30
ABRIL-HUNYO 2013 BASAHIN AT TALAKAYIN TOMO 35 BILANG 2 ABRIL-HUNYO 2013 E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa Masang Magbubukid at Sambayanan M ahaba na ang kasaysayan ng masidhing paghahangad at paglaban ng masang magbubukid para sa sariling lupang mabubungkal. Sa kabila ng katotohanang sila ang bumubuo ng 70 porsyento ng populasyon at nag-aambag ng pinakamalaking kita sa bansa, hindi pa rin natutugunan ang pundamental na problema ng mamamayang Pilipino ng kawalan o kakapusan sa sariling lupang sinasaka. Bigo ang reaksyunaryong gubyerno na bigyan ng disente at makataong pamumuhay ang mga mamamayang nagbubungkal at nagpapayaman ng lupa. Sa rehiyon ng Timog Katagalugan, kinokontrol ng 835 panginoong maylupa (PML) at kumprador ang 496,469 ektarya ng produkbong lupaing agrikultural. Sila rin ang may kontrol sa mga estratehikong industriya sa agrikultura, kalakalan at pamilihan ng mga produktong agrikultural maging ng mga kinakailangang farm inputs, at nagsisilbing mga usurero na pangunahing nagpapautang sa mga magsasaka sa napakataas na interes. Dulot ng monopolyo sa lupa, tuluy- tuloy na nasasadlak sa paghihikahos ang masang magbubukid na lalo pang pinandi ng nararanasang pagsasamantalang pyudal at malapyudal tulad ng pag-iral ng di makatarungang haang 70/30, 60/40 at 50/50 pabor sa mga PML, mataas na gastos sa produksyon, mababang kita, mababang sahod para sa mga manggagawang bukid at mataas na interes sa pautang. Laganap din ang malawakang pagpapalit-gamit ng lupa mula agrikultural tungong residensyal, industriyal at komersyal o eko-turismo na nagsisilbi hindi sa pangangailangan ng mamamayan kundi para lamang sa interes ng mga asyendero’t negosyanteng kumprador. Sa gitna ng kalunus-lunos na kalagayang ito, nagpapatupad ang reaksyunaryong gubyerno ng Pilipinas (GPH) ng mga batas sa repormang agraryo na walang mabung idinulot kundi labis-labis na paghihikahos ng masang magbubukid. Ipinatupad ng rehimen ni Corazon Aquino noong 1988 ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na may layunin diumanong bigyan ang mga magbubukid Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan

E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

ABRIL-HUNYO 2013

BASAHIN AT TALAKAYINTOMO 35 BILANG 2 ABRIL-HUNYO 2013

E D I T O R Y A L

Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa Masang Magbubukid at Sambayanan

Mahaba na ang kasaysayan ng masidhing paghahangad at paglaban ng masang

magbubukid para sa sariling lupang mabubungkal. Sa kabila ng katotohanang sila ang bumubuo ng 70 porsyento ng populasyon at nag-aambag ng pinakamalaking kita sa bansa, hindi pa rin natutugunan ang pundamental na problema ng mamamayang Pilipino ng kawalan o kakapusan sa sariling lupang sinasaka. Bigo ang reaksyunaryong gubyerno na bigyan ng disente at makataong pamumuhay ang mga mamamayang nagbubungkal at nagpapayaman ng lupa.

Sa rehiyon ng Timog Katagalugan,

kinokontrol ng 835 panginoong maylupa (PML) at kumprador ang 496,469 ektarya ng produktibong lupaing agrikultural. Sila rin ang may kontrol sa mga estratehikong industriya sa agrikultura, kalakalan at pamilihan ng mga produktong agrikultural maging ng mga kinakailangang farm inputs, at nagsisilbing mga

usurero na pangunahing nagpapautang sa mga magsasaka sa napakataas na interes.

Dulot ng monopolyo sa lupa, tuluy-tuloy na nasasadlak sa paghihikahos ang

masang magbubukid na lalo pang pinatitindi ng nararanasang pagsasamantalang pyudal at

malapyudal tulad ng pag-iral ng di makatarungang hatiang 70/30, 60/40 at 50/50 pabor sa mga

PML, mataas na gastos sa produksyon, mababang kita, mababang sahod para sa mga manggagawang bukid at mataas na interes sa pautang. Laganap din ang malawakang pagpapalit-gamit ng lupa mula agrikultural tungong residensyal, industriyal at komersyal o eko-turismo na nagsisilbi hindi sa pangangailangan ng mamamayan kundi para lamang sa interes ng mga asyendero’t negosyanteng kumprador.

Sa gitna ng kalunus-lunos na kalagayang ito, nagpapatupad ang reaksyunaryong gubyerno ng Pilipinas (GPH) ng mga batas sa repormang agraryo na walang mabuting idinulot kundi labis-labis na paghihikahos ng masang magbubukid. Ipinatupad ng rehimen ni Corazon Aquino noong 1988 ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na may layunin diumanong bigyan ang mga magbubukid

Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan

Page 2: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

ABRIL-HUNYO 20132 KALATAS

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Pamatnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:

[email protected]

Abril-Hunyo 2013Tomo 35 Bilang 2

NILALAMAN 1 Editoryal

6 Makatarungan na bawiin ang Coco Levy

9 Ang nagpapatuloy na laban ng mamamayan ng TK para sa kabuhayan, panirahan at likas na yaman

19 Libu-libong manggagawa, nakiisa sa Araw ng Paggawa

24 C-6 Extension, pinsala sa mamamayan

20 Panrehiyong kumperensya sa gawaing propaganda at kultura, inilunsad

Katarungan para kina Marcellana at Gumanoy, iginiit ng KARAPATAN-TK

ng lupang masasaka. Wala itong ipinagkaiba sa Presidential Decree 27 o PD 27 ng diktadurang Marcos at naunang mga huwad na reporma sa lupa mula pa sa Komonwelt na gubyerno ni Quezon hanggang sa republikang mga rehimen sapul pa kay Roxas. Ngunit sa kabila ng mahabang panahon ng pag-iral ng CARP nananatiling walang sariling lupa ang mayorya ng magbubukid sa bansa. Ginawa lamang kasangkapan ang mga batas na ito para panatilihin sa kamay ng mga PML at malaking burgesya-kumprador (MBK) ang monopolyo sa lupa.

Mas masahol pa, sa kabila ng 20-taong pagiging huwad at inutil ng CARP, pinalawig at ginawa itong CARP Extension with Reforms (CARPER) noong 2009. Sa halip na magsilbi sa interes ng masang magbubukid, binigyan nito ang mga PML ng mas maraming ligal na proteksyon at pinalawak ang eksempsyon ng malalawak na lupain upang higit pang paliitin ang lupang sasaklawin ng CARPER. Nakasaad din dito ang malawakang reklasipikasyon ng lupang sakahan patungo sa ibang gamit para lamang matakasan ng mga PML ang pamamahagi ng lupa. Ito ang karima-rimarim na larawan ng kawalan ng tunay na demokrasya para sa uring magsasaka na bumubuo ng mayorya ng populasyon sa bansa. Isa ang Hacienda Luisita, pag-aari ng mismong pamilya ng noo’y pangulong si Corazon Aquino at ng kasalukuyang pangulo na si Benigno Simeon Aquino III, na nalusutang hindi maipamahagi ang mga lupain sa mga manggagawang bukid sa pamamagitan ng maniubrang stock-distribution option (SDO) ng CARP.

Sa rehiyon, umaabot sa 394,884 ektaryang lupaing sumasaklaw sa 76 na bayan at 168 na barangay ang nasasangkot sa iba’t ibang kaso ng pangangamkam ng lupa ng 67 PML at 49 na korporasyon sa real estate, tulad ng Ayala Land at SM Development Corporation. Kinansela ang mga Certificate of Land

22 “Hunyo 12: Huwad na Kalayaan!” sigaw ng mamamayan ng Cavite

Mga mangingisdang biktima ng demolisyon sa Calatagan, sinampahan ng gawa-gawang kaso

25 Laiban Dam, salot sa mga katutubo at mamamayan

12 Bigong linlangin ng sabwatan ng Rehimeng Aquino, AFP/PNP, Akbayan at Alcala ang mamamayan ng SQBP

14 Eleksyon 2013, nagsilbi sa interes ng mga dinastiyang angkan

26 Pearl Farm ni Danding Cojuangco, ni-reyd ng BVC-BHB

74th IB, binigwasan ng AMC-BHB sa isang engkwentro sa Catanauan, Quezon 27 3 sundalo ng 76th IB sugatan sa TO ng BHB sa San Jose, Occidental Mindoro

10 armas mula sa armadong goons, kinumpiska ng AMC-BHB sa Quezon 28 Kultura

Page 3: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

ABRIL-HUNYO 2013 3 KALATAS

Ownership Award (CLOA) ng 1,301 magbubukid sa Hacienda Looc sa Nasugbu, Batangas na sumasaklaw ng 3,981 ektarya ng mga sakahan para bigyang-daan ang mga planong konstruksyon ng Manila Southcoast Development Corporation (MSDC) na pag-aari ng malaking burges-kumprador na si Henry Sy. Samantala, sa Laiya, San Juan, Batangas, kinansela ang mga CLOA na sumasaklaw sa 400 ektarya matapos itong ideklara na Tourism Development Area. Sa South Quezon-Bondoc Peninsula (SQBP), namahagi

ang reaksyunaryong gubyerno at ang espesyal na ahente nitong Akbayan ng CLOA sa mga magsasaka na sumasaklaw sa 489 ektaryang lupa sa mga bayan ng San Andres, Buenavista at San Narciso noong Pebrero 2013. Ipinamahagi ang CLOA para isalba ang bangkaroteng CARPER.

Sa loob ng 30 taon, kailangang bayaran ng mga magbubukid ang lupa sa reaksyunaryong gubyerno kahit walang katiyakang mapapasakamay nila ito.

Walang anumang interes ang reaksyunaryong gubyerno na ipatupad ang tunay na repormang agraryo o makabayang industriyalisasyon sa bansa. Tuluyan nang namamatay ang sektor ng agrikultura maging ang lokal na industriya sa ilalim ng General Agreement on Tarrifs and Trade-World Trade Organization

(GATT-WTO) na idinidikta ng imperyalistang US kung saan nakatuon sa pagluluwas o eksport ang kalakhan ng nililikhang produktong agrikultural habang nakaasa naman sa importasyon ang lokal na pamilihan. Patuloy na pinagsasamantalahan ng mga imperyalistang bansa ang

Pilipinas sa pamamagitan ng mga di pantay na kasunduan sa ilalim ng GATT-WTO, binabansot ang lokal na produksyong agrikultural habang binabaha naman ng surplus na produkto mula sa mga imperyalistang bansa ang lokal na pamilihan.

Interes ng mga nakaluklok sa kapangyarihan – ng uring PML at MBK at pangunahin sa bunsod ng imperyalismong US na panatilihing atrasado ang agrikultura at industriya sa bansa. Sa pamamagitan nito, napananatili ng mga naghaharing-uri at imperyalista ang kontrol, pambubusabos, at pandarambong sa likas na yaman ng Pilipinas.

Habang nananatili ang kapangyarihan ng mga uring asyendero’t negosyanteng ku m p ra d o r, h i n d i n g - h i n d i malulunasan ang dantaong suliranin sa kawalan ng lupa at kahirapan. Namumulat ang masang magsasaka na nasa kanila mismong mga kamay ang kalutasan para lipusin ang kahilingan nila para sa lupa. At hindi ito ganap na malulubos kung hindi wawasakin sa isang rebolusyonaryong paraan ang gulugod ng kapangyarihan sa lipunan ng uring PML at MBK—ang pagwawakas ng monopolyong kontrol sa lupa at kontrol sa kabuuang ekonomya ng bansa ng mga uring ito na siyang haligi ng pyudal at malapyudal na pagsasamantala at pang-aapi sa lipunang Pilipino.

Sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), inilulunsad ng Bagong Hukbong

Page 4: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

Bayan (BHB) ang armadong pakikibaka at rebolusyong agraryo bilang di maihihiwalay na mga sangkap ng kasalukuyang demokratikong rebolusyon ng bayan. Ang armadong pakikibakang inilulunsad ng BHB ay pangunahing isang digmang magsasaka na nagtatamasa ng malawak at di masasaid na pagtangkilik mula sa uring nagbubungkal sa kanayunan at iba pang demokratikong pwersa sa kalunsuran.

Sa mga sona at larangang gerilya ng BHB inilulunsad ang rebolusyong agraryo mula sa minimum na programa ng pagpapataas ng sahod ng mga manggagawang bukid, pagpapababa ng upa-sa-lupa, hakbang-hakbang na pagpawi ng usura at pagpapaunlad ng kooperasyon at produksyon hanggang sa maksimum na programa ng kumpiskasyon at libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasakang kulang o walang lupa. Kaisa ng BHB ang Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM), na nag-oorganisa at nagpapakilos sa masang magsasaka, sa pagsusulong ng rebolusyong agraryo na pangunahing tutugon sa kanilang kahilingan para sa lupa.

Sa rehiyon ng Timog Katagalugan at sa buong bansa, tinatamasa ng milyun-milyong mamamayan ang mga benepisyong dulot ng rebolusyong agraryo. Libu-libong ektarya ang napalaya mula sa kontrol ng mga PML at MBK. Inukupa at kolektibong pinagyaman ng mga magsasaka ang mga lupaing agrikultural na inabandona ng mga PML. Bunga ito ng patuloy na paglakas ng hukbong bayan at armadong pakikibaka sa kanayunan. Pinauunlad nila ang mga kooperatiba sa mga kolektibong sakahan upang pisikal na ipagtanggol ang mga lupaing inaagaw ng mga panginoong maylupa at korporasyon sa real estate. Sa kabila ng lupit at teror ng Oplan Bayanihan at mga inasukalang bala at mapanlinlang na programa tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at pamamahagi ng CLOA upang pahupain ang nagpupuyos na galit ng masang magbubukid, patuloy na isinusulong ang rebolusyong agraryo upang magtamasa ng lakas ang

masang magsasaka hindi lamang sa ekonomya kundi maging sa pulitika.

Maningning ang karanasan ng mga magbubukid mula sa mga bulubundukin ng Quezon, Batangas, Mindoro, Laguna, Palawan at Rizal hanggang sa kapatagan ng Cavite kahit pa halos mapagitnaan na ng mga sentrong komersyal ang mga lupang-

sakahan. Tampok dito ang 2,800 ektaryang pagmamay-ari ng pamilyang Ayala-Lopez sa

Bgy. Macabud, Montalban, Rizal na ngayo’y kolektibong sinasaka ng mga magsasaka sa kabila ng

tangkang land-use conversion o pagpapalit-gamit ng lupa tungo sa golf courses at pabahay. Daan-daang magsasaka naman sa 1,700 ektaryang Hacienda Looc sa Nasugbu, Batangas, ang

nakapananatili sa kanilang lupain sa kabila ng pagkansela ng kanilang mga CLOA at paninibasib ng mga

kompanyang nais gamitin ang lupa para sa turismo. Ganundin sa Mamburao, Mindoro Occidental,

hindi na nagbubuwis ang mga magsasaka ng aabot sa 12 kaban ng palay

kada ektarya at 60 porsyento ng kanilang ani sa PML na si Rodrigo Quintos, may-ari ng 600

ektaryang Golden Country Farm, Inc (GCFI). Ang ultimong layunin ng rebolusyonaryong

programa sa reporma sa lupa ay kumpiskahin at isabansa ang mga lupang pag-aari ng mga

panginoong maylupa, burgesya-kumprador at mga imperyalista upang hawanin ang daan para sa libreng pamamahagi ng lupa para sa mga nagbubungkal ng lupa. Subalit upang tapusin ang pagkaatrasado at paghihikahos ng mamamayang Pilipino hindi magtatapos ang programa sa ekonomya ng Demokratikong Gubyernong Bayan sa libreng pamamahagi ng lupa sa masang magsasaka.

Kailangang sabay na itatag at palakasin ang pundasyon ng magkatambal na haligi ng programa sa ekonomya ng rebolusyon: ang pambansang industriyalisasyon at modernisasyon ng agrikultura matapos makumpleto ang maksimum na layunin ng reporma sa lupa. Kailangang isulong ang

ABRIL-HUNYO 20134 KALATAS

Page 5: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

mekanisasyon ng agrikultura at modernisasyon ng mga imprastruktura sa pagsasaka bilang paunang hakbang para sa sosyalistang transpormasyon ng produksyon sa agrikultura at ng buong lipunan.

Pauunlarin ang agrikultura upang maging pundasyon ng ekonomya, ang mabigat na industriya bilang nangungunang salik at ang magaan at katamtamang industriya bilang tulay sa pagitan ng dalawa. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng prinsipyong ito, malilikha ang isang ekonomya na umaasa’t nakasasapat-sa-sarili, malaya sa dayuhang kontrol at tunay na tutugon sa pangangailangan at interes ng mamamayan.

Titiyakin ang sapat na suplay ng pagkain at mga pangangailangang pangkonsumo ng mamamayan. Itatayo’t palalakasin ang mga batayang industriya tulad ng industriya ng langis, enerhiya at ng asero’t pagpoproseso ng mga kagamitan sa produksyon mula sa pagmimina. Ang bansa mismo ang maghuhukay, magpoproseso at gagamit ng mayamang rekurso nito para sa pagtatatag ng iba pang industriya at paglikha ng yaman ng lipunan.

Lilikhain ng sektor ng manupaktura at industriya ang papalawak na empleyo at lulutasin ang kakulangan ng trabaho. Ito ang hihigop sa milyun-milyong mamamayang walang trabaho. Titiyakin ang kapakanan ng mga manggagawa at palalakasin ang kanilang kontrol sa pagpapatakbo at pagpaplano ng produksyon. Tatapusin ang ugat ng kapitalistang pagsasamantala at itatatag ang kapangyarihan ng paggawa laban sa kapital. Hakbang-hakbang na lulutasin at paliliitin ang malaking agwat ng kanayunan at kalunsuran sa pamamagitan ng planado, sustenido at balanseng pag-unlad ng agrikultura at industriya para sa pakinabang ng buong mamamayan.

Ang repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon ang dalawang matibay na haligi para umunlad ang lipunang Pilipino. Palalayain mula sa kontrol ng uring mapagsamantala ang higanteng pondo ng lipunan at momobilisahin para sa pagpapaunlad

ng mga batayang serbisyong panlipunan na aabot sa malawak na bilang ng mamamayan maging sa kasuluk-sulukan ng kanayunan tulad ng malinis at sapat na tubig, libreng edukasyon at serbisyong medikal, disenteng pabahay, episyenteng serbisyo ng kuryente, sapat na suplay ng pagkain at iba pang materyal na pangangailangan para mabuhay. Pauunlarin ang sistema ng transportasyon at komunikasyon. Itatayo ang mga daan, tulay, daungan at sistema ng riles ng tren para sa mabilis at epektibong transportasyon ng mga materyal na pangangailangan ng lipunan patungo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Isusulong ang rebolusyon sa kultura sa buong lipunan upang labanan ang reaksyunaryo at dekadenteng kultura ng mga naghaharing uri, ibubunsod ang

p a g p a p a n i b a g o n g -hubog ng popular na kamalayan, pananaw at kustumbre upang likhain ang henerasyon ng mga rebolusyonaryong magtatanggol sa mga tagumpay ng rebolusyon. Tungo rito, pagyayamanin a n g s i y e n t i p i k o , pambansa at makamasang kultura at itataguyod ang pangingibabaw ng rebolusyonaryong diwa

na magpapalaya sa kaisipan ng mamamayan mula sa gapos ng kamangmangan at pagkaatrasado.

Tungo sa paglikha ng higanteng mga pagsulong na ito sa lipunang Pilipino, ang mga nakatayong larangang gerilya at lilitaw na mga pinalayang purok at baseng bukid sa malawak na kanayunan ang magiging muog na kadluan para sa katuparan ng mga rebolusyonaryong pagbabago sa lipunan. Araw-araw, nililikha ng mga rebolusyonaryo ang mga kundisyon para palayain ang bayan sa pyudal at malapyudal na pagsasamantala at pang-aalipin. Nasa bag-as ng bawat pagsulong na ito ang wastong pamumuno ng PKP, ang absolutong pagpapailalim sa pamumunong ito ng BHB, at ang mahigpit na pagtangkilik at suporta ng mga rebolusyonaryong mamamayan sa kanayunan at kalunsuran sa demokratikong rebolusyon ng bayan at armadong pakikibaka.

“Araw-araw, nililikha ng mga rebolusyonaryo

ang mga kundisyon para palayain ang bayan sa

pyudal at malapyudal na pagsasamantala at

pang-aalipin.”

ABRIL-HUNYO 2013 5 KALATAS

Page 6: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

Makatarungan na Bawiin ang Coco Levy

Sa kasaysayan ng daigdig, wala ni katiting na pagbuti sa katayuan sa lipunan ng masang inaapi’t pinagsasamantalahan ang di nakamit sa pamamagitan ng isang buhay-at-kamatayang pakikibaka. Tanging

sa paglaban lamang magkakamit ng mga tagumpay ang masang magbubukid. Tanging sa rebolusyon lamang maitatanghal ng masang inaapi ang kanilang tinig at kapangyarihan sa pulitika dahil kailanman, hindi kusang ibibigay ng mga naghaharing-uri ang mga bagay na nararapat lamang na mapasakamay ng mamamayan.

Pag-aari ng mga magniniyog ang Coco Levy Fund (CLF) na tusong hinuthot sa kanila ng uring panginoong maylupa at ng malalaking negosyong lokal at dayuhan. Coco Levy Fund ang tawag sa natipong pondo na kolektibong nilikha ng mga magbubukid na kinikil mula sa industriya ng niyog. Ipinataw ng diktadurang Marcos ang iba’t ibang tipo ng pagbubuwis sa mga magniniyog upang diumano’y makapag-ipon ng pondo para itaas ang pamumuhay ng mga magniniyog at paunlarin ang industriya ng niyog sa bansa. Ngunit hanggang sa kasalukuyan, walang nangyaring pag-unlad sa indutriya ng niyog sa Pilipinas mula nang ipataw ang mga buwis sa industriya ng niyog noong 1971 hanggang 1983. Sa halip na mga magniniyog ang makinabang sa pondong coco levy, ang malalaking kroni ng diktadurang Marcos tulad nina Danding Cojuangco, Juan Ponce Enrile at Maria Clara Lobregat ang nagpakasasa sa pondong ito.

Umabot sa naitalang P9.695 bilyon ang kabuuang pondong piniga sa pawis ng mga magniniyog. Taong 1971 itinatag ng reaksyunaryong gubyerno ang tatlong mayor na kolektor at tagapangasiwa ng coco levy at iba pang produkto mula sa niyog: ang Philippine Coconut Authority (PCA), United Coconut Planters Bank (UCPB) at Coconut Federation (CocoFed). Naglabas ng iba’t ibang presidential decree ang diktadurang Marcos upang tustusan ang luho ng kanyang pamilya at magkamal ng mas malaking halaga. Nilikha ng rehimen ang iba’t ibang tipo ng pagbubuwis, ang Coconut Investment Fund,

Coconut Industry Investment Fund, Coconut Industry Stabilization Fund, Coconut Industry Development Fund at Coconut Consumer Stabilization Fund.

Dahil sa mga bayaring ito, lumobo ang binabayarang buwis ng mga magniniyog, mula 15 sentimos tungong P100.00 kada 100 kilo ng kopra noong 1972 hanggang 1978. Nilalagak ang nakokolektang buwis sa UCPB,

dating First United Bank, na pagmamay-ari ng mga Cojuangco kaya’t madali para kay

Danding Cojuangco na dambungin ang CLF at ipambili ng higit sa

kalahati ng kabuuang sapi ng San Miguel Corporation (SMC).

Kung saan-saan din nilustay ng reaksyunaryong gubyerno ang buwis na pinaghirapang bayaran ng mga magniniyog. Kinasangkapan ang CocoFed para bumuo ng mga pekeng

kooperatibang makikinabang sa pondo mula sa levy. Itinayo ang

insurance company na CocoLife, na kunwaring nagpoprotekta sa pamilya ng mga magniniyog ngunit kaunti lamang ang nakinabang sa kompensasyon at iskolarsyip na ipinangako nito.

Nawala na ang diktadurang Marcos ngunit ipinagkait pa rin ng mga sumunod na rehimen kabilang ang kasalukuyang rehimeng US-Aquino II ang CLF sa mga magniniyog. Masahol pa rito, garapalan ang pagnanakaw ng mga upisyal sa gubyerno sa pondong ito. Ginagamit din ito ng mga oportunistang grupo kagaya ng Akbayan para isulong ang makitid na mga interes. Mula sa pondo ng CLF ang ginamit ng Akbayan at ni Riza Hontiveros sa kampanya ng kani-kanilang kandidatura sa partylist at senado sa katatapos na reaksyunaryong eleksyon.

ABRIL-HUNYO 20136 KALATAS

PANGUNAHING LATHALAIN

Page 7: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

Upang mabawi ang pondong coco levy, hindi huminto ang masang magbubukid sa pakikibaka. Matagumpay na napwersa ng kilusang magbubukid ang reaksyunaryong Korte Suprema noong 2009 upang ideklarang pagmamay-ari ng mga magniniyog ang CLF na matagal nang nakalagak sa National Treasury. Ang desisyon ng reaksyunaryong korte noong 2009 ang nagpatunay na ninakaw ni Danding Cojuangco, tiyuhin ni Benigno Simeon Aquino III, ang levy para bilhin ang mayorya ng sapi ng SMC. Iniutos din ng reaksyunaryong korte na ibalik ni Cojuangco ang katumbas na halaga ng 24 porsyento na sapi sa SMC sa milyun-milyong m a g n i n i y o g na siyang

pinagmulan ng kanyang kapital sa pagbili ng kumpanya.

Ngunit sa kabila ng desisyong ito nanganganib pa ring muling madambong ng rehimeng US-Aquino ang CLF. Itinayo ang Presidential Task Force on Coco Levy sa pangunguna ng National

Anti-Poverty Commission (NAPC) na pinamumunuan ng kontra-rebolusyonaryong taksil at kasapi ng repormistang Akbayan na si Joel Rocamora. Kabilang din sa task force ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Budget Management (DBM), Presidential Management Staff, Department of Agrarian Reform (DAR), Philippine Coconut Authority (PCA) at Department of Agriculture (DA).

Binuo ng Presidential Task Force on Coco Levy ang Poverty

Reduction Road Map for the Coconut Industry, isang programang may layuning gamitin ang iba’t ibang kontra-mamamayang programa ng reaksyunaryong gubyerno tulad ng huwad na Comprehensive Agrarian Reform Program

(CARP) at programang palimos na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ibinabandila ng rehimen na gagamitin ang CLF sa pagpapatupad ng mga programang ito. Ngunit, lalo lamang pinahihirapan ang mga magniniyog ng mga programang ito. Nananatili ang kawalan ng lupang mabubungkal at kawalan ng suporta sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Dahil dito, patuloy na nakalugmok ang kabuhayan ng mga magniniyog. Sa rehiyon ng Timog Katagalugan, nananatiling 60-40, 50-50 at 70-30 ang hatian sa ani ng karamihan ng mga magniniyog, pabor sa mga panginoong maylupa (PML). Sa probinsya pa lang ng Quezon,

namamayani ang ganitong hatian sa mga lupang

pagmamay-ari ng mga Reyes, Cojuangco,

Uy, Suarez, Murray, Escudero at iba pa.

Pagdating sa pamilihan, binabarat pa sila ng napakababang presyo ng kopra. Sa farm gate nagkakahalaga lamang ng P10.00 hanggang P14.00 ang kada kilo

ABRIL-HUNYO 2013 7 KALATAS

Page 8: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

ng kopra, P18.00 hanggang P24.00 kada kilo naman sa ibang lugar. Kapag dinala sa mga pamilihan o koprada, babawasan pa ito ng mga mamimili ng 15% ng kabuuang halaga ng kopra na kung tawagin ay resikada, isang tipo ng pangingikil ng mga mamimili. Binabawas ang resikada ng mga mamimili bilang bayad sa diumano’y paggaan ng timbang o pagresiko ng kopra habang nakaimbak sa bodega.

Kahirapan at gutom lamang ang nararanasan ng mga magniniyog, malayo sa itinatambol na layunin ng pagkolekta ng CLF. Dahil nagmula ito sa kanilang pawis at ibinunga ng kanilang pagtatrabaho, wala nang iba pang may karapatang magmay-ari nito kundi ang mga magniniyog. Makatwiran lamang na bawiin ng mga magniniyog ang pondo at nararapat na sila ang makinabang dito at hindi ang mga asyendero, korporasyon at pulitikong nag-iimbot sa CLF.

Ang pakikibaka sa pagbawi sa CLF ay isang matagalang pakikibaka at bagamat may puwang at malaki ang papel ng mga ligal na pakikibaka upang bawiin ito, hindi magtatagumpay ang mga magniniyog kung magpapakasapat lamang sila sa mga ligal na pamamaraan ng paglaban at pagbawi ng CLF. Walang malayong mararating ang mga pakikibaka ng masang magniniyog at iba pang magbubukid sa pamamagitan ng ligal na paglaban. Ang anumang konsesyon na mapipiga ng masang magniniyog mula sa reaksyunaryong estado ay babawiin sa iba’t ibang salamangka at mga maniobra, dahas ng mga bayarang militar at pulis, at panlilinlang ng mga oportunistang grupo tulad ng Akbayan.

Hindi mapaghihiwalay ang laban ng mga magniniyog para bawiin ang CLF sa laban ng mga magbubukid para sa tunay na reporma sa lupa at tuluyang pagwasak sa pagsasamantalang pyudal at

malapyudal sa kanayunan. Kailangang dalhin ng mga magniniyog ang kanilang pagkakaisa sa mas mataas na antas ng paglaban. Bilang mga magbubukid, mahalagang mamulat ang mga magniniyog sa magpagpasyang papel nila sa pagsusulong ng rebolusyon. Ang mahigpit na pagkakaisa ng mga magbubukid ang lalong nagpapalakas sa rebolusyon na siyang wawasak sa kasalukuyang mapansamantala at mapang-aping sistemang malakolonyal at malapyudal.

Rurok ng pinakamatibay na pagkakaisa ng mga magbubukid ang pagsusulong ng armadong pakikibaka sa kanayunan. Ang pagkilala ng mga magbubukid na sa pamamagitan ng armadong paglaban nagkakaroon

sila ng kapangyarihan upang wakasan ang kahirapang matagal na nilang nararanasan ang pumupukaw sa kanila upang kumilos at maging mapangahas na tumangan ng armas laban sa m a p a g s a m a t a l a at mapanupil na estado ng mga PML at MBK na kinakatawan ngayon ng rehimeng US-Aquino.

Bilang pangunahing bukal ng mga Pulang mandirigma ng BHB, hindi matatawaran ang mga paghihirap at sakripisyo ng mga magsasaka para sa pagpapalakas ng rebolusyon. Bilang hukbo ng mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan, tungkulin ng BHB kasama ang malawak na hanay ng rebolusyunaryong mamamayan na isulong ang rebolusyong agraryo na syang tutugon sa kahilingan ng mga magbubukid para sa lupang mabubungkal. Sa pamamagitan ng pagsusulong ng rebolusyong agraryo hindi lamang pinalalaya ng mga magbubukid ang kanilang mga sarili mula sa pyudal at malapyudal na pagsasamantala, kundi hinahawan nila ang paglaya ng sambayanang Pilipinong malaon nang pinahihirapan at pinagsasamantalahan.

ABRIL-HUNYO 20138 KALATAS

Page 9: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

Ang Nagpapatuloy na Laban ng Mamamayan ng TKpara sa Kabuhayan, Panirahan at Likas na Yaman ng Bansa

Isang kongkretong batayan nito ang patuloy na pagpasok ng mga higanteng dayuhang korporasyon sa pagmimina upang pumiga ng malaking tubo mula sa likas na yaman ng bansa. Lalo pa itong pinalala ng mga batas ng reaksyunaryong gubyerno: ang Mining Act of 1995 alinsunod sa patakarang globalisasyon, pribatisasyon at denasyunalisasyon na dikta ng imperyalistang US at ang Executive Order No. 79 na ipinatutupad ng reaksyunaryong rehimeng US-Aquino na lalo lamang nagsistematisa sa pagsubasta ng yaman ng bansa. Ito ay mga batas na nagpapahintulot sa mga dayuhang kumpanya at mga lokal na ahente nito na dambungin ang likas na yaman ng bansa at tuluyang yurakan ang pambansang soberanya.

Katulad ng ibang rehiyon sa bansa, malaganap ang mga malakihang pagmimina ng mga dayuhang kumpanya at mga lokal na kasabwat sa Timog Katagalugan. Sa Batangas, nagpapasasa ang Mindoro Resources Limited, isang korporasyon sa pagmiminang nakabase sa Canada, at isa pang dayuhang koporasyon na Gold Fields sa ginto, tanso at iba pang yamang mineral na matatagpuan sa probinsya. Saklaw ng operasyon ng mga dayuhang kumpanyang ito ang kabuuang 32,292 ektarya ng lupain sa mga bayan ng Lobo, Rosario, Taysan, San Juan at Batangas City. Sinasaklaw naman ng mga kumpanyang Crazyhorse, Asian Arc Mining at Kumakata Mining ang 11,254 ektarya ng bayan ng Taysan. Pagkawala at pagkawasak ng lupang sakahan ang idudulot ng malalakihang pagmimina sa

mamamayan ng Batangas. Sa Quezon, binigyan ng permiso ng Mines and

Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Veronica Iñeguez Lee (VIL) Mining Corporation na magsagawa ng eksplorasyon ng mineral na nikel sa kabundukan ng Cadig na nasasaklaw ng mga bayan ng Labo at Sta. Elena sa Camarines Norte at bayan ng Tagkawayan sa Quezon. Kasosyo ang kumpanyang Macro Asia ni Lucio Tan, maglalaan ito ng P200 milyon

sa eksplorasyon pa lamang. Ngunit ang tunay na nasa likod ng pagmiminang ito ay ang mandarambong na asyendero-kumprador na si Danding Cojuanco, ang tiyuhin at may malaking pondong kontribusyon upang manalo ang kasalukuyang papet na presidenteng si Benigno Simeon Aquino III.

Nasasaklaw ng kanilang proyekto ang Barangay Tigbinan, Guisican, Bayabas at Cabatuhan sa bayan ng Labo, Camarines Norte; Barangay Villa San Isidro sa bayan ng Santa Elena, Camarines Norte; at ng Barangay Casispalan, Santa Monica at Bagong Silang sa bayan ng Tagkawayan, Quezon. Saklaw ng nasabing permiso ang kabuuang 11,126.36 ektarya ng kabundukan ng Cadig.

Sa pag-uumpisa pa lamang ng pagmimina ng VIL Mining Corporation/Macro Asia noong Setyembre 2012, ginamit na nito ang pwersang militar ng 902nd Brigade ng 9th Infantry Division (ID) at ng 201st Bde ng 2nd ID ng Philippine Army. Agad sinimulan noong Nobyembre 2012 ang malakihang operasyong militar na nilahukan ng

Kung ang mamamayang Pilipino mismo ang gagamit at lilinang sa likas na yaman ng Pilipinas para sa sariling pakinabang, sobra-sobra pa ito para sustinihin ang populasyong makailang beses ang laki kaysa ngayon,”

ito ang tinuran ng librong Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Amado Guerrero. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy na sinasalamin nito ang katotohanang ang yaman ng bansa ay nasa pakinabang ng dayuhan at iilang naghaharing uri habang naghihirap ang sambayanang Pilipino.

ABRIL-HUNYO 2013 9 KALATAS

Page 10: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

49th IBPA ng 902nd Bde, ng

76th IBPA ng 202nd Bde at ng 22nd

Division Reconnaisance Company (DRC) ng 2nd ID sa

ilalim ng Southern Luzon Command. Hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy

ang operasyon ng nasabing mga yunit ng AFP para protektahan ang proyektong pagmimina at supilin ang anumang pagtutol ng mamamayan.

Ayon sa mga nakalap na ulat, aabot sa 163,291.30 ektarya ang sasaklawin ng 31 permisong iginawad ng MGB sa 22 kumpanya ng pagmimina sa Bundok Cadig—157,000 ektarya nito ay saklaw ng bayan ng Tagkawayan. Nangangahulugan ito ng pagkawasak ng kabundukan ng Cadig at pagsira sa kabuhayan, kalikasan, buhay at kinabukasan ng mamamayan sa paligid nito.

Pinarusahan ng Armando Catapia Command-BHB ng Hangganang Quezon-Bikol ang VIL Mining Corporation at Macro Asia noong Disyembre 2012 sa Brgy. Sta Monica, Tagkawayan, Quezon. Sinunog ng mga Pulang mandirigma ang tatlong malalaking makina na ginagamit sa paghuhukay at sinira ang kagamitan ng kumpanya na nagkakahalaga ng mahigit sa P5.1 milyon. Kinumpiska rin ang pistola ng gwardya at ilang kagamitang pangkomunikasyon ng kumpanya. Wastong pinakitunguhan ng mga Pulang mandirigma ang mga manggagawa ng kumpanya kabilang ang pitong elemento ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).

Pinarusahan din ng Armando Catapia Command ang minahan ng Bohai Top International Mining

Corporation sa Brgy. Napod, Labo, Camarines Norte noong Abril 7, 2013. Sinunog ng mga Pulang mandirigma ang dalawang trak at dalawang loader ng nasabing kumpanya at sinira ang iba pang sasakyan na ginagamit nito sa operasyon ng pagmimina. Kinumpiska rin nila ang dalawang shotgun, mga bala, at dalawang radyong VHF ng mga gwardya.

Ayon sa Armando Catapia Command, pinarusahan ng BHB ang kumpanyang Tsino dahil sa pangwawasak ng kapaligiran at pandarambong ng likas na yaman ng bansa. Matagal nang tinututulan at nilalabanan ng mga residente ng lugar ang operasyon ng pagmimina na gumagamit ng pamamaraang “open-pit”. Sa pakikipagkutsaba ng ilang lokal na upisyal, nabigyan ito ng permiso na mag-opereyt bilang “small-scale mining” pero sa katunayan ay malakihang operasyon at gumagamit ng mabibigat at malalaking makinarya.

Sa Isla ng Mindoro, aktibo ang Intex Resources Philippines Incorporated (Intex) sa pagmimina ng mineral na nikel at cobalt na sumasaklaw ng 11,216 ektaryang kalupaan. Inaasahang makakakuha ang Intex ng taunang 40,000 toneladang nikel, 3,000 toneladang cobalt, at 130,000 toneladang ammonium sulphate (abono) bukod pa sa mga kahoy at troso dahil sa kanilang timber rights. Mula sa P26 bilyong kapital at taunang gastos na P2.8 bilyon, tinataya nilang kikita ang Intex ng P12 bilyon kada taon, samantalang kakarampot ang mapupunta sa sahod at benepisyo ng mga manggagawa.

Binuo ang Intex noong 1997 mula sa dating Mindex Resources Development Incorporated (Mindex), subsidiaryo ng Mindex ASA (Norway) na sumanib sa Crew Development Corporation. Ang MINDEX ay may 9,730 ektaryang aplikasyon sa pagmimina ng nikel at cobalt sa Sablayan, Mindoro Occidental (MOC) at bahagi ng Victoria, Mindoro Oriental (MOR). Matapos ang mariing pagbatikos at malawakang kilos-protesta ng mamamayan ay nagbuo pa ito ng maraming “maliliit” na kumpanya na ngayon ay may operasyon sa ilalim ng Mineral Production Sharing Agreement (MPSA).

Halimbawa rito ang dalawang kumpanyang Alag-ag Mining Corporation at Aglubang Mining Corporation na may lawak ng pagmimina ng nikel at cobalt na 3,376 ektarya at 4,536 ektarya, ayon sa pagkakasunod, sa Barangay Pag-asa, Sablayan, MOC. Bukod pa rito,

ABRIL-HUNYO 201310 KALATAS

Page 11: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

kasosyo nito ang Rich Mining Corp. sa pagmimina ng ginto ng Scadinavian Explorations sa 13,527 ektaryang lupa sa Looc, sakop ng isla ng Lubang, MOC.

Mula pa noong 1986, mariing tinutulan ng mamamayan ng isla, kabilang ang mga katutubo ang pagpasok ng mga kumpanya ng pagmimina. Umabot sa 5,000 mamamayan ang nagprotesta laban sa pagmimina ng karbon ng FFCruz sa Cambunang, Bulalacao, MOR. Nagpatuloy ito hanggang 1993 nang magkaroon ng malawakang pagkilos ang mamamayan upang tutulan ang pagmimina ng chromite ng Minchrome sa hangganan ng Sablayan at Sta. Cruz. Lalong sumigla at naging malawakan ang pagtutol sa mina nang isabatas ang Mining Act of 1995. Nagbuo ng mga pamprobinsyang alyansa laban sa mina tulad ng ALAMIN at Samahang Magsasaka ng Kanlurang Mindoro ( S A M A K A M I ) . N a g l u n s a d n g m ga ka m p a ny a n g edukasyon, serye ng Environmental Investigation Missions lalo nang magsisimula na ang operasyon ng Mindex (na ngayon ay Intex). Taong 1999 nang mabuo ang malapad na alyansang Kalas-Pagmimina (Kampanya Laban sa Mapangwasak na Pagmimina) at naglunsad ng mga talakayan, petisyon, piket-rali at pagpapahayag sa mga istasyon ng radyo at telebisyon. Hanggang sa kasalukuyan patuloy ang pagkilos ng mamamayan ng Mindoro para labanan ang pagmimina ng mga dayuhang korporasyon.

Sa bayan ng Sofronio Española sa Palawan, maigting na tinutulan ng mga katutubo ang pagkalat sa ilog ng nakalalasong kemikal mula sa minahan ng Citinickel Mines and Development Corporation (CMDC). Sapilitang pinapayag ang mga katutubo ng dayuhang korporasyon upang makapagtayo ito ng minahan sa kanilang lupang ninuno. Ang pagkalason ng ilog at kalupaan ay nagdulot ng malubhang sakit sa mamamayan. Noong Pebrero 2012, dalawang bata ang namatay nang mahirapang huminga dahil sa

alikabok sa minahan. Nakaapekto rin ang pagkasira ng kalikasan sa kabuhayan ng mga katutubo dahil kung noon ay umaani sila ng 80-150 kaban ng palay, umaabot na lamang ito ngayon sa 60 kaban. Kung noon ay nakakahuli sila ng sampung kilong isda araw-araw, ngayon ay dalawang kilo na lang o madalas ay wala na.

Sa halip na pumanig sa naghihirap na kalagayan ng mamamayan, nakikipagsabwatan at patuloy na pinahihintulutan ng lokal na gubyerno ng Palawan ang mga dayuhang korporasyon na magmina sa lalawigan. Ipinagbawal nito ang pagkakaingin, pangangaso at gold panning upang matigil ang mga gawain ng mga katutubo sa kabundukan. Nagsisilbing private army

ng mga kumpanya ang mga elemento ng Philippine Marines na nagpapalaganap ng takot at karahasan sa hanay ng mamamayan.

Bilang pagtugon sa hinaing ng mamamayang katutubo at pagprotekta sa kalikasan, pinarusahan ng Bienvenido Valleber Command (BVC)-Bagong Hukbong Bayan (BHB) Palawan ang CMDC noong

Disyembre 2012. Sinunog ng mga Pulang mandirigma ang ilang istruktura at mga kagamitan ng minahan tulad ng backhoe na nagparalisa sa operasyon nito. Isa itong mensahe mula sa rebolusyonaryong kilusan na hindi pinahihintulutan ng demokratikong gubyernong bayan ang mapangwasak na operasyon sa pagmimina para sa gahamang interes ng mga dayuhan at lokal na kumpanya sa kapinsalaan ng kapaligiran, kabuhayan at panirahan ng mamamayan.

Ayon sa pahayag ng BVC, ang aksyong pamamarusa ay labis na ikinatuwa ng mamamayan. Batay sa salaysay ng mga Palaweño, matagal na nilang inirereklamo ang abusadong kumpanya at private army nito subalit nananatiling walang aksyon ang lokal na pamahalaan. Sa halip lalo pa itong nakikipagsabwatan at patuloy na pinahihintulutan ang dayuhang kumpanya na magmina.

ABRIL-HUNYO 2013 11 KALATAS

“Ang aksyong pamamarusa ay mensahe mula sa rebolusyonaryong kilusan na hindi pinahihintulutan ng demokratikong gubyernong bayan ang mapangwasak na operasyon sa pagmimina para sa gahamang interes ng mga dayuhan at lokal na kumpanya sa kapinsalaan ng

kapaligiran, kabuhayan at panirahan ng mamamayan.”

Page 12: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

Bigo ang sabwatang Aquino-Armed Forces of the Philippines (AFP)/Philippine National

Police (PNP)-Akbayan-Alcala (AAAA) na wasakin ang rebolusyonaryong lakas ng uring magsasaka at pagkakaisa ng malawak na hanay ng mamamayan sa South Quezon–Bondoc P e n i n s u l a ( S Q B P ) . Hindi na maitatago ng sabwatang AAAA ang kabiguan nitong linlangin ang masang magsasaka at mamamayan ng SQBP. Patuloy na nalalantad ang kabulukan na itinatago sa likod ng huwad na mga programa ng rehimeng US-Aquino tulad ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER), Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Oplan Bayanihan.

Makikita ang desperasyon ng sabwatang AAAA nitong Pebrero nang magpakulo ito ng isang engrandeng pulong sa bayan ng Mulanay. Pinamunuan ito ng taksil at anti-Komunistang si Joel Rocamora at

kalihim ng Kagawaran sa Agrikultura na si Proceso Alcala. Hinakot nila ang nasa 600 magsasaka mula sa SQBP upang ipagmalaki ang diumano’y pamamahagi ng 483 ektaryang lupa sa iilang magsasaka sa mga

bayan ng San Andres, Buenavista at San Narciso sa ilalim ng CARPER-CLOA. Ginamit ng Akbayan at ng mag-amang Irvin at Proceso Alcala, ang magarbong palabas upang pabanguhin ang kandidatura noong nakaraang eleksyon. K u m a n d i d a t o n g gobernador si Irvin

Alcala ng lalawigan samantalang tumakbo naman ang Akbayan sa partylist election.

Malaon nang ginagampanan ng Akbayan ang pagiging ispesyal na ahente ng reaksyunaryong rehimen upang linlangin at ipagkanulo ang interes ng masang anakpawis. Hindi na maitatago ng Akbayan ang mapanggantso nitong mukha na kunwa’y dala-dala ang laban ng mamamayan para lamang ihulog sa bitag ng walang katapusang paninikluhod at pag-

Bigong Linlangin ng Sabwatan ng Rehimeng Aquino, AFP/PNP, Akbayan at Alcala ang Mamamayan ng South Quezon-Bondoc Peninsula

ABRIL-HUNYO 201312 KALATAS

Sa Romblon, may aplikasyon sa pagmimina ang Ivanhoe Philippines sa mga bayan ng Odiongan, Alcantara at Sta. Maria at nagdagdag pa sa mga bayan ng San Andres, Calatrava at San Agustin. Sa Marinduque naman, matapos ang operasyon sa pagmimina ng Marcopper Mining Corp. noong 1996, namatay ang ilog ng Boac at binaha ang mga sakahan at komunidad sa kahabaan ng nasabing ilog dulot ng basurang iniwan ng kumpanya. Makalipas ang maraming taon, sadlak pa rin ang probinsya sa basurang dulot ng pagmimina at hindi pa nabibigyan ng hustisya ang mga biktima.

Ang kabuhayan ng mamamayan ay nakaugnay sa pangangalaga ng kalikasan. Hindi lamang sa

rehiyon ng Timog Katagalugan nagaganap ang malawakang pagtutol ng sambayanan sa mga dayuhang kumpanya ng pagmimina. Maging sa ibang dako ng bansa ay malaganap ang pagkilos ng mamamayan upang pigilan ang mapangwasak na pandarambong sa likas na yaman ng bansa. Nangunguna ang rebolusyonaryong kilusan sa pagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan. Marapat na tutulan at pigilan na yurakan ng mga dayuhan ang pambansang patrimonya at soberanya ng bansa. Kinakailangang magamit ang mga likas na yaman para sa pambansang kaunlaran na ang mamamayan ang siyang makikinabang, hindi ang dayuhan at iilang naghahari.

Page 13: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

amot ng limos mula reaksyunaryong gubyerno. Sa pamamagitan ng mga ahente ni Aquino tulad ng Akbayan, AFP at dilaw na midya, pinalaganap ang diumano’y pag-unlad ng kabuhayan ng mamamayan ng SQBP sa ilalim ng CARPER, 4Ps at Oplan Bayanihan.

Subalit hindi maikukubli ng kahit anong klaseng pagpapabango, umaalingasaw ang baho ng huwad na repormang agraryong CARPER. Hindi kailanman mapapatamis ng inasukalang suhol ng 4Ps ang paghihirap at pagdurusa ng mga mamamayan sa kanayunan. Lantad na lantad ang pasismo ng estado sa pandarambong at pang-aabuso ng mersenaryong AFP sa paglulunsad nito ng Oplan Bayanihan.

Hindi mapagtatakpan ng mga kasinungalingan ng rehimeng US-Aquino ang buhay na katotohanang walang lupa at lugmok sa matinding kahirapan ang masang magsasaka sa kanayunan ng SQBP. Isang malaking kabalintunaan na kung sino pa ang tagapaglikha ng kayamanan ng lalawigan ay sya pang nilulunod sa kumunoy ng kahirapan.

Nananatiling pagmamay-ari at kontrolado ng mga PML at burukrata-kapitalista ang malaking bahagi ng mga lupain sa lugar. Ang mga pamilyang Uy, Reyes, Murray, Matias, Estrada, Uri, Tan ang ilan sa mga pinakamalalaking PML na hanggang sa ngayon ay kumukontrol sa hindi bababa sa 25 ektarya hanggang sa ilandaang ektaryang lupain sa lahat ng mga bayan sa SQBP.

Lumalabas din na 80-20 ang partehan ng kita pabor sa PML ang kalakaran sa kanayunan habang ang mga magsasaka ang bumabalikat sa mga gastusin. Mababa ang arawang sahod sa mga manggagawang bukid na umaabot lamang sa P120 hanggang P250 sa pagtatabas, paggagamas, pagkakawit at pagtatapas. Katambal naman ng mababang pasahod ang mataas na interes sa pautang na umaabot ng 120-240 porsyento kada taon.

Samantala, sa ilalim ng CARPER, naganap ang malawakang bentahan ng CLOA na nagbigay daan sa mas malawak na konsentrasyon ng mga lupain sa kamay ng mga PML. Kitang-kita na napupunta lamang ang yaman ng produksyon sa iilang kamay, kapalit ng dugo at pawis ng uring nagbubungkal. Ganap na nahubaran ng

maskara ang tahasang panlilinlang at pagsasamantala ng umiiral na pyudal na relasyon sa kanayunan na higit pang pinatitindi ng mga huwad na programa ng rehimeng US-Aquino.

Walang makabuluhang pagbabagong aasahan ang malawak na hanay ng mamamayan sa ilalim ng rehimeng US-Aquino sampu ng mga huwad na programa nito. Bigo ang lampas dalawang dekadang implementasyon ng huwad na CARP. Lantad ang kabiguan ng 4Ps na sugpuin ang ugat ng kahirapan ng sambayanan. Hindi maitatago ang marahas na katangian ng estado at mga elemento ng AFP sa mga operasyon ng Oplan Bayanihan sa kanayunan.

Kaya’t sa ganitong mga kalagayan, tanging ang rebolusyong agraryo at armadong pakikibaka na isinusulong ng BHB ang aasahang magtataguyod ng demokratikong interes ng uring magsasaka at ng malawak na hanay ng mamamayan. Ang matinding suporta ng mamamayan ng SQBP sa rebolusyonaryong kilusan ang patunay ng kanilang pagnanais na kumawala sa pyudal na pagkakagapos.

Patunay ang buhay na karanasan ng SQPB ng puspusan at masigasig na pagrerebolusyon ng malawak na hanay ng masa sa ilalim ng bandila ng Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan at Pambansang Nagkakaisang Prente. Mahigpit na pinanghahawakan ng rebolusyonaryong mamamayan ng SQBP ang matibay na pananalig na ang kanilang katubusan ay nakasalalay sa pagtataguyod ng armadong pakikibaka hanggang makamit ang ganap na tagumpay!

ABRIL-HUNYO 2013 13 KALATAS

Page 14: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

ABRIL-HUNYO 201314 KALATAS

Eleksyon 2013, Nagsilbi sa Interes ng mga Dinastiyang Angkan

Walang saligang binago ang eleksyon 2013. Tulad ng mga nagdaang reaksyunaryong eleksyon sa Pilipinas, bawat elektoral na paligsahan ay nagluluklok lamang ng bago at dating mga kinatawan mula sa

makapangyarihang angkan ng malalaking panginoong maylupa’t burgesya-kumprador. Gamit ang kapangyarihan ng salapi, impluwensya at koneksyon sa reaksyunaryong gubyerno, nagagawa ng mga angkan na ito na manipulahin ang popular na kagustuhan at salaulain ang demokratikong kapasyahan ng mamamayan.

Sa isang malakolonyal at malapyudal na lipunan, hindi maaaring maganap ang tunay na demokratikong pagpili ng mga kinatawan ng mamamayan. Ang masalapi, maimpluwensya at pinakamalawak ang koneksyon ang may malaking tyansang maluklok sa kapangyarihan. Ang kinatawan ng mga inaapi’t pinagsasamantalahang uri ay kailangang lumusot muna sa butas ng karayom upang manalo sa burges na eleksyon.

Pinerpekto ng estado ng naghaharing-uri ang mekanismo upang salaulain ang popular na kagustuhan. Dati, nakasasapat pa ang paggamit ng guns, goons at gold o sa ibang salita ng pananakot, pribadong maton at salapi upang baguhin ang popular na kapasyahan ng bayan. Pinagmimistulang demokratiko ang proseso ng pagboto pero sa likod nito ay ang malaganap na bilihan ng boto, panunuhol sa Comelec upang mabago ang resulta ng bilangan, paggamit ng bayarang maton upang takutin ang mga botante at marami pang kasuklam-suklam na maniubra.

Nang magkaroon ng makabuluhang kinatawan ang mga progresibo sa eleksyong partylist, higit na pinino ng reaksyunaryong estado ang proseso ng eleksyon upang mas maitago ang manipulasyon sa boto ng mamamayan. Ipinatupad ang Automated Election System (AES) kung saan tinanggal at nilabag mismo ng COMELEC ang mga garantiya upang gawing

mas mahirap ang pandaraya at manipulasyon ng boto tulad ng pagpapailalim sa pagsusuri ng mga eksperto ng source code na magpapatakbo ng mga makinang PCOS (Precinct Count Optical Scan) at paggamit ng sistema ng digital signature na garantiya upang matiyak na hindi mamamanipula, tamang babasahin at bibilangin ng makinang PCOS ang bawat boto sa

balota ng indibidwal na botante. Dahil dito, walang paraan

ngayon para alamin kung ang binasa, binilang at ipinadalang resulta sa isang presinto ay eksaktong kopya ng binilang sa antas ng municipal, provincial at national canvass. Mabilis ngang lumabas ang resulta pero di tulad sa manu-manong bilangan, madaling makita at masunson kung may anumalyang

nangyayari sa pagbasa, pagtatarâ at pagbilang ng boto hanggang sa pagkokonsolida nito sa antas ng munisipyo, probinsya at pambansa.

Nalantad ang bulnerabilidad ng sistema ng AES na manipulahin ang boto nang mapansin ng PPCRV (Parish Pastoral Council for Responsible Voting) na higit sa doble

ang botong pumapasok sa kanilang transparency server na binibilang at ipinadadala ng makinang PCOS mula sa central server kumpara sa bilang ng rehistradong botante ng mga presintong pumasok na ang mga resulta. Sa saglit lamang na ginawang manipulasyon ng tauhan ng Smartmatic (ang kumpanyang nakakaalam sa teknolohiya ng PCOS) sa source code madali

“Sa isang malakolonyal at malapyudal na

lipunan, hindi maaaring maganap ang tunay na demokratikong pagpili ng mga kinatawan ng

mamamayan.”

Page 15: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

ABRIL-HUNYO 2013 15 KALATAS

lamang naituwid ang maling pagbilang. Dahil sa pagkalantad na ito, tuluyan nang ipinatigil ng COMELEC ang pagbibilang ng transparency server ng PPCRV.

Sa pagkatigil ng pagbibilang ng transparency server, walang paraan ngayon para alamin kung ang binibilang ng COMELEC ay ang tunay na resulta ng botohan o ang manipuladong resulta bunga ng minanipulang source code. Dahil sa kawalan ng digital signatures, hindi masusunson kung ang botong binasa ng makinang PCOS ay ang botong isinulat sa balota ng bawat botante.

Bilang patunay: sa mismong presinto ng national coordinator ng Migrante Sectoral Party na ibinoto ang kanyang partylist, zero ang boto ng Migrante. Samantala sa Biñan, Laguna na may 2,000 kasapi ng Migrante ay 100 lamang ang naitalang boto ng parehong partylist. Sa Tanauan, Batangas naman, nabawasan ang boto ng Migrante sa isang presinto pagdating sa municipal canvass.

Sa kabila ng maraming naitalang iregularidad sa eleksyon tulad ng pagpalya ng 18,000 makinang PCOS, sira o corrupted na mga compact flash card, mga botanteng napagkaitan ng karapatang makaboto o voter’s disenfranchisements , mga problematiko at di tumutugmang manual audit ng boto sa resulta ng binilang ng makinang PCOS, at iba pa—mabilisang idineklara ng Comelec na tagumpay ang eleksyong 2013 upang maliitin, isantabi at pagtakpan ang mga nasabing iregularidad.

Tulad sa padrong 60-30-10 sa resulta ng election canvassing sa senador sa buong bansa, gayundin ang naging padron sa resulta ng mga pumasok sa Magic 12 sa rehiyong Timog Katagalugan: 6 na pwesto ang nakuha ng kampong Aquino, 3 pwesto ng kampong UNA at 1 pwesto mula sa independyenteng kandidato. At tulad din sa ibang mga rehiyon, nadomina ng mga malalaking pulitiko at dinastiyang angkan ang mga naluklok na nanalong kandidato sa mga lokal na pusisyon sa mga probinsya ng Timog Katagalugan.

Sa Cavite. Bumaha ang pera at talamak ang pamimili ng boto ng magkakalabang angkan. Nanaig ang angkang Remulla at Revilla laban sa kampo ng mga Malicsi. Tinalo ni Jonvic Remulla ang dating gobernador na si Ayong Malicsi. Kapwa naman nanalo ang kabiyak ni Senador Ramon Revilla, Jr. na si Lani Mercado bilang kongresista ng ikalawang distrito, at mga anak na sina Jolo Revilla na bise gobernador at Strike Revilla na alkalde ng Bacoor. Samantala, napanatili ng mga Barzaga ang hawak sa Dasmariñas—muling nahalal si Pidi Barzaga b i l a n g kongresista ng ikaapat na distrito at Jenny B a r z a g a , asawa ng una, bilang alkalde ng

lungsod. Patuloy na napatigas ng mga Abaya ang hawak sa unang distrito, ng Loyola sa ikalimang distrito samantalang nakuha ng mga Tolentino ang kontrol sa ikapitong distrito sa pagkakaluklok ni Bambol Tolentino bilang kongresista at Agnes Tolentino bilang alkalde ng Tagaytay City, pawang kaangkan ng kasalukuyang pinuno ng MMDA na si Francis Tolentino.

Sa Laguna. Nabigong agawin ng manok ng Liberal Party na si Egay San Luis ang pwesto ng gobernador kay George ‘ER’ Estregan Jr., pamangkin ng dating presidenteng Joseph Estrada at kasalukuyang nanalong alkalde ng Maynila. Sa kabila ito na nagbuhos ng pera si Aquino mula sa cash for work program ng DOLE para tustusan ang kandidatura ni San Luis. Nanatiling malakas naman ang hawak ng angkang Chipeco sa ikalawang distrito sa pagkapanalo

Page 16: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

ni Jun Chipeco bilang kongresista at Timy Chipeco bilang alkalde ng Calamba City. Napanatili naman ng mga Amante ang kapangyarihan sa San Pablo City gamit ang pondo mula sa jueteng at nagawa nilang ipanalo ang kandidatura ni Sol Aragones bilang kongresista ng ikatlong distrito laban sa angkang Arago.

Sa Batangas. Muling nadomina ng angkang Recto at Leviste ang kapangyarihan sa probinsya matapos manalo sa tatlong sunod na pagkakataon si Vilma Santos, asawa ni Senador Ralph Recto, bilang gobernador, at Mark Leviste bilang bise gobernador. Samantala, napanatili ng mga Ermita ang kontrol sa unang distrito sa pagkapanalo ni Eileen Ermita bilang kongresista laban kay Apacible na mula sa matandang angkang pulitiko sa lalawigan. Si Eileen Ermita ay anak ng dating heneral na si Eduardo Ermita, nanungkulan bilang secretary of national defense at national security adviser ni Gloria Arroyo at kabilang sa mga heneral ng diktadurang Marcos. Muli naman nakabalik sa kapangyarihan ang angkang Collantes sa ikatlong distrito sa pagkapanalo ni Nelson Collantes bilang kongresista. S a m a n t a l a , napanatili ng angkang Mendoza ang hawak sa ikaapat na distrito sa

pagkapanalo ni Dong Mendoza, anak ng dating hepe ng PNP na si Leandro Mendoza at nanilbihang DILG secretary ni Arroyo.

Sa Rizal. Nangibabaw ang angkan ng Ynares sa pagkapanalo ni Nini Ynares bilang gobernador at Jun Ynares bilang alkalde ng Antipolo City. Samantala, nanatili ang hawak ng angkang Puno sa unang distrito, Acop sa ikalawang distrito, Duavit sa ikatlong distrito at Rodriguez sa ikaapat na distrito.

Sa Quezon. Nadomina ng mga Suarez at Nantes ang pamamayagpag ng mga Alcala. Nanalo bilang gobernador si Jayjay Suarez, anak ng dating kongresista at lider ng partido ni Arroyo na si Danilo Suarez na asawa naman ni Aleta Suarez, n a n a l o n g kongresista ng ikatlong d i s t r i t o .

Gayunman, napanatili pa rin ng mga Alcala ang hawak sa ikalawang distrito sa pagkakahalal kay Kulit Alcala samantalang walang humamon kay Mark Enverga bilang kongresista ng unang distrito. Sa kabilang banda, tinapos ni Helen Tan ang hawak ng mga Tañada sa ikaapat na distrito subalit nakatakdang maunsyami ang panalo ni Tan nang katigan ng Comelec ang inihain na protesta ni Toby Tañada, Jr. na ibilang sa kanya ang boto ng nadiskwalipikang kaapilyidong kandidato sa kabila na iprinoklama na ng Comelec ang panalo ni Tan. Sa mga distritong mahigpit ang labanan ng magkakaribal, naging talamak ang pamimili ng boto sa huling

mga araw bago ang eleksyon.Sa Mindoro Oriental.

Patuloy na napatigas ng mga Umali ang kanilang hawak sa

ka p an gyar i h an .

ABRIL-HUNYO 201316 KALATAS

Page 17: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

ABRIL-HUNYO 2013 17 KALATAS

Nanalong gobernador si PA Umali nang walang kalaban samantalang nagwaging kongresista naman si Boy Umali sa ikalawang distrito. Naunsyaming makabalik sa kapangyarihan ang mga Valencia sa pagkabigo ni Nico Valencia na manalo bilang kongresista. Pinataob siya ni Doy Leachon na nagmula sa isang mahirap at di pulitikong angkan ng probinsya.

Sa Mindoro Occidental. Nawala sa kapangyarihan ang mga Villarosa sa pagkatalo ni dating kongresista Amelita Villarosa kay Mario Mendiola sa pagkagobernador. Matandang magkaribal sa pulitika ang angkan ng Mendiola at Villarosa. Napanatili din ni dating gobernador Josephine Ramirez-Sato ang impluwensya sa pulitika sa pagkapanalo nitong kongresista.

Sa Palawan. Naitaob ng mga Alvarez ang angkan ng mga Mitra. Bumaha ng pera at nagpakawala ng daan-milyong pondo ang magkakaribal na kampo. Pinadapa ni Pepito Alvarez si Baham Mitra sa pagkagobernador samantala naungusan naman ni Chicoy Alvarez, pamangkin ni Pepito ang mga kalaban sa pagkakongresista sa unang distrito. Sa ikalawang distrito, pinataob ni Frederick Abueg, mula sa matandang pulitikong angkan, si Monmon Mitra sa labanan sa pagkakongresista. Dumanas din ng kabiguan ang angkan Hagedorn sa pagkabigo ni Edward Hagedorn na manalong senador at pagkatalo naman ng kanyang asawang si Ellen Hagedorn sa

pagkaalkalde ng Puerto Princesa City. Tanging ang kapatid na si Douglas Hagedorn lamang ang nanalo bilang kongresista sa ikatlong distrito.

Sa Marinduque at Romblon. Higit na napatigas ng angkang Reyes ang hawak sa k a p a n g y a r i h a n . Muling naluklok na gobernador

si Carmencita Reyes at kaanak na Gina Reyes bilang kongresista ng nag-iisang distritong kongresyunal ng probinsya. Sa Romblon, nanaig ang malalaking angkan ng Firmalo at Madrona. Nagwaging gobernador si Eduardo Firmalo at kongresista naman si Budoy Madrona.

Samantala, upang gawin pang ibayong mahirap na magpanalo ng mga progresibong kandidato sa eleksyong partylist, sinalaula ng disisyon ng reaksyunaryong Korte Suprema ang mismong batas ng eleksyong partylist na nagbibigay ng diumanong patas na pagkakataong magkaroon ng representasyon ang hanay

ng mahihirap at maliliit na sektor sa

lipunan. Sa disisyon ng reaksyunaryong

Korte Suprema, hindi na kailangang

kumatawan ng isang marginalized na sektor ang isang organisasyon para tumakbo sa partylist election. Dagdag pa, hindi rin kinakailangang nabibilang sa sektor ng mahirap ang mga nominadong kinatawan ng isang partylist.

Binubuksan ng ganitong disisyon ang malapad na tarangkahan para sa pag-usbong ng samut-saring partido na patatakbuhin ng mga dinastiya at malalaking angkang pulitiko para sa partylist election at lulunurin ng mga kinatawan ng mga angkan ng malalaking panginoong maylupa at burgesya-kumprador ang mga kinatawan ng partylist.

Nagkaroon ng kinatawan ang Abono Partylist sa kongreso dahil sa mga dinastiyang Estrella ng Pangasinan at Ortega ng La Union. Nagmula ang 78% ng mga boto ng Abono Partylist sa mga tagasuporta nina Estrella at Ortega. Samantala, nakapagpaupo naman

Page 18: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

ABRIL-HUNYO 201318 KALATAS

ang AAMBIS-OWA dahil sa yaman at impluwensya ng angkang Garin sa Iloilo at ang AVE dahil sa mga Magsaysay ng Zambales.

Naging kinatawan si Lito Atienza, dating alkalde ng Maynila, ng BUHAY partylist; si Ibarra Gutierrez III, dating upisyal ng embahada ng Pilipinas sa UAE ang isa sa mga kinatawan ng Akbayan; pinaupo naman ng OFW Family Club sa kongreso ang dating tagapangulo ng National Labor Relations Commission na si Roy Señeres. Dati silang mga upisyal ng gubyerno na gumamit ng kanilang ninakaw na yaman at impluwesya upang mapanalo ang mga partylist na kinapapalooban.

Nagamit naman ang yaman at impluwesya n g m a l a l a k i n g negosyante sa bansa sa ibang nanalong partylist, na hindi naman nagtataguyod ng mga batayang karapatan ng mga pinagsasamantalahang sektor sa lipunan. Kabilang dito sina Mariano Vilarde at William Tieng ng BUHAY; Mariano Piamonte at Julieta Cortuna ng A Teacher; Michael Angelo Rivera ng 1-Care; Christopher Co at Rodel Batocabe ng AKO BICOL; Nicanor Briones ng AGAP; Neil Montejo ng AN WARAY; Carol Lopez ng YACAP; Agapito Guanlao ng BUTIL; Arnel Ty ng LPGMA at Weslie Gatchalian ng ALAY BUHAY. Kabilang sila sa mga mayayamang pamilya sa

bansa na nagmamay-ari ng mga unibersidad, hotels at malalaking negosyo sa komunikasyon, konstruksyon, teknolohiya at iba pa.

Sa mismong resulta ng nagdaang eleksyon, makikita na ang mga partylist na dinala ng mga dinastiya at malalaking angkan sa pulitika ang siyang kumuha ng malaking boto at nakinabang sa malawakang pamimili ng boto, paglalako ng impluwensya at koneksyon sa burukrasya ng mga malalaking angkang pulitiko na nasa kapangyarihan.

Sa TK, dinala ng halos lahat ng malalaking angkang pulitiko ang BUHAY, A TEACHER, 1-CARE, AKB, ABONO OFW FAMILY at SENIOR CITIZENS na pumasok sa nangungunang sampung pwesto sa buong bansa. Ibinuhos naman ng rehimeng Aquino at mga kaalyadong pulitiko sa lokal na burukrasya ang suporta sa AKBAYAN. Tanging ang mga progresibong partylist na BAYAN MUNA AT GABRIELA ang nakasingit sa unang sampung

pwesto na nakuha ang ikatlo at ikasiyam ng pwesto.

Samantala, dinala ng maimpluwensyang mga angkan at kandidato ng Batangas ang AGAP at ACT-CIS gayundin ang MAGDALO ng mga Malicsi sa Cavite. Kasama ng COOP-NATCCO, CIBAC, AN WARAY, ABAMIN, BUTIL at AMIN, pumasok ang mga ito sa ika-11 hanggang ika-20 pwesto sa buong bansa at nakasingit bilang ika-17 pwesto ang progresibong partylist na ACT TEACHERS.

Makikita sa resulta kung gaano di hamak ang lamang ng mga

partido at kandidato mula sa mga malalaking naghaharing angkan sa pulitika at ekonomya. Hangga’t nasa kontrol ng naghaharing-uri ang reaksyunaryong g u b y e r n o , w a l a n g puwang ang mga pagbabagong hangad ng mamamayan. Kailangang baguhin ng mamamayan ang lipunan sa isang r e b o l u s y o n a r y o n g

paraan upang magkamit ng makabuluhang pagbabago sa sistema ng pulitika sa bansa. Sa ganitong paraan lamang radikal na mababago ng mamamayan ang kanyang pusisyon sa lipunan at maitatanghal ang popular na kagustuhan. Sa layuning ito, isinusulong ng Partido Komunista ng Pilipinas ang demokratikong rebolusyon ng bayan upang tuparin ang demokratiko at pambansang kahilingan ng bayan.

“Kailangang baguhin ng mamamayan ang lipunan

sa isang rebolusyonaryong paraan upang magkamit ng makabuluhang pagbabago sa sistema ng pulitika sa

bansa.”

Page 19: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

ABRIL-HUNYO 2013 19 KALATAS

Calamba, Laguna – Humigit-kumulang sa 10,000

manggagawa mula sa iba’t ibang unyon at organisasyon sa Timog Katagalugan ang naglunsad ng kilos-protesta sa pangunguna ng Pagkakaisa ng mga Mangagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) upang gunitain ang ika-110 taong anibersaryo ng Araw ng Paggawa noong Mayo 1, 2013.

Mariing tinututulan ng PAMANTIK-KMU ang malaganap na kontraktwalisasyon at ipinanawagan ang kagyat na pagbabasura sa Wage Order No. 15-4A o ang tinaguriang

two-tiered wage system na nagpako sa sahod ng mga manggagawa sa floor wage na P255 mula sa dati nang sagad sa lupang minimum na sahod na P315. Gayundin, ipinanawagan nito ang pagpapatalsik kay Rosalinda Baldoz, kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE), dahil sa pagpapakatuta sa mga kapitalista at pagbalewala sa kapakanan at

kagalingan ng mga manggagawa.Binatikos ni Joyce Rosales,

Secretary General ng PAMANTIK-KMU, ang mga batas na ipinatutupad ni Aquino at ng DOLE. Aniya, “Imbes na dinggin ang mahigit isang dekadang panawagan para sa P125 dagdag-sahod, lalo pang inilagay ni Aquino ang mga manggagawa sa kalunus-lunos na kalagayan. Hindi na nga makasabay ang sahod ng manggagawa sa pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo dulot ng pribatisasyon, lantaran pang ipinapalaganap

ng gubyerno (ni Aquino) ang kontraktwal na empleyo.”

Ayon sa tala ng PAMANTIK-KMU, aabot na sa 65% ang mga kontraktwal na manggagawa sa rehiyon. Kalakhan ay nakakalat sa automotive, electronics, semi-conductors, at service industries tulad ng Toyota, EMI Yazaki, Takata at Hoya Glass Disk.

“Tinatanggihan ni Aquino ang

lahat ng hiling ng manggagawa—ito man ay maging dagdag sahod, benepisyo, trabaho, o karapatan. Bilang masugid na tuta ng imperyalismo at mga lokal na naghaharing-uri, ginagamit niya ang umano’y posibilidad ng tanggalan kapag pinagbigyan ang mga hiling ng mga manggagawa upang takutin ang mamamayan at pigilan itong ipanawagan ang kanilang mga karapatan. Ngunit manggagawa mismo ang makapagpapatunay na pawang

kasinungalingan ang mga ito. Manggagawa ang makapagpapatunay na matapos ang kanilang pagpapagal , mi lyun-milyon ang iniuuwi ng mga kapitalista araw-araw,” dagdag ni Rosales.

Lumundo ang isang linggong kampuhan ng mga

manggagawa sa malawakang pagkilos na nilahukan ng mahigit 4000 mamamayan sa Calamba, Laguna; 2000 sa Imus, Cavite; 700 sa Antipolo, Rizal; 1700 sa Quezon; at 1500 sa Palawan. Nakiisa rin ang iba’t ibang sektor tulad ng magsasaka, kabataan, kababaihan at maralitang-lunsod. Sa umaga ng kilos-protesta, naglunsad ng iba’t ibang aktibidad ang Coalition of Auto-Related Industry Workers against Imperialist Domination (CAR-AID), Cabuyao Workers’ Alliance (CAWAL), Alyansa ng Manggagawa sa Purok Industriyal ng Laguna (ALMAPILA), Solidarity of Cavite Workers (SCW) at Organized Labor Association in Line Industries and Agriculture (OLALIA-KMU).

Libu-libong manggagawa, nakiisa sa Araw ng Paggawa

B A L I T A

Page 20: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

Matagumpay na inilunsad ang Pangrehiyong Kumperensya sa Gawaing Propaganda at

Kultura sa Timog Katagalugan noong Hunyo 2013 sa loob ng sonang gerilya na dinaluhan ng mga delegado mula sa iba’t-ibang lalawigan at larangang gerilya at mga sektoral na rebolusyunaryong kilusang masa. Sa temang, Ibayong Pasiglahin ang Kilusang Propaganda at Gawaing Kultural sa Rehiyon, sinuri at pinag-aralan ng mga delegado ang naging karanasan upang makuha ang mga aral sa gawaing propaganda at kultura sa nakaraang tatlong taon. Nabuo rin ang mga

resolusyon na may pangkalahatang layuning mag-ambag ang larangan ng gawaing ito sa pagkakamit ng mga rekisito tungong estratehikong pagpatas.

Ang kumperensya ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa uring manggagawa, uring magsasaka, kabataang estudyante at kababaihan at yunit sa rehiyon sa gawaing nagkakaisang prente. Dumating din ang mga delegado mula sa larangang gerilya ng Central Quezon, Batangas, SQ-BP at Isla ng Mindoro. May kinatawan din ang lalawigan ng Cavite.

Panrehiyong kumperensya sa gawaing propaganda at kultura,matagumpay na inilunsad

Inilunsad ng Alyansa para sa Pagsusulong ng Karapatang

Pantao-Timog Katagalugan o KARAPATAN-TK ang isang kilos-protesta sa harapan ng Department of Justice (DOJ) noong Abril 22, 2013 upang ipanawagan ang katarungan para kina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy, mga biktima ng pampulitikang pamamaslang ng mga elemento ng 204th Infantry Brigade na dating pinamunuan ni Ret. Maj. Gen. Jovito Palparan. Ipinanawagan din ng KARAPATAN-TK sa rehimeng Aquino na parusahan ang mga salarin sa pamamaslang – ang berdugong si Palparan at kanyang mga tauhan.

Si Marcellana ay pangkalahatang kalihim ng KARAPATAN-TK at si Gumanoy ay tagapangulo ng Katipunan ng Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) nang sila ay dukutin, pahirapan

at brutal na paslangin noong Abril 21, 2003. Pinamunuan nila ang isang fact-finding mission noong Abril 19-21, 2003 sa probinsya ng Mindoro Oriental upang siyasatin ang pagdukot sa tatlong magsasaka sa bayan ng Gloria, at ang panununog ng mga ari-arian ng mga sibilyan at pagdukot at pamamaslang sa mga residente sa bayan ng Pinamalayan ng 204th IBde.

Nasa byahe na pabalik ng Calapan ang grupo nina Marcellana at Gumanoy mula Pinamalayan nang harangin ang kanilang sasakyan sa Victoria, mahigit sa limang kilometrong layo lamang sa punong-himpilan ng 204th IBde sa Naujan, at pwersahan silang dukutin ng sampung armadong kalalakihang nakilalang kabilang sa 204th IBde. Kinabukasan, magkalapit na

Katarungan para kina Marcellana at Gumanoy,iginiit ng KARAPATAN-TK

ABRIL-HUNYO 201320 KALATAS

Page 21: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

natagpuan ang kanilang mga labi sa bayan ng Bansud, Oriental Mindoro. Nagtamo ng mga tama ng bala sina Marcellana at Gumanoy habang halos hindi na makilala ang basag na mukha ni Marcellana.

“Isang dekada na akong nangungulila sa kalinga ng aking ina. Napakahirap para sa amin, lalo na noong ako’y pitong taong gulang pa lamang, na tanggapin ang katotohanang pinaslang ang aking ina, kung kaya’t hanggang ngayon ay hindi pa rin kami tumitigil sa paghanap ng katarungan para sa kanya,” ani Danna Marcellana, 17, na luhaang hinaharap ang bawat anibersaryo ng pagkamatay ng ina.

“Isang dekada na ang nakalipas subalit wala pa ring katarungang nakakamit ang aming pamilya,” ani Orly Marcellana, asawa ni Eden Marcellana at tagapagsalita ng KASAMA-TK.

“Ipinangako ni Noynoy Aquino ang hustisya sa mga pamilya ng biktima ng paglabag sa karapatang pantao at pagpapakulong kina Gloria Arroyo at Jovito Palparan ngunit makalipas ng isang dekada at tatlong taon sa termino ni Aquino ay hindi pa rin ito naisasakatuparan,” dagdag ni Orly Marcellana.

Ayon sa KARAPATAN, sampung taon nang naghahanap ang pamilya nina Marcellana at Gumanoy ng lahat ng magagamit

na paraan para pagbayarin ang mga salarin ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring napaparusahan kahit isa sa kanila. Ibinasura ng DOJ ang inihaing kaso ng dalawang pamilya noong 2006 sa kabila nang may malakas na ebidensyang nakuha ang binuong Task Force Calida na nag-iimbestiga sa kaso. Matatandaan na binuwag ng DOJ ang Task Force

Calida nang di pa nakokonsolida ang mga nakalap na ebidensya bagay na isang kaduda-dudang hakbang para iabswelto si Palparan at mga kasabwat. Nakumpirma ang pagdududang ito makaraang bigyan ng parangal ng rehimeng Arroyo si Palparan at itaas ang ranggo mula koronel tungong brigadier general.

“Pabaya ang rehimeng Aquino sa pagsasakatuparan ng mga

rekumendasyon ng United Nation Human Rights Committee, kung saan itinuturo ang rehimeng Gloria Arroyo na responsable sa paglabag sa karapatan sa buhay, kalayaan at seguridad nina Marcellana at Gumanoy at paglabag sa karapatan ng lahat na magkamit ng mabisang remedyo sa ilalim ng mga probisyon ng International Convention for Civil and Political Rights (ICCPR),” dagdag pa nito.

“Hindi na dapat magtaka pa si Aquino kung bakit parami

nang parami ang bilang ng mga nag-aalsa sa ilalim ng

kanyang pamumuno dahil hanggang ngayon, tulad ng

aming pamilya, ay wala pa ring hustisyang nakakamit ang

mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao,” paliwanag ni Danna.

Tuluy-tuloy ang mga kilos-protestang i n i l u l u n s a d n g KARAPATAN-TK upang makamit ang katarungan para kina Marcellana at Gumanoy, at lahat ng biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa

ilalim ng mga nagdaang rehimen hanggang sa kasalukuyan, usigin at papanagutin ang mga nagkakasalang elemento ng reaksyunaryong gubyerno at militar, mabigyan ng kaukulang bayad-pinsala ang pamilya ng mga biktima, at magbuo ng mga kaukulang hakbang upang tiyakin na hindi na magaganap ang mga paglabag sa karapatang pantao sa hinaharap.

ABRIL-HUNYO 2013 21 KALATAS

Page 22: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

Matapang na isinatinig ng mga kabataan at maralita sa isang raling iglap ang pagkundena

sa ika-115 “Araw ng Kalayaan” na ibinandila ng reaksyunaryong rehimeng US-Aquino noong ika-12 ng Hunyo sa Kawit, Cavite. Marahas na dinispers ang mga nagprotesta ng mga ahente sa paniktik at mga pulis.

Labinlima sa mga nagprotesta ang hinuli, iligal na idinitine sa Imus, Cavite at sinampahan ng kasong public disturbance. Mula sa Kawit, nagtungo ang may 100 katao sa Imus at ipinagpatuloy ang kanilang protesta hanggang sa tuluyang palayain ang mga inaresto na kalakhan ay mga kabataan.

Ginanap ang raling iglap kasabay ng flag raising ceremony sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite, kung saan ipinanawagan ang islogang “Hunyo 12: Huwad na Kalayaan” at ang pagbabasura sa proyektong Public-Private Partnership o PPP na nakaambang magdemolis sa libu-libong maralitang lungsod sa lalawigan ng Cavite.

Panauhing pandangal sa programa ng lokal na gubyerno si Senador Franklin Drilon na nagmalaki

ng mga tantos na nagpapakita umano ng pagiging susunod na pang-ekonomyang tigre ng Pilipinas sa Asya sa ilalim ng rehimeng US-Aquino.

Tinawag namang “huwad at mapanlinlang” ang mga istadistikang ito ni Marlyn Gonzales, deputy secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan-Cavite. Aniya, “Walang tunay na kalayaan dahil patuloy ang pagtaas ng disempleyo sa bansa at kahirapan ng karaniwang mamamayan. Tanging

ang mga dayuhan sa pangunguna ng Imperyalistang US at papet nitong pangkating Aquino ang nakikinabang.”

“ I s a n g ka b a l i nt u n a a n a n g paggunita sa araw ng huwad na kalayaan habang ang sambayanang

Pilipino ay nananatiling dayuhan sa sariling bayan,” pahayag naman

ng National Democratic Front (NDF)-Cavite.

“Makakamit lamang ang tunay na kalayaan ng bansa sa kontrol ng imperyalismo k u n g i p a g p a p a t u l o y a t

ipagtatagumpay ang nabalam na rebolusyon nina Bonifacio at ng Katipunan,” pagtatapos ng NDF-Cavite.

“Hunyo 12: Huwad na Kalayaan!” sigaw ng mamamayan sa Cavite

Mga mangingisdang biktima ng demolisyon sa Calatagan, sinampahan ng gawa-gawang kaso

Naglunsad ng isang piket-protesta ang mga mangingisdang biktima ng demolisyon sa

Barangay Talisay, Calatagan noong Hunyo 3 sa harap ng panlalawigang Bulwagan ng Katarungan. Isinabay ang pagkilos sa pagdinig sa gawa-gawang kasong isinampa sa kanilang 14 na kasamahan.

Pinangunahan ng Alyansa ng Mamamayan Laban sa Demolisyon at Dislokasyon (ALDD) ang inilunsad na pagkilos kasabay ng pagsumite ng mga biktima ng kanilang kontra-salaysay sa harap ni Fiscal Ma. Isabel Tibayan Mella laban sa mga gawa-gawang kasong Malicious Mischief, Inciting to Sedition at Arson na isinampa ni dating Court of Appeals Justice Arcangelita Lontok laban sa kanila noong Abril 2013.

Hindi pa man natatapos ang pagdinig at imbestigasyon sa reklamong nabanggit ay nagsampa na naman si Lontok ng reklamong libelo laban sa mga mangingisda sa Las Piñas City Prosecutor’s Office.

Naganap ang marahas na demolisyon sa Barangay Talisay noong Abril. Ang lupa sa baybaying dagat na sumasaklaw sa tirahan ng mga mangingisda na inaangkin ni Lontok ay isa sa 19 na barangay na sa mahabang panahon ay inangkin ng pamilyang Zobel. Sa kabila na naglabas ang reaksyunaryong Korte Suprema noong 2008 ng desisyong hindi pagmamay-ari ng pamilyang Zobel ang 2000 ektaryang lupa sa baybaying dagat ng Calatagan, makalipas ang limang taon, bigo ang mga mangingisda sa kanilang

ABRIL-HUNYO 201322 KALATAS

Page 23: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

panawagang maibalik ang lupang kinamkam ng mga Lontok at Zobel.

Malinaw sa karanasan ng mga taga-barangay Talisay na kailanman hindi pumapanig ang reaksyunaryong batas sa mga maliliit na mamamayan kundi sa mga makapangyarihang panginoong maylupang katulad ng mga Lontok at Zobel.

Higit na nagiging malinaw sa masang mangingisda na kailan man ay hindi makakatagpo ng hustisyang panlipunan ang mga api at pinagsasamantalahan sa bulok na reaksyunaryong sistema ng hustisya. Ang mga reaksyunaryong batas ay nagsisilbi para tabingan ng ligalidad ang sistematikong pangangamkam ng lupa at patatagin ang kapangyarihan ng iilang asyendero-kumprador tulad ng mga Lontok at Zobel.

Walang reporma sa lupa sa balangkas ng reaksyunaryong gubyerno ang lulutas sa malaon nang problema sa kawalan ng lupa ng masang magsasaka. Upang mawasak ang pyudal at malapyudal na paghahari ng mga asyendero-kumprador, kailangang lansagin ang monopolyo sa lupa sa kanayunan at isabansa’t kumpiskahin ang lupaing pag-aari ng uring panginoong maylupa, burgesya-kumprador at mga imperyalista.

Tutuparin ng demokratikong rebolusyon ng bayan ang dantaong suliranin ng kawalang lupa sa buong bayan. Sa malawak na bahagi ng kapuluan kung saan matagumpay na naitatag ang mga organo ng kapangyarihang pampulitika ng mamamayan, hakbang-hakbang na nilalansag at pinahihina ang kapangyarihan ng mga panginoong maylupa at burgesya-kumprador na nakasandig sa monopolyong pag-aari sa lupa. Sa mga lugar na ito, ipinatutupad ang minimum na programa ng rebolusyong agraryo—pagpapababa ng upa-sa-lupa, pagpawi ng usura, pagtataas ng sahod ng mga manggagawang bukid, pagpapataas ng presyo ng produktong bukid at pagpapataas ng produksyon—at sa ilang piling kaso, ipinatutupad ang maksimum na layunin ng rebolusyonaryong reporma sa lupa—ang kumpiskasyon ng mga lupaing pag-aari ng mga panginoong maylupa at libreng pamamahagi sa masang magsasaka na kulang o walang lupa.

Makakamtan ng masang magsasaka ang hinahangad na katarungang panlipunan laban sa pang-aapi at pangangamkam ng lupa ng mga asyendero-

kumprador tulad ng mga Zobel at Lontok kung tatahakin nila ang landas ng armadong rebolusyon.

ABRIL-HUNYO 2013 23 KALATAS

Page 24: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

C-6 Extension, pinsala sa mamamayan

Sa balangakas ng programang Public-Private Partnership (PPP), nais ng reaksyunaryong

rehimeng US-Aquino na bigyan-daan ang konstruksyon ng Laguna de Bay Flood Control Dike Expressway o C-6 Extension. Tinatayang aabot sa P42.38 bilyon o $985.58 milyon ang gagastusin sa 43.6 kilometrong haba ng C-6 Extension na may apat na lane kabilang ang mga tulay, pumping stations at karagdagang (ancillary) flood gates. Dadaan ito sa hangganan ng mga lunsod ng Taguig, Parañaque at Muntinlupa hanggang sa mga bayan ng Biñan, Sta. Rosa, Cabuyao, lungsod ng Calamba at magtatapos sa Los Baños sa Laguna.

Tinatayang aabot sa 400,000 mamamayan ang nanganganib na mawalan ng tirahan dahil sa proyektong ito. Wawasakin nito ang mga komunidad ng maralita na nakatira sa kahabaan ng mga bayang nabanggit at mga nakatira sa baybay ng lawa na pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan.

Ayon sa pahayag ng Pamalakaya at Anakpawis partylist, sisimulan ang demolisyon pagkatapos ng reaksyunaryong eleksyon ng taong ito sa mga maralitang pamilya na nakatira sa mga bayan ng Sta. Cruz, Sta. Maria, Mabitac at San Pedro sa Laguna upang magbigay daan sa pagtatayo ng mga flood control structures sa kahabaan ng mga bayang ito. Ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) mismo ang nagtakda ng timetable para sa pagtatapos ng konstruksyon ng mga nasabing istruktura.

Kinukwestyon ng dalawang grupo ang ibinigay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa LLDA na P780 milyong pondo para sa proyekto at iginiit na hindi kabilang sa trabaho ng LLDA ang pagsasagawa ng proyektong ito.

Inaatasan lamang ang LLDA ng reaksyunaryong batas na pangalagaan at panatilihin ang 90,000 ektaryang lawa para sa kapakinabangan ng mga mangingisda at magsasakang pamilya na naninirahan sa palibot ng lawa kaya’t hindi nito saklaw ang mga

gawaing-bayan ng mga lokal na yunit ng gubyerno o ng DPWH.

Ganunpaman, ginagamit na sangkalan ng reaksyunaryong rehimen at mga ahensya nito ang pangangailangang ibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa mga pambansang hiway mula Los Baños hanggang Muntinlupa sa pamamagitan ng konstruksyon ng C-6 Extension. Magsisilbi rin ito diumano bilang hakbang sa pagkontrol ng baha sa baybay ng lawa. Sa kabilang banda, nangangamba ang malaking bilang ng mamamayan sa pagbaha na maaaring maganap sa iba pang baybaying bayan ng Laguna na posibleng epekto ng itatayong mga dike.

Samantala, nagdesisyon naman ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna na magsagawa ng sarili nitong proyektong 22-kilometrong bypass road sa pagitan ng Calamba at bayan ng Bay, labas pa sa itatayong C-6 Extension ng DPWH. Ayon sa gobernador ng lalawigan na si Jeorge “ER” Ejercito ang C-6 Extension ay sa taong 2016 pa magsisimula samantalang agad nang itatayo ang nasabing bypass

road sa balangkas din ng PPP ng reaksyunaryong rehimeng US-Aquino.

Itatayo ito sa kahabaan ng dalampasigan ng lawa ng Laguna, na magdudugtong sa empresang industriya ng Canlubang sa lungsod ng Calamba at bayan ng Los Baños. Katulad ng pambansang pamahalaan, ginagawa ring dahilan ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna ang diumano’y paglutas sa problema ng trapiko ng pambansang highway sa Calamba at at Los Baños sa pamamagitan ng pagtatayo ng alternatibong ruta para sa mga motorista.

Walang pagkalinga sa interes ng mga maralita, ipinagmalaki pa ni Ejercito na diumano’y marami nang pribadong kumpanya ang nagpahayag ng interes para sa pakikisosyo sa pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng iskemang Swiss challenge. Ang iskemang ito, ayon sa National Economic and

Sundan sa pahina 25

ABRIL-HUNYO 201324 KALATAS

Page 25: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

Laiban Dam, salot sa mga katutubo at mamamayan

Sa kabila ng tatlong dekadang pagtutol ng mga katutubo at mamamayan, muling binuhay ng

rehimeng US-Aquino ang pagtatayo ng Laiban Dam sa balangkas ng programa nitong Public-Private Partnership (PPP).

Ayon sa isang ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), nagsumite ang San Miguel Bulk Water Corporation (SMBWC) ng isang panukala para itayo at patakbuhin ang Laiban Dam sa Tanay, Rizal sa halagang P52 bilyon. Pumapabor ang proyektong ito sa tiyuhin ni Benigno Aquino na si Danding Cojuangco.

Taong 2003 pa binabalak na buhayin ang Laiban Dam ng administrasyong Arroyo sa pamamagitan ng pangungutang sa Asian Development Bank (ADB) at sa bansang Tsina ng $190 milyon. Tulad ng maaanomalyang proyekto sa panunungkulan ni Arroyo gaya ng NBN-ZTE, binalak din nyang gamitin ang Laiban Dam para makakulimbat ang kanyang pamilya at mga kaalyado.

Ang panukala ng SMBWC ang pinakahuling pagtatangkang buhayin ang proyektong ito matapos abandonahin ng Metropolitan Waterworks and

Sewerage System (MWSS) noong 1989. Bukod sa tiyak ang magiging ganansya ng pamilyang

Aquino sa pagtatayo ng Laiban Dam, magpapalayas ang proyektong ito sa 10,000 mamamayan, kabilang dito ang mga katutubong Dumagat. Wawasakin din ng proyektong ito ang 27,800 ektarya ng lupang ninuno at lupang agrikultural.

Ginagamit na dahilan ni Aquino ang diumano’y kakulangan sa tubig upang ituloy ang pagtatayo ng Laiban Dam. Ito ay isang malaking kasingungalingan dahil matagal na sanang nabigyang-solusyon ang sinasabing kakulangan ng tubig sa Metro Manila kung ginawa lamang ng

mga pribadong kumpanyang Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc. ang obligasyon nitong paunlarin ang

pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan.Mula nang mapribatisa ang MWSS noong 1997,

bigo ang mga kumpanyang ito na paunlarin ang pagbibigay ng serbisyo para sa sapat na malinis na tubig sa mamamayan ng Metro Manila. Nananatiling

Development Authority (NEDA), ay tumutukoy sa unsolicited bid para sa isang proyekto kung saan ang nagpapanukala nito ang nagbibigay ng proposisyon at nakikipag-areglo ng mga termino at kondisyon sa reaksyunaryong pamahalaan. Muling isasailalim ang panukala sa proseso ng bidding kung saan ang bagong bidder ay maaaring hamunin ang orihinal na bidder o magsusumite ng sarili nitong panukala. Ang

orihinal na bidder ay may opsyong tapatan ito at ang may pinakamagandang panukala ang idedeklarang panalo. Walang ipinagkaiba sa iba pang proseso ng bidding, ang iskemang swiss challenge ay hindi katiyakang walang anomalya at korupsyong magaganap.

Kaliwa’t kanan ang mga p ro ye k to n g i p i n at u t u p a d sa rehiyon sa balangkas ng programang Publ ic-Private Partnership (PPP) para iangkop

sa pangangailangan sa negosyo ng mga dayuhan. Pagpapatuloy ito sa anti-mamamayan at makadayuhang CALABARZON Project at Luzon Urban Beltway ng rehimeng US-Arroyo na patunay lamang na interes ng mga imperyalistang bayan at lokal na naghaharing-uri ang isinusulong ng kasalukuyang reaksyunaryong rehimen habang patuloy ang paggiba sa mga maralitang komunidad na sadlak sa sobrang kagutuman at kahirapan.

Mula sa pahina 24C6 Extension

Sundan sa pahina 26

ABRIL-HUNYO 2013 25 KALATAS

Page 26: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

Walong armas ang nasamsam ng Bienvenido Valleber Command-Bagong Hukbong Bayan

(BVC-BHB) sa isinagawa nitong reyd sa Salvamar Pearl Farm sa Isla ng Cagdanao, Barangay Pangpang Taytay, Palawan noong ika-15 ng Abril 2013.

Walang nasaktan sa nasabing reyd ng mga Pulang mandirigma. Nasamsam ang walong shotgun at mga kagamitang pangkomunikasyon mula sa mga gwardya ng nasabing Pearl Farm na pagmamay-ari ng panginoong m a y l u p a n g s i Danding Cojuangco, tiyuhin ni Benigno Aquino.

74th IB, binigwasan ng AMC-BHB sa isang engkwentro sa Catanauan, Quezon

Labing apat na sundalo ng 74th Infantry Battalion ng Philippine Army (IBPA) ang nasawi nang

bigwasan ito ng Apolonio Mendoza Command (AMC)-Bagong Hukbong Bayan (BHB) Quezon sa 19-minutong labanan sa Sityo Pange, Bgy. Ilayang Doongan, Catanauan, Quezon noong Mayo 31, 2013.

Agad na naagaw ng AMC-BHB Quezon ang inisyatiba sa labanan at epektibong nakuha ang

opensibang postura upang biguin ang 74th IB sa tangka

nitong pinsalain ang yunit ng BHB. Pinaulanan ng putok ng mga Pulang mandirigma ang

74th IB kasabay ng paggamit ng command detonated explosives (CDX).

Dahil sa pagkabigo, binalingan ng galit ng 74th IB ang rumespondeng quick reaction force (QRF), mga organisasyon sa karapatang pantaong nagtitiyak ng kaligtasan ng mga sibilyan sa pinangyarihan ng labanan. Tinutukan at pinaputukan ng 74th IB ang QRF at tinakot ang ilang boluntaryo nito kasama ang ilang mga residente sa lugar.

Naitalang 27 indibidwal na ang lumikas upang umiwas sa tumitinding panggigipit at pandarahas ng mga miyembro ng 74th IB na bahagi ng isinasagawa nilang pursuit operations. Hindi nito pinag-iiba ang mga ligal na organisasyong masa at civilian communities mula sa rebolusyonaryong armadong pwersa na lehitimong nagsusulong ng armadong pakikidigma. Ang mga ganitong hakbangin ng kaaway ang lalong naglalantad sa pasista nitong katangian at higit na nagpapaalab sa diwa ng mamamayan upang lumaban at isulong ang rebolusyon.

Sampal din sa rehimeng US-Aquino at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tinamong pinsala ng 74th IB. Taliwas sa pahayag ng AFP na humihina na ang BHB sa Quezon, ang tagumpay ng AMC ay patunay ng tuluy-tuloy na paglakas ng armadong pakikibaka sa probinsya.

Pearl Farm ni Danding Cojuangco, ni-reyd ng BVC-BHB

mataas ang insidente ng nasasayang na tubig, na umaabot ng 70% sa ilang bahagi ng Metro Manila, dahil sa mga sira-sirang tubo at daanan ng tubig.

Dagdag pa rito, ang pagtatayo ng Laiban Dam ay hindi katiyakang makakaabot ang mura at malinis na tubig sa mga mahihirap na mamamayan sa Kamaynilaan, batay na rin sa mahigit sampung taong rekord ng mga pribadong kumpanyang ito.

Ang katotohanan, ang pagtatayo ng malalaking dam ay ginagamit na mekanismo ng mga naghaharing-uri upang kontrolin at gawing negosyo ang pagsusuplay ng tubig sa mamamayan. Pinapahintulutan ng ganitong klaseng mga proyekto ang mga pribadong kumpanya na kontrolin ang yamang-tubig ng bansa.

Samantala, determinado ang mga katutubo, mamamayan, at buong rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon na isulong ang demokratikong kilusang masa upang labanan ang Laiban Dam at ang lahat ng mga proyektong anti-mamamayan at maka-dayuhan.

Mula sa pahina 25Laiban dam

ABRIL-HUNYO 201326 KALATAS

Page 27: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

Tatlong sundalo ng 76th Infantry Battalion ng Philippine Army (IBPA) ang sugatan sa

isang operasyong haras na inilunsad ng Lucio de Guzman Command-Bagong Hukbong Bayan (LGDC-BHB) Mindoro sa Sitio Naibuan, Bgy. Batasan, San Jose, Occidental Mindoro noong April 25, 2013.

Kasalukuyang naglulunsad ng operasyong pangkombat ang isang iskwad ng Bravo Company ng 76th IBPA nang paputukan ito ng isang tim ng BHB. Samantala, walang nasaktan at ligtas na nakaatras ang Hukbo. Tiniyak din nila na walang masasaktang sibilyan sa inilunsad ng taktikal na opensiba (TO).

Ayon kay Ka Higom Maragang, tagapagsalita ng LGDC-BHB Mindoro, ang mga putok na pinakawalan ng tim ng BHB laban sa 76th IBPA ay pagsalubong ng Hukbo at rebolusyonaryong mamamayan sa probinsya sa pagdiriwang ng ika-40 taong anibersaryo ng NDFP at pagbigo sa tuluy-tuloy at sustinidong operasyon ng 76th IBPA sa mga bayan ng Rizal, San Jose at Magsaysay.

Mula nang dumating ang 76thIBPA sa probinsya nitong huling linggo ng Pebrero, nagdeploy ito ng Peace and Development Teams upang maglunsad ng mga operasyong militar sa mga sityo ng Ibanag, Naibuan, Kianay at Kalinisan sa San Jose at sa Sityo Nalwak at Hinango, Bgy. Pornaga, Magsaysay, kung saan higit sa dalawang linggong nagkampo ang kaaway sa gitna mismo ng mga pamayanan.

Mahigpit na tinututulan ng mamamayan ang presensya ng mga militar sa pamayanan ng mga Mangyan at magsasaka na nagdudulot ng labis na takot at sumasagka sa kanilang araw-araw na gawain sa bukid at kabuhayan.

3 Sundalo ng 76th IB sugatan sa TO ng BHB sa San Jose, Occidental Mindoro

Sampung armas ang kinumpiska ng Apolonio Mendoza Command-Bagong Hukbong

Bayan mula sa mga bayarang armadong grupo nina Joel Arago at Sonny Ubana, mga kandidato sa pagka-alkalde sa bayan ng Lopez, Quezon nitong nakaraang eleksyon. Mahigpit na ipinagbabawal ng rebolusyonaryong gubyerno sa nasasaklawan nito ang pagpasok ng mga pulitiko na may kasamang armadong goons sa pangangampanya. Layunin nitong tiyakin ang seguridad ng mamamayan at pigilan ang anumang pinsalang maaaring idulot ng presensya ng reaksyunaryong armadong pwersa.

Naging mapayapa at walang nasaktan sa dalawang insidente ng kumpiskasyon. Kabilang sa mga armas na nakumpiska ang apat na .45 pistola, dalawang .38 kalibre at isang sub-machine gun na may 9mm na bala noong Mayo 3 mula sa mga upahang armadong grupo ni Ubana; at isang .45 kalibre, 9 mm at .38 pistola ang kinumpiska naman noong Abril 12 mula sa mga bayarang tauhan ni Arago.

Kasabwat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang reelectionist na si Ubana sa pagpapatupad ng Oplan Bayanihan sa bayan ng Lopez. Pinahihintulutan nito ang mga operasyon ng Peace and Development Teams (PDT’s) na nagdudulot ng kapinsalaan sa mamamayan sa komunidad. Nagbubulag-bulagan ito sa talamak na pagalabag sa karapatang pantao ng mga bayarang militar tulad ng harasment at pag-aresto ng mga sibilyan.

10 armas mula sa armadong goons, kinumpiska ng AMC-BHB sa Quezon

ABRIL-HUNYO 2013 27 KALATAS

Page 28: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

K U L T U R A

ABRIL-HUNYO 201328 KALATAS

Lupa, araro, binhi, putikLupa, palay, karit, bukidLupa, pawis, butil, buhayLupa, bayan, dugo, alay.

Ang putikang paa’y humahalikSa lupang nagngangalit ang tarik Inaawit ang himig ng digmaSaksi sa bawat sigwa.

Tangan ko ang aking sandataUpang bawiin ang ninakaw na lupaLupa na bayan ko ang nagmamay-ariNa niyurakan ng mga kunwa’y hari.

Lupa na pinagyaman ng bawat patakNg dugo na sa puso’y tumarakNg mga martir na naghawi ng landasUpang kalayaan ay ating maranas.

Inang Bayan, malaya ka nga bang tunay?Kung gayon, bakit nakagapos ang iyong kamay?Ang iyong mga mata’y nakapiring.May busal ang iyong bibig.

Bulag nga ba sa katotohanangNa ika’y bihag ng kasinungalingan Ng huwad na kalayaanNa nilikha ng mga gahaman.

Ilang beses ng tinapakanAt harapang pinagsamantalahanAng dangal mo at puriNg mga nagpapanggap na hari.

Lupa at ReboLusyon

Lupa na nagbunga ng mga bayaniNa nagpamalas ng katangi-tangiNa mga sakripisyo na kanilang inalaySa lupang kanilang bayan at buhay.

Ikaw na may hawak ng karitTangan ang nag aapoy na galitTumindig ka at lumabanLumahok sa digmaan.

Yakapin mo ang apoy ng rebolusyonBilang natatanging dakilang solusyonUpang sa gapos ng pagsasamantala’y makawalaKasabay sa pagpapalaya sa minamahal na lupa!

KaLayaanInang Bayan, gumising kaAlisin ang piring sa iyong mataBusal sa bibig ay tanggalinGapos sa kamay ay kalagin.

Ito ang panahon upang lumabanAt ipagpatuloy ang himagsikanUpang isulong ng sambayananAng inaasam nitong kalayaan.

Inang Bayan, lumaya ka sa pananahimikAt tanganan ang maso’t karit na naghihimagsikPagkat sisikat sa silanganAng mapulang araw ng kalayaan!

ni Lire Rosa

ni Lire Rosa

Page 29: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

Wari bang nagtutungayaw ang tilaok ng manok,Sasal at balisaSa pagpunit ng umagang maghahatid ng madugong balitaTulad ng buong bayanAng mga tandang ay tila rin nagpuyatSapagkat kagabi’y di pinatulog ng mga tunog ng armalayt…

Magdamag naghabulanHanggang mga aso’y napagod magtahulanNangamba, nakinig, nakiramdamHindi na naman napayapa ang buong bayan.

At sa pagbungad ng bukang-liwaywayKaraniwan nang tutunghay ang mga bangkaySublit ano’t nagliliyab ang kalangitan?Sinunog pala ni Major ang kubo ni Juan!

Nagkalat ang mga abo ng haligi’t mga sako ng palayNilapastangan pati ang bunga ng dakilang pagpapagalNawala ang mga hayop, winasak ang mga tanimAnong takot ang hatid sa musmos na supling!

Humihikbi, umiiyak…nananangis ang mga inang nawalan ng anak.Nag-aalimpuyo ang kalooban ng mga amang ang dangal ay niyurakNang ang payapa nilang buhay ay winasakLumuluha, nagpapaalam ang mga anakKami ngayon ay mag-aaklasAng digmang ito’y magwawakasAng mga ina, ama, anaksa ngalan ng hustisya’y magpupumiglas!

Tala ng may akda:Isinulat noong ika-1 ng Setyembre, 2009. Halaw ito sa totoong kwento ng mga bahay ng magsasaka na sinunog sa Natipan, Nasugbu noong January 30, 2008 sa kalagitnaan ng operasyong militar.

ABRIL-HUNYO 2013 29 KALATAS

Operasyong Militarni Adel Serafin

Page 30: E D I T O R Y A L Rebolusyon ang Tunay na Magpapalaya sa

ABRIL-HUNYO 201330 KALATAS

Kumakaway ang kanilang mga kamay sa may kalayuan sa kalsadaSa tuwing umiihip ang hanging binago na ng mga lason ng pabrikaTila humihingi ng sakloloAnimo’y laksa-laksang nalulunodNalulunod sa mga banta...at laway ng mga ganid na nagnanasa...

Ang mga kaibigan niya’y lulutang sandaliMaghahanap ng tulong......ngunit bigo itong dadapo...hahaponAng mga huni at siyap nila ay wala na sa panahonRamdam ang pagkabahala...ang pagkatakot

Ang mga dating malayang nangangalugad at nanginginainAy naitataboy na sa kaparangan at mga dating di nila inaabot

Sa tuwing uugong ang lagaring de makina...at dambuhalang humuhukay at nagdadala ng lupaDi sila mapakali o mahimbing sa pahingaLalu pang titindi ang pagkatakot...ang pagkabahala

Sa yabag ng mga bota ng mga sundalong pasistaTila mga asong ulolnanlilisik ang mga mataHahalughugin... Hahalughugin...Hahalughugin nila ang kagubatanMaghahanap raw ng rebeldeWala naman matagpuanMaghahasik... Maghahasik...Maghahasik sila ng binhi ng kadilimanKanilang igagawa ng daraanan ang mga gahamanUpang paglao’y nakawin ang yamanTila sanggol na dudukutin sa sinapupunan

Ang kagubatang dati ay nalililiman ng malalaking kahoyAy nilulukuban na ngayon ...ng karimlan

...ng kasakimanHindi na huni ng mga hayop ang namamaraliKundi mga halakhak!Halakhak ng mga halimaw na magnanakaw

Hindi na sasapat ang pagkaway at paghingi ng sakloloKailangan nang manawaganKailangan nang gisingin ang mga natutulog na tao

Kapag lumusong na...Kapag lumusong na ang mababangis na hayop ng kagubatan

Wala na silang ibang kanlunganKundi ang mga kabukiran at mga kabahayanBuhay man ang kapalit sila ay makikipagsapalaranIhahatid nila ang panaghoy Panaghoy at pagtangis ng kalikasan!

Kapag lumusong na...Kapag lumusong na ang mababangis na hayop ng kagubatan

Ito na ang hudyat!Hudyat sa mamamayan!Umahon sa kabundukan! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

Ang mga halakhak ng mga gahaman at mga sundalong kawatanay patatahimikin ng alingawngaw ng mga bala!Ang karimlan ay tatanglawan ...ng mga manggagawa at magsasakang Partido Komunistang kandila nila!

Rebolusyon lamang ang gagapi sa mga gahamang naghahari sa lipunan!Rebolusyon lamang ang sasalba sa kalikasan!Rebolusyon lamang ang magbibigay katiyakan sa kinabukasan!

Gisingin ang buong bayan!Isulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan!

Kapag Lumusong na ang mababangis na Hayop ng Kagubatanni Ka Martin