10
UNCORRECTED PROOF KABANATA 5 NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO Dumating si Basilio sa San Diego sa panahon na inilalakad na sa mga lansangan ang prusisyon para sa noche buena ng kapaskuhan. Naanatala na ang kaniyang pag-uwi ng ilang oras dahil ang kutsero na nakalimot magdala ng kaniyang cedula ay inaresto ng guwardia sibil, kinulata ng ilang ulit, 1 at dinala at pinaharap sa pinuno. Ang kalesa ay muli na nahinto upang paraanin ang prusisyon, ang kutsero na hinuli at nakulata ay masambang nagdasal ng isang Ama Namin 2 sa harap ng rebulto na dumarating na nakalagay sa andas na tila isang dakilang santo. Kinakatawan ng imahe ang isang matandang lalaki na may mahabang balbas, nasa panabi ng mga libingan, nasa sa ilalim siya ng puno na puno ng mga pinatuyong ibon. Isang kalan na mayroong palayok, isang dikdikan at kalikot ang tanging kasangkapan upang ipakita na ang matanda ay nabubuhay sa labi ng isang libingan at doon ay nagluluto . 3 Iyon si Matusalem na sa pang-relihiyosong ikonograpiya sa Pilipinas, ang kaniyang kasamahan at kasabayan sa Europa ay tinatawag na Noël na higit na masayahin at matuwain. 4 Nasabi ng kutsero sa kaniyang isip na “ Sa panahon ng mga santo,“walang guardia sibil, dahil kung mayroon ay hindi siya mabubuhay ng ganoong katagal sa pangungulata .” 5 MGA PALIWANAG Makikita ang lupit ni Rizal sa pagsasalaysay n mga kaganapan sa kaniyang mga mga tauhan, na kaniyang palaging itinataon sa noche buena ng kapaskuhan. 1 Kinulata – salitang Tagalog na ang kahulugan ay pinukpok o pinalo ng puluhan ng mahabang baril. Ang katulad halos na kasalanan ng kutsero sa ating panahon ay nakaiwan ng lisensiya. 2 Sa dasal na Ama Namin ay naandoon ang patawarin sa “kasalanan na gaya ng pagpapatawad sa mga ngakasala sa amin.” 3 Isang indikasyon ni Rizal sa dapithapon ng buhay ng isang matanda. 4 Masaya ang dapithapon ng buhay ng mga taga-Europa na katulad ng kay Noel, samantalang sa Pilipinas ay malungkot lalo na sa mga matatandang mahirap na ipinapakita ni Rizal sa mga kagamitan ni Matusalem. 5 Napakalupit ng panunudyong ito ni Rizal. Kung meron noong guardia sibil ay hindi ito maitatala sa pinakamahabang buhay na tao.

El Filibusterismo:Deciphered-kab05

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: El Filibusterismo:Deciphered-kab05

UNCORRECTED PROOF

KABANATA 5NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO

Dumating si Basilio sa San Diego sa panahon na inilalakad na sa mga lansangan ang prusisyon para sa noche buena ng kapaskuhan. Naanatala na ang kaniyang pag-uwi ng ilang oras dahil ang kutsero na nakalimot magdala ng kaniyang cedula ay inaresto ng guwardia sibil, kinulata ng ilang ulit,1 at dinala at pinaharap sa pinuno.

Ang kalesa ay muli na nahinto upang paraanin ang prusisyon, ang kutsero na hinuli at nakulata ay masambang nagdasal ng isang Ama Namin2 sa harap ng rebulto na dumarating na nakalagay sa andas na tila isang dakilang santo. Kinakatawan ng imahe ang isang matandang lalaki na may mahabang balbas, nasa panabi ng mga libingan, nasa sa ilalim siya ng puno na puno ng mga pinatuyong ibon. Isang kalan na mayroong palayok, isang dikdikan at kalikot ang tanging kasangkapan upang ipakita na ang matanda ay nabubuhay sa labi ng isang libingan at doon ay nagluluto.3 Iyon si Matusalem na sa pang-relihiyosong ikonograpiya sa Pilipinas, ang kaniyang kasamahan at kasabayan sa Europa ay tinatawag na Noël na higit na masayahin at matuwain.4 Nasabi ng kutsero sa kaniyang isip na “Sa panahon ng mga santo,“walang guardia sibil, dahil kung mayroon ay hindi siya mabubuhay ng ganoong katagal sa pangungulata.”5

Pagkatapos ng matanda, dumaan ang tatlong hari na sakay ng kabayo na nakatayo ang pangharap na paa, lalo na ang haring itim na si Melchor na parang nais na unahan ang dalawa nitong kasama. “Wala ngang guardia sibil noon,” ang nawika sa sarili ng kutsero, na may pagkainggit sa maligayang panahon.6 “Dahil kung meron, ang maitim na iyon na nais unahan ang dalawang Kastila (Gaspar at Baltasar) ay nadala na sana sa bilangguan.”

MGA PALIWANAG

Makikita ang lupit ni Rizal sa pagsasalaysay n mga kaganapan sa kaniyang mga mga tauhan, na kaniyang palaging itinataon sa noche buena ng kapaskuhan.1

Kinulata – salitang Tagalog na ang kahulugan ay pinukpok o pinalo ng puluhan ng mahabang baril. Ang katulad halos na kasalanan ng kutsero sa ating panahon ay nakaiwan ng lisensiya.2 Sa dasal na Ama Namin ay naandoon ang patawarin sa “kasalanan na gaya ng pagpapatawad sa mga ngakasala sa amin.”3 Isang indikasyon ni Rizal sa dapithapon ng buhay ng isang matanda.4 Masaya ang dapithapon ng buhay ng mga taga-Europa na katulad ng kay Noel, samantalang sa Pilipinas ay malungkot lalo na sa mga matatandang mahirap na ipinapakita ni Rizal sa mga kagamitan ni Matusalem.5 Napakalupit ng panunudyong ito ni Rizal. Kung meron noong guardia sibil ay hindi ito maitatala sa pinakamahabang buhay na tao.6 Talagang makikita na si Rizal ay binibigay sa kaniyang mambabasa ang panahong malaya.

Page 2: El Filibusterismo:Deciphered-kab05

UNCORRECTED PROOF

Nang makita na may suot na korona ang maitin na katulad ng dalawang Espanyol ay naisip agad ang hari ng mga Indio at bumuntong-hininga.

Naitanong niya ng magalang kay Basilio na, “Ginoo, nakawala na po ba ang kanang paa ngayon?”

Ipinaulit ni Basilio ang tanong, “kaninong kanang paa?”

“Sa Hari!” Ang sagot na marahan at palihim ng kutsero.

“Anong hari?”

“Ang ating hari, ang hari ng mga Indio”

Si Basilio ay ngumiti at nagkibit balikat.7

Muling bumuntong hininga ang kutsero.8 Sa mga Indiong tagabukid ay nananatili pa rin ang alamat na ang kanilang hari,9 na nakulong at nakatanikala sa kuweba ng San Mateo,10 isang araw ay makaka-alis sa pagkakabihag. Sa bawat dantaon ay napapatid na ang tanikala sa mga kamay at isang paa, at ang naiiwan na lang ay ang sa kanan.11 Ang paggalaw ng haring ito sa pagnanais na makawala ang kadahilanan ng paglindol. Hindi maipaliwanag kung bakit tinatawag siya ng mga Indio na Bernardo, maaring dahilan sa magulong pagkakahalo sa Bernardo Carpio.12

7 Walang alam o paki-alam si Basilio sa inaakalang mangmang na kaalaman at pag-asa ng bayan.8 Isang simbolismo ng panghihinayang na ang taong alam niyang matalino ay walang alam o paki-alam.9 Ayon kay Austin Craig, isa sa mga naging aktibidad ni Rizal sa kaniyang kabataan ay ang sumama sa kaniyang ama at matulog sa kubol sa bukid sa panahon ng anihan, sa mga gabing iyong ay naririnig nito ang mga kuwento ng mga kasamahan nilasa bukid.10 Ipinapaala-ala ng nagsasaliksik na isa sa mga lugar na ipinapapansin ni Rizal sa paglalakbay sa Ilog Pasig ay ang San Mateo.11 Ipinapakita ni Rizal ang isang pag-asa na kinikimkim ng mga taga-bukid na katulad ng kutsero na darating ang panahon ng kanilang paglaya. Tandaan na sa panahon na sinusulat ni Rizal ang nobela ay huling dekada na ng ika-19 na siglo at papasok na ang ika-4 na dantaon. Balikan ang pag-aaral ng nagsasaliksik sa Kabanata 3 ukol sa propetikal na kaganapan ng himagsikan na maaring tinitingnan ni Rizal.12 Isang palaisipan sa nagsasaliksik na ang isa sa mga anging aktibidad ng Katipunan sa Biyernes Santo ng 1895 ay ang pagtungo nila sa yungib ng Pamintinan na tinatawag na Kuweba ni Bernardo Carpio (Masangkay) sa bisinidad din na binabanggit sa nobelang ito. Basahin ang artikulong ito ng National Historical Institute.http://www.nhi.gov.ph/index2.php?option=com_content&do_pdf=1&id=21Naapektohan kaya si Bernardo este Bonifacio ng kaisipang ito upang puntahan ang kuweba at ipahayag ang kalayaan ng Hari ng Bayan/Haring Bayan?

Ang larawan ng kuweba ng Pamintinan ay hiniran sa url na http://www.flickr.com/photos/denbote/2248637224/

Page 3: El Filibusterismo:Deciphered-kab05

UNCORRECTED PROOF

"Kapag nakawala na ang iyong kanang paa,” ang nabulong ng kutsero na pinipigil ang buntong hininga, “Ibibigay ko samkanya ang aking mga kabayo, maglilingkod ako sa kaniya, kahit na mamatay ako… will give my horses, I'll get into his service and let me kill ... Ililigtas niya kami sa mga guardia sibil.”13

At sinundan na may hapis ng kaniyang mga mata ang tatlong hari na papalayo.

Ang mga batang lalaki ay sumunod na nasa dalawang hanay, malungkot, walang katawa-tawa, na waring pinilit lamang. Ang ilan ay may dalang sulong huwepe, kandila, at papel na parol na nakasabit sa tungkod na kawayan, pasigaw na nagdarasal ng rosaryo sa kabila ng pananaway ng iba. Sumusunod si San Jose na nasa hindi marangyang andas, may mukhang malungkot at mapagkumbaba, na ang tungkod ay nagagayakan ng bulaklak ng azucena, nasa pagitan ng dalawang guardia sibil na waring nakadakip sa kaniya; nauunawaan na ngayon ng kutsero ang malungkot na ekpresyon sa mukha ng santo.14 Dahilan sa pagkakita sa guardia sibil o kawalan ng paggalang sa santo na may ganoong kaakbay, hindi man lamang ito nagbigay ng isang dasal na requiem æternam.15 Sa likuran ni San Jose ay ang mga batang babae na umiilaw na ang mga buhok ay nakatalakbong ng panyo na nakabuhol sa ilalim ng kanilang mga baba, nagdarasal din ng rosaryo na hindi kasinglakas ng mga batang lalaki. Sa pagitan ay ang hila-hilang kunehong papel de Japon , na may buntot na na pinutol na papel na itinataas at iniilawan ng kandilang pula. Ang mga bata ay nagtutungo sa prusisyon na kasama ang mga laruang ito upang pasayahin ang kapanganakan ng manunubos.16

Basahin rin ang artikulong Carpio and the Katipunan ROSES & THORNS By Alejandro R. Roces

13 Ipinapakita ni Rizal ang determinasyon ng kahandaang pagpapakabayani ng isang karaniwang tao para sa kaniyang pinapangarap na pagdating ng kalayaan. Pinapapansin ng nagsasaliksik na ang kaapihan at ang pangarap ng kutsero ay naganap sa Buena Noche nang inaakalang pagsilang ng tagapagligtas.14 Ikaw kaya ang nasa kalagayan ni San Jose na asawa ng ina ni Jesus, na nasa pagitan ng dalawang guardia sibil, magiging masaya ka kaya?

15 Sukdulan sa panglalait si Rizal sa bahaging ito ng panunudyo dahil hindi man lamang nagbigay ang kutsero ng dasal na requiem æternam para kay San Jose. Ang dasal na ito ay ibinibigay sa isang taong tiyak na mamamatay. Pagpapakita na kahit na santo ay hindi bubuhayin ng mga guardia sibil.

Requiem æternam dona eis, Domine, Eternal rest grant unto them, O Lord,et lux perpetua luceat eis. and let perpetual light shine upon them.

16 Talagang itong si Rizal ay hindi yata makakasulat ng walang halong panunudyo kahit na nakamaskara sa seryosong anyo. Sa gitna ng mga batang babae ay nandoon ang laruang hayop na kuneho na itinataas at baba sa prusisyon. Ang nasa gitna ng mga batang babae ay simbolo ng kawalang sawa sa sekso. Upang maunawaan ang elemento ng panunudyo na may lahok na sekswal na pahiwatig ay basahin ang mga anotasyon na ginawa ng nagsasaliksik sa lahat ng mga kabanata sa NMT na mayroong mga prusisyon.

Page 4: El Filibusterismo:Deciphered-kab05

UNCORRECTED PROOF

Ang mga hayop na ito na matataba at bilugan na parang itlog ay masaya mandin, kaya’t napapalundag, nawawalan ng panimbang, nahuhulog at nasusunog.17 Sa pagkakita ng pagkakasunog, ang apoy ay papatayin sa pamamagitan ng pagpalo, pag-ihip, at pag-iyak kung makita ang ganap na pagkasira.18 Ang kutsero ay pinapanood na may lungkot na ang lahi ng hayop na ito ay kumokonti sa bawat taon, na waring nasalot din na katulad ng mga totoong hayop.19 Siya si Sinong na kinulatang kutsero, ay naala-ala pa niya ang kaniyang dalawang makikisig na kabayo na upang makaiwas sa salot ay pinabendisyunan ayon sa payo ng pari ay nakagastos ng sampung piso, dahil sa ang pari at ang pamahalaan ay hindi makita ng higit na lunas sa sakit ng mga hayop – kahit na sa ganoon, ang kaniyang alaga ay namatay rin. Datapwat nalubagan din ang kaniyang kalooban,20 dahilan sa pagwiwisik ng banal na tubig, pagwiwika ng Latin, at seremonya ng mga pari, ang kabayo ay nag-ugali na ring mapagmataas, ayaw ng pasingkaw, at dahilan sa siya ay mabuting Kristiyano ay hindi niya mapalo, sapagkat sinabi sa kaniya ng hermano tercero na dahil ang mga ito ay benditado .21

Ang nasa hulihan ng prusisyon ay ang Birhen, suot Divina Pastora na may sumbrerong ayos frondeuse na may malalapad na pardilyas at mahahabang pakpak ng ibon, upang ipakilala ang paglalakbay sa Jerusalem.  At upang maipahiwatig ang panganganak ay ipinag-utos ng kura na patambukin ang tiyan22 at lagyan ng mga basahan at bulak sa ilalim ng saya, upang walang mag-alinlangan sa kanyang kalagayan.  Ang Birhen ay isang magandang larawan, na may

17 Ang mga prayle ang lihim na tinutudyo rito ni Rizal na mga hayop na kuneho, ito ang kaniyang deskripsiyon sa prayle sa isang hindi tapos subalit nakakatawang na kathang panunudyo na may pamagat na Pagdalaw Ni Jesus sa Pilipinas.

18 Nagawa ni Rizal na maipakita ang ginagawang pagdisiplina ng simbahan sa mga kaparian na nakakagawa ng paglabag sekswal.Pagpalo – pisikal o emosyonalPag-ihip – reprimandPag-iyak – pag hingi ng tawad kung napakalaki na hindi na mapagtatakpan ang kasiraan.Nagsasalita kaya si Rizal sa kaniya o sa ating panahon. Tama siya, ang henerasyon ay lumilisan, ang kaniyang masamang bisyo ay naiiwan.19

Kahit naman sa panunudyo ay ipinakita rin ni Rizal na ang lahi ng hayop na iyon ay kumokonti sa bawat taon.20 Nalubagan ang kaniyang loob at walang naging panghihinayang sa naging kamatayan ng kaniyang dalawang kabayo. Dahilan sa pagkatapos ng mga seremonyas ay nagpakita ng masamang ugali ang kaniyang mga kabayo.21

Mapapansin na tinudyong muli ni Rizal ang kaparian ng kaniyang panahon.Mapagmalaki – inaakalang alam na niya ang lahat (kahit hindi totoo), mayabang sa kaniyang kaunting kaalaman sa pag-aakalang maloloko niya ang lahat ng tao.Ayaw pasaway – ito ang relasyon ng mga prayle sa nakakataas sa kaniya (sa pamahalaan at maging sa nakakasakop sa kaniyang obispo, lalo kung ito ay sekular)Hindi mapalo ng mabuting Kristiyano – hindi malabanan ng mga uto-utong Kristiyano dahil sa pinaniniwalaang banal. (Sangguniin ang pag-uusap ng mga kababaihan sa Kabanatang mga Usap-usapan sa NMT).

22 Napakasalbahe ni Rizal, kaya pala umuusok ang ilong ng mga prayle noon sa pangunguna ni Arsobispo Pedro Payo sa NMT at EF.

Page 5: El Filibusterismo:Deciphered-kab05

UNCORRECTED PROOF

anyong hapis, kagaya nang lahat ng larawang gawa ng mga Pilipino, ayos na nahihiya dahil sa ginawa sa kanya marahil ng padre kura.  Sa dakong harapan ay may ilang kantores at sa likuran ay ilang musiko at ang mga kaukulang guwardiya sibil.23  Gaya nang maasahan ay hindi kasama ang kura, matapos ang kanyang ginawa:  nang taong iyon ay masama ang loob, sa dahilang kinailangan niyang gamitin ang buo niyang katalinuhan at pananalitang pasilu-silo upang ang mga taong-bayan ay magbayad ng tatlumpung piso sa bawa’t isang misa de aguinaldo at hindi dalawampu na gaya nang dating halaga.           

  “Naging pilibustero ka,” ang sabi.24                   

Lubhang naiiyak marahil ang kutsero dahil sa mga bagay na napagkita sa prusisyon 25 sapagka’t nang makaraan ito at nang ipag-utos ni Basilio na magpatuloy ay hindi napuna na ang ilaw ng parol ng karumata ay namatay.  Sa isang dako naman ay hindi napuna ni Basilio sapagka’t nalilibang sa pagmamasid sa mga bahay na naiilawan, sa loob at labas ng mga parol na papel na maiinam ang ayos at iba’t iba ang kulay, mga bituing nalilibid ng bilog na may mahahabang pabuntot, na pag nahipan ng hangin ay naglalagaslasan, at mga isdang ang ulo’t buntot ay gumagalaw, na may baso ng ilaw sa loob, na pawang nakasabit sa balisbisan ng bahay at siyang nagbibigay ng anyong masaya.  Namamasdan ni Basilio na ang mga pag-iilaw ay umuunti rin, na ang mga bituin ay nawawala, na nang nakaraang taon ay kakaunti na ang mga palamuti at palawit, at nang taong ito ay lalo pa manding kaunti kaysa nakaraan… Bahagya nang nagkaroon ng musika sa lansangan, ang masasayang galawan sa kusinaan ay hindi na namamalas sa lahat ng bahay at ang gayon ay sinapantaha ng binata na alinsunod sa kasamaan ng panahon, ang asukal ay matumal, ang ani ng palay ay nasira, nangamatay ang mahigit sa kalahati ng mga hayop, at ang mga buwis ay tumataas, nadadagdagan nang di maalaman kung bakit at sa anong dahilan, samantalang lalong humigit naman ang pamamaslang ng guwardiya sibil na siyang pumapatay sa kasayahan ng mga bayan.26           

Ito pa naman ang kanyang iniisip nang madinig ang isang “alto!” na nag-umugong.  Kasalukuyang nagdaraan sila sa harapan ng kuwartel at napuna ng isang bantay na patay ang tanglaw ng kalesa at ang bagay na iyon ay hindi dapat manatili.  Sunud-sunod na mura ang tinanggap ng

23 Hindi baleng makabuntis ang kura at mayroong magpapakasal na sa birhen na nabuntis. Pansinin sana mayroong San Jose ang Birhen at mayroong mga Pilipino San Jose. Balikan po natin ang San Jose sa unahan ng prusisyong ito na waring nadakip ng mga guardia sibil – isang paglalarawan sa mga lalaking hindi kayang humarap sa pananagutan sa misteryo na ginawa ng prayle. Inihahandog ko ang parteng ito ng aking pag-aaral sa mga lalaking deboto ni San Jose.24

Hindi binanggit ni Rizal kung kanino ang pananalitang ito dahil sa walang kasunod kahit sa tekstong Espanyol. Ikaw lamang ang makakasagot sa tanong na iyan.25 Ito ang susi upang patunayan na mayroong ibang layer26 Ang paniniil ng mga armadong elemento ng naghaharing uri ay nag-iibayo kasabay ng paghirap ng bayan.

Page 6: El Filibusterismo:Deciphered-kab05

UNCORRECTED PROOF

kaawa-awang kutsero na nagsabing ang kadahilanan noon ay ang kahabaan ng prusisyon, at sa dahilang pipiitin at ilalatahala sa mga pahayagan, sapagka’t lumabag sa ipinag-uutos, ay lumunsad sa sasakyan ang ayaw ng basag-ulo at mahinahong ipinagpatuloy ni Basilio ang lakad, na pasan ang kanyang takba.           

Iyon ang San Diego, ang kanyang bayan, na wala man siya ni isang kamag-anak…           

Ang tanging bahay na nakita niyang masaya ay ang kay Kapitan Basilio. Ang mga tandang at mga inahin ay nag-iiyukan, na sinasaliwan ng mga tunog ng wari’y nagtatadtad ng karne sa sangkalan at ng sagitsit ng mantika sa kawali.   May handa sa bahay at umaabot sa lansangan ang maminsan-minsang simoy na may halong amoy ng ginisa. 27            

Sa entresuelo ay nakita ni Basilio si Sinang, na pandak ding gaya nang kilala ng aming mambabasa, kahi’t tumaba at lalo pang bumilog, sapol nang magkaasawa.  At siya’y napamangha nang makitang kausap ni Kapitan Basilio, ng kura at ng alperes ng guwardiya sibil ang mag-aalahas na si Simoun,28 na may salaming bughaw sa mata at kilos malaya ring gaya nang dati.           

  “Yari na, ginoong Simoun,” ang sabi ni Kapitan Basilio, “tutungo kami sa Tiyani upang tingnan ang inyong mga hiyas.”           

  “Ako ma’y paparoon din,” anang alperes, “sapagka’t kailangan ko ang isang tanikala sa relos, nguni’t marami akong gawain… Kung iibigin sana ni Kapitan Basilio na siya na ang mamanihala…”           

Malugod na sumang-ayon si Kapitan Basilio, at sa dahilang ibig niyang makasundo ang militar upang di siya magambala, kung ginagambala ang kanyang mga tao, ay ayaw tanggapin ang halagang pinagpipilitang dukutin ng alperes sa bulsa.           

  “Iyon na ang aking pamasko!”           

  “Hindi ko mapapayagan, Kapitan, hindi ko mapapayagan!””           

  “Siya!  Siya!  Saka na tayo magtuos sa huli!” ang sabing mapagparaya ni Kapitan Basilio.           

Ang kura man ay nangangailangan din ng hikaw at ipinagbilin sa Kapitan na ipakibili na siya.29           

27 Ang bahay rin na ito at mga eksenang katulad ang huling ipinamalas sa kaniya ni Rizal kay Basilio sa kabanatang Noche Buena sa NMT.

28 Sa NMT ang huling nakita ni Basilio na nag-uusap ay si Kapitan Basilio at G. Filipo Lino.29 Ang kura mangangailangan ng hikaw! At pansinin ang pagkakaiba ng pagpapabili, ang alferes ay nagkunwaring dumudukot sa bulsa at sa kura ay wala man lamang na pag-aalok ng bayad.

Page 7: El Filibusterismo:Deciphered-kab05

UNCORRECTED PROOF

 “Ang ibig ko ay iyong mabuti.  Saka na tayo magtuos.”           

  “Huwag kayong mag-alaala, Padre Kura,” ang sabi niya, na ibig ding makasundo ang nasa dako ng simbahan.           

Ang isang patibay na masama ng kura ay ikagagambala niya nang malaki at ibayo pa ang magugugol:  ang hikaw na iyon ay isang sapilitang handog.  Samantala nama’y pinupuri ni Simoun ang kanyang mga hiyas.           

  “Nakakagulat ang taong ito!” ang sabi sa sarili ni Basilio, “sa lahat ng pook ay nakapangangalakal… At kung paniniwalaan natin ang ilan ay binibili niya sa ilang ginoo, sa munting halaga, ang mga ipinagbili din niyang hiyas upang ipang-alay… Ang lahat ay nakapangangalakal sa sangkapuluang ito.   Kami lamang ang tanging hindi .”           

At nagpatuloy sa kanyang bahay, sa bahay ni Kapitan Tiago, na tinatahanan ng isang katiwala.  Inaantay siya upang balitaan ng katiwala na may malaking paggalang sa kanya mula noong makita siyang bumubusbos na waring inahing manok lamang ang iniiwaan.  Ang dalawang manggagawa ay napipiit, ang isa’y matatapon sana sa malayong bayan…namatay ang ilang kalabaw.           

  “Ang dati rin, matatandang balita!” ang may yamot na putol ni Basilio.  “Kailan pa man ay ganyan ang pasalubong nihyo sa sakin!”           

Ang binata’y hindi ganid, nguni’t sa dahilang madalas siyang makagalitan ni Kapitan Tiyago ay iginiaganti naman niya sa kanyang gma napag-uutusan.  Ang matanda’y nag-apuhap ng bagong balita.           

  “Namatay ang isa nating mananaka, ang matandang bantay sa gubat, at hindi pumayag ang kura na malibing nang libing mahirap, sapagka’t mayaman daw ang panginoon!”           

  “At sa ano namatay?”           

  “Sa katandaan na!”           

  “Bah, namatay sa katandaan!  Kung namatay nang dahil sa isang sakit man lamang sana!”           

Ang ibig ni Basilio ay  may sakit, dahil sa kanyang hangad na makagawa ng autopsia.            

  “Wala na baga kayong maibabalita sa aking bagong bagay?  Nawawalan tuloy ako ng gana sa pagkain dahil sa pagbabalita ng mga bagay na gaya rin ng dati.  May balita baga tungkol sa Sagpang?”           

Page 8: El Filibusterismo:Deciphered-kab05

UNCORRECTED PROOF

Isinalaysay ng matanda ang pagkakabihag kay Kabesang Tales.  Si Basilio ay napahintong nagmumuni-muni at hindi umimik.  Hindi na nakakain.