Upload
others
View
14
Download
2
Embed Size (px)
Citation preview
Isinulat ni: Ma. Carmen B. Delada
Iginuhit ni: Recel Joy Vasquez
COPYRIGHT 2019
Section 9 of the Presidential Decree No. 49 provides:
“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be
necessarily for exploitation of such of work to profit.”
The original version of this material has been developed in the Division of Negros Occidental through the Learning Resource Management and Development Section of the Curriculum Implementation Division. This material can be reproduced for educational purposes; modified for the purpose of translation into another language; and creating of an edited version and enhancement of work are permitted provided all original work of the author and illustrator must be acknowledged and the copyright must be attributed. No work may be derived from any part of this material for commercial purposes and profit.
This material has been approved and published for online distribution through the Learning Resource Management and Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph).
SI DENNIS ANG BATANG MALINIS Writer: MA. CARMEN B. DELADA
Illustrator: RECEL JOY VASQUEZ
Language / Content / Illustration Editors:
ANALYN S. DIMALALUAN District LRMDS Coordinator
RUFINO L. DELFIN Principal
CARMELA P. HUGOPrincipal
ANGELES P. VERDEPRADO Public Schools District Supervisor
Division LRMDS Quality Assurance Team:
OTHELO BEATING Project Development Officer II, LRM
RAULITO D. DINAGA Education Program Supervisor, LRM
Approved for the use of the Schools Division:
LEAH P. ROSAL, Ph. D. Chief – Curriculum Implementation Division
MA. TERESA P. GEROSO, CESEOIC - Assistant Schools Division Superintendent
DENNIS G. DEVELOS, Ph.D., CESEOIC - Assistant Schools Division Superintendent
PORTIA M. MALLORCA, Ph.D., CESO V Schools Division Superintendent
PAUNANG SALITA
Sa mga guro at mananalaysay, Ang kuwentong ito ay isinulat hango sa pamantayan sa pagkatuto sa iba’t-ibang asignatura tulad ng Edukasyon sa Pagpapakatao, Filipino at Health. Sa pamamagitan ng kuwentong ito, matutukoy ang layunin sa pag-aalaga ng katawan at kalusugan. Matutunan at mapapaunlad din ang kaalaman ng batang mambabasa kung paano mapapanatili ang wastong pangangalaga sa kanilang sarili at kalusugan, dahil ang kalusugan ay kayamanan.
SI DENNIS ANG BATANG
MALINIS
Sa isang bayan ng E.B. Magalona may isang mabait at matulungin na batang lalaki na ang pangalan ay Dennis. Siya ay nasa unang baitang pa lamang. 1
Si Dennis ay palaging matamlay at walang ganang pumasok sa eskwela kahit siya ay mahilig kumain. 2
Mahilig siyang kumain ng mga prutas tulad ng mangga, atis, papaya at bayabas at iba pang uri ng prutas.
3
Masaya siya kung nasa harap ng masasarap at hinog na mga prutas para kainin.
4
Maliban sa mga prutas, mahilig din siyang uminom ng gatas at kumain ng nilagang itlog.
5
Maliban sa mga ito, kumakain din siya ng mga gulay at iba pang masustansyang pagkain.
6
Ngunit may ugaling hindi maganda si Dennis. Siya ay hindi naghuhugas ng mga kamay bago at pagkatapos kumain. Kung minsan siya ay kumakain pa habang naglalaro.
7
Maging ang mga prutas na kanyang baon ay hindi rin niya hinuhugasan bago ito kainin.
8
Isang araw, habang papauwi si Dennis nakaramdam siya ng matinding sakit ng tiyan.
9
Pumunta siya kaagad sa kanyang Nanay Carmen para ipaalam ang kanyang dinaramdam.
Nay, masakit po ang aking tiyan.
10
Nang malaman ng kanyang nanay ang kanyang dinaramdam, agad siyang pinabihis at dinala sa malapit na klinika upang ikunsulta sa doktor. 11
“Magandang umaga po, doktor. Dinala ko po dito ang aking anak na si Dennis dahil masakit ang kanyang tiyan.” 12
“Naku Dennis, siguro may marami kang alaga sa loob iyong tiyan!” 13
Aha! Tama ang hinala ko Dennis. May marami kang alaga sa loob ng iyong tiyan!
14
Tiningnan ng doktor si Dennis at pinaupo sa kama.
Kaya binigyan ng gamot pampurga si Dennis ng doktor at ininom niya ang mga ito.
15
“Dennis, dapat palagi tayong malinis sa ating katawan. Ugaliing maghugas ng kamay palagi, lalong-lalo na bago at pagkatapos kumain,” payo ng doktor kay Dennis. 16
‘ Kailangan po pala ‘yon doktor? Akala ko po dahil mahilig akong kumain ng masustansyang pagkain ay malusog na po ako. Sige po dok, maraming salamat po.
17
Simula noon sinunod lahat ni Dennis ang payo ng doktor at naging malusog na ang kanyang pangangatawan.
18
Naghuhugas na siya ng kamay bago at pagkatapos kumain. 19
Sinanay din niya ang sarili na palaging maghugas ng kanyang mga maruruming kamay pagkatapos maglaro. 20
Naging ugali din ni Dennis ang paghugas ng mga kamay pagkatapos gumamit ng palikuran. 21
22
Gayun din pagkatapos makipaglaro at pakainin ang kanyang alagang aso.
mga
Agad din niyang hinuhugasan ang kanyang mga kamay kapag ginamit niya itong pantakip ng kanyang bibig sa pag-ubo.
23
Naghuhugas din siya ng mga kamay pagkatapos magbahing.
24
Dahil nakasanayan na ni Dennis na palaging naghuhugas ng mga kamay, naging masigla, masayahin at aktibo na siya sa pakikipaglaro at sa lahat ng kanyang mga gawain.
25
Masigla na siyang tumutulong sa kanyang nanay Carmen sa mga gawaing bahay.
26
Naging aktibo na rin siya sa kanilang mga gawain sa loob at labas ng klase.
27
Tumutulong na rin siya sa paglilinis ng kanilang pamayanan.
28
Hinihikayat rin niya ang kanyang mga kaibigan na maghugas palagi ng mga kamay. Kaya si Dennis ay naging modelo ng kanyang mga kapwa mag-aaral. 29
At higit sa lahat naging malusog, masigla at masayahing bata si Dennis. Siya ngayon ay tinatawag ng lahat na “Dennis, ang batang malinis.”
30
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang mga katangianni Dennis?
2. Bakit hindi malusog si Denniskahit kumakain siya ng mgamasustansyang pagkain?
3. Ano kaya ang nasa loob ngtiyan ni Dennis na nagingdahilan ng pagsakit nito?
4. Dapat ba sundin ni Dennis angpayo ng doktor? Bakit?
5. Paano naging modelo si Dennissa kanyang kapwa mag-aaral?
31
Subject:
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO / HEALTH
Intended for:
Grade 1
Learning Competency:
CODE LAYUNIN ESP1PKP-Id-3 Nakikilala ang ibat-ibang gawain/paraan na
maaaring makasama o makabuti sa kalusugan.
ESP1PKP-Id-4 Nasasabi na nakatutulong sa paglinang ng sariling kakayahan ang wastong pangangalaga sa sarili.
ESP1PKP-If-5 Nakapagpapakita ng wastong pag-uugali sa pangangalaga sa sarili.
F1PS-IIf-6.1 Naisasalaysay ang napakinggang teksto sa tulong ng larawan.
F1PS-IIIc-10.1 Nakapagtatanong tungkol sa napakinggang kuwento.
H1N-Ig-j-4 Practices good eating habits that can help one become healthy.
H1PH-IIe-3 Realizes the importance of washing hands
Values Integrated:
Pagkamalinis, Pagkamasunurin, Pagpapahalaga sa Kalusugan;
Kamalayan sa Kalinisan
Si Ma. Carmen B. Delada, Teacher III, ay nagtuturo sa Unang Baitang ng Mababang Paaralan ng E.B. Magalona, Distrito ng Enrique B. Mgalona, Dibisyon ng Negros Occidental.
Siya ay nagtapos ng Bachelor in Elementary Education sa Philippine Normal University, Cadiz
Campus, Cadiz City, Negros Occidental.
Si Recel Joy Vasquez, Teacher I, ay
nagtuturo sa Ika-apat na baitang ng Manta-angan Elementary School, Distrito ng Enrique B. Mgalona, Dibisyon ng Negros Occidental.
Siya ay nagtapos ng Bachelor in Elementary Education sa Carlos Hilado Memorial State College Talisay Campus, Talisay City, Negros Occidental.