5
Konsepto ng pag basa Teoryang Schema Maraming edukador ang nakikipagtalo na ang kaalaman o pagkatuto ay nabubuo mula sa karanasan at ito’y naiimbak sa memorya. Tinatawag na schemata ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon. Inihahatid sa utak ang lahat ng impormasyon na alam ng isang tao. Pinatunayan ng teoryang schema na ang unang kailangan sa pag- unawa sa binasa ay ang dating kaalaman na may kaugnayan sa pag- intindi ng teksto. Ang pagkatuto ay humahalili kapag ang bagng impormasyon ay naiuugnay sa umiiral na schema. Kahulugan ng Pagbasa - Ayon kay Rumelhart (sa Badayos et.al., 2007) ang paggamit ng mambabasa ng dating kaalaman at iba’t ibang istratehiya sa pagbasa ay mahalaga upang mabigyan ng tamang pagpapakahulugan ang binasa. - Ang pagbasa ay pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay isang paraan ng pag-unawa sa kaisipang ipinahahayag ng manunulat o awtor. - Isang pakikipag-ugnayan o pakikipagkomunikasyon ang pagbasa sa pagitan ng may akda at mambabasa. Proseso ng Pagbasa Ayon kay William Gray, may apat na hakbang ang proseso ng pagbasa: 1. Pagkilala – ito ay kakayahan sa pagbigkas ng mga nakalimbag na simbolo. 2. Pag-unawa – pag-intindi sa kahulugan o pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalimbag na simbolo. 3. Reaksyon – kakayahang humusga hinggil sa nilalaman at kahalagahan ng binasa. 4. Integrasyon – pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa mga dating karanasan. Mga Uri ng Pagbasa Ang pagbasa ay mauuri batay sa pamamaraan ng pagsasagawa nito. 1. Palaktaw na Pagbasa (Scanning)

Konsepto Ng Pag Basa

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Konsepto Ng Pag Basa

Konsepto ng pag basa Teoryang SchemaMaraming edukador ang nakikipagtalo na ang kaalaman o pagkatuto ay nabubuo  mula sa karanasan at ito’y naiimbak sa memorya.Tinatawag na schemata ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon. Inihahatid sa utak ang lahat ng impormasyon na alam ng isang tao. Pinatunayan ng teoryang schema na ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa ay ang dating kaalaman na may kaugnayan sa pag-intindi ng teksto. Ang pagkatuto ay humahalili kapag ang bagng impormasyon ay naiuugnay sa umiiral na schema. Kahulugan ng Pagbasa- Ayon kay Rumelhart (sa Badayos et.al., 2007) ang paggamit ng mambabasa ng dating kaalaman at iba’t ibang istratehiya sa pagbasa ay mahalaga upang mabigyan ng tamang pagpapakahulugan ang binasa.- Ang pagbasa ay pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay isang paraan ng pag-unawa sa kaisipang ipinahahayag ng manunulat o awtor.- Isang pakikipag-ugnayan o pakikipagkomunikasyon    ang pagbasa sa pagitan ng may akda at mambabasa. Proseso ng PagbasaAyon kay William Gray, may apat na hakbang ang proseso ng pagbasa:1. Pagkilala – ito ay kakayahan sa pagbigkas ng mga nakalimbag na simbolo.2. Pag-unawa – pag-intindi sa kahulugan o pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalimbag na simbolo.3. Reaksyon – kakayahang humusga hinggil sa nilalaman at kahalagahan ng binasa.4. Integrasyon – pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa mga dating karanasan.  Mga Uri ng PagbasaAng pagbasa ay mauuri batay sa pamamaraan ng pagsasagawa nito.1.   Palaktaw na Pagbasa (Scanning) Ang nagbabasa ay naghahanap ng tiyak na impormasyon o datos sa aklat o teksto. 2.   Pahapyaw na Pagbasa (Skimming)Ito ay mabilisang pagbasa na naglalayong makuha ang pangkalahatang kaisipan o ideya ng teksto.3.   Di Palagiang PagbasaMadalas isinasagawa ang pagbasa bilang pampalipas oras.4.   Masuring PagbasaAng nagbabasa ay gumagawa ng pagsusuri sa binasa. Kinakailangang maging mapanuri ang pag-iisip sa ganitong uri ng pagbasa.5. Pagbasang may Pagtatala May kaakibat na pagtatala ang ganitong uri ng pagbasa.    

Page 2: Konsepto Ng Pag Basa

  Mga kasanayan sa akademikong pag basa PanimulaMahalaga na malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa akademikong pagbasa upang magkaroon ng pang-unawang ganap hinggil sa mahahalagang ideya na inilahad ng manunulat sa tekso.Ang pagbasa ay isang komplikadong sistema ng pagbibigay – kahulugan mula sa mga nakalimbag na simbolo kung kaya’t ang pang-unawa ay naiimpluwensyahan ng mga salik na hango sa karanasan, paksa, kasanayan, kakayahan, saloobin at istilo ng pagbabasa ng indibidwal.  Mga Kasanayan sa PagbasaUpang maging bihasa at ganap ang paglinang sa kasanayan ng pagbabasa, makatutulong ng malaki ang mga estratehiya upang maunawaan ang isang teksto.1.   Pagtukoy sa Pangunahing IdeyaAng  pangunahing ideya ay natutukoy sa pamamagitan ng pagsusuri kung ano ang mahalaga sa binasa. Kadalasan, naglalaman ito ng aral o mahahalagang kaisipan hinggil sa paksa.Habang nagbabasa, ugaliing bigyang-pansin  ang mga salita na maaaring naglalaman ng pahiwatig hinggil sa mga kaisipang nais ibahagi ng may akda.2.    Pagkilala sa PaksaAng  paksa ay kilala rin sa tawag na tema o sabjek. Ito ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa isang teksto.3.    Pagtukoy sa Layunin ng TekstoAng layunin ay tumutukoy sa dahilan ng pagsulat ng manunulat. Kadalasang ipinahihiwatig ng manunulat ang kanyang intensyon sa pamamagitan ng damdaming nagingibabaw sa mga salitang kanyang ginagamit.4.    Pagtukoy sa Damdamin at Tono ng TekstoAng damdamin ng isang manunulat ay kanyang naisisiwalat sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na salita upang magpakahulugan dito.Ang tono ay tumutukoy sa saloobin ng may akda hinggil sa paksa.5.    Paghihinuha at Paghula sa Kalalabasan ng PangyayariAng paghihinuha ay isang proseso ng  pagbibigay ng paghuhula sa kinalabasan ng isang pangyayari. Layunin ng isang mambabasa na suriin ang mga salitang nakapaloob sa teksto na tuwiran at di tuwirang nagpapahayag ng kahulugan.6.    Pagbuo ng Lagom at KongklusyonAng lagom ay nangangahulugang isang maikling kabuuan ng isang sulatin o teksto.Ang kongklusyon ay pagpapasya bunga ng ginawang pagsusuri sa tekstong binasa.     

 

Page 3: Konsepto Ng Pag Basa

Pagbibigay-interpretasyon sa Grap, Mapa at Talahanayan PanimulaIsang mahalagang bahagi ng ating buhay ang pagtingin at pag-unawa sa mga impormasyon ipinahahatid ng grap, mapa at talahanayan.Nakikita natin sa grap kung ano ang nagyayari sa ating paligid, nalalaman din natin ang kalagayan ng panahon sa pagbasa ng mapa, ginagamit din natin sa iba’t ibang bagay ang talahanayan gaya ng pagbabago ng mga halaga ng bilihin, halaga ng buwis at iba pa.  Ang GrapGinagamit ito sa presentasyon ng mga impormasyon sa biswal na pamamaraan.Ang pagkakaiba ng datos o bilang ay mas malinaw na napaghahambing sa tulong ng mga grap.   Ang GrapMga Uri1.  Bar Grap – ito ay nagpapakita ng pagkakaiba ng bilang ng mga datos na maaaring patayo o pahalang.  2. Pie Grap – ang representasyon ng pagkakahati-hati ng bilog ay kahawig ng isa ng buong pie. Ang bawat hati ng pie ay may katumbas na porsyento na kumakatawan sa kabuuan ng bilog o 100 bahagdan. 3. Line Grap nagpapakita ng mga datos o impormasyon na nagbabago kasabay ng paglipas ng panahon. Linya ang ginagamit sa pagpapakita ng  pagbabagong naganap sa datos na pinaghahambing. 4. Pictograph - gumagamit ito ng larawang kumakatawan sa mga bagay na pinaghahambing. Katulad din ito ng mapa na gumagamit ng leyenda na nagsasaad kung ano ang kahulugan ng simbolong ginamit sa grap.  Ang Mapa at TalahanayanAng mapa ay palapad na representasyon ng daigdig. Ang kakayahan sa pagbasa nito ay makatutulong sa isang mambabasa na malaman ang kalagayan ng panahon, likas na katangian , kalagayang kultural at lawak ng kalupaan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.Sa kabilang dako naman, ang talahanayan ay paglalahad ng mga datos sa bawat hanay at kolum. Maaaring ayusin ang datos ayon sa bilang o dami at kronolohikal na pagkakasunud-sunod.