16
I. PAKSA Tungkol sa konsepto ng breast objectification at kung paano ito nakakaapekto sa katayuan ng mga kababaihan at laganap na multi- oppression sa lipunan ang pananaliksik na ito. II. RASYUNAL/LAYUNIN Mahalaga ang pagtatalakay na ito dahil marami na ang naisagawang pag-aaral na tungkol sa suso ngunit hindi pa ganoon karami ang pag-aaral tungkol sa objectification ng suso na may kinalaman sa multi-oppresion at sa tayo ng mga kababaihan sa lipunan. Ang patalakay ay paraan upang makapagpamulat ng maraming tao, hindi lang din ang mga kababaihan. Hindi makakaila na malaki ang kontribusyon ng mga taong nakapaligid sa isang babae dahil isa sila sa mga salik na nakakaapekto sa kung paano ituturing o titingnan ng babae ang kanyang sarili. Sa libro nina Watts, Cockroft, at Duncan (2009), binanggit dito na ang kapaligirang kinalakihan ng isang indibidwal ay mahalagang impluwensiya sa paglaki. Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan: a. Paano nakakaapekto ang breast objectification sa katayuan ng mga kababaihan at sa multi-oppression? b. Anong dahilan kung bakit naaapektuhan ng breast objectification ang katayuan ng mga kababaihan at sa multi-oppression?

FILIPINO PAPER FINAL.docx

Embed Size (px)

Citation preview

I. PAKSATungkol sa konsepto ng breast objectification at kung paano ito nakakaapekto sa katayuan ng mga kababaihan at laganap na multi-oppression sa lipunan ang pananaliksik na ito.

II. RASYUNAL/LAYUNINMahalaga ang pagtatalakay na ito dahil marami na ang naisagawang pag-aaral na tungkol sa suso ngunit hindi pa ganoon karami ang pag-aaral tungkol sa objectification ng suso na may kinalaman sa multi-oppresion at sa tayo ng mga kababaihan sa lipunan. Ang patalakay ay paraan upang makapagpamulat ng maraming tao, hindi lang din ang mga kababaihan. Hindi makakaila na malaki ang kontribusyon ng mga taong nakapaligid sa isang babae dahil isa sila sa mga salik na nakakaapekto sa kung paano ituturing o titingnan ng babae ang kanyang sarili. Sa libro nina Watts, Cockroft, at Duncan (2009), binanggit dito na ang kapaligirang kinalakihan ng isang indibidwal ay mahalagang impluwensiya sa paglaki.Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:a. Paano nakakaapekto ang breast objectification sa katayuan ng mga kababaihan at sa multi-oppression?b. Anong dahilan kung bakit naaapektuhan ng breast objectification ang katayuan ng mga kababaihan at sa multi-oppression?c. Gaano kalaki ang inaambag ng breast objectification sa kabuuan ng multi-oppression?d. Ano-ano ang mga uri ng pang-aapi na may kinalaman sa breast objectification?

III. PAMAMARAANIsinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagpapaliliwanag ng mabuti sa ibat ibang konseptong may kinalaman sa paksa at pagsasama-sama ng mga ito upang makatuklas ng mas makabuluhang konsepto at kaalaman. Isinagawa din ang online na pagsasarbey na mayroong mga katanungang makakatulong para mas lalong mapagpatibay ang paksang tinalakay. Nagsilbing ebidensya ang mga nakalap na datos sa mga mahahalagang bahagi ng pananaliksik. Ang mga kababaihang nasa tamang edad na at may kakayahang maintindihan ang konsepto ng breast objectification ang mga lumahok sa sarbey.

IV. PANIMULA

Bilang tao, hangarin natin na matamo ang self-actualization. Subalit, bago makamit ang self-actualization o ang pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkatao, dapat muna matamo ang love and belonging need o ang pangangailangang makisalamuha, makisapi at magmahal at ang esteem need o pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba. Sa kasamaang palad, mayroong mga pamantayang hindi makatarungan na kailangang sabayan para lamang masabing ganap at katanggap-tanggap na bahagi ng lipunan. Nagiging sagabal ang mga ito upang maabot ang pangangailang maipatupad ang kaganapang pagkatao. Dahil sa tumataas at lumalawak na estado ng kaisipan ng mga tao patungkol sa mga bagay-bagay sa paligid nila, nagbabago at nagiging kwestyonable na rin ang pagtanggap ng isang indibidwal sa kapwa at sa kaniyang sarili. Unti-unting nawawala ang tunay na kahulugan ng pagiging isang natural na nilalang. Hindi maikakaila na malaki na ang impluwensiya ng lipunan sa pagbuo ng pagkakakilanlan. Isa na ang mga kababaihan sa mgamadalas na biktima ng pagbabago sa pamantayan.

Marami na ang mga kampanya na may kinalaman sa paglaban para sa pantay na tingin sa mga kasarian. Sa kasalukuyan, marami na rin ang mga taong ipinaglalaban ang katayuan at karapatan ng mga kababaihan sa lipunan. Mas kinikilala sila bilang feminists. Pinaniniwalaan nila na maaaring makamit ang self-fulfilment nang hindi kinakailangang tumalima sa mga pamantayang hindi naman makatarungan. Ginawa ng tao lamang ang marami sa mga pamantayang ito. May ilan dito na walang tamang basehan ngunit hindi na nabibigyang pansin ang pang-aalipustang idinudulot nito dahil nakasanayan na ito o kaya naman kawalan ng pagtititwala o nararamdamang labis na kahihiyan patungkol dito. Sa panahon ngayon, ang katawan ng babae ay nagiging sentro ng atensyon partikular na ang suso. Ang suso ang pinakapansining bahagi ng katawan ng isang babae. Lalo na ito naging totoo kapag patungkol sa pamantayan o pang-aapi ang pinag-uusapan. Isa rin itong dahilan ng kalituhan sa kung ano nga ba ang halaga ng suso ng kababaihan sa lipunan. Maiintindihan na rin kung bakit maaaring bansagang breast-minded ang ilang mga tao sa panahon ngayon. Ano nga ba ang suliraning idinudulot ng suso sa mga kababaihan? Nagiging hadlang ba ito sa pag-abot ng buong potensiyal?

V. PAGTATALAKAYTanging mga tao lamang ang may susong nakaumbok o may permanenteng hugis. Sa kanyang libro, binanggit ni Latteier (1998) ang mga pag-aaral na may kinalaman sa kung paano nag-ebolb ang suso. Sexual selection, isa sa mga teorya na dinedebelop ni Charles Darwin, ang itinuturing na dahilan ng pag-ebolb ng suso. Sinasabi nito na:Individuals with features that entice the opposite sex have a better chance of reproducing, even if these features have no other survival value.Early hominids, normally attracted to round buttocks, would transfer this erotic interest to the two round swellings in the front. With face-to-face intercourse, mating partners could enjoy the nuances of emotional expressions. These intimacies strengthened pair bond. (p. 130)Sa madaling salita, ito ang isa sa mga dahilan kung paano nagkakaroon ng mga matatag na pakikipagugnayan noong mga unang panahon para paramihin ang kanilang lahi. Sa paglipas ng panahon, mas natukoy na kung ano ang pangunahing layunin ng suso. Ito ay para sa pagpapasuso ng mga sanggol upang mabigyan ito ng sustansya upang mabuhay sa mundong ginagalawan niya.

Ang breast objectification ang isang suliraning kinakaharap ng mga kababaihan sa kasalukuyan. Binuo ni Panganiban-Mendoza (2004, sa Yapan, 2010) ang konsepto ng susosentrismo, ang malabis at di-makatuwirang pagpapahalaga ng mga tao at ng lipunan sa kabuuan sa suso. Dahil sa dalawang konseptong ito, sinasamantala ang suso sa halip na bigyan tamang halaga at hindi bantayan ng buong pagkatao ng isang babae. Dito nagmula ang mga pamantayan na nagdedetermina ng kahalagahan ng suso ng babae. Ang mga kababaihan ay napipilitang sumunod sa mga pamantayang ito dahil sa pigapit na kaakibat nito.

Ang pagiging ganap na babae ay may kasama ding tungkulin na pagiging isang ina, kung nanaisin ito. Inaatasan ang mga ina na alagaan at mag-aruga ng kaniyang mga anak. Isa na sa nakatakdang gawin ng isang ina ay ang breastfeeding o ang pagpapasuso. Maraming kahalagahan ito lalo na sa usaping pag-aaruga ng mga anak. Hindi lamang ito nakakapagbibigay sustansya, isa rin itong paraan upang mas mapaglapit ang relasyon ng ina at ng kanyang anak. Ayon kay Blum (2000),Maternal breastfeeding has long been advocated as a key to good mothering, womanly honor, and even to womens citizenship. (p. 19)

Mayroon ding kawalan ang pagkakaroon ng suso, ang kanser sa suso. Ito ang isa sa pinakamalalang uri ng kanser na kumikitil sa buhay ng maraming kababaihan. Sa Pilipinas pa lamang, tinatayang tatlo sa bawat sampung pinay ang maaaring magkaroon ng breast cancer at isa sa bawat isang daang pinay naman ang maaaring mamatay dahil dito. Sinasabing ang Pilipinas ang may pinakamataas na kaso ng breast cancer sa Asya. Ang malungkot pa dito, napakababa ng survival rate sa breast cancer dito sa bansa. Apatnapung porsiyento lamang ang survival rate na hindi maiikumpara sa walampung porsiyente ng mga mauunlad na basa. Sa kasalukuyan, laganap at nararanasan ang suliranin na pang-aapi sa lipunan. Ayon kina Heldke at O'Connor (2004), ang pang-aapi ay exercise of tyranny by a ruling group at when people reduce the potential for other people to be fully human. Kapag nagaganap ang diskriminasyon na pumipigil sa isang indibidwal upang magamit ang kaniyang potensyal na mabuo ang kaniyang pagkatao, mayroon pang-aapi. Nangyayari ito dahil sa mga pamantayang inilapat ng lipunan mismo para sundin. Nakaugalian na uriin ang tao bilang katanggap-tanggap o di-katanggap-tanggap. Nalikha din ang mga stereotypes na kung saan mayroon nang inaasahang pagkatao o pag-uugali ang bawat kasarian. May pagkakataong itinuturing na abnormal ang mga indibidwal na lumalabag sa stereotype na itinalaga para sa kanila. Nakakalungkot na sabihin ngunit madalas na biktima ang mga kababaihan ng pang-aapi.

Ayon kay Young (2011) at Head, mayroong mga ibat ibang uri ng pang-aapi. Ngunit, may mga pagkakataon na kung saan ang dalawa o higit pang uri ay sabay na nangyayari. Tinatawag itong multi-oppression o multiple oppression. Base sa binanggit, ang breast objectification ay pagtatangkilik sa multi-oppression dahil dito pa lamang, sinasang-ayunan na nito ang lookism, sizeism, sexism, at karahasan. mga uri ng pang-aapi na konektado dito. Ang lookism ay ang hindi matuwid na diskriminasyon batay sa pisikal na anyo o hitsura na pinaniniwalaang hindi tanggap ng pamantayan ng lipunan. Samantalang ang Sizeism naman ay pagtatangi-tangi ng tao batay sa laki o hubog ng katawan na tanggap at di-tanggap. Isa naman sa pinakamadalas na nababanggit na uri ng pang-aapi ang seksismo. Ito ang diskriminasyon sa isang tao o grupo ng mga tao batay sa kanilang sekswal na oryentasyon o sekswal na pag-uugali. Kung i-uugnay ang lookism sa breast objectification, mapupuna ito sa tuwing tinitingnan ang histura ng babae kapag nakitang maliit ang kanyang suso. Kapag malaki naman ang suso, sinasabi naman na maaari nang pagtiisan ang kanyang panlabas na histura. Nagaganap naman ang sizeism kung ang suso ay ginagawang batayan upang matukoy kung mataba o mapayat ba ang isang. Sa kabilang banda, hindi maikakaila na may ilang mga kalalakihan, partikular na ang may-asawa, na tinuturing ang suso bilang bagay na puwede na lamang tratuhin na parang lapis na pagmamay-ari. Ang karahanasan naman na ang pinakalantad na uri ng pang-aapi sa kababaihan. Dahil dito, maraming babae ang nabubuhay sa takot sapagkat hindi sila nakakaramdam na ligtas at hindi malalababag ang kanilang mga karapatan bilang babae. Halimbawa ay ang pagsuot ng babae ng pumupukaw na damit. Ginagawa itong dahilan ng kalalakihan upang pangatwiranan ang kanilang mga pagkakasala.

Ayon sa resulta ng isinagawang sarbey na mayroon 42 na katugong babae, lahat sa kanila ay nakaranas ng isa o higit pang mga pang-aaapi katulad ng lamang ng sinilipan, hinipuan at tinawag ng mga bastos o di-angkop na mga salita. 18 naman ang nakaranas na mahusgahan ang pagkatao dahil lamang sa kaniyang suso. Sa usaping persepsyon ng iba sa kanilang pagkababae, pitongput-pitong porsiyento ang naniniwala na nakakaapekto ang suso dito. VI. LAGOMBilang pagbubuod sa pananaliksik tungkol sa konsepto ng breast objectification na nakakaapekto sa katayuan ng mga kababaihan at laganap na multi-oppression sa lipunan, masasabi na dahil sa isang simpleng konsepto, apektado ang maraming bagay dahil konektado ang mga ito. Dito pumapasok ang konsepto ng Intersectionalism o Intersectionality sapagkat hindi makakaila na may kinalaman ang susosentrismo sa breast objectification na pinapalaganap ang multi-oppression. May pinsalang idinudulot sa dakong huli ang bawat isa.

VII. KONGKLUSYONNatuklasan sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod:a. Dahil sa breast objectification, maraming mga kababaihan ang nalilito sa kanilang pagkatao kaya naman napapahiwalay sila sa tunay nilang obhetibo. Ang breast objectification ay nasisilbing pundasyon ng multi-oppression.b. Ang intersectionality ay may kauganayan sa nagaganap na multi-oppression sa lipunan na nakakaapekto sa breast objectification o susosentrismo dahil may pinsalang idinudulot sa dakong huli ang bawat isa. Kahit hindi gaanong malala ang idinudulot ng isang uri ng pang-aapi, nagbubunga pa rin ito sa mas malubhang uri at kalaunan ay maging paulit-ulit.c. Bilang isa sa pundasyon, breast objectification ang nagpapatibay sa multi-oppression.d. Lookism, sizeism, seksismo, at karahasan ang ilan sa mga uri ng pang-aapi na may kinalaman sa breast objectification.e. Hindi tunay ang pagpapahalagang ipinapakita sa susosentrismo sapagkat isang pundasyon lamang ito ng breast objectification

VIII. REKOMENDASYONBuong-pagpapakumbabang iminumungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod:a. Maging maingat sa mga salita o aksyon na binibitawan dahil maaaring dumating sa puntong mato-trauma ang naagrabyado at hindi man lang namalayan.b. Huwag hayaang mahusgahan ang pagkatao dahil lamang sa suso o anyo o hugis ng anumang bahagi ng iyong katawan. Mas mahalaga na pangalagan ang mga ito sa simpleng kadahilanan na biniyayaan na magkaroon nito.c. Bilang babae, dapat na manindigan sa kaniyang pinaniniwalaan. d. Sa mga susunod na mananaliksik, maaaring tukuyin kung ano pa ang mga laganap na pang-aapi na hindi pa gaanong nabibigyang pansin.

IX. TALAAN NG MGA SANGGUNIANbillyjawboiles,. 2013.Ang Konsepto ng Pangangailangan at Kagustuhan. Retrieved 14 March 2015, from https://billyjawboiles.wordpress.com/2013/05/01/ang-konsepto-ng-pangangailangan-at-kagustuhan/Blum, L. 1999.At the breast. Boston: Beacon Press.Chow, E., Segal, M., & Tan, L. 2011.Analyzing gender, intersectionality, and multiple inequalities. Bingley, UK: Emerald.Head, T. 2015.12 Common Types of Oppression and Their Origins.About.com News & Issues, from http://civilliberty.about.com/od/equalrights/tp/Types-of-Oppression.htmLatteier, C. 1998.Breasts. New York: Haworth Press.Mic,. 2014.23 Inspiring Feminist Digital Campaigns That Changed the World., from http://mic.com/articles/80229/23-inspiring-feminist-digital-campaigns-that-changed-the-worldYam dela Cruz, S. 2015.Salamat Dok: Breast cancer.ABS-CBN News. Retrieved 13 March 2015, from http://www.abs-cbnnews.com/current-affairs-programs/11/03/11/salamat-dok-breast-cancerYapan, A., & Oris, G. 2010.Burador. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.Young, I. (1990.Justice and the politics of difference. Princeton, N.J.: Princeton University Press.

X. APENDIKSAPENDIKS ABreast Objectification sa LipunanSarbey para lamang sa mga kababaihan bilang bahagi ng pananaliksik na isinagawa nina Rizza Amalia V. de Leon at Maria Clarita D. Intia

* Kailangang SagutanPANGALAN ________________________Kurso, Taon, Paaralan _____________________(Sagutan kung isang MAG-AARAL sa ganitong pagkakasunod-sunod: Kurso, Taon, Paaralan)Edad* ____________

1. Alin sa mga sumusunod ang naranasan mo na?* Sinilipan Hinipuan Minaliit dahil ikaw ay isang babae Tinawag ang atensyon dahil 'daring' o nakakapukaw ang iyong suot Tinawag ang atensyon kahit hindi naman 'daring' o nakakapukaw ang iyong suot Tinawag ng mga hindi angkop o bastos na salita Hindi pa naranasan Iba:

2. Sa tingin mo ba, nakakaapekto ang laki ng suso sa persepsyon ng ibang tao sa pagiging babae sa lipunan ngayon?*Laki = Size, Maliit o Malaki Oo Hindi

3. Naranasan mo na bang mahusgahan dahil lamang sa laki ng iyong suso?*Laki = Size, Maliit o Malaki Oo Hindi

4. Ano ang pananaw mo sa iyong mga suso? Kontento ka ba dito?*________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Para sa iyo ba, dapat bang kasali sa pamantayan ang kalakihan ng suso para masabing ang isang babae ay maganda o kaakit-akit?* Oo Hindi

6. Sa iyong palagay, nakakaapekto ba ang breast objectification sa laganap na multi-oppression sa lipunan?*(Nagaganap ang multi-oppresion kapag nakakaranas ng iba't ibang uri ng oppression nang sabay-sabay. Iba't ibang uri ng oppression: http://civilliberty.about.com/od/equalrights/tp/Types-of-Oppression.htm) (Objectification ay nagaganap kapag pinababa ang katayuan/kahalagan bilang isang bagay lamang.) Oo Hindi

APENDIKS B