68
Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa? University of the Philippines Manila College of Arts and Sciences Department of Social Sciences Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Pamamahala? Isang pag-aaral tungkol sa pagtingin nga mga apektadong mamamayan ng Brgy. Malacaban tungkol sa kanilang pakikilahok sa pamamahala ng Laguna de Bay An undergraduate thesis presented in partial fulfillment in PS198 Presented by: Bryan Joseph F. Bagtas 2009-05459 B.A. in Political Science March 2013 Bagtas 1

Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Pamamahala?dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/613/1/H... · 2020. 9. 15. · Naging masaya at puno ng alaala ang aking pagtigil sa Brgy

  • Upload
    others

  • View
    6

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    University of the Philippines ManilaCollege of Arts and Sciences

    Department of Social Sciences

    Gutom na Sikmura o Pakikilahok saPamamahala?

    Isang pag-aaral tungkol sa pagtingin nga mga apektadong mamamayan ngBrgy. Malacaban tungkol sa kanilang pakikilahok sa pamamahala ng

    Laguna de Bay

    An undergraduate thesis presented in partial fulfillment in PS198

    Presented by:

    Bryan Joseph F. Bagtas

    2009-05459

    B.A. in Political Science

    March 2013

    Bagtas 1

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Abstract

    Ang Laguna de Bay ay isang mahalagang likas na yamang-tubig na dapatpangalaagaan at pamahalaan ng ayos. Kaakibat ng kayamanan taglay nito ay angpagiging bulnerable nito sa napakaraming aktor na gustong pakinabangan ang lawapara sa kanilang pansariling interes. Binuo ang Laguna Lake Development Authorityupang pangalagaan at pamahalaan ang buong Laguna de Bay para sa pangkalahatangpag-unlad hindi lamang ng lawa kundi lahat ng nakapalibot dito. Dahil sa mga naunangpag-aaral sa ibang bansa na mahalagang sangkap ng pangangalaga ng likas na yamanang pakikilahok ng mga apektadong mamamayan, tinignan rin kung nangyayari ba itosa Laguna de Bay. Ginawang case study ang kasalukuyang pakikilahok na ginagawang mga apektadong mamamayan ng Barangay Malacaban sa pamamahala atpangangalaga ng lawa kaakibat ang lokal na pamahalaan, LLDA at PAMALAKAYAupang maipaliwanag ang possible epekto ng participatory governance sa Laguna deBay. Nangalap ng datos ang pag-aaral sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mgaeksperto at mga mamamayan upang malaman ang kasagutan sa mga katanungan ngpag-aaral. Lumabas sa pag-aaral na nasa antas ng token na pakikilahok ang mga tao atsila ay disempowered dahil sa kahirapan ng buhay. Magulo ang interaksyon ng mgaaktor sa pamamahala ng lawa at kulang ang kapasidad ng mga mamamayan.Inaasa samga nakapangyarihan at NGO ang pagbabago sa ganitong sistema. Angmakabuluhang pakikilahok lamang ang magiging solusyon upang makami ang mganakitang ikabubuti ng pamamahala at pangangalaga ng lawa na mula sa tao at para satao.

    Key words : participatory governance, community participation, Laguna de Bay, stakeholders

    Bagtas 2

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    PasasalamatInaalay ko sa Mahal na Panginoon ang pananaliksik na ito dahil sa kanyang walang sawang

    pagsubaybay at pag-iingat sa akin kahit pa malayo at gabi ako kung maglakbay patungo sa lugar napinagdausan ng pananaliksik. Nagpapasalamat rin ako sa lahat ng mga mamamayan ng BarangayMalacaban na siyang tumanggap at pinanyayahan ako sa mga pakikipanayam ko sa kanila upang masmaging ganap at makabuluhan ang pag-aaral na ito. Unang-una na diyan ang Bobonggo Family nakinabibilangan ni Tatay Gary, Nanay Celine, Ate Vanessa, Ate Tena, Kuya Jhun. Ako ay nagagalak atbinuksan nila ang kanilang tahanan upang aking matigilan sa buong panahon ng aking pag-aaral. Ako aynagpapasalamat rin kina Nanay Marie Mesa, Tatay Gerry Mesa at Pito Mesa na nagsilbing mga gabay kosa aking mga pakikipanayam. Naging masaya at puno ng alaala ang aking pagtigil sa Brgy. Malacabanhindi lamang sa dalawang pamilyang ito ngunit sa lahat ng mga taong naninirahan doon.Nagpapasalamat rin ako kay Kapitan Villadiego na nagpahintulot sa atin na gawin ang pag-aaral sakanilang barangay at nagsilbing Key Informant upang mas maintindihan kung papaano nangyayari angpakikiilahok ng mga tao sa kanyang nasasakupan.

    Nagpapasalamat rin ako kay Kuya Ronnel Arambulo o Konsehal Tabok na nagsilbing gabay natinupang mas maintindihan ang nangyayaring pakikilahok ng mga tao sa barangay. Nagsilbi rin siyangkinatawan ng Pambansang Lakas ng mga Mamamalakaya ng Pilipinas, Binangonan Chapter at isang tapatna konsehal na walang hinangad kung hindi pagbuklud-buklurin ang lahat ng mga mangingisda. Isa rinsiya sa naging Key Informant sa pag-aaral. Ang pagpapaunlak sa atin ni Prop. Maristel C. Espiritu ng PolicyPlanning and Information Management Division bilang isang Key Informant na kumakatawan sa LagunaLake Development Authority ay hindi ko nakalilimutan. Dahil sa kanyang pagbabahagi ng kanyangnalalaman ay nagging mas malinaw ang atin pagkakakilala sa LLDA. Ang ating pakikipag-usap kay Prop.Maria Fe V. Mendoza, Propesor at dating Vice-Chancellor for Academic Affairs, UP Open University, ayang dahilan kung bakit nas naging malinaw kung papaano natin maiintindihan ang usaping pakikilahokng mga tao sa Brgy. Malacaban.

    Nagpapasalamat rin ako sa kay Prop. Del Prado Lu na tumulong at gumabay sa amin tungo samas madali at maayos na pagtapos ng pag-aaral na ito. Pati sa aking mga kapwa guro sa aming klase nasina Jewelle, Anthony, Ate Mafe, Ate Katrina at Ate Michelle.

    Hindi magpapahuli ang aking mga magulang na sina Adela F. Bagtas at Edmundo P. Bagtas Jr atmga kapatid na Edmundo F. Bagtas III at Lorena F. Bagtas na nagbigay sa akin ng sapat na salapi upangmatapos ang aking pag-aaral. Nagpapasalamat rin ako sa aking mga kapatid na sina Allan Paulo F. Bagtas,Joan F. Bagtas at Jerome Bagtas pati na ang aking Lola Caridad Fulo. Akin ding pinasasalamatan ang akingkarelasyon na si Camille Anne C. Avanceña na tumulong at sumuporta sa akin upang matapos ang pag-aaral na ito.

    Bagtas 3

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Table of Contents

    1. Introduksyon…52. Background of Study…73. Rasyonale… 84. Layunin ng Pag-aaral …95. Pag-aaral ng Kaugnay na Literatura… 106. Balangkas ng Teorya… 147. Balangkas ng Pag-aanalisa… 168. Conceptual Framework… 179. Disensyo at pamamaraan ng pananaliksik… 1710.Resulta… 2011. Diskusyon… 3112.Konkulasyon at Rekomendasyon… 37

    List of Tables

    Figure 1 : Ladder of Citizen Engagement (Arnstein, 1969)Figure 2: A stakeholder power matrix (Hart et al, 1997 after Winstanley, 1995) Table 1: Datos ng Demographiya ng mga Nakapanayam…21 Table 2: Mga Kinabibilangang Organisasyon ng mga Nakapanayam… 21Table 3: Paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan… 22Table 4: Dahilan ng pakikilahok… 22Table 5: Mangunguna sa pakikilahok… 23Table 6: Epekto ng Kawalan ng Pakikilahok ng mga Mamamayan… 23Table 7: Makikilahok ka ba? … 24Table 8: Dahilan ng hindi pakikilahok… 24Table 9: Kapasidad ng mga mamamayan upang makilahok sa pamamahala… 25Table 10: Papel ng NGO sa pakikilahok ng mga tao… 25Table 11: Nakikitang Epekto ng Pakikilahok ng mga Mamamayan sa Pamamahala ng Laguna de Bay… 26Table 12: Pagkakaroon ng Konsultasyon… 26Table13: Mga nakalas na datos sa Key Informant Interview… 27

    Introduksyon

    Bagtas 4

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Sa malawak na pagtingin ay isang demokratikong bansa ang Pilipinas. Isangdemokratikong bansa kung saan ang dapat namumuno at nasusunod ay ang mgaPilipino at hindi ang gusto ng iilang Pilipino na ating binoto upang katawanin tayo.Basehan nga ba ang dami ng bumoboto tuwing eleksyon, partisipasyon ng mgamamamayan at pagkakaroon ng mga institusyon na ginawa upang matiyak angaccountability, transparency ng mga namumuno at panatilihin ang kalayaan atkarapatan ng bawat isa? Kung talagang isang demokratikong bansa ang Pilipinas aybakit laganap ang korapsyon, social injustice, impunidad at mga political dynasties nasadyang kabaligtaran ng isang demokrasya?

    Hindi sapat ang isang semestre upang pag-aralan ang lahat ng mga bagay napumapatungkol sa kabalintunaang nangyayari sa buong bansa kaya ang pag-aaral naito ay magpopokus lamang sa isang aspeto ng demokrasya na tumutukoy sapartisipasyon ng mga mamamayan sa isang barangay sa pamamahala ng lawa natuwiran o di tuwirang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

    Sa kasamaang palad ay nagsisilbi ang Lawa ng Laguna na tapunan ngmaraming basura ng mga naninirahan sa baybayin o kalapit na bayan. Napapalibutanito ng probinsya ng Laguna sa gawing silangang at pakanluran samantalang nasabandang hilagang patungong hanggang hilagang silangan naman ang probinsya ngRizal. Matatagpuan naman ang Metro Manila sa hilagang kanluran. Nakapaligid rin ditoang lalawigan ng Batangas, Cavite at Quezon na sadyang nagpapatindi ng“environmental stress” para sa lawa dahil sa sobrang dami ng “anthropogenic-basedaggressors” na nagnanais magamit o abusuhin ang likas na yamang matatagpuan salawa.

    Sa lawa rin itinatapon ng mga nakapalibot ng mga pabrika ang kanilang mganakalalasong kemikal na sadyang nagpapababa ng kalidad ng tubig sa lawa.Nakakapangamba rin ang pagdami ng fish pond opereytors kung saan lumiliit angbahagi ng lawa na pwedeng pangisdaan ng mga mamalakaya. Nagkaron din ang isyuang pagsulpot ng janitor fish at knife fish na itinuturing na peste ng lawa at nangangainng mga fingerlings ng mga natural na isdang natatagpuan sa lawa.

    Dahil sa mga problemang kinakaharap ng Lawa ng Laguna ngayon ay hindi nabago ang kanilang mga hakbang upang palakasin at patindihin ang implementasyon ngkanilang mga programa na ating makikita sa Laguna de Bay Master Plan. Ang hindimasyadong nabibigyang pansin ay ang paggawa ng isang proyektong maglalayongpaigtingin ang partisipasyon ng komunidad na kinabibilangan ng mga apektadongmamamayan at iba pa ang mga “people’s organizations” o “non-governmentalorganizations”. Dahil sa kadahilanang ito ay napili ng mananaliksik na pag-aralan angpagtingin ng mga apektadong mamamayan sa napiling barangay sa Isla ng Talim.Mayroon ding isyu tungkol sa efficiency ng pamamahala sa likas na yaman ng lawa ngLaguna at ang isyu ng equity sa pagitan ng mga nakikinabang sa lawa at mganakararanas ng pagkasira ng lawa (Francisco, 1985 as cited in Santos-Borja &Nepomuceno, 2005).

    Ang tinatawag na participatory governance sa konteksto ng Laguna Lake ay angpakikilahok ng mga apektadong mamamayan sa pagtukoy, pagtalakay at pagresolba ngmga problema ng lawa ay mahalagang pag-aralan at alamin. Dapat itong bigyan pansindahil ang publiko ang mas nakaaalam at tuwirang nakararamdam ng epekto ng mga

    Bagtas 5

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    polisiya at programa ng pamahalaan kasama na ang Laguna Lake DevelopmentAuthority at mga lokal na pamahalaan sa pangangalaga nito sa lawa.

    Ang muling pagbuhay, pananatili at pagpapaunlad ng lawa ng Laguna aypwedeng magamit upang tugunan ang kahirapan at kawalan ng trabaho ounemployment ng mga tao sa pamamagitan ng pagtangkilik sa proyektong naglulunsadng turismo, pagmimina at pangangahoy sa kabuuang lugar ng lawa o sa paligid nito.Ang problema nga lang ay ang aktibong pakikilahok ng mga magiging benepisyaro ngnasabing kaunlaran. Maraming hakbangin na nakapaloob sa participatory governanceang dapat na kasangkutan ng mga mamamayan. tulad ng (1) pagtukoy ng mgaproblema, (2)pagplaplano ng solusyon, (3) pagsasagawa ng plano at (4) pagbabalik-tanaw ng mga naging epekto nang isinigawang solusyon.

    Kinikilala na sa buong mundo na isa sa mga pangunahing karapatan ng bawattao ang makilahok sa pagsasagawa ng desisyon ng mga nanunungkulan (Friedman,2006).

    Isa sa makabagong paraan ng pagsasagawa ng community participation ay angpagbubuo o pagsali sa mga kooperatiba (Teodosio, 2009). Sa pamamaraang ito aynagkakaroon ng boses at kapangyarihan ang mga simpleng mamamamayan upangmagdikta kung ano ang nararapat na gawing hakbang ng mga nasa kapangyarihan(WHO, 2002). Kung hindi mabibigyan ng boses ang mga aping mga mamamayan,patuloy na magsasamantala at ipagpapatuloy ang pagkontrol sa kapangyarihan nggobyerno. Ito ay kabilang sa ating karapatan kaya dapat nating mabatid kung talaganga bang tinutupad ito ng ating pamahalaan. Dapat nating malaman kung hanggangsaan lang natatamasa ng mga apektadong mamamayan ang kanilang karapatan.

    Sa pagbabasa ng mga nasabing artikulo ay nakita nating marami angnaghihintay na magandang resulta kung ating gagamitin ang participatory governance.Ngayon ay susubukan nating gamitin ang programang ito upang malaman kung talaganga bang epektibo ito upang solusyunan ang problema ng mga mamamayan sakomunidad kung saan ay dapat silang makilahok sa pag-alam ng problema atpagdedesisyon ng mga solusyon dahil sila ang pangunahing apektado sa bawat kilosng ahensya ng gobyernong nangangalaga sa Laguna de Bay.

    Background of Study

    Bagtas 6

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Laguna de Bay

    Ang Laguna de Bay (14 °11’-14 ° 33’ N, 121 ° 03’-121° 29’ E) ay itinuturing na isa sa

    pinakamahalagang istratehikonglikas na yamang-tubig sa bansangunit ito rin ang pinaka stressed(Herrera, Nadaoka & Fernandez,2011). Ito ay binansagangpangalawang pinakamalaking lawasa Timog-Silangang Asya namayroon humigit-kumulang 90 000ektaryang lawak at halos 2.8metrong lalim. Mayroong 21 ilog nakunektado sa lawang ito.Nasasaklaw nito ang lalawigan ngLaguna, Rizal, Quezon, Batangas,Cavite at 60 na munisipalidad.Ayon sa pag-aaral nina Herrera,Nadaoka & Fernandez (2011)

    tungkol sa collaborative management sa lawa upang mapreserba ito, nakitang maramiitong pakinabang na naibibigay sa mga tao. Kasama riyan ang pagkakaroon ng mgaprodukto mula sa lawa tulad ng isdang tilapia, kanduli, bangus etc, domestikongpinagkukuhanan ng malinis na tubig inumin, natural na pampalamig ng makinarya ngmga pabrikang nakapalibot dito at pagpigil sa baha.

    Dito nanggagaling ang irigasyon sa mga taniman at hydroelectric na enerhiya atnagsisilbi rin itong ruta ng transportasyon para sa mga mamamayan at mga kalakal nila.Pinagkukuhanan rin ito ng tubig-inumin ng mga taga-Maynila (LLDA, Board ResolutionNo. 338, series of 2007). Ang Laguna de Bay ay malaking lugar ng pangisdaan para samga tradisyunal na mga mamalakaya at mga opereytor ng fish ponds o aquaculture.Tinatayang halos 40% ng produksyon ng isda sa Central Luzon ay nanggagaling saaquaculture sa Laguna de Bay (UNEP, 1999 as cited in Herrera, Nadaoka & Fernandez,2011). Humigit-kumulang na dagdag 7% sa gross national product ang naiaambag ngmga produktong at serbisyong galling sa Laguna de Bay (Oledan, 2011)

    Laguna Lake Development Authority

    Ang Laguna Lake Development Authority ay ang pangunahing sangay ngpamahalaan na may awtoridad sa pangangasiwa at pagpapaunlad ng Laguna de Bay atmga kalapit nitong watershed. Nabuo ito sa ilalim ng Batas Republika Blg. 4850, noongika-18 ng Hulyo, taong 1966. Misyon nitong maging isang matagumpay ng sangay napamahalaang nangunguna sa pangangasiwa ng Lawa ng Laguna sa pamamagitan ngpaghahatid ng malinis na tubig-inumin, sapat na bilang ng isdang nakakain, malinis naenerhiya, epektibong transportasyon, pagpapalaganap ng eko-turismong mga proyektoat pagpapalakas ng pakikilahok ng komunidad sa paggawa ng mga polisiya.

    Bagtas 7

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Maraming ginagawang proyekto at ipinatupad na polisiya ang LLDA upangpangalagaan ang lawa. Kasama rito ay ang nagpapatupad ng mga polisiya upangmapangalaagaan ang lawa. Isa na rito ang Environmental User’s Fee kung saan mashinihimok sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga insentibo ng LLDA sa mga kumpanyaat pabrika upang isaalang-alang nila ang masasamang dulot ng polusyon ng kanilangmga operasyon. Isa rin sa mga polisiyang ito ay Fishery Zoning ang Management Plan(ZOMAP) na sinimulan noong 1983 upang masolusyunan ang problema sa paggamit nglikas na yaman at solusyunan ang di-patas na kompetisyon sa pagitan ng malalakingopereytor ng fishpond laban sa mga maliliit na mangingisda na naninirahan sa paligidng lawa. Ang Shoreland Management Program ay isang programa kung saan tinutukoykung anu-anong mga istruktura, gawain at bagay ang pwedeng gawin at ilagay sabaybayin ng lawa tulad ng pondohan ng mga bangka, pagtatanim, gamit-agrikultural,manukan at mga istrukturang magagamit para sa paglalaro ngunit hindi permanente athindi makagagambala sa natural na ekolohikal na sistema ng lawa. Ang RiverRehabilitation Program naman ay isang programang nangagagasiwa sa pagpapanitiling pagkakaroon ng malinis na tubig sa ilog at pagpigil ng pagdumi nito.

    Ang National Greening Program na sinimulan lamang noong ika-13 ng Mayo,taong 2011 ay naglalayong magtanim ng halos 1.5 bilyong binhi sa 1.5 milyong ektaryasa buong bansa. Inaasahang makakapagtanim ng 250,000 ng iba’t-ibang klase ng punoat kawayan sa baybayin ng lawa, mga pook-urban at gilid ng mga ilog. Sa kabilangbanda ang Laguna de Bay Institutional Strengthening and Community Participation(LISCOP) Project ay naglalayong makapagtayo ng iba’t-ibang institusyon na tutukanang pagpapanitili ng mataas na kalidad ng tubig sa lawa, kalinisan ng lawa,pangangalaga sa bayodaybersiti, pangangasiwa ng pagguho ng lupa at pagbaha atpagpapalaganap ng eko-turismo kalahok ang mga “stakeholders” upang magkaroon ngmas epektibong resulta para sa lahat ng mga mamamayan.

    Rasyonale

    Nagkakaroon ng problema sa paggamit at supply ng tubig dahil sa tumataas napangangailangan nito na kaakibat ng pagbabago ng klima sa buong mundo (Agger,2012). Sa pagkakaroon ng ganitong problema, importante para sa isang bansa na ilatagang kanyang mga polisiya na magprepreserba ng kanyang mga likas na yamang-tubig.Isa na rito ang epektibong pamamahala ng mga lawa sa bansa na siyangpingkukuhanan ng mga sariwang isda na isa sa pangunahing pagkain ng mga tao sapang-araw-araw na pamumuhay (Laguna de Bay Final Report, 1995).

    Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang matukoy kung talaga nga bangnakikilahok ang mga mamamayan sa paggawa ng polisiya o desisyon na sadyangnakakaapekto hindi lamang sa kanilang kabuhayan kundi sa pangkalahatan nilangpamumuhay. Dapat nating maunawaan ang mga posibleng epekto nito sa mas maayosat epektibong pamamahala ng likas na yaman kasama ang mga apektadongmamamayan sa pagdedesisyon. Atin ding mabibigyan kapangyarihan ang mga taonginaaba ng namamayaning sistema ng pamahahala kung saan wala silang boses atkapangyarihan na ilantad ang kanilang mga kagustuhan at interes kung maipapakitanatin ang kahalagahan nila na maipaloob sa proseso ng paggawa ng mga polisiya.Bilang mga pangunahing mga maapektuhan ay dapat na sila rin ang mga unang

    Bagtas 8

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    maging benepisyaro ng mga gagawing planong pagpapaunlad sa lawa at hindi ibangtao na walang gusto kung hindi pagkakitaan ang nasabing likas na yaman ng lawa.

    Layunin ng Pag-aaralAng pag-aaral nito ay nais maintindihan ang pagtingin ng mga apektadong

    mamamayan sa Barangay Malacaban tungkol sa kanilang pakikilahok o hindipakikilahok sa pangangalaga at pamamahala ng Laguna de Bay. Ang iba pang layuninna nais nating masagot sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

    Kasama rito ang pag-aaral sa epekto ng ginagawang interbensyon at interaksyonng Sangguniang Barangay ng Malacaban, Laguna Lake Development Authorityat Pambansang Lakas ng mga Mamamalakaya ng Pilipinas sa posiblengpagtingin o pagkilos ng mga tao tungkol sa kanilang pakikilahok.

    Nais ng pag-aaral na mas maintindihan ang mga kuru-kuro at opinyon ng mgamamamayan, ahensya ng ng LLDA at PAMALAKAYA tungkol sa partisipasyon ngmga tao tungkol sa pamamahala at pangangalaga ng Laguna de Bay.

    Nais nating malaman kung ano mga anyo ng pakikilahok na nagaganap sakomunidad at ang tukuyin kung anong antas ng pakikilahok ang makikita.

    Pati ang dahilan kung bakit wala o hindi nagkakaroon ng pakikilahok ang mgamamamayan ay atin ding titignan.

    Pangkalahatang Katanungan

    Ano ang nakikitang magiging epekto ng pakikilahok ng mga apektadongmamamayan sa pagdedesisyon ukol sa pamamahala at pangangalaga sa Lawang Laguna?

    Mga espisipikong katanungan Sinu-sino ang mga kasali sa pagdedesisyon ukol sa pamamahala ng Laguna de

    Bay? Nakikilahok ba ang mga apektadong mamamayan sa pamamahala at

    pangangalaga ng Laguna de Bay? Ano ang papel na ginagampanan ng mga apektadong mamamayan ng

    rehabilitasyon ng Lawa ng Laguna sa ginagawang pagdedesisyon ng LLDA? Isinasaalang-alang ba ang ng LLDA ang gusto at hinain ng mga tao sa paggawa

    ng polisiya? Anong anyo at antas ng pakikilahok ang ginagawa ng mga apektadong

    mamamayan? Anong mga bagay ang pumipigil sa kanila upang makilahok? Ano ang ginagawa ng sangguniang barangay, LLDA at PAMALAKAYA upang

    makilahok o tiyakin ang pakikilhok ng mga tao? Sapat ba ang kapasidad ng mga tao upang aktibong makilahok sa pamamahala

    at pangangalaga?

    Pag-aaral ng Kaugnay na LiteraturaParticipatory governance

    Bagtas 9

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Ang participatory governance ay tumutukoy sa programa nang pagsasanib-pwersa ng mga mamamayan o grupo ng mga mamayan (civil society organization) atgobyerno sa pag-iisip, pagdedesisyon at pagpapatupad nga mga batas at polisiya ngisang lugar o bansa (Wampler, 2012). Maiuugnay natin ito sa community participation oang pakikilahok ng mga tao sa pagtukoy ng problema at pagsolusyon dito (seeEmergency Sanitation, n.d.).Sinasabing ang community participation ay angimportanteng sangkap upang bigyan kapangyarihan ang komunidad na tugunan angkanilang mga problema at gawin ang kanilang mga responsibilidad (Harvey, Baghri, &Reed, n.d.).

    Maari nating ilarawan ang ganitong pamamahala bilang mapagpalaya, makatao,walang kinikilingan at isang pamamahala mula sa mga taong bumubuo sa isang bansao lahi. Mas lalong nagiging malapit at maalam ang mga mamamayan sa mga prosesoginagawa ng gobyerno upang mapangalagaan ang kapakanan at pag-unlad ng bawatisa. Ang participatory governance ay kinabibilangan ng mga institusyong pwedeng gawang pamahalaan na naglalayong i-empower sa pamamagitan ng pagbibigay ng boses atboto ang mga mamamayan upang maipatupad ang mga programa at batas na sa tinginnila ay magbibigay ginhawa sa mga buhay nila (Wampler at Mcnulty, n.d.). Kasama ritoang pakikilahok ng mga mamamayan sa pagbubuo ng polisiya, pamimili ng mgaprobisyon at pagbabantay kung talagang naipapatupad ito ng maayos. Ayon kayKoonings (2004) sa kanyang pag-aaral na pinamagatang, “Strengthening citizenship inBrazil’s democracy: Local participatory governance in Porto Alegre”, importante angpagkakaroon ng isang demoraktikong eleksyon kung saan makikilahok ang mga tao. Itoang nagsilbing unang hakbang sa Brazil upang maging matagumpay ang participatorybudgeting. Nilinang nito ang pag-iisip ng tao na makilahok sa gawaing politikal natanging gobyerno lamang ang gumagawa dati. Ang sistema ng participatory budgetingay nagsimula sa kilusan sa baba kadikit ng mahabang kasaysayan nito ng pakikibakaupang mas lalong pag-igtingin ang demokrasya sa bansa. Masasabing dahil dito aynagkaroon ng koneksyon ang gobyerno at mamamamayan na nagresulta sa masepektibong pamamahala sa kanilang komunidad na isinilarawan ng pagkakaroon ngdistribusyon ng pampublikong produkto, pakikilahok ng mga mamamayan, pagkamit ngkalayaan at paggamit ng karapatan ng mga tao. Pinalakas nito ang demokrasya mulasa baba sa tagumpay na tinamasa ng nasabing programa. Dinagdagan pa ni Blair(2008) ang mga matagumpay na pakikilahok ng mga tao sa paggawa ng polisiya opagdedesisyon. Kasama dito ang participatory budgeting ng Brazil, PopularParticipation Law ng Bolivia na nagiging tagabantay at proteksyon ng mga simplengmamamayan sa mga gustong manamantalang mayayaman, ang Local GovernmentCode 1991 ng Pilipinas na nagpalakas ng kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan,ang pagpupulong sa El Salvador na nagsimula ng 1986 upang matukoy kung saanilalaan ang pera ng komunidad upang ito ay mas lalong umunlad, at ang pagkakaroonng pakikilahok ng mga mamamayan ng Serbia upang manumbalik ang tiwala saawtoridad ng pamahalaan.

    Magkakaroon ng mas magandang pamamahala, kaunlaran at empowerment sapaggamit ng participatory governance dahil ito ay tumutugon sa mga problema ng mgatao, may pananagutan sa mga aksyon nito at transparent sa mga bagay-bagay nanakapaloob dito (Malena, n.d.). Magkakaroon ng din maginahawang pamamahala angmga opisyal ng gobyerno dahil mababawasan ang pagtuligsa ng mga mamamayan sa

    Bagtas 10

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    kanila dahil kalahok ang mga ito sa paggawa ng desisyon at polisiya na ipinapatupadng gobyerno.Epekto ng Pakikilahok

    Ayon sa isang case study sa South Africa nina Piper at Lieres (2008) nainobserbahan ang mga pangyayaring nagaganap sa pulong bayan na may kinalamansa pagplaplano ng budget ng mga pulitiko, mayroong naiaambag na mga baong paraanupang makita at malaman ang mga kakulangan ng representative democray tuwingginagamit ang “participatory governance” sa pamamahala lalo na sa mga bansang tuladng Brazil, Indonesia, India at Peru. Napag-alaman na dahil sa ganitong mga pulongmasa ay mayroong pagkakataong makilahok ang mga tao at makipag-usap sa kanilangpunongbayan. Ayon sa pag-aaral na isinigawa ni Altschuler at Corrales (2009), angpakikilahok mga gawaing pangkomunindad ay maaring makapagbunga ng mga bagonganyo ng partisipasyon mula sa mga mamamayan. Ito ay maaring sa pagtukoy ng mgaproblema, pagbibigay ng solusyon o kaya naman sa mismong aksyon na gagawinupang malutas ang problema o isyu sa isang komunidad. Pinaniniwalaang ang mganatutunang kakayahan ay maari ding gamitin sa iba pang aspeto ng pamumuhay tuladng pagsali sa mga organisasyon at simpleng pakikisalamuha sa mga kapwa tao. Angimportante ay magkaroon ng matibay na pagtitiwala sa bawat isa ang mga tao attagapamahala.

    Ayon sa pag-aaral nina Blomley at Iddi (2009) tungkol sa iba’t ibang paraan ngpamamahala sa mga kagubatan sa Tanzania, lumalabas na ang Collaborative ForestManagement ay epektibong pamamaraan ng pangangalaga ng kagubatan kungsumasapat ang mga benepisyong nakukuha ng mga mamamayan kahit pa humihinaang produksyon ng kagubatan. Naging epektibo ito dahil halos lahat ng kapangyarihanat karapatan ng pangangalaga ay ipagkakaloob ng gobyerno sa mga mamamayangnangangalaga ng kagubatan. Pinakita rin dito na dapat ay para sa mga marhinalisadoat mahihirap ang mga ipinapatupad na polisiya upang maiwasan ang elite capture kungsaan pawang mayayaman at makapangyarihan lamang ang nakikinabang sapangangalaga ng mga kagubatan. Ipinaliwanag naman nina Gronow at Carter (2005)ang iba pang kalakasan ng pagkakaroon ng Collaborative Forest Management. Ilan samga ito ay ang pakikilahok ng mga apektadong mamamayan sa pangangalaga ngkagubatan, pagsasagawa ng desisyon at pakikipagdayalogo ukol sa mga polisiyangipapatupad ng gobyerno na siyang magbibigay boses sa mga apektadong mamamayanupang masabi kung ano ang mabuti para sa kagubatan dahil sila ang mas nakakaalamdito. Lahat ng apektadong mamamayan ay maaaring magsabi ng kaniyang suhestiyondahil ang opinyon ng bawat isa ay pinapahalagahan. Boluntaryo rin ang paggawasamantalang ipinapamahagi ang nakukuhang benepisyo sa kagubatan sa lahat ng mgaapektadong mamamayan. Makikitang magiging bukas at mapagpalaya angpagpapatakbo at pangangalaga sa kagubatan na siyang magpapabuti ngpangkalahatang kalagayan ng mga tao. Magagamit ang participatory-geo-informationscience upang makita kaagad kung saan nagaganap ang partkilular na isyu tulad ngpagtatangi na nararanasan ng isang grupo o ng komunidad upang sila ay ma-empowerat makagawa ng paraan upang mapigilan ito (McCall, 2002).Pagkakaroon ng mga participatory councils o committees

    Tinignan nina Jeong at Oh (2010) ang posibilidad ng pagkakaroon ngparticipatory governance sa administrayon ni Dating Pangulong Roh Moo-hyun ng

    Bagtas 11

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    South Korea sa anyo ng Committee Systems. Ang ganitong sistema ay nagbibigay ngkapangyarihan sa mga mamamayan na sumali sa kumite at makonsidera ang kanilangmga suhestiyon sa mga ipinapatupad na programa at polisiya sa naturang aspeto.Nabibigyan ng boses at pagkakataong makilahok sa pagdedesisyon ang mga simplengmamamayan ngunit lumalabas na mas aktibong nakikilahok dito ang mga mayayamanat negosyanteng Koreano. Masasabing limitado at nakakahon lamang sa mgamakapangyarihan at mayamang mga grupo ang pakikilahok sa ganitong sistema(Jeong & Oh, 2010, p. 278).

    Sa pag-aaral sa Europa nina Hatchard at Gray (2012) na tungkol sapangangalaga sa mga isda, ang pagkakaroon ng Advisory Councils ay makatutulongupang mabigyan ng boses ang mga apektadong mamamayan (mangingisda o mganakatira sa baybay dagat o lawa) at lalong mapangalaagaan ang kanilang interes.Upang magawa ng advisory council ang mga nabanggit ay dapat baguhin ang mgailang katangian nito tulad ng simpleng pagbibigay kaalaman sa mga tao at hindidiretsong konsultasyon sa kanila kung ano ba ang sa tingin nilang mas makabubuti nasadyang nagbibigay ng maling impresyon sa mga tao tungkol sa kanilang pakikilhok.Pagpapalawak ng Kapasidad

    Binigyan pansin ni Gibson at Woolcock (2007) ang nangyayaring KecamatanDevelopment Project sa Indonesia. Ito ay isang proyektong naglalayong palakasin atbigyan kakayahan ang mga lokal na mamamayan upang makipagtagisan sa mganaghaharing-uri tungkol sa mga dapat na aksyon at polisiya na ipatupad ng gobyerno.Nagbigay ang ganitong programa ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaroonng puwang sa pagdedesisyon at pag-iisip tungkol sa mag ikabubuti ng kanilang lugar.Ang pakikilahok ng mga mamamayang walang pakialam ay magdudulot ng isangmalawakang pagbibigay kapangyarihan at boses sa mga mamamayang hindipinapansin ng pamahalaan dahil sa kahirapan. Ang paghahasa ng kapasidad ng mgamamamayan upang lalo silang maging epektibo sa pakikilahok ay sadyangimportanteng bigyan pansin (McArthur et al, 1996). Sagutin na mga taong nagsimula ngpakikilahok ng komunidad na siguraduhing handa at may kapasidad ang mgamamamayan upang makilahok sa pagdedesisyon o anu mang proseso.

    Isa pa sa mga magagandang dulot ng participatory governance ay ang planongpagsasama ng mga mahihirap at mga marginalized na grupo sa proseso ngpagdedesisyon at pagtalakay ng problema (Piper and Lieres, 2008). Ano ang mga isyung nakapaloob dito?

    Ang mga nakapaloob na isyu sa usaping pakikilahok ng mga mamamayan aybinigyan pansin ni Skelcher (1993) sa pagsasabing na maaring magdulot ng ‘paradoxof empowerment’. Dagdag pa ni Hart et al (1997) ang posibilidad ng cycle ofdisempowerment o ang hindi matagumpay na pakikilahok ng mga mamamayan.Pagkawala ng interes at gana sa pakikilahok ang magiging bunga ng dalawang isyungito.

    Ang kakulangan sa epektibong paglunsad ng participatory at good governanceay ang pangunahing dahilan ng hindi pag-unlad ng bansa at mga mamamayan nito(Gaventa, 2004). Dagdag pa sa naunang nabanggit, ang hindi pag-unlad ay nakabataysa istruktural na hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao sa iba’t-ibang aspeto tulad ngantas ng edukasyon, hanap-buhay at kayamanan.

    Bagtas 12

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Dapat munang magkaroon ng pagkakaisa sa diskurso, pinansyal na suporta atpagtanggap ng makabagong institusyon na maglalagak sa mga mamamayan sakapangyarihan na magkaroon ng boses sa mga desisyon ng gobyerno (Hatchard atGray, 2012 p.15).Hindi basta-basta ang papapatupad ng participatory governance dahilkailangan munang makamit ang mga nabanggit na salik upang pagtibayin patatagin ito.

    Titiganan din natin ang namamayaning pang-ekonomikong konteksto ng isanglugar. Ito ay importante dahil maaari nitong ipaliwanag ang naturang kundisyon ng mgatao sa isang lugar ngunit wala pang pag-aaral ang nakapagsabi kung anong mgaispisipikong konteksto ang maaring gamitan ng mga ispisipikong institusyon ngpakikilahok ng mga tao (Wampler at Mcnulty, n.d.).

    Marami nang naunang patunay na talagang epektibo ang sistemang pakikilahokngunit may tatlong salik na dapat tandaan ani Blair (2008), ang pagkakaroon ng politicalwill ng mga nasa pwesto at mga mamamayan na umpisahang gawin ang institusyon nggobyerno na hahayaan mapabilang sa nagtatakda ng desisyon ang mga simplengmamamayan. Ang kawalan nito ay hindi magdudulot ng pagbabagong. Ang antas ngibibigay na kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan ay dapat mataas upang lalongmagkaroon ng kapasidad ang isang lugar na pamunuan ang kaniyang komunidadhabang pinangangalagaan ang interes ng bawat isa. Ang huli ngunitpinakaimportanteng salik ay ang pagiging sustenable ng ganitong pamamaraan dahilkahit anong ganda ng sistema ngunit hindi naman kayang suportahan ng pamahalaanay mawawala rin ito. Dapat isipin na ng mga tao at pamahalaan ang mga paraan upangsuportahan ang ganitong programa.

    Ang ganitong klaseng programa ay hindi kayang solusyunan ang lahat ng mgaproblema sa komunidad at pamamahala nito ngunit nagsisilbi itong panimulanghakbang upang mapabuti at mapaunlad ang ginagampanang tungkulin ng mgamamayan sa pagdedesisyon ukol sa mga bagay na tuwirang makaaapekto sa kanilangpamumuhay (Lieres & Piper, 2008). Importanteng bigyan pansin natin ang mgaginagawa at papaano kumilos ang mga Civil Society Organizations, Kung sila ayagresibong humihingi at nakikipaglaban ng kanilang karapatan ay tiyak na positibo angmagiging epektibo nito sa pakikilahok ng mga tao at ang iba mismo ay gugustuhingmakilahok sa mga proseso (Wampler at Mcnulty, n.d.).Hindi lahat ng pagbibigaykapangyarihan ay nakatuon sa pagpapalawig ng kaalaman ng mga tao o pagbubuo nginstitusyon ng pakikilahok ng mga mamayan (McCall, 2002). Dapat pa ring magingmabusisi at maingat sa mga ginagawa dahil maari ding magkaroon ng hindipagkapantay-pantay na pagbabahagi ng trabaho sa mga nakikilahok na mamamayan atmagresulta sa pagiging angat ng mga piling tao sa iba. Dagdag pa dito ang posibilidadna hindi paglahok ng mga tao dahil sa kawalan ng kakayahan at tiwala sa sarili habangpagdagsa ng mga pulitko at mga makapangyarihan upang kontrolin ang komunidad atmga tao o sadyang pagpapasali sa mga simpleng tao sa unang bahagi lamang ngproseso upang gumawa ng ilusyon ng pakikilahok sa komunidad (UN Economic andSocial Council, 2007). Dagdag pa sa mga isyu ay ang mga sumusunod, pagkakaroonng local elite takeover kung saan nagiging makapangyarihan ang mga mayayamang-urisa usaping polisiya (Malena, n.d.), pagiging makapangyarihan ng international donor nasiyang may hawak ng kapital upang sustentuhan ang pagpapatuloy ng mga institusyonng participatory governance, pagsasawalang bahala sa mga ahensyang ginawa ngkonstitusyon na sadyang peligroso at kabalintunaan ng impormasyong inilalabas ng

    Bagtas 13

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    mga pag-aaral na siyang maaring maging dahilan ng pagkawala ng interes at tiwala ngmga mamayan (Blair, 2008). Ang mga maaring maging problema ng ganitong sistemaay ang paglitaw ng pansariling interes o tunggalian sa iba’t-ibang grupo ng mgamamamayan at pagkakaroon ng lip service kung saan puro salita lamang angnangyayari at hindi naman ipinapatupad ang mga napagkasunduan ng mgamamamayan. Ang pangangamkam ng ng mga lokal na elitista sa pondo at pagkakaroonng mga ahenteng eksperto sa pag-unlad ng mga komunidad ay ilan sa mgaproblemang pwedeng kaharapin ng ganitong sistema (Platteau, 2008).

    Sinabi ni Osmani (2008) na dapat isaalang-alang ng mga mananaliksik angtatlong salik na maaring makaapekto sa tagumpay ng participatory governance. Ito ayang capacity gap, incentive gap at power gap. Ang capacity gap ay tumutukoy sakaalaman ng tao tungkol sa pagpapatakbo ng mga organisasyon o pakikilahok sapaggawa ng polisiya. Maari itong sapat o kulang na kulang na siyang magigingproblema ng mga awtoridad kahit pa gusto nilang magkaroon ng pakikilahok ng mgatao. Ang incentive gap naman ay ang pagdedesisyon ng tao na makilahok sa mgapampublikong pulong na pag-uusapan ang mga polisiya at proyekto na maaaringmakaapekto sa kanila sa halip na magtrabaho o mag-alaga ng mga anak. Hindi lahat ngmga mamamayan ay ipagpapalit ang trabaho lalo na sa mga mahihirap na komunidad.Makikita na ang may mga kapital ang laging nakikilahok sa mga usapin ng polisiya. Huliang power gap kung saan nakatatak na sa isipan ng mga tao ang lantarang pagigingmas mahina nila kaya sa ibang tao na mayroon impluwensya sa gobyerno at pera. Silaay mas mababa dahil sila ay mga mangmang o walang puhunan upang makipagtagisansa mga mas makapangyarihan. Ayon kay Brown (2011), kailangang bigyan pansin angpapel ng gobyerno, universal applicability ng participatory governance at paggawa nginstitusyon na tutulong upang mas madaling makuha ang pakikilahok ng mgatao.Nagbigay bababala rin siya na dapat isaalang-alang ang konteksto kung saanmagpapatupad ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pagsasagawa ng desisyon. Angmalaking pagkakaiba-iba sa katangian ng mga tao at kanilang kultura ay sadyangnakakaapekto sa tagumpay ng nasabing programa ng pakikilahok. Kung talagangmagkakaiba nga ang mga tao dahil sa kultura at kasaysayan ng kanilang lugar ay dapatmunang magkaroon ng isang kultural na rebolusyon na siyang magbibigay ng iisangkatauhan sa kanilang lahat. Sa ganitong paraan ay mas hindi magiging mahirap para sakanila ang paggawa magkakasama dahil ito ay napagkasunduang mainam para salahat (Brown, 2011).

    Balangkas ng Teorya

    Gumamit ng iba’t ibang teorya sa pag-aaral na ito upang maintindhan at maipaliwanagang iba’t-ibang klase ng pakikilahok ng mga mamamayan, antas ng pakikilahok nagusto ng iba’t-ibang aktor sa pag-aaral at distribusyon ng kapangyarihan sa mgaproseso ng pakikilahok. Ginamit ang “Ladder of Participation” ni Arnstein (1969) kungsaan mabilis nakikita kung anong uri ng partisipasyon ang ginagawa ng mga miyembrong komunidad. Ang modelong ito ay naniniwalang ang pakikilahok ay isang anyo ngkapangyarihan. Binubuo ito ng walong (8) hakbangin mula sa (1)manipulasyon,(2)therapy na binubuo ang kawalan ng partisipasyon, (3)pagbabalita, (4)pagsangguni,

    Bagtas 14

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    (5)placation na binubuo ang token na antas ng “tokenism” at (6)tambalan,(7)delegadong kapangyarihan at (8)citizen power na mahahati sa tatlong tema ngpakikilahok na ang ibig sabihin ay antas ng kapangyarihan ng mga mamamayan.

    Figure 1 Ladder of Citizen Engagement (Arnstein, 1969)

    8 Citizen Power Antas ngkapangyarihanng mgamamamayan

    7 Delegated Power6 Tambalan

    5 Placation Antas ng“tokenism”4 Pagsangguni

    3 Pagbabalita2 Therapy Walang

    pakikilahok1 Manipulasyon

    Gagamitin rin ang stakeholder power matrix nina Hart et al (1997, hango kayWinstanley, 1995) upang maiipaliwanag ang kapangyarihang natatanggap ng isangapektadong mamamayan sa pakikilahok sa proseso ng pamamahala. Dito itinatampokna ang kapangyarihan upang diktahan kung ano ang dapat pag-usapan at gawin aymagandang tignan upang malaman kung papaano nae-empower ng pakikilahok ng mgatao ang sarili nila. Ito ay binubuo ng apat na konsepto na magpapaliwanag kung anongkapangyarihan ang mayroon ang mga nakikilahok. Ang Arm’s length power o strategiclevel power na tumutukoy sa kakayahan na sabihin kung ano mga layunin, isyu oproblemang dapat unahin at gawin ang polisiya, ang operation power naman aykakayahang magdesisyon kung papaano gagawin ang layunin, isyu at polisya. Angpagkakaroon ng mataas na arm’s length power at operation power ay nagdudulot ngcomprehensive power samantalang ang disempowerment ay pagkakaroon ngmababang arm’s length power at operational power. Tinitignan ng ganitong modelo angugnayan ng pakikilahok at kapangyarihan bilang isang continuum at hindi mga baitangtulad ng nauna. Mahalaga ang pagkakaroon ng magkakaibang antas ng pakikilahok saiba’t ibang bahagi ng prosesong gumagawa ng iba’t ibang klaseng desisyon na sadyangmakaapekto sa mga nakikilahok.

    Figure 2: A stakeholder power matrix (Hart et al, 1997 after Winstanley, 1995)

    Bagtas 15

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Balangkas ng pag-aanalisa

    Ang pokus ng pag-aaral na ito ay pakikilahok ng mga apektadong mamamayansa paggawa ng desisyon ukol sa pamamahala ng Lawa ng Laguna sa kaso ng LagunaLake Development Authority. Bumuo ng isang balangkas ng pag-analisa ang may-akdana hinango tungkol sa mga konseptong nakapaloob sa “participatory governance”upang mabigyan ng paliwanag ang interkasyon ng mga aktor sa pakikilahok sapamamahala ng likas na yaman.

    Sinuri kung anong anyo ng pakikilahok ang ginagawa ng mga tao batay sahagdanan ng pakikilahok ng mga apektadong mamamayan (Arnstein, 1969).Hahanapin natin ang dahilan kung bakit nasa ganoong anyo ang laganap napakikilahok ng mga tao. Pag-aaralan din kung anong klase ng kapangyarihan angtinatamasa ng apektadong mamamayan sa kanyang pakikilahok na ibabatay naman sapower matrix (Hart el al, 1997). Gamit ang datos na mula magmumula sa surbey at in-depth interview sa isang apektadong mamamayan ay ipapaliwanag ang katayuan ngibang mamamayan.

    Ipapakita naman sa kabilang banda ang interaksyon ng iba’t ibang aktor katuladng Laguna Lake Development Authority na katuwang ang Sangguniang Barangay ngMalacaban sa mga apektadong mamamayan. Kasama rin sa pag-aanalisa ang nagigingpapel ng non-government organization sa pakikilahok ng mga mamamayan atkoneksyon nito sa iba pang mga aktor. Ipapakita ang koneksyon ng ahensya ngpamahalaan(LLDA at SB) sa mga apektadong mamamayan at sa non-governmentorganization (NGO).

    Titignan ang interaksyon ng bawat aktor sa isa’t-isa upang malaman kungnaaabot ba ang layunin ng pag-aaral na ito na magkaroon ng “participatory governance”sa Laguna de Bay na kaakibat ng pangangalaga sa kalikasan at pag-unlad ng rehiyonng Laguna de Bay.

    Conceptual Framework

    Bagtas 16

  • Aktibong Pakikilahok ng mga Apektadong Mamamayan Participatory Governance in Laguna de Bay Region

    Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

    Ang pag-aaral na ito ay ukol sa pakikilahok ng mga apektadong mamamayan sa

    pagdedesisyon ng LLDA ukol sa pamamahala ng Lawa ng Laguna. Gamit ang iba’t-

    ibang pamamaraan at konsepto ay ipapaliwanag ng pag-aaral na ito ang dahilan kung

    papaano nangyayari o bakit hindi nagaganap ang sinasabing pakikilahok ng mga

    apektadong mamamayan at ano ang antas o lebel ng pakikilahok ng mga apektadong

    mamamayan sa paggawa ng desisyon.

    Ang pag-aaral na ito ay ginawang case study ang mga mamamayan sa

    Barangay Malacaban, Talim Island sa may Binangonan Rizal upang maipakita ang

    sitwasyon ng nakikitang isyu tungkol sa kawalan o kakulangan ng partisipasyon ng mga

    apektadong mamamayan. Mainam ang case study design upang mabigyan ng pokus

    ang aktwal na sitwasyon ng mga apektadong mamayan. Napili ng mananaliksik ang

    Bagtas 17

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Barangay Malacaban dahil dito nagsisimulang mag-organisa ang mga NGO upang

    tutukan ang nagiging pamumuhay ng mga tao lalo na ang mga mangingisda na siyang

    pangunahing apektadong mamamayan sa kung ano mana ang mangyari sa lawa.

    Gumamit ng primary at secondary data ang mananaliksik sa pag-aaral na ito.

    Ang primary data ay nanggaling sa surbey ng mga mamamayan ng Brgy. Malacaban at

    mga Key Informants. Para sa secondary data ay ginamit ang dokumento na galling sa

    ahensya ng pamahalaan at ibang kaugnan na pag-aaral.

    Gumamit ng key informant interviews ang manananaliksik na makatutulong

    upang makuha ang mga opinyon, impormasyon at datos mula sa mga opisyal ng LLDA

    na maalam tungkol sa proseso ng pagdedesisyon. Nagkaroon ng pakikipanayam sa

    Officer-in-Charge ng Policy Planning and Information Management ng LLDA sa

    katauhan ni Ginang Maristel Espiritu upang mas maintindihan ang paggawa ng polisiya

    ng Laguna Lake Development Authority. Nakapanayam rin ang isang tagapagsalita

    mula sa PAMALAKAYA (Pambansang Lakas ng Mga Mamamalakaya ng Pilipinas) sa

    katauhan ni Ronnel Arambulo na siyang bise-presidente ng organisasyon sa buong

    Binangonan na nagsagawa na ng mga unang pag-aaral upang malaman ang mga

    nagiging epekto ng mga polisiya at programang ipinatapatupad ng LLDA.

    Nakapanayam rin ang Kapitan ng Barangay sa katauhan ni Kapitan Avelino Villadiego

    upang magbigay ng impormasyon ukol sa pamamahala ng barangay at problema nito.

    Nagsagawa ng surbey sa anyo ng face-to-face interviews sa mga mamamayan

    ng Barangay Malacaban upang malaman ang kanilang mga palagay at opinyon batay

    sa mga naturang isyu ng pakikilahok sa pagdedesisyon. Upang matukoy kung sino ang

    iinterbyuhin ay gumamit ng systematic random sampling ang mananaliksik. Kinuha ang

    bilang ng pamilya sa barangay at tinukoy kung sino ang Kth na pamilya dahil limitado

    lamang ang oras at salapi ng mananaliksik upang interbyuhin ang lahat ng mamamayan

    ng barangay. Makikita rin dito kung hanggang saan lamang ang nalalaman ng mga

    mamamayan tungkol sa mga proseso ng pagdedesisyon. Kasama na rito ang

    pagsasaliksik kung ano ang antas ng partisipasyon ng mga apektadong mamamayan

    sa Malacaban.

    Sampling Unit

    Bagtas 18

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Ang pangunahing kailangang makapanayam ay ang mga household head ng bawat pamilya. Ito ay malalaman sa pamamagitan ng pagtatanong sa mismong pamilyadahil pwede itong maging ang magulang na babae o lalake.

    Sampling Frame

    Tinatayang may 287 pamilya sa buong Barangay Malacaban batay sa September 2013 na Census ng Barangay Office. Dito hahanguin ang bilang ng “sample” na magiging mga kalahok sa pag-aaral.

    Sample

    Gagamitin ang fomula ni Lynch et al (1974) upang matukoy ang bilang ng sample na kailangan.

    n = {NZ2p(1-p) }/{Nd2+Z2p(1-p)}

    Where: Z = 1.96 (the value of the normal variable for a reliability level of 0.95. This means having a 95% reliability in obtaining the sample size)

    p = .50 (the proportion of getting a good sample)1-p = .50 ((the proportion of getting a poor sample)d = .10 (sampling error)N= population sizen= sample size

    Sampling Technique

    Gumamit ang mananaliksik ng systematic random sampling. Kukunin ang sampling interval sa pamamagitan ng formula ng N/n. 287/72 = 3.98 o 4. Kailangan ng mananaliksik ng 72 na puno ng pamilya at ito ay pipiliin sa pamamagitan ng pagtukoy sa pang apat na pamilya matapos ang unang pakikipanayam. Para malaman ito ay kukuha ng blueprint ng barangay ang mananaliksik at lalagyan ito ng mga numero na magsisilbing tanda kung pang-ilan sila sa barangay.

    Gagamitin ang formula ni Lynch et al (1974) upang makuha ang bilang ng mga

    taong kakapanayim. Ginawa ito magkaroon ng mas matibay na sandigan sa mga

    magiging reulsta ng pag-aaral.

    n = {NZ2p(1-p) }/{Nd2+Z2p(1-p)}

    n={(287)(1.96)2(0.50)(1-0.50)}/{( 287)(0.10)2+(1.96)2(0.50)(1-0.50)

    n = {(287)(3.8416)(0.25)}/{( 287)(0.01)+(3.8416)(0.25)}

    n = {(1102.5392)(0.25)}/{(2.87)+(0.9604)}

    n = (275.6348)/(3.8304)

    Bagtas 19

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    n = 71.95 or 72 na tao.

    Gumamit din ng coding scheme upang maisaayos at magrupo ang mga

    impormasyon sa pakikipanayam sa mga key informants at mga apektadong

    mamamayan ng mga Barangay Malacaban. Nakatulong itong coding scheme upang

    lalong mas mapadali at maging malinaw ang daloy ng pagpapaliwanag ng mga

    konseptong makukuha sa pakikipanayam.

    Gumamit din ng content analysis upang suriin ang mga kaugnay na literature na

    ukol sa epekto ng mababa o mataas na antas ng mga apektadong mamamayan. Sa

    pamamagitan nito ay magkakaroon ng basehan kung saan ikukumpara ang mga datos

    na makukuha sa mga pakikipanayam sa mga apektadong mamamayan. Makikita din

    rito kung mayroong naobserbahang pagkakatulad ng kalagayan sa Malacaban sa ibang

    lugar na konektado sa layunin ng pag-aaral.

    Batay sa mga nakuhang datos ay titignan dito ang relasyon ng bawat konsepto o

    opinyon na manggagaling sa Key Informant Interviews mula sa opisyal ng LLDA at mga

    miyembro ng PAMALAKAYA at Interviews sa mga mamamayan ng Barangay

    Malacaban.

    Pagkatapos mabanggit ang paraan ng pagkuha ng mga impormasyon ay tignan

    natin kung ano ang mga nakalap na datos sa paggamit ng mga nasabing pamamaraan.

    RESULTA

    A. Surbey

    Upang malaman at mas maintindihan ang pagtingin at pangkalahatang opinyonng mga mamamayan sa Barangay Malacaban ay nagsagawa ng surbey sa anyo ngface-to-face interviews mula buwan ng Pebrero hanggang Marso, taong 2013. Ipapakitasa mga sumusunod na bahagi ang mga nakalap na datos.

    Makikita sa Table 1 ang kabuuang bilang ng mga mamamayang nakasali sasurbey. Ito ay binubuo ng 73 katao na nahahati sa 38 na babae at 35 na lalaki. Para sapag-aaral na ito ay pawang mga household head ang dapat makapanayam. Makikita rinsa Table 1 ang kinabibilangang edad ng mga sumali sa pakikipanayam. Pinakamaramiang kabilang sa pangkat ng Middle Age samantalang pinakakaunti naman ang kabilangsa pangkat ng Elderly.

    Table 1: Datos ng Demographiya ng mga Nakapanayam(N=73)

    Datos Bilang Porsyento

    Bagtas 20

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    KasarianLalakiBabae

    3538

    47.952.1

    Edad(mean= 45.80)Early Adult (20-35)Middle Age (36-50)Late Adult (51-66)Elderly (>66)

    1534244

    20.546.627.45.5

    Makikita naman sa Table 2 ang mga kinabibilangang organisasyon ng mganakapanayam. Pinakamarami ang miyembro sa Ahon sa Hirap na mayroong 20mamamayan (27.4%) sa ating sample population samantalang kapansin-pansin na 40mamamayan (54.8%) ang mga nakapanayam na walang kinabibilangang organisasyon.Makikita na ang pinagsama-samang miyembro ng Help, ANAKPAWIS-PAMALAKAYA,Save Laguna Lake Movement at iba pa ay binubuo ang halos 13 mamamayan (17.8%)ng mga nakapanayam.

    Table 2: Mga Kinabibilangang Organisasyon ng mga Nakapanayam

    Organisasyon Bilang PorsyentoAhon sa Hirap 20 27.4HELP 1 1.4ANAKPAWIS-PAMALAKAYA

    2 2.7

    Iba pa(Sangguniang Brgy,Simbahan)

    8 11.0

    Save Laguna LakeMovement

    2 2.7

    Wala 40 54.8Total 73 100.0

    Makikita sa Table 3 ang mga porma ng pakikilahok ng mga tao upangmapangalagaan ang Laguna de Bay. Kapansin-pansin na 30 mamamayan (41.1%) angnagsabing wala silang ginagawang pakikilahok. Sinundan ito ng 14 mamamayan(19.2%) na hindi nagtatapon ng basura sa lawa. Ang 10 katao (13.7%) naman aysinabing sila ay nagproprotesta upang pangalagaan ang lawa. Ang natitirang (16.4%)na mamamayan ay nakikipagpulong, ang isa (1.4%) ay hindi nangangakag, ang 4mamamayan (5.5%) ay nakikinig lamang sa mga usapin at ang 2 mamamayan (2.7%)ay nanghihimok ng tao.

    Table 3: Paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan

    Bagtas 21

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Anyo ng Pakikilahok Bilang

    Porsyento

    Hindi pangangakag 1 1.4

    Nakikinig lang sa usapin 4 5.5

    Hindi pagtapon ng basura sa lawa 14 19.2

    Pagproprotesta 10 13.7

    Pakikipagpulong 12 16.4

    Panghihimok ng ibang tao 2 2.7

    Wala 30 41.1

    Total 73 100.0

    Sa Table 4 naman natin makikita ang mga sinabing dahilan ng mga tao kungbakit mahalaga para sa kanila ang pakikilahok. 22 mamamayan (30.1%) ang nagsabingpinapahalagahan nila ang pakikilahok dahil ito ay para umunlad ang Laguna de Bay.Samantalang 5 mamamayan (6.8%) lamang ang nagsabing mahalaga ang pakikilahokupang magkaisa ang gobyerno at mga tao. Ang kahalagahan ng pagpaparating ngproblema at pangangalaga ng sariling interes ay parehas na binubuo ng 17mamamayan 23.3% samantalang 12 na mamamayn 16.4% ang nagsabing mahalagaito upang masolusyunan ang mga problema sa lawa.

    Table 4: Dahilan ng pakikilahok

    Bagtas 22

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Dahilan ng Pakikilahok Bilang

    Porsyento

    Magkakaisa ang gobyerno at tao 5 6.8

    Maiparating ang problema sa kinauukulan 17 23.3

    Para mapangalagaan ang sariling interes 17 23.3

    Para umunlad ang Laguna de Bay 22 30.1

    Upang masolusyunan ang mga problema salawa

    12 16.4

    Total 73 100.0

    Sa Table 5 ay makikita natin kung sino ang dapat manguna sa pakikilahok bataysa mga mamamyan. Nangunguna ang Punong Barangay na sinabi ng 54 mamamayan(74%) ng mga tao. Sumunod ang mga Mamamayan na may 13 nagsabing na(17.8%) atpanghuli ang LLDA na may 3 mamaayan(4.1%) lamang. Kataka-takang may nagsabing4 na tao (4.1%) na hindi nila alam kung sino ang dapat manguna.

    Table 5: Mangunguna sa pakikilahok

    Mga Aktor na dapat manguna sa pakikilahok Bilang Porsyento

    Punong Barangay 54 74.0

    LLDA 3 4.1

    Mamamayan 13 17.8

    Hindi alam 3 4.1

    Total 73 100.0

    Sa Table 6 ay makikita natin kung ano ang nakikitang epekto ng kawalan ngpakikilahok ng mga mamamayan. 29 na mamamayan(39.7%) ang nagsabing walangmagiging epekto kung sakaling hindi makilahok ang mga mamayan. 23 mamamayan

    Bagtas 23

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    (31.5%) naman ang nagsabing lalala ang problema. Samantalang 9 na tao ang (12.3%)ang nagsabing masisira ang lawa.

    Table 6: Epekto ng Kawalan ng Pakikilahok ng mga Mamamayan

    Epekto ng Kawalan ngPakikilahok

    Bilang Porsyento

    Hindi alam 3 4.1

    Lalala ang problema 23 31.5

    Masisira ang lawa 9 12.3

    Matutuloy ang plano ng gobyerno 8 11.0

    Pagbaklas ng mga fishpen 1 1.4

    Wala 29 39.7

    Total 73 100.0

    Sa Table 7 naman ay makikita ang tuwirang sagot ng mga mamayan kung sila aymakikilahok ba sa pangangalaga ng lawa. 61 katao sa 83.6% ang nagsabingmakikilahok sila samantalang parehas na 6 na tao (8.2%) naman ang nagsabing hindisila makikilahok at hindi nila alam.

    Table 7: Makikilahok ka ba?

    Bagtas 24

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Intensyong makilahok Bilang

    Porsyento

    Oo 61 83.6

    Hindi 6 8.2

    Hindi alam 6 8.2

    Total 73 100.0

    Sa Table 8 ay makikita natin ang sa tingin nilang dahilan kung bakit hindinakikilahok ang mga tao. 22 na mamamayan (30.1%) ang nagsabing dahil sa personalna problema ay hindi sila nakikilahok samantalng 17 na tao(23.3%) ang nagsabingabala sila sa trabaho. 5 na mamamyan(6.8%) ang nagsabing wala namang nangyayarikaya hindi sila nakikilahok. 14 na brod(19.2%) ang nagsabing kulang sila sa pera upangmakilahok sa mga gawain samantlang 15 na tao(20.5%) ang nagsabing wala namansilang makitang dahilan kung bakit hindi makikilahok.

    Table 8: Dahilan ng hindi pakikilahok

    Mga Dahilan ng Hindi Pakikilahok Bilang

    Porsyento

    Abala sa trabaho 17 23.3

    Kulang sa pinansyal 14 19.2

    Personal na problema 22 30.1

    Wala 15 20.5

    Walang nangyayari 5 6.8

    Total 73 100.0

    Sa Table 9 ay makikita natin kung ano ang opinyon ng mga mamamayan tungkolsa kalagayan ng kanilang kapasidad na makilahok sa pamamahala ng lawa. Mayroong28 na mamamayan (38.4%) ang nagsabing sapat ang kapasidad ng mga tao

    Bagtas 25

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    samantalang 40(54.8%) ang nagsabing hindi ito sapat. May 5 na mamamayan (6.8%)ang nagsabing hindi nila alam.

    Table 9: Kapasidad ng mga mamamayan upang makilahok sa pamamahala

    Kapasidad ng mgaMamamayan

    Bilang Porsyento

    Sapat 28 38.4

    Hindi Sapat 40 54.8

    Hindi Alam 5 6.8

    Total 73 100.0

    Sa Table 10 makikita natin ang nakikitang papel na gagampanan ng mga NGOssa pakikilahok ng mga tao. Mayroong 38 mamayang (52%) nagsabing sila ang dapathumimok sa mga tao upang makilahok. Sabi naman ng 16 (21,9%) katao ay sila angdapat nilang tulungan ang mga tao upang solusyunan ang mga problema. Parehas natig- 6(8.2%) na tao ang nagsabing hindi nila alam ang kasagutan at walang magigingpapel ang NGOs. Ang natitirang 5 na mamamayan (6.8%) ay sinabing dapat silangbumuo ng isang organisasyon at 2 (2.7%) ang nagsabing dapat silang magprotestatungkol sa lawa.

    Table 10: Papel ng NGO sa pakikilahok ng mga tao

    Bagtas 26

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Papel ng Organisason Bilang Porsyento

    Himukin ang mga tao na makilahok 38 52.0

    Solusyunan ang problema kasamaang mga mamamayan

    16 21.9

    Hindi Alam 6 8.2

    Wala 6 8.2

    Bumuo ng isang samahan 5 6.8

    Magprotesta tungkol sa lawa 2 2.7

    Total 73 100.0

    Sa Table 11 naman ay makikita natin ang nakikitang epekto ng pakikilahok ngmga mamamayan sa pamamahala ng Laguna de Bay. Mayroong 22 katao (30.1%) angnagsabing uunlad ang lawa at ang pamumuhay ng mga mamamayan. 18 na tao(24.7%) ang hindi masabi kung ano ang epekto. 16 na nakapanayam,(21%) angnagsabing mas mabibigyan pansin ang hinanain ng mga tao samantalang 15 narespondante (20.5%) naman ang nagsabing mas maayos ang magigigng pamamahalang LLDA sa Laguna de Bay kung sila ay makikilahok. Mayroong 2 na tao (2.7%) nanagsabing walang epekto o magbabago kahit makilahok pa sila sa pangangalaga ngLaguna de Bay.

    .Table 11: Nakikitang Epekto ng Pakikilahok ng mga Mamamayan sa Pamamahala ngLaguna de Bay

    Bagtas 27

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Epekto ng Pakikilahok Bilang Porsyento

    Hindi masabi 18 24.7

    Mas maayos na pamamahala ng LLDA sa Laguna de Bay 15 20.5

    Mas mabibigyan pansin ang hinanain ng mga tao 16 21.9

    Uunlad ang lawa at ang pamumuhay ng mgamamamayan

    22 30.1

    Walang epekto 2 2.7

    Total 73 100.0

    Makikita sa Table 12 ang bilang ng mga nagsabi ng pagkakaroon ngkonsultasyon ng LLDA sa mamamayan. Mayroong 37 katao ang nagsabing mayroongnangyayaring konsultasyon. 30 katao (41.1%) ang nagsabing wala samantalang may 6katao (8.2%) ang nagsabing hindi nila alam.

    Table 12: Pagkakaroon ng Konsultasyon

    Sagot Bilang Porsyento

    Meron 37 50.7

    Wala 30 41.1

    Hindialam

    6 8.2

    Total 73 100.0

    B. Key Informant Interview

    Nagsagawa ng Key Informant Interview sa mga piling eksperto na nagmula iba’tibang aktor na nagkakaroon ng interaksyon sa pamamahala ng Laguna de Bay. Upangkatawanin ang Laguna Lake Development Authority, nakapanayam natin si Ginang

    Bagtas 28

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Maristel C. Espiritu, ang Officer-in-Charge ng Policy Planning and InformationManagement noong umaga ng ika-7 ng Pebrero, taong 2013. Ang naging tagapagsalitanaman ng PAMALAKAYA ay si Hon. Ronnel Arambulo noong gabi ng ika-10 ng Pebrero,taong 2013. Nakapanayam rin ang kasalukuyang Punong-Barangay sa katauhan niKap. Avelino Villadiego noong hapon ng ika-10 ng Pebrero, taong 2013. Hulingnakapanayam ang Key Informant na kabilang sa surbey sa katauhan ni GinoongMargarito Bobonggo noong hapon ng ika-24 ng Pebrero taong 2013. Ipinapakita ritoang mga katanungan at kasagutan ng bawat isa na sadyang makatutulong upang masmaintindihan nag nangyayari sa Laguna de Bay.

    Table 13: Mga nakalas na datos sa Key Informant InterviewKategorya LLDA PAMALAKAY

    APunongBarangay

    ApektadongMamamayan

    Resulta/Tema/Analisis

    1. Paanonakikilahokangmgamamamayan sapamamahala nglawa?

    Mayconsultationnagaganapbagoipatupadang policywhich ismore onindustrysector athindimasyado sashoreline ataquaculture.Aktibo rinang mgaFisheriesand AquaticResourcesManagement Councils.Feedbackandconsultationdapat kasohindi namansilaorganizedkayanahihirapan

    Mangilan-ngilanlamang angsumasamasapakikipagdayalogo saLLDA...upang mapaabotang mgaproblema salawa at ngmga tao.Hanggangkonsultasyonpa lamang.

    Halimbawamay activityang LLDAnaipapaabot saamin aynagpapatawag kami ngmeeting samgakasamahansasanggunianat mgataumbayan.Yung mgamay fishpensa lawanatin ayipinapatawag kung anoang dapatgawin..

    Hindi rintayonagtataponng basurasa lawaNagkakaroon rin ngmaliliit napagkilosupangmaiparating sa LLDAang amingmgahinanain.

    Ayon sa LLDAatPAMALAKAYAay nagkakaroonngkonsultasyon samga tao tungkolsa pamamahalasamantalangsabi naman ngPunong-Barangay at ngMamamayan aywalangnagaganap nakonsultasyon atkung mayroonman ay hindipumupunta angmga tao. Upangmapangalagaanang lawa ayhindinagtatapon ngbasura angmgamamamayanhabanggumagawa ngparaan pangiparating sa

    Bagtas 29

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    rin kami sopinopost nalang naminsanewspaperupangmalamanng mga tao.Maykasama narin saimplementasyon.

    kinauukulanang problema

    2. Bakitsilanakikilahok?

    …politicallymotivatedtuwingeleksyon…Powerfulang wordsngstakeholders napwedengmakaapektosa desisyonng Generalmanager ngLLDA.

    Upangmalamanang solusyonsa mgaproblemanila bilangmangingisda

    Dapatnakikilahoksila upangalam niladahilkarapatannatingmangialam.

    Paramapangalagaan anglawa kasidiyan kamikumukuhanghanapbuhay.UpangmabuksanangNapindanchannel

    Nakikilahok angmga tao dahilsa kanilangmga intereskatulad ngpagresolba saproblema,mapangalagaanang lawa,gamitin angkarapatan atmakuha kungano ang tinginnilang dapatkatulad ngpagbubukas ngNapindanchannel.

    3. Anoangdahilan nghindipakikilahok?

    Depende rinkasi saprojectsdahil hindinamanlahat ngprojects aypwedeiinvolve angcommunity.

    Dahil sahirap ngbuhay atkawalan ngkita sa isangaraw.Binabansagan ring mgaleftist orebeldre angorganisasyonkaya hindisumasali angtao.

    Katwiran nilakung anongmapagkasunduan aysusunodsila.Dahil rinsiguro sahirap ngbuhay.Kulang sapamasaheat baongpera

    Yung ibakasiwalangpakialamporketmayayaman sila atmayroonsilanggagastusindi tuladnamin. Maymgamahihirapring hindi

    Masasabingdahilan angkakulangan ngpera ngunitpwede rinpalang dahilmay peranaman ay hindina makikilahokat susunod nalamang sa kunganongmapagkakasunduan. Dahilanrin ang takot na

    Bagtas 30

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    nakikilahokdahil ata satakot atsaka isangaraw nawalang kitaKapagpinatawagmo samiting hindipumupuntakasimatigasang bungo

    mabagsagangrebelled at angkatotohananghindi naman salahat ngproseso aypwedengmakilahok.

    4. AnoangpapelngmgaNGOssapakikilahokngmgatao?

    Lumalapitsila sa aminkaso iba’tiba anginteres nila.

    Imulat yungmangingisda...sapamamagitan ngpagpapaliwanag kungano angproblema salawa atpinagmulannito

    Kailangantalaga paramasmaganda nanakikisali samgaganyangusapin.

    Nagkakaroon ngpagpupulong kungano angmgasolusyonsaproblematulad ngknife fish.TangingPAMALAKAYAlamangang alamkongkumikiloswala ngiba.

    Nakikita angNGO bilangisang tulong sapakikilahok ngmga tao dahilsila anghumihimok samga tao sapamamagitanngpagpapaliwanag ng mgakaganapan sakanilang lugarupangmaisulong angkanilanginteres.

    5. Sapatbaangkanilangkapasidadupangmakilahok?

    Nag-oorganizenaman sila.

    Alam nilaang mga isyungunit angproblema aykulang pasila sakakakayahanupang ito aysabihin atipaliwanag.

    Kulang padahil hindinatin gamayang mgausapin(tungkol sa lawa)

    Nakukulang nakulang atsana aymaramingmag-araldito atmagmulatsa mga taokung bakitganito angnangyayari.

    Kulang angkapasidad dahil(1) kulang saimpormasyon ,(2) kulang sakakayahanupangipaliwanag ito at(3)hindimalinaw kungtalaga nga bangnakikiisa sila sa

    Bagtas 31

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    pag-oorganisa.6. Ano

    angnagiginginteraksyonsaibangaktor?

    Nakikipag-usap tayosa iba’tibangpolitiko atmgamunisipyongunit ittrydin natingpadaanin sakanila angpagkonsultang mga taotungkol sapolisiya

    Hindilumalapit angLLDA sa atinupangmakipag-usapsamantalangpatuloytayongnakikipag-usap sa mgatao at tayoangnakikipagdayalogo saLLDA.

    Nagpapatawag kami ngmeeting sacoveredcourt upangkausapinang mgamamamayan kapagnagpatawagrin angLLDA ngunitmadalangmangyari ito.

    AngPAMALAKAYA aylagingkaisa ngmgapagkilossamantalang angbarangaynaman aynais ringmakatulongkasokulang sapondo.Yung LLDAsinisisi paang taokasinagtataponraw kaming basura.

    Tila walangdirektanginteraksyonnagaganap sapagitan ngmamamayan atLLDAsamantalangpatuloy angrelasyon ngNGO,SangguniangBarangay at ngMamamayan saisa’t-isa sapamamagitanng pagmimiting.Mapapansingang mgamamamayan paang lumalapitsa LLDA.

    7. Anoangnakikitangepekto ngpakikilahokngmgamamamayan sapamamahala?

    Masmagigingmaganda ifang policyay mag-emanatemula sa taongunit sadami ngstakeholders sa lagunade bay aydapatmapakinggan ang lahatat kungtalaganggusto nilangmakatulongay dapatsumunodsila sa

    Magigingmagandaang epektokungmakikilahokang mga taoat ditonakasalalayangkatagumpayan ngsolusyon samgaproblema ngtao.

    Ang ano koaymagkakaroon ngdayalogo nanagyari narati sa mayPasig ngunitwala ringnangyari sausapin naiyon perokahitpapaanonaantalayungpagsasaranung haloslahat ng taona maypalakaya saisla ay

    Magandaangmangyayariat bakanamanmakinigsila (LLDA)kung lahattayo aymakilahoksa mgakilusanupanglahat kamidito aymakinabang.

    Mas epektibongpolisiya na mulasa mgaapektadongmamamayanupangmasolusyunanang kanilangmga problemasa kabuhayansa tulong na rinng kooperasyonng LLDA naisama silapaggawa ngmga desisyon.

    Bagtas 32

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    policies. pumuntaroon.

    Diskusyon

    Upang mas maintindihan ang mga kundisyon at opinyon ng mga mamamayantungkol sa pakikilahok ay ipagkukumpara ang mga resulta ng surbey, interbyu at ilangmga kaugnay na pag-aaral.

    Pakikilahok

    Ang tao ay nakikilahok rin sa pamamahala ng Laguna de Bay. Ito ay sapamamagitan ng konsultasyon. Sinasabing may nangyayaring konsultasyon sa pagitanng LLDA at ng mga mamamayan. Batay sa surbey ay halos 50.7% ang nagsabingmayroong nagaganap na konsultasyon (tignan ang Table 12). Sa kasamaang palad ay16.4% lamang ang nagsabing nakikipagpulong sila (tignan ang Table 3). Kung titignannaman natin ang mga kasagutan sa in-depth interviews,

    “May consultation nagaganap bago ipatupad ang policy which is more on industrysector at hindi masyado sa shoreline at aquaculture.” -LLDA

    Mangilan-ngilan lamang ang sumasama sa pakikipagdayalogo sa LLDA...upangmapaabot ang mga problema sa lawa at ng mga tao. Hanggang konsultasyon palamang. –PAMALAKAYA

    Nagkakaroon rin ng maliliit na pagkilos upang maiparating sa LLDA ang aming mgahinanain. – Mamamayan

    Halimbawa may activity ang LLDA na ipapaabot sa amin ay nagpapatawag kami ngmeeting sa mga kasamahan sa sanggunian at mga taumbayan. Yung mga may fishpensa lawa natin ay ipinapatawag kung ano ang dapat gawin. – Punong Barangay

    Maliban sa pakikilahok sa konsultasyon ay nakikilahok rin ang mga tao sapamamagitan ng panghihimok sa mga tao (2.7%) pagproprotesta(13.7%) at pakikinig sausapin (5.5%), hindi pagtatapon ng basura (19.2%).

    Dahilan ng pakikilahok

    Bagtas 33

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Ngayon tignan naman natin kung bakit ba sila nakikilahok sa pamamahala.Lumalabas sa pag-aaral na mayroong 34 katao (46.5%) ang nagnanais na umulad angLagunda de Bay at masolusyunan ang mga problema nito. Mapapansin nga lang natinna halos 39 katao (53.4%) ang nagnanais na maiparating ang kanilang mga problemasa gobyerno at mapangalaagaan ang sariling interes kasabay na rin ng pagkakaisa ngpamahalaan at komunidad. Ang pagpapalawak ng tungkulin ng mga mamamayan atpagsasagawa ng participatory governance upang tugunan ang isyu sa kahirapan atkatarungan para sa bayan ay isang magandang panimula dahil sila ang mgaapektadong mamamayan o stakeholders kung ano man ang kahihinatnan ng mgadesisyon ng mga nasa ahensya ng pamahalaan (Wampler & Mcnulty, n.d.). Hindinaman lumalayo ang nakuhang datos mula sa interbyu at ipinapakitang nakikilahok angmga tao dahil sa kanilang mga interes katulad ng pagresolba sa problema,mapangalagaan ang lawa, gamitin ang karapatan at makuha kung ano ang tingin nilangdapat katulad ng pagbubukas ng Napindan Channel. Makikita ito sa mga kasagutan sababa:

    …politically motivated tuwing eleksyon…Powerful ang words ng stakeholders napwedeng makaapekto sa desisyon ng General manager ng LLDA. – LLDA

    Upang malaman ang solusyon sa mga problema nila bilang mangingisda – PunongBarangay

    Dapat nakikilahok sila upang alam nila dahil karapatan nating mangialam. -PAMALAKAYA

    Para mapangalagaan ang lawa kasi diyan kami kumukuha ng hanapbuhay. Upangmabuksan ang Napindan channel - Mamamayan

    Dahilan ng hindi pakikilahok?

    Sa kasamaang palad ay mayroong halos 46.6% ng mga nasurbey angnagsabing hindi sila nakikilahok. Kung titignan natin ang lumabas sa surbey (Table 8),ang pangunahing dahilan ng hindi pakikilahok ay kahirapan dahil sa kakulangang ngpinansyal at pagkaabala sa trabaho na binubuo ng 31 katao (42.5%). Ibig sabihin nitoay sadyang malaki ang incentive gap ng mga mamamayan sa pakikilahok. Ipinaliwanagito ni Osmani (2008) na pinipili ng mga mamamayang hindi makilahok dahil masmakikinabang sila kung magtatrabaho sila imbes na makilahok sa mga pulong masa.Sumunod ang personal na problema na binubuo ng 22 katao (30.1%). 15 katao (20.5%)ang nagsabing walang dahilan upang hindi makilahok samantalang 5 katao (6.8%) angnagsabing hindi sila nakikilahok dahil wala namang nangyayari. Ipinaliwanag rin ito niHatchard and Gray (2012) na dapat munang magkaroon ng pinansyal na suporta atpagkakaisda sa diskurso ng pakikilahok upang mas maging kabuluhan ang gagawinghakbang ng mga mamamayan. Hindi lumalayo ang kasagutan sa interbyu nasinasabing ang kahirapan ang nagiging hadlang upang hindi makilahok ang mga tao.Ang iba pang dahilan ay ang hindi kaangkupan ng pakikilahok ng mga tao,

    Bagtas 34

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    pagsasawalang-kibo, katigasan ng ulo at takot na mabansagang rebelde. Isa pangdahilan ay ang pagkakaroon naman ng kaangatan sa pinansyal tulad ng nabanggit ngKey Informant na Mamamayan. Ang hindi pagkakapantay-pantay sa pang sosyo-ekonomikong katayuan ng mga mamamayan sa komunidad ay isang problema rin(Gaventa, 2004) Makikita ito sa kanilang mga kasagutan:

    Depende rin kasi sa projects dahil hindi naman lahat ng projects ay pwede iinvolve angcommunity –LLDA

    Dahil sa hirap ng buhay at kawalan ng kita sa isang araw. Binabansagan ring mgaleftist o rebelde ang organisasyon kaya hindi sumasali ang tao. - PAMALAKAYA

    Katwiran nila kung anong mapagkasunduan ay susunod sila. Dahil rin siguro sa hirapng buhay. Kulang sa pamasahe at baong pera. Kapag pinatawag mo sa miting hindipumupunta kasi matigas ang bungo – Punong Barangay

    Yung iba kasi walang pakialam porket mayayaman sila at mayroon silang gagastusin ditulad namin. May mga mahihirap ring hindi nakikilahok dahil ata sa takot at saka isangaraw na walang kita. – Mamamayan.

    Pagsisimula ng pakikilahok

    Pagkatapos malaman ang mga dahilan ng hindi pakikilahok ay ating tignan kungano ba ang dapat gawin upang makilahok ang mga tao. Sino ba ang dapat magsimulanito? Batay sa surbey ay makikita (Table 5) na 54 katao (74%) ng mga sumagot ngsurbey ay umaasang ang punong barangay ang dapat magsimula ng pakikilahok ngmga tao. Ang ganitong resulta ay nagpapakita ng malaking power gap (Osmani, 2008)kung saan nakikita nila ang sarili nilang tagasunod lamang ng mga nasa kapangyarihandahil sa kanilang kakulangan sa kapasidad. Ang unang hakbang upang mas ganahangmakilahok ang mga mamamayan ay magsagawa ng stakeholder analysis sa lugar(Stanghellini, 2010). Kailangan pag-usapan ang mga kasalukuyang problema, layuninng pakikilahok, pagkalap ng datos at pagbibigay ng opinyon at impormasyon ng mgatao. Mayroong 13 katao(17.8%) ang nagsabing dapat magsimula ito mismo sa kanilarin. Makatutulong rin kung paiigtingin ang edukasyon sa komunidad at inisyatiba ngmga tao upang makilahok (Zhang. 2011). Kung magkakaroon ng individualempowerment ay magkakaroon din ng community empowerment (Ahmadian, Redzuan& Samah, 2010). Kahit kaunti lamang (3 tao o 4.1%) ay may naniniwalang dapat itongsimulan ng LLDA. Ipinaliwanag ni Blair (2008) na mahalaga na magkaroon ng politicalwill ang mga nasa pwesto na nangunguna sa paggawa ng desisyon upang bigyan angisang komunidad ng sapat na kapangyarihan sa pakikilahok nito at ang pagigingsustenable ng ganitong proseso. Maliban sa suportang pulitikal ay dapat ring sapat nasocial capital ang mga mamamayan o nag-oorganisa sa isang lugar (Geissel, 2009).

    Bagtas 35

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Ang resultang ito ay kinontra ng Punong Barangay na sinasabing hindi namannakikilahok ang mga tao sa mga miting. Nakikita ng mga tao na ang dapat manguna ayang nasa pwesto ngunit dahil sa kanilang kalagayan ay hindi pa rin sila nakikilahokkaya nagbigay rin ng paliwanag ang PAMALAKAYA.

    Ang totoo ay hanggang salita rin lang naman sila. Kapag nagpapatawag na ay sasabihin, kayo na lang at may ginagawa ako. Ang obserbasyon ko dahil nga sa hirap ng buhay kapag natapat na may pa-meeting at may ginagawa sila hindi mo mapapatayo yun e. Totoo nga naman na kami ang dapat mag-umpisa dahil para sa anong lawa. Ngayon akin lang nasabi na ano ang ipapaabot namin sa tao kung talagang ang LLDA minsan lamang kami napatawag ng meeting. - Punong Barangay

    Sa usaping panghikayat, tama yan na barangay at dapat opisyales. Pero siyempre,mamamayan dapat ang nangunguna diyan. - PAMALAKAYA

    Epekto ng hindi pakikilahok

    Dahil nga sa kanilang kakulangan sa pinansyal ay hindi sila nagkakaroon ngepektibong pakikilahok. Ating titignan ang persepsyon ng mga tao kung sakaling hindisila makikilahok. Makikita sa resulta(tignan ang Table 6) na mayroong 41 katao (56.2%)ang nangangambang magdudulot ito ng paglala ng problema sa lawa, pagkasira nglawa at matuloy ang plano ng gobyerno na pribatisasyon ng lawa. Samantalang 32(43.8%) ang nagsasabing kapag hindi sila nakilahok ay mas wala ring mangyayari okaya ay hindi nila alam ang kahihinatnan. Makikita na hindi makabubuti ang hindipakikilahok ng mga tao. Ito ay lalong pinatunayan ng pagpapaliwanag ng PAMALAKAYAsa mga katagang:

    Lalong mas magiging saklap ang mangayayari sa mamamayan. Kasi nung mayroongngang organisasyon ay nagpaptauloy parin ang ginagawa nila ng LLDA(pagpapahirap), paano pa kaya kung walang lumalaban – PAMALAKAYA

    Papel ng mga NGO

    Magkakaroon ng masamang epekto kung sakaling hindi makikilahok ang mgatao sa mga prosesong hatid ng ahensya ng gobyerno. Sa ganitong pagkakataon aypumapasok ang mga NGO upang makialam at gampanan ang kanilang papel. Batay sasurbey, (tignan ang Table 10) mayorya sa mga nasurbey ang nagsabing (61 katao o83.6%) may malaki ang papel ng NGO sa pakikilahok ng mga tao. Dapat nilang himukinang mga tao na makilahok upang masolusyunan ang problema o kaya naman aybumuo ng isang samahan at magprotesta sa lawa. May kaunting nagsabing (12 katao o16.4%) ang hindi sumasang-ayon dito. Nakikita ang NGO bilang isang tulong sapakikilahok ng mga tao dahil sila ang humihimok sa mga tao sa pamamagitan ngpagpapaliwanag ng mga kaganapan sa kanilang lugar upang maisulong ang kanilanginteres. Ito ay nakita sa kasagutan ng mga informants:

    Bagtas 36

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Lumalapit sila sa amin kaso iba’t iba ang interes nila. -LLDA

    Imulat yung mangingisda...sa pamamagitan ng pagpapaliwanag kung ano angproblema sa lawa at pinagmulan nito - PAMALAKAYA

    Kailangan talaga para mas maganda na nakikisali sa mga ganyang usapin. – PunongBarangay

    Nagkakaroon ng pagpupulong kung ano ang mga solusyon sa problema tulad ng knifefish. Tanging PAMALAKAYA lamang ang alam kong kumikilos wala ng iba. -Mamamayan

    Ang problema nga lang kahit pa kinikilala ang malaking papel ng gagampananng mga NGO ay ang katotohanang marami ring bilang ng mga mamamayan ay hindikasapi sa organisasyon. Makikita sa Table 2 ang mga kinabibilangang organisasyon ngmga nakapanayam. Pinakamarami ang miyembro sa Ahon sa Hirap na mayroong 20mamamayan (27.4%) samantalang kapansin-pansin na 40 mamamayan (54.8%) angmga nakapanayam na walang kinabibilangang organisasyon. Makikita na angpinagsama-samang miyembro ng Help, ANAKPAWIS-PAMALAKAYA, Save LagunaLake Movement at iba pa ay binubuo ang halos 13 mamamayan (17.8%) ng mganakapanayam. Ang popular na samahan ay ang Ahon sa Hirap na nakasentro sapagpapautang ng pera sa mga mamamayan at hindi sa pakikilahok nila ngunit ito aykinontra ni Teodosio (2009) na sinabing maaaring maging anyo ng pakikilahok angpagsali sa mga kooperatiba.

    Intensyon ng mga mamamayan

    Dahil sa mga nabanggit na magandang dulot ng pakikilahok sa pamamahalamayroon kayang intensyon ang mga tao na makilahok sa pamamahala sa lawa? Bataysa surbey, (tignan ang Table 7) makikita na malaking bilang ng mga nasurbey (61 kataoo 83,6%) ay may intensyong makilahok ngunit mayroon pa ring natitirang 12 katao(16.4%) ang nagsabing hindi sila makikilahok o hindi nila alam. Upang mas mapaigtingang pakikilahok ng mga tao ay dapat patuloy ang panghihimok sa kanila samantalangmay ibang dulog naman sa mga mamamayang matigas ang ulo. Ito ipinaliwanag ngPAMALAKAYA sa mga katagang:

    Siyempre, lagi yan, tuluy-tuloy ang masinsinang pagbibigay ng pag-aaral atpagpapalalim kung papaano hindi mararanasan yang ganyang problema.

    Kung minsan kasi may tinatawag tayo na abante na maagap na kumilos pero meron dinna dapat maramdaman talaga pa yung totally mas dagdag na hapdi pa siguro nanakakatulong din yun para yung mga tao talagang kumilos. Kung nakikita mo na yungbulldozer o andiyan na yung gwardiya na pinagbabawalan sila. Siguro yung mga taohindi mo na kailangang yayaing kumilos.

    Bagtas 37

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Kapasidad sa Pakikilahok

    Kung makikilahok ang mga tao ay dapat tignan kung handa ba sila atnagtataglay ng sapat na kapasidad. Batay sa surbey (tignan ang Table 9) mayroong 28na mamamayan (38.4%) ang nagsabing sapat ang kapasidad ng mga tao samantalang40 tao (54.8%) ang nagsabing hindi ito sapat. Lumalabas na may kakulangan pa sakapasidad ang mga tao kung sakali mang maisipan nilang makilahok. Sa paliwanag niOsmani (2008) ay nagkakaroon ng capacity gap sa ganitong sitwasyon. Kung walangsapat na kaalaman at kasanayan ang mga tao upang makilahok sa mga proseso ngpakikilahok at pag-oorganisa ay mahihirapan ang pamahalaan na isali sila sa paggawang polisya. Ito ay ipinaliwanag ng mga informants. Kulang ang kapasidad dahil (1)kulang sa impormasyon, (2) kulang sa kakayahan upang ipaliwanag ito at (3) hindimalinaw kung talaga nga bang nakikiisa sila sa pag-oorganisa. Kontra sa kakulanganng kapasidad ay argumentong nag-oorganisa naman ang mga mamamayan nanabanggit ng informant mula sa LLDA. Kahit pa sinabing sila ay nag-oorganisa, hindi parin tayo sigurado kung talaga nga bang sapat ang kapasidad nila batay sa mga lumabasna resulta. Ito ay makikita sa mga kataga nilang:

    Nag-oorganize naman sila. -LLDA

    Alam nila ang mga isyu ngunit ang problema ay kulang pa sila sa kakakayahan upangito ay sabihin at ipaliwanag. -PAMALAKAYA

    Kulang pa dahil hindi natin gamay ang mga usapin(tungkol sa lawa). Punong Barangay

    Naku kulang na kulang at sana ay maraming mag-aral dito at magmulat sa mga taokung bakit ganito ang nangyayari. – Mamamayan

    Interaksyon ng mga Aktor

    Matapos malaman ang kakulangan sa kapasidad ay ano ba ang nagaganap nainteraksyon sa pagitan ng mga aktor upang masolusyunan ang ganitong problema.Batay sa pakikipanayam sa mga informants, tila walang direktang interaksyonnagaganap sa pagitan ng mamamayan at LLDA samantalang patuloy ang relasyon ngNGO, Sangguniang Barangay at ng Mamamayan sa isa’t-isa sa pamamagitan ngpagmimiting. Mapapansing ang mga mamamayan pa ang lumalapit sa LLDA. Saganitong pangyayari ay hindi nakatutulong ang ahensya upang madagdagan angkapasidad ng mga mamamayan. Makikita ito sa kanilang mga kasagutan:

    Nakikipag-usap tayo sa iba’t ibang politiko at mga munisipyo ngunit ittry din natingpadaanin sa kanila ang pagkonsulta ng mga tao tungkol sa polisiya – LLDA

    Hindi lumalapit ang LLDA sa atin upang makipag-usap samantalang patuloy tayongnakikipag-usap sa mga tao at tayo ang nakikipagdayalogo sa LLDA. – PAMALAKAYA

    Bagtas 38

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Nagpapatawag kami ng meeting sa covered court upang kausapin ang mgamamamayan kapag nagpatawag rin ang LLDA ngunit madalang mangyari ito – PunongBarangay

    Ang PAMALAKAYA ay laging kaisa ng mga pagkilos samantalang ang barangay namanay nais ring makatulong kaso kulang sa pondo. Yung LLDA sinisisi pa ang tao kasinagtatapon raw kami ng basura - Mamamayan

    Nakikitang epekto ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala ng LLDA saLaguna de Bay

    Upang sagutin ang pinakalayunin ng pag-aaral na ito ay ating inalam kung anoba ang nakikita nilang magiging epekto ng kanilang pakikilahok sa pamamahala ngLLDA sa Laguna de Bay? Batay sa resulta ng surbey (tignan ang Table 10) 53 katao(72.5%) ang naniniwalang maganda ang epekto ng pakikilahok nila. Makapgdudulot itong mas maayos na mamahala ng LLDA at mabibigyan ng pansin ang hinanain ng mgatao upang umunlad ang lawa pati na rin ang pamumuhay ng mga mamamayan. Malibansa maayos na pamamahala at kaunlaran ay magkakaroon din ng empowerment angmga tao (Malena, n.d.). Ito ay sa pamamagitan ng pakikisangkot ng mga mahihirap atmarhinalisadong mga mamamayan (Piper and Lieres, 2008). Ayon sa mga informantsay magkakaroon ng mas epektibong paggawa at pagpapatupad ng polisiya na mula samga apektadong mamamayan upang masolusyunan ang kanilang mga problema sakabuhayan sa tulong na rin ng kooperasyon ng LLDA na isama sila paggawa ng mgadesisyon.

    Mas magiging maganda if ang policy ay mag-emanate mula sa tao ngunit sa dami ngstakeholders sa laguna de bay ay dapat mapakinggan ang lahat at kung talagang gustonilang makatulong ay dapat sumunod sila sa policies. - LLDA

    Magiging maganda ang epekto kung makikilahok ang mga tao at dito nakasalalay angkatagumpayan ng solusyon sa mga problema ng tao. -PAMALAKAYA

    Ang ano ko ay magkakaroon ng dayalogo na nagyari na rati sa may Pasig ngunit walaring nangyari sa usapin na iyon pero kahit papaano naantala yung pagsasara nunghalos lahat ng tao na may palakaya sa isla ay pumunta roon. – Punong Barangay

    Maganda ang mangyayari at baka naman makinig sila (LLDA) kung lahat tayo aymakilahok sa mga kilusan upang lahat kami dito ay makinabang – Mamamayan.

    Pagkatapos nating mas maintindihan ang mga importanteng bagay ay dapatnating klaruhin kung ano nga ba ang nangyayaring pakikilahok ng mga tao sapamamahal ng Laguna de Bay. Sadya bang makabubuti ito o nakasasama sakalagayan ng mga tao.

    Konklusyon at Rekomendasyon

    Bagtas 39

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    Batay sa pag-aanalisa ng mga lumabas na resulta mula sa surbey at interbyu ayating napag-alaman ang mga sumusunod.

    1. Tokenistic na Pakikilahok ang nangyayaring pakikilahok ng mga mamamayanng Barangay Malacaban. Batay sa teorya ni Arnsteing (1969) ay nagkakaroon ngkonsultasyon sa pagitan ng mga mamamayan ngunit hindi ito tunay na aktibongpakikilahok sa paggawa ng desisyon at pagpapatupad ng polisiya sa nasabingsitwasyon. Upang masolusyunan ito ay kailangang lumahok ng apektadongmamamayan sa lahat ng proseso ng pamamahala sa lawa tulad ng pagbubuo nginstitusyon, pagbalangkas ng paggawa ng desisyon, pagpapatupad ng polisya,pagbabantay at evaluation (Umar, 2011).

    2. Disempowered ang mga mamamayan ang mga mamamayan ng BarangayMalacaban. Batay naman sa teorya ni Hart et al, (1995), ang pagkakaroon ngmababang strategic power na nakita sa pag-aaral kung saan hindi nila nasasabikung ano ang isyu at polisiyang gusto nila sa LLDA. Mababa rin ang kanilangoperational power dahil hindi sila kabilang sa pag-iisip kung papaano itososolusyunan.

    3. Hindi kumukurap ang mahihirap na mamamayan ng Barangay Malacaban. Maspinipiling hindi makilahok ng mga tao dahil sa kakulangang pinansyal samantalangang mga may pera ay hindi nangingialam dahil hindi sila naapektuhan. Ipinapaubayana lang nila sa ibang tao ang dapat sana nilang gawin upang mas masoluyunan angproblema ng kahirapan.

    4. P.I.C. (Power, Incentive, Capacity) Gap ang humahadlang sa makabuluhangpakikilahok ng mga mamamayan ng Barangay Malacaban. Ang mga tao’ynawalan ng interes na makilahok dahil sa paniniwalang sila ay tagasunod lamang.Hindi nila taglay ang sapat na kakayahan at kaalaman upang makilahok sa usapingpamamahala ng buong lawa ng Laguna. Ang pagdedesisyong hindi makilahok dahilsa kawalan ng incentive o kita para sa isang araw ay lubhang naging sentimyentong karamihan. Upang masolusyunan ang ganitong problema ay iminungkahi niAgger (2012) na dapat magkaroon ng mga angkop na paraan ng participatoryprocesses para sa mga iba’t-ibang klase ng tao sa iba’t-ibang konteksto upangmaiwasan ang social exclusion ngunit nagbigay babala naman si Geissel (2009) naang mabusising pagklaklasipika sa mga tao ukol sa lalim at antas ng kanilangpagpapartisipa sa mga nasabing proseso ay pwede ring magdulot ng socialdisintegration at alienation na maging dahilan ng kanilang walang pagkagana sapagsali

    5. Kalakasan ng NGO. Maganda ang pagtingin sa pwedeng maiambag na tulong ngNGO sap akikilahok ng mga tao kaya maganda itong paraan upang paigtingin anginteres nila sa pakikilahok. Marami ring mamamayan ang miyembro na ng mgakooperatiba na maaaring kausapin upang ipasok sa sistema nila ang pagpapalakasng pakikilahok ng mga tao.

    Bagtas 40

  • Gutom na Sikmura o Pakikilahok sa Lawa?

    6. Magulo ang relasyon ng bawat aktor sa isa’t isa. Batay sa resultang nakalap ayhindi epektibo ang ginagawang pagsangguni ng LLDA sa mga apektadongmamamayan sa pamamagitan ng Sangguniang Barangay o PAMALAKAYA. Patuloyang pakikipagdayalogo ng mga Mamamayan kasama ang PAMALAKAYA ngunithindi sila pinapakinggan ng LLDA. Collaborative management sa natural resourcemanagement ay mahalaga dahil pinapahalagaha nito ang pakikilahok ng mgaapektadong mamamayan sa pamamahala upang mas magkaroon ngpagkakaunawaan sa pagbibigayan ng impormasyon at resorses (Herrera, Nadaoka& Fernandez, 2011). Tinatayang ang paggawa ng mga kowalisyon at pagsasagawang pampublikong konsultasyon ang magiging susi sa tagumpay ng pamamahala ngLaguna Lake Development Authority (Oledan, 2001)

    7. Totoong Pakikilahok (Genuine Participation) ang kailangan upang makamitParticipatory Governance na inaasam. Kinakailangan ang participatorygovernance upang magkaroon ng isang pamahalaang kumikilala sa mgaorganisadong mamamayan at nakikinig sa boses ng masa (Thirk Kenya HumanDevelopment Report, 2003). Kulang pa ang kapasidad ng mga tao ngunit hindi itolalago kung mismong ang mga mamamayan ay