14
7/30/2019 His SEVEN Reasons http://slidepdf.com/reader/full/his-seven-reasons 1/14 [A/N: Lahat ng nakasulat dito ay pawang kathang isip lamang ng awtor. ] PROPERTY of forbiDDen30. (http://www.wattpad.com/user/forbiDDen30 ) KEEP THIS PRIVATE, please. His SEVEN reasons (One Shot Story)  Apat na taon na ang nakakaraan. Matagal na, subalit alalang alala ko pa rin ang eksaktong mga salitang binitawan nya sakin. "Sabi ni Prof, may gusto ka daw sakin. Pero sorry... kahit kelan hindi ako magkakagusto sayo."  Hindi ko makakalimutan yun. Unang pag-uusap pa nga namin yun eh, at dahil sa pagkakataong iyon, nadurog ang puso ko. ** "Ikaw talaga! Binalak mo pa talaga akong takasan sa reception!" natatawang sabi ni Ate Lydia nang inabangan nya kami sa pasukan ng isang sikat na hotel kung saan idadaos ang kainan. "Hindi naman ako kelangan dito eh. Tsaka ano..." Pano ko ba sasabihin? Na hindi ako komportable na andito sya? Kung nalaman ko lang talaga na kapamilya pala sya ni Kuya Lance, maghahanap talaga ako ng palusot para lang hindi makadalo sa kasal netong pinsan kong si Ate Lydia.

His SEVEN Reasons

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: His SEVEN Reasons

7/30/2019 His SEVEN Reasons

http://slidepdf.com/reader/full/his-seven-reasons 1/14

[A/N: Lahat ng nakasulat dito ay pawang kathang isip lamang ng awtor. ]

PROPERTY of forbiDDen30. (http://www.wattpad.com/user/forbiDDen30)

KEEP THIS PRIVATE, please.

His SEVEN reasons (One Shot Story)

 Apat na taon na ang nakakaraan. Matagal na, subalit alalang alala ko pa rin ang eksaktong mga salitang

binitawan nya sakin.

"Sabi ni Prof, may gusto ka daw sakin. Pero sorry... kahit kelan hindi ako magkakagusto sayo."  

Hindi ko makakalimutan yun. Unang pag-uusap pa nga namin yun eh, at dahil sa pagkakataong iyon,

nadurog ang puso ko.

**

"Ikaw talaga! Binalak mo pa talaga akong takasan sa reception!" natatawang sabi ni Ate Lydia nang

inabangan nya kami sa pasukan ng isang sikat na hotel kung saan idadaos ang kainan.

"Hindi naman ako kelangan dito eh. Tsaka ano..." Pano ko ba sasabihin? Na hindi ako komportable na

andito sya? Kung nalaman ko lang talaga na kapamilya pala sya ni Kuya Lance, maghahanap talaga ako ng

palusot para lang hindi makadalo sa kasal netong pinsan kong si Ate Lydia.

Page 2: His SEVEN Reasons

7/30/2019 His SEVEN Reasons

http://slidepdf.com/reader/full/his-seven-reasons 2/14

 

"Dahil ba kay--"

"KUYA AIDEN!" sigaw ng syam na taong batang kapatid ko kaya napalingon nalang kami sa lalaking

kalalabas lang sa isang mamahaling sasakyan. "Ang GWAPO mo talaga~!"

=_______= Napaismid nalang ako sa narinig ko mula sa bibig ng kapatid ko. Oo, sya na ang gwapo. Lagi

naman eh.

"B--akit?" naitanong ko kay Ate ni Lydia na ang wagas ng ngiti matapos akong sikuhin sa tagiliran. Binigyan

nya ako ng isang tingin na halatang nanunudyo. "Punta na ako sa taas, baka makasabay ko pa yan eh"

Fortunately, hindi ko naman sya nakasabay sa elevator.

Sya pala si Aiden Villaruiz. Mahal ko yan simula noong 4th year highschool kami. Nang mag college kami,

napaghalataan ng Prof ko na may gusto ako sa kanya, kaya ayun kinuwento ko nalang ang tungkol sa

pagkakagusto ko kay Aiden. But it was a wrong move. Si Aiden pala ang student assistant ng Prof na yun

kaya nasabi ni Ma'am.

Bakit kasi parang floorwax ang dila ni Ma'am?! =.=

 At dahil nga nalaman nya yun, he went immediately to my room after that revelation and frankly told me

those words.

Page 3: His SEVEN Reasons

7/30/2019 His SEVEN Reasons

http://slidepdf.com/reader/full/his-seven-reasons 3/14

 

"Sabi ni Prof, may gusto ka daw sakin. Pero sorry... kahit kelan hindi ako magkakagusto sayo."  

Masakit. Pero kailangan tanggapin. Mabuti nalang din. At least, hindi nya ako pinaasa dba? Actually, friends

kami ngayon. Mas lalo kaming nagka close simula nang malaman nyang may gusto ako sa kanya.

Namamansin na kasi sya sakin. Paano? Inaasar nya ako lagi sa pagkakagusto ko sa kanya. Kaya minsan,

imbes na mas lalo akong mahulog sa kanya, naiinis nalang ako sa sobrang kakulitan nya. :)

"ATE MAY!!!" napatakip ako ng tenga nang bigla na naman akong sigawan ng kapatid ko. Sobrang lakas ng

boses nya na parang nasisisira eardrums ko. "Dito ka maupo ha?" turo nya sa ikawalo na huling table.

Tinangunahan ko nalang sya kasi doon ko din talaga balak maupo. Malayo sa harap. Malayo kung san si

 Aiden. Nasa pangalawa kasi sya. Papaupo na sana ako, kaso may napansin ako sa kamay nya.

"Ano yan?" =___= Anong klaseng tanong yun May? Kita mo ngang rosas, tinanong pa kung ano.

"A--aah, ee--eh! Hindi 'to rose ha!" para syang nataranta at dali daling itinago ang isang tangkay ng rosas sa

likuran nya.

"Santan nga yan!" pagbibiro ko sa kanya haha xD Kahit syam na taon na sya, hindi pa rin sya ganun ka

matured mag-isip. The way she thinks is like she's only 6 years old. Hahahaha xD

Page 4: His SEVEN Reasons

7/30/2019 His SEVEN Reasons

http://slidepdf.com/reader/full/his-seven-reasons 4/14

 

"Di ah! Rosas to!" tignan nyo na ^O^ Ang gulo nya dba?

 Aasarin ko pa sana sya kaso may tumawag sa kanya.

"Liza!" Si Aiden at senenyasan pa nya ang kapatid ko na lumapit sa kanya. Ito namang kapatid ko, iniwan

akong mag-isa sa table. May gusto ata sya kay Aiden. Bakit ang close nila??

**

"Salamat talaga sa inyong lahat na nakisaya samin ngayon sa pinakaespesyal na araw ng mga buhay

namin! Chos!" Nagsitawanan naman lahat pati na rin ako sa langyang speech netong pinsan kong si Ate

Lydia. Grabe, hindi pa rin nawawala pagiging kalog kahit kinasal na!

Btw, ako lang mag isa dito sa table 8. Tss. I'm alone.

"So..."

"Sh*t." napamura ako kasi bigla ba namang nagblack out. Nagsigawan yung iba sa hindi inaasahang

pagkamatay ng lahat ng ilaw. Haaaayst. =____= Kung kelan malapit ng matapos, dun pa mangyayari to?

Page 5: His SEVEN Reasons

7/30/2019 His SEVEN Reasons

http://slidepdf.com/reader/full/his-seven-reasons 5/14

"Good evening everyone." Isang boses ng lalaki ang narinig naming nagsalita na dahilan nang pagbilis ng

pitik ng puso ko. Anobayan. >.<

Biglang nagka-ilaw sa stage. Wala na ang bagong kasal. Ang tanging makikita nalang doon ay si Aiden, na

nakatayo habang may hawak na microphone. Mag pe-perform sya? (O?o)

"Sorry at umeksena pa ako kahit dapat ang gabing ito ay para kay Ate Lydia at Kuya Lance." ^___^V Nag

peace sign pa sya. Sheeeet >///////< Bakit ba hindi kumukupas ang ka-kyuuuutan nya???

"Pero nakapagpaalam naman ako sa kanila kaya sisimulan ko na." He took a deep breath and continued.

"Hindi ako kakanta. May sasabihin lang ako sa babaeng..." Napangiti sya at tumingin sa ...

 AKIN?! O.O

Page 6: His SEVEN Reasons

7/30/2019 His SEVEN Reasons

http://slidepdf.com/reader/full/his-seven-reasons 6/14

"Sa babaeng may gusto sakin noon pa." Henebe >___> Iniwas ko yung tingin ko nang mag ilaw na ng konti

tapos nagsitinginan sakin ang mga panauhin. Nakakahiya. Baka isipin nila, umamin ako sa kanya.

"Kinuha ko ang chance na ito para masabi ang mga dahilan kung bakit hindi ko sya gusto." F*CK >___<

Bakit tungkol na naman dyan?! At sa harap pa nila?!

"May Jhane Loreal. I've got these 7 reasons why I don't like you."  

Hindi ako natinag sa kinauupuan ko at tumitig lang sa kanya mula dito sa table kung saan ako. K fine~ Mas

mabuti na siguro tong malaman ko ang dahilan kung bakit ayaw nya sakin. Pero shet sya! Bakit dito pa,

pwede namang personal?!

"Una, ayoko lang talaga sa mga tulad nya." Huminto sya at nagsalita ulit. Akala ko, ipapaliwanag nya kung

bakit pero dumiretso sya agad sa ikalawa.

"Ikalawa, no offence, pero napapangitan ako sa apilyido nya. Parang shampoo lang na ini-endorse ni Anne

Curtis ata yun!" Napahinto sya sa pag react ng mga tao.

May iba din kayang Loreal dito... pero hindi ko inakalang, si Lola, hindi man lang sya sinaway. Apilyido kaya

yun ng Lolo namin. Tsaka inaaway talaga ni Lola ang kung sino man ang magsasalita ng masama na tulad

ng sinasabi ni Aiden. Kaya nagtataka ako at nakangiti pa rin sya habang nakatingin kay Aiden.

=___=

Page 7: His SEVEN Reasons

7/30/2019 His SEVEN Reasons

http://slidepdf.com/reader/full/his-seven-reasons 7/14

Ganyan ba sya ka-gwapo at pati lola ko ayaw syang patulan??

"Pangatlo, alam kong matalino sya lalo na dean's lister sya at pati na rin scholar ng University. Pero hindi

porke't matalino sya, alam na nya lahat." Napanganga ako sa sinabi nya. Ganun ba talaga tingin nya sakin?

Nayayabangan ba talaga sya sakin?! Hindi naman ako ganun ah!

"Pang-apat... I hate to say this pero ito yung totoo. Kitang kita ko na walang patutunguhan ang buhay nya."

sabi nya with full of confidence. Sh*t. How dare him say that?! Pero pinigilan ko ang sarili ko. I think this

won't be the worst statement he would say... nasa pang-apat palang kami dba? Tss.

"Pang lima, alam kong akala nyo mabait sya pero hindi. Bad Influence sya. Tinuruan nya akong magbisyo."

Napatayo ako sa narinig ko pero sinenyasan nya akong maupo ulit. "Hindi pa ako tapos. Mag react ka

nalang mamaya."

I was left with no choice, kasi tumango tango yung iba. =____= Ano ba?! Hindi ba nila ako ipagtatanggol sa

pinagsasabi nya?!

"Pang anim, dahil nga sya ay BI... sya ang kadiliman." P*cha! Hindi ko na talaga maintindihan ang

pinagsasabi nya! THESE ARE ALL FALSE ACCUSATIONS! >:((

"At pang pito, GAGA sya."

Huminga ako ng malalim nang mapansing wala nang nagsasalita. I stood up. At nakipagtitigan sa kanya

mula sa pwesto ko.

Page 8: His SEVEN Reasons

7/30/2019 His SEVEN Reasons

http://slidepdf.com/reader/full/his-seven-reasons 8/14

"K. Thanks for informing me sa mga dahilan kung bakit hindi mo ko gusto." Kinuha ko ang pouch ko saka

tumalikod na.

"May would you stop? Hindi pa ako tapos!" nadinig kong tawag nya sakin mula sa stage.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko nang may humarang na mga malalaking lalaki at isinara ang pinto

para di ako makalabas.

"Palabasin nyo nga ako! Tsaka Aiden, ano ba problema mo?! I hate this! Gusto mo pang dagdagan yung

mga dahilan mo para mas lalo akong masaktan?!" Hindi ko na napigilang sigawan sya.

"You won't get hurt. Manhid ka kaya." he answered me without hesitation.

"Aba! KAPAL mo din nuh? Ako pa ngayon ang manhid?!"

"OO! IKAW ang manhid!"

"Hindi. IKAW!"

"Pakinggan mo ang mga susunod kong sasabihin, tas dun mo sabihin sakin na ako yung manhid."

There was something in his statement na hindi ko nagawang makasagot. Pano nangyaring ako ang

manhid? Eh sya nga tong baliw na paulit ulit akong sinasaktan sa mga salitang binibitawan nya, tas ako pa

ang manhid ngayon?!

Page 9: His SEVEN Reasons

7/30/2019 His SEVEN Reasons

http://slidepdf.com/reader/full/his-seven-reasons 9/14

 

"Back to my seven reasons." Napatingin sya sa table one na sobrang wagas ng ngiti ng mga tao. +____+

Hindi lang pala sila, kundi lahat. Kahit yung maliit kong kapatid... parang timang sa laki ng ngiti nya.

"Ayoko sa mga tulad mo..." sabay na sabi nang nasa first table habang nakatingin sakin dahil may spot light

na din ako >.> Ano ba to?

"Kasi gusto ko IKAW mismo May. ♥" nagulat ako sa biglang dagdag ni Aiden na dahilan nang pag-iinit ng

mukha ko. Shet. Baka niloloko lang ako neto!

Magsasalita na sana ako nang magsalita ang mga nasa second table. "Napapangitan ako sa apilyido mo..."

"Kasi mas bagay sa pangalan mo ang apilyido ko. Palitan natin ha? May Jhane Villaruiz, ok lang ba? ♥" Mas

lalo akong nakaramdam ng init sa pisngi ko nang marinig ang pangalan ko plus his family name. >//////////<

Hindi ko mapigilang kiligin. Shet.

"Hindi porke't matalino ka, alam mo na lahat..." sabi naman ng mga taga third table.

"Kasi hindi mo nga alam na MAHAL NA MAHAL KITA. ♥" My heart skipped a beat when I just saw his

smile... and take note, this time.. it's for me. Nasasanay na kasi akong makita syang nakangiti pero di para

sakin kundi sa ibang tao.

Page 10: His SEVEN Reasons

7/30/2019 His SEVEN Reasons

http://slidepdf.com/reader/full/his-seven-reasons 10/14

 

"Walang patutunguhan ang buhay mo..." Fourth table people said.

"Kaya handa kong ituro ang sayo ang daan patungo sa PUSO ko. ♥"  :"> Bumaba sya mula sa stage at

dahan dahang lumapit sakin. Hindi sya nagmadali kasi alam nyang, handa akong maghintay hanggang sa

makaabot sya dito sa pwesto ko.

"Tinuruan mo ko ng dalawang bisyo... paglalasing at pagsusugal." sabi ng mga guest sa fifth table. Napatitig

ako kay Aiden na papalapit sakin, kasi gusto kong mabasa mula sa bibig nya ang mga katagang idudugtong

nya.

"Ang magpakalasing sa pagmamahal mo at isugal lahat para sayo. ♥" Napangiti ako nang marinig yun. I

could still remember that day, when he saved me. Langya >__> Muntikan akong magahasa nun, buti nalang

andun sya.

"Ikaw ang kadiliman..." sambit naman nang mga taga sixth table kung saan andun ang makulit kong kapatid

pati na din ang mga magulang ko na sobrang saya sa nangyayari.

"Kasi May..." nalipat ulit ang tingin ko sa kanya na mas lalong binabagalan ang lakad nya. "Wala na akong 

ibang makita pag andyan ka na. ♥" 

Sa bawat hakbang na ginagawa nya papalapit sakin, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.. at hindi ko

na maiwasang hindi mapangiti sa lalaking patungo sakin na nakakatunaw ng puso ang ngiting alay sakin.

Page 11: His SEVEN Reasons

7/30/2019 His SEVEN Reasons

http://slidepdf.com/reader/full/his-seven-reasons 11/14

 

"Ang GAGA mo..." sabi ng mga taga ika pitong table. Ewan ko ba, wala akong maisip na pwedeng maging

dahilan ni Aiden sa pagtawag sakin ng Gaga.

"Kaya GAGAwin ko lahat para lang makabawi sa lahat ng ginawa ko sayo. ♥" Natawa ako sa sinabi nya.

"In another way of saying it, GAGAwin mo lahat para makabawi sa pagiging TORPE mo?" tanong ko.

Napaiwas tingin naman sya pero hinawakan ko ang pisngi nya at iniharap ang makinis nyang mukha sa

akin.

"Sorry sa pagiging manhid." sabi ko sa kanya habang tinititigan sya nakakaakit nyang mga mata.

"Sorry sa pagiging torpe." Lumabas ang ngiti nya na sobrang kinababaliwan ko at yayakapin na sana nya

ako kaso,

"Opps! Teka. May naalala ako. Dba sabi mo 4 years ago--"

"Aay! Yun?" putol nya sakin at napakamot sa ulo nya. "Totoo talaga yun that time. Pero hindi ko akalaing

mabubusog ako dahil dun... kasi kinain ko lahat ng sinabi ko sayo."

Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa narinig ko.

Page 12: His SEVEN Reasons

7/30/2019 His SEVEN Reasons

http://slidepdf.com/reader/full/his-seven-reasons 12/14

Hindi ko akalaing yung lalaking noon na sinasabing hindi nya ako kayang mahalin ay mahal na ako

ngayon. I thought, this kind of thing just exist on the pages of a novel. :) 

"So yun na! Those were the seven reasons why I don't like you." Ngiti pa nyang sabi sakin.

"Don't?" Dapat DO dba?

"Yah, Don't. Because I don't like you, I love you."

>////////////< Bwiset. Baka sa sobrang tamis nya ngayon, wala ng matira bukas!

"May... kahit alam kong may gusto ka sakin," Nag peace sign sya ulit at nagpacute! Langya! Hahah xD

"Gusto ko pa ring itanong to sayo.

Pwede ba kitang maging girfriend?"

Nag-ingay na ng lahat nang biglang sumigaw si Liza.

"Ate!!! Ito nga pala, nakalimutan ko." Inabot nya sakin ang rose saka nagtatakbo pabalik sa table nila. "Bigay

yan ni Kuya Aiden! Yieeee <3" Natawa nalang ako sa kapatid ko. So sakin pala talaga to? :D

Page 13: His SEVEN Reasons

7/30/2019 His SEVEN Reasons

http://slidepdf.com/reader/full/his-seven-reasons 13/14

 

"So May?" napatingin ako kay Aiden at napangiti. Sagot ko nga pala sa tanong nya. Hahah!

Sasagot na dapat ako nang inunahan nya ako. "Ay teka lang! Hindi pwede ang Maybe, Or... at kung ano pa.

Dalawa lang choice mo ok?"

Tumango ako.

"Sige uulitin ko." Huminga sya ng malalim at hinawakan ang kanang kamay ko.. sabay pisil dito. >/////////////<

"May, pwede ba kitang maging girlfriend? 

Page 14: His SEVEN Reasons

7/30/2019 His SEVEN Reasons

http://slidepdf.com/reader/full/his-seven-reasons 14/14

 

 YES or OF COURSE?"

** Ending