LAP Module

Embed Size (px)

DESCRIPTION

reviwer

Citation preview

FILIPINO 4LAPPamatlig 2KalagayanPanlugarPambagay/ Anyo/Aktibidad

Malapit sa nagsasalitadito, ritoheto, ito, ganito

Malapit sa kausapdiyan, riyanhayan, iyan, ganyan

Malayo sa naguusapdoon, roonhayun, iyon, ganoon

I. Punan ng angkop na panghalip ang pangungusap1. Ann, nagpuputol ng mga sanga ng santol ang tatay mo. Umalis ka _______________ sa ilalim ng puno at baka mabagsakan ka.2. Nakarating ka na pala ng Zamboanga. Ako ay hindi pa nakakapunta ______________.3. ________________ ang kwintas na regalo ni Agnes sa akin. O, tingnan mo ng mabuti.4. Sa lugar na ito ako isinilang. Gusto koy ________________ rin ako mamamatay.5. _________________________ ang paghiwa ng kamatis. Tingnan mong mabuti at ikaw ang gagawa nito sa susunod.6. Mali po ata ang ginawa ni Clark. _____________________ po at mali ang tinakbuhan niyang dieksyon.7. Naihanda ko na ang gamit mo. ________________________ ang maleta mo, tingnan mo kung kompleto na.8. Napalo ni tatay ang makulit na si John. _______________________ siya ngayon sa sulok at iyak ng iyak.9. _________________________ ang tama. Sige at ipahpatuloy mo ang iyong ginagawa.10. Naku! __________________________ ng pusa na malapit sa iyo ang pusa ni Grace.

II. Kuhunan ang panghalip at salungguhitan ang pangngalang pinalitan nito. 1. Bumili ng bigas si Claudia. Dali dali niyang binigay iyon sa nanay niya.2. Ang bukid ng aking pinsan ay may mga tanim. Doon kami madalas mabakasyon.3. Tingnan mo ang damit sa eskaparate. __________________ ang tinahi sa akin ni nanay.4. Si Agnes ba ang hanap mo? Hayun at nagdidilig ng halamanan.5. Langka ang prutas na hawak mo Sam. Iyan ba ay kinakain mo?6. Nasa iyo ang bag ni ate. Kailangan niya iyan kaya akina.7. Sampung piso ang inabot mo sa akin. O heto ang iyong sukli.8. Para sa iyo rin an gaming tahanan. Dito ka na tumira habang naghahanap ka pa ng trabaho.9. Nagustuhan ko ang luto mo. ________________ at naubos ko na.10. May mapulot akong wallet. Ito ba ang hinahanap mo?III. Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pamatlig para sa pangungusap.1. Alam kong puntahan ang bahay mo. Darating ako (rito, riyan, roon) bukas ng gabi.2. Si Marisa raw ay dadalaw sa atin. Aba, e (heto, hayan, hayun) sa kanto at papalapit na rito.3. Adam, (ito, iyan, iyon) bang nakasabit na parol sa bintana ang ginawa natin noong nakaraang taon?4. Mukhang masarap ang kinakain mo a. (ito, iyan, iyon) ba ang niluto ni nanay?5. Gabi na kaya huwag ka ng umuwi. (Dito, Diyan, Doon) ka nalang magpalipas ng gabi.6. E hindi ka pa pala marunong magtahi. (Ganito, Ganyan, Ganoon) ang tamang pag tahi kaya manood kang mabuti.7. Tayo na (rito, riyan, roon) sa hapag kainan. Kanina ko pa naihanda ang mga pagkain.8. Maganda ang suot mong damit. (Ganito, Ganyan,Ganoon) ang damit na gusto ko.9. Mabango ba ang aking shampoo? (Ito, Iyan, Iyon) ay padala ni kuya sa akin.10. Hinanap mo ang iyong suklay? (heto, hayan, hayun) at nasa ulo mo.

IV. Gamitin ang sumusunod na pamtlig sa pangungusap. 1.

_________________________________________________________________

2. ______________________________________________________________

3.

____________________________________________________________

4.

_______________________________________________________________

FILIPINO 4LAP Panghalip PanaklawAng panghalip na sumasaklaw o sumasakop sa kaisahan, dami, bilang o kalahatan.1. TIYAKAN- isa, lahat, iba, marami, madla, klase, tanan, bawat isa,2. DI- TIYAKAN- Panghalip pananong + manSino man saan man ano man magkano man

I. Bilugan ang panghalip panaklaw sa pangungusap

1. Ang lahat ay ginising ng isang baha.2. Ito ang isa sa mga epekto ng patuloy na pagputol ng mga puno.3. Kailanman ay walang idudulot na mabuti ang di pangangalaga sa kapaligiran.4. Ang marami ay sarili lamang ang iniisip.5. Dala ng pangangailangan ay pumuputol ng kahoy ang iba.6. Gaano man magsisi ang mga may kasalanan ay hindi na maibabalik pa ang nawalang buhay ay kabuhayan.7. Ano man ang sabihin nila ay di sapat para maibalik sa dati ang kapaligiran.8. Nagpahayag nan g tulong ang bawat isa.9. Ang ilan ay nagsimula nang tumulong.10.Tiyak na magkakaisa ang lahat.

II. Salungguhitan ang panghalip pankalaw na ginamit sa talata.Nagkagulo ang lahat . bawat isa ay nagnais na mailigtas ang kanilang pamilya. Ang ilan ay halos mawalan ng lakas ng loob nang Makita ang baha. Hindi naman nagpadala sa takot ang iba. Iyong walang pamilya ay nagligtas ng simo mang nasa panganib.

III. Kahunan ang panghalip panaklaw na angkop para sa pangungusap.

1. (Ano man, Saan man, Sino man) pumunta si Agatha, siya ay lagging napapamahal sa tao.2. (Nagkasakit at hindi makapasok ang (isa, lahat, ilan) sa kambal ni Ann.3. Ang (balana, karamihan, iba) na hindi ko maibenta hanggang mamayang hapon ay bukas ko na isasauli.4. (Kailan man, Kanino man, Gaano man) ang pitaka ay dapat sabihan natin na huwag mag alala.5. Ang (bawat isa, ilan, marami) sa mga tanong sa pagsusulit ay hindi niya nasagutan kaya siya bumagsak.

IV. Punan ang patlang ng panaklaw na bubuo sa pangungusap.1. Ang ___________________________________________sa dalawang pagkaing nakahain sa mesa ay magpapalusog sa iyo.2. Nasiyahan ang _________________________ sa ibinalita mo kaya walang nagreklamo.3. _______________________________ ang halagang ibibigay ninyo ay hindi ko ipagpapalit ang larawang ito.4. May __________________________sa mga mag- aaral ang nagnanais na makausap ka. Narito ang pangalan niya.5. __________________________ ang iutos mo sa akin ay susundin ko sa ng mabilis.

V. Bumuo ng usapan gamit ang panghalip panaklaw

FILIPINO 4LAPKAANTASAN NG PANG- URI

1. Lantay- Nagbibigay g katangian ng isa o dalawang pangngalan. Walang nagaganap na paghahambing.

Hal. Si Reigan ay matalino. Kapwa matalino si Reigan at Arnold. Ang magkakapatid ay matatalino.

2. Pahambing- Paghahambing ng dalawa o higit pang pangnglan. Maaring:

a. Patulad- pantay ang katangian ng pinaghahambing.Ginagamit ang magkasing, magsing, kasing, sing, at ga sa paghahambing.

Hal. Magkasingtalino sina Grace at Meynard. Sintalino ni Agatha sina Grace at Meynard.

b. Di- patulad- May nakalalamang o nakahihigit na katangian ang pinaghahambing. Kung nakalalamang sa katangian, ginagamit ang mas, higit, lalo at di- hamak sa pang hahambing. Kung nahihigitan ay ginagamit ang di gasino, di- gaano at di lubha sa paghahambing.

Hal. Higit na matalino si Ted kay Mimi Di gaanong matalino si Mimi gaya ni Ted.

3. Pasukdol- Paghahambing ng katangian ng isa o isang pangkat ng pangnglan sa dalawa o higit pang pangngalan, ginagamit ang pinaka, napaka, ubod nang, hari nang, kay, totoo at paguulit ng pang- uri.Hal. Pinakamatalino sa magkakapatid si Bernadet. Ubod nang talino si Meg.

I. Tukuyin ang kaantasan ng pang- uring may salungguhit. Isulat ang L kung lantay, PH kung pahambing at PS kung pasukdol.

__________1. Sinlambot ng bulak ang pisngi ng sanggol.__________2. Talagang napakatapang ng aming aso.__________3. Pinakamalinis si Tina sa limang magkakapatid.__________4. Matalas ang gunting ni Annete.__________5. Ang sanggol sa duyan ay malusog.__________6. Magsintaas ang kambal ni Aling Matha.__________7. Pagkalakas- lakas ni Bernardo Carpio.__________8. Ang bahay naming ay maliit.__________9. Di gaanong mahaba ang buhok ni Grace.__________10. Saksakan ng kuripot ang aking lolaII. Bilugan ang pang- uri sa pangungusap.

1. Hari ng tapang an glider ng aming pangkat.2. Sina Grace at Berna ay magsintaba.3. Siya ang pinakamaliit sa aming klase.4. Masusutansiyang gulay ang kalabasa.5. Si hamak na maganda ang rosas kaysa sa gumamela.6. Ang plastik ay pagkanipis- nipis.7. Mahalimuyak ang bulaklak ng sampaguita.8. Mas matibay ang sapatos na binili mo kaysa sa sapatos ko.9. Sina Rose at Arnel ay magsintanda.10. Maganda ang anak ng mag asawa.

III. Punan ang patlang wastong pang0 uring tumutugon sa ipinahihiwatig ng kaantasan sa pangungusap. Gamitin ang pang0 uri sa loob ng panaklong.

(malasa) 1. Ang luto ni nanay ay ________________________________.(matalino)2. Si Ann ay ang ________________________ sa klase.(tuwid)3. ___________________________ ang buhok ni Marivic.(sariwa)4. Ang gulay na nasa harapan ang _______________ sa lahat ng tinda niya.(malayo)5. ____________________ ang lalawigang ating pupuntahan.(dakila)6. Para sa inyo, sino ang _________________________ bayani ng bansa?(makabago)7. Si Percy ay ________________________ tulad ng kanyang kapatid.(masarap)8. __________________ ang luto ni nanay at ni Boy Logro.(itim)9. ___________________ ang langit tuwing gabi.(malamig)10. Ang Disyembre at Enero ay ______________________ kaysa sa ibang buwan ng taon.

IV. Gamitin sa pangungusap ang pang- uring nasa panaklong sa tatlong kaantasan tungkol sa bawat pangkat ng pangnglan.

1. Luzon- Visayas- Mindanao (malaki)L__________________________________________________________________________PH________________________________________________________________________PS________________________________________________________________________

2. pito- tambol, ambulansiya (malakas)L___________________________________________________________________________PH________________________________________________________________________PS_________________________________________________________________________

3. pusa- aso- tigre (matapang)L___________________________________________________________________________PH________________________________________________________________________PS________________________________________________________________________

4. kahoy- bulak- bakal (magaan)L__________________________________________________________________________PH_________________________________________________________________________PS________________________________________________________________________