5
Tsutomu T. Gozo Mr. Dino Tristan Cabrera BS Mathematics I-1 1 Ang Pagiging Mayaman ng Perlas ng Silanganan 2 Sa ating panahon ngayon, marami na ang nakakalimot sa kung ano ang ating makukuha o makikitang yaman ng Pilipinas noong Unang Panahon. 3 Maaaring wala na silang alam sa ating kasaysayan, mga hayop na noon ay may buhay pa, at maging sa ating pinagmulan. 4 Sa sanaysay na ito aking ibabahagi ang aking mga nakita at natutunan sa mga ipinakitang “National Cultural Treasure” Ni Ginoong Joseph Garcia, isang arkeolohista na pansamantalang nagtatrabaho sa National Museum. 5 Sa aming pananatili sa National Museum, Tila nakakatuwa sapagkat marami sa ating mga Yaman ay nakatago dito. 6 Nalibot namin ang Archaeological Building na kung saan nakita naming ang mga yaman na nahukay, mga ginamit ng ating mga katutubo noong unang panahon. 7 Nakita rin namin ang isang representasyon sa pagkakabuo o ang simula ng Pilipinas. 8 Nakita din naming ang isang Dayorama ng mga Teorya na kung saan pinapaliwanag ang pinagmulan ng tao sa Pilipinas. 9 Nagtatawanan dahil sa mga biro ni Mr. Garcia. 10 Ipinunta na kami sa kwarto na pinapaliwanag ang baybayin. 11 Ngunit sa oras na ito, ay iniwan na niya kami dahil

history 2

Embed Size (px)

DESCRIPTION

okay

Citation preview

Page 1: history 2

Tsutomu T. Gozo Mr. Dino Tristan Cabrera

BS Mathematics I-1

1Ang Pagiging Mayaman ng Perlas ng Silanganan

2Sa ating panahon ngayon, marami na ang nakakalimot sa kung ano ang ating makukuha

o makikitang yaman ng Pilipinas noong Unang Panahon. 3Maaaring wala na silang alam sa ating

kasaysayan, mga hayop na noon ay may buhay pa, at maging sa ating pinagmulan. 4Sa sanaysay

na ito aking ibabahagi ang aking mga nakita at natutunan sa mga ipinakitang “National Cultural

Treasure” Ni Ginoong Joseph Garcia, isang arkeolohista na pansamantalang nagtatrabaho sa

National Museum.

5Sa aming pananatili sa National Museum, Tila nakakatuwa sapagkat marami sa ating

mga Yaman ay nakatago dito. 6Nalibot namin ang Archaeological Building na kung saan nakita

naming ang mga yaman na nahukay, mga ginamit ng ating mga katutubo noong unang panahon. 7Nakita rin namin ang isang representasyon sa pagkakabuo o ang simula ng Pilipinas. 8Nakita din

naming ang isang Dayorama ng mga Teorya na kung saan pinapaliwanag ang pinagmulan ng tao

sa Pilipinas. 9Nagtatawanan dahil sa mga biro ni Mr. Garcia. 10Ipinunta na kami sa kwarto na

pinapaliwanag ang baybayin. 11Ngunit sa oras na ito, ay iniwan na niya kami dahil mayroon

siyang mga appointment na pupuntahan. 12Nalibot rin naming at nagkuhaan ng litrato sa mga

kwarto na may pagawaan ng tela, mga nakuha sa kwarto na patungkol sa San Diego at sa

Spoliarium.

13Totoong nakakatuwa dahil may mga bagay talaga na nagpapatunay sa ating

pinanggalingan, at sa ating pagkamayaman sa kultura at Likas na yaman. 14Isa ang Pilipinas sa

pinaka-mayaman sa kultura at likas at Bawat lugar sa ating bansa ay may kanya-kanyang yaman

na maaring ibigay at maaring makatulong sa ating pagunlad.

15Maraming likas ang makikita sa Pilipinas marahil dahil ito sa ating posisyon sa mundo. 16Ang ating bansa ay malapit sa ekwador, Kaya tayo ay isang tropical na bansa. Tayo rin ay

Page 2: history 2

napupuno ng mga Bulkan, dahil ang ating bansa ay nasa Pacific Ring of Fire. 17Marahil ang mga

sunud-sunod na pagsabog nito ang bumuo sa ating bansa. Maraming Anyong-Lupa, at Anyong-

Tubig na kung saan nakakatulong sa ating kabuhayan sa Pilipinas.

18Hindi lamang tayo hitik sa ating mga likas. 19Tayo rin ay mayaman sa Kultura. 20Mga

Paniniwala at sa mga kasanayan na maaring ginagawa pa rin natin ngayon sa kasalukuyang

panahon. 21At mayroon rin mga yaman na nadiskubre at nagging tulay sa pagkilala sa ating mga

ninuno, sa ating pinagmulan at sa kung sinu-sino ang sumakop sa atin.

22Sa aming pagbisita kay Ginoong Garcia sa National Museum, Para kaming nakasakay

sa isang time machine at binalik kame sa mga oras na iba ang Pilipinas. 23Marami syang ipinakita

na lubhang maiuugnay sa nakalipas na panahon. 24Nasabi niya ang iba’t-ibang mga Yamang

Pambansa na siya mismo ang nakatuklas o “nakahukay”. 25May 10 Yamang Pambansa na

tinalakay ni Ginoong Garcia. 26Una ay ang Skull Cap ng isang Taong Tabon na natagpuan nila sa

Palawan. 27Nangyaring ang natagpuang Skull cap sa isang babae. 28Kaya maaring isang babae

ang unang taong tabon. 29Sumunod naman ang Manunggul Jar at Anthropomorphic Jar. 30Ang

Manunggul Jar ay isang “second-burial” na Banga na may mga disenyong scrolls at pinintahan

gamit ang hematite. 31May disenyo ito sa tuktok na isang Bangka, sakay ang 2 tao, isang taga-

sagwan at isang patay na tao. 32Ipinapakita ng Banga na mayroong pang buhay sa pagtatapos ng

kamatayan (life after death). 33Isa ring “second-burial” na banga ang Anthropomorphic Jar. 34Ang

pinagkaiba nga lng ng Bangang ito ay disenyong katulad ng mga parte ng tao. 35Mayroon itong

kamay, paa, mukha at iba pang parte ng katawan ng tao. 36Sumunod naman ang Butuan Balangay

Boat. 37Ang unang bangkang nakita sa ating bansa. 37Ito naman ay natala na may edad na 320

AD. 38Sumunod sa mga ipinakita ni Ginoong Garcia ay ang Ammonite Shell. 39Ito ay isa sa mga

pinakamatandang fossil sa Pilipinas. 40Sinasabi na may grupo ng mga “mollusk” o pamilya ng

mga kuhol na nagging “extinct” o wala ng buhay na species kasabay ng mga Dinosaur. 41Sumunod naman ang Bark-Cloth Beater. 42Ito naman ay hugis “cylinder” at ginagamit sa

paggawa ng bark-cloth. 43Kasama rin sa mga Pambansang Yaman ang “Parisian Girl” at ang

“Spoliarium” na mga ipininta ni Juan Luna. 44Ang “Parisian Girl” ay ipininta ni Juan Luna para

ipakita sa mga makakakita sa ipininta na ang mga babae ay sensitibo at totoong kailangan ng

alaga, ang mga kalakasan at kahinaan ng babae, at pinapakita nya na pantay ang 2 kasarian. 45Ang Spoliarium naman ay ipininta nya nagpapakita na nagkakaroon ng di pagkakapantay-

Page 3: history 2

pantay o “racial inequality”. 46Dito rin ipinapakita na mayroong isinisigaw ang mga nasa larawan

ng spoliarium na mga alalay o “slaves” na gusto nila kunin ang pagiging makatao nang hindi

nagpapatayan. 47Meron din ipinakita si Ginoong Garcia sa Yamang pambansa na kung saan

ginamit ito bilang isang compass. 48Ito ay ang San Diego Astrolabe. Ito ay gamit ng mga

Portuguese sa paglalayag na naimbento pa lamang noong panahon ng Alexandria. 49At ang huli

ay ang Zoomorphic Ear Pendant. 50Ito ay isang “Lingling-O” na may design na “zoomorphic”. 51Ito rin ay may napakagandang pagkakahati ng mga ukit ng Jade.

52Hitik na Hitik nga tayo sa mga Likas na yaman at mga treasure na kamangha-manghang

natagpuan ng ating mga arkeolohista na nagtiyagang maghanap at ng mga susunod pang mga

Yaman na tunay na maipagmamalaki. 53Ito ang nagpapatunay na kahit tayo ay hindi pa

isinisilang sa mundo ay may mga yaman at nag-aalaga nito. 54At sa ngayon tayo naman ang may

responsibilidad na pangalagaan at pahalagahan ito, Sa kahit anong paraan. 55Tunay na

Masasabing Mayaman ang Pilipinas sa Likas na yaman, Kultura at paniniwala. 56Naway sa mga

artifacts na ito naipapakita ang pagiging masipag, masining at pagiging masigasig ng mga tao

noon at kung gaano kaganda ang kalikasan noong unang panahon. 57Totoong kahanga-hanga ang

Pilipinas sa pagiging mayaman nito. 58Sa kultura, sa pagiging malikhain ng ating mga ninuno, at

likas-yaman at karapat-dapat na tawagin ang bansa bilang “Perlas ng Silanganan”