and develop their cultures, traditions, and institutions. It shall consider these rights in the formulation of national plans and policies.”

Dulangan Manobo Kitab (Customary Law)

  • Upload
    ip-dev

  • View
    669

  • Download
    0

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Dulangan Manobo Kitab (Customary Law)

Citation preview

Dulangan Manobo Customary Law Page 1

KITAB DULANGAN MANOBO (Dulangan Manobo Customary Law)

Preamble/ Panimula

Kami, ang tribong Dulangan Manobo, kabilang sa mga katutubo na kumikilala sa Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas, nagkaisa na ipatupad ang Batas na may kaugnayan sa mga katutubo, sa pamamagitan ng pagpanumbalik at pagpalakas sa komprehensibong estraktura ng Kèna Inged, Menuwa Dulangan Manobo (Dulangan Manobo Territorial Governance) bilang mekanismo sa pagsulong sa sistemang hustisya at pamamahala sa Pusakà Mènuwâ Tanâ

Tupû (Lupaing Ninuno Dulangan Manobo).

Ito ang paraan ng pagsulong sa karapatan ng mga katutubo para sa sariling pamamahala na kinilala sa mga Batas ng Republika ng Pilipinas at maging sa mga International na Kasunduan and Conventions, tulad ng United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples at ang International Labor Organization Convention 169.

Sa pamamagitan ng Ulû-Ulû /Pig-Ulukan Datu itatayo namin ang isang makataong lipunan na magdadala sa kabutihan para maseguro na kami at ang aming mga susunod na henerasyon ay makamit ang kalayaan, kaunlaran at kapayapaan sa ilalim ng pamumuno ng mga Ngipen Ulû owoy Datu ayon sa mga Kèpèukit Kitab owoy Tègdèg na nagpapahayag sa katutuhanan, hustisya, pagmamahal at pagkapantaypantay. Kami ay sumusumpa na susundin ang Ukit na ito.

Article I. Guiding Principles

Section 1. Legal Bases in Establishing the Comprehensive Structure and Program of the Tanà Tupù are as follows:

(1) The inherent rights of Indigenous Peoples to pursue their traditional leadership structure, programs and customary laws;

(2) Ang 1987 na Saligang Batas ng Pilipinas: (a) Section 22, Article II kung saan isinasaad na “Kinikilala at pinapaunlad ng

Estado ang karapatan ng katutubong pamayanan sa ilalim ng balangkas pambansang pagkakaisa at kaunlaran”.

(b) Section 17, Article XIV which states that “The State shall recognize, respect, and protect the rights of indigenous cultural communities to preserve and develop their cultures, traditions, and institutions. It shall consider these rights in the formulation of national plans and policies.”

Dulangan Manobo Customary Law Page 2

(3) The Republic Act 8371, otherwise known as the Indigenous Peoples Rights Act of 1997:

(a) Chapter IV:

Section 13, which states that “The State recognizes the inherent rights of the Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples to self-governance and empowerment and respects the integrity of their values, practices and institutions. Consequently, the State shall guarantee the right of ICCs/IPs to freely pursue their economic, social and cultural development.” Section 15, which states that “The ICCs/IPs shall have the right to use their own commonly accepted justice systems, conflict resolution institutions, peace building processes or mechanisms and other customary laws and practices within their respective communities and as may be compatible with the national legal system and with internationally recognized human rights.”

(4) The International Treaties and Conventions:

(a) The United Nations Declaration on the Rights of the Indigenous Peoples

(1) Part 1 (a) Article 3, which states that “Indigenous peoples have the right to self-

determination. By virtue of that right they freely determine their political status and freely pursue their economic, social and cultural development”.

(b) Article 4, which states that “Indigenous Peoples have the right to maintain and strengthen their distinct political, economic, social and cultural characteristics, as well as their legal systems, while retaining their rights to participate fully, if they so choose, in the political, economic, social and cultural life of the State.”

(2) Part VII (a) Article 31, which states that “Indigenous Peoples, such as a specific

form of exercising their right to self-determination, have the right to autonomy or self-government in matters relating to their internal and local affairs, including culture, religion, education, information, media, health, housing, employment, social welfare, economic activities, land and resources management, environment and entry by non-members, as well as ways and means for financing these autonomous functions.”

Dulangan Manobo Customary Law Page 3

(b) The International Labor Organization Convention 169, otherwise known as the Convention concerning Indigenous and Tribal Peoples in Independent Countries:

(1) Part 1:

(a) Article 8 Paragraph 1, which states that “In applying national laws and regulations to the peoples concerned, due regard shall be had to their customs or customary laws.”

Paragraph 2, which states that “These peoples shall have the right

to retain their own customs and institutions, where these are not incompatible with fundamental rights defined by the national legal system and with internationally recognized human rights. Procedures shall be established, whenever necessary, to resolve conflicts which may arise in the application of this principle.”

(b) Article 9

Paragraph 1, which states that “To the extent compatible with the national legal system and internationally recognized human rights, the methods customarily practiced by the peoples concerned for dealing with offenses committed by their members shall be recognized.”

Paragraph 2,which states that “The customs of these peoples in

regard to penal matters shall be taken into consideration by the authorities and courts dealing with such cases.”

Section 2. Respeto at pangangalaga sa Inang lupa (Mother Earth) at mga kalikasan

sapagkat dito kinukuha ang lahat ng pangangailangan sa kabuhayan, kultura, tradisyon at ispiritual na paniwala ng tribong Dulangan Manobo,

Section 3. Respeto at pagkilala sa kahalagahan ng mga bituin, buwan at araw sa pang-araw-

araw na gawain ng Dulangan Mènobo. Section 4. Pagkilala at pagrespeto sa kapwa tao maging ang mga hayop at ibang bagay na

may buhay at higit sa lahat ang Némula (Poong Lumikha).

Article II. Definition of terms:

A

Dulangan Manobo Customary Law Page 4

(1) Adà – Marami (2) Adal – Tawag sa pagsasayaw (3) Adat – Kaugalian na sinusunod nagmula sa kanilang mga ninuno (4) Adéw - Masakit (5) Adog – Pangalan ng tao (6) Agdaw – Tawag sa araw (7) Adal Délayaw – Sayaw sa kasiyahan ng tribo (Limud) (8) Akèn – Ako (9) Akay – Kaibigan (10) Alangan - Inilagay ito sa dadaanan ng kalalakihan na ikakasal (11) Alas – Isang paraan sa pagkaingin lagyan ng palatandaan tulad ng maliit na

pinutol na kahoy para hindi na agawin ng iba o ano pang mga bagay na pwede ilagay

(12) Alat – Lalagyan ng mga mais, palay, na naani at iba pa (13) Amayan – Malaki (14) Atèh–Malayong-Malayo

B (15) Baboy – Ang tawag sa baboy (16) Bagting – Bala ng pana (17) Batìya – Orasyon ng tribo (18) Binibilan – Pwede din ito pangdori sa babae kung mayroon mag-asawa na lalaki (19) Binulan-bulan – Nilalagyan ito ng mamah at apog (20) Bèkèsan – Ang tawag sa ahas na sawa (21) Bekùkang – Isang sakit na parang pigsa (22) Bèkukù – Uri ng gamit na nilalagay sa tainga (23) Bangkong – Ito ay depensa at pangdowry (24) Busàw – Ang tawag sa aswang na hindi makikita (25) Busug – Sandata ng tribo panghuli ng hayop sa kagubatan (26) Balit laget – Lalagyan ng mamah ng prinsisa kung mayroong mga bisita,

okasyon, at pangdori (27) Blabagan – Ang tawag sa hilaga

D (28) Dapag – Malapit (29) Dakèl – Malaki (30) Dèlèk – Isang depensa at panghuli ng hayop (31) Delèsan – Bahay (32) Dèlègdigan – Timog (33) Dodok – Kung namatay ang unang asawa palitan ito ng kanyang anak na babae (34) Dufang – Manloloko (35) Dugang – Dagdagan (36) Dumà – Mga kamag-anak

E (37) Ebay - Nagtataka (38) Édungan – Simula (39) Egalebek – Nagtratrabaho (40) Enugsadan – Kung ilan ang nadowry sa nanay ng babae (41) Élèdan – Kanluran

Dulangan Manobo Customary Law Page 5

(42) Eglesek – Taong maninisid ng isda (43) Églikù – Papauwi (44) Égselapan – Naglalaro (45) Égsugó – Nag-uutos (46) Ég-tibàh – nagkakaingin (47) Elé-Uboh – Pinanggalingan ni Inay Tumegel noong siya ay pumunta na sa langit

F (48) Fekaènan Manok – Ang tawag sa kasalan ng tribo (49) Fenulot – May isang gantang bigas at may kasamang manok para sa kalalakihan (50) Fagsudan – Puno ng bundok (51) Fangus – Daing (52) Fatogiyal – Pato

G (53) Gètas Tamok – Paraan ng pagbalik ng dori sa mag-asawa kung nagkahiwalay

I (54) Ikam – Banig (55) Itèd – Balo na babae at lalaki pwedi asawahin ng kapatid (56) Iton – Tawag sa asawa

K (57) Kalabaw – Pangdori ito ng tribo para sa pag-asawa at gamit pagsasaka (58) Kailawan – Itoy tawag sa Dulangan Manobo mga maliit at mahirap sa pagkat

nilikha ng Panginoon (59) Kèlawit – Ginagamit ito ng mangangaso sa paghuli ng baboy ramo at usa (60) Kèmalaan – Taong nahihiya (61) Kèmagi - Uri ng ari-aian para pangdori sa babae (62) Kèmbuyè – Sayaw ng isang taong nagbabayo ng palay at sa taong masayahin (63) Kinutà – Taong nagsasayaw at tumogtog ng musika (64) Kudà – Ginagamit ito ng datu o mga tribo sasakyan papunta sa ibang lugar

pangdori, at pangpaaway (65) Kulagbù – Ginagamit ito pangdowry sa babae,nagkakahalaga ng isang kabayo (66) Kuden Tanà – Ito ay ginawa yari sa lupa, gawing kaldero para saingan

L (67) Langgaman – Ginagamit ng kababaihan pang ani ng palay (68) Lèbèngan – Libingan ng tribo (69) Lèsung – Ginagamit ito sa pagbayo ng palay para gawing bigas (70) Linansayan – Pangdori na nagkahalaga ng isang kabayo (71) Lobing– Ginagamit ito pantulog (72) Luéb – Lalagyan ng bala ng pana itoy ay isang magasin ng tribo (73) Lungon – Ang tawag sa kabaong ng tribo

M (74) Mèlugay - Matagal (75) Musèng – Uling

N (76) Nugangan - Biyanan

P (77) Fèlegkasèn – Ginagamit para sintonado ang pagpana (78) Fliko Tamok – Ibalik ang dori sa lalaki kung ayaw ng babae mag-aasawa

Dulangan Manobo Customary Law Page 6

S (79) Sègagung – Ginagamit ito kung may mga okasyon pang-aliw sa mga bisita (80) Sèkedù – Ginagamit ito lagyan ng tubig, yari sa kawayan. (81) Sèlagi – Pantawag ng tao, kung may patay o okasyon depende sa togtug nito (82) Sigfù – Ginagamit din ito sa panghuli ng baboy ramo at depensa (83) Sinulon– Ginagamit ito pangtahip ng palay, mais at iba pa (84) Solok – Nilalagyan ito ng mga pananim mais, palay at iba pa (85) Sulad – Nilalagyan ito ng mga mais, gulay, palay, at uri ng mga pananim (86) Sundang - Ginagamit ito pang depensa sa tribo (87) Sunggod – Ang tawag sa dowry o bayad

T (88) Tabas – Gamit pang war dance at depensa (89) Tègèb – Ari-arian ito ng tribo pangdowry (90) Tègèlèsèk – Taong maninisid ng isda (91) Tègè-awô - Mangangaso (92) Tègèfigbayi/Tègèfigmaamâ – Palikiro o palikira (93) Tinakepan – Pang ulam ng tribo na kinukuha sa mga kahoy (94) Tinabanan – Kung nagloko ang babae at lalaki hindi makuha ang dori (95) Tising – Palantandaan hindi na makahanap ng lalaki ang isang babae (96) Tusung – Butas

U (97) Ukit – Mga paraan sa paglutas ng problema (98) Ulès – Pangtakip ng ulo tao (99) Ulof – Gamit pangpatulog ng kalaban (100) Upowon – Taong Kalbo (101) Usà – Karni ng hayop (102) Uwan – Awit upang akitin ang manonood

W (103) Wagiya – Ang tawag sa bakal (104) Wayèg – Tubig

Article III. The Dulangan Manobo and their Cultural Practices

Section1. Ang Dulangan Manobo

Ang Dulangan Manobo ay nakilala noong unang panahon sa pamamagitan ng walong magkakapatid, kung sila may kaaway hindi sila makatulog puntahan nila ang kalaban sa kanilang lugar. Nakilala din sila sa kanilang mga kasoutan na ginagamit, tulad ng (Tunggal, Tising, Plegkasin, Kèlo, Sugot, Basak, Tikis, Kègal, Eful), may mga hikaw sa tainga. Mayron itong mga tato sa katawan lalaki man o babae bilang palatandaan na sila ay matatapang ayon sa kanilang mga ninuno. (Tègèfèngayaw Agdaw). Ang palatandaan na Dulangan Manobo dahil sa kanyang mga ngipin ay maiitim dahil sa (pagmâmâh) na kanilang nakasanayan mula sa kanilang mga ninuno noong unang panahon.

Dulangan Manobo Customary Law Page 7

Ang Dulangan Manobo ay nagmula sa kanilang mga ninuno noong mga panahon ni Inay Tumegel at ang kanyang anak na lalaki sa pangalan, Lumabet nakatira sa Kulaman noong unang panahon. Ang tawag ng kanyang lugar ay (Élè-Uboh) sa kwento ng mga matanda siya ay nasa sa langit na ngayon ayon sa paniwala ng tribo.

Mamayan ng tribo

(1) Étaw Dagél – Mga tao nakatira sa uluhan ng ilog malambing kung magsalita, halintulad ng mga Manobo Dulangan sa Kulaman at karatig lugar

(2) Étaw Dibabà – Mga Dulangan Manobo nakatira dulo ng ilog parang galit kung magsalita, halintulad ng mga Manobo Dulangan sa Tubak, Dano, at Legodon magkapareho ang tunog ng salita

(3) Étaw Dagat – Mga Dulangan Manobo malapit sa dagat malumanay magsalita may lambing sa dulo ang tunog ng salita

Marriage processes:

Section 1. Fékaénan Manuk: Proseso

Ang (Fékaénan Manok) ito ay tawag sa kasal ng tribong Dulangan Manobo na kanilang sinusunod na namana nila sa kanilang mga kanunuan noong mga panahon, hanggang ngayon pinaparaktis pa ito. Ang datù ang tagapagitan sa pamilya ng kababaihan at kalalakihan upang idaos ang kasal, bago ganapin ang kasal ay nagkasundo ang mga pamilya sa ikakasal nakatalaga na ang hihingin ng kababaihan na dori (Sunggud) kung ilan lahat ang ibigay sa mga magulang sa kababaihan.

Mag-usap muna ang mga magulang ng lalaki at babae kasama ang Datu kung magkasundo sila sa usapan, ang magulang ng babae ilahad niya ang dori sa kanyang anak na babae kung payag ang magulang ng kalalakihan ay planohin ang kasal kaagad.

(1) Ang mga magulang ng babae at kamag-anak magkatay ng mga manok para ipapakain sa mga magulang ng kalalakihan.

(2) Ang kanin at ulam hindi ito pwede buksan ng mga magulang ng kalalakihan, kung walang na ibigay sa pamilya ng kababaihan

(3) Ang lalaki ay nasa labas pa ng bahay ng babae hindi ito pwede pumasok sa loob ng pamamahay ng babae ang lalaki, kung walang ibigay na kulambo pambukas sa pintuan ng kababaihan.

(4) Ang mamah ay inihanda ito ng mga magulang ng babae naghahalaga ng (Isang libo) (Sèbaèn Ulû) para kabayaran ipamamah sa pamilya ng kalalakihan

(5) Fènugang – Ang tawag sa dulangan manobo kung kunin ng lalaki ang babae ang maging asawa

Dulangan Manobo Customary Law Page 8

(6) Sètogkok Ulu – May isang datu tuwing ganapin ang kasalan pagbanggain ng dahan-dahan ang ulu ng babae at lalaki bilang palatandaan ganap na sila mag-asawa

(7) Alangan - Inilagay ito sa dadanan ng kalalakihan at may ikinabit na mga (mamaèn), kunin ng kalalakihan upang ito’y silbing simbolong magbigay ng kabayo o mga ari-arian pangdori.

(8) Fenulot – May isang gantang bigas at may kasamang manok para sa kalalakihan, ang kapalit nito ay nagkakahalaga ng (Isanglibu) (Sèbaèn Ulû).

(9) Sabakan – Ang laman nito ay limang piraso na binalot ng dahon ng saging at may kasamang litson manok, nagkakahalaga ng isang libo (Sèbaèn Ulû), pwede rin ang damit na pambayad nito.

(10) Ugsadan – Ang lalaki mag-upo sa ginagawang upuan ng lalaki na mag-asawa

Section 2. Proseso sa pag aasawa

(1) Sunggod – Kailangan magbigay ng limang kabayo at isang kalabaw ang kalalakihan sa magulang ng babae depende sa dowry ng ina

(2) Plikù Tamok – Ibalik ang dori sa lalaki kung ayaw ng babae mag-aasawa, lahat ng sunggod

(3) Tinabanan – Ang magulang ng babae ng isang kabayo (Kètas Tamuk) (4) Tising – Ang mga magulang ng babae at lalaki mag-usap sila ng masinsinan

para sa kanilang mga bata na nagkagustuhan at may ibigay na isang kabayo palatandaan.

(5) Enugsadan – Kung ilan ang nasunggod ng nanay ng babae, kailangan ibalik ang lahat ng sunggod ng babae ibigay ng lalaki at magdagdag ng dalawang hayop.

(6) Itèd – Kung namatay ang unang asawa, kailangan ang lalaki magbigay ng dalawang kabayo para palitan ang kanyang asawa kapatid din ng babae na namatay.

(7) Duduk – Kung namatay ang unang asawa palitan ito ng kanyang anak na babae

(8) Nèsèagaw – Lalaki at babae nagtanan sila para mag-asawahan

Section 3. Proseso tungkul sa pag-aagawan ng asawa

(1) Pag-inagaw ang asawa ng isang lalaki, pagbumalik ang babae sa asawa niya magbigay ng (1) isang kabayo ang tatay ng babae at magbigay din ng isang kabayo ang lalaki sa asawa ng babae.

Dulangan Manobo Customary Law Page 9

(2) Kapag magkatuluyan ibalik ang dori ng may asawa may dagdag na hayop isa sa babae at lalaki. Kung hindi dori ang ibalik magbigay naman ng (1) isang babae ang mga magulang ng babae.

Section 4. Panganganak

Una putolin ang pusod ng sanggol kung hindi maganda ang indikasyon ng pusod ilibing kunwari ang sanggol at ikabit sa punong kahoy, hugasan ng tubig na nilagay sa kawayan at lagyan ng kiniskis na bao ng niyog. Gawaan ng duyan ang sanggol para sa kanyang pagtulog, magkatay ng manok ang asawa ng babae para dadami ang gatas ng bagong anak ina ng sanggol (Tafawèn). Ang babae mag-ihaw ng manok para ipakain sa byanan na lalaki upang hindi magkaroon ng sakit ang sanggol na anak at pausokan ng balahibo ng manok ang bagong silang. Maraming mga paniniwala gaya ng buntis ay di mamaaring hindi magtayo sa pintuan pagkat kung ito’y magsisilang hindi agad lalabas ang bata. Kung may naghatsing naman kung kakanlongin ang isang bata huwag ituloy dahil hindi hahaba ang kanyang buhay lalo na kung (Lèmukèn) ang tumunog, hindi hahaba ang iyong buhay o di kaya ang bata ay mamatay.

Section 5. Mga Kaugalian kung may patay

(1) Ang patay balotin ng malong talian ang buong katawan, maghanap ng kahoy (Tefedos) itaas ang (Tigbakal) bilang sukat ng kahoy putolin at butasan ang kahoy ayon sa sukat ng patay. Ang iba naghahanap ng uway at (Bélém Bad). May nagdala ng pagkain para sa gumagawa ng lungon pauwi (Sèbang).Ang mga babae kumukuha ng abo (Aboh) dahon ng kamote bayuhin upang gamitin pangdikit para hindi maamoy ang baho ng patay.

(2) Kung may patay inaayos ang kabaong nito simula sa paglalamay, inilalagay sa bahay sa loob hanggat gusto ng kamag-anak hindi pwede ilibing. Magsasagawa sila ng mga laro, awitan, sayaw, mag-abuhan sa noo, maglagay ng uling sa noo, bugtungan at kung pakikiramayan nila ang taong may patay ay magdadala sila ng (Togo, Palèndèg, Kubing) (mga instrumentong musika na yari sa kawayan) at Duwagèy.

(3) Pagdating ng takdang panahon sa libing, magkatay sila ng manok, baboy at baka kung may kaya ang pamilya. Tatawagin ang lahat ng mga tao, datu o hindi myembro sa kumunidad, at lahat ng kamag-anak mula sa babae at lalaki. Magtitipon sila dahil araw ng libing. Pagtutulungan nila ang mga gastosin at isasagawa ang kasiyahan na tanda ng pagmamahalan.

Dulangan Manobo Customary Law Page 10

(4) Pagkatapos ng libing, magtapunan ng kanin sa bahay na nilagayan ng patay bago iiwan dahil sa paniwala ng tribo bawal terahan (Mèlihi) at magpatayo din ng bahay na hindi kalayuan.

(5) Kung kinikilalang pinuno ang namatay ng Dulangan Manobo halos magtagal ng mahigit (1) isang taon ang paglamay sa patay bago ilibing. Kung takdang panahon sa paglibing ipatawag ang lahat ng mga kinikilalang pinuno sa boung nasasakupan ng Dulangan Manobo bilang pagdalamhati ito ay tawag na asembliya (Dakèl Limud).

Section 6. Mga Sayaw ng tribo

(1) Atang – Pinapakita ng lalaki ang kanyang katapangan sa pamamagitan ng pagsasayaw

(2) Kémboyé – Isang taong nagbabayo sa kanyang palay, mais para hindi sila mapagod sa kanilang mga ginagawa

(3) Adal Ùwak – Ang tribo ginagaya ang sayaw ng uwak (4) Lambeg Dagat – Tugtugin ng tribo na yari sa kawayan (5) Adal Kinutà – Sayaw ito kung magtitipon ang mga datu (6) Adal Dilayaw – Ipinapakita ng babae ang uri ng sayaw para sa datu kung siya

ay magustuhan magdori ng marami. (7) Pètpèt – Isang sayaw o tugtog upang aliwin ang manonood kung may okasyon

Section 7. Mga Awit ng tribo

(1) Anggung – Pagliligaw ng mga babae at kalalakihan sa kanyang nagugustuhan o napupusuan

(2) Uwan – Awit upang akitin ang manonood at nakikinig (3) Tondil – Palatandaan na si (Bènusaya) matapang na tao (4) Kabayan – Awit ito kung may mga okasyon (5) Bélénalo – Kasaysayan ni (Dulangan Suboy), para matuwa ang mga nakikinig. (6) Wanin – Awit ito ng masamang tao para hindi makita ng mga kalaban (7) Linambingan – Awit ng tribo upang makikipaglaban sa kanilang mga lupain (8) Tèlakè – Awit na minana sa mga ninuno noon unang panahon sa kanilang

kasaysayan na naranasan mabuti o masama. (9) Sènggek – Awit para aliwin ang tagakinig at nanonood kung may okasyon at

selebrasyon. (10) Dèlawet – Isang iyak na awit ng babae para sa patay

Section 8. Arts (Lilok)

(1) Sulok – lagyan ng mamà na yari sa nito

Dulangan Manobo Customary Law Page 11

(2) Tègèsalsal – Isang tao gumagawa ng mga itak (3) Suladan – Nilalagyan ng palay at mais (4) Gumà – lalagyan ito ng itak (5) Alat – Nilalagyan din ito ng mga mais at palay (6) Lihub – Nilalagyan ng palay na binhi (7) Kékulong Basak – Paggawa ng mga kwentas (8) Kèkolong Usà – Paraang ng pagbigay ng karne sa tribo (9) Bétekél – Nilalagay ito sa kamay ng batang lalaki at babae (10) Tègeunom - Isang tao na tagagawa ng sulok o baskit (11) Sekedù – Gawa ito ng kawayan na lalagyan ng tubig (12) Mélawas – Nilalagyan ito ng mga gamit at bigas (13) Sinupow - Ginagamit ito panghugas sa pagdudumi (14) Ketuwang - Gumagawa ng mga singsing, pursilas at iba pa (15) Sinulon – Pangtahip ng palay at mais (16) Sènagfing – Lalagyan ng damit at binhi (17) Klèfè – Lalagyan ng mahalagang bagay (18) Puyot – Gamit ng lalaki lalagyan mamà (19) Bluyot – Lalagyan ng bigas (20) Lè-sung - Binabayuhan ng palay at mais (21) Sè-ulo – Pangbayo sa palay at mais (22) Bato Kèlang – Nilagay sa lusong para sa pangdurog ng mais

Section 9. Paniwala sa panginoon/God – Némula (Creator) Nèmulâ ang pinaniwalaan ng tribo ang may kapangyarihan lumikha ng langit, lupa mga hayop, siya din ang gumagawa ng mga tao dito sa mundo at lahat ng mga bagay na makikita at may ari ng kalikasan.

(1) Giwata – May kapangyarihan nagbibigay ng karunungan at protiksiyon sa tribo (2) Diwatâ – Tagabantay ng mga kabundukan, tubig, yungib, bato at lahat ng mga

makikita sa kagubatan (3) Langà – Isang paraan pagsamba ng tribo upang gabayan ng (Diwata o Nèmula)

para magkaroon ng protiksiyon (4) Blèyan – Manggagamot ng tribo sa isang kumunidad, alam niya kung may mga

masamang mangyayari na pararating (5) Éfè Wayèg – Tagabantay ng ilog, lawa, at katubigan na hindi makikita na

nilalang (6) Éfè Kayo – Taganbantay ng punongkahoy na hindi makikita na nilalang (7) Éfè Tudok – Tagabantay ng kabundukan na hindi makikita na nilalang (8) Éfè Élèb – Tagabantay ng yungib na hindi makikita na nilalang

Section 10. Relasyon sa Pamilya

(1) Ang mga kabataan ay sumusunod sa mga magulang, ang magkakapatid ay dapat nagkakaisa at nagmamahalan at may respeto sa isat isa.

Dulangan Manobo Customary Law Page 12

(2) Ipapatupad ng mga magulang ang mabuting relasyon, pag-alaga sa mga anak at pagdisiplina. Ang mga magulang ay dapat bigyan halaga ang edukasyon ng mga anak para sa kanilang kinabukasan.

(3) Magtulungan sa lahat ng mga gawain para sa ikakaunlad at matiwasay na pamumuhay

Section 11. Relasyon sa ibang tribo – Kapag dumalaw ang ibang tribo tulad ng Maguindanao,

Blaan, Teduray Klagan, Ubo at Taboli, makipagkwentohan at pakakainin sila, kapag mayroon silang problema at dati ng nakatira sa bahay mo dapat ikaw na mismo ang tumulong sa kanya, hindi na kailangan na hintayin mo ang kanyang magulang para ayusin ang problema. Ikaw na mismong mag-ayos upang sa ganon ay makita ng mga tao na isa kang mabuting datu at tinuturing mo din sila na parang tunay na pamilya. Ang Dulangan Manobo matulungin sa ibang tribo sa larangan ng problema na tinatahak upang makamit ang kapayapaan.

Article IV. Dulangan Manobo Ancestral Territory

Section 1. Ancestral Territory

Ang Dulangan Manobo ay matatagpuan sa parte ng Sultan Kudarat at Maguindanao Province. Ang Kulaman si Sulutan Tagenik ang kanilang leader Si Datu Konsihal Kebeng naman ang sa Legodon Esperanza. Si Sulutan Umpig naman ang leader sa Tubak Maguindanao, at sa Lebak naman ay si Datu Blag, at sa Kalamansig ay si Datu Magun Wasay, sa Palimbang ay si Datu Balaw. Ito ang teretoryo ng Dulangan Manobo dito sa Mindanao. Nakilala din nila ang kabundukan at ang pangalan ng Tubig mga kahoy, kweba, bato sa kanilang teritoryo.

Ang Esperanza nagsimula Wayeg Kefela, Klemuno, Sugod Ulipiken, Sityo

Kuhanen,Uges, Kabanalian, Keungas,Paakyat Blogo,Boundary ng Isulan at Esperanza papuntang ninoy Aquino Boundary ng Esperanza, Apos Kedaka, Sinuksok,patungong Tudok Pinukfutan, Kislanay boundary ng Kalamansig, patungong Tran River boundary ng Lebak at Esperanza, Kislanay Ileb Linikuan Kenogon, hanggang wayeg Kefela.

Ang Lebak nagsimula sa Tugdaang Méédof, nagdaan ng Dakel Ele, Tusong

Uléd, patungong Lati Lamod, Basak, patungong Fufu, Sandyulo, Paakyat ng Dakel kayu, Kislanay boundary ng Kalamansig at Lebak.

Ang Kulaman, Nagmula Kislanay Menting, Blegkasi,dadaan sa Bong-Bong, Sekuling, Legubang, Klosoy, Langgal,Ang Lambak, Boundary ng Kulaman at Palimbang. Ang Panamin boundary ng Kulaman at Bagumbayan.

Dulangan Manobo Customary Law Page 13

Ang Palimbang nagsimula Metok, Balay Kilat, dadaan sa bundok ng Getan Ele, patuloy sa Getan Bala, dadaan naman sa Getan Pandakan, papuntang Melegaen Dakél, paakyat ng Kogol Kuda, dadaan naman sa Lawat Kumennong, papuntang Tudok Pig Adalan, paakyat naman ng Getan Tebako, nahati sa Tudok Makailas ang boundary ng Kamansig at Kulaman.

Ang Dulangan Manobo teretoryo sa bahagi ng lungsod Maguindanao nagsimula sa Melumpayang, Tudok Sinaegan Guma, Tudok Mèdèlang boundary ng Esperanza Sultan Kudarat at Ampatuan Maguindanao patuloy sa Makalag, Kesam, Tuntungin, Ilang-Ilang, patuloy naman sa South Upi, Klemono, Begoy, Sambulawan Kling, Luay Undèk, Menetey, Sèlubaan papunta naman sa Sèput Panigan, Embalè, Tèmulak, Trosud, Lepak Mèkin, Kèèdèd, Tèlèktèk, Pliris, patuloy sa Kùèd, pababa sa Tubak Ampatuan.

Section 2. Territorial Division (1) Ingèd – Ang tawag sa boung teritoryo kung saan naroon ang Dulangan Manobo (2) Dakèl Mènuwà – Ang tawag sa lungsod ng Dulangan Manobo (3) Sègènuwà – Ang tawag sa barangay Dulangan Manobo (4) Sègèmalayan – Ang tawag sa sitio ng Dulangan Manobo (5) Malayan – Ang tawag sa purok ng tribong Dulangan Manobo

Section 3. Clan base terretory

(1) Datù Sigut Labangen – Unang tao na nakatira sa legodon, Matapang, mabangis ayaw nitong daanan ang kanyang lugar, kung sinuman ang kanyang makita ay pinapatay dahil baka pagtawanan siya sa kanyang kapansanang maliit at malaking binti.

(2) Sulutan Tubak Umpig – Ang datu ng tubak siya ang may kapangyarihan at nirerespito ng mga tao

(3) Datu Tungkilin – Ang datu ng kulaman noong unang panahon (4) Sulutan Tagenek – Ang pinakamataas na sultan ng Kulaman (5) Sulutan Dod Nayam – Ang datu ng lebak na kinikilala ito ng buong tribo (6) Datu Magon Wasay – Ang datu ng kalamansig noong unang panahon (7) Datu Malinoy Sepot – Ang datu ng Palimbang Sultan Kudarat (8) Datu Ketonas Kulam – Ang Datu ng Lebak Sultan Kudarat nakatira sa Tatawan (9) Datu Boneg – Kètodak, Lebak Sultan Kudarat (10) Datu Manampit Bucay – Lenogboyon Esperanza Sultan Kudarat (11) Datu Apang – Mélawel, Esperanza Sultan Kudarat

Dulangan Manobo Customary Law Page 14

(12) Datu Sakudal – Kalamansig Sultan Kudarat (13) Datu Unow – Embali Esperanza Sultan Kadarat (14) Datu Ungka – Kulaman Sultan Kudarat (15) Datu Tagaken – Kulaman Sultan Kudarat (16) Datu Kawan – Basag Kulaman Sultan Kudarat (17) Datu Fagilidan – Palimbang Sultan Kudarat (18) Datu Dakias – Palimbang Sultan Kudarat (19) Datu Tuwegen – Palimbang Sultan Kudarat (20) Booy Kabaluan – Kalamansig Sultan Kudarat (21) Datu Gantangan – Kalamansig Sultan Kudarat (22) Datu Insam – Kalamansig Sultan Kudarat (23) Datu Ogib – Kalamansig Sultan Kudarat (24) Datu Kandi – Kalamansig Sultan Kudarat (25) Datu Kaluba – Kalamansig Sultan Kudarat (26) Datu Sumadang – Kalamansig Sultan Kudarat (27) Datu Falaseyow – Lengali Lebak Sultan Kudarat (28) Datu Lebe – Kulaman Sultan Kudarat (29) Datu Gugo – Kalamansig Sultan Kudarat (30) Datu Ampuan Apang – Lebak Sultan Kudarat (31) Boi Lebe – Legoden Esperanza Sultan Kudarat (32) Datu Kapitan – Ketodak Lebak Sultan Kudarat (33) Datu Bintoy Mokatil – Palimbang Sultan Kudarat (34) Datu Kantala – Palimbang Sultan Kudarat (35) Datu Duma – Palimbang Sultan Kudarat (36) Datu Deweg – Palimbang Sultan Kudarat (37) Datu Kadingilan – Ampatuan Maguindanao (38) Datu Manguda – South Upi Maguindanao (39) Datu Pipayan – Esperanza Sultan Kudarat (40) Datu Galing – Esperanza Sultan Kudarat (41) Datu Dayog – Esperanza Sultan Kudarat (42) Datu Tagaken – Kulaman Sultan Kudarat (43) Datu Malakatin – Kulaman Sultan Kudarat (44) Datu Bayang – Lebak Sultan Kudarat (45) Datu Deweg – Lebak Sultan Kudarat (46) Datu Magayan – Esperanza Sultan Kudarat (47) Datu Binansil – Esperanza Sultan Kudarat (48) Datu Kasila – Esperanza Sultan Kudarat (49) Datu Mayao – Esperanza Sultan Kudarat (50) Datu Kawan – Kulaman Sultan Kudarat (51) Datu Dalimbang – Kulaman Sultan Kudarat (52) Datu Tigis – Esperanza Sultan Kudarat

Dulangan Manobo Customary Law Page 15

(53) Datu Labi – Kulaman Sultan Kudarat

Article V. Land and Livelihood

Section 1. (Bakit kailangang mabuhay)

(1) Nabubuhay tayo dahil ang Diyos ang nagbigay ng buhay. (2) Kailangan nating mabuhay dahil marami tayong haharapin dito sa mundo (3) Pa-aralin natin ang mga bata, turuan natin sila ng mabuting pamumuhay (4) Pagbutihin natin ang ating pamumuno sa ating bayan (5) Akayin natin ang ating tribo sa kabutihan at matuwid na pamumuhay. (6) Lahat ng namumuhay sa mundo ay may damdamin at dangal (7) Kailangan nating mabuhay upang hindi mawala ang ating tribo. (8) Kailangan maibigay ang aming lupaing ninuno

Section 2. Kabuhayan ng mga Tao

(1) Gumagawa sila ng mga kaingin ayon sa nararapat. (2) Pgkakaroon ng maliliit na taniman. (3) Pagtatanim sa lupa gaya ng kamote, mais, palay, kamoteng kahoy, saging at

ibat-ibang uri ng gulay. (4) Lilipat uli sila sa isang kaingin (5) Gagawa sila ng panghuli ng baboy ramo, patibong, bitag, mangangaso

at manghuhuli ng isda. (6) Kung maubos ang pagkain nila sa loob ng bahay, hahanap sila ng

pagkaing gubat; (biking, kèlot,Pangè, Kanto,Fusow, Ubod, natek) at kukuha sila ng ubod sa kagubatan

(6) Kukuha sila ng pulot (Tèneb) Lebuted at iba na nararapat na kinakain ng tribo (7) Pagkuha ng pugad ng balinsasayaw at iba pang panibagong hanapbuhay. (8) Pagkuha ng bulawan sa teretoryo ng tribo (9) Pagkatapos ng kaingin sa isang kaingin hanap naman ng malipatan para

manumbalik ang dating anyo ng lupa, kung maraming damo tumubo bago kaingin ulit.

Section 3. Proseso sa pagtatanim ng palay

(1) Bago magtanim tinitingnan muna ang betuin nagsilbing palatandaan tulad ng, (Kufû Kufû, Kutél, Bituén Télo, Dakel Bituén) at buwan

(2) Sa pagtatanim tinatawag si (Tupù Moungangén) upang masagana ang ani (3) Tupù Muungangen – Nagbigay panalangin sa uri ng mga pananim walang iba

ang panginoon natin (4) Bago magtanim lagyan ng Bato, uling, ang binhi ng palay, mais, para hindi

makikita ng mga pisting gustong kumain

Dulangan Manobo Customary Law Page 16

(5) Uhok – Ang unang magtanim ang bunso na babae at lalaki para ang tubo ng pananim ay hindi magkalayo-layo ang pagitan ng tanim

(6) Payo – Ang palay nilagay sa butas ng lupa upang itanim (7) Dapat may maiwan na binhi (Samà) sa nagtulong na tao sa pagtatanim, itoy

ibigay sa kanya ng may-ari ng palay (8) Laday(Full moon) - Para masagana ang ani binabasihan ang posisyon ng buwan

kung magtanim Section 4. Proseso sa pag-aani

(1) (Létus/Sumbak) – Pinaghalo ang natirang binhi sa bagong ani at hindi pwede kumain ang ibang tao at kailangang magkatay ng manok

(2) Dapat bago mag-ani may halad sa kalikasan, magkatay ng manok, lahat ng parte ng katawan, ng manok kunan kunti ihatid sa kagubatan, pagpapasalamat kung umani ng marami

(3) Bago gaganapin ang pag-ani kailangan may (Tagkis Duka Palay) sunugin ang duka para mapausokan

(4) Dito na ganapin ang pag-ani inbitahan ang mga tauhan para sa anihan (5) Hindi pa anihin ang mga pananim gawaan ng tao-tao (Abit-abit) at may baon

siya para ang ibig sabihin ay para malayo tayo sa mga masamang ispiritu na hindi natin makita

(6) Pagkatapos ng pag-ani ipunin muna hindi pa ito linasin kapag magdaan ng tatlong buwan at pagkaraan ng tatlong buwan na linasin, lalagyan ng abo, na galing sa lutuan para naman ang kahulugan doon marami, para sa sunod na anihan ay makaabot yan ng ilang sako (Lihub).

(7) Pagtapos linasin ilagay ito sa (Lihub) na gawa ng balat ng kahoy ang ilagay naman doon ang palay, sunugin ang duka para mapausukan ang (Lihub) para mapuno ito

(8) Kinèntoy – Ang mais ilalagay sa kawayan isabit isa-isa hindi alisin ang balat doon din ilagay sa kaingin para patuyuin ang mais para kunan ng binhi

Section 5. Gubat (Tudok/Kètalunan)

(1) Sa loob rin ng gubat sila ay humahanap ng halamang gamot kung may nagkakasakit.

(2) Hanggang ngayon ito ang pamamaraan ng kabuhayan ng tribo tulad pangangaso. (3) Ito ang pangunahing pamamaraan ng kabuhayan noon ng Dulangan Manobo. (4) Hindi namin kinalilimutan ang pag-aalay sa kagubatan sa tuwing makakuha ng

hayop sa kagubatan (5) Pinagpatuloy ang pangangalaga ng kagubatan sapagkat ito ang pinagkukunan ng

kabuhayan ng mga tribo (6) Ginagawang pansamantalang tirahan ang kagubatan (Témudug Tanâ) para

gumaling ang nagkakasakit (7) Upang Makalanghap ng sariwang hangin (Amihan)

Dulangan Manobo Customary Law Page 17

(8) Pinagkukunan ng mga halamang gamot kung mayroon nagsakit at pasyalan ng tribo

Section 6. Mga palisya sa kabuhayan

(1) Ipinagpatuloy ang mabuting ugali at kabuhayan sa kapwa tao; (2) Kailangang maging masipag sa pagtanim ng maraming uri ng pananim sa lupa. (3) Huwag maging maramot, ito ang kautusan na ginagawa ng maraming datu (4) (Kètanggà) - Ginawa ng mga datu noon ang mga alituntunin ng pagbibigayan. (5) Bigyan mo ang isang tao kung hihingi ng makakain. (6) Hindi lang bunga ang kanyang dadalhing uuwi, magdala rin ng itatanim upang

mayroon siyang itanim sa bahay. (7) Hindi paghihingi ang laging gawin ng isang tao, magtanim rin siya upang

mayroong kabuhayan. Section 7. Pangalan ng mga ari-arian:

A. Alagang hayop (1) Kudà (Kabayo) – Sasakyan ng tribo papunta sa ibang lugar at ginagamit din

itopangkarera at libangan ng tribo (2) Kalàbaw (Kalabaw) – Pangdori sa mga kababaihan at pagsasaka (3) Sapì (Baka) – Pangdori sa mga kababaihan at pagsasaka (4) Manok – Paboritong ulam ng tribo (5) Tùyang (Aso) - Ginagamit ito panghuli ng baboy ramo (6) Mèyong (Pusa) – Tagabantay ng kainin para hindi kainin ng daga ang pananim (7) Baboy – Kinakatay kung meron okasyon sa lugar at makuha sa kagubatan

B. Ari-arian sa bahay;

(1) Sèlagè – Ginagamit ito kung may okasyon, dipindi sa tunog (2) Kuden Tanâ – Nilulutuan ng mga pagkain (3) Sàgagong – Ginagamit ito pantawag ng mga tao kung may okasyon, tinutugtug

din ito kung may patay dipendi sa tunog (4) Kulagbò - Ginagamit ito para hindi kagatin ng mga lamok at pangdori (5) Lubing – Ginagamit ito pangtulog (6) Sèkédù - Isang uri ng kawayan na nilalagyan ng tubig (7) Lèsung – Galingan ng tribo (8) Kèmagè - Gamit ng mga kababaihang sa palamuti (Tulol) (9) Sundang – Ginagamit ito pangdepinsa at pangdori (10) Tabas – Ginagamit ito para sa sayaw nang katapangan at pangdowry (11) Kalabaw – Pangdori at pagsasaka (12) Kûda – Sinasakyan ito ng tribo na pumupunta sa ibang lugar at pwedi rin ito

pang dori (13) Sègpo – Dipinsa din sa mga kaaway

Dulangan Manobo Customary Law Page 18

(14) Kèlawit – Dipinsa din sa Tribo at panghuli ng baboy ramo (15) Busog – Dipinsa at panghuli ng hayop (16) Binibilan – Pangdori sa mga gustong mag asawa (17) Tègèb – Pwedi rin gamitin pangdori (18) Balay laget – Nilalagyan ng mga kababaihan ng mama kung may mga bisita

sa kanilang pamamahay at okasyon (19) Binulan-bulan – ginagamit ito nilalagay sa hawak nang lalaki na gawa

(Basak) (20) Luèb – lalagyan ng bala ng pana (21) Kélo – Depensa sa kaaway at gamit kung kukuha ng kahoy at iba pa (22) Salungsong – Ginagamit sa paglinis ng mga halaman na pananim (23) Pelegkasèn – Ginagamit ito sa pag pana para malakas at sintonado (24) Sènulon – Ginagamit sa pagpili ng bigas para matapon ang mga balat (25) Sulok – Ang tawag sa tribo na nilalagyan ng mga palay, mais, kamote at iba

pa (26) Suladan – Nilalagyan ito ng mga mais na inaani sa kaingin

C.Kagamitan sa katawan

(1) Segkil – Nilalagay ito ng mga kababaihan sa kanilang paa para malaman na tribo

(2) Sugot – Nilalagay ito sa kamay ng kababaihan at kalalakihan (3) Tunggal – Nilalagay sa tainga ng babae at lalaki (4) Tising – Nilalagay sa darili ng mga kababaihan at kalalakihan (5) Basak – Nilalagay ito sa leeg ng mga lalaki at babae (6) Tubow – Palatandaan ng mga datu na nilagay sa noo (7) Plagkasin – Nilalagay sa kamay para sintunado ang pagpana sa kanyang

papanain (8) Lubing – Ginagamit ito sa pagtulog (9) Sinulog – Kasuotan ng mga kababaihan kapag mayrong okasyon (10) Sudong – Gamit ng mga kababaihan na nilalagay sa ulo para pang akit (Tulol)

sa mga kalalakihan (11) Kègal – Kasuotan ito ng tribo lalaki man o babae (12) Sèlowel – Kasuotan ito ng mga lalaki (13) Pakul – Pagtali ng buhok ng mga kababaihan (14) Ulés Sutéla – Panyo na inilagay ng mga datu sa kanilang mga ulo kulay pula (15) Ségege (Blokag Baboy) – Panglinis ng ngipin ng mga kababaihan at

kalalakihan (16) Panumfa – Pangkuha ng mga bigoti ng kalalakihan (17) Swat – Pang-ayos ng buhok (18) Kèbel – Ginagamit ito para hindi tablan ng bala (19) Hukow – Pangpakintab ng buhok (20) Tèdong – Pangtakip sa ulo pag mainit (21) Sapeyo – Pangtakip sa ulo para hindi mainitan (22) Tékés – Nilalagay sa paa bilang dekorasyon ng lalaki (23) Dèmelag – Sabon o likidong pampaligo ng tribo

Dulangan Manobo Customary Law Page 19

(24) Blogo – Sabon ng tribo (25) Byu-o – Likidong pampaligo (26) Tèbangaw – Sabon sa katawan (27) Kèlagbog – Prutas ng tribo na makukuha sa kagubatan (28) Lunot Kalah – Ginagawang bahag at damit (29) Lunot Lakèg – Kumot ng tribo (30) Tèkoyob – Pang takip ng ari ng babae (31) Daon Bangi – Pangtakip ng ari ng lalaki noong unang panahon

D. Mga laro ng Dulangan Manobo

(1) Sipa – Ito ay tanyag na laro dindaluhan ng ibat-ibang manlalaro na galing sa ibang lugar kung may mga selebrasyon o (Dakel Limud) na gaganapin

(2) Syatong – Isang laro yari sa kahoy na may dalawang panig na manlalaro kabataan at kababaihan

(3) Lansugan – Isang laro grupo ng kababaihan, kalalakihan sila’y naghahabulan (4) Lantayan – Isang laro grupo din ng kababaihan, kalalakihan sila’y

naghahabulan (5) Sambilan – Ito’y laro ng mga matatanda tuwing may namatayan at

nagpupustahan (6) Tèlak – Mga matatanda pana ang ginagamit sa paglalaro mayron saging

papanain (7) Sèliginay – Kung sino ang nasa ilalim siya ang talo at kinukuha ang (Lawil) (8) Panaw-Panaw – Kahoy sinasakyan ng mga kabataan at kalalakihan (9) Kèsèlidungay – Itoy laro ng kabataan sila ay nagtatagoan sa damuhan (10) Bèlig – Isang laro na yari istik ng maliliit na kahoy gamit ang daliri (11) Soduy – Itoy mahirap na laro ng kababaihan at kalalakihan ganapin sa

pangpang gamit ang ratan na uway Section 10. Mga hayop na makikita sa kagubatan

(1) Emal – Ito ay tawag nakikita sa kagubatan maliliit sa pusa ang laki nito (2) Ungéh – Ito ay daga paboritong ulam ng Dulangan Manobo (3) Ubal – Ito ay tawag sa unggoy masarap ulamin (4) Kôhkôh – Ang tawag sa kalaw at nagbigay orasan tuwing madaling araw (5) Tuliyow – Magandang ibon na makikita sa kagubatan (6) Kusaping – Babaing unggoy (7) Liwas – Lalaking unggoy (8) Ekok – Itoy ay kumakain ng manok (9) Bekesan – Ang tawag sa sawa at pwede rin ito ulamin

(10) Lékepis – Kumakain din ito ng manok at pwede rin ulamin (11) Uléd – Ang tawag sa ahas (12) Bèkong – Matatagpuan sa kagubatan (13) Manok tanâ – Ang manok na nakatira sa kagubatan at marami pang iba (14) Uwak – Ang ibon na makikita sa kagubatan na maitim ang kulay (15) Tugkiling – Ang ibon walang buhok sa ulo na makikita sa kagubatan at

marami pang iba.

Article VI. Rights and Responsibilities

Dulangan Manobo Customary Law Page 20

Section 1. Mga Karapatan ng bata

(1) Karapatan ng bata na mamuhay sa magandang asal at mabuting buhay. (2) Turuan ng magandang asal upang igalang niya ang kanyang mga magulang at

ibang tao. (3) Pa-aralin sila upang maabot nila ang magandang buhay sa darating na araw. (4) Ipagkaloob sa kanila ang sariling pasya sa pagpipili ng kanilang ikakasaya

ng loob at mabuting buhay. (5) Huwag silang pabayaan upang hindi sila mawala sa ating kultura at

pamamaraan ng pamumuhay. (6) Akayin natin sila sa salita ng Diyos, upang maging mabuti ang kanilang landas

sa buhay at hindi sila magawa ng masama. (7) Bigyan natin sila ng mabuting ikabubuhay sa huling araw. (8) Karapatan nila ipagtanggol ang lupaing ninuno na bigay ng Panginoon (9) Karapatan nila magpasya kung ano ang nararapat gawin (10) Karapatan nila lumaban kung inaapi ng ibang tao (11) Karapatan nila mamuhay dito sa mundo ng marangal (12) Karapatan nila irespito ang kanilang mga disisyon

Section 2. Mga Karapatan ng mga Matatanda (Lukés)

(1) Nirerespeto at sinusunod ng mga anak nila. (2) Turuan niya ng kabutihan ang kanyang mga anak. (3) Mag gabay ng mabuting buhay at susundin ng mga anak niya. (4) Magplano ng magandang kinabukasan ng kanyang pamilya. (5) Karapatan nila maging isang mamayan (6) Karapatan nila ipaglaban ang karapatan sa kanilang mga batas (7) Karapatan nila ipaglaban ang kanilang mga lupain (8) Karapatan nila magalit kung sila’y inaapi (9) Karapatan nila mamuhay ng mapayapa (10) Karapatan ipairal ang kanilang disisyon (11) Karapatan madagdag ng asawa kung kinakailangan (12) Karapatan natin na ipagtanggol ang kultura, at kaugaliang paniniwala (13) Karapatan natin na maglutas ng problema

Section 3. Mga Karapatan ng mga Babae (Bayi)

(1) Karapatan ng babae ang irespeto sapagkat siya ang dumaranas ng kahirapan kapag nanganganak.

(2) Karapatan ng babae na hindi sinasaktan, huwag lolokohin at huwag pahirapan.

(3) Karapatan ng babae na siya ay kaawaan at mahalin. (4) Huwag ipagkait at pakinggan ang kaniyang hinanaing (5) Siya ay taga-ingat yaman ng pamilya

Dulangan Manobo Customary Law Page 21

(6) Karapatan nilang magpaliwanag sa kanilang asawa (7) Ipagtanggol ang sarili para hindi apihin ng iba. (8) Ipaglaban ang kanilang lupaing sinasakahan para hindi maagaw ng iba (9) Karapatan nila respitohin ang bawat isa (10) Karapatan nila mamuhay ng mapayapa (11) Karapatan nila gumamit sa kasuotan ng tribo

Section 4. Mga Karapatan ng mga Lalaki (Mèamâ)

(1) Karapatan ng lalaki ang maging masipag upang mabuhay niya ang kanyang mga anak at asawa.

(2) Magbigay ng kautusang nararapat at mga kaugalian. (3) Siya ang pangulo ng pamilya at siya ang pangulo sa paraan ng hanap buhay. (4) Siya ang nagtatrabaho, nagdadala ng mabibigat, at siya ang bumubuhay at

naghahanap ng kasangkapan sa bahay. (5) Siya ang nirerespeto at sinusunod sa pamilya. (6) Siya ang magplano at susundin ng pamilya. (7) Karapatan nila maghanap ng magduhaya kung sang-ayon ang unang asawa (8) Karapatan nila maglaban sa masamang tao (9) Ipagtanggol ang kanilang lupain upang hindi maagaw ng ibang tao (10) Karapatan nilang ipaglaban sa tamang paraan sa taong may kasalanan

Section 5. Mga prinsipyo na sinusunod ng tribo

(a) Tungkol sa Kalikasan (1) Nagbibigay ganda sa damdamin, pinagmulan ng kabuhayan at

pinagkukunan ng pagkain. (2) Ipinagkaloob ng Diyos sa lahat ng tao. (3) Pangalagaan, bantayan, mahalin at igalang ng lahat ng tao ang kabundukan

lalong lalo na ang sagradong lugar( Êbe, Pahanén at Effi) (4) Kung walang lupa at gubat ay walang kabuhayan ang tribo. (5) Gubat at lupa ang pinanggalingan ng kabuhayan ng tribo.

(b) Tungkul sa Lupa

Ang lupa ay binigay ito ng Panginoon (Némulâ) sa Dulangan Manobo upang mataniman ng kanilang mga pamumuhay, para mayroong silang pinagkukunan ng pang araw na araw na pagkain. Inaalagaan ito sa pamamagitan ng pamahiin ng mga ninuno noong unang panahon.

(1) Iniwan ng mga ninuno noon para sa kabuhayan. (2) Para tirahan ng tribo. (3) Para taniman at pangalagaan ng lahat ng may buhay. (4) Ang lupa ay hindi maaring ipabili pagkat ito’y parang tatay at nanay mo na

pinagkukunan ng kabuhayan at ito’y malas kapag ito’y ipinagbili (5) Lupa ginawa ng Diyos para pagtrabahoan ng lahat ng tao.

Dulangan Manobo Customary Law Page 22

(6) Ang Lupa ay Lupaing Kabilin ng ating mga ninuno( Fègawà) at para sa sumunod na henerasyon

(7) Ipinagbawal ipagbili ang lupang kabilin ng mga ninuno (Mèkètèfù) (8) Ang lupa ay ginawa ng panginoon para sa kanunuan at sa mga sunod na

henirasyon. (9) Pinagkukunan ng halamang gamot ng maysakit at pasyalan ng tribong

Dulangan Manobo.

(c) Tungkol sa Pananim Sa pagtatanim ay may sinusunod na mga palatandaan na tinitingnan ng

tribo ang betuin isang basehan kung pwede na magtanim upang makaani ng marami sa pag-aani.

Pagsapit ng anihan ng palay ito ang kaugalian ng mga matatanda noon nagpapasalamat sila (Lémitus), magkatay sila ng mga manok, tatawagin nila lahat ang kanilang kamag-anak at sila ay magpipista sa masaganang ani.Tatawagin nila at idalangin ang may-ari ng lupa, may-ari ng mga kahoy, may-ari ng mga uway at may-ari ng tubig. Pasasalamatan nila ang Diyos sa lahat ng biyaya ipinagkaloob sa kanila.

Pagkatapos ng ani sa kanilang pananim, lilipat ng kaingin doon sa isang

lugar upang manumbalik ang dating anyo ng lupa.

(d) Gubat:(Kétalunan) (1) Kagubatan at lupain ng mga matatanda noon. (2) Ginawa nilang pagkukunan ng kabuhayan gaya ng, tubig tirahan ng mga isda. (3) Gubat-Tirahan ng mga hayop, pagkukunan ng pagkaing gubat at pagkukunan

ng kabuhayan. (4) Pagkukunan ng ginto. (5) Nagbibigay ng magandang ihip ng hangin at magandang tanawin. (6) Pinagkukunan ng halamang gamut kung mayroong may sakit. (7) Mga uri ng hayop sa lupa nagbibigay tulong at kabuhayan sa mga tao. (8) Huwag abusohin pagkat ito’y mahalaga sa lahat ng may buhay (9) Pinagkukunan ng halamang gamot ng maysakit at pasyalan ng tribong

Dulangan Manobo

Section 6. (Lèmukèn)

Ang (Lemukèn) ang pinakikinggan ng tribo, kung sila ay pupunta sa ibang lugar o kagubatan ito ang nagbibigay nagpapahiwatig sa sarili, nagpapahiwatig ito kung may masamang mangyari sa isang tao, kung saan sila papunta depende ito sa tunog. Nagpapahiwatig din ito sa masaganang ani.

Section 7. Mga Bituin (Bituén)

Dulangan Manobo Customary Law Page 23

Tinitingnan ng tribo ang posisyon ng bituin (Betuén Telo, Kufû- Kufû), dito nila nalalaman ang pag-uumpisa ng pagkaingin ayon sa nararapat, pagtatanim at dito makikita kung mayroong tag-araw at tag-ulan upang sa ganon ay malaman nila ang panahon ng tag-tanim sa kanilang sakahan. Sa buwan at bituin ang kanilang pagbibilangan ng mga araw at buwan hangang sa pag-ani ng mga pananim.

Section 8. Tungkol sa Pamumuno (Paniniwala at pagiging lider)

(1) Ang isang (Ulû Ulû/Pig-ulukan Datu), marunong humawak ng batas, marunong maghukom, gumawa ng batas, nirerespeto at sinusunod ng mga tao.

(2) Pwedi maging datu ang isang alipin at myembro kung marunong mamuno ng mga tao sa kumunidad ng tribo.

(3) Pinangangalagaan niya ang kanyang lupain upang may matirahan ang kanyang mga tauhan.

(4) Hindi nagsasalita ng marahas sa kasamahan niyang mga datu at mga tao o kumunidad.

(5) Siya’y mabuting tao, maunawain, matulungin at marunong magbigay ng mungkahi sa kanyang tauhan.

(6) Matuwid humawak ng batas at paghuhukom ayon sa nararapat. (7) Marunong magbigay ng batas na kinatatakutan at magugustuhan ng mga tao (8) Pinaniniwalaan at sinusunod ng mga tao ang kanyang mga salita. (9) Lahing datu, ang isang pangulo at datu ang pinag-aangkanan sa tribo. (10) Niririspito ang kanilang mga disisyon upang ipaglaban ang karapatan pantao

sa kumunidad (11) Ang Datu ay tagabantay ng mga tao sa kumunidad upang ipairal ang batas (12) Tagabantay ng lupain ninuno para hindi maagaw ng iba (13) Handa sila mamatay para sa kapakanan ng tribo (14) Tagapayo ng tribo upang makamit ang kapayapaan (15) Siya manguna sa pagresolba ng mga problema upang maayos ito. (16) Marunong magprotekta ng arian-arian ng kanyang nasasakupan (17) Magkaroon ng kaukolan husga ang sinumang maglabag sa kautusan (18) Pantay – pantay na pakikitungo sa batas ng tribo (19) Tagapangasiwa maghanap ng pangkabuyan ng kanyang nasasakupan (20) Ang (Pig Ulukan Datu o Ulû Ulû) ay pwedi siya alisin sa kanyang posisyon

kung hindi maganda ang pakikitungo sa kanyang mga tauhan (21) Pwede alisin ang pinuno kung hindi maganda ang pakikitungo niya sa

kanyang tauhan sa kumunidad ng tribo (22) Ang pinuno kahit nagkasala ang isang tao akayin parin ang kanyang

katauhan upang sa ganun hindi siya mawalan ng pag-asa manumbalik ang kanyang kaugalian

Section 9. Tungkol sa responsibilidad ng tauhan

(1) Inirispeto ang kinikilalang pinuno sa lugar (2) Karapatan magkaroon ng sariling disisyon ayon sa batas ng tribo (3) Karapatan ng tauhan mag-mungkahi ng kanyang saloobin (4) Magsunod sa tamang disisyon ng pinuno

Dulangan Manobo Customary Law Page 24

(5) Karapatan ng tauhan na alisin sa posisyon ang pinuno sa tamang prosiso kung may sapat na dahilan

Article VII. Structure of Governance and Composition

Art. VII. A. Glal – Tribal titles

Section 1. Glal (tribal title)

(1) Ulû-Ulû/Pig-ulukan Datu - Siya ang pinuno, niririspito, kinikilala ng boung tribo at mahusay mag-ayos ng mga ibat-ibang suliranin sa kumunidad ng Dulangan Manobo

(2) Ngipen Ulû – Kung wala ang Ulû-Ulû/Pig-ulukan Datu siya ang nanguna kung paano lutasin ang kaganapan o suliranin kasama ang datu sa kumunidad

(3) Datu – May taglay na kapangyarihan at kakayahan hanapan ng paraan ayusin ang mga problema,Niririspito at kinikilala din bilang abogado upang itaguyod ang batas na pinapatupad sa kumunidad sa pamamagitan ng palisiya ng tribo

(4) Lukès – Tagapayo sa boung kumunidad (5) Tegèpalut – Siya ang tagatala ng mga pinuno sa komunidad ng tribo kung may

problema sa pamamagitan talaisipan (6) Booy Labi – Ito ay isang babae na prinsisa at niririspito marunong din

maglutas suliranin sa kumunidad ng tribo (7) Ulù-Ulù Sèdoy Bata – Ang pinuno ng kabataan sa tribo (8) Tegèbeyahan – Tagatago ng kayamanan ng tribo (9) Tegètepeng – Siya ang nagbibilang ng ari-arian ng Ulû-Ulû/Pig-ulukan Datu o

Datu sa tribo (10) Agubalang/Alék – Protiksiyon ng lupaing ninuno o teritoryo upang

hadlangan ang masamang elemento (11) Sabandal – Utusan ng Pig-ulukan tagahatid ng mensahe ng mga datu at

myembro sa kumunidad (12) Bléyan – Manggagamot ng tribo na binigyan ng kapangyarihan na makiusap

sa Bathala o Panginoon sa pamamagitan ng panaginip Section 2. Installation of Leader (Pagpili ng mga Pinuno)

(1) Ang (Ulû Ulû/Pig-Ulukan Datu) ay galing mismo sa mga tao sa kumunidad dahil sa kanyang magandang payo, sa kabataan , kababaihan at maging sa ibang tao

(2) Ang datu ang siyang maging marunong mag ayos ng problema at ginagalang ng karamihan

(3) Ang pagpili ng isang datu o booy na pinuno sa lugar at teritoryo ay nakabasi sa kapasidad ng kakayahan sa paghukom ng suliranin sa kumunidad, walang botohan na mangyayari ito ay pagpili sa pamamagitan ng karamihan ng tauhan.

(4) Ang pagpili ng pinuno sa tribong Dulangan Manobo mula sa kanyang mga kaninunoan ay hanggang sa kanyang mga anak pwedi maging pinuno kung may kakayahan maglutas ng problema sa tribo.

Dulangan Manobo Customary Law Page 25

(5) Ang tauhan (Késalegan Datu) ay pwede maging datu o pinuno basi sa kanyang mga kakayahan at kapangyarihan sa pamamahala ng tribong Manobo.

(6) Ang (Ulû Ulû/Pig-Ulukan Datu, Datu, Booy) pwede alisin sa kanyang posisyon kung hindi maganda ang kanyang pakikitungo sa kanyang mga tauhan sa kumunidad, pag-usapan ito ng mga tauhan kung ano ang proseso para alisin sa pwesto.

Article VIII. Tribal Justice System Section 1. Ang Kitab o batas na sinusunod ng tribo na ipinairal sa kumunidad upang malutas ang mga problema sa pamamagitan ng mga (Datu’s o Ulû Ulû/Pig-ulukan Datu) na taga ayos ng mga problema. Ipatawag ang biktima at suspek, upang malaman kung ano ang punot dulo nito

(1) Antang – Ang pinamakataas na proseso kasama ang (Ulû-Ulû/Pig-ulukan Datu, Ngipin Ulû o mga Datu) ang manguna sa pag-ayos ng problema para hindi na lala ang pangyayari sa pamagitan ng bawat panig Dulangan Manobo.

(2) Ukit – Ang paraan ng (Ulû-Ulû/Pig-ulukan Datu, Ngipin Ulû o Datu) sa pag-ayos ng mga suliranin sa tribo

(3) Kukum – Ang Datu ang magresulba ng batas ng tribo. (4) Kukuman – Isang paraan na palisiya na ipinatupad ng mga pinuno ng tribo (5) Témulû – Tinuturuan ng mabuti ang mga tao kung paano mamuhay ng maayos

sa kanilang lugar. (6) Tégodon – Isinasalaysay ng mga tagahusay ang problema at maranasan ng

magkabilang panig (7) Ulédin – Mga batas ng datu ipinatupad sa kumunidad ng Dulangan Manobo (8) Séitisay Wayeg – Ang bawat panig ay mayroong sapat na panindigan at

ginagawa ang pagbuhos ng tubig sa (Ulés Sutélâ) o panyo, upang malaman kung sino ang may kasalanan sa dalawa, ang maghawak ang akusado at suspik kung maglabas ang tubig ibig sabihin ito ay totoo at patayin ang ay may kasalanan. Kung hindi lalabas ang tubig patayin din ang nagreklamo.

(9) Inèdof Fotow – Ang datu magtalaga ng tauhan upang painitin ang bakal, kung mainit na ang bakal tawagin ang suspik ipahawak sa kanya ang mainit na bakal, kung masunog ang kanyang palad ibig sabihin siya ay may kasalanan at siya papatayin, kung hindi masunog ang palad ng suspik patayin ang akusado.

Section 3. Pinalty sa Pagpatay

(1) Tanungin muna ng datu ang problema ng biktima o suspek para malaman ang puno’t dulo ng krimen. Dependi din ito sa taong namatay Datu o Ordinaryong tao.

(2) Tanungin ang mga magulang ng mga namatayan kung sila ay magpabayad. (3) Bangon - Kailangan mag-usap ang namatayan at ang nagpatay kasama ang Datu.

Kung malaman na ang magpatay magbayad 7 (Pitong Hayop) sa namatayan pagkatapos ng ayusan mag-inoman sila ng tubig upang maging katibayan sa pagbalik ng loob ng bawat panig.

Dulangan Manobo Customary Law Page 26

(4) Tuyot Dèpanog – Kailangan magbayad ng (1) Isang mahalagang bagay o (2) Dalawang Kabayo (Tamuk) upang manumbalik kaluluwa ng biktima.

Section 3. Rituals (Suguy-Suguy)

Ang rituwal (Suguy- Suguy) – Pinakamataas na antas na pakiusap sa panginoon na sinasagawa ito kung mayroong pagtitipon ang Dulangan Manobo), humihingi ng paumanhin sa (Balakatan),may ari ng Tubig, Kalikasan, Gubat, Yungib, Ilog at pantawag sa mga kaluluwa ng aming kanunuan. Kaming mga Manobo Dulangan ay naniniwala, ang kaluluwa ng aming mga ninuno ay palaging nandiyan at gumagabay sa tribo.

(1) Langà – Humihingi ang tao sa Panginoon ng tulong papunta sa gubat upang

makakuha sa pangangaso at pangingisda maging sa pagsasaka. (2) Datah – Kailangan mag-iwan ng parte sa kalikasan upang sa sunod na pangangaso

at pangingisda para makakakuha ulit (3) Dongow – Kung ang tao ay nawawala sa kagubatan sinasagawa ang (Dongow) sa

pamamagitan ng pagdipa ng kahoy ito ay isang sukatan/palatandaan kung siya ay patay o buhay.

(4) Batìya – Isang orasyon ng tribo upang malayo sa anumang kapahamakan

Section 4. Hustisya and Justice System

Ang Dulangan Manobo sa kanilang batas na pinapairal ito ay kaugalian na minana pa sa mga ninuno na nakakatanda noong unang panahon na ipinapatawag ang Ulû-Ulû/Pig-ulukan Datu ng mga datu Booy kung paano malulutas ang mga problema sa komunidad.

(e) Proseso

(1) Ang suspek sa pamamagitan ng paghukom ng mga datu. May bakal na nilalagay sa apoy at mainit ito ipinapahawak sa suspek, paghindi masunog ang kanyang kamay bilang ito’y nagsasabing hindi totoo ang ibiningtang sa kanya.

(2) Ang datu naman ang magsabi na wala siyang kasalanan. (3) Pag may suspek, buhusan ng tubig ang twalya, pag hindi lalabas ang tubig

ibig sabihin wala siyang ginagawang masama. Ang nagbintang naman ang magbigay ng isang kabayo bilang pinalidad sa binintangan dahil siya ay napahiya sa mga tao at nasira ang kanyang dignidad.

(4) Pagsasabatas at paghuhukom ng isang kasalanan upang hindi lalala ang problema.

(5) Pagdakip sa taong gumagawa ng kasalanan upang dalhin sa harap ng mga datung taga-hukom.

(6) Pagbayad ng kasalanan upang mapigil ang galit ng taong nasa katotohanan. (7) Paghuhukom at pagbabayad ng isang maliit o malaking kasalanan sa harapan

ng mga datu upang manumbalik sa mabuti ang nagawang masama.

Dulangan Manobo Customary Law Page 27

(8) Pagpuputol ng uway,sumpaan ng uway sa pagitan ng mga nagkasala at may katarungan, at gagawa ng kasunduan upang hindi na sila uli mag-aaway o gagawa pa ng masama

Article IX. Tribal Defense

Ang (Agubalang/Alék) pinakamataas na sundalo ng Dulangan Manobo pinapatawag ito ng (Ulû Ulû Pig-ulukan Datu) at mga (Datu) noon ang mga sundalo ng tribo o mga Alèk upang magkaroon ng tagabantay ng lugar para protiktahan ang kanilang lupaing ninuno. Ang taong malakas at matapang, ang ginagawa nilang pangulo ng kanilang mga sundalo o (Fasék). Kung may dumating na mga tao at gagawa ng masama sa loob ng kumunidad tribo, hindi gaanong marami ang makikipaglaban at magsasagawa ng Atake(Kèfèngayaw) Ipagtanggol nila kung guguluhin at sisirain ng ibang tao ang teritoryo ng tribo.

Sabandal - Ang utusan na tagahatid ng mensahe at impormasyon ng (Ulû Ulû Pig-ulukan Datu) at Datu sa tribo. Pinakikinggan at sinusunod nila ang pinuno ng tribo ang tungkulin nila, binabantayan nila ang taong gagawa ng masama at aagaw ng lugar ng mga Dulangan Manobo, hindi sila gagawa ng plano na hindi nalalaman ng mga pinuno at mga datu sa tribo.

Ito ang tawag sa mga sandata na hawak nila noon sa pagbabantay nila ng lugar ng mga Dulangan Manobo.

(1) Bunot – Ito ay pangdipinsa sa sarili at ginagamit din ito ng isang mangangaso (2) Dedose – Isang baril na gamit sa depinsa (3) Busog – ito ay panghuli ng mga unggoy, baboy damo at pangdepensa (4) Luéb – Nilalagyan ito ng bala ng pana (5) Plégkasin – Para sintonado ang pagpana (6) Sundang – Ginagamit ito kung may kaaway o pangdori (7) Bangkong – Ginagamit ito pangdori at pang dipinsa din sa sarili (8) Tabas – Dipinsa sa mga kalaban (9) Blatik – Panghuli ng baboy damo depensa sa kalaban (10) Bagtang – Pangdepensa at panghuli ng baboy damo at usa (11) Sugeyang – Pangdipinsa din ito sa mga kalaban nilalagay sa daan (12) Segfù – Pangdipinsa at panghuli ng hayop (13) Bakil – Nilalagay ito sa tabi ng bahay para dipinsa sa mga taong masama ang

kalooban, Ginagamit din ito panghuli ng baboy damo (14) Kèlawet – Gamit ito ng isang mangangaso panghuli ng mga hayop sa

kagubatan (15) Kèlo – Ginagamit ito pangkaingin at depensa (16) Salungsong – Ginagamit ito ng isang babae para maging malinis ang

kanyang pananim

Dulangan Manobo Customary Law Page 28

(17) Senufit – Ginagamit ito ng isang magsasaka at depensa (18) Ugfit – Matulis na itak ito ay depensa at sa pagmamà (19) Kèbel – Pangdipinsa ito sa sarili para hindi magtalab ang bala (20) Ulof – Ginagamit ito para mawalan ng malay ang kalaban (21) Batiya – Ginagamit ito pagmay karamdaman at ito ay depensa (22) Sénémbol – Matulis na yari sa bagakay (23) Dukâ Fehido-hido – Ginagamit ito para maawaan ka ng iyong kalaban (24) Butol/Anting- Angting – Pangdipinsa sa sarili (25) Sèlèb – Bala ng ginagamit ito pang dipinsa sa lupain ng tribo (26) Agsà – Ginagamit ito pangputol ng malalaking kahoy (27) Buwas – Gamit ito dipinsa sa mga masamang tao na gusto ka patayin (28) Lawét – Gamit sa kahit kunting sugat lang maari kanang mamatay (29) Kélasag – Gamit ito para hindi ka tamaan ng bala o anumang bagay (30) Félangit – Gamit sa pag-paaway ng kabayo upang mahina ang kalaban (31) Gèsa – Panghuli ng ibon at depensa (32) Dugfang – Bala ng pana (33) Légfok – Panghuli ng ibon (34) Békòkò – Yari sa kawayan na bala ng pana

Section 1. Strategy and tactics

Article X. General Provision

- Seat of governance: Legodon, Esperanza Sultan Kudarat - Flag (description/meaning)? - Seal/logo? - Anthem of the Dulangan Manobo

Article XI. Effectivity

Dulangan Manobo Customary Law Page 29

TRIBAL CONGRESS OF DULANGAN MANOBO

(DAKÈL LIMUD DULANGAN MANOBO) 700 Participants Attended: September 29 - October 2, 2011

Legodon, Salumping, Esperanza Sultan Kudarat

GENÉLAL ULÙ- ÙLÙ KAUNOTAN MYEMBLO

GENÉLAL/POSITION GENÉLAL NGADAN/NAME KENA UGPA/ADDRESS

Ulû-Ulû/Pig-ulukan Datu

Datu Meliton Blag Elem, Lebak Sultan Kudarat

Ngipen Ulû Datu Ruben Dalimbang Senator Ninoy Aquino Sultan Kudarat

Keduwa Ngipen Ulû Datu Dencio Kadingilan Legodon, Esperanza Sultan Kudarat

Tegeantang Datu Datu Enggol Kasila Legodon, Esperanza Sultan Kudarat

Tegesulat Datu Dindo Manampit Legodon, Esperanza Sultan Kudarat

Keduwa Tegesulat Datu Venancio Apang Dano, Keytodac Lebak Sultan Kudarat

Tegeipat Pilak Datu Jose Aba Tudi, Esperanza Sultan Kudarat

Keduwa Tegeipat Pilak Datu Egew Pidatan Kuden, Senator Ninoy Aquino Sultan Kudarat

Tegesugkow Datu Kesi Ciano Sangay, Kalamansig Sultan Kudarat

Meyemblo Datu Buagas Cubi Nati, Senator Ninoy Aquino Sultan Kudarat

Datu Edgar Kandi Agsam, Kalamansig Sultan Kudarat

Datu Ulin Capitan Puko, Lebak Sultan Kudarat

Datu Tumbada Beto Tinalon, Senator Ninoy Aquino Sultan Kudarat

Datu Segundo Angguling Agsam, Kalamansig Sultan Kudarat

Datu Insular Pipayan Dapulan, Esperanza Sultan Kudarat

Datu Manuel Galing Margues, Esperanza Sultan Kudarat

Dulangan Manobo Customary Law Page 30

Datu Peter Insam Agsam, Kalamansig Sultan Kudarat

Datu Joseph Sakudal Basag, Senator Ninoy Aquino Sultan Kudarat

Booy Bayi Booy Juanita Mamo Bugso, Senator Ninoy Aquino Sultan Kudarat

Sedoy Bata Ruben Sumanggap Midtungok, Senator Ninoy Aquino Sultan Kudarat

EXECUTIVE BODY/COMMITTEE/GENELAL KAUNOTAN

Ulû-Ulû Pig-ulukan Datu– Datu Meliton Blag Ngipen Ulû – Ruben Dalimbang

Keduwa Ngipen Ulû – Dencio K. Kadingilan Tegeantang – Datu Enggol Kasila

Tegesulat – Dindo Manampit Tegeipat Pilak – Datu Jose Aba

Tegeesa Pilak – Datu Buagas Cubi

TEGÉANTANG/JUSTICE OFFICER MEMBERS

Datu Enggol Kasila – Esperanza Datu Candido Apang – Lebak Sulutan Dod Nayam – Lebak Datu Peter Insam – Kalamansig Datu Talsan Iguy – Kalamansig Sulutan Rey Dakias - Kulaman Datu Tonto Mending – Kulaman Datu Candido Dakias – Kulaman Datu Angkay Omot - Kulaman Datu Abas Kasila – Esperanza Sulutan Nestor Bualao - Ampatuan Datu Santos Uloy – Ampatuan Datu Iner Ubing – Ampatuan Datu Malinoy Sipot – Palimbang Datu Bintoy Mokatil – Palimbang Sulutan Diamadin Balaw – Palimbang Datu Kawan Ampak – Kulaman Datu Eddie Gogo – Kalamansig Datu Mamalu Kolong – Palimbang Datu Palgi Kamansa – Palimbang Sulutan Juanito Pugoyan – Palimbang

CABINET MEMBERS/GENELAL KAUNOTAN OWOY MYEMRO

AD Officer (Genelal Eg-unong Tana Tupù) Chairman Committee/Kaunotan: Datu Enggol Kasila - Espearnza Members/Myemblo: Ngipin Ulû Datu Ruben Dalimbang- Kulaman Datu Venancio Apang – Lebak Datu Kesi Ciano – Kalamansig Datu Ener Obing – Ampatuan Datu Imong Kantala – Palimbang Datu Nalis Saliling - Bagumbayan

Econ Officers (Genelal Meungangen)

Chairman Committee: Datu Marcial Apang, Sr., Datu Abas Kasila, Booy Lubisa Capitan

Dulangan Manobo Customary Law Page 31

Datu Dadoy Capitan – Lebak Datu Sigundo Angguling – Kalamansig Datu Intas Malayat – Kalamansig Datu Joseph Kalaba – Kalamansig Sulutan Dod Banday – Kalamansig Datu Cerino Sakudal – Kalamansig Sulutan Sama Mlok Bineklao – Kalamansig Datu Palil Bayang – Kalamansig

Cultural Officers ( Gènèlal Ègsaba Kèadatan) – Datu Dadoy Capitan, Booy Juanita Mamo & Meme Mael

Health Department (Gènélal Tégèbulong) – Booy Bebelyn Mat & Datu Kise Ciano

Alliance Officers (Genelal Mengaa Kepiunon) – Datu Florencio Apang, Datu Ulin Capitan, Datu Edgar Kandi, Jun Ogib, Datu Marcial Apang, Jr., Datu Venancio Apang, Booy Tita, Datu Eddie Gugo Amorganda, Datu Dindo Manampit, Keduwa Ngipin Ulû Datu Dencio K. Kadingilan

Tribal Organizer (Genelal Tegetulu Keadatan) – Ngipen Ulû Datu Ruben Dalimbang, Datu Fidel Kasila, Datu Peter Insam, Nowie Blag, Booy Marta Kasila

CSO/IPO Officers (Umpungan Dulangan Manobo) – Datu Venancio Apang, Datu Kise Ciano, Linda Sumanggap, Booy Bebelyn Mat

Genelal Booy – Juanita Mamo, Lina Kadingilan, Tita Amorganda, Gingging Sambel, Anita Kasila, Nora Manguda, Lubisa Kapitan, Memya Obing, Carmen Motsoy, Marta Kasila, Bebelyn Mat, Compasan Funisio, Lita Ompong Youth (Sedoy Bata) – Ruben Sumanggap, Nowie Blag, Maricel Manguda, Linda Sumanggap, Jun Ogib, Meme Mael, Romy Binansil, Mayeth Blag, Leo Kasila, Kasipe Dalimbang, Joventino Kadingilan, Samuel Dalugon

Dulangan Manobo Customary Law Page 32

Tribal Defense Officer/Genelal Agubalang – Datu Joel Kasila Agriculture Officers DENR Officers (Egsaba Ketalunan) DEP ED Officers (Tegetulu) Fisheries Officers (Tegepegeso)

Peace Committee (Genelal Egsaba Kepiunon): Team Leader – Datu Joel Apang, Datu Mario Kadingilan, Eddie Gugo Youth – Maricel Manguda Booy – Lina Kadingilan 2 conflict experts: Ngipin Ulû Ruben Dalimbang, Datu Joseph Sakudal Point persons: Lebak: Datu Joel Apang Esperanza: Datu Jose Aba Kalamansig: Datu Edgar Kandi Senator Ninoy Aquino: Ngipin Ulû Datu Ruben Dalimbang Palimbang: Datu Imong Kantala Bagumbayan: Meme Mael

CLUSTER AREA POINT PERSONS/ (Uman Dakil Menuwa Duen Kesaligan)

Esperanza – Datu Enggol Kasila Bagumbayan – Datu Nalis Saliling

Senator Ninoy Aquino – Ngipin Ulû Datu Ruben Dalimbang Lebak – Ulû Ulû/Pig-ulukan Datu Meliton Blag

Kalamansig – Datu Peter Insam Palimbang – Datu Malinoy Sipot

Ampatuan – Datu Mario Kadingilan

VILLAGE/ Dakil Menuwa

Isulan Sultan Kudarat Brgy. Laguilayan

Dulangan Manobo Customary Law Page 33

Esperanza Sultan Kudarat Brgy. Salumping, Legodon, Pamantingan, Margues, Numo. Ilian

Lebak Sultan Kudarat

Bgry. Keytodac, Salangsang, Bululawan, New Calinog, Vellamonte, Basak, Nuling, Bolebak, Poloy2x, Datu Quiabar, Kapilan, Pansod, Pasandalan, Lagangdang, Christian Nuevo.

Kalamansig Sultan Kudarat

Brgy. Sta. Clara, Sta. Maria, Limulan, Hinalaan, Datu Wasay, Sabanal, Datu Ito Andong, Nalilidan, Paril, Sangay, Obial, Cadiz, Poblacion Kalamansig.

Senator Ninoy Aquino Sultan Kudarat

Brgy. Kuden, Tinalon, Nati, Kiadsam, Migtungok, Poblacion Kulaman, Malegdeg, Buena Flores, Bugso, Cadi, Gapok, Sewod, Basag Lambak, Langgal, Benali, Lagubang, Buklod.

Palimbang Sultan Kudarat

Brgy. Kalibuhan, Baluan, Mulon, Datu Sipot, San Roque, Poblacion Palimbang, Kebuhol, Malisebeng Demolol, Sinangkangan, Banbanen Begiyangen, Kipunget, Kabokbokan, Kulong2x, Kidayan, Namat,

Magid.

Bagumbayan Sultan Kudarat Brgy. Masiag, Titolok, Sumilil, Chua, Sarapinang, Kabulanan.

Lake Sebu South Cotabato

Brgy. Ned

Maitum Sarangani Brgy. Upo, Kalaong, Watamama Ticulab, Kiayap Sayon, La Union, Bong Kling.

Ampatuan Maguindanao

Brgy. Tubak, Saniag and Tomicor

South Upi Temanan Brgy. San Jose, Kuya, Pilar.

Shariff Aguak Maguindanao

Brgy. Saging, Makalag,