21
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 3: Takot Labanan, Ipagmalaki ang Kakayahan 2

Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

  • Upload
    others

  • View
    17

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

Edukasyon saPagpapakataoUnang Markahan – Modyul 3:

Takot Labanan, Ipagmalaki angKakayahan

2

Page 2: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang BaitangAlternative Delivery ModeUnang Markahan – Modyul 3: Takot Labanan, Ipagmalaki ang KakayahanUnang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ngkarapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kungito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapanay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na itoay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga itoupang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mgatagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit malibansa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mgaito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag saanomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Leonor Magtolis BrionesPangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat: AL JOHN U. FEBREROPatnugot: BENNEDICK T. VIOLA

MARIE ANN C. LIGSAY, PhDTagasuri: AUGUSTO A. MATEO

ROSALINDA S. IBARRA, PhDTagaguhit: JINKY H. MARTIN

IMLEDA B. SICATTagalapat: AIZA G. DINGLETagapamahala:

NICOLAS T. CAPULONG PhD, CESO VLIBRADA M. RUBIO, PhDMA. EDITHA R. CAPARAS, EdDNESTOR P. NUESCA, EdDLARRY B. ESPIRITU, PhDRODOLFO A. DIZON, PhDMERCEDITA D. SALDERO

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng ______________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon IIIOffice Address: Matalino St. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)Telefax: (045) 598-8580 to 89E-mail Address: [email protected]

Page 3: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

2

Edukasyon saPagpapakataoUnang Markahan – Modyul 3:

Takot Labanan, Ipagmalaki angKakayahan

Page 4: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

ii

Paunang SalitaPara sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon saPagpapakatao 2 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyulpara sa araling Takot Labanan, Ipagmalaki ang Kakayahan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang atsinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadonginstitusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upangmatulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakdang Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan angpansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawainayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itongmatulungan ang mag-aaral upang makamit ang mgakasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang angkanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Ang modyul na ito ay inihanda upang matukoy ng mag-aaral ang mga pamamaraan sa pagpapakita ng kakayahanglabanan at maipagtanggol ang sarili sa masasamang epekto ngpangbubuska (pangbubully).

Inaasahan ang pagpapatnubay sa mga mag-aaral habangisinasagawa ang aktibidad na ito.Ang mga sagot sa bawatgawain ay matatagpuan sa likod ng modyul na ito.

Mga Tala para sa GuroIto'y naglalaman ng mga paalala, panulong oestratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

iii

Para sa Mag-aaral:

Sa modyul na ito ay inaasahang malalaman ang mgapamamaraan upang maipakita ang kakayahan na labanan angtakot sa mga nangbubuska (nangbubully). Gayundin, upangmaisa-isa ang mga hakbang na dapat gawin upang magkaroonng mabuting samahan at maiwasan ang kapahamakan.

Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo sa pansarilingpagkatuto. Upang maging wasto ang paggamit, kailangan itongmaging malinaw sa pamamagitan ng mga patnubay sa tulongng mga tuntunin.

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakato 2ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa TakotLabanan, Ipagmalaki ang Kakayahan

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyongpangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitongmadulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapatmong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman moang mga dapat mongmatutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikitanatin kung ano na angkaalaman mo sa aralin ngmodyul. Kung nakuha mo anglahat ng tamang sagot (100%),maaari mong laktawan angbahaging ito ng modyul.

Page 6: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

iv

Balikan Ito ay maikling pagsasanay obalik-aral upang matulungankang maiugnay angkasalukuyang aralin sa naunangleksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagongaralin ay ipakikilala sa iyo samaraming paraan tulad ngisang kuwento, awitin, tula,pambukas na suliranin, gawain oisang sitwasyon.

SuriinSa seksyong ito, bibigyan ka ngmaikling pagtalakay sa aralin.Layunin nitong matulungankang maunawaan ang bagongkonsepto at mga kasanayan.

PagyamaninBinubuo ito ng mga gawaingpara sa mapatnubay atmalayang pagsasanay upangmapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sapaksa. Maaari mong iwasto angmga sagot mo sa pagsasanaygamit ang susi sa pagwawastosa huling bahagi ng modyul.

IsaisipNaglalaman ito ng mgakatanungan o pupunan angpatlang ng pangungusap otalata upang maproseso kunganong natutuhan mo mula saaralin.

Page 7: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

v

IsagawaIto ay naglalaman ng gawaingmakatutulong sa iyo upangmaisalin ang bagong kaalamano kasanayan sa tunay nasitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayongmatasa o masukat ang antas ngpagkatuto sa pagkamit ngnatutuhang kompetensi.

KaragdagangGawain

Sa bahaging ito, may ibibigay saiyong panibagong gawainupang pagyamanin ang iyongkaalaman o kasanayan sanatutuhang aralin.

Susi sa PagwawastoNaglalaman ito ng mga tamangsagot sa lahat ng mga gawainsa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ngmodyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyanng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ngmodyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mgapagsasanay.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ngpinagkuhanan sa paglikha opaglinang ng modyul na ito.

Page 8: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

vi

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa ibapang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawatpagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawang mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa ibapang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloykung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawainsa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin anginyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kaynanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man saiyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Lagingitanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha kang malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.Kaya mo ito!

Page 9: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

1

Alamin

Ang modyul na ito ay isang kahandaan sa mgagawain na makatutulong sa iyo na makapagpakita ka ngmga kakayahan na malabanan ang takot kapag maynangbubuska (nangbubully). (EsP2PKP-Ic-10)

Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahan na:1. Naiisa-isa ang mga paraan upang malabanan ang takot sa

mga nangbubuska (nangbubully).2. Nahihinuha ang kahalagahan ng pagkakaroon ng

mabuting relasyon sa iyong sarili at sa kapuwa.

Subukin

Panuto: Gumuhit ng masayang mukha ( )kung ang pahayagay nagsasaad ng magandang pag-uugali at malungkotna mukha ( ) kung ang pahayag ay hindi magandangpag-uugali at nakasasakit sa kapuwa. Iguhit ito sapatlang ang iyong kuwaderno o sagutang papel.

_____ 1. Pinupuri ang magagandang katangian ng

kamag-aaral.

_____ 2. Tinutulungan ang mga may kapansanan at

kahinaan.

_____ 3. Binibigyan ng pangalan o bansag ang taong

may kakaibang pisikal na kondisyon.

_____ 4. Masayang tinutulungan ang mga may

kapansanan.

_____ 5. Tapat sa pakikipag-usap sa taong may kahinaan.

Page 10: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

2

Aralin

1Takot Labanan,Ipagmalaki ang Kakayahan

Bawat tao ay may kaniya kaniyang katangian tulad ngpisikal na kondisyon, lebel ng kaisipan at sariling pamamaraan ngpagsasagawa ng iba’t ibang bagay. Mahalagang magingpositibo at maunawain sa pagtanggap sa mga pagkakaibang ito.

Tayo ay iba, Halina’t Magkaisa

Ako’y may malaki at bilog na mga mata kaya maraming nakikita,

Sa akin ay maliit ang buka, ating tingnan ang maganda,

Maliliit ang aking mga binti at may matabang hulma,

Sa aki’y matatag, tayo nang maglakad ikaw ay sumama,

Hirap akong matuto, tila kulang ang lakas ko,

Ako’y aktibo at buhay ang isip ko halika’t magtulungan tayo,

Hirap ng buhay ay aking nakikita at nararanasan,

Kami’y nakaluluwag at may kakayahan, hayaan mong ikaw ayaming tulungan.

Ang tula sa itaas ay nagpapakita ng iba’t ibang katangianna taglay ng bawat tao. Ang pagkakaibang mayroon ang bawatisa ay kailangang unawain at tanggapin. Sa pagsasagawa nito,iyong maipakikita ang paggalang at pagpapahalaga sa kapuwa.

Page 11: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

3

Tingnan ang sariling katangian

Tingnan ang masama.

Humakbang upang lumayo sa may kapintasan

Takbuhan ang nangangailangan

Lapitan ang kapuwa at tulungan

Lumakad upang iwasan ang may kapansanan

Kunin ang nakalaan para sa iba.

Mag-abot ng tulong na kayang ibahagi.

Isarado upang pagdamutan ang kapuwa mo

Pakinggan ang masasamang bagay.

Dinggin lamang ang sariling kagustuhan

Pakinggan ang hinaing at pangangailagan ng iba

Makinig ngunit huwag gawin ang dapat

Tingnan ang kapintasan ng iba.

Tingnan ang sariling kakulangan at panghinaan ngloob

Balikan

Panuto: Balikan natin ang mga kaisipan mula sa tulang “Tayo ayIba, Halina’t Magkaisa”. Iyong tukuyin ang tamang gamitng mga ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ngpaglalagay ng tsek. Sagutin ito sa iyong kuwaderno osagutang papel.

1.

2.

3.

4.

Page 12: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

4

Mga Tala para sa Guro

Ang pagkakaroon ng magaganda at di- magagandangkatangian bilang tao ay kaloob ng Dakilang Lumikha. Masmagiging makabuluhan ang mga ito kung gagamitin samagagandang pamamaraan na makabubuti sa sarili atkapuwa.

Ang pagtuklas at paggamit ng iyong sariling katangian aymakatutulong upang maging positibo sa kabila ngpangbubuska (pangbubully) ng iba.

Tuklasin

Ang mga angkin mong kakayahan at katangian aymaaaring magdulot ng negatibo at positibong kaisipan mula saiba. Ang makatutulong upang labanan ang takot sa mganangbubuska (nangbubully) ay ang mabuting pakikisama attiwala sa iyong sarili. Sapagkat, magiging kapakipakinabang angmga ito kung ikaw ay magkakaroon ng magandang relasyon saiyong kapuwa.

Ang pagiging handa at pagtitiwala sa sarili ay makatutulongupang iyong malabanan ang masasamang epekto ngpangbubuska (pangbubully).

Page 13: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

5

Positibong Pamamaraan upang Mawala ang Takot saNangbubuska (Nangbubully)

1. Pagtitiwala sa sariling kakayahan.

- Ang tiwala sa sarili ay makatutulong upang masmahubog ang angkin at natatagong kakayahan.

2. Pagiging positibo sa sasabihin ng iba.

- Ang paggalang at pagtanggap sa mga sinasabi atopinyon ng iba ay makapagbibigay ng mga hakbangupang magbago at magkaroon ng positibong pananaw.

3. Pagpapaunlad ng sariling kakayahan.

- Ang pagpapaunlad ng lakas at kakayahan ay hakbangupang makamtan ang tiwala (confidence) sa sarili.

4. Ang pagsasaisip at pagsasagawa ng mga bagay namagpapakita ng kabutihan sa iba.

- Ang pagiging mabuti sa kapuwa ay isang paraan upangumunlad ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa-tao.

Page 14: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

6

Suriin

Panuto: Pulsuhan sa pamamagitan ng thumbs up ( ) kung angmga pahayag ay dapat gawin upang labanan ang takotsa mga nangbubuska (nangbubully) at thumbs down ( )kung mali at hindi dapat ang pahayag. Sagutin ito saiyong kuwaderno o sagutang papel.

Makinig sa maling pahayag ngiba at panghinaan ng loob.

Lumaban sa pamamagitan ngpagpapakita ng sarilingkakayahan.

Gumanti at maging marahas samga nangbubuska(nangbubully)

Igalang ang opinyon ng iba lalona kung ito ay makatutulong.

Magsikap sa pagpapaunlad ngmga kakayahan.

Maghiganti dahil sa masamangbagay na ginawa ng kapuwa.

Page 15: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

7

____________________________________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________

Pagyamanin

Si Julia ay laging tinutukso ng kaniyang mga kamag-araldahil sa taglay niyang panlabas na kaanyuan. “Pandak” o“unano” ang ngalan na bansag sa kaniya. Pinagtatawaan atlaging tinitingnan ang kaniyang mga kapintasan.

Panuto: Punan ang mga puso ng mga pahayag na maaari mongibahagi at sabihin kay Julia upang mapalakas angkaniyang loob. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sagutangpapel.

Page 16: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

8

Isaisip

Magpakita ng mga __________________ upangmalabanan ang pangbubuska (pangbubully) ng iba sapamamagitan ng positibong pagtanggap sa sarili at saiyong kapuwa. Ang iyong kakulangan at pisikal nakalagayan ay hindi dapat maging sagabal para sa mgabagay na kaya mong gawin.

Maging positibo, alamin ang mga mabuting gawain attukuyin ang mga taong maaaring makatulong sa iyo.

Isagawa

Panuto: Suriin ang mga pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang mgagawi upang labanan ang takot sa mga nangbubuska(nangbubully) at ekis (X) naman kung ito ay nagpapakitang takot. Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutangpapel.

_____1. Galingan sa pagsayaw kung di marunong sapag-awit.

_____2. Magtago sa mga nangbubuska (nangbubully) atlagi silang iwasan.

_____3. Yayain ang mga may kaparehas na kalagayanpara gumanti sa iba.

_____4. Humingi ng tulong at payo sa magulang, guro atmga kaibigan upang mapaunlad angkakayahan.

_____5. Bigyan ng pagkakataon ang sarili na maunawanang iyong mga kahinaan.

Page 17: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

9

Tayahin

Si Lito ay mula sa mahirap na pamilya at may kapansananpa sa kaniyang paningin kaya nahihirapan siya sa pagbabasa.

Si Nina naman ay mayroong iba’t ibang talento at maymatiwasay na pamumuhay.

Panuto: Piliin sa kahon ang mga pahayag na maaaring gawinnina Lito at Nina upang maipakita ang pang-unawa atpagkakaisa. Isulat ang bilang ng iyong sagot sa loob ngkahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

Bilang: _____

_____

_____

Bilang: _____

_____

_____

1. Tumulong sa pagbabasa at iba pang mgagawain sa pag-aaral.

2. Magtiwala sa sarili at mag-isip ng tulong namaaaring ibahagi sa kaibigan.

3. Magbigay ng mga lumang kagamitan namagiging kapaki-pakinabang sa kaibigan.

4. Tratuhin ng maganda at puno ng pagmamahalang nangangailangan.

5. Makinig sa mabubuting opinyon ng kaibigan paramapaunlad ang sarili.

6. Maging positibo sa lahat ng bagay sa kabila nglahat ng mga pinagdadaanan.

Page 18: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

10

Karagdagang Gawain

Panuto: Punan ang mga patlang upang mas makilala ang iyongsarili at makapagbigay ng paraan upang mapaunladang iyong kakayahan o talento. Gawin ito sa iyongkuwaderno o sagutang papel.

Ako ay may kakayahang_____________________________________________________________________________________________________________________.

Ginagamit ko ito sa

__________________________________________________________

__________________________________________________________.

Upang mapaunlad ito, ako ay

__________________________________________________________

__________________________________________________________.

Page 19: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

11

Susi sa Pagwawasto

1.

2.

3.

4.

5.

1.Pahayag12.Pahayag33.Pahayag34.Pahayag3

1.

2.

3.

4.

5.

1.Mayiba’t-ibangtamangkasagutan

1./2.X3.X4./5./

LitoNina

1.21.12.52.33.63.4

Maaaringmagkaiba-ibangpagkakasunod-sunod.

Page 20: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

12

Sanggunian

Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, RolanBaldonado Catapang, Isabel Monterozo-Gonzales.2013. Kagamitan ng Mag-aaral. Biyayaanpapahalagahan ko; Kakayahan ko, gagamitin ko.pp. 241-248.

Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, RolanBaldonado Catapang, Isabel Monterozo-Gonzales.2013. Patnubay ng guro. Biyayaan pahahalagahan ko;Kakayahan ko, gagamitin ko. pp. 95-98.

Page 21: Edukasyonsa Pagpapakatao - depedstorybooklovers.com€¦ · Pagpapakatao UnangMarkahan–Modyul3: TakotLabanan,Ipagmalakiang Kakayahan 2. ... upang makuha ang pahintulot sa paggamit

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]