22
BASAHIN AT TALAKAYIN Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan TOMO 37 BILANG 3 HULYO-SETYEMBRE 2015 E D I T O R Y A L Pagkatapos na pagkatapos lamang ng huling SONA ni Aquino, sumambulat na ang malalim na hidwaan ng mga magkakaribal na kampo ng mga naghaharing uri na naghahangad na maluklok sa kapangyarihan. Akbo ang burgis na masmidya at mga salamankero ng opinyong publiko na ikundisyon ang isip at pansin ng mamamayan palayo sa pinakamaiinit na usapin at problemang panlipunan tungo sa nalalapit na paligsahang elektoral. Subalit di mapagtatakpan ng anumang hinabing kwento ng kaunlaran ang masahol na krisis ng naghaharing sistema bilang salik na naglalagay sa unahan ng mga saligang usaping panlipunan tulad ng kawalan ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, malubhang disempleyo at kawalang seguridad sa trabaho, aliping sistema ng pasahod, talamak na korapsyon, palpak na serbisyong panlipunan, panunupil at grabeng kagutuman. Ang mga ito ang di maipagkakailang dahilan ng pagkasadlak sa mamamayan sa labis na paghihikahos at kahirapan. Sapul pa sa panahon ng kolonyal na Pilipinas, walang gasinong ipinagbago ang saligang katangian ng lipunang Pilipino—nanaling atrasado, agraryan at pre-industriyal ang bansa. Paano matatamo ang pambansang kaunlaran kung walang umiiral na tunay na demokrasya’t panlipunang Rebolusyon, hindi eleksyon I lang buwan bago ang halalang presidensyal, nabubuo na ang larawan ng paligsahan sa pagitan ng mga naghahangad na maupo sa pinakamataas na pusisyon sa loob ng reaksyunaryong gubyerno. Nauna nang nagdeklara sina Jejomar Binay at Mar Roxas na kapwa lalaban sa pagkapangulo. Pirmido na ang tambalang Grace Poe-Chiz Escudero. Kamakailan lamang ay nagdeklara na sina Antonio Trillanes IV at Alan Cayetano na kapwa tatakbo bilang pangalawang pangulo. Pinaiingay na rin ng burgis na masmidya ang pangalang Bongbong Marcos at Leny Robredo na posibleng tumakbong pangalawang pangulo at Rodrigo Duterte na potensyal na tatakbo sa pagkapangulo.

E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

BASAHIN AT TALAKAYIN

Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan

TOMO 37 BILANG 3 HULYO-SETYEMBRE 2015

E D I T O R Y A L

Pagkatapos na pagkatapos lamang ng huling SONA ni Aquino, sumambulat na ang malalim na hidwaan ng mga magkakaribal na kampo ng mga naghaharing uri na naghahangad na maluklok sa kapangyarihan. Aktibo ang burgis na masmidya at mga salamankero ng opinyong publiko na ikundisyon ang isip at pansin ng mamamayan palayo sa pinakamaiinit na usapin at problemang panlipunan tungo sa nalalapit

na paligsahang elektoral.

Subalit di mapagtatakpan ng anumang hinabing kwento ng kaunlaran ang masahol na krisis ng naghaharing sistema bilang salik na naglalagay sa unahan ng mga saligang usaping panlipunan tulad ng

kawalan ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, malubhang disempleyo at kawalang seguridad sa trabaho, aliping sistema ng pasahod, talamak na korapsyon, palpak na serbisyong panlipunan, panunupil at grabeng kagutuman. Ang mga

ito ang di maipagkakailang dahilan ng pagkasadlak

sa mamamayan sa labis na paghihikahos at

kahirapan.

Sapul pa sa panahon ng kolonyal na Pilipinas, walang gasinong

ipinagbago ang saligang katangian ng lipunang Pilipino—nanatiling atrasado,

agraryan at pre-industriyal ang bansa. Paano matatamo ang pambansang kaunlaran kung walang umiiral na tunay na demokrasya’t panlipunang

Rebolusyon, hindi eleksyon

Ilang buwan bago ang halalang presidensyal, nabubuo na ang larawan ng paligsahan sa pagitan ng mga naghahangad na maupo sa pinakamataas na pusisyon sa loob ng reaksyunaryong gubyerno. Nauna nang

nagdeklara sina Jejomar Binay at Mar Roxas na kapwa lalaban sa pagkapangulo. Pirmido na ang tambalang Grace Poe-Chiz Escudero. Kamakailan lamang ay nagdeklara na sina Antonio Trillanes IV at Alan Cayetano na kapwa tatakbo bilang pangalawang pangulo. Pinaiingay na rin ng burgis na masmidya ang pangalang Bongbong Marcos at Leny Robredo na posibleng tumakbong pangalawang pangulo at Rodrigo Duterte na potensyal na tatakbo sa pagkapangulo.

Page 2: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

NILALAMAN

HULYO-SETYEMBRE 20152 KALATAS

HULYO-SETYEMBRE 2015Tomo 37 Bilang 3

1 Editoryal

5 Ang reaksyunaryong eleksyon ay instrumento ng dominasyon ng naghaharing pangkatin sa bansa

9 Paigtingin ang kilusang talsik laban sa reaksyunaryong rehimeng US-BS Aquino

11 Rebolusyon ang maghahatid ng pagbabago

hindi ang “Tuwid na Daan” ni BS Aquino

13 Labanan ang imperyalistang pandarambong na hatid ng APEC Summit 2015

15 Pulang Saludo sa mga Martir at Bayani ng Quezon

16 Huling SONA ni BS Aquino, sinalubong ng protesta

17 Andrea Rosal, nakalaya na

18 Fil-Am Friendship Day, sinalubong ng protesta

19 Bigkisan ng magniniyog sa Quezon

Serye ng mga operasyong militar, binigo sa Mindoro

20 Balitang TO

21 Bantay Karapatan

22 Kultura

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Pamatnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:

[email protected]

hustisya at patuloy na binabansot ng imperyalismong US ang lokal na industriya habang nananatiling nasa kontrol ng nagpapakabundat na mga naghaharing angkan ng kumprador-asendero-burukrata ang kapangyarihan sa ekonomiya at pulitika ng bansa?

Taliwas sa itinatambol ng mga repormistang burgis na ang reaksyunaryong eleksyon ang patunay na umiiral at buhay na buhay ang demokrasya sa Pilipinas, sa katunayan, ito’y isang hungkag na ehersisyong pampulitika, isang sarswela sa pagitan ng mga naghaharing pangkatin at pinakamasunuring aso ng imperyalistang US kung saan pinagmimistulang lehitimo ang paghahari ng mga nananalong pulitiko.

Walang tunay na demokrasyang umiiral sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na sistema ng Pilipinas. Mula sa pagtatayo ng gubyernong Komonwelt kung saan pinairal ang sistema ng dalawang-partido hanggang sa pagsibol ng sistemang maraming-partido pagkaraang ibagsak ang diktadurang Marcos noong 1986 at hanggang sa kasalukuyan, hindi ang popular na kagustuhan ng malawak na mayorya ang nangibabaw sa bansa.

Sa esensya, ang mga “naihalal” sa pinakamatataas na katungkulan sa burukrasya ay nailuklok sa pusisyon dahil sa impluwensya ng salapi, koneksyon sa malalaking negosyo at dayuhang interes, at suporta ng US. Bawat presidente at bise presidenteng nailuklok sa kapangyarihan ay laging may ayuda ng salapi at impluwensya ng malalaking dinastiyang angkan ng mga kumprador-asendero-burukrata at ng US.

Isang nagpapatuloy na siklo na ang bawat naihahalal sa reaksyunaryong gubyerno ay habambuhay nang may utang na loob sa mga nag-ambag ng pinakamalalaking kontribusyon sa panahon ng halalan. At ano ang kapalit nito? Iginagawad ng mga nailuklok sa kapangyarihan ang pinakamalalaking kontrata ng reaksyunaryong gubyerno upang pagkakakitaan ng kanilang mga donors. Kanilang ginagamit ang naitatag na impluwensya at koneksyon sa sangay ng ehekutibo, lehislatura at hudisyal upang impluwensyahan ang mga batas at polisiyang ipatutupad ng rehimen na papabor sa malalaking negosyo at dayuhang interes.

Page 3: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

HULYO-SETYEMBRE 2015 3 KALATAS

Sa kasalukuyang rehimen ni BS Aquino, makikita ito sa mga lump sum budget allocations na may iba’t ibang pangalan—ang dating Priority Development Assistance Fund (PDAF), Disbursement Acceleration Program (DAP), presidential social fund, bottom-up budgeting, congressional insertions at iba pa. Ginagamit ang pondo ng kaban ng bayan sa panunuhol, pagbili ng impluwensya at upang paligiran sila ng pulutong na mga padrino’t patron—at kung mayroong mga prayoridad na batas ay bilhin ang kanilang mga boto. Sa kabilang dulo naman, ang natatanggap na pondo at pabuya mula sa iba pang lump sum allocations na para diumano sa proyekto ay ginagamit ng mga kongresista at senador para sa pagtatayo ng sariling tagasunod na mga kaalyado at paglilinang ng utang-na-loob sa hanay ng mga kapanalig mula sa pinakamababang antas ng barangay pataas. Ngayong taon, umaabot ng 486 bilyong piso ang lump sum funds sa pambansang badyet, at nasa diskresyon ni BS Aquino kung papaano ito gagamitin at sa kung saang proyekto ito ilalaan.

Sa ganitong sistema higit na tumatag ang burukrata- kapitalistang paghahari sa bansa. Likas dito ang katiwalian

at korapsyon. Kung sino ang padrinong nakaluklok sa kapangyarihan, sila ang nagtatamasa ng pinakamalaking pakinabang sa kaban ng bayan. Kumikita ng iba’t ibang anyo ng kurakot ang mga reaksyunaryong pulitiko at kanilang mga kapanalig gayundin ang pinakamalalaking nag-abuloy sa kampanya (campaign contributors). Sa ilalim ng rehimeng US-BS Aquino triple o higit pa ang inilobo ng net worth o kayamanan ng malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa na pinakamalaking nag-abuloy sa kandidatura ni BS Aquino sa pagkapangulo. Sa pamamagitan ng programang Public-Private Partnership ng rehimen, nakopo nina Henry Sy, Lucio Tan, Manny Pangilinan, Danding Cojuangco at pamilyang Ayala ang pinakamalalaking kontrata ng reaksyunaryong gubyerno sa konstruksyon at imprastruktura.

Para makapanatili sa loob ng reaksyunaryong gubyerno, kakailanganing makipagsabayan sa lahat ng mga naghaharing pangkatin sa pangangalap ng pondo, paglalako ng impluwensya at pagbubuo ng mga alyansa o koalisyon. Kaya gaano man magsimulang malinis at walang dungis ang rekord ng isang kandidato, magpostura man itong

makabayan at makamamamayan, tiyak na lalamunin siya ng bulok na sistema kapag tumanggap siya ng kontribusyon at abuloy mula sa malalaking negosyo at makapangyarihang angkan para sa kanyang kandidatura. Magbago man ang mukha ng nasa gubyerno, mananatiling manhid at bingi ang gubyernong ito sa tunay na kahilingan at kapakanan ng mamamayan—at sa dulo, walang maidudulot na pagbabago sa lipunan.

Ang mga nailuklok sa pagkapangulo, pangalawang pangulo, mga dominanteng paksyon sa reaksyunaryong Kongreso at lokal na gubyerno ay kalimitang nagmula sa mga dinastiyang pulitikal. Ang mga probinsya sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay patuloy na pinaghaharian ng mga lokal na panginoong maylupa tulad ng mga Crisologo at Singson sa Ilocos, pamilyang Dy at Enrile sa Cagayan, mga Cojuangco ng Tarlac at mga Roxas ng Panay. Sa Mindanao, nangingibabaw din sa reaksyunaryong pulitika ang mga warlords na siyang may hawak ng pinakamalalaking negosyo, lupang pag-aari at mga pribadong armadong grupo tulad ng mga Ampatuan, Lobregat at Dimaporo kung magbabanggit ng ilan.

Sa Timog Katagalugan, ang mga bago at lumang dinastiyang pulitikal na ito ay ang mga Suarez, Alcala, Enverga at Tan sa Quezon; Reyes sa Marinduque; Sato, Mendiola at Villarosa sa Mindoro Occidental; Andaya at Valencia

Pagtutuwid: Para sa isyu ng Kalatas noong Oktubre-Disyembre 2014, nais naming ituwid ang pangalan ng organisasyong Samahang Demokratiko ng Kabataan sa halip na Samahan ng Demokratikong Kabataan sa lathalaing “Kabataang Makabayan: dakilang pamana sa bago at susunod na mga henerasyon” sa pahina 10.

Page 4: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

4 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2015

sa Mindoro Oriental; Hagedorn, Mitra at Alvarez sa Palawan; Remulla, Revilla, Malicsi, Tolentino at Barzaga sa Cavite; Recto, Leviste, Mendoza at Ermita sa Batangas; Ejercito, Fernandez, Yulo at Lazaro sa Laguna; at Ynares sa Rizal.

Paano nagawang lehitimo ang pamamayagpag at pananatili ng mga dinastiyang pulitikal sa loob ng matagal na panahon? Noon, ang tradisyunal na paraang ginagamit ay ang kapangyarihan ng salapi, dahas at mga bayarang goons o ang tinaguriang “guns, gold and goons”. Marahas at madugo ang pag-aagawan sa boto ng mamamayan. Malawakan ang pamimili ng boto, paggamit ng private army sa paghahasik ng teror at pamimilit sa mga botante, pang-aagaw ng balota at ballot boxes at pagpapalit ng resulta ng bilangan ng boto. Tuwing eleksyon, nabubuhay ang mga bangkay sa sementeryo upang bomoto. Maraming mga krimen ang may kaugnayan sa eleksyon tulad ng panggigipit, panununog hanggang sa pamamaslang at masaker. Nagpapatayan ang magkakaribal na paksyon upang matiyak ng bawat isa ang pananatili sa kapangyarihan sa kapinsalaan ng mamamayan.

Sa pagbagsak ng diktadurang US-Marcos, tumaas ang anti-diktadurang kamalayan ng mamamayan at kaalinsabay nito, iniluwal ang malakas na agos ng bagong pulitika bilang katumbalik ng tradisyunal na pulitika ng naghaharing malalaking dinastiyang angkang kumprador-asendero-burukrata . Kinailangan ng mga naghaharing pangkatin ng disimuladong mga pamamaraan sa pandaraya upang hindi magatungan ang galit ng mamamayan. Ang kasalukuyang automated election system ay pagpiperpekto ng sistema sa pandaraya. Dahil elektroniko, mas madali ang pagmamaniobra sa resulta ng halalan. Malawakang magagawaang lansakang pandaraya nang walang maiiwang bakas, matitiyak kung sino ang mananalo sa pamamagitan ng pre-programmed na pag-awdit ng boto kung saan nagiging minimal o halos nawawala na ang pangangailangan ng lantarang paggamit ng karahasan at pamimilit upang makapandaya. Ang bayaran sa pagbili ng boto ay di na lamang nagaganap sa antas ng mga botante kundi nasa antas na ng mga commissioner at tauhan ng Comelec na umaabot ng

ilanpu hanggang ilandaang milyon ang karaniwang suhulan.

Sukdulang paglapastangan ito sa demokratikong karapatan at pagsalaula sa popular na kagustuhan ng mamamayan. Dapat na itakwil ng mamamayan ang reaksyunaryong eleksyon at isulong ang rebolusyon. Magiging tunay na demokratiko lamang ang lipunan at ang mga halalan kung hawak ng mamamayan ang kapangyarihan ng estado. At mangyayari ito sa paraan ng isang panlipunang rebolusyon.

Ang demokratikong rebolusyon ng bayan (DRB) ang magtatatag ng tunay na demokrasyang bayang nakasandig sa lakas ng sambayanan. Tanging isang marahas na rebolusyon ang magpapabagsak sa lipunang malakolonyal at malapyudal, magpapalaya sa mamamayan sa gapos ng imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo at magtatayo ng demokratikong gubyerno ng mamamayan.

Kahit hindi pa man ganap na naipagtatagumpay ang DRB sa buong kapuluan, sinisimulan nang itatag ang binhi ng demokrasyang bayan at pulang kapangyarihang pampulitika sa paparaming bahagi ng mga sona at larangang gerilya. Sa mga lugar na ito, demokratikong lumalahok ang mamamayan sa pagpapasya hinggil sa pang-araw-araw nilang buhay at aktibidad sa lipunan, itinatayo ang mga konseho ng pamamahala sa iba’t ibang antas para iorganisa ang lokal na kampanya sa pagpapatupad ng reporma sa lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan ng mga rebolusyonaryong samahang masa, nagkakaroon ng lakas at boses ang mga maralitang magsasaka at maliliit na mamamayan sa kanayunan sa paglikha ng mga salik sa ekonomiya, pulitika at kultura ng umuusbong na pulang kapanyarihan.

Bago maitayo ang organo ng kapangyarihang pampulitika, tinitiyak ang sapat na lakas ng masa sa organisasyon. Itinatayo ang komiteng rebolusyonaryo sa baryo (KRB) kung saan may mga naestablisa nang ganap na samahang masa (ng mga magsasaka, kababaihan, kabataan at iba pang sektor), sangay ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP)

Page 5: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

HULYO-SETYEMBRE 2015 5 KALATAS

at milisyang bayan. Itinatayo ang iba’t ibang mga komite na mangangasiwa sa pang-araw-araw na buhay ng mamamayan sa baryo tulad ng komite sa organisasyon na namamahala sa pagbubuo at pagpapagana ng mga organisasyong masa; komite sa edukasyon na namamahala sa pagpapataas ng rebolusyonaryong kamulatang makauri, pagpapalaganap ng kulturang pambansa, pangmasa at siyentipiko at pagtatayo ng mga paaralan; komite sa ekonomiya na namamahala sa produksyon, pangungulekta ng buwis at kontribusyong pansuporta sa gubyernong bayan at Bagong Hukbong Bayan at pagpapatupad ng mga programa sa repormang agraryo; komite sa depensa na namamahala sa pagtatayo at pagpapagana ng milisyang bayan sa baryo, pagpapanatili ng seguridad at kaayusan at paglaban sa mga kaaway ng rebolusyon; at komite sa kalusugan na namamahala sa kalinisang publiko at gawaing medikal sa baryo.

Sa pagtatatag ng gubyerno, ipinatutupad ang patakarang tatlong-sangkatlo sa bawat antas, ibig sabihin, pantay ang

magiging representasyon ng mga kinatawan ng PKP, saligang organisasyong masa at mula sa hanay ng panggitnang uri at pwersang hindi lumalaban sa rebolusyon. Mahigpit nitong ipinatutupad ang prinsipyo ng demokratikong sentralismo kung saan ang indibidwal ay nakapailalim sa gubyerno at sa kapakanan ng lahat, ang minorya ay nakapailalim sa mayorya, ang nakabababang antas ay nakapailalim sa nakatataas na antas ng gubyerno at ang mga kagawad ng gubyerno ay ihahalal ng mamamayan. Sa gayon, natitiyak ang sagradong demokratikong karapatan ng mamamayan at kapangyarihan sa kamay ng mayorya.

Sa mga lugar na ito, aktibo at mainit ang suporta ng masa sa rebolusyon, masiglang isinusulong ang rebolusyong agraryo at walang aktibong galamay ang mga kaaway ng mamamayan. Mahigpit nilang ipinatutupad ang mga patakaran at hakbangin sa pulitika, mil itar,

ekonomiya at kultura upang iambag ang ganang-kaya sa pagtatagumpay ng rebolusyon sa kabuuan.

S a p a g t i n d i n g k r i s i s pampulitika at pang-ekonomiya, tiyak na magiging mas matalim at marahas ang kontradiksyon sa pagitan ng iilang naghaharing uri at ng mayorya ng lipunang Pilipino. Dapat puspusang magpunyagi sa demokratikong rebolusyon ang buong sambayanan. Iluluwal ng paglahok ng lahat ng motibong pwersa sa digmang bayang isinusulong ng PKP ang pagtatatag ng demokratikong gubyernong bayang nangangalaga at nagsusulong ng interes at karapatan ng mayorya ng lipunan.

Page 6: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

HULYO-SETYEMBRE 20156 KALATAS

Ang reaksyunaryong eleksyon ay instrumento ng dominasyonng naghaharing pangkatin sa bansa

Noong 1896, mapagpasyang nagapi ng mga rebolusyonaryong pwersa sa ilalim ng Katipunan ang mga Español sa kalakhang bahagi ng bansa. Tanging ang Intramuros na lang sa Maynila ang hindi pa bumabagsak sa kamay ng mga Katipunero. Para isalba ang sarili sa kahihiyan dahil sa kanilang pagkatalo, nakipagkasundo ang gubyernong Español sa pwersang Amerikano sa ilalim ni Admiral Dewey para sa isang kunyaring labanan sa Manila Bay. Sa gayon, pinalabas na sumuko ang mga Español sa mga Amerikano sa halip na sa mga Pilipino. At karugtong nito, inagaw ng imperyalismong US ang tagumpay ng Rebolusyong Pilipino.

Sinimulan ng tropang Amerikano ang madugong kampanyang henosidyo at pasipikasyon upang sakupin ang Pilipinas mula 1899 hanggang 1913. Umabot sa 1.4 milyong Pilipino o 10 porsyento ng kabuuang populasyon noon ng bansa ang namatay sa pananalakay ng US. Nakipagsabwatan ang US sa mga ilustradong tumanggap ng mga konsesyon mula sa US tulad ng pananatili ng kanilang pag-aari sa mga lupain at empresa. Kaiba sa otokratikong pamamahala ng mga Español, kinuha ng US ang suporta ng lokal na nobilidad at mga ilustrado at pinakilos sila para ipatupad ang kolonyal na paghahari at pasipikasyon ng mga Pilipino. Bunsod nito, marami sa mga matataas na uri na sumuporta’t lumahok sa Rebolusyong Pilipino ang nagtaksil, aktibong nilabanan ang pag-aalsa ng mamamayan para sa pambansang kasarinlan at yumakap sa

bagong imperyalistang kapangyarihan.

Sa bawat bayang kanilang naookupa, naglulunsad ang US ng mga papet na eleksyong pambayan. Itinakda nito na tanging ang may kakayahang magbasa at magsulat, at may pag-aaring nagkakahalaga nang hindi bababa sa 500 piso o di kaya naman ay may pusisyon sa dating kolonyal na gubyernong Español ang maaaring makaboto at maluklok sa pwesto. Sa gayon ay naitsa-puwera ang mayorya ng masang anakpawis at naging limitado lamang sa iilang mayayaman ang paglahok sa eleksyon. Layunin nitong pakilusin ang dating principalia1 pabor sa kolonyal na paghahari ng US at gawing tau-tauhan nito sa mga lokal na pamahalaan upang tiyakin ang interes ng dayuhang mananakop habang sinusupil ang rebolusyonaryong paglaban ng mamamayan na naghahangad ng kalayaan at demokrasya.

Itinayo ng mga lokal na burukrata ang Partido Federal para ilako ang bagong kolonyal na paghahari ng US. Sinuklian ng US ng mga benepisyo para sa mga panginoong maylupa at malalaking kumprador ang matapat na paglilingkod nila sa Philippine Commission na kontrolado ng mga Amerikano. Ginamit ng mga lokal na burukrata ang kanilang pusisyon upang palakasin ang paghahari ng kanilang mga angkan hindi lamang sa pulitika kundi maging sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagmonopolyo sa pinakamalalawak na lupain at pagkontrol sa pinakamalalaking negosyo.

Ang kasaysayan ng reaksyunaryong eleksyon ay kasaysayan ng paligsahan ng mga naghaharing pangkatin na masunuring tuta ng imperyalismong US. Mula pa noong pananakop ng US, ginamit nitong

instrumento ang reaksyunaryong eleksyon upang lumikha ng isang ilusyon na nagmumula sa mamamayan ang kapangyarihang pumili ng mga mamumuno sa kanila. Subalit sa katotohanan, ang bawat reaksyunaryong eleksyon ay nagiging instrumento sa pagpapatatag ng reaksyunaryong paghahari ng mga papet na pamahalaang kanilang itinatatag at sinusuportahan.

1 Ang principalia ay binubuo ng mga nakaupo at dating gubernadorsilyo, at ng mga pinuno ng baryo na tinatawag na kabesa de barangay. Sinumang may ari-arian, nakakasulat at nakakabasa, namana ang pusisyon at sunud-sunuran sa dayuhang mananakop ay maaaring maging myembro ng principalia. Noong panahon ng kolonyalismong Español, sila ang naging kolektor ng buwis, tagahakot ng mga tao para sa sapilitang paggawa at katiwala sa mga lupa ng mga panginoong maylupang Español.

PANGUNAHING LATHALAIN

Page 7: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

HULYO-SETYEMBRE 2015 7 KALATAS

Taong 1907 nang ilunsad ang unang pambansang halalan ng papet na Philippine Assembly. Sinalamin ng pagkapanalo ng bagong-tatag na Partido Nacionalista bitbit ang islogang “kagyat, absoluto at ganap na kalayaan” ang marubdob na pagnanais ng sambayanang Pilipino na kumawala sa gapos ng kolonyalismo. Ngunit ang dating papet ay pinalitan lamang ng mga bagong mukha. Mula 1907 hanggang 1934, nagtagisan ang mga naghaharing uri mula sa paksyon nina Manuel Quezon at Sergio Osmeña, parehong mula sa Nacionalista, upang makuha ang mas maraming pwesto sa kolonyal na gubyerno.

Nagsimula ang halalang presidensyal nang itatag ng US ang gubyernong Komonwelt2 sa gitna ng umiigting na pakikibaka ng mamamayan bunsod ng krisis sa ekonomiya sa panahon ng Dakilang Depresyon sa US. Ipinamarali ng US na unti-unti na diumanong ipinapasa sa mga Pilipino ang pamumuno sa bansa. Itinatag ang gubyernong Komonwelt bilang paghahanda diumano sa sariling pamumuno ng mga Pilipino sa bansa matapos ang sampung taong pagsasanay sa ilalim ng US, pinalawak ang bilang ng mamamayang maaaring bumoto at pinalahok ang mga kababaihan. Ngunit sa huli, ang dikta pa rin ng imperyalismong US ang nananaig. Sa simula ng gubyernong Komonwelt, si Quezon ang punong papet na nanaig at umani ng suporta ng US.

Nang sakupin ng Hapon ang bansa, inabandona ng US ang Pilipinas upang ibuhos ang atensyon nito sa Europa. Ang Partido Nacionalista na nagmomonopolyo sa papet na burukrasya ay nahati sa dalawa—isang nanatiling tapat sa US at ang isa ay nakipagsabwatan sa bagong dayuhang mananakop na Hapones. Tulad ng US, itinatag ng mga Hapon ang papet na gubyernong pinamunuan ni Jose Laurel. Habang ang mga naghaharing pangkatin ng

mga panginoong maylupa at malalaking kumprador ay abala sa pagpili kung kanino sa dalawang paksyon sasanib, ang masang anakpawis, sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas, ay magiting na nakipaglaban para sa pambansang kasarinlan at demokrasya. Inilunsad nila ang pakikidigmang gerilya para ibagsak ang imperyalistang Hapones at palayain ang bayan.

Sa pagkatalo ng Hapon sa digmaan, napanatili ng US ang neokolonyal na paghahari sa bansa, iginawad noong 1946 ang huwad na kalayaan sa Pilipinas at ginamit ang reaksyunaryong eleksyon para itatag ang papet na republika. Ang Partido Nacionalista at Liberal ang dalawang pangunahing partido-pulitikal na nangibabaw sa halalan.

Sa pag-iral ng mga partidong dominado ng mga dinastiyang angkan, ang mga reaksyunaryong eleksyon ay naging daluyan na lamang kung sino sa mga naghaharing pangkatin ang maluluklok sa neokolonyal na gubyerno. Sa saligan, walang pinagkaiba ang Partido Nacionalista at Liberal. Kapwa sila mga tahasang tagapagtaguyod ng paghahari ng imperyalismo,

pyudalismo at burukratang kapitalismo sa bansa.

Ginamit ng mga naghaharing-uri ang mga partido-pulitikal upang isulong ang kani-kanilang mga adyenda. Tampok dito ang pangingibang-bakod ng mga kasapi nito tulad ng paglipat ni Ramon Magsaysay mula sa Liberal patungong Nacionalista bago ang pambansang halalan noong 1953, at ang paglipat ni Ferdinand Marcos mula Nacionalista tungong Liberal para sa halalan noong 1965. Nilabanan nina Magsaysay at Marcos ang dati nilang kinaaanibang partido upang maluklok bilang pangulo ng reaksyunaryong gubyerno. Kasunod nito ang paglipat din ng iba pang mga lokal na burukrata

“Sa pag-iral ng mga partidong dominado ng

mga dinastiyang angkan, ang mga reaksyunaryong

eleksyon ay naging daluyan na lamang kung sino sa mga naghaharing pangkatin ang maluluklok sa kolonyal na

gubyerno.”

2 Isang papet na republikang kontrolado ng US na namuno sa Pilipinas at nakaprograma sa sampung taong paghahanda para sa “sariling paggugubyerno” at “paggawad ng ganap na kalayaan”.

Page 8: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

8 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2015

matapos ang eleksyon sa partido-pulitikal na may hawak ng mayorya.

Lahat ng mga nanalo sa pagkapangulo ay nangako ng kaunlaran para sa sambayanan ngunit nang maluklok na sa pwesto ay buong kataksilang nagpatupad ng kontra-sa-mamamayang mga patakaran sa ekonomiya, pulitika at militar na lumalapastangan sa pambansang soberanya at integridad ng Pilipinas.

Ipinakita ng deklarasyon ng Batas Militar ang desperasyon ni Marcos na mangunyapit sa pwesto. Matapos ang ratipikasyon ng konstitusyon noong 1973, hindi na tinipon pa ni Marcos ang interim national assembly kung saan kabilang ang bise presidente at mga kasapi ng kongreso. Sa halip, muli niyang binago ang konstitusyon para itayo ang interim batasang pambansa noong 1976. Gayunman, umiral lang ang interim batasang pambansa sa pangalan at ang lahat ng desisyon sa Gubyerno ng Pilipinas ay nasa mga kamay ni Marcos.

Inilunsad ang eleksyon ng interim batasang pambansa noong 1978, ang eleksyon para sa mga lokal na pamahalaan noong 1980 at ang eleksyong presidensyal noong 1981. Lahat ng mga eleksyong ito ay kapwa niluto ang resulta pabor sa diktadurang US-Marcos. Pinakakahiya-hiya ang eleksyon noong 1981. Dahil hindi ito pinatulan ng oposisyon, si Marcos na mismo ang nagpatakbo sa kanyang kakalabanin sa pagkapangulo na si Alejo Santos para pagmukhaing lehitimo ang eleksyon. Tulad ng inaasahan, si Marcos ang idineklarang panalo sa eleksyong presidensyal noong 1981.

Sa mga unang bahagi ng dekada 1980, nagsimula nang umiral ang iba pang mga partidong binuo ng mga dinastiyang angkan. Pinangunahan ng United Nationalist Democratic Organization (UNIDO) at Partido ng Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang oposisyon para sa snap elections noong 1986.

Nang bumagsak ang diktadurang US-Marcos, pangunahing ipinangalandakan ng mga naghaharing uri ang pagbabalik diumano ng demokrasya sa bansa. Sumibol ang mas maraming partido-pulitikal

tulad ng Pwersa ng Masang Plilipino (PMP) ni Joseph Estrada. Ang iba naman ay binuo ng mga angkang mula sa uring panginoong maylupa at malalaking kumprador tulad ng Nationalist People’s Coalition ni Eduardo Cojuangco Jr. Binuo ng mga tagasuporta ng administrasyon ni Corazon Aquino ang Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP).

Ang dating magkakalaban ay pana-panahong bumubuo ng mga koalisyon tulad ng Lakas-National Union of Christian Democrats-Union of Muslim Democrats of the Philippines (Lakas-NUCD-UMDP) na nagluklok kay Fidel Ramos bilang pangulo noong 1992, Laban ng Makabayang Masang Pilipino na koalisyon ng LDP, PMP at NPC na nagluklok kay Estrada bilang pangulo noong 1998 at ang koalisyon ng administrasyon ni BS Aquino nitong nakaraang eleksyong 2013 kung saan nagsama-sama ang Nacionalista, Liberal at NPC.

Sa konstitusyong 1987 ng Gubyerno ng Pilipinas, ipinakilala ang sistemang partylist para diumano palawakin ang representasyon ng iba’t ibang sektor sa loob ng reaksyunaryong Kongreso. Subalit tusong namaniobra ng mga naghaharing uri para paupuin ang kanilang mga kamag-anak at mga alipures sa pamamagitan ng pag-ikot sa mga probisyon ng sistemang partylist at paggamit sa kanilang mga koneksyon. Sa huli’y garapal na binaklas ng Korte Suprema ang sistemang partylist sa pagtanggal sa mga probisyong nagbibigay ng mas malaking oportunidad, representasyon at boses sa maliliit (marginalized sectors) sa reaksyunaryong Kongreso at sa gayon hinawan ang daan para lunurin ng mga kinatawan ng mga dinastiyang angkan sa Kongreso ang boses ng maliliit na sektor sa lipunan.

Ang kabuuang sistema ng reaksyunaryong eleksyon ay higit na naglantad lamang sa pagiging hungkag at bulok nito. Hindi ito tunay na demokratiko at sa halip sinusupil ang boses at popular na kapasyahan ng mayorya ng mamamayan. Sa pagbabalik-aral sa kasaysayan, makikita na simula’t sapul, ang eleksyon ay instrumento ng naghaharing uri upang patigasin ang kanilang dominasyon sa bansa sa larangan ng pulitika, ekonomiya at militar.

Page 9: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

HULYO-SETYEMBRE 2015 9 KALATAS

Paigtingin ang kilusang talsik laban sa reaksyunaryong rehimeng US-BS Aquino

Sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Benigno S. Aquino III, dumagsa ang may

20,000 mamamayan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City at libu-libo pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang pabulaanan ang kanyang mga boladas, kasinungalingan at pagmamayabang. Lalo lamang inilantad ni BS Aquino ang mga dahilan kung bakit nararapat na patalsikin na siya sa pwesto.

Ipinamalas ni BS Aquino sa higit limang taon niyang pamumuno ang kabulukan ng reaksyunaryong gubyerno. Hanggang sa huli, naging pambungad sa SONA ni BS Aquino ang katiwalian at korapsyon ng sinundang si Gloria Macapagal-Arroyo. Nagmamalinis siya gayong lantad na sa mamamayan ang kanyang pagiging pork barrel king. Ipinaghambog niya ang maagap na pagsusumite ng panukalang badyet at pag-aapruba ng General Appropriations Act (GAA) sa kanyang termino para diumano mabilis na makarating sa mamamayan ang serbisyo. Ngunit inilantad ng Disbursement Acceleration Program ni BS Aquino na ang sinasabi niyang “serbisyo” ay hindi para sa mamamayan kundi para sa kanyang mga alipures sa reaksyunaryong Kongreso at sa mga lokal na pamahalaan kung saan ang mga itinuring na “savings” ay inilipat sa iba pang napipisil na proyektong higit na mahalaga para sa rehimen. Hindi pa rito kasama ang presidential social fund at special purpose funds na nasa diskresyon ni BS Aquino, ang bottom-up budgeting ng DILG na hawak noon ni Mar Roxas at iba pang lump sum allocations sa pambansang badyet. (Tingnan ang kaugnay na artikulo hinggil sa tuwid na daan ni BS Aquino sa pahina 11).

Samantala, ipinagyabang ni BS Aquino na pinakamalaki ang kinita ng kanyang administrasyon sa pamamagitan ng mga buwis na nakolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ang totoo, dumadaing ang mamamayan sa pagbabayad ng buwis na nananatiling mataas habang ang ibang malalaking negosyo ay ginagawaran ng BIR ng mga insentibo sa pagbabayad ng buwis. Kakarampot na nga ang sahod ng mga manggagawa, ang buwis na kinakaltas sa kanila ay hindi pa nila buu-buong

napakikinabangan kundi napupunta sa bulsa ng iilan.

Malaking insulto ang pahayag ni BS Aquino na “ang tanging bentahe natin ay ang mababang pasahod sa ating mga manggagawa.” Ipinapakita lamang nito ang kainutilan ng reaksyunaryong gubyerno sa pagpabor sa malalaking dayuhan at lokal na negosyo dahil kailanman ay hindi magiging bentahe ang mababang pasahod sa mga manggagawang kulang na kulang ang iniuuwing pantustos sa kani-kanilang mga pamilya para mabuhay nang marangal at disente.

Ipinagmamalaki ni BS Aquino na isang welga lang ang ipinutok ng mga manggagawa noong taong 2013 at 15 lamang sa loob ng limang taon niya sa estado poder. Ngunit hindi niya sinabing bunsod ito ng pandarahas at panggigipit ng malalaking negosyo laban sa mga manggagawa at sa pagtataguyod ng rehimeng US-BS Aquino sa mga neoliberal na patakaran tulad ng pleksibilisasyon sa paggawa na nagmasaker sa regular na trabaho. Walang seguridad sa trabaho at benepisyo ang mga manggagawa na ang malaking bulto ay mga kontraktwal na. Maliban pa, ilang milyong mamamayan ang walang trabaho dahil kulang ang nililikhang trabaho sa loob ng bansa.

T u l a d n a n g d a t i , b u o n g -pagmamayabang na ipinahayag ni BS Aquino na bumuhos ang foreign direct investments (FDI) sa bansa ngunit sa loob ng kanyang panunungkulan,

Page 10: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

walang indikasyon na lumikha ito ng makabuluhang bilang ng trabaho para sa mamamayan. Tampok din sa SONA ni BS Aquino ang investment grade na nakuha ng Pilipinas mula sa credit rating agencies para ilako ang bansa sa mga dayuhang mamumuhunan. Sa halip na ang mamamayang Pilipino ang makinabang, binibigyang-daan lamang nito ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan para dambungin ang likas na yaman at lakas-paggawa ng bansa.

Sa huling SONA ni BS Aquino, ipinakita niya ang paglapastangan ng kanyang rehimen sa usapang pangkapayapaan at kawalang interes sa paglutas sa ugat ng armadong tunggalian sa bansa. Hindi katanggap-tanggap ang arogante niyang paghahanay kina Kasamang Wilma Austria-Tiamzon, Benito Tiamzon at Ruben Saluta na mga konsultant ng National Democratic Front of the Philippines para sa negosasyong pangkapayapaan, at sa magiting na Pulang kumander ng Bagong Hukbong Bayan na si Kasamang Leoncio “Ka Parago” Pitao sa mga kriminal at gang na sangkot sa panghoholdap, laluna sa berdugong si Jovito Palparan na sa kasalukuyan ay kinakanlong ng militar. Matapos ang SONA ni BS Aquino, iligal na hinuli si Kasamang Concha Araneta na konsultant ng NDFP. Samantala, ang mersenaryong AFP at PNP na siyang pangunahing lumalabag sa karapatang pantao ng mamamayan ay binubusog ni BS Aquino sa mga bagong armas, kagamitan at sasakyang militar.

Bidang-bida sa SONA ni BS Aquino ang diumanong matagumpay na programa nitong Public Private Partnership kung saan 10 na ang naaprubahan, 13 ang nasa yugto ng bidding at 27 iba pa ang nakapila. Mamamayan daw ang nakinabang sa mga proyekto ngunit ang totoo, binigyan ng dagdag na pagkakakitaan ng reaksyunaryong gubyerno ang malalaking burgesya kumprador pangunahin sina Henry Sy, Danding Cojuangco at ng pamilyang Ayala. Ayon sa Ibon Foundation, mula taong 2009 hanggang taong 2013, triple ang inilaki ng yaman ni Jaime Zobel de Ayala at ng kanyang pamilya (Ayala Corp.) mula 1.2 bilyong dolyar paakyat sa 3.4 bilyong dolyar. Ang tiyuhin naman ni BS Aquino na si Danding Cojuangco (San Miguel Corp.) ay lumaki ang yaman

mula 660 milyong dolyar tungong 870 milyong dolyar. Samantala, si Henry Sy (SM Prime Holdings) na tinaguriang pinakamayamang Pilipino mula pa taong 2006 ay lampas triple ang inilaki ng yaman mula 3.8 bilyong dolyar tungong 12.7 bilyong dolyar.

Habang patuloy na nagkakamal ng yaman ang pinakamayayamang pamilya sa bansa, ang mga manggagawa ay kakarampot lamang ang natatanggap na sahod. Ayon sa datos ng Ibon Foundation, mula sa 404 pisong sahod ng mga manggagawa noong taong 2010 nang maluklok si BS Aquino sa pwesto, tumaas lamang ito ng 77 piso tungong 481 piso ngayong taong 2015. Higit na mababa pa ang katumbas na tunay na halaga ng sahod (real wage). Mula 348.58 piso, tumaas lamang ito ng 17.2 piso tungong 365.78 piso. Lubhang napakalayo nito sa family living wage o sa halagang kinakailangan ng isang pamilya para mamuhay nang marangal sa isang araw mula 954.90 piso noong taong 2010 tungong 1,083.43 piso ngayong taon.

Papet, tiwali, korap, pasista, pahirap sa

Kabuuang  yaman  ng  pinakamayayamang  Pilipino  sa  taong  2015  (mula  sa  datos  ng  Forbes)  

 #1   Henry  Sy   $14.4  B  #2   John  Gokongwei,  Jr.   $5.5  B  #3   Andrew  Tan   $4.5  B  #4   Lucio  Tan   $4.3  B  #5   Enrique  Razon,  Jr.   $4.1  B  #6   George  Ty   $4  B  #7   Family  Aboitiz   $3.6  B  #8   Jaime  Zobel  de  Ayala   $3.5  B  #9   David  Consunji   $3.2  B  #10   Tony  Tan  Caktiong   $2.2  B  #11   Lucio  and  Susan  Co   $1.7  B  #12   Robert  Coyiuto,  Jr.   $1.6  B  #13   Manuel  Villar   $1.5  B  #14   Yap  family   $1.4  B  #15   Alfredo  Yao   $1.3  B  #16   Dean  Lao   $1.1  B  #17   Oscar  Lopez   $1  B  #18   Andrew  Gotianun   $910  M  #19   Betty  Ang   $905  M  #20   Roberto  Ongpin   $900  M  

 

HULYO-SETYEMBRE 201510 KALATAS

Page 11: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

Rebolusyon ang maghahatid ng tunay na pagbabagohindi ang “Tuwid na Daan” ni BS Aquino

Sa nalalapit na reaksyunaryong eleksyon, gagawin ang lahat ng mga naglalabanang

pangkatin ng naghaharing-uri upang makuha ang basbas ng imperyalismong US at suporta ng mga malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa sa bansa. Tulad ng ginawa ni BS Aquino bago maluklok sa reaksyunaryong gubyerno, ginamit nito ang retorikang “tuwid na daan” upang linlangin ang mamamayan at akitin ang mga naghaharing-uri na suportahan ang kanyang kandidatura bilang pangulo.

Sa esensya, ang “tuwid na daan” ng rehimeng US-BS Aquino ay daan na ginagawang matuwid ang pandarambong at pagsasamantala sa mamamayang Pilipino. Walang ibang nakinabang sa gasgas-na-retorikang ito kundi ang pinagsisilbihan nitong “boss” na imperyalismong US, burgesya kumprador at panginoong maylupa.

Sa mahigit limang taong paghahari ng rehimeng BS Aquino, naging talamak ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ng mga alipures at kaalyado ng rehimen.

Samantala, hindi lamang naambunan, kundi binuhusan ng malalaking proyekto ng reaksyunaryong gubyerno ang pinakamalalaking nag-abuloy at tumulong sa kampanya ni Aquino noong 2010. Ganito tumanaw ng utang-na-loob si BS Aquino. Kapalit ng pag-upo sa pwesto ang pagluhod at pagsunod sa kanyang imperyalistang amo, mga kaibigan, kapamilya at kaalyado.

Korapsyon at katiwalian sa tuwid na daan

Tulad ng mga nagdaang rehimen, higit na pinatigas lang ng rehimeng US-BS Aquino ang padrinong pulitikal sa pamamagitan ng Priority Development Assistance Fund o pork barrel at ang maanomalyang Disbursement Acceleration Program (DAP). Nilaanan ang mga ito ng bilyun-bilyong pondo para ipansuhol ng rehimen at gawing gatasan ng mga kaalyadong kongresista, senador, gabinete at mga upisyales ng lokal na pamahalaan.

Sadyang hindi bibitawan ng rehimeng BS Aquino ang pork barrel. Sa ulat na isinumite ng Department

mamamayan—ilan lang ito sa mga salitang maaaring gamiting pagsasalarawan sa rehimen ni Benigno S. Aquino III sa nakalipas na higit limang taong pamamayagpag sa reaksyunaryong gubyerno. Labis

ang pangangayupapa ni BS Aquino sa imperyalismong US sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga neoliberal na patakaran nito. At ang paghahanda at pagiging punong-abala para sa nalalapit na

kumperensya ng Asia Pacific Economic Cooperation ay isa lamang sa mga dikta ng US na malugod na sinunod ni BS Aquino.

Sa huling SONA ni BS Aquino, lalo lamang niyang binigyang-matwid ang hatol ng taumbayan: patalsikin na ang reaksyunaryong rehimen! Hanggang sa huling araw sa pwesto, dapat puspusang gawin ang lahat ng kaya para ganap nang mapabagsak ang naghaharing pangkatin.

Arawang  sahod  at  pangangailangan  ng  pamilya  (halaga  sa  piso)  (batay  sa  datos  mula  sa  National  Capital  Region)  

 

  HUNYO  2010   2011   2012   2013   2014   2015  

 

Arawang  minimum  na  sahod    

404.00   426.00   446.00   456.00   466.00   481.00  

Tunay  na  halaga  ng  sahod    

348.58   350.91   359.10   361.33   356.54   365.78  

Arawang  pangangailangan  ng  pamilya    

954.90   1,000.21   1,023.28   1,039.76   1,076.84   1,083.43  

 

*mula  sa  publikasyong  Birdtalk  ng  Ibon  Foundation  para  sa  unang  hati  ng  taong  2015,    ang  Aquino’s  Final  Year:  Legacy  of  Elite  Economics  and  Governance      

11 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2015

Page 12: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

HULYO-SETYEMBRE 2015 12 KALATAS

of Budget and Management (DBM), nabunyag na aabot sa 495.7 bilyong pisong pondong ipinamahagi ng DBM para sa mga programa at proyekto ng mga kaalyado ng rehimen ang di-detalyado at wala sa pinagtibay na badyet para sa taong 2015. Gagawin lahat ng rehimen upang mailusot lamang ang pork barrel ng mga kaalyado nito. Matatandaan sa mga lumabas na ulat mismo ng reaksyunaryong gubyerno na ang mga kaalyado at kapartido ng administrasyon ang pangunahing nagpasasa sa malaking pondong pork barrel. Kabilang dito sina Joseph Emilio Abaya, Elpidio Barzaga Jr. at Proceso Alcala. (Tingnan ang Isyu ng Kalatas noong Oktubre-Disyembre 2014)

Nagpapatuloy ang taunang pambansang badyet ng reaksyunaryong gubyerno bilang badyet para sa korapsyon. Sa isinumiteng panukalang pambansang badyet para sa 2016 ng DBM, nabunyag ang inilalaang badyet para sa panunuhol ng mga kapartido at kaalyado ng rehimen kapalit ng kanilang patuloy na suporta. Lumalabas na hindi bababa sa 648.2 bilyong piso ng panukalang badyet ng rehimen aypondong pork barrel kung saan 430.4 bilyong piso ang nakapaloob sa special purpose fund at 217.8 bilyong piso naman ay mga pondong lump sum para sa 38 ahensya at upisina ng reaksyunaryong gubyerno. Tulad ng mga nagdaang taon, ang mga pondong lump sum na ito ay nagiging pondong inilalaan ng naghaharing rehimen para sa korapsyon at eleksyon.

Rehimeng naglilingkod sa mga mapagsamantala

Pangunahing nakinabang ang malalaking burgesya kumprador sa “tuwid na daan” ng rehimen. Ang ipinangangalandakang “inclusive growth” ni BS Aquino ay hindi para sa milyun-milyong naghihirap na mamamayan kundi para sa iilang pinakamayayamang pamilya sa bansa. Sa kalagitnaan pa lamang ng kanyang termino, ang pinagsama-samang yaman ng 25 pinakamayayamang Pilipino ay katumbas ng yaman ng 70 milyong pinakamahihirap na mamamayan. Lumaki mula 650 bilyong piso noong 2010 tungong 2.2 trilyongpiso ngayong taon ang yaman ng 10 pinakamayayamang Pilipino sa bansa. Nangunguna na dito sina Henry Sy, John Gokongwei Jr., Enrique Razon Jr., Andrew Tan, Lucio Tan, George Ty, David Consunji, at iba pa.

Ang mga burgesya kumprador ding ito ang nakakopo sa malalaking proyekto ng reaksyunaryong

gubyerno. Sa ilalim ng Public Private Partnership (PPP), napunta sa Megawide Construction Corp. ni Henry Sy at World Citi Consortium ng pamilyang Guico ang kontrata ng pagpipribatisa ng Philippine Orthopedic Center (POC) sa halagang 5.7 bilyong piso. Ang POC ang kauna-unahang pampublikong ospital na sumailalim sa PPP. Tulad ng POC, nakatakda ding isapribado ang 72 pampublikong ospital at ngayo’y pinaglalawayan nang makuha ng malalaking negosyante sa bansa.

Sa Timog Katagalugan, tila hinati na ng rehimeng BS Aquino ang rehiyon para pagkakitaan ng mga dayuhang mamumuhunan at malalaking burgesya kumprador. Sa industriya ng enerhiya, nakopo ng malalaking dayuhang kumpanya ang mga proyekto ng paglikha at pagsuplay ng kuryente. Napunta sa Hopewell Energy International Ltd., isang kumpanya sa Hong Kong ang pagtatayo at pangangasiwa ng Pagbilao Coal-Fired Power Plant sa Quezon. Nakuha naman ng KEPCO, isang kumpanya sa South Korea ang kontrata sa pagtatayo ng Malaya Thermal Power Plant sa Rizal at Ilijan Natural Gas Combined Cycle Power Plant sa Batangas. Napunta sa kumpanyang US na Enron Power Development Corp. ang pagtatayo ng Pinamucan Batangas Diesel Power Plant at sa kumpanyang ORMAT Inc. ang Makban Binary Geothermal Plant sa Laguna.

Napasakamay naman ng pamilyang Ayala ang pagtatayo at pangangasiwa ng Daang-Hari-South Luzon Expressway Link Road Project. Ang proyektong Cavite-Laguna (CALA) Expressway ay nakuha ng MPCALA Holdings Inc. na yunit ng Metro Pacific Investments Corporation ni Manny Pangilinan.

Samantala, tiyak na pinaglalawayan na ngayong makuha ng malalaking burgesya kumprador at mga dayuhang mamumuhunan ang iba pang malalaking proyekto sa rehiyon tulad ng Laguna Lakeshore Expressway Dike Project, Batangas-Manila 1 Natural Gas Pipeline Project, Tanauan City Public Market Redevelopment Project at ang Puerto Princesa Airport Operations, Maintenance and Development Project.

Sa panukalang pambansang badyet ng rehimen para sa 2016, aabot sa 65.9 bilyong piso ang inilaang badyet para sa mga proyektong PPP ng mga burgesya kumprador sa bansa. Pinoprotektahan din ng rehimen ang kita ng mga kontraktor sa pamamagitan ng 30

Page 13: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

13 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2015

bilyong pisong “risk management program” na pondong garantiyang inilalaan ng gubyerno para sagipin sa anumang pagkalugi. Ganito ang pag-aalaga ni BS Aquino sa mga sumusuporta sa kanyang paghahari. Gagawin nito ang lahat upang maibigay lamang sa kanila ang langit at lupa. Ito ang “tuwid na daan” ng rehimeng US-BS Aquino: para sa mga nagsasamantala a t h i n d i k a i l a n m a n para sa milyun-milyong pinagsasamantalahan.

Rebolusyon ang landas ng tunay na pagbabago

Hindi ang pagpapalit ng nakaupo sa reaksyunaryong gubyerno ang magdudulot ng tunay na pagbabago sa lipunang Pilipino. Sa saligan, walang pinag-iba ang rehimeng US-BS Aquino

sa mga nagdaang rehimen sa bansa. Hindi tuwid ang daan sa tunay na pagbabago. Puno ito ng mga

paliku-liko na sumusubok sa katatagan ng mamamayang n a g s u s u l o n g n g demokratikong rebolusyon ng bayan.

Sa huli, tanging ang mamamayan ang uukit ng kanilang kapalaran at hahawan ng daan upang isulong ang kanilang m ga d e m o k ra t i ko n g mithiin at kamtin ang hustisyang panlipunan. Itinutulak sila ng labis na kahirapan upang tahakin ang landas ng paglaban at ipagtagumpay ang demokratikong rebolusyong magbabagsak sa paghahari ng mga mapagsamantala at magtataguyod ng isang lipunang tunay na kakalinga sa mamamayan.

Labanan ang imperyalistang pandarambong na hatid ng APEC Summit 2015

Ngayong darating na Nobyembre, inaasahang darating sa Pilipinas ang punong imperyalista

na si Barack Obama kasama ang lider ng iba pang mga bansang bahagi ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Labing-siyam na taon matapos ang unang pagdaraos ng pagpupulong noong 1996, muling magpapakitang gilas ang Gubyerno ng Pilipinas sa ilalim ng rehimen ni Benigno S. Aquino III bilang punong-abala sa APEC Summit 2015.

Ang APEC ay isang rehiyunal na blokeng pangkalakalan na itinatag noong 1989. Ang unang pang-organisasyong pagsisikap ay pinangunahan ng mga bansang Japan at Australia. Matapos ang ganap na pagbagsak ng Unyong Sobyet, ginamit na instrumento ng US ang APEC para mapasok ang rehiyong Asia-Pacific. Kasama sa mga unang myembro ng APEC ang Japan, Australia, Brunei Darussalam, Canada, Indonesia,

South Korea, Malaysia, New Zealand, Singapore, Thailand, US at ang Pilipinas. Taong 1991 sumapi ang Taiwan, Hong Kong at ang People’s Republic of China. Mula sa katangiang konsultatibo, ipinatupad ang mga patakarang binalangkas ng APEC sa pulong na ginanap sa Blake Island, Seattle, USA noong 1993. Noon din sumapi ang Mexico at Papua New Guinea. Taong 1994 nang sumapi ang bansang Chile habang huling naging kasapi ang Peru, Russian Federation at Vietnam noong 1998.

Mula nang itatag ang APEC, naglingkod lamang ito sa interes ng malalaking negosyo at sa pagpapatupad ng neoliberal na adyenda ng US. Bagamat walang iisang nagbibigkis na kasunduan sa “malayang kalakalan” ang APEC, maliban sa maraming multilateral at bilateral na mga kasunduan sa pagitan ng ilang mga bansa, agresibong itinutulak ng US ang pagpapatupad ng

Page 14: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

HULYO-SETYEMBRE 2015 14 KALATAS

neoliberal na polisiya ng liberalisasyon sa kalakalan at pamumuhunan, deregulasyon at pribatisasyon ng iba’t ibang serbisyong panlipunan.

Makabuluhan ang mabubuong mga kaisahan ng APEC sapagkat binubuo ng 21 kasaping estado nito ang 50 porsyento ng pandaigdigang ekonomiya, 44 porsyento ng pandaigdigang kalakalan at 40 porsyento ng kabuuang populasyon sa buong mundo. Sa kasalukuyang dinaranas na krisis ng mga imperyalistang bansa dulot ng imperyalistang globalisasyon, nagkukumahog ang US na masolo ang merkado at madomina ang ekonomiya ng mga bansa sa Asia-Pacific.

Estratehiko para sa imperyalismong US ang ilulunsad na APEC Summit ngayong taon para madomina ang Free Trade Area of the Asia-Pacific (FTAAP). Ang FTAAP ay panukala ng APEC bilang isang kumprehensibong kasunduan para sa kalakalan at pamumuhunan na magtataguyod sa mga patakaran ng World Trade Organization (WTO) para sa integrasyon ng mga ekonomiya sa rehiyong Asia-Pacific. Tiyak na itutulak ng US ang Trans-Pacific Partnership (TPP) nito bilang landas ng FTAAP laban sa Regional C o m p r e h e n s i v e Economic Partnership (RCEP).

Bagamat hindi pa pinal kung ang TPP ng US na nananawagan ng mas mataas na antas ng integrasyon sa rehiyon kasama ang iba’t ibang mga bansa sa Asia-Pacific maliban sa China, o ang RCEP na itinataguyod ng Association of Southeast Asian Nations na nananawagan ng mas maluwag na integrasyon ng mga bansa kasama ang China maliban sa US, disimulado nang itinutulak ang pagpapatupad ng TPP sa mga bansa.

Higit na mahalaga ang APEC para sa US sa balangkas ng estratehikong pagpihit nito sa Asia matapos ang dinanas nitong resesyon noong 2008. Ikinukubli sa likod ng tema nito ngayong taon na “Pagtatayo ng mga Ekonomiyang Nakikinabang ang Lahat, Pagtatayo ng Mas Mabuting Daigdig” ang tunay na layunin ng US. Hindi pagpapaunlad—kundi tuluyang pagwasak sa mga patakaran sa pambansang proteksyon na nagtatakda ng restriksyon sa pagpasok ng dayuhang

pamumuhunan sa mga bansa—ang tunguhin ng US para higit pang ibukas ang lakas-paggawa at yaman ng mga ito sa imperyalistang pandarambong.

Dagdag pa, layunin ng US na pigilan ang paglago ng ekonomiya at paglakas ng kapangyarihan ng mga kakumpitensya nito sa Asia-Pacific, partikular ng China na may mahigpit na ugnayan sa Russia at sa iba pang bansang kasapi ng BRICS (India, Brazil at South Africa).

Simula pa noong panahon ng rehimen ni Corazon Aquino, nakaprograma na ang hakbang-hakbang na liberalisasyon sa ekonomiya ng bansa. Ngayong panahon na ni BS Aquino, ang pinakasagadsaring tuta at papet na rehimen ng imperyalismong US sa kasaysayan ng bansa, walang puknat ang mga patakaran at kasunduan hindi lamang sa ekonomiya kundi maging sa militar na pabor pangunahin sa interes ng US.

Sa loob ng 10 b u w a n , i b i n u k a s ng reaksyunaryong rehimen ang iba’t ibang lugar sa bansa tulad ng Clark, Subic, Tagaytay, Boracay, Iloilo at Cebu na pinaglunsaran ng mga pagpupulong bago pa ang engrandeng Economic Leaders’ Meeting sa Nobyembre 18 at 19 sa Maynila. I p i n a g m a m aya b a n g ni BS Aquino na magbubukas diumano ito ng oportunidad para

sa mamamayan. Ngunit ang totoo, bangungot ang aasahan ng mamamayan sa paparating na APEC Summit.

Tiyak ang mas malala pang pandarambong ng mga imperyalistang kapangyarihan sa bansa at ang mas matinding pagsasamantala at pang-aapi sa mamamayan. Dapat puspusang ilantad at labanan ng mamamayan ang tunay na mapangwasak na layunin ng APEC sa ekonomiya ng mga bansa. Ipamalas ang pinakamaingay at pinakamalakas na protestang masa laban sa nalalapit na APEC Summit sa Pilipinas. Salubungin ng matataginting na taktikal na opensiba ng Bagong Hukbong Bayan ang opensibang neoliberal laban sa mamamayan.

Page 15: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

15 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2015

Pulang Saludo sa mga Martir at Bayani ng Quezon

Sa ngalan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng buong rebolusyonaryong kilusan, aming ipinararating ang taimtim na pakikidalamhati sa mga magulang, kapatid, kamag-anakan at kaibigan

ng pinakabagong martir at bayani ng rebolusyon sa lalawigan ng Quezon. Habampanahong gugunitain ng sambayanan ang kanilang kabayanihan at iuukit sa mapulang pahina ng magiting na pakikibaka ng sambayanang Pilipino ang kanilang dakilang pag-aambag ng buhay sa pagtatanggol ng interes ng uring pinagsasamantalahan at inaapi. Ibinuwis nila ang kanilang buhay habang tumutupad ng kanilang dakilang misyon at tungkulin sa demokratikong rebolusyon ng bayan.

Iuukit sa alaala ng sambayanan ang kadakilaan nina Kasamang Elmer “Ka Maolen” Briña, tubong Brgy. Lumot, Cavinti, Laguna; Noli “Ka Rico” Astrera, tubong San Marcelino, General Nakar, Quezon; at Reimundo “Ka Vimiel” Galicia, taga-Santa Rosa, Laguna—pawang nasawi noong Hulyo 8 sa Brgy. Liwayway, Mauban, Quezon habang magiting na nakipaglaban sa pasistang kaaway na kabilang sa 85th IB, Philippine Army.

N a g b i b i g a y - p u g a y kami kina Kasamang Jay jay “Ka B inb in” Monasterio, tubong Ant ipolo, R iza l , nagmula sa isang re b o l u syo n a r yo n g pamilya at naging martir sa murang gulang na 19; at Narciso “Ka Tino” Rabaca, 43 taong gulang, tubong Sto. Niño, Mauban. Kapwa sila nagbuwis ng buhay sa isinagawang reyd ng BHB noong Hulyo 12 laban sa mga tropa ng 85th IB, Philippine Army na nagsisilbing security sa pagtatayo ng tinututulan-ng-mamamayan na mapanirang Coal-Fired Thermal Power Plant sa Brgy. Villa Ibaba, Atimonan.

Binibigyang parangal sina Kasamang Keiven “Ka Milan” Origenes, 24 na taong gulang, mula sa uring magsasaka, taga-Ilayang Ilog, Lopez; at Marlon “Ka Ope/Rotz” Caacbay, 27 taong gulang, isang kabataang intelektwal na nag-aral sa PUP-Sta. Mesa—parehong naging martir sa isang depensibang labanan noong Mayo

10, 2015 sa San Vicente Kanluran, Catanauan, Quezon.

Patuloy na kikilalanin ang rebolusyonaryong dedikasyon ni Kasamang Jayson “Ka Udyr” Pagalan, nagmula sa lalawigan ng Cavite at naging martir sa edad na 24 sa isang operasyong isparo noong Marso 20, 2015 sa Brgy. Talisay, San Andres.

Sila ang ipinagkakapuri ng Partido na mga mabubuting anak ng bayan, mga huwaran at ulirang-lingkod ng uring anakpawis—ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang pinagsasamantalahan at binubusabos ng mapang-aping sistemang pinaghaharian ng malalaking kumprador-asendero-burukrata.

Sa kanilang mga iniwang mahal sa buhay, taus-puso kaming nakikiramay at nakikibahagi sa kanilang pamimighati at kalungkutan.

Hindi mauuwi sa wala ang kanilang pag-aalay ng buhay. Patuloy silang magiging

inspirasyon at tanglaw na magpapaalab sa rebolusyonaryong damdamin ng

kasalukuyan at bagong sisibol na mga rebolusyonaryo.

Mabuhay ang kanilang dakilang alaala!

Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!

Isulong ang demokratikong rebolusyon ng bayan hanggang sa tagumpay!

Komiteng Tagapagpaganap ng Komite SentralPartido Komunista ng Pilipinas

Agosto 6, 2015

Page 16: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

HULYO-SETYEMBRE 2015 16 KALATAS

Huling SONA ni BS Aquino, sinalubong ng protesta sa TK

Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (BAYAN-ST) at Southern Tagalog for the Removal of Aquino (ST Remove Aquino), sinalubong ng mamamayan ng Timog Katagalugan ang huling SONA ng rehimen sa pamamagitan ng serye ng mga kilos-protesta na tinawag na “Bigkisan sa Katagalugan para Patalsikin si Aquino sa Malakanyang”.

Bigkisan sa Katagalugan

Noong Hulyo 22, naglunsad ng kilos-protesta ang mga mag-aaral, manggagawa, magsasaka at

maralita sa Unibersidad ng Pilipinas-Los Baños at

Crossing Calamba. Nakiisa sila sa panawagang pagpapatalsik sa sagadsaring

papet na rehimeng nagpapatupad ng iba’t ibang anti-mamamayang programa at polisiya. Naglakbay naman ang mga Caviteño mula Dasmariñas tungong Bacoor

upang ilantad ang kawalan ng pagbabago sa kalagayan ng mamamayan sa lalawigan sa ilalim ng rehimeng BS Aquino.

Sa Laguna, inilunsad ang State of the Province Address (SOPA) at Bigkisan noong Hulyo 23. Kinaumagahan ay nag-caravan ang mga raliyista mula Biñan hanggang San Pedro, kung saan naglunsad sila ng mga programa. Naglakbay-lawa sila upang tuligsain ang mga anti-mamamayang proyekto ng rehimeng BS Aquino sa lawa ng Laguna, kabilang na ang Laguna Lakeshore Dike Expressway Project na magpapalayas sa

tinatayang 400,000 mamamayan sa tabing-lawa. Naglunsad din

sila ng mga lokal na salubungan at mga programa.

Bago ang SOPA, nagkilos-protesta ang mga manggagawa at maralita, sa pangunguna naman ng Pagkakaisa ng

mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (PAMANTIK)-KMU sa

Balibago, Sta Rosa. Binansagan nila si BS Aquino bilang “hari ng endo at kontraktwalisasyon”

dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kontraktwal na manggagawa

sa bansa. Pinangunahan naman ng GABRIELA-Southern Tagalog

ang inilunsad na “Bigkisan ng mga Kababaihan” at State of Women

Address (SOWA) sa pamilihang bayan ng Cabuyao. Ayon sa GABRIELA-ST, nananatiling isa sa

pinakapinagsasamantalahan ang sektor ng kababaihan at kabataan. Anang grupo, walang nagawa ang rehimeng BS Aquino upang wakasan ang karahasan laban sa mga kababaihan at bata sa bansa.

Sa Batangas, naglunsad ng mga programa sa bayan ng San Juan, Rosario, Nasugbu at Lemery. Nagkilos-protesta din sa Batangas City kung saan dalawang beses

Sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Benigno S. Aquino III, muling dumagundong ang sigaw ng mamamayang patalsikin na ang papet, korap at pasistang rehimen. Libu-libong mamamayan sa buong bansa

ang naglunsad ng kilos-protesta upang ilantad ang mga kasinungalingan ni BS Aquino at ipanawagan ang pagpapanagot sa mga krimen nito sa bayan.

BALITA

Page 17: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

17 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2015

hinarangan ng mga pulis ang mga raliyistang tumungosa palengke ng lunsod. Tinuligsa ng mga nagkilos-protesta ang talamak na pagpapalit-gamit ng lupa sa probinsya mula agrikultural tungong pang-ekoturismo, residensyal at industriyal na nagpalayas sa libu-libong magsasaka at mangingisda.

Naglunsad din ng serye ng kilos-protesta ang mamamayan ng Quezon sa pangunguna ng Coco Levy Funds Ibalik sa Amin (CLAIM) mula Hunyo 20 hanggang 27. Lumahok dito ang libu-libong magsasaka at iba’t ibang sektor sa lalawigan. (Tingnan ang kaugnay na artikulong “Bigkisan ng magniniyog” sa pahina 19.)

Mula Katagalugan tungong Kamaynilaan

Lumuwas ang libu-libong mamamayan mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Quezon at Mindoro noong Hulyo 24 tungong Kamaynilaan upang maglunsad ng mga kilos-protesta sa pagsalubong sa SONA. Naglunsad sila ng programa sa United Coconut Planters’ Bank sa Makati upang igiit na dapat ilaan ang coco levy funds sa pagpapaunlad sa industriya ng niyog sa bansa at tinuligsa ang planong isapribado ito na pakikinabangan lamang ng malalaking burgesya kumprador at mga panginoong maylupa sa niyugan. Nagkilos-protesta sila sa embahada ng US at kinundena ang sagadsaring pagpapakatuta ni BS Aquino sa imperyalistang amo. Nagpiket din sila sa harap ng Camp Crame upang ipanawagan ang kagyat na pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal sa bansa tulad nina, Benito at Wilma Tiamzon, Eduardo Serrano at Ernesto Lorenzo—pawang mga konsultant at istap ng NDFP na iligal na inaresto ng mga reaksyunaryong pwersa ng estado.

Noong Hulyo 25, naglunsad sila ng programa sa Mendiola at Welcome Rotonda bago nagmartsa tungo sa opisina ng Department of Agrarian Reform (DAR). Sa programa sa DAR, inilahad nila ang kainutilan ng rehimeng

BS Aquino sa pagtugon sa usapin ng repormang agraryo sa bansa. Kinundena nila ang kawalan pa rin ng tunay na reporma sa lupa at ang pagtataguyod ng rehimen sa lumalalang pagsasamantala sa mga magsasaka.

Isang araw bago ang SONA, tumungo sila sa tirahan ni BS Aquino sa Times Street upang maglunsad ng programa at ipinarada ang effigy na tinawag na “Halimaw sa Palasyo” na nagpapakita ng malahalimaw na paghahari ng rehimeng BS Aquino sa ilalim ng kontrol ng imperyalismong US. Anang BAYAN-ST, sa limang taong paghahari ng rehimeng US-BS Aquino nailagay sa lalong karumal-dumal na kalagayan ang mamamayan at marami pa ang tiyak na magdurusa at maghihirap kung magpapatuloy pa ang anti-mamamayang pamumuno ni BS Aquino.

Pagpapatalsik sa rehimeng US-BS Aquino

Sa mismong araw ng SONA, nakiisa ang mahigit isang libong mamamayan ng TK sa “SONA ng Bayan 2015” sa Commonwealth Avenue, Quezon City noong Hulyo 27. Inilahad sa SONA ng Bayan na hindi nagbago bagkus sumahol pa ang kalagayan ng mamamayan makalipas ang mahigit limang taong paghahari ng rehimeng US-BS Aquino. Binatikos ng mamamayan ang “tuwid na daan” ni BS Aquino na walang ibang idinulot kundi ibayong pagpapahirap at pagsasamantala sa taumbayan.

Nabigo naman ang pagtatangkang pagbuwag ng mga kapulisan sa martsa ng mamamayan. Hindi natinag ang mga raliyista sa ginawang marahas na pagbubuwag at pambobomba ng tubig sa kanilang hanay. Nagsikap pa silang itulak ang mga iniharang na container vans upang makalapit sa tarangkahan ng kongreso.

Matapos ang SONA muli silang nagpiket sa Camp Crame noong Hulyo 28 upang kundenahin ang marahas na pagbuwag ng mga kapulisan saSONA ng Bayan 2015.

Andrea Rosal, nakalaya na

Nagbunyi ang mga taga-suporta, kaibigan at kamag-anak ni Andrea Rosal, gayundin ang

lahat ng mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao matapos ibasura ng korte ang mga gawa-gawang kasong isinampa laban sa kanya. Nakalaya si Andrea noong Setyembre 7, 2015 matapos ang higit 17 buwan sa bilangguan.

Si Andrea ay biktima ng panggigipit ng reaksyunaryong gubyerno. Sinampahan siya ng dalawang mga inimbentong kaso. Una ang kidnapping with murder para sa insidente noong Mayo 27, 2007 sa Mauban, Quezon at ang ikalawa ay ang kasong murder sa naganap na engkwentro sa pagitan ng BHB at AFP noong Mayo 24, 2007 sa kaparehong lugar.

Page 18: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

18 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2015

Fil-Am Friendship Day, sinalubong ng protesta

Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (BAYAN-ST),

sinalubong ng kilos-protesta ng mamamayan ng Timog Katagalugan ang “Filipino-American Friendship Day” noong Hulyo 4 upang ipanawagan ang kagyat na pagpapatalsik sa rehimeng US-BS Aquino. Nakiisa sa nasabing pagkilos ang Migrante-ST, Anakbayan-UPLB at League of Filipino Students-UPLB.

Kinundena ng mga nagprotesta ang patuloy na pandarambong ng imperyalismong US sa likas na yaman at ang pagsasamantala nito sa murang lakas-paggawa sa bansa. Ipinanawagan din nila ang kagyat na pagbabasura sa kasunduang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Visiting Forces Agreement (VFA). Anila, huwad ang ipinangangalandakang “pagkakaibigan” sa

pagitan ng imperyalismong US at Pilipinas sapagkat patuloy ang pagkontrol ng US sa larangan ng ekonomiya, pulitika at kultura sa bansa. Kinundena nila ang sagadsaring

pagpapakatuta ng rehimeng US-BS Aquino.

Nakiisa din ang mga manggagawa ng Tanggulan, Ugnayan at Daluyang Lakas ng

Anakpawis sa Tanduay Distillery Inc. (TUDLA) at Liga ng Manggagawa para sa Regular na

Trabaho (LIGA) sa nasabing pagkilos. Kabilang sa iginiit ng mga nagprotesta ang pagbabasura

sa kontraktwalisasyon, paglikha ng sapat at disenteng trabaho sa bansa at pagpapataas ng sahod.

Ang unang kaso ay ibinasura noong Hulyo 2014 at ang ikalawa naman ay ipinawalang-saysay noong Agosto 2015.

Ipinakita ng iligal na pag-aresto kay Andrea ang tahasang paglapastangan ng reaksyunaryong gubyerno sa karapatan ng mamamayan. Kriminal ang rehimen ni BS Aquino dahil sa kapabayaan at kawalang-malasakit nito na siyang naging dahilan ng pagkamatay ng anak ni Andrea na si Baby Diona.

Ang paglaya ni Andrea ay iniluwal ng malakas na kampanya hindi lang sa loob ng Pilpinas kundi maging sa labas ng bansa. Sa paglaya ni Andrea, binigyang-boses niya ang hindi makataong kalagayan ng mga bilanggong pulitikal sa buong bansa.

Sa kanyang press conference, pinasalamatan ni Andrea ang lahat ng mga sumuporta, lumahok sa mga pagkilos at nanawagan ng kanyang paglaya. Aniya, dahil sa pagdamay ng mamamayan, nakayanan niya ang lahat ng hirap na kanyang dinanas mula nang siya’y iligal na arestuhin habang nagbubuntis

at ipiit sa isang di makataong pasilidad na lalong nakasamâ sa kanyang pagdadalang-tao. Nanawagan siya ng suporta para sa pagpapalaya ng lahat ng mga bilanggong pulitikal sa bansa.

Naging malakas na tinig si Andrea sa pagsisiwalat sa di makataong kalagayan at masamang pagtrato ng estado sa mga detenidong pulitikal. Noong Setyembre 18, nagsalita siya sa harap ng mga estudyante sa UP Diliman kaugnay sa masamang kundisyon at tiwaling pamamalakad sa mga detensyon na tinitiis ng mga detenido. Nakiisa rin si Andrea sa mga nagkilos-protesta noong Setyembre 21 upang gunitain ang ika-43 taon ng pagpapataw ng Batas Militar. Ipinanawagan nila ang paglaban sa pampulitikang panunupil at karahasan ng rehimen ni BS Aquino laban sa mamamayan. Sa kaarawan ni Andrea noong Setyembre 23, kanyang dinalaw ang puntod ng kanyang anak sa Ibaan, Batangas at malugod siyang sinalubong ng mga kamag-anakan at kababayan sa isang masayang salo-salo.

Page 19: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

19 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2015

Serye ng mga operasyong militar, binigo ng BHB sa Mindoro

Mula pa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre, walang patid ang mga operasyong militar

na inilulunsad ng mersenaryong Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang Philippine National Police (PNP) at CAFGU sa isla ng Mindoro. Matapos ang matagumpay na reyd sa Paluan ng Bagong Hukbong Bayan noong Nobyembre 7, 2014, desperado ang mga pwersang panseguridad ng estado na pinsalain ang mga yunit ng hukbong bayan at ang rebolusyonaryong mamamayan sa isla.

Idinirihe ng 203rd Brigade ang laking-batalyong pwersa sa tatlong serye ng operasyong militar ng pinagsanib na pwersa ng 4th Infantry Battalion at CAFGU, katuwang ang Regional Public Safety Battalion at Provincial Police Mobile Group. Sa unang serye noong Hulyo 23 hanggang 29, naging pokus ng operasyon ang bayan ng Roxas sa Mindoro Oriental. Matapos magtamo ng pinsala sa mga aksyong militar ng BHB (tingnan ang Balitang TO sa pahina 20 para sa detalye), nagkasa ng panibagong operasyon ang militar.

Sa ikalawang serye noong Agosto 6 hanggang 16, naging mas malawak at masaklaw ang operasyong militar ng kaaway. Ginalugad nila ang mga kagubatan at baybaying-dagat habang may partikular na pokus din sa hangganan ng mga bayan ng Bongabong, Roxas at Mansalay sa Mindoro Oriental at sa San Jose, Mindoro Occidental. Sa ikatlong serye noong Agosto 22 hanggang Setyembre 2, kinatangian ito ng civil military operations at may isa pang insidente na nagpanggap ang kaaway bilang mga kasapi ng BHB para sa strike operation nito. Subalit, bigo silang makapinsala ng yunit ng hukbong bayan.

Sa huling yugto ng termino ni BS Aquino, tiyak na titindi pa ang pasistang atake ng AFP, PNP at grupong paramilitar upang abutin ang mga target nila sa balangkas ng Oplan Bayanihan. Gayunman, bawat atake ng kaaway ay sasalubungin ng mga taktikal na opensiba ng hukbong bayan. Determinado ang lahat ng yunit ng BHB at rebolusyonaryong mamamayan hindi lang sa isla ng Mindoro kundi maging sa rehiyong Timog Katagalugan at sa buong bansa na biguin ang lahat ng pasistang atake at paigtingin pa ang digmang bayan.

Bigkisan ng magniniyog,matagumpay na inilunsad

Sa pangunguna ng Coco Levy Funds Ibalik sa Amin (CLAIM), naglunsad ng serye ng

kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa lalawigan ng Quezon mula Hulyo 20 hanggang 27. Tinawag nila itong “Bigkisan ng mga Magsasaka sa Niyugan ng Quezon Para Bawiin ang Coco Levy Funds”.

Umabot sa 5,000 magniniyog mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ang lumahok sa pagkilos noong Hulyo 20. Sa Catanauan, mahigit 2,000 magniniyog ang nagkapit-bisig sa tabing-kalsada upang makabuo ng “human chain” na umabot ng halos dalawang kilometro.

Mahigit 1,000 magniniyog naman ang lumahok sa Bigkisan sa San Francisco. Kasabay nito, nagsagawa din ng sarili nilang protesta ang mga magniniyog ng Central at South Quezon.

Samantala, nakiisa naman sa mga magniniyog ang daan-daang mag-aaral ng Southern Luzon State University at Enverga University. Lumabas sila ng kanilang mga silid-aralan at iniladlad ang kanilang mga plakard at istrimer na naglalaman ng mga panawagan para sa dekalidad at libreng edukasyon para sa mga kabataan at suporta sa pakikibaka ng mga magniniyog para sa pagbawi sa coco levy funds. Nagsagawa sila ng sarili nilang bersyon ng human chain sa loob ng paaralan.

Noong Hulyo 21, inilunsad ng CLAIM ang State of the Magniniyog Address upang ilahad ang tunay na kalagayan ng mga magsasaka sa niyugan sa lalawigan. Lumahok sa nasabing protesta ang mga nagmula sa Central at South Quezon-Bondoc Peninsula na nagrali sa harapan ng kapitolyo habang dinidinig ang usapin sa coco levy funds, binarikadahan ang harapan ng UCPB at pinaralisa ang maghapong operasyon nito.

Bago lumuwas sa Kamaynilaan para lumahok sa kilos-protesta sa huling SONA ni BS Aquino, nagtipun-tipon ang may 1,300 magniniyog na lumahok sa “Bigkisan” sa kampuhan sa Perez Park sa Lucena City noong Hulyo 23.

Page 20: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

20 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2015

Balitang TOLimang sundalo ng 85th IBPA, napatay sa matagumpay na ambus ng AMC-BHB Quezon

Limang sundalo ang napatay sa isinagawang ambus ng isang iskwad ng Apolonio Mendoza Command-BHB Quezon (AMC-BHB Quezon) sa isang weapon carrier na may lulan na anim na elemento ng 85th IBPA. Isinagawa ang pananambang noong Hulyo 20, 2015 sa San Nicolas, Macalelon habang pabalik ang mga sundalo sa kanilang kampo sa San Vicente, Macalelon.

Nakaganti lamang ang kaaway ng tatlong putok pagkasampa sa mataas na bahagi ng kalsada bago mabilis na umatras ang mga ito. Wala namang nasaktan sa mga Pulang mandirigma.

Samantala, matagumpay naman ang isinagawang riple haras ng isang tim ng BHB Quezon laban sa nakahimpil na 19 na sundalo ng 85th IBPA sa barangay hall ng Malabahay, Macalelon noong Hulyo 26. Tugon ito sa nakatakdang isasagawang operasyong pangkombat ng pasistang tropa sa barangay ng Malabahay.

Tuwirang paglabag sa CARHRIHL ang paghihimpil ng 85th IBPA sa barangay hall ng Malabahay. Dapat lamang na labanan ang ganitong kondukta ng pasistang hukbo na pagsosona ng mga komunidad ng mga sibilyan sa pamamagitan ng paggamit ng mga pampublikong istruktura tulad ng mga paaralan, barangay hall at mga gym.

Mga taktikal na opensiba sa isla ng Mindoro, matagumpay

Ipinagbubunyi ng mamamayan ang mga inilunsad na matatagumpay na taktikal na opensiba at pamamarusa sa mga sagadsaring ahente ng kaaway ng mga Pulang mandirigma ng Lucio De Guzman Command-Bagong Hukbong Bayan Mindoro (LdGC-BHB Mindoro).

Hinaras ng Pulang hukbo ang tropa ng 4th Infantry Battalion Philippine Army sa Sityo Ilya, Brgy. Monteclaro, San Jose, Mindoro Occidental noong Agosto 13. Isang elemento ng 4th IBPA ang nasugatan. Pauwi noon ang mga tropa ng kaaway matapos ang isang linggong operasyon.

Noong Hulyo 24, isang elemento pa ng 4th IBPA ang nasugatan sa inilunsad na operasyong isnayp sa Sityo Tauga, Brgy. San Vicente, Roxas, Mindoro Oriental. Samantala, siyam na sundalo ng Bravo Company ng 4th IBPA naman ang nasugatan nang pasabugan sila ng mga Pulang mandirigma sa Giob, Bulalacao, Mindoro

Oriental noong Hulyo 22.

Isang pwersa ng 4th IBPA ang nasugatan matapos isnaypin ng BHB sa Sityo

Keanay, Brgy. Batasan, San Jose, Mindoro Occidental noong Mayo 9.

Patuloy na binibigwasan ng mga Pulang mandirigma ng LdGC-

BHB Mindoro ang reaksyunaryong hukbo

sa isla. Ito ang tugon ng mamamayang Mindoreño

sa takot at teror na inihahasik ng

mga pasistang tropa.

Page 21: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

BANTAY KARAPATAN

Mga pang-aabusong militar sa Atimonan, tumitindi

Dalawang insidente ng paninira ng mga ari-arian at pananakot ang naganap sa Atimonan, Quezon. Noong Agosto 19, sinira ang bahay ng magkakapatid na Annabel, Janice at Sammy Flores sa Brgy. San Rafael, ginawang panggatong ang kanilang pandingding at sinunog ang mga alaga nilang manok at aso ng mga pwersa ng 85th IB ng Philippine Army. Pinagbantaan sila na huwag magsusumbong dahil kung hindi ay babalikan sila ng mga sundalo at saka papatayin.

Sa Brgy. Lakip, biktima rin ng paninira ng bahay sina Lanie Dela Cruz, Melchor Magpantay at Danny Villasotto. Dahil dito, nagbakwit na ang ilang pamilya sa lugar dahil sa takot na maranasan din nila ang pagbabanta sa kanilang buhay, panggigipit at paninira sa mga ari-arian.

Kinundena ng Karapatan-Quezon at Save Bondoc Peninsula Movement ang ginagawang matinding pang-aabuso ng militar sa karapatang pantao ng mamamayan sa bayan ng Atimonan.

Atake sa mga lider-aktibista, nagpapatuloyNagpapatuloy ang atake ng militar sa mga lider

at opisina ng mga progresibong organisasyon sa probinsya ng Quezon. Nakaranas ng pagmamanman at harasment sina Salvario Arpia ng CLAIM-Quezon, Nazario Buenavidez at Monet Pajalla ng Karapatan-Quezon. Tampok dito ang halos-sabayang pagpunta ng mga ahente ng militar sa kani-kanilang mga tirahan noong Agosto 12.

Sa parehong araw, pinasok naman ng mga sundalo ang compound ng opisina ng Anakpawis-Quezon sa bayan ng Catanauan. Pumarada sa harapan ng opisina ang sasakyan, naglakad ang anim na armado kataong sakay nito at saka umikot palabas sa kabilang kanto.

Ang sunud-sunod na insidente ng pagmamanman at harasment ay bahagi ng desperadong atake ng militar laban sa mga lider-aktibista upang takutin sila at pigilang lumahok sa mga pakikibaka ng mamamayan.

Istap ng NDFP sa usapang pangkapayapaaan, iligal na inaresto

Nilabag muli ng Gubyerno ng Pilipinas (GPH) ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) at Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) nang iligal na arestuhin ang istap ng National Democratic Front of the Philippines na si Ernesto Lorenzo at ang kanyang asawang si Joyce Latayan. Si Lorenzo ay protektado ng JASIG sa bisa ng NDFP Document of Identification ND778299 sa ilalim ng pangalang Lean Martinez.

Mariing kinundena ni Patnubay de Guia, tagapagasalita ng NDF Southern Tagalog ang walang pakundangang paglapastangan ng reaksyunaryong gubyerno sa mga kasunduang nauna nang pinagtibay ng GPH at NDFP. Tinuligsa ni de Guia ang arogante at malisyosong pagpaparatang sa mga rebolusyonaryong pwersa ng reaksyunaryong rehimen na mga kriminal at terorista. Binatikos niya ang pag-aresto kay Latayan na ang tanging kaugnayan lamang sa rebolusyonaryong kilusan ay ang pagiging isang simpleng maybahay at kabiyak ni Lorenzo.

Ani de Guia, walang intensyon ang GPH na lutasin ang ugat ng armadong tunggalian sa bansa sa pamamagitan ng isang pampulitikang resolusyon. Kinundena ni de Guia ang patuloy na panunupil ng reaksyunaryong estado sa mga katulad ni Lorenzo na itinataguyod at ipinaglalaban ang saligang demokratikong interes ng mamamayan at pangmatagalang kapayapaang nakabatay sa hustisyang panlipunan.

21 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2015

Page 22: E D I T O R Y A L Rebolusyon, hindi eleksyon I lupa at pagpapabuti ng produksyon, depensa at seguridad, arbitrasyon, edukasyon at literasiya, kalinisan at kalusugan. Sa pamamagitan

22 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2015

Kay hirap mabuhay kung salat sa kalayaanTuring nila ay hayop sa leeg nga ay tanganAnumang naisin magagawa na rendahanBusabos na dikawasa sa sarili nating bayan

Tila tayo’y mga ibon sa hawla nakakulongPanangis nati’t mga sigaw ay mistulang mga bulongPanaghoy ng mamamayan di mabigyan ng solusyonBagkus ay patuloy pa sa gawaing pandarambong

Libong laksang magsasaka ang naroon sa kanayunanSobra-sobrang paghihirap ang kanilang nararanasanIbayong pagsasamantala, panggigipit,

pangangamkamNa di dapat dinaranas nitong mamamayan

Itong bayang Pilipinas ay likas na mayamanNgunit mamamayan ay lubog sa kumunoy ng kahirapanPagkat tayo nga’y lukob ng agilang dayuhanDayuhang nagpapasasa sa yaman nitong bayan

Kaya’t ang samo ko tayo’y magkaisaBayan ay palayain sa kuko ng agilaAting itayo lipunang sosyalistaAt ating likhain ang lipunang tunay na may demokrasya

Palayain ang bayanni Ka Amon

Kung ako’y mamatay, oo marami ngaAng mag-iiyakan: di lang kamag-anakKundi kaibigan sa iniwang lunsod—Dating kaeskwela, kasama sa trabaho,At intelektwal na mahilig sa tula.At lalong-lalo na ang mga magsasakaAt manggagawang sa aki’y nagbuhosNg kasaysayan ng mapait nilang buhay.

Oo, matutuwa ako kung pupuntaSilang lahat sa aking luksa at libing,Kung pupunuin nila ang buong lansanganSa huling martsa ng aking kabaongNa nababalot ng banderang pulaNa may maso’t karet o tatlong bituin.Higit na kung sila’y magsisimulang magtanong:“Para kanino, bakit siya’y namatay?”

Subalit pareho lang sa akin kungSa kasukalan lamang ako malugmokUpang ibaon ng uod at damoNang walang alaala, walang pangalan.Sapat na kung masamang minahal ang magbangon:Magwasak sa ating piitang bulok!

Lumikha ng lipunan ng liwanag, oo!Liwanag na sa loob kung ako’y mamatay.

*Si Emmanuel A.F. Lacaba ay namatay sa isang depensibang labanan habang nagbubukas ng sonang gerilya noong panahon ng Batas Militar.

Kung Ako’y Mamatayni Emmanuel A.F. Lacaba

(1948-1976)

KULTURA