2
Filipino Wika ng Pambansang Kaunlaran ni: Felix B. Adtoon Dahong malayang sumasayaw sa hangin Lagaslas ng tubig sa dalampasigan Malayang Pilipino sa pamayanan Ang wika ang siyang nagbigay kasarinlan Bagong kabataan sibol ng panahon Bunga ng isang wikang ating nakamtan Makabagong pag asa sa ating nasyon Wika ang siyang ating naging sandalan Sakripisyo ng ating mga ninuno Pagbigay buhay at pag alay ng dugo Ng ipagtanggol ang bawat Pilipino Upang kalayaan ay ating matamo Pagkaisang lahi at iisang diwa Nagbibigay daan ang wikang pambansa Sa kinabukasan wika ang pag asa Liwanag ng umaga sa ating bansa Pag ang wikang banyaga ang tinangkilik Ang wikang pambansa ay mag hihimagsik Bayang binuo ay magka watak watak Itoy simula mitsa ng pagka wasak Bawat isay may tungkuling alagaan Wikang pambansa na ating kasarinlan Liwanag sa umagay wikang dahilan Patungo sa umaga ng kasarinlan Pag ibig sa wika ating tangkilikin Ng ang kaunlaran ay ating makamtan Ito ang daan ng ating kaalaman Pag usad ng ating bayang sinilangan Filipino ang tulay sa kaalaman Wikang pampaaralan itoy gamitin Upang kinabukasan ating makamtan Kabataan ang syang nagbibigay daan Filipino ang daan sa kaunlaran Wika na nagbigay ng kapayapaan Patungo sa buhay na may kasarinlan At nagbigay daan sa katiwasayan Wikang nabuo sa tagumpay ng bayan Pagyamanin at ating pahalagahan Wag ikahiya sa wikang dayuhan Dahil ito ang nagbubuklod sa bayan Mahalaga ang wika sa kaunlaran Nagbigay daan sa bagong kaisipan Patungo sa landas ng kaliwanagan

Filipino Wika Ng Pambansang Kaunlaran

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Tula sa Buwan ng wika sariling gawa

Citation preview

Page 1: Filipino Wika Ng Pambansang Kaunlaran

Filipino Wika ng Pambansang Kaunlaranni: Felix B. Adtoon

Dahong malayang sumasayaw sa hanginLagaslas ng tubig sa dalampasiganMalayang Pilipino sa pamayanan

Ang wika ang siyang nagbigay kasarinlan

Bagong kabataan sibol ng panahonBunga ng isang wikang ating nakamtanMakabagong pag asa sa ating nasyon

Wika ang siyang ating naging sandalan

Sakripisyo ng ating mga ninunoPagbigay buhay at pag alay ng dugoNg ipagtanggol ang bawat PilipinoUpang kalayaan ay ating matamo

Pagkaisang lahi at iisang diwaNagbibigay daan ang wikang pambansa

Sa kinabukasan wika ang pag asaLiwanag ng umaga sa ating bansa

Pag ang wikang banyaga ang tinangkilikAng wikang pambansa ay mag hihimagsik

Bayang binuo ay magka watak watakItoy simula mitsa ng pagka wasak

Bawat isay may tungkuling alagaanWikang pambansa na ating kasarinlan

Liwanag sa umagay wikang dahilanPatungo sa umaga ng kasarinlan

Pag ibig sa wika ating tangkilikinNg ang kaunlaran ay ating makamtan

Ito ang daan ng ating kaalamanPag usad ng ating bayang sinilangan

Filipino ang tulay sa kaalamanWikang pampaaralan itoy gamitin

Upang kinabukasan ating makamtanKabataan ang syang nagbibigay daan

Filipino ang daan sa kaunlaranWika na nagbigay ng kapayapaan

Patungo sa buhay na may kasarinlanAt nagbigay daan sa katiwasayan

Wikang nabuo sa tagumpay ng bayanPagyamanin at ating pahalagahanWag ikahiya sa wikang dayuhan

Dahil ito ang nagbubuklod sa bayan

Mahalaga ang wika sa kaunlaranNagbigay daan sa bagong kaisipanPatungo sa landas ng kaliwanaganWika ang pag asa ng kinabukasan

Wikang Filipino ang buhay ng bansaNagbigay dugo sa ugat ng pag asaPatungo sa ating daang mariwasaKaunlaran at kayamanan ng bansa