19
BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 4 PANUNURING PAMPANITKAN IKAAPAT NA MARKAHAN – IKAANIM NA LINGGO I. PAKSA/MGAKASANAYAN/MGA KAGAMITAN Paksa : Pagsusuri sa Nobelang Tagalog sa Sosyolohikal Na Pananaw Halimbawang Akda : Pusong Walang Pag-ibig Kabanata 22 Ni Roman Reyes Mga Kagamitan : Sipi ng Kabanata 22 Kasanayang Pampanitikan : Pagtukoy sa kamalayang panlipunan sa akda Kasanayang Pampag-isip : Kritikal na Pagsuri Halagang Pangkatauhan : II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW) A. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan sa mga suliraning sosyolohikal na inilahad sa akda. B. Mga Layuning Pampagtalakay B.1. Pagsusuring Panglingwistika Naipaliliwanag ang mga pahayag na nagtataglay ng talinghaga. B.2. Pagsusuring Pangnilalaman Naisa-isa ang mga suliraning panlipunan na inilalahad sa kabanata. 522

Ikaapat Na Markahan-Ikaanim Na Linggo IV

  • Upload
    ruff

  • View
    2.238

  • Download
    9

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ikaapat Na Markahan-Ikaanim Na Linggo IV

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 4PANUNURING PAMPANITKAN

IKAAPAT NA MARKAHAN – IKAANIM NA LINGGO

I. PAKSA/MGAKASANAYAN/MGA KAGAMITAN

Paksa : Pagsusuri sa Nobelang Tagalog sa

Sosyolohikal Na PananawHalimbawang Akda : Pusong Walang Pag-ibig Kabanata 22

Ni Roman ReyesMga Kagamitan : Sipi ng Kabanata 22Kasanayang Pampanitikan : Pagtukoy sa kamalayang panlipunan sa

akdaKasanayang Pampag-isip : Kritikal na Pagsuri

Halagang Pangkatauhan :

II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

A. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan sa mga suliraning sosyolohikal na inilahad sa akda.

B. Mga Layuning Pampagtalakay

B.1. Pagsusuring Panglingwistika

Naipaliliwanag ang mga pahayag na nagtataglay ng talinghaga.

B.2. Pagsusuring Pangnilalaman

Naisa-isa ang mga suliraning panlipunan na inilalahad sa kabanata.

B.3. Pagsusuring Pampanitikan

Naiuugnay ang tiyak na bahagi ng akda sa isang tiyak na lipunan.

C. Natutukoy ang kagandahan at kahinaan ng akda ayon sa sariling panlasa.

D. Naipaliliwanag ang diwang nais iparating ng nilikhang picture story.

522

Page 2: Ikaapat Na Markahan-Ikaanim Na Linggo IV

III. PROSESO SA PAGKATUTO UNANG ARAW

A. Mga Panimulang Gawain

1. Pagganyak : (COLLAGE)

a. Pagpapakita ng iba’t ibang larawan na ginupit sa diyaryo (mga suliranin ng bansa).

b. Pagbibigay ng ideyang nakapaloob sa mga larawan.

c. Pag-uugnay ng mga suliraning pambansa sa mga suliranin sa tahanan at pamayanan. (Organizational Chart).

Ano sa palagay ninyo, ang ugat ng mga suliraning ito?

d. Pagbabahagi ng sariling karanasan o obserbasyon ng mga mag-aaral ng suliranin sa tahanan, pamayanan at bansa.

2. Paglalahad

a. Pagpapabasa sa kabanata at pagpapatatala ng mga pangyayaring tumatalakay sa suliraning kinakaharap ng tauhan.

PUSONG WALANG PAG-IBIG(Kabanata XXII)

Ni Roman Reyes

22. Ang Kamaynilaan Noon

Nakaraan pa ang ilang araw at nasakop ng mga Yankee ang pulong Luzon ng Pilipinas; nagsi-urong sa lalong malayo ang mga kawal Pilipino, at ayaw pa ring sumuko sa kanila.

523

Mga Suliranin ng Bansa

Pamayanan(Lungsod)

Tahanan

Page 3: Ikaapat Na Markahan-Ikaanim Na Linggo IV

Ngunit ang mga taong-baya’y napilitang magsipagbalik sa kani-kaniyang tahanang sarili; napilitang napasukob sa watawat ng mga Amerikano, sampung mga pinuno at kinatawan ng Republikang nagitaw na sumandali, at bago ang lahat, ang kanilang sinabi, ang mga anak muna at sariling buhay, kung wala nang pag-iiwasan.

Ang ganyang mga muni-muni at pag-asang may iba pang panahon ang nakaakit sa kanilang pagbabalik at pagsalilong sa nasabing watawat.

Subali’t marami sa taong-bayan ang wala nang dinatnang pamamahay sapagka’t naging abo na nga; marami ng ulila sapagka’t namatay ang asawa o anak na bugtong sa kanilang pagtakbo, at mayroon din namang hindi na nagkitang magsing-irog, na nagkahiwalay sa pasimula pa lamang ng kanilang paglakad.

Datapwa’t higit sa kanila si Loleng, lalong mapait na paghihinagpis ang linasap nito; ito ang lalong kaawa-awa kung may bahay mang dinatnan, sapagka’t wala pa rin si Enrique na dapat niyang makatulong sa paghanap ng kanilang anak.

Naipagtanong na rin, kung sa bagay, sa mga kapitbahay niyang nangaroon na sa kanila kung hindi namataan si Nene, at gayon din si Enrique, sa mga bayan nilang inabot; nguni’t walang naisagot na sukat niyang ikagalak; sapagka’t sila ma’y hindi nagkaroon ng kahit balita.

“Saan kaya napasunod ang batang iyon?”

“Pagkawalang-loob na ama ni Enrique,” ang nasabi na lamang ng balana.

Pagkalungkut-lungkot ni Loleng nang pumanhik sa kaniyang bahay!

Bakit ang hagdan niyang itinaas nang bago siya umalis ay nakababa, nakabukas ang pinto, at nawala ang marami niyang kasangkapan, samakatuwid, magnanakaw ang nangahas na pumahik.

“Ay! Ang mga taong iyo, hindi na nahabag sa akin,” ang kaniya na lamang nasabi, at pagdaka’y naupo sa isa nilang papag, pagkabukas niya ng isang dungawang hindi man natinag sa pagkalapat; nagbuntung-hininga uli, sinapol ang isa niyang palad ang kaniya ring baba, at ang naalaala ri’y ang nawawagli niyang anak.

Ang mga taga-Pulong-gubat noon, gaya sa mga nayon nilang kalapit, ay pawang naguguluhan pa rin sa pag-aayos at pagliligpit ng nagkasabug-sabog nilang pagkabuhay, at nagsisigayak ang iba upang maghanap sa ibang bayan.

524

Page 4: Ikaapat Na Markahan-Ikaanim Na Linggo IV

Nguni’t ano ang iniisip ni Loleng sa kaniyang pagkapangalumbaba? Ang maging musmos na pagkukuro, at pabayang pumansin sa damdaming tao’y dapat ding makasukat sa dinaramdam ng babaeng iyon, na ang iniisip niya’y kung saan siya magpapatuloy, at kung ano ang kaniyang magiging kabuhayan kung hindi na sila magkita ng nawawala niyang bunso.

At lalo pa kung gugunitain ng nakatatanaw sa kaniya, na ang bahay niyang iyon nang siya’y binibini, at noong nabubuhay pa ang kaniyang ama, ay isa na sa pinakamarikit sa nayon ng Pulong-gubat, isa na sa nakadidiwasa, at naging hantungan na matatamis na pagsuyo ng kabinataang masisigla sa pag-ibig, at saka ngayo’y naging bahay ng ulila sa hindi malamang kung saan naroon ang kabiyak ng dibdib at bugtong nilang si Nene; naging salat na salat sa palamuti at pagsinta, at walang naiwan kundi pawang bakas ng mababangis na lungkot; sinong pusong nalalabi sa nasabing bahay ang hindi malulunod halos sa kaniyang mga dinaramdam?

“Mataas na langit!” ang kaniya pang naipatuloy nang makalipas ng ilang sandali. “Isang buwan nang mahigit na nawawalay sa akin ang anak ko, saan ko kaya makikita? Ay! Ng buhay ko, na napakaaba sa lahat ng babae! Sa lahat ng nagkaasawa sa balat ng lupa!”

At pagkasandali pa’y pumasok na tila nahihintakutan sa kaniyang silid; pasubok na anaki may tao roong nagtatago sa kaniya, kumakaba ang dibdib, at lalo pang napahimutok nang makitang nakabukas din ang kaniyang baul, at wala na ang damit niyang mahuhusay.

“Naku, at pati pala mga damit ko’y ninakaw ng mga walang-hiya!” ang pamuling nabigkas at sukat ang napadaop-kamay.

Dapwa’t hindi siya nagtagal sa ganitong anyo, muling nagbuntung-hininga, pinili ang natirang mabuti-buti, binalot ng madali, nanaog pagkapinid ng pinto, at lumakad na namang mistulang hibang, na animo’y narinig ang tinig ng kaniyang anak sa dakong malayo, at siya ang tinatawag.

“Inang! Saan ka naroon, hindi ko tamaan ang umuwi, hindi mo na ba ako hinanap?” ang waring umalingawngaw sa kaniyang tainga.

“At saan ka paroroon?” anang mga pinagtagubilinan ng kaniyang bahay.

“Hahanapin ko ang anak ko, kahit saan ako makarating,” ang malungkot niyang sagot.

525

Page 5: Ikaapat Na Markahan-Ikaanim Na Linggo IV

Salamat sa dating magagandang loob ni Aling Buro at ni Tomas, at siya’y pinabaunan ng manalapi, nang siya’y magpaalam.

At kung saan nga siya nagpatuloy? Bayaan muna siyang maghanap; sumagila tayo sa istasyon ng perokaril ng bayan ng B. at matyagin natin ang nagyayari sa kaniya.

Ang perokaril, na nagyayao’t parito sa Maynila’t Dagupan, na napasakamay rin ng mga Amerikano, mulang pasimulan ang digmaang hindi pa natatapos, at kanilang ginamit sa paghahatid-dumapit ng kanilang mga komboy, ay ipinag-aantay nila ng mga araw na iyon sa bayang nasabi, at naghahatid nang walang bayad sa balang ibig lumuwas, kung napasasakop sa kanilang watawat.

At matyagin pa natin ang naging pag-uusap ng tenyente ng kawal-Amerikano, sa nasabing Estacion, kung sa wikang Tagalog, at ng isang lalaking kasamahan, nang maraming nagsiharap sa kaniya, babae’t lalaki, matanda’t bata, at ibig na ngang magsiluwas.

“Mabuti ang naisipan ninyo,” anang nasabing pinuno. “Mabuti at humiwalay na kayo sa mg kababayan ninyong naghihimagsik; ang pasukob sa aming watawat ay maliligtas sa pagkabusabos; ang pamahalaan nami’y hindi mapang-aliping gaya ng mga Kastila; kami’y naparito upang iligtas ang mga bayang walang kalayaan, naintindihan ba ninyo?”

Isang ngiting magalang ang itinugon ng lalaking iyon, tandang napasasalamat sa gayon niyang narinig at mabuting pagkatanggap sa kanila.

“Nguni’t,” ang patuloy ng tenyente, “kayo pala’y tagarito, alinsunod sa inyo rin, ano’t luluwas pa kayo ng Maynila? Ayaw na ba ninyong magtira dito sa bayan ninyong sarili?”

“Ibig po namin; unang-una po ako,” ang sagot kausap, “at dinaramdam ko po nang buong puso, ang ganito naming pag-alis; nguni’t hindi pa kami makatigil sapagka’t pinipilit kami ng aming mga kailangan.”

“Anong mga kailangan ninyo?”

“Ang pagsunog po ng mga pamamahay namin at pati pa ng kaunti naming mga pag-aari.”

“Dito ma’y makapaghahanapbuhay kayo, at wala kayong sukat ikatakot!”

“Kung sa bagay po; nguni’t inaakala kong hindi makasasapat sa karamihan ng mga anak naming maliliit ang aming kinikita sapagka’t nalalaman din naming ang lahat, mayama’t mahirap, dito’y nagdanas ng pagkasunog.”

526

Page 6: Ikaapat Na Markahan-Ikaanim Na Linggo IV

“Husto rin, kung sa bagay, ang iyong sinabi.”

“At dahil po roo’y mangingibang-bayan na muna kami, samantalang magulo ang lagay ng digmaan.”

“Kung gayo’y kayo ang masusunod. . .”

At siyang pagdating noon ng treng nanggaling sa gawing Dagupan, sila’y pinalulang madali, at nagpatuloy na nga sa kanilang pagluwas.

Pagkaaba ng pinaglulanan sa kanila!

Hindi ang kotseng talagang sinasakyan ng mga tao, kundi ang wagol na panghakot ng buhangin at mga kasangkapang ginagamit sa pag-aayos ng mga daang perokaril.

At animo’y kung ano silang tinutugpa sa laot ng dagat; gayon ma’y inari na nilang mabuti, at makararating sila agad sa Maynila.

Pagdaka’y pumatag ng upong tingkayad sa isang piling ang lalaking iyon, at kung ano’t ang napag-usapan nila ng tenyente ang napagmunimuni, habang tumatakbo ang kanilang kinalululanan.

Na, kung ano ang hagibis ng wagol at ang hanging halos makalula sa kanila, ay siya namang pag-uunahan sa kaniyang isip ng marami niyang nagugunita.

“Ang pagsukob daw sa kanilang watawat ay maliligtas sa pagkabusabos,” ang una niyang naibulong sa sarili, “at kaya raw sila naparito’y nang iligtas lamang nila sa pagkaalipin ang mga bayang walang kalayaan; samakatuwid, mabuti nga naman; nguni’t bakit nila kami nilusob, sa sila pala’y mabubuti? Kung wala silang lihim na iniimbot, aling sanhi ang nag-udyok sa kanila sa gayon, at hindi man nila pinakundanganan ang itinayo naming kasarinlan sa Malolos, sa kung sila rin ang magliligtas sa aming pagkaalipin?”

Tinutop ng isa niyang kamay ang kaniyang noo, at waring hindi niya maabot isipin ang gayong mga nangyayari. Nakalalampas sila ng iba’t ibang bayan nang wala siyang malay; at nakarating sila sa Maynila.

Malapit nang dumilim nang pumasok ng Murallon ang kanilang tren, at dito sila nagsilunsad.

527

Page 7: Ikaapat Na Markahan-Ikaanim Na Linggo IV

At pagkuwa’y nagkahiwa-hiwala silang nagkasabay-sabay sa pagluwas na iyon; kung saan-saan sila nakituloy at nakitulog nang gumabi, at kinabukasa’y saka sila nagsihanap ng kani-kanilang matitirhan nang patuluyan.

Oh! Ang Maynila nang mga araw na nasabi.

Walang sulok ng kaniyang mga arabal na di pinasikpan ng kung taga-tagasaang mga tao; walang malalaking bahay at maliliit, na di may umupa, at pawa namang nag-apat na ibayo halos ang pagkamahal ng bayad.

Ang dating aapati’t lilimang piso’y naging lalabin-limahin at dalawampung walang tawad; ang lalabindalawahi’y naging mahigit pang tatlumpu, at ang mga ganito’y daang piso naman ang iuupa ng ibig tumahan.

“Kay papalad pala ng mga may paupahang bahay kung ganitong naghihimagsik ang bayan nilang sarili, sa pag-usig ng ikalalaya,” ang laging naipapakli tuloy na kahit sino sa bala niyang makausap.

“At tayong mahihirap ang napipiyapis at nabibigti halos ng kanilang pagkakapalad,” anang iba namang kanilang mapagsabihan.

“Mga walang-awa!”

At hindi lamang ang lahat ng iyan ang lalong ipinagdamdam ng kanilang loob; hindi lamang ang pagtitiis sa kamahalan ng lahat nilang binibili, at hindi rin ang kasungitan pa ng maraming may-ari ng tinitirhan nilang bahay, na pagdaka’y susi nito ang hinihingi, pagdating ng araw ng pagsingil, at di sila makabayad; kundi ang bagong kautusan noon, na pagtugtog ng ikaanim sa hapo’y wala nang makalalakad sa lansangan; wala nang makalalampas ng pinto, kahit ano ang kailangan sa labas.

“Ito ang lalong napakahigpit! Ito ang imilag tayo sa baga, at sa ningas tayo sumugba! Naghimagsik tayo’t nang tayo’y makalaya, at lalong pagkapiit ang ating inabot!” ang naging daingan naman saan man makimatyag nang mga araw na iyon.

Nguni’t hindi nagtagal ang gayong utos; nabago ring madali nang makalipas ang ilang buwan; maging magdamagan mang lumakad ang kahit sino’y hindi na pinansin ng mga pinuno; pinalaya ang lahat sa kanilang mga kilos; nakahinga silang mabuti sa gayong pagkainis, at sampung mga pahayaga’y nakapagsiwalat ng makabayang damdamin at ng linalayong ikabubuti ng mga mamamayan.

528

Page 8: Ikaapat Na Markahan-Ikaanim Na Linggo IV

B. Pangkatang Gawain

Pangkat I : Bubble Map

Pagtukoy sa mga suliraning napapaloob sa mga pangyayaring inilahad sa kabanata.

Pangkat II at III : Inside-Outside Click

Pagpapalitan ng opinion sa epekto ng mga suliranin sa mga Pilipino. (Ang mga mag-aaral sa labas ng bilog ay makipagpalitan ng opinion sa mga mag-aaral sa loob ng bilog na nakaharap sa kanila. Ang mga mag-aaral na nasa labas ng bilog ang iikot upang humarap sa bagong kapareha na nasa loob ng bilog). Pangkat IV : Fan-Fact Analyzer

Pagbubuod ng mga pinag-uusapan ng bawat pangkat.

529

Pangyayari

Suliranin

Suliranin

Suliranin

Suliranin

Page 9: Ikaapat Na Markahan-Ikaanim Na Linggo IV

MGA SULIRANIN

C. Pag-uulat ng bawat pangkat.

D. Pagkuha ng feedback ng mga nakinig.

E. Pagbubuo ng sintesis (LAP) List Alternative and Possibilities.

1. Anu-anong suliranin ang patuloy na nagpapahirap sa maraming Pilipino? Bakit?

2. Magtala ng mga possible at alternatibong solusyon sa suliranin.

IKALAWANG ARAWPAGTALAKAY SA PAKSA

A. Panimulang Gawain

1. Pagganyak

a. Pagtatalo (Linkage)

Sang-ayon ba kayo na maging estado ng Amerika ang Pilipinas? Bakit?

2. Pangkatang Gawain

530

Sanhi Epekto

Page 10: Ikaapat Na Markahan-Ikaanim Na Linggo IV

Pangkat 1 : Pagsusuring Panglingwistika

a. Pagpapapili ng pahayag na ginamit sa akda na nagtataglay ng talinghaga.

b. Pagpapaliwanag ng kahulugan ng bawat talinghaga.

c. Pag-aangkop sa mga talinghaga sa aktwal na pangyayari sa lipunan.

Pangkat 2 : Pagsusuring Pangnilalaman

a. Pagtukoy sa mga pangyayari sa kabanata na nagpapakita ng suliraning panlipunan.

Pangkat 3 : Pagpapatunay ng katotohanan ng mga pangyayari batay na rin sa sariling karanasan.

Pangkat 4 : Pagsusuring Pangnilalaman

a. Pagsasadula ng bahagi ng kabanata na nagpapakita ng diskriminasyon ng tao.

Pangkat 5 : “The Correspondents’

a. Paglalahad ng mga negatibong ibinubunga ng kawalang pag-unlad ng isang tao sa sariling bayan.

b. Pagpapakita ng “Videoclips” ng iba’t ibang mukha ng kahirapan.

Pangkat 6 : Panel Discussion W/ Audience Participation

Anong bahagi sa kabanata ang nagbukas ng inyong kamalayan sa tunay na suliraning kinakaharap ng lipunan?

3. Pag-uulat ng bawat pangkat.

531

PangyayariSuliraning Panlipunan

Pangyayari Pangyayari

Page 11: Ikaapat Na Markahan-Ikaanim Na Linggo IV

4. Pagbibigay ng feedback ng mga nakinig.

5. Pagbuo ng sintesis

Ibigay ang mga pantulong na kaisipan mula sa pangunahing kaisipan na ginagamit ang sumusunod na dayalogo.

IV. EVALWASYONPAGPAPAHALAGA SA AKDANG TINALAKAYIKATLONG ARAW

A. Panimulang Gawain

1. Sabayang pagpapaawit ng “Bayan Ko”.

a. Ano ang mensahe ng awit?

b. Iugnay sa kabanatang ating tinalakay.

2. Pangkatang Gawain

a. Pagpapakita ng Pakikisangkot

Pangkat 1 : Punto de Vista. Pag-uusapan ng mga panauhin at ng “host” kung paano mailalarawan ang lipunan batay sa naging karanasan ng tauhan (Loleng) at kung bakit naging ugali na ng mga Pilipino ang maging mapagsamantala.

Pangkat 2 : T Chart. Pagtukoy sa kagandahan at kahinaan ng

akda ayon sa sariling panlasa ng bumasa.

532

Pangunahing Kaisipan

Pantulong PantulongPantulong

Kagandahan Hahinaan

Page 12: Ikaapat Na Markahan-Ikaanim Na Linggo IV

c. Pangkat 3 : Pagpapakita ng Paghahambing

COMPARE AND CONTRAST CHART

Pusong Walang Pag-ibig

Kaugnay na Akda

TauhanAralPaksaMensaheKaisipan

d. Pagpapakita ng Pagtataya

Pangkat 4 : Roundrobin. Pagbabahaginan ng nagging epekto ng kabanata sa sarili, sa isip at damdamin. Pagtukoy sa bahagi ng katauhan na nasaling ng may-akda. Pagtukoy sa nais kamtin matapos mabatid ang katotohanang tinalakay sa kabanata at bakit.

3. Pag-uulat ng bawat pangkat.

4. Pagbibigay ng feedback ng mga mag-aaral.

5. Pagbubuod ng napag-usapan upang makabuo ng kaisipang pangklase.

Bilang bahagi ng lipunang ating ginagalawan, anu-ano ang mga bagay na maaari nating maiambag para sa kagalingan ng bayan?

V. PAGPAPALAWAK NG KARANASAN PAGLIKHA

533

Page 13: Ikaapat Na Markahan-Ikaanim Na Linggo IV

IKAAPAT NA ARAW

1. Panimulang Gawain

a. Buuin ang larawan sa pamamagitan ng pagsunod sa bilang.

(Gumawa ng larawan ng baril. Mabubuo ito sa pamamagitan ng pagdugtung-dugtong ng mga bilang.)

8. 9. 10. 11. 12. 13. 14. 15. 16. 17. 18. 19. 7 20.

6. 21.

5. 22.

4. 40. 23.

3. 41. 39. 24.

2. 42. 38. 29. 28. 27. 26. 25.

1. 43. 37.

44.

47. 46. 45

b. Anong larawan ang nabuo? Anong konsepto ang nabuo sa inyong isipan ng larawan? Ano ang maaaring ibunga sa tunay na buhay ng larawan?

2. Pagpapangkat sa Klase.

Mula sa konseptong napag-usapan, hahatiin ang klase sa pangkat. Padodrowingin ang mga mag-aaral. Pabubuuin sila ng kwento mula sa larawan. Ang picture story ay batay sa mga tiyak na pamantayan.

a. hindi bababa sa lima ang bilang ng larawan.

b. may kaisahan sa mensahe ang ipnapakita sa larawan.

c. magkakaugnay ang mga talata na gagawin sa bawat larawan.

Ang picture story ay batay sa mga sumusunod na sitwasyon :

534

Page 14: Ikaapat Na Markahan-Ikaanim Na Linggo IV

Pangkat 1 : Karahasan na maaaring maganap/nagaganap sa tahanan.

Pangkat 2 : Karahasan na maaaring maganap/nagaganap sa pamayanan/barangay.

Pangkat 3 : Karahasan na maaaring maganap/nagaganap sa

bansa.

Pangkat 4 : Karahasan na maaaring maganap/nagaganap sa buong mundo.

3. Pagpapakita ng larawan ng bawat pangkat.

4. Pagkuha ng feedback sa mga mag-aaral.

5. Pagbibigay ng karagdagang input ng guro.

6. Pagpapatuloy ng pagsulat bilang gawaing-bahay.

VI. PAGPAPAHALAGA SA ISINULAT IKALIMANG ARAW

1. Panimulang Gawain

a. Pagpapakita ng ilang piling mag-aaral ng iba’t ibang sitwasyon ng karahasan sa lipunan sa pamamagitan ng TABLEAU.

b. Mula sa nakitang TABLEAU ay bubuo ng kwento ang mga mag-aaral.

2. Paglalahad at pagpapaliwanag ng lider ng bawat pangkat sa

nabuong picture story.

3. Pagsusuri ng isang pangkat sa gawa ng kapwa pangkat.

4. Pagbibigay ng feedback sa klase ng pangkat na nagsuri.

5. Pagkuha ng feedback sa mga nakinig.

6. Pagbibigay ng faynal na input ng guro tungkol sa paksa ng buong sesyon.

535