3
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika Bumalik sa TOP ng E Trabaho at Training E Trabaho at Training 6 Ang Dayuhang Technical Intern Trainee, [Trainee] Sa pagbago ng sistema ng mga dayuhang trainee noong Hulyo 1, 2010, at inumpisahan ang sistema para sa Techical Intern Trainee. Kahit na parehong [Trainee] ang visa, ang mga gawaing pinapayagan bago at pagkatapos inumpisahan ay lubusang naiiba. Dahil ang mga gawaing pinapayagan sa visang [Technical Intern Trainee] ay tinanggal sa visang [Trainee], ang mga gawaing pinapayagan sa visang [Trainee] ay limitado na lamang sa halos may kaugnayan sa pag-aaral sa paaralan. Ang sistema ng Technical Intern Trainee ay itinatag upang makapagbigay ng kakayahang pang-teknolohiya na kailangan ng industriya sa mga manggagawa sa dayuhang bansa sa pamamagitan ng pagsanay sa kanila sa Japan sa isang nakatalagang panahon. Ito ay hindi isang programa upang magbigay ng trabahador. Ang pangalan ng visa sa batas ng imigrasyon ay [Technical Intern Trainee]. Ang nahahawig na visang [Trainee] naman, hindi pinapayagan ang matuto sa pamamagitan ng pagsagawa ng trabaho at pinapayagan na lamang sa mga proyektong sinasagawa ng mga local na pamahalaan, atbp. Ang sumusunod ay ang buod ng sistema ng Tehnical Intern Trainee May dalawang uri ng dayuhang Technical Intern trainee batay sa institusyong kanilang pupuntahan. (1) Ang mga nagsasanay sa mga kompanya: Mga kompanyang Hapon (mga organisasyong nagbibigay ng pagsasanay) na tumatanggap at nagbibigay ng pagsasanay sa kakayahang pang-teknolohiya sa mga empleyado ng mga kompanya, mga kompanyang may kaugnayan o kasosyong kompanya sa ibang bansa (2) Mga nagsasanay sa mga organisasyong namamahala: Mga organisasyong hindi kumikita tulad ng Chamber of Commerce and Industry o mga maliliit na samahan ng mga kumpanya (mga organisasyong namamahala) na tumatanggap ng Technical Intern Trainees na sinasanay sa kanilang mga miyembrong kompanya (mga organisasyong nagbibigay ng pagsasanay). Maliban dito, batay sa uri ng gawaing ginagawa ng mga nagsasanay, ang dalawang uring ito maaaring ihiwalay sa mga nagsasanay sa unang taon at mga nagsasanay sa ika-2 at ika-3 taon. Ang uri ng Technical Intern Trainee visa ay nahihiwalay sa apat na kategoryang ito.

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika · (1) Ang mga nagsasanay sa mga kompanya: Mga kompanyang Hapon (mga organisasyong nagbibigay ng pagsasanay) na tumatanggap at

  • Upload
    others

  • View
    26

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika · (1) Ang mga nagsasanay sa mga kompanya: Mga kompanyang Hapon (mga organisasyong nagbibigay ng pagsasanay) na tumatanggap at

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng E Trabaho at Training

E Trabaho at Training

6 Ang Dayuhang Technical Intern Trainee, [Trainee]

Sa pagbago ng sistema ng mga dayuhang trainee noong Hulyo 1, 2010, at inumpisahan ang sistema para sa

Techical Intern Trainee. Kahit na parehong [Trainee] ang visa, ang mga gawaing pinapayagan bago at pagkatapos

inumpisahan ay lubusang naiiba. Dahil ang mga gawaing pinapayagan sa visang [Technical Intern Trainee] ay

tinanggal sa visang [Trainee], ang mga gawaing pinapayagan sa visang [Trainee] ay limitado na lamang sa halos

may kaugnayan sa pag-aaral sa paaralan.

Ang sistema ng Technical Intern Trainee ay itinatag upang makapagbigay ng kakayahang pang-teknolohiya na

kailangan ng industriya sa mga manggagawa sa dayuhang bansa sa pamamagitan ng pagsanay sa kanila sa

Japan sa isang nakatalagang panahon. Ito ay hindi isang programa upang magbigay ng trabahador. Ang

pangalan ng visa sa batas ng imigrasyon ay [Technical Intern Trainee].

Ang nahahawig na visang [Trainee] naman, hindi pinapayagan ang matuto sa pamamagitan ng pagsagawa ng

trabaho at pinapayagan na lamang sa mga proyektong sinasagawa ng mga local na pamahalaan, atbp.

Ang sumusunod ay ang buod ng sistema ng Tehnical Intern Trainee

May dalawang uri ng dayuhang Technical Intern trainee batay sa institusyong kanilang pupuntahan.

(1) Ang mga nagsasanay sa mga kompanya: Mga kompanyang Hapon (mga organisasyong nagbibigay ng

pagsasanay) na tumatanggap at nagbibigay ng pagsasanay sa kakayahang pang-teknolohiya sa mga

empleyado ng mga kompanya, mga kompanyang may kaugnayan o kasosyong kompanya sa ibang bansa

(2) Mga nagsasanay sa mga organisasyong namamahala: Mga organisasyong hindi kumikita tulad ng Chamber of

Commerce and Industry o mga maliliit na samahan ng mga kumpanya (mga organisasyong namamahala) na

tumatanggap ng Technical Intern Trainees na sinasanay sa kanilang mga miyembrong kompanya (mga

organisasyong nagbibigay ng pagsasanay).

Maliban dito, batay sa uri ng gawaing ginagawa ng mga nagsasanay, ang dalawang uring ito maaaring ihiwalay sa

mga nagsasanay sa unang taon at mga nagsasanay sa ika-2 at ika-3 taon. Ang uri ng Technical Intern Trainee

visa ay nahihiwalay sa apat na kategoryang ito.

Page 2: Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika · (1) Ang mga nagsasanay sa mga kompanya: Mga kompanyang Hapon (mga organisasyong nagbibigay ng pagsasanay) na tumatanggap at

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng E Trabaho at Training

E Trabaho at Training

Unang Taon mula pagpasok sa Japan Ika-2 at ika-3 taon mula pagpasok sa Japan

Nagsasanay sa

kompanya

Uri ng visa

[Technical Intern Trainee No. 1a]

Uri ng visa

[Technical Intern Trainee N0. 2a]

Nagsasanay sa

organisasyong

namamahala

Uri ng visa

[Technical Intern Trainee No. 1b]

Uri ng visa

[Technical Intern Trainee No. 2b]

Ayon sa Japan International Training Cooperation Organization (JITCO), na isang organisasyong

pangkawanggawa na nasa ilalim ng 5 ministrong Ministry of Justice, Ministry of Foreign Affairs, Ministry of Health,

Labor and Welfare, Ministry of Economy, Trade and Industry at Ministry of Land, Infrastructure and Transportation,

ang mga gawain pinapahintulitan sa [Technical Intern Trainee No. 1b] ay ang pag-aaral sa mga organisasyong

namamahala upang makakuha ng kaalaman at ang pagsasanay na may kasunduang pang-trabaho sa mga

nagsasanay na mga kompanyang tumutugon sa sumusunod na mga batayan.

6-1 Mga batayan sa mga organisasyong maaaring tumanggap ng Technical Intern Trainee

Ang mga tumatanggap ng mga organisasyon ay kailangang tumugon sa mga sumusunod.

Mga kailangang batayan para sa mga namamahalang organisasyon.

(1) Ang pagsasanay ay isasagawa pagkatapos makatanggap ng pera, suporta at tagubilin mula sa pambansa o

local na pamahalaan, atbp.

(2) Magsasagawa ng pinansyal na pagsusuri ang isang direktor ng namamahalang organisasyon minsan o higit

pa tuwing 3 buwan.

(3) Dapat may nakalaang programa pangsangguni para sa mga Technical Intern Trainees.

(4) Dapat may nakahandang plano sa pagsasanay para sa mga Technical Intern Trainee No.1.

(5) Sa panahon ng pagsasanay, dapat nagtuturo minsan o higit pa buwan-buwan ang isang tauhan na mataas

ang katayuan sa namamahalang organisasyon sa Technical Intern Trainee No. 1.

(6) Uumpisahan agad ang pag-aaral sa sumusunod na mga aralin (sa silid-aralan o sa trabaho) ng mga

Technical Intern Trainees pagdating nila sa Japan sa loob ng 1/6 o higit pa ng panahon ng kanilang panatili

dito para sa Technical Intern Trainee No. 1b (o sa loob ng 1/12 o higit pa ng panahon ng kanilang pananatili

rito kung sila ay nakapag-aral na ng mahigit 1 buwan o 160 oras bago dumating dito).

a. Wikang Hapon

b. Kaalaman sa araw-araw na pamumuhay sa Japan

c. Kailangang impormasyon upang legal na mapapangalagaan ang Technical Intern Trainees tulad ng

Page 3: Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika · (1) Ang mga nagsasanay sa mga kompanya: Mga kompanyang Hapon (mga organisasyong nagbibigay ng pagsasanay) na tumatanggap at

Impormasyon tungkol sa Pamumuhay sa Iba't-ibang Wika

Bumalik sa TOP ng E Trabaho at Training

E Trabaho at Training

kaalaman sa batas ng imigrasyon, batas ng manggagawa, atbp.

d. Kailangang kaalaman upang mahusay na makakuha ng kakayahan, atbp.

Kailangan din na ang pagtuturo tungkol sa (s) ay isasagawa ng taong may dalubhasang kaalaman.

(7) Other required conditions include: clearly specifying supervision expenses, response for when technical intern

training cannot be continued, the provision of return travel expenses and of accommodation for Technical

Intern Trainees, safeguard measures such as workers’ accident insurance, etc. and determining the reasons

for the disqualification of directors, etc.

Mga kailangang batayan para sa mga organisasyong nagbibigay ng pagsasanay.

(1) Magtakda ng mga guro upang magsanay sa mga technical interns at mga tagapayo sa pang-araw-araw na

buhay.

(2) Maggawa ng tala ng pagsasanay na isinagawa at itago ito ng isang taon o higit pa.

(3) Magbayad sa mga technical intern trainees ng tulad o higit pa sa sahod na ibinibigay sa mga Hapong

empleyado.

(4) Ang iba pang kailangang mga kondisyon ay ang paghanda ng matitirahan ng mga technical intern trainees

habang sila ay naririto, mga hakbang upang sila ay mapangalagaan tulad ng insurance para sa aksidente

pangtrabaho, atbp, at ang pagtiyak ng dahilan kapag may direktor na matatanggal.