16
(Mga kaganapan ngayon saPilipinas na maaring nangyari sa Imperyong Byzantine) Imperyong Byzantine

Imperyong Byzantine

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Imperyong Byzantine

(Mga kaganapan ngayon saPilipinas na maaring nangyari sa Imperyong Byzantine)

Imperyong Byzantine

Page 2: Imperyong Byzantine

Ginawang probinsya ang karamihan sa mga kolonya nito. Sa simula ay di naging maayos ang pamahalaan sa mga probinsyang ito.Upang mapadali ang pagsasaayos, humirang ng mga Gobernador o Proconsuls upang mamuno dito. Ngunit imbis na makatulong marami sa mga proconsul ay nagpabaya sakanilang mga tungkulin at may iba na tumanggap din ng suhol sa mga transaksyon ng pamahalaan.

TERITORYO/PROBINSYA (Byzantine)

Page 3: Imperyong Byzantine

Isang Proconsul

Page 4: Imperyong Byzantine

Lumalabas ngayon sa mga pahayagan at sa telebisyon ang panunuhol di umano ng palasyo ng administrasyong Arroyo sa mga gobernador . Ang sinabing ito ng dating gobernador Among Ed ay pinatunayan din ng dating gobernador Jonjon Mendoza. Ayon sa 2 gobernador sila’y ay tumanggap ng salapi na nakalagay sa isang maliit na bag na inaakalang tulong para sa kanilang proyektong panlalawigan.

Probinsya(Pilipinas)

Page 5: Imperyong Byzantine

Hinirang din ang mga publician upang mangolekta ng buwis mula sa mga probinsyang ito. Upang sila rin ay makinabang sa mga nakolektang buwis tinaasan ng mga publician ang kanilang sinisingil sa mga mamamayan. Naging dahilan ito upang magalit ang mga mamamayan sa pamahalaan, ngunit dahilan sa malakas at matatag na sandatahang lakas, napigil ang ano mang banta ng pag-aalsa. Unti-unti natanggap ng mga kolonya ang uri ng pamamahala ng mga Romano.

Pangongolekta ng Buwis(Byzantine)

Page 6: Imperyong Byzantine

Ang Value Added Tax ito ng buwis na idinadagdag para sa kinauukulang kontratista ng proyekto.

Ngayon pinipigilan ang pagpapatupad ng 12% VAT sa mga toll. Kapag patuloy na mangyari ito tataas ang pamasahe at mahihirapan ang mga ordinaryong Pilipino. Tataas din ang mga presyo ng mga bilihin na iniluluwas kagaya ng gulay na mula pa sa malalayong probinsya.

Pangongolekta ng Buwis(Pilipinas)

Page 7: Imperyong Byzantine

Dahil sa digmaan nasira mga lupaing sakahan. Ang iba namang sakahan ay naiwanang nakatiwangwang habang nakikipaglaban sa digmaan ang mga may-ari nito. Nawalan ng mapagkakakitaan ang mga pamilya ng mga magsasaka kung kaya’t napilitan silang ibenta ang kani-kanilang mga lupang sakahan sa mga Romanong yumaman sa panahon ng pananakop. Sa panahon din ng pananakop nagkaroon ng kapangyarihan sa mga lupa sa probinsya ang pamahalaang Romano at pinaupahan ito sa mga mayayamang Romano. Di naglaon nagkaroon sila ng malalawak na lupain na tinatawag na Latifundias kung saan sari-saring butil ang itnanim at ibenenta sa Italya.

Epekto ng Digmaan(Byzantine)

Page 8: Imperyong Byzantine

Isang halimbawa ng Latifundia

Page 9: Imperyong Byzantine

Ngayon patuloy pa rin ang digmaan sa Mindanao ng mga rebelde at ng pamahalaan. Dahil dito maraming sibilyan ang nalalagay sa bingit ng kamatayan. Apektado rin ang kanilang kabuhayan. Ang kanilang kabuhayan ay kung di nawawasak ay kinkamkam ng mga rebelde. Apektado din ang pag-aaral ng mga kabataan dahil nasisira ang kanilang mga silid aralan at ang iba ay di na pumapasok dahil baka magkaroon ng engkwentro ang mga rebelde at mga sundalo.

Epekto ng Digmaan(Pilipinas)

Page 10: Imperyong Byzantine

Epekto ng digmaan sa Mindanao

Page 11: Imperyong Byzantine

Dahilan sa mahinang benta ng kanilang mga ani at pagkakamkam ng mga mayayaman sa kanilang lupa ay huminto sa pagsasaka, nagbenta ng lupa at lumipat sa mga lungsod. Sa paglipat ng mga magsasaka sa mga lungsod, lalong lumaki ang mga naging suliranin ng Imperyo. Naging masikip ang mga lungsod dahil sa paglaki ng populasyon doon. Nagpalawig nang husto sa pagkakaiba ng uri ng pamumuhay ng mayayaman at mahihirap. Kasabay nito, lalong naging aktibo ang kalakalan sa mga probinsya nanagdulot ng lalong pagyaman sa mayayaman.

Nangibang –bayan(Byzantine)

Page 12: Imperyong Byzantine

Isang lungsod sa Imperyong Byzantine

Page 13: Imperyong Byzantine

Ang mga taga-probinsya ay lumilipat sa mga lungsod upang umunlad sila ngunit imbis na umunlad sila ay lalo lang silang naghihirap. Nakikipag sapalaran sila sa lungsod kadalasan ay wala silang matirahan kaya nagtatayo sila ng bahay sa di naman nila pag-aaring lupa. At dahil doon nagkakaroon ng malaking problema ang pamahalaan dahil kapag sila’y pinaalis ay sila pa ang may ganang magalit.

Nangibang –bayan(Pilipinas)

Page 14: Imperyong Byzantine

Pagsisiksikan sa Lungsod

Page 16: Imperyong Byzantine

Ipinasa ni: Jolan Z. Dela Cruz Ipinasa kay: Ma. Luisa Papa

Option 1