Upload
jezarene-linco
View
251
Download
29
Embed Size (px)
Citation preview
KULTURA NG SINAUNANG ROME
I. Lipunang Roman
A. Pamilya (Gentes) – pinakamahalagang yunit ng Imperyong Roman
1. Ama – tumatayong pinuno ng bawat pamilya; nangangalaga ng miyembro at may control sa pagmamay-ari ng pamilya
2. Anak na lalaki – mas binibigyan ng halaga; maaaring maging mamamayan ng Rome
B. Alipin - kadalasang mga bilanggo ng digmaan; Nagkaroon ng mga pamilihan ng mga alipin na kung saan sila ay binibili at ibinebenta
Aristokratiko
(emperador
at
pamilya,
mga
senador
at
mga
opisyal,
mayayaman)
Mangagalakal,
may-ari
ng
tindahan,
negosyante,
manggagawa
Mga
alipin,
mga
walang
hanapbuhay
C. Plebeians - hindi umiiral mula sa isang legal na pananaw; Sila ay walang legal na kapasidad at ay hindi pwedeng gumawa ng mga kontrata, kahit na sila ay hindi alipin
II. Panahanan - karaniwan na isang palapag
A. Atrium – malaking silid
B. Silid-tulugan
C. Kusina
D. Hardin
III. Libangan
A. Thermae – Griyegong salita na ang ibig sabihin ay “mainit”; mga pampublikong paliguan;
1. Silid-aklatan
2. Hardin
3. Gymnasium – para sa mga gawaing pampalakasn tulad ng wrestling
B. Chariot Racing – isinasagawa sa Circus Maximus na isang habilog na gusali kung saan maaaring makapanood ang halos 200,000 katao
C. Paglalaban ng mga gladiator – ang mga gladiator ay karaniwang mga alipin, maysala, at mga taong nahatulan ng hukuman; sinanay sa taktika ng pakikipaglaban sa arena; maaring gladiator o hayop ang kalaban; may gantimpala ang mananalong gladiator
D. Board Games
1. Dice (Tesserae or Tali)
2. Latrunculi – Roman chess
3. Calculi – Roman Checkers
4. Terni – Lapilli – Roman Tic-Tac-Toe
IV. Wikang Latin – ginamit sa kalakalan, edukasyon, batas, at sa pamahalaan; opisyal na wika ng Simbahang Katoliko; pinagmulan ng wikang French, Spanish, Portuguese, at Romanian
V. Siyensa at Medisana
A. Pliny the Elder – manunulat at Roman naturalist; may-akda ng Historia Naturalis (77 CE.);
1. Historia Naturalis – naglalaman ng datos ukol sa astronomy, botany, heograpiya, at medisina
B. Galen – sumulat ng encyclopedia ukol sa medisina at nagpakadalubhasa sa anatomy; ginamit ng mga Europea ang kanyang akda na tumagal hanggang taong 1400
VI. Arkitektura – mga hugis-arko na mga gusali na mas mainam na struktura dahil mas nakakya nito ang bigat ng gusali kaysa sa mga tuwid na istruktura
A. Colosseum – isa sa pinakatanyag na gusali ng Rome; nagmula sa salitang colossus na nangangahulugang “lubhang malaki”; pinakamalaking ampitheater sa lungsod (3 hektarya, 167 talampakan ang taas); ipinatayo ni Emperador Vespasian noong 72 CE at natapos noong 80 CE; mayroon 80 pintuan at bukas ang bubungan nito; tanghalan ng mga gladiator
VII. Panitikan
A. Cicero – pinakatanyag na manunulat ng Latin prose; ang mga binigkas at sinulat ay karaniwang tumatalakay sa pulitika at ugali ng tao
B. Virgil – pinakadakilang makata na nabuhay sa panahon ni Augustus Caesar
1. Aeneid – pinakamahalagang akda ni Virgiil na tumatalakay kay Aeneas, isang Trojan na nagtungo sa Italy upang manirahan. Nagmula sa kanyang angkan si Romulus na siyang nagtatag ng Rome
C. Horace – sumulat ng mga tula ng papuri sa Rome at sa mga naiambag ni Augustus Caesar
D. Livy at Tacitus – parehong sumulat ng kasaysayan ng Rome