1
Alamin ang mga Pamamaraan Sumangguni sa mga health care providers. ng Pagpaplano ng Pamilya! May dalawang klase ng pills o pildoras: Combined Oral Contraceptives (COCs). Hindi ito angkop sa nagpapasusong ina. Progestin-Only Pills (POPs). Ito ay angkop sa nagpapasuso dahil hindi nababawasan ang daloy at dami ng gatas ng nagpapasusong ina. Dapat inumin araw-araw sa takdang oras para sa pinakamabisang epekto. Mabisa at pwedeng itigil anumang oras kung gustong magbuntis. Maaaring gamitin sa anumang edad na pwedeng magbuntis, may anak man o wala ang isang babae. Maaaring magkaroon ng hindi inaasahang pagdurugo (spotting) ngunit hindi ito delikado. May ilang kababaihan ang makararanas ng pananakit ng ulo, pagbabago ng timbang, pananakit ng sikmura, lalo na sa unang gamit. Madalas nawawala rin ang mga ito. Nakatutulong na maiwasan ang disminorya (menstrual cramps), malakas na regla at pamumutla (anemia). Ligtas sa halos lahat ng babae. Madalang ang malubhang komplikasyong dulot nito. May dalawang klase ng injectables: Combined Injectable Contraceptives (CICs). Hindi ito angkop sa nagpapasusong ina Progestin-Only Injectables (POPs). Ito ay angkop sa nagpapasuso dahil hindi nababawasan ang daloy at dami ng gatas ng nagpapasusong ina Mabisa at ligtas. Iniineksyon sa braso o pige ng babae upang hindi siya magbuntis. May mga injectables na iniineksyon sa bawat 3 buwan, 2 buwan o buwanan. Maaaring gamitin sa anumang edad na pwedeng magbuntis, may anak man o wala ang isang babae. Maaaring magkaroon ng hindi inaasahang pagdurugo (spotting) ngunit hindi ito delikado. May ilang kababaihan ang makararanas ng pananakit ng ulo at unti-unting pagtaas ng timbang. Hindi ito delikado. Nakatutulong sa pag-iwas ng pagbubuntis at sa pagkahawa sa ilang mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, kasama na ang HIV/AIDS, kung wasto ang paggamit nito tuwing nakikipagtalik. May ilang gumagamit ng condom kasabay ng iba pang pamamaraan para maiwasan ang STIs/HIV. Madaling gamitin at mabisa. May ilang ayaw sa condom dahil nakahahadlang raw ito sa pakikipagtalik o nakababawas ng sensasyon. Makatutulong kung pag-uusapan ito ng magpartner. Ipinapasok sa ari ng babae bago makipagtalik. Dapat magpasuri ang babae para sa tamang sukat ng diaphragm. Mabisa kung wasto ang paggamit. Pangkaraniwan ang impeksyon sa pantog (bladder). Isa o ilang maliliit na malaposporong kapsula na ipinapasok sa ilalim ng ng balat ng itaas na braso ng babae. Mabisa sa loob ng 3, 5 o 7 na taon, depende sa uri ng implants. Maaaring gamitin sa anumang edad na pwedeng magbuntis, may anak man o wala ang isang babae. Maaaring ipatanggal anumang oras ang mga implants at maaari na muling mabuntis pagkatanggal nito. Ligtas gamitin habang nagpapasuso, simula 6 na linggo pagkapanganak. Maaaring magkaroon ng hindi inaasahang pagdurugo (spotting) ngunit hindi ito delikado. Pampermanenteng pamamaraan para sa babaeng siguradong ayaw nang magkaanak. Pag-isipang maigi bago magpasya. Mabisa (99.5% epektibo). Kailangan ng pisikal na pagsusuri bago isagawa ang simpleng operasyon. Gising ang pasyente habang inooperahan at walang sakit na nararamdaman dahil sa anestisya. Tumatagal ang sakit at pamamaga ng mga ilang araw pagkatapos ng operasyon. Madalang ang malubhang komplikasyong dulot nito. Walang pangmatagalang side effects. Walang epekto sa kakayahan o nararamdaman sa pakikipagtalik. Pampermanenteng pamamaraan para sa mga lalakeng siguradong ayaw nang magkaanak. Pag- isipang maigi bago magpasya. Sumasailalim sa isang ligtas, panandalian at simpleng operasyon. Gising ang pasyente habang inooperahan at walang sakit na nararamdaman dahil sa anestisya. Maaaring tumagal ang pamamaga ng ilang araw. Madalang ang pangmatagalang pananakit. Dapat gumamit ng ibang pamamaraan sa unang 3 buwan hanggang magkabisa ang vasectomy (kailangan ng zero sperm count). Mabisa pagkatapos ng 3 buwan (99.9% epektibo). Walang epekto sa kakayahan o nararamdaman sa pakikipagtalik. Kinabibilangan ng Basal Body Temperature (BBT), Billings Ovulation Method (BOM), Symptothermal Method (STM), Standard Days Method (SDM) at Two-Day Method (TDM). Pamamaraang nangangailangan ng sapat na kaalaman at kakayahang tukuyin ang mga panahong mabunga (fertile) and babae sa loob ng kanyang buwanang siklo. Iniiwasan ang pagtatalik sa panahong fertile ang babae o gumagamit ng ibang pamamaraan katulad ng condom. Kailangan ang pagsasanay para sa epektibong paggamit. Nangangailangan ng kooperasyon ng mag-asawa. Walang pisikal na side effects. May mga ilang pamamaraan na mahirap gamitin kung may lagnat o impeksyon sa ari, katatapos manganak, o habang nagpapasuso ang babae. Mabisa kung wasto ang paggamit ngunit madalas na bahagya lamang ang bisa. Ang Lactational Amenorrhea Method (LAM) ay pagpapasuso ng ina ng sanggol sa loob ng 6 na buwan pagkapanganak. Maaaring gamitin ang LAM kung: Tanging gatas ng ina lamang ang ibinibigay sa kanyang sanggol, at madalas ang pagpapasuso, sa araw at gabi; Hindi pa muling bumabalik ang kanyang regla; at Wala pang 6 na buwan ang kanyang sanggol. Kung ayaw pang mabuntis ang babae, kailangan gumamit ng ibang pamamaraan kung hindi na siya pwedeng gumamit ng LAM o hindi na nararanasan ang mga kondisyong nabanggit sa itaas. Ang ilang mga pamamaraan ay hindi ipinapayo kung kayo ay nagtataglay ng mga sumusunod na kondisyon: Kondisyon Mga pamamaraan na hindi ipinapayo Naninigarilyo at edad 35 pataas Combined oral contraceptive pills (COCs). Kung malala ang paninigarilyo, buwanang injectables. Mataas na blood pressure COCs, buwanang injectables. Kung masyadong mataas ang blood pressure, 2 o 3 buwang injectables. Nagpapasuso ng sanggol sa unang 6 na buwan COCs, buwanang injectables. Nagpapasuso ng sanggol sa unang 6 na linggo 2- and 3-month injectables, implants, progestin-only pills (POPs). Sa unang 21 na araw pagkapanganak at hindi nagpapasuso COCs, monthly injectables. Maghintay ng 6 na linggo pagkapanganak para masukat nang tama ang diaphragm. May malubhang sakit sa puso, ugat na daluyan ng dugo o atay, o kanser sa suso COCs, injectables, POPs, implants. Sumangguni sa inyong provider. May migraine (isang malubhang pananakit ng ulo) at edad 35 pataas COCs, buwanang injectables. Sumangguni sa inyong provider. May migraine aura (minsan nakakakita ng lumalaking liwanag sa isang mata) sa kahit anong edad COCs, injectables. Sumangguni sa inyong provider. Sakit sa pantog (gall bladder) COCs. Sumangguni sa inyong provider. May sakit sa cervix na nakuha sa pakikipagtalik, o may malaking posibilidad na makakuha ng ganitong klaseng impeksyon, pelvic inflammatory disease (PID) o hindi nagagamot na AIDS IUD. Gumamit ng condom kahit na gumagamit ng ibang pamamaraan. Ang mga kababaihang may HIV pati na ang may AIDS at mga ginagamot ay maaaring gumamit ng ano mang pamamaraan ayon sa kanilang kagustuhan. (Kabilang dito ang IUD para sa babaeng may AIDS ngunit kasalukuyang ginagamot at nakararanas ng paggaling). Buntis Walang pamamaraan ang kailangan Pagkukumpara sa bisa ng mga iba’t ibang pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya Paano gawing mas mabisa ang inyong napiling pamamaraan Implants, IUD, female sterilization: Pagkatapos ng operasyon, kaunti na lamang o wala nang kailangan gawin o alalahanin Lactational Amenorrhea Method (sa loob ng 6 na buwan): Magpasuso ng madalas, sa araw at gabi Pildoras: Uminom ng isang pildoras araw- araw Patch, ring: Itago sa tamang lugar, palitan sa takdang oras Condoms, diaphragm: Gamitin nang tama tuwing nakikipagtalik Vasectomy: Gumamit ng iba pang pamamaraan sa unang 3 buwan Injectables: Magpainiksyon sa takdang oras Natural Family Planning methods: Iwasan o gumamit ng condom sa pakikipagtalik sa mabungang araw. Mas madaling gamitin ang mga makabagong pamamaraan (Standard Days Method at Two-Day Method). Withdrawal, spermicide: Gamitin nang tama tuwing nakikipagtalik Mas mabisa Hindi umaabot sa isa sa bawat 100 babae and nabubuntis kada taon Hindi gaanong mabisa 30 sa bawat 100 babae and nabubuntis kada taon Implants IUD Tubal Ligation Vasectomy Injectables LAM Pills Patch Vaginal Ring Male Condoms Diaphragm Female Condoms Natural Family Planning Methods Withdrawal Spermicide Pills Tubal Ligation LAM (Lactational Amenorrhea Method) Diaphragm with Spermicide Condoms Injectable Contraceptives Contraceptive Implants Ang Intra-Uterine Device (IUD) ay maliit at malambot na plastik na ipinapasok sa sinapupunan ng babae. Mabisa hanggang 12 taon depende sa klase ng IUD. Maaari itong ipatanggal kung gusto nang magbuntis. Maaaring malakas ang regla lalo na sa una. Maaaring magkaroon ng impeksyon sa balakang (pelvis) ang babaeng may STI noong sya’y nagpa- IUD. Madalang ang malubhang komplikasyon. Minsan kusang lumalabas at nawawala sa ayos ang IUD, lalo na sa una at kung malakas ang regla. Maaaring mabuntis agad ang babae pagkatanggal ng IUD. Intrauterine Device (IUD) Vasectomy Natural Family Planning Methods

FP Wall Chart (Tagalog) FINAL

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: FP Wall Chart (Tagalog) FINAL

Alamin ang mga Pamamaraan

Sumangguni sa mga health care providers.

ng Pagpaplano ng Pamilya!

May dalawang klase ng pills o pildoras: •

Combined Oral Contraceptives (COCs). • Hindi ito angkop sa nagpapasusong ina.

Progestin-Only Pills (POPs). Ito ay angkop • sa nagpapasuso dahil hindi nababawasan ang daloy at dami ng gatas ng nagpapasusong ina.

Dapat inumin araw-araw sa takdang oras para • sa pinakamabisang epekto.

Mabisa at pwedeng itigil anumang oras kung • gustong magbuntis.

Maaaring gamitin sa anumang edad na • pwedeng magbuntis, may anak man o wala ang isang babae.

Maaaring magkaroon ng hindi inaasahang • pagdurugo (spotting) ngunit hindi ito delikado.

May ilang kababaihan ang makararanas ng • pananakit ng ulo, pagbabago ng timbang, pananakit ng sikmura, lalo na sa unang gamit. Madalas nawawala rin ang mga ito.

Nakatutulong na maiwasan ang disminorya • (menstrual cramps), malakas na regla at pamumutla (anemia).

Ligtas sa halos lahat ng babae. Madalang ang • malubhang komplikasyong dulot nito.

May dalawang klase ng injectables: •

Combined Injectable Contraceptives (CICs). • Hindi ito angkop sa nagpapasusong ina

Progestin-Only Injectables (POPs). Ito • ay angkop sa nagpapasuso dahil hindi nababawasan ang daloy at dami ng gatas ng nagpapasusong ina

Mabisa at ligtas. Iniineksyon sa braso o pige ng • babae upang hindi siya magbuntis.

May mga injectables na iniineksyon sa bawat 3 • buwan, 2 buwan o buwanan.

Maaaring gamitin sa anumang edad na pwedeng • magbuntis, may anak man o wala ang isang babae.

Maaaring magkaroon ng hindi inaasahang • pagdurugo (spotting) ngunit hindi ito delikado.

May ilang kababaihan ang makararanas ng • pananakit ng ulo at unti-unting pagtaas ng timbang. Hindi ito delikado.

Nakatutulong sa pag-iwas ng pagbubuntis at sa • pagkahawa sa ilang mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, kasama na ang HIV/AIDS, kung wasto ang paggamit nito tuwing nakikipagtalik.

May ilang gumagamit ng condom kasabay ng iba • pang pamamaraan para maiwasan ang STIs/HIV.

Madaling gamitin at mabisa. •

May ilang ayaw sa condom dahil nakahahadlang • raw ito sa pakikipagtalik o nakababawas ng sensasyon. Makatutulong kung pag-uusapan ito ng magpartner.

Ipinapasok sa ari ng babae bago makipagtalik.•

Dapat magpasuri ang babae para sa tamang sukat • ng diaphragm.

Mabisa kung wasto ang paggamit.•

Pangkaraniwan ang impeksyon sa pantog • (bladder).

Isa o ilang maliliit na malaposporong kapsula na • ipinapasok sa ilalim ng ng balat ng itaas na braso ng babae.

Mabisa sa loob ng 3, 5 o 7 na taon, depende sa • uri ng implants.

Maaaring gamitin sa anumang edad na pwedeng • magbuntis, may anak man o wala ang isang babae.

Maaaring ipatanggal anumang oras ang mga • implants at maaari na muling mabuntis pagkatanggal nito.

Ligtas gamitin habang nagpapasuso, simula 6 na • linggo pagkapanganak.

Maaaring magkaroon ng hindi inaasahang • pagdurugo (spotting) ngunit hindi ito delikado.Pampermanenteng pamamaraan para sa babaeng •

siguradong ayaw nang magkaanak. Pag-isipang maigi bago magpasya.

Mabisa (99.5% epektibo).•

Kailangan ng pisikal na pagsusuri bago isagawa • ang simpleng operasyon. Gising ang pasyente habang inooperahan at walang sakit na nararamdaman dahil sa anestisya.

Tumatagal ang sakit at pamamaga ng mga ilang • araw pagkatapos ng operasyon. Madalang ang malubhang komplikasyong dulot nito.

Walang pangmatagalang side effects. Walang • epekto sa kakayahan o nararamdaman sa pakikipagtalik.

Pampermanenteng pamamaraan para sa mga • lalakeng siguradong ayaw nang magkaanak. Pag-isipang maigi bago magpasya.

Sumasailalim sa isang ligtas, panandalian at • simpleng operasyon. Gising ang pasyente habang inooperahan at walang sakit na nararamdaman dahil sa anestisya.

Maaaring tumagal ang pamamaga ng ilang araw. • Madalang ang pangmatagalang pananakit.

Dapat gumamit ng ibang pamamaraan sa unang • 3 buwan hanggang magkabisa ang vasectomy (kailangan ng zero sperm count).

Mabisa pagkatapos ng 3 buwan (99.9% epektibo). •

Walang epekto sa kakayahan o nararamdaman sa • pakikipagtalik.

Kinabibilangan ng Basal Body Temperature (BBT), Billings Ovulation Method (BOM), Symptothermal • Method (STM), Standard Days Method (SDM) at Two-Day Method (TDM).

Pamamaraang nangangailangan ng sapat na kaalaman at kakayahang tukuyin ang mga panahong mabunga • (fertile) and babae sa loob ng kanyang buwanang siklo.

Iniiwasan ang pagtatalik sa panahong fertile ang babae o gumagamit ng ibang pamamaraan katulad ng • condom.

Kailangan ang pagsasanay para sa epektibong paggamit.•

Nangangailangan ng kooperasyon ng mag-asawa. •

Walang pisikal na side effects.•

May mga ilang pamamaraan na mahirap gamitin kung may lagnat o impeksyon sa ari, katatapos manganak, • o habang nagpapasuso ang babae.

Mabisa kung wasto ang paggamit ngunit madalas na bahagya lamang ang bisa.•

Ang Lactational Amenorrhea Method (LAM) ay • pagpapasuso ng ina ng sanggol sa loob ng 6 na buwan pagkapanganak.

Maaaring gamitin ang LAM kung: •

Tanging gatas ng ina lamang ang ibinibigay sa • kanyang sanggol, at madalas ang pagpapasuso, sa araw at gabi;

Hindi pa muling bumabalik ang kanyang regla; • at

Wala pang 6 na buwan ang kanyang sanggol. •

Kung ayaw pang mabuntis ang babae, kailangan • gumamit ng ibang pamamaraan kung hindi na siya pwedeng gumamit ng LAM o hindi na nararanasan ang mga kondisyong nabanggit sa itaas.

Ang ilang mga pamamaraan ay hindi ipinapayo kung kayo ay nagtataglay ng mga sumusunod na kondisyon:

Kondisyon Mga pamamaraan na hindi ipinapayo

Naninigarilyo at edad 35 pataas Combined oral contraceptive pills (COCs). Kung malala ang paninigarilyo, buwanang injectables.

Mataas na blood pressure COCs, buwanang injectables. Kung masyadong mataas ang blood pressure, 2 o 3 buwang injectables.

Nagpapasuso ng sanggol sa unang 6 na buwan

COCs, buwanang injectables.

Nagpapasuso ng sanggol sa unang 6 na linggo

2- and 3-month injectables, implants, progestin-only pills (POPs).

Sa unang 21 na araw pagkapanganak at hindi nagpapasuso

COCs, monthly injectables. Maghintay ng 6 na linggo pagkapanganak para masukat nang tama ang diaphragm.

May malubhang sakit sa puso, ugat na daluyan ng dugo o atay, o kanser sa suso

COCs, injectables, POPs, implants. Sumangguni sa inyong provider.

May migraine (isang malubhang pananakit ng ulo) at edad 35 pataas

COCs, buwanang injectables. Sumangguni sa inyong provider.

May migraine aura (minsan nakakakita ng lumalaking liwanag sa isang mata) sa kahit anong edad

COCs, injectables. Sumangguni sa inyong provider.

Sakit sa pantog (gall bladder) COCs. Sumangguni sa inyong provider.

May sakit sa cervix na nakuha sa pakikipagtalik, o may malaking posibilidad na makakuha ng ganitong klaseng impeksyon, pelvic infl ammatory disease (PID) o hindi nagagamot na AIDS

IUD. Gumamit ng condom kahit na gumagamit ng ibang pamamaraan.

Ang mga kababaihang may HIV pati na ang may AIDS at mga ginagamot ay maaaring gumamit ng ano mang pamamaraan ayon sa kanilang kagustuhan. (Kabilang dito ang IUD para sa babaeng may AIDS ngunit kasalukuyang ginagamot at nakararanas ng paggaling).

Buntis Walang pamamaraan ang kailangan

Pagkukumpara sa bisa ng mga iba’t ibang pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya

Paano gawing mas mabisa ang inyong napiling pamamaraan

Implants, IUD, female sterilization:

Pagkatapos ng operasyon, kaunti na lamang o wala nang kailangan gawin o alalahanin

Lactational Amenorrhea Method (sa loob

ng 6 na buwan): Magpasuso ng madalas, sa araw at gabi

Pildoras: Uminom ng isang pildoras araw-araw

Patch, ring: Itago sa tamang lugar, palitan sa takdang oras

Condoms, diaphragm: Gamitin nang tama tuwing nakikipagtalik

Vasectomy: Gumamit ng iba pang pamamaraan sa unang 3 buwan

Injectables: Magpainiksyon sa takdang oras

Natural Family Planning methods: Iwasan o gumamit ng condom sa pakikipagtalik sa mabungang araw. Mas madaling gamitin ang mga makabagong pamamaraan (Standard Days Method at Two-Day Method).

Withdrawal, spermicide: Gamitin nang tama tuwing nakikipagtalik

Mas mabisaHindi umaabot sa isa sa bawat 100 babae and nabubuntis kada taon

Hindi gaanong mabisa30 sa bawat 100 babae and nabubuntis kada taon

Implants IUD Tubal Ligation Vasectomy

Injectables LAM Pills PatchVaginal Ring

Male Condoms DiaphragmFemale

CondomsNatural Family Planning

Methods

Withdrawal

Spermicide

Pills

Tubal Ligation

LAM (Lactational

Amenorrhea Method)

Diaphragm with

Spermicide

CondomsInjectable

Contraceptives

Contraceptive

Implants

Ang Intra-Uterine Device (IUD) ay maliit • at malambot na plastik na ipinapasok sa sinapupunan ng babae.

Mabisa hanggang 12 taon depende sa klase ng • IUD. Maaari itong ipatanggal kung gusto nang magbuntis.

Maaaring malakas ang regla lalo na sa una. •

Maaaring magkaroon ng impeksyon sa balakang • (pelvis) ang babaeng may STI noong sya’y nagpa-IUD. Madalang ang malubhang komplikasyon.

Minsan kusang lumalabas at nawawala sa ayos ang • IUD, lalo na sa una at kung malakas ang regla.

Maaaring mabuntis agad ang babae pagkatanggal • ng IUD.

Intrauterine

Device (IUD)

Vasectomy

Natural Family

Planning Methods