2
healthy living (malusog na pamumuhay) Malusog na Pamumuhay Nang May Chronic na Sakit sa Bato Ano ang kailangan kong malaman tungkol sa chronic (hindi gumagaling) na sakit sa bato? Kapag mayroon kang sakit sa bato na hindi gumagaling o chronic kidney disease (CKD), hindi pinakamahusay ang kalagayan ng paggana ng iyong bato. Ang mga malulusog na bato sa katawan ay naglilinis ng dugo, nag-aalis ng mga dumi, at tumutulong sa pananatili ng balanse ng iyong katawan. Paglaon ng panahon, nababawasan ang kakayahang gumana ng lahat ng mga bato, pero mas mabilis itong mangyari sa mga taong may CKD. Dahil sa kadalasan ay walang mga sintomas ang CKD hanggang sa nalalaong bahagi ng sakit, ang nararamdaman mo ay hindi mabuting pahiwatig ng kalusugan ng mga bato mo. Ang magandang balita ay may mga bagay na maaari mong gawin para alagaan ang iyong kalusugan kahit na may sakit ka sa bato. Kapag nagsasagawa ka ng mga hakbang para asikasuhin ang sakit mo sa bato, maaaring hindi mo masabi kung may diperensiya, pero sasabihin ito sa iyo ng iyong katawan. Ano ang magagawa ko para alagaan ang aking mga bato? Maraming mga bagay na maaari mong gawin para alagaan ang iyong mga bato, pero ang pinaka-mahalagang bagay na dapat mong tandaan ay hindi mo kailangang subukang baguhin lahat ng bagay nang sabay-sabay. Bago ka magpasiya kung saan mo gustong magsimula, isaalang-alang mo lahat ng mga iminumungkahing aksyon na matatagpuan sa chart sa likod na pahina, at pagkatapos ay pumili ka ng isa na mukhang pinaka-interesante o madaling gawin na una mong susubukan. Ang ilan sa mga pinakamahalagang bagay na maaari mong gawin para sa iyong mga bato ay makakakinabang din sa iyong kalusugan sa ibang mga paraan. Narito ang 3 paraan para matamo ang dobleng benepisyong pangkalusugan: Asikasuhin mo ang iyong mataas na presyon ng dugo Asikasuhin mo ang iyong diyabetis (blood sugar) Bumuo ng mga malulusog na kagawian sa pagkain Ang pakikinabang sa mga dinobleng hakbang na ito ay makakaprotekta sa kalusugan mo para patuloy mong magagawa ang mga bagay na mahalaga sa iyo. Tingnan mo ang chart para sa mga tiyak na ideya tungkol sa mga bagay na maaari mong subukan. Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa pagsasagawa ng mga pagbabagong ito, makipag-usap ka sa pangkat na nag- aalaga sa iyo para talakayin kung ano ang maaari mong gawin at kung paano ka nila masusuportahan. Ano pa ang maaari kong gawin para protektahan ang aking kalusugan? Kung wala kang alta presyon o diyabetis, may mga hakbang pa rin na maaari mong sundin. Siguraduhin mong iwasan ang lahat ng mga NSAID (nonsteroidal anti-inflammatory drugs), tulad ng aspirin (Bayer, Excedrin), ibuprofen (Advil, Motrin), ketoprofen (Orudis), at naproxen (Aleve). Kung ikaw ay naninigarilyo, ang pagtigil sa paninigarilyo ang pinakamabuting bagay na magagawa mo para sa iyong kalusugan. Maaari ka ring makipag-usap sa mga kaibigan, pamilya, o sino pa mang taong sumusuporta sa iyo, tungkol sa kung paano ka nila matutulungan sa pamamahala ng iyong kalusugan. Maaaring kabilang dito ang paghatid nila sa iyo sa mga appointment mo sa doktor, pagsisiguro ng tama mong pag- inom ng iyong mga gamot, o paggawa ng mga bagay na kapwa niyo ikinatutuwa. Paano ko mapapakinabangan nang lubos ang aking mga appointment? Ang pagkakaroon ng isang listahan ng mga katanungan para sa iyong doktor o iba pang miyembro ng pangkat na nag-aalaga sa iyo ay makakatulong para magkaroon ka ng mas mabuting pananaw ng kalagayan mo. Makakabuti din ito para sa pakikipag- ugnayan mo sa pangkat na nag-aalaga sa iyo, at ito ay makakatulong para masuportahan ka nila sa pagsasagawa ng mga pagbabagong makakabuti para sa iyong kalusugan. Sa susunod mong appointment, baka gusto mong itanong ang mga sumusunod: Kamusta ba ang lagay ng mga bato ko, batay sa mga pinakahuling resulta ng laboratoryo? Ano ang ipinahihiwatig sa iyo ng bawat isa sa mga pagsusuring ito tungkol sa kalusugan ko? Paano makakatulong sa akin ang malusog na pagkain? Mayroon bang mga partikular na pagkain na dapat kong kainin nang mas madalas? Hindi kasing dalas? May mga potensyal na side effect ba ang mga gamot na iniinom ko? May magagawa ba ako para mabawasan ang pagkamalamang ng mga side effect? Bilang taong may CKD, may kailangan ba akong gawin nang naiiba sa susunod na pagkakataon na ako ay magkasakit? Bagamat mahalagang magtanong sa pangkat na nag-aalaga sa iyo kung may bagay na gusto mong maintindihan nang mas mabuti, mahalaga ding ipaalam sa pangkat na nag-aalaga sa iyo ang ilang mga bagay kahit hindi sila nagtatanong. Tuwing makikipagkita ka sa isang bagong nurse, doktor, dentista, o sinumang iba pang propesyonal ng pangangalaga ng kalusugan, sabihin mo sa kanila na ikaw ay may chronic kidney disease. Huwag mong kakalimutang sabihin sa pangkat na nag-aalaga sa iyo: Kung tumigil ka kailanman sa pag-inom ng gamot na inireseta nila. Isama mo ang dahilan kung bakit mo ito itinigil. Kung nahihirapan ka sa pagtandang uminom ng iyong mga gamot sang-ayon sa reseta. Maaari silang makapagbigay ng mga tip para masubaybayan ang mga ito. EDUKASYON SA KALUSUGAN

healthy living Malusog na Pamumuhay Nang (malusog na ... · PDF fileaalaga sa iyo para talakayin kung ano ang ... Sa susunod mong appointment, baka gusto ... Kung tumigil ka kailanman

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: healthy living Malusog na Pamumuhay Nang (malusog na ... · PDF fileaalaga sa iyo para talakayin kung ano ang ... Sa susunod mong appointment, baka gusto ... Kung tumigil ka kailanman

healthy living (malusog na pamumuhay)

Malusog na Pamumuhay Nang May Chronic na Sakit sa Bato

Ano ang kailangan kong malaman tungkol sa chronic (hindi gumagaling) na sakit sa bato?Kapag mayroon kang sakit sa bato na hindi gumagaling o chronic kidney disease (CKD), hindi pinakamahusay ang kalagayan ng paggana ng iyong bato. Ang mga malulusog na bato sa katawan ay naglilinis ng dugo, nag-aalis ng mga dumi, at tumutulong sa pananatili ng balanse ng iyong katawan. Paglaon ng panahon, nababawasan ang kakayahang gumana ng lahat ng mga bato, pero mas mabilis itong mangyari sa mga taong may CKD. Dahil sa kadalasan ay walang mga sintomas ang CKD hanggang sa nalalaong bahagi ng sakit, ang nararamdaman mo ay hindi mabuting pahiwatig ng kalusugan ng mga bato mo. Ang magandang balita ay may mga bagay na maaari mong gawin para alagaan ang iyong kalusugan kahit na may sakit ka sa bato.

Kapag nagsasagawa ka ng mga hakbang para asikasuhin

ang sakit mo sa bato, maaaring hindi mo masabi kung may

diperensiya, pero sasabihin ito sa iyo ng iyong katawan.

Ano ang magagawa ko para alagaan ang aking mga bato? Maraming mga bagay na maaari mong gawin para alagaan ang iyong mga bato, pero ang pinaka-mahalagang bagay na dapat mong tandaan ay hindi mo kailangang subukang baguhin lahat ng bagay nang sabay-sabay. Bago ka magpasiya kung saan mo gustong magsimula, isaalang-alang mo lahat ng mga iminumungkahing aksyon na matatagpuan sa chart sa likod na pahina, at pagkatapos ay pumili ka ng isa na mukhang pinaka-interesante o madaling gawin na una mong susubukan.Ang ilan sa mga pinakamahalagang bagay na maaari mong gawin para sa iyong mga bato ay makakakinabang din sa iyong kalusugan sa ibang mga paraan. Narito ang 3 paraan

para matamo ang dobleng benepisyong pangkalusugan:• Asikasuhin mo ang iyong mataas na

presyon ng dugo• Asikasuhin mo ang iyong diyabetis

(blood sugar)• Bumuo ng mga malulusog na kagawian sa

pagkainAng pakikinabang sa mga dinobleng hakbang na ito ay makakaprotekta sa kalusugan mo para patuloy mong magagawa ang mga bagay na mahalaga sa iyo. Tingnan mo ang chart para sa mga tiyak na ideya tungkol sa mga bagay na maaari mong subukan. Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa pagsasagawa ng mga pagbabagong ito, makipag-usap ka sa pangkat na nag-aalaga sa iyo para talakayin kung ano ang maaari mong gawin at kung paano ka nila masusuportahan.

Ano pa ang maaari kong gawin para protektahan ang aking kalusugan?Kung wala kang alta presyon o diyabetis, may mga hakbang pa rin na maaari mong sundin. Siguraduhin mong iwasan ang lahat ng mga NSAID (nonsteroidal anti-inflammatory drugs), tulad ng aspirin (Bayer, Excedrin), ibuprofen (Advil, Motrin), ketoprofen (Orudis), at naproxen (Aleve). Kung ikaw ay naninigarilyo, ang pagtigil sa paninigarilyo ang pinakamabuting bagay na magagawa mo para sa iyong kalusugan.Maaari ka ring makipag-usap sa mga kaibigan, pamilya, o sino pa mang taong sumusuporta sa iyo, tungkol sa kung paano ka nila matutulungan sa pamamahala ng iyong kalusugan. Maaaring kabilang dito ang paghatid nila sa iyo sa mga appointment mo sa doktor, pagsisiguro ng tama mong pag-inom ng iyong mga gamot, o paggawa ng mga bagay na kapwa niyo ikinatutuwa.

Paano ko mapapakinabangan nang lubos ang aking mga appointment?Ang pagkakaroon ng isang listahan ng mga katanungan para sa iyong doktor o iba

pang miyembro ng pangkat na nag-aalaga sa iyo ay makakatulong para magkaroon ka ng mas mabuting pananaw ng kalagayan mo. Makakabuti din ito para sa pakikipag-ugnayan mo sa pangkat na nag-aalaga sa iyo, at ito ay makakatulong para masuportahan ka nila sa pagsasagawa ng mga pagbabagong makakabuti para sa iyong kalusugan.Sa susunod mong appointment, baka gusto mong itanong ang mga sumusunod:• Kamusta ba ang lagay ng mga bato ko,

batay sa mga pinakahuling resulta ng laboratoryo? Ano ang ipinahihiwatig sa iyo ng bawat isa sa mga pagsusuring ito tungkol sa kalusugan ko?

• Paano makakatulong sa akin ang malusog na pagkain? Mayroon bang mga partikular na pagkain na dapat kong kainin nang mas madalas? Hindi kasing dalas?

• May mga potensyal na side effect ba ang mga gamot na iniinom ko? May magagawa ba ako para mabawasan ang pagkamalamang ng mga side effect?

• Bilang taong may CKD, may kailangan ba akong gawin nang naiiba sa susunod na pagkakataon na ako ay magkasakit?

Bagamat mahalagang magtanong sa pangkat na nag-aalaga sa iyo kung may bagay na gusto mong maintindihan nang mas mabuti, mahalaga ding ipaalam sa pangkat na nag-aalaga sa iyo ang ilang mga bagay kahit hindi sila nagtatanong. Tuwing makikipagkita ka sa isang bagong nurse, doktor, dentista, o sinumang iba pang propesyonal ng pangangalaga ng kalusugan, sabihin mo sa kanila na ikaw ay may chronic kidney disease.Huwag mong kakalimutang sabihin sa pangkat na nag-aalaga sa iyo:• Kung tumigil ka kailanman sa pag-inom

ng gamot na inireseta nila. Isama mo ang dahilan kung bakit mo ito itinigil.

• Kung nahihirapan ka sa pagtandang uminom ng iyong mga gamot sang-ayon sa reseta. Maaari silang makapagbigay ng mga tip para masubaybayan ang mga ito.

EDUKASYON SA KALUSUGAN

Page 2: healthy living Malusog na Pamumuhay Nang (malusog na ... · PDF fileaalaga sa iyo para talakayin kung ano ang ... Sa susunod mong appointment, baka gusto ... Kung tumigil ka kailanman

healthy living (malusog na pamumuhay)

Chronic Kidney Disease (CKD): Ano ang maaari mong gawin para manatiling malusog

Kung gusto kong:

Alagaan ang aking alta presyon

Alagaan ang aking diabetes

Bumuo ng mga malulusog na kagawian sa pagkain

Maaari kong gawin ang mga sumusunod:

Inumin ang mga gamot ko sang-ayon sa mga tagubilin

Inumin ang mga gamot ko sang-ayon sa mga tagubilin

Kumain ng mas maraming sariwang pagkain sa halip ng mga pinrosesong pagkain

Kumain ng mas kaunting asin sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pinrosesong pagkain

Suriin nang madalas ang aking blood sugar, para matuklasan ang karaniwang lagay nito

Palitan ang mga maaalat na panimpla gamit ang mga mas natural na panimpla, tulad ng

katas ng limon o mga pampalasa

Subaybayan ang aking presyon ng dugo sa bahay gamit ang isang pambahay na monitor

Mag-ehersisyo nang regular

Kumain ng mas maraming gulay (at magtanong sa pangkat na nag-aalaga sa akin kung hindi ako

nakasisiguro kung aling mga gulay ang pinakamabuti para sa akin)

Ano ang dapat kong gawin ngayon?Sumaglit para tingnang muli lahat ng mga iminumungkahing aksyon sa papel na ito at pumili ng isa na sa palagay mo ay mukhang mas interesante o madaling gawin. Ano ang pinili mo? Isulat ito sa mga linya sa ibaba:

At tandaan: Kapag nagsasagawa ka ng mga hakbang para asikasuhin ang sakit mo sa bato, maaaring hindi mo masabi kung may diperensiya, pero sasabihin ito sa iyo ng iyong katawan.

Iba pang mga rekursoBisitahin ang kp.org/mydoctor para:• Makita ang karamihan ng mga resulta ng

laboratoryo at tingnan ang mga paunawatungkol sa pag-iwas sa sakit

• Padalhan ng e-mail ang iyong doktor• Gamitin ang mga interactive na tool online

para matulungan ka at ang iyong pamilyana manatiling malusog

Kung mayroon kang mga tanong o kailangan mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa iyong gamot, mangyaring makipag-usap sa iyong parmasista.Kung ikaw ay pinagbuhatan ng kamay, sinaktan, o binantaan ng iyong partner o asawa, maaaring malubhang maapektuhan nito ang iyong kalusugan. Mayroong tulong. Tawagan mo ang Hotline ng National Domestic Violence sa 1-800-799-7233 o kumonekta ka sa ndvh.org.

Ang impormasyong ito ay hindi inilaan para magsuri ng mga problema sa kalusugan o para pumalit sa payo o pangangalagang medikal na natatanggap mo mula sa iyong doktor o iba pang propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan. Kung mayroon kang nagpapatuloy na problema sa kalusugan, o kung mayroon kang mga karagdagang tanong, mangyaring konsultahin ang iyong doktor. Kung mayroon kang mga tanong o kailangan mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa iyong gamot, mangyaring makipag-usap sa iyong parmasista. Hindi iniendorso ng Kaiser Permanente ang mga gamot o produktong nabanggit. Ang anumang nakalistang tatak pangkalakal ay para lamang sa madaling pagtukoy.

© 2010, The Permanente Medical Group, Inc. All rights reserved. Regional Health Education. 011061-417 (11/15) Chronic Kidney Disease (CKD): What You Can Do to Stay Well