5
UNCORRECTED PROOF : Kabanata 9 Si Pilato Ang balita ng gayong kasawian ay dumating sa bayan; kinahabagan ng ilan at kinibit na lamang ng iba ang kanilang balikat. Walang may kasalanan sa pangyayaring iyon at ang sino ma’y walang masisisi. Ni hindi man namilig ang tenyente ng guwardiya sibil; tumanggap siya ng utos na samsamin ang lahat ng armas, at siya’y tumutupad sa kanyang katungkulan; Hinanap niya ang mga tulisan kailanma’t magagawa ang gayon, at nang bihagin si Kabesang Tales ay nilakad niya agad ang pag-uusig at iniuwi niyang baliti sa bayan ang lima o anim na taong-bukid na kanyang pinaghinalaan, 1 at kung hindi napasipot si Pilato – pinaniwalaang nanungkulan bilang gobernador Romano sa Judea (na noon ay sakop ng Imperyo Romano), nagkaroon ng immortal na katanyagan sa kasaysayan dahilan ginawa niyang paraan ng paglilitis sa kaso ni Jesucristo. Ito ay nang ipaubaya niya sa nagkakagulong mga tao (mob) ang kapasiyahan ukol sa kamatayan ni Jesus. Pagkatapos na magpasya ng kamatayan ang nakakarami sa nagkakagulong mga tao ay naghugas ng kamay si Pilato, upang huwag siyang sisihin sa masamang naganap kay Jesucristo. Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa paghuhugas ng kamay ng mga tao na maaring masisi sa naging kasawian ng pamilya ni Kabesang Tales.DITO AY MAKIKITA ANG TALAS AT TALIM NG PANULAT NI RIZAL – Pinaghugas niya ng kamay ang ilang tauhan, SUBALIT IPINAKITA NIYA ANG PUTIKANG KAMAY NG MGA TAONG NAGDULOT NG KASAWIAN SA PAMILYA NI KABESANG TALES. 1 Mapapansin sa nobela ang kalupitan ng mga alagad ng batas ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya. Nakabaliti ang mga taong dinakip, nakatali ng mahigpit ang dalawang braso na patalikod upang hindi makatakbo o malimitahan ang pagkilos.

FilibusterismoDeciphered -kab09

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Kabanata 9 - Si Pilato: Isang pagusuri sa aktwasyon ng mga tauhan sa El Filibusterismo sa paghuhugas ng kanilang mga kamay upang maiwasan ang mabuntunan ng sisi sa kinasapitang kasawian sa pamilya ni Kabesang Tales.

Citation preview

Page 1: FilibusterismoDeciphered -kab09

  UNCORRECTED PROOF :

Kabanata 9Si Pilato

             Ang balita ng gayong kasawian ay dumating sa bayan; kinahabagan ng ilan at kinibit na lamang ng iba ang kanilang balikat.  Walang may kasalanan sa pangyayaring iyon at ang sino ma’y walang masisisi.           

Ni hindi man namilig ang tenyente ng guwardiya sibil; tumanggap siya ng utos na samsamin ang lahat ng armas, at siya’y tumutupad sa kanyang katungkulan; Hinanap niya ang mga tulisan kailanma’t magagawa ang gayon, at nang bihagin si Kabesang Tales ay nilakad niya agad ang pag-uusig at iniuwi niyang baliti sa bayan ang lima o anim na taong-bukid na kanyang pinaghinalaan,1 at kung hindi napasipot si Kabesang Tales ay sapagka’t wala sa bulsa ni sa balat ng mga hinuli na pinakaigihan sa palo.2

            Nagkibit balikat ng uldog na tagapangasiwa sa hacienda.  Wala

siyang pakialam sa bagay na iyon; kagagawan ng tulisan!  At siya’y tumutupad lamang sa kanyang katungkulan.  Tunay ngang kung hindi

Pilato – pinaniwalaang nanungkulan bilang gobernador Romano sa Judea (na noon ay sakop ng Imperyo Romano), nagkaroon ng immortal na katanyagan sa kasaysayan dahilan ginawa niyang paraan ng paglilitis sa kaso ni Jesucristo. Ito ay nang ipaubaya niya sa nagkakagulong mga tao (mob) ang kapasiyahan ukol sa kamatayan ni Jesus. Pagkatapos na magpasya ng kamatayan ang nakakarami sa nagkakagulong mga tao ay naghugas ng kamay si Pilato, upang huwag siyang sisihin sa masamang naganap kay Jesucristo.

Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa paghuhugas ng kamay ng mga tao na maaring masisi sa naging kasawian ng pamilya ni Kabesang Tales.DITO AY MAKIKITA ANG TALAS AT TALIM NG PANULAT NI RIZAL – Pinaghugas niya ng kamay ang ilang tauhan, SUBALIT IPINAKITA NIYA ANG PUTIKANG KAMAY NG MGA TAONG NAGDULOT NG KASAWIAN SA PAMILYA NI KABESANG TALES.1

Mapapansin sa nobela ang kalupitan ng mga alagad ng batas ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya. Nakabaliti ang mga taong dinakip, nakatali ng mahigpit ang dalawang braso na patalikod upang hindi makatakbo o malimitahan ang pagkilos.

2 Wala sa balat - pinarusahan ng labis ng mga dumakipo sa bulsa – hindi makapagbigay ng perang pang-areglo ang mga pinaghihinalaan sa mga dumakip.

Page 2: FilibusterismoDeciphered -kab09

siya nagsumbong ay hindi marahil sinamsam ang mga armas at hindi marahil nabihag si Kabesang Tales; nguni’t siya, si Fr. Clemente,3 ay kailangang mag-ingat at ang Tales na iyon ay may isang tinging wari’y humahanap ng dakong patatamaan sa kanyang katawan.  Ang pagsasanggalang sa sarili ay katwiran.  Kung may tulisan man ay hindi niya kasalanan; hindi niya katungkulan ang umusig, katungkulan iyon ng guwardiya sibil.  Kung si Kabesang Tales ay namalagi sa kanyang tahanan at hindi naglibot sa kanyang mga lupain ay hindi sana nabihag.4  Iyon ay isang parusa ng langit sa lahat ng mga lumalaban sa mga utos ng kanyang corporacion.5

            Nabatid ni Hermana Penchang, ang matandang mapanatang

pinaglilingkuran ni Huli ang nangyari; bumigkas ng dalawa o tatlong susmariosep, nag-antanda at nagsabing: 6

            “Kung kaya tayo pinadadalhan ng Diyos ng ganyang parusa, sa

kadalasan, ay dahil sa tayo’y makasalanan o kaya’y mayroon tayong mga kamag-anak na makasalanan na dapat sanang turuan natin ng kabaitan, nguni’t hindi natin ginawa.”

            Sa pagsasabi ng kamag-anak na makasalanan ay si Huli ang tinutukoy; sa ganang sarili ng matanda ay lubhang makasalanan si Huli.

3 Ang pagbibigay ni Rizal ng pangalan sa uldog na Fray Clemente ay isang napakataas na anyo ng pang-iinsulto. Ang pangalang Clemente ay nangangahulugan na MAAWAIN o MAHABAGIN.

4 Sa pangangatwiran na ito ay taliwas sa takbo ng kaganapan – dahilan sa pag-iimbot sa lupa ni Cabesang Tales ay napilitan na maglibot si Tales sa lupain na inaangkin ng mga Religious Order.

5 Mula sa punto de vista ng mga relihiyoso, ang kasamaang palad ng kanilang kalaban ay parusa ng Diyos. Sapagkat taglay ng mga ito ang paniniwala na ang kanilang mga kaaway ay kaaway rin ng Diyos.

6 Hindi binigyan ni Rizal ng buong pangalan ang manang na ito na kaniyang ginawang tauhan sa Fili, kundi nakatago sa palayaw na Penchang lamang. Ang pinakamalapit na salita rito ay ang Ingles na Penchant (ang Ingles ay isa sa pangunahing wika na ginagamit ni Rizal noong sinusulat niya ang malaking bahagi ng El Filibusterismo sa London, England). Ang penchant ay nangangahulugan na pagkiling/inclination sa isang paniniwala. Isang tao na ang pananaw at pakuhulugan sa mga bagay na kaniyang nakikita o naoobserbahan ay nakahilig sa kaniyang pinaniniwalaan.

Sa mga sumunod na paglalarawan at ipinagamit na pangungusap ni Rizal ay ipinakita nito ang kinakikilingan ni Hermana Penchant este Penchang.

Page 3: FilibusterismoDeciphered -kab09

“Sukat ba namang ang isang dalagang maaari nang mag-asawa ay hindi pa marunong magdasal!  Jesus, anong laking pagkakasala!   Dapat ba namang bigkasin ng tunggak na iyon ang Dios te Salve Maria nang hindi humihinto sa es contigo ,7 at ang Santa Maria ay walang patlang sa pecadores,8 na gaya ng ginagawa ng sino mang mabuting kristiyano na may takot sa Diyos?9  Susmariosep!  Hindi nakaalam ng oremus gratiam at ang sinasabi’y mentibus at hindi méntibus.  Ang sino mang makakarinig sa kanya ay mag-aakalang ang sinabi’y suman sa ibus.  Susmariosep!”           

At nag-aantandang wari’y di mapalagay at nagpapasalamat sa Diyos na pinayagang mahuli ang ama, upang maalis sa pagkakasala ang anak at matuto ng kabaitan, na alinsunod sa sabi ng kura ay dapat taglayin ng bawa’t babaing Kristiyano.  At dahil dito’y kanyang pinipigil, hindi pinadadalaw sa nayon upang kalingain ang nuno.  Kailangan ni Huli ang mag-aral ng dasal, basahin ang mumunting aklat na ikinakalat ng mga prayle at gumawa hanggang sa mabayaran ang dalawang daan at limampupng piso.

            Nang malamang tumungo si Basilio sa Maynila upang kunin ang salaping naiipon at nang matubos si Huli sa bahay na pinaglilingkuran ay inakala ng babae na ang dalaga’y masasawi na, at pakikiharapan ng diyablo na mag-aanyong kagaya ni Basilio.  Kahit na nakaiinip ay lubhang makatwiran iyong munting aklat na ibinigay sa kanya ng kura!  Ang mga binatang tumutungo sa Maynila upang mag-aral ay nangaliligaw at nanliligaw pa sa iba.  At sa pag-aakalang inililigtas niya si Huli ay pinag-uutos dito na basahing muli’t muli ang aklat ni Tandang Basio Macunat 10at pinapaparoon sa bahay-pari upang

7 Ang bahaging ito ay isang napakalakas na anyo ng blasphemy na nagawa ni Rizal sa dasal na Ave Maria. Nangangahulugan ito ng “Santa Maria (napupuno ka ng gracia) ang Diyos ay sumasaiyo.

Parang ang pagkakabuntis ni Maria ay dahilan sa direktang sumakanya ang Diyos. Pansinin sana na ang magpapatotoo nito ay ang mismong binanggit ni Hermana Penchang na “Jesus, anong laking pagkakasala! ”

8 Sa pamamagitan ng mga iniisip ni Penchang ay halos siguro si Rizal ay bumabagsak sa katatawa sa ipinasabi niya kay Hermana Penchang dahilan sa ito ay mangangahulugan ng “Santa Maria Pecadores” maaring mangahulugan na “Santa Maria ng mga makasalanan”

9 Mapapansin na halos nagging mapagbiro si Rizal sa bahaging ito ng dasal na Ave Maria – (na katulad ng Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H. del Pilar).

10 Si Tandang Basio Macunat sinulat ni Fray Miguel Lucio y Bustamante ( Franciscano) Manila 1885.

Page 4: FilibusterismoDeciphered -kab09

makipagkita sa kura, na kagaya ng babaing pinakapuri ng prayleng kumatha.

            Samantala nama’y nagsasaya ang mga prayle; nanalo na sila sa usapin at sinamantala ang pagkakabihag kay Kabesang Tales upang ibigay sa humingi ang mga lupain niyon, na walang munti mang karangalan, ni walang kahiya-hiya.11  Nang dumating ang dating may-ari at nabatid ang mga nangyari, nang makitang inaari ng iba ang kanyang mga lupain, iyong mga lupaing naging sanhi ng ikinamatay ng kanyang asawa’t anak, si Huli ay naglilingkod na parang alila, at tumanggap pa ng isang utos na bigay ng tininti sa nayon upang alisin ang mga laman ng bahay at iwan ito sa loob ng tatlong araw, ay umupo si Kabesang Tales sa piling ng kanyang ama at hindi man halos nangusap sa buong maghapon. 

(Pansariling Nota: Kailangan pa ng lalong masinsin na pagsusuri sa akdang ito ni Bustamante)

11 Dito ay makikita ang kalupitan ni Rizal – Habang binibigyan pa ni Rizal ng pagkakataon na maipaliwanag ang panig ng mga taong maaring sisihin sa kasawiang palad ng pamilya ni Cabesang Tales ay hindi man lamang niya binigyan ng anumang rason ang mga prayle – walang hiya.