24
ïßý⁄a lbj’ÜÛ òî½bÈÛa ñë†äÛa Ýöb‰ òÇìà© ) اﻷول اﻹﺻﺪار( Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam (Unang Edisyon) ﺍﻟﻔﻠﺒﻴﻨﻴﺔ ﺍﻟﻠﻐﺔ ﺗﺮﺟﻤﺔ: ﺳﺎﻟﺲ ﺟﺒﺮﻳﻞ ﺃﺣﻤﺪIsinalin ni : Ahmad Jibril Salas

Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

  • Upload
    lynga

  • View
    273

  • Download
    30

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

ïßý⁄a@lbj’ÜÛ@òî½bÈÛa@ñë†äÛa@Ýöb‰@òÇìà©@)اإلصدار األول(

Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam (Unang Edisyon)

:ترجمة اللغة الفلبينية

أحمد جبريل سالس

Isinalin ni :

Ahmad Jibril Salas

Page 2: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

Unang Limbag 1427 H., 2006 CE Copyright © Ang lahat o anumang bahagi nitong aklat ay maaaring gamitin sa anumang pamamaraang paglalahad hangga’t ang nilalaman nito’y hindi inililihis sa tamang kahulugan at diwa nito. Nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong sa pagpapalimbag ng aklat na ito. Nawa’y biyayaan sila ng Allah sa kanilang mga pagsisikap. Kung mayroon kayong pagtutuwid, puna o katanungan hinggil sa aklat na ito, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa: www.islamhouse.com   Inilimbag ng: The Islamic Propagation Office in Rabwah Tel. 4454900 - 4916065 Website: www.islamhouse.com

 .واهللا الموفق. التغيير في النص المنقول وال حذف شيء منه

:ن التالي

1427 H[4811] 

1427/2006الطبعة األولى،

الندوة العالمية للشباب اإلسالمي © 

األمانة في النقل وعدم شرطب ادةمهذه ال يحق لمن شاء أخذ ما يريد من

إذا كان لديك أي سؤال أو اقتراح أو تصحيح يرجى مراسلتنا على العنواwww.islamhouse.com

كتب التعاوني للدعوة وتوعية الجاليات بالربوة

تحويلة4916065 – 4454900: تف

 www.islamhouse.com: الموقعوان

2

الم

ها

عن

Page 3: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

Sa Ngalan ng Allah, Ang Mahabagin, Ang Maawain

TUNGO SA TAMANG PATNUBAY Ang katagang “Islam” ay isang salita mula sa wikang Arabik na nangangahulugan ng “pagsuko sa Kalooban ng Allah (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng “kapayapaan”. Kaya naman, ang relihiyong Islam ay nagtuturo ng pagsuko sa Diyos ayon sa Kanyang mga ipinahayag na Banal na Batas tungo sa tunay na kapayapaan ng isip at kapanatagan ng puso ng tao. Ang pinakamahalagang katotohanang ipinahayag ng Allah sa sangkatauhan ay ang walang sinumang banal o may karapatang sambahin maliban sa Makapangyarihang Diyos, ang Allah. Samakatuwid, ang lahat ng tao ay nararapat lamang sumuko at sumamba sa Kanya. Ang katagang “Muslim” ay yaong sumusuko sa Kalooban ng Allah (Diyos) maging anuman ang kanyang lahi, bansa o tribu. Ang pagiging Muslim ay nangangahulugan ng kusang-loob na pagsuko at mapagpakumbabang pagtalima sa Allah (Diyos), at mamuhay nang ayon sa Kanyang kautusan. Marami ang may maling pag-aakala na ang Islam ay isang relihiyon ng mga Arabo lamang. Ito ay sadyang malayo sa katotohanan. Karagdagan, sa maraming pumapasok sa Islam sa lahat ng sulok ng daigdig lalo na sa Inglatera at Amerika, makikita natin ang sambayanang Muslim mula Bosnia hanggang sa Nigeria, at mula Indonesia hanggang sa Morocco. Maliwanag na makikita na ang mga Muslim ay galing sa maraming iba’t ibang lahi, kulay at tribo. Sa katunayan, higit sa 80% bahagdan ng pangkalahatang Muslim ay hindi mga Arabo. Higit na marami ang Muslim sa Indonesia kaysa sa buong bansang Arabo. Kaya naman, kahit na nakararami ang bilang ng Muslim sa mga lahing Arabo, hindi sila ang pinakamalaking bilang ng Muslim sa daigdig. Magkagayon, sinumang sumuko nang lubusan sa Allah (Diyos) at Siya lamang ang kanyang sinasamba ay isang Muslim.

ANG WALANG HANGGANG MENSAHE Hindi bago ang relihiyong Islam sapagka’t ang Islam (ang pagsuko sa kalooban ng Diyos) ay tanging relihiyon sa paningin ng Diyos. Sa ganitong kadahilanan, ang Islam ay tunay at likas na relihiyon, at ito ang dating walang-hanggang mensahe na ipinahayag sa pagdaloy ng panahon sa lahat ng Propeta ng Allah katulad nina Abraham, Noah, Moses, Hesus at Muhammad . Silang lahat ay nagturo ng isang magkakatulad na Mensahe: ang dalisay na Monoteismo. Hindi nagtatag ng bagong relihiyon si Propeta Muhammad katulad ng maling pag-aakala ng marami, bagkus Siya ang pinakahuling Propeta ng Islam. Sa pagpapahayag ng Allah sa Kanyang huling mensahe kay Muhammad , na sadyang walang-hanggan at para sa lahat ng sangkatauhan, binigyang kaganapan ng Allah ang kasunduan na Kanyang ibinigay kay Abraham, na isa sa mga nauna at bantog na Propeta. Sapat nang sabihin na ang panuntunan ng Islam ay siya ring panuntunan ni Propeta Abraham, sapagka’t kapwa Bibliya at Qur’an ay nagpapakilala kay Abraham bilang isang huwaran ng sinumang isinusuko nang buong puso ang sarili sa kalooban ng Allah, at siya ay tuwirang sumasamba sa Diyos na walang isinaalang-alang na tagapamagitan. Sa oras na maunawaan ito, magiging maliwanag na ang Islam ang siyang pandaigdigan at walang-hanggang mensahe kaysa sa lahat ng relihiyon, sapagka’t lahat ng Propeta at Sugo ng Allah ay mga “Muslim”

3

Page 4: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

(sila’y sumusuko sa Kalooban ng Allah), at kanilang itinuro ang “Islam” (pagsunod sa Kalooban ng Makapangyarihang Allah).

ANG KAISAHAN NG ALLAH Ang haligi ng pananampalatayang Islam ay ang paniniwala sa Kaisahan ng Allah - ang tanging Diyos na sinasamba ng mga Propeta kasama na rito sina Abraham, Noah, Moses, at Hesus at Muhammad . Itinuturo ng Islam na ang dalisay na paniniwala sa Allah ay likas sa tao. Kaya naman, nagagampanan nito ang likas na pagnanais ng kaluluwa. Ang konsepto ng Diyos sa Islam ay tuwiran, maliwanag at madaling maunawaan. Itinuturo ng Islam na ang puso, kaisipan at kaluluwa ng tao ay mga angkop na sisidlan ng maliwanag na banal na pahayag. Ang mga pahayag ng Allah sa tao ay hindi nalalambungan ng magkasalungat na misteryo o labag sa katwirang katuruan. Kaya naman, itinuturo ng Islam na bagaman hindi kayang matarok at di-maabot nang lubusan ng ating limitadong kaisipan ang Kaluwalhatian ng Allah, hindi Niya inaasahan na tayo’y tumanggap ng mga di-makatotohanan o lantarang huwad na paniniwala hinggil sa Kanya. Ayon sa mga katuruan ng Islam, ang Makapangyarihang Allah ay tanging Iisa. Ang Kanyang kaisahan ay hindi dapat mabahiran ng pagbibigay katambal sa Kanya, maging sa paniniwala at pagsamba. Dahil dito, pinag-uutusan ang mga Muslim na panatilihin ang tuwirang ugnayan sa Allah. Magkagayon, ang anumang tagapamagitan ay tahasang ipinagbabawal. Sa pananaw ng Islam, ang paniniwala sa Kaisahan ng Diyos ay nangangahulugan na ang pagganap ng lahat ng panalangin at pagsamba ay nararapat na iukol nang bukod-tangi sa Kanya. Siya lamang ang may karapatan sa katawagang “Panginoon” at “Tagapagligtas”. Bagaman ang ibang relihiyon ay naniniwala sa Iisang Diyos, hindi nila iniuukol ang kanilang panalangin sa Kanya. Gayundin, ibinibigay nila ang katawagang “Panginoon” sa mga nilikha na sadyang malayo sa pagkakaroon ng mga katangiang “Ang Maalam ng Lahat ng Bagay”, “Ang Makapangyarihan”, at “Ang Walang Pagbabago”. Sa kabila ng katotohanang ito, ang mga katangian ng tunay na Diyos ay matutunghayan rin maging sa kanilang hawak na kasulatan. Ayon sa Islam, hindi sapat na ang tao ay maniwala na ang Diyos ay iisa, bagkus nararapat niyang gampanan ang paniniwalang ito sa pamamagitan ng tamang pag-aaral. Sa madaling salita, ang konsepto ng Diyos sa Islam, na lubos na nakasalalay sa Banal na Pahayag, ay sadyang maliwanag sa pagiging Banal – Ang Diyos ay Diyos at ang tao ay tao. Sa dahilang ang Diyos (Allah) ay ang tanging Lumikha at ang Tagapanustos sa sandaigdigan, Siya ay may kahigtan sa Kanyang mga nilikha – ang Lumikha at ang nilikha ay hindi kailanman maghahalo. Nagtuturo ang Islam na ang Diyos ay may natatanging kalikasan, at Siya ay malaya sa kasarian, kahinaan, at lampas sa anupamang kayang liripin ng tao. Nagtuturo ang Banal na Qur’an na ang mga Tanda at katibayan ng katalinuhan, kapangyarihan at pananatili ng Diyos ay kitang-kita sa ating kapaligiran. Kaya naman, tinatawagan ng Allah na pag-isipan ng tao ang mga nilikha sa paligid niya upang magkaroon siya nang higit na pang-unawa sa Kanyang Lumikha. Naniniwala ang mga Muslim na ang Allah ay Mapagmahal, Maawain, at Mahabagin. Nasa Kanyang Kamay ang araw-araw na pangyayari sa tao. Sa ganito’y nasa natatanging katamtamang katayuan ang Islam sa gitna ng huwad na pananampalataya at mapagmalabis na pilosopiya.

4

Page 5: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

Maraming relihiyon at pilosopiya ang naglalarawan sa Diyos na may Mataas na Kapangyarihan subali’t walang malasakit, o hindi mulat sa buhay ng bawa’t isang tao. Ang ibang relihiyon naman ay nagbibigay sa Diyos ng mga katangiang pantao, at nagtuturo na Siya ay naroroon sa Kanyang mga nilikha, sa pamamagitan ng pagsasatao, o pagiging isang nilikhang bagay. Sa kabilang dako, sa Islam ay binigyang-linaw ng Diyos ang katotohanan sa pamamagitan ng pagpapahayag sa tao na Siya ay Mapagmahal, Mahabagin, Maawain at Kanya ring tinutugon ang mga panalangin. Subali’t Kanya ring binigyang-diin na walang anumang makatutulad sa Kanya, na Siya ay di-sakop ng panahon, kapaligiran at ng Kanyang nilikha. Dapat ding banggitin na ang Allah na sinasamba ng mga Muslim ay Siya ring Diyos na kinikilala ng mga Hudyo at Kristiyano sapagka’t iisa lamang ang Diyos. Sa kasamaang-palad, ang ibang tao ay may maling pananaw na ang sinasambang Diyos ng mga Muslim ay kaiba sa Diyos ng mga Hudyo at Kristiyano, at inaakala na ang “Allah” ay isa lamang “diyos ng mga Arabo”. Ang maling kaisipang ito na patuloy na ipinalalaganap ng mga kaaway ng Islam ay sadyang malayo sa katotohanan, sapagka’t ang katagang “Allah” ay pantanging pangalan ng Makapangyarihang Diyos sa wikang Arabik. Ito rin ang katagang ginagamit ng mga Arabong Hudyo at Kristiyano. Magkagayunman, dapat liwanagin na bagaman magkatulad ang sinasamba ng mga Muslim sa Diyos na kinikilala ng mga Hudyo at Kristiyano, ang konsepto nila sa Kanya ay iba. Bilang halimbawa, hindi tinatanggap ng mga Muslim ang paniniwala ng mga Kristiyano at Hudyo na ang Allah ay isa sa Tatlong Persona ng Diyos o ang Diyos ay nagkaroon ng anak. Hindi lamang itinatakwil ito ng Banal na Qur’an bagkus kung ito nga ang tunay na kalikasan ng Allah (Diyos), disin sana’y maliwanag na ipinahayag Niya ito kina Noah, Abraham, Moses, Hesus, Muhammad at iba pang mga Propeta.

ANG BANAL NA QUR’AN Ang literal na kahulugan ng katagang “Qur’an” mula sa wikang Arabik ay “ang babasahin o bibigkasin”. Kapag ginamit ito hinggil sa Islam, nangangahulugan ito ng panghuling mensahe ng Allah sa sangkatauhan na ipinahayag kay Propeta Muhammad . Ang Banal na Qur’an, na magkaminsa’y isinusulat na “Kor’an”, ay literal na Salita ng Allah na lagi nang binabanggit sa tuwina. Taliwas sa ibang mga banal na pahayag, lubusang napag-ingatan ang Qur’an sa bawa’t kataga nito at kahulugan sa isang buhay na wika – isang wikang ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan. Isang buhay na himala ang Qur’an sa wikang Arabik; at bantog bilang Aklat na hindi matularan sa istilo, uri at sa bisang ispirituwal nito. Ibinaba ang huling Pahayag na ito kay Propeta Muhammad sa loob ng 23 taon. Ang pagkakaiba ng Banal na Qur’an sa ibang aklat na pangrelihiyon ay ang lagi nang pagturing sa Banal na Qur’an bilang isang Salita ng Allah ng mga taong naniniwala dito – hindi ito isang bagay na ipinasiya ng isang konseho maraming taon pagkaraang naisulat. Gayundin, binibigkas ang Banal na Qur’an nang hayagan sa harapan ng kapwa Muslim at di-Muslim na lipunan noong panahon ni Propeta Muhammad . Ang buong Qur’an ay lubusang naisulat, at marami sa mga kasamahan ng Propeta ang nakasaulo nito nang ganap sa bawa’t titik at pagbigkas kung papaano ito naipahayag. Kaya naman, taliwas sa ibang aklat, ang Banal na Qur’an ay lagi nang nasa kamay ng mga karaniwang mananampalataya at

5

Page 6: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

kailanma’y hindi sila nagkaroon ng pag-aalinlangan na ito ay Banal na Salita ng Allah. Dahil sa malawakang pagsasaulo nito, ganap itong napanatili. Sa kabilang banda, ang mga kasulatang hawak ngayon ng ibang relihiyon ay nahaharap sa malaking pag-aalinlangan hinggil sa pagiging dalisay o orihinal ng mga ito. Ang mga tagasunod na rin ang nagbibigay ng lantarang pagpuna sa maraming pagkakasalungat at kamaliang nasasaad sa mga ito. Hinggil sa katuruan ng Banal na Qur’an, isa itong pandaigdigang Kasulatan at ito ay patungkol sa lahat ng sangkatauhan, hindi sa isang partikular na tribu o “natatanging-tao”. Hindi bago ang dala ng mensaheng ito, bagkus ang mensaheng dinala rin ng lahat ng Propeta: “Pagsuko sa Makapangyarihang Diyos at Pagsamba lamang sa Kanya”. Kaya naman, ang pahayag ng Allah sa Qur’an ay nakatuon sa pagtuturo sa tao sa kahalagahan ng paniniwala sa Kaisahan ng Diyos, hubugin ang kanilang buhay sa patnubay na Kanyang ipinadala. Karagdagan nito, mababasa sa Banal na Qur’an ang mga kasaysayan ng mga naunang Propeta tulad nina Abraham, Noah, Moses at Hesus; at gayundin ng maraming mga pag-uutos at pagbabawal mula sa Dakilang Allah. Sa makabagong panahon na kung saan nakalugmok ang maraming tao sa matinding pag-aalinlangan, sa kawalang pag-asa sa ispirituwal na pangangailangan at sa di-malamang katumpakan ng pamahalaan, ang Banal na Qur’an ay nag-aalay ng kalutasan sa kahungkagan ng ating pamumuhay at sa kaguluhan na sumasakmal sa mundo sa ngayon. Sa maikling pananalita, ang Banal na Qur’an ay isang aklat ng patnubay na di-mapapantayan ang kahusayan.

SI PROPETA MUHAMMAD Taliwas sa mga namuno ng maraming relihiyon, ang huling Propeta ng Islam ay tunay na naitala bilang isang kilalang tao sa kasaysayan. Maliwanag nang ganap ang kanyang buhay sa mga nasusulat na kasaysayan, at batid maging ang pinakamaliit na detalye ng kanyang pamumuhay. Hindi lamang tangan ng mga Muslim ang ganap na teksto ng mga Banal sa Salita ng Allah na ipinahayag kay Muhammad , hawak din nila ang kanyang mga napanatiling winika at pangaral o salaysay na tinatawag na ‘Hadith’. Matapos banggitin ang mga ito, dapat malaman ng sinuman na ang mga Muslim ay naniniwala na si Propeta Muhammad ay tao lamang na pinili ng Allah, at siya ay walang anumang katangian ng pagkadiyos. Upang ilayo ang tao sa pagsamba sa kanya, itinuro ni Propeta Muhammad sa mga Muslim na tawagin siyang ‘Sugo ng Diyos at Kanyang Alipin’. Ang misyon ng panghuli at pangwakas na Propeta ng Allah ay tanging ituro sa tao na ‘walang sinuman ang maaaring tawaging diyos o may karapatang sambahin maliban sa Makapangyarihang Allah’, at gayundin ang maging buhay na halimbawa ng pahayag ng Allah. Sa payak na salita, nagpadala ng kapahayagan ang Allah kay Muhammad , na kanya namang itinuro, isinabuhay at ipinairal sa sambayanan. Sa ganitong paraan, higit pa sa pagiging Propeta si Muhammad dahil siya rin ay isang tagapangasiwa ng pamahalaan at isang pinuno. Siya ay namuhay nang payak sa

6

Page 7: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

paglilingkod sa Allah, at pinamunuan niya ang isang relihiyon na sadyang saklaw ang lahat ng aspeto ng pamumuhay – isang panuntunan ng buhay. Itinuro niya kung ano ang ulirang kaibigan, asawa, guro, pinuno, mandirigma at hukom. Dahil dito, sinusunod siya ng mga Muslim hindi dahil sa kanyang kapakanan, bagkus bilang pagtalima sa Allah. Hindi lamang ipinakita ni Muhammad kung papaano makipagkapwa-tao, higit na mahalaga ay ipinakita niya kung papaano makipag-ugnayan at sumamba sa Allah ayon sa mga paraang nais Niya. Katulad ng ibang Propeta, naharap si Propeta Muhammad sa matinding pagtutol at pagmamalupit sa panahon ng kanyang misyon. Magkagayunman, nanatili siyang mapagpaumanhin, matiisin at makatarungan. Kanyang pinakitunguhan nang mabuti ang kanyang mga kaaway. Naging matagumpay ang bunga ng kanyang misyon. Bagaman nagsimula ang kanyang misyon sa pinakamahina at malayong mga pook sa mundo, lumaganap ang Islam mula Espanya hanggang sa Tsina sa loob lamang ng isang daang taon pagkaraang mamatay si Propeta Muhammad . Siya ang pinakadakila sa lahat ng mga Propeta ng Allah hindi sa dahilang nagdala siya ng bagong mga doktrina o gumawa ng higit na mahuhusay ng himala, bagkus ang bunga ng kanyang misyon ay nagdala ng higit na bilang ng tao sa landas ng dalisay at tamang paniniwala sa Iisang Tunay na Diyos kaysa sa ibang Propeta.

ANG PAMAMARAAN NG BUHAY SA ISLAM Sa Banal na Qur’an, itinuturo ng Allah sa tao na nilikha sila upang sambahin Siya, at ang batayan ng lahat ng tunay na pagsamba ay ang laging pag-alaala sa Allah. Sa dahilang sakop ng Islam ang lahat ng aspeto ng buhay, ang lagi nang paggunita sa Allah ay binibigyan ng pansin sa lahat ng gawain ng tao. Binibigyang-linaw ng Islam na ang lahat ng kilos ng tao ay itinuturing na mga gawang pagsamba kung ginagawa ito dahil sa Allah at ayon sa Kanyang Banal na Batas. Kaya naman, ang pagsamba ay hindi lamang mga pang-relihiyong rituwal. Ang mga katuruan sa Islam ay nagsisilbing habag at lunas sa kaluluwa ng tao. Ang mga katangiang katulad ng pagpapakumbaba, katapatan, matiisin at pagkakawanggawa ay matiim na ipinag-uutos. Karagdagan nito, ipinagbabawal sa Islam ang pagmamalaki at pamumuri sa sarili, sa dahilang ang Allah lamang ang tanging Hukom sa pagkamakatwiran ng tao. Ang pananaw ng Islam sa kalikasan ng tao ay higit na makatotohanan at mahusay na pinagtimbang. Hindi pinaniniwalaan na likas na makasalanan ang tao, bagkus siya ay may kakayahang gumawa ng mabuti at masama. Itinuturo din ng Islam na ang paniniwala at pagsagawa ay lagi nang magkasama. Binigyan ng Allah ang tao ng kalayaan, kaya naman ang sukat ng kanyang pananampalataya ay batay sa kanyang mga gawa at asal. Gayundin naman, nilikha ang tao na sadyang mahina at lagi nang natitisod sa kasalanan. Ito ang kalikasan ng taong nilikha ng Allah ayon sa Kanyang Talino. Ang tao ay hindi likas na makasalanan o nangangailangan ng kumpuni. Ito ay sa dahilang laging bukas ang landas ng pagsisisi sa lahat ng tao. At minamahal ng Allah ang nagsisising makasalanan na taos pusong naninikluhod sa paghingi ng tawad sa Kanya. Naitatatag ang tunay na pamumuhay Islamiko sa pamamagitan ng tamang takot sa Allah at matapat na paniniwala sa Kanyang Walang-Hanggang Habag. Ang isang pamumuhay na walang takot sa Allah ay humahantong sa kasalanan at pagsuway,

7

Page 8: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

samantalang ang paniniwalang hindi patatawarin ng Allah ang mga mabibigat na kasalanan ay humahantong sa kawalan ng pag-asa. Ang Islam ay nagtuturo: Tanging ang mga naliligaw lamang ang nawawalan ng pag-asa sa Habag ng kanilang Panginoon. Karagdagan nito, ang Banal na Qur’an na ipinahayag kay Propeta Muhammad ay naglalaman ng napakamaraming katuruan hinggil sa kabilang-buhay at sa Araw ng Paghuhukom. Dahil dito, naniniwala ang mga Muslim na ang lahat ng tao ay hahantong sa paglilitis ng Allah sa kanilang mga paniniwala at gawain nang sila’y nabubuhay pa sa mundo. Sa paghusga sa tao, ang Allah ay Mahabagin at Makatarungan. Huhusgahan ang tao ayon lamang sa kanilang nakayanan. Sapat nang sabihin na itinuturo ng Islam na ang buhay ay isang pagsubok, na ang lahat ng tao ay may pananagutan sa Allah. Ang matapat na paniniwala sa kabilang buhay ay isang susing humahantong sa isang matuwid na buhay at moral. Sa kabilang banda, kung ang pananaw ay wala nang darating pa pagkatapos ng kamatayan, ito ay magdudulot sa tao na maging maramot, makamundo at magkakaroon ng mababang moralidad.

ISLAM - TUNGO SA HIGIT NA MAHUSAY NA PAMUMUHAY Itinuturo ng Islam na ang tunay na kaligayahan ay maaari lamang makamtan sa pamamagitan ng isang pamumuhay na may kaakibat na paggunita sa Allah, at sa pagkakaroon ng kasiyahan sa bawa’t biyayang ibinibigay Niya. Karagdagan nito, ang tunay na kasarinlan ay ang kalayaan sa pagiging alipin ng mababang pagnanasa, at kalayaan sa mga ideolohiyang gawa ng tao. Ang naturan ay siya namang kabaliktaran sa pananaw ng maraming tao sa makabagong daigdig na itinuturing ang “Kalayaan” bilang isang kakayahang bigyang-kasiyahan ang lahat ng kanilang pagnanasa nang walang pagpipigil. Ang maliwanag at malawak na patnubay ng Islam ay nagbibigay sa tao ng isang malinaw na takda sa layunin at landas ng buhay. Bilang karagdagan sa pagiging kasapi ng kapatiran sa Islam, ang timbang at praktikal na katuruan ay pinagmumulan ng kapayapaan, patnubay at moralidad. Ang tuwiran at malinaw na ugnayan sa Makapangyarihang Diyos, kasama ng pagkakaroon ng pagpapahalaga sa layunin at sa pagiging kasapi ng pandaigdigang kapatiran ay nagpapalaya sa tao mula sa maraming pagkabalisa sa araw-araw na pamumuhay. Sa maikling salita, ang pamamaraang buhay Islamiko ay dalisay at kapaki-pakinabang. Nagtuturo ito ng pagdisiplina at pagpipigil sa sarili sa pamamagitan ng palagiang pagdarasal at pag-aayunong itinakda nito. Nagpapalaya rin sa tao sa mga pamahiin at sa rasismo (lahat ng pagbibigay ng di-matwid na opinyong nauukol sa lahi, lipi, kulay ng balat at kabansaan). Makakamtan lamang ng tao ang tunay na karangalan o kadakilaan sa pamamagitan ng pagtanggap sa lagi nang paggunita sa Allah sa araw-araw na gawain at ang pagtanggap na ang tanging pagkakaiba ng tao sa mata ng Allah ay ang pagiging masunurin sa Kanya. Binigyan tayo ng Dakilang Lumikha ng talino at kakayahang mangatwiran, magtimbang at magpasiya. Kaya inilagay Niya ang ating isip sa pinaka-itaas ng ating katawan, ang ulo, upang ito ay manguna at mamayani sa ating pagpapasiya nang higit sa damdamin o emosyon – na kadalasa’y nakapaglilihis ng landas. Sinumang nagnanais magkaroon ng tama at makatarungang pagtitimbang at paghuhusga, siya ay dapat maharap sa higit sa isang pag-aaralan o pagpipilian. Huwag ibilanggo ang sarili sa isang pananampalatayang hindi dumaan sa malaya at kusang pagpili. Huwag talikuran ang

8

Page 9: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

karapatang pumili ng isang tamang pananampalatayang makapagbibigay ng katiyakan sa kasiyahan at kapanatagan hindi lamang dito sa lupa bagkus maging sa kabilang buhay. Inaanyayahan namin kayong magpatuloy sa pag-aaral hinggil sa Islam upang magkaroon ng kaukulang kaalaman na siyang tanging kailangan upang timbangin at piliin ang katotohanan tungo sa isang tamang pananampalataya at ganap na panuntunan ng buhay.

ANG MGA KARAPATAN NG TAO AYON SA ISLAM Dahil ang Allah (Diyos) ang Siyang Ganap at Tanging may Kapangyarihan at may Kapamahalaan sa mga tao at sa buong sanlibutan, Siya ang Nag-iisang Nakapangyayaring Panginoon, ang Tanging Isang Tagapagtaguyod at Tagapanustos, ang Maawain, na ang Kanyang awa ay laganap at sakop sa lahat ng Kanyang nilikha; at dahil sa Siya ang nagbigay sa bawa’t tao ng makataong dangal at prinsipiyo at hiningahan Niya ng Kanyang Espiritu, magkagayon ang tao ay nakikiisa sa Kanya. At sa pamamagitan Niya, ang mga tao ay magkakatulad sa elementong sangkap ng pagkakalikha nila at walang tunay na kaibahan na dapat pangibabawan ng bawa’t isa nang dahil lamang sa pagkakaiba-iba tulad ng angkan, kulay o lahi bukod pa sa sari-sariling katangian (sa ugali, asal o kilos). Ang bawa’t tao, samakatuwid, ay may kaugnayan sa lahat ng kanyang kapwa tao. At ang lahat ng tao ay nagiging isang pamayanan ng pagkakapatiran nang dahil sa marangal at kalugud-lugod na pagpapaalipin sa Allah, ang Mahabaging Panginoon ng buong santinakpan. At dahil sa gayong pinagpala at pinagkaisang damdamin, ang pagpapahayag ng Islam tungkol sa Kaisahan ng Allah ang siyang nangingibabaw at siyang haligi na umuugnay sa kaisahan ng sangkatauhan at ang pagkakapatiran ng lahat ng tao. Bagaman ang isang bansang Islamiko ay maaaring maitatag sa alinmang bahagi ng mundo, ang Islam ay hindi nagnanais na bigyang hangganan ang mga karapatan ng tao nang ayon sa kasakupan ng kanyang sariling bansa. Ang Islam ay nagbigay ng ilang pangunahing karapatan bilang pangkalahatang batayan para sa sangkatauhan at sa kabuuan nito, ito ay dapat ipatupad at igalang sa lahat ng panahon kahit na ang gayong tao ay naninirahan sa loob ng teritoryo ng bansang Islamiko o sa labas nito, maging siya man ay nasa mapayapang kalagayan o nasa panahon ng digmaan. Ang Qur’an ay maliwanag na nagsabi: “O kayong mananampalataya, maging matibay na saksi ng Allah sa katarungan. At huwag ang inyong galit sa iba ang umiral at maglihis sa inyo sa katarungan. Maging makatarungan sapagka't ito ay malapit sa pagkatakot sa Allah.” (Qur’an 5:8) Ang dugo ng tao ay sagrado sa lahat ng pagkakataon at hindi dapat na dumanak nang walang katarungan. Ang sinumang lumabag o sumuway sa pagiging sagrado ng dugo ng tao sa pamamagitan ng pagkitil ng buhay na walang kaukulang katarungan, ang Qur’an ay nagsabi na ito ay katumbas ng pagpatay sa buong sangkatauhan. “Sinumang kumitil ng buhay na hindi naglalayong ipaghiganti ang pinatay, at (sinumang pumatay) upang maghasik ng katiwalian sa lupa, kahalintulad nito ang pagkitil niya sa buong sangkatauhan.” (Qur’an 5:32)

9

Page 10: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

Hindi pinahihintulutan na apihin o lapastanganin ang mga kababaihan, mga bata, mga matatanda, maysakit at mga sugatan. Ang dangal at puri ng mga babae ay nararapat na igalang sa lahat ng pagkakataon. Ang mga taong nagugutom ay nararapat na pakainin, ang hubad ay dapat damitan, ang sugatan ay dapat gamutin kahit na sila ay nabibilang sa pamayanang Islamiko o hindi. Kung kami man ay nagpapaliwanag ng mga karapatan ng tao sa ilalim ng relihiyong Islam, kami ay tapat na tumutukoy tungkol sa mga karapatang ipinagkaloob ng Allah, ito ay hindi ibinigay ng sinumang hari o ng pangkat ng mambabatas. Ang mga karapatan na ibinigay ng mga hari o ng mga mambabatas ay maaaring bawiin o ipawalang-saysay sa paraan na kung paano ito isinagawa at ipinagkaloob. Ito ay katulad din ng mga karapatang tinatanggap at sinang-ayunan ng mga namumunong diktador. Maaari nilang ipagkaloob ang mga ito kung kailan nila maibigan at bawiin kung kailan nila nais at maaari nilang labagin ang mga ito nang hayagan kung ito ay kanilang masumpungang gawin. Nguni’t sa Islam, ang mga karapatan ng tao ay iginawad ng Dakilang Allah, walang sinumang mambabatas sa mundo o sa anumang pamahalaan sa lupa ang may karapatan na gumawa ng hakbangin upang susugan, dagdagan o baguhin man ang mga karapatang ipinagkaloob ng Allah. Sinuman ay walang karapatang bawiin, ipawalang-saysay o palitan ang mga ito. Hindi rin naman ito mga pangunahing karapatan ng tao na iginawad sa papel lamang bilang isang pakitang-tao at pagtatanghal at itinakwil sa aktuwal na pamumuhay pagkaraang ito ay pagtibayin. Hindi rin ito katulad ng mga pilosopiyang kaisipan na walang nagpatibay sa likod ng mga ito. Ang kasunduan (saligan) at mga sinang-ayunang mga batas at itinakdang kapasiyahan ng Nagkakaisang mga Bansa (United Nations) ay hindi maihahalintulad sa mga karapatang itinakda ng Dakilang Allah sapagka’t ang una ay hindi naaangkop sa bawa’t tao subali’t ang huli ay angkop sa lahat ng mananampalataya. Sila ay isang bahagi at kabigkis ng pananampalatayang Islam. Ang bawa’t Muslim o mga pinunong Muslim na nagtuturing sa kanila bilang mga Muslim ay nararapat na tanggapin, kilalanin at ipatupad ang mga karapatang ito. Kung sila ay nagpabaya na maipatupad ito at nagsimulang itakwil o talikdan ang mga karapatan na pinagtibay ng Allah o gumawa ng mga susog at baguhin yaon o hayagang lumabag sa mga ito habang sila ay kumikilala ng mga ito batay sa salita lamang ng kanilang mga bibig, ang hatol ng Banal na Qur’an sa gayong pamamahala ay tuwirang maliwanag at walang alinlangan. “At sinuman ang humatol na hindi nababatay sa ipinahayag ng Allah, sila yaong di-mananam-palataya.” (Qur’an 5:44)

ANG KARAPATAN NG TAO SA PAMAYANANG ISLAM 1. Ang Kaligtasan ng Buhay at Ari-arian; sa huling sermon na kanyang ipinahayag

sa panahon ng Hajj, siya ay nagsabi: Ang inyong buhay at ari-arian ay ipinagbabawal sa sinuman hanggang sa Araw ng inyong pakikipagharap sa Allah sa Araw ng Pagkabuhay Muli.” Ang Propeta ay nagsabi rin tungkol sa mga “dhimmi” (mga taong di-Muslim na naninirahan sa bansang Muslim). Ang sinumang pumatay ng (Dhimmi) tao na sakop ng kasunduan, siya ay hindi makaaamoy ng halimuyak ng Paraiso.

2. Ang Pangangalaga ng Dangal. Ang banal na Qur’an ay nagsabi:

10

Page 11: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

a. O kayong Mananampalataya, huwag hayaan ang isang pangkat sa inyo ay hamakin o laitin ang ibang pangkat ng tao. (Qur’an 49:11)

b. Huwag kayong maniniktik sa isa’t isa.

k. Huwag kayong mang-iinsulto sa pamamagitan ng pagtawag ng ibang (palayaw, bansag o taguri) pangalan. (Qur’an 49:11)

d. Huwag manirang-puri at libakin ang iba. (Qur’an 49:12)

3. Ang Kabanalan at Katiwasayan ng Pansariling Buhay. Ang Qur’an ay nagbigay

ng kautusan:

a. Huwag kayong maghinala sa isa’t isa.

b. Huwag kayong pumasok sa alinmang tahanan na walang pahintulot. 4. Ang Kapanatagan ng Pansariling Kalayaan. Ang Islam ay nagtakda ng mga

prinsipiyo na walang sinumang mamamayan o tao ang maaaring mabilanggo maliban ang kanyang kasalanan ay napatunayan sa isang hayag na paglilitis. Ang pag-aresto sa isang tao na batay lamang sa hinala at siya ay ikinulong nang walang kautusan ng hukuman at pagkakait sa kanya ng sapat na panahon at pagkakataon upang maipagtanggol ang kanyang sarili ay hindi pinahihintulutan ng Islam.

5. Ang Karapatan ng Pagtutol Laban sa Pang-aabuso. Ang isa sa mga karapatan na

ipinagkaloob ng Islam sa tao ay ang karapatan upang tumutol laban sa pang-aalipin ng pamahalaan. Ang Qur’an ay nagsabi tungkol dito. “Ang Allah ay nasusuklam sa mga masasamang pag-uusap sa harap ng madla malibang ito ay ginagawa ng taong napinsala.” Sa Islam, tulad ng mga paksang nauna, ang lahat ng kapangyarihan at kapamahalaan ay itinuturing bilang isang tiwala; ang sinuman na tumanggap ng gayong kapamahalaan ay nararapat na tumayo nang may pagpapakumbaba sa harap ng kanyang pamayanan na nakalaan para sa sinuman o kanino mang kapakanan at siya ay maipapatawag upang gamitin ang ganitong kapangyarihan. Ito ay sinang-ayunan ni Abu Bakr na nagsabi sa kanyang unang pananalita:”Makiisa kayo sa akin kung ako ay matuwid, nguni’t iwasto ninyo ako kung ako ay gumawa ng pagkakamali. Sundin ninyo ako habang ako ay sumusunod sa mga kautusan ng Allah at ng Kanyang Propeta, nguni’t magsilayo kayo sa akin kung ako ay napapaligaw.”

6. Ang Kalayaan ng Sariling Pagpapahayag. Ang Islam ay nagbibigay ng karapatan

sa kaisipan at pagpapahayag sa lahat ng mamamayan ng bansang Islamiko sa kasunduan na ito ay nararapat gamitin lamang tungo sa pagpapalaganap ng katotohanan at mabuting pag-uugali at hindi sa pagpapalaganap ng kasamaan at mga kalisyaan. Ang kalayaan ng pagpapahayag sa Islamikong konsepto ay higit na mataas kaysa sa konsepto na namamayani sa kanluran. Sa anupamang pamamaraan, ang Islam ay hindi nagpapahintulot upang ang kasamaan at kalisyaan ay mapalaganap. Ito ay hindi rin nagbibigay sa sinuman ng karapatan upang gumamit ng pang-aabuso o pagmamalabis sa salita upang gumawa ng mga pagpuna. Naging kaugalian ng mga Kasamahan ni Propeta Muhammad na magtanong sa kanya kung ang isang bagay o pangyayari ay may takdang kapahayagan sa kanya mula sa Dakilang Allah. Kung siya ay nagsabi na hindi siya

11

Page 12: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

nakatanggap ng kapahayagan ukol sa gayong bagay o pangyayari, ang mga Muslim ay malayang magpahayag ng kanilang sariling opinyon sa naturang bagay o pangyayari.

7. Ang Kalayaan sa Pakikipag-ugnayan. Ang Islam ay nagbigay din sa mga tao ng

kalayaan ng pakikianib at pagtatag ng mga pangkat o samahan. Ang ganitong karapatan ay nalalakipan din ng mga tiyak na pangkalahatang alituntunin.

8. Ang Kalayaan ng Budhi at Paniniwala. Ang Islam ay nagbigay ng kautusan.

“Walang sapilitan sa relihiyon.” Sa kabilang dako, ang mga lipunang “totalitarian” ay ganap na nag-kakait sa bawa’t tao ng kanilang kalayaan. Sa katotohanan, ang di-makatarungang pagkilala ng ganitong Pamahalaan ng alinmang bansa ay nagpapahiwatig ng isang uri ng pang-aalipin sa lahat ng tao. Sa pagkakataong ito, ang pang-aalipin ay nangangahulugan nang ganap na paghawak (paniniil) ng tao sa kanyang kapwa tao - sa ngayong panahon na ito, ang gayong uri ng pang-aalipin ay legal na naglaho nguni’t napalitan naman ng lipunang “totalitarian” na nagtatakda ng magkatulad na uri ng (paniniil o pang-aalipin) pamamahala sa tao.

9. Ang Pangangalaga ng Damdamin tungkol sa Relihiyon. Sa gitna ng kalayaan ng

paniniwala at kalayaan ng konsensiya, ang Islam ay nagbigay ng karapatan sa tao na ang kanyang pangrelihiyong damdamin ay mabigyan ng tamang paggalang at walang dapat sabihin o gawin na makapanghihimasok ng kanyang karapatan.

10. Ang Pangangalaga Laban sa Di Makatarungang Pagkakakulong. Ang Islam ay

kumikilala rin ng karapatan ng tao na hindi siya maaaring hulihin o ipiit nang dahil sa kasalanan ng iba. Ang Qur’an ay maliwanag na nagbigay ng ganitong prinsipiyo. “Walang sinuman ang maaaring umako sa kasalanan ng iba.”

11. Ang Karapatan Tungkol sa mga Pangunahing Pangangailangan ng Buhay. Ang

Islam ay kumikilala sa karapatan ng mga nangangailangang tao na ang tulong at pagdamay ay nararapat na ibigay sa kanila. “At sa kanilang yaman, ay may takdang karapatang nauukol (nakalaan) sa nangangailangan at naghihikahos.”

12. Ang Pagkakapantay-pantay ng lahat sa Harap ng Batas. Ang Islam ay nagbigay

sa kanyang mamamayan ng ganap at buong karapatan tungkol sa Pagkakapantay-pantay ng tao sa mata ng batas.

13. Ang Mga Pinuno o Tagapamahala ay Hindi Makapangyayari nang Higit sa

Batas. Isang babae na nabibilang sa mataas na angkan at marangal na pamilya ang dinakip sa salang pagnanakaw. Ang kaso ay inihain sa Propeta, at doon ay ipinayo na siya ay iligtas sa parusa ng pagnanakaw. Ang Propeta ay sumagot. “Ang mga bansa na unang nabuhay bago pa man kayo ay pinuksa ng Allah sapagka’t sila ay nagpaparusa sa kasalanan ng mga pangkaraniwang tao nguni’t hindi sila nagpaparusa sa mga kasalanan ng mga taong kilala o matataas sa lipunan. Isinusumpa ko sa Kanya (Allah) na Siyang may tangan ng aking buhay na kung si Fatimah, ang anak ni Muhammad ay magnakaw, aking puputulin ang kanyang kamay.”

14. Ang Karapatan na Makilahok sa Pamamalakad ng Bansa. At ang kanilang

pamamalakad ay isinasagawa sa pamamagitan ng sanggunian sa kanilang sarili. (Quran 42:38). Ang As-Shura o ang Sanggunian ay walang isang kahulugan maliban

12

Page 13: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

sa ang tagapagpaganap na pinuno ng pamahalaan at ang mga miyembro ng pagpupulong ay nararapat na ihalal sa pamamagitan ng malayang pagpili at pagboto ng tao.”

Bilang pangwakas na pananalita, ipinaliliwanag na ang Islam ay nagtatangka na makamit ang mga nabanggit sa itaas na mga karapatan ng tao at marami pang iba hindi lamang sa pagkakaloob ng mga tiyak na mga legal na pangangalaga kundi higit sa lahat ay inaanyayahan ang sangkatauhan na lagpasan ang mababang antas ng buhay ng hayop tungo sa pagsulong sa isang higit pang mahalaga kaysa sa pagkakamag-anakan batay sa dugo, antas ng lahi, o kapalaluan sa wika at karangyaan sa kabuhayan. Ito ay nag-aanyaya sa sangkatauhan na tumahak sa landas na kung saan ang kanyang makahulugan at malalim na katalinuhan ay maging daan upang mapag-alaman ng tao ang isang tunay na halimbawa at huwaran ng pagkakapatiran ng tao.

ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA RELIHIYONG ISLAM? Ang (relihiyong) Islam na ipinahayag kay Propeta Muhammad ay karugtong at huling yugto ng lahat ng mga naunang relihiyong ipinahayag (ng Allah) at sa gayon, ito ay para sa lahat ng panahon at lahat ng tao. Ang kalagayan ng Islam ay pinatutunayan (at pinatatatag) ng mga maliliwanag na katotohanan. Una, walang ano mang aklat na ipinahayag ng Allah na may malawak na sakop sa anyo at nilalaman na tulad nito (maging sa mga aklat na unang naipahayag sa sangkatauhan). Ikalawa, walang ibang relihiyon na ipinahayag na may matitibay na patunay upang magbigay ng patnubay sa lahat ng aspeto ng buhay ng tao. Karagdagan pa nito, ang Islam ay tumutugon sa (pangangailangan ng) sangkatauhan sa malawak na pananaw nito at naghahandog ng mga pangunahing alituntunin (upang lunasan) ang lahat ng makataong suliranin. Higit sa lahat, matatag nitong hinarap ang hamon ng labing-apat na dekada at taglay nito ang lahat ng katangian ng isang huwarang lipunan tulad ng nangyari sa panahon ng pamamahala ng huling Propetang si Muhammad . Ito ay naging isang himala na ang Propeta Muhammad ay matagumpay niyang nahikayat maging ang kanyang mahigpit na kaaway tungo sa pagyakap sa Islam na hindi kinasasangkutan ng anumang materyal na pang-akit. Ang mga sumasamba sa mga idolo o diyus-diyusan, mga bulag na tagasunod ng kani-kanilang mga ninuno, ang tagapagtaguyod ng mga hidwaan ng mga tribu, ang mapang-abuso ng makataong dangal at dugo, silang lahat ay naging pinakamarangal na mamamayan sa ilalim ng patnubay ng Islam at ng Kanyang Propeta. Ang Islam ang siyang daang nagbukas sa kanila ng mga mabubuting pananaw na pang-ispirituwal at marangal na buhay sa pamamagitan ng pagpapahayag na ang kabutihan ay siyang tanging batayan ng karangalan at katangian. Sila ay hinubog sa kanilang panlipunan, kultura, moral at pang-kalakalang pamumuhay kaakibat ng mga pangunahing batas at mga simulain na umaalinsunod sa likas ng tao, samakatuwid, naaangkop at umaakma sa lahat ng panahon sapagka’t ang likas ng tao ay sadyang hindi nagbabago. Nakalulungkot isipin na ang mga Kristiyano ng Kanluran na sa halip na magtangkang unawain ang kagila-gilalas na tagumpay ng Islam sa maagang panahon nito, ay itinuring ang Islam bilang karibal na relihiyon. Sa panahon ng ‘Krusada’, ang (paninira) kalakarang ito ay nagtamo nang higit pang lakas at sigasig at maraming babasahin o lathalain ang nilimbag upang bigyan ng masamang batik ang malinis na pangalan ng Islam. Nguni’t, ang Islam ay nagsimulang ibantayog (at ipalaganap) ang kadalisayan (at

13

Page 14: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

katotohanan) nito sa mga makabagong iskolar na ang tapang (ng panulat) at makatuwirang pagsusuri tungkol sa mga paniniwala ng Islam ay ganap na napabulaanang lahat laban sa mga paratang ng mga taong tinatawag na “Orientalists” (walang kinikilingang taga-silangan). Babanggitin namin sa inyo ang ilan sa mga dakilang manunuri at mananalaysay ng Islam. Sila ay di-Muslim na kinikilala sa makabagong panahon. Sadyang ang katotohanan ng relihiyong Islam ay hindi nangangailangan ng gayong tagapagtaguyod upang ipagtanggol ang sarili nito. Nguni’t (nakalulungkot isipin na) ang mahaba at mapanirang-puring propaganda laban sa Islam ay lumikha ng malaking kalituhan sa isipan (ng maraming tao) maging sa ibang taong may malayang pananaw at makatuwiran. Kami ay umaasa na ang mga sumusunod na makatuwirang puna ay makapagdudulot ng ibayong lakas upang magkaroon ng makabuluhang pagsisikap (o pag-aaral) tungkol sa Islam. “Ito (Islam) ay naghahandog ng panibagong pag-asa sa mga alipin, pagkapatiran sa sangkatauhan, at pagkilala sa mga pangunahing katotohanan ng kalikasan ng tao.” Ito ang puna ni Ginoong Canon Taylor, isang sulat na binasa sa harap ng Church Congress sa Walverhamton, noong Oktubre 7, 1887. Hinango mula sa aklat na may pamagat na “The Preaching of Islam” pahina 71-72. “Ang diwa ng katarungan ay isa sa pinakamagandang pamantayan ng Islam, sapagka’t habang aking binabasa ang Qur’an, aking natagpuan yaong mabisang simulain ng buhay, hindi mahiwaga (walang kababalaghan) bagkus isang praktikal na gamit sa pagtataguyod ng pang-araw-araw na buhay na angkop sa buong daigdig.” Puna ito ni Ginoong Sarojini Naidu, sa kanyang “lecture” tungkol sa “The Ideals of Islam”, tingnan ang kanyang aklat na may pamagat na “Speeches at Writings of Sarojini Naidu”, Madras, 1918, pahina 167. “Ang kasaysayan ay nagbigay linaw na ang maling haka-haka tungkol sa mga panatikong Muslim na nangagkalat sa buong daigdig at ipinipilit na tanggapin ang Islam sa dulo ng espada sa pananakop ng ibang lahi ay isa sa kakatwang kabalintunaang alamat na paulit-ulit na sinusulat ng mga manunulat ng kasaysayan.” Puna ni Ginoong De Lacy O Leary sa kanyang aklat na “Islam at the Crossroads”, London, 1923 pahina 8. “Nguni’t, ang Islam ay mayroong pang higit na paglilingkod sa Kaunlaran ng Sangkatauhan. Ito ay tumatayo na higit na malapit sa tunay na Silangan kaysa sa Europa, at taglay nito ang isang kagila-gilalas na tradisyon ng nag-uugnayang mga lahi tungo sa pagkakaunawaan at pagtutulungan ng bawa’t isa. Walang ibang lipunan ang may taglay ng ganitong tagumpay sa pagtatatag ng pagkapantay-pantay na kalagayan, ng (pag-asa o) karapatan at ng pagpupunyagi na sadyang marami at ng maraming lahi ng sangkatauhan. Ang Islam ay mayroong pang lakas upang mapagkasundo ang hayagan na hidwaan dulot ng masalimuot na elementong sangkap ng lahi at tradisyon. Kung sakali mang ang magkakasalungat na mga lipunan ng Silangan at Kanluran ay palitan ng pagkakaisa, ang pamamagitan (mediation) ng Islam ay lubhang isang pangangailangan. Nasa kanyang kamay nakasalalay ang malaking lunas ng mga suliranin na kinahaharap (at kinasasangkutan) ng Europa kaugnay ng relasyon nito sa Silangan. Kung sila man ay magkaisa, ang bagong pag-asa ng kapayapaan ay maitatatag. Nguni’t kung ang Europa ay tumanggi sa pamamagitan ng Islam, at gumamit

14

Page 15: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

ng armas sa kanyang mga karibal, ang usaping (kaso) ito ay lubhang mapanganib sa magkabilang panig”. HAR Gibb, Whither Islam, London, 1932 pahina 379. Isang magandang puna na isinulat ni Ginoong George Bernard Shaw, isang kilala at pinag-pipitaganang kristiyanong manunulat mula sa Amerika. Sa kanyang aklat na “The Genuine Islam” vol 1 no 81936, hayagan niyang sinabi na: “Lagi kong inilalagay ang relihiyon ni Muhammad sa mataas na pagpapahalaga dahil sa kahanga-hangang tatag (at lakas) nito. Ito ang tanging relihiyon para sa akin ang nagtataglay ng malawakang kakayahan sa nagbabagong aspeto ng pamumuhay na nakagagawa ng sariling pang-akit sa bawa’t panahon. Aking pinag-aralan si Muhammad, ang kahanga-hangang tao at sa aking palagay siya ay malayo sa pagiging Anti-Kristo. Dapat siyang tawaging Tagapagligtas ng Sangkatauhan. Naniniwala ako na kung ang taong katulad niya ang gumanap na diktador sa makabagong daigdig, siya ay magtatagumpay sa paglutas ng mga suliranin sa paraang magdadala nang higit pang kailangang kapayapaan at kaligayahan. Aking hinuhulaan na ang relihiyon ni Muhammad (ang Islam) ay tatanggapin sa Europa sa darating na panahon tulad ng pagtanggap ng Europa sa ngayon.” “Ang paglaho ng “ang [rasismo] diskriminasyon tungkol sa kulay ng tao” sa mga Muslim ay isa sa ipinagkakapuring tagumpay na nakamit ng Islam at sa magkapanabay na pagsulong (ng kaunlaran) ng daigdig ay mayroon, na laging nangyayari, ng isang nagsusumigaw na pangangailangan para sa pagpapalaganap nitong mabuting katangian ng Islam”. Puna ni Ginoong Aj Toynbee, Civilization of Trial, New York, 1948, pahina 205. “Ang pag-unlad ng Islam ay siyang marahil ang pinakakagila-gilalas na pangyayari sa kasaysayan ng tao. Nagsimula sa lupain (Arabia) at mamamayan (Arabo) na hindi man lang binigyang pansin, ang Islam ay lumaganap sa kalahating bahagi ng mundo sa isang dekada lamang, binagsak ang mga naglalakihang kaharian, hinubog (sa kabutihan) ang mga kaluluwa ng mga lahi, at itinatag ang buong bagong daigdig ng Islam”. “Habang pinagtutuunan natin nang masusing pagsusuri ang pag-unlad nito, higit na kakaibang bagay ang ating natatagpuan. Ang ibang malalaking relihiyon ay nagtagumpay sa paraang marahan, nakaranas ng masakit na pakikipaglaban (o pakikihamok) at huling pinagtagumpayan lamang sa pamamagitan ng tulong ng makapangyarihang monarko na yumakap sa bagong relihiyon. Ang Kristiyanismo ay mayroong kaanib na Konstantino, ang Buddhismo ay may kaanib na Asoka, at ang Zoroastrianismo ay may kaanib na Cyrus bawa’t isa ay umaasa sa kanilang piniling kulto sa kapangyarihan ng sekular na kapamahalaan. Nguni’t hindi ang Islam. Nagmula sa disyertong lupain (ng Arabia) na bihirang pamahayan lamang ng mga lahing walang sariling pamayanan na noon ay hindi ibinibilang sa kasaysayan ng tao. (Nguni’t) Ang Islam ay sumulong sa isang malaking pakikipagsapalaran na tinaguyod lamang ng maliit na bilang ng tao at laban sa mga nagbibigatang hadlang na pangmateryal. Magkagayunman, ang (relihiyong) Islam ay tila isang himalang nagtagumpay sa magaang pamamaraan at mayroong ilang henerasyon na nakatunghay sa nagniningas ng sinag ng buwan na pinagtagumpayan mula sa Pyrenes hanggang sa Himalayas at mula sa disyerto ng Gitnang Asya hanggang sa mga disyerto ng Gitnang Aprika”. Puna ni A.M.L Stoddard, na kinuha mula sa aklat na “Islam, Religion of all Prophets”, ni Begum Bawani Waqf, Karachi, Pakistan pahina 56.

15

Page 16: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

“Ang Islam ay relihiyon na tumutugon sa maka-tuwirang kaisipan sa pinakamalawak na katawagan nito na isinasaalang–alang sa larangan ng etimolohiya at kasaysayan. Ang kahulugan ng pagiging makatuwiran bilang isang pamamaraang nakasalalay sa pangrelihiyong paniniwala na umaayon sa prinsipiyong iginagawad ng katuwiran ay sadyang taglay ang kaangkupan nito. Hindi maipagkakaila na maraming doktrina at sistema ng teolohiya at marami ring pamahiin mula sa pagsamba ng mga santo hanggang sa paggamit ng mga rosaryo at mga anting-anting ay ikinabit sa pinakapunong katawan ng Pananampalataya ng Muslim. Nguni’t sa kabila nang mayamang kaunlaran, sa bawa’t pananaw ng kataga, ng mga aral ng Propeta, ang Qur’an ay nanatili sa kanyang kalagayan bilang pangunahing panimula, at ang paniniwala sa Kaisahan ng Diyos ay lagi nang ibinabantayog dito nang may kadakilaan, karangalan at sa ganap na kadalisayan. Ito (ang relihiyong Islam) ay may tanda nang tiyak na pananalig, na sadyang mahirap matagpuan bagaman nilagpasan ang panlabas na pusyaw nito. Itong katapatan sa pagsunod sa pangunahing prinsipiyo ng relihiyon, ang simpleng paraan ng pagkakapahayag nito, ang katibayan ng tagumpay na nakamit nito mula sa mainit na bintang (o paratang) ng mga misyonaryo na nagpapalaganap nito ay sadyang puno ng maraming paliwanag na dahilan tungkol sa tagumpay ng misyonaryo ni Muhammad. Ito ay isang pananampalataya na ganap, walang anumang bahid ng masalimuot na paniniwala at madaling maabot ng karaniwang (kaisipan) pang-unawa na sadyang inaasahan na dapat taglayin (ng isang tunay na relihiyon) at tunay na nag-aangkin ng isang kahanga-hangang lakas upang hawiin nito ang daan tungo sa kalooban ng mga tao”. Ito ang puna ni Ginoong Edward Montet, La Propagande Dhretienne et ses Adversaries Musulmans” Paris 1890, quoted by TW Arnold The Preaching of Islam, London 1913 pahina 413-414. “Hindi ako Muslim sa karaniwang katawagan (o kahulugan) nito, nguni’t ako ay umaasa na ako ay maging Muslim bilang isang “taong sumusuko sa Diyos”. Nguni’t ako ay naniniwala sa mga nakasaad na salaysay ng Qur’an at ang iba pang pagpapahayag ng Islamikong pananaw ay sadyang malawak na tinipong mga banal na katotohanan na kung saan ako at ang aking ibang kasamahang kanluranin ay mayroong higit pang matututunan; at ang Islam ay tiyak na isang malakas na katunggali para sa (hamon ng) pagtugon sa mga pangunahing balangkas ng isang relihiyong panghinaharap.” Ito ang puna ni Ginoong W. Montgomery Watt, Islam and Christianity Today, London 1983, pahina ix.

ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL KAY MUHAMMAD? Sa panahon ng mga dekada ng mga Krusada, lahat ng uri ng paninirang puri ay isinagawa laban kay Propeta Muhammad . Subali’t sa pagsilang ng makabagong panahon, tanda ng kalayaan sa relihiyon at kalayaan sa kaisipan, nagkaroon ng malaking pagbabago sa mga pamamaraan ng mga kanluraning manunulat sa paglalarawan ng kanyang katauhan at pag-uugali. Ang mga pananaw ng ibang di-Muslim na iskolar tungkol kay Propeta Muhammad na ibinigay sa huli, ay nagpapatunay nitong kuru-kuro. Nguni’t ang kanluran ay mayroon pang isang hakbang na dapat isulong upang matagpuan ang isang dakilang katotohanan tungkol kay Propeta Muhammad at ito ay ang kanyang pagiging tunay at huling Propeta ng Allah para sa buong sangkatauhan. Sa kabila ng lahat ng kanilang makatuwirang pagsusuri at pagpapaliwanag, wala pang tapat

16

Page 17: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

at makatuwirang pagtatangka ang ginawa ng mga taga-kanluran upang unawain ang pagiging Propeta ni Muhammad . Sadyang nakapagtataka na sa kabila ng mga karangalan at papuri na iginawad sa kanya nang dahil sa kanyang katapatan at tagumpay subali’t ang kanyang pag-angkin bilang tunay na Propeta ng Allah ay nababanagan maging ito man ay tuwirang nakahayag o hindi tuwirang nakahayag. Ito ang dahilan kung bakit ang paghahanap ng makatuwirang tibok ng puso ay lubhang kailangan, at isang masusi at makatuwirang pag-aaral ay kailangan. Ang sumusunod na mga nagliliwanag na katotohanan na hinango mula sa buhay ni Propeta Muhammad ay ipinagkaloob upang bigyang daan ang isang makatuwiran, walang kinikilingang panunuri at makatarungang pasiya tungkol sa kanyang pagiging isang Tunay na Propeta. Hanggang siya ay umabot sa gulang na (40) apatnapu, si Muhammad ay hindi kilala bilang isang mambabatas at mananalumpati. Hindi siya kailanman nakitaan na nagsasalita tungkol sa paksang pangpisika, moral na prinsipiyo o simulain, mga batas, politika, mga kaalamang ukol sa kabuhayan o lipunan. Walang alinlangan na siya ay nagtataglay ng isang huwarang pag-uugali, kalugud-lugod na ugali, kilos at marangal na pagkatao. Nguni’t walang anumang bagay na makapagbibigay ng pansin at nakahihigit pa sa karaniwan mula sa kanya sa hinaharap. Nguni’t nang siya ay lumabas mula sa yungib ng Hira na may dalang bagong mensahe, siya ay ganap na nagbago. Maaari nga kayang mangyari na ang gayong tao na may katangiang nabanggit sa itaas ay kagyat na naging “huwad” at nag-angkin na siya ay Propeta ng Allah at nag-aanyaya nang lubos ng pagkapoot sa kanyang mga mamamayan. Ito ay maaaring itanong: sa ano kayang dahilan na siya ay nakaranas ng lahat ng dusa at pasakit? Ang kanyang mga kababayan ay naghandog sa kanya na tanggapin siya at kilalanin bilang kanilang hari at ialay ang lahat ng yaman ng kanilang lupain upang itigil lamang at talikdan nang ganap ang pagpapalaganap niya ng kanyang relihiyon. Nguni’t, siya ay tumanggi sa mga nakatutuksong mga alok at pinili niyang ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng kanyang relihiyon, hinarap niya ang lahat ng uri ng pang-aabuso, panlipunang pag-aalsa laban sa kanya, panlalait at pananakit ng kanyang sariling mamamayan. Hindi ba ang tulong lamang ng Dakilang Allah at ang kanyang katatagan na ipalaganap ang mensahe ng Allah at ang kanyang malalim na pananalig na hindi maglalaon ang Islam ay mangingibabaw bilang tanging pamamaraan ng buhay para sa sangkatauhan, na siya ay tumindig na tila isang bundok sa harap ng lahat ng salansang at sabwatan upang siya ay talunin? Karagdagan pa nito, siya ba ay dumating na may hangaring makipagtunggali laban sa mga Kristiyano at Hudyo, at bakit siya may paniniwala kay Hesus at Moises at sa lahat ng mga Propeta ng Allah, na isang pangunahing pangangailangan ng pananampalataya ng Islam na kung ito ay wala, sinuman ay hindi maaaring maging isang Muslim sa tunay na diwa ng Islam? Hindi ba ito ay isang di-mapag-aalinlanganang katibayan ng kanyang pagiging tunay na Propeta na sa kabila ng kanyang kamangmangan (di nag-aral) at nagkaroon ng karaniwan at mapayapang buhay sa gulang na apatnapu, nang siya ay magsimulang magpalaganap ng kanyang mensahe, lahat ng mamamayan ng Arabia ay nagimbal at namangha at naakit sa kanyang kagila-gilalas na kahusayan sa pananalita at talumpati? Ito ay hindi mapantayan o matularan na maging ang lahat ng lipon ng arabianong manunula, mananalumpati na kinikilala at iginagalang ay nabigong kumatha nang katulad ng kanya. At higit sa lahat, paano siya makapagpapahayag ng mga katotohanan tungkol sa larangan ng agham na nilalaman ng Qur’an na walang sinumang tao noong panahon na yaon ang maaaring makagagawa nang gayon?

17

Page 18: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

At ang panghuli, bakit siya nakaranas nang matinding hirap maging pagkaraan ng kanyang pagkamit ng kapangyarihan at kapamahalaan? Bigyan natin ng matapat na pagnilay-nilay ang kanyang binitawang mga salita nang siya ay naghihingalo: “Kaming pamayanan ng mga Propeta ay hindi namamana. Anumang aming iniwan ay nakalaan sa kawanggawa.” Bilang isang katotohanan, ang Propeta Muhammad ay siyang huli sa lahat ng mga Propetang ipinadala ng Allah sa iba’t ibang lupain at panahon mula pa sa simula ng pagkakaroon ng buhay ng tao dito sa planetang daigdig. “Kung ang kadakilaan ng layunin, ang simpleng pamamaraan at ang kagila-gilalas ng mga bunga ang siyang tatlong batayan ng katalinuhan ng tao, sino kaya ang makapaghahamon na ihambing ang sinumang dakilang tao sa makabagong kasaysayan kay Muhammad ? Ang mga kilalang tao ay lumikha ng mga sandata, mga batas, mga nagtatayugang mga kaharian lamang. Sila ay nakapagtatag, nang hindi hihigit sa materyal na kapangyarihan na kadalasa’y gumuguho sa harap ng kanilang mga paningin. Ang taong ito ay hindi lamang nakapagpagalaw ng mga sandatahang kawal, ng mga batas, mga kaharian, ng mga iba’t ibang lipon ng tao at angkan, nguni’t milyun-milyong tao na naninirahan sa ikatlong bahagi ng mundo; at higit pa roon, pinagalaw niya ang mga dambanang dalanginan, ang mga diyos, ang mga relihiyon, ang mga paniniwala, pananalig at maging ang mga kaluluwa…. Ang kanyang tiyaga at pagtitiis sa tagumpay, ng kanyang layunin na ganap na nakalaan sa iisang simulain at hindi sa hangaring makapagtayo ng kaharian; ang kanyang walang katapusang pagdarasal, ang kanyang marubdob at malahimalang pakikipag-ugnayan sa Allah, ang kanyang kamatayan at kanyang tagumpay pagkaraan ng kanyang kamatayan; lahat ng ito ay sumasaksi hindi ng pagkukunwari bagkus ng matatag na pananalig na siyang nagbigay sa kanya ng lakas ng kapangyarihan upang mapanumbalik ang isang prinsipyo. Ang prinsipiyong ito ay may dalawang kahulugan: ang Kaisahan ng Diyos at ang di-nalilikhang Diyos (na konsepto); ang una ay nagpapahiwatig kung ano ang Diyos at ang huli ay nagpapahiwatig kung ano ang hindi Diyos; ang isa ay nagtatakwil sa mga huwad na diyos sa pamamagitan ng espada at ang isa naman ay nagsisimula sa isang kaisipan sa pamamagitan ng salita”. “Isang (dakilang) pilosopo, (mahusay na) mananalumpati, mambabatas, mandirigma, mananakop ng ibang kaisipan, (isang) tagapagpanatili ng makatuwirang prinsipyo (tungko)l sa isang uri ng pananampalataya na walang kinikilalang imahen o larawan (ng Diyos); tagapagtatag ng dalawampung makamundong naglalakihang kaharian at ng ispirituwal na kaharian, iyan ay si Muhammad . At hinggil sa lahat ng pamantayan na kung saan sinusukat ang kadakilaan ng tao, ito ang aming maitatanong, mayroon pa kayang isang tao na higit na dakila kaysa sa kanya (Muhammad)?” Ito ang puna ni Lamartine, Histoire de la Turquie, Paris 1854 vol ii, pahina 276-77. “Hindi ang pagpapalaganap kundi ang pananatili ng kanyang relihiyon ang siyang pinagtutuunan namin ng paghanga, at ito rin ang siyang dating dalisay at wagas at ganap na impresiyon na kanyang inukit sa Mecca at Madinah ay siyang napanatili pagkaraan ng labindalawang dekadang himagsikan ng mga Indiano, Aprikano at Turkong nanalig sa Qur’an. Ang mga tagasunod ni Muhammad ay nagkakaisang napagtagumpayan ang tukso ng pagbabawas ng mga bagay ng kanilang pananampalataya at panalangin sa antas ng mga damdamin at imahinasyon ng tao. ‘Ako ay naniniwala sa Isang Diyos at si Muhammad ay Sugo ng Diyos’, ay isang simple at tiyak na adhikain ng Islam. Ang matalinong pagbibigay ng larawan sa Diyos ay hindi

18

Page 19: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

kailanman humantong sa kababaan ng anumang nakikitang idolo, at ang karangalan ng Propeta ay hindi lumihis sa pagsukat ng makataong kabutihan; at ang kanyang laging buhay na mga simulain o kaisipan ay pumigil sa pasasalamat ng kanyang mga disipulo sa hangganan ng katuwiran at relihiyon.” Ito ang puna ni Edward Gibbon at Simon Ocklay, History of the Saracen Empire, London, 1870, pahina 54. “Siya ang “Cesar at Papa” na pinag-isa; nguni’t siya ay Propeta na walang pagbabalatkayong Papa, Cesar na walang lipon ng Cesar; na walang nagbabantay na kawal, na walang nagmamasid na alalay, walang kaharian, walang permanenteng hanapbuhay; kung mayroon mang isang tao na may karapatang maging tagapamahala sa pamamagitan ng makadiyos na panuntunan, ito ay si Muhammad, sapagka’t nasa kanya ang lahat ng lakas (ng kapangyarihan) na hindi ginamitan ng sandata at walang taguyod nito.” Ito naman ang puna ni Bosworth Smith, “Mohammad and Mohammadanism”, London, 1874 pahina 72. “Imposible sa sinumang nag-ukol ng pag-aaral sa buhay at ugali ng Dakilang Propeta ng Arabia, na nakaaalam kung paano magturo at kung paano mabuhay upang maramdaman niya ang anuman maliban sa isang mapitagan at mataimtim na paggalang sa gayong makapangyarihang Propeta., isa sa dakilang Sugo ng Kataas-taasang (Diyos). At bagaman mayroon akong sasabihin sa inyo na maaaring ituring ng karamihan na ito ay pangkaraniwan lamang, nguni’t sa aking sarili kapag aking binabasa itong (Qur’an) nang paulit-ulit, mayroong damdamin ng paghanga ang aking nadarama at isang bagong damdamin ng kabanalan para sa makapangyarihang guro ng lupaing Arabia.” Ito ang puna ni Annie Besant, “The Life and Teachings of Muhammad”, Madras 1932, pahina 4. “Siya ay nakahanda sa anumang mga pag-uusig tungkol sa kanyang pananalig o paniniwala, ang mga taong may mataas na paggalang at pinagpipitaganan na naniwala sa kanya at siya ay kinilala nila bilang pinuno, at ang kadakilaan ng kanyang natamong tagumpay - lahat ng mga ito ay nakikipagtalo sa kanyang pangunahing katapatan. Ang pag-aakalang si Muhammad ay isang huwad (na propeta) ay nagbibigay nang higit na suliranin kaysa sa pagbibigay lunas nito. Higit pa rito, walang isa mang dakilang tao ng kasaysayan ang binigyan ng kaaba-abang pagpapahalaga ng taga kanluran maliban kay Muhammad. Ito ang puna ni W. Montgomery, Mohammad at Mecca. Oxford, 1953 pahina 52. “Si Muhammad, ang taong binigyan ng ispirasyon, ang tagapagtatag ng Islam ay isinilang noong bandang 570 (c.e.) sa tribong Arabia, na noon, sila ay sumasamba sa mga idolo. Isinilang na ulila, siya ay laging matulungin sa mga dukha, mga kapus-palad, sa mga balo at ulila, sa mga alipin at mga naaapi. Sa gulang na (20) dalawampu, siya ay isa ng matagumpay na mangangalakal, at pagkaraan ay naging tagapamahala ng mga naglalakbay na karaban ng kamelyo na pag-aari ng isang mayamang balo. Nang umabot sa gulang na (25) dalawamput-lima, nakitaan siya ng mabubuting katangian ng kanyang pinaglilingkuran, kaya inalok siya ng kasal nito. Kahit na ang babae ay (15) labinglimang taong gulang na matanda kaysa sa kanya, pinakasalan niya ito, at habang buhay, siya ay naging ulirang asawa. Tulad ng mga dakilang Propeta na nauna sa kanya, si Muhammad ay sadyang nakikimi bilang tagapagdala ng Salita ng Diyos, sapagka’t nararamdaman niya ang sariling kakulangan sa pananalita. Nguni’t ang anghel Gabriel ay nag-utos sa kanya ng “Basahin mo!”. Katulad ng ating nalalaman tungkol sa kanya, si Muhammad ay walang

19

Page 20: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

kakayahang magbasa o sumulat, nguni’t siya ay nagsimulang bigkasin ang mga salitang inspirasyon na pagkaraan ay naging isang malaking sangay ng mundo: “Na mayroon lamang Tanging Isang Diyos.” Sa lahat ng bagay, si Muhammad ay praktikal. Nang ang kanyang minamahal na anak na si Ibrahim ay namatay, isang eklipse ang naganap, at ang balita ay kumalat na nagpapahiwatig ng kalungkutan ng Diyos. Sa gayong kalagayan, sinabi ni Muhammad na “ang eklipse (pagdidilim) ay isang likas na pangyayari. Hindi makatuwiran na iugnay ang mga bagay na ito sa kamatayan o pagsilang ng sinumang tao.” Sa oras ng kamatayan ni Muhammad, isang pagtatangka ang nilayon sa kanya upang siya ay gawing isang may pagka-diyos nguni’t ang isang tagapamahala niya ay pinutol ang pagtatangkang ito sa pamamagitan ng isang dakilang pananalita sa kasaysayan ng relihiyon: “Kung sinuman sa inyo ang sasamba kay Muhammad, (alalahaning) siya ay patay na. Nguni’t, kung kayo ay sasamba sa Allah [Diyos], Siya (ang Allah) ay buhay magpakailanman.” Ito ang puna ni James A Michener, “Islam, The Misunderstood Religion” in the Readers’ Digest (American Edition) for May, 1955, pahina 68-70. “Ang aking pagpili kay Muhammad upang manguna sa talaan ng mga dakilang tao ay maaring ikagulat ng maraming mambabasa at maaari ding maging isang katanungan sa iba, nguni’t siya lamang ang tanging tao sa kasaysayan ang naging matagumpay sa larangan ng relihiyon at maging sekular na antas (ng buhay).” Michael Hart, The 100:A Ranking of the most Influential Persons in History, New York: Hart Publishing Company, inc 1978, pahina 33.

ANO ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA QUR’AN? Ang sangkatauhan ay tumanggap lamang ng mga Banal na Patnubay sa pamamagitan ng dalawang paraan: una, ang Salita ng Allah (sa pamamagitan ng Kanyang Kapahayagan o Banal na kasulatan); ikalawa, ang mga Propeta na pinili ng Allah upang maipalaganap (o maipaliwanag) ang Kanyang kautusan sa mga tao. Ang dalawang bagay na ito ay lagi ng magkasama. Kaya naman ang anumang pagtatangkang malaman kung ano ang nais ng Allah ay nagbibigay daan ng pagkakaligaw kung walang pagsasaalang-alang sa dalawang bagay na nabanggit. Ang mga Hindu ay tumalikod sa kanilang mga Propeta at pinag-ukulan ang kanilang mga aklat na nagpatunay lamang ng salitang nagbibigay talinhaga hanggang sa kalaunan ito ay nangawala. Katulad din ng mga Kristiyano, sa ganap na pagwawalang bahala sa Aklat ng Allah, ay pinagtuunan nang higit na pagpapahalaga si Hesukristo at hindi lamang siya itinaas o itinuring bilang Diyos kundi ganap ring naglaho ang tunay na diwa ng Tawheed (Pagkilala at Pagsamba sa Tanging Isang Diyos) na napapaloob sa kanilang Banal na Kasulatan. Katotohanan pa nito, ang mga pangunahing Kasulatang ipinahayag bago dumating ang Qur’an tulad ng Torah (ni Moises) at ang Ebanghelyo (ni Hesus) ay dumating sa anyo ng isang aklat pagkaraan lamang nang mahabang panahon ng paglisan ng mga Propeta at maging ang mga pagsasalin sa ibang wika ng mga ito. Ito ay sapagka’t ang mga tagasunod ni Moises at Hesus ay walang ginawang pagtatangka na mapanatili ang mga Kapahayagang ito sa panahon na buhay pa ang kanilang mga Propeta. Magkagayon, sila ay nagsulat pagkalipas ng mahabang panahon pagkaraan ng kanilang kamatayan. Sa gayon, kung ano ang nasa kamay ng mga kristiyano sa ngayon ay nasa anyo ng Bibliya (Ang Lumang Tipan at Bagong Tipan) ay isang salin lamang ng ilang pangyayari

20

Page 21: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

tungkol sa mga orihinal na kapahayagan na naglalaman ng pagbabago o pagdaragdag na ginawa ng mga tagasunod ng mga naturang mga Propeta. Sa kabilang dako, ang huling kapahayagang aklat, ang Qur’an ay nanatili hanggang sa ngayon sa kanyang orihinal na anyo. Ang Allah na rin ang nagbigay katiyakan na ito ay Kanyang pananatilihin sa wagas na anyo at pangangalagaan laban sa anumang katiwalian at ang buong Qur’an ay naisulat sa panahon ng Propeta Muhammad mismo kahit ito man ay sa mga dahon ng palmera, tipak-tipak na bato, balat ng hayop at mga buto. Higit sa lahat, libu-libong kasamahan ng Propeta ang nakasaulo ng buong Qur’an at ang Propeta mismo sa kanyang sarili ay binibigkas ito kay Anghel Gabriel minsan sa isang taon at makalawang ulit nang siya ay malapit ng mamatay. Pagkaraan nito, si Abu Bakar, ang unang Khalifa ay ipinagkatiwala ang buong kalipunan ng Qur’an sa isang eskriba (manunulat) ni Propeta Muhammad na si Zaid Ibn Thabit. Ang kalipunang ito ay nasa pag-iingat ni Abu Bakr hanggang sa kanyang pagpanaw. Pagkaraan, ang pangalawang Khalifa na si Omar ibn Al-Khattab at pagkaraan niya ay ipinagkatiwala kay Hafsah, ang isa sa asawa ni Propeta Muhammad . At mula sa orihinal na siping ito, ang ikatlong Khalifa na si Uthman ibn Affan ay naghanda ng maraming iba pang sipi at ipinadala ang mga ito sa iba’t ibang panig ng pamayanang Muslim. Ang Qur’an ay maingat na pinangalagaan at pinanatili sapagka’t ito ay aklat ng patnubay para sa sangkatauhan sa lahat ng panahong darating. Sa ganoon ngang kadahilanan, ang aklat na ito ay hindi nakalaan sa mga Arabo lamang sa kabila ng katotohanan na ito ay ipinahayag sa wikang arabik. Ito ay nangungusap sa tao bilang isang nilikhang may natatanging pananagutan at tungkulin: “O tao! Anong nakaakit sa iyo (upang mapaligaw) mula sa (landas ng) iyong Panginoon?” Ang mga praktikal na mga aral ng Qur’an ay naitatag batay sa mga magagandang halimbawa ni Propeta Muhammad at ng mga mabubuting Muslim sa lahat ng panahon. Ang kakaiba at natatanging pamamaraan ng Qur’an ay ukol sa mga alituntuning naglalayon ng pangkalahatang kapakanan ng tao at nakabatay sa mga kakayahang maaabot ng tao. Sa lahat ng aspeto nito, ang karunungang napapaloob sa Qur’an ay tiyak at hindi mapag-aalinlanganan. Hindi nito itinatakwil at hindi rin naman sinasaktan ang laman at maging ang kaluluwa. Hindi ginagawang tao ang Diyos at hindi rin ginagawang Diyos ang tao. Ang lahat ng bagay ay maingat na inilalagay sa angkop na kalagayang sakop ng kabuuang balangkas ng paglikha. Katotohanan pa nito, ang mga iskolar na nagpa-paratang kay Propeta Muhammad na siya ang may-akda ng Qur’an ay nagsasabi ng isang bagay na sadyang imposible. Maaari bang makapagsabi ang isang tao ng ika-anim na siglo (C.E.) na tumutukoy tungkol sa mga katotohanan ng agham na nilalaman ng Qur’an? Maaari ba niyang maipaliwanag ang pagkakalikha ng sanggol sa loob ng sinapupunan ng buong ganap tulad ng ating natatagpuan sa makabagong agham sa ngayon? Pangalawa, makatuwiran bang paniwalaan na si Muhammad na hanggang sa gulang na 40 ay nakilala lamang sa kanyang pagiging matapat at marangal ay biglang naging may-akda ng isang aklat na hindi matularan sa panitikang kahusayan at ang katumbas nito na mga lipon ng mga manunulang arabo at mananalumpati ng mataas na kalibre ay walang kakayahang kumatha? At ang huli, makatarungan bang sabihin na si

21

Page 22: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

Muhammad na kilala ng lahat bilang Al-Ameen (ang mapagkakatiwalaan) sa kanyang lipunan at patuloy na hinahangaan ng mga di-Muslim na iskolar nang dahil sa kanyang angking katangian ng pagiging matapat at marangal ay dumating na may dalang huwad na pag-aangkin (ng kapahayagan) at sa ganoong panghuhuwad ay makapagtuturo sa libu-libong tao ng kabutihang asal, ng marangal at matapat na katangian na nakapaghubog ng pinakamabuting tao sa balat ng lupa? Katiyakan, ang sinumang matapat at walang kinikilingang manunuri ng katotohanan ay maniniwala na ang Qur’an ay kapahayagang Aklat na nagmula sa Dakilang Allah. Bagaman kayo ay hindi naman kinakailangang sumang-ayon sa lahat ng kanilang sinabi, kayo ay aming bibigyan ng ilang kuru-kuro o pamumuna mula sa mga pinagpipitaganang iskolar na di-Muslim na nagpahayag ng sariling puna tungkol sa Qur’an. Ang mga mambabasa ay madaling makita kung paano ang makabagong daigdig ay lumalapit sa katotohanan hinggil sa Qur’an. Kami ay nananawagan sa lahat ng iskolar na bukas ang kaisipan na pag-aralan ang Qur’an sa pananaw ng naturang mga puntos. Aming tinitiyak na ang anumang ganitong pagtatangka ay makahihikayat sa isang mambabasa na ang Qur’an ay hindi maaaring maisulat ng sinumang tao. “Gaano man kadalas basahin ito (ang Qur’an) ang pagtunghay nito sa simula ay nakababagot nguni’t unti-unti ang paanyaya nito ay sadyang nakakaakit, namamangha sa mga salaysay at sa huli ay nagdadala sa rurok ng kabanalan (at taimtim na pagdakila) nito. Ang pamamaraan nito ay umaalinsunod sa mga nilalaman nito at ang layunin ay masigasig, matayog, kamangha-mangha, lagi nang may dalang tunay na inspirasyon. Kaya, ang aklat na ito ay patuloy na mag-aanyaya sa lahat ng panahon ng isang mapuwersang panghihikayat.” Ito ang puna ni Gothe na hinango sa TP Hughes Dictionary of Islam, pahina 526. “Aking tinanggap nang walang alinlangan, na ang Qur’an ay tumatangan ng isang mahalagang katayuan mula sa kalipunan ng mga dakilang aklat na pangrelihiyon sa buong mundo. Bagaman ito ang pinakabago sa lahat ng likhang pampanitikan, ito ay gumawa ng isang kagila-gilalas na bunga sa malaking pangkat ng tao. Ito ay lumikha ng isang bagong makataong kaisipan at isang bagong sigla ng pag-uugali. Una nitong hinubog ang maraming bilang na tribu ng disyertong lupain ng Arabia tungo sa isang pamayanan ng mga bayani at pagkaraan ay nagpatuloy na lumikha ng isang malawakang pampulitiko at relihiyosong mga samahan ng mga tagasunod ni Muhammad na itinuturing na pinakadakilang puwersa na dapat bigyang pansin ng mga taga-Europa at ng Silanganin sa ngayon.” Ito ang puna ni G. Margoliouth, introduction to JM Rodwell’s The Qur’an, New York, Everyman’s Library, 1977, pahina 7. “Isang gawa, na pagkaraan, ay malakas na nanawagan at tila walang maihahambing na mga damdamin na kahit sa malayong mambabasa – malayo sa sukat ng panahon at higit pa rito bilang kaunlarang pangkaisipan – ay isang gawa na hindi lamang naghahatid ng pagkamuhi sa simula ng kanyang pananaliksik nguni’t nagbabago (naman) ang ganitong damdamin tungo sa pagkamangha at paghanga, ang gayong gawa ay maaaring isang kamangha-manghang bunga ng makataong kaisipan at isang suliranin sa pinakamataas na layunin ng bawa’t mapag-isip na tagapagmasid ng mga tadhana ng sangkatauhan.” Ito ang puna ni Dr. Steingass na hinango sa TP Hughes Dictionary of Islam pahina 526-7.

22

Page 23: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

“Ang nabanggit na obserbasyon sa itaas ay nagbigay ng paunang mungkahi ng mga nakakita kay Muhammad na siya ang may-akda ng Qur’an ay sadyang walang batayan. Paanong ang isang tao mula sa pagiging isang di-nakapag-aral ay naging isa siya sa mahalagang may-akda sa larangan ng likhaing panitikan sa buong pampanitikang Arabik? Paano niya, kung gayon, naipahayag ang mga katotohanan ng kalikasan ng agham samantalang walang tao ang maaaring makagawa ng gayong pahayag sa panahong yaon, at ang lahat ng mga ito na kahit minsan ay hindi nagkaroon ng kahit bahagyang kamalian sa kanyang pagpapahayag sa naturang paksa?” Ito ang puna ng Scientist na taga Pransiya na si Maurice Bucaille, sa kanyang aklat na may pamagat na “The Bible, the Qur’an and Science”, 1978, pahina 125. “Dito, samakatuwid, ang katangian nito bilang isang likhang panitikan ay hindi nararapat marahil na sukatin sa pamamagitan ng mga nabuong kasabihang may bahid diskriminasyon at panlasa, kundi sa mga bunga na kanyang nagawa sa mga kasabay ni Muhammad at sa kanyang mga kababayan. Kung ito man ay nagsalita ng may taglay na lakas ng kapangyarihan at ng panghihikayat sa mga puso ng kanyang mga tagapakinig upang pagdugtungin nito ang salungat at hindi sumasalungat na elemento sa isang matibay na pagkakaisa at pinagsanib na katawan, at pinagtibay ng mga kaisipang malayo sa mga kaisipang pang arabeng nangingibabaw sa ngayon, magkagayon, ang marubdob na pagpapahayag ay sadyang ganap, sa simpleng dahilan na ito ay lumikha ng isang makataong pamayanan mula sa malulupit na tribu at nagbigay ng bagong pag-asa sa dating sinira (distorted) ng kasaysayan.” Ito ay puna ni Dr. Steingass, hinango sa Hughes Dictionary of Islam pahina 528. “Sa aking paggawa ng kasalukuyang pagtatangka upang pag-ibayuhin ang gawain ng aking mga naunang kasamahan at makagawa ng isang bagay na maaaring tanggapin bilang kahalintulad ng kahanga-hangang pagbigkas ng Qur’an sa wikang Arabik bagaman ito ay kapos sa diwa (at sigla), ako ay nakaranas ng hirap sa pag-aaral ng masalimuot nguni’t mayaman at iba’t ibang indayog na bukod sa dalang sariling mensahe nito – ay binubuo ang Qur’an nang di-mapasubaliang pag-aangkin na ito ay nabibilang na isa sa mga dakilang likhang pampanitikan ng sangkatauhan. Ang kanyang taglay na katangian – “yaong di-mapantayang indayog tulad ng paniniwala ni Pickthall na inilarawan sa kanyang Banal na Aklat, ang pinakahimig nito ay pumupukaw at nagdadala sa tao ng pagluha sa kanilang mga mata at pagkamangha ay hindi man lang binigyang pansin ng mga naunang tagasalin, samakatuwid, hindi nga kataka-taka kung walang sigla at walang buhay ang kanilang ginawang pagsalin kung tunay na ito ay ihahambing sa kagila-gilalas at pinalamutiang orihinal nito.” Ito ay puna ni Arthur J. Arberry, The Qur’an Interpreted, London: Oxford University Press, 1964, pahina 10. “Ang isang lubos at makabuluhang pagsusuri nito (Qur’an) sa pananaw ng makabagong kaalaman ay maghahatid sa atin upang makilala ang pagkakasundo ng dalawa (ang Qur’an at makabagong agham) tulad ng sinabi noon sa ilang ulit na pagkakataon. Sadyang hindi nga namin maubos isipin para sa isang tao sa panahon ni Muhammad na maging may-akda ng gayong pahayag batay sa kalagayan ng kaalaman noong kanyang kapanahunan. Ang gayong pagsasaalang-alang ay mga bahagi na nagbibigay sa Kapahayagan ng Qur’an ng isang unikong kalagayan, at ang puwersa na naghatid sa mga walang pagkiling na siyentipiko upang tanggapin ang kanyang kawalan ng kakayahan na magbigay ng paliwanag batay lamang sa mga naturang materyalistikong panga-ngatuwiran.” Ito ang puna ni Maurice Bucaille, The Qur’an and Modern Science, 1981, pahina 18.

23

Page 24: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam 1 - · PDF fileKatipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam ... (Diyos)”. Hinango ito sa salitang Arabik na “Salam” na nangangahulugan din ng

Karagdagan ng tagasalin sa Tagalog. “Sa kabuuan, matatagpuan natin sa Qur’an ang mga Tinipong karunungan na maaaring gamitin ng marurunong na tao, mga dakilang pilosopo, at pinakamahusay na politiko. Nguni’t may iba pang pagpapatunay sa kabanalan ng Qur’an, ito ay ang katotohanang napanatili nila nang buo sa habang panahon mula nang ito ay ipahayag at magpa-hanggang ngayon. Binabasa at muling walang sawang binabasa ng mga Muslim at dahil sa paulit-ulit na pagbasa, ito ay natutunang mahalin sa bawa’t araw. Ito ang nagbunsod ng isang malalim na damdamin ng mapitagang takot at paggalang ng ninumang bumabasa o nakikinig nito. Kaya hindi sa pamamagitan ng talas ng sandata o sapilitang pakikialam ng mga misyonaryo ang sanhi ng mabilis at dakilang pagsulong at pagkalat ng Islam, bagkus higit sa lahat mula sa katotohanang itong Qur’an ay Aklat ng Diyos na itinanghal at ibinantayog ng mga Muslim sa harap ng mga manlulupig, at may kalayaang tanggapin o tanggihan.” Ito ay puna ni Laura Veccia Vagliere hinango ni E. Bawany, 1967 pahina 62. “Ang Qur’an ay hitik ng dakilang moral na aral at alituntunin; ang kaayusan ay baha-bahagi na hindi maititiklop ang isang pahina na hindi katatagpuan ng mga simulain o sawikain na aayunan o pagtitibayin ng lahat ng tao. Ang baha-bahaging ayos nito ay nagbunga ng mga paksa, kaisipan at lubos na alituntunin na angkop sa karaniwang tao sa anumang pangyayari.” Sinulat ni JW Draper, vol 1, 1875. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Islam, mangyaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod na tanggapan:

(ISCAG - Philippines) Islamic Studies, Call & Guidance-Philippines

Congressional Road, Salitran I, Dasmarinas, Cavite

Philippines Tel. (0063 46) 416-3371 / Fax 506-1451

www.iscag.com

(IL&IO) Islamic Library & Information Office

P.O. Main Box 52916 Stall-B, HL Commercial Building

Pandan Citicenter – Phase 1 Magalang Road, Angeles City

Philippines Tel. (0063 45) 887-4577

Email: [email protected]

This book is edited by TT&ESS Tagalog Translation & Editing Support Services

24