24

Click here to load reader

HARI

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: HARI

UTOS NG HARIni Jun Cruz Reyes

“See you in my cubicle after lunch.” Pahabol sa akin ni Mrs. Moral Character kanginang matapos ang klase. Si Mrs. Moral Character ang teacher namin sa Social Science. Siya rin ang adviser namin.

Para naman akong g.go na isip nang isip kung ano na naman ang sasabihin nito sa akin. Nawalan tuloy ako ng ganang mananghalian. Halos tiyak ko nang sermunang umaatikabo na naman ito. Kamakalawa lamang ay halos ilabas niya ang kanyang calculator para makita kung gaano ako “katanga” at kung gaano katama ang kanyang pagsuma sa aking mga 5. Isinunod niya ang mga absences ko at tapos ay ang aking mga lates. Hindi naman maikatwirang “Paano ‘ko di masi-5, kung kailan ako absent ay saka ka magbibigay ng quiz. Kung kelan tinatamad mag-recite, saka namimilit. Saka pag sinabi ko naman ang gusto kong sabihin, kakapain yung pulang ball pen.”

Pero tipong maganda naman ang kanyang mood sa klase kanina. Katunaya’y yung kanyang paboritong paksa ang pinag-uusapan namin...Yung kanyang dazzling Malaysian at ang kanyang paboritong pabango. Nagtsismis din siya (tulad ng dati). Kesyo si Mr. Espejo raw kaya tumandang binata dahil dalawang beses niyang binasted noong dalaga pa siya. Si miss kuwan daw, kaya wala sa eskuwelahan, hindi dahil nag-study leave, nagpa-abort sa America. Magbi-bell na nang maalala niya ang leksyon namin, ang normalization process sa gobyerno.

Sabi niya kangina. “Para tayp maging fully democratic, kailangang mataas ang literacy rate.” (Sinabi na yon ni Rizal) “May sapat na communication system ang pamahalaan at may mataas na moralidad ang mga mamamayan. At higit sa lahat, kailangang maging westernized ang ating pamantayan. By doing so, hindi tayo magiging uncivilized sa western standards.”aNang tanungin niya ako, sabi ko’y mas basic ang dapat na pamamaraan sa pagtingin sa problema. Halimbawa’y bakit hindi umpisahan sa economic condition ng bansa. Kung kuntento ang mga tao, normal ang takbo ng pamahalaan. Pero kung maraming dissatisfied, natural na abnormal ang sistema. Hindi basta effective communication process, hindi rin basta mataas na literacy rate. Mga manipistasyon lang ito ng talagang problema. Nabigla siya. Doon na inabutan ng bell.

Ay konsumisyon sa buhay, gusto kong lagnatin. Kay layo ng kahapon sa kasalukuyan. Pag nasa bahay, ako ang bida. Pag ang kababayan ko ang magkukuwento, ako ang sikat. Pero dito sa eskuwelahan, walang isko-scholarng bayan.

Talagang gusto kong maghinto, pero ayaw ni Tatay. Kung sabagay, sino bang ama ang matututwang magkaanak ng drop-out. Talagang sawa na akong mag-aral. Kay ganda sanang isiping hindi ako nakatali sa sintas ng sapatos ng teacher ko na kasama ko sa bawat hakbang. Ipaling kung saang sulok ko gustong puntahan, ilakad-kaladkarin kahit gustong mamahinga. At isa pa, kahit ako ang masaktan.

Ay buhay estudyante. Magkauno lang, kahit lulunin ang sariling dila. Kumontra sa kanila, singkong maliwanag. Tumango-tango ka naman para makauno, ibig sabihin noo’y sarili mo na ang kailangang lokohin. Pakisama lang talaga. Konting kumpromiso, konting tango at yes man lang, dos na yon o tres. Kungbakit naman kasi nauso pa sa mundo ang diploma. Kung wala kang diploma, sino naman ang maniniwalang may kaubrahan nga ako. Sana’y di nauso ang grade, di sana’y di ako mahihiyang pumasok kahit Metro Manila aide. Kung graduatenaman ako, hingan ng experience sa pag-aaplayan ko, dedo rin. At kung tapos nga, nakakahiya namang pati trabahong pangmahirap ay pagtiyagaan ko.

Page 2: HARI

Grade lang naman, problema ba ‘yon? Kung 5, tapos ang usapan, bakit kailangang pahabain pa? Bagsak kung bagsak. Kickout. Pero hindi naman talaga ako dapat bumagsak. O.K. matigas ang ulo ko, rugged at medyo bastos pa raw, pero bakit kailangang isali pati conduct at ayos ng katawan sa usapan? Hindi namn ito military school, hindi rin naman seminaryo, bakit panay “yung conduct mo” at “appearance” ang panakot nila.

Ano ba ang sama nang bumagsak? Kung si Recto, bar flunker pero isa sa kinikilalang constitutionalistngayon. Si Einstein, bumagsak sa Physics at grammar school pero big time scientist. Kahit teacher niya hindi alam ang theory niya sa relativity. Kung sa bagay, hindi ako si Recto o si Einstein. Si Jojo lang ako kung ang walang sinabi kong teachers ang tatanungin. Sa mga kapitbahay namin, pambihira raw ako. Biro mong sa probinsya namin ay ako lang ang nakarating sa Maynila para mag-aral nang libre. Kung nalalaman lang nila.

Aral nang aral. Aral sa umaga, aral sa tanghali at aral pa ulit sa gabi. Hindi ko naman maintindihan kung para ano ang pinag-aaralan. Hindi na naubusan ng ipari-research. Walang alam kung itanong kung hindi “What is our lesson for today?” Parang mga Diyos na sila lamang ang may monopolyo ng tama. Kaya hindi puwedeng tanungin at lalung hindi puwedeng pagsabihan ng mali.

Ay ang teacher sa mundo, bakit ba ginawa pa ng kung sinong hayupak. Tulad ni Mrs. Moral Character, bago mag-umpisa ng leksiyon, magsesermon muna ng virtue of honesty, kesyo masamang mandaya, kasalanang mortal ang magturo sa kaeskuwelang nakalimutn ang sagot dahil sa pagkataranta, krimen ang magkodigo at kung anu-ano pa. Lahat na yata ng masama at bawal sa mundo ay alam. Pero ang kanyang lihim ay buko na namin. Noon daw nakaraang referendum, ang teacher naming morally upright ay biglang nabulag at nabobo. Nang mag-watcher daw ito sa presinto, tatlong letra lang ang kabisadong basahin. Katuwiran daw nito’y “Anong sama roon, kahit matalo, panalo pa rin. Bakit, me magagawa ka ba?” Kaya naman ngayon, hindi na siya si Mrs. Moral Character sa amin, Mrs. Eraser na lang.

Tapos nagtataka pa kung kangino kami nagmana sa mundo.

E, sino naman kaya sa kanila ang pwedeng gawing idolo? Yung teacher ko sa English, walang pakialam sa mundo. Basta magamit lang biya yung nalalaman niya sa voice and diction, maligaya na siya sa buhay. Basta kami ang papel lang namin, tagapakinig sa kanyang mga sides. Para patuloy kaming pang-theraphy niya lang. At ang kanyang paboritong paksa, yung kaniyang nuno na purong Kastila raw na nagpatayo ng simbahan sa kanilang bayan. Antique siyempre yung simbahan (tulad niya at ng kanyang lolo). Ibig lang niyang palabasin na may dugong bughaw siya. Sarap sanang bukuhin na ang Kastilang napunta rito noong araw ay mga butangero at kriminal sa Espanya. Kesa nga naman maging problema sila sa gobyerno nila, di Pilipinas na lang ang bahalang magtiis ng kunsumisyon. Yung gaanong sistema ang namana niya sa kanyang lolo, ang mangunsumi ng mapagtiis. Pag nabuko mong hindi nag-aral, lagot ka. Pagsasabihan ka nito ng “What? Iyon lang ang hindi mo pa alam hanggang ngayon?O.K. that’s your assignment for tomorrow.” Saka niya sasabayan ng bura ang maling nakasulat sa blackboard.

Kunsumihin ka ba naman araw-araw, pag naging g.go ka nagtataka pa. Hindi ka na mga pwedeng magwala, hindi ka pa rin pwedeng maglibang. Kung sa pagtitiis ng kunsumi ay sigarilyo at beer ang mapiling pagbuntunan ng sama ng loob, ayun at “Sinasabi ko na nga bang masama sa pag-aaral ang bisyo,” ang agad ikakatuwiran ng mga ito.

Kung bisyo naman ang pag-uusapan, masama raw sa katawan ng tao ang alkohol at nikotina. Para na rin sinabing pag teacher ka na ay pwede. Dahil estudyante ka pa lang, tiis. Itanong mo kay Mr. Discipline at alam niya ang sagot. Huwag mo nang itanong kung nagdaan din siya sa

Page 3: HARI

pagkabata, kung noong araw ay g.go rin siya, dahil ang isasagot nito’y “Kaya nga ayaw niyang matutuhan n’yo ang bisyo dahil pinagdaanan niya na yan.”

Sa amin sa barkada, dalawa kaming mag-gu-goodbye my school goodbye. Kickout ako sa kagag...n daw. Si Minyong nama’y sa kabobohan daw.

Kung paano nila natiyak na dapat nga kaming palayasin sa pinakamamahal naming paaralan, ganito raw ang naging takbo ng usapan nina Mrs. Moral Character (Eraser). Mrs. Gles-ing, Mr. Mathemathician, Miss Spermatozoa at Mr. Discipline.

“Hindi naman korum, say qourom, kuwow, quorom. That’s correct, that Jojo Boy has no sense of deqourum. I feel though he is brilliant, only my reservation is that...”

“Only he is stubborn. Papasok yan sa klase ko nang nakainom, para pang nag-iinis at lalapitan ka. Ipapaamoy sa iyo ang hininga.”

“How true, how true, I swear to God that’s true.”

“Hindi lang yan, minsan gusto pa mandin akong kulitin sa klase na akala mo’y mahuhuli niya akong hindiprepared sa lesson ko. Tambakan ko nga ng research work, di atras siya.”

“And he is always absent. Sometimes, i don’t want to give him an excuse slip anymore.”

“So what is the verdict of the group?”

“I could not pass him.”

“Ako rin.”

“I second the motion.”

“God will punish his naughtiness.”

“I will report the matter to his parents immediately.”

Ang masama ay ang akusayon nila kay Minyong. Nababaliw raw. Tuwang-tuwa silang pagtsismisan ito. Iyon ay kung hindi sila tinatamaan ng mga pinagsasabi ni Minyong. Pah medyo kinabubuwisitan nilang co-teacher ang tinatamaan, “hi-hi-hi-hi” lang ang sagot nila. Pag-bulls eye, si Minyong.

“My God, baliw talaga, hindi alam ang sinasabi,” ang katuwiran nila.

Si Minyong kasi ay cultural minority. Hindi naman nagprisinta sa kanila yung tao na rito sa Maynila mag-aral. Kinuha-kuha nila sa bundok, tapos pilit pinaniwalang makasasabay ito sa standard ng exclusive school, pinaniwalang dito matutuhan ang paghango sa kahirapan ng kanilang tribo, saka ngayon, basta na lang pinagsalita, para raw mahasa nang gayo’y mawala ang inferiority complex nito. Ayun, nang matutong magsalita ang tao, na-shock silang marinig ang katotohanan.

Sabi ng pangkat ng mga Hari.

“I find him kinda weird lately.”

“So what shall we do with him?”

Page 4: HARI

“Definitely, I could not pass him.”

“Oo nga naman. Gagawa tayo ng masamang precedent. Mauuso ang bobo sa eskuwelahan. Remember, Philippine School of Science and Technology ito. Tapos magpapasa tayo ng estudyanteng bobo? Hindi pwede.”

‘Pero cultural minority yan.”

“And so what?”

“Kailangng babaan batin ang standard sa kanya.”

“Excuse me, mayroon lamang isang standard ang excellence at wala nang exception pa.”

“What now?”

“Ano pa, di ibagsak.”

“Saka sila nagkurus ng “Ibagsak.”

Kung sabagay, nang mabalita ang kaso ni Minyong sa eskuwelahan, humigit kumulang ay nakapagpasiya na sil sa mgiging dulo ng istorya. Ganito raw iyon.

“Have you considered his case lately?”

“Anong gagawin natin sa kanya? Meron ba tayong policy sa ganyang kaso?”

“Mabuti siguro’y pauwiin natin sa kanilang tribo.”

“Dapat nga, naka manakit pa ‘yan at maraming madamay.”

“Oh, how i abhor violence.”

“Baka ‘ka mo manunuog pa ‘yan. Uso pa naman sa Maynila ang sunog ngayon.”

“E kung ipa-confine natin sa mental?”

“At sino ang magsu-shoulder ng bill?”

Tapos ang kaso ni Minyong bago pa man pasimulan ang deliberasyon.

Hindi naman sila parating ganoon kabilis magbaba ng hatol. Paminsan-minsan nama’y humane sila, ikan nga. Tulad halimbawa ng kaso ni Oasis at Armando, mga kaiskuwela rin namin.

“Ipasa na natin si Oasis.”

“Pero mababa ‘yan sa Physics.”

“Sus naman, ito, e, talaga namang mahirap ‘yang klase mo.”

“Thoughtful ‘yang batang ‘yan. Kahit saan ka makita ay panay ang good morning.”

Page 5: HARI

“Talaga. At prisintado agad ‘yan pag nakasalubong ka na maraming dala.”

“How about Armando? Another cultural minority?”

“Excuse me. He is not a thoroughbred minority. It is only the mother. The father is an Ilocano who migrated to Mountain Province.”

“Ang sweet-sweet ng batang ‘yan. Manang-mana sa Tatay niya.”

“Pogi pa talaga.”

“You bet. Doctor pala ang ama n’yan.”

“Ipapasa ko yan. Kaya lang naman ‘yan mababa, kasi matagal umabsent. Nagkasakit kasi.”

“Ano, pasado na ‘tong dalawa?”

“Approve.”

Mahirap talaga sa mundo ang hindi pogi at walang amang duktor.

“Come on in. Sit down.” Sabi ni Mrs. Moral Character matapos aking kumatok at papasukin sa kanyangcubicle. Inabutan ko siyang nagsasalansan ng mga libro.

“Called your for two reasons. Regarding our lesson and your attitude in class.” Idiniin niya yung yourattitude. Heto na naman kami sa loob-loob ko. Kung bakit kasi hindi na lang ako nagkasakit. Sana’y natuloy na ang lagnat ko para wala nang sermunang naghihintay.

“Jojo, ang tao’y hindi pulos tiyan tulad ng gusto mong palabasin.” Sabi niya habang nakataas ang isang kilay.

Huwag kang kikibo, paalala ko sa aking sarili. Konting tiis. Mahirap makipagtalo sa teacher. Ngiti ka lang basta. Titigil din pag nagsawa. Pero tipong wala siyang balak mag-short cut ng sermon.

“Walang essence ang pinagsasabi mo kanina. Iyon ay isang halimbawa ng priori statement. Do you get me?” Tumango naman ako.

“Good. Now, alam mo sigurong wala kang pinanghahawakang data, which I happened to have. Panayspeculation lang ang pinagsasabi mo at walang katuturan ito sa scientific world. Our lesson is more complicated than you thought. What you mean probably is the role of economic determinism in contemporary Philosophy, which is all together wrong. Bakit hindi mo gamitin ang power or elite approach? Behavioralism and trend ngayon sa west. Bakit hindi ka makigaya?”

Huwag mong pansinin, ngiti lang. Paalala ko uli sa sarili ko. Hayaan mo lang siyangn magsalita nang magsalita. Pasasaan ba’t mauubusan din iyan ng sasabihin. Pasok sa kanang tenga. Labas sa kaliwa. Siya ang teacher kaya ang pakiramdam niya’y siya lang ang pwedeng tama.

“Do you get me?”

Tango pa rin ako. At ngayon, ang part II ng kanyang sermon.

“To be honest about it, I don’t like your attitude in class. Smart aleck!” Yuko na lang ako. Saka ako bumulong ng “I’m sorry, mam.”

Page 6: HARI

Kahit hindi ko siya tingnan, alam kong tatangu-tango siya sa tuwa. Lihim na namang pumapalakpak ang kanyang tenga sa tuwa. Napaamo niya ang suwail ng eskuwelahan. Sana’y kasing honest din niya ako, di sana’y nasabi ko ring “The feeling is mutual. I also don’t like you, mam.” Sa halip, ang nasabi ko na lang ay “Can i go now, mam?”

“I’m not yet through.” Ibig pa palang sabihin, may part III pa ‘tong usapang ito.

“They saw you in the chapel last night.”

Diyos me, pati pala personal life ko’y pinakikialaman na rin nila ngayon, sa loob-loob ko. Naramdaman ko ang init ng kanyang titig sa aking mukha.

“How young are you Jojo? Speak up.”

“15, mam.”

“15 and already you are...” Saka niya dinugtungan ng “I’ll let your mother know about this,” bago ako tuluyang lumabas ng kanyang cubicle.

Gusto ko na talagang magwala. Gusto ko siyang balikan. Gusto kong isambulat sa mukha niya ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Sana’y kasing tapang ako ng gusto kong mangyari. Ano bang masama sa ginawa ko sachapel? Magkahawak lang kami ng kamay ni Tess. Masama ba ‘yon? Siguro ang masama’y kung bakit biglang napasyal si Mrs. Gles-ing sa chapel nang ganoong oras ng gabi. Kawawang Tess. Halos natitiyak ko nang gagawin na naman itong halimbawa ng mga Mrs. Moral Character ng kung ano hindi dapat maging ang isang babaeng estudyante. Si Mrs. Gles-ing, tiyak na halos pumasok ang dila sa ilong sa pagbabando ng kanyang scoop.

Ano pa ang magagawa ko, di suntok na lang sa hangin at magbubulong na balang araw, kung mababaliw ako tulad ni Minyong, siguro’y hindi nila ikatutuwa, pero natitiyak kong ipagtataka nila kung bakit.

Nasa lobby ang mga kabarkada kong alaskador.

“Jojo, balita nami’y bida ka na naman.”

“Hayaan mo ang mga hayupak na ya’t magsasawa rin yan.”

“E, kasi naman, pa chapel-chapel pa kayo. Alam mo nang teritoryo ng mga santo yon.”

“Kung nagmu-motel kayo, di wala sana silang alam.”

“Tigil,” sabi ko.

“Ano ba talaga ang ginawa nyo’t nagpuputok ang butsi ni Mrs. Gles-ing sa klase namin kanina?”

“Isa pa to, anong magagawa ko sa chapel kahit ka may madyik, walang himalang mangyayari roon,” sabi ko.

“Ligawan mo kaya si Mrs. Gles-ing?”

“Tar....o, isa ka pa.” Buwisit na buhay ito, alaskado na naman ako.

Page 7: HARI

“Malay mo, baka lalong malahing Mrs. Robinson yon.” Saka sila nagtawanan. Nakitawa rin ako kahit naiinis na ako sa buhay.

“Tara na lang sa Cubao,” yaya ko sa kanila.

Yung isang round ng beer ay nasundan ng isa pa nga at isa pa ulit. Saka pinabuntunan ng one for the road. Kung gaano kabilis ang boto ng beer ay ganoon din kabilis ang oras.

“Ano ba talaga ang ginawa mo sa chapel?”

“Ano pa. Di holding hands. Masama ba ‘yon? Para nagsumpaan lang kami sa harap ng altar na hindi maghihiwalay kahit ako ma-kick out. Kabastusan na ba iyon? Bakit kasi ang dudumi ng isip nila. Akala mo’y hindi nakipag-holding hands noong mga bata.”

“Sila kaya, paano naging tao?”

“Nagtinginan lang, nabuntis na.”

Saka sila nagtawanan. Buti pa sila, kahit paano’y masaya. Ako yata, kahit sa paglilibang ay mga teachersko pa rin ang nakikita. Sobra na ito. Bakit ba ayaw nilang makakita ng katotohanang iba kaysa kinagisnan nila? Bakit ba kasi gusto nilang maging kamukha nilang lahat ang tao sa mundo? Dahil ba sa kanilang palagay ay sila ang nakadiskubre ng mina ng talino at tama, kaya wala nang natira sa amin para diskubrihin? Pero hindi ba yung tinatawag nilang expertise, yung dalawampung taon sa serbisyo, ang ibig lang sabihin, isang taong karanasang pinatagal ng dalawampung taon?

Ngayon ko lang naiisip, kung buhay siguro si Beethoven at kukuha ng eksamen sa eskuwelahan, kahit bilang estudyante o teacher ay titak na hindi siya tatanggapin. Philippine School for Science and Technology ito, ang eskuwelahan ng mga magiging scientists balang araw, tapos pakikitunguhan at ituturing na tao ang isang kung sinong bukod sa tamad magbihis ay madalang pang maligo?

Si Einstein kaya? Hindi rin pwede, mabisyong tao yan. Bawal ang lasenggo sa klase. E, si Maxim Gorky kaya, ang greatest Russian writer para kay Chekhov at Tolstoy, pwede kayang magturo ng comparative literature rito? Sa palagay ko’y hindi rin. Bukod sa wala siyang unit sa English ay wala rin siyang diploma sa education.

Si Kristo kaya kung mabhuay ulit at magpunta sa Science? Maestro raw siya kahit walang M.A. at Ph.D. papapasukin kaya sa gate pa lang? Hindi pwede, kung makasalubong siya roon ni Mrs. Moral Character o ni Mrs. English, baka ma-shock pa ang mga ito. Palagay ko, ganito ang sasabihin nila. “Imagine, kay lakas ng loob, ang bastos naman ng appearance. Long hair, hindi nag-aahit, tapos nakasandalyas pa. Maano kung anak siya ng Diyos, wala naman siyang sense of dequorum.” Saka kung magsermon dito si Christ, baka mabuko lang siya ng “Who is your authority, where is your data, behavioralism na ang trend ngayon sa west. Bakit hindi ka makigaya?” Siguro kaya sa sabsaban na lang ang napiling birth place niya, dahil kung sa Science siya ipapanganak, mababago ang kasaysayan ng Kristiyanismo sa mundo.

Ay, sense of propriety at dequorum, talagang nakatataranta. Clean cut (pagsuklayin mo si Einstein). White polo shirt at black pants (pagdisentihin mo si Kristo). Naiisip ko tuloy kung propriety rin yung tawag sa mgateacher kung makadamit civilian sila kapag Miyerkules. Yun bang parang a-attend sila ng party. Yun bang ang tipo ng tela ay mapapansin agad at mapagsasabihang “Ang ang ganda, saan mo nabili? Siguro ang mahal ano?” Na sasagutin naman ng kausap na “Mura lang yan, gawang Rustan.” At para talaga mapansin, kailangang humahalimuyak din sila sa bango. Yung parang walking pharmacist. Saka kukulayan ng brilyante

Page 8: HARI

ang tenga, leeg, dibdib, braso at mga daliri. Sa kanilang ganda at ningning, para kang nanakita ng X’mas tree sa isang mahal na araw. Yun ang proper sa kanila.

Kung sa bagay, hindi na maiino yon. Noong gabing mahuli kami ni Tess ni Mrs. English, noon ko lang napansin ang ayos ni Kristo. Ininsulto raw ito ng mga Hudyo kaya ipinako nang hubo sa krus. Pero naiinsulto sa hubo ang mga Mrs. Moral Character, Mrs. English, Mrs. Spermatozoa, Mr. Mathemathecian, at Mr. Discipline at kanilang mga katribo. Kaya siguro nila tinakpan ang kahubdan ni Kristo sa pelus na nangingintab sa dami ng borloloy. Si Virgin Mary ay asawa ng hamak na karpintero, pero sa bikas niya ngayon ay nistulang peacock at X’mas tree na rin siya. Pati nga ang kanyang luha ay ginawang perlas.

Ang hindi nila naging kamukha ay agad nilang napapansin. Ang taong naniniwala sa sarili ang gusto nilang lapastanganin. Sino nga ba naman si Jojo sa kanila na “isang kung sino lang.” Noon kayang mga estudyante pa sila, nakapasa kaya sila sa Science? Scholar din kaya sila? Pero bakit naging teacher lang sila sa loob ng mahabang panahon? Iyon lang kaya ang alam nila sa buhay, ang magturo? Para silang hindi naging bata. Para bang nang ipanganak sila’y alam na nila ang lahat ng bagay. Baka akala nila’y biru-biro ang maging estudyante. Yun kayangconduct nila sa klase noong araw ay panay uno? Kung talagang hindi sila nagkakamali, dapat itong i-report agad sa Santa Papa sa Roma. Nasa Pilipinas lang pala ang mga living saints.

Alin na lang kaya ang pwedeng pakialaman? Saan kaya pwedeng maging bida sa mundo? Buti pareferendum, kasali kami. Alin kaya ang mahalaga, ang kapalaran ng Pilipinas o ang moral character? Yung kapalaranng Pilipinas pwedeng isugal, pero kung sino ang mas seksi, si Alma Moreno o si Elizabeth Oropesa ay hindi naman pwedeng pagpasiyahan, for adults lang kasi yon.

Ops, nakadi-jingle mag-isip. Yung barkada, iba na ang usapan.

“Lagyan kaya natin ng thumb tacks yung upuan ni Mrs. English.”

“Di aaray ‘yun!”

“Hi-hi-hi.”

Buti pa sila at nakukuhang ngumisngis. ako kaya, kanino pwedeng magreklamo? Sulatan ko kaya si Valencia? Baka naman sagutin ako nito ng “Uminom ka ng kape.” Si Marcos kaya? Santambak ang problema nito sa buhay, biro mong problemahin nito pati kapalaran ng Pilipinas, tapos ipasasagot pa ito sa kanya sa kasaysayan, paano ako nito mapapansin? Mag-report kaya ako kay Carter, issue rin ito ng human rights, ang kapalaran ng mga sinasadistang estudyante, pero mahirap namang um-Ingles. Saka interesado lang ito sa giyera na naluluma sila.

Sa Diyos na lang kaya ako susulat? Pero nasa lahat ng lugar at sulok daw ito, kaya tiyak na alam na Niya ang problema ko. Bakit nga pala sa sermon on the Mount of Sinai wala yung “Blessed are the poor students for they shall inherit...” siguro’y dahil wala na siyang langit o lupang pwede pang ipamana sa iba.

Ayaw kong maging Minyong. Kailangang magsalita na ako, baka ako mabaliw. Ayaw kong maging robot, ayaw kong maging bato. Hindi baleng drop-out, basta tao lang ako. Maliit ang comfort room kung doon ko isusulat ang aking mga sumbong. Marami na roong mauna. “What you’re holding now is the future of the fatherland.” “IF you can reach this high, you shall be great.” “Ibagsak ang pasismo.” “LABAN.” “Alpha Phi Omega.” “Wanted pen pal.”

Magrereklamo rin ako sa pader kung kailangan, hanggang may makabasa at makarinig ng akong sumbong. Pero sa ngayon, idi-jungle ko na lang muna ang sama ng loob.

Page 9: HARI

Moses Mosesni Rogelio Sikat

Mga Tauhan: Regina Calderon, 48, balo, isang maestra

Page 10: HARI

Tony, panganay niyang anak, estudyante Aida, 18, anak niyang babae, estudyante Ben, 16, bunso, estudyante Ana, 46, matandang dalaga, kapatid ni Regina Ang Alkalde Ang Konsehal Mga Pulis

Panahon: Kasalukuyan Tagpo:

"Apartment" sa isang lungsod sa lungsod sa Rizal, sa isang komunidad na masasabing "middle class". Maraming bagong bahay dito, nakatayo sa mga loteng nabili sa murang presyo noong unang bahagi ng 1950 at ngayo'y nagkakahalaga na nang malaki sa pamilihan ng lupa. Tahimik dito, malayo sa daanan na pampasaherong sasakyan, mapuno at mahalamang Hindi katulad ng ibang subdibisyon. Aspaltado ang malilinis na kalsada at may ilaw na mercury ang mga poste. Karaniwan nang ang naninirahan dito ay mga empleado ng gobyerno. Sa sala at sa komedor ng apartment na ari ni Mrs. Calderon mangyayari ang dula. Isa sa apat na pinto, malaki-laki rin ang apartment na ito, putiang pinta, yari sa mahuhusay na materyales, at sa unang malas pa lamang ay mahihinuha nang inilalaan sa mga makapagbabayad ng mataas. May pinto sa may sala, kanan, kaharap ng gate, at sa kaliwa, sa may kusina. Luma na ngunit maayos pa ang mga kasangkapan parang inilipat mula sa isang lumang bahay. Sa sala ay may isang set ng upuan na nakatuntong sa isang alpombrang bumabagay sa pulang sahig; sa likod nito, kabinet ng mga libro na kinapapatungan ng isang flower vase, isang nakakwadrong retrato ng isang nakangiting dalaga na napaliligiran ng maliit at animo'y naglalarong mga piguring duwende at isang lampshade. May telebisyon sa sulok, malapit sa nakukurtinahang bintanang salamin.

Sa dingding na binarnidang plywood, nakasabit ang isang pares ng nairolyong pinturang Hapones: mga lumilipad na tagak sa ibabaw ng maiitim at payat na tangkay at mga dahon ng kawayan. Sa gitna, likuran, may hagdanang paakyat sa mga silid-tulugan, puti ang mga barandilya nito at sa itaas palapag, sa ding-ding, ay nakasabit ang isang pandekorasyong seramiko na kinatitikan, na mga letrang Gotiko, ng mga salitang GOD BLESS OUR HOME.

Sa silid-tulugan, kaliwa ay may isang mesang paayon ang ayos at napapaligiran ng anim na silyang may matataas na sandalan. May kabinet sa likod ng mesa-lalagyan ng mga Plato, kubyertos, mga itinatanging kasangkapan na ang paggamit ay karaniwan nang inilalaan ng mga may-bahay sa mga espesyal na okasyon… Nandito rin ang ilang de-latang pagkain at mga boteng gamot. Nakapatong sa kabinet ang isang bentilador. Di kalayuan sa mesa, malapit sa lababo, ay may isang repriheradora. Sa kabuuan, maayos at masinop ang apartment. May mga alas-otso na ng gabi. Bukas ang ilaw sa sala. Nakaupo si Ben sa sopa, taas ang pinagsaklit na paa at tila yogang nagbabasa ng isang magasin. Nakakorto siya at iskiper na puti. Mahahaba ang kanyang biyas at sa katabaa'y may pagkabalingkinitan pa. Mahaba ang kanyang buhok, tulad ng uso sa mga tin-edyer ngayon, at may kakisigan siya.

Bukas din ang daylight sa silid-tulugan. Nakaupo si Regina sa kabisera ng mesa at umiinom ng kape. Sa kabilang dulo, nagpupunas ng kutsara ang kapatid niyang si Ana. Magkahawig sila, bagama't maraming salit na puting buhok si Regina. Nakaputi siyang damit-pambahay, tila isang roba na itinali sa harap, hanggang siko ang maluwang na manggas at hanggang sakong ang laylayan. Nakapusod siya, laylay ang ilalim ng mga mata, larawan ng isang babaing pinatigas ng mga hirap na pinagdaanan. Nakabulaklaking pambahay si Ana, may pagkamasayahin ang mukha, nguni't ngayo'y tila nag-aalala.

ANA : (habang nagpupunas) Kumusta ang hiningi mong bakasyon, Regina?

Page 11: HARI

REGINA: (ibig magmalaki, nguni't walang sigla) Binigyan ako, puwede ba nila akong Hindi bigyan. ANA : Dapat naman. Sa buong pagtuturo mo'y ngayon ka pa lang magbabakasyon, ano? REGINA: Ikalawa na ito. Noong mamatay ang ama Nina Aida, saka ngayon. Pupuwede akong Hindi pumasok kahit ilang buwan pa suguro, kahit isang taon. Marami akong naiipong bakasyon. ANA : Biro mo namang mahigit na dalawampung taon ka na yatang nagtuturo. Noong dalaga ka pa, Hindi ba? Pwede ka nang magretiro. REGINA: (sasandal) Sayang naman kung Hindi ko matatapos ang aking serbisyo. Pero Hindi ako papasok hangga't Hindi gumagaling si Aida. ANA : Kung sabagay, kaya ko naman siyang alagaan. (Aayusin ang salansan ng kutsara). Ano nga pala ang sabi-sabihan sa eskwela? Siguro'y alam nila ang nangyayari? REGINA: (pauyam) Alam. Pero ano ba ang maaasahan mo sa mga walang prisipyong Tao? ANA : Sinabi mong tuloy rin ang demanda? REGINA: (tatayo, lalakad sa repriheradora upang kumuha ng inumin) Oo. Bakit Hindi ko itutuloy? Kahit ano pa nga ang kanilang sabihin. Dapat nga raw magdemanda, sobra naman daw talaga ang ginawa kay Aida, pero… ANA : Nakapag-aral si Aida doon. Kilala siguro nila. REGINA: (habang pabalik sa kabisera, dala ang baso ng inumin) ang dipirensiya nga lang daw, "mayor" itong kalaban ko. Ano sa akin kung "mayor"? ngayon ba't "mayor" siya'y libre na ang kanyang anak? Wala raw mangyayari. Iba raw ang malakas ang nasa poder. Baka raw lalo pa tayong perwisyuhin. (Iiling) kababata pa'y wala nang prinsipsiyo! Mga bagong tapos pa ng kolehiyo, mabuti pa iyong " assistant principal" namin, matapang. Ang sabi'y "Ituloy mo, Mrs. Calderon, 'you should really teach those people a lesson." ANA : (galit) Ituloy mo nga. Regina, nang madala. Sobra nang talaga ang anak ng "mayor" na iyan! Ang kailangan talaga riyan ay bitay. (Tatayo, ililigpit sa isang lalagyan ang mga kutsara, pahablot na dadampot ng isang basahan.) Tutal, bitay din siguro ang ibibigay sa lalaking iyan. (Tatayo si Regina, tila nag-iisip na maglalakad-lakad sa sala. Mapapansin niya si Ben na ngayo'y nakadapa at nagkukuyakoy ang paa sa hanging nagbabasa). REGINA: Napakain mo na'ng aso, Ben? BEN : (pagak ang boses, di iaalis ang tingin sa binabasa) Opo. REGINA: (susulyap sa itaas ng hagdan, pagkuwa'y babalik sa komedor.) Bakit ba naghahanap ng kordon si Tony, ha, Ana? ANA : (nagpupunas-punas sa may lababo): Maikli ang kordon ng ilaw niyang inililipat sa kuwarto namin. REGINA: Pabibilhin ko na lang siya ng isa pa bukas. Kailangan niya iyon sa pag-aaral, malabo ang kanyang mata. ANA : Ibang-iba iyang si Tony kesa do'n sa isa. (Ngunguso sa sala.) Tingnan mo, prenteng-prenteng nagbabasa. Hindi man lang tulungan iyong kapatid. REGINA: Bata pa lang kasi si Ben. ANA "Spoiled". Si Tony, noong ganyang edad, kumikita na, nagtitinda na ng diyaryo. REGINA: Hindi si Ben ang "spoiled" Ana. Baka 'ka mo si Aida. (Magbababa ng tingin na parang mali ang nasabi.) ANA : Kung sabagay. (Ipapatong ang kanang kamay na may hawak na basahan sa sandalan ng isang silya.) Si Tony, pati nanliligaw kay Aida, kinikilatis na mabuti. Hindi na nagbalik iyong preskong kaklase yata ni Aida, ano? Iyong de-kotse? "Ano ba sa akin kung de-kotse siya," sabi sa akin ni Tony. Sino nga ba iyon? REGINA: (parang Hindi siya pinapansin) Mababait silang lahat. ANA : Si Tony, minumutyang talaga si Aida. REGINA: Mapagbigay pa 'ka mo sa mga kapatid. Hindi na baleng siya ang wala mayroon lang si Aida at Ben. Ang maipipintas mo nga kay Tony ay walang kibo. ANA : Seryoso. Palaisip. Kaparehung-kapareho ng ama. REGINA: May pagkaseryoso rin itong si Ben, pero Hindi kamukha ng kuya niya. Si Aida- si Aida ang (parang mawawala sa sinasabi, mababasag ang boses)-pinakamasaya.

Page 12: HARI

ANA : (mapapansin ang pagbabago ng mukha ni Regina, nguni't itutuloy pa rin) Masasabi mong isip-bata si Aida. Inosente. Pero maganda. Maganda. Akalain ko bang gaganda ng ganyan ang anak mo, Regina. Natatandaan mo pa, noong sumakay siya sa karosa ng "lantern parade" sa UP, noong nakaraang Pasko? Noong dalhin tayo ni Tony? Hindi ako makapaniwalang anak mo iyon at pamangkin ko iyon. Bakit nga'y di- "jeans-jeans" at "pony-tail pony-tail" lang dito. Ang sarap 'ka mo, namatay ang "generator" ng karosa! Di pinasinagan siya ng "flashlight". Nakatingin kay Aida ang lahat, at siya'y ngumingiti, at nangyayabang, at nang-iinggit naman ang kanyang mga kaklase. Sa tingin ko ba noo'y para siyang nakaangat sa karosa-(Makikitang ibig maiyak si Regina) Sino nga ba naman ang makapag-aakalang- REGINA: (tutuwid ng upo, sa dingding nakatingin) Nangyari na iyan Ana. ANA : (Pagkaraan ng ilang saglit, malungkot) Disiotso na siya sa Setyembreng ito, Regina. REGINA: Limang taon na tayo rito. Natatandaan mo? Dito nag-"birthday" si Aida nang lumipat tayo. ANA : At napapanaginip ko pa noon ang kanyang "debut". At naisip ko na ang gagawin kong tahi sa damit niya. REGINA: (Iiling) Ang buhay nga naman. ANA : (nagpapahid ng matang isasauli ang basahan sa lababo.) Mabuti pa sigurong Hindi tayo umalis sa Gagalangin, Regina. Siguro, kung Hindi tayo lumipat dito- REGINA: Sino ang makaaalam na dito siya magkakaganyan? ANA : Bakante ngayon ang itaas ng bahay doon. REGINA: (nagpapaliwanag): Hindi ba dahil sa mga bata kung kaya tayo umalis sa Gagalangin? Gusto mo rin namang tayo'y umalis doon nang lumalaki na ang mga bata,di ba? At nang malapit pati sila 'ka mo ng eskuwela. Naisip kong umutang nga tayo at ipatayo natin ang "apartment" na ito- unang-una'y dahil diyan ang malayo nga sila doon. Pinaupahan na lang natin ang bahay doon. Hindi ba't mas nagustuhan naman dito ng mga bata? Mas tahimik dito, Hindi siksikan, mas- ANA : Oo nga, Regina. Pero - REGINA: Dahil sa pagtanda nati'y wala naman tayong makakasama- patay na rin lang ang ating mga magulang- naisip kong maaari na tayo dito. May apat na pinto tayo dito, tamang-tama, 'ka ko. Magkaasawa man ang mga bata, magkaanak man sila, Hindi rin tayo magkakalayu-layo. Tig-I-tig-isa 'ka ko sila ng pinto- isa kay Aida, isa kay Ben, isa sa ating dalawa. Hindi tayo magkakawalay-walay. Ganyan ang naisip ko noon, Ana. ANA : Aywan ko, Regina, pero kung minsan nga'y naiisip kong kahit yata saan tayo pumunta, sinusundan tayo ng trahedya. REGINA: Hindi naman sa tayo'y sinusundan, Ana. (kukunot ang noo). Mabuti pang sabihin mong dahil sa mga pagkakataon, o dahil sa mga kondisyon ngayon. Ibang-iba na talaga ngayon. Aywan ko rin, Ana. Aywan ko. ANA : (Pagkaraan ng ilang saglit, malumanay na) Naubos na nga pala ang gamot ni Aida, Regina. Iyong " tranquilizer". REGINA: Magpabili tayo. Sino ba'ng ating pagbibilhin? Si Tony? ANA : Pabilhin mo na't gabi na. Malapit na sigurong mag-alas- nuwebe. REGINA: Gabi na pala. ANA : Akala ko ba'y napapagod ka ? REGINA: (tatawag) Tony! TONY : (sa itaas): Sandali po! Ikinakabit ko lang itong "daylight". ANA : (nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, may binibilut-bilot na sinulid ng basahan ang daliri): Ano ba ang napapansin mo kay Aida? REGINA: Ano'ng napapansin? ANA : May pagbabago ka bang nakikita ? Hindi ba parang lumalala? REGINA: (bubuntung-hininga) Ang sabi naman ng doktor ay may "shock" pa siya hanggang ngayon. Totoo raw nasindak si Aida. ANA : Kung sabagay. Medyo nawawala na ang mga marka ng dagok sa kanyang mga pigi. Talaga sigurong Hindi ka makakabangon kapag dinagukan ka roon. Iyon namang sugat at galus-galos, magaling na. Ang ikinatatakot ko'y ang kanyang nerbiyos. Lalo siyang nagiging nerbiyusin yata.

Page 13: HARI

Lagi kaya niyang naaalala ang nangyari sa kanya? Ganoon ba iyon? Hindi ba- may naloloka sa ganyan? REGINA: Hindi naman siguro, Ana. Mahusay ang gamot na ibinibigay sa kanya ng doktor. At sabi sa ospital, magaling daw ang "psychiatrist" na tumitingin sa kanya. Talaga raw isa sa pinakamahusay dito sa Pilipinas, sabi sabi rin Tony. ANA : Naaalala ko kasi iyong kapitbahay natin sa Gagalangin. Iyon bang anak ng kapitan na dinadala sa V.Luna at ipina-e-"electric shock". Namumuti raw talaga at umiikot ang tau-tauhan ng mata. Bumubula ang bibig. Pero iba naman siguro iyon. REGINA: Tiyaga, tiyaga ang kailangan natin, Ana. Kaya hahabaan ko ang aking bakasyon. ANA : (Maliwa-liwanag ang mukha): Mahusay siguro iyong likidong "tranquilizer" na inihahalo ko sa pagkain niya. Biro mo, iyong tira niyang pagkain, sinubok kong ipakain kay Sultan noong isang araw. Nakatulog ang pobreng aso. REGINA: Iyon naman daw ang kailangan, sabi ng doctor- ang humupa ang kanyang nerbiyos. ANA : Ibinigay ni Tony kay Aida nag maliit niyang ponograpo. REGINA: Sa Linggo ang punta dito uli ng doktor. Malalaman natin sa kanya kung kailangan pang ipasok sa ospital si Aida o Hindi. (Maalala) Si Tony nga pala, iyong gamot. (tatawag) Tony! Di ibinigay ba ang kanyang "turntable"? (mananaog si Tony, payat, di-nasusuklay ang buhok, lampas sa karaniwan ang taas, habaan ang mukha, nakasalamin at mukhang matanda kaysa tunay gulang. Lumang pantalon at maluwang ang manggas na polo sert ang suot. May dalang plais at "tape" sa kordon.) REGINA: Bumili ka ng gamot, Tony. Nasa tokador iyong pera. TONY : Opo. ( Ililigpit sa may ilalim ng hagdan ang plais at pandikit, pupunta sa repriheradora at kukuha ng inumin. Tiyak at tila laging pinag-iisipang lagi ang kilos.) Nauuhaw si Aida. ANA : (pagkapanhik ni Tony, naghihinala): Ilang beses ko nang napapansing lumalabas ng gabi ang Toning iyan. Di mo ba napapansin? REGINA: Hindi. ANA : Iyong lagay na iyon siguro'y palakad na. REGINA: Ugali lang talaga niyan ang maglakad. Di nga ba sabi mo kangina'y palaisip? ANA : Oo nga. Pero gabing-gabi na kung umuwi kung minsan. Susi ang ginagamit. REGINA: Baka naman nagpupunta lang sa kaklase niya riyan sa kabilang kanto? ANA : (kukumpas): Aywan ko. Si Ben ang tanungin mo. Sila'ng magkakuwarto. Kaya lang, nag-aalala ako. Alam mo na ngayon, baka makatuwaan iyan. (Isang sasakyan ang hihinto sa tapat ng "apartment". Maririnig ang pagkalapak na pagsasara ng pinto nito, ang pagkahol ng aso). REGINA: (kay Ana): Sa atin ba iyon? (May babatinting sa pintuang bakal). ANA : Tingnan mo nga Benjamin.(Lalabas si Ben. Sa may "gate" maririnig ang boses-matandang tanong na " Nariyan ba si Mrs. Calderon?" at ang mababa at pagak na "Opo, sino po sila?" ni Ben. Nakatayo sina Regina at Ana sa tabi ng mesa, nakatingin sa labas). ANA : (Makikilala ang dumating) Si "mayor", Regina! May kasama. REGINA: (magugulat) Ano kayang kailangan? ANA : (kinakabahan) Baka-aayusin ka. BEN : (papasok) Gusto raw kayong makausap, Inay. ANA : Bakit daw? BEN : Aywan ko po. REGINA : (pagkaraan ng pagbabantulot) Papasukin mo. (Lalabas si Ben). ANA : (Kay Ana) Anong ayos-ayos. (Papasok ang alkalde, maitim, katamtaman ang taas, may katabaan, hagod sa batok ang tintina at walang partidang buhok,may mahigit nang 50 taon, naka-polosert na guhitang pula, bukas ang butones sa itaas. Kasama niyang papasok ang isang naka-"polo-barong" na lalaki, may kaputian maliit, mataas ang gupit, naka salamin, parang nakaismid, at ang mata'y nag-uusisa agad sa pinasok na "apartment"). ALKALDE: (itataas ang kaliwang kamay, bahagyang yuyukod) "Good Evening". REGINA: Magandang gabi ho naman. ALKALDE: Napasyal kami, Misis. REGINA: (bantulot na ituturo ang upuan) Maupo kayo. ALKALDE: (bago maupo) Misis, ang kasama ko nga ho pala'y si Konsehal Collas, Atty. Collas.

Page 14: HARI

(Bahagyang tatango ang konsehal. Mauupo sila. Mananatiling nakatayo si Regina. Nasa silid-kainan si Ana, nakahilig sa barandilya ng hagdan si Ben). ALKALDE: (nakatingin kay Ben): Anak ho ninyo? REGINA: Oho. ALKALDE: (humahangang nakatingin kay Ben) Guwapo. At listo. Listong bata. Hindi basta nagpapasol. (Mahihiyang pupunta si Ben sa silid-kainan at doon mauupo, kasama si Ana. Mapapansin ng Alkalde na nakatayo si Regina). Maupo naman kayo, Misis. Kami ho naman ni Konsehal ay ngayon lamang napadalaw dito sa inyo. KONSEHAL: Siyanga naman, Misis. (Mauupo si Regina). ALKALDE: (lilinga-linga) Magandang "apartment" ito, a. Tingnan mo ang "Japanese Painting" nila, konsehal. Di ba ganyan ang nakuha mo sa Tokyo? KONSEHAL: Masinop ang " apartment" nila, "Mayor". ALKALDE: Ito ang sasabihin ng "comadre" mo na "Cozy". (Kay Regina) Malaki siguro ang upa ninyo, Misis sa "apartment" na ito. REGINA: Sa amin ho ito, inaakupa lang namin ang unang pinto. ALKALDE: (tatawa) Dispensa, Misis! Dispensa. "An honest mistake". Tingnan mo nga naman, konsehal, sa kanila pala ito. KONSEHAL: "Must have gotten a loan from the GSIS". (Mananaog si Tony, magugulat pagkakita sa Alkalde, pagkaraa'y parang walang nakitang tutungo sa komedor upang kunin ang sapatos, mananatili siya sa komedor. Samantalang nakatingin sina Ana at Ben sa nag-uusap, ipapatong niya ang mga kamay sa mesa, nakakunot-noong kakatuk-katukin ang daliri ang salamin niyon. Manaka-naka lamang siyang lilingon sa sala). ALKALDE: (nakatingin kay Tony) Anak din ninyo, Misis? REGINA: Siya ho ang panganay. ALKALDE: Marunong na tipo. "Scholarly type," wika nga. "Law" siguro ang kinukuha, Misis? REGINA: (kangina pa nagtitimpi) A.B. ho, sa UP ALKALDE: (magugulat) UP! Taga-UP rin pala konsehal. Pareho kayo. Ako ho, Misis- bakit ho ba nasasabi ito'y Hindi naman naitatanong?- ay sa Francisco Law College lamang ang gradwado.(Tatapikin sa balikat ang konsehal) Walang kuwentang eskwelahan. Kung sabagay, doon nagtapos si Carlos P.Garcia, ha, konsehal? (Magtatawanan sila). Buweno, buweno, ang ibig kong sabihi'y isa sa mga Hindi natupad na ambisyon ko iyang makapag-aral sa UP. Marunong ang anak ni Misis, konsehal. KONSEHAL: Maestra kayo, Misis,a - "Calderon"? REGINA: Oho. ALKALDE: Saan naman kayo nagtuturo? REGINA: Sa Torres High School, sa Maynila. ALKALDE: (magugulat) Paano ho naman ang nangyari't dito kayo- REGINA: Narito ang aming "apartment". May bahay kami sa Gagalangin pero pinauupahan namin. "Grocery" ang silong. KONSEHAL:Mukhang "familiar" sa akin ang "Calderon". Saan kayong probinsiya, Misis? REGINA: Lehitimo ho akong taga-Maynila. Ang Mister ko ho'y taga- Nueva Ecija. KONSEHAL: " You are now a - - widow?" (tatango si Regina). ALKALDE: Buweno, kami ho'y medyo ginabi, Misis, dahi sa nanggaling pa kami sa "squatter area" diyan sa may "highway". (Nakatawang iiling) "Wise" din naman ang mga lider niyon ngayo't alam na eleksiyon sa Nobyembre ay saka magrerepresentasyon sa akin, huwag ko raw silang ipatapon. May nakikiusap na riyan , may umiiyak na diyan, at ako naman (kukumpas) mahabagin nga siguro ako ay wala nang magawa. Paano ka pa makakatanggi niyon? REGINA: Marami ring botante roon, "Mayor"? ALKALDE: Ha-ha-ha! Hindi naman, Misis, Hindi naman! Ang lagay naparaan nga kami roon, kaya ginabi kami sa pagsasadya sa inyo. REGINA: (titingnan siya ng tuwid): Para ipaurong sa akin ang demanda, "Mayor?" ALKALDE: (magkikibit-balikat): Para - - para tayo'y magkausap. KONSEHAL: (magsisindi ng sigarilyo): Ang totoo niyan, Misis, si "Judge" Joaquin ang nagmungkahing magkausap kayo, na kung ako ang tatanungin, ay siyang pinakamabuti ninyong

Page 15: HARI

gawin. Iyan naman ang sinabi ng inyong "compadre", di ba, "Mayor"? REGINA: Mahusay pala kayong magpalaman sa mga salita, konsehal. ALKALDE: (maagap): Misis, kami'y naparito, unang-ana'y para magdiskargo. Alam kong mabigat itong aming inilalapit sa inyo, kaya naman ako'y makumbabang naparito sa inyo upang- upang wika nga'y ihingi ng tawad ang ginawa ng aking anak. REGINA: (susukatin siya ng tingin): Akala ba ninyo'y makukuha sa paghingi-hingi ng tawad ang ginawa ng inyong anak? ALKALDE: (iiling, nakangiti): Alam ko, alam ko, Misis. REGINA: Ganoon pala'y bakit Hindi natin ipaubaya sa husgado? ALKALDE: Si Misis- - REGINA: Kayo ba'y may anak na babae, "Mayor?" ALKALDE: (nakangiti pa rin) Alam ko ang itatanong ninyo. Mayroon. Tatlo. Paano kung isa sa kanila ginawa iyon? ( Nakangiting, maiiling ang konsehal). REGINA: Paano kung ang pinakamamahal ninyo sa tatlong anak na iyan ay ginahasa ng aking anak? ALKALDE: Natural namang mararamdaman ko ang katulad ng nararamdaman ninyo ngayo, Misis. REGINA: Hindi ko itinatanong kung ano ang mararamdaman ninyo. (Malakas) Ano ang gagawin ninyo? (Kukumpas sa kawalang-maisagot ang alkalde. Sa itaas, tatawag si Aida, "Inay, Inay!)" Tatahimik ba kayo? Magdedemanda ba kayo? Ano ang gagawin ninyo? Kung sabagay, sino nga ba naman ang matapang na mangangahas na - "mayor" kayo. Pero halimbawang kayo ang nasa katayuan ko? KONSEHAL: (sasaluhin ang alkalde) Sa ganitong anggulo natin tingnan, Misis, umabot na rin lang sa ganito. Malinaw kong nakikita ang inyong punto. Ngayo,y kauumpisa pa lamang nang kaso. Di ba ninyo inaalala ang inyong anak? Kung itutuloy ninyong talaga ang demanda, ang kauna-unahang gagawin para mapatunayang ginahasa siya ay ang ipaeksamen siya. Hindi mo maiaalis sa abugado ng kabila na hingin iyan, ipaeksamen siya. ALKALDE: (sasang-ayon) Kawawa rin ang inyong anak. Ang ibig kong sabihi'y- REGINA: (sa konsehal): Para patunayan kung siya'y ginahasa o Hindi? KONSEHAL: (iduduldol sa "ash tray" ang sigarilyo) Para patunayan kung siya'y ginahasa o Hindi. REGINA: Kung Hindi kayo kumbinsidong ginahasa nga ang aking anak ay bakit narito kayo? ALKALDE: Para - - para huwag na ngang umabot diyan,Misis. REGINA: Legalismo ninyong mga abugado! KONSEHAL: Wala tayong magagawa, Misis. (Bahagyang tatawa) Ganyang talaga. REGINA: Tusuhan, patalinuhan, pasinungalingan, diyan, diyan, kayo magaling! KONSEHAL: Sa ilalim ng batas, walang kasalanan ang isang Tao hangga't Hindi siya napapatunayang nagkasala. REGINA: Magandang dahilan ninyong mga abugado! KONSEHAL: Hindi ba kayo naaawa sa kanya? Hindi ba ninyo inaalala ang kanyang kinabukasan? Sa kasalukuya'y Hindi pa masyadong bulgar ang nangyari per--- REGINA: Mababando rin na ang anak ng "mayor" ang gumahasa sa kanya! KONSEHAL: (ngingiti-ngiti): Hindi kayo praktikal, Misis. REGINA: Anong Hindi praktikal? KONSEHAL: Halimbawa nang napatunayang nagkasala ang anak ni "Mayor"- halimbawa lamang iyan- halimbawa nang napatunayang nagkasala siya, na aywan ko kung kailan, siguro'y tayo na rin mismo ang maiinip - ano naman ang inyong makukuha? REGINA: Hustisya. KONSEHAL: Hustisya. (Iiling) Ang tingnan ninyo'y ang panig ng inyong anak. Iyan ang isipin ninyo. REGINA: (nagpupuyos): Halos labingwalong taon mong pinalaki, inalagaan, kung maaari'y ipakatagu-tago mo, pinakaingat-ingatan mo, at pagkatapos, pagkatapos, nag-aabang lamang ng bus na pauwi galing sa eskwelahan ay bigla na lamang aagawin ng anak ninyo, dadalhin sa motel, sasaktan doon, paglalaruan, pag-aaliwan! Isasakay sa taksi, pauuwiin, halos Hindi makagulapay. At pagkaraan niyan, pagkaraan niyan paparito kayo sa aki't sasabihin ninyong

Page 16: HARI

ako'y maging praktikal! KONSEHAL: (namamayapa) Nariyan na tayo, Misis, nariyan na tayo. REGINA: Hindi babaing damputin ang anak ko. Makakaalis na kayo. Hindi ko iuurong ang demanda. Kung sa inyo ang sinasabi ninyong huwes, sasabihin ko sa aming abugadong hilinging malipat sa ibang huwes. KONSEHAL: (banayad) Hindi rin ganyan lamang iyan, Misis. Saan at kanino ililipat? Dito rin. Ngayon, sino sa mga huwes dito ang kaalyado ni "Mayor"? Kung nakapagme-"mayor" siya ng labingdalawang taon, malamang pang maging labing-anim.

Ang Guryon ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo anak, itong munting guryonNa yari sa patpat at “papel de Hapon”

Magandang laruan pula, puti, asulNa may panagalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin,Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;

Ang solo’t paulo’y sukating magalingNang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

Saka, pag umihip ang hangin, ilabasAt sa papawiri’y bayaang lumipad;

Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,At baka lagutin ng hanging malakas.

Page 17: HARI

Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikawAy mapapabuyong makipagdagitan;Makipaglaban ka, subalit tandaan

Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaigMatangay ng iba o kaya’y mapatid;Kung saka-sakaling dina mapabalik

Maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,Dagiti’y dumagit saan man sumuot…

O, piliparinmo’t ihalik sa Diyos,Bago patuluyang sa lupa:’y sumubsob!