12
Gabay sa Proseso ng Pagpaparehistro at Pagboto ng mga Hindi-Mamamayan Nobyembre 5, 2019, Eleksyon para sa Lupon ng mga Paaralan MAHALAGANG ABISO PARA SA MGA HINDI MAMAMAYAN NG ESTADOS UNIDOS Posibleng makuha ng Immigration and Customs Enforcement (Tagapagpatupad ng Batas ukol sa Imigrasyon at Adwana, ICE) at iba pang ahensiya, organisasyon, at indibidwal ang anumang impormasyong ibibigay ninyo sa Department of Elections (Departamento ng mga Eleksyon) kasama na ang inyong pangalan at address. Bukod rito, kapag nag-aplay kayo para sa naturalisasyon o pagka-mamamayan, tatanungin kayo kung nakapagrehistro o nakaboto na kayo sa pederal, pang-estado o lokal na eleksyon sa Estados Unidos. Baka gusto ninyong kumonsulta sa abugado sa imigrasyon, organisasyong nagbibigay ng proteksiyon sa karapatan ng migrante, o iba pang mapagkukunan ng kaalaman bago kayo magbigay ng anumang personal na impormasyon sa Department of Elections at bago kayo magparehistro para bumoto sa Eleksiyon ng Board of Education (Lupon ng Edukasyon) ng San Francisco. Makikita rin ninyo ang listahan ng mga organisasyong nonprofit na may espesyalisasyon sa pagprotekta sa mga karapatan ng migrante sa sfelections.org.

Gabay sa Proseso ng Pagpaparehistro at Pagboto ng mga ......inyong bumoto sa iba pang mga eleksyong ... Makukuha ninyo ang booklet mula sa koreo sa mga unang bahagi ng Oktubre. Ang

  • Upload
    others

  • View
    11

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Gabay sa Proseso ng Pagpaparehistro at Pagboto ng mga ......inyong bumoto sa iba pang mga eleksyong ... Makukuha ninyo ang booklet mula sa koreo sa mga unang bahagi ng Oktubre. Ang

1

Gabay sa Proseso ng Pagpaparehistro at Pagboto ng mga

Hindi-MamamayanNobyembre 5, 2019, Eleksyon para sa Lupon ng mga Paaralan

MAHALAGANG ABISO PARA SA MGA HINDI MAMAMAYAN NG ESTADOS UNIDOS

Posibleng makuha ng Immigration and Customs Enforcement (Tagapagpatupad ng Batas ukol sa Imigrasyon at Adwana, ICE) at iba pang ahensiya, organisasyon, at indibidwal ang anumang impormasyong ibibigay ninyo sa Department of Elections (Departamento ng mga Eleksyon) kasama na ang inyong pangalan at address. Bukod rito, kapag nag-aplay kayo para sa naturalisasyon o pagka-mamamayan, tatanungin kayo kung nakapagrehistro o nakaboto na kayo sa pederal, pang-estado o lokal na eleksyon sa Estados Unidos. Baka gusto ninyong kumonsulta sa abugado sa imigrasyon, organisasyong nagbibigay ng proteksiyon sa karapatan ng migrante, o iba pang mapagkukunan ng kaalaman bago kayo magbigay ng anumang personal na impormasyon sa Department of Elections at bago kayo magparehistro para bumoto sa Eleksiyon ng Board of Education (Lupon ng Edukasyon) ng San Francisco. Makikita rin ninyo ang listahan ng mga organisasyong nonprofit na may espesyalisasyon sa pagprotekta sa mga karapatan ng migrante sa sfelections.org.

Page 2: Gabay sa Proseso ng Pagpaparehistro at Pagboto ng mga ......inyong bumoto sa iba pang mga eleksyong ... Makukuha ninyo ang booklet mula sa koreo sa mga unang bahagi ng Oktubre. Ang

2

Mga Tanong?

Tumawag sa (415) 554-4310 o bumisita sa

sfelections.org/noncitizen/voting

Email: [email protected]: (415) 554-4386

English: (415) 554-4375中文: (415) 554-4367Español: (415) 554-4366

Mga Petsang dapat Tandaan

Page 3: Gabay sa Proseso ng Pagpaparehistro at Pagboto ng mga ......inyong bumoto sa iba pang mga eleksyong ... Makukuha ninyo ang booklet mula sa koreo sa mga unang bahagi ng Oktubre. Ang

3

Mga Tanong? Mga Petsang dapat Tandaan

Oktubre 7

Magbubukas ang Sentro ng Botohan sa City Hall

Bukas ang mga botohan at Sentro ng Botohan ng 7 a.m. - 8 p.m.

Huling araw para ipadala sa koreo ang balota kung bumoboto kayo sa pamamagitan ng koreo

Nobyembre 5, Araw ng Eleksyon

Magbubukas ang Sentro ng Botohan sa San Francisco State University

Nobyembre 2

Huling araw para humiling na padalhan kayo ng vote-by-mail (pagboto sa pamamagitan ng koreo) na

balota

Oktubre 29

Huling araw para magparehistro para bumoto Pumunta sa City Hall para magparehistro at bumoto

pagkatapos ng araw na ito

Oktubre 21

Page 4: Gabay sa Proseso ng Pagpaparehistro at Pagboto ng mga ......inyong bumoto sa iba pang mga eleksyong ... Makukuha ninyo ang booklet mula sa koreo sa mga unang bahagi ng Oktubre. Ang

4

Elihible ba akong magparehistro para bumoto sa eleksyon

para sa Lupon ng mga Paaralan ng

San Francisco?Gamitin ang checklist sa ibaba para kumpirmahin kung elihible kayong magparehistro para bumoto sa eleksyon para sa Lupon ng mga Paaralan ng San Francisco sa Nobyembre 5, 2019. Kailangang totoo ang lahat ng mga pahayag:

� Ako ay hindi mamamayan ng Estados Unidos � Ako ay nakatira sa San Francisco � Ako ay walang plano na lumipat ng tirahan bago

mag-Nobyembre 5, 2019 � Ako ay magulang, o legal na tagapatnubay o taga-

pangalaga, ng isang batang mas mababa sa 19 ang edad na nakatira sa San Francisco

� Ako ay 18 taong gulang o higit pa sa Nobyembre 5, 2019

� Ako ay hindi nakakulong o hindi parolado dahil sa felony

� Hindi napatunayan ng isang hukuman na mayroon akong kahinaan o sakit sa pag-iisip para bumoto

Ang pagpaparehistro para bumoto sa eleksyon para sa Lupon ng mga Paaralan ng San Francisco ay hindi nagpapahintulot sa inyong bumoto sa iba pang mga eleksyong pampederal, pang-estado, o lokal.

Page 5: Gabay sa Proseso ng Pagpaparehistro at Pagboto ng mga ......inyong bumoto sa iba pang mga eleksyong ... Makukuha ninyo ang booklet mula sa koreo sa mga unang bahagi ng Oktubre. Ang

5

Paano ako magpaparehistro para makaboto?

• Tumawag sa (415) 554-4310,• Pumunta sa

sfelections.org/noncitizen/registration, o

• Bumisita sa Departamento ng mga Eleksyon sa City Hall.

2. Basahin at kumpletuhin ang buong form

3. Ibalik ang form nang hindi lalampas sa Oktubre 21

• Ipadala ang form sa pamamagitan ng koreo, o • Dalhin ang form sa Room 48 ng City Hall.

Matapos maproseso ang inyong Form para sa Pagpaparehistro, padadalhan kayo ng Departamento ng sulat ng Notipikasyon bilang Botante para kumpirmahin ang inyong rehistrasyon. Kung hindi ninyo natanggap ang sulat sa loob ng 2 linggo, makipag-ugnayan sa Departamento sa (415) 554-4310 o mag-email sa [email protected]

1. Kumuha ng Form para sa Pagpaparehistro

� Basahin ang Mahalagang Abiso, � Gamitin ang checklist para kumpirmahin kung kayo

ay elihible, at � Sagutan at pirmahan ang form.

Page 6: Gabay sa Proseso ng Pagpaparehistro at Pagboto ng mga ......inyong bumoto sa iba pang mga eleksyong ... Makukuha ninyo ang booklet mula sa koreo sa mga unang bahagi ng Oktubre. Ang

6

Paano ko malalaman ang tungkol sa mga

kandidato?Matutulungan kayo ng Booklet ng Eleksyon para sa Lupon ng mga Paaralan para malaman ninyo ang tungkol sa mga kandidatong gustong mapabilang sa Lupon ng mga Paaralan.

Makikita ninyo sa booklet ang isang halimbawang balota na maaari ninyong gamitin para magpraktis ng pagmamarka ng mga gusto ninyo bago kayo magmarka sa inyong opisyal na balota.

Makukuha ninyo ang booklet mula sa koreo sa mga unang bahagi ng Oktubre. Ang pamplet ay nakasulat sa Ingles, Tsino, Espanyol, at Filipino.

Maaari rin ninyong basahin ang booklet online sa sfelections.org/noncitizen/booklet

Page 7: Gabay sa Proseso ng Pagpaparehistro at Pagboto ng mga ......inyong bumoto sa iba pang mga eleksyong ... Makukuha ninyo ang booklet mula sa koreo sa mga unang bahagi ng Oktubre. Ang

7

Ano ang mga opsyon ko sa

pagboto?

Maaari kayong bumoto nang personal o sa pamamagitan ng koreo. Ang balota ninyo at mga instruksiyon sa pagboto ay nakasulat sa Ingles, Tsino, Espanyol, at Filpino.

Para hanapin ang inyong botohan:

• Pumunta sa sfelections.org/noncitizen/mypollingplace,

• Tumawag sa (415) 554-4310, o • Tingnan ang likod ng inyong

booklet.

• Pumunta sa Sentro ng Botohan sa City Hall,

• Pumunta sa Sentro ng Botohan sa San Francisco State University, o

• Pumunta sa inyong botohan sa Araw ng Eleksyon.

Para bumoto nang personal:

• Isulat ang mga inisyal sa itinalagang bahagi sa inyong Form para sa Pagpaparehistro,

• Tumawag sa (415) 554-4310, o

• Magsumite ng aplikasyon na makukuha sa sfelections.org/noncitizen/vbm.

• Para bumoto sa pamamagitan ng koreo:

Page 8: Gabay sa Proseso ng Pagpaparehistro at Pagboto ng mga ......inyong bumoto sa iba pang mga eleksyong ... Makukuha ninyo ang booklet mula sa koreo sa mga unang bahagi ng Oktubre. Ang

8

JoyBorja

November 5, 2019 Registration Close: 10/21/2019

1. Mag-check in

2. Kunin ninyo ang balota ninyo

3. Pag-aralan ninyo ang balota ninyo

Ibigay ang inyong pangalan at address sa manggagawa sa botohan. Pumirma sa listahan.

Bibigyan kayo ng manggagawa sa botohan ng balota, panulat, at folder na pantakip. Kung gusto ninyo ng balotang audio o touchscreen, sabihin sa manggagawa sa botohan.

Siguraduhing ang labanan para sa Lupon ng mga Paaralan lamang ang nasa balota ninyo.

Kung hindi, humingi sa manggagawa sa botohan ng balotang may labanan para sa Lupon ng mga Paaralan lamang.

Pagdating ninyo sa inyong botohan, kailangan ninyong kumpletuhin ang mga sumusunod na hakbang.

Paano ako boboto sa aking

botohan?

Ballot

SecrecyFolder

Page 9: Gabay sa Proseso ng Pagpaparehistro at Pagboto ng mga ......inyong bumoto sa iba pang mga eleksyong ... Makukuha ninyo ang booklet mula sa koreo sa mga unang bahagi ng Oktubre. Ang

9

4. Markahan ang inyong balota sa voting boothBasahin ang mga instruksiyon na nakasulat sa itaas ng balota.

Punan ang oval sa tabi ng inyong seleksyon.

Dalhin ang inyong balota, na nasa loob ng folder na pantakip, sa makina ng pagboto.

Ipasok ang balota sa makina ng pagboto at kunin ang inyong “Bumoto ako!” sticker.

Kung boboto kayo sa touchscreen na balota, pindutin ang mga gusto ninyo sa screen. Pag-aralan ang mga pinili ninyo bago ninyo isumite ang inyong boto.

Kung boboto kayo sa audio na balota, sundin ang mga naririnig na instruksiyon na gagabay sa inyo sa balota, at mamili. Pakinggan ang mga pinili ninyo bago ninyo isumite ang inyong boto.

Pareho ang proseso ng pagboto sa mga Sentro ng Botohan at sa inyong botohan. May mga taga-Departamento ng mga Eleksyon na tutulong sa Sentro ng Botohan.

Page 10: Gabay sa Proseso ng Pagpaparehistro at Pagboto ng mga ......inyong bumoto sa iba pang mga eleksyong ... Makukuha ninyo ang booklet mula sa koreo sa mga unang bahagi ng Oktubre. Ang

10

1. Markahan ang balotaPunan ang oval sa tabi ng inyong seleksiyon.

2. Ilagay ang balota sa sobreTiklupin ang balota at ilagay ito sa kasamang pambalik na sobre.

3. Pirmahan ang sobreKumpletuhin, pirmahan, at isara nang mabuti ang sobre.

4. Ibalik ang sobreIpadala ang sobre nang hindi lalampas sa Nobyembre 5, Araw ng Eleksyon, o ibalik ito nang personal sa Departamento ng mga Eleksyon, Room 48 nang hindi lalampas ng 8 p.m. sa Araw ng Eleksyon, Nobyembre 5.

Paano ako boboto sa pamamagitan

ng koreo? Sa mga unang bahagi ng Oktubre, ipadadala ng Departamento sa inyo ang paketeng naglalaman ng inyong balota, mga instruksiyon sa pagboto, at isang pambalik na sobre (na bayad na ang selyo). Matapos ninyong matanggap ang inyong pakete, kailangan ninyong gawin ang mga sumusunod.

Page 11: Gabay sa Proseso ng Pagpaparehistro at Pagboto ng mga ......inyong bumoto sa iba pang mga eleksyong ... Makukuha ninyo ang booklet mula sa koreo sa mga unang bahagi ng Oktubre. Ang

11

Bilang rehistradong botante na hindi-mamamayan, may karapatan kayong:

1. Bumoto sa eleksyon para sa Lupon ng mga Paaralan ng San Francisco sa Nobyembre 5, 2019 kung kayo ay elihible

2. Magsumite ng probisyonal na balota kung wala ang pangalan ninyo sa listahan ng botante sa inyong botohan

3. Bumoto kung nakapila pa kayo sa pagsasara ng botohan sa 8 p.m.

4. Bumoto sa balota nang lihim nang walang gumagambala sa inyo

5. Kumuha ng bagong balota kung nagkamali kayo

6. Matulungan ninuman, maliban ng inyong employer o kinatawan ng inyong unyon

7. Ihulog ng inyong balota para sa pagboto sa pamamagitan ng koreo saan mang botohan

8. Matulungan sa pagpaparehistro at pagboto sa gusto ninyong wika

9. Magtanong sa mga opisyal ng eleksyon, at panoorin ang proseso ng eleksyon

10. Iulat ang anumang gawaing ilegal o pandaraya sa eleksyon sa Departamento ng mga Eleksyon sa (415) 554-4310

Ano ang mga karapatan ko sa pagboto?

Page 12: Gabay sa Proseso ng Pagpaparehistro at Pagboto ng mga ......inyong bumoto sa iba pang mga eleksyong ... Makukuha ninyo ang booklet mula sa koreo sa mga unang bahagi ng Oktubre. Ang

12

Makakukuha ng impormasyon sa webpage ng Departamento ng mga Eleksyon, sfelections.org/noncitizen/voting. Sa pahinang ito, may mga link ng mga organisasyon at ahensiyang nagbibigay access sa mga serbisyong pangkomunidad, legal, at pagkamamamayan.

Maaaring magbigay ang Departamento ng mga Eleksyon, kung hihilingin, ng sulat na magkukumpirma na elihible para makaboto ang ilang mga hindi-mamamayan sa eleksyon para sa Lupon ng mga Paaralan ng San Francisco. Ang sulat na ito ay inilalaan para kumpirmahin ang karapatan sa pagboto na ipinagkakaloob sa mga hindi-mamamayan sa ilalim ng San Francisco Charter (Tsarter ng San Francisco), at para magsilbing ebidensiya para sa mga layuning kaugnay ng aplikasyon para sa naturalisasyon.

Saan ako makakakita ng impormasyon

tungkol sa pagboto ng mga hindi-mamamayan

at sa imigrasyon?