14
FILIPINO 6 F6L5-M5

FILIPINO 6 - chatphils.com · Talasalitaan: Ipinagkakait - hindi pinaranas nilustay - pag-ubos ng salapi sa walang bagay namangha - nagulat at nagtaka marahan - mabagal, kung kilos

  • Upload
    others

  • View
    19

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: FILIPINO 6 - chatphils.com · Talasalitaan: Ipinagkakait - hindi pinaranas nilustay - pag-ubos ng salapi sa walang bagay namangha - nagulat at nagtaka marahan - mabagal, kung kilos

FILIPINO 6

F6L5-M5

Page 2: FILIPINO 6 - chatphils.com · Talasalitaan: Ipinagkakait - hindi pinaranas nilustay - pag-ubos ng salapi sa walang bagay namangha - nagulat at nagtaka marahan - mabagal, kung kilos

“Ang

Alibughang Anak”

Page 3: FILIPINO 6 - chatphils.com · Talasalitaan: Ipinagkakait - hindi pinaranas nilustay - pag-ubos ng salapi sa walang bagay namangha - nagulat at nagtaka marahan - mabagal, kung kilos

May isang mayamang ama na

may dalawang anak na kapwa

lalaki. Hiniling ng bunsong anak na

ang manang kanya sa

kayamanan ng kanyang ama ay

ibigay na sa kanya. Nang makuha

na ng bunso ang kanyang mana

ay ipinagbili niya agad ito

makalipas lamang ang ilang araw.

Page 4: FILIPINO 6 - chatphils.com · Talasalitaan: Ipinagkakait - hindi pinaranas nilustay - pag-ubos ng salapi sa walang bagay namangha - nagulat at nagtaka marahan - mabagal, kung kilos

Matapos ito ay umalis siya at

nagtungo sa malayong bayan.

Dito niya walang habas na

nilustay ang kabuhayang

ipinagkaloob ng ama.

Hindi nagtagal, naubos na lahat

ang kanyang salapi. Nang

dumating ang taggutom sa

bansang iyon ay isa na siyang

pulubi.

Page 5: FILIPINO 6 - chatphils.com · Talasalitaan: Ipinagkakait - hindi pinaranas nilustay - pag-ubos ng salapi sa walang bagay namangha - nagulat at nagtaka marahan - mabagal, kung kilos

Namasukan siya bilang tagapag-

alaga ng mga baboy. Dahil sa

gutom, nais na niyang kainin pati

pagkain ng mga baboy na alaga

niya. Ngunit maging ito ay

ipinagkakait din sa kanya ng

kanyang amo.

Sa ganitong kalagayan, naisip

niya ang kanyang ama.

Page 6: FILIPINO 6 - chatphils.com · Talasalitaan: Ipinagkakait - hindi pinaranas nilustay - pag-ubos ng salapi sa walang bagay namangha - nagulat at nagtaka marahan - mabagal, kung kilos

Ang mga manggagawa nito ay

kumakain nang maayos habang

heto siya na nagugutom at

walang makain. Agad siyang

nagpasyang bumalik sa dating

tahanan.

Gayon na lamang ang galak ng

kanyang ama.

Page 7: FILIPINO 6 - chatphils.com · Talasalitaan: Ipinagkakait - hindi pinaranas nilustay - pag-ubos ng salapi sa walang bagay namangha - nagulat at nagtaka marahan - mabagal, kung kilos

Sinalubong nito ng yakap at halik

ang nagbalik na anak. "Ama,

nagkasala ako sa Diyos at sa iyo.

Hindi na ako karapat-dapat na

maging anak mo. Ituring mo na

lang akong isa sa iyong mga alila,"

sabi ng anak sa ama.

Page 8: FILIPINO 6 - chatphils.com · Talasalitaan: Ipinagkakait - hindi pinaranas nilustay - pag-ubos ng salapi sa walang bagay namangha - nagulat at nagtaka marahan - mabagal, kung kilos

Ngunit inutusan ng ama ang mga

alila na linisan at bigyan ang anak

ng pinakamagarang kasuotan.

Ipinasuot din niya rito ang isang

mamahaling singsing, at binigyan

ng sapatos para sa kanyang mga

paa.

Page 9: FILIPINO 6 - chatphils.com · Talasalitaan: Ipinagkakait - hindi pinaranas nilustay - pag-ubos ng salapi sa walang bagay namangha - nagulat at nagtaka marahan - mabagal, kung kilos

Ipinagpatay din siya ng isang

matabang baka at sa ngalan niya

ay nagkaroon ng isang

pagdiriwang.

"Ang anak ko ay nawala at

ngayon ay nagbalik. Ipagdiriwang

natin ang kanyang pagbabalik,"

ang sabi ng nagagalak na ama.

Page 10: FILIPINO 6 - chatphils.com · Talasalitaan: Ipinagkakait - hindi pinaranas nilustay - pag-ubos ng salapi sa walang bagay namangha - nagulat at nagtaka marahan - mabagal, kung kilos

Namangha ang nakatatandang

kapatid nang dumating siya sa

kanilang tahanan. Itinanong niya

sa isang katulong kung ano ang

sanhi ng pagdiriwang. Nang

malaman niya ang sanhi ng

kasayahan ay gayon na lamang

ang kanyang galit kaya't di

napigilan ang kanyang sarili at

sinumbatan ang ama.

Page 11: FILIPINO 6 - chatphils.com · Talasalitaan: Ipinagkakait - hindi pinaranas nilustay - pag-ubos ng salapi sa walang bagay namangha - nagulat at nagtaka marahan - mabagal, kung kilos

"Akong masunurin ninyong anak

na buong katapatang

naglilingkod sa inyo ay hindi ninyo

naipagpatay kahit isang guya

man lamang. Ngayong dumating

ang alibugha ninyong anak na

lumustay ng inyong kayamanan

ay gugugol kayo nang malaki at

magdiriwang!"

Page 12: FILIPINO 6 - chatphils.com · Talasalitaan: Ipinagkakait - hindi pinaranas nilustay - pag-ubos ng salapi sa walang bagay namangha - nagulat at nagtaka marahan - mabagal, kung kilos

Sumagot nang marahan ang

ama, "Anak ko, ikaw ay lagi kong

kapiling. Ang lahat ng akin ay iyo.

Tayo'y nagsasaya ngayon

sapagkat ang kapatid mong

namatay ay muling nabuhay. Siya

ay nawala at muli nating nakita."

Page 13: FILIPINO 6 - chatphils.com · Talasalitaan: Ipinagkakait - hindi pinaranas nilustay - pag-ubos ng salapi sa walang bagay namangha - nagulat at nagtaka marahan - mabagal, kung kilos

Talasalitaan:

alibugha - apaglustay o walang

pakundangan sa paglustay ng salapi at

anumang yaman

hiling - petisyon, pakiusap, pamanhik,

paghingi, pithaya, pita, hinihingi

mana - naiwang ari-arian ng namatay sa

kanyang mga naiwa

Page 14: FILIPINO 6 - chatphils.com · Talasalitaan: Ipinagkakait - hindi pinaranas nilustay - pag-ubos ng salapi sa walang bagay namangha - nagulat at nagtaka marahan - mabagal, kung kilos

Talasalitaan:

Ipinagkakait - hindi pinaranas

nilustay - pag-ubos ng salapi sa walang

bagay

namangha - nagulat at nagtaka

marahan - mabagal, kung kilos o

paggawâ; mahinà, kung paraan ng

pagsasalitâ o pakikipagkapuwa-tao