36

Kasaysayan ng panitikan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kasaysayan ng panitikan
Page 2: Kasaysayan ng panitikan
Page 3: Kasaysayan ng panitikan
Page 4: Kasaysayan ng panitikan
Page 5: Kasaysayan ng panitikan
Page 6: Kasaysayan ng panitikan

Kahalagahan ng Pag-aaral sa Panitikang Pilipino

Page 7: Kasaysayan ng panitikan
Page 8: Kasaysayan ng panitikan
Page 9: Kasaysayan ng panitikan

Panahon ng Katutubo

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

Page 10: Kasaysayan ng panitikan

Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.

Page 11: Kasaysayan ng panitikan

Gumaganit ng biyas ng kawayan, talukap ng bunga ng niyog at dahon at balat ng punongkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang panulat.

MGA URI NG PANITIKANG SUMIBOL AT SUMIKLAT SA SINAUNANG PANAHON

•Alamat•Kwentong Bayan•Epiko•Salawikain•Bugtong

Page 12: Kasaysayan ng panitikan
Page 13: Kasaysayan ng panitikan

PANANAKOP NG MGA KASTILA

Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon.

Page 14: Kasaysayan ng panitikan

Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal

Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri ng dulang senakulo, santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa – isang patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.

Page 15: Kasaysayan ng panitikan

Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila. Naging tanyag ang dulang Moro-Moro na pumapaksa sa tagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito ang mga himagsikan sa pagitan ng mga sundalong Kastila at mga Muslim sa Mindanao at sa wakas ng dula, palaging nagwawagi ang Kastila at talunang niyayakap ng mga Muslim ang Kristiyanismo. Nauso rin ang carillo o mga dulang puppet na yari sa karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.

Page 16: Kasaysayan ng panitikan

Panitikang Rebolusyonaryo

Karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino. Nalathala ang mga pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad na naglalayong “matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakad ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at demokrasya

Page 17: Kasaysayan ng panitikan

Panitikang Rebolusyonaryo

Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat.  Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila.   Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL), Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.

Page 18: Kasaysayan ng panitikan

Panitikang Rebolusyonaryo

• Nahalinan ng Alpabetong Romano ang alibata•Naging bahagi ng wikang Pilipino ang maraming salitang Kastila•Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo na naging bahagi ng panitikan gaya ng awit, korido, moro moro atbp.•Nasinop at naisalin ang makalumang panitikang sa Tagalog sa ibang wikain•Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga akda

Page 19: Kasaysayan ng panitikan
Page 20: Kasaysayan ng panitikan

PANANAKOP NG MGA AMERIKANO

Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang Kastila. Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.  Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.

Page 21: Kasaysayan ng panitikan

PANANAKOP NG MGA AMERIKANO

Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng mga gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula.  Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano, naimpluwensiyahan din ang panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito. Dala nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas.

Page 22: Kasaysayan ng panitikan

PANANAKOP NG MGA AMERIKANO

Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa, ngunit nag-umpisa ito sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig (silent films); unti-unting naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.

Page 23: Kasaysayan ng panitikan

• Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga sinusulat

• Pinatigil ang mga dulang may temang makabayan

• Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway

• Pinauso ang balagtasan katumbas ng debate• Nagsimula ang pelikula sa Pilipinas

Page 24: Kasaysayan ng panitikan
Page 25: Kasaysayan ng panitikan

PANANAKOP NG MGA HAPON

Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.  Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling-kwento.  Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)

Page 26: Kasaysayan ng panitikan

PANANAKOP NG MGA HAPON

Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha.

Page 27: Kasaysayan ng panitikan

PANANAKOP NG MGA HAPON

Ipinagbawal ang paggamit ng wikang InglesNatigil ang panitikan sa Ingles kasabay ng pagpigil ng lahat ng pahayaganNapasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalanNagkaroon ng krisis sa papel kaya di masyadong marami ang akdang naisulat

Page 28: Kasaysayan ng panitikan
Page 29: Kasaysayan ng panitikan

PANANAKOP NG MGA HAPON

1972 idineklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand MarcosPaksa ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunanPinahinto ang mga pampahayagan at maging samahang pampaaralanPagtatatag ng Ministri ng Kabatirang Pangmadla (sumusubaybay sa mga pahayagan aklat at iba pang media.

Page 30: Kasaysayan ng panitikan
Page 31: Kasaysayan ng panitikan

PANITIKAN SA KASALUKUYANG PANAHON

Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uring PILIPINO. ang mga Pilipinong marunong magmalasakit sa kapwa kalahi at marunong magmahal sa sariling bansa sasalita man o sa gawa.At para sa mga mamamayang Pilipino, ito pa lamang ang tunay na bagong Republika ―ang Tunay na Bagong Republikang Pilipinas.

Bagama‘t iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na RepublikangPilipinas ay may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At ang mgapagbabagong ito ay madarama na sa ilang mgaTULA, AWITING PILIPINO , sa mga  PAHAYAGAN  , sa mga SANAYSAY at TALUMPATI, at maging sa mga  PROGRAMA SA TELEBISYON.

Page 32: Kasaysayan ng panitikan

PANITIKAN SA KASALUKUYANG PANAHON

•Marami ang sumubok sumulat gamit ang sariling vernakular•Namulat ang mga Pilipino sa kahalagahan ng wikang pambansa•Mas mayamang ang pinagkukunan ng paksang sinusulat•Malaki ang impluwensiya ng aghanm at teknolohiya•Nagbabago ang mga wikang ginagamit

Page 33: Kasaysayan ng panitikan

 

Ang mga PANITIKAN sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga makata:

  a. Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga nanunungkulang maytiwaling gawin.  b. pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan c. Makabagong damdamin/emosyon na nararamdamn

PANITIKAN SA KASALUKUYAN

Page 34: Kasaysayan ng panitikan

 

Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga makata:

  a. Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga nanunungkulang maytiwaling gawin.  b. pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan

PANULAAN SA KASALUKUYAN

Page 35: Kasaysayan ng panitikan

 

RADYO AT TELEBISYON

Maririnig na sa kasalukuyan na nakapagpapahayag na ng tunay na niloloob nangwalang takot o pangamba ang mga tagapagsalita sa radyo at mga lumalabas sa telebisyon.Marami na sa panahong ito ang mga komentarista sa radyo at telebisyon kung saan pawang laman ng bibig ng mga ito ang hayagang pagpuna nila sa mga gawain ng mga nasa pwesto.

Naging malikhain at malaya ang mga palabas sa radyo dahilan kung bakit nagkaroon ng napakaraming ‘genre’ ng mga programa kasama na dito ang mga realitity programs, fantaserye, anime atbp.

Page 36: Kasaysayan ng panitikan

 

PANITIKAN SA PANAHON NG COMPUTER

Chat, FB, twit, blog, jejemon, unli, website, usb, e-mail, download, wifi, connect,  burn, scan, cd….  Ito ay mga salitang karaniwan nang ginagamit ngayon sa ating wika atmasasabing dulot ng teknolohiya. At dahil parte na ng ating buhay ang teknolohiya,mabilis ang pagbabagong idinulot nito sa buhay at lipunan. Mabilis din ang pagbabago sapapel na ginagampanan ng impormasyon sa ating trabaho, buhay, at pag-iisip. Angmabilis na pagbabagong naganap sa buhay natin ay dala ng mabisang sandata ng teknolohiya –  ang kompyuter, cellphone, at internet.