Upload
eva-janice-seguerra
View
130
Download
1
Embed Size (px)
Citation preview
Banghay Aralin
Aralin:Anyong Tubig
Layunin:1. Malaman ang iba't ibang uri ng
Anyong Tubig.2. Maunawaan ang kahalagahan ng
Anyong Tubig.3. Mapanatili ang kagandahan ng
Anyong Tubig.
Batayang Aklat:
Makabayan Katangiang
Pilipino 2 (Pahina 54-58)
Daloy ng Pag-aaral:I. Panimulang Panalangin
Mga bata simulan natin ang ating klase sa pamamagitan ng isang panalangin.
Mahal naming Panginoon, maraming salamatpo at nandito kami upang magkaroon ng bagong kaalaman na magagamit namin sa pang-araw-araw.
Maraming salamat po sa buhay ng aming Guro at
kapwa mag-aaral.
II. Pagbati Magandang umaga mga bata.
III. Pagdalo Mayroon bang liban sa araw na ito.
IV. Pagbabalik Aral
Balikan natin ang natapos na aralin kahapon.
Magbigay ng halimbawa ng Anyong Lupa.
V. Pagganyak
Mga bata, pagpapangkatin ko kayo sa limang
Grupo. Gumuhit kayo ng lugar na gusto ninyong mapuntahan kapag araw ng tag- init.
VI. Aralin
Ang mga ito ay ilan lamang sa
halimbawa ng Anyong Tubig. Ang Anyong Tubig aypinakikinabangan ng lahat ng nabubuhay
sa mundo.Mayroon tayong iba't ibang uri ng
Anyong Tubig.
Mga Anyong Tubig
“Karagatan”
pinakamalawak at
pinakamalalim naYamang Tubig.
“Dagat”
malawak na anyo ng tubig ngunit hindiito gaanong malawak tulad ng karagatan at maalatang tubig dito.
Look -
anyong tubig na may bukas na bahagi,pumapasok ito sa baybaying dagat. Mayroon itongbahagi na napapalibutan ng lupa.
“Lawa”
maliit kaysa dagat, matabang ang tubig dito.
“Ilog “
makitid at dumadaloy na katubigan. Ito aytabang na umaagos mula sa bundok patungongdagat.
“Golpo”
bahagi ito ng dagat.
“Talon”
anyong tubig na mabilis na bumabagsakmula sa bundok patungong dagat.
“Kipot “
makitid na daang tubig.
Paraan para mapangalagaan ang Anyong Tubig
1. Huwag tayong magtapon ng basura sa ilog at dagat. Dumudumi ito at nakakasira ng Anyong Tubig.
2. Dapat iwasan ang paggamit ng dinamita o lason sa pangingisda dahil nakakasira ito ng Anyong tubig.
3. Makilahok at sumuporta tayo sa mga programa ng ating paaralan at barangay para mapangalagaan ang
Anyong Tubig.
VII. GeneralizationMga bata ibigay ninyo ulit ang ibat
ibang Anyong Tubig at kung paano ito mapapangalagaan?
VIII. Paglalapat
Gumawa ng islogan na makakatulong sa pangangalaga ng Anyong Tubig.
IX. EbalwasyonIlagay ang tsek ( / ) kung it ay wasto at ekis ( X ) kung mali.
1. Dapat tayong maglaba sa dagat.2. Masarap maligo kapag malinis ang tubig.3. Itapon ang basura sa dagat.4. Makisali sa programa ng Barangay para malinis ang
dagat.5. Sa Pilipinas ay walang uri ng Anyong Tubig.6. Magtapon ng patay na hayop sa ilog.7. Panatilihin ang pagdudumi ng anyong tubig.8. Mas malaki ang karagatan kaysa dagat.9. Tumataas ang tubig ng talon.10. Madaming isda sa karagatan.
X. Takdang Aralin
Gumawa ng tula tungkol sa Yamang
Tubig.