3
SILA ang tatlong mahahalagang tauhan o bida na tampok sa isang Indie film na prodyus ng Department of Health (DOH) sa kauna-unahang pagkakataon na magbibigay buhay sa kanilang mga sakripisyo bilang mga biktima ng sakit na Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) dulot ng human immunodeficiency virus (HIV). Ang HIV/AIDS ay nakahahawa o sakit na nakukuha sa pakikipagtalik sa taong kinapitan na nito lalo kung siya ay sangkot sa mahigit sa isang partner. Ito ay pinatunayan na ng maraming pag-aaral mula sa mga ahensiya na may kinalaman sa kalusuguan. Sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH), nasa 153 ang pinakabagong kaso ng HIV/AIDS nitong Setyembre ng kasalukuyang taon. “This is 173 percent higher than the 56 cases in September last year. Since January 2010, there have been a total of 1,201 HIV cases,” ayon kay Dr. Eric Tayag, DOH Chief Epidemiologist. Sen. Cayetano pabor sa Indie Film (photo of Senator ha) Ayon kay Sen. Pia Cayetano, chair, Senate Committee on Health and Demography, pabor siya sa pagsasapelikula ng HIV/AIDS dahil naniniwala siya na isa ito sa epektibong pamamaraan upang magising ang kamalayan ng publiko sa idinudulot nitong perwisyo sa isang indibiduwal hinggil sa kalusugan, sa pamilya, kabuhayan at sa lipunan. “Maging creative tayo sa pagpalaganap ng impormasyon ….kaya naniniwala ako na kailangang gamitin ang different forms of mass media whehter it’s thru Indie films, thru commercials. In fact, dun sa mga session namin sa Inter-Parliamentary Union (IPU), yung samahan ng mga miyembro ng mga mambabatas all over the world, yun yung mga sinusuri naming epektibong pamamaraan ng pagbibigay ng impormasyon sa tao,” giit ni Cayetano sa panayam ng Remate Tonight sa Senado matapos ang sesyon. “Kagaya nung personal na laban ko sa Hepatitis B, in the sense na pareho siyang virus…pareho siyang deadly. Pag nagkaroon ka nun parehong sexually transmittable. Kung wala kang kilalang may ganun..parang akala mo hindi ka matatablan ng ganitong klaseng sakit. Pero once na may kilala kang naapektuhan ‘nun…’dun mo pa lang

Hiv

Embed Size (px)

DESCRIPTION

what is hiv

Citation preview

Page 1: Hiv

SILA ang tatlong mahahalagang tauhan o bida na tampok sa isang Indie film na prodyus ng Department of Health (DOH) sa kauna-unahang pagkakataon na magbibigay buhay sa kanilang mga sakripisyo bilang mga biktima ng sakit na Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) dulot ng human immunodeficiency virus (HIV).

Ang HIV/AIDS ay nakahahawa o sakit na nakukuha sa pakikipagtalik sa taong kinapitan na nito lalo kung siya ay sangkot sa mahigit sa isang partner. Ito ay pinatunayan na ng maraming pag-aaral mula sa mga ahensiya na may kinalaman sa kalusuguan.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH), nasa 153 ang pinakabagong kaso ng HIV/AIDS nitong Setyembre ng kasalukuyang taon.

“This is 173 percent higher than the 56 cases in September last year. Since January 2010, there have been a total of 1,201 HIV cases,” ayon kay Dr. Eric Tayag, DOH Chief Epidemiologist.

Sen. Cayetano pabor sa Indie Film (photo of Senator ha)

Ayon kay Sen. Pia Cayetano, chair, Senate Committee on Health and Demography, pabor siya sa pagsasapelikula ng HIV/AIDS dahil naniniwala siya na isa ito sa epektibong pamamaraan upang magising ang kamalayan ng publiko sa idinudulot nitong perwisyo sa isang indibiduwal hinggil sa kalusugan, sa pamilya, kabuhayan at sa lipunan.

“Maging creative tayo sa pagpalaganap ng impormasyon ….kaya naniniwala ako na kailangang gamitin ang different forms of mass media whehter it’s thru Indie films, thru commercials. In fact, dun sa mga session namin sa Inter-Parliamentary Union (IPU), yung samahan ng mga miyembro ng mga mambabatas all over the world, yun yung mga sinusuri naming epektibong pamamaraan ng pagbibigay ng impormasyon sa tao,” giit ni Cayetano sa panayam ng Remate Tonight sa Senado matapos ang sesyon.

“Kagaya nung personal na laban ko sa Hepatitis B, in the sense na pareho siyang virus…pareho siyang deadly. Pag nagkaroon ka nun parehong sexually transmittable. Kung wala kang kilalang may ganun..parang akala mo hindi ka matatablan ng ganitong klaseng sakit. Pero once na may kilala kang naapektuhan ‘nun…’dun mo pa lang malalaman na nakamamatay pala ito …sobrang emotional issue ito sa buong pamilya.So maganda yung may film…so personally I agree,” diin pa ni Cayetano.

Aniya, humanga siya sa katatapos na cinemalaya film festival na pinamagtang ‘Donor’. Ginamapanan ito ni Merryl Soriano, isang breadwinner na napilitang ibenta ang kaniyang kidney para sa pamilya.

“Ang ganda ng mensahe ng pelikula. Nakaka-touch.”, dagdag pa ni Cayetano.

Indie Film

Page 2: Hiv

Si Heidi, si Ivy at si V ang kauna-unahang production film na ginugulan ng DOH para sa kampanya laban sa nakamamatay na HIV/AIDS at kung paano ito maiiwasan.

Sa press conference sa paglulunsad ng nasabing pelikula sa San Lazaro Hospital sa Maynila, kumpiyansa si Health Secretary Enrique Ona na magiging epektibo ito dahil likas na mahiligin sa teleserye o pelikula ang mga Pilipino.

Inabot ng 1.5 milyung piso ang movie production mula sa pondo ng DOH sa ilalim ng Exocain Productions at idinirek ni Neal Tan.

Ipasisilip ang pelikula sa pamamagitan ng special screenings sa bansa mula sa darating na Disyembre 1.

Naniniwala din si Dr. Tayag na kapupulutan ng aral ang pelikulang ito para bigyang proteksiyon ang indibiduwal na makaiwas o maagapan ang sariling kalusugan bago pa mamahay sa katawan ang HIV/AIDS.

Ipakikita higit sa lahat ng pelikula kung paano dapat tratuhin ng isang indibiduwal o ‘people with HIV/AIDS’ ang kaniyang sarili sa pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Na sila ay bahagi pa rin ng lipunang kanilang ginagalawan, may mga karapatan at hindi dapat na kondenahin. Dapat silang unawain at mahalin.

Si Heidi ay gagampanan ng beteranang aktres na si Ma. Isabel Lopez, isang simpleng maybahay na kinapitan ng sakit mula sa kaniyang asawang Overseas Filipino Worker (OFW). Nahawa din nito ang kaniyang 9 na taong gulang na anak na lalaki. Siya rin ang line producer ng pelikula.

Si Iza Calzado naman ang gaganap bilang Ivy, isang call center agent. Natuklasan niya na siya’y positibo sa HIV noong magpa-medical test para sa kaniyang application na makapagtrabaho sa abroad.

Ang anak naman ng showbiz columnist na si Dolly Anne Carvajal, si IC Mendoza ang gaganap sa papel na V o Vanessa, isang bading na stand-up comedian na sangkot sa sex o pakikipagtalik sa iba’t-ibang partner.

Tampok din dito ang actor na si Jake Cuenca, bilang visual designer at young film maker na personal na pinili ng DOH.

Magugunita na naisapelikula ng movie companies ang buhay nina Sara Jane Salazar na ginampanan ng aktres na si Gelli de Belen at Dolzura Cortez na ginampanan ng ‘star for all season’ na si Vilma Santos, pawang mga biktima ng HIV.

Itinampok din sa pelikulang ito na sumasailalaim sa maagang pagpapasuri ang isang indibiduwal kung inaakala niyang may mga sintomas na siya nito.

Nabatid din mula sa DOH na ang HIV/AIDS ay mas talamak sa commercial sex workers.

Page 3: Hiv

Noong 2007, ang mga kaso nito ay nakita sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki. “This year, the DOH observed a rise in cases among injecting drug users in Cebu ,” ayon pa kay Dr. Tayag.

Namonitor din ng DOH sa kanilang talaan mula Enero 1984 hanggang Setyembre 2001 ang kabuuang kaso na umabot sa 5,625. Mula dito, 852 ang tuluyang bumagsak sa sakit na AIDS. Linda Bohol