5
PANPACIFIC UNIVERSITY NORTH PHILIPPINES Urdaneta City, Pangasinan Ikalawang Semestre, Taong Panuruan 2013-2014 URI NG PANANALIKSIK: Basic Research o Theoretical Research ito ay pananaliksik na para lamang sa pangkaragdagang kaalaman Ito ay nadisenyo upang madagdagan ang pag-unawa sa mga dating kaalaman ngunit walang partikular na layong praktikal !"ra#iano at $aulin, 2000% -ito ay pananaliksikpara malinang ang mga teorya at prinsipyo !Calderon at "on#ales, 1&&3% -ito ay ginagamit na pananaliksik sa sikolo'ikal at sosyolo'ikal na aspekto A!!lie" Research o Practical Research ito aypananaliksikna magkakaroon ng aplikasyon ng pure resear(' Tumutulongito sa paglutas ng mga ma)i)igat na isyu o suliranin sa lipunan at maisasaayos ang mga di-kasiya-siyang kondisyon -layunin nitong maisagawa, masu)ukan, at ma)igyan ng e)alwasyon ang paggamit ng teorya o kaalamang na)uo para sa paglutas ng pro)lema !"ay, 1&*+% A#si$o%& Pa%a%ali#si# o Actio% Research ito ay pananaliksik na may ma)ilisang solusyon ng pro)lema indi naman kinakailangang gamitin ang la'at ng prinsipyo ng ag'am para maka'anapng solusyon -ginagawa ito sa isang maliit lamang na aspekto da'il nais ma)igyan ng agarang solusyon ang kasalukuyang kalagayan o sitwasyon Palara'a% o (escri!ti)e Research )ini)igyang-pansin dito ang mga pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan ilalayon ng mga datos na ilarawan kung ano ang kasalukuyang nagaagnap sa mga suliraning kinaka'arap ng mga tao sa kanilang paligid E#s!eri*e%tal o E+!eri*e%tal )ini)igyang-diin dito ang 'ina'arap at kung ano ang mangyayari Isinagsagawa upang makita ang )isa ng isang )agay o kaisipang maaaring gamitin sa ating pang'ina'arap na )u'ay Pa%&#asa$sa$a% o Historical Researchsinasaklaw nito ang mga nakalipas na pangyayari Sinusuri ang pag-unlad, ang da'ilan na )agay- )agay at san'i at )unga Inaalam mula sa kasalukuyan, ang mga nakalipas ng pangyayari upang mailatag nang mga naging da'ilan o ugat nito Pa&aaral sa Isa%& Kaso o Case St,"$ ito nay isang malawak na pag- aaral sa aklat, pangyayari, karanasan, isang pasyente, isang kaso sa 'ukuman o kaya ay isang ma)igat na suliranin .akaunti lamang ang kasangkot narespondente kung i'a'am)ing sa i)ang uri ng pananaliksik Ge%etic St,"$ may kaugnayan ito sa ag'am at kaugaliang pantao da'il sinusuri ang ugnayan ng genes o pag-unlad ng )isang tao Pa*a*araa%& %a-a-ata$ sa !a*a%ta$a% o Nor*ati)e St,"$ laging may pinag'a'am-)ingang )atayan o norm sa mga resulta ng isinasagawang pag-aaral Sinusuri kung ang datos ay naka'i'igit o kay 'indi napantayan ang pangkala'atang pamantayan Ha*-i%&a%& Pa*a*araa% o Co*!arati)e St,"$ )agamat may pag'a'am)i)ng na nagaganap, ang pag'a'am)ing sa mga resulta a 'indi sa isang pamantayan o norm kundi sa i)apang resulta ng isinasagawang pag-aaral .adalasang ginagamitan ng tala'anayan pag'a'am)ing ng mga datos Beha)ioral Research may kaugnayan ito sa pag-aaral sa gawi o pag- uugali ng isang tao atay ito sa pag-aaral sa paniniwala na ang lay pangkaalaman nito ay nakuku'a sa pamamagitan ng maingat at sistematikong pagsukat at o)ser)asyon ng mga ginagawa ng mga tao ng layunin nito/y masu)ukan ang mga )atas na maaaring maipaliwanag, ma'ulaan o ma)igyan ng prediksiyong patungo sa pagkontrol ng gawi Phe%o*e%olo&ical Research ito ay pananaliksik )atay sa mga tao at ginagawa nila ayon sa kanilang iniisip ng pokus nito ay sa internal

Lecture Fil

Embed Size (px)

DESCRIPTION

try

Citation preview

PANPACIFIC UNIVERSITY NORTH PHILIPPINESUrdaneta City, PangasinanIkalawang Semestre, Taong Panuruan 2013-2014

URI NG PANANALIKSIK:

Basic Research o Theoretical Research- ito ay pananaliksik na para lamang sa pangkaragdagang kaalaman. Ito ay nadisenyo upang madagdagan ang pag-unawa sa mga dating kaalaman ngunit walang partikular na layong praktikal. (Graziano at Raulin, 2000)-ito ay pananaliksik para malinang ang mga teorya at prinsipyo. (Calderon at Gonzales, 1993)-ito ay ginagamit na pananaliksik sa sikolohikal at sosyolohikal na aspekto.

Applied Research o Practical Research- ito ay pananaliksik na magkakaroon ng aplikasyon ng pure research. Tumutulong ito sa paglutas ng mga mabibigat na isyu o suliranin sa lipunan at maisasaayos ang mga di-kasiya-siyang kondisyon.-layunin nitong maisagawa, masubukan, at mabigyan ng ebalwasyon ang paggamit ng teorya o kaalamang nabuo para sa paglutas ng problema. (Gay, 1976)

Aksiyong Pananaliksik o Action Research- ito ay pananaliksik na may mabilisang solusyon ng problema. Hindi naman kinakailangang gamitin ang lahat ng prinsipyo ng agham para makahanapng solusyon.-ginagawa ito sa isang maliit lamang na aspekto dahil nais mabigyan ng agarang solusyon ang kasalukuyang kalagayan o sitwasyon.

Palarawan o Descriptive Research- binibigyang-pansin dito ang mga pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan. Nilalayon ng mga datos na ilarawan kung ano ang kasalukuyang nagaagnap sa mga suliraning kinakaharap ng mga tao sa kanilang paligid.

Eksperimental o Experimental- binibigyang-diin dito ang hinaharap at kung ano ang mangyayari. Isinagsagawa upang makita ang bisa ng isang bagay o kaisipang maaaring gamitin sa ating panghinaharap na buhay.

Pangkasaysayan o Historical Research- sinasaklaw nito ang mga nakalipas na pangyayari. Sinusuri ang pag-unlad, ang dahilan na bagay-bagay at sanhi at bunga. Inaalam mula sa kasalukuyan, ang mga nakalipas ng pangyayari upang mailatag nang mga naging dahilan o ugat nito.

Pag-aaral sa Isang Kaso o Case Study- ito nay isang malawak na pag-aaral sa aklat, pangyayari, karanasan, isang pasyente, isang usapin o kaso sa hukuman o kaya ay isang mabigat na suliranin. Kakaunti lamang ang kasangkot na respondente kung ihahambing sa ibang uri ng pananaliksik.

Genetic Study- may kaugnayan ito sa agham at kaugaliang pantao dahil sinusuri ang ugnayan ng genes o pag-unlad ng bisang tao.

Pamamaraang nababatay sa pamantayan o Normative Study- laging may pinaghaham-bingang batayan o norm sa mga resulta ng isinasagawang pag-aaral. Sinusuri kung ang datos ay nakahihigit o kayay hindi napantayan ang pangkalahatang pamantayan.

Hambingang Pamamaraan o Comparative Study- bagamat may paghahambibng na nagaganap, ang paghahambing sa mga resulta ay hindi sa isang pamantayan o norm kundi sa iba pang resulta ng isinasagawang pag-aaral. Kadalasang ginagamitan ng talahanayan ng paghahambing ng mga datos.

Behavioral Research- may kaugnayan ito sa pag-aaral sa gawi o pag-uugali ng isang tao. Batay ito sa pag-aaral sa paniniwala na ang layuning pangkaalaman nito ay nakukuha sa pamamagitan ng maingat at sistematikong pagsukat at obserbasyon ng mga ginagawa ng mga tao. Ang layunin nitoy masubukan ang mga batas na maaaring maipaliwanag, mahulaan o mabigyan ng prediksiyong patungo sa pagkontrol ng gawi.

Phenomenological Research- ito ay pananaliksik batay sa mga tao at ginagawa nila ayon sa kanilang iniisip. Ang pokus nito ay sa internal, sikolohikal na kahulugan bilang gabay sa kanilang gawi na naglalarawan kung paano ang pag-unawa sa buhay at karanasan.-ito ay tinatawag dind theory-generated dahil sa paglinang ng teorya.-tinitingnan dito ang mga nangyayari sa mga penomenon o mga pangyayaring may kaugnayan sa paligid.

Communication Research- ito ay nakapokus sa pag-iimbestiga sa limang elemento ng komunikasyon:a. Control analysis (source)- pinag-aaralan ang mga salik na nakaaapekto sa pagganap ng tagapagsalita ayon sa kanyang kredibilidad, kakayahan, pagiging bihasa, pangangailangan at suliranin.b. Content analysis (message)- ito ay tungkol sa katangian mensahe, manipestasyon ng lawak ng paksa, pananaw at gamit ng teksto.c. Media analysis (channel)- ito yua tungkol naman sa bentahe ng media at pinansiyal na aspektod. Audience analysis (receiver)- ito ay tungkol sa gawi ng mga tagapakinig , lebel ng mga tagapakinig, interes, at ang tugo na manggagaling sa kanila.e. Impact analysis (effect)- ito ay tungkol naman sa kasalukuyang tungkulin ng media sa komunidad, sistema ng pagbibigay ng impormasyon, epekto ng telebisyon sa mga bata, motibo ng media, gamit ng media atbp.

Mga Bahagi ng Sulating Pananaliksik:1.Fly leaf2. Pahinang Pamagat3. Liham Pagkilala at Pagtanggap sa Pananaliksik Bilang Bahagi ng Kurso4. Talaan ng Nilalaman5. Fly leafKabanata 1. Ang Suliranina. Kaligiran ng Pag-aaralb. Paglalahad ng Suliraninb.1 Pangkalahatang Layuninb.2 Tiyak na Layunin/Katanunganb.3 Haypotesis c. Kahalagahan ng Pag-aaralKabanata 2. Metodolohiya sa Pag-aarala. Disenyo ng Pananaliksikb. Populasyon at Lugar ng Pananaliksikc. Kasangkapan sa Pangangalap ng DatosKabanata 3. Resulta at Diskusyon ng mga Datosa. Paglalahad ng Resulta at Paraan ng pagsusuri b. Pagpapakahulugan sa mga DatosKabanata 4. Buod, Kongklusyon at Rekomendasyona. Buod sa Resulta ng Pag-aaralb. Kongklusyonc. Rekomendasyon7. Fly leaf8. Talasanggunian8.1 Aklat8.2 Di-Nalathalang Tesis o Disertasyon8.3 Magasin8.4 Elektronikong hanguan9. Curriculum Vitae

Mga Hakbang sa Pananaliksik:

1.Pumili at maglimita ng paksa2.Magsagawa ng pansamantalang balangkas3.Magtala ng mga sanggunian o bibliograpiya4.Mangalap ng datos5. Bumuo ng konseptong papel6.Gumamit ng dokumentasyon

Kabanata 1: Ang Suliranin

Suliranin- ito ang pinakasentrong bahagi ng ng pananaliksik. Ito ang pinakaunang prosesong dapat gawin sa pagsasaliksik.-isang nararamdamang pangangailangan o isang katanunganng nangangailangan ng solusyon. Ito ang paglihis sa pagitan ng nalalaman at ng nais malaman bilang isang mananaliksik.- tumutukoy ito sa mga sitwasyon kung saan may nakikita kang gap o mpuwang sa pagitan ng aktuwal at nilaalyong estado.

Estratehiya sa pagkilala ng mga suliranin sa pananaliksik: a. Magbasa ng kaugnay na literaturab. Mag-surf sa internetc. Dumalo sa mga palihan o komperensiyad. Magtanong sa mga pantas o dalubhasae. Makipanayam sa mga gumagawa ng batas, polisiya o tuntuninf. Magtanong sa mga may karanasan hinggil sa disiplinang ginagawan ng pananaliksik

Ilang magandang indikasyong maaaring pagmulan ng suliranin:a. Kung may kakulangan o kawalan ng impormasyon na nagreresulta ng gap o ugnayan ng ating mga kaalaman;b. Kung may mga nagkokontrang resulta ng pananaliksik at gustong masuri kung alin ang mas matimbang sa mga resulta o nais mapatunayan;c. Kung katotohananng umiiral at gustong gumawa ng pananaliksik upang ipaliwanag ito.

Mga Dapat isaalang-alang sa pagpili ng suliranin:a. Bago o kayay hindi pa naiimbestigahan ang paksab. Kung naimbestigahan na ang paksa, maaaring pag-aralan pa ngunit sa ibang perspektiba, haypotesis, metodo o iba pang paraan ng pagsusuri mga datosc. May pagkukunan ng mga datosd. May mahalagang maidudulot ang mga magiging resulta ng pag-aaral ukol sa paksae. May kasapatan ng oras o panahon na maitatakda para sa pananaliksikf. May pagkukunan ng mga kagamitang. May interes sa tatalakaying paksah. May praktikalidad ito na maaaring may kaugnayan sa kaalaman, propesyon, o sa buhay mismo ng mananaliksiki. May sapat na kaalaman at kakayahan ang mananaliksik upang matapos ang pag-aaral

Katangian ng Suliranin (Calmorin at Calmorin, 2006):S- Specific ---------------------- tiyak na nailahad ang mga suliraninM- Measurable ---------------- madaling masukat sa pamamagitan ng mga instrumentong gagamitin sa pananaliksik sa pagkalap ng mga datosA - Attainable ----------------- kayang abutin sa pamamagitan ng paggamit ng mga teknik sa estadistika upang makuha ang tamang resultaR- Realistic -------------------- makatoohanan ang mga lumabas na resulta at hindi to dinayaT- Time-bound --------------- ang pagtatakda ng panahon o timeframe ay mahalaga sa bawat gawain. Dapat natatantiya ang guguguling oras sa pagsagawa ng pag-aaral sa napiling paksa o suliranin.

Maaaring paghanguan ng paksa para sa pananaliksik:a. Larangang kinabibilanganb. Pakikipag-ugnayang akademikoc. Pagbabasad. Mga kasalukuyang kalagayan o sitwasyon sa isang propesyon/larangane. Mga limbag o di-limbag na pag-aaral/pananaliksikf. Sariling karanasang. Mga teoryah. Mga natapos na pananaliksiki. Mga problemang praktikalj. Mga dyornal, aklat, tesis, disertasyon, mass mediak. Mga pagbabago sa larangan ng teknolohiyal. Kaibigan o propesorm. Ordinaryong pagpupulong, pakikipag-usap o diyalogo sa pamamagitan ng pakikinig

Haypotesis- ito ay pansamantalang paliwanag para sa mga tiyak na gawi o kaasalan, mga bagay na hindi pangkaraniwan o mga pangyayaring naganap o magaganap. (Gay, 1976)-isang intelihenteng hula sa maaaring kalalabasan ng sagot sa pananaliksik.-isang maaaring subuking pahayag tungkol sa potensiyal na ugnayan mg dalawa o mahigit pang baryabol. (McGuigan, 1978)

Tungkulin ng Haypotesis:1.Kinokondisyon nito ang kaisipan sa simula pa lamang ng pag-aaral.2.Isinasaayos nito ang susunod na hakbang ng imbestigasyon.3.Nakatutulong ito sa pagbibigay ng pormat para sa presentasyon, pagsusuri at interpretasyon ng mga datos na pag-aaralan.

Uri ng Haypotesis1.Walang Bisang Haypotesis (Null hypothesis)- ipinapalagay na walang pagkakaiba, walang relasyon, walang pagkakaugnay. Ang null ay nangangahulugang hindi nakikita o hindi totoo.2.Alternatibong Hypothesis (Alternative Hypothesis)- kadalassang batay sa teorya at kabaligtaran ito ng walang bisang haypotesis.

Halimbawa:

Pamagat: Integrasyon ng Computer Technology sa Pagtuturo ng Filipino ni Marilyn Brioso

Paglalahad ng SuliraninNilalayon ng pag-aaral na itona siyasatin ang integrasyon ng computer technology sa pagtutturo ng Filipino sa mga pribadong unibersidad sa Lungsod Baguio, Unang Semestre ng Panuruang Taon 2009-2010. (Pangkalahatang Layunin)

Nais tugunan ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na tiyak na suliranin: (Mga tiyak na Layunin)

1.Ano ang antas ng kakayahan ng mga guro ng Filipino sa paggamit ngmga sumusunod na piling computer application program?a. Word processorb. Electronic spreadsheetc. Presentation software d. Publishere. Web browserf. Electronic encyclopedia

***Paglalahad ng HaypotesisMay makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kakayahan ng mga guro ng Filipino sa paggamit ng mga piling compueter application program ayon sa mga sumusunod na salik ng unibersidad, antas ng edukasyong natamo, at bilang ng taon sa pagtuturo.

***

May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng integrasiyon ng computer technology sa pagtuturo ng Filipino ayon sa mga sumusunod na salik ng unibersidad, antas ng edukasyong natamo, at bilang ng taon sa pagtuturo.

Kabanata 2. Metodolohiya sa Pag-aaral

A. Disenyo ng Pananaliksik- tinatalakay ang ginamit na paraan ng manaanliksik sa pagsasagawa ng sulatin. Kasamang inilalahad sa bahaging ito ang dahilan ng pagkakapili ng naturang uri o paraan ng pananaliksik.B. Populasyon at Lugar ng Pananaliksik- naglalaman ito ng tiyak na bilang ng kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar at hangganan ng paksang tatalakayin sa pananaliksik pati na panahong sakop ng pag-aaral.

Mga katanungang dapat sagutin:Sino ang kasangkot sa pag-aaral?Ilan ang kasangkot?Paano sila pipiliin?Sample- tawag sa kumakatawan sa kabuuang populasyon o ang pagkuha ng bahagi mula sa isang malaking populasyon.

Uri ng Sampling:1.Probability SamplingRandom SamplingSystematic SamplingStratified samplingCluster SamplingMulti-stage Sampling2.Non-Probability SamplingPurposive samplingConvenience SamplingQuota SamplingSnowball Sampling

C. Kasangkapan sa Pangangalap ng Datos- inilalahad sa bahaging ito ng mananliksik ang mga detalye sa paraan ng pangongollekta ng datos na kinakailangan o ginamit upang matugunan ang mga suliraning ipinahayag sa pag-aaral.

Talatanungan (Questionnaire)- ginagamit ng mananaliksik kung saan ay isinusulat ang mga tanong at pinasasagutan ang sa mga respondante. Ito ang pinakamadaling paraan sa pagkalap ng datos.

Pakikipanayam (Interview)- ito ay maisasagawa kung posible ang interaksiyong personal.

Obserbasyon (Observation)- ito ay pagmamasid o pagmamalas sa sitwasyong pinag-aaralan. Ito ay maaaring gamitin sa mgadeskriptib o eksperimental na imbestigasyon pero hindi sa historikal na pag-aaral.

Kabanata 3. Resulta at Diskusyon ng mga Datos- napakahalaga ng bahaging ito dahil dito matatagpuan ang pagsusuri at analisis ng mga datosna nakalap. Dito matatagpuan ang pagbusisi sa lahat ng mga datos na nakalap upang masagot ang suliranin sa pananaliksik. Ito rin ang pinakamahabang bahagi sa sulating pananaliksik.

P- PresentasyonA- AnalisisI-Interpretasyon

A. Paglalahad ng Resulta at Paraan ng Pagsusuri- ipinipresenta sa bahaging ito ang ang resulta o kinalabasan ng pag-aaral upang mabigyan ng impormasyon ang mambabasa sa kung ano ang ginagawa mo. Sa pag-aanalisa naman, bibigyang-pansin ang ang mga pinakamahalagang natuklasan o resulta. Hindi mo lang basta inuulit kung ano ang makikita sa nailahad na talahanayan, grap o iba pang uri ng ginamit na presentasyon, kundi dapat masuri mo ang kahulugan o ipinapahiwatig ng mga bilang o grap sa presentasyon. Paraan sa Paglalahad ng Resulta at diskusyon:1. Paraang Tabyular/ Patalahanayan- angkop gamitin sa mga datos na ginagamitan ng estadistika o bilang. Ginagamit ito sa mga datos na kailangan ng tallying kaya tinatawag ding talligram.2. Paraang Grapikal- nagpapakita ito ng paghahambing o pagbabago ng mgadatos na naipapahayag sa isang epektibo at kapaki-paniwalang paraan.Halimbawa: Bar graph, Line graph, Pictograph, Pie graph, atbp.3. Paraang Tekstuwal- ginagamit ito upang ipaliwanag ang nilalaman ng talahanayan, grapiko o iba pang pagpapaliwanag sa figyur. Inilalahad dito ang mga puspusan o malalimang pagsusuri sa mga datos o kung hindi naman ay pagpapaliwanag sa mga pahayag. B. Pagpapakahulugan sa mga Datos- kailangan dito ang malalim na pagpapakahulugan sa mga naging resulta ng pag-aaral at ang mga dahilan kung bakit ganoon ang kinalabasan ng datos.Kabanata 4. Buod, Kongklusyon at RekomendasyonA. Buod sa Resulta ng Pag-aaralB. KongklusyonC. Rekomendasyon

Sanggunian: Lartec, J. et. al (2011). Instruksiyong Modyular sa Pananaliksik. Anvil Publishing House, Inc., Mandaluyong City, Philippines

Paksang saklaw ng Ikatlong Panahunang Pagsusulit (SEMI-FINAL):

Kabanata 1-4 ng pananaliksikUri ng PananaliksikUri ng Sampling

Pormat sa Sulating Pananaliksik:Font size- 11Font style- GaramondMargin- 1 inch Spacing- 2.0Bond paper (size)- shortPlastic folder COLOR:BLUE (BSIT-IA)VIOLET (BSIT-1B)WHITE (AET-2)ORANGE (BSEE/BSEE)RED (AIT-IA)YELLOW (AIT-IB)GREEN (BSCS-1)

Tandaan: MARSO 10, 2014- takdang-araw sa pagpasa ng proyekto