Upload
others
View
45
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
SAINT PEDRO POVEDA COLLEGESibika at Kultura 2
SY 2011-2012
MGA ANYONG LUPA SA PILIPINAS
1
SESYON 6 AT 7HANDOUT BILANG 5
Maraming magagandang tanawin sa Pilipinas. Ang mga ito ay pinupuntahan
ng maraming tao at turista. Halika at tayo ay mamasyal!
BUNDOK (Mountain)Ang bundok ay isang mataas at patulis na
anyong lupa. Maraming malalaking puno at halaman dito. Pwede kang mamasyal at umakyat sa mga bundok.
Ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas ay ang Mt. Apo sa Davao, Mindanao.
BUlubundukin (Mountain range)Ang bulubundukin ay dalawa o higit pang mga
bundok na nagkadikit-dikit. Tulad ng bundok, dito natin makikita ang mayayamang gubat.
2
BUROL (HILL) Ang burol ay mas mababa kaysa sa bundok. Maganda itong taniman ng mga gulay at pastulan ng mga hayop tulad ng baka, kalabaw at kambing. Pwede rin itong pasyalan ng mga tao.
Pinakakilalang burol sa Pilipinas ang Chocolate Hills sa Bohol. Kulay tsokolate ito sa tag-araw at berde naman sa tag-ulan. Maraming turista ang pumupunta dito.
BULKAN (VOLCANO)Ang bulkan ay bundok na may bunganga
o crater sa tuktok nito. Dito lumalabas ang apoy, abo, bato at kumukulong putik (lava) kapag pumuputok ito. Maganda at mataba ang lupa sa paligid ng bulkan kaya mabuti itong taniman ng mga gulay. Ngunit hindi ligtas manirahan dito lalo na kung ito ay aktibo.
May 50 na bulkan sa PIlipinas at 13 dito ang aktibo. Isa dito ang pinakamagandang tanawin na pinupuntahan sa Albay, Bicol. Ito ang Mayon Volcano na halos may perpektong hugis cone ang itsura.
Ang ilan pa sa mga bulkan sa Pilipinas ay ang nasa ibaba.
MT. TAAL -BATANGAS MT. PINATUBO -ZAMBALESMT. PINATUBO -ZAMBALES
PHIVOLCS Philippine Institute of Volcanology and
Seismology
Ito ang ahensiya o agency ng pamahalaan na nag-aaral at nagbabantay sa kalagayan ng mga bulkan at paglindol sa bansa.
MT.MAYON VOLCANO – BICOLNEAR PERFECT CONE
BUNDOK
BULUBUNDUKIN
ALAM MO BA?
3
KAPATAGAN (PLAIN)Ang kapatagan ay isang malawak at patag (flat) na
lugar. Dito tumitira ang karamihan ng tao. Maraming malalawak na taniman sa kapatagan.
Ilan sa kilalang kapatagan ay ang Gitnang Luzon (pinakamalawak) , Panay, Cotobato at Negros.
TALAMPAS (PLATEAU)Ang talampas ay isang patag na lugar sa ibabaw ng
bundok. Malamig ang klima dito dahil nasa itaas ng bundok. Maaari din tumira at magtanim sa mga ganitong anyong lupa.
Ang lungsod ng Baguio at Malaybalay sa Bukidnon ay mga talampas. Maraming turista ang pumupunta dito dahil sa klima.
Anu-ano ang mga anyong
lupa ang iyong
nakita na?
BULKANG MAYON
NEAR PERFECT CONE
BULKANG TAAL
BULKANG PINATUBO
4
LAMBAK (VALLEY)Ang lambak ay isang patag na lupa sa pagitan
(in between) ng dalawang bundok.
Ang ilan sa mga lambak ay ang Cagayan Valley na may pinakamalawak na taniman ng tabako; ang Trinidad Valley na kilala sa tawag na “Salad Bowl of the Philippines” dahil karamihan ng mga gulay at prutas ay dito nanggagaling; Compostela Valley sa Mindanao at Marikina Valley sa Luzon.
TANGWAY (peninsula)Ang tangway ay anyong lupa na halos
napapaligiran ng tubig. Ito ay nakausli sa katubigan. Halimbawa: Bicol at Zamboanga
kapuluan (archipelago)Ang kapuluan ay pangkat (group) ng mga
pulo na pinaghihiwalay ng mga anyong tubig na nakapagitan sa mga ito. Halimbawa: Pilipinas
pulo (island)Ang pulo ay anyong lupa
napaliligiran ng tubig. Halimbawa: Marinduque(Luzon), Cebu (Visayas) at Tawi-Tawi (Mindanao)
CEBU
BICOL
MGA PAKINABANG MULA SA ANYONG LUPA
ANYONG LUPA GAMIT O PAKINABANG IBA PANG PWEDENG PAKINABANG
BUNDOK AT BULUBUNDUKIN*kahoy mula sa malalaking puno na pwedeng gawing bahay at kagamitan
*mga puno na pumipigil sa agos ng tubig ulan para hindi magbaha
*Pinagkukuhanan ng mga sumusunod:
-produktong agricultural (palay, mais, tubo, niyog, halamang gamot, prutas at gulay)
-mga mineral ( ginto, pilak, bakal, nikel, marmol)
*mga tourist spots ng bansa
-Bulkang Mayon-Bulkang Pinatubo-Bulkang Taal-Mt. Apo-Chocolate Hills-Cagayan Valley-Banaue Rice Terraces-Baguio
BUROL*pwedeng taniman
*pwedeng pastulan ng mga hayop tulad ng baka, kambing, kalabaw at kabayo
BULKAN*nagpapataba ng lupa
KAPATAGAN*pwedeng tayuan ng mga bahay at gusali
*taniman ng palay, mais, puno at iba pang halaman
TALAMPAS*taniman ng mga bulaklak, prutas at gulay na pwede sa malalmig na lugar lamang
*pwedeng tirahan ng mga tao
LAMBAK*pwedeng tirahan at taniman
TANGWAY, KAPULUAN AT PULO
buod /summary:5
Talasalitaan:
filipino ingles filipino ingles
anyong lupa land form mamasyal go around
bundok mountain taniman plantation6
MGA ANYONG
LUPA
BUNDOK
BULKAN
BUROL
KAPATAGAN
LAMBAKTALAMPAS
TANGWAY
PULO
Iba’t –ibang anyong lupa ang makikita sa ating bansa tulad ng bundok, bulubundukin, burol, bulkan, kapatagan, lambak, talampas, tangway, pulo at
kapuluan.Nagpapaganda sa bansa ang iba’t ibang anyong lupa. Dapat nating
ipagmalaki ang mga ito!
Maraming pakinabang na nakukuha ang mga tao sa mga anyong lupa kaya’t dapat pangalagaan ang mga ito.
KAPULUAN
BULUBUNDUKIN
burol hill pastulan pasture
bulkan volcano mataas high
kapatagan plain mababa low
lambak valley malamig cool
talampas cliff napapaligiran surrounded by
tangway peninsula klima climate
pulo island kumukulo boiling
kapuluan group of islands putik mud
turista tourist tirahan house
nabubulok rotten magtipid save/wise spending
magputol cutting iwasan avoid
MGA SANGGUNIAN:*Pilipinas Kong Mahal ni Jospehine Martinez
*Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal ni Lazelle Pelingo
*Kultura, Kasaysayan at Kabuhayan ni Lydia Agno et. al
7
8