Feng Shui Interview

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Feng Shui Interview

Citation preview

Feng Shui InterviewMga Mahahalagang Araw ng Pagdiriwang at Paniniwala ng mga Tsino at PilipinoChinese Feng Shui1.Ano ang kahulugan ng Feng Shui?Ang ibig sabihin ng Feng ay hangin at ang Shui naman ay tubig. Itong dalawang elemento ay mahalaga sa buhay ng tao. Ang hangin ay umiikot kung saan-saan. Ang tubig ay dumadaloy. May mga lugar ng mayaman at maganda ang simoy ng hangin. May lugar na malakas ang daloy ng tubig at may lugar na tagtuyot. Kapag ipinagsama ang dalawang salitang ito, nag-iiba ang kahulugan na ang ibig sabihin ngayon ay posisyon o direksyon na kung saan mo makikita ang kailangan mo o gusto mo tulad ng kayamanan, kalusugan, kaligayahan at iba pa o ang magandang araw para sa mahahalagang okasyon tulad na kasal, paglipatng bahay, araw ng libingat iba pa.2.Bakit sobrang mahalaga ito sa mga negosyo at bahay ng mga Tsino?Mahalaga ito sa mga Chinese dahil sa pamamagitan nito napipili nila ang masuwerteng lupa o bahay na pagtatayuan ng kanilang negosyo ayon sa kapanganakan ng may-ari. Sa Feng Shui rin malalaman kung may masamang espiritu ang lupang napili. Dito rin makikita kung sagana ang tubig upang di abutan ng tagtuyot.3.Ano ang konsepto (concept) o pilosopiya ( philosophy) nito?Ang mga Tsino ay may sariling kalendaryo. Dito nila nakikita ang panahon kung kailan mahangin at maulan upang masunod ang tamang lugar at panahon,kung kailan at saan dapat itayo ang isang negosyo at tamang araw para sa mahahalagang okasyon.4.Ano po ang mga halimbawa ng Feng Shui na nakikita sa bahay o negosyo?Mga halimbawa: - Huwag itapat sa kalsada ang pangunahing pinto ng bahay.- Huwagpagtapatin ang mga pintuan ng dalawang silid.- Sa hagdanan,binibilang ang dami ng hakbang ayon sapagkakasunod-sunod sa ginto, pilak at tanso.- Sa kusina, di dapat magkatapat ang lutuan at lababo.- Sa mga negosyo, naglalagay ng masusuwerteng mga bagay tulad ngmoney cat, laughing buddha,fortune frog at iba pa.5.Ano ang dahilan ng pagsunod sa Feng Shui?Mayroong iba na gustongmaging mayaman kaya inaasa na lang sa Feng Shuiang kinabukasan. Ngunit ang karamihan ay sumusunod sa Feng Shui para sa maayos na pamumuhay.6.Naniniwala po ba kayo sa Feng Shui at sinusunod niyo po ba ito?Oo, dahil ang Feng Shui ay nakakatulong sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan, kasiyahan at kaayusan sa buhay .

Chinese New Year sa PilipinasPosted byOnline Balitaon Jan 24th, 2012 //0 Comments1SHARESShare on FacebookTweet on TwitterHindi maikakaila ang pagkahumaling ng mga Pinoy sa mga pampasuwerte at pangtaboy ng malas, partikular na ang sistemang Feng Shui ng mga Tsino na tinatangkilik ng mga Pilipino lalo na sa pagsisimula ng taon. Ngunit ano nga ba ang pinagmulan ng mga tradisyong ito?Ngayong gabi sa Patrol ng Pilipino, samahan si Gretchen Malalad sa pagbati ng Kung Hei Fat Choi sa ating mga kababayang Tsino. Alamin ang kahulugan para sa kanila ng pagdiriwang nito, pati na ang mga tradisyunal na paraan mula sa preparasyon ng pagkain at salusalo ng pamilya, mga paputok, ang dragon dance, at pagbisita sa templo.Babalikan ni Gretchen ang kasaysayan at tutuklasin kung paano nito unti-unting n a impluwensiyahan ang kulturang Pilipino mula sa pagdating ng mga Tsinong mangangalakal sa bansa noong 982 AD hanggang sa pagtulak sa kanila ng mga Espanyol na mananakop sa Binondo.Sa kabila naman ng pagdiriwang na ito, kasalukuyang umuusad sa Senado ang impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona. Samahan si Ryan Chua sa kanyang ulat sa mga pangyayari sa loob at labas ng Senado habang nangyayari ang makasaysayang paglilitis at alamin kung paano nga ba naghahanda ang mga kasama niyang mamamahayag sa pagbabalita nito.Alamin ang kuwento sa likod ng mga balita ngayong gabi sa Patrol ng Pilipino pagkatapos ng Bandila sa ABSCBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SKyCable Channel 26), 9:15 PM.

lan sa mga kontribusyong Tsino na ipinamana sa ating mga Filipino ay tulad ng paggamit natin ng mga paputok upang salubungin ang Bagong Taon. Kung hindi ako nagkakamali, maging ang pagsuot ng itim tuwing ng mga nagluluksa tuwing may patay ay nanggaling din sa kanila.

Ano ang mga kaugalian ng tsino?In:Uncategorized[Edit categories]

Gumawa Facebook ProfileKumonekta sa Kaibigan, Kapamilya at Kaklase. Gumawa ng Profile Ngayon!www.facebook.com

ImproveAnswer:Ang mga Intsek [Chinese] ay naka-kalat na sa buong mundo, noong pa mang mga unang panahon, lalo na sa ngayon [dito sa Mindanao, sa Datu Piang, 15th /16th siglo nanirahan na sila] at sila ay nakilala bilang mga mangangalakal. Sila din ang isa sa matatawag na unang sibilisadong mga nasyon sa mundo.Ang Tsina ang isa na unang narating ng Islam, noong 650 CE ang Tiyuhin ng Propeta Muhammad SAW na si Sa`ad ibn Abi Waqqas, ay ipinadala bilang envoy kay Emperor Gaozong. Noong 661 CE- Ang Umayyad Caliphate ay siyang komokontrol sa kalahati ng mundo, na ang kanilang Islamic capital ay nasa Damascus. Sakop ng Umayyad hanggang Tsina, Africa, Espania, France, Sentral Asia. Sa panahon ng Propeta Muhammad SAW, Ang Tsina ang maituturing na pinakamalayong lugar para sa mga Arabo at minsang sinabi na rin ng Propeta SAW: "Hanapin ang karunungan kahit ito ay nasa Tsina", Katunayan na umabot ang mga Muslim na Arabo sa Tsina ay noong ikapitong siglo ay naitatag ang Hui Shen mosque o Masgit. Ang mga Arabong Missionaryo dumating sa Tsina ay katulad sa Intsek, mga mangangalakal din. Ngunit may pagkakaiba an gang kanilang paniniwala at kultura. Ang mga Arabong mangangalakal ay nagsasambayang [salah] ng limang beses sa isang araw [Subuh-bukang liwayway, Dohor-tanghali, Asar-hapon na Salah, Magrib-takip silim na Salah, at Iesha- gabing salah].Pag-sumasapit ang mga panahon ng pagsambayang [salah] ay kanilang pansamantalang isininasara ang kanilang mga paninda. At dahil bago at walang katulad sa paninda na galing pa sa kanilang bansa, marami ang sa kanila ay bumibili, at dahil dito ay napansin ng mga Intsek at kanilang inobserbahan ay isa sa napansin nila ang pag-sasara nila maaga pa, hanggang sumikat ang araw, at tanghali at sa takip-silim, ang dahilan ay nagsasambayang. Hindi nag-tagal ay marami sa mga Intsek ang naging Muslim at ang ibang kaugalian at kultura ng mga Muslim na Arabo ay kanilang namana, ganoon din sa mga Arabo.Hindi nagtagal ang mga Mangangalakal/Misionaryong mga Muslim na mga Arabo na nasa Tsina ay tumuloy sa Malay Peninsula hanggang sa Pilipinas. Ang kapatunayan nito ay umabot dito sa atin si Shariff Makdum, noong pang ika-13th siglo Ipinagawa niya ang unang Masjid sa Pilipinas sa Tubig-Indangan, Pulo ng Simunol, Lalawigan ng Tawi-Tawi. Ang natitirang bahagi ng Masjid ay makikita pa rin sa dati niyang kinalalagyan. Si Makhdum ay namatay sa Pulo ng Sibuto, Lalawigan ng Tawi-Tawi at ang kanyang puntod ay dinadayo ng mga turista hanggang sa ngayon. Noong 1390, si Rajah Baginda ang dumating at ipinagpatuloy ang pagpapalaganap ng Islam na sinimulan ni Sharif Makhdum.Si Abu Bakr ay dumating sa Jolo noong 1450 at pagkatapos ay pinakasalan niya ang dalagang anak ni Rajah Baginda na si Putri (Princess) Paramisuli. Si Abu Bakr ang nagtatag sa tinatawag na Sultanate of Sulu na kung saan silang mag-asawa ang naging unang Sultan at Sultana. Si Sharif Muhammad Kabunsuan, 1475, na unang dumating sa Malabang at tumuloy sa may Bucana, na tinawag na Inawan, hanggang naging Muslim ang isa sa magkapatid na Tabunaway at Mamalu. Hindi nagtagal ay pinakasalan niSharif Muhammad Kabunsuan si Putri Tunina kapatid nina Tabunaway at Mamalu at sila rin ang kauna-unahang Sultan at Sultana sa Maguindanao. Ayon sa mga kuwento ay sumakay si Shariff Kabunsuan sa Kawa [malaking kawali] dahil naipagkamali ng mga Katutubo ang Junk [sasakyan pandagat ng Intsek]ito ay itim at medyo bilogan ang hitsura.At di nagtagal ay naitatag ang Sultanate sa Jolo at dito sa Maguindanaw Darussalam. At dito na rin nagsimula ang kalakalan ng mga bansa, una na dito ang bansang Tsina, dahil may dati ng ugnayan ang mga mamayan nito. Hanggang ang mga unang mamayan [Pilipino] ay manirahan na ibat-ibang lugar sa Pilipinas, at patuloy pa rin ang ugnayan nito sa Tsina, sa pamamagitan ng kalakalan.Naitala na rin sa History ang pagdating ni Limahong sa bansang Pilipinas noong pa mang 1574.Ang impluwensya ng kulturang Intsek sa mga Pinoy ay hindi matatawaran, at ito ay makikita hanggang sa mga panahon na ito na nasa "modern age" na tayo.Kaugalian ng mga Intsek, ang magpaputok ng mga rebentador o pyro technique sa tuwing may kasayahan, kaya naman malaking negosyo ang pagpapgawa ng paputok at ito ay minana ng mga Pioy na taga Bulacan. Dito sa mga Bangsamoro, dahil una na silang nakapag-unayan sa mga Intsek na mangangalakal ay kanilang ring minana ang kultura na mag-paputok. Hanggang sa ngayon na wala na halos ang rebentador at napalitan na ito ng malalakas ang paputok, ang baril. Kaya tuwing Eidil Fiter at Adha, may mangilan ngilan pa rin sa mga Bangsamoro ang nagpapaputok ng kanilang mga baril at iba na walang baril ay paputok na rebentador. Samantala ang Islam ay wala ito sa kanyang katuruan pagpapaputok, sa ganitong mga okasyon, bagkus ito ay kanyang itinuturo na huwag gumawa ang tao ng mga bagay na makakapinsala sa kanyang mga Nilikha. Ang pagpapatok sa dalawang Eid ay mahigpit na ipinagbabawal ng mga nag-aral sa Islam, dahil ito ay taliwas sa katuruan ng Propeta SAW, nasiyang dapat sundin ng mga Muslim, sa buong mundo.ChineseNewYearParabasamgaKristiyano?TAUN-TAON, tuwing buwan ng Enero o Pebrero, napakaraming tao mula sa ibat ibang panig ng daigdig ang nagpupunta sa Asia. Milyun-milyong Asiano ang umuuwi sa kanilang pamilya upang ipagdiwang ang Chinese New Year.*Ang Chinese New Year ang pinakamahalagang kapistahan sa kalendaryo ng mga taga-Asia. [Itoy] parang pinagsama-samang pagdiriwang ng Bagong Taon, Fourth of July, Thanksgiving, at Pasko, ang sabi ng isang manunulat na Amerikano. Nagsisimula ang kapistahan sa unang bagong buwan sa kalendaryong lunar ng mga Tsino, o sa pagitan ng Enero21 at Pebrero20 sa kalendaryo sa Kanluran. Tumatagal ito nang ilang araw hanggang dalawang linggo.Ang pagdiriwang ng Bagong Taon ay pamamaalam sa nakaraang taon at pagsalubong sa bagong taon. Bilang paghahanda sa kapistahan, ang mga tao ay naglilinis at naglalagay ng dekorasyon sa kanilang mga bahay, bumibili ng mga bagong damit, naghahanda ng mga pagkaing nagdadala ng magandang kapalaran o kasaganaan, nagbabayad ng kanilang mga utang, at nilulutas ang mga di-pagkakaunawaan. Sa araw ng Bagong Taon, nagpapalitan sila ng mga regalo at nagbabatian, karaniwan nang para sa kalusugan at kasaganaan, namimigay sila ng pera na inilalagay saangpaoo pulang sobre na itinuturing na suwerte, kumakain ng masasarap na pagkain, nagpapaputok, nanonood ng sayaw ng makukulay na dragon o leon, o basta nagsasaya lamang kasama ng pamilya at mga kaibigan.Maraming kahulugan ang mga kaugaliang ito. Ganito ang sinasabi ng aklat naMooncakesandHungryGhosts:FestivalsofChina:Walang ibang nasa isip ang mga pamilya, kaibigan, at kamag-anak kundi ang suwertihin, igalang ang mga diyos at espiritu, at magkaroon ng magandang kapalaran sa darating na taon. Yamang nagsasangkot ito ng maraming tradisyon at relihiyosong gawain, ano ang dapat maging pananaw rito ng mga Kristiyano? Dapat ba na basta na lamang silang makisama sa mga pagdiriwang na ito? Para ba ito sa mga Kristiyano?HuwagMongKalilimutanangPinagmulanNitoIsang kilalang kasabihan ng mga Tsino ang nagsasabi: Kapag umiinom ka ng tubig, huwag mong kalilimutan ang pinagmulan nito. Ipinahihiwatig nito ang matinding paggalang ng maraming Asiano sa kanilang mga magulang at ninuno. Dahil utang ng mga anak ang kanilang buhay sa mga magulang, natural lamang na igalang nila ang mga ito. Ang paggalang na ito ay mahalagang bahagi ng pagdiriwang ng Bagong Taon.