4
LITURHIYA SA HAPAG KAINAN PARA SA ARAW NG PASASALAMAT (Hindi bahagi ng kaugalian ng mga Pilipino ang ipagdiwang ang Araw ng Pasasalamat (Day of Thanksgiving). Subalit maaaring lumikha ang pamilya ng kanilang kapistahan o araw ng Pasasalamat. Halimbawa, ang media noche sa katapusang araw ng taon ang isang magandang panahon para magdiwang upang magpasalamat sa Diyos sa lahat ng Kanyang mga biyaya at kaloob sa buong taon. Napakagandang salubungin ng mga Pilipinong pamilya ang Bagong Taon na nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos.) (Titindig at tahimik na manalangin ang buong pamilya sa palibot ng hapag-kainan na may nakatirik na wala pang sinding mga kandila. Pagkaraan ng ilang sandali, magsisimulang manalangin ang ina.) INA: Halina at salubungin natin nang may kasiyahan at liwanag ang pagdiriwang na ito ng Pasasalamat. Ang liwanag ay sagisag ng Kabanalan. Ang Panginoon ang ating liwanag at kaligtasan. Nawa’y ang liwanag ng pasasalamat ang maningning na mag-alab sa ating mga puso at sa palibot nitong hapag-kainan, hindi lamang sa pagdiriwang na ito ng Pasasalamat kundi sa lahat ng kainan. (Sisindihan ang mga kandila) 1

Filipino Prayer for New Year Meal

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Prayer at meal time for "Media Noche" as adapted from the Prayer for Thanksgiving, translated to Filipino (Tagalog).

Citation preview

Page 1: Filipino Prayer for New Year Meal

LITURHIYA SA HAPAG KAINAN PARA SA ARAW NG PASASALAMAT

(Hindi bahagi ng kaugalian ng mga Pilipino ang ipagdiwang ang Araw ng Pasasalamat (Day of Thanksgiving). Subalit maaaring lumikha ang pamilya ng kanilang kapistahan o araw ng Pasasalamat. Halimbawa, ang media noche sa katapusang araw ng taon ang isang magandang panahon para magdiwang upang magpasalamat sa Diyos sa lahat ng Kanyang mga biyaya at kaloob sa buong taon. Napakagandang salubungin ng mga Pilipinong pamilya ang Bagong Taon na nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos.) (Titindig at tahimik na manalangin ang buong pamilya sa palibot ng hapag-kainan na may nakatirik na wala pang sinding mga kandila. Pagkaraan ng ilang sandali, magsisimulang manalangin ang ina.)

INA: Halina at salubungin natin nang may kasiyahan at liwanag ang pagdiriwang na ito ng Pasasalamat. Ang liwanag ay sagisag ng Kabanalan. Ang Panginoon ang ating liwanag at kaligtasan. Nawa’y ang liwanag ng pasasalamat ang maningning na mag-alab sa ating mga puso at sa palibot nitong hapag-kainan, hindi lamang sa pagdiriwang na ito ng Pasasalamat kundi sa lahat ng kainan. (Sisindihan ang mga kandila)

 

Page 2: Filipino Prayer for New Year Meal

INA: (o sinuman sa pamilya) Sa katahimikan ng ating puso, magpasalamat ang bawat isa sa maraming kaloob na tinanggap natin. (Saglit na huminto para tahimik na magnilay.) Alalahanin din natin ang mga taong walang makain at walang tahanan. (Saglit na huminto para tahimik na magnilay.) Alalahanin din natin ang ating mga minamahal sa buhay na hindi natin kapiling ngayon sa ating hapag-kainan. (Saglit na huminto para tahimik na magnilay.) AMA: Panginoon ng mga Kaloob mula sa Iyong banal na Puso nanggaling ang napakaraming mga kaloob sa amin.

 

Page 3: Filipino Prayer for New Year Meal

Itinataas namin ang aming mga puso, kaming natitipon sa palibot ng hapag-kainan, upang magpasalamat sa iyo sa panalangin at pagsamba sa pagdiriwang. Nagpapasalamat kami hindi lamang sa mga kaloob Mong buhay sa amin kundi pati na rin sa lahat ng kaloob Mo: pakikipagkaibigan, pag-ibig, pagtitiwala at pagpapatawad na ating pinagsaluhan. Panginoong Diyos, sa pagdiriwang na ito ng Pasasalamat pinasasalamatan ka namin sa pagtuturo Mo sa amin kung paano tumanaw ng utang na loob sa pamamagitan ng buhay-paglilingkod, sa mga gawaing kagandahang-loob, sa kabutihang-loob sa di-kakilala, at pagmamalasakit sa isa’t isa. (Isasama ang panalanging nakasaklong (o naka-parenthesis) kung may mga panauhing dumalo sa pagdiriwang.) (Nagpapasalamat kami

 

Page 4: Filipino Prayer for New Year Meal

 

sa mga kapiling naming panauhin, (mga pangalan), na nakadagdag ng liwanag sa aming pagdiriwang sa kanilang pagdalaw sa aming tahanan.) Napakalaki ng aming pasasalamat sa pagdiriwang na ito, sapagkat ikaw na aming nakatagong Diyos, ay nakita ng bawat isa sa amin, sa mga di-mabilang na biyaya, at sa kamangha-manghang sangnilikha. Halina, Panginoon ng mga Kaloob, at pagpalain ang aming hapag-kainan at lahat ng mga pagkain sa piging na ito. Pasalamatan natin ang Panginoon, ngayon at sa lahat ng araw. Amen. LAHAT: Maligayang Pasasalamat! ____________ 1MGA PANALANGIN PARA SA IGLESIA NG TAHANAN, isinalin ni Celerino Reyes, SJ; Paulines Publishing House, Pasay City, Phils., (c) 1999.; mula sa Prayers for the Domestic Church ni Edward Hays, Forest of Peace Publishing, USA, (c) 1979.