3
Ika-31 ng Marso, 2010 Kgg. RAMON “MONET” POSADAS Bokal, IKalawang Distrito ng Bulacan Ukol Sa: KAHILINGAN PARA SA PERSONAL NA PAGSANGGUNING-LEGAL UKOL SA ISANG LABIS NA NABALAM NA PROYEKTONG PAMBARANGAY Mahal na Bokal MONET, “NON QUIS, SED QUID” (NOT WHO BUT WHAT, NOT THE PERSON BUT THE DEED!) Nuo’y “WALANG KARAPATAN, ngayo’y WALA NAMANG PONDO! Ano ba talaga ang dahilan?” Lagi na lamang usaping legal o hadlang sa katuparan ng malaon nang mithiin ng aming barrio na suportahan ng lokal na mga kinauukulan ang CAINGIN STREETNAMING PROJECT dahil sa kawalan ng katungkulang pambarangay ng may akda nito - ang inyong abang lingkod. Tanggap ko ang kawalan sa kasalukuyan ng katungkulan sa aming barangay, ngunit hindi po sana dapat ito maging malaking hadlang o usapin upang magkaroon ng katuparan ang malaon nang mithiin ng aming barrio na magkaroon ng opisyal na pangalan ang bawat kalsada sa aming barangay. Labis na nakalulungkot na isipin na sa LABING SIYAM (19) na barangay sa bayang Bocaue ay sadyang ang aming barrio na lamang ng CAINGIN ang tanging wala pang pangalan ang mga kalye o maging ng mga esquinitas nito. Nakakaawang sabihin na NAPAG-IIWANAN ang aming barrio at tila wala nga yatang pagkakaisa ang mga mamamayan dito sa kabila ng mayroong isang taong walang ibang hinangad kundi makatulong sa barrio. Dapat sana’y matutunang tanggapin, mahalin at magpasalamat ng mga nakaluklok sa lokal na puwesto na may kagaya ko na hangad lamang ay makapag-ambag ng munting serbisyo sa mahal naming barrio. Sakaling loobin ng pagkakataong matuloy na nga akong makapagtrabaho sa ibang bansa at hindi pa nagagawa ang proyektong ito habang ako ay narito pa, ako ay labis na malulungkot na ako ay umalis at uuwing wala pa ring mga pangalan ang aming mga kalye sa barangay! Sa mahigit na LABING WALONG (18) TAONG singkad kong pagsisikap na magkaroon sana ng katuparan ang proyektong ito para sa aming mahal na barrio ay patuloy na nagiging usapin at hadlang ang kawalan ng legal na personalidad ng may-akda at may panukala ng pagawaing ito sa aming barrio. Bakit hindi tangkilikin at suportahan ang nasabing proyekto bunsod ng benepisyo, ginhawa at pagbabagong maidudulot nito sa mga mamamayan at sa aming barrio at huwag sanang gawing usapin o balakid ang “authorship” at “absence of legal personality” ng may-akda nito. Huwag maging hadlang sa kaunlaran! Barrio at mga mamamayan nito ang nagdurusa sa pagkakait ng pagkakataong malaon na sanang natuloy ang proyektong ito. Masasabi ring malaking pagkukulang at kasalanan sa barrio ang hindi suportahan ang proyektong ito ng mga nanunungkulan bunsod ng kanilang mga maramot na kaisipan at matayog na katauhan gayong salat sa tunay na malasakit at paninilbihan sa mga mamamayan. Umaasa po ako na inyo po sanang matulungang mapaliwanagan ang kaisipan ng ilan sa mga nanunungkulan sa ating pamahalaan nang sa gayo’y magkaroon nang katuparan ang malaon nang mithiin ito ng aming mga mamamayan para sa aming pamayanan. Maraming salamat po at pagpalain nawa kayong lagi ng ating Poong Maykapal! Lubos na Gumagalang, G. LHAREE S. NICOLAS May-Akda, CAINGIN STREETNAMING PROJECT Caingin, Bocaue, Bulacan +639239062577 * +639176068039

LIHAM KAY GOV. WILLY SY-ALVARADO AT BOKAL MONET POSADAS

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: LIHAM KAY GOV. WILLY SY-ALVARADO AT BOKAL MONET POSADAS

Ika-31 ng Marso, 2010

Kgg. RAMON “MONET” POSADAS Bokal, IKalawang Distrito ng Bulacan

Ukol Sa: KAHILINGAN PARA SA PERSONAL NA PAGSANGGUNING-LEGAL UKOL SA ISANG LABIS NA NABALAM NA PROYEKTONG PAMBARANGAY

Mahal na Bokal MONET,

“NON QUIS, SED QUID” (NOT WHO BUT WHAT, NOT THE PERSON BUT THE DEED!)

Nuo’y “WALANG KARAPATAN, ngayo’y WALA NAMANG PONDO! Ano ba talaga ang dahilan?”

Lagi na lamang usaping legal o hadlang sa katuparan ng malaon nang mithiin ng aming barrio na suportahan ng lokal na mga kinauukulan ang CAINGIN STREETNAMING PROJECT dahil sa kawalan ng katungkulang pambarangay ng may akda nito - ang inyong abang lingkod.

Tanggap ko ang kawalan sa kasalukuyan ng katungkulan sa aming barangay, ngunit hindi po sana dapat ito maging malaking hadlang o usapin upang magkaroon ng katuparan ang malaon nang mithiin ng aming barrio na magkaroon ng opisyal na pangalan ang bawat kalsada sa aming barangay.

Labis na nakalulungkot na isipin na sa LABING SIYAM (19) na barangay sa bayang Bocaue ay sadyang ang aming barrio na lamang ng CAINGIN ang tanging wala pang pangalan ang mga kalye o maging ng mga esquinitas nito.

Nakakaawang sabihin na NAPAG-IIWANAN ang aming barrio at tila wala nga yatang pagkakaisa ang mga mamamayan dito sa kabila ng mayroong isang taong walang ibang hinangad kundi makatulong sa barrio. Dapat sana’y matutunang tanggapin, mahalin at magpasalamat ng mga nakaluklok sa lokal na puwesto na may kagaya ko na hangad lamang ay makapag-ambag ng munting serbisyo sa mahal naming barrio. Sakaling loobin ng pagkakataong matuloy na nga akong makapagtrabaho sa ibang bansa at hindi pa nagagawa ang proyektong ito habang ako ay narito pa, ako ay labis na malulungkot na ako ay umalis at uuwing wala pa ring mga pangalan ang aming mga kalye sa barangay!

Sa mahigit na LABING WALONG (18) TAONG singkad kong pagsisikap na magkaroon sana ng katuparan ang proyektong ito para sa aming mahal na barrio ay patuloy na nagiging usapin at hadlang ang kawalan ng legal na personalidad ng may-akda at may panukala ng pagawaing ito sa aming barrio. Bakit hindi tangkilikin at suportahan ang nasabing proyekto bunsod ng benepisyo, ginhawa at pagbabagong maidudulot nito sa mga mamamayan at sa aming barrio at huwag sanang gawing usapin o balakid ang “authorship” at “absence of legal personality” ng may-akda nito.

Huwag maging hadlang sa kaunlaran! Barrio at mga mamamayan nito ang nagdurusa sa pagkakait ng pagkakataong malaon na sanang natuloy ang proyektong ito. Masasabi ring malaking pagkukulang at kasalanan sa barrio ang hindi suportahan ang proyektong ito ng mga nanunungkulan bunsod ng kanilang mga maramot na kaisipan at matayog na katauhan gayong salat sa tunay na malasakit at paninilbihan sa mga mamamayan.

Umaasa po ako na inyo po sanang matulungang mapaliwanagan ang kaisipan ng ilan sa mga nanunungkulan sa ating pamahalaan nang sa gayo’y magkaroon nang katuparan ang malaon nang mithiin ito ng aming mga mamamayan para sa aming pamayanan.

Maraming salamat po at pagpalain nawa kayong lagi ng ating Poong Maykapal!

Lubos na Gumagalang, G. LHAREE S. NICOLAS May-Akda, CAINGIN STREETNAMING PROJECT

Caingin, Bocaue, Bulacan +639239062577 * +639176068039

Page 2: LIHAM KAY GOV. WILLY SY-ALVARADO AT BOKAL MONET POSADAS
Page 3: LIHAM KAY GOV. WILLY SY-ALVARADO AT BOKAL MONET POSADAS