16

Filipino 11

Embed Size (px)

DESCRIPTION

yest

Citation preview

Si Malakas at Si Maganda(Mitong Tagalog)

Walang makikita sa daigdig maliban sa langit at dagat.

Pinag galit ng ibon ang langit at dagatSinabuyan ng tubig ang pisngi ng langitGumanti ang langit sa pamamagitan ng

pagbato ng mga binalumbong na ulap na bato at kimpal ng lupa sa dagat kaya nagkaroon ng lupa sa dagat.

Si Malakas at Si Maganda(Mitong Tagalog)

Namamahinga ang ibon sa dalampasigan nabundol siya ng kawayan na tangay tangay ng agos ng tubig.

Pinagtutuka niya ito hanggang sa ito ay mabiyak

Lumabas sa unang biyas ang lalakiSa pangalawang biyas ay ang babae

Nagpakita ng pambihirang kalakasan ang lalaki kaya siya ay tinawag na Malakas

Kagandahan ng babae kaya’t tinawag siyang Maganda

Binasbasan ni bathala at ginawang mag-asawa

Nagkaroon ng maraming supling na pinagmulan ng tao sa daigdig

Si Malakas at Si Maganda(Mitong Tagalog)

Bundok Pinatubo(Alamat hango sa Zambales)

May isang nayon sa Zambales na nagngangalang Pina

Ang mga tao ay mababait at namumuhay nang tahimik at matiwasay.

Nasira ang katahimikan ng sa pook ng dumating ang mandirigmang si Tulyok

Hinimok ang mga tao na maging mabagsik at mapangahas.

Nanakop ng kalapit nayonNanunog ng mga bahay at nang-agaw ng mga

babae

May anak si Tulyok, si PinatuboMakisig at matapang na mandirigmaSinalakaya nila ang liping pinamumunuan ni

PandayMay nakasalubong na magandang babaePinauna niya ang mga kampon upang makausap

ang magandang babaeSumugod si Tulyok upang sumakloloMadaling napatay si Pinatubo dahil nahati ang isip

sa pakikipag laban at sa magandang babaeng nakilala.

Bundok Pinatubo(Alamat hango sa Zambales)

Napag-isipan ng dalawang lipi na magkasundo kaysa maglabanan at magpatayan.

Muling bumalik ang katahimikan sa buong Zambales

Ang lupang kinalilibingan ng bangkay ni Pinatubo ay tumaas ng tumaas hanggang sa naging bundok

Tinawag nila itong bundok Pinatubo

Bundok Pinatubo(Alamat hango sa Zambales)

May isang kaharian na may mag-asawang walang anak

Humihingi ng awa sa DiyosBinigyan ng isang anak na lalakiLumaking masama at walang galang sa

magulangHindi marunong makinig sa mga pangaral at

hindi takot sa paloLayas ng layas upang maghanap ng

mapapangasawa

Anak na Isinumpa(Kwentong Kababalaghan)

Isang gabi, napagmasdan ng masamang anak ang kanyang natutulog na ina

Tinubuan ng tukso at nakasip ng masamaKumuha ng matigas na kahoy at pinalo sa ulo

ang natutulog na ama.Napasigaw ang ina nang makita ang patay na

katawan ng asawa

Anak na Isinumpa(Kwentong Kababalaghan)

Hinarap ng ina ang masamang anak at tinanong “ikaw ang gumawa ng kasamaang ito?”

“Oo, dahil gusto kong mapasaakin ang iyong kagandahan!” ang nakangising sagot ng masamang anak

Nang lalapitan na ng masamang anak ang ina, isinumpa niya ito na maging hayop na gumagapang sa lupa

Isang iglap ay naging ahas ang masamang anak.Dahil sa pagiging masama kaya naging

makamandag at nakamamatay ang ahas.

Anak na Isinumpa(Kwentong Kababalaghan)

Sa isang tagong lugar na di kalayuan ay matamang minamasdan ng leopardo ang tatlong bakang nanginginain sa damuhan. Lagi silang magkakasama at hindi naghihiwalay.

“Kung mapaglalayo ko lamang ang tatlong ito, tiyak na madali ko silang masisila”, ang naiinis na sabi ng leopardo. “ Ano kaya ang dapt kong gawin?”

Saglit na nag-isip ang leopardo at pagkaraa’y bigla siyang napangiti. “Alam ko na! pagkakagalitin ko sila. Tama! Iyon ang gagawin ko !”

Ang Makinig sa Sabi-sabi(Kwentong Kababalaghan)

Ganoon nga ang ginawa ng leopardo. Gumawa siya ng masamang balitang naghatid-dumapit sa mga baka.

“Bakit sinabi mong ako’y matakaw?” ang galit tanong ng isang baka.

“Bakit mo naman ako pinaratangang magnanakaw?” ang pasigaw na sabi ng ikalawang baka.

“Bakit ninyo sinabing hindi ako mabuting kaibigan?” ang naiinis na sabi naman ng ikatlong baka.

Ang Makinig sa Sabi-sabi(Kwentong Kababalaghan)

Sa pang yayaring iyon nagkagalit-galit ang mga tatling baka nanag hindi muna inaalam ang pinagmulan ng balitang iyon. Naghiwa-hiwalay sila at nagkanya-kanya ng lakad.

Labis itong ikinatuwa ng leopardo dahil matagumpay siya sa kanyang masamang balak. Dahil doon ay isa-isa niyang pinagsisila ang tatlong baka.

Ang Makinig sa Sabi-sabi(Kwentong Kababalaghan)

Mga Anyo ng DulaMay sarili nang dula ang mga katutubong pilipino

bago pa man dumating ang mgakastila. Ito’y karaniwang itinatanghal sa liwasang-

bayan,maluwang na bakuran,sa tahanan ng maharlika, sa kanilang templo o kaya’s sa tabing-ilog.

Ang pagtatanghal ay karaniwan isinasabay sa mahalagang pagtitipon gaya ng pista o handaan, o iba pang mahalagang okasyon. Ang paksa ay karaniwang tungkol sa pag-ibig, pakikidigma,alamt o kaya’y tungkol sa kabutihan ng Bathala.

Ang pagtatanghal ay kadalasang may kasamang sayaw at awit, at ang diyalogo ay karaniwang nasa anyong patula

Mga Anyo ng Dula

Mga nakilalang anyo ng dula“Wayang Orang at Wayang Purwa” ng mga

Bisaya. Ang paksa ng dulang ito ay tungkol sa kapangyarihan at kabutihan ng kanilang Bathala. Ipinakikita rito na pinarurusahan ng Bathala ang masasama at ginagantimpalaan ang mabubuti

“Embayoka at “Sayatan” ng mga Muslim sa Jolo at Lanao. Ang Embayoka ay kahawig ng balagtasan ng Tagalog. Karaniwang binubuo ito ng isang babae, at isang lalake lamang. Samantala, ang sayatan ay isang dulang may awitan,sayawan at tulaan.