Upload
others
View
53
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Palomares | 0
Isang Pagsusuri sa Planong Pangkaunlaran sa Imprastraktura ng Lokal na
Gobyerno ng Meycauayan, Bulacan
Isang Pananaliksik na Isinumite sa Programa ng Pag-aaral Pangkaunlaran ng
Departamento ng Agham Panlipunan, Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Bilang Bahagi ng Katuparan upang Makamit ang Antas ng
Batsilyer sa Sining, Dalubhasa sa Pag-aaral Pangkaunlaran
Ipinasa ni
Janneth Kathleene Concepcion Palomares
2008 – 00928
Propesor Roland G. Simbulan
Tagapayo
Marso 2013
Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Kolehiyo ng Sining at Agham
Departamento ng Agham Panlipunan
Padre Faura, Maynila
Palomares | 1
PAHINA NG PAGPAPATIBAY
Bilang bahagi ng katuparan upang makamit ang antas ng Batsilyer sa Sining, Dalubhasa
sa Pag-aaral Pangkaunlaran, ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Isang Pagsusuri sa
Planong Pangkaunlaran sa Imprastraktura ng Lokal na Gobyerno ng Meycauayan,
Bulacan”, ay inihanda at isinumite ni Janneth Kathleene C. Palomares.
_____________________________
Propesor Roland G. Simbulan
Tagapayo
Departamento ng Agham Panlipunan
Kolehiyo ng Sining at Agham
Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Ang pananaliksik na ito ay tinanggap at pinagtibay bilang bahagi ng katuparan upang
makamit ang antas ng Batsilyer sa Sining, Dalubhasa sa Pag-aaral Pangkaunlaran.
_____________________________
Propesor Carl Marc L. Ramota
Tagapangulo
Departamento ng Agham Panlipunan
Kolehiyo ng Sining at Agham
Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Kolehiyo ng Sining at Agham
Departamento ng Agham Panlipunan
Palomares | 2
PASASALAMAT
Una sa lahat ay sa Panginoong Diyos na patuloy na nagsilbing gabay at inspirasyon sa
akin upang pagtagumpayin ang pananaliksik na ito. Nakakintal sa aking puso at isipan ang
Inyong Pangalan at Kapurihan habang ako ay nabubuhay.
Sa aking mga magulang na sina Jesusito at Jocelyn, tita Marilyn, at sa lahat ng mahal ko
sa buhay na patuloy na nagbigay ng kanilang walang hanggang suporta at tiwala sa aking
kakayahan. Ang inyong walang pasubaling pagmamahal na hindi maaaring pagtularin kanino
man ang nagbigay sa akin ng lakas at inspirasyon upang ibayo pang pagbutihin ang aking pag-
aaral.
Sa aking tagapayo na si Propesor Roland G. Simbulan at sa buong kaguruan ng
Unibersidad ng Pilipinas na nagsilbing gabay, modelo, at inspirasyon sa akin at sa kapwa ko mga
iskolar ng bayan. Nawa‟y hindi kayo magsawa sa paggabay at paghubog sa mga susunod pang
henerasyon ng iskolar para sa bayan.
Sa aking mga kaibigan at kaklase sa loob at labas ng pamantasan, malaking bahagi ng
tagumpay ng pananaliksik na ito ay dahil sa inyo. Isang kayamanan ang apat na taon natin na
pagkakaibigan. Nawa‟y magpatuloy ito hanggang sa ating pagtanda.
Panghuli, sa milyun-milyong mga Pilipino na patuloy na nakikibaka upang tapusin ang
yugto ng pananaig ng mga mapagsamantala sa sistema ng lipunan at sa kanilang patuloy na
pagtaguyod sa nararapat tungo sa mas matatag na kabanata ng kasaysayan. Taos-pusong
pasasalamat at pagpapahalaga sa inyong paninindigan at sakripisyo para sa lipunan.
ISANG MATAAS NA PAGPUPUGAY SA INYO!
Palomares | 3
ABSTRAKTO
Sa panahong ito ng ating kasaysayan, nababakas ang mga krisis na patuloy na
nananalaytay sa sistema ng ekonomiya at lipunan ng bansa. Ang malaking hidwaan sa pagitan ng
mga mahihirap at mayayaman ay isang malinaw na indikasyon na patuloy na nabubuhay ang
mga krisis sa sistema. Patuloy man ang pagbuo ng pamahalaan ng mga programa at polisiya na
tutugon sa mga krisis na ito ay isang malaking palaisipan pa rin sa mamamayang bayan kung
ginagampanan ba ang tunay nitong mga layunin, o nananatili na lamang bilang isang huwad na
pangako na patuloy na nagdudulot na kahirapan sa maraming sektor ng lipunan.
Tunay na malaki ang bahaging ginagampanan ng imprastraktura sa pagpapalago ng
ekonomiya at lipunan ng isang bansa. Isa na ang lungsod ng Meycauayan, Bulacan sa nagtutulak
ng mga programa at polisiya tungo sa matagumpay na pagpapalago ng ekonomiya nito sa tulong
ng imprastraktura. Sa kasamaang palad, mayroon pa ring mga pagkakataon na naisasantabi ang
mga primarya at esenyal na pangangailangan ng maraming Pilipino. Tunay na hindi lamang
dapat natatapos sa pagbuo, pagpapanatili, at pagpapabuti ng mga pisikal na imprastraktura ang
pagpapaunlad ng sektor na ito. Gayon din dapat ang sistemang nakapaloob at kinikilala upang
matamo ang isang patas, moderno, at produktibong kaunlaran para sa lahat.
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin at talakayin ang kasalukuyang sistema at
pagpaplano sa sektor ng imprastraktura, maging ang mga suliranin na humahadlang sa maayos at
epektibong pagpapatupad ng mga ito. Susuriin din ang katotohanan sa likod ng pangako nitong
kaunlaran, maging ang kakayahan ng gobyerno na iahon ang kalagayan ng lipunang Pilipino
mula sa kasalukuyang kalagayan nito. Ayon sa kanila, kaunlaran ang hatid ng imprastraktura.
Maaaring nagsasabi sila ng totoo ngunit ang tanong, kaunlaran ba ito para kanino?
Palomares | 4
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina ng Pagpapatibay 1
Pasasalamat 2
Abstrakto 3
KABANATA I
I. Introduksyon at Paglalahad ng Suliranin 7
II. Paglalahad ng mga Layunin 10
III. Rebyu ng Kaugnay na Literatura 12
IV. Metodo Disenyo ng Pananaliksik
A. Disenyo ng Pananaliksik 16
B. Populasyon ng Pag-aaral 17
C. Sampling 17
D. Pananaw ng Pananaliksik
a. Teoretikal na Pananaw 18
b. Konseptwal na Pananaw 19
c. Depinisyon ng mga Baryabol 19
d. Mga Instrumentong Gagamitin 20
e. Plano sa Pagkalap ng mga Datos 21
f. Plano sa Pag-aanalisa ng Datos 22
E. Saklaw at Limitasyon 22
V. Kahalagahan ng Pag-aaral 24
KABANATA II
I. Komprehensibong Pagsusuri sa Imprastraktura 26
A. Ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan 29
a. Maikling Kasaysayan ng Kagawaran 29
b. Rehiyonal na Operasyon ng Kagawaran 31
B. Lokal na Gobyerno ng Meycauayan, Bulacan 32
a. Maikling Kasaysayan ng Meycauayan, Bulacan 35
b. Planong Pangkaunlaran sa Imprastraktura 30
II. Ligal na Batayan ng Mekanismo ng Gobyerno sa Imprastraktura 39
A. Proseso ng Badyet 40
B. Proseso ng Prokyurment 48
C. Public-Private Partnership o PPP 51
III. Pampublikong Partisipasyon sa Sistema ng Pagpaplano at Pagdedesisyon 55
IV. Tunggalian: Gobyerno at Tao 58
a. Mga Suliranin sa Pagsasagawa ng Planong Pangkaunlaran sa 59
Imprastraktura at Pagtanaw sa Panawagan para sa Institusyonal
at Ligal na Pagbabago
Palomares | 5
KABANATA III
I. Komprehensibong Pagsusuri sa Planong Pangkaunlaran sa 66
Imprastraktura ng Pamahalaan
a. Katangian ng mga Nakapanayam 67
b. Probisyon ng Pampublikong Serbisyo 74
c. Pampublikong Partisipasyon sa Sistema 81
d. Epektibidad at Kahusayan ng Lokal na Gobyerno 88
ng Meycauayan, Bulacan
II. Pagtanaw sa mga Kritisismo at Kaukulang Solusyon ng Pamahalaan 99
a. Maling utilisasyon ng mga pondo at rekurso 101
b. Pagkukulang ng Pampublikong Partisipasyon 102
c. Mababang Kalidad ng Imprastraktura 104
KABANATA IV
I. Konklusyon 108
II. Rekomendasyon 109
Bibliyograpiya 112
Apendiks
I. Mga Katanungan at Transkrip sa Interbyu
A. Kgg. Joan V. Alarilla, Punong Lungsod 115
B. Kgg. Manuel C. Aldaba, Punong Barangay 121
II. Mga Katanungan sa Sarbey 128
III. Opisyal na pulyeto ng Lokal na Gobyerno ng Meycauayan, Bulacan 131
Palomares | 6
| KABANATA I
Palomares | 7
INTRODUKSYON AT PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Sa panahong ito ng ating kasaysayan, nababakas ang tumitinding pagkauhaw ng lipunan
para sa tunay at pantay na kaunlaran. Patuloy ang paghahanap ng daan na tuluyang
makapagpapabangon ng kanilang katayuan sa buhay, pati na rin ang makapagpapayabong sa
kalagayan ng bansa. Ngunit dahil sa pagkatali sa interes ng iilan, at sa pagmomonopolisa‟t
panghihimasok ng mga mapagsamantalang-uri sa pagpaplano at pagdedesisyon para sa lipunan
ay lalong napaparam ang pag-asang makamit ng bansa ang hinahangad nitong tunay at pantay na
kaunlaran.
Sa paglipas ng maraming taon, ang Pilipinas ay sinasabing nakararanas ng kapuwa tunay
at di-tunay na kaunlaran. Malaki ang posibilidad ng bansa na maranasan ng ganap ang tunay na
kaunlaran ngunit dahil sa patuloy na pagkabigo ng gobyerno na makapaglatag ng
komprehensibong mekanismo upang tugunan ang primaryang pangangailangan ng lipunang
Pilipino, humantong sa pagkaatrasado ang kaunlaran ng bansa. Dahil sa baluktot na sistemang ito
na patuloy na namamayani sa ating lipunan, tuluyan nang napag-iwanan ang ekonomiya ng
Pilipinas ng mga karatig nitong bansa.
Ang pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura sa bansa ay kinikilala bilang
isang epektibong behikulo upang makamit ng Pilipinas ang hinahangad nitong kaunlaran.
Bagaman kinikilala ito bilang instrumento sa pag-unlad ay tila bigo pa rin ang bansa na makamit
ang kaunlaran dahil sa umiiral na pagmamalupit at panlilinlang ng mga mapagsamantalang-uri sa
maraming sektor ng lipunan na patuloy na nagsusulong ng kanilang mga karapatan at makataong
interes.
Palomares | 8
Maraming mga problema at suliranin ang humahadlang sa pagsasagawa ng bansa ng
maayos na imprastraktura na layong makatulong sa lipunang Pilipino. Sa pagdaan ng maraming
rehimen at administrasyon, patuloy pa rin itong nagsisilbing hamon sa ating gobyerno. Bagaman
kabi-kabila ang mga nailatag na proyektong pangkaunlaran sa imprastraktura ng mga lumipas na
administrasyon, tuluyan lamang nalulugmok sa kahirapan ang lipunang Pilipino. Bilang isang
bansa na naghahangad ng tunay at pantay na kaunlaran, mahalagang unahin ang kapakanan at
pakinggan ang pangangailangan ng lipunang Pilipino. Sa kasamaang palad, hindi pa rin
naisasakatuparan ang panawagan na ito kung kaya‟t hindi epektibong maisasagawa ang mga
proyekto sa imprastraktura na sana‟y maghahatid ng kaunlaran sa lipunan.
Kasabay ng paglipas ng panahon ang pagdami ng mga proyektong ito. Ngunit dahil sa
kakaunting kaunlaran na hatid nito sa lipunang Pilipino, malaki ang pangangailangan na suriin
ang mekanismo at plano ng pamahalaan sa pagtaguyod ng kaunlaran sa bansa. Malaking
palaisipan sa lipunan kung may sapat bang kakayahan ang gobyerno na makapagbigay ng tunay
at pantay na kaunlaran sa tulong ng mga proyekto at programang itinataguyod nito. Ito ba ay
sapat at nauukol sa pabago-bagong panahon at kondisyon ng lipunan o patuloy na magiging
dahilan sa pagkaatrasado nito? Maraming mga mamamayan mula sa iba‟t ibang sektor ang
patuloy na nakikiisa sa pagsulong sa interes ng lipunang Pilipino. Malaki ang pagkukulang sa
konsultasyon sa publiko kung kaya‟t hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na ipaabot ang
kanilang mga tunay at pangunahing pangangailangan tungo sa pagpapabuti ng kanilang
kalagayan.
Ang konsultasyon sa publiko ay isang makapangyarihang instrumento upang makamit ng
bansa ang tunay na kaunlaran. Ngunit may mga pagkakataon na gobyerno lamang ang may
kapangyarihang kontrolin ang ilang mga isyu sa lipunan. Sa kontekstong ito, ang pag-aaral na ito
Palomares | 9
ay susubukang suriin at talakayin ang kasalukuyang sistema at pagpaplano ng imprastraktura sa
komunidad, maging ang mga suliranin na humahadlang sa maayos at epektibong pagpapatupad
ng mga ito. Susuriin din ang katotohanan sa likod ng pangako nitong kaunlaran, maging ang
kakayahan ng gobyerno na iahon ang kalagayan ng mga nasa laylayan ng lipunan kung saan sila
ang tinitingala at inaasahang magdadala sa kanila tungo sa tunay at pantay na kaunlaran.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang mga proyektong pangkaunlaran na ito ay dapat
tumutugon sa primaryang pangangailangan at hangarin ng lipunan. Hindi dapat masumpungan
ang pagpapaigting ng makasariling interes ng mga naghaharing-uri kung saan ang kakaunti
lamang ang nakikinabang habang ang marami ay patuloy na nalulugmok at nilalamon ng
kahirapan. Tunay na isang napakabigat na pasanin nito sa lipunan kung tahasang lalabagin ang
mga pangunahing pangangailangan ng lipunan at kung hindi nito gagampanan ang tunay nitong
mga layunin. Mahalaga ang gampanin ng pag-aaral na ito upang tugunan ang kakulangan ng
pampublikong kamalayan tungkol sa isyu ng atrasadong kaunlaran sa Pilipinas at upang bigyan
ng boses ang mga napipi ng sistema.
Palomares | 10
PAGLALAHAD NG MGA LAYUNIN
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga hakbang at proseso sa pagpaplano ng mga
proyektong pangkaunlaran sa imprastraktura at ang mga epekto nito sa kasalukuyan at hinaharap.
Susuriin din ang hangganan ng partisipasyon ng mamamayang Pilipino sa sistema, maging ang
pagkilala ng gobyerno sa inilalagak nilang partisipasyon. Iimbestigahan din ang mga salik na
nakakaapekto at nakaka-impluwensya sa mekanismong ito, maging ang mga pagkukulang at
walang-kaayusang mga salik na nakapaloob dito gamit ang sitwasyon ng lokal na gobyerno ng
Meycauayan sa lalawigan ng Bulacan.
Ilan sa mga tiyak na layunin ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:
1. Upang alamin ang kasalukuyang mekanismo ng gobyerno sa pagpaplano at
pagdedesisyon para sa mga proyektong pangkaunlaran sa imprastraktura
a. Upang suriin ang kasalukuyang proseso at hakbangin ng gobyerno
mula sa pagpaplano hanggang sa implementasyon
b. Upang pag-aralan ang alokasyon ng badyet para sa pagpapaunlad ng
imprastraktura at sa bawat proyektong nakapaloob dito
c. Upang imbestigahan ang mga salik na nagbibigay impluwensya sa
mekanismong ito
2. Upang suriin ang partisipasyon ng lipunan sa pagpaplano at pagdedesisyon
para sa mga proyektong pangkaunlaran sa imprastraktura
a. Upang suriin ang antas ng partisipasyong ito at kung papaano
kinikilala ng gobyerno ang partisipasyong ito
Palomares | 11
b. Upang imbestigahan ang relasyon o epekto ng mga proyektong ito sa
lipunan
c. Upang ihayag ang mga salik na humahadlang sa lipunan upang lubos
na makapagbigay ng partisipasyon sa pagpaplano hanggang sa
implementasyon nito
3. Upang ihayag ang tunggalian sa pagitan ng lipunan at ng gobyerno sa
pagpaplano at pagdedesisyon para sa lipunan
4. Upang makapagbigay ng kasagutan o alternatibo para sa namamayagpag na
mekanismo sa pagpaplano at pagdedesisyon ng mga proyektong
pangkaunlaran sa imprastraktura
a. Upang ihayag at bigyang-solusyon ang mababang kalidad at ilan pang
mga pagkukulang sa imprastraktura sa bansa partikular na sa
Meycauayan sa lalawigan ng Bulacan
5. Upang makapag-ambag at ibayong paigtingin ang panlipunang kamulatan sa
isyu ng kaunlaran sa bansa
Palomares | 12
REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA
Sa paglipas ng panahon, ang isyu ng kaunlaran sa Pilipinas ay bahagi na ng
napakaraming talakayan at pag-aaral sa bansa, maging sa buong mundo. Sa kabila ng
napakaraming proyektong pangkaunlaran na inilatag ng gobyerno, palaisipan pa rin kung tunay
ba na para sa kaunlaran ng lipunan ang pagmumungkahi at pagpapatupad ng mga ito.
Ayon kay Washington Sycip, ang pagpapaunlad ng imprastraktura sa bansa ang
nananatiling pinakamahusay na daan upang lutasin ang kahirapan sa lipunan.1 Sinuportahan ito
ni Arjun Thapan, opisyal ng Departamento ng Timog-Silangang Asya ng Asian Development
Bank (ADB), at sinabing mahalaga ang papel ng imprastraktura sa bansa upang mapanatili itong
produktibo at episyente.2 Ilan lamang ang mga ito sa napakaraming pag-aaral na sinuportahan
ang pagpapaunlad ng imprastraktura bilang isang epektibong behikulo at instrumento sa
pagkamit ng isang bansa ng tunay at pantay na kaunlaran. Sa kabila ng mga positibong pagtingin
sa pagpapaunlad ng imprastraktura, marami pa rin ang mga problema na humahadlang sa
tuluyang pagsasagawa ng maayos at episyenteng imprastraktura sa bansa.
Ayon sa Social Conflict theory ni Karl Marx, nahahati ang lipunan sa dalawang klase na
may magkakaibang dami ng materyal at di-materyal na rekurso. Ito ang mga naghaharing-uri at
ang mga mahihirap na kung saan ang mas makapangyarihang grupo ay walang-habas na
ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang pagsamantalahan ang mga indibidwal o grupong
walang pinanghahawakan na kapangyarihan. Ang dalawang panig na ito ay patuloy na
nakararanas ng kontradiksyon sa kanilang mga interes at nagkakaroon ng hindi pagkakaisa sa
1 Go, Marianne V. (2007, May 5). USAID official says RP needs to spend more for infrastructure. Kinuha noong
ika-16 ng Oktubre 2012, mula sa The Philippine Star: http://www.philstar.com 2 RP urged to increase effective infrastrucutre spending. (2009, April 20). Kinuha noong ika-15 ng Oktubre 2012,
mula sa The Philippine Star: http://www.philstar.com
Palomares | 13
kanilang mga layunin.3
Sa kasalukuyan, maihahalintulad ito sa malaking pagkakaiba ng
prayoridad at hidwaan sa pagitan ng gobyerno at ng mga nasasakupan nito. Ang kontradiksyong
ito ay maaaring bunga ng mga panlabas at panloob na salik tulad na lamang ng mga lokal na
naghaharing-uri at iba pa. Dahil dito, malaki ang posibilidad na ang pagsasagawa ng mga
proyektong pangkaunlaran sa bansa ay may pinapaboran at pinoprotektahang panig o sektor.
Ayon kay Albert Waterston, ang pagpaplano ay binubuo upang maabot o makuha ang
mga primarya at espesyal na pangangailangan ng mga tao. Pauunlarin din ng tamang pagpaplano
ang atrasadong antas ng ekonomiya ng isang rehiyon, maging ng isang bansa. Makakamit
lamang ng lipunan ang satispaksyon at kaunlaran kung maayos ang paggamit ng mga papaubos
na o kakaunti nang rekurso sa bansa. Mahalaga ang pagpaplano sa pagpapaunlad ng mga rehiyon
dahil magsisilbi din itong daan upang makamit ang nasyunal na kaunlaran ng isang bansa. Kung
ang pagpaplano ay dalubhasang gagawin, maaari nitong pag-isahin ang mga nasasakupan nito na
may iba‟t ibang interes upang bumuo ng mga plano na para sa kapakinabangan ng lahat.4
Kung ating susuriin, ang bilang at kalidad ng imprastraktura sa bansa ay bigo sa
pakikipagsabayan sa lumalaking pangangailangan ng lipunan.5 Nananatili bilang isang mahinang
sektor ang imprastraktura sa bansa at hindi nito nagagampanan ang layunin nitong maging
behikulo tungo sa tunay at pantay na kaunlaran. Ayon sa binuong artikulo na pinamagatang
Blueprint for a Viable Philippines, dahil sa kasalukuyang pagbaba ng kalidad ng pampublikong
imprastraktura sa bansa, ang pagiging atrasado ng kaunlaran ay agarang makikita dahil sa
nakakalungkot na estado ng sistema ng transportasyon, konstruksiyon, at iba pa. Kung walang
matatag at sustenableng programa upang i-modernisa ang imprastraktura, hindi kailanman
3 Galtung, Johan (1971) Defining Conflict of Interest
4 Waterston, Albert (1965). Development Planning: Lessons of Experience. USA: The John Hopkins Press
5 Infrastructure in Philippines (2008). Kinuha noong ika-16 ng Oktubre 2012, mula sa Trade Chakra:
http://tradechakra.com
Palomares | 14
makakamit ng bansa ang hinahangad nitong kaunlaran. Upang maresolba ang problema sa
imprastraktura, kinakailangan na ang mga opisyal ng gobyerno ay magkaroon ng „transparency’
at „accountability’.6 Maaari itong maisagawa sa mga paraan tulad ng pagkakaroon ng regular na
pagpupulong ng mga kinauukulan upang makapag-ulat ng mga nagawang proyekto at programa
ng kani-kanilang mga tanggapan at mapag-usapanan ang mga suliraning kinakaharap ng
komunidad at estado ng ginagawang karampatang solusyon para rito. Gayun din ang pagbabago
ng sistema ng gobyerno sa bidding o tawaran na dapat ay nakabase sa “longest warranty period”
o pangmatagalang kalidad at pananagutan sa halip na “lowest bid” o pinakamababang presyo, at
marami pang iba.7 Tunay na malaki ang pagkukulang ng kasalukuyang estado at dami ng
imprastraktura sa bansa kung kaya‟t malaki ang pangangailangan para sa higit na pagpapaunlad
ng mga ito.
Ayon sa Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, reresolbahin ng kaniyang
administrasyon ang mga problema at pagkukulang sa imprastraktura sa bansa. Dagdag pa niya,
ang pagbabago ay hindi lamang naaayon sa pansariling-interes o pakinabang ng iilan, kung hindi
ayon sa isang malinaw at maayos na sistema.8 Kung maisasakatuparan ang pangakong ito,
maisasaayos ang kalidad ng imprastraktura sa bansa at makikinabang ang maraming sektor ng
lipunan. Bukod pa dito, ang pagsasagawa ng mas mataas na kalidad na imprastraktura sa bansa
ay maaaring magresulta sa isang sustenableng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.9
6 Nemenzo, F., Constantino Jr., R., David, R., Posadas, R., Serrano, I., & Raquiza, M. V. Blueprint for a Viable
Philippines. Kinuha noong ika-15 ng Oktubre 2012, mula sa The PCIJ Blog: pcij.org/blog/wp-docs/Blueprint.pdf 7 Nemenzo, F., Constantino Jr., R., David, R., Posadas, R., Serrano, I., & Raquiza, M. V. Blueprint for a Viable
Philippines. Kinuha noong ika-15 ng Oktubre 2012, mula sa The PCIJ Blog: pcij.org/blog/wp-docs/Blueprint.pdf 8 Boncocan, Karen (2012, July 23). Aquino vows to step up infrastructure development. Kinuha noong October 16,
2012, mula sa Inquirer News: http://inquirer.net 9 Jin, Zhong (2011, February 10). The Philippines in 2011: All Eyes on Infrastructure Investment and Inflation.
Kinuha noong ika-16 ng Oktubre 2012, mula sa Seeking Alpha: http://www.seekingalpha.com
Palomares | 15
Kung ating susuriin, malaking bahagi ng kalupaan sa Pilipinas ay mga lupang
agrikultural. Ngunit dahil sa mga proyektong pangkaunlaran na nakasentro lamang sa
industriyalisasyon, naisantabi ang pangangailangan na paunlarin ang mga lupang agrikultural sa
bansa. Nagdulot ito ng kahirapan sa lipunan at ang pinaniniwalaang puno‟t dulo nito ay ang
hindi maayos na utilisasyon ng mga rekurso na dapat sana‟y ayon sa pangangailangan ng mga
mamamayan.10
Sa kasalukuyang panahon, ang mga proyektong pangkaunlaran, maging ang mga
programa‟t polisiya ay kapuwa binubuo at ipinapatupad nang hindi nabibigyang-pansin ang mga
pangunahing pangangailangan ng lipunan. Dahil dito, mahalaga na magkaroon ng partisipasyon
ang publiko upang maibahagi ang kanilang tunay na sentimyento at pangangailangan.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang kahalagahan ng partisipasyon ng publiko mula sa
pagbuo ng mga desisyon hanggang sa implementasyon ng mga proyekto na nakalaan para sa
kaunlaran ng lipunan. Ayon sa mga pag-aaral, ang partisipasyon ng publiko ay isang proseso na
nakapagbibigay ng pagkakataon sa mga pribadong indibidwal na maimpluwensyahan ang
pampublikong pagdedesisyon. Matagal na rin itong kinikilala bilang isang bahagi ng
makademokratikong proseso sa paggawa ng desisyon para sa lipunan. Samakatuwid, ang
pakikilahok ng publiko ay nagsisilbing daan upang magkaroon ng katiyakan na ang mga
mamamayan ay may direktang boses sa sistema.11
Kung maisasakatuparan ang pagkakaroon at
pagkilala sa buong partisipasyon ng publiko ay maaari itong magbunga ng seguridad upang
maiwasan ang kapahamakan ng maraming buhay at kalikasan, maging ang pagkaaksaya ng mga
papaunti nang rekurso sa lipunan.12
10
Ibon Facts and Figures (1991, August 15). Resource Utilization 11
University of Oregon. (2003, October 21). Planning Analysis: The Theory of Citizen Participation. Kinuha noong
ika-16 ng Oktubre 2012, mula sa University of Oregon: pages.uoregon.edu/rgp/PPPM613/class10theory.htm 12
Balagot B. (1994). Strengthening Environmental Impact Assessment Capacity in Asia. A Case Study on the
Philippine System. Laguna: Delos Reyes Printing Press.
Palomares | 16
METODO DISENYO NG PANANALIKSIK
Disenyo ng Pananaliksik
Upang matiyak ang matagumpay na pagsasagawa ng pananaliksik na ito, una ay gumamit
ang mananaliksik ng kwalitatibong disensyo. Nagbigay ito ng pagkakataon sa mananaliksik na
makapagbigay ng makatotohanang deskripsyon ng komunidad na pinag-aaralan, pati na rin ang
mahusay na dokyumentasyon at interpretasyon ng mga sentimyento at opinyon ng mga
mamamayang naninirahan sa lungsod. Maihahayag at mapag-aaralan din ang mga plano ng
gobyerno sa pagtugon sa mga pangangailangan ng lipunang Pilipino sa isyu ng imprastraktura.
Magsisilbi din itong daan upang kritikal na masuri ng mananaliksik ang kaayusan, maging ang
mga pagkukulang ng mga proyekto at ng mekanismong kinikilala nito. Naging daan din ito
upang masuri ang mga salik na nakakaapekto o nagbibigay impluwensya sa sistema. Tinipon at
kinolekta ang mga datos na nagtatalakay sa kasalukuyang sitwasyon, kalagayan, at karanasan ng
populasyon na direktang apektado o nasa lugar na napaglagakan ng mga proyektong
pangkaunlaran sa imprastraktura upang magsilbing sandigan ng isinasagawang pananaliksik.
Ang mga datos na ito ay nilikom sa pamamagitan ng pagmamasid, interbyu, at iba pa.
Pangalawa, gumamit ang mananaliksik ng kwantitatibong disenyo sa pananaliksik upang
tipunin at kolektahin ang mga mahahalagang impormasyon na magsisilbing gabay at suporta sa
mga nakalap na kwalitatibong datos. Ito ay sa pamamagitan ng mga isinagawang sarbey at iba
pang kwantitatibong instrumento sa pag-aaral. Ang hakbang na ito ay magsisilbing balidasyon sa
mga datos na nakalap mula sa lipunan.
Palomares | 17
Populasyon ng Pag-aaral
Ang populasyon ng pag-aaral ay kinabibilangan ng isa sa tatlong kagawaran ng
pamahalaan na responsable sa pagbuo, probisyon, at pagpapatupad ng mga proyektong
pangkaunlaran sa imprastraktura sa bansa. Ang napiling kagawaran ng mananaliksik ay ang
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan o mas kilala bilang Department of Public Works
and Highways (DPWH). Mayroon din na mga kinatawan ng pamahalaan ang personal na
nakapanayam sa pag-aaral na ito upang makapag-ambag ng mas malalim na pagtatalakay ukol sa
isyu. Kinabibilangan din ang populasyon ng mga piling mamamayan mula sa Meycauayan,
kapuwa babae at lalake. Sinasaklaw ng populasyon na ito ang mga manggagawa, propesyunal,
opisyal ng gobyerno, at ilan pang iba na makikilahok sa mga gagawing interbyu at sarbey.
Sampling
Para sa sampling ng mga nakapanayam na populasyon, ginamit ang random stratified at
purposive na uri ng sampling. Ang ganitong uri ng sampling ay magbibigay ng pagkakataon sa
lahat ng residente ng Meycauayan, Bulacan na makapaglagak ng partisipasyon sa ginawang pag-
aaral. Ang mga nakapanayam sa sarbey ay malayang pinili ng mananaliksik at ikinategorya ayon
sa edad, sekswalidad, katayuan sa buhay¸ at iba pa. Ang mga nakapanayam naman sa mga
isinagawang interbyu ay mga piling eksperto o grupo sa larangan ng panlipunang kaunlaran tulad
ng mga propesyunal, opisyal ng gobyerno, at ilan pang kinatawan ng pamahalaan.
Palomares | 18
Pananaw ng Pananaliksik
Teoretikal na Pananaw
Upang magkaroon ng mas komprehensibong pang-unawa sa isyung tinatalakay, ginamit
o sinundan ang istorikal na materyalismo ni Karl Marx. Kinikilala nito ang katotohanan na ang
lahat ng kaganapan sa lipunan, kapuwa mula sa nakaraan at kasalukuyan, ay magkakaugnay.
Ayon dito, hindi maipapaliwanag ang kasalukuyan kung hindi susuriin ang nakaraan o ang ugat
at pinanggalingan nito. Sa madaling salita, esensyal na siyasating mabuti ang mga nakaraang
pangyayari upang lubos na maintindihan ang kasalukuyan. Kinikilala din nito na ang pagbabago
sa lipunan ay nangyayari dahil sa eksistensiya ng tunggalian sa pagitan ng iba‟t ibang klase sa
lipunan. Hindi maipagkakaila na ang ganitong tunggalian ay hayag sa kasalukuyang panahon.
Makikita ang tunggaliang ito sa pagitan ng mahihirap na nakararanas ng pananamantala at
opresyon mula sa mga makapangyarihan, o sa kaso ng pag-aaral na ito, ang gobyerno at ng
lipunang Pilipino.
Sa tulong ng pananaw na ito, sasagutin ang pangangailangan na suriin ang sistema ng
kaunlaran sa Pilipinas. Sa paraang ito ay maiintindihan kung sa anong paraan naaapektuhan ng
tunggaliang ito ang pampublikong serbisyo na ibinibigay ng gobyerno sa publiko, lalo na sa mga
marhinalisado ng kasalukuyang panahon. Bilang panghuli, kinikilala nito na ang tunay na
pagbabago sa lipunan ay maaaring makamtam sa pamamagitan ng masang rebolusyon.
Samakatuwid, nais nitong tanggalin ang puno‟t dulo ng mga problema sa lipunan. Magagamit ito
upang makabuo ng rekomendasyon na makatutulong sa pagresolba ng problemang tinatalakay sa
ginagawang pananaliksik.
Palomares | 19
Konseptwal na Pananaw
Depinisyon ng mga Baryabol
Mekanismo ng Gobyerno – ito ang mga programa at estratehiya ng gobyerno na nagsisilbing
sandigan ng pagpapatupad ng mga ahensya, kawanihan, at kagawarang naatasan para sa
implementasyon ng kanilang mga layunin. Kabilang na dito ang mga kinikilalang polisiya ng
gobyerno, maging ang mga rekursong kinakailangan para sa implementasyon.
Partisipasyon ng Publiko (Public Participation) – ito ang partisipasyon o pakikiisa ng lipunang
Pilipino mula sa pagpaplano hanggang sa implementasyon ng mga programa at estratehiya ng
gobyerno sa imprastraktura.
Planong Pangkaunlaran sa
Imprastraktura
Mekanismo ng Gobyerno sa pagpapatupad ng
mga proyektong pangkaunlaran sa
imprastraktura
Partisipasyon ng Publiko
sa mekanismo ng
gobyerno sa pagpapatupad
ng mga proyektong
pangkaunlaran sa
imprastraktura
Partisipasyon ng
Pribadong Sektor sa
mekanismo ng gobyerno
sa pagpapatupad ng mga
proyektong pangkaunlaran
sa imprastraktura
Palomares | 20
Partisipasyon ng Pribadong Sektor (Private Sector Participation) - ito ang partisipasyon o
pakikiisa ng mga pribadong sektor, tulad ng mga makapangyarihan at naghaharing-uri, mula sa
pagpaplano hanggang sa implementasyon ng mga programa o estratehiya ng gobyerno sa
imprastraktura. Halimbawa, ang panghihimasok ng programa na Public-Private Partnership o
PPP sa mga planong pangkaunlaran sa imprastraktura.
Planong Pangkaunlaran sa Imprastraktura (Infrastructure Development Plan) – kinikilala ito
bilang isang behikulo o instrumento tungo sa kaunlaran ng isang bansa. Ang probisyon nito ay
mahalaga dahil maaaring makamit ang matagumpay na pagyabong ng ekonomiya ng bansa,
maging ang pagtaas ng kapasidad nito na maging produktibo. 13
Mga Instrumentong Gagamitin
Ang mga instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:
1. Pagsasagawa ng mga interbyu at pangangalap ng mga artikulo at impormasyon mula sa
mga piling ahensya at kagawaran ng gobyerno tulad ng Kagawaran ng Pagawain Bayan
at Lansangan o Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of
Budget and Management (DBM) at ilang mga piling Non-Government Organization
(NGO) tulad ng Social Watch at Procurement Watch.
2. Pakikipanayam at konsultasyon sa mga eksperto sa larangan ng pag-aaral ng lipunan
tulad ng mga propesor, opisyal ng gobyerno, at iba pa.
3. Pagsasagawa ng mga sarbey sa populasyon na direktang apektado ng mga proyektong
pangkaunlaran sa imprastraktura ng gobyerno.
13
Ministerial Conference in Infrastructure, Country Report for the Philippines: Infrastructure and Tourism
Development (PDF)
Palomares | 21
Plano sa Pagkalap ng mga Datos
Ang mga mahahalagang datos at impormasyon ay nilikom gamit ang mga nabanggit na
instrumento sa pananaliksik. Ang mga pangunahing datos ay kinuha sa pamamagitan ng mga
isinagawang sarbey at interbyu sa mga kagawaran at opisina ng pamahalaan, at piling mga
eksperto na mahalaga ang papel sa tagumpay ng binuong pananaliksik. Ang mga ito ay nagmula
sa mga institusyon at kagawaran ng gobyerno, mga NGO, propesor o mga eksperto sa larangan,
at piling mga indibidwal mula sa komunidad. Tinipon at sinuru ng mananaliksik ang kanilang
mga opinyon at sentimyento ukol sa isyu na tinatalakay. Ang mga pumapangalawang datos
naman ay kinuha mula sa mga silid-aklatan o librarya mula sa UP Manila, UP Diliman, at
National Library. Kabilang sa mga materyales na kinailangan mula sa librarya ay ang mga libro,
magasin, diyurnal, at mga artikulo na may kaugnayan sa tema na pinag-aaralan. Ang Provincial
Physical Framework Plan o PPFP14
ay kinuha din mula sa kapitolyo ng Malolos, Bulacan,
maging ang Socio-Economic Profile at Annual Investment Plan ng Meycauayan, Bulacan mula
sa munisipyo ng nabanggit na lungsod. Kinuha din ng mananaliksik ang mga impormasyon mula
sa ilang mga pinagkakatiwalaang websites o pahina sa internet tulad ng Bulatlat, Ibon, at ilan
pang iba.
14
Kinakatawan nito ang konkretong manipestasyon ng kabuuang bisyon ng mga mamamayan ng Bulacan tungo sa
kaunlaran sa susunod na sampung taon. Saklaw nito ang mga proyektong pangkaunlaran para sa ekonomiya,
settlements, imprastraktura, at lupa (Bulacan PPFP Technical Working Group, Provincial Physical Framework Plan)
Palomares | 22
Plano sa Pag-aanalisa ng Datos
Ang mga nakolektang datos ay sinuri sa pamamagitan ng mga teyorya at impormasyon
na nakalap sa pananaliksik. Sa paraang ito ay epektibong masusuri ng mananaliksik ang
kasalukuyang mekanismo ng gobyerno sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran sa
imprastraktura, partikular na sa lungsod ng Meycauayan, Bulacan. Masusuri din ang mga
sentimyento at partisipasyon ng publiko sa sistema, maging ang partisipasyon ng mga
naghaharing-uri sa pagpaplano at implementasyon ng mga proyektong ito. Inilarawan din ang
mga salik na nakakaapekto sa mekanismong kinikilala ng pamahalaan gamit ang mga teyorya
tulad ng istorikal na materyalismo at conflict theory na kapuwa binuo ni Karl Marx. At panghuli,
gumamit ang mananaliksik ng mga tekniko at epektibong instrumento sa pagsusuri ng mga datos
upang mas maging komprehensibo at kritikal ang gagawing pag-aaral.
Saklaw at Limitasyon
Hangad ng pag-aaral na ito na suriin ang tunay na mukha at kalagayan ng kaunlaran sa
Pilipinas sa kabila ng napakaraming bilang ng mga proyektong pangkaunlaran sa iba‟t ibang
bahagi at sektor ng lipunan sa bansa. Upang tugunan ito, sinuri ng mananaliksik ang mga
ahensya ng pamahalaan na responsable sa kasalukuyang estado at kondisyon ng ilang mga
proyektong pangkaunlaran sa imprastraktura at sinuri ang epekto at dulot nitong kaunlaran sa
lipunan. Sinuri din ang partisipasyon ng lipunan at ng mga pribadong sektor sa sistema mula sa
pagbuo ng desisyon at pagpaplano hanggang sa implementasyon ng mga proyektong ito na
patuloy na isinusulong ng mga piling ahensya at kagawaran ng gobyerno.
Ang ginawang pag-aaral ay limitado sa isyu ng pagpapaunlad ng imprastraktura
(infrastructure development) tulad ng transportasyon, komunikasyon, irigasyon, proteksyon sa
Palomares | 23
baha, at ilan pang iba mula sa isang napiling lungsod sa lalawigan ng Bulacan dahil sa limitasyon
sa oras at rekurso. Upang makakalap ng komprehensibong datos at impormasyon na
magrerepresenta sa kabuuan ng populasyon, kinapanayam ng mananaliksik ang isang-daang
(100) residente mula sa kabuuan ng populasyon ng Meycauayan, Bulacan na pinaglagakan ng
ilang mga pangunahing proyektong pangkaunlaran para pag-aralan. Kinabibilangan ang
populasyon na ito ng mga manggagawa, propesyunal, opisyal ng gobyerno, at ilan pang iba.
Sinuri ang epekto ng mga proyektong ito gamit ang kondisyon ng komunidad bago at matapos
ang implementasyon ng mga ito. Ang kanilang kabuhayan, katayuan sa buhay, at iba pang
kinakailangang impormasyon ay inalam, maging ang kanilang mga opinyon, tindig, at
sentimyento ukol sa mga proyektong ito.
Palomares | 24
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Sa isang bansa tulad ng Pilipinas, mahalaga ang pagtalakay at pag-aaral tungkol sa isyu
ng kaunlaran. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang Pilipinas ay nakararanas ng kakulangan sa
kaunlarang para sa masa, kapwa sa ekonomiya at lipunan. Sa paglipas ng maraming taon,
nabuhay ang mga Pilipino ng walang buong kalayaan na maihayag ang kanilang tunay na
saloobin at kagustuhan dahil ang pamumuno at pagdedesisyon ay minomonopolisa ng mga
naghaharing-uri. Halos lahat ng nabigyan ng pagkakataon na mamuno sa ating gobyerno ay
gumagawa ng mga desisyon na ayon lamang sa kanilang pansariling-interes at benepisyo. Hindi
nabibigyan ang lipunan ng karapatang makibahagi sa pagbuo ng mga desisyon na para naman sa
ekonomiya at lipunan. Dahil dito, hindi nabibigyan ng kaukulang solusyon at pansin ang mga
tunay na pangangailangan ng lipunang Pilipino. Isa na dito ang mga pangunahin o batayang
serbisyo tulad ng edukasyon at kalusugan, transportasyon, at marami pang iba. Sa halip na ilaan
ng gobyerno ang pondong para naman talaga sa kaunlaran ng mga serbisyong ito ay ginagamit sa
mga proyektong hindi naman napakikinabangan at lalo pang nagdudulot ng pasakit at kahirapan
sa lipunan, maging ang pagkaatrasado ng kaunlaran sa bansa.
Sa haba ng panahon na pinamunuan tayo ng ganitong istraktura ng gobyerno, kailangan
ng Pilipinas na makawala sa rehas at pamamalakad ng sistemang ito at makabuo ng alternatibo at
solusyon upang ang mga planong ito ay maging makatao at makabayan. Dahil sa kakulangan ng
pagtalakay sa problemang ito, malaki ang magiging ambag ng pag-aaral na ito upang bigyan ng
kamulatan ang lipunan sa tunay na mukha at sitwasyon ng kaunlaran sa bansa. Susuriin nito ang
epektibidad at kahusayan ng mekanismo ng gobyerno at kung ang mga proyektong
pangkaunlaran na inilatag ay tunay na para sa kaunlaran ng masa at ng lipunang Pilipino.
Palomares | 25
| KABANATA II
Palomares | 26
KOMPREHENSIBONG PAGSUSURI SA IMPRASTRAKTURA
Ang kasalukuyang kapanahunan ay namarkahan na ng napakaraming suliranin na naging
balakid upang makamit ng lipunan ang hinahangad nitong tunay at pantay na kaunlaran. Sa
kabila ng mga natatanging rekurso sa bansa na nagbibigay ng napakalaking potensyal dito upang
tugunan ang pangangailangan ng ekonomiya at lipunan ay tila bigo pa rin ang pamahalaan na
magmungkahi at magpatupad ng mga polisiya at programa tungo sa epektibong utilisasyon ng
mga rekursong ito. Sa halip na tunay na matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan
ay tuluyan lamang naisasantabi ang kanilang mga esensyal na pangangailangan na sana‟y mag-
aahon sa kanila mula sa laylayan ng lipunan.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na malaki ang responsibilidad ng pamahalaan na
panatilihin ang katatagan ng ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng sapat na pagtugon sa
pangangailangan ng bawat mamamayan. Ang pamahalaan ang tinitingala ng lipunan at inaasahan
na magdadala sa kanila tungo sa kanilang kaunlaran kaya naman nararapat lamang na maging
prayoridad nito ang pagpapaigting at pagpapahusay ng kanilang pampublikong serbisyo para sa
lipunan. Isa sa mga kinikilala ng pamahalaan bilang isang epektibong behikulo upang makamit
ng Pilipinas ang hinahangad nitong kaunlaran na tuluyang tatapos sa yugto ng paglaganap ng
kahirapan ay ang pagpapaunlad ng sektor ng imprastraktura.
Ayon sa depinisyon ng panglimang seksyon o bahagi ng Republic Act No. 9184 o ang
Government Procurement Reform Act, nakapaloob sa mga proyektong pang-imprastraktura ang
pagbuo, pagpapabuti, pagbabagong-tatag, demolisyon, pagkumpuni, pagpapanumbalik o
pagpapanatili ng mga kalsada at tulay, riles, paliparan, seaports, pasilidad para sa komunikasyon,
bahagi ng sibil na pagawain sa teknolohiyang pang-impormasyon, patubig, pagkontrol ng baha at
Palomares | 27
paagusan, patubig, kalinisan, alkantarilya at sistema ng pamamahala ng basura, proteksyon sa
baybayin, enerhiya at ang pasilidad sa kuryente, pambansang gusali, gusaling paaralan at iba
pang may kaugnayan sa mga proyektong konstruksiyon ng pamahalaan.15
Sa paglipas ng
maraming taon at nagdaang mga administrasyon, marami na ang mga proyektong pang-
imprastraktura ang nabuo at patuloy na binubuo upang tugunan ang layunin nito na ibayong
paunlarin ang ekonomiya at lipunan ng bansa. Sa isang bansa na tulad ng Pilipinas na kabilang sa
pangatlong daigdig, hindi nakapagtataka na ang mga proyektong pangkaunlaran sa
imprastraktura ay higit na kinakailangan upang maiahon ang antas ng ekonomiya at lipunan nito
at upang makipagsabayan sa mga karatig nitong bansa. Magdudulot ito ng mas maayos na
pasilidad pang-imprastraktura at makapagbibigay ng maginhawang pamumuhay at kabuhayan sa
bawat mamamayan na tutugon sa kanilang mga personal na pangangailangan.
Ayon sa mga naitalang pag-aaral sa lipunan, malaki ang ambag ng episyenteng
imprastraktura sa katatagan ng ekonomiya ng isang bansa. Sa pamamagitan ng tiyak at
epektibong utilisasyon ng mga rekurso sa bansa, magreresulta ito sa isang maayos at
sustenableng sistema ng transportasyon, komunikasyon, patubig, kuryente, at iba pang pasilidad
sa imprastraktura na nagsisilbing signo o palatandaan na ang isang bansa ay mayroong
papausbong na ekonomiya at lipunan. Sa kasamaang palad, napakalaki pa rin ng pagkukulang ng
pamahalaan para sa tamang utilisasyon ng mga rekursong ito. Dahil sa pagkukulang na ito ay
kasalukuyang kumakaharap sa isang napakalaking balakid at suliranin ang pag-unlad ng iba‟t
ibang sektor sa lipunan. Upang maiwasan ang malaking kabiguang ito, ang paglunsad ng mga
programa at polisiya para sa pagpapatibay ng katatagan ng bansa, maging ang paglalatag ng
komprehensibong mekanismo upang tugunan ang primaryang pangangailangan ng lipunang
15
RA 9184 “Government Procurement Reform Act”. Kinuha noong Enero 2013 mula sa
http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra2003/ra_9184_2003.html
Palomares | 28
Pilipino ay dapat nakikipagsabayan at umaangkop sa pabago-bagong panahon at sa patuloy na
dumaraming pangangailangan ng pangkabuuang populasyon. Kung hindi agarang matutugunan
ang mga suliraning ito ay maaaring maging sanhi ng hindi pagkakapantay-pantay ng kaunlaran
sa bansa na kung saan tanging iilan lamang ang makikinabang. Tanging mga elitista, politiko,
maging ang mga nanunungkulan at kinatawan ng gobyerno na responsable sa pagsasagawa ng
mga proyektong ito ang makikinabang para sa kanilang personal na pabor.
Dahil sa pagkatali sa interes ng iilan at sa pagmomonopolisa‟t panghihimasok ng mga
mapagsamantalang-uri sa pagpaplano at pagdedesisyon para sa lipunan ay lalong napaparam ang
pag-asang makamit ng bansa ang hinahangad nitong tunay at pantay na kaunlaran. Hindi dapat
masumpungan ang pagpapaigting ng makasariling interes ng mga naghaharing-uri kung saan ang
kakaunti lamang ang nakikinabang habang ang marami ay patuloy na nalulugmok at nilalamon
ng kahirapan.
Tunay na mahalaga ang gampanin ng mga proyektong pangkaunlaran na ito na binubuo
at isinasakatuparan ng pamahalaan sa bansa. Ang epektibo at episyenteng mga proyekto ay
maaaring maghatid ng pagbabago, paglago, at pagpapahusay ng bansa at ng kapakanan ng mga
nasasakupan nito. Ipinapakita sa kabanatang ito na ang sektor ng imprastraktura ay lubhang
mahalaga at hindi dapat isinasantabi at ipinapaubaya sa mga kinatawan na pansariling benepisyo
lamang ang pinapaboran. Sa halip na ang pagbuo at pagpapatupad ng napakarami at kabi-
kabilang mga proyektong pangkaunlaran sa imprastraktura na hindi naman napapakinabangan ng
lahat, ang dapat na unahin ay ang pagpapaunlad ng imprastraktura na higit na tutugon sa mga
primeryang pangangailangan ng lipunan upang maisakatuparan ang pangako nitong matagumpay
na pagtataguyod ng ekonomiya at lipunan para sa mga Pilipino.
Palomares | 29
Ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan o Department of Public Works and
Highways (DPWH) ay isa sa tatlong mga kagawaran o kinatawan ng pamahalaan na
nagsasagawa ng mga pangunahing proyekto sa imprastraktura. Ayon sa mandato nito, kanilang
idinaraos (a) ang pagpaplano ng imprastraktura, tulad ng pambansang kalsada at tulay,
pagkontrol sa baha, mga proyekto para sa sistema ng irigasyon at iba pang pampublikong
gawain, at (b) ang disenyo, konstruksiyon, at pagpapanatili ng mga pambansang kalsada at tulay,
at mga pangunahing sistema sa pagkontrol ng baha. Naatasan din ito na patuloy na bumuo ng
teknolohiya upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng pasilidad pang-imprastraktura at
siguruhin ang pinakamataas na kahusayan at kalidad sa konstruksiyon para sa lahat ng
pampublikong gawain at kalsada. Sa kasalukuyan, ang kagawaran ay responsable para sa
pagpaplano, disenyo, konstruksiyon, at pagpapanatili ng imprastraktura, lalo na ang mga
pambansang kalsada, pagkontrol ng baha, pagpapaunlad ng sistema sa patubig, at iba pang
pampublikong gawain alinsunod sa pambasang mga layunin tungo sa pag-unlad. 16
Maikling Kasaysayan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Ang pagkabuo ng kagawaran sa kasalukuyan nitong istraktura ay sumailalim sa
napakahabang proseso ng ebolusyon na sumaklaw ng halos isang siglo ng makulay at
makabuluhang mga kaganapan sa pagbuo ng batayan para sa pisikal ng pundasyon ng bansa.
Ang kagawarang ito ay itinuturing na kasing-tanda na ng gobyerno ng Pilipinas na
umaabot na ng halos apat na siglo mula pa sa panahon ng kolonya ng Espanya. Nagsimula ito
noong taong 1565 nang ang unang kalsada ay binuo sa pamamagitan ng sapilitang pag-gawa.
16
Department of Public Works and Highways, Mandate and Functions. Kinuha noong Enero 2013 mula sa
http://www.dpwh.gov.ph/about_us/index.htm
Palomares | 30
Pinagdugtong-dugtong ang mga kalsadang ito sa pamamagitan ng pinahusay na sistema ng
transportasyon at linya ng komunikasyon. Habang ang Espanya ay nagpapalawak ng kanilang
kolonya sa mga isla ng bansa, napagpasyahan nilang bumuo ng isang patakarang pang-atraksyon
sa pamamagitan ng pampublikong konstruksiyon. Upang ituloy ang kanilang layunin, itinalaga
ng hari ng Espanya ang isang Gobernador Heneral sa bansa bilang hepe o puno ng pampublikong
gawain na gagabayan ng isang “Junta Consultiva” sa pamamagitan ng Royal Degree noong
taong 1867.
Noong taong 1868, isinaayos sa ilalim ng isang sibil na inhinyero, na kinikilala noon
bilang Direktor Heneral, ang Bureau of Public Works and Highways (Obras Publicas) at Bureau
of Communications and Transportation (Communicationers y Meteologia).
Mula noon, ang kagawaran ay sumailalim sa iba‟t ibang yugto ng pag-unlad at ebolusyon
na malaki ang naging pagsandig sa mga pagbabago sa gobyerno, sa mga patakaran ng
administrasyon, at ang reorganisasyon o pagbabago sa istraktura, kaayusan, at responsibilidad
nito upang umangkop sa mga pangangailangan ng panahon. Sa huli, pagkalipas ng mahabang
proseso ng ebolusyon at sa pamamagitan ng Executive Order no. 124 na may petsang ika-30 ng
Enero taong 1987, ang ahensya ay kinikilala na ngayon bilang Department of Public Works and
Highways na may limang (5) kawanihan o bureaus, anim (6) na serbisyo, labing-anim (16) na
rehiyonal na mga serbisyo at isang-daan at walong (108) opisina ng distrito ng pag-iinhinyero.17
17
Department of Public Works and Highways, Brief History. Kinuha noong Enero 2013 mula sa
http://www.dpwh.gov.ph/about_us/brief_history.htm
Palomares | 31
Rehiyonal na Operasyon ng Kagawaran
Tungkulin ng kagawaran na makapaglagak at pamahalaan ang kalidad ng pasilidad at
pampublikong serbisyo sa imprastraktura na tumutugon sa pangangailangan ng lipunang Pilipino
upang makamit ang pambansang layunin tungo sa pag-unlad.18
Upang maisakatuparan ang
layuning ito sa bawat rehiyon ng bansa ay mayroong mga kinatawan ang kagawaran na
responsable sa mga operasyong pang-imprastraktura sa bawat rehiyon ng Pilipinas. Mayroong
labing anim (16) na rehiyonal na opisina at isang-daan at walumpu‟t dalawa (182) na opisinang
pang-distrito na matatagpuan sa Luzon, Visayas, at Mindanao upang makapag-abot ang
kagawaran ng serbisyo kahit saan mang panig ng bansa.
Para sa distribusyon ng tungkulin sa ilaim ng kagawaran, ilalarawan ito sa tayahin 2.1.
Pinagmulan:www.dpwh.gov.ph/about_us/org_chart/index.htm
TAYAHIN 2.1 Organizational Chart ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
18
Department of Public Works and Highways, Mission. Kinuha noong Enero 2013 mula sa
http://www.dpwh.gov.ph/about_us/mission_vision.htm
Palomares | 32
Lokal na Gobyerno ng Meycauayan, Bulacan
Ang lalawigan ng Bulacan ay nahahati sa dalawang opisinang pang-distrito: Bulacan 1st
Engineering District at Bulacan 2nd
Engineering District. Ang Meycauayan, Bulacan ay nasa
ilalim ng pamamahala ng Bulacan 2nd
Engineering District Office sa pamumuno ng District
Engineer na si Erelina B. Santos at Assistant District Engineer Gene S. Leano.19
Nasa ilalim din
ng opisinang pang-distritong ito ang mga karatig nitong lungsod at munisipalidad tulad ng
Marilao, Bocaue, Sta.Maria, San Rafael, San Miguel, San Jose del Monte, Obando, Angat, at
Norzagaray.
Para sa opisyal na selyo at mapa ng Meycauayan Bulacan, ilalarawan ito sa tayahin 2.2.
Pinagmulan: Socio-Economic Profile ng Meycauayan, Bulacan (selyo)
http://en.wikipedia.org/wiki/Meycauayan (mapa)
TAYAHIN 2.2 Opisyal na Selyo at Mapa ng Meycauayan, Bulacan
Ang Meycauayan, Bulacan ay kinikilala bilang isa sa mga sentro ng kalakalan ng
lalawigan ng Bulacan na naghahatid ng serbisyo sa mga karatig nitong lungsod tulad ng Marilao,
Sta. Maria, San Jose del Monte, Obando, at sa ilang bahagi ng Valenzuela. Nagsisilbi din itong
19
Department of Public Works and Highways. Region III Directory. Kinuha noong Enero 2013 mula sa
http://www.dpwh.gov.ph/offices/region/03/directory.asp
Palomares | 33
lunsuran ng pagpapalawak dahil sa kalapitan nito sa Maynila. Matatagpuan dito ang ilang mga
pangunahing industriya tulad ng pagmamanupaktura at serbisyo sa alahas at balat o leather,
gusaling pangkomersiyal, institusyon, at ilan pang iba 20
Dahil dito, isa sa pinaglalaanan ng
pansin at atensyon ng lokal na gobyerno ng Meycauayan ay ang pagpapaunlad ng sektor ng
imprastraktura nito. Sa pamamagitan nito ay ibayo pang pauunlarin ang ekonomiya at lipunan ng
lungsod at tuluyan nang makikipagsabayan sa pag-unlad ng mga karatig nitong lalawigan.
Para sa opisyal na listahan ng mga barangay na matatagpuan sa Meycauayan, Bulacan,
ilalarawan ito sa talahanayan 2.1.
TALAHANAYAN 2.1 Listahan ng mga opisyal na Barangay sa Meycauayan, Bulacan
BARANGAY
Bagbaguin Hulo Pajo
Bahay Pare Iba Pantoc
Bancal Langka Poblacion
Banga Lawa Saluysoy
Bayugo Libtong Sto. Nino Perez
Caingin Liputan Tugatog
Calvario Longos Ubihan
Camalig Malhacan Zamora
Gasak St.Francis Pandayan KABUUANG
BILANG
26
Pinagmulan: Socio-Economic Profile ng Meycauayan, Bulacan
20
Magtungo sa Apendiks para sa kopya ng opisyal na pulyeto ng Lokal na Gobyerno ng Meycauayan, Bulacan
Palomares | 34
Maikling Kasaysayan ng Meycauayan, Bulacan
Ang pangalan ng Meycauayan ay hinango mula sa tagalong na salitang „may kawayan‟
dahil natagpuan sa lugar na ito ang napakaraming bilang ng malalaking kawayan. Natuklasan
ang lugar na ito noong taong 1578 ng mga Katolikong misyonaryo. Ayon sa mga lokal na
tradisyon, ang mga prayle na sina Juan de Placensia at Diego Oropesa ang tinutukoy na founding
fathers ng parokya at ng lugar na kung saan kanilang binuo ang unang simbahan na gawa sa atip
ng nipa at kawayan na kanilang inalay sa kanilang Nuestro Padre Senor San Francisco de Assisi
na sa kasalukuyan ay pinangalanan nang Barangay Bahay Pari.
Dahil sa ang bagong naitaguyod na lungsod ay patuloy na nakararanas ng pag-atake mula
sa mga aeta, ang lungsod ay inilipat sa lugar na kinilala noon bilang „Lagolo‟ (matatagpuan sa
pagitan ng Barangay Banga at Barangay Caingin). Hindi naging maganda ang pakikitungo ng
mga Lagolo sa mga panahong iyon kung kaya‟t ang sentro ng lungsod ay muling inilipat sa
Barangay Poblacion na kung saan ang simbahan ng St. Francis of Assisi ay nananatiling
nakatayo.
Ang Meycauayan ay kinilala noon bilang isa sa pinakamalaking munisipalidad sa
lalawigan ng Bulacan. Ang mga lungsod ng San Jose del Monte, Bocaue, Marilao, Valenzuela,
Obando, Sta. Maria, at Pandi ay bahagi ng pulitikal na hurisdiksyon o nasasakupan ng
munisipalidad noong unang panahon.
Noong ika-5 ng Marso taong 2001, ang munisipalidad ay idineklara bilang isang
component city sa pamamagitan ng Republic Act 9021, ngunit ang kombersyong ito ay
tinanggihan. Noong taong 2005, ang munisipyo ng Meycauayan ay inilipat mula sa Barangay
Poblacion tungo sa panibagong istraktura sa Barangay Camalig. Sa kasalukuyan, ang dating
Palomares | 35
munisipyo ay binubuo na bilang isang city trial court at opisina ng Bureau of Internal Revenue o
BIR.
Noong ika-10 ng Disyembre taong 2006, sa pamamagitan ng Republic Act 9356,
pinagtibay ng mga botante ng Meycauayan ang kombersyon nito bilang isang component city ng
Bulacan sa pamamagitan ng isa pang plebisito. Ang Meycauayan ang pangatlo sa naging lungsod
ng Bulacan kasama ng San Jose del Monte at Malolos. Sa kasalukuyan, ang lungsod ng
Meycauayan ay isa nang component city ng lalawigan ng Bulacan.21
Planong Pangkaunlaran sa Imprastraktura ng Lokal na Gobyerno ng Meycauayan
Isa ang Meycauayan, Bulacan sa patuloy na nagtutulak ng mga polisiya at programa
tungo sa pagpapabuti ng kondisyon ng lipunan at ekonomiya nito. Isa rin sa mga layunin ng lokal
na gobyerno ng lalawigan ang mapahusay ang kakayahan ng mga empleyado at kinatawan ng
pamahalaan na makapagbigay ng mahusay at tapat na pampublikong serbisyo. Ngunit isang
malaking usapin pa rin sa lipunan kung sapat nga ba ang mga programa at polisiyang inilalatag
ng kasalukuyang administrasyon, maging ang kanilang mga prayoridad para sa bayan.
Ayon sa tala ng National Statistics Office (NSO) noong 2007, ang Meycauayan ay may
naitalang kabuuang populasyon na 196,569.22
Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga
residenteng namamalagi rito, lumalawak rin ang antas ng pangangailangan ng lipunan para sa
pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya nito. Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay
maraming pisikal na proyekto ang naipatupad at ipapatupad pa sa hinaharap. Ilan sa mga
prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ay (1) pagpapasemento ng mga sirang kalsada; (2)
21
Meycauayan, Bulacan Official Brochure, Brief Historical Background of Meycauayan. (Tignan ang Apendiks) 22
Socio-Economic Profile of Meycauayan, Bulacan
Palomares | 36
pagsasaayos ng mga daluyan ng tubig; at (3) pasilidad ng mga paaralan.23
Tunay na
napakalaking tulong at kaginhawahan ang hatid ng mga proyektong ito sa mga residente ng
Meycauayan kung tunay man na natutugunan ang mga prayoridad na ito ng kasalukuyang
administrasyon. Ang pagpapataas at pagpapasemento ng mga kalsada sa mga Barangay na
matinding sinasalanta ng mga pagbabaha tuwing may mga kalamidad ay maghahatid ng ginhawa
sa mga residente upang tuluyan nang maiwasan ang mas higit pang sakuna sa mga susunod na
pagragasa ng mga kalamidad. Ang pagsasaayos naman ng mga padaluyan ng tubig ay
makakatulong sa mas mabilis na paghupa ng tubig baha pati na rin ang pag-iwas sa pagkalat ng
mga sakit tulad ng Dengue at iba pa. Ang pagsasaayos naman ng mga baradong kanal o estero ay
magdudulot ng mas kaaya-aya at malinis na kalunsuran. Ang pagsasaayos naman ng mga
pasilidad ng paaralan ay magbibigay ng mas malaking pagkakataon sa mga estudyanteng higit na
palawakin ang kanilang potensyal at kakayahan upang matuto at magtagumpay sa kanilang pag-
aaral ng may kalinisan at kaayusan.
Para sa listahan ng mga proyekto ng kasalukuyang administrasyon ng Lokal na Gobyerno
ng Meycauayan, Bulacan para sa taong 2013, ilalarawan ng talahanayan 2.2 ang Opisyal na
Annual Investment Program ng Lungsod.
23
Magtungo sa Apendiks para sa buong detalye ng mga katanungan at kaukulang kasagutan sa interbyu kay Kgg.
Punong Lungsod Joan V. Alarilla ng Meycauayan, Bulacan
Palomares | 37
TALAHANAYAN 2.2 Annual Investment Program ng Lokal na Gobyerno ng Meycauayan,
Bulacan para sa taong 2013
ANNUAL INVESTMENT PROGRAM
LIST OF PROJECTS
CY 2013
AIP - Form 04
Projects Funded from Other Sources
Unit of Cost
Project Title Location Measurement Estimate
E.
OTHER SOURCES OF FUNDS
(Loans, BOT / Grants / Bonds
Floatation)
P 884,000,000.00
I.
ROADS AND
BRIDGES
-
1.
Roads and Bridges
Development Projects
various barangays to be determined
-
II. PUBLIC BUILDINGS
P 400,000,000.00
1.
Establishment of
Meycauayan North Rail
Station to be determined to be determined
-
2.
Construction of New
City Hall (Annex)
-do- -do-
-
3.
Construction of
Public College
-do- -do-
300,000,000.00
4. Construction of
Government Center
-do- -do-
-
5.
Construction of
Public Cemetary
-do- -do-
100,000,000.00
6.
Construction of
Meycauayan Museum
Building -do- -do-
-
7.
Construction of Public
High School Building
-do- -do-
-
8.
Construction of covered
court / convention center -do- -do-
-
III. HEALTH SERVICES
P 300,000,000.00
1.
Construction of
Hospital Building
to be determined to be determined
300,000,000.00
IV.
MAINTANANCE OF STREET
LIGHT / STREET LIGHTING /
EQUIPMENT
P 20,000,000.00
Palomares | 38
1.
Installation of
Additional Street
Lights
to be determined to be determined
-
2.
Installation of
CCTV camera
-do- -do-
20,000,000.00
V.
FLOOD CONTROL AND
DRAINAGE
P 83,000,000.00
1. Flood Control
System
to be determined to be determined
83,000,000.00
VI. ENVIRONMENTAL
P 74,000,000.00
1.
Construction of Eco-Park at
Materials Recovery Facility
Site Pajo to be determined
-
2.
Integrated Solid Waste
Management System at
MRF and Gasification Pajo -do-
-
3.
Rehabilitation of
Meycauayan River
Meycauayan
River -do-
-
4.
Eco-Tourism (beautification
of playground at Church
Patio) Poblacion -do-
7,000,000.00
5.
Procurement of
Garbage Bin
various barangays -do-
7,000,000.00
6.
Establishment of
Centralized Waste Water
Treatment Facility Tugatog
60,000,000.00
VII
.
SERVICE UTILITY
VEHICLE
P
7,000,000.00
1.
Purchase of Brand New
Service Bus
one (1) unit
7,000,000.00
Pinagmulan: City Urban Planning and Development Office ng Lokal na Gobyerno ng Meycauayan, Bulacan
Taun-taon ay naghahanda ang lungsod ng isang Annual Investment Plan at dito nakalatag
ang mga pangunahing proyekto at prayoridad ng lungsod na kanilang iminumungkahi upang
ipatupad sa kasalukuyan at darating na mga taon. Nabubuo ito sa pamamagitan ng kritikal na
pagsusuri at pag-aaral ng mga departamentong responsable sa pagsasaayos nito hanggang sa ito
ay mabigyan ng kaukulang pondo.
Palomares | 39
ANG LIGAL NA BATAYAN NG MEKANISMO NG GOBYERNO SA
IMPRASRAKTURA
Kung susuriin ang naunang bahagi ng kabanatang ito, kabi-kabila ang mga pisikal na
proyektong pang-imprastraktura ang binubuo at patuloy na binubuo ng kasalukuyang
administrasyon ng Lokal na Gobyerno ng Meycauayan, Bulacan. Ngunit sa kabila ng maraming
bilang ng mga proyektong ito sa lungsod ay tila marami pa din ang mga suliranin na patuloy na
nananalaytay sa lipunan. Patuloy na naisasantabi ng kasalukuyang administrasyon ang mga
suliraning ito na higit na kinakailangan ng agarang solusyon. Ilan sa mga suliraning ito ay ang
polusyon, masikip na daloy ng trapiko, matinding pagbabaha sa maraming bahagi ng lungsod,
kakulangan ng epiyenteng imprastraktura, mababang kalidad ng mga proyekto, korapsyon, at
ilan pang iba.
Ang pagbabalangkas ng plano para sa pagbuo ng mga proyektong pangkaunlaran sa
imprastraktura sa mga lokal na gobyerno ay naaayon o alinsunod sa Republic Act 7160 o ang
Local Government Code ng taong 1991. Nakapaloob dito ang kinikilalang proseso o hakbang
mula sa pagbuo ng mga proyektong ito mula sa paglalatag ng mga mungkahi o plano, mga
kinatawan na responsable sa pagsasagawa nito, pagpopondo ng mga proyekto, hanggang sa
implementasyon ng mga ito. Halimbawa, kung manggagaling sa Punong Barangay ang isang
mungkahi o proposal para sa isang proyekto, maghahanda ang Pamahalaang Barangay ng isang
Annual Investment Plan na kung saan nakalatag ang mga pangunahing proyekto at prayoridad ng
barangay na nangangailangan ng agarang implementasyon. Ito ay ibibigay o isusumite sa
Pamahalaang Lungsod upang maisama naman sa kanilang inihandang Annual Investment Plan
matapos itong suriin at pag-aralan ng mga kinatawan na responsable dito hanggang sa ito ay
Palomares | 40
mabigyan ng kaukulang pondo. Ang mga malalaking proyekto naman ay maaari din na ihiling sa
iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng Pamahalaang Panlalawigan at sa kinatawan o
Kongresista ng Distrito. Dito sa dalawang ahensyang nabanggit, walang Annual Investment Plan
na umiiral kung hindi sa pamamagitan lamang ng mga Resolusyon ng Sanggunian o Barangay
Resolution na sinamahan ng sulat ng paghingi o Letter of Request.24
Upang kritikal na masuri ang mekanismong kinikilala ng pamahalaan sa pagbuo ng mga
planong pangkaunlaran para sa lipunan ay bibigyang-pansin ng pananaliksik na ito ang proseso
ng badyet, proseso ng prokyurment, at ang nailalagak na partisipasyon ng mga pribadong sektor
at lipunan sa proseso at sistema ng pagpaplano at pagdedesisyon.
Proseso ng Badyet
Ang badyet ay tinukoy bilang kabuuan ng mga aspirasyon, halaga, at ang panlipunan at
pang-ekonomikong polisiya at serbisyo ng pamahalaan. Ang proseso naman ng badyet ay ang
pamamaraan na kung saan ang pambansang badyet ay pinaplano at inihahanda, naisasabatas, at
naipapatupad25
Ayon sa mga pag-aaral, ang naipasang badyet ng Pambansang Pamahalaan ay
isang malinaw na repleksyon ng lahat ng prayoridad ng gobyerno.
Upang kritikal na masuri ang prayoridad ng pamahalaan, ilalarawan ng tayahin 2.3 ang
mga antas sa pagbuo ng pamahalaan ng badyet sa pamamagitan ng isang Budget Cycle.
24
Magtungo sa Apendiks para sa buong detalye ng mga katanungan at kaukulang kasagutan sa interbyu kay Kgg.
Punong Barangay Manuel C. Aldaba ng Poblacion, Meycauayan, Bulacan 25
Leksiyon tungkol sa proseso ng badyet sa klase ng ECONOMICS 151 sa ilalim ni Propesor Allan Mesina
Palomares | 41
Pinagmulan: http://budgetngbayan.com/budget-101/
TAYAHIN 2.3 Ang mga bahagi ng Budget Cycle
Palomares | 42
Kung susuriin ang tayahin 2.3, mayroong apat na bahagi ang pamamahala ng isang
pambansang badyet. Una ay ang preparasyon, na susundan ng lehislasyon, pagpapatupad, at ng
pananagutan o accountability. Sa bahagi ng preparasyon isinasagawa at inihahanda ng
departamento ng ehekutibo ang pambansang badyet. Sa bahagi naman ng lehislasyon
isinasagawa ang pagpapahintulot ng Kongreso sa General Appropriations Act. Sa bahagi naman
ng pagpapatupad nagaganap ang utilisasyon ng mga ahensya ng kanilang mga aprubadong
badyet. Bilang panghuli, sa bahagi ng pananagutan o accountability naman nagaganap ang
pagsusubaybay at pagsusuri ng departamento ng ehekutibo sa paggamit ng mga ahensya ng
kanilang mga badyet.26
Ang paggawa ng desisyon sa badyet ay sumasaklaw sa ilang mga pangunahing tungkulin.
Una ay ang paglalaan o alokasyon ng mga rekurso upang makamit ang mga prayoridad, layunin,
at patakaran ng gobyerno. Pangalawa naman ay ang pagkuha ng pondo sa pamamagitan ng mga
buwis at pautang para sa badyet. Pangatlo ay ang pagpapatatag ng ekonomiya sa pamamagitan
ng piskal na polisiya at monetaryo na polisiya. Pang-apat ay ang pagbibigay ng pananagutan sa
mga ahensya na naatasan sa operasyon para sa mas mahusay at epektibong paggamit ng mga
rekurso na inilaan sa badyet. Panglima ay ang pagkontrol sa mga gastusin upang siguraduhin na
lahat ng ito ay ligal. At panghuli ay ang pagbibigay ng isang mekanismo para sa paglilipat ng
mga pondo mula sa isang antas ng gobyerno tungo sa iba.27
Ipapakita sa tayahin 2.4 ang kasalukuyang alokasyon ng pondo sa iba‟t ibang sektor at
kagawaran sa bansa.
26
Budget ng Bayan, Budget 101: The Budget Cycle. Kinuha noong Enero 2013 mula sa
http://budgetngbayan.com/budget-101/ 27
Leksiyon tungkol sa proseso ng badyet sa klase ng ECONOMICS 151 sa ilalim ni Propesor Allan Mesina
Palomares | 43
Pinagmulan: http://budgetngbayan.com/summary-of-allocations/
TAYAHIN 2.4 Alokasyon ng Pondo sa bawat Sektor sa Lipunan sa taong 2013
Kung susuriin ang tayahin 2.4, tulad ng mga nakaraang taon, pinakamalaki pa rin ang
alokasyon ng badyet para sa batayang serbisyo na may 698.8 na bilyong piso o katumbas ng 34.8
porsyento ng kabuuang pambansang badyet. Pumapangalawa naman ang pang-ekonomikong
serbisyo na may 511.1 bilyong piso o katumbas ng 25.5 na porsyento ng kabuuang pambansang
badyet. Pumapangatlo naman ang Pangkalahatang pampublikong serbisyo o General Public
Service na may 346.1 bilyong piso o katumbas ng 17.3 na porsyento ng kabuuang pambansang
badyet. Pang-apat naman ang Debt burden na may 339.9 bilyong piso o katumbas ng 16.6 na
porsyento ng kabuuang pambansang badyet. At panghuli, ang Defense na may nakalaang 89.7
bilyong piso o katumbas ng 4.5 porsyento ng kabuuang pambansang badyet.
Ipapakita sa tayahin 2.5 ang sampung kagawaran na may pinakamalaking alokasyon ng
badyet sa taong 2013.
Palomares | 44
Pinagmulan: http://budgetngbayan.com/summary-of-allocations/
TAYAHIN 2.4 Alokasyon ng pondo sa bawat sektor sa lipunan sa taong 2013
Kung susuriin ang tayahin 2.4, makikita na tulad ng mga nakaraang taon, nananatili pa
rin ang pinakamalaking alokasyon ng badyet sa kagawaran ng edukasyon na may 292.7 bilyong
piso na may katumbas na 22.6 na porsyentong pagtaas mula sa badyet ng kagawaran noong
taong 2012. Pumapangalawa naman ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan na may
152.9 bilyong piso na may katumbas na 20.9 na porsyentong pagtaas mula sa badyet ng
kagawaran noong taong 2012.28
Sumusunod naman ang mga kagawaran ng DND, DILG, DA,
DOH, DSWD, DOTC, DOF, at DENR sa kagawaran na may pinakamalaking alokasyon sa
badyet.
Ipapakita sa tayahin 2.5 ang kasalukuyang alokasyon ng badyet sa iba‟t ibang rehiyon sa
bansa.
28
Leksiyon tungkol sa alokasyon ng badyet sa klase ng ECONOMICS 151 sa ilalim ni Propesor Allan Mesina
Palomares | 45
Pinagmulan: http://budgetngbayan.com/summary-of-allocations/
TAYAHIN 2.5 Alokasyon ng badyet sa iba‟t ibang rehiyon sa bansa
Palomares | 46
Ang alokasyon ng badyet sa bawat rehiyon ay tumaas ng 28.5 na porsyento tungo sa
990.4 bilyong piso o 49.9 porsyento ng kabuuan ng naimungakahing badyet sa taong 2013. Kung
ihahambing, ang 77.5 bilyong pisong paglalaan para sa mga rehiyon noong taong 2011 ay 42.4
na porsyento lamang ng kabuuang badyet. Ang alokasyon ng badyet para sa Visayas at
Mindanao ay lumago ng 21.8 na porsyento at 22.1 na porsyento ayon sa pagkakasunod-sunod.29
Ang Meycauayan, Bulacan ay bahagi ng Rehiyon III na may 88.9 bilyong pisong alokasyon
mula sa kabuuang badyet na paghahati-hatiin sa lahat ng mga rehiyon sa bansa.
Ang badyet ay nahahati sa dalawang gugulin o appropriation. Ang bagong gugulin o new
appropriation at awtomatik na gugulin o automatic appropriation. Nasa ilalim ng awtomatik na
gugulin ang mga sumusunod: (a) debt service interest payment (b) Internal Revenue Allotment o
IRA (c) Tax Refunds (d) Pensions under RA nos. 2087 ang 5059 (e) Grant Proceeds (f) Customs
duties and taxes, including tax expenditures (g) Net Lending (h) Retirement and Life Insurance
Premium (i) Special Account.30
Ayon sa ika-284 na seksyon (Allotment of Internal Revenue) ng Republic Act No. 7160 o
ang Local Government Code of 1991, ang mga Lokal na Gobyerno ay may bahagi sa
pambansang panloob na kita sa buwis base sa koleksyon ng pangatlong piskal na taon bago ang
kasalukuyang piskal na taon: (a) sa unang taon ng epektibidad ng kowd na ito, tatlumpung
porsyento (30%) (b) sa pangalawang taon, tatlumpu‟t limang porsyento (35%) (c) sa pangatlong
taon, apatnapung porsyento (40%).31
29
Budget ng Bayan, Summary of Allocations: Budget by Region. Kinuha noong Enero 2013 mula sa
http://budgetngbayan.com/summary-of-allocations/ 30
Leksiyon tungkol sa mga uri ng gugulin sa klase ng ECONOMICS 151 sa ilalim ni Propesor Allan Mesina 31
Republic Act No. 7160 “Local Government Code of 1991” na kinuha noong Enero 2013 mula sa
http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra1991/ra_7160_1991.html
Palomares | 47
Para sa alokasyon at basehan ng hatian sa Internal Revenue Allotment sa Lokal na
Gobyerno, ilalarawan ito ng talahanayan 2.3.
TALAHANAYAN 2.3 Alokasyon at basehan ng hatian para sa Internal Revenue Allotment
ALOKASYON SA LOKAL NA GOBYERNO
Ang bahagi ng bawat lalawigan, lungsod,
minisipalidad, ay base sa susunod na
pormula: Lalawigan 23%
Lungsod 23% Populasyon 50%
Munisipalidad 34% Sakop na Lupa 25%
Barangay 20% Equal Sharing 25%
Pinagmulan: http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra1991/ra_7160_1991.html
Ayon sa ika-287 na seksyon (Lokal na Proyektong Pangkaunlaran) ng Republic Act 7160
o ang Local Government Code of 1991, ang bawat yunit ng Lokal na Gobyerno ay dapat maglaan
sa taunang badyet nito ng hindi bababa sa dalawampung porsyento (20%) ng taunang Internal
Revenue Allotment o IRA para sa mga proyektong pangkaunlaran.32
Sa taong 2013, ang IRA ay
ipapamahagi at paghahatiin sa walumpu‟t isang (81) lalawigan, isang daan at apatnapu‟t tatlong
(143) lungsod, isang libo‟t apat na daan at pitumpu‟t siyam (1,479) na munisipalidad, at
apatnapu‟t isang libo‟t walong daan at walumpu‟t siyam (41,889) na barangay.33
32
Republic Act No. 7160 “Local Government Code of 1991” kinuha noong Enero 2013 mula sa
http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra1991/ra_7160_1991.html 33
GMA News Online, Budget chief Abad: Internal revenue allotment for LGUs up 37.5%. Kinuha noong Enero
2013 mula sa http://www.gmanetwork.com/news/story/289500/economy/finance/budget-chief-abad-internal-
revenue-allotment-for-lgus-up-37-5
Palomares | 48
Proseso ng Prokyurment
Ayon sa ika-limang seksyon o bahagi ng Republic Act 9184 o ang Government
Procurement Reform Act, ang prokyurment ay tumutukoy sa pagkuha o akwisisyon ng mga
kalakal, serbisyong pangkonsultasyon, at ang pagkontrata para sa proyektong pang-
imprastraktura ng mga procuring entity. Kasama din dito ang pagpapaupa ng mga kalakal at real
estate o lupa. Ang tinutukoy sa procuring entitiy ay ang anumang sangay, kagawaran, ahensya, o
instrumento ng gobyerno, kabilang ang mga pampublikong unibersidad at kolehiyo, korporasyon
na pag-aari o kontrolado ng gobyerno, pinansyal na institusyon ng gobyerno, at mga yunit ng
lokal na gobyerno na nagpoprokyur ng mga kalakal, serbisyong pangkonsultasyon, at proyektong
pang-imprastraktura.34
Ayon sa ika-apat na artikulo, ika-sampung seksyon ng Republic Act 9184, ang lahat ng
prokyurment ay dapat gawin sa pamamagitan ng isang competitive bidding. Ang competitive
bidding ayon sa ika-limang seksyon ng Republic Act 9184 ay ang paraan ng prokyurment na
kung saan bukas ang pakikilahok sa lahat ng interesadong partido na kung saan binubuo ng mga
sumusunod na proseso: pagaanunsiyo o adbertisment, pre-bid conference o pagpupulong,
pagsiskrin o pagsasala kung karapat-dapat ang mga kalahok sa bidding, pagtanggap at
pagbubukas ng mga bid, pagsusuri ng mga bid, post-qualification o kwalipikasyon matapos ang
bid, at ang pagbibigay ng kontrata.35
Ayon sa nabanggit sa naunang talata, ang pagkuha o akwisisyon ng mga kalakal,
serbisyong pangkonsultasyon, at ang pagkontrata para sa proyektong pang-imprastraktura ay
34
Republic Act No. 9184 “Government Procurement Reform Act”. Kinuha noong Enero 2013 mula sa
http://www.gppb.gov.ph/laws_rules/laws/RA_9184.pdf 35
Republic Act No. 9184 “Government Procurement Reform Act. Kinuha noong Enero 2013 mula sa
http://www.gppb.gov.ph/laws_rules/laws/RA_9184.pdf
Palomares | 49
kabilang sa prosesong ito. Dagdag pa dito, kinakailangan o dapat magkaroon ng isang
competitive bidding para sa tatlong ito anuman ang pagmumulan ng kanilang mga pondo, lokal
man o banyaga, sa pamamagitan ng lahat ng mga sanga at instrumento ng gobyerno, mga
kagawaran, opisina at ahensya, kabilang ang mga pag-aari o kontroladong korporasyon, at ng
mga lokal na gobyerno.Gayunpaman, mayroong mga eksepsyon na ibinibigay sa binagong
patakaran at regulasyon nito. Ito ay ang mga sumusunod: (a) ang prokyurment o pagkuha ng mga
kalakal, mga proyektong pang-imprastraktura, at serbisyong konsultasyon na pinondohan ng mga
dayuhan na nasa ilalim ng Republic Act 8182, na inamyendahan ng Republic Act 8553 (b) ang
akwisisyon ng mga real property na kung saan dapat pamahalaan ng Republic Act 8974 at iba
pang mga naaangkop na batas (c) Public-Private na sektor ng imprastraktura o proyektong
pangkaunlaran at iba pang prokyurment na nasa ilalim ng Republic Act 6957, ngunit ang mga
bahagi na pinondohan ng gobyerno ng Pilipinas, anuman ang pinagmulan ng pondo, lokal man o
banyaga, ang mga probisyon ng mga alituntunin at regulasyon ng Republic Act 9184.36
Ang proseso ng pampublikong pag-bid ay nagsisimula sa pamamagitan ng pagpapaskil
ng isang abiso sa Philippine Government Electronic Procurement System o PhilGEPS. Ito ang
bago at patuloy na pinapaunlad na portal ng Government Procurement Policy Board o GPPB
kung saan ang lahat ng oportunidad, abiso, resulta ng pag-bid, parangal at rason ng parangal ay
nakalathala. Ang lahat ng mga interesadong panig ay iniimbitahan na makilahok kasama ang
mga ahensya ng gobyerno na naatasang pamunuan ang isang pagpupulong bago ang pag-bid.
Dito tinatalakay ang mga kinakailangan at detalye ng mga proyekto sa mga interesadong panig,
pati na rin ang pagtugon sa kanilang mga katanungan. Ang mga interesadong panig ay dapat na
36
Philippine Public Transparency Reporting Project, The Public Procurement Process: Good Law, Poor Reality.
Kinuha mula sa http://www.transparencyreporting.net/index.php?option=com_content&view=article&id=63:the-
public-procurement-process-good-law-poor-reality&catid=51:procurement-watch&Itemid=76 noong Enero 2013
Palomares | 50
umangkop sa mga pangangailangan upang maging isa sa mga procuring entity at kinakailangan
silang magsumite ng lahat ng mga kinakailangang dokumento sa petsa at lugar na nakatala,
kasama ng kanilang mga bid. Pinagtibay ng batas ng prokyurment ang mga sumusunod na
pangkalahatang mga prinsipyo tungo sa ideyal na daan sa mabuting pamumuno o pamamahala:
(a) transparency sa proseso ng prokyurment at sa implementasyon ng mga kontrata sa
prokyurment (b) competitiveness sa pamamagitan ng pagbibigay ng pantay oportunidad sa lahat
upang mabigyan ng pagkakataon ang mga nangongontratang pribadong panig na karapat-dapat at
kwalipikado na lumahok sa pampublikong pag-bid (c) streamlined na proseso ng prokyurment
ang gagamitin sa lahat ng prokyurment sa ilalim ng gobyerno (d) ang proseso ng prokyurment ay
dapat na simple at madaling umalinsabay sa pabago-bagong teknolohiya upang masiguro ang
epektibidad at kahusayan ng pamamaraan na kinikilala (e) ang sistema ng accountability kung
saan kapuwa ang opisyal ng gobyerno na direkta o hindi direktang kasama sa proseso ng
prokyurment maging sa implementasyon ng kontrata sa prokyurment , at ang pribadong panig na
nakikipagnegosasyon sa gobyerno ay sinisiyasat at inaatasang mananagot sa lahat ng kanilang
pagkilos (f) pampublikong pagmamanman sa proseso ng prokyurment at sa pagpapatupad ng
mga naigawad na kontrata na kung saan sinisiguro na ang mga kontratang ito ay naaayon sa
probisyon ng kinikilalang batas sa prokyurment at ng mga patakaran at regulasyon nito, at lahat
ng kontrata ay mahigpit na gagawin nang naaayon sa mga ispesipikasyon.37
37
Philippine Public Transparency Reporting Project, The Public Procurement Process: Good Law, Poor Reality.
Kinuha mula sa http://www.transparencyreporting.net/index.php?option=com_content&view=article&id=63:the-
public-procurement-process-good-law-poor-reality&catid=51:procurement-watch&Itemid=76 noong Enero 2013
Palomares | 51
Public-Private Partnership (PPP)
Ayon sa mga pag-aaral sa lipunan, malaki ang bahaging ginagampanan ng pribadong
sektor sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran sa imprastraktura. Natutugunan nito
ang pagkukulang ng gobyerno na makapagbigay ng mahusay at epektibong pampublikong
serbisyo at pasilidad na magsisilbing daan tungo sa pag-unlad ng ekonomiya at lipunan.
Ayon sa opisyal na pahina ng Public-Private Partnership sa internet, ipinagmamalaki ng
Pilipinas ang mahaba nitong karanasan sa programa ng Public-Private Partnership. Nagsilbi
itong masaganang batayan para sa mga pamumuhunan sa hinaharap. Sa agresibo nitong
promosyon ng PPP, nakatawag-pansin ang gobyerno ng mga pribadong kasosyo upang
mamuhunan hindi lamang sa mga tradisyunal na proyektong pang-imprastraktura, tulad ng
enerhiya, transportasyon, at sektor ng patubig, kundi maging sa di-tradisyunal na imprastraktura
at sektor ng kaunlaran, tulad ng teknolohiya sa impormasyon at komunikasyon, kalusugan, at ang
pagpapaunlad ng mga ari-arian. Sa pamamagitan ng pakikipagsosyo na ito, ang krisis sa enerhiya
bago ang taong 1990 ay nabigyang solusyon at natugunan. Nakatulong din ito sa pagpapaunlad
ng kalidad ng kalsada, pagkakaugnay ng mga transportasyon, at mga batayang serbisyo.
Hanggang sa kasalukuyan, humigit-kumulang 19.5 bilyong dolyar na pamumuhunan ang nabuo
mula noong ang programang ito ay naisagawa. Ang Public-Private Partnership ay maaaring
bigyan ng kredito sa pagtulong nito sa iba‟t ibang mga proyektong pangkaunlaran kapuwa sa
nasyunal at lokal na antas sa iba‟t ibang sektor ng imprastraktura.38
38
Public-Private Partnership Center, The PPP Program. Kinuha mula sa http://ppp.gov.ph/?page_id=104 noong
Pebrero 2013
Palomares | 52
Ayon sa unang seksyon ng Republic Act 7718 na inamyendahan ang ilang seksyon ng
Republic Act 6957 o ang Act Authorizing the Financing, Contruction, Operation and
Maintenance of Infrastructure Projects by the Private Sector, and for other Purposes, inihayag
na isang patakarang estado ang pagkilala sa mahalagang gampanin ng pribadong sektor bilang
pangunahing instrumento tungo sa pambansang paglago at pag-unlad, at siyang makapagbibigay
ng pinakaangkop na insentibo upang magamit ang pribadong rekurso para sa layunin na
pondohan ang konstruksiyon, operasyon, at pagpapanatili ng imprastraktura at proyektong
pangkaunlaran na kadalasang pinopondohan at isinasagawa ng gobyerno. Ang mga insentibong
ito, maliban sa mga pinansyal na insentibo na naaayon sa batas, ay dapat kinabibilangan ng
pagbibigay ng klima ng pinakamaliit na regulasyon at pamamaraan ng gobyerno at ilang tiyak na
pinamamahalaan ng gobyerno sa suporta ng pribadong sektor.39
Malaki ang pagkilala ng pamahalaan sa kahalagahan ng papel ng pribadong sektor sa
sektor ng imprastraktura at kaunlaran. Ang mga interesadong namumuhunan mula sa pribadong
sektor ay pipiliin sa pamamagitan ng isang kompetisyon sa ilalim ng isang patas at bukas na
tuntunin. Lahat ng mga interesadong panig ay bibigyan ng patas na pagkakataon na may
makatwirang balik ng pamumuhunan at naaangkop na pagbabahagi ng mga panganib nang hindi
nakokompromiso ang proteksyon ng pampublikong interes. Sa pamamagitan ng programang ito,
ang mga benepisyaryo ay mabibigyan ng sapat, ligtas, episyente, maaasahan, at may
makatwirang presyo na mga serbisyong pang-imprastraktura. Ang mga proyekto sa ilalim ng
Programa ng Public-Private Partnership ay pinili batay sa mga sumusunod na pamantayan: (a)
kahandaan at preparasyon ng proyekto (nakumpletong inisyal o paunang kaso ng negosyo,
kasama sa mga prayoridad na proyekto ng mga responsable at naatasang ahensya, naisasagawang
39
Kinuha mula sa http://ppp.gov.ph/wp-content/uploads/2013/02/BOT-IRR-2012_FINAL.pdf noong Pebrero 2013
Palomares | 53
inisyal na preparasyon tulad na pagkuha ng mga empleyado para sa feasibility studies at
paghahanda ng transaksyon) (b) kakayahang tumugon sa mga pangangailangan ng sektor
(halimbawa, bahagi ng sistema ng transportasyon, suplay ng tubig / alkantarilya, kapasidad ng
kuryente, at ilan pang iba) (c) mataas na implementability o tyansa ng pagpapatupad ng mga
proyekto (maaasahan at walang mga kinakaharap na malalaking isyu). Ang pamahalaan ay
nakatuon sa pangangasiwa ng proseso ng pag-aapruba at pagpapatupad ng mga proyekto ng
Public-Private Partnership. Alinsunod sa mga ito, ang mga nahinging panukala ay ipoproseso sa
loob ng anim na buwan. Ang mga kwalipikadong panukala ng PPP ay dapat makumpleto ang
lahat ng mga kinakailangang dokumento upang mapangasiwaan ang proseso ng pagaapruba.40
Upang ilarawan ang Public-Private Partnership (PPP) Project Approval at Bid
Flowchart, ilalarawan ito sa tayahin 2.6.
40
Kinuha mula sa http://ppp.gov.ph/?page_id=8 program overview noong Pebrero 2013
Palomares | 54
Pinagmulan: http://ppp.gov.ph/wp-content/uploads/2011/03/PPP_Process_Flowchart1.pdf
TAYAHIN 2.6 Public-Private Partnership (PPP) Project Approval at Bid Flowchart
Palomares | 55
PAMPUBLIKONG PARTISIPASYON SA SISTEMA NG PAGPAPLANO
AT PAGDEDESISYON
Ang partisipasyon o pakikiisa ng publiko ay isang makapangyarihang instrumento upang
makamit ng bansa ang kaunlarang para sa masa. Ayon sa mga pag-aaral, ang partisipasyon ng
publiko ay isang proseso na nakapagbibigay ng pagkakataon sa mga pribadong indibidwal na
maimpluwensyahan ang pampublikong pagdedesisyon. Matagal na rin itong kinikilala bilang
isang bahagi ng makademokratikong proseso sa paggawa ng desisyon para sa lipunan.
Samakatuwid, ang pakikilahok ng publiko ay nagsisilbing daan upang magkaroon ng katiyakan
na ang mga mamamayan ay may direktang boses sa sistema.41
Ngunit may mga pagkakataon na
gobyerno lamang ang may kapangyarihan na kontrolin ang ilang mga isyu sa lipunan. Sa
kontekstong ito, ang bahaging ito ay susubukang suriin at talakayin ang kasalukuyang antas at
kalagayan ng partisipasyon ng publiko sa sistema ng pagpaplano at pagdedesisyon, maging ang
ambag ng partisipasyong ito sa pagpapalaganap ng tunay at pantay na kaunlaran.
Upang ilarawan ang iba‟t ibang antas ng partisipasyon sa lipunan, ilalarawan ng tayahin
2.7 ang “Degrees of Citizen Participation” o ang iba‟t ibang antas ng partisipasyon ng mga
mamamayan na binuo ni Sherry R. Arnstein noong Hulyo taong 1969 na pinamagatang “A
Ladder of Citizen Participation”.
41
University of Oregon. (2003, October 21). Planning Analysis: The Theory of Citizen Participation. Kinuha noong
ika-16 ng Oktubre 2012 mula sa University of Oregon: pages.uoregon.edu/rgp/PPPM613/class10theory.htm
Palomares | 56
Pinagmulan: http://www.vcn.bc.ca/citizens-handbook/arnsteinsladder.html
TAYAHIN 2.7 Antas ng Partisipasyon ng Lipunan ni Sherry R. Arnstein (Ladder of Citizen
Participation)
Kung susuriin ang Arnstein’s Ladder, makikita na may walong pagkakahati o antas ang
partisipasyon ng lipunan sa proseso ng pagpaplano na sumasaklaw mula sa pinakamataas
hanggang sa pinakamababang antas ng partisipasyon. Ito ay nagsisilbing gabay upang ipakita
kung sino ang may mga kapangyarihan tuwing may mga mahahalagang desisyon ang binubuo sa
isang bansa.
Ayon kay Sherry R. Arnstein, ang partisipasyon na walang redistribusyon ng
kapangyarihan ay isang walang laman at nakadidismayang proseso para sa mga walang
kapangyarihan.42
Ang unang dalawang antas, ang manipulasyon at therapy, ay kapuwa non-
participative o walang anumang nailalagak na partisipasyon ang mga mamamayan sa sistema.
42
Community Participation: The Arnstein Ladder na kinuha mula sa
http://www.slideshare.net/curtistim/community-participation-the-arnstein-ladder noong Pebrero 2013
Palomares | 57
Ang layunin nito ay turuan o manipulahin ang mga mamamayan na kalahok sa sistema. Ang mga
ipinanukalang plano ay ang nananatiling pinakamahusay sa lahat at ang trabaho lamang ng
lipunan ay ang pagbibigay ng pampublikong suporta sa pamamagitan ng pampublikong relasyon.
Ang pangatlong antas ay ang informing o pagbibigay ng imposmasyon sa mga mamamayan na
itinuturing na pinakamahalagang unang hakbang upang gawing lehitimo ang partisipasyon ng
lipunan. Ngunit kadalasan ang daloy ng impormasyon ay nananatiling papalabas lamang at hindi
nakapagbibigay ng feedback o puna ang lipunan ukol dito. Ang pang-apat ay ang consultation o
konsultasyon na tulad ng naunang antas ay isa rin na hakbang upang gawing lehitimo ang
partisipasyon ng lipunan. Ito ay maaaring sa paraan ng pagsasagawa ng mga sarbey,
pagpupulong, at ang pagkakaroon ng pampublikong talakayan. Pang-lima ay ang placation na
kung saan ang mga piling tao lamang mula sa lipunan ang hinahayaang makapagbigay ng payo,
puna, o sentimyento ukol sa plano ngunit nananatili pa rin ang kapangyarihan sa nangunguna
kung ito ay tatanggapin at ipapatupad. Pang-anim ay ang partnership o ang pakikipagsosyo na
kung saan ang kapangyarihan ay ipinapamahagi sa pamamagitan ng isang negosasyon sa pagitan
ng mga mamamayan at ng mga may pinanghahawakang kapangyarihan. Ang responsibilidad sa
pagpaplano at pagdedesisyon ay pinanghahawakan ng parehong panig. Pang-pito ay ang
delegation o delegasyon na kung saan ang mga mamamayan ay pinanghahawakan ang
mayoryang bahagi ng komite na may nakatalagang kapangyarihang bumuo ng mga desisyon.
Ang publiko ay may kapangyarihang tiyakin ang accountability o pananagutan ng programa sa
kanila. At panghuli, ang citizen control na kung saan ang mga mamamayan ay may buong
partisipasyon sa pagpaplano, pagbuo ng mga polisiya, at ang pamamahala sa mga programa.
Halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng mga pampublikong korporasyon nang walang
tagapamagitan sa pagitan nito at ng mga pagkukuhanan ng pondo. 43
43
Kinuha mula sa http://www.vcn.bc.ca/citizens-handbook/arnsteinsladder.html noong Pebrero 2013.
Palomares | 58
TUNGGALIAN: GOBYERNO AT TAO
Ang tunggalian sa pagitan ng gobyerno at tao sa kanilang mga layunin at interes ang
lumilikha ng pangunahing balakid tungo sa pagkamit ng lipunan ng tunay at pantay na
kaunlaran. Maaari itong maging sanhi ng maling utilisasyon o pagkaaksaya ng mga rekurso na
sana‟y magagamit para sa pagpapaunlad ng iba‟t ibang sektor sa lipunan.
Sa paglipas ng maraming taon, ang sektor ng imprastraktura ay kinikilala bilang isang
epektibong behikulo tungo sa pagpapaunlad ng ekonomiya at lipunan. Sa kasamaang palad, ito
ay naging palausapin sa lipunan na umani ng napakaraming kritisismo at batikos dahil sa
masasamang elementong kaakibat nito. Sa katotohanan, maaaring magampanan ng gobyerno ang
layunin nitong paunlarin ang ekonomiya at lipunan sa tulong ng imprastraktura kung kanila
lamang kikilalanin ang mga primeryang pangangailangan ng mga mamamayan at kung kanilang
tuluyang susugpuin ang namuong tunggalian at hidwaan sa pagitan ng mga mamamayan at mga
makapangyarihan sa lipunan.
Kasabay ng paglipas ng panahon ang pagdami ng mga proyektong ito. Ngunit dahil sa
kakaunting kaunlaran na hatid nito sa lipunang Pilipino, malaki ang pangangailangan na suriin
ang mekanismo at plano ng gobyerno sa pagtataguyod ng kaunlaran sa pamamagitan ng mga
plano at proyektong ito. Malaking palaisipan sa lipunan kung may sapat bang kakayahan ang
gobyerno na makapagbigay ng tunay at pantay na kaunlaran sa pamamagitan ng mga proyektong
ito. Ang mga proyekto ba na kanilang iminumungkahi at ipinapatupad ay sapat at nauukol sa
pabago-bagong panahon at kondisyon ng lipunan, o patuloy lamang na nagiging sanhi ng
pagkaatrasado nito?
Palomares | 59
Mga Suliranin sa Pagsasagawa ng Planong Pangkaunlaran sa Imprastraktura at
Panawagan para sa Institusyonal at Ligal na Pagbabago
Ang hindi pagkakapantay-pantay ng kaunlaran sa komunidad ay isang matibay na
sandigan at indikasyon na malaki ang suliranin na kinakaharap ng isang bansa. Upang tugunan
ang suliraning ito, ang pamahalaan ay patuloy na bumubuo ng mga programa at polisiya na
tuluyang tatapos sa yugto ng mga krisis sa bansa tulad na lamang ng pagpapaunlad ng sektor ng
imprastraktura.
Maraming mga problema at suliranin ang humahadlang sa pagsasagawa ng bansa ng
epektibo at episyente na imprastraktura na layong makatulong sa lipunang Pilipino. Sa pagdaan
ng maraming rehimen at administrasyon, patuloy pa rin itong nagsisilbing hamon sa Pambansa at
Lokal na Pamahalaan. Bagaman kabi-kabila ang mga nailatag na proyektong pangkaunlaran sa
imprastraktura, tuluyan lamang nalulugmok sa kahirapan ang lipunang Pilipino. Bilang isang
bansa na naghahangad ng tunay at pantay na kaunlaran, mahalagang unahin ang kapakanan at
pakinggan ang pangangailangan ng bawat mamamayan upang ibayong patatagin ang ekonomiya
at lipunan ng bansa.
Tunay na napakalaki ng pagkukulang ng gobyerno sa pagsasagawa ng isang mahusay na
mekanismo sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran na ito. Ilan sa mga tiyak na
balakid na ito na patuloy na nagsisilbing hamon sa pamahalaan ay ang kakulangan ng mahusay
na pagkilala at implementasyon sa mga naipasang mekanismo at batas ng pamahalaan tungo sa
pagpapaunlad ng sektor ng imprastraktura, maling utilisasyon ng badyet at rekursong inilaan
para sa imprastraktura, maling prayoridad ng pamahalaan, kakulangan ng pagkilala sa
partisipasyon ng publiko sa sistema, hindi epektibong opisyal o kinatawan ng gobyerno at ang
Palomares | 60
korapsyon, ang pagkilala sa makariling-interes ng ilang naghaharing-uri, at ang sistema ng “low
cost, low quality” na patuloy na namamayagpag sa sistema ng prokyurment ng pamahalaan.
Ang pagkukulang sa mahusay na pagkilala at implementasyon sa mga naipasang
mekanismo at batas ng pamahalaan tungo sa pagpapaunlad ng sektor ng imprastraktura ay
patuloy na nananaig sa sistema ng pamahalaan sa bansa. Sa kabila ng mahusay na batas,
mekanismo, at proseso ng gobyerno, kaakibat pa rin nito ang napakaraming suliranin na
humahadlang sa maayos na pagsasagawa o pagsasakatuparan ng mga ito. Tunay na maraming
mga naipanukalang batas na may mahusay at maayos na layunin ngunit sa kasamaang palad,
marami dito ay hindi naipapatupad sa tunay nitong praktis. Hindi lamang dapat natatapos sa
pagbuo, pagpapanatili, at pagpapabuti ng mga pisikal na imprastraktura ang pagpapaunlad ng
sektor na ito. Gayon din dapat ang sistemang nakapaloob at kinikilala upang matamo ang isang
patas, moderno, at produktibong kaunlaran para sa lahat. Napakalaki ng pagkukulang ng
pamahalaan sa maayos at episyenteng implementasyon ng mga “soft infrastructure” na ito dahil
na rin sa pananatili ng masasamang elementong patuloy na nabubuhay sa sistema ng
pamahalaan.
Ang maling utilisasyon ng badyet at rekursong inilaan para sa imprastraktura ay hindi na
bagong usapin o isyu sa lipunan. Kabi-kabila man ang mga proyektong iminumungkahi at
ipinapatupad ng pamahalaan sa lipunan, marami pa rin sa pangangailangan ng mga mamamayan
ang hindi natutugunan. Dahil sa pagmomonopolisa‟t panghihimasok ng mga mapagsamantalang
uri sa pagpaplano at pagdedesisyon sa lipunan ay tanging iilan lamang ang nakikinabang sa mga
proyektong ito habang ang marami ay patuloy na nalulugmok sa kahirapan. Ang pondong
inilalaan ng Pambansang Pamahalaan para sa imprastraktura kung tutuusin ay wala naman
Palomares | 61
pagkukulang. Ang pagkukulang lamang ay ang tamang utilisasyon o paggamit nito ng mga
kinatawan at nanunungkulan sa pamahalaan na responsable sa pagsasagawa ng mga ito.
Ang maling prayoridad ng pamahalaan ang nagdudulot ng napakalaking krisis sa bansa.
Ayon sa nabanggit sa naunang bahagi ng kabanatang ito, isang malinaw na repleksyon ng
prayoridad ng gobyerno ang iminumungkahi nitong alokasyon ng badyet. Ayon sa naipasang
badyet ng pambansang gobyerno sa taong 2013, ang unang limang kagawaran na nakatanggap ng
pinakamalaking bahagi ng pondo ay ang Department of Education, Department of Public Works
and Highways, Department of National Defense, Department of Interior and Local Government,
at Department of Agriculture. Kung susuriin ang naunang nabanggit, pumapangalawa ang
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan sa prayoridad ng pamahalaan. Kung maisasaayos
ng mga responsableng kinatawan ng pamahalaan ang prayoridad sa mprastraktura ay
matutugunan nito ang pangangailangan ng mayorya ng lipunang Pilipino. Hindi lamang dapat
natatapos sa pagsasagawa ng mga kalsada at tulay ang imprastraktura kundi dapat ito ay nilikha
na nasa isip ay sustenableng pag-unlad. Ito ay ang pag-unlad na nakakatugon sa mga
pangangailangan ng kasalukuyan nang hindi nakokompromiso ang kakayahan ng mga hinaharap
na henerasyon upang matugunan ang kanilang sariling mga pangangailangan. 44
Dapat ang mga
prayoridad na proyekto ng pamahalaan ay mapapakinabangan ng lahat at tuluyang tatapos ng
paglaganap ng kahirapan sa bansa nang hindi nakokompromiso ang kaligtasan at proteksyon ng
pampublikong interes.
44
World Commission on Environment and Development (WCED). Our common future. Oxford: Oxford University
Press, 1987 http://www.iisd.org/sd/
Palomares | 62
Ang pagkukulang sa pagkilala pampublikong partisipasyon sa sistema ay isang
napakabigat na pasanin sa lipunan. Ang partisipasyon ng mga mamamayan sa sistema ay isang
napakahalagang bahagi na dapat kilalanin ng Pambansang Pamahalaan dahil dito nakasalalay
ang epektibidad at kahusayan ng mga programa at polisiyang inihahain sa lipunan. Maraming
bilang ng mga mamamayan ang patuloy na sumisigaw para sa tunay na pagbabago sa sistema ng
pagpaplano at pagdedesisyon sa lipunan. Upang matugunan ito, dapat isama at bigyan ng
pagkakataong makiisa ang mga mamamayan upang maihayag ang kanilang mga primeryang
pangangailangan tungo sa pag-unlad. Sa kasamaang palad, napakalaki ng pagkukulang sa
pampublikong konsultasyon kung kaya‟t hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na ipaabot
ang kanilang mga puna, sentimyento, opinyon, at tunay na pangangailangan tungo sa kaunlaran.
Maraming balakid na humahadlang sa paglalagak ng lipunan ng kanilang partisipasyon sa
sistema tulad na lamang ng mga makasariling-interes ng mga mapagsamantalang-uri sa sistema
na patuloy na inuuna ang kanilang personal na pabor. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin
naisasakatuparan ang panawagan ng mga mamamayan na magkaroon ng boses sa sistema. Kung
kaya‟t dahil dito ay hindi pa rin epektibong natutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan sa
mga proyektong pang-imprastraktura na sana‟y maghahatid ng tunay at pantay na kaunlaran sa
lipunan.
Ang mga hindi epektibong kinatawan ng pamahalaan at ang korapsyon ang isa sa
napakalaking krisis na ilang dekada nang kinakaharap ng Pilipinas. Maraming mga kinatawan ng
pamahalaan ang patuloy na nagpapanggap na sila‟y para sa kabutihan at pag-unlad ng lahat.
Dahil sa mga masasamang elementong ito, patuloy na nagdudulot ng mga proyektong pang-
imprastraktura na pawang walang pakinabang at aksaya lamang ng mga papaubos nang rekurso
at pondo sa lipunan na dapat sana‟y nagagamit para sa pagpapaunlad ng batayang serbisyo at ng
Palomares | 63
iba pang esensyal na sektor. Isa na ang korapsyon na ilang dekada nang nagsisilbing balakid na
patuloy na namamayagpag sa loob at labas ng sistema. Napakalaking pasanin nito sa lipunan
dahil ginagamit ng mga mapagsamanatalang-uri ang pondo ng bayan para sa kanilang personal at
pansariling kapakinabangan na dapat sana‟y iukol sa mas pinahusay at epektibong pampublikong
serbisyo. Tunay na napakahalaga at napakalaking bahagi ng buhay ng mamamayan ang serbisyo
publiko ng pamahalaan. Kung hindi matutugunan ng gobyerno ang kanilang tunay na layunin ay
magdudulot ito ng pagkaparalisa ng iba‟t ibang sektor sa lipunan at ng mga mamamayan. Malaki
ang pangangailangan na sugpuin na ang mga masasamang elemento sa sistema at dapat nang
baguhin ang anyo at ng mga kinatawan nito. Dapat iluklok sa pwesto ang mga taong para sa
interes ng lipunang Pilipino upang makamit ang kaunlaran na para sa lahat.
Ang pagkilala sa makariling-interes ng ilang naghaharing-uri ay patuloy na nabubuhay sa
sistema ng pamahalaan. Ang pakikipagsabwatan ng mga kinatawan ng pamahalaan at ng mga
makapangyarihan sa lipunan ay isang napakalaking balakid sa lipunan na ito‟y magkaroon ng
sapat, episyente, maaasahan, at makatwirang pampublikong serbisyo mula sa pamahalaan. Sa
katotohanan, maraming mga estratehiya ang maaaring magamit tungo sa mahusay at epektibong
pagbuo ng mga proyektong pang-imprastraktura ngunit may mga masasamang elemento na
pinipigilan ang pagpapatupad ng mga ito. Magiging matagumpay lamang ang pagkamit ng bansa
ng tunay na pag-unlad kung hindi pansariling-interes lamang ang iisipin at gagawing prayoridad
sa pagbuo ng mga proyektong ito.
Panghuli, ang sistema ng “low cost, low quality” na patuloy na namamayagpag sa sistema
ng pagmumungkahi at pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran ng pamahalaan. Dahil sa
sistemang ito, naaapektuhan ang kalidad at kaligtasan ng mga proyektong ito sa lipunan. Hindi
lamang dahil sa naaaksaya ang mga papaubos nang rekursong ginagamit sa pagpapatupad ng
Palomares | 64
mga ito, may pinsala din ito na maaaring idulot sa mga mamamayan at kalikasan. Dapat ay
mahigpit na ipatupad ang pagkakaroon ng pananagutan ng mga nangongontrata sa mga
proyektong ito upang maiwasan ang anu mang uri ng pinsala. Dapat salaing mabuti ang mga ito
ayon sa kalidad at kakayahang bumuo ng mga episyente at epektibong imprastraktura na may
mahusay na kalidad upang mapakinabangan ng lahat at ng mga susunod pang henerasyon.
Palomares | 65
| KABANATA III
Palomares | 66
KOMPREHENSIBONG PAGSUSURI SA PLANONG
PANGKAUNLARAN SA IMPRASTRAKTURA NG PAMAHALAAN
Upang bigyan ng kritikal na pagsusuri ang kasalukuyang estado ng imprastraktura sa
Meycauayan, Bulacan at ang hatid nitong kaunlaran sa mga residente, pagsasanibin ang
dalawang instrumento sa pananaliksik na tiyak na makatutugon sa pangangailangan at tagumpay
ng gagawing pag-aaral. Ang unang instrumento ay ang mga isinagawang sarbey sa mga
mamamayang direktang apektado ng mga planong pangkaunlaran sa imprastraktura na
magpapakita ng tunay na mukha ng kaunlarang hatid ng mga proyektong ito sa lipunan at sa
bawat mamamayan, maging ang pagsusuri sa antas ng kanilang partisipasyon sa sistema.
Pangalawa naman ay ang mga isinagawang interbyu sa mga kinatawan ng pamahalaan na
naglalagak ng kanilang serbisyo sa lipunan at responsable sa pagsasagawa ng mga plano at
proyektong ito. Magsisilbi itong daan upang ipakita ang sentimyento at opinyon ng dalawang
panig maging ang mga nabuong tunggalian at kontradiksyon sa pagitan ng mga residente at ng
mga kinatawan ng pamahalaan. Sa tulong din ng dalawang instrumentong ito, maihahayag ang
epektibidad at kahusayan ng mekanismong kinikilala ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga
plano at serbisyo sa publiko, maging ang pagkukulang ng mga ito. Ang kabanatang ito ay
magsisilbing daan tungo sa mas malalim na pang-unawa ng lipunan at pagkamulat sa tunay na
mukha ng kaunlarang hatid ng mga proyektong pinondohan ng kaban ng bayan.
Sa unang bahagi ng kabanatang ito, ihahayag ang mga datos na nakalap mula sa mga
mamamayang direktang apektado ng mga proyektong ito sa tulong ng mga isinagawang sarbey.
Komprehensibo nitong susuriin ang mga plano at proyektong pangkaunlaran sa imprastraktura
ng pamahalaan sa tulong ng mga isinagawang sarbey at ng mga naitalang kaso at sentimyento ng
Palomares | 67
mga mamamayan ukol sa probisyon at implementasyon ng mga ito. Susuriin din ang antas ng
kanilang partisipasyon sa sistema, maging ang epektibidad at kahusayan ng Lokal na Gobyerno
ng Meycauayan, Bulacan sa pagmumungkahi at pagpapatupad ng mga proyektong ito. At
panghuli, ipapakita ang tugon at kinikilalang solusyon ng kinatawan ng gobyerno at ng mga
eksperto sa mga pagkukulang, pagsubok, at kritisismong ibinabato sa pamahalaan sa tulong din
ng mga naisagawang interbyu sa mga kinatawan ng pamahalaan at ng mga nakalap na datos
mula sa mga mapagkakatiwalaang pahina sa internet at ilang mga lathalain.
Ang pagbibigay ng mahusay at epektibong pampublikong serbisyo ng pamahalaan sa
lipunan ay ang primaryang behikulo upang makamit ng lipunan ang tunay at pantay na
kaunlaran. Dahil dito, ito ang gagawing sandigan para sa gagawing pagsusuri sa planong
pangkaunlaran sa imprastraktura, maging ang mekanismong kinikilala ng pamahalaan sa
pagpapatupad ng mga ito.
KATANGIAN NG MGA NAKAPANAYAM
Ang mga nakapanayam sa isinagawang sarbey ay may kabuuang bilang na isang daang
(100) mga residente na naninirahan sa Meycauayan, Bulacan. Ang talahanayan 3.1 ay
nagpapakita ng distribusyon ng mga nakapanayam ayon sa kasarian.
TALAHANAYAN 3.1 Distribusyon ng mga nakapanayam ayon sa kasarian
KASARIAN KABUUANG BILANG
Lalaki 50
Babae 50
KABUUANG BILANG 100
Palomares | 68
Ang mga nakapanayam ay nahahati sa limampung (50) lalaki at limampung (50) babae.
Ito ay napagpasyahan ng mananaliksik upang magkaroon ng pantay na representasyon at
pagkakataon na lumahok sa isinagawang sarbey ang magkaibang kasarian. Para naman sa
distribusyon at klasipikasyon ng mga nakapanayam ayon sa Barangay na kanilang
pinamamalagian, ilalarawan sa talahanayan 3.2 ang nasabing distribusyon at klasipikasyon.
TALAHANAYAN 3.2 Distribusyon ng mga nakapanayam ayon sa Barangay at kasarian
BARANGAY
LALAKI
BABAE
BARANGAY
LALAKI
BABAE
Bancal 2 3 Malhacan 3 2
Banga 3 2 Pandayan 3 2
Bayugo 2 3 Pantoc 2 3
Caingin 2 3 Poblacion 2 3
Calvario 2 3 Saluysoy 5 0
Camalig 2 3 Sto.Nino Perez 2 3
Gasak St. Francis 4 1 Tugatog 2 3
Hulo 2 3 Zamora 4 1
Iba 2 3
KABUUANG
BILANG
50
50 Langka 3 2
Lawa 1 4
Longos 2 3
Palomares | 69
Kung susuriin ang talahanayan 3.2, kinapanayam ng mananaliksik ang limang residente
sa bawat barangay, kapuwa lalake at babae. Mula sa dalawampu‟t anim (26) na barangay sa
lungsod, pumili ang mananaliksik ng dalawampung (20) barangay upang magsilbing
representasyon ng buong lungsod. Ang anim na barangay na hindi naisama sa isinagawang
sarbey ay ang Bahay Pare, Libtong, Ubihan, Pajo, Bagbaguin, at Liputan dahil na rin sa
limitasyon sa oras at mga rekurso. Para sa mga karagdagang impormasyon sa mga residente, ang
susunod na apat na talangguhit ay maglalarawan ng distribusyon at bahagdan ng mga
nakapanayam ayon sa kanilang edad, antas ng pinag-aralan, kabuhayan, at tagal ng pamamalagi
sa lungsod.
Para sa distribusyon at klasipikasyon ng mga nakapanayam ayon sa edad, ilalarawan sa
talangguhit 3.1 ang nasabing klasipikasyon.
TALANGGUHIT 3.1 Distribusyon ng mga nakapanayam ayon sa edad
13%
18%
18%
8%
10%
11%
9%
7%
2% 3% 1%
Distribusyon ng mga Nakapanayam ayon sa Edad
16-20
21-25
26-30
31-35
36-40
41-45
46-50
51-55
56-60
61-65
76-80
Palomares | 70
Labintatlo (13) sa mga nakapanayam ay labing-anim (16) hanggang dalawampung (20)
taong gulang lamang. Labing-walo (18) naman sa mga nakapanayam ay dalawampu‟t isa (21)
hanggang dalawampu‟t limang (25) taong gulang. Habang labing-walo (18) naman sa mga
nakapanayam ay dalawampu‟t anim (26) hanggang tatlumpung (30) taong gulang. Walo (8)
naman sa mga nakapanayam ay tatlumpu‟t isa (31) hanggang tatlumpu‟t limang (35) taong
gulang. Sampu (10) naman sa mga nakapanayam ay tatlumpu‟t anim (36) hanggang apatnapung
(40) taong gulang. Habang labing-isa (11) naman sa mga nakapanayam ay apatnapu‟t isa (41)
hanggang apatnapu‟t limang (45) taong gulang. Siyam (9) naman sa mga nakapanayam ay
apatnapu‟t anim (46) hanggang limampung (50) taong gulang. Pito (7) naman sa mga
nakapanayam ay limampu‟t isa (51) hanggang limampu‟t limang (55) taong gulang. Dalawa (2)
naman sa mga nakapanayam ay limampu‟t anim (56) hanggang animnapung (60) taong gulang.
Tatlo (3) naman sa mga nakapanayam ay animnapu‟t isa (61) hanggang animnapu‟t limang (65)
taong gulang. At panghuli, isa (1) sa mga nakapanayam ay pitumpu‟t anim (76) hanggang
walumpung (80) taong gulang.
Para naman sa distribusyon ng mga nakapanayam ayon sa antas ng kanilang pinag-aralan,
ilalarawan sa talangguhit 3.2 ang nasabing distribusyon.
Palomares | 71
TALANGGUHIT 3.2 Distribusyon ng mga nakapanayam ayon sa antas ng pinag-aralan
Walo (8) sa isang daan (100) na kalahok sa isinagawang sarbey ay elementarya lamang
ang natapos. Tatlumpu‟t siyam (39) naman sa mga nakapanayam ay nakaabot o nakatapos ng
hayskul, habang ang limampu‟t tatlo (53) naman sa kabuuang bilang nga mga nakapanayam ang
nakaabot o nakatapos ng kurso sa kolehiyo.
Para naman sa distribusyon ayon sa kabuhayan, ilalarawan sa talangguhit 3.3 ang
nasabing distribusyon.
0
10
20
30
40
50
60
Elementarya Hayskul Kolehiyo
Lalake at Babae 8 39 53
Distribusyon ng mga Nakapanayam ayon sa Antas ng
Pinag-aralan
Palomares | 72
TALANGGUHIT 3.3 Distribusyon ng mga nakapanayam ayon sa kasalukuyang kabuhayan o
trabaho.
Labing-anim (16) sa mga nakapanayam ay kasalukuyang mga estudyante pa lamang.
Limampu‟t tatlo (53) naman sa kanila ay kasalukuyang mga empleyado at trabahador ng mga
kompanya, at ilan pang pribadong institusyon. Ang labing-anim (16) naman sa kanila ay may
sariling negosiyo at ilang mga propesyunal sa iba‟t ibang larangan tulad ng pagiging guro,
computer technician, physical therapist, at ilan pang iba. Ang tatlo (3) naman sa mga
nakapanayam ay mga nagretiro na sa kanilang mga trabaho bilang guro, at ilan pang iba. Ang
labing lima (15) naman ay kasalukuyang walang trabaho, naghahanap ng trabaho, at ilang mga
piniling manatili na lamang sa kanilang mga tahanan.
Bilang panghuli, para naman sa distribusyon ayon sa tagal ng paglagi sa lungsod ng
Meycauayan, ilalarawan sa talangguhit 3.4 ang nasabing distribusyon.
0
5
10
15
20
25
30
Estudyante Empleyado Self-
Employed
Nag-retiro Wala
Lalake 7 24 15 1 3
Babae 9 29 6 2 12
Distribusyon ng mga Nakapanayam ayon sa
Kasalukuyang Kabuhayan o Trabaho
Palomares | 73
TALANGGUHIT 3.4 Distribusyon ng mga nakapanayam ayon sa tagal ng pamamalagi sa
lungsod ng Meycauayan, Bulacan
Labing-lima (15) sa mga nakapanayam ay isa (1) hanggang sampung (10) taon pa lamang
namamalagi sa lungsod. Habang ang tatlumpu‟t apat (34) ay labing-isa (11) hanggang
dalawampung (20) taon nang naninirahan sa lungsod. Tatlumpu‟t tatlo (33) naman ay
dalawampu‟t isa (21) hanggang tatlumpung (30) taon nang naninirahan sa lungsod. Anim (6)
naman sa mga nakapanayam ay tatlumpo‟t isa (31) hanggang apatnapung (40) taon nang
namamalagi sa lungsod. Siyam (9) naman ay apatnapu‟t isa (41) hanggang limampung (50) taon
nang namamalagi sa lungsod. Dalawa (2) naman ay limampu‟t isa (51) hanggang animnapung
(60) taon nang namamalagi sa lungsod. At panghuli, isa (1) naman sa mga nakapanayam ay
namalagi na sa lungsod ng halos animnapu‟t isang (61) taon.
15%
34% 33%
6% 9%
2% 1%
Tagal ng Pamamalagi sa Lungsod
1 hanggang 10
11 hanggang 20
21 hanggang 30
31 hanggang 40
41 hanggang 50
51 hanggang 60
Mula 61 pataas
Palomares | 74
PROBISYON NG PAMPUBLIKONG SERBISYO
TALANGGUHIT 3.5: Mga Suliranin sa komunidad ayon sa mga nakapanayam
Hindi maikakaila na marami pa din ang mga suliranin na patuloy na namamayani sa
lipunan. Ilan sa mga primaryang mga suliranin na kinakaharap ng mga residente sa lungsod ng
Meycauyan, Bulacan ay ang kakulangan ng kabuhayan para sa mga mamamayan, korapsyon, at
ang kakulangan ng episyente at epektibong imprastraktura. Ayon sa isinagawang sarbey sa
lipunan, limampu‟t anim (56) sa isang daang (100) mga nakapanayam ang nagsabing may
kasalukuyang pagkukulang sa kabuhayan sa komunidad. Lubos na napakabigat na pasanin nito
sa lipunan kung malaki ang pagkukulang sa kabuhayan sa lungsod dahil ito ang pagmumulan ng
kita upang mabigyan ng maayos na kinabukasan ang sarili at ang kanilang mga pamilya. Hindi
lingid sa kaalaman ng lahat, responsibilidad ng pamahalaan ang bawat nasasakupan nito at
siguraduhing nabubuhay ng maayos at matiwasay ang bawat isa. Dapat nilang tugunan ang
pangangailangan ng lahat at gabayan ang bawat mamamayan tungo sa pag-unlad sa tulong ng
Kakulangan ng
Kabuhayan
Korapsyon Kakulangan ng
Episyente at
Epektibong
Imprastraktura
56
94 86
Mga Suliranin sa Komunidad ayon sa mga
Nakapanayam
Palomares | 75
pagbibigay ng mahusay at maginhawang pamumuhay at kabuhayan. Siyamnapu‟t apat (94)
naman sa isang daang (100) mga nakapanayam ang nagsabing korapsyon ang patuloy na balakid
tungo sa kaunlaran ng lungsod. Patuloy itong nabubuhay sa sistema ng pamahalaan na
nagdudulot ng patuloy na paghirap ng komunidad sa kabila ng napakaraming bilang ng mga
programa at polisiyang inihahain ng pamahalaan sa lipunan. Hindi pa rin nawawala ang
pananamatala ng mga makapangyarihan sa lipunan na patuloy na inuuna ang kanilang personal
na kapakinabangan at pabor. Kung itutulak ng kasalukuyang administrasyon ang lehitimo at
matapat na pagsugpo ng korapsyon sa lahat ng antas at sangay ng pamahalaan ay tuluyang
magkakaroon ng pantay at tunay na pag-unlad sa lipunan. Bilang panghuli, walumpu‟t anim (86)
naman sa isang daang (100) mga nakapanayam ang nagsabing malaki ang pagkukulang sa mga
epektibo at episyenteng mga imprastraktura na tutugon sana sa pangangailangan ng komunidad.
Nagdudulot ang pagkukulang na ito ng mga kalunos-lunos na trahedya tulad ng mga pagbabaha,
polusyon, at trapiko dulot ng mga baradong daluyan ng tubig, basura, at mababang kalidad na
mga pampublikong gawain at konstruksiyon.
Ayon sa naisagawang panayam kay Punong Barangay Manuel C. Aldaba ng Barangay
Poblacion, kaniyang napansin na humina na ang negosyo sa kaniyang kabayanan dulot ng
palagiang pagbabaha at masikip na mga daanan na nagdudulot ng trapiko.45
Ayon din sa
nabanggit ni Punong Lungsod Joan V. Alarilla, ang mga suliranin na patuloy na nananalaytay sa
lipunan at patuloy na kinakaharap ng komunidad ay ang polusyon dulot ng mga industriya,
masikip na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng lungsod, at mga pagbabaha sa ilang mga
Barangay. Upang tugunan daw ito, ang kaniyang Pamahalaang Lungsod ay patuloy na
45
Magtungo sa Apendiks para sa buong detalye ng mga katanungan at kaukulang kasagutan sa interbyu kay Kgg.
Punong Barangay Manuel C. Aldaba ng Poblacion, Meycauayan, Bulacan
Palomares | 76
bumabalangkas ng mga plano upang makatugon sa mga suliraning nabanggit.46
Upang masuri
ang katotohanan sa likod ng aniyang ginagawang pagtugon na ito ng lokal na gobyerno at ng
kaniyang administrasyon sa mga suliranin sa lipunan, magsisilbing sandigan ng gagawing pag-
aaral ang mga kasagutan at sentimyento ng mga nakapanayam sa sarbey sa mga susunod na
talangguhit.
Para sa bilang ng mga nakatanggap ng personal na tulong mula sa gobyerno, ilalarawan
ito ng talangguhit 3.6.
TALANGGUHIT 3.6 Bilang ng mga nakatanggap ng personal na tulong mula sa gobyerno
Habang malinaw na nakatakda sa konstitusyon na responsibilidad ng pamahalaan na
tugunan ang pangangailangan ng bawat nasasakupan nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mahusay at epektibong pampublikong serbisyo at pamamahagi ng sapat na batayang serbisyo,
46
Magtungo sa Apendiks para sa buong detalye ng mga katanungan at kaukulang kasagutan sa interbyu kay Kgg.
Punong Lungsod Joan V. Alarilla ng Meycauayan, Bulacan
34%
66%
Personal ba kayong nakatanggap ng tulong mula
sa gobyerno?
Oo
Hindi
Palomares | 77
hindi pa rin nito sapat na natutugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan. Kung
susuriin ang talangguhit, tatlumpu‟t apat (34) ang nagsabing nakatanggap sila ng tulong mula sa
pamahalaan at animnapu‟t anim (66) naman ang nagsabing hindi sila nakatanggap ng anumang
tulong mula sa pamahalaan. Ang tatlumpu‟t apat (34) na nagsabing nakatanggap sila ng tulong
mula sa pamahalaan ay nakatanggap lamang ng mga tulong sa porma ng relief goods tuwing
dumaraan ang mga unos, mga gamot, konting halaga o salapi, at ilan pang iba. Tunay na marami
pa rin ang bilang ng mga nagsabing hindi sila nakatatanggap ng anumang personal na tulong
mula sa pamahalaan.
Ayon sa naging panayam sa Punong Lungsod ng Meycauayan, sa ilalim ng kasalukuyang
administrasyon ay maraming pisikal na proyekto ang naipapatupad at ipapatupad pa sa
hinaharap.47
Kung pagbabatayan ang talangguhit sa itaas, hindi nararamdaman ng mga
mamamayan ang hatid na tulong at kaunlaran ng mga proyektong ito at pawang pansamantalang
tulong lamang sa lipunan. Ang tunay na solusyon at kailangan ay ang pagsasaayos at pagtaas ng
prayoridad ng pamahalaan sa mga batayang serbisyo dahil ito ang tuluyang mag-aahon sa mga
mamamayang nasa laylayan ng lipunan.
Para naman sa bilang ng mga nagsabing nakatulong ang mga proyekto ng gobyerno,
ilalarawan ng talangguhit 3.7 ang nasabing klasipikasyon.
47
Tignan ang Apendiks para sa buong detalye ng mga katanungan at kaukulang kasagutan sa interbyu kay Kgg.
Punong Lungsod Joan V. Alarilla ng Meycauayan, Bulacan
Palomares | 78
TALANGGUHIT 3.7 Bilang ng mga Nagsabing Nakatulong ang mga Proyekto ng Gobyerno
Ang taumbayan ay patuloy na nakasandig sa pangako ng pamahalaan na ihahatid nito ang
kaunlarang para sa masa. Ayon sa isinagawang panayam sa Punong Lungsod ng Meycauayan,
ang prayoridad ng kaniyang administrasyon ay ang mga sumusunod: (a) pagpapataas at
pagpapasemento ng mga sirang kalsada; (b) pagsasaayos ng mga padaluyang tubig; at (c)
pagsasaayos ng mga pasilidad ng mga paaralan. Malaki aniya ang hatid nitong kaunlaran at
kaginhawahan sa kaniyang mga nasasakupan ngunit tila taliwas ito sa tinipong datos mula sa
komunidad. Kung susuriin ang talangguhit sa itaas, tatlumpu‟t walo (38) ang nagsabing
nakatulong sa lungsod ang mga proyektong pangkaunlaran habang animnapu‟t dalawa (62)
naman ang nagsabing hindi ito nakatulong sa lungsod. Ayon sa mga nakapanayam, ang mga
proyekto ay hindi sapat upang paunlarin ang kasalukuyang estado at kondisyon ng lungsod. May
mga proyektong pansamantalang kaginhawahan lamang ang hatid at ang iba‟y halos walang
pakinabang at nagdudulot pa ng higit na perwisyo sa komunidad. Para sa kanila, nasasayang
38%
62%
Nakatulong ba ang mga proyektong ito sa
komunidad?
Oo
Hindi
Palomares | 79
lamang ang inilalaang pondo at mga rekurso na dapat sana‟y magagamit sa ibang sektor ng
lipunan na higit na nangangailangan ng mga ito.
Para naman sa bilang ng mga nagsabing nakakaapekto ang mga proyekto ng gobyerno sa
kanilang kabuhayan o pamumuhay, ilalarawan ito sa talangguhit 3.8.
TALANGGUHIT 3.8 Bilang ng mga nagsabing nakaapekto sa kanilang kabuhayan o
pamumuhay ang mga proyekto ng pamahalaan
Tatlumpu‟t apat (34) sa mga nakapanayam ang nagsabing nakaapekto sa kanilang
pamumuhay o kabuhayan ang mga proyekto, habang animnapu‟t anim (66) naman ang
nagsabing hindi ito nakakaapekto. Ayon sa mga nakapanayam, ang madalas na pagbabaha sa
lungsod na dulot ng mga sumasalantang bagyo at high-tide sa komunidad ay ang pangunahing
nakakaapekto sa kanilang kabuhayan o pamumuhay. Malaki ang pagkukulang sa mga
proyektong pang-imprastraktura upang maiwasan ang ganitong mga sakuna at negatibong epekto
34%
66%
Nakakaapekto ba ang mga proyektong ito sa
inyong kabuhayan o pamumuhay?
Oo
Hindi
Palomares | 80
nito sa kanilang mga negosyo at kabuhayan. Upang tugunan ito, kinakailangan ng malawakang
pagsasaayos at pagpapahukay ng mas malalim na mga padaluyang tubig upang mabilis na
humupa ang tubig baha.
Para naman sa bilang ng mga nagsabing umunlad ang buhay sa lungsod dahil sa mga
proyekto ng pamahalaan, ilalarawan ito sa talangguhit 3.9.
TALANGGUHIT 3.9 Bilang ng mga nagsabing umunlad ang komunidad dahil sa mga proyekto
ng pamahalaan
Labing-lima (15) sa mga nakapanayam ang nagsabing umunlad ang buhay sa lungsod
dahil sa mga proyektong pisikal ng pamahalaan, habang walumpu‟t lima (85) naman ang
nagsabing hindi ito nakatulong sa pagpapayabong ng ekonomiya at lipunan ng lungsod. Kung
susuriin ang talangguhit, kapansin-pansin na mababa ang bilang ng mga residente na
nagsasabing umunlad ang komunidad dahil sa mga proyektong ito. Isa itong matibay na
15%
85%
Umunlad ba ang buhay sa inyong komunidad dahil
sa mga proyektong ito?
Oo
Hindi
Palomares | 81
indikasyon na patuloy pa rin na namamayagpag ang sistema na kung saan bumubuo ang
pamahalaan ng mga proyektong hindi naman para sa pakinabang ng nakararami.
Upang bigyang solusyon ang suliraning ito, isa ang usapin ng pampublikong
partisipasyon sa nakahagip ng malawak na atensyon dahil na rin napakahalaga at kritikal na
ambag ng boses ng taumbayan sa pagpapahusay ng sistema. Upang ihayag ang sentimyento at
opinyon ng lipunan sa usaping ito, ilalarawan ng mga susunod na talangguhit ang antas ng
partisipasyon ng publiko sa kasalukuyang mekanismo at estratehiya na kinikilala ng pamahalaan
sa pagpaplano at pagbuo ng mga proyektong pangkaunlaran sa imprastraktura.
Para sa bilang ng mga nagsabing naimbitahan o nakadalo na sila sa isang pampublikong
pagpupulong bago ang implementasyon ng mga proyekto ng pamahalaan, ilalarawan ito sa
talangguhit 3.10.
PAMPUBLIKONG PARTISIPASYON SA SISTEMA
TALANGGUHIT 3.10 Bilang ng mga nagsabing naimbitahan o nakadalo na sila sa isang
pampublikong pagpupulong bago ang implementasyon ng mga proyekto ng pamahalaan
3%
97%
Naimbitahan o nakadalo na ba kayo sa isang
pampublikong pagpupulong bago ang
implementasyon ng mga proyektong ito?
Oo
Hindi
Palomares | 82
Tatlo (3) lamang mula sa kabuuang bilang ng mga nakapanayam ang nagsabing
naimbitahan o nakadalo na sila sa isang pampublikong pagpupulong bago ang implementasyon
ng mga programa at proyekto sa lungsod, habang siyamnapu‟t pito (97) naman ang nagsabing
hindi pa sila naiimbitahan o nakadadalo sa mga pampublikong pagpupulong.
Ang pampublikong partisipasyon sa sistema ay ginarantyahan ng saligang batas. Ayon sa
ika-107 na seksyon ng RA 7160 o ang Local Government Code of 1991, ang mga Non-
Government Organizations (NGO) ay dapat katawanin sa City Development Councils. Ang mga
NGO/CSO ay kasapi sa iba‟t-ibang Committee o Board na tinatawag na Local Special Bodies.48
Ayon din sa ika-209 na seksyon ng nasabing batas, layunin ng development council ng barangay
na paigtingin ang partisipasyon ng publiko sa pagsusumikap nito tungo sa kaunlaran ng lokal.49
Samakatuwid, ang kalayaan ng tao na makiisa sa sistema ay likas na katangian ng pamahalaan.
Binibigyan nito ang mamamayan ng karapatan upang makipagtipon at magpetisyon sa
pamahalaan para sa pagwawasto ng kamalian at pagkukulang nito. Ngunit dahil sa tunggaliang
pulitikal na namamayani sa sistema, hindi nakapaglalagak ng partisipasyon ang mga
mamamayan sa sistema ng pagpaplano at pagdedesisyon sa lipunan kung kaya‟t hindi pa rin
naisasaayos ang epektibidad at kahusayan ng mga proyektong ito hanggang sa kasalukuyan.
Para sa bilang ng mga nagsabing may kilala silang nakadalo mula sa kanilang komunidad
sa mga pampublikong pagpupulong bago ang implementasyon ng mga proyekto ng pamahalaan,
ilalarawan ito sa talangguhit 3.11.
.
48
Magtungo sa Apendiks para sa buong detalye ng mga katanungan at kaukulang kasagutan sa interbyu kay Kgg.
Punong Lungsod Joan V. Alarilla ng Meycauayan, Bulacan 49
RA 7160 “Local Government Code of 1991” na kinuha noong Enero 2013 mula sa
http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra1991/ra_7160_1991.html
Palomares | 83
TALANGGUHIT 3.11 Bilang ng mga nagsabing may kilala silang nakadalo mula sa kanilang
komunidad sa mga pampublikong pagpupulong bago ang implementasyon ng mga proyekto ng
pamahalaan
Walo (8) sa kabuuang bilang ng mga nakapanayam ay sinabing may kilala silang
nakadalo sa mga pampublikong pagpupulong, habang siyamnapu‟t dalawa (92) naman ang
nagsabing wala. Ayon sa isinagawang panayam sa Punong Lungsod, nagpapadala ang
Pamahalaang Lungsod ng mga paanyaya sa lahat ng kinauukulan para makilahok at
makapaglagak ng partisipasyon sa sistema.50
Kung susuriin ang talangguhit 3.10, kakaunti
lamang ang bilang ng mga residenteng nakatanggap ng paanyaya mula sa pamahalaan upang
sila‟y makapaglagak ng partisipasyon sa sistema. Sinuportahan naman ito ng talangguhit 3.11 na
nagpapakita na kakaunti lamang ang may kakilalang nakadalo sa mga pagpupulong na ito mula
sa kanilang komunidad. Sinangayunan ito ng Punong Barangay ng Poblacion at sinabing
50
Magtungo sa Apendiks para sa buong detalye ng mga katanungan at kaukulang kasagutan sa interbyu kay Kgg.
Punong Lungsod Joan V. Alarilla ng Meycauayan, Bulacan
8%
92%
May kilala ba kayong nakadalo mula sa
komunidad sa mga pagpupulong na ito?
Meron
Wala
Palomares | 84
mayroon lamang bahagyang partisipasyon ang kaniyang mga nasasakupan sa sistema. At kung
kakalkulahin ang dami ng partisipasyon ng kaniyang mga nasasakupan ay nasa sampu hanggang
dalawampung residente lamang sa buong barangay ang naaanyayahan at nakakadalo dito.
Depensa niya, nananatili itong bukas para sa lahat, halimbawa ng mga bukas na pagpupulong na
ito ay ang pagkakaroon ng Barangay Assembly Day na kung saan ang ilang mga kabarangay ay
nagpapaabot at nagpaparating ng kanilang mga mungkahi na nauukol sa takbo ng ekonomiya at
maging ang mga mahahalagang proyekto na kailangan maisagawa sa pamahalaang lokal.51
Para sa bilang ng mga nagsabing may mga rekomendasyon at sentimyento mula sa
komunidad ang kinikilala sa mga pampublikong pagpupulong na ito, ilalarawan ito sa
talangguhit 3.12.
TALANGGUHIT 3.12 Bilang ng mga nagsabing may mga rekomendasyon at sentimyento mula
sa komunidad ang kinikilala sa mga pampublikong pagpupulong na ito
51
Magtungo sa Apendiks para sa buong detalye ng mga katanungan at kaukulang kasagutan sa interbyu kay Kgg.
Punong Barangay Manuel C. Aldaba ng Poblacion, Meycauayan, Bulacan
3%
82%
15%
May mga rekomendasyon at sentimyento po ba
mula sa komunidad ang kinikilala sa mga
pampublikong pagpupulong na ito?
Meron
Wala
Hindi Alam
Palomares | 85
Tatlo (3) sa kabuuang bilang ng mga nakapanayam ang nagsabi na mayroong mga
rekomendasyon at sentimyento mula sa komunidad ang kinikilala sa mga nagaganap na
pampublikong pagpupulong na ito. Walumpu‟t dalawa (82) naman ang nagsabing walang
nagiging pagkilala sa mga ipinaparating na mungkahi ng mga mamamayan. Habang labing lima
(15) naman ang nagsabing wala silang nalalaman sa sistemang ito. Kung susuriin ang
talangguhit, napakalaking bilang ng mga nakapanayam ang nagsabing hindi pinapakinggan ng
pamahalaan ang kanilang mga mungkahi para sa pagpapabuti ng sistema ng pagpaplano at
pagdedesisyon para sa lipunan. Nananatiling nasa mababang antas o pawang non-participative at
tokenismo lamang ang nailalagak na partisipasyon ng mga mamamayan sa sistema ng
pagdedesisyon at nananatiling nasa mga makapangyarihan ang pagdedesisyon para sa lipunan.
Para sa bilang ng mga nagsabing mayroong pampublikong konsultasyon bago ipatupad
ang proyekto ng pamahalaan, ilalarawan ito sa talangguhit 3.13.
TALANGGUHIT 3.13 Bilang ng mga nagsabing mayroong pampublikong konsultasyon bago
ipatupad ang mga proyekto ng pamahalaan
8%
92%
Mayroon po ba na pampublikong konsultasyon sa
inyong komunidad bago ipatupad ang mga
proyektong ito?
Meron
Wala
Palomares | 86
Walo (8) sa kabuuang bilang ng mga nakapanayam ang nagsabi na mayroong
pampublikong konsultasyon na nagaganap bago ipatupad ang plano at proyekto ng pamahalaan
habang siyamnapu‟t dalawa (92) naman ang nagsabing walang nagaganap na konsultasyon.
Kung susuriin ang talangguhit, napakalaki ng porsyento ng mga mamamayan ang nagsabing
walang anu mang porma ng konsultasyon sa publiko ang nagaganap sa lungsod. Dahil dito,
patuloy na dumarami ang mga programa at proyektong naipapatupad nang hindi nabibigyang
pansin ang sentimyento ng mga mamamayan ukol dito at kung sila pa ay pabor o hindi.
Ayon sa Arnstein‟s Ladder of Citizen Participaton, may dalawang mababang antas ng
pampublikong partisipasyon na kapuwa non-participative o walang anumang nailalagak na
partisipasyon ang mga mamamayan sa sistema. Ito ay ang manipulasyon at ang therapy. Ang
layunin nito ay turuan o manipulahin ang mga kalahok sa sistema. Ang mga ipinanukalang plano
ay ang nananatiling pinakamahusay sa lahat at ang trabaho lamang ng lipunan ay ang pagbibigay
ng pampublikong suporta sa pamamagitan ng pampublikong relasyon.52
Nakakalungkot man
isipin, ang sistemang ito ang nananatiling namamayagpag sa sistema ng pagpaplano sa bansa.
Para sa bilang ng mga nagsabing mayroong pampublikong sarbey mula sa gobyerno
matapos ang implementasyon ng mga proyektong ito, ilalarawan ito sa talangguhit 3.14.
52
Community Participation: The Arnstein Ladder na kinuha noong Pebrero 2013 mula sa
http://www.slideshare.net/curtistim/community-participation-the-arnstein-ladder
Palomares | 87
TALANGGUHIT 3.14 Bilang ng mga nagsabing mayroong pampublikong sarbey mula sa
gobyerno matapos ang implementasyon ng mga proyektong ito
Ayon sa Arnstein‟s Ladder of Citizen Participation, ang pang-apat nitong antas o ang
antas ng konsultasyon ay isang hakbang upang gawing lehitimo ang partisipasyon ng lipunan. Ito
ay maaaring sa paraan ng pagsasagawa ng mga sarbey, pagpupulong, at ang pagkakaroon ng
pampublikong talakayan. Ngunit kung susuriin ang talangguhit, isang-daan (100) o ang
kabuuang bilang ng mga nakapanayam ang nagsabi na walang nagaganap na sarbey sa lipunan
mula sa pamahalaan upang tiyakin ang epektibidad at kahusayan ng mga proyektong inilalagak
sa lipunan matapos ang implementasyon nito. Isa itong malinaw na indikasyon na hindi
binibigyang halaga ng pamahalaan ang partisipasyon ng publiko sa sistema. Hindi lamang dapat
natatapos sa pagsasagawa ng mga kalsada at tulay ang responsibilidad ng pamahalaan. Dapat
siguruhin ng mga kinatawan ng pamahalaan ang kaligtasan at kaginhawahan ng kanilang mga
nasasakupan matapos ang implementasyon ng mga proyekto at programa nito.
0%
100%
Mayroon bang sarbey mula sa gobyerno matapos
ang implementasyon ng mga proyektong ito?
Meron
Wala
Palomares | 88
EPEKTIBIDAD AT KAHUSAYAN NG LOKAL NA GOBYERNO
TALANGGUHIT 3.15 Bilang ng nagsabing epektibo, sapat, at episyente ang lokal na gobyerno
sa pagbuo ng mga proyekong pangkaunlaran para sa komunidad
Apat (4) mula sa kabuuang bilang ng mga nakapanayam ang nagsabing epektibo, sapat,
at episyente ang lokal na gobyerno sa pagbuo ng mga proyektong pangkaunlaran para sa
komunidad habang siyamnapu‟t anim (96) naman ang nagsabing hindi.
Nitong nakaraang taon lamang, nagkaroon ng malawakang pagtatambak ng daan sa iba‟t
ibang bahagi ng Meycauayan, Bulacan. Kung susuriin ang talangguhit, malaking porsyento ng
mga nakapanayam ang nagsabing hindi sapat ang mga proyektong iminumungkahi at
ipinapatupad ng pamahalaan upang paunlarin ang lungsod. Minsa‟y lalo lamang ito nagdudulot
ng samu‟t saring perwisyo sa mga residente ng lungsod. Mistulang pansamantala lamang o
pantapal sa suliranin at krisis ang mga programa at polisiyang inihahain ng pamahalaan at hindi
ang pangmatagalang solusyon. Maaaring maghatid ito ng ginhawa sa lipunan ngunit ito‟y
nananatiling panandalian lamang.
4%
96%
Epektibo, sapat, at episyente ba ang lokal na
gobyerno sa pagbuo ng mga proyektong
pangkaunlaran para sa komunidad?
Oo
Hindi
Palomares | 89
Para sa mga hadlang sa pagsasagawa ng lokal na gobyerno ng maayos, sapat, at
epektbong mga proyektong pangkaunlaran sa imprastraktura ayon sa mga nakapanayam,
ilalarawan ito sa talangguhit 3.16.
TALANGGUHIT 3.16 Mga hadlang sa pagsasagawa ng lokal na gobyerno ng maayos, sapat, at
epektbong mga proyektong pangkaunlaran sa imprastraktura
0
10
20
30
40
50
60
70
80
90
100
97 96
77 77 77
Palomares | 90
Kung susuriin ang talangguhit, hindi na nakapagtataka na pinakamataas o pinakamarami
ang nagsabing korapsyon ang pinakamalaking hadlang sa pag-unlad. Ang korapyon ay patuloy
na nabubuhay sa loob at labas ng sistema ng pamahalaan. Gumagawa man ng aksyon ang
pamahalaan upang tuluyan itong sugpuin ay hindi pa rin ito tuluyang nasosolusyonan dahil sa
patuloy na pamamayagpag ng masasamang elemento sa sistema. Patuloy pa rin na namamayani
ang mga naghaharing-uri at ang kanilang mga makasariling-interes na patuloy na nagsasamantala
at gumagamit ng kanilang kapangyarihan upang kontrolin at monopolisahin ang pagdedesisyon
para sa lipunan. Pumapangalawa naman sa mga hadlang na ito ay ang pagkukulang sa
pampublikong konsultasyon. Ayon sa batas, may karaptan ang bawat mamamayan na
makibahagi sa proseso ng pagdedesisyon ngunit hindi ito natutugunan dahil na rin sa pulitikal na
tunggalian na namamagitan sa mga makapangyarihan sa lipunan at ng mga mamamayan na
patuloy na nagsusulong ng kanilang mga karapatan at makalipunang-interes. Pumapangatlo
naman ang kakulangan ng maayos na programa at polisiya, pagkukulang sa transparensiya at
akawntabiliti, at ang makasariling-interes ng mga naghaharing-uri. Tunay man na maganda ang
mga polisiya at batas na naipasa ng pamahalaan ngunit ang malaking suliranin dito at
pagkukulang ay ang matapat nitong implementasyon. Kung kaya‟t kahit kabi-kabila man ang
mga proyektong isinusulong ng pamahalaan sa mga lumipas na rehimen at administrasyon, hindi
pa rin nito tuluyang masugpo ang paglaganap ng kahirapan sa bansa.
Para sa kahalagahan ng partisipasyon at pampublikong konsultasyon sa tagumpay ng mga
proyekto ng pamahalaan ayon sa mga nakapanayam, ilalarawan ito sa talangguhit 3.17
Palomares | 91
TALANGGUHIT 3.17 Kahalagahan ng partisipasyon at pampublikong konsultasyon sa
tagumpay ng mga proyekto ng pamahalaan
Tulad ng nabanggit sa mga naunang bahagi ng pananaliksik na ito, mahalaga ang papel
ng publiko sa sistema ng pagdedesisyon at pagpapasya sa lipunan upang tunay na tugunan ng
mga proyektong ito ang pangangailangan ng lipunang Pilipino. Kung susuriin ang talangguhit, sa
isang-daang (100) mga residente mula sa iba‟t ibang barangay ng Meycauayan, Bulacan na
nabigyan ng pagkakataong makapaglagak ng partisipasyon sa isinagawang sarbey, isang-daan
(100) din ang nagsabi na mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pagpaplano at
pagdedesisyon upang matutukan at malaman ng mga kinatawan ng pamahalaan ang higit na
kailangan at kagustuhan ng sambayanang Pilipino. Kung sila‟y makapaglalagak ng kanilang
partisipasyon, magagabayan ng lahat kung saan napupunta o nagagamit ang mga rekurso at
kaban ng bayan. Sa tulong nito ay masisiguro na hindi lamang sa bulsa ng mga mapagsamantala
napupunta ang mga pondong nakalaan para sa mga proyekto ng iba‟t ibang sektor. Mahaba na
100%
0%
0% 0% 0%
Pakigraduhan ang kahalagahan ng partisipasyon
at pampublikong konsultasyon sa tagumpay ng
mga proyekto mula
1 (pinakamababa) - 5 (pinakamataas)
5
4
3
2
1
Palomares | 92
ang panahon ng pamamayagpag ng pagmomonopolisa‟t panghihimasok ng mga mapagsamantala
sa pamahalaan kung kaya‟t dapat nang paigtingin ang pakikiisa ng lahat ng mamamayan sa
sistema.
Para sa kasagutan ng mga nakapanayam sa katanungan kung ang mga opisyal ng
gobyerno ay nagpapakita ng kagustuhang makapagbigay ng serbisyo sa komunidad, ilalarawan
ito sa talangguhit 3.18.
TALANGGUHIT 3.18 Kasagutan ng mga nakapanayam sa katanungan kung ang mga opisyal
ng gobyerno ay nagpapakita ng kagustuhang makapagbigay ng serbisyo sa komunidad
Ayon sa talangguhit, dalawampu‟t lima (25) ang nagsabing nagpapakita ng kagustuhang
makapagbigay ng serbisyo sa komunidad ang mga kinatawan ng pamahalaan. Animnapu‟t pito
(67) naman ang hindi sumasang-ayon, habang walo (8) ang nagsabing hindi nila matukoy. Ayon
sa mga nakapanayam, lubhang malaki pa rin ang pagkukulang ng pamahalaan na tugunan ang
25%
67%
8%
Ang mga opisyal ng gobyerno ay nagpapakita ng
kagustuhang makapagbigay ng serbisyo sa
komunidad.
Sumasang-ayon
Hindi Sumasang-ayon
Hindi Masabi
Palomares | 93
mga pangangailangan ng lipunan. Hindi pa rin nila sapat na natutugunan ang mahusay at
epektibong pagbibigay ng pampublikong serbisyo sa lipunan. Dahil dito, malaki ang
pangangailangan ng pamahalaan na makuhang muli ang tiwala ng sambayanan na sila‟y para sa
lipunan at hindi lamang para sa iilan.
Para sa kasagutan ng mga nakapanayam sa katanungan kung maayos ang kalidad,
episyente, epektibo, sapat, at may pakinabang ang mga proyektong pangkaunlaran ng gobyerno
para sa imprastraktura, ilalarawan ito sa talangguhit 3.19.
TALANGGUHIT 3.19 Kasagutan ng mga nakapanayam sa katanungan kung maayos ang
kalidad, episyente, epektibo, sapat, at may pakinabang ang mga proyektong pangkaunlaran ng
gobyerno para sa imprastraktura
Pito (7) sa kabuuang bilang ng mga nakapanayam ang sumasang-ayon na maayos ang
kalidad, episyente, epektibo, sapat, at may pakinabang ang mga proyektong pangkaunlaran ng
7%
92%
1%
Maayos ang kalidad, episyente, epektibo, sapat, at
may pakinabang ang mga proyektong
pangkaunlaran ng gobyerno para sa
imprastraktura
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon
Hindi Masabi
Palomares | 94
gobyerno para sa imprastraktura. Siyamnapu‟t dalawa (92) naman ang hindi sumasang-ayon at
isa (1) ang hindi masabi. Halos lahat ng nabigyan ng pagkakataon na mamuno sa ating gobyerno
ay gumagawa ng mga desisyon na ayon lamang sa kanilang pansariling-interes at personal na
benepisyo. Hindi nabibigyan ang lipunan ng karapatang makibahagi sa pagbuo ng mga desisyon
na para naman sa ekonomiya at lipunan. Dahil dito, hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan ang
pagbuo ng isang mahusay at epektibong plano na higit na makakatulong sa mayorya ng lipunang
Pilipino. Nananatiling hindi sapat at epektibo ang planong pangkaunlaran ng pamahalaan sa
lipunan kung kaya‟t patuloy pa rin ang paghihirap ng sambayanang Pilipino.
Para sa kasagutan ng mga nakapanayam sa katanungan kung kinikilala ng lokal na
gobyerno ang pangangailangan ng mamamayan at tinutugunan ang mga ito ng may kahandaan
ay kaayusan, ilalarawan ng talangguhit 3.20 ang nasabing klasipikasyon.
TALANGGUHIT 3.20 Kasagutan ng mga nakapanayam sa katanungan kung kinikilala ng lokal
na gobyerno ang pangangailangan ng mamamayan at tinutugunan ang mga ito ng may
kahandaan ay kaayusan
5%
91%
4%
Kinikilala ng lokal na gobyerno ang pangangailangan
ng mamamayan at tinutugunan ang mga ito ng may
kahandaan at kaayusan
Sumasang-ayon
Hindi Sumasang-ayon
Hindi Masabi
Palomares | 95
Lima (5) sa kabuuang bilang ng mga nakapanayam ang sumasang-ayon na kinikilala ng
Lokal na Gobyerno ang pangangailangan ng mga mamamayan at tinutugunan ang mga ito ng
may kahandaan at kaayusan. Siyamnapu‟t isa (91) naman ang hindi sumasang-ayon at apat (4)
ang hindi masabi. Sa paglipas ng maraming taon, nabuhay ang mga Pilipino ng walang buong
kalayaan na maihayag ang kanilang tunay na saloobin at kagustuhan dahil ang pamumuno at
pagdedesisyon ay minomonopolisa ng mga naghaharing-uri. Isa itong matibay na indikasyon na
hindi kinikilala ng lokal na gobyerno ang pangangailangan ng mga mamamayan.
Para sa kasagutan ng mga nakapanayam sa katanungan kung kung sapat ba ang kanilang
kaalaman tungkol sa proseso ng badyet,prokyurmen,at iba pang kinikilalang hakbangin ng
gobyerno sa pagbuo ng mga proyektong ito, ilalarawan ito sa talangguhit 3.21.
TALANGGUHIT 3.21 Kasagutan ng mga nakapanayam sa katanungan kung sapat ba ang
kanilang kaalaman tungkol sa proseso ng badyet, prokyurment, at iba pang kinikilalang
hakbangin ng gobyerno sa pagbuo ng mga proyektong ito
3%
97%
Sapat ba ang inyong kaalaman tungkol sa proseso ng
badyet, prokyurment, at iba pang kinikilalang
hakbangin ng gobyerno sa pagbuo ng mga proyektong
ito?
Oo
Hindi
Palomares | 96
Tatlo (3) sa kabuuang bilang ng mga nakapanayam ang nagsabing sapat ang kanilang
kaalaman tungkol sa proseso ng badyet, prokyurment, at iba pang kinikilalang hakbangin ng
gobyerno sa pagbuo ng mga proyektong ito habang siyamnapu‟t pito (97) naman ang nagsabing
hindi. Maraming bilang pa rin ng mga residente ang walang nalalaman tungkol sa proseso at
mekanismong kinikilala at ipinapatupad ng pamahalaan kung kaya‟t isa itong matibay na
indikasyon na may pagkukulang ang mga residente sa pakikiisa at pagsulong sa kanilang mga
karapatan para sa mga proyekto at programang nararapat para sa lahat. Nagiging daan ang hindi
pakikiisang ito upang ang mga makapangyarihan ay patuloy na manamantala dahil na rin sa
bulnerabilidad ng mga mamamayan.
Para sa kasagutan ng mga nakapanayam sa katanungan kung kung sapat ba ang kanilang
kaalaman tungkol sa proseso ng badyet, prokyurment, at iba pang kinikilalang hakbangin ng
gobyerno sa pagbuo ng mga proyektong ito, ilalarawan ito sa talangguhit 3.21.
Palomares | 97
TALANGGUHIT 3.21 Kasagutan ng mga nakapanayam sa katanungan kung sapat ba ang
kanilang kaalaman tungkol sa proseso ng badyet, prokyurment, at iba pang kinikilalang
hakbangin ng gobyerno sa pagbuo ng mga proyektong ito
Ayon sa isinagawang sarbey sa lungsod, siyamnapu‟t walo (98) sa isang daang (100) mga
nakapanayam ang nagsabing ang episyente, epektibo, at sapat na imprastraktura ang higit na
kailangan ng mga mamamayan sa komunidad. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat, responsibilidad
ng pamahalaan ang bawat nasasakupan nito at siguraduhing nabubuhay ng maayos at matiwasay
ang bawat isa. Dapat nilang tugunan ang pangangailangan ng lahat at gabayan ang bawat
mamamayan tungo sa pag-unlad sa tulong ng pagbibigay ng mahusay at sapat na imprastraktura
na may dulot na pangmatagalang-ginhawa sa bawat isa. Siyamnapu‟t anim (96) naman sa isang
daang (100) mga nakapanayam ang nagsabing konsultasyon at partisipasyon ng publiko sa
sistema ang kasagutan tungo sa pagkamit ng tunay at pantay na kaunlaran ng lungsod. Tulad ng
Episyente, epektibo, at
sapat na
imprastraktura
Konsultasyon at
partisipasyon ng
publiko
Episyente, epektibo, at
matapat na lider/opisyal
ng gobyerno
98
96
99
Aling mga programa o serbisyo ang sa palagay
niyong higit na kailangan ng mga mamamayan sa
inyong komunidad?
Palomares | 98
nabanggit sa mga naunang bahagi ng pananaliksik na ito, napakahalaga ng bahaging
ginagampanan ng pampublikong partisipasyon sa sistema ng pagdedesisyon mula sa
pagmumungkahi nito hanggang sa implementasyon ng mga programa at polisiyang ng
pamahalaan para sa lipunan. Sa kasamaang palad, hindi pa rin ito napagtitibay ng pamahalaan
dahil na rin sa pananamatala ng mga naghaharing-uri na patuloy na inuuna ang kanilang personal
na kapakinabangan at kagustuhan. Kung itutulak ng kasalukuyang administrasyon ang
lehitimong partisipasyon ng lipunan sa lahat ng antas ng pagpaplano at pagdedesisyon sa lahat ng
sangay ng gobyerno, ay tuluyang mapapawi ang pananalaytay ng masasamang elemento sa
lipunan. Bilang panghuli, siyamnapu‟t siyam (99) naman sa isang-daang (100) mga
nakapanayam ang nagsabing ang episyente, epektibo, at matapat na kinatawan ng gobyerno ang
higit na kinakailangan sa lungsod upang tuluyan itong umunlad. Patuloy na nagluluklok sa
pwesto ang mga mamamayan ng mga manunungkulan sa pamahalaan na kanilang inaasahang
magdadala sa kanila ng panibagong pag-asa. Kung kaya‟t sana ang mga susunod na mailuluklok
sa pamahalaan ay hindi na bibiguin ang tiwala ng taumbayan at ng mga hinaharap na henerasyon
upang makamit ang kaunlarang para sa lipunang Pilipino.
Palomares | 99
PAGTANAW SA MGA KRITISISMO AT KAUKULANG SOLUSYON NG
PAMAHALAAN
Ang lipunang Pilipino ay patuloy na ipinaglalaban ang kanilang karapatan na
makatanggap ng mahusay at epektibong pampublikong serbisyo mula sa pamahalaan. Sa
kasamaang palad, nananatili pa rin sa bansa ang sistema na kung saan ang kakaunti lamang ang
nakikinabang at patuloy na umuunlad habang ang mayorya ay patuloy na naisasantabi at
nilalamon ng kahirapan.
Ang proseso ng pagbuo at pagpapatupad ng mga plano ng pamahalaan ay nakatatanggap
ng napakaraming puna at kritisismo mula sa publiko at ilang mga pribadong institusyon. Ayon sa
kinikilalang batas, ang pagbabalangkas ng plano para sa pagbuo ng mga proyektong
pangkaunlaran sa imprastraktura sa mga lungsod ay naaayon o alinsunod sa Republic Act 7160 o
ang Local Government Code of 1991. Nakapaloob dito ang kinikilalang proseso o hakbang mula
sa pagbuo ng mga proyektong ito mula sa paglalatag ng mga mungkahi o plano, mga kinatawan
na responsable sa pagsasagawa nito, pagpopondo ng mga proyekto, hanggang sa
implementasyon ng mga ito. Sa likod ng organisadong pamamaraan na ito, napakarami pa rin
ang masasamang elemento na patuloy na nabubuhay sa loob at labas ng sistema ng pamahalaan.
Kung kaya‟t masasabi ng lahat na hindi nagagampanan ng mga planong pangkaunlaran na ito
ang tunay nitong mga layunin.
Nang tanungin ang Punong Lungsod ng Meycauayan Bulacan na si Joan V. Alarilla
patungkol sa mga kritisimong ibinabato sa planong pangkaunlaran ng pamahalaan sa
imprastraktura at sa pagkukulang ng ginagawang pagtugon nito, ayon sa kaniya ay “walang
pagkukulang” ang gobyerno dito. Dagdag pa niya, “ang pagbabalangkas ng mga plano at
Palomares | 100
proyekto ng pamahalaan ay may lubos na pag-unawa sa benepisyo at kabutihan ng higit na
nakararaming kababayan”.53
Ngayong taon lamang, nagkaroon ng malawakang pagtatambak at
pagsesemento ng mga kalsada sa iba‟t ibang barangay sa lungsod. Ayon sa mga kinatawan ng
pamahalaan, isa itong hakbang tungo sa tuluyang pagsagot ng suliranin sa pagbabaha at trapiko
sa lungsod ngunit ayon sa maraming bilang ng mga nakapanayam sa mga isinagawang sarbey,
ang mga proyektong ito ay mistulang pansamantala o pantapal lamang ng mga malalaking
suliranin at krisis sa lipunan. Hindi dapat ang pagtatambak o pagsesemento ng mga kalsada ang
prayoridad ng pamahalaan kung hindi ang pagpapahukay at paglilinis ng mga padaluyang tubig
at ilog ng lungsod.
Ang Lokal na Gobyerno ng Meycauayan, Bulacan ay naninindigan na ang mayorya ng
mga residente ng lungsod ay lubos na nakikinabang sa mga pisikal na proyekto ng kasalukuyang
administrasyon. Ngunit may mga limitasyon pa rin na kinakaharap ang pamahalaan kung kaya‟t
hindi lubos na maipatupad ang mga proyekto upang tugunan ang mga pangangailangan ng
pamayanan tulad na lamang ng kakulangan sa teknolohiya at pondo na inilalaan ng Pambansang
Gobyerno para sa bawat rehiyon at sa sektor ng imprastraktura. Sa kaniyang depensa, “malaki
ang gampanin ng Pamahalaang Nasyunal upang bumalangkas ng pangmalawakang proyekto na
pakikinabangan ng mahabang panahon at higit na bilang ng mga benepisyaryo”.54
Dahil dito,
malaki ang pangangailangan na magkaroon ng sistematiko, organisado, epektibo, at mahusay na
pagpaplano ng pamahalaan upang maiwasan ang ganitong mga pagkukulang at upang
matugunan nito ang tunay nitong mga layunin. Sa isang bansa tulad ng Pilipinas na kabilang sa
Pangatlong Daigdig, malaki ang responsibilidad ng pamahalaan na protektahan ang karapatan ng
53
Magtungo sa Apendiks para sa buong detalye ng mga katanungan at kaukulang kasagutan sa interbyu kay Kgg.
Punong Lungsod Joan V. Alarilla ng Meycauayan, Bulacan 54
Magtungo sa Apendiks para sa buong detalye ng mga katanungan at kaukulang kasagutan sa interbyu kay Kgg.
Punong Lungsod Joan V. Alarilla ng Meycauayan, Bulacan
Palomares | 101
bawat mamamayan sa isang maginhawang kinabukasan sa tulong ng mas pinahusay na
pampublikong serbisyo at pagpapaunlad ng mga batayang sektor tulad ng imprastraktura.
Maling utilisasyon ng mga pondo at rekurso
Ayon sa mga pag-aaral ang alokasyon ng pondo sa iba‟t ibang sektor ay repleksyon ng
prayoridad ng pamahalaan. Dahil sa patuloy na pagdami ng populasyon sa bansa, dumarami rin
ang nangangailangan ng sapat at epektibong paglalaan ng pondo para sa mga batayang sektor sa
lipunan. Sa haba ng panahon na paninilbihan ng gobyerno sa lipunan, napatunayan na hindi pa
rin sapat ang pondong inilalaan ng gobyerno sa mga pangunahing sektor sa lipunan. Bigo pa rin
ito sa pakikipagsabayan sa lumalaking pangangailangan ng lipunan. Upang bigyang solusyon
ang suliranin at pagkukulang na ito, maraming mga polisiya at programa ang inihain ng
pamahalaan upang tuluyang makapagbigay ng mahusay na serbisyo para sa lahat.
Ayon sa Punong Lungsod ng Meycauayan, ang isyu ng kakulangan sa badyet ay
palagiang suliranin hindi lamang ng mga pamahalaang lokal kundi pati ng nasyunal. Dagdag pa
niya, isang magandang simulain ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Benigno S.
Aquino III ang programang Public-Private Partnership o PPP upang isakatuparan ang mga
pagawain ng gobyerno. Ito ang tugon sa kakulangan ng badyet. Ang partisipasyon ng pribadong
sektor ay maghihikayat ng mataas na antas ng transparency sa mga proyekto ng pamahalaan.55
Ayon sa mga pag-aaral, malaki ang bahagi o tulong na ginagampanan ng Public-Private
Partnership sa sektor ng imprastraktura upang tugunan nito ang pagkukulang o di kakayahan ng
gobyerno na makapaglagak ng sapat na pondo at rekurso sa pagpapaunlad nito. Katambal nito
ang mga kinatawan ng lokal na gobyerno upang bumuo ng episyente at epektibong plano at
55
Magtungo sa Apendiks para sa buong detalye ng mga katanungan at kaukulang kasagutan sa interbyu kay Kgg.
Punong Lungsod Joan V. Alarilla ng Meycauayan, Bulacan
Palomares | 102
serbisyo tungo sa kaunlaran, maging ang pagbibigay ng kaunlaran na pangmatagalan. Ito ay
itinuturing na solusyon para sa sektor ng imprastraktura sa bansa na bubuo ng makabagong
estratehiya tungo sa pagpapaunlad ng pampublikong serbisyo at pasilidad. Ilan sa mga
kinikilalang benepisyo nito ay ang mga sumusunod: (a) Maaari nitong itaas ang kalidad ng
imprastraktura at makapagbigay ng mas mahusay na solusyon sa krisis sa imprastraktura (b)
Mas mapapabilis nito ang pagkumpleto at pagtatapos ng mga proyekto at maiiwasan ang mga
pagkaantala ng mga proyekto (c) Binabawasan nito ang suliranin ng gobyerno sa badyet at
rekurso, at ilan pang iba. Ngunit sa kabila ng mga ito, marami pa din ang mga kritisismo na
ibinabato sa programa ng Public-Private Partnership. Isa na rito ay ang pakikipagsabawatan ng
ilang mapagsamantalang-uri sa mga kontratista kung kaya‟t humahantong sa mababang kalidad
ng mga proyekto dahil sa pagtitipid sa mga proyekto para sa higit na pakinabang ng iilan.
Pagkukulang ng Pampublikong Partisipasyon
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang kahalagahan ng pakikiisa at partisipasyon ng
publiko sa pagbuo ng mga desisyon hanggang sa implementasyon ng mga proyekto at programa
na nakalaan naman para sa kaunlaran ng lipunan. Ayon sa mga pag-aaral, ang partisipasyon ng
publiko ay isang proseso na nakapagbibigay ng pagkakataon sa mga pribadong indibidwal na
maimpluwensyahan ang pampublikong pagdedesisyon. Matagal na rin itong kinikilala bilang
isang bahagi ng makademokratikong proseso sa paggawa ng desisyon para sa lipunan.
Samakatuwid, ang pakikilahok ng publiko ay nagsisilbing daan upang magkaroon ng katiyakan
na ang mga mamamayan ay may direktang boses sa sistema.56
Masusuri ito sa tulong ng Social
Conflict theory ni Karl Marx na kung saan nahahati ang lipunan sa dalawang klase na may
56
University of Oregon. (2003, October 21). Planning Analysis: The Theory of Citizen Participation. Retrieved
October 16, 2012, from University of Oregon: pages.uoregon.edu/rgp/PPPM613/class10theory.htm
Palomares | 103
magkakaibang dami ng materyal at di-materyal na rekurso. Ito ang mga naghaharing-uri at ang
mga mahihirap na kung saan ang mas makapangyarihang grupo ay walang-habas na ginagamit
ang kanilang kapangyarihan upang pagsamantalahan ang mga indibidwal o grupong walang
pinanghahawakan na kapangyarihan. Ang dalawang panig na ito ay patuloy na nakararanas ng
kontradiksyon sa kanilang mga interes at nagkakaroon ng hindi pagkakaisa sa kanilang mga
layunin.57
Sa kasalukuyan, maihahalintulad ito sa malaking pagkakaiba ng prayoridad at hidwaan
sa pagitan ng gobyerno at ng mga nasasakupan nito. Ang kontradiksyong ito ay nagbubunga ng
mga proyektong pangkaunlaran sa bansa na may pinapaboran at pinoprotektahang panig o
sektor. Upang ipagpatuloy ang kanilang masamang layunin, hindi nila isinasama sa pagpaplano
ang lipunan dahil sa kontradiksyon sa kanilang mga interes at prayoridad.
Ayong sa Punong Lungsod ng Meycauayan, binibigyan ng kasalukuyang administrasyon
ng halaga ang pakikilahok ng publiko sa proseso ng pagsasagawa ng mga proyekto. Ngunit
taliwas naman ito sa saloobin ng mga residenteng nakapanayam sa isinagawang sarbey.
Malaking bilang ang hindi nakatanggap ng anumang porma ng paanyaya mula sa pamahalaan.
Kung maisasakatuparan lamang ang pagkakaroon at pagkilala sa buong partisipasyon ng
publiko ay maaari itong magbunga ng seguridad upang maiwasan ang kapahamakan ng
maraming buhay at kalikasan, maging ang pagkaaksaya ng mga papaunti nang rekurso sa
lipunan.58
57
Galtung, Johan (1971) Defining Conflict of Interest 58
Balagot B. (1994). Strengthening Environmental Impact Assessment Capacity in Asia. A Case Study on the
Philippine System. Laguna: Delos Reyes Printing Press.
Palomares | 104
Mababang Kalidad ng Imprastraktura
Ayon sa binuong artikulo na pinamagatang Blueprint for a Viable Philippines, dahil sa
kasalukuyang pagbaba ng kalidad ng pampublikong imprastraktura sa bansa, ang pagiging
atrasado ng kaunlaran ay agarang makikita dahil sa nakakalungkot na estado ng sistema ng
transportasyon, konstruksiyon, at iba pa. Kung walang matatag at sustenableng programa upang
i-modernisa ang imprastraktura, hindi kailanman makakamit ng bansa ang hinahangad nitong
kaunlaran. Upang maresolba ang problema sa imprastraktura, kinakailangan na ang mga opisyal
ng gobyerno ay magkaroon ng „transparency’ at „accountability’.59
Maaari itong maisagawa sa
mga paraan tulad ng pagkakaroon ng regular na pagpupulong ng mga kinauukulan upang
makapag-ulat ng mga nagawang proyekto at programa ng kani-kanilang mga tanggapan at
mapag-usapanan ang mga suliraning kinakaharap ng komunidad at estado ng ginagawang
karampatang solusyon para rito. Gayun din ang pagbabago ng sistema ng gobyerno sa bidding o
tawaran na dapat ay nakabase sa “longest warranty period” o pangmatagalang kalidad at
pananagutan sa halip na “lowest bid” o pinakamababang presyo, at marami pang iba.60
Tunay na
malaki ang pagkukulang ng kasalukuyang estado at dami ng imprastraktura sa bansa kung kaya‟t
malaki ang pangangailangan para sa higit na pagpapaunlad ng mga ito.
Upang ilarawan ang kalidad ng ayon sa Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan,
ilalarawan ito sa talangguhit 3.22.
59
Nemenzo, F., Constantino Jr., R., David, R., Posadas, R., Serrano, I., & Raquiza, M. V. Blueprint for a Viable
Philippines. Kinuha noong October 15, 2012, mula sa The PCIJ Blog: pcij.org/blog/wp-docs/Blueprint.pdf 60
Nemenzo, F., Constantino Jr., R., David, R., Posadas, R., Serrano, I., & Raquiza, M. V. Blueprint for a Viable
Philippines. Kinuha noong October 15, 2012, mula sa The PCIJ Blog: pcij.org/blog/wp-docs/Blueprint.pdf
Palomares | 105
TALANGGUHIT 3.22 Kalidad ng Pangkalahatang Imprastraktura sa taong 2010 hanggang
2012
Pinagmulan: http://www.dpwh.gov.ph/about_us/annual_report/index.htm
Kung susuriin ang ulat ng kagawaran sa kanilang 2011 year-end report, ang estado ng
imprastraktura sa Pilipinas ay nananatiling mababa at hindi pa rin nakasasabay sa pag-unlad ng
imprastraktura sa mga karatig nitong bansa. Malinaw itong indikasyon na malaki pa rin ang
pagkukulang ng gobyerno na magmungkahi at magpatupad ng mga programa at polisiya upang
masiguro ang mataas na kalidad at kahusayan ng mga imprastraktura sa bansa.
Upang tugunan ang suliraning ito, isa sa pananaw ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at
Lansangan o Department of Public Works and Highways, na sa darating na taong 2030, ang
Kagawaran ay isa nang epektibo at mahusay na ahensya ng pamahalaan na pagbubutihin ang
buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng maipagmamalaki at mataas na kalidad ng
5.5
4.9
4.1
5.7
5.6
3
3.2
6.6
6.7
6
5.9
6
0 2 4 6 8
Malaysia
Thailand
China
Indonesia
India
Vietnam
Philippines
Singapore
Honk Kong
Korea
Taiwan
Japan
"2010-2011"
5.7
4.7
4.2
3.9
3.8
3.1
3.4
6.5
6.6
5.9
5.6
6
0 2 4 6 8
Malaysia
Thailand
China
Indonesia
India
Vietnam
Philippines
Singapore
Honk Kong
Korea
Taiwan
Japan
"2011-2012"
Palomares | 106
imprastraktura.61
Upang matugunan ito, naglatag ng mga reporma ang kasalukuyang sekretarya
ng Kagawaran na si Rogelio L. Singson ng mga reporma na pinangalanan niyang “DPWH
Transformation Framework” na may mga sumusunod na layunin: (1) baguhin ang anyo ng
organisason at mga emepleyado nito; (2) gawing mas payak at bago upang mabawasan ang
katiwalian at korapsyon sa sistema at mapabuti ang kahusayan nito; at (3) optimisahin ang mga
rekurso.62
Ayon sa Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, reresolbahin ng kaniyang
administrasyon ang mga problema at pagkukulang sa imprastraktura sa bansa. Dagdag pa niya,
ang pagbabago ay hindi lamang naaayon sa pansariling-interes o pakinabang ng iilan, kung hindi
ayon sa isang malinaw at maayos na sistema.63
Kung maisasakatuparan ang pangakong ito,
maisasaayos ang kalidad ng imprastraktura sa bansa at makikinabang ang maraming sektor sa
lipunan. Bukod pa dito, ang pagsasagawa ng mas mataas na kalidad na imprastraktura sa bansa
ay maaaring magresulta sa sustenableng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.64
61
Department of Public Works and Highways, Vision / Mission. Kinuha mula sa
http://www.dpwh.gov.ph/about_us/mission_vision.htm noong Enero 2013 62
Department of Public Works and Highways, Reforms. Kinuha mula sa
http://www.dpwh.gov.ph/about_us/reforms/index.htm noong Enero 2013 63
Boncocan, Karen (2012, July 23). Aquino vows to step up infrastructure development. Kinuha noong October 16,
2012, mula sa Inquirer News: http://inquirer.net 64
Jin, Zhong (2011, February 10). The Philippines in 2011: All Eyes on Infrastructure Investment and Inflation.
Kinuha noong October 16, 2012, mula sa Seeking Alpha: http://www.seekingalpha.com
Palomares | 107
| KABANATA IV
Palomares | 108
KONKLUSYON
Sa loob ng mahabang panahon na paninilbihan ng gobyerno sa bayan, sentro ng
ipinaglalaban ng lipunan ay ang tunay at pantay na kaunlaran. Napatunayan ng pag-aaral na ito
na may mga batas at panukala mula sa gobyerno na tutugon sa mga panawagan at
pangangailangan ng lipunan para sa isang mahusay at epektibong pagpaplano ng mga proyekto
para sa imprastraktura. Ngunit komprehensibo man ito sa ligal nitong batayan, hindi naman ito
nakatutugon sa tunay nitong praktis.
Naipakita sa pag-aaral na ito ang napakalaking kahalagahan ng imprastraktura sa bansa at
ng hatid nitong kaunlaran sa ekonomiya at sa bawat mamamayang direktang apektado ng mga
plano at proyektong ito. Sa kasamaang palad, napakalaki rin ng pagkukulang ng gobyerno sa
pagsasagawa ng isang mahusay na mekanismo sa pagpapatupad at implementasyon ng mga
epektibo at mahusay na planong pangkaunlaran sa imprastraktura. Ilan sa mga balakid na
natuklasan sa pag-aaral na ito na patuloy na nagsisilbing hamon sa pamahalaan ay ang mga
sumusunod:
a. Kakulangan ng matapat at mahusay na pagkilala at pagpapatupad sa mga mekanismo
ng pamahalaan tungo sa pagpapaunlad ng mga plano para sa sektor ng imprastraktura;
b. Maling utilisasyon ng badyet at rekursong inilaan para sa imprastraktura;
c. Maling prayoridad ng pamahalaan;
d. Kakulangan ng pagkilala sa pampublikong partisipasyon sa sistema;
e. Hindi epektibong opisyal o kinatawan ng gobyerno at ang korapsyon;
f. Ang pagkilala sa makariling-interes ng ilang naghaharing-uri;
g. Ang sistema ng “low cost, low quality” na namamayagpag sa sistema ng prokyurment
ng pamahalaan.
Palomares | 109
REKOMENDASYON
Upang tunay na matugunan ang mga suliraning natuklasan at natalakay sa pananaliksik
na ito, narito ang ilang mga rekomendasyon at panawagan:
Una, lumikha ng moderno, komprehensibo, buo, at episyenteng sistema sa pagpaplano ng
imprastraktura, at magtalaga ng epektibong sistema sa implementasyon nito. Hindi sapat ang
pagbuo lamang ng maraming pisikal na imprastraktura sa komunidad. Dapat ito ay sapat at
mapakikinabangan ng lahat. Hindi sapat ang mga proyektong mistulang pantapal lamang sa
suliranin at pansamantalang kasagutan sa problema dahil maaari itong magdala ng mas mabigat
na problema sa lipunan. Dapat siyasatin at unahin ang ugat o sanhi ng suliraning kinakaharap ng
lipunan upang hindi makompromiso ang kaligtasan ng lahat. Sana‟y isipin nila na ang bawat
plano ay may kaakibat na epekto di lamang sa iilan ngunit maging sa kanilang mga sarili at
kapaligiran.
Pangalawa, bumuo ng mas epektibong estratehiya para sa mas pinahusay na utilisasyon
ng badyet at rekurso sa lipunan upang makamit ang tunay at pantay na kaunlaran. Unahin ang
mga esensyal na pangangailangan ng mga mamamayan lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan
tulad ng pagbibigay ng pamahalaan ng mas mataas na prayoridad sa mga batayang serbisyo.
Dapat sila ang nasa tuktok ng prayoridad ng pamahalaan upang maiahon ang bawat isa mula sa
kanilang kinalalagyan.
Pangatlo, mas paigtingin ang pagkilala sa kahalagahan ng partisipasyon ng publiko sa
sistema dahil sila ang direktang apektado ng mga ito. Dapat kilalanin ang opinyon at sentimyento
ng bawat mamamayan at hindi dapat mapag-iwanan ang komunidad sa sistema ng pagdedesisyon
Palomares | 110
sa lipunan. Dapat kilalanin ang rekomendasyon at puna ng lipunan upang magkaroon ng
pagkakaisa sa interes ang bawat mamamayan.
Pang-apat, mas paigtingin ang kalidad ng serbisyo ng gobyerno upang sila‟y maging
tunay at epektibong sandigan ng lipunan para sa mas maaliwalas at makabuluhang kinabukasan.
Mayroon dapat iniiwan ang mga opisyal na legasiya at mga yapak na susundan ng mga susunod
pang henerasyon at administrasyon. Manindigan at ipakita na sila‟y karapat-dapat na tinitingala
ng masa sa pagtaguyod ng nararapat at ng kanilang mga layunin. Bago pa man madapa ang
lipunan ay dapat handa na ang mga kinatawan at nanunungkulan sa pamahalaan na pigilan ang
kanilang pagbagsak sa pamamagitan ng pagbibigay ng makalipunan at makataong serbisyo.
Panglima, dapat tapusin na ang yugto ng korapsyon at pananamantala ng mga
naghaharing-uri sa mga nasa laylayan ng lipunan na naipit sa tanikala ng kahirapan. Sugpuin ang
masasamang elemento sa lipunan na nagbabantang hadlangan ang pagsasagawa ng isang maayos
at epektibong imprastraktura. Dapat nilang isa-isip na napakahalaga ng bawat buhay sa lipunan
kung kaya‟t hindi dapat masumpungan na pinagsasamantalahan at naisasantabi ang karamihan na
patuloy na nakikibaka upang mabuhay at may ipakain sa kanilang mga pamilya.
Panghuli, ang paghahatid ng pamahalaan ng sustenableng kaunlaran sa lipunan na kung
saan ang kaunlaran ay tutugon sa pangangailangan ng kasalukuyan na hindi nakokompromiso
ang abilidad ng mga susunod na henerasyon na tugunan ang kanila ding mga pangangailangan.
Napakahaba na ng panahon na itinali tayo ng mga naghaharing-uri sa rehas ng
pananamatala at panghihimasok. Maraming taon na ang nasayang na dapat sana‟y nagamit upang
tugunan ang interes ng mamamayang Pilipino sa halip na ang mga makasariling interes ng iilan.
Mahaba na ang panahon ng pagtitiis sa ilalim ng namamayagpag na sistemang ito. Ngayon na
Palomares | 111
ang tamang panahon upang labanan ang pananamatalang ito at tuldukan na ang pamamayagpag
ng mga masasamang elemento sa ating lipunan.
Sa huli, nasa ating mga kamay ang kasagutan at pagpili ng nararapat. Patuloy nating igiit
ang mga karapatang patuloy na ipinagkakait sa lipunan. Itigil na ang pagdaramot ng sistema at
itigil na ang banggaan sa pagitan ng mga mamamayan at ng mga makapangyarihan sa lipunan.
Tunay na napakaraming problema ang kinakaharap ng bawat mamamayan sa lipunan. Hindi man
agad ito mabigyan ng solusyon ay matutugunan ito sa pamamagitan ng pagkakaisa. Sawang-
sawa na ang mga mamamayan sa kasalukuyan nilang kalagayan. Ang tanging kasagutan upang
tuluyang mabago ang sistemang ito ay nakasalalay sa pagkaka-isa ng mga manggagawa,
akademiko, at iba pang sektor. Magsama-sama tungo sa makabuluhang kinabukasan para sa
bansa at lipunan at patuloy ng manawagan para sa tunay at pantay na pagbabago.
Palomares | 112
BIBLIYOGRAPIYA
Balagot B. (1994). Strengthening Environmental Impact Assessment Capacity in Asia. A Case Study on the
Philippine System. Laguna: Delos Reyes Printing Press.
Boncocan, Karen (2012, July 23). Aquino vows to step up infrastructure development Inquirer News:
http://inquirer.net
Budget ng Bayan http://budgetngbayan.com/budget-101/
Community Participation: The Arnstein Ladder http://www.slideshare.net/curtistim/community-participation-the-
arnstein-ladder
Department of Budget and Management (DBM) http://www.dbm.gov.ph/
Department of Public Works and Highways (DPWH) http://www.dpwh.gov.ph/
Galtung, Johan (1971) A Question of Values: Defining Conflict of Interest, Lynne Rienner Publishers.
GMA News Online, Budget chief Abad: Internal revenue allotment for LGUs up 37.5%.
http://www.gmanetwork.com/news/story/289500/economy/finance/budget-chief-abad-internal-revenue-allotment-
for-lgus-up-37-5
Go, Marianne V. (2007, May 5). USAID official says RP needs to spend more for infrastructure. The Philippine
Star: http://www.philstar.com
Ibon Facts and Figures (1991, August 15). Resource Utilization www.ibon.org/
Infrastructure in Philippines (2008). Trade Chakra: http://tradechakra.com
Jin, Zhong (2011, February 10). The Philippines in 2011: All Eyes on Infrastructure Investment and Inflation.
Seeking Alpha: http://www.seekingalpha.com
Ministerial Conference in Infrastructure, Country Report for the Philippines: Infrastructure and Tourism
Development (PDF)
Palomares | 113
Nemenzo, F., Constantino Jr., R., David, R., Posadas, R., Serrano, I., & Raquiza, M. V. Blueprint for a Viable
Philippines. The PCIJ Blog: pcij.org/blog/wp-docs/Blueprint.pdf
Philippine Public Transparency Reporting Project, The Public Procurement Process: Good Law, Poor Reality.
http://www.transparencyreporting.net/index.php?option=com_content&view=article&id=63:the-public-
procurement-process-good-law-poor-reality&catid=51:procurement-watch&Itemid=76
Public-Private Partnership Center, The PPP Program. http://ppp.gov.ph/
RP urged to increase effective infrastrucutre spending. (2009, April 20). The Philippine Star:
http://www.philstar.com
The LawPhil Project Arellano Law Foundation: Philippine Laws and Jurisprudence http://www.lawphil.net/
University of Oregon. (2003, October 21). Planning Analysis: The Theory of Citizen Participation. University of
Oregon: pages.uoregon.edu/rgp/PPPM613/class10theory.htm
Waterston, Albert (1965). Development Planning: Lessons of Experience. USA: The John Hopkins Press
World Commission on Environment and Development (WCED). Our Common Future. Oxford University Press,
1987 http://www.iisd.org/sd/
Palomares | 114
| APENDIKS
Palomares | 115
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS MAYNILA
Kolehiyo ng Sining at Agham
Departamento ng Agham Panlipunan
HON. JOAN V. ALARILLA
City Mayor
Meycauayan, Bulacan
Isang Mapagpalayang Araw sa inyo!
Ako po si Janneth Kathleene C. Palomares, estudyante ng ika-apat na taon mula sa Unibersidad ng
Pilipinas Maynila na may kursong B.A. Development Studies. Sa kasalukuyan po ay aking binubuo ang isang
pananaliksik na may layuning suriin at pag-aralan ang kasalukuyang kalagayan ng imprastraktura sa Meycauayan,
Bulacan, maging ang iba‟t-ibang salik at elemento na nakapaloob sa sistema ng pagpaplano, pagdedesisyon,
operasyon, at implementasyon ng mga ito. Susuriin din ang epekto ng mga proyektong pangkaunlaran sa
imprastraktura sa kabuhayan at pamumuhay ng mga residente na direktang apektado ng mga ito, maging ang
kanilang kalagayan at partisipasyon sa sistema.
Sa konteksto po ng aking isinasagawang pananaliksik, isang kahilingan po na kayo‟y makapanayam upang
inyo pong maibahagi ang inyong mga kaalaman, partisipasyon sa sistema, mekanismong kinikilala, plano, at
karanasan ukol dito. Ang panayam pong ito ay makabuluhang gagamitin bilang isang matibay na sandigan sa
paglalatag ng mga konsepto at ng aking diskurso. Kung inyo pong pahihintulutan, dadaloy po ang kabuuan ng
panayam gamit ang wikang Filipino.
Kasama po sa liham na ito ang listahan ng mga katanungan na aking inihanda upang magamit sa aking
gagawing pananaliksik. Kaugnay po sa pagpapasahan ng inyong mga kasagutan ay narito po ang aking e-mail
address: [email protected]. Maaari niyo rin po akong maka-ugnayan sa numerong 0927-915-92-69.
Sana po ay mapaunlakan ninyo ang aking kahilingan dahil isa po ang inyong panayam sa
pinakamahalagang bahagi ng aking pananaliksik. Nawa‟y maibalik po ninyo ang aking liham na may kasagutan sa
lalong madaling panahon upang aking matagumpay na maisagawa ang aking pananaliksik, maging ang
pagsasakatuparan ng layunin nitong makapag-ambag sa kamulatan at kaalaman ng lipunan, maraming salamat po!
JANNETH KATHLEENE C. PALOMARES
Mananaliksik, Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Binigyang-pansin ni:
PROPESOR ROLAND G. SIMBULAN
Taga-payo sa pananaliksik, Programa ng Development Studies
Propesor, Departamento ng Agham Panlipunan
Kolehiyo ng Sining at Agham, Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Palomares | 116
Mga Katanungan at Kaukulang Kasagutan sa Interbyu ni Kgg. Joan V. Alarilla
c/o City Executive Assistant Mariano V. Alarilla
Lokal na Gobyerno ng Meycauayan, Bulacan
Ang mga katanungan ay ibinigay sa tanggapan ng Punong Lungsod noong Enero 7, 2013.
Natanggap ang mga kasagutan sa e-mail noong Enero 20, 2013.
1. Q. Isang malaking usapin sa ating lipunan ang kasalukuyang estado ng kaunlaran sa bansa.
Sa inyong opinyon, ano ang estado ng kaunlaran sa inyong komunidad? Anu-ano ang
mga suliranin sa inyong komunidad?
Sa anong paraan makatutulong ang lokal na gobyerno sa lumalaganap na suliranin sa
lipunan?
A. Ang Lungsod ng Meycauayan ay masasabi natin na maunlad.
Ang mga suliranin ay ang mga sumusunod:
a. Polusyon dulot ng mga industriya;
b. Masikip na daloy ng trapiko sa ilang lugar;
c. Mga pagbaha sa ilang barangay
Ang Pamahalaang Lungsod ng Meycauayan ay patuloy na bumabalangkas ng mga plano
upang makatugon sa mga suliraning ito.
2. Q. Ayon sa mga pag-aaral, isang mahalagang instrumento ang pagpapaunlad ng
imprastraktura sa pagpapalago ng ating ekonomiya, sang-ayon po kayo dito?
A. Opo.
Q. Ano po ang kasalukuyang estado ng imprastraktura sa inyong komunidad?
A. Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay maraming pisikal na proyekto ang
naipatupad at ipatutupad pa sa hinaharap.
Q. Ano po ang inyong prayoridad at ang ilan sa inyong mga proyektong pang-
imprastraktura na sa tingin ninyo‟y malaki ang ambag at kontribusyon sa ating
ekonomiya, partikular na sa inyong mga nasasakupan?
A. Ang prayoridad ay ang mga sumusunod:
a. Pagpapasemento ng mga sirang kalsada;
b. Pagsasa-ayos ng mga daluyang tubig;
c. Pasilidad ng mga paaralan
Palomares | 117
Q. Malaki po ba ang tulong at kaginhawahang hatid ng mga ito sa inyong mga
nasasakupan? Sa papaanong paraan?
A. Ang pagpapataas at pagpapasemento ng mga kalsada sa mga lugar na binabaha ay
nakatulong sa mga mamamayan.
Ang mga naisaayos na padaluyang tubig ay nakatulong upang mabilis na humupa ang
tubig baha.
Naging mas kaaya-aya ang pag-aaral ng mga bata matapos maisaayos ang mga
pasilidad ng mga paaralan.
3. Q. Ano ang kinikilalang proseso o hakbang mula sa pagbuo ng mga proyektong ito mula sa
paglalatag ng proposal o plano, pagpopondo sa mga proyekto, hanggang sa
implementasyon?
A. Ang pagbalangkas ng plano sa pamamagitan ng City Development Council ayon sa
itinatadhana ng Local Government Code of 1991 (RA 7160) ang pangunahing hakbang
sa pagbuo nito.
Q. Sapat po ba ng pondong ibinibigay ng National Government para sa imprastraktura?
A. Hindi sumasapat ang paglalaan na nagmumula sa National Government.
4. Q. Ano-ano ang mga pamantayan sa pag-aapruba ng mga proyektong ito?
A. Dahil sa limitasyon sa pondo, ang mga proyekto ay inihahanay ayon sa prayoridad.
Isinasa alang-alang din ang pagtupad sa itinatadhana ng batas lalo na sa Government
Procurement Reform Act (RA 9184).
5. Q. May partisipasyon po ba ang inyong mga nasasakupan sa prosesong ito? Sa anong
paraan po? Gaano karami mula sa komunidad ang nakapagbibigay ng partisipasyon dito?
A. Ayon sa Sec. 107 ng Local Government Code of 1991 (RA 7160), ang mga non-
governmental organizations ay dapat katawanin sa City Development Councils. Ang
mga NGO/CSO ay kasapi sa iba’t-ibng Committee/Board na tinatawag na Local Special
Bodies.
Q. Paano ninyo po hinihikayat na makiisa at makibahagi ang publiko sa prosesong ito?
A. Ang pamahalaang lungsod ay nagpapadala ng paanyaya sa lahat ng kinauukulan para
sila ay makilahok.
Palomares | 118
6. Q. Isa sa karaniwang problema na kinakaharap ng lipunan ay ang kakulangan ng mga
proyektong sapat na tutugon sa kanilang tunay na pangangailangan. Sa inyong opinyon,
may pagkukulang ba ang gobyerno dito?
A. Sa palagay ko ay wala. Ang pagbabalangkas ng mga plano at proyekto ay may lubos na
pag-unawa sa benepisyo at kabutihan ng higit na nakararaming kababayan.
7. Q. Sa inyo pong opinyon, epektibo, sapat at episyente po ba ang mga proyektong pang-
imprastraktura ng gobyerno at ng inyong administrasyon?
A. Ang kakulangan sa pondo ang pangunahing suliranin upang maipatupad ng lubos ang
mga proyekto at matugunan ang pangangailangn ng pamayanan.
Q. Anu-ano po ang mga limitasyon ng lokal na gobyerno kung bakit hindi ito epektibong
natutugunan?
A. Kakulangan:
1. pondo
2. teknolohiya
8. Q. Mayroon po bang pagkukulang sa kasalukuyang proseso, mekanismo, at estratehiya ng
gobyerno para sa kaunlaran sa imprastraktura?
A. Malaki ang gampanin ng Pamahalaang Nasyonal upang bumalangkas ng
pangmalawakang proyekto na pakikinabangan ng mahabang panahon at higit na bilang
ng benepisyaryo. (Hal. Long term solution sa pagbaha sa Metro Manila, mga
kanugnog na lalawigan at Lungsod, gaya ng Bulacan at aming Lungsod ng
Meycauayan)
9. Q. Ayon sa mga kritiko, bumababa na ang kalidad ng imprastraktura sa bansa, maging sa
mga lokal na gobyerno nito. Sang-ayon po ba kayo dito?
Anu-ano ang mga karaniwang problema o limitasyon na kinakaharap o maaaring
kaharapin ng lokal na gobyerno sa epektibong pagsasagawa ng kaunlaran sa
imprastraktura? Ano po ang ginagawa ng lokal na gobyerno sa mga isyung ito?
A. Ang pagbaba ng kalidad ng imprastraktura ay maaring dahil sa hindi wastong
paghahanda ng program of works. May mga kontratista na tinitipid ang proyekto para
sa higit na pakinabang.
Ang isyu ng kakulangan sa badyet ay palagiang suliranin di lamang ng mga
pamahalaang lokal kundi pati ng nasyonal.
Isang magandang simulain ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Benigno S.
Aquino III ang programang Public Private partnership o PPP upang isakatuparan ang
mga pagawain ng gobyerno. Ito ang tugon sa kakulangn ng badyet. Ang partisipasyon
ng pribadong sector ay maghihikayat ng mataas na antas ng transparency sa mga
Palomares | 119
proyekto ng pamahalaan.
10 Q. Mahalaga po ang good governance (accountability at transparency) sa epektibong
pagbuo ng mga proyektong ito. Sa papaanong paraan ninyo po ginagawa ang mga ito?
A. Binibigyan namin ng halaga ang paglahok ng publiko sa mga proseso sa pagsasagawa
ng mga proyekto – public hearing/ consultation, bilang kinatawan ng mga non-
governmental organizations sa iba’t-ibang lokal na konseho.
11. Q. Ano po ang sentimyento ninyo ukol sa pag-aaral na sa sector ng barangay
pinakamalawak ang korapsyon sa pondong nakalaan para sa imprastraktura? Ano po ang
rekomendasyon o magagawa ninyo ukol dito?
A. Ito ang lubhang nakalulungkot kung mapatunayan ang resulta ng ganoong pag-aaral.
Bilang Ina ng Lungsod, kabilang sa aking mahalagang tungkulin na gabayan ang
Punong Barangay sa aking nasasakupan upang maisakatuparan ng maayos ang mga
pagawain.
12. Q. Sa inyo pong opinyon, kasabay po ba ng pag-unlad ng imprastraktura ang pag-unlad ng
inyong mga nasasakupan?
A. Sa isang namumuno, isang malaking karangalan na matunghayan ang pag-unlad sa
kanyang bayan. Ang maayos na imprastraktura ay isang mahalagang sangkap ng
kaunlaran.
13. Q. Dahil sa mga problema at limitasyon sa kaunlaran sa imprastraktura sa bansa, ano po ang
dapat gawin ng gobyerno upang mas mapabuti ang kasalukuyang mekanismo nito?
A. Tulad sa tugon sa question # 9, may mga inisyatibo ang pamahalaan nasyonal na dapat
nating suportahan tulad ng PPP o Public Private Partnership.
Q. Ano ang mga polisiya at programa ang kinakailangan upang mahusay na mabigyan ng
serbisyo ang komunidad?
A. Dapat ding maging malikhain ang gobyerno lalo na ang mga pamahalaang lokal kung
paano makakakuha ng pondo para sa kanilang mga pagawain sa pamamagitan ng loans,
grants, aids, BOT, bonds floatation at marami pang iba.
Q. Mayroon po ba kayong rekomendasyon o alternatibo na dapat tanggalin o idagdag sa
batas? Kung meron, bakit hindi ito maisagawa?
A. Sa aking pananaw ay sapat naman ang mga batas at panuntunan sa ating bansa,
kinakailangan lamang nating itaguyod ang epektibong pagpapatupad ng mga ito upang
tayo ay magtagumpay.
Palomares | 120
Palomares | 121
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS MAYNILA
Kolehiyo ng Sining at Agham
Departamento ng Agham Panlipunan
MANUEL PABLO C. ALDABA
Punong Barangay, Barangay Poblacion
Meycauayan, Bulacan
Isang Mapagpalayang Araw sa inyo!
Ako po si Janneth Kathleene C. Palomares, estudyante ng ika-apat na taon mula sa Unibersidad ng
Pilipinas Maynila na may kursong B.A. Development Studies. Sa kasalukuyan po ay aking binubuo ang isang
pananaliksik na may layuning suriin at pag-aralan ang kasalukuyang kalagayan ng imprastraktura sa Meycauayan,
Bulacan, maging ang iba‟t-ibang salik at elemento na nakapaloob sa sistema ng pagpaplano, pagdedesisyon,
operasyon, at implementasyon ng mga ito. Susuriin din ang epekto ng mga proyektong pangkaunlaran sa
imprastraktura sa kabuhayan at pamumuhay ng mga residente na direktang apektado ng mga ito, maging ang
kanilang kalagayan at partisipasyon sa sistema.
Sa konteksto po ng aking isinasagawang pananaliksik, isang kahilingan po na kayo‟y makapanayam upang
inyo pong maibahagi ang inyong mga kaalaman, partisipasyon sa sistema, mekanismong kinikilala, plano, at
karanasan ukol dito. Ang panayam pong ito ay makabuluhang gagamitin bilang isang matibay na sandigan sa
paglalatag ng mga konsepto at ng aking diskurso. Kung inyo pong pahihintulutan, dadaloy po ang kabuuan ng
panayam gamit ang wikang Filipino.
Kasama po sa liham na ito ang listahan ng mga katanungan na aking inihanda upang magamit sa aking
gagawing pananaliksik. Kaugnay po sa pagpapasahan ng inyong mga kasagutan ay narito po ang aking e-mail
address: [email protected]. Maaari niyo rin po akong maka-ugnayan sa numerong 0927-915-92-69.
Sana po ay mapaunlakan ninyo ang aking kahilingan dahil isa po ang inyong panayam sa
pinakamahalagang bahagi ng aking pananaliksik. Nawa‟y maibalik po ninyo ang aking liham na may kasagutan sa
lalong madaling panahon upang aking matagumpay na maisagawa ang aking pananaliksik, maging ang
pagsasakatuparan ng layunin nitong makapag-ambag sa kamulatan at kaalaman ng lipunan, maraming salamat po!
JANNETH KATHLEENE C. PALOMARES
Mananaliksik, Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Binigyang-pansin ni:
PROPESOR ROLAND G. SIMBULAN
Taga-payo sa pananaliksik, Programa ng Development Studies
Propesor, Departamento ng Agham Panlipunan
Kolehiyo ng Sining at Agham, Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Palomares | 122
Mga Katanungan at Kaukulang Kasagutan sa Interbyu ni Kgg. Manuel C. Aldaba
Punong Barangay, Barangay Poblacion
Lokal na Gobyerno ng Meycauayan, Bulacan
Ang mga katanungan ay ibinigay sa tanggapan ng Barangay Poblacion noong Enero 20, 2013.
Natanggap ang mga kasagutan noong Enero 22, 2013
1. Q. Isang malaking usapin sa ating lipunan ang kasalukuyang estado ng kaunlaran sa
bansa. Sa inyong opinyon, ano ang estado ng kaunlaran sa inyong komunidad at anu-ano
ang mga suliranin? Sa anong paraan nakatutulong ang lokal na gobyerno sa lumalaganap
na suliranin sa lipunan?
A. Sa aking palagay, ang kasalukuyang estado ng kaunlaran sa aking nasasakupan ay
halos hindi nagbabago. Sa kabila ng pagiging sentro ng komersyo noong nakaraang
panahon ang Barangay Poblacion o ang aking kabayanan, mapapansin na humina
ang negosyo dito. Sa aking pag-aanalisa, ang mga sumusunod na mga dahilan ang
nagpahina ng negosyo dito sa kabayanan:
a. Pagtatayo ng mga Supermarket tulad ng PARCO, PUREGOLD, 99.9 STORE,
JAI-YU STORE, SUPER 8;
b. Pagtatayo ng Shopping mall tulad ng SM Save more;
c. Palagiang pagbaha dulot pa lang ng high-tide;
d. Masikip na daanan na nagdudulot ng trapiko.
Hindi maiiwasan ang pagtatayo ng mga supermarket at shopping mall dito sa loob at
labas ng Lungsod ng Meycauayan subalit ang palagiang pagbaha at madalas na
pagsikip ng trapiko dito sa kabayanan ang naiwang malaking suliranin dito sa Barangay
Poblacion.
2. Q. Ayon sa mga pag-aaral, isang mahalagang instrumento ang pagpapaunlad ng
imprastraktura sa pagpapalago ng ating ekonomiya. Ano po ang kasalukuyang estado ng
imprastraktura sa inyong komunidad? Ano po ang inyong prayoridad at ang ilan sa
inyong mga proyektong pang-imprastraktura na sa tingin ninyo‟y malaki ang ambag at
kontribusyon sa ating ekonomiya? Malaki po ba ang tulong at kaginhawahang hatid ng
mga ito sa inyong mga nasasakupan? Sa papaanong paraan?
A. Malaki ang naitutulong ng imprastraktura sa pagpapalago ng ekonomiya sa isang
lugar. Napakalaki ng pagbabago na naibibigay ng mga bagong imprastraktura dito sa
aking nasasakupang barangay at sa aking palagay ang mga naunang imprastraktura na
aming naisagawa o hiniling sa ibang ahensya ng gobyerno ay nakaplano sa gagawing
malawakang rehabilitasyon ng ka-ilugan hindi lamang sa Ilog ng Meycauayan pati na
rin sa parte ng Ilog ng Marilao at Obando.
Palomares | 123
Ang pagpapalalim at paghukay (dredging) ng ka-ilugan ang matagal nang prayoridad na
pang-imprastraktura ang napakalaking solusyon sa pagsugpo ng madaliang pagbaha
dulot pa lang ng high-tide dito sa aming barangay at maging karatig barangay na
nakahanay sa mga coastal barangay dito sa Lungsod ng Meycauayan. Ito ang
magbibigay ginhawa sa lahat ng mga negosyante dito sa kabayanan sapagkat ang
mabilis na paglubog ng mga lugar dito sa paligid ng kabayanan ang nagpahina sa mga
kilalang food chain tulad ng Jollibee at iba pang fast food.
3. Q. Ano ang kinikilalang proseso o hakbang mula sa pagbuo ng mga proyektong ito mula
sa paglalatag ng proposal o plano, proseso ng badyet at prokyurment, hanggang sa
implementasyon?
A. Ang isang pamahalaang barangay ay naghahanda ng Annual Investment Plan. Dito
nakalatag ang mga pangunahing proyekto at prayoridad ng barangay na
nangangailangan ng implementasyon. Ito ay ibinibigay sa pamahalaang lungsod
upang maisama naman sa kanilang inihandang annual investment plan at dito ay
pag-aaralan ng mga departamento hanggang mabigyan ng kaukulang pondo. Ito ang
aking karanasan at nakitang sistema hinggil sa mga imprastraktura o proyekto na
aming nakuha sa pamahalaang lungsod subalit hindi lamang dito kami umaasa. Ang
mga malalaking proyekto na naisagawa dito sa aking nasasakupan ay amin ding
hiniling sa iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng Palamahalaang Panlalawigan at
sa kinatawan ng ika-4 na Distrito ng Bulacan. Dito sa dalawang ahensyang
nabanggit, walang Annual Investment Plan na umiiral kundi sa pamamagitan ng mga
Resolusyon ng Sanggunian (Barangay Resolution) na sinamahan ng sulat ng
paghingi (Letter of Request). Dahil sa kakulangan ng pondo, walang proyekto at
imprastraktura na makikita sa Taunang badyet at maging sa Annual Procurement
Plan.
4. Q. Sapat po ba ang pondong ibinibigay nggobyerno para sa imprastraktura?
A. Kung sa pondo ng Pamahalaang Panglungsod lamang ang tinutukoy dito para sa
imprastraktura, hindi sapat. Gaya ng nabanggit ko dito, lumalapit kami sa iba pang
ahensya ng gobyerno tulad ng Pamahalaang Panlalawigan at sa ika-4 na Distrito ng
Bulacan (Kongresista) upang matugunan ang iba pang hinahangad na proyektong
pang-imprastraktura.
5. Q. Anu-ano ang mga pamantayan sa pag-aapruba ng mga proyektong ito?
A. Hindi ko matiyak kung ano talaga ang pamantayan sa pag-apruba ng mga proyekto.
Sa aking palagay, depende ang pagkakaloob ng proyekto. May mga proyekto na bigla
na lamang pinagkakaloob sa isang barangay na humiling at may mga proyekto na
nangangailangan na maisakatuparan kaagad subalit hindi maipagkaloob ng
mabilisan.
6. Q. May partisipasyon po ba ang inyong mga nasasakupan sa prosesong ito? Sa anong
paraan po? Gaano karami mula sa komunidad ang nakapagbibigay ng partisipasyon sa
Palomares | 124
proseso? Paano niyo po hinihikayat na makiisa at makibahagi ang publiko sa prosesong
ito?
A. Sa aking palagay at base na rin sa aking karanasan, may bahagyang partisipasyon
ang mga nasasakupan sa prosesong ito. Subalit hindi tuwirang partisipasyong
masasabi sapagkat ang mga prosesong nabanggit hinggil sa pagbuo ng proyekto
hanggang sa implementasyon ay nakabatay at nakadepende sa pamamalakad ng
isang pamahalaang lokal. Kung kakalkulahin ang dami ng partisipasyon ng mga
nasasakupan ay nasa 10-20% lamang. Sa isinagawang Barangay Assembly Day, dito
ay may ilang kabarangay ang nagpapaabot at nagpaparating ng kanilang mungkahi
na nauukol sa takbo ng ekonomiya at maging mahalagang proyekto na kailangan
maisagawa ng Pamahalaang Lokal.
7. Q. Sa inyo pong opinyon, kasabay po ba ng pag-unlad ng imprastraktura ang pag-unlad
ng inyong mga nasasakupan?
A. Oo. Ang pagsasagawa ng mga bagong imprastraktura ay nagdudulot ng progreso at
pag-unlad sa mga nasasakupan at maging sa karatig barangay. Ibig sabihin, ang
dulot ng biyaya ng imprastraktura ay hindi lamang sa nasasakupan kung hindi
maging sa labas at kalapit na kabarangay.
8. Q. Sa anong paraan pinapahalagahan o ipinapakita ng inyong administrasyon ang
pagkakaroon ng accountability at transparency sa sistema?
A. May mga ugnayan sa Pamahalaang Barangay na tinatawag na Barangay Assembly
Day na ginaganap tuwing buwan ng Marso (unang semester) at buwan ng Oktubre
(ikalawang semester) ng bawat taon. Dito, ang lahat ng mga kabarangay ay hinihikayat
na dumalo upang malayang magtanong ang ano mang bagay na nais maiparating sa
bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Poblacion. Ito ay magaganap sa parte o bahagi
ng programa na Talakayan. Sa unang bahagi, ang mga kagawad na siyang humahawak
ng kanilang komite ay naglalahad ng kanilang ulat o report. Maging ang Punong
Barangay na chairman ng lahat ng mga komite ay naglalahad din ng ulat sa proyektong
naisagawa o naisakatuparan at maging ang mga proyekto na nakaplano pa ay inuulat na
sa pagtitipong nabanggit.Bukod pa dito, ang Pamahalaang Barangay ng Poblacion at
lahat ng Pamahalaang Lokal sa pamamagitan ng direktiba mula sa department of local
and interior government ay gumawa ng paglalantad (posting) ng mga pinasyal na
statement, annual budget at iba pang bagay na nauugnay sa usaping pondo ng barangay
sa loob at labas na lugar ng barangay na tinatawag barangay full disclosure policy
9. Q. Anu-ano ang mga problemang kinakaharap at mga salik na nakakaapekto sa proseso
ng pagpapaunlad ng imprastraktura? Papaano tinutugunan ng inyong administrasyon ang
mga problemang ito na maaaring humadlang sa matagumpay na pagsasagawa ng mga
proyektong pangkaunlaran?
A. Sa aking karanasan sa loob ng labing isang (11) taong panunungkulan bilang
punong barangay, ang palaging nakakaapekto sa proseso ng pagsasagawa ng
Palomares | 125
imprastraktura ay ang pondo. Subalit hindi naging hadlang ang kakulangan ng
pondo ng aking pamahalaang barangay ng Poblacion sapagkat kung dumaan ang
mahigit dalawampung taon na walang sariling bulwagang barangay ang poblacion,
sa unang termino ng aking panunungkulan ay naipatayo ko ang kauna-unahang
bulwagang barangay at sinundan pa nito ng isang multi-purpose building.
10. Q. Sa inyo pong opinyon, epektibo, sapat, at episyente ba ang mga proyektong pang-
imprastraktura ng gobyerno at ng inyong administrasyon? May pagkukulang ba sa
kasalukuyang kinikilalang proseso, mekanismo, at estratehiya ng gobyerno para sa
imprastraktura?
A. Sa aking palagay, hindi ko direktang sinasabi na epektibo, sapat at episyente ang
mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno at ng aking administrasyon.
Tama, may mga pagkukulang pa rin na umiiral mula sa proseso, mekanismo at
estratehiya at aking tutukuyin hanggang sa implementasyon ng proyektong
imprastraktura.
11. Q. Ayon sa mga kritiko, bumababa na ang kalidad ng imprastraktura sa bansa, maging
ang mga lokal na gobyerno nito. Sang-ayon ba kayo dito? Anu-ano ang mga karaniwang
problema o limitasyon na kinakaharap ng lokal na gobyerno sa epektibong pagsasagawa
ng kaunlaran sa imprastraktura? Ano po ang ginagawa ng lokal na gobyerno sa mga
isyung ito?
A. Iyan ang aking ibig tukuyin hinggil sa pagkukulang ng proyektong pang
imprastraktura sa #10 ang kalidad nito sapagkat aking nasaksihan ang mababang
kalidad ng mga imprastraktura na naisagawa sa aking nasasakupang barangay. Gaya ng
aking nasabi, ang usaping pinansyal o pondo ang karaniwang problema o limitasyon ang
laging kinakaharap ng pamahalaang lokal sa epektibong pagsasagawa ng kaunlarang
imprastraktura. Ang tanging magagawa ng lokal na pamahalaan hinggil sa problemang
kinakaharap ay sa pamamagitan pa rin ng mga resolusyon at mga sulat kahilingan sa
mga ahensya ng gobyerno.
12. Q. Mayroon po bang pagkukulang sa kasalukuyang proseso, mekanismo, at estratehiya
ng gobyerno para sa kaunlaran ng imprastraktura?
A. Mayroon talagang pagkukulang sa kasalukuyang proseso, mekanismo, at estratehiya
ng gobyerno hanggang sa implementasyon ng imprastraktura.
13. Q. mayroon tlagng pagkukulang sa kasalukuyang proseso, mekanismo at estratehiya ng
gobyernonhanggang sa implementasyon ng imprastraktura.
A. Ang direktang tinutukoy na problema at limitasyon sa kaunlaran ng imprastraktura
ay ang kakulangan ng pondo. Ang pag-angat ng kasalukuyang pondo ng mga maliliit
na barangay ang makakatulong at magpapabuti ng kaunlaran ng imprastraktura at
sa patuloy na pagmementena (maintainance) nito. Sa aking palagay, ang polisiya at
programa na kailangang maibigay at maparating upang mapaunlad ang serbisyo sa
komunidad ay ang pagtatayo ng mga proyektong kabuhayan. Ang pagtuturo ng mga
negosyong small at medium entrepreneur ay siguradong makakatulong ng pang
angat ng kabuhayan sa isang komunidad.
Palomares | 126
14. Q. Ano po ang inyong rekomendasyon upang mas mapa-unlad ang kasalukuyang estado
ng imprastraktura at kaunlaran sa inyong komunidad?
A. Sa aking nakikitang malaking problema upang mapabago ang estado ng
imprastraktura tungo sa kaunlaran sa aking nasasakupan ay ang pagsugpo at
paghanap sa permanenteng solusyon sa pagbaha ng mga barangay tulad ng
Poblacion na kabilang sa mga coastal na barangay. Sapagkat malaki ang paghina at
pagkalugi ng mga negosyong itinayo dito sa kabayanan dulot ng palaging pagbaha
dulot pa lamang ng high tide.
Sa aking pananatili sa aking posisyon bilang punong barangay, ang mga proyektong
imprastraktura na aking pinilit na maipatupad ay nakasentro sa dredging o
pagsasaayos ng mga daluyang tubig o kanal at tinatawag na open canal. Ang maayos
at maluwang na daluyang tubig sa mga daan sa aking barangay ang tutulong sa
palagiang pagbaha sa paligid ng nasasakupan sapagkat sa oras na maimplementa na
ang isa sa pangunahing proyekto pang imprastraktura na aking inilapit at tanggapan
ng ika-4 na distrito ng Bulacan Congresswoman Linabelle Villarica ang paghuhukay
sa ilog upang mapalalim muli ito ay tiyak na aakma sa mga imprastrakturang
“drainage system” na aking sunod-sunod na naipagawa.
At sa pagsugpo ng pagbaha dito sa aking barangay na dating sentro ng komersyo,
muling manunumbalik ang sigla ng negosyo dito sa Barangay Poblacion.
Palomares | 127
Palomares | 128
Isang mapagpalayang araw sa inyo! Ako po si Janneth Kathleene C. Palomares, estudyante ng ika-apat na taon
mula sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila na may kursong B.A. Development Studies. Bilang tugon sa kahilingan
ng kursong Development Studies 199.2 (Research Method II), kasalukuyan ko pong binubuo ang isang pananaliksik
na may layuning suriin at pag-aralan ang kasalukuyang kalagayan ng imprastruktura sa bansa, partikular na sa
Meycauayan, Bulacan. Susuriin din ang ambag at epekto ng mga proyektong pangkaunlaran sa imprastraktura sa
kabuhayan at pamumuhay ng mga residente na direktang apektado ng mga ito, maging ang kanilang kalagayan at
partisipasyon sa sistema.
Sa konteksto po ng aking isinasagawang pananaliksik, nais ko pong hingin ang inyong kooperasyon sa pamamagitan
ng maayos na pagsagot sa ilang mga katanungan sa sarbey na ito. Ang inyong partisipasyon ay malaking bahagi ng
tagumpay ng pag-aaral na ito. Makaaasa kayo na ang impormasyong inyong ibabahagi ay makabuluhang gagamitin
bilang isang matibay na sandigan sa paglalatag ng mga konsepto at ng aking diskurso.
Kung meron po kayong mga katanungan, narito po ang aking numero, 0927-915-92-69. Maaari niyo rin po akong
makaugnayan sa [email protected]. Maraming salamat po!
Pangalan: ______________________________________________ Edad: _____
Kasarian: Lalaki Babae May asawa? Meron Wala
Antas ng pinag-aralan: Elementarya Hayskul Kolehiyo May anak? Meron Wala
Tirahan: ______________________________________________________________________________________
Gaano na katagal sa tirahan? ________ Kabuhayan: ___________________________
May kinabibilangan bang grupo o organisasyon? Kung meron, anu-ano ang mga ito?
Wala Meron ____________________________________________________________
1. Anu-ano ang mga suliranin sa inyong komunidad? Maaaring pumili ng higit sa isa.
Kakulangan ng kabuhayan Kakulangan ng episyente at epektibong imprastruktura
Korapsyon Iba pa _______________________________________________
Ano ang ginagawa ng inyong lokal na gobyerno upang bigyang-solusyon ang mga suliraning ito?
___________________________________________________________________________________________
Nakatatanggap po ba kayo ng tulong mula sa gobyerno sa mga suliraning ito?
Oo ___________________________________________________________________________
Hindi _________________________________________________________________________
2. Anu-ano ang ilan sa mga proyektong pangkaunlaran sa imprastruktura ng lokal na gobyerno sa inyong lugar?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Kolehiyo ng Sining at Agham
Departamento ng Agham Panlipunan
Padre Faura, Maynila
Palomares | 129
Nakatulong ba ang mga proyektong ito sa komunidad? Sa papaanong paraan?
Oo ___________________________________________________________________________
Hindi __________________________________________________________________________
Nakakaapekto ba ito sa inyong kabuhayan/pamumuhay?
Oo ____________________________________________________________________________
Hindi
Masasabi niyo ba na umunlad ang buhay sa inyong komunidad dahil sa mga proyektong ito?
Oo Hindi Bakit? _________________________________________________
3. Naimbitahan na ba kayo o nakadalo sa isang pampublikong hearing o pagpupulong bago ang implementasyon ng
mga proyektong ito sa inyong lugar?
Oo Hindi
May kilala po ba kayong nakadalo mula sa komunidad sa mga pagpupulong na ito?
Wala Meron __________________________________________________________
May mga rekomendasyon at sentimyento ba mula sa komunidad ang kinilala sa mga pagpupulong na ito?
Meron _________________________________________________________________________
Wala
Hindi ko alam na mayroong public hearing/meeting
Gaano karami ang nakadalo mula sa komunidad sa mga public hearing at pagpupulong na ito? _______________
Mayroon bang konsultasyon sa publiko bago ipatupad ang isang proyekto?
Meron Wala
Mayroon bang sarbey mula sa gobyerno matapos ang implementasyon ng proyekto upang alamin ang epekto nito?
Meron Wala
4. Para sa inyo, epektibo, sapat, at episyente ba ang lokal na gobyerno sa pagbuo ng mga proyektong pangkaunlaran
para sa komunidad?
Oo ____________________________________________________________________________
Hindi __________________________________________________________________________
Sa inyong opinyon, ano ang hadlang sa pagsasagawa ng lokal na gobyerno ng maayos, sapat, at epektibong mga
proyektong pangkaunlaran sa imprastruktura? Maaaring pumili ng higit sa isa.
Korapsyon Pagkukulang sa transparency at accountability
Pagkukulang ng konsultasyon sa publiko Makasariling-interes ng mga naghaharing-uri
Pagkukulang ng maayos na programa at polisiya Iba pa _______________________________
Palomares | 130
5. Pakigraduhan ang importansya ng partisipasyon at konsultasyon ng publiko sa tagumpay ng mga proyekto mula 1
hanggang 5. (1 – pinakamababa; 5 – pinakamataas)
1 2 3 4 5 Bakit? ____________________________________________________
6. Batay sa inyong karanasan sa komunidad, suriin kung kayo‟y sumasang-ayon o hindi sa mga sumusunod:
Ang mga opisyal ng gobyerno ay nagpapakita ng kagustuhang makapagbigay ng serbisyo sa komunidad.
Sumasang-ayon Hindi Masabi
Hindi sumasang-ayon
Maayos ang kalidad, episyente, epektibo, sapat, at may pakinabang ang mga proyektong pangkaunlaran ng
gobyerno para sa imprastruktura.
Sumasang-ayon Hindi Masabi
Hindi sumasang-ayon
Kinikilala ng lokal na gobyerno ang aming mga pangangailangan at tinutugunan ang mga ito ng may kahandaan at
kaayusan.
Sumasang-ayon Hindi Masabi
Hindi sumasang-ayon
7. Para sa inyo, sapat ba ang inyong kaalaman tungkol sa proseso ng badyet, prokyurment, at iba pang kinikilalang
hakbangin ng gobyerno sa pagbuo ng mga proyektong ito?
Sapat Hindi sapat
8. Sa inyong opinyon, ano ang dapat gawin o maging prayoridad ng lokal na gobyerno upang umunlad ang estado ng
kaunlaran sa inyong lugar na may epektibo, episyente, at sapat na imprastruktura na mapakikinabangan ng lahat?
___________________________________________________________________________________________
9. Aling mga programa o serbisyo ang sa palagay niyong higit na kailangan ng mga mamamayan sa inyong
komunidad? Maaaring pumili ng higit sa isa
Episyente, epektibo, at sapat na imprastruktura
Konsultasyon at partisipasyon ng publiko sa gobyerno
Episyente, epektibo , at matapat na lider/opisyal ng gobyerno
Iba pa _________________________________________________________________________________
MARAMING SALAMAT PO!
________________________ ________________________
Petsa Lagda
Palomares | 131
Palomares | 132