11
Tomas, Princess Ashley S. Setyembre 4, 2012 2012-41416 Lahing Igorot: Ating Ipagmalaki! Sino ang mga Igorot? Ano ang kanilang itsura? Saan sila nakatira? Paano sila namumuhay? Ano ang pagkakaiba nila sa ibang mga taong nakatira sa lupa? Bakit nila piniling manirahan sa bundok? Ilan lang ito sa mga katanungang madalas sumagi sa mga taong hindi lubusang kilala ang mga Igorot. Kung ikaw ang aking tatanungin, masasagot mo ba ito? Halina’t ating tuklasin kung ano at sino nga ba ang mga Igorot.

lahing igorot

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: lahing igorot

Tomas, Princess Ashley S. Setyembre 4, 2012

2012-41416

Lahing Igorot: Ating Ipagmalaki!

Sino ang mga Igorot? Ano ang kanilang itsura? Saan sila nakatira? Paano sila namumuhay? Ano ang

pagkakaiba nila sa ibang mga taong nakatira sa lupa?Bakit nila piniling manirahan sa bundok? Ilan lang ito sa mga

katanungang madalas sumagi sa mga taong hindi lubusang kilala ang mga Igorot. Kung ikaw ang aking tatanungin,

masasagot mo ba ito? Halina’t ating tuklasin kung ano at sino nga ba ang mga Igorot.

(Igorots Bontoc)

Page 2: lahing igorot

Ang mga Igorot ay isang grupong etniko na naninirahan sa kabundukan ng Pilipinas. Kadalasan silang

namamalagi sa bandang hilaga ng Luzon, sa Rehiyon ng Cordillera. Sila ay karaniwang makikilala sa kanilang

pananamit,pisikal na kaanyuan, kultura at tradisyon.

( Global Drift Pty Ltd,2012. “Igorot Tribes” People”)

Ang salitang “Igorot” ay nangangahulugang taong naninirahan sa bundok. Bakit nga ba sila tinawag na

ganito at bakit sila sa bundok naninirahan? Kung natatandaan niyo ang ating napagaralan sa kasaysayan ng Pilipinas,

noong panahaon ng Kastila sinakop nila ang halos buong kapuluan ng Pilipinas maliban sa mga etnikong

naninirahan sa kabundukan. Ang mga Igorot ay dating mga taga-lupa. Ngunit sila ay natakot sa pananakop ng

Kastila kaya sila’y nagtago at nanirahan sa mga kabundukan upang mapanatili nila ang kanilang kultura at tradisyon.

Binalak din ng mga Kastila na makuha ang control sa mga gintong mina ngunit sila ay nabigo sapagkat matatapang

ang mga Igorot at malakas ang kanilang depense laban sa mga kaaway kaya naman nanatiling matatag at buhay na

buhay ang kanilang kultura’t tradisyon hanggang ngayon.

Page 3: lahing igorot
Page 4: lahing igorot

(The Philippines Matrix Project, Igorots 1)

Talaga namang nakakamanghang malaman na hanggang ngayon ay napapanatili nila ang ganitong kultura.

Ngunit dapat nga bang ipagpatuloy ang mga kulturang ito? Tulad nalang ang headhunting at pangangaso? Hindi ba’t

napakaprimitibo nito? Kung ako ang tatanungin ay hindi natin maiitatangging napakayaman natin sa kultura at

tradisyon ngunit hindi ibig sabihin na kailangan nating ipagpatuloy hanggang ngayon ang mga ito. Ang kultura ay

iniingatan, pinapahalagahan ngunit kelangan ding linangin upang maangkop sa modernong panahon ngayon. Sabi

nga ng isang blogger, “Ang kultura ay patuloy na nagbabago upang makisalamuha sa patuloy ding nagbabagong

pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.” Maaring dahil sa ating mga tradisyon at kultura ay nakikilala tayo

ngunit hindi ibig sabihin nito na panghabang buhay na ganito na ang ating uri ng pamumuhay. Atin lang linangin at

huwag tuluyang limutin.

Page 5: lahing igorot

(Center for People Empowerment in Governance (CenPEG),”Young Igorot Dancers” 2005)

Masayang makita na unti-unti mang nagiging modernisado ang panahon, makikita parin sa atin ang

paglinang ng ating kultura. Maraming kabataan ang gustong matuto ng mga sayaw ng mga Igorot at nakikisalamuha

Page 6: lahing igorot

sa kanila. Patuloy din ang mga okasyong pangtribo at sila ay nakakaengganyo ng ibang taong nanonood sa kanila.

Marami na rin ang mga Igorot na nagiging tanyag dahil sa kanilang talino at talento. Nakikilala rin sila sa kanilang

Hagdan-Hagdan Palayan na bunga ng kanilang tiyaga at pagsisikap, sa mga kweba ng Sagada, at kay Apo Ano na

isang mummy. Ilan lang ito sa mga bagay na maipagmamalaki ng isang Igorot.

Page 7: lahing igorot
Page 8: lahing igorot

(My Lot. “Toddler pride”, 2010)

Sana ay tuluyan ng mawala ang diskriminasyong nakalakip sa salitang “Igorot”. Hindi maitatangging

marami sa atin ang mababa ang pagtingin sa mga taong ito. Sana ay isipin natin na tayo ay pantay-pantay lamang.

Ang pagkakaiba lamang nila ay iba ang kanilang uri ng pamumuhay sapagkat pinili nilang ipagpatuloy ang kultura

at tradisyon na mula pa sa kanilang mga ninuno. Alisin na natin sa ating isipan na mas mababang uri sila sapagkat

iisa lamang ang ating lahing pinagmulan. Kilalanin muna natin sila bago tuluyang husgahan. Tulad natin sila rin ay

taong pinagkalooban ng talento at abilidad. Pinagtataasan man sila ng kilay, ang mga Igorot ay hindi maitatangging

pride ng ating bayan. Sa kabilang dako, sana ay maintindihan din ng iba na hindi nagtatapos ang mga ito bilang

isang “artifact ng nakalipas” o “mga subject ng eksibisyon”. Marami tayong iba pang pwedeng ipagmalaki. Sana

lang ay tuluyan nating yakapin ang sariling atin sapagkat sa pagtanggi natin ng ating sariling kultura hindi natin

namamalayan na naisasantabi na natin ang ating sarili, ang ating kasaysayan at ating mga ninuno.

Talaan ng Sanggunian:

http://www.globaldrift.com.au/trips/images/PHI-MIP/large/121906_igorot03.jpg&imgrefurl=http://www.globaldrift.com.au/trips/phi-mip&usg=__oe02shPxMUJxs_oC3q4Pa64_PVw=&h=320&w=400&sz=26&hl=fil&start=3&sig2=gndu5e5nUX4kcd4u0QcljA&zoom=1&tbnid=lPTI7x_tNjB0xM:&tbnh=99&tbnw=124&ei=iQBEUOWMGM2UiAeyqIHoBA&prev=/search%3Fq%3Digorot%26num%3D10%26hl%3Dfil%26sa%3DN%26site%3Dimghp%26tbm%3Disch&itbs=1

http://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://philcsc.files.wordpress.com/2012/07/igorots1.jpg&imgrefurl=http://philcsc.wordpress.com/2012/07/08/on-filipinizing-cultural-studies-revised-version/&usg=__-5YegrCUWVFiO1mPLVkZ1P-7Gis=&h=1081&w=1772&sz=767&hl=fil&start=29&sig2=LBBXgwNedhvw3bxzujI6hg&zoom=1&tbnid=GaoHPArTS0heDM:&tbnh=92&tbnw=150&ei=3AZEUK2lFKjAiQet6YCICA&prev=/search%3Fq%3Digorot%2Bculture%26start%3D20%26num%3D10%26hl%3Dfil%26sa%3DN%26biw%3D1024%26bih%3D463%26site%3Dimghp%26tbm%3Disch&itbs=1

http://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://bramie.com/igorot05.jpg&imgrefurl=http://bramie.com/

igorot.html&usg=__9GI6fAF9V3RHuONmOv8lvXIFDZU=&h=250&w=400&sz=39&hl=fil&start=26&sig2=oUpAWRjnqaifOjlInORXLQ&zo

om=1&tbnid=EGi--l8Q76cfJM:&tbnh=78&tbnw=124&ei=wCVEUNDrC8WziQfx7oCoAg&prev=/search%3Fq%3Digorot%26start

%3D20%26num%3D10%26hl%3Dfil%26sa%3DN%26biw%3D1024%26bih%3D463%26site%3Dimghp%26tbm%3Disch&itbs=1

http://www.cenpeg.org/2010%20layout%20pages/GOVERNANCE%202010/oct2010/pics/681.jpg

Page 9: lahing igorot

http://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://images.mylot.com/userImages/images/postphotos/2201663.jpg&imgrefurl=http://

www.mylot.com/w/photokeywords/2/

igorot.aspx&usg=__6Rr5Hov5KTa7aa0GSXh6p4lBnK0=&h=332&w=500&sz=64&hl=fil&start=17&sig2=kuWTmmpwg6uiKU7fi2zqJw&zoo

m=1&tbnid=KQYs7Sq0y8vllM:&tbnh=86&tbnw=130&ei=ViZEUJn7FsmeiQeX5ICYCg&prev=/search%3Fq%3Digorot%2527s%2Bpride

%26um%3D1%26hl%3Dfil%26sa%3DN%26biw%3D1024%26bih%3D463%26tbm%3Disch&um=1&itbs=1

http://grouptwo222.blogspot.com/2008/08/igorot-ipagmalaki-natin-sila.html

http://thehistoryoftheprecolonialphilippines.wordpress.com/2011/03/16/mga-kaugaliang-igorot/